A sermon series based on the Gospel of Luke
Derick Parfan
THE STORY OF JESUS And His Mission to Seek and Save the Lost
Pastor, Baliwag Bible Christian Church
Introduction: A True Story (1:1-4) June 23, 2013 Inasmuch as many have undertaken to compile a narrative of the things that have been accomplished among us, 2just as those who from the beginning were eyewitnesses and ministers of the word have delivered them to us, 3it seemed good to me also, having followed all things closely for some time past, to write an orderly account for you, most excellent Theophilus, 4that you may have certainty concerning the things you have been taught (ESV). 1-3Kagalang-galang
na Teofilus: Marami na ang sumulat tungkol sa nangyari rito sa atin. Isinulat nila ang tungkol kay Jesus, na isinalaysay din sa amin ng mga taong nangaral ng salita ng Dios at nakasaksi mismo sa mga pangyayari mula pa noong una. Pagkatapos kong suriing mabuti ang lahat ng ito mula sa simula, minabuti kong sumulat din ng isang maayos na salaysay para sa iyo, upang lubusan mong matiyak na totoo ang mga aral na itinuro sa iyo. (ASD)
Why this series Kung napanood mo ang movie series na Star Wars inunang ipalabas ang Episodes 4, 5, and 6. Ano naman ang kuwento na nauna doon? Ipinalabas naman ang Episodes 1-3. Kung napanood mo ang Batman, Spiderman o Superman, karaniwan ganoon din. Magtatanong ka o mapapaisip kung paano ba ito nagsimula. Kasi gusto mong malaman kung bakit sila naging ganoon. Lord of the Rings ganoon din. Kaya recently pinalabas ang The Hobbit para ipakita kung saan nagsimula ang kuwento. Di ba tayo rin noong lumalaki na tayo tinanong din natin ang parents natin, “Tell me your love story. Paano nagsimula?� Tinatanong natin kasi may personal concern tayo. Kung hindi nagkatuluyan ang parents mo, di wala ka ngayon. Sa approach natin sa Word of God, mas higit ang personal concern natin dito. Sa pag-aaral natin ng Book of Acts, natutunan nating ang sentro ng church natin ay dapat si Cristo. We are a Jesus-Centered Church. Siya ang sinasamba natin. Salita niya ang pinakikinggan natin. Utos niya ang sinusunod natin. Kung ano ang misyon niya iyon din ang misyon natin. Ngayon naman, titingnan natin hindi kung ano ang susunod sa
Book of Acts, kundi kung ano ang nauna. Kaya pagkatapos ng The Story of God’s Church tingnan natin kung saan ba nagsimula ang church. We will look at The Story of Jesus for the next several months (one year?). Hindi natin pwedeng ihiwalay ang kuwento ng Church sa kuwento ni Jesus. Hindi pwedeng paghiwalayin ang Book of Acts sa Gospel of Luke. Volume 1 and 2 iyan ng isang author. Hindi lang pansin kasi sa Bible natin may nakapagitan na Gospel of John. Sinulat pareho iyan ni Luke at naka-address kay Theopilus (Luke 1:3; Acts 1:1). Itong Gospel of Luke ang tinutukoy niya sa Acts 1:1 na “the first book.” Nagsimula ang Acts (1:1-14) kung saan nagtapos ang Luke 24:44-53). Isinalaysay sa parehong talatang iyon kung paanong nagpakita si Jesus sa mga disciples niya matapos siyang mabuhay na muli, kung paanong ipinahayag ni Jesus sa kanila na sila ang mga saksi niya mula sa Jerusalem hanggang sa dulo ng daigdig, na meron silang aabangang pagdating ng Espiritu gaya ng ipinangako ng Ama, kung paanong nakita nila si Jesus na umakyat pabalik sa kanyang Ama sa langit, at kung paanong ang mga tagasunod niya ay masayang bumalik sa Jerusalem at patuloy na nagtipon para sumamba sa kanya. Ipinapakita nito na hindi natin pwedeng pag-aralan ang Acts nang hiwalay sa Luke.
