


Opisyal na Pahayagan ng Dontulan Elementary School





Opisyal na Pahayagan ng Dontulan Elementary School
Krisis sa Pondo ng PhilHealth at Epekto nito sa Edukasyon ng Mahihirap na Mag-aaral
nilunsad ng Dontulan Elementary School ang PadBASA ang program noong Nobyembre 2024 upang mapataas ang kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng mga Pads, layunin nitong magbigay ng mas epektibong akses sa pagbasa at pagkatuto para sa mga struggling readers. Ang PadBASA ay naglalayon ng personalized learning sa pamamagitan ng mga interactive na materyal, tulad ng e-books, audio stories, at educational apps na nakatuon sa literacy skills Ayon kay Gng Mendoza, guro sa Grade 3, kapag nabigyan ng tamang suporta, walang batang maiiwan sa pagbasa
Isinama ng paaralan ang mga guro at magulang sa pagsasanay sa paggamit ng mga electronic devices Nagbigay ang lokal na pamahalaan ng suporta sa kagamitan at pondo upang matulungan ang paaralan sa pagpapalaganap ng programa
Isa sa mga mag-aaral na nakinabang sa programa ay si Maejane, isang Grade 4 student
“Dati po, hirap ako magbasa ng mahahabang kwento, pero dahil sa PadBASA, mas naiintindihan ko na po ang mga binabasa ko,” ayon sa kanya Inaasahan ng paaralan na mapabuti ang literacy rate ng kanilang mga mag-aaral at palawakin pa ang programa upang mas maraming bata ang makinabang
Dalawang guro mula sa Dontulan Elementary School ang nagbigay karangalan sa kanilang paaralan at komunidad matapos masungkit ang unang pwesto sa Strategic Intervention Materials (SIM) Competition sa katatapos lamang na Division SCIQuest 2024. Ang patimpalak ay ginanap noong Oktubre 8, 2024, sa Tukuran Technical Vocational School at nilahukan ng mga mahuhusay na guro mula sa iba’t ibang paaralan sa Division of Zamboanga del Sur.
Si G Alfred C Cañete, guro ng Grade 6, at Bb Kayce L Landiao, guro ng Grade 4, ay nagwagi sa kategoryang SIM para sa mga baitang 3, 4, at 6 sa Division SCIQuest 2024 Ipinamalas nila ang kahusayan sa makabagong estratehiya sa pagtuturo ng agham na umaayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral
Sila ang napiling mag-representa sa Division of Zamboanga del Sur sa National SCIQuest 2024, na gaganapin sa Baguio City mula Pebrero 21-23, 2025 Ang prestihiyosong kompetisyong ito ay lalahukan ng mga pinakamahusay na guro mula sa buong bansa
Ang tagumpay nina G Cañete at Bb Landiao ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagtuturo at inspirasyon sa mga kapwa guro na paghusayin ang kanilang mga estratehiya para sa mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral
Nasungkit ni Angel Adapon ang ikatlong pwesto sa Science Spelling Bee para sa ikaanim na baitang sa District SciQuest and Fair 2024 noong Oktubre 17, 2024, sa MPRSSout Regular Building.
Sa easy round, nakakuha si Angel ng 6 na tamang sagot at nanguna sa average round na may 5 tamang sagot Sa difficult round, nagtali sila ng MRPSSped Center para sa ikalawang pwesto ngunit naungusan sa clincher round
Sa ikatlong salita ng clincher, ang MRPS-Sped ang nakasagot ng tama kaya nakuha ng MRPS-Sped Center ang ikalawang pwesto, at si Angel ay nagkamit ng ikatlong pwesto Ang kanyang tagumpay ay nagpakita ng husay at dedikasyon sa larangan ng agham
Nanalo si Terrenz Ababa ng ikalawang pwesto sa Science Poster Making Competition ng Division SciQuest 2024 noong Oktubre 8, 2024. Siya ay isang Grade 5 na magaaral mula sa Dontulan Elementary School at isa sa anim na kalahok mula sa iba’t ibang QualCi.
Bagamat hindi nakapasok sa National SciQuest, positibo pa rin si Terrenz at nagsabing, "May next year pa ako " Ipinagpasalamat niya ang suporta ng kanyang guro at mga kaklase sa buong proseso ng patimpalak
Ang tagumpay ni Terrenz ay isang patunay ng pagsisikap at determinasyon sa kabila ng mga hamon Ang kanyang dedikasyon ay nagbigay inspirasyon hindi lamang sa kanyang mga kaklase
kundi pati na rin sa buong komunidad ng kanilang paaralan
Sa kabila ng hindi pagkakapasok sa pambansang kompetisyon, ipinakita ni Terrenz ang diwa ng pagiging huwaran at positibong pananaw na nagpapaalala na bawat pagsubok ay hakbang tungo sa tagumpay
MOLAVE, ZAMBOANGA DEL SUR
Nagwagi ang Dontulan Elementary School ng ikalawang pwesto sa Search for Best Gulayan sa Paaralan na ginanap noong Disyembre 10, 2024. Ang kompetisyon, na nilahukan ng 30 paaralan mula sa buong bayan ng Molave, kabilang ang mga elementarya at sekundaryang paaralan, ay naglalayong itaguyod ang pagtatanim ng gulay at pagpapalaganap ng kalusugan sa mga komunidad.
Ipinakita ng Dontulan Elementary School ang kanilang kahusayan sa pag-aalaga at pagpapaunlad ng kanilang gulayan, na binubuo ng iba’t ibang uri ng gulay na kapakipakinabang sa kalusugan ng mga mag-aaral at komunidad Ang kanilang proyekto ay isang hakbang tungo sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa organic na pagsasaka at ang benepisyo ng pagtatanim ng gulay sa mga paaralan
Ang tagumpay na ito ay resulta ng pagtutulungan ng mga guro, magulang, at mag-aaral ng paaralan, na nagsanibpuwersa upang mapalago ang kanilang gulayan at ipakita ang kahalagahan ng agrikultura sa pang-araw-araw na buhay Ayon sa mga guro, ang layunin ng proyekto ay hindi lamang ang magtanim kundi maging bahagi ng edukasyon sa kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan Bilang bahagi ng kanilang programa, ang paaralan ay patuloy ding nagsasagawa ng mga workshop at aktibidad na nakatuon sa wastong pangangalaga ng kalikasan at sustainable na pagsasaka
Pinasalamatan ng pamunuan ng paaralan ang suporta ng lokal na pamahalaan at DepEd sa pagsulong ng ganitong programa Umaasa silang magpapatuloy ang ganitong inisyatiba upang mas marami pang paaralan ang mahikayat na ipalaganap ang kamalayan sa kalusugan at nutrisyon sa kanilang mga komunid Higit pa rito, layunin nilang gawing modelo ang ka proyekto para sa mga susunod pang henerasyon
Sementadong Daan mula sentro ng Molave hanggang Dontulan Elementary School, natapos na
Natapos na ang sementadong daan mula sa sentro ng Molave hanggang sa Paaralan ng Dontulan Elementary School, isang proyekto na naglalayong mapabuti ang kaligtasan at kaginhawaan ng mga mag-aaral, guro, at komunidad. Sinimulan ang konstruksyon noong Oktubre 2024 at natapos sa huling linggo ng Enero 2025. Ang proyekto ay isang malaking tagumpay para sa mga residente at mag-aaral na matagal nang nangangailangan ng mas maginhawang daan papuntang paaralan.
