UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES BAGUIO
2015-2016
STUDENT COUNCIL U N I V E R S I T Y
YVES PETER CARLO MEDINA Chairperson
LANCE GARCIA Vice-Chairperson
ABDIEL ORBON
MICHAELANGELO MEDINA
First Year Desk Head
Sports Committee Head
DEXTER JOHN MONJE Gender Desk Head
ZYKA BULAN
Nationalist Corps Head
NED TUGUINAY
Indigenous Peoples and Cultural Desk Head
LEVY LLOYD ORCALES
Basic Students Services Committee Head
GIOVAHNN BAUTISTA
NADYA HAMAWY
Environmental Desk Head
Finance Committee Head
CHRISTIAN ROMAN
MYCAH HELENA MUTYA
Volunteer Corps and Special Events Head
Secretary General and Publications Committee Head
JERICHO VIDAD
ACE MAALIHAN
ARVIN TAMONDONG
JOSEPH BAUTISTA LUCKY BAULA
EDISON DEUS KENNEDY CAABAY
PIA VELASQUEZ EDCEL CANLAS
College of Science Representatives
College of Arts and Communications Representatives
College of Social Sciences Representatives
Spokesperson
Spokesperson
Spokesperson
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES BAGUIO ORGANIZATIONAL STRUCTURE AND DIRECTORY
History of UP Baguio Three years after having been granted the status of autonomous college, the UPCB (UP College of Baguio) is now the seventh constituent university of the UP system. The BOR (Board of Regents) approved on December 2, 2002 the proposal to elevate UPCB to university status. The UPCB was then renamed UP Baguio and position itself as the regional university of UP in Northern Luzon. UP Baguio traces its beginnings to a branch of the UPB College of Liberal Arts that was established in Vigan, Ilocos Sur in 1921. In 1937, this branch was transferred to Baguio as the College of Arts and Sciences (CAS). The outbreak of WW1 spelled the untimely demise of the College, as the military operations destroyed numerous government buildings and facilities, including those being used by fledging unit. Efforts to re-establish the unit gained momentum in the 1960’s through the zeal and initiative of alumni based in Baguio and Benguet. A site at the goverment center was provided by the government and Php 100,000 was appropriated by the BOR for the construction of the first building. On April 22, 1961, the UP at Baguio was inaugurated as a degree-granting unit of the University of the Philippines From the beginning, it has committed itself to the ideal of responding to the academic and development requirements of the region. In 1986, when the college celebrated its silver Jubilee, it has adopted committment to the Region, Service to the Nation as its slogan. Since then, it has strengthened the regional trust of its teaching, research, and extension service programs without necessarily losing sight of the larger concerns of the nation.At present, UP Baguio is known for its specialization in research and study particular in Cordilleran Culture. As the 7th constituent university of the UP system, UP Baguio operates five academic units namely, College of Arts and Communication, College of Science, College of Social Sciences, Institute of Management and Program of Human Kinetics. The colleges are headed by each respective dean, the Institute of Management by a director and the Program of Human Kinetics by a coordinator.
(c)Jericho Vidad
What is STS? STS or Socialized Tuition System was implemented last 2014. It was approved by the Board of Regents or BOR (Highest policy-making body of the University) last 2013 to replace the then 24-year old socialized tuition scheme of UP known as STFAP (Socialized Tuition and Financial Assistance Program). STS was a product of the trend of reforms to the socialized tuition scheme in UP since 1989. It was deemed to answer the critique of the students to the long and tedious application process, mismatches between assigned brackets and the actual financial capacity of the students, and inadequate benefits for those in the lowest income bracket and at the same time, the same response to the decade-old critique of the students to the system of tuition socialization in itself. The major changes in the tuition system included the simplifying of the basis for assignment of tuition brackets, inflation adjustment of income cut-offs for bracketing, increase in monthly stipend of students belonging to low income households and streamlining of bracket assignment and appeal process. This new way of implementation for UP’s socialized tuition also shortened the application process in a compressed application form that should be filled up online and removed the requirement of passing supporting documents i.e. ITR, electric and water bills, sworn statement.
What is The Academic Calendar Shift? The academic calendar shift, just like STS was approved by the BOR. It was implemented last year shifting the academic calendar of the UP System from June-October to August-December and from November-April to January-May. According to UP President Alfredo Pascual, “The decision to shift the academic calendar is part of the continuing efforts of UP to develop into a regional and global university and to maximize the opportunities offered by ASEAN integration and global educational partnerships.” The shift was also bunked with the purpose of strengthening exchange programs both in the students and faculty members with partner universities. Aside from UP, some private HEIs (Higher Education Institutions) like UST, DLSU and ADMU had approved and also shifted their calendar.