The Story Para kay Luke, ang kuwentong ito ay “tungkol sa mga nangyari rito sa amin.” Hindi lang ito basta nangyari kundi bilang katuparan (“accomplished,” ESV) ng misyon kung bakit naparito si Jesus, “to seek and save the lost” (19:10). Kuwento ito ng Diyos na sa simula’t simula pa ay naghahanap at lumalapit sa mga tao para iligtas sila, Diyos na hindi naghihintay na ang tao ang lumapit sa kanya. Ito ang kuwento ng katuparan ng mga pangako ng Diyos sa Old Testament at mga propesiya tungkol sa pagliligtas na gagawin ng Diyos. Ito yung kuwento na nagsasabi na ang pagdating ni Jesus ay “mission accomplished!” Ito ang kuwento ng mga bagay na sinumulang gawin at ituro ng Panginoong Jesus (Acts 1:1), na ngayo’y ipinagpapatuloy natin hanggang sa muli niyang pagparito.
Paano isinalaysay ni Luke ang kuwentong ito?1 Jesus was Born (1:5–2:52). Ang kanyang pagdating at kapanganakan, ayon sa mga anghel na nagpagkita sa mga pastol, ay itinuturing na “good news of great joy that will be for all the people. For unto you is born this day in the city of David a Savior, who is Christ the Lord” (2:10-11). Nang makita siya ni Simeon nang ihahandog siya ng kanyang mga magulang sa Panginoon sa templo, sabi niya sa Diyos, “My eyes have seen your salvation that you have prepared in the presence of all peoples, a light for revelation to the Gentiles, and for glory to your people Israel” (2:30-32). Jesus Prepares for His Ministry (3:1–4:13). Jesus Ministers in Galilee (4:14–9:50). Nang humarap na siya sa mga tao sa pasimula ng kanyang public ministry, binasa niya ang sinasabi ni Propeta Isaias at sinabing siya ang katuparan nito (4:21), “The Spirit of the Lord is upon me, because he has anointed me to proclaim good news to the poor. He has sent me to proclaim liberty to the captives and recovering of sight to the blind, to set at liberty those who are oppressed, to proclaim the year of the Lord's favor” (4:18-19). Ganoon nga ang ginagwa niya. Nagpagaling siya, bumuhay ng patay, nagpalayas ng mga demonyo at gumawa ng mga kamangha-manghang himala. Lahat ito ay magpapatunay na totoo ang mga itinuturo niya tungkol sa kaharian ng Diyos. Tinawag niya ang mga tao na sumunod sa kanya. May mga sumunod, may mga tumanggi. Jesus Ministers on the Way to Jerusalem (9:51–19:44). Ganunpaman, buo ang loob ni Jesus na tapusin ang misyon niya. Kahit dumarami na ang mga tumutuligsa sa kanya patuloy pa rin siya sa misyon niya tulad ng sabi niya kay Zaccheus, “For the Son of Man came to seek and to save the lost” (19:10). The lost – hindi lang sa Israel kundi sa buong mundo. Jesus Ministers in Jerusalem (19:45–21:38). Jesus Died and Rose Again (22:1–24:53). Akala ng mga kaaway niya natalo nila si Jesus nang ipapatay nila. Pero ang totoo, iyon naman This outline is from Gordon D. Fee and Douglas Stuart, How to Read the Bible Book by Book: A Guided Tour (Manila, Philippines: OMF Literature, 2002), 290-295. 1
talaga ang plano ng Diyos simula’t simula pa. Jesus came to save us by dying on the cross for us. Mission accomplished. Nabuhay siyang muli para ipakitang he was victorious over sin and death. Jesus’ mission on earth ends and was accomplished in Jerusalem. The Church’s mission starts in Jerusalem and will be accomplished when we reached the ends of the earth (Acts 1:8). This is “The Story of Jesus: And His Mission to Seek and Save the Lost.”