Ang sementadong daan ay magbibigay ng mas mabilis at ligtas na biyahe, lalo na tuwing malakas ang ulan at nagiging putik ang kalsada Naging posible ang proyekto sa tulong ng lokal na pamahalaan, mga mambabatas, at aktibong pakikilahok ng komunidad Ayon sa mga lider ng komunidad, ito ay isang hakbang tungo sa mas maginhawa at maunlad na pamumuhay para sa mga taga-Dontulan at buong Molave
Jayshel Macoto, nakamit ang ikalawang pwesto sa Science Investigatory Project
agwagi si Jayshel Macoto ng ikalawang pwesto sa Science Investigatory Project sa District SciQuest 2024 noong Oktubre 17, gamit ang Project LAMP, isang likas na proteksyon laban sa lamok gamit ang Kantutay at Utot-utot Extract. Siya ang kauna-unahang kalahok mula sa Dontulan Elementary School at tanging barangay school representative sa distrito. Ang kanyang tagumpay ay nagbigay-inspirasyon sa kapwa magaaral
Bagaman hindi nagwagi ng unang pwesto, determinado si Jayshel na sumali muli at ipagpatuloy ang mga proyektong may benepisyo sa komunidad
Kantina ng Kalusugan sa Dontulan ES, natapos na sa halagang Php 127,000
sang makabagong kantina ang natapos itayo sa Dontulan
Elementary School matapos ang isang buwang konstruksyon.
Inumpisahan ang proyekto noong
Setyembre 2024 at natapos sa Oktubre ng parehong taon. Ang kabuuang gastos para sa kantinang ito ay umabot sa 127,000 PHP.
Pinondohan ang proyekto mula sa perang galling sa mga puno, PTA fund, at iba pang income-generating activities ng paaralan Ang kantina ay magsisilbing pangunahing lugar kung saan makakakuha ng masustansyang pagkain ang mga mag-aaral, na makikinabang sa kanilang kalusugan at pangakademikong pagganap
IAyon sa mga guro at magulang, ang bagong kantina ay isang mahalagang hakbang upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mag-aaral Sa tulong ng proyekto, inaasahan nilang magiging mas malusog at mas masigla ang mga estudyante, na magdudulot ng positibong epekto sa kanilang pag-aaral
NAng pagtatayo ng kantina ay isang patunay ng pagtutulungan ng komunidad, mga magulang, at guro upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante Ang proyektong ito ay isang halimbawa ng makatarungan at produktibong paggamit ng pondo upang mapabuti ang kalagayan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan
Dontulan Elementary School itinatayo ang "Kubo ng Gulayan" mula sa napanalunang pondo
sang makabuluhang proyekto ang naipatayo sa Dontulan Elementary School gamit ang ₱15,000 na napanalunan bilang 2nd Placer sa Best Gulayan sa Paaralan Implementer sa lungsod ng Molave. Ang pondo ay ginamit upang itayo ang "Kubo ng Gulayan," na nagsisilbing imbakan ng mga naaning gulay at kubong pangkarunungan para sa mga mag-aaral.
Ang Kubo ng Gulayan ay itinalaga bilang lugar ng pag-aaral para sa mga asignaturang may kaugnayan sa pagtatanim ng mga gulay at prutas Bukod dito, layunin nitong magpalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng organikong agrikultura at pangangalaga sa kalikasan
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang proyekto ay bunga ng dedikasyon at pagkakaisa ng komunidad sa pagsusulong ng luntiang kapaligiran at dekalidad na edukasyon "Ang Kubo ng Gulayan ay simbolo ng ating samasamang pagsisikap para sa mas maayos na kinabukasan," ani ni Gng Verallo, ang GPP coordinator ng paaralan
atapos ang pagsesemento ng mga daanan sa Dontulan Elementary School gamit ang ₱40,000 mula sa Special Education Fund ng Lokal na Pamahalaan ng Molave. Layunin nito ang mas ligtas at maayos na school grounds para sa mga mag-aaral.
Nagbibigay ang proyekto ng mas komportableng daanan, lalo na tuwing tag-ulan, upang maiwasan ang putik at disgrasya
Malaking tulong ito sa kaligtasan ng mga bata at guro
Ayon sa pamunuan, ang sementadong daan ay hakbang tungo sa mas maayos at secure na kapaligiran para sa mga mag-aaral habang nasa paaralan
Pinapasalamatan ng komunidad ang lokal na pamahalaan at nananawagan ng mas maraming proyekto para sa mga paaralan
Hindi lamang ito nagsisilbing estruktura kundi inspirasyon para sa iba pang paaralan na magtaguyod ng mga makalikasan at makabuluhang proyekto Ang Kubo ng Gulayan ay patunay ng pagkilos para sa mas maunlad at mas makakalikasan na komunidad
Krisis sa Pondo ng PhilHealth at Epekto nito sa Edukasyon ng Mahihirap na Mag-aaral
Regie Ken Baranggan
Sa mga malalayong barangay tulad ng amin, isang malaking problema ang kakulangan ng pondo ng PhilHealth Ayon sa mga ulat, tinatayang 15% ng populasyon sa mga rural na lugar ang walang access sa mga pangunahing serbisyo ng kalusugan, kabilang ang mga ospital at gamot Sa kabila ng pagiging miyembro ng PhilHealth, marami pa ring pamilya ang nahihirapan magbayad ng kanilang medical bills dahil sa kakulangan ng sapat na pondo mula sa ahensya Kapag may sakit ang mga magulang, ang mga mag-aaral ay apektado hindi lamang sa kalusugan, kundi pati na rin sa kanilang pag-aaral
Ang pinakamalapit na pampublikong ospital ay madalas ilang kilometro ang layo at walang sapat na pampasaherong transportasyon, kaya’t marami sa amin ang nahihirapan pumunta roon Ayon sa Department of Health (DOH), tumaas ang bilang ng mga hindi nakakapagpagamot sa mga mahihirap na pamilya dahil sa mataas na gastos, kaya’t maraming magulang ang nagiging pasibo na lang at umaasa na lang sa mga mura o home remedies Ngunit, ang hindi pagkakaroon ng access sa sapat na pangangalaga ay nagdudulot ng pagkasira sa kalusugan ng magulang at sa edukasyon ng bata
Dahil dito, ang mga mag-aaral na tulad ko ay nahihirapan mag-focus sa klase Ayon sa isang pag-aaral ng University of the Philippines, ang mga batang may problema sa kalusugan ng pamilya ay may mas mababang academic performance kumpara sa mga hindi apektado Kapag ang magulang ay may sakit at hindi kayang magpagamot, ang mga anak nila ay nagiging sanhi ng pagkabahala, at hindi nakakapagconcentrate sa pag-aaral
May mga magulang na nagiging financially burdened, kaya’t ang mga bata ay nauurong sa kanilang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral
Ang kakulangan sa pondo ng PhilHealth ay hindi lang problema ng kalusugan, kundi pati ng edukasyon Hindi dapat magpatuloy ang sitwasyon kung saan ang kalusugan ng mga magulang at ang edukasyon ng mga bata ay nagsasakripisyo dahil sa kakulangan ng pondo Kung hindi mapapabuti ang sistema ng PhilHealth at mas maraming pondo ang ibubuhos sa mga rural na lugar, patuloy na magkakaroon ng cycle ng kahirapan at kabiguan sa edukasyon Ang gobyerno ay kailangang magtulungan upang tugunan ang krisis na ito at magbigay ng mas maraming suporta sa mga mahihirap na pamilya upang mabigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-aral ng maayos at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan
School Year 2024-2025
PUNONG PATNUGOT- Angel Adapon
PANGALAWANG PATNUGOT- Jenny Rose B Ababa
PAGSULAT NG BALITA- Jaysheil Rei Macoto, Liznie Solatorio
PAGSULAT NG EDITORYAL- Jhillianne Fyll C Lagrimas, Regie Ken M Baranggan
PAGSULAT NG LATHALAIN- Jerome Embalsado, Krizzle Divin Emnace
PAGSULAT NG AGTEK- Ariel Jay C Sumile
PAGSULAT NG ISPORTS- Crisha Gwyn M Ababa
TAGAGUHIT- Terrenz M. Ababa MGA KONTRIBYUTOR- Ronavel C. Berondo, Jenel T. Albarico, Sheila Mae S. Vale
TAGAPAYO- Alfred C Canete & Kayce L Landiao
ULONG-GURO- Dr Daisy S Malano
ang Pilipinas sa 81 na bansa sa larangan ng matematika, pagbasa, at agham ayon sa PISA, 2022
Bilang isang estudyante, hindi ko maiwasang mag-isip tuwing binibigyan kami ng marka. Oo, mahalaga ang mga grado, pero hindi ito ang tanging basehan ng kung sino tayo o kung gaano tayo kahusay.
