YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 1
3/12/2014 3:23:04 PM
Sa mga mahal naming mga magulang, guro at mag-aaral, Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtangkilik sa unang isyu ng Muntinlupa YanYan Komiks. Kami po ay nagagalak na mabigyan ng mga makahulugang kaalaman at ngiti ang ating mga munting Muntinlupeテアo. Kasama po ang ating butihing alkalde na si Mayor Jimmy R. Fresnedi, sisikapin po namin na maging mas kapaki-pakinabang at nakaaaliw ang bawat isyu ng Muntinlupa YanYan Komiks. Sama-sama po tayo sa paghubog at pag-gabay sa mga munting Muntinlupeテアo upang maging mahusay, matapat, at may dangal, dahil 窶郎AN ang tama, 窶郎AN ang Muntinlupa! Muli, maraming salamat po sa inyong pagsuporta.
Like us on Facebook: Yan ang Tama, Yan ang Muntinlupa
EDITORIAL BOX
Illustrator: Freely Abrigo Story Writer: Vic Poblete Design/Layout: Pinoys Interactive Researchers: Michelle Ann Araneta Racquel Caseria Ashley Estacio Dominique Gutay Ronalyn Sarmiento Photographer: Angelo de Luna
Contributors: Danidon Nolasco Community Affairs and Development Office Cynthia Viacrusis Youth Affairs and Sports Development Office
Muntinlupa YanYan Komiks is published for the Yan ang Tama, Yan ang Muntinlupa social change campaign. For sponsorships and advertising, email komiks@ yanangmuntinlupa.com
Carla Gabriel Vasquez Muntinlupa Scholarship Foundation
1 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 2
3/12/2014 3:23:07 PM
2 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 3
3/12/2014 3:23:08 PM
3 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 4
3/12/2014 3:23:09 PM
4 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 5
3/12/2014 3:23:10 PM
5 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 6
3/12/2014 3:23:11 PM
Kailan naging isang Lungsod ang Muntinlupa?
Nagsimula ang pakikipagsapalaran ng Muntinlupa at ng dating Mayor Ignacio Bunye para sa pagiging ganap na lungsod noong Oktubre 1993. At noong February 15, 1995 inaprubahan ng senado ang bill sa pagsasalungsod ng Muntinlupa. Tumagal lamang ito ng 17 na araw, ang pinakamabilis na pagsasalungsod na inaprubahan ng senado. Noong March 1, 1995, nilagdaan ni Presidente Fidel V. Ramos ang Republic Act 7926 at binigyan ng kopya ng batas si Chairman Bernardo Pardo ng Commission on Elections para itakda ang pagsasagawa ng plebisito, kung saan ginawa ng sabay noong May 8, 1995 elections. Ang mga mamayan ng Muntinlupa ay malugod na pinagtibay ang pagpoproklama sa Muntinlupa bilang isang Highly Urbanized City sa Plebisto.
PEOPLE’S DAY
TRABAHO AT LIBRENG SERBISYO PARA SA MGA MUNTINLUPEÑO Job Recruitment Facilitation Program
Kasama ka ba sa litratong ito? Sama-sama sa Paggunita ng Araw ng Muntinlupa Yan ang Tama, Yan ang Muntinlupa! 19th Cityhood Anniversary March 1, 2014
• City Health-Libreng Medical and Dental Consultation • Social Services- Philhealth Membership/ Person with Disability Registration • Local Civil Registrar – Birth Certificate/ Marriage Certificate/ Death Certificate • M.C.T.I- Libreng Masahe at Gupit • O.S.C.A –Senior Citizen Registration • Department of Agriculture-Livelihood o Programang Pangkabuhayan • P.E.S.O- Job Recruitment/ Job Application • SAGIP- Libreng Legal Consultation sa mga Kababaihan at mga Bata • City Vet- Libreng Bakuna sa Aso • C.A.D.O-Kasalang Bayan and Burial Assistance/ Bayaning Munti/ Lona/ Upuan at iba pa Para sa schedule ng People’s Day sa inyong Barangay, makipangugnayan sa (CADO) Community Affairs and Development Office 862-6483 at (PCO) People’s Coordinating OFFICE 862-2525 loc 149.