What is SAIS? The Student Academic Information System (SAIS) serves the principal purpose of managing data relevant and related to the students of the university. In relation to UP Baguio, this computerized system not only concern and cover the information of the undergraduate constituents of the school, but also that of the faculty and alumni. SAIS was first launched in the year 2013 by the eUP team through UP Manila and Open University. The same group went to UP Baguio to hold its first three-day Workshop on Change Management, and Data Conversion and Migration in the campus, in September of the same year. Today, SAIS is somewhat considered the new form of the Computerized Registration System (CRS), which had been used for the online pre-enlistment of subjects and viewing of grades for the past years. In the General Registration for the Mid Year 2014 – 2015 and Academic Year 2015 – 2016, the constituents of the university were instructed to use the SAIS. In addition, the freshmen of 2015 are the first batch in UP Baguio to handle the SAIS for their enrolment.
What is NSTP? Ang lahat ng Isko/Iska ay kailangang mag-NSTP o National Service Training Program ng dalawang semester dahil ito ay bahagi ng lahat ng kurikula natin. Ang dating porma ng NSTP ay ROTC o Reserve Officers Training Corps. Ngunit, dahil nakita ng UP na wala nang pangangailangan upang magtrain ng mga Isko/Iska para sa giyera, hinati ang NSTP sa tatlong parte: Ang ROTC, CWTS (Civic Welfare Training and Service) at LTS (Literacy Training Service). Ang NSTP 1 ay mostly lectures and seminars to get you ready for NSTP 2. Ituturo sa inyo ang first aid skills, iba’t ibang drills like earthquake, fire etc. Iba’t ibang seminars o lectures rin ang magtuturo sa inyo tungkol sa ating environment, issues at marami pang iba. Sa NSTP 2, maaari ka na makapili sa tatlong uri ng NSTP. ROTC deals mostly with military stuff like combat, rifle handling, self-defense etc. CWTS deals with service through the community. Samantalang ang LTS naman ay nilikha upang turuan nating mga isko/iska ng literacy at numeracy skills ang mga kabataan sa elementarya at sekondarya, out-of-school youth at iba pang sector ng lipunan na nangangailangan ng serbisyo. Sa tatlong ito, naisasakatuparan natin sa maagang panahon ang paglingkod sa sambayanang nagpapaaral sa atin.
UPB OFFICES you need to need to knoW Office of the University Registrar (OUR) Matatagpuan sa hallway ng IB. Dito ka pupunta sa lahat ng bagay na may kinalaman sa admission. Dito ka rin didiretso sa pagpapachange matriculation, add matriculation, pagpagawa ng ID, paghingi ng kopya ng grades, lostand-found at marami pang iba. Office of Scholarship and Financial Assistance (OSFA) Matatagpuan sa 2nd floor ng Alumni Center Building. Ang opisinang ito ang may hawak sa isa sa pinakamahalagang kailangan natin – ang mga scholarship programs. Maaari rin ditong pumunta kapag may katanungan sa STS, loan programs, tuition refunds at ilan pang bagay na may kinalaman sa financial aids.
Program of indigenous Cultures (PIC) Matatagpuan sa ibaba ng Alumni Center Lobby. Sadyang kinikilala nating mga taga-UP ang yabong at halaga ng ating kultura. Ang opisinang ito ang nag-iipon ng iba’t ibang katutubong kultura sa ating mga mag-aaral. Dito maaaring pumunta upang mapalawig ang kaalaman sa iba’t ibang kultura sa ating bansa. Learning Resource Center Matatagpuan sa JL Building. Sa opisinang ito maaaring gumamit ng computers ng campus. Maaari rin ditong magpaprint ng inyong mga reports at sila’y nag-ooffer rin ng mga tutorial at group review/ study.
Office of Guidance and Counselling Matatagpuan sa ilalim ng Clinic. Maaaring pumunta sa opisinang ito kapag nangangailangan ng kausap at gabay sa pag-aaral, pamilya at buhay.
UP Baguio Outcrop Matatagpuan sa Alumni Center Lobby. Ang opisinang ito ang opisyal na student publication ng UPB. Regular silang naglalabas ng mga dyaryo. Bukas din ang kanilang opisina sa mga komento, suhestyon at maging mga diskusyon at mga datos.
Kasarian Office Matatagpuan sa lobby. Isang espesyal na opisina para sa panata ng UP na isulong ang kapantayan sa lahat ng kasarian. Naglulunsad ito ng iba’t ibang advocacy campaigns, discussions at nagbibigay din ng professional counselling.