Minsan, nakakalimutan
natin na ang bawat marka ay hindi sumasalamin sa lahat ng ating kakayahan, pag-pupunyagi, at dedikasyon sa pag-aaral
Iba-iba tayo ng paraan ng pagkatuto at mga hamon na kinakaharap, kaya't hindi fair na ituring ang isang mababang marka bilang indikasyon ng ating hindi pagkakatalino
Ang mga marka ay parang panandaliang resulta ng ating sipag at sakripisyo, ngunit hindi nito nasusukat ang buong potensyal ng isang mag-aaral
Minsan, ang mas mataas na marka ay nakukuha lang ng mga estudyanteng kayang mag-memorize ng mabilis, pero hindi nila lubos na naipapakita ang kanilang tunay na pang-unawa at pagmamahal sa paksa
Sa kabilang banda, ang ibang mag-aaral na hindi gaanong magaling magexam, ngunit masigasig sa kanilang pag-aaral, ay may mga natutunan na hindi nasusukat sa numero
Tulad ng sabi ng isang kaibigan kong estudyante
Presyon ng Magulang: Paghihirap o
Hindi ko kailangan maging perpekto sa lahat ng bagay, basta't alam kong natututo ako at ginagawa ko ang aking makakaya."
Kaya, hindi ko sasabihin na hindi mahalaga ang marka Pero mas mahalaga ang tunay na pagkatuto at ang mga bagay na natutunan mo sa bawat hakbang ng iyong edukasyon Sa huli, hindi ang marka ang magtatakda kung ano ang magiging buhay mo, kundi ang sipag, determinasyon, at puso na ilalagay mo sa bawat aralin at hamon
Hindi ko na alam kung paano ko pa gagawin, pero gusto ko lang mag-aral ng walang takot.
Ito ang sinabi ng isa kong kaibigan, at hanggang ngayon, naiisip ko pa rin Laging sinasabi ng mga magulang namin na kailangan mataas ang mga marka para magtagumpay sa buhay Minsan, ang mga inaasahan nila ay nagiging mabigat at nawawala ang saya sa pag-aaral dahil sa takot na hindi maabot ang mga grado Ang tanging tinitingnan nila ay ang resulta, hindi na kung gaano kami nagsusumikap
Tuwing uuwi ako, tanong agad sila tungkol sa mga marka Hindi nila tinitingnan kung gaano kahirap ang mga aralin o kung gaano ako nagsikap Ang mahalaga lang ay kung mataas ba ang puntos ko. Hindi ko na alam kung paano sasabihin na hindi ko na kayang dalhin ang bigat ng presyon na nararamdaman ko Minsan, naiisip ko kung bakit hindi nila nakikita ang tunay kong pagsusumikap at ang hirap na dinadala ko arawaraw.
Gusto ko lang mag-aral nang masaya, hindi sa takot na magkamali Sana makita ng mga magulang na hindi lang ang marka ang sukatan ng tagumpay, kundi ang kasiyahan at ang tunay na natutunan sa bawat aralin Ang edukasyon sana ay maging pagkakataon para sa amin na matuto nang masaya, hindi sa ilalim ng takot at presyon Dapat sana ' y maging mas maligaya kami sa bawat hakbang ng aming pagkatuto, hindi sa labis na pag-aalala sa mga numero
#AyonSaMgaNumero
sa mga estudyante ang naiistress dahil sa presyon galing sa magulang ayon sa American Psychological Association sa mga estudyante ay nawawalan ng motibasyon kompara sa mga estudyanteng hindi pinipressure ng magulang base sa datos ng Journal of Educational Psychology nakaramdam ng pagkabagot at pagod sa pag-aaral kompara sa iba base sa pananaliksil na ginawa ng University of California
Sa makabagong panahon, ang Artificial Intelligence (AI) ay nagiging bahagi ng halos bawat aspeto ng ating buhay, kabilang na ang edukasyon Sa tulong ng AI, nagiging mas accessible at personalized ang pagkatuto para sa mga bata Halimbawa, ang mga digital learning platforms ay nag-aalok ng mga programa na naiaangkop sa kakayahan ng bawat mag-aaral Nagbibigay ito ng mas mabilis na feedback at oportunidad para sa mas epektibong pagkatuto Ngunit, sa kabila ng mga benepisyong ito, mahalagang pagusapan kung paano nito naapektuhan ang kanilang kakayahang mag-isip nang kritikal at ang papel ng mga guro sa tradisyunal na silid-aralan
Hindi maikakailang ang AI ay nagdadala ng positibong pagbabago sa larangan ng edukasyon, ngunit may kaakibat din itong hamon Ang sobrang pag-asa sa teknolohiya ay maaaring magresulta sa kawalan ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral at guro Ang pakikipagugnayan sa tao ay mahalaga upang mapalawak ang emosyonal at sosyal na aspeto ng pagkatuto, na hindi kayang ibigay ng kahit na pinakamatalinong makina Bukod dito, may pangamba rin sa kakayahan ng mga paaralan na maipantay ang kalidad ng teknolohiya para sa lahat ng mag-aaral, lalo na sa mga liblib na lugar
Personalized na pagkatuto
Nagbibigay ang AI ng mga programang nakabatay sa pangangailangan ng bawat mag-aaral Halimbawa, ang mga apps tulad ng Duolingo ay inaadjust ang leksyon depende sa antas ng kaalaman ng bata
Isa pang usapin ang kultura at pagpapahalaga na maaaring maapektuhan ng AI Sa pamamagitan ng mga algorithm, maaaring malimitahan ang exposure ng mga mag-aaral sa iba't ibang ideya at pananaw, na mahalaga sa paghubog ng kanilang kritikal na pag-iisip Kaya't dapat tiyakin na ang AI ay ginagamit bilang kasangkapan lamang sa edukasyon, hindi kapalit ng tradisyunal na paraan ng pagtuturo Ang teknolohiya ay kailangang maglingkod sa tao, at hindi ang tao ang maglingkod sa teknolohiya
Sa huli, ang susi ay ang tamang balanse Ang AI ay maaaring maging isang makapangyarihang kaakibat ng mga guro sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon Ngunit dapat itong gamitin nang may responsibilidad at pagmamalasakit sa holistic na pagkatuto ng mga bata Habang yakapin natin ang bagong yugto ng teknolohiya, huwag nating kalimutang alagaan ang aspeto ng edukasyong nagpapalalim sa kanilang puso, isipan, at kaugnayan sa kanilang kapwa at kultura
Nakakabuo ang AI ng mga espesyal na programa para sa mga batang may learning disabilities Halimbawa, ang speech-to-text tools ay nakakatulong sa mga batang hirap magsulat, at ang text-tospeech ay para sa mga hirap magbasa
Ang paggamit
ng AI sa virtual reality (VR) at augmented reality (AR) ay nagdadala ng mas interaktibong paraan ng pagtuturo. Halimbawa, puwedeng "makapunta" ang mga bata sa iba't ibang bahagi ng mundo gamit ang virtual field trips
Sa tulong ng AIpowered platforms, mas madaling nakapagsusumite ng mga takdangaralin at natutukoy ang progreso ng bata Ang mga magulang at guro ay agad na naabisuhan kung may kailangang tutukan
Mas madaling komunikasyon sa guro at magulang
Bawas sa badyet, kabawasan din ba sa serbisyo?