The Story-Tellers Ganoon naman ang ginagawa ng mga disciples niya simula’t simula pa. Kung merong “Story” at ito’y tungkol sa mga ginawa ni Jesus, meron din namang “Story-Tellers.” Sinu-sino iyon? Ito iyong sinasabi ni Luke na “those who from the beginning were eyewitnesses and ministers of the word have delivered them to us” (1:2). Kung papansinin natin kung saan nagsimula ang Gospel of Luke, malamang kasama sa mga ito si Mary na siyang ina ni Jesus. Maaaring ang kuwento ng kapanganakan ni Jesus at nang kanyang pagkabata ay galing kay Maria. Kung ano ang nakita niya, naexperience niya bilang nanay ng Diyos na nagkatawang-tao, iyon ang ikinuwento niya. “Mary treasured up all these things, pondering them in her heart” (2:19). At siyempre kasama din dito ang mga apostles, na sa tatlong taong ministeryo ni Jesus ay palagi niyang kasama. Nakita nila ang mga himala ni Jesus. Narinig nila ang mga salita niya. Nakita nila kung anong klaseng tao si Jesus. At kung ano ang nakita nila, iyon ang ikinuwento nila. Nung sabihin niya sa kanila bago siya bumalik sa langit, “You are witnesses of these things” (24:48), sinabi niya yun hindi para sabihin lang kung ano ang nakita nila kundi para paalalahanan sila na may responsibilidad sila na ipamalita si Jesus sa ibang tao. “You shall be my witnesses” (Acts 1:8). Kaya nga dito sa Luke, tinawag silang hindi lang “eyewitnesses” kundi “ministers of the word” also. Hindi lang sila spectators or audience. They are servants na may tungkuling ipinagkatiwala ng Panginoon para tulungan ang mga taong kailangang makarinig nito.
Salamat sa Diyos kasi hindi sila nanahimik lang. Isipin na lang ninyo kung iyong mga nakakita sa nangyari hindi ipinagsabi kung ano ang totoong nangyari. Halimbawa, nung nakulong si Marvin kasi iyong naaksidente sa motor ay namatay pagkatapos silang mahagip sa tricycle. May nakakita, pero ayaw magsalita. Kung sino naman iyong hindi nakakita, siya ang nagkukuwento nang kung anu-ano. At kung pipiliin nating lahat na nakakita o nakarinig o nakakakilala kay Jesus na ipagsabi kung ano talaga ang nangyari, di ba’t maraming makakalaya sa kanilang pagkakakulong sa buhay na hiwalay sa Diyos? Kung nanonood kayo ng NBA Finals, lalo na ang Games 6 and 7 na laban ng Miami Heat at San Antonio Spurs, mas maiintindihan n’yo ‘to. Milyun-milyon ang nanonood. Kung ano nakita nila, ano ang score, sino ang nakashoot, sino ang nananalo, mapapansin mong naka-post na agad sa Facebook nila. Magandang kuwento nga naman iyan. But it is not lifechanging. It will not change the world. Hindi rin magtatagal iyan. Pero ang kuwento tungkol kay Jesus – life-changing, world-changing – hindi kukupas. Iyan ang kuwentong ipinagkakalat. Sadly, maraming tameme lang pagdating dito. Di tulad ng mga nakakita kay Jesus noon. They “delivered” the story to others. Nakarating din kay Luke. Kasi ang kuwentong ito ay napakaimportante, it is so precious not to deliver to others. Na para bang sinasabi nila, “They need to have this. We will do whatever it takes to deliver this to them.”
The Story-Writers Kaya naman, sa prosesong iyon, mahalaga rin ang mga “storywriters.” Ito yung sinasabi ni Luke na “many have undertaken to compile a narrative” (1:1). Siyempre kung oral tradition, oo nga’t magpapasa-pasa iyan, pero kapag tumatagal nagkakaroon ng iba’t ibang versions. Kaya merong mga apostles tulad nina Matthew at John (later than Luke) ang nagsulat. Si Mark naman, isinulat iyong Gospel niya gamit ang kuwento ni Peter. Kasi naman, kung napakaimportante nito, kailangang isulat para ma-preserve, para di mawala, para di makalimutan, para di mabago ang kuwento. Kapag may ipapabili ang asawa ko sa akin sa palengke, isusulat iyan para
di makalimutan. Kung maraming may utang sa inyo, isusulat mo din. Para di magkalimutan. Kapag ikakasal, may nakasulat at pipirmahang marriage contract para may katibayang panghahawakan. Isinusulat natin ang isang bagay na mahalaga to preserve it. Para magpakita ng ebidensiya na totoo ang isang bagay. Although meron din namang ibang version na lumalabas tulad ng Gospel of Judas o Gospel of Thomas na di naman sila talaga ang sumulat, madaling machecheck na mali ito kasi merong iba pang nakasulat at nakabatay sa testimony ng mga nakakita, hindi gawa-gawa lang. Salamat sa Panginoon at nakasulat ito at nakasalin pa sa lenggwaheng maiintindihan natin. Salamat din at makatitiyak tayo na hindi ito pineke, kundi totoo ang mga nakasulat dito. Salamat din at nakakabasa tayo, kaya samantalahin natin at pag-igihan ang pagbasa nito.