Council of Leaders (CL) Matatagpuan sa Alumni Center Lobby. Ang student institution na nag-iipon ng halos 60 organizations dito sa UPB. Gumagawa sila ng mga activities na para sa ikabubuti ng mga orgs na ito at maging para sa ating mga estudyante.
Office of Anti-Sexual Harassment (OASH) Matatagpuan sa 2nd floor ng Alumni Center Building. Sa opisinang ito maaaring dumiretso kapag nais magreport sa ng isang kaso ng sexual harassment. Ang opisinang ito, tulad ng Kasarian ay nagbibigay din ng mga discussion at kampanya para masugpo at mawala na ang mga sexual harassment.
Student Relations Office (SRO) Matatagpuan sa 2nd floor ng Alumni Center Lobby. Ito ang opisinang nagpapanatili ng dinamismo sa ating mga estudyante. Ito and sumusuri para sa recognition ng mga oraganisasyon, nagfafacilitate ng joint activities ng orgs, nag-eendorso sa mga orgs sa paggamit ng facilities, nagpapakalap ng impormasyon sa student activities and awards.
ALAM MO BA? "UPB Facts and Trivias" UPB lamang ang may IP-Cultural Desk sa University Student Council sa buong UP System Meron dating UPB High School, matatagpuan ito noon sa CSS building ngayon Ang orihinal na Oble ang dapat ilalagay sa UPB ngunit sa sobrang fragile nito, hindi na ito itinuloy Ang ating Oble ang natatanging Oble na direktang nasisikatan ng araw. Ang sunshine park ay parte ng lupain ng UPB noon ngunit noong panahon ni Marcos, napunta sina Imelda dito nagustuhan niyo ang sunlight sa parting iyon ng UPB kaya naisipan nyang gawin itong park. Hence the name, “Sunshine Park” Ang Conve o Convention Center ay parte rin ng UPB noon, doon nakalagay ang Athletic Field ngunit, dahil kay Imelda, naisipan niyang magpatayo doon ng Convention Center. 6 hectares lang ang UPB at ang pinakamaliit na autonomous unit ng UP System. Malaki ang naitutulong nito pagkat malaking ang posibilidad na makilala natin lahat ng ating kamag-aaral. 3 ang Canteen sa UPB noon: Upper (matatagpuan malapit sa Audi), Lower (sa may baba) at ang Lowest (matatagpuan malapit sa CSS). Lumipas ang panahon nawala ang Upper at Lower canteen at nagkaroon ng Food Court. Mayroong dalawang Court noon sa UPB, ang Court A at ang Court B. Court A na lang natitira ngayon. Ang ating Oble lang ang may takip sa kanyang kiorvs. Hindi ka taga-UPB kung hindi mo kilala si Manang Mane. Nagtitinda na siya sa loob ng campus since 1970’s. Muntik na siyang mapaalis sa campus ngunit siya’y ipinaglaban ng mga mag-aaral kung kaya’t napigilan. Naifeature na rin siya sa Rated-K at Mel and Joey. Ang ating Oble ay may malalagong halaman sa baba nito. Bago itayo ang UPB, dati itong bayabasan.
UPB VOCABULARY Narito ang ilang salitang karaniwang ginagamit at iyong maririnig sa loob ng ating campus. Ito ang mga salitang magiging parte ng iyong bokabularyo bilang isang Iskolar ng Bayan Abortion stairs – Ang hagdang ito ay orihinal na nagdudugtong sa IM Plaza at CSS Building. Wala namang totoong insidente ng aborsyon dito. Naging bantog lang ito dahil sa taas, haba at tarik nito. Kapag tinahak mo ito noon, feeling mo ubos ang hininga mo. Dahil sa kasikatan nito, ito lamang ang lugar sa UPB na nabanggit sa Centennial Planner ng UPD-USC. Auditorium (Audi) – dito ginagawa ang ilan sa mga events ng UP. Add Matriculation (Add Mat) – ito ang ginagawa upang madagdagan ng subjects after ng enrollment. Makakakuha ng add mat forms sa respective college secretary’s office. Bloc – Ang lahat ng estudyante ay nabibilang sa isang bloc. Ito ang tinuturing na “sections” sa unang taon ninyo sa UP. Dito nag-uumpisa ang inyong pamilya sa UP Baguio. Blocmates – Ang tawag sa iyong mga kasama sa bloc. Maaaring hindi sa lahat ng subjects ay magkakasama kayo, pero madalas sila ang magiging kaklase ninyo sa unang sem mo sa UP. Sila ang makakasama mo sa hirap, ginhawa, kalokohan, gimik, pagdadrama, pagseselfie at sa halos lahat ng karanasan mo sa UPB. Blue Baby – isa ito sa mga bagay na huwag mo papangaraping tawagin sa iyo. Ito ang tawag sa mga estudyanteng nakakuha ng blue slip sa enrollment. Sinisimbolo ng blue slip ang salitang “delinquent”. Ibig sabihin, sa sobrang baba ng grade ng isang estudyante, binabantayan ka na ng kolehiyo mo at unibersidad.