Ang pagbawas ng badyet sa Department of Education (DepEd) ay nagdudulot ng malaking epekto sa edukasyon ng mga kabataan Kung hindi sapat ang pondo, mahihirapan ang mga paaralan na magbigay ng tamang kagamitan at pagsasanay sa mga guro Dahil dito, magiging limitado ang pagkatuto ng mga mag-aaral at magiging hadlang sa kanilang pag-unlad
Mahalaga na magkaroon ng sapat na pondo upang maipatupad ng maayos ang Matatag Curriculum, na naglalayong magbigay ng dekalidad na edukasyon sa bawat batang Pilipino Ang pagkakaisa ng mga guro, magulang, at komunidad ay kailangan upang mapabuti ang sistema ng edukasyon sa bansa
DepEd Budget Cut: Banta sa Matatag na Kinabukasan ng Edukasyon
Jenny Rose B Ababa
Ang mga guro sa Pilipinas ay patuloy na nagsisilbi sa kabila ng mga hamon, ngunit ang pagbabawas ng pondo para sa DepEd ay nagiging hadlang sa kanilang misyon Ang kakulangan sa resources ay hindi lamang nagpapahirap sa pagtuturo kundi nagdudulot din ng stress at burnout sa mga guro, kaya't naapektuhan ang kalidad ng edukasyon na naibibigay nila sa mga estudyante
Kung hindi bibigyan ng sapat na pondo ang sektor ng edukasyon, paano mapapalago ang mga kabataan na siyang magtataguyod ng ating bansa sa hinaharap? Mahalaga ang edukasyon at dapat tiyakin na may sapat na suporta at kagamitan ang mga guro upang magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga estudyante
Ang pagbawas ng pondo para sa mga programang computerisasyon sa Department of Education (DepEd) ay isang malaking kabiguan, lalo na’t ang mga teknolohiyang ito ay mahalaga sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon
Sa isang panahon kung saan ang teknolohiya ay bahagi na ng pang-araw-araw na pagkatuto, ang pagputol ng pondo para sa computerisasyon ay nagiging hadlang sa mga estudyante at guro na makakuha ng mga kagamitan at kasangkapan upang mapabuti ang kanilang karanasan sa edukasyon Ito ay isang hakbang pabalik sa pagsasara ng agwat sa pagitan ng mga may kakayahang teknolohikal at mga hindi, kaya't ang kinabukasan ng edukasyon sa Pilipinas ay malalagay sa panganib
SiDr.DaisyS.Malano,ang schoolheadngDontulan ElementarySchool,ayisang lidernahindilamang nagmamasidmulasataas, kundiaktibongnagdadalang pagbabagosabawataspetong paaralan.
Isang patunay ng kanyang malasakit ang mga proyektong “Gulayaan sa Paaralan” na nagtuturo sa mga mag-aaral ng pagtatanim ng gulay, pati na rin ang pagpapabuti ng school canteen na nagbigay ng masustansyang pagkain sa bawat estudyante Ang mga hakbang na ito ay isang halimbawa ng kanyang tapat na pangako sa kalusugan at kaalaman ng mga kabataan
Hindi rin nagpahuli si Dr Malano sa pagpapalakas ng teknolohiya sa paaralan Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nagkaroon ng wifi at wifi boosters na nagbigay daan sa mas mabilis at mas maayos na online learning Ang mga bagong canopies at wash stands na itinayo sa buong paaralan ay nagsilbing proteksyon at kalinisan, kaya’t ang mga magaaral ay makakapasok sa paaralan nang komportable at ligtas
Si Chang-e, ang aming matapat na bantay, ay isang aso na hindi lang guwardiya ng paaralan, kundi isang kaibigan sa bawat mag-aaral at guro Nagsimula siya bilang alaga ni Bb Landiao, ngunit sa paglipas ng panahon, naging simbolo siya ng proteksyon at pagmamahal sa aming paaralan, lalo na tuwing walang pasok Sa kabila ng kanyang pagiging aso, si Chang-e ay may puso na hindi matitinag
Bilang coordinator ng Gulayan sa Paaralan, pinapalago ni G
SiG.CelesteVeralloayhindi lamanggurongGradeV kundiisangmahalagang bahagingDontulan ElementarySchool.Bukod sapagtuturo,siyarinay propertycustodianat coordinatorngGulayansa Paaralan.Lagingtinitiyakni G.Verallonaangmga kagamitanngpaaralanay nasamaayosnakondisyon atnakalistangtama.Ang kanyangpagigingmasinop atmaingataynakakatulong sapagpaplanoparasa hinaharapngpaaralan.
Verallo ang mga gulay hindi lamang para sa sustansya kundi bilang isang halimbawa ng pagtutulungan at malasakit sa kalikasan Sa kanyang pamumuno, natututo ang mga mag-aaral at guro ng kahalagahan ng organikong pagsasaka at pagiging responsable sa kalikasan Ang kanyang dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon sa mga guro at mag-aaral
Ang mga proyektong ito ay patunay ng pamumunong transparent at accountable ni Dr Malano Hindi lang niya pinapabuti ang mga pasilidad, kundi ang buong komunidad ng Dontulan Sa bawat hakbang, ipinapakita niya na ang isang mahusay na lider ay hindi lamang nag-iisip para sa sarili, kundi para sa kapakanan ng buong komunidad at mga susunod na henerasyon
Tuwang-tuwa siya kapag nakikita ang mga bata at bisita, at laging handang magbigay ng masayang galak sa bawat lapit nila Hindi siya natatakot, bagkus siya ay laging nagmamasid at magbibigay ng seguridad sa paligid
Si Chang-e ay hindi lang simpleng bantay, siya ay isang tapat na kaibigan Walang kapalit ang kasiyahang hatid niya sa mga mag-aaral na dumadaan sa paaralan, laging may ngiti at galak sa bawat pagkikita Siya ang
Sa kabila ng lahat ng kanyang tungkulin, kilala si G Verallo sa pagiging mahinahon at maingat Siya ay palaging tapat sa kanyang mga responsibilidad at ipinapakita ang kahalagahan ng pagtutok sa bawat detalye, mula sa gamit pangpaaralan hanggang sa mga proyekto Sa bawat hakbang na ginagawa niya, nagsisilbi siyang modelo ng sipag, dedikasyon, at malasakit
paalala na kahit sa simpleng paraan, maaari kang maging mahalaga sa iba
Si Chang-e ay higit pa sa isang aso Siya ay isang simbolo ng dedikasyon, pagmamahal, at pagkalinga Ang kanyang presensya ay patunay na ang maliliit na bagay ay may malaking epekto, at sa bawat hakbang ng mga bata at guro, laging naroon si Chang-e bilang tagapagtanggol at kaibigan
paglalakbay Sa bawat
pagbigkas ng “puhon,”
nararamdaman ang isang
taimtim na pangako, na sa hinaharap ay matutupad ang
mga pangarap Isa itong simbolo ng malalim na pag-asa l i
Sa mga mag-aaral sa paaralan, ang salitang “puhon” ay nagsisilbing inspirasyon sa kanilang araw-araw na pagsusumikap Hindi nila alam kung kailan, ngunit naniniwala silang sa bawat hakbang nila, dahan-dahan nilang nararating ang kanilang mga angarap Ang mga pagsubok sa uhay ay parang mga bato sa araanan, ngunit ang salitang “puhon” y nagbibigay sa kanila ng lakas pang patuloy na magsikap at agtiwala sa kanilang kakayahan
Kapag ang mag-aaral ay nagaral ng mabuti, ang kanilang isip at uso ay puno ng pag-asa “Puhon, akakaraos ako,” ang madalas na aririnig mula sa mga batang may angarap Ang bawat sakripisyo, awat oras ng pag-aaral, at bawat agsubok ay nagsisilbing bahagi ng anilang mas malaking pangarap ndi nila binibigyan ng puwang ang ga takot o alinlangan, bagkus ay agiging gabay ang “puhon” upang agpatuloy sa kanilang paglalakbay