Luke the Story-Writer Bakit naman natin pag-iigihan? Kasi kung paanong sinulat ito ay hindi basta-basta. Sabi ni Luke, kahit may iba na na mga nakasulat tungkol kay Jesus, “it seemed good to me also, having followered all things closely for some time past, to write an orderly account” (1:3). Hindi niya minadali ang proseso. Nag-imbestiga siya. Nag-interview siya ng mga eyewitnesses (like Mary and the apostles). Tiningnan niya ang mga nakasulat na. Tiningnan niya din ang mga historical records. Sa pagsusulat niya, he is making sure that there is integrity here in the story. Na hindi gawa-gawa lang, hindi kuwentong barbero lang. Kundi totoo, totoong kuwento. Kung ang Luke-Acts ay isa lang ang sumulat, malamang na siya ay companion ni Paul sa mga missionary journeys niya. Kasi mapapansin n’yo sa Acts na sinasabi ng author na kasali siya sa missionary journeys ni Paul, kung saan sila nagpunta, kung ano ang ginawa nila. Tinawag din siyang “beloved physician” (Col. 4:14) ni Paul at malamang dahil sa medical conditions ni Paul si Luke ang personal doctor niya. At kahit nakakulong na si Pablo, siya pa rin ang tumutulong sa kanya (2 Tim. 4:11). Tinawag siya ni Pablo na “my fellow worker” (Phm. 24). Ang point ko dito ay para ipaalala sa inyo na si Luke ay hindi lang
basta writer. He was writing this with a purpose in mind. He was a missionary and committed to spreading the word of God.
Theophilus the Story-Reader Para kanino? Sabi sa introduction, “for you, most excellent Theophilus” (1:3; cf. Acts 1:1). Hindi natin masyadong kilala itong si Theophilus na ang ibig sabihin ng pangalan ay “lover of God.” Malamang isa rin siyang Gentile (non-Jew) na katulad ni Luke. Pero dahil sa title na ginamit niya dito para sa kanya na “most excellent” malamang na siya ay isang mayaman, maimpluwensiyang tao, maaaring high-ranking government official. Ganito rin ang gamit ni Paul para sa mga gobernador na sina Felix (Acts 24:3) at Festus (26:25). Kahit sa kanya naka-address ito hindi ibig sabihin na para lang sa kanya. Maaaring just a form of dedication o kaya naman ay si Theophilus ang sponsor para maipublish ang sulat ni Luke. Hindi lang kay Theophilus, kundi para sa lahat ng tao. Kung papansinin n’yo ang sulat niya concern siya sa pagkakaligtas ng mga hindi Judio at ng iba’t ibang bansa (kasama tayo dun). Concern din siya sa mga mahihirap, sa mga babae, sa mga inaapi sa lipunan. Ibig sabihin, ang sulat na ito ay para sa lahat sa atin. Dahil lahat naman tayo ay kailangang makilala si Jesus. Kailangang magkaroon tayo ng matibay na pananalig sa kanya, kumpiyansa na ang pinaniniwalaan natin ay totoo at hindi tayo bibiguin.
A True Story Malinaw na sinabi ni Luke na isa ito sa main purposes ng pagkasulat niya, “that you may have certainty concerning the things you have been taught” (1:4). Parang sinasabi niya, “Oo nga’t narinig mo na ang mga ito. Meron nang nagturo sa iyo. Pero sinulat ko ito para makatiyak ka, para tumibay ang pananampalataya mo.” Ang word na “certainty” ay ginagamit din sa isang tao na nasa kulungan at hindi makakalabas. Na parang ang idea ay ipakita na kung ano man ang pinaniniwalaan natin na totoo tungkol kay Cristo, wag na tayong lumayo o lumabas dun. Na kung sino siya, ano ang mensahe niya, ano ang mga himalang ginawa niya, ano ang misyon niya, at kung kanino ipinagkatiwalang ipagpatuloy ang misyong ito, iyon na iyon, wag na nating baguhin.