CAC (College of Arts and Communication) - Dito kinukuha ang Humanities subjects mo. Catwalk – ito ang mahabang walkway papasok ng UP. Tinawag itong ganito dahil tila ramp modelling ang gagawin mo dito pag naglalakad. Chancy – short for Chancellor. Siya ang itinuturing na may pinakamataas na designasyon sa ating campus. Siya ang parang principal na nagdedesisyon at namamahala ng UPB. Change Matriculation (Change Mat) – Ginagawa ito kapag biglaang kailangan mong magpalit ng subject o section ngunit tapos na ang enrollment period. Madalas kinakailangan ito kapag na-dissolve, nacancel o nagkaroon ng conflict sa schedule at subject mo. Choco Boys – Sila ang mga janitors sa campus. History 101: Dati ay brown ang kulay ng uniform ng agency na kinuha ng UPB kung kaya’t choco boys ang nagging tawag sa kanila. Ngunit ngayon, ibang agency na ang may hawak ng janitors natin. Choco Boys pa rin ang nagging kilalang nickname sa kanila kahit nag iba ang kulay ng kanilang uniform. Council of Leaders (CL) – Ito ang institution na kinakabibilangan ng more than 60 organizations dito sa UPB. Kabilang ito sa tatlong student institutions sa UPB: Ang USC, Outcrop at CL. Care of Instructor (COI) – ang mga subjects na ganito ay maaari mong makuha basta papaya ang prof mo. Ilan sa mga ito ay mga majors mo.
Convention Center (Conve) – Ito ang malaking gusali sa tapag ng UPB. Dito ginaganap ang malalaking events ng UPB katulad ng Graduation Ceremonies. Co-requisite (Co-req) – Kapag may nakalagay na ganito sa subject mo, ibig sabihin kailangan sabay mong kunin ang subjects na iyon. Countersign – Ito ang ginintuang pirma ng librarians sa metallic na may hologram na sticker na inilalagay sa likod ng ID mo para makapasok sa heavenly doors ng library. Kapag wala ito, hindi ka makakapasok sa library. Ito din ang basehan ng ilang bus terminals para mabigyan ka ng student discount. Cross Registration (Cross reg) – Dahil biniyayaan ang UP ng maraming units nationwide, pwede kang magcross register sa ibang units sa isang sem. Mas ginagawa ito ng mga students tuwing summer lalo na kapag naghahabol ng subjects. Sa ilan naman ay dahil gusting mag-aral habang bakasyon o kaya ay di available ang subject sa home campus. Computerized Registration System (CRS) – Isa sa pinakamahalagang ginagawa ng isang UP student. Ito ang proseso kung saan ipapareserve mo ang mga nais mong kunin na subjects sa susunod na semester. Ginagawa ito online ngunit walang kasiguraduhan na makukuha ang subjects dahil sa pagrandomized ang pagpili ng sistemang ito. Ang mga estudyanteng hindi nakapagCRS ay maaari lang magregister sa last day ng enrollment. CS (College of Science) – Dito kinukuha ang Math and Science subjects. (College Scholar) – Mga gifted children na nakakakuha ng GWA na 1.75 – 1.46 sa end ng sem. Amg mga estudyanteng ito ay makakatungtong sa stage ng audi sa Recognition of Scholars sa end ng sem.
