Araw araw kaarawan sa panitikan

Page 1

Araw-araw Kaarawan sa Panitikan Tatlong Maikling Kwento

Mikael Lustre Francisco Tagoba Don Vittorio C. Villasin



Copyleft 2015 by the writers of the two works who willingly donated their works for the fulfillment of this project. Digitally published in issuu.com. This a non-profit project.

This project owes influence from Haruki Murakami’s project entitled Birthday Stories—a collection of short stories with the theme of birthdays by various authors from both hemispheres. Though in no manner either close or conspicuously similar (in terms of content and creative merit) to the said project, I wouldn’t have conjured the idea for this project without the former. And come to think of it, my whole writing career wouldn’t have come to the fore without Murakami.

MS-Word document converted to PDF through a quick google search. Headings are set in Cambria, the rest in Calibri.


Paunang Salita

Nagsimula ang proyektong ito sa isang liham na isinulat ko na ipinadala ko sa mga kapwa ko manunulat sa Internet. Niyakag ko silang mag-donate ng isang maikling kwento na may temang kaarawan. Sa nasabing liham, sinabi ko rin ang layunin ng proyekto: na itipon ang kanilang mga akda upang lumabas ang kanilang kaakuhan—identity, na siya ring palalawigin ng temang napili. Naniniwala ako na ang manunulat at ang kanyang sining ang sentro ng paglalakbay patungo sa pagbabago—sa katotohanan, sa selfactualization, sa apotheosis. Hindi lamang basta mga salita ang kanilang isinasalpak sa papel, kundi mga piraso ng kanilang sarili, ng kanilang malay at ng kanilang buhay. At gamit ito, matutulungan nila ang kanilang mga mambabasa na pagtagumpayan ang kanilang buhay. Dito papasok ang kaarawan—lahat halos ay mayroon nito, ginugunita ang pagdilat ng mga mata sa mundong materyal. Ang iyong kaarawan ang simula ng iyong paglalakbay, at ang iyong bawat kaarawan ang sumasampal sa iyo na umaandar ang oras. --DVCV


“No matter how far they go, people can never be anything except themselves.� --Haruki Murakami, Birthday Girl


Guhit ni Mikael Lustre

Nagulat ako sa nakita ko. Bakit dalawa ang doorknob ng pinto namin? Iniling-iling ko ang aking ulo at baka namamalik-mata lamang ako. Nang abutin ko ito, nagulat pa ako nang makitang dalawa ang kamay na umabot ng door knob. Napaatras ako bigla. Doon na ako bumagsak. "Uy Paul, mukhang napasobra na naman 'ata ang inom natin ah. Kaya mo pa ba?" Nilingon ako ang pinagmulan ng boses. Kahit na nanlalabo ang paingin ko ay nahinuha kong si Mang Pedring pala iyon. Nakatayo siya sa labas na kanilang pintuan at nakatanaw sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas, gaya ng nakasanayan nito. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakabagsak. Ramdam ko ang sakit sa bandang puwitan ko pero hindi ko ito ininda. "Kahunti lang ho Mang Pedring, pampaloobag-loob lang. Halam n'yo naman shiguro kung bakeet." "Alam mo, hindi naman masosolus'yunan na alak ang problema mo eh. Gaya nga ng sabi ng mga kabataan ngayon. Move-on, move-on din 'pag may time." Natatawa niyang sabi. Hindi ko na nagawa pang tumugon sa kanyang mga sinabi dahil naduwal ako, at sumuka kalaunan dahil hindi ko na mapigil.


Muli kong sinubukang bumangon pero hindi ko alam kung bakit parang an'lambot ng mga binti ko. Ginapang ko na lang ang dalawang baitang ng hagdan at kinalampag ko ang pinto. Ang tagal naman nila akong pagbuksan. Nilakasan ko ang pagbayo sa pinto. "Hoy! Bukshan n'yo to!" Narinig ko ang malakas at nagmamadaling yabag ng mga paa pababa ng hagdan. "Pa? Ikaw na ba 'yan?" Tawag sa akin mula sa loob ng bahay. Biglang nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang walong-taong gulang na batang babae. "Bakeet hang tagal mong bukshan hang pinto!" Singhal ko sa kanya sabay sapak. Agad na umiyak ang bata. "Aray ko Pa. Nasa k'warto po kasi ako." "Haba'y shumashagot ka pa ah." Sasapakin ko ulit sana siya pero napatigil ako nang may biglang nagsalita. "Hoy Paul, pinagbubuhatan mo na naman ng kamay ang anak mo? Ano ka ba naman, maghapon ka na ngang wala dito, lasing ka na 'pag umuwi, tapos sasaktan mo pa ang kaisa-isa mong anak. Ano ka ba naman?" Itinulak ako ng isang matabang babae papasok at kaladkad-hila na inakay patungong sofa. "Dinidishiplina ko lamang 'yong bata," kat'wiran ko sa babae. Ang bigat na talaga ng ulo ko at parang masusuka na naman ako kaya humiga na ako sa malambot na sofa.