Kaya mahalaga na sa pag-aaral natin ng series na ito linggulinggo, o kung pag-uusapan n’yo sa bahay, o kung ikukuwento n’yo sa iba, o kung pag-aaralan natin ng personal araw-araw, na ituring natin ito na hindi lang basta isinulat ni Luke, kundi ito mismo ay salita ng Diyos, galing sa Diyos at ibinibigay para sa atin. All Scripture (including Luke!) is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be competent, equipped for every good work (2 Tim. 3:16-17). No prophecy of Scripture comes from someone's own interpretation. For no prophecy was ever produced by the will of man, but men (like Luke!) spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit (2 Pet. 1:20-21). And we also thank God constantly for this, that when you received the word of God, which you heard from us (including Luke), you accepted it not as the word of men but as what it really is, the word of God, which is at work in you believers (1 Thess. 2:13).
Preparing Yourself Ngayon, kung ang mga pag-aaralan natin sa Luke sa series na ito ay kuwentong tungkol kay Jesus at ito’y salitang galing sa Diyos na ibinigay para sa atin, paanong paghahanda ang dapat nating gawin dito? Read this Story repeatedly. Hindi dito pwede iyong pahapyaw lang o isang basahan lang. Dapat para tayong mga bata tulad ng anak ko, nagustuhang panoorin ang Cars 1 and 2, ayun paaulit-ulit pinapanood, hindi nagsasawa. Ganoon din sa atin, uulit-ulitin natin ito para pumasok talaga sa isip at puso natin. Hindi ba’t ganoon ang strategy ng mga commercials na napapanood natin? Napapabili tuloy kayo ng produkto nila. Ang gagawin ko, every Sunday, sasabihin ko kung ano ang susunod na story sa Luke na pag-aaralan natin tapos babasahin babasahin natin yung passage na iyon at least once everyday simula Lunes hanggang Sabado. Next week ay Luke 1:5-56. Kung medyo techie kayo pwede sa mobile phone o sa iPad n’yo basahin. O kung wala kayong hilig magbasa, pwede ring pakinggan (audio Bible). Tatlong oras lang matatapos n’yo ang Gospel of Luke. Pwede habang naglalaba o nakasakay sa bus.
Tapos may isang passage diyan na kakabisaduhin natin. Sasabihin ko next week kung ano at every Sunday icheck natin kung nakabisado natin. Believe this Story confidently. We don’t just read and listen, we believe. Yung mga taong nakakarinig sa mga salita ni Jesus, namamangha. “And all spoke well of him and marveled at the gracious words that were coming from his mouth” (4:22). “And they were all amazed and said to one another, ‘What is this word? For with authority and power he commands the unclean spirits, and they come out!’” (3:36). Pero marami din naman sa kanila hindi naniniwala. Kung anong mapakinggan natin arawaraw, paniwalaan natin. Kasi ito ay totoong salita ng Diyos. Let this Story change your life daily. Masasabi lang na naniniwala tayo sa salita ng Diyos kung hinahayaan nating ito ang bumago sa buhay natin. Naalala n’yo ang kuwento ni Jesus na Parable of the Soils? Merong butong naihagis sa batuhan, sa matinik, at sa daanan. Hindi nagtagal, hindi namunga. Pero ang naihagis sa matabang lupa, iyon ang tumubo at namunga. Iyon ang gusto ng Diyos na response natin sa salita niya. Hindi tagapakinig lang. Alam ito ng kapatid ni Jesus na si James, kaya sinabi niya sa sulat niya, “But be doers of the word, and not hearers only, deceiving yourselves” (1:22). So I encourage you to have at least two friends that will hold your life accountable. Iyon bang matiyak na nakakasunod ka sa salita ng Diyos. Tulad na lang ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Magtetext sa iyo at magpapaalala. Tatanungin ka. Ipapanalangin ka. Sino iyong dalawang kaibigang iyon para sa iyo? Let this Story change the life of others through your testimony. Kung totoong kuwento ito at kuwentong bumago at bumabago sa buhay mo, hindi ba’t hindi naman tamang sarilinin mo lang? Kung ang misyon ni Jesus ay iligtas ang mga tao at baguhin ang buhay natin, hindi ba’t ganoon din ang misyon natin? So I encourage you throughout this sermon series na pag-isipan hindi lang kung paano susunod sa salita ng Diyos kundi kung paanong ang mga kaibigan mong wala pa kay Cristo ay makilala din siya. Pray for three friends or family members whom you want to share this life-changing story. At least once a
week man lang mabanggit natin sila sa panalangin at gumawa tayo ng paraan para maikuwento natin ito sa kanila. I’m excited to have this journey with you. I pray that you also have this same excitement.