CSS (College of Social Sciences) – Ang building na ito ay matatagpuan sa ilalim ng lupa, este baba ng burol ng UPB. Dito kinukuha ang mga Social Sciences subjects. Delayed – in other terms, extending. Ito ang tawag sa iyo kapag hindi ka gagraduate on time. Normal lang ang ganitong kalagayan sa UP. Delinquent – sila ang mga isko/iska na problematic ang estado sa avads for a number of reasons. i.e. PASAwAY. Dismissed – sa sobrang pagkadelinkwente mo, pwede itong matamo. Ito ang tawag kapag napatalsik ka sa UP. Drop – ginagawa ito sa isang subject na hindi na kayang ipasa, nasagad na ang absences, maraming namiss na requirements o sadyang wala ka nang gana. Kailangang maprocess ito sa kalahatian ng semester o bago ang deadline for dropping. Fac Room – Short for Faculty Room. Dito makikita ang profs para sa consultation hours. Form 5 – ang papel na magiging buhay mo sa UP. Ito ang mahiwagang form na kapag natapos mo ay maaaring gamiting ebidensya na ikaw ay officially enrolled. Huwag na huwag mo itong wawalain. FrAh (Freshie Assistance Handbook) – ito ang binabasa mo ngayon. Maaari itong makatulong sa iyo sa mga darating na buwan. Abangan. Fraternities and Sororities (Frat-Soro) – Contrary to the negative notion, ito ang mga orgs na may malaking ambag sa unibersidad. Malaki ang naitutulong nila sa mga activities at projects. Kung nais mong sumali sa Frat o Soro, kailangang makakuha ka muna ng 30 units bago ka makapasok.
Galeriya Kordilyera (Gale) – isa sa mga buildings na UPB. Matatagpuan ito malapit sa Audi. Kasalukuyan itong under renovation. General Assembly (GA) – Ang tawag sa meetings ng mga orgs. General Weighted Average (GWA) – ito ang average grades ng subjects mo sa isang sem. Hell Week – lumalabas ang term na ito sa dulo ng sem. Panahon kung kalian laganap ang zombies o walang tulog ng isko/iska, sakit ng ulo at psychological, physical mental at emotional STRESS o BREAKDOWN. Other term for Finals Week. Human Kinetics Office (HKP) – ito ang naghahandle ng lahat ng PE Subjects. Matatagpuan ang building na ito (o gym) sa baba ng KA Building. Kasalukuyan itong under renovation. Iskolar ng Bayan Building (IB) – Ang isa sa pinakamatandang buildings ng UPB. Isabelo Delos Reyes building (IDR) – Dito matatagpuan ang Institute of Management at ang Cashier. Inang Laya – sinasabing partner ni Oble. Siya ang istatwa na nasa baba ng parking lot at nasa tapat ng court. Ito ang itinuturing na Statue of Alma Mater. Incomplete (INC) – May kulang pang requirement. Iskolar ng Bayan (Isko/Iska) – Ang tawag sa ating mga mag-aaral sa UP. Tinatawag tayo nito dahil ang ipinanggagastos o budget na nagpapatakbo ng ating unibersidad ay galling sa buwis ng mga Pilipino. Kaya bilang mga Isko/Isko, responsibilidad natin tumulong rin sa ating bayan.
Juan Luna Building (JL) – rooms sa baba ng Auditorium. Dito matatagpuan ang LRC. Kolehiyo ng Agham Building (KA) – Dito matatagpuan ang mga rooms at laboratories para sa mga classes ng students ng CS. Matatagpuan sa taas nito ang Auditorium o mas kilala bilang “Bulwagang Juan Luna“ Kiosk – ito ang maliliit na kubo-like tambayang nakakalat sa campus. Madalas orgs ang okupante nito. Kuto ng Court o Taong Court A – Mga estudyanteng kadalasang matatagpuan sa court kumbaga court na ang kanilang buhay, este parte na ang court ng buhay. Ito ang mga magagaling maglaro ng basketball o laging nasa ilalim ng araw para maglaro. Kwatro – Ang marking nagfafluctuate. Maaaring maging tres o singko. Maaari itong mabago sa pamamagitan ng removal exams. Laude – mga taong pinagpala ng kasipagan, katalinuhan o kaya’y swerte. Ang over-all GWA nila ay 1.75 to 1.46. Long Exams (LE) – pinakamalaking parte ng grade mo ang kinukuha madalas ditto. Usually, 3-4 long exams ang inihahanda ng mga mahal nating profs sa bawat subject. Library (Lib) – Ito ang kaibigan nating lahat sapagkat dito maaaring humiram ng mga references na ating gagamitin sa mga paper at reports. Dito rin humihiram ng books, nakakapagbasa at nakakapag-aral ng tahimik at payapa. Dito rin matatagpuan ang photocopy services sa UP. Leave of Absence (LOA) – Ito ang kailangang asikasuhin kung ikaw ay mawawala ng panandalian sa UPB.
Lobby – Ito ang ultimate social arena ng campus. Mabilis ang net dito.
Sabaw – is a state of mind. Lutang in other terms.
Magna cum laude (Magna) – Mga promil kids na mas malupet pa sa mga laude, 1.45 to 1.20 ang over-all GWA nila.