"Hindi disiplina ang ginagawa mo Paul, pananakit, pang-aabuso. Hindi ka ba naaawa sa anak mo? Wala na nga s'yang nanay, tapos 'yong tatay n'ya minamaltrato pa s'ya?" Salungat sa akin ng babae. "Dinidishiplina ko nga lang." Giit ko sa kanya. "Mahal na mahal ko hang hanak ko Betchay, tandahan mo 'yan. Kung hindi hako hiniwan ng kapatid mong malandi at sumama sa ibang lalaki, hindi naman hako magkakaganito eh." "Kung ikaw lang din ang magiging asawa n'ya eh mas maigi pa ngang sumama na s'ya sa iba." Sabat ni Betchay. Gusto ko pa sanang sumagot sa kanya pero pinigilan na ako ng aking anak. "Pa, tama na po. Magpahinga na lang kayo." Naupo ito sa tabi ko at nilagyan ng dalawang throw pillow sa aking uluhan. "Kukuha lang po ako ng tubig." "Hayaan mo na 'yang ama mo, Pauline. Halika ka na sa taas." Padabog na umakyat ng handag ang Tiya Betchay n'ya. *** Kinabukasan, nagising akong masama ang pakiramdam. Parang mabibiyak ang ulo sa sobrang sakit niyon. May hangover na naman ako. Kahit na halos gabi-gabi na akong umiinom, hindi pa rin ako nasasanay sa dulot nitong hangover. Napahawak ako sa aking ulo. "Pa, ayos lang po ba kayo?" Lumabas mula sa kusina si Pauline. May hawak itong tasang umuusok at dahan-dahan ang paglalakad nito dahil ayaw niyang matapon ang mainit na laman ng tasa. "Ipinagtimpla po kita ng kape."


Agad kong kinuha kape kay Pauline at hinigop ito. Nakaramdam ako ng kaunting ginhawa ng sikmura. "May dumi ba ako sa mukha?" Bigla kong tanong sa nag-iisang anak ko. Mataman itong nakatingin sa akin. "Wala naman ho. Naisip ko lang 'yong sinabi mo kagabi." Tugon ni Pauline, nakaguhit sa mukha nito ang pagtataka. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko maalala kong alin ang tinutukoy ng bata. Bukod sa pagiging lasing ko ay wala na akong maalala. Ni hindi ko nga alam kung papaano ako nakauwi. "Ano naman iyon?" Tumingin sa malayo si Pauline at hindi ko napigilan ang sarili na tignan siya. Sa murang gulang nito, masasabi kong may angking katalinuhan ang aking anak. Hindi ito tulad ng ibang bata na puro laro ang nasa isip. Minsan makikita ko na lang itong nakasilip sa bintana at pinanonood ang mga batang naglalaro. Pero madalas ay nakikita ko itong nag-iisip. Para sa isang batang kagaya niya, hindi iyon pangkaraniwan. "'Yong tungkol ho kay Mama." Hindi agad ako nakapagsalita sa aking narinig. Ilang taon na nga bang hindi namin kapiling ang kanyang ina? Dadalawang taon palang noon si Pauline noong iwan niya kami. Mayroon ba akong nasabing masama kagabi at biglang ganito ang tanong ng anak ko ngayon? "Ano naman ang tungkol sa Mama mo? Hindi ba't nasa abroad siya." Hindi agad nagsalita si Pauline at patuloy lamang sa pagtanaw sa malayo. "Hindi po iyon sinabi ninyo kagabi, Pa." Pilit kong hinagilap sa alaala ang nangyari kagabi ngunit wala talaga akong maalala. "Ano ba ang sinabi ko?"