Si G Canete ay hindi lamang isang guro, kundi isang breadwinner, asawa, negosyante, at mag-aaral Sa kabila ng lahat ng kanyang tungkulin, patuloy niyang tinatahak ang landas patungo sa kanyang pangarap na maging abogado
Araw-araw, nagtuturo siya sa mga kabataan, ngunit sa gabi, nag-aaral ng batas "Puhon, makakamit ko rin ang toga na may tatlong linyang lila," ang kanyang mantra, na nagsisilbing gabay sa kanyang pagsusumikap
Hindi madali ang buhay ni G Canete
Bilang breadwinner, nagsisilbi siya sa kanyang pamilya at nagnenegosyo upang matustusan ang kanilang pangangailangan
Ngunit ang kanyang pangarap na maging abogado ang nagbibigay sa kanya ng lakas upang magpatuloy, kahit na puno ng hirap at pagod “Kailangan ko ng sapat na kaalaman upang matulungan ang mga nangangailangan ng hustisya,” aniya Bilang guro, naniniwala siya sa malaking epekto ng edukasyon sa pagbabago ng buhay ng tao. Ngunit nais niyang gawin ito sa mas malaking paraan bilang abogado na magiging tagapagtanggol ng mga mahihirap
"Puhon, magiging tagapagtanggol ako ng mga nangangailangan," ang kanyang pangako sa sarili
Hindi lang sa mga mag-aaral na nais magtagumpay sa buhay, kundi pati na rin sa mga guro, ang salitang “puhon” ay isang mensahe ng walang katapusang pagsusumikap Bawat guro ay may pangarap na makapagturo ng tama at magbigay ng edukasyon sa mga batang may pangarap din Ang “puhon” ay nagbibigay pag-asa na balang araw, ang bawat sakripisyo ay magiging daan upang makamit ang mas magandang bukas para sa lahat
Ang "puhon" ay hindi lamang isang salita, kundi isang pangako Sa bawat bata, guro, at magulang, ito ay nagsisilbing gabay na hindi nila iiwan ang kanilang pangarap "Puhon, magiging matagumpay tayo " Ang mga mag-aaral ng ngayon ay may dala-dalang mga pangarap na balang araw ay magiging bahagi ng kanilang makulay na bukas Puhon, magkakaroon tayo ng mas maginhawang buhay at tagumpay
Puhon, makakamit ko rin
ang toga na may tatlong linyang lila
Si G Canete ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon, hindi lamang sa kanyang pamilya, kundi sa kanyang mga estudyante at komunidad Ang kanyang pangarap na maging abogado ay hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa mga nangangailangan ng hustisya Puhon, magiging totoo ito at magsisilbing gabay sa iba pang guro at mag-aaral na nangangarap ng tagumpay
Patuloy na isinusulong ng
Dontulan Elementary School ang makabagong paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng paglulunsad ng Project PadBASA, isang inisyatibong gumagamit ng electronic devices upang matulungan ang mga batang nahihirapang bumasa Layunin ng proyektong ito na pagsamahin ang agham at teknolohiya upang gawing mas epektibo at kawili-wili ang pagbasa para sa mga magaaral
Sa pamamagitan ng Project PadBASA, ginagamit ang mga tablet o pads na may nakainstall na interactive reading materials at educational apps Ang teknolohiyang ito ay tumutulong sa mga guro na masubaybayan ang progreso ng mga mag-aaral at magbigay ng mas angkop na gabay sa kanilang pagkatuto Ayon sa mga guro, napansin nilang mas nagiging aktibo at masigasig ang mga bata sa pagbabasa dahil sa makulay at interaktibong nilalaman ng mga kagamitan
Malaking hakbang ang proyektong ito sa pagharap sa hamon ng reading comprehension sa elementarya Ayon sa DepEd, isa sa mga pangunahing suliranin sa edukasyon ay ang mababang antas ng literacy, kaya naman ang paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng Project PadBASA ay isang mabisang solusyon upang mapabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral Sa tulong ng mga interactive at engaging na materyales, nadadala ang mga bata sa mas mataas na antas ng pag-unawa at kasanayan sa pagbabasa
Ipinagmamalaki ng
Dontulan Elementary School ang pagsisimula ng proyektong ito at patuloy itong susuportahan para sa kapakanan ng mga mag-aaral Umaasa ang paaralan na sa pamamagitan ng pagsasama ng agham at teknolohiya, mas maraming batang Pilipino ang mahihikayat na magbasa at mas mapapadali ang kanilang pagkatuto
Ang e-SIMs o Electronic Strategic Intervention Materials ay isang makabagong hakbang na ginagamit upang mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng teknolohiya Sa pamamagitan nito, ang mga guro ay nakakalikha ng interactive at digital na mga leksyon, tulad ng video lessons, interactive quizzes, at visual aids, na mas madaling ma-access at maintindihan ng mga mag-aaral Sa Dontulan Elementary School, ang e-SIMs ay ginamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga bata, lalo na ang mga may kahirapan sa pag-unawa ng mga aralin
Gamit ang mga e-SIMs, ang mga guro sa paaralan ay nakakagawa ng mga animated na aralin at video explanations na tumutugon sa iba't ibang learning styles ng mga mag-aaral Ang mga assessments sa e-SIMs ay nagbibigay ng instant feedback, na nakatutulong sa mga mag-aaral upang agad nilang makita ang kanilang mga pagkakamali at itama ito Bukod dito, ang mga materyales ay maaaring ma-access kahit offline, na nagbibigay ng flexibility sa mga mag-aaral na walang internet access
Bagamat may mga hamon tulad ng kakulangan sa kagamitan at limitadong internet connection, patuloy na tinutulungan ng mga guro sa Dontulan Elementary School ang kanilang mga mag-aaral
Sa pamamagitan ng e-SIMs, nagiging mas makabago at epektibo ang kanilang pagtuturo, at natutulungan nilang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral upang maging matagumpay sa kanilang pag-aaral
Ang paggamit ng e-SIMs sa Dontulan Elementary School ay hindi lamang nakakatulong sa akademikong aspeto ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa kanilang digital literacy
Habang lumalawak ang access sa teknolohiya, umaasa ang paaralan na magiging mas malawak ang kanilang paggamit ng e-SIMs, upang mas marami pang mag-aaral ang makinabang sa mga makabagong pamamaraan ng pagkatuto
Pagtutulungan ng mga Magaaral sa Dontulan Elementary School para sa Kalikasan
Ariel Jay C Sumile
Sa bawat puno na itinatanim, may bagong buhay at pag-asa na sumisibol
Republic Act No. 10176
SaPilipinas,ang pangunahingbatasna namamahalasamgainisyatibo ngpagtatanimngpunoayang NationalIntegratedProtected AreasSystem(NIPAS)Actof 2011,nanaglalamanngmga probisyonparasapagtatanimng punobilangbahagingmga pagsisikapsapangangalagang kalikasan
NoongSetyembre9,2024, nagsagawangTree-planting andGreeningActivityangmga mag-aaralngDontulan ElementarySchoolbilang pakikiisasapagdiriwangng NationalScienceMonth. Pinangunahanngmgaguroat mag-aaralangpagtatanimng mgapunongkahoysapaligid ngpaaralan,nanaglalayong mapabutiangkapaligiranat palaganapinangkamalayansa mgakabataantungkolsa kahalagahanngkalikasan.