Sablay – ang inaasam-asam suotin ng lahat ng isko at iska. Dahil kakaiba tayo, hindi tayo nagsusuot ng toga sa ating graduation. Sablay an gating ginagamit. Ito yung mahabang cloth na sinusuot parang sash, kulay maroon, green at yellow na may alibata ng UP.
Oblation (Oble) – ang simbolo ng UP at sinasamba nating lahat. May paniniwala na ang pagpapapicture sa kanya ay magsasanhi ng iyong pagkadelay. Oblation Run – mayroong ganito sa lahat ng UP campuses. Ito ang once a year na pagtakbo ng mga kalalakihan (miyembro ng Alpha Phi Omega) na hubad o minsan ay may takip sa birdie. Pasiklaban (Pasik) – isa sa pinaka-inaabangang event ng mga taga-UPB. Ginaganap ito tuwing huling araw ng klase sa Disyembre. Kulang ang iyong acad year kapag hindi ka nakadalo dito. Permanently Dismissed (PD) – dismissed ka at hindi ka na maaari pang matanggap sa UP. Pre-requisite (pre-req) – ibig sabihin nito, kailangan mo munang matapos ang subject na ito bago mo makuha ang iba mong subjects. Majors ang karamihan sa mga ito. Probation (probe) – Minamanmanan ka ng school dahil delikado ang acads. 1st prob – kailangan mong ayusin ang acads mo. 2nd probe – pag di ka nagtino, dismissed ang abot mo.
Singko – ang grade na pinaka-kinakatakutan ng lahat. Bagsak, in other words. Shot - inuman. Alam na this. Summa Cum Laude – ang mga diyos sa paggraduate, sila ang mga isko/iska na may over-all GWA na 1.20 to 1.0. Sa UPB, iisa pa lang ang nakakakuha ng award na ito. Teacher’s Prerogative (TP) – ito ang ginagawa upang makuha ang isang subject na puno na slot. Maaaring makakuha ng forms nito sa OUR at kanya-kanyang College Secs. Underload - kulang ang subject na nai-enroll mo o ang kinukuha mo ngayong sem. Ang minimum number of loads ay 15 units at ang maximum number of load ay 21 (depende sa OUR kung papayagan ka nilang kunin ito) o in most cases, 20 units. Units - Academic Units in complete term. Ito ang binibilang para maging basehan ng subjects mo.
Registration (Reg) – panahaon ng mahabang pila, pagmamakaawaan sa profs at pakikipagsapalaran para makakuha ng subjects.
University Scholar (US) – ang mga Diyos ng mga diyos. Ang kataas-taasan sa lahat ng taas. Sila ang mga isko/iska na may GWA na 1.45 to 1.0.
Removals – exam upang macomplete ang grade mo o para mawala ang iyong kwatro. May isa kang taon upang makapagcomplete ng isang subject or else singko ang bagsak mo.
UP Philippines – ito ang sinasabi sa taxi driver kapag sasakay papunta sa school. Madalas kasi, napagkakamalan nilang UB o University of Baguio kung UP lang sasabihin mo.
UPB Academic Calendar A.Y. 2015-2016
WHERE ART THOU? Internet, Printing and School Supplies Learning Resource Center (LRC) Location: Sa JL Building Bukod sa nagsasagawa ng mga free tutorials and LRC sa kahit anong subject areas (basta available ang mga mentors – mga ate at kuyang Isko/Iska na maaaring magturo sa inyo), mayroon ding mga computer units ditto at suitable for papers and research. Pwedeng-pwede ka pumunta ditto sa mga vacant hours mo. Pwede ding magpa-print sa LRC. Ito na ang sagot sa mga rushed papers na kailangang ipasa ASAP. Tandaan! For free ang tutorials dito, huwag lang mahiya magtanong kung paano ang proseso. May slip lang na kailangang i-fill out, kumuha ng sked at may instant tutor ka na! PhilCi.COM Location: Lower Session Road Ito ay isang 24-hour computer shop na may 2 pesos black and white printing. Pasok ito kapag short na kayo financially at may kakapalan ang paper na gagawin niyo. Kailangan nga lang ay magaling timing niyo dahil marami silang customer at madalas napupuno ang booths nila. But wait, swak na swak talaga! May pang-internet ka na, makakapagmeryenda ka pa.