"Na iniwan tayo ni Mama para sa ibang lalaki." Lumingon si Pauline sa akin, nakatuon ang mga tingin sa aking mga mata. Agad akong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa aking anak ang katotohanan. Kung dapat ko bang pabulaanan ang kanyang katanungan. Maraming taon na rin ang lumipas magbuhat nang iwanan kami ni Kristine. Ang sabi niya noon sa akin ay natanggap siya sa trabaho sa abroad. Tuwang-tuwa pa ako noon dahil hindi na kami magtitiis sa dukhang pamumuhay. Subalit huli na ang lahat nang malaman kong umalis pala siya para sumama sa kanyang kalaguyo. Sobrang sumama ang loob ko sa aking mga nalaman. Sinisi ko ang sarili dahil sa kawalan ko ng kakayahang makapaghanap ng matinong trabaho para sa aking mag-ina dahil sa hindi ako nakapagtapos ng high school. Iyon lang ang tanging dahilan na naisip para gawin iyon sa amin ni Kristine. At magmula noon, gabi-gabi na akong nagpapakalunod sa alak. Dahil iyon lang ang tanging paraan na alam ko upang makalimot. "Hindi totoo ang iyong narinig anak." Hinila ko palapit si Pauline at niyakap. "Hindi iyon kayang gawin ng Mama mo sa atin. Mahal na mahal niya tayo." Iyon ang gusto kong paniwalaan ng aking anak. Kahit na alam kong isa iyong kamalian. Hindi ko maaaring idamay sa aking pasakit ang pinakamamahal kong supling. "Kailan babalik si Mama? Gusto ko na s'yang makita." Kumalas si Pauline sa pagkakayakap ko. "Sana umuwi na s'ya Pa. Kahit picture n'ya ay wala ako." "Uuwi din 'yon." Agad kong sabi sa bata kahit na alam kong isa iyong kasinungalingan. "Teka, ano'ng nangyari d'yan sa pisngi mo?"


Agad niyang tinakpan ang kanang pisngi niya kung saan isang itim na pasa ang naroon. "Wala po ito. Nabunggo lamang ako sa mesa kagabi." "Mag-iingat ka kasi parati." "Opo Pa. I love you." Si Pauline naman ang yumakap sa akin. Mahigpit ang mga yakap na iyon. Punong-puno ng pagmamahal. *** Nang sumapit ang bandang hapon, nagpaalam si Pauline na aalis daw at may bibilhin lamang sa tindahan. Pinayagan ko siya sa isiping para iyon sa kanyang pag-aaral. With honors kasi si Pauline kaya't kahit na salat kami sa k'warta ay sinusuportahan ko siya. Ayokong matulad siya sa akin. Hindi ko alam, pero dahil sa pag-uusap namin ni Pauline kanina, hindi ko nagawang umalis ng bahay. "Hanggang kailangan mo balak magsinungaling sa anak mo?" Ani Betchay, nagwawalis ito ng sahig. Napalingon ako sa kanya. "Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol d'yan?" "Tama ka. Pero hindi habang panahon ay itatago mo ang katotohanan sa kanya. Karapatan n'yang malaman ang totoo." "At ano Betchay? Kung malaman n'ya ang totoo? Magbabago ba ang katotohanang ipinagpalit n'ya kami sa ibang lalaki? Tama na na ako ang masasaktan sa katotohanang iyon. Na ako ang nagdurusa sa halip na ang anak namin. Samantalang ang butihing ina n'ya ay nagpapakasaya sa


piling ng ibang lalaki. Sakit lang ang idudulot ng katotohanan sa anak ko. At ayaw ko 'yong mangyari." Natahimik si Betchay. Marahil ay naisip niya na tama ako. Tama naman talaga ako eh. Mas maigi pang wala siyang ina kaysa sa malaman n'ya ang kahayupang ginawa ng mama n'ya. "Pa? Totoo pala?" Pareho kaming napalingon ni Betchay sa may pintuan. Nakatayo roon si Pauline. May hawak itong kahon na may pulang ribbon. "Anak, kanina ka pa ba riyan?" Nagulat kong sabi. "Kanina pa Pa. At narinig ko ang lahat. Bakit kayo naglihim sa akin?" Namumula ang mga pisngi ni Pauline. At unti-unting nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. "Pauline, anak. Ayoko lang na saktan ka." Humakbang ako palapit sa kanya subalit humakbang din siya paurong. "Ayokong magdusa ka sa kalungkutang hindi naman dapat." "Bakit n'ya nagawa iyon Pa?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Akala ko po ba, mahal tayo ni Mama." "Anak, hindi ko rin alam kung bakit iyon nagawa ng mama mo." Sabi ko, ito ang araw na kinatatakutan kong dumating. Ang magpaliwanag sa anak ko sa bagay na maging ako ay hindi ko din lubos na nauunawaan. "Bakit hindi mo siya hinanap?" Pasigaw na sabi ni Pauline. "Bakit hinayaan n'yo lang s'yang umalis?" "Sinubukan ko, anak. Pero ano ang magagawa ko kung ayaw n'yang magpakita sa akin? Sa atin? Maliit ka pa lamang noong iwan niya