Ang proyekto ay hindi lamang isang simpleng pagtatanim ng puno, kundi isang hakbang upang matutunan ng mga mag-aaral ang halaga ng mga puno at halaman sa ating buhay Sa bawat punong itinanim, nagsisilibing simbolo ito ng pag-asa at pangako ng isang mas malinis na kapaligiran
"Sa bawat puno na itinatanim, may bagong buhay at pag-asa na sumisibol," ayon kay Bb Landiao, isang guro ng paaralan Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang malasakit at dedikasyon sa kalikasan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing ito, na nagsilbing magandang halimbawa sa komunidad
Ang Tree-planting and Greening Activity ay isang patunay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na pagunawa at pagkilos para sa kalikasan, hindi lamang sa loob ng silid-aralan kundi pati na rin sa labas nito, upang magtulungan para sa mas berdeng bukas
Local Anti-Mosquito Protection
AngProject LAMPay patunaynaang aghamaymay malakingpapel sapangangalaga ngkalusuganat kalikasan.
NoongOktubre2024,inilunsadng mgamag-aaralngDontulanElementary SchoolangProjectLAMP(LocalAntiMosquitoProtection)nagumagamitng mgalokalnahalamantuladngkantutay atutot-utotupanglabananangmga lamokatmaiwasanangmgasakittulad ngdengue.Angproyektongitoayisang halimbawangpaggamitngaghamupang lumikhangmgasolusyonsakalusugan gamitangmgalokalnayamanng kalikasan.
Pinili ng mga mag-aaral ang mga halamang may insect-repellent properties bilang isang natural na alternatibo sa kemikal na pestisidyo Bukod sa pagiging ligtas at cost-effective, ang proyekto ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-preserba sa lokal na biodiversidad at ng sustainable na mga solusyon para sa kalusugan at kalikasan Sa pamamagitan nito, natututo ang mga magaaral ng praktikal na aplikasyon ng agham sa paglaban sa mga lumalalang kaso ng dengue sa komunidad
Ayon kay G Alfred C Canete, guro at tagapayo ng proyekto, "Ang Project LAMP ay patunay na ang agham ay may malaking papel sa pangangalaga ng kalusugan at kalikasan, at nagbibigay sa mga kabataan ng pagkakataon na maging bahagi ng solusyon " Ang proyektong ito ay isang inspirasyon sa iba pang mga paaralan at komunidad upang maghanap ng mga makabago at natural na paraan ng paglaban sa mga sakit na dulot ng lamok
oongSetyembre9,2024,ang DontulanElementarySchool(ES)ay nagingbahagingpambansang programanatinatawagnaBakuna Eskwela,kungsaanangmgamagaaralatguroaytumanggapng bakunalabansaiba'tibangsakit.
Ito ay alinsunod sa National Immunization Program ng Department of Health (DOH), na nagsusulong ng malawakang bakunahan upang protektahan ang mga kabataan at mga guro laban sa mga nakakahawang sakit tulad ng polio, tigdas, at flu Ang inisyatibang ito ay may layuning tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng mga komunidad sa paaralan, upang magpatuloy ang kanilang mga aktibidad sa isang ligtas na kapaligiran
Sa pamamagitan ng Bakuna Eskwela, ang mga mag-aaral at guro ng Dontulan ES ay nabigyan ng proteksyon laban sa mga posibleng epidemya Ang mga bakuna ay isang hakbang upang matugunan ang mga hamon ng mga nakaraang taon na dulot ng pandemya, at nagbigay ng tiwala sa mga magulang na ang kanilang mga anak ay magiging ligtas sa mga klasrum
Bukod dito, nakatulong ang programang ito sa mga guro upang makapagbigay ng mas mataas na kalidad ng edukasyon, dahil natanggal ang mga alalahanin ukol sa kalusugan
Jenel Mae Albarico
Ang Bakuna Eskwela ay bahagi ng layunin ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na matiyak ang proteksyon ng mga mag-aaral at guro
Sa mga liblib na lugar tulad ng Dontulan ES, ang ganitong mga inisyatiba ay may malaking epekto sa pagpapabuti ng edukasyon, dahil nagiging mas magaan ang pagbabalik sa face-toface classes at mas nagiging produktibo ang pagtutok sa pagkatuto Sa mga ganitong hakbang, naipapakita ang kahalagahan ng pagtutuungan ng mga ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng mga bata at guro
Sa tulong ng mga bakuna, ang mga magaaral at guro sa Dontulan ES ay patuloy na mag-aaral at nagtuturo nang walang takot sa kalusugan
Kasangga mo. Kasangga mo.
Ang sektor ng kalusugan sa Pilipinas ay patuloy na umaangkop sa makabagong teknolohiya, at isa na rito ang pag-usbong ng digital health platforms at telemedicine Sa pamamagitan ng mga inobasyong ito, nagiging mas accessible ang mga serbisyong medikal, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga ospital Ang telemedicine, kung saan maaaring kumonsulta ang mga pasyente gamit ang video call o chat, ay nagbigay ng mabilis na solusyon, lalo na sa panahon ng pandemya Ito rin ay nakakatulong sa pag-monitor ng kalusugan at pagbibigay ng reseta nang hindi kinakailangang magtungo sa mga health centers
Bukod sa telemedicine, ang digital health platforms tulad ng mga mobile apps at online portals ay nagbibigay ng mas madaling paraan upang mag-book ng appointments, mag-access ng medical records, at makipag-ugnayan sa mga healthcare professionals Sa pamamagitan ng mga tools na ito, hindi lamang napapabilis ang serbisyo kundi mas pinapalakas din ang preventive care at early detection ng mga sakit Sa kabuuan, ang mga digital na teknolohiya ay nagsisilbing tulay sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga Pilipino, at nagiging susi sa mas ligtas at mas maayos na healthcare system
Ariel Jay C Sumile
Makabagong Teknolohiya, Mas Pinadaling Pagbasa!
Patuloynaisinusulongng DepartmentofScienceand Technology(DOST)angpaggamitng makabagongteknolohiyasa pagsasaka,kabilangnaang automatedirrigationsystemsat drones,upangtulunganangmga magsasakasaharapngmgahamon sapagbabagongklimaatlumalaking pangangailanganparasapagkain. Sapamamagitanngmgasensorna nag-aadjustsatamangdamingtubig parasamgapananim,natutulungan angmgamagsasakanamaiwasan angsobrangpaggamitngtubig,na nakakatulongsasustainablena pagsasaka.
Kasabay ng makabagong sistema ng irigasyon, ipinakilala rin ang mga drones na ginagamit para sa mas mabilis at episyenteng pag-spray ng pestisidyo Ang teknolohiyang ito ay hindi lamang nagpapabilis sa trabaho ng mga magsasaka, kundi tumutulong din sa pagkakaroon ng pantay-pantay at wastong pag-aapply ng mga kemikal sa mga pananim, na nagreresulta sa mas mataas na ani at mas mababang gastos
Jenny Rose Ababa
AngPilipinasaypatuloynanakakaranasng malalakasnabagyodulotngpagbabagongklima. Salayuningmapabutiangpagtugonsamga kalamidad,isinulongangmgamakabagong teknolohiyasapagtuklasatpagtatayangmga bagyo.Sapamamagitanngadvancedsatellite systems,Dopplerradar,atAI-drivenforecasting models,natutukoyangmgabagyonangmasmaaga atmastumpak,kaya’tmasnapapalakasang preemptivemeasuresngmgaahensyanggobyerno atlokalnapamahalaan.