Cyberscope Location: Lower Engineer’s Hill May piso-printing sila dito at maaari ka na ring makapag-internet dito, P15-P20 lang per hour. Kerong’s Location: Sa may Engineer’s Hill Isa sa mga pambansang laruan/ computer shop ng mga taga-UP. May food stall sila at marami kang maaaring makilalang taga-UP dito. Dito madalas tumambay ang mga Isko na nais maglaro ng DOTA/LOL/ DOTA 2 etc. Carding’s Computer Shop Location: Sa may Cabinet Hill Isa rin sa pinakasikat na computer shop sa mga taga-UP. May sari-sari store at laundry store rin sila kung nais mong gawin tong lahat! QualiSigns Location: Sa may court sa Engineer’s Hill Nagpiprint sila ng shirts, papers, pamphlets, posters etc etc. Diretso na dito kung magpaprint lang naman kayo. Mura na, sulit pa.
Zapzone Location: Sa may likod ng Convention Center Kung mas makapal pa sa libro ang ipapaprint mo, o di kaya ay kelangang magpaprint ASAP pero kapos ka sa budget, go ka na dito sa Zapzone dahil piso lang ang print nila! Lapit ka lang kay kuyang friendly at ibigay ang iyong USB at tapos na ang problema mo. Pwede ka din mag-internet, P15 lang per hour! San ka pa?
CID Bookstore Location: Sa Lower Session Road Ang triplets na bookstores na ito ang sasagot sa inyong mga school supply needs. May mga available ding magazines and books dito. Very affordable ang mga supplies unlike other popular bookstores we know. Madali niyo itong mahahanap dahil magkakatabi lang kanilang tatlong stores. San ka pa?
Bytehub Location: Sa may likod ng Convention Center Malapit lang ito sa Zapzone. Magandang gumawa ng paperworks dito at mag internet, P15-P20 lang per hour at may piso-printing din sila!
National Bookstore Location: Mayroon sa SM at Center mall Ito na ang one-stop shop mo sa lahat ng pangangailangan mo academically. Mayroon silang libro, mga school supplies at maging ilang mga card at mga board games.
KAPE At KWENTO Café by the Ruins
#23 Chuntug Street, Legarda Road
Kaffee Klatsch
#39, Sagittarian Unique Building, City Camp Road
Café Sapore
#36, Legarda Road
Bliss Café
Lobby, Hotel Elizabeth Gibraltar Rd.
Patch Café
Hotel Bloomfield, Session Road
Serenitea Along Session Road
19fiftea
Governor Pack Road
Serendipitea Legarda Road
La Treia
3rd Floor ECCO Building, Assumption Road
Bon Appetea
Forest House Bistro and Café
Gen. Luna Rd, Cor Assumption Rd (in front of UB)
Café Lusso
Gen. Luna Rd (Assumption)
#16, Loakan Road
GF EDCO Bldg., General Luna corner, Mabini St.
Zentea
Kabayanihan (Beside Our Lady of Atonement Cathedral)
Big Tea
Beans Talk Bistro
#45 Session Road, MPB Building
Book Café Under the Tree Gov. Pack Rd, REG Building
Kainan to the max Joystick Mamita’s Bulaluhan Kusina Camacho Spices and Seasonings UPB Canteen
DJG Eatery Engineer’s Hill
Ate Mae’s eatery Engineer’s Hill in front of court
Manang Fats
Lower Session Road (Assumption)
Game and Grub Gen. Luna Road
Volante
Upper Session Road
Kusina ni Tita Mel Lower Engineer’s Hill
Ketchup Food Community Romulo Drive
Pare Bob’s Eatery Lower Engineer’s Hill
Oh my Gulay!
Leonard Wood Road
5th floor, La Azotea Building, Upper Session Road
Session Road
Legarda Road
Leonard Wood Road
Inside Porta Vaga
Gen. Luna Road
Inside Porta Vaga
Gen. Luna Road
Military Cut-off Road
50’s Diner
Jim’s Diner
Japanese Noodle House Mamita’s Bulaluhan Grumpy Joe’s
Good Taste
Weiner’s Winner Barney’s Burger Sage
Chill and Party! ZOLA Patria De Baguio Building, Session Road
Pepper Strings
Lower Engineer’s Hill Baguio
El Costa Yuri Café
Lower Engineer’s Hill Baguio
Miguels Café
Lower Engineer’s Hill Baguio
3Gs Lite
Lower Engineer’s Hill Baguio
Le Azul
Leonard Wood Road
Nevada Square
Near Panagbenga Park
Red Lion
Leonard Wood Road
Kanem Upper Engineer’s Hill Baguio
Padi’s Point
Malapit sa Burnham Park
Barn Café
Lower Engineer’s Hill Baguio
Ampersand
The CAMP, Leonard Wood Road
SPADE Superclub Kisad Road, Baguio
Concoction
Gen. Luna Road
Bon Fire
Gen. Luna Road
Nostalgia
Leonard Wood Road
*For a 24-hour convenient store aside from 7/11, try Shining 24 Store, papunta ito sa DPS na malapit sa Victory Liner
Some words to live by Dito nagtatapos ang FrAH. Ang bawat kopya nito ay pinaghirapan namin para lubos na makatulong at magabayan kayo sa simula ng iyong paglalakbay sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Ingatan ito ha at sigurado akong magagamit mo ito sa mga darating na buwan. “wink” Sa simula ng inyong pag-aaral dito sa ating unibersidad ay huwag niyong kakalimutan ang dahilan kung bakit kayo nandito. Ang makapagtapos at makatulong sa inyong pamilya, ngunit huwag rin nating kakalimutan ang ating tungkulin bilang mga Iskolar ng Bayan na tumulong at maglingkod sa ating mahal na bayan.