tayo. Sa halip na magsayang ako ng oras sa paghahanap, iginugol ko iyon sa pag-aalaga sa iyo." Mahina kong sabi sa kanya. Wala kong lakas upang magpaliwanag. "Kaya ba naglalasing kayo gabi-gabi?" Hindi ako nakapagsalita agad. Nakaramdam ako ng nagngagalit na galit. Bumilis ang tibok ng puso at naramdaman kong nag-init ang aking mga tainga. "Ano ngayon kung umiinom ako gabi-gabi? Masama bang kahit pagsamantala lang ay makalimutan ko ang kawalang-hiyaang ginawa ng mama mo sa akin? Hindi mo lang alam kong gaano kasakit ang ginawa ng babaeng iyon sa akin Pauline. Kung gaano kasakit ang arawaraw na makita kita at maalaala ang ginawa niya. Taon na din ang tinitiis ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang lintik na sakit na ito sa dibdib ko!" Idinuro ko ang sariling dibdib. Si Pauline naman ang natahimik. Malayang umaagos ang kanyang mga luha sa pisngi. May pait ang kanyang mga titig sa akin. "At ako Pa? Hindi ba ako nasasaktan? Naniwala ako sa sinabi ninyo sa akin. Pero kasinungalingan lang pala lahat ng iyon. Salamat sa regalong natanggap ko." Binitawan ni Pauline ang hawak na kahon. Bumagsak iyon sa sahig. At tumakbo siya palabas. Napatingin ako kay Betchay na noong mga sandaling iyon ay tahimik lamang. "Nakalimutan mo ba? Birthday ngayon ni Pauline." Agad akong lumabas ng bahay upang habulin ang aking anak. Hindi ko alam kung saang iskinita siya nagsuot.


Bigla akong napatigil sa pagtakbo nang makarinig ng isang putok na baril. Nasundan pa iyon na maraming beses. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang aking anak. Dumagdag ang mga putok ng baril sa kabang bumuhos sa diwa ko. Sa pagtakbo ko, natigilan ako. Sa isang iskinita, nakita kong nagkukumpulan ang mga tao. Sa unahan niyon ay natanaw ko ang ilang mga kapulisang tumatakbo papalayo. Tila may hinahabol ang mga ito. Ipinagpalagay kong nagkaroon ng raid sa aming lugar. Pagdating ko sa kumpolan ng mga tao, nanlumo ako sa aking nakita. Napapaligiran si Pauline ng mga usyusong tao. Nakabulagta siya at isang pulang butas ang umaagos ng dugo malapit sa kanyang kaliwang dibdib. Tinamaan siya ng ligaw na bala. Agad kong hinawi ang mga tao at paluhod na niyakap ko ang aking anak na nakabulagta "Pauline, Pauline!" Marahan kong sinampal-sampal ang mukha niya. Namumutla na siya. "Anak, naririnig mo ba ako? Tumawag kayo ng ambulans'ya" Sigaw ko sa mga tao. Nagmulat siya ng mga mata. "P-Pa? P-Patawad". Umubo siya at naghalo ang laway at dugo sa gilid ng kanyang mga labi. "Tumawag kayo ng ambulans'ya." Muli kong sigaw sa mga tao bago muling bumaling sa aking anak. Malayang dumadaloy ang dugo sa kanyang sugat at tinakpan ko iyon ng aking palad. "Anak, lumaban ka. Huwag kang pipikit. Huwag mo akong iwanan." "P-Pa? N-Nandidilim ang paligid." Mahinang sambit ni Pauline. Nakatanaw siya sa alapaap ngunit tila wala siyang nakikita. Bigla niyang


inabot sa akin ang isang piraso ng lukot na papel. Umubo pa ulit siya ng dugo. "Anak, huwag ka nang magsalita pa." Humagulgol na ako. Binuhat ko siya at tumakbo. Kusang humawi ang mga tao sa daraanan ko. "P-Patawad Pa." Muli niyang sabi. "M-Mahal na mahal ko kayo ni Mama." Tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata. At naramdaman kong parang napigtas ang kanyang hininga. Napahinto ako sa pagtakbo at napalunod sa gitna na daanan. Yakap-yakap ko ang aking anak na noong mga sandaling iyon ay wala nang buhay. Parang tumugil ang mundo para sa akin. Humagulgol ako nang humagulgol. Sa aking pagtangis, nabitawan ko ang piraso ng papel na hawak ko noon. Bumagsak iyon sa lupa at bumulaga sa akin ang guhit ni Pauline. Ang mga larawang naroon ang tuluyang kumurot sa aking puso. Nakaguhit roon ang larawan ng isang pamilya. Isang tatay, isang nanay at napapagitna nila ang isang batang babaeng yakap-yakap nil. Sa ibaba niyon ay nakasulat ang mga katagang "Tatay, Pauline, Nanay. One big happy family."