Sa mga inisyatibong ito, ang DOST ay nagbibigay din ng pagsasanay at suporta sa mga magsasaka upang matutunan nila ang tamang paggamit ng mga bagong teknolohiya Nilalayon ng ahensya na maging abot-kaya ang mga makabagong kagamitan para sa maliliit na magsasaka at matulungan silang mapabuti ang kanilang kabuhayan sa gitna ng mga hamon ng modernong agrikultura Ang pagsasanay na ito ay nakakatulong hindi lamang sa pagtaas ng ani kundi pati na rin sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa teknolohiyang magagamit nila sa araw-araw
Sa pamamagitan ng teknolohiya, layunin ng DOST na gawing mas matatag ang sektor ng agrikultura at magkaroon ng mas sustainable na pamamaraan sa pagsasaka Sa tulong ng makabagong kagamitan, inaasahang magiging handa ang bansa sa pagharap sa mga hamon ng seguridad sa pagkain, na makikinabang din ang mga komunidad sa pamamagitan ng mas mataas na produksiyon at ligtas na mga produkto
Ang mga teknolohiyang ginagamit sa weather forecasting, tulad ng machine learning at high-resolution satellite images, ay nagbibigay ng realtime na impormasyon tungkol sa lakas at direksyon ng bagyo, na tumutulong sa mga disaster response teams na magplano at magbigay ng tamang rekomendasyon sa mga apektadong komunidad Ang mahahalagang data na ito ay nagpapabilis sa pag-kilos upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, mahalaga ang tamang edukasyon at paghahanda ng mga tao, dahil ang mas maagang abiso at mabilis na impormasyon ay nagbibigay daan sa bawat isa upang maghanda at magplano nang maayos Sa pamamagitan ng teknolohiya at aktibong partisipasyon ng mga mamamayan, magiging susi ito sa pagbuo ng mas matibay na sistema ng pagtugon sa mga kalamidad
Paano Mapoprotektahan ang Katotohanan sa Panahon ng AI
Liznie P Solatorio
Ang mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence ay nagbigay-daan sa paglikha ng deepfakes mga pekeng larawan at video na halos imposibleng makilala mula sa tunay Habang maaaring gamitin ito sa malikhaing paraan, nagdudulot din ito ng seryosong banta sa katotohanan, seguridad, at tiwala sa impormasyon. Upang maprotektahan ang publiko mula sa panlilinlang at maling impormasyon, mahalagang matutunan kung paano matukoy ang deepfakes at AI-generated media gamit ang mga tamang kasangkapan at pagsusuri
PaanoMatukoyangDeepfakes?
Pag-analisa ng Mukha at Paggalaw – Suriin kung may kakaibang pagkilos sa mata, labi, o anino Karaniwang may hindi natural na paggalaw o hindi tugmang ekspresyon sa mga deepfake
Pagtingin sa Pag-iilaw at Anino – Ang hindi pantay na pag-iilaw o aninong hindi tugma sa kapaligiran ay maaaring senyales ng isang deepfake
Pagsuri sa Tunog at Pagbigkas – Ang hindi tugmang tunog ng boses sa paggalaw ng labi ay isang malinaw na palatandaan ng pekeng video
PaanoMaiwasanangPagkalat ngDeepfakes?
Gamitin ang mga Online Tool sa Pag-detect – Maraming software at website, tulad ng "Detect Fakes," ang makakatulong sa pagsusuri ng deepfake media
Suriin ang Pinagmulan ng Impormasyon – Huwag agad maniwala sa viral na larawan o video Hanapin ang orihinal na source at tiyaking ito ay mapagkakatiwalaan
Maging Mapanuri sa Social Media – Huwag agad magbahagi ng emosyonal o kontrobersyal na nilalaman nang hindi muna ito bineberipika
Habang lumalawak ang paggamit ng deepfake technology, may mga hakbang ding ginagawa upang labanan ito
Ang blockchain verification ay ginagamit upang tiyakin ang pagiging tunay ng digital media, habang ang AI-powered detection tools ay patuloy na pinapaunlad upang matukoy ng mga pekeng nilalaman
Sa isang mundo kung saan madaling manipulahin ang katotohanan, mahalagang maging mapanuri, responsable, at laging handang magsuri ng impormasyon Sa pamamagitan ng edukasyon at tamang paggamit ng teknolohiya, mapoprotektahan natin ang ating sarili laban sa panlilinlang ng deepfakes
Sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence, lumalaganap ang deepfakes mga pekeng larawan at video na nilikha gamit ang AI upang linlangin ang publiko Dahil dito, nagiging mahirap para sa mga tao, lalo na sa kabataan, na tukuyin kung alin ang totoo at alin ang manipuladong impormasyon Upang malabanan ito, kailangang simulan ang laban sa loob mismo ng mga paaralan
Ang edukasyon ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap ng digital literacy ang kakayahang suriin at suriin ang impormasyong nakikita sa internet Sa pamamagitan ng pagsasama ng media and information literacy sa kurikulum, matutulungan ang mga mag-aaral na matukoy ang deepfakes gamit ang kritikal na pag-iisip at tamang pagsusuri ng mapagkukunan ng impormasyon
Bukod sa teorya, kailangang gamitin ang agham at teknolohiya upang sanayin ang mga estudyante sa paggamit ng mga AI-detection tools at fact-checking websites Sa ganitong paraan, hindi lamang sila magiging tagapagtanggap ng impormasyon kundi magiging aktibong tagapagtanggol ng katotohanan
Habang patuloy ang pagbabago ng teknolohiya, dapat ding sumabay ang ating sistema ng edukasyon Ang pagpapalakas ng kaalaman tungkol sa deepfakes ay hindi lamang isang akademikong gawain kundi isang pambansang pangangailangan upang maprotektahan ang katotohanan at integridad ng impormasyon sa ating lipunan
4,400%
pagtaas sa mga kaso ng identity fraud na may kaugnayan sa deepfakes sa Pilipinas mula 2022 hanggang 2023 ayun sa ulat ng ABS-CBN News, 2024
ang antas ng pagtaas ng akademikong pagganap ng kanilang mga mag-aaral sa mga paaralang may regular na programa sa Pisikal na Edukasyon ayun sa ulat ng World Health organization
Dontulan Elementary School, matagumpay na nagsagawa ng School Intramurals 2024
alayuningmahasaang kakayahanngmgamag-aaralsa laranganngpalakasan, matagumpaynaisinagawang DontulanElementarySchool angSchoolIntramuralsnoong Oktubre18-19,2024.Tampoksa nasabingpalaroangChess, Badminton,atAthletics,kung saannagpakitang-gilasangmga batangatletasakani-kanilang larangan.
Bawat laro ay naging patunay ng dedikasyon, disiplina, at sportsmanship ng mga kalahok Mula sa matatalinong diskarte sa chess, matitinding rally sa badminton, hanggang sa mabilisang
takbuhan sa athletics, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang husay at determinasyon Sa kabila ng kompetisyon, nanatili ang diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa buong palaro
Ang School Intramurals ay isang mahalagang hakbang upang matukoy ang pinakamahuhusay na atleta na kakatawan sa paaralan sa darating na District Meet 2024 Matapos ang dalawang araw ng paligsahan, napili na ang mga manlalarong magsasanay para sa mas mataas na antas ng kompetisyon Buong suporta ang ibibigay ng paaralan sa kanilang pagsasanay, na may layuning makapag-uwi ng karangalan para sa Dontulan Elementary School
Ang mga ateta ay aktbong nakiahok sa mga larong kanilang kinabbilangan
Base sa surbey na ginawa ng mga Opisyales ng Dontulan Sports Club, ito ang naging resulta:
Dontulan
Elementary Duo, umariba sa Badminton Mixed Doubles
Muling nagpakitang-gilas ang Dontulan Elementary School sa sports matapos makuha nina Ariel Jay Sumile at Anthonette Vallecer ang ikalawang pwesto sa Mixed Doubles Badminton sa District Meet 2024 Ang kanilang tagumpay ay nagbigay ng karangalan sa paaralan at nagpakita ng galing sa larangan ng badminton
Ang mga guro at mga manlalaro ay masaya dahil sa isang mainis at matagumpay na Championship game sa Badminton Mixed-Doubles
Matagumpay nilang tinalo ang Anatalio Lobitania
Elementary School at Bogo Capalaran Integrated School, kaya umusad sa semi-finals laban sa Gonosan Integrated School Sa kabila ng matinding laban, ipinakita nila ang disiplina at husay sa paglalaro na naging susi sa kanilang panalo
Sa finals, nakaharap nila ang MRPS Sped Center Hindi man nakuha ang kampeonato, ipinakita nila ang tunay na diwa ng paglalaro hindi sumusuko at laging lumalaban
Ang kanilang pag-abot sa championship round ay isang makasaysayang tagumpay para sa Dontulan Elementary School Ipinakita nilang kaya rin ng kanilang paaralan na makipagsabayan sa mas malalakas na koponan
Ayon sa kanilang coach, ang tagumpay nina Ariel Jay at Anthonette ay magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang paaralan Hinikayat niya ang iba pang mag-aaral na sumubok sa sports
6sa10batanglalakianggustong maglarongBasketball
4sa10bataanggustongmaglarong Chess
7sa10bataanggustongmaglarong Badminton
9sa10bataanggustongmaglarong Athletics
Ang datos na ito ay nagmula sa 50 na mga mag-aaral na dumalo sa ginawang School Intramurals 2024
Tilaagilangnakatutoksabolangtatamaan.