Maligayang pagdating bagong Iskolar ng Bayan! - Tatay Dodot
Recognized Organizations 1. Alliance of Concerned Students (ACS) 2. Alpha Phi Omega (APO) Fraternity 3. Alpha Phi Omega (APO) Sorority 4. Alternatibong Katipunan ng mga Magaaral sa UP (AKMA-UP) 5. Alyansa ng Nagkakaisang Kabataan sa UP (ANAK-UP) 6. Amnesty International - UP Baguio (AIUPB) 7. Anakbayan 8. Anime HQ 9. Association of Pre-Law Students (APLS) 10. Campus Alliance for Dedicated and Unified Action (CADUA) 11. Christian Brotherhood International (CBI) 12. comsci@UP.Bag 13. Danceworks 14. EN-CAMPUS UPB 15. IMAGO DEI 16. Kappa Epsilon (KE) Fraternity-Sorority International 17. Korean Culture Enthusiasts, Empowered People of UP (KEEP-UP) 18. League of Filipino Students (LFS) 19. Literati 20. The Management Economics Society 21. Order of UP Triskelions 22. Organization of Alumni Cadets (OAC) 23. Paggawisan Tako Am-In (PAGTA) 24. Philippine Society for the Study of Nature (PSSN Jr.) 25. Kapatirang Pi Sigma-Pi Sigma Delta 26. Politically Inclined Students (POLIS) 27. Rotaract Club of UP Baguio 28. SCINTILLA JVRIS Fraternity-ASTRVM SCIENTIS Sorority 29. Sigma Delta Pi Sorority-Sigma Kappa Pi Fraternity 30. Sining, Eksena at Tinig UP (SET-UP)
31. Society for Visual Arts (SVA) 32. State Varsity Christian Fellowship (SVCF) 33. Students in Touch (SIT) 34. Tanghalang Bayan ng Kabataan sa Baguio (TABAK-Baguio) 35. The Anthropology Organization (TAO) 36. Tinig Amianan 37. Ultimate Frisbee Organization (UFO) 38. UP Biology Society 39. UP Cubers 40. UP Integrated Students in Psychology (UP ISIP) 41. UP Kalipunan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan (UP Kamalayan) 42. UP LAKAN Baguio 43. UP Math-Physics Society 44. UP Namnama Baguio 45. UP Organization of Novo Ecijanos (UP ONE) 46. UP Palaris Confraternity 47. UP Parking Lot - Pusoy (UPPL-Pusoy) 48. UP Physics Sphere 49. UP Samahan ng mga Iskolar ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (UP-SIKAT) 50. UP Speech Communication Circle 51. UP Subol Society 52. UP Tayaw 53. UPB Astronomy Society 54. UPB Babaylan 55. UPB Campus Crusade for Christ 56. UPB Cheersquad 57. UPB Economics Society 58. UPB Kapatid Tarlac 59. UPB Mountaineers 60. UPB OBRA 61. UPB Philosophy Circle 62. UPB Red Cross Youth 63. UPB Shadows
PASASALAMAT Sources: FrAH 2011-2012 FrAH 2012-2013 FrAH 2013-2014 FrAH 2014-2015 upb.edu.ph up.edu.ph
Special thanks to: Jericho Vidad for the photos.
U.P. Naming Mahal U.P. naming mahal, pamantasang hirang; Ang tinig namin, sana’y inyong dinggin; Malayong lupain, amin mang marating; Di rin magbabago ang damdamin; Di rin magbabago ang damdamin. Luntian at pula, Sagisag magpakailanman; Ating pagdiwang, bulwagan ng dangal; Humayo’t itanghal, giting at tapang; Mabuhay ang pag-asa ng bayan; Mabuhay ang pag-asa ng bayan.