Ang Di Malilimutang Kaarawan ni Michael Ni Francisco Tagoba “Aleeeeeex!! Ano ba? Napakasakit naaaaaaaaaaaaa! Hindi ko na kaya!” sigaw ni Amy. Walang inaksayang segundo si Alex at agad sinaklolohan ang kaniyang pinakamamahal na asawang magluluwal ng bagong buhay sa mundo. Agad na itinigil ang paghihimay ng talbos ng kamote na kaniya sanang pakukuluan upang ihain sa pananghalian. Buong lakas na binuhat ang asawa mula sa pinagtagpi-tagping karton sa sahig tungo sa Ospital ng Sampaloc sa Maynila na isang kanto lang ang layo mula sa munting silid na kanilang inuupahan. Agad na inasikaso ng mga nars si Amy at dinala sa emergency room, buong lakas na umi-ire si Amy upang mailabas ang sanggol. Mula sa loob rinig ang mala-kulog sa lakas na sigaw at mura na nanggagaling sa isang ina na halos mawasak ang ngalangala dahil sa sakit na nararamdaman. Sa labas ay hindi mapalagay, palakad-lakad at hindi mapirme sa isang lugar si Alex na parang sinisilaban ang pwet. Kasabay nito ang mga pawis na tila nagkakarera at nag-uunahan sa pagtulo mula sa kaniyang noo. Kita sa kaniyang mga maluha-luhang mata ang kaba, saya at kagalakang nararamdaman na makita ang mga munting anghel na bigay sa kanila ng diyos. Lumipas ang mahigit tatlong oras na pagle-labor ni Amy ay sa wakas lumabas na ang doctor na nagpa-anak sa kaniyang. “Mr. Tudyong? Kayo po ba ang asawa ng babae?” “Opo, Opo doc.” Manginig-nginig na sagot ni Alex. “Isang napaka-gwapong anghel po ang anak ninyo” “Diyos ko! Salamat po! Ang asawa ko po? Maaari ko na po ba siyang makita?” “Ayun pa po ang nais kong sabihin sa inyo. Kinalulungkot po naming sabihin na hindi po kinaya ng inyong asawa ang panganganak. Nagkaroon


siya ng komplikasyon at agad na binawian ng buhay.� Luha ang naging tugon ni Alex na tanda ng pagdadalamhati sa masamang balitang hatid ng doctor. Bakas sa kaniyang mukha ang kalungkutan. Bumagsak si Alex ng nakaluhod at inilabas ang galit sa mundo kasabay ang pagbuhos ng luha mula sa mga mata. Hindi na naisip pa ni Alex ang kaniyang munting sanggol na naiwan sa ospital. Naglakad pauwi na lupaypay ang mukha na tila pinagbagsakan ng langit at lupa si alex. Matapos mabalitaan ni Aling Aunor ang nangyari sa anak ay agad siyang lumuwas mula sa probinsiya. Kinuha ang apo sa ospital at inuwi sa bahay na dating puno ng pangarap ng mag-asawa ngunit ngayon ay puno ng kalungkutan. Lumaki si Michael sa piling ng kaniyang lola na may pusong tigang sa pagmamahal na mula sa kaniyang ama. Araw-araw na umuuwing bangag sa alak si Alex magmula ng mawala ang asawa sa piling. Walang ibang kinakausap kundi ang mga bote ng alak na piping saksi sa paghihirap at kalungkutang nadarama. Lumipas ang mahigit labin-dalawang taon ay hindi man lamang naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Sa bawat pagkakataon na hindi siya kinikibo ng kaniyang ama ay nadudurog ang murang puso ni Michael. Hindi man sabihin ni Alex ay batid ng kaniyang anak na siya ang sinisising dahilan sa pagkamatay ng kaniyang Ina. Ganun pa man ay naging mabuting anak parin si Michael. Luha, hinagpis at pagdadalamhati ang handa ni Michael tuwing sasapit ang ika-anim ng nobyembre. Ito ang araw na huling nakitang buhay ng kaniyang ama ang kaniyang ina, Araw kung saan isinilang ang biyaya na siya ring naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang ina. Ngunit kung inaaakala ni Michael na tapos na ang sumpa sa kaniyang kaaarawan ay nagkakamali siya.