6 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 7
3/12/2014 3:23:14 PM
Putatan Elementary School Carlos Lenin V. Macogay Grade VI – SSES
John Paul G. Coleta VI –Matapat Sucat Elem. Sch. Annex Zone 4 “KAYA KO AT KAYA NATING MGA KABATAAN !!!” Simulan natin una rito’y ang takot natin sa Diyos. Kasama na rito ang pagtutulungan. Tunay na mahalaga ang pagtutulunganan sa isang lungsod upang ito’y lalong umunlad. Kasabay nito ang pakikiisa sa mga programa ng ating punong Lungsod. Susundan natin ng pagpupursige sa pag-aaral. Sapagkat bilang kabataan ay makakaya natin na maituwid ang dating baluktot na daan kung saan makakamit natin ang minimithing magandang bukas. Soldiers’ Hills Elementary School Ma. Joyce A. Calle Grade VI-1 Para sa isang mag-aral ng Muntinlupa na kagaya ko, makakatulong ako sa pamamagitan ng pagturo sa aking mga kaklase, pagtulong sa mga proyektong naglalayon na malinis ang kapaligiran kagaya ng Clean drive at planting trees project pati narin ang pagrespeto sa mas nakatatanda sakin dahil naniniwala po ako na ang tunay na mamamayan ay di lamang sarili nya ang naiisip kundi pati rin ang ikabubuti ng kanyang lungsod. Bayanan Elementary School Unit 1 Cassandra Joni T. Salvador Grade VI-1 Makakatulong ako sa Muntinlupa sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti sapagkat ito ang tanging susi upang umunlad at maging matagumpay ang ating bayan.
Buli Elementary School Justin A. Labrador Grade IV – Diamond Bilang isang mag-aaral ng Muntinlupa, ako ay makatutulong sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin at batas-trapiko. Pag-iingat at pangangalaga ng kagamitan sa paaralan. Pagbubuklod-buklod at pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. Pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at halaman. Higit sa lahat malaki ang aking maitutulong sa pamamagitan ng paghihikayat sa aking kapwa bata at mag-aaral na pagbutihin ang pag-aaral, panatilihin ang kagandahang-asal at malinis na kapaligiran. Alabang Elementary School Filinvest Annex Trisha Anne L. Sablon Grade VI-1 Marangal Ang maitutulong ko po sa Muntinlupa ay ang pag-aaral ng mabuti upang makatapos at maging isang matagumpay na guro. Sa pamamagitan nito matuturuan ko ang mga batang Muntinlupeño. Makakatulong din sila sa Muntinlupa pagdating ng panahon.
Bilang isang lider at mag – aaral gusto ko pong makipag – tulungan sa lahat ng lider at mag – aaral sa buong Muntinlupa. Upang sama-sama kaming sumuporta at magpalaganap ng mga proyekto at adhikaing pangkabataan ng ating punong lungsod. Para sa higit na ika – bubuti at ika – uunlad naming mga kabataang Muntinlupeño. (SPG – PRESIDENT) Muntinlupa Elem. School Grace Joy Labasba Grade V-1 Einstein Bilang isang mag-aaral, makakatulong ako sa ating lungsod ng Muntinlupa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na batas ng ating lungsod tungkol sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating bayan ng sa gayon ako ay magiging isang ehemplo ng iba pang kabataan ng Muntinlupa. F. De Mesa Elementary School Rhea Bianca J. Delfin Grade IV-1 Paano ka makakatulong sa Muntinlupa? Bilang isang mag-aaral ang maibabahagi ko sa lungsod ng Muntinlupa ay ang pag papanatiling malinis ang kapaligiran sa pamamagitan ng tamang paraan ng pagtatapon ng basura, paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok at ang mga bagay na maaari pang gamitin at i-recycle. Sa pagdating ng panahon na ako’y naka pagtapos na nais kong maibahagi ang aking kaalaman sa Muntinlupeno sa pamamagitan ng paglilingkod sa aking bayan. Lakeview Elementary School Muntinlupa Maurice Gabriel P. Gagarin Grade V-1 Makakatulong ako sa Muntilupa sa pamamagitan ng pagsunod sa batas ng mousetrapping. Susunod ako sa batas trapiko. Magiging magalang sa nakakatanda at iiwasan ko magkalat sa paligid. Bayanan Elementary School Main Vincent Mark Gutierrez Grade VI – Rizal Bilang isang mag-aaral, simple lang ang pwede kong gawin. Maging isang mabuting bata sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang tapunan/ basurahan. Sa pamamagitan nito, hindi ko lang natutulungan ang Muntinlupa na maging malinis kundi magiging maganda pa akong halimbawa sa mga mas nakababata pa sa akin. Bagong Silang Elementary School John Carlos T. Gapuz Grade V – 1 “Hahanap ako ng mga tao na sasang-ayon sa akin at bubuo ako ng grupo na maglilinis ng estero, kapaligiran at magtatanim ng mga halaman at iba pa.