Ang pag-usbong ng E-Sports sa makabagong landas ng isports
Ang e-sports o electronic sports ay mabilis na nagiging bahagi ng buhay ng kabataan sa panahon ng makabagong teknolohiya. Hindi na lamang ito simpleng laro, kundi isang lehitimong industriya na kinikilala sa buong mundo. Sa Pilipinas, patuloy ang paglago ng interes sa e-sports, at marami sa kabataan ang nakikita ito bilang isang makabagong anyo ng kompetisyon na nagpapamalas ng talento at disiplina.
Malaki ang naitutulong ng esports sa kabataan, lalo na sa paghubog ng kanilang mga kasanayan Natututo sila ng disiplina, teamwork, at mabilis na pagdedesisyon sa bawat laro Higit pa rito, nagiging oportunidad ito upang maipakita ang kanilang husay habang natututo ring makipag-ugnayan at magtulungan sa kanilang mga kasama Ito ay nagsisilbing tagapagturo ng mga aral na magagamit hindi lamang sa digital na mundo kundi pati na rin sa kanilang personal na buhay
Bukod dito, binibigyan ng e-sports ang kabataan ng oportunidad na umasenso Marami ang nagiging scholar dahil sa e-sports, at may ilan pang sumisikat sa pandaigdigang kompetisyon na nagbubukas ng bagong daan patungo sa tagumpay Sa pamamagitan ng tamang gabay, ang esports ay maaaring maging isang landas para sa kabataan upang abutin ang kanilang mga pangarap habang natututo silang maging responsable at determinado
Si Rhaki Roj M Constantino, ang 13-taonggulang na billiards prodigy mula sa Molave, Zamboanga del Sur, ay patuloy na nagpapamalas ng kanyang husay sa iba’t ibang billiard tournaments sa loob at labas ng bansa Sa murang edad, siya ay naging kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyosong Hanoi Open Tournament sa Vietnam, kung saan nakapasok siya sa semifinals at muling ipinakita ang kanyang determinasyon at talento sa larangan ng bilyar
Bukod sa Hanoi Open, sumabak din si Rhaki sa iba't ibang pambansa at internasyonal na kompetisyon, kabilang ang Palarong Pambansa, kung saan siya ay itinanghal na Grand Champion sa parehong 8-ball at 9-ball na kategorya
Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang nagpataas sa kanyang karera kundi nagdala rin ng karangalan sa bayan ng Molave at sa buong Pilipinas
Pinagmamalaki si Rhaki ng kanyang mga kababayan bilang isang inspirasyon para sa kabataang Pilipino Ang kanyang determinasyon, disiplina, at suporta mula sa kanyang pamilya ay patunay na sa tulong ng sipag at tiyaga, kayang abutin ang pangarap
Sa kanyang mga susunod na torneo, patuloy na sinusubaybayan si Rhaki bilang "Pride ng Molave," na may layuning dalhin ang bandila ng Pilipinas sa mga prestihiyosong billiards competition sa buong mundo
Si Manny Pacquiao ay in-induct sa International Boxing Hall of Fame bilang bahagi ng Class of 2025 Kilala siya sa pagiging kauna-unahang boksingero na nagwagi sa walong weight divisions, kabilang ang flyweight at welterweight Ang kanyang bilis, lakas ng suntok, at tibay ang nagtakda sa kanya bilang isang alamat sa boksing Naging isa siya sa mga pinakamagandang halimbawa ng dedikasyon at pagsusumikap sa larangan ng palakasan
Si Rhaki ay patunay na ang talento at dedikasyon ay kayang magdala ng tagumpay para sa ating bayan
ayon sa kanyang mga tagasuporta
Sana ay mas maging ehemplo si Rakki sa iba pang mga kabataan na pumasok sa kahit anong larangan ng isport para maging libangan at propesyon
Bukod sa boksing, naging aktibo rin siya sa pulitika at philanthropy May record siyang 62 panalo, 8 talo, at 2 tabla Ang kanyang induction ay patunay ng kanyang legacy sa boksing, pati na rin ng kanyang inspirasyon sa mga atleta sa buong mundo Ang pagiging bahagi ng Hall of Fame ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas at nagpatibay sa kanyang lugar sa kasaysayan ng boksing
Si Adelyn P Lomotos ng Dontulan Elementary School ay hindi lamang isang mananakbo kundi isang simbolo ng tiyaga at dedikasyon sa larangan ng athletics. Mula sa School Intramurals noong Oktubre 18-29, 2024, kanyang pinahanga ang lahat sa kanyang pambihirang bilis at talento, na nagbigay-daan upang siya’y kilalanin bilang isa sa pinakamahusay sa iba’t ibang track and field events.
Ang tagumpay na ito ay nagbukas ng oportunidad para sa kanya na kumatawan sa paaralan sa District Meet noong Nobyembre 21-22, 2024 sa MRPS Oval Grounds, kung saan muling ipinamalas ni Adelyn ang kanyang tibay ng loob at husay Sa kabila ng matitinding kalaban, nasungkit niya ang gintong medalya sa 800m sprint, na patunay ng kanyang kahusayan at walang-kapantay na determinasyon na maipagmalaki ang kanyang paaralan at komunidad
Hindi nagwakas dito ang kwento ni Adelyn dahil noong Disyembre 6, 2024, siya ay sumabak sa Municipal Meet, kung saan mas matitindi ang kompetisyon Gayunpaman, ipinakita niya ang lakas ng kanyang loob at ang walang humpay na determinasyon, dahilan upang siya ay tanghaling isa sa mga pinakamahusay na mananakbo sa kanyang kategorya
Ang tagumpay na ito ang nagdala sa kanya sa Qualci Level Elementary Girls Athletics, isang prestihiyosong kompetisyon kung saan makakaharap niya ang pinakamahuhusay na atleta mula sa limang munisipalidad
Ang kanyang paglalakbay ay naging inspirasyon sa kanyang mga guro, kaklase, at buong komunidad isang patunay na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at suporta ng mga naniniwala, kayang abutin ang pinakamataas na pangarap
Nakilahok si G Alfred Cañete ng
Dontulan Elementary School sa InterAgency Badminton Tournament sa Lungsod ng Molave noong Nobyembre 2024 bilang bahagi ng Civil Service
Month Kasama niya si Gng Belinda
Apilan ng Gonosan ES, at kanilang
kinatawan ang Molave East District sa Mixed-Doubles category
Matagumpay nilang naipanalo ang apat na laban, na nagdala sa kanila sa championship round Sa huling sagupaan, nakaharap nila ang defending champion at national qualifier mula sa BJMP
Nakilahok si G Alfred Cañete ng
Dontulan Elementary School sa InterAgency Badminton Tournament sa Lungsod ng Molave noong Nobyembre
2024 bilang bahagi ng Civil Service
Month Kasama niya si Gng Belinda
Apilan ng Gonosan ES, at kanilang
kinatawan ang Molave East District sa Mixed-Doubles category
Matagumpay nilang naipanalo ang apat na laban, na nagdala sa kanila sa championship round Sa huling sagupaan, nakaharap nila ang defending champion at national qualifier mula sa BJMP