Sa ika-18 kaarawan ni Michael ay nagpasya ang kaniyang Lola Aunor na maghanda para sa apo. Isang nakakapanibago pangyayari para sa binata. Dahil sa bawat taon na sumasapit ang kaniyang kaaarawan ay dumadaan lamang ito na parang karaniwang araw. Inakala ng binata na sa wakas ay may masayang mangyayari sa kanyang kaaarawan. Umalis na may galak ang mag-lola patungo sa talipapa sa may bustillos. Habang namimili ng manok ay naramdaman ng matanda ang dulo ng patalim na nakatutok sa kaniyang tagiliran at bulong na nagmula sa malaking lalaki. Hindi nagpakita ng takot ang matanda at tumangging ibigay ang pera na inipon mula sa paglalabada na nakalaan sana na panghanda ng apo. Nasaksihan ni Michael ang pangyayari at agad na sinaklolohan ang lola. Nagkagulo at nagsuntukan ang dalawa. Sa huli ay napahiga sa putikang lupa ang binata habang umamba ang lalaki na sasaksakin si Michael ngunit agad namang isinangga ng matanda ang kanyang mahinang pangangatawan upang maligtas ang apo. Agad namang naglaho ang kawatan matapos marinig ang sirena na nagmula sa police mobile, kasabay ang pagdami ng bilang ng usi na nakapalibot sa mag-lola. Pagyakap sa walang buhay na katawan ng kaniyang lola ang tanging nagawa ni Michael. Ilang minuto pa ng pag-agos ng luha mula sa kaniyang mga mata ay dumating na ang ambulansyang nabigong buhayin ang matanda. Naglakad pauwi si Michael na nagdadalamhati sa pagkawala ng kaniyang pinakamamahal na Lola. Kaniyang Lola na naging tanging nagbibigay at nagpaparamdam sa kaniya ng pagmamahal. Kaniyang Lola na tangi niyang kakampi sa isang mundong puno ng pagsisisi. Sa mumunting bahay ay doon dinatnan ni Michael ang ama na nakaupo sa lamesa at may kaharap na dalawang bote ng gin. Alam na nito ang nangyaring aksidente sa Ina. Tumakbo ng lumuluha si Michael patungo sa Ama at lumuhod sa harap nito. “Pa, hindi ko sinasadya. Sinubukan kong iligtas si Lola. Patawari...� hindi pa natatapos sa


pagsasalita ang binata ay hinataw na ni Alex ng bote sa ulo ang anak. Dumanak ang dugo mula sa anit ni Michael ngunit hindi pa siya tuluyang nakakatayo ay dinukot na ng galit na galit niyang ama ang baril sa kaniyang tagiliran. Tinutok kay Michael na tila nalimutan na anak niya ang kaharap. Nagdilim ang paningin ni Alex ngunit bago pa man kalabitin ang gatilyo ang sinubukan pa ni Michael na iligtas ang sarili at agawin ang baril. Dahil sa kalasingan ay mas nanaig ang lakas ni Michael at tuluyang naagaw ang armas sa kaniyang ama. Dinampot nito ang kutsilyo sa lamesa na ginamit niyang pambukas ng gin upang gamiting pampatay sa anak, ngunit bago pa man makaporma na saksakin ang anak ay hindi sinasadya ni Michael na makalabit ang gatilyo at mapatay ang ama. Umalingawngaw ang limang putok ng baril sa loob ng mumunting kwarto na kanilang tinutuluyan. Napa-upo ang binata sa pinagtagpitagping karton sa sahig at sumigaw, “Napakasakit naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Hindi ko na kaya!� Tinutok sa pusong pinatigas ng dalamhati. Muling nagpakawala ng bala ang baril na kumitil sa kaniyang buhay.


Szomoru Vasarnap by Don Vittorio C. Villasin

This story also appeared in the Janaury 2012 edition of the Philippines Free Press and also on the author’s published work, “That Sh*tty Thing Called Forever”. It was a Sunday. For Lance, this was no ordinary day. As always, the house was empty except for him and the street outside was pretty much the same. The day itself started with its usual routine: a silent sunrise, the sudden appearance of a few patches of clouds. Yet this day was different for Lance was celebrating his 25th birthday. The previous day, he had gone to the grocery store and bought some stuff needed for a small banquet he had planned for this day: ingredients for spaghetti and a one-liter bottle of soda, enough for a simple celebration. He didn’t invite his friends; he just invited someone very special to him. As soon as he had woken up this day, he began cooking. Lance doesn’t know how to cook. A cookbook given to him by his mother long ago served as his guide to the right number of minutes to cook the noodles, and to the proper spices for the sauce to taste just right. He analyzed and followed the instructions carefully; he didn’t want anything to go wrong. His phone beeped. Most of his friends remembered how special today is. “Happy birthday, Lance! May you have more birthdays to come! God bless!” the message said. It put a smile on his face. “Thank you.” he replied to the text message. At exactly noon, Lance was done cooking. The aroma of his spaghetti filled the house. He was confident enough that he had made everything perfect. His cellphone rang. “Hello?”