7 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 8
3/12/2014 3:23:17 PM
CONGRATULATIONS! Lahat ng mga bata na naitampok sa Munting Bida at I-Guhit Mo ay ang mga nagwagi at tatangap ng
School Supplies mula kay Mayor Fresnedi!
Ipadadala namin ang inyong mga premyo sa inyong mga paaralan. Para sa iba pang nais maitampok sa Muntinlupa YanYan Komiks, i-post ang inyong mensahe kung paano kayo makakatulong gumawa ng tama para sa Muntinlupa sa aming Facebook page na Yan ang Tama, Yan ang Muntinlupa o kaya ay mag-email sa komiks@yanangmuntinlupa.com
Lakeview Elementary School Reymart S. Cea Grade 5-1
F. De Mesa Elementary School Jig Bennet G. Balauro IV-4
Bayanan Elementary School Main Joshua Bausing Grade VI-Rizal
Putatan Elem.School Justin Yuri Acido Grade V-SSES
Sucat Elementary School Sitio Pagkakaisa Annex Zone 4 Romeo Miguel Grade 1 – Magalang
8 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 9
3/12/2014 3:23:23 PM
9 YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 10
3/12/2014 3:23:24 PM
Maari kayong maging Muntinlupa JRF Scholar Tulad ni Munti at Aling Cora!
Mag-apply na para sa darating na School Year 2014-2015!
Sinu-sino ang maaring mag-apply ng scholarship? Ang lahat ng mga rehistradong botante sa Muntinlupa ay maaring i-apply ang kanilang anak bilang JRF scholar. Para sa mga nasa kolehiyo ng state colleges o universities ang anak, maaring mag-apply ang mga may taunang kita ang pamilya na hindi baba sa Php 250,000.00. Paano mag-apply ng scholarship? Maari po kayong humingi ng application form sa Muntinlupa Scholarship Foundation na matatagpuan sa 2nd Floor, Annex Building sa City Hall. Anu-ano ang mga kwalipikasyon para mag-apply ng scholarship? Kailangan pong ipresenta ang mga sumusunod: • Barangay clearance at voter’s ID ng magulang • Pagbigay ng sertipikato mula sa kanilang paaralan na nagpapatunay sa ang anak ay enrolled • Para sa mga nasa elementary at high school, ang grado ay hindi dapat bababa ng 80% at 85% or masmataas naman dapat ang General Weighted Average ng mga nasa kolehiyo • ITR o Income Tax Return (Pagpapatunay ng pagbayad ng buwis) at Affidavit of Exemption from Tax • Pag-aapruba ng City Mayor • Para sa mga nasa kolehiyo, kinakailangan High School graduate o kasalukuyang enrolled bilang estudyante sa isang State University or College (1st year - 5th year) para sa kasalukuyang taon Paano po kung wala po kaming ITR? Maari po kayong magbigay ng isang Sinumpaang Salaysay na nagsasabing libre po kayo sa pagbabayad ng buwis ng naaayon sa batas. Maari po kayong humingi ng form sa Muntinlupa Scholarship Foundation para dito. Kung ang anak ko po ay papasok sa isang pribadong paaralan, maari pa bang maging JRF Scholar? Opo. Kailangan lang po mapatunayan na siya po ay mayroong grado na hindi bababa ng 80% at mapatunayan na nakapasa siya sa iba pang kwalipikasyon. Mayroon po bang kondisyon upang mapanatili ang scholarship? Opo, mayroon po para sa mga nasa kolehiyo. Kung