“Happy birthday, Lance!” “Oh, Gina. Thank you.” She was one of his good friends. “Are you okay?” Gina asked. “I’m fine. Don’t worry,” “It’s your birthday today, so you better let go of the bad vibes—” “Oh, I already have.” “Do you want me to come over?” “No, I have no plans for any celebration. I’ll just treat this day as a normal day.” “Don’t be like that. Not everyone turns 25 every day,” Gina paused, “I get off work at 5pm. I’ll bring some guys, we’ll come over and let’s drink!” “No, don’t bother, Gina.” “Don’t be silly, Lance. You must enjoy this day.” Lance forced himself to laugh. There’s just one way to make this woman shut up. “All right, whatever you say. Those boys better be cute, okay?” “Of course. I’ll call you again once I get off work.” “All right. If I don’t answer, it so means I’m asleep. So just come over.” “Okay. Take care, bakla.” Lance looked at the time. It was a quarter past twelve. He placed two plates and two drinking glasses on the dining table. The spaghetti sauce and noodles are still in their separate pots. He had decided not to set the food on the table since the only person he wants to celebrate this day with, Gilbert,


usually arrives late. And that was one thing he never really got used to about the guy. He lit a cigarette and called Gilbert’s phone. “Yes?” Gilbert answered. “Why aren’t you texting me?” “I have no prepaid credits.” Lance exhaled sharply. “So, what’s taking you so long?” “Traffic. You know how it goes here at the boulevard—” “Oh yeah, right. Um, I’ll send you credits, then text me. Okay?” “Sure.” “Okay. I’ll wait for you. I won’t eat until you arrive.” “Oh, you can go and eat if you want to.” “No, I promised you that we’ll eat together.” “Okay. Whatever you say.” “I’ll wait for you.” “All right.” Lance went to a nearby sari-sari store which also serves as a local loading station and sent fifty pesos worth of prepaid credits to Gilbert. When he got back to his house, he sat on the sofa in the living room and smoked a cigarette. The silence in the house was deafening. In fact, the silence of the day was thundering on his ears as though the world had ignored how special this


day was. To put some sort of life and soul to the house, he plugged in a small radio and set the frequency to a popular FM station. He sat back and enjoyed the sound, cigarette between his fingers. “Stay tuned for more music, my friends,” the DJ’s voice blaring on the radio. “In the meantime, I would like to greet everyone who’s celebrating their birthdays today, which is a Sunday. May you have more luck in your life, and of course, a better love life! Haha!” Lance’s cellphone rang again. He turned down the volume of the radio. He glimpsed at the screen before pressing the ANSWER button. It was another one of his friends—Pia. “Happy birthday, Lance!” Pia’s voice was loud and clear. Lance smiled. “Thank you. It really means so much to me that you remembered it.” “Oh, come on. As if I’d ever forget it.” “Thank you. Thank you talaga.” “Are you okay? Got any plans for your day?” “Gina’s coming over later. He’s gonna bring some guys with him.” “Oh, really? Don’t worry. I’m going, too. It’s just a bit of a hassle here at the mall—” “Don’t bother, Pia. I know you have your priorities.” “Well, one of my priorities is to make sure my best friend enjoys his day.” “I am enjoying. Don’t worry.” “Where are you now?”


“I’m at the house. Relaxing.” “Ah, okay.” Pia paused for a few seconds, “Have you talked to him?” The smile on Lance’s face somewhat faded. “Not yet.” “Don’t tell me you’re still gonna see him and be with him after you saw those pictures I had sent to you?” “Do you think I’m that stupid?” “Of course not. I’m just saying that you could find other guys—much better guys.” “I know that, Pia. You’ve mentioned that countless of times.” “And you’ve ignored them for too long.” “Don’t worry, Pia. I’ve ceased all communication I have with him.” “Good. But is he still trying to contact you?” “He’s calling from time to time. I’ll try to answer it, then I’ll give him hell.” Pia laughed. “Now that’s the Lance I know.” “Gilbert has been out of my life ever since.” “And never worry because you still have us, your friends, here.” “I know. And I’ll be forever thankful for that,” Lance said, smiling. “I’ll see you later, Pia.” “Want me to slip you some chocolates?” “Please?”


Pia laughed. “All right, Lance.” He put the phone down as he turned up the volume of the radio. The song “Wonderwall” from his favorite band, Oasis, was playing. “Today is gonna be the day that they all throw it back to you…I don’t believe that anybody feels the way I do about you now…” Lance’s phone beeped. There was a message from Gilbert saying that he was 15 minutes away. Realizing how those 15 minutes can go so fast, Lance stood and hurried to the kitchen. He opened the lids of the pots where the spaghetti noodles and sauce lay. He was assaulted by the aroma. It made his stomach growl and his mouth water. But something else was missing—the last and most special ingredient. He hesitated putting this ingredient because it was out of the cookbook’s set of instructions. But, anyway, what he cooked was “Lance’s Spaghetti” and not “Spaghetti according to the cookbook”. From a cabinet in the kitchen, he took the small blue box containing the most important ingredient. He didn’t know how much of the powder he should add to the sauce for maximum effect so he emptied the box and watched the sauce simmer with it. Good thing it didn’t affect the color of the sauce, he thought, or he’d have to put another pack of tomato sauce in it. Just as he was scooping some sauce and noodles onto the tupperware, the drone of a tricycle came roaring from outside his house. He went outside to see who it was—the man he had been waiting for and the reason he planned this simple celebration for his birthday. “Hey,” Lance greeted. Gilbert waved a hand as he paid the tricycle fare. “I thought you’d bring the car?” Lance asked as the tricycle drove away.