hindi mapanatili ang grade requirement na 85% General Weighted Average, ang scholar ay maaring matangal sa programa at hindi na pahihintulutan pang muli mag-apply. Kailan maaring mag-apply ng scholarship? Kailan ang huling araw ng pag-apply? Maari po mag-apply ng scholarship sa buwan ng Mayo hangang sa Unang linggo ng ng Hunyo. Ano pa po ng ibang maaring i-apply na pinansyal na tulong pang edukasyon? Para sa mga nais magkaroon ng karagdagang kasanayan upang makakuha ng trabaho, mayroon din pong pinansyal na tulong para makapag tapos at makakuha ng certification/license for non-degree courses sa ilalim ng TESDA-MCTI program. Para sa mga atleta at mga estudyante na may espesyal na talento, mayroon din pong pinansyal na tulong para dumalo sa mga pagpupulong, kompetisyon at lumahok sa loob man o labas ng bansa batay sa mga alituntunin na kung saan ay itinakda sa pamamagitan ng Muntinlupa Scholarship Program. Kung ang anak ko po ay mayroon nang ibang scholarship, maari pa rin po ba siyang maging JRF scholar? Kung ang bata ay benificiary ng ibang scholarship agency or Government ay hindi na siya maaring makatanggap ng scholarship ng aming tangapan, sa kadahilanan pong gusto po naming mabigyan ang ibang mag-aaral ng oportunidad na mapabilang sa scholarship ng city government. Kung ang bata o estudyante ay hindi pa scholar ay maari po silang pumunta para mag inquire sa aming tangapan. Maaari ba akong mag-apply ng mahigit sa isang scholarship? Hindi po maaring mag-apply ng higit sa isang scholarship. Ano ang benepisyo ng isang scholar? Ang isang JRF scholar sa elemtary ay makatatangap ng buwanang allowance na P300.00 at P400.00 naman para sa high school. Ang mga estudyante sa kolehiyo ay tatangap ng limang libong piso (Php5,000,00) Educational Assistance (EA) kada Semestro maliban lang ang summer classes. Paano at kailan malalaman kung ang aking application ay naaprubahan? Maari po nilang malaman kung aprubado ang kanilang application sa pamamagitan ng pagtawag sa aming tangapan o kaya maari po naming ipaalam sa kanilang eskwelahan kung sila ay natangap o nakapasa sa evaluation ng aming tangapan. Ipapaalam ba sa akin kung ang aking application ay hindi naaprubahan? Ipapaalam po namin sa kanilang eskwelahan kung ang kanilang application nila ay hindi aprubado. Bakit hindi naaprubahan ang aking application? Kalimitan po kaya di naaprubahyan ang kanilang application ay dahil po hindi nagcomply sa mga requirement at kalimitan po hindi po botante o residente ang kanilang mga magulang. Kailan at paano ko makukuha ang aking allowance? Makukuha po nila ang kanilang allowance sa pamamagitan ng pag-inform sa kanilang eskwelahan o di kaya magtetext po ang aming tangapan sa number na ibinigay nila sa amin.
CONTACT: Ms. Karla Marie V. Gabriel (Muntinlupa Scholarship Foundation) Tel: 862-0168
YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 11
3/12/2014 3:23:27 PM
YANYAN-ISSUE-02-bleed.indd 12
3/12/2014 3:23:28 PM