“I asked you money for gas the other day, right? But you weren’t replying to my messages. In fact, I was surprised when you called me yesterday.” Lance was stuttering, “Oh yeah, right, I’m sorry, I—” Gilbert grabbed hold of his hand. “Let’s get inside.” When they entered the house, Gilbert’s eyes gazed at the dining table. “What did you cook?” “Spaghetti. The Lance style.” “‘Lance style’, huh?” Gilbert smiled. It was a smile Lance loved. “Happy birthday,” Gilbert greeted and then kissed him. It was Lance who broke the kiss. “What’s wrong?” Gilbert asked. “Nothing,” Lance remarked. “Let’s eat.” “Oh, right. I’m starving.” Gilbert sat and started scooping up the spaghetti. Lance opened the refrigerator and took out a large bottle of soda and poured soda on the glasses. “I never knew you can cook this good,” Gilbert said. He was devouring the noodles. “Did I surprise you?” Lance handed a glass of cold soda to Gilbert. “I’ve got more surprises left.” Gilbert coughed. It was a dry, husky cough. “Chew your food well,” Lance said. “You might choke.” Gilbert smiled. The sauce had already reddened his lips.


Lance was scooping spaghetti on a separate plate when Gilbert asked, “Did you put almonds here?” Lance grinned and watched Gilbert sniffing the spaghetti. “I sure smell almonds,” added Gilbert. “I told you, it’s the ‘Lance Style’.” Lance forced himself to smile. His eyes focused on Gilbert’s face. Lance stood up. “Where are you going?” Gilbert asked. “Just eat. I’ll just get something,” Lance replied before heading to his room. From his cabinet, he took out a small paper bag. There was a label in it, written in thick, black letters: “LANCE”. When he got back to the dining table, Gilbert was scooping more spaghetti onto his plate. “I’m happy you like it,” Lance said. He sat and placed the small paper bag on his lap. When Gilbert coughed, Lance smiled. “Take it easy, love.” But Gilbert was not eating anymore. He emptied the glass of soda beside him. He coughed again. This time, his cough was louder. Soda and noodles sprayed all over the table. Lance simply watched. The third time he coughed, there was blood and foam all over his mouth. Lance stared hard at the shocked and bloodshot eyes of Gilbert. He tried to stand, but he fell back on the floor, his limbs twitching, blood still flowing from his mouth. Yet he was not making any sound. Lance stared at him coolly. He stood, paper bag in his hand, and walked to Gilbert’s dead body. He took out the contents from the paper bag— photographs Pia had sent to him. Photographs of Gilbert and a woman, cuddling and kissing inside some mall. He scattered the photographs onto the dead body,


and the photos covered it like a handful of feathers being soaked in blood. Tears flooded Lance’s eyes, his cries silent as the house and this day’s world. He went back to the dining table, got some of the spaghetti for himself. His hands were shaking as he ate. It does taste good. He took his cellphone from his pocket and dialed Pia’s number. After a few rings, she answered, “Hello, Lance. Why?” “Pia—” Lance coughed. “I’m still at work. May you please call back later?” “No, I just want to say that—” he swallowed the spaghetti “—it’s been a gloomy Sunday.” His voice was cracking. “Are you crying? Why, what’s wrong?” He didn’t reply. He put the cellphone down, but kept the line open. Lance sat still, putting more spaghetti in his mouth. There’s some sort of blistering in his throat; something hot, searing. Pia’s voice continued to blare out of Lance’s cellphone, now resting beside his body. “Hello? Lance? Are you okay? Hello? Lance, what happened?”


Don Vittorio C. Villasin recently passed the Licensure Examination for Teachers. At least it’s something. He creates literary/creative/shitty projects distributed freely in the Internet. These include: 100 Days After Valentine’s Day; Notes to the Missing Self; My Life: The Movie; However; elemeants; Araw-Araw Kaarawan sa Panitikan; Bitter 2.0; at Mga Pag-Uulit ng isang Ligaw na Kaluluwaand is a proud member of the collective calling themselves Mga Gago sa Disyerto.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.