Issue No. 08 S/2014
Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.
u Tips sa pagbudget ng sweldo Minamarkahan mo ba ang bawat petsa ng payday? Nagagastos mo ba ang lahat ng tinatagong barya para lang matustusan ang mga araw bago makuha ang sweldo? Umabot ka na ba sa pag-congratulate sa sarili dahil umabot ang susunod sa sweldo nang hindi ka umuutang? Baguhin na ang pamamaraan ng paggastos upang mas makaipon at mabawasan ang problema sa pera. Narito ang ilang mga tips: • Magkaroon ng reflection sa sarili. Nais mo bang palagi na lang problemahin ang pagkakapos ng panggastos tuwing payday? Gusto mo bang makaipon? Naaayon ba ang iyong lifestyle sa iyong sweldo o baka kailangan mong magbago ng ilan sa mga nakagawian. Maaari pa rin namang makapagsaya nang hindi gumagastos ng malaki. Baka dapat na rin baguhin ang listahan ng iyong mga ninanais at kailangan. Huwag magpadala sa mga bagay na gusto lamang dahil baka kinabukasan ay hindi ka na rin interesado rito. • Mag-budget ng ayon sa sweldong natatanggap. Tuusin ang gastos at kinikita. Kung gumagastos ng mas malaki kaysa kinikita, dapat nang magbago ng sistema. Baguhin ang budget at magsimula sa umpisa. Ilista ang mga pinagkagagastusan at tanggalin na ang mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Mas makapag-a-adjust pa sa iyong cash flow para sa mga financial plans sa hinaharap. • Ilista o i-track ang pang-araw-araw na gastusin. Mas makikita na may mga pinagkagagastusan na mura lang ngunit nagiging mahal kapag palaging binibili. Iwasan na rin ang palaging pag-lunch-out. Mas makatitipid kung magbabaon na lamang. Matutong tanggihan ang mga temptasyon. Maiintindihan naman ng iyong mga kaibigan o kasamahan na kailangan mong magtipid. Puntahan lamang ang mga pinakaimportanteng okasyon upang hindi makadagdag sa gastusin. • Simulan na mag-ipon. Maglaan ng maliit na halaga para sa ipon sa tuwing matatanggap ang sweldo. Hindi mababago ang financial state at habits ng isang araw lamang ngunit makasasanayan na ito kung patuloy at palagi itong gagawin. • Isipin ang pangmatagalan na plano. Kung kaya maitawid ang gastusin tuwing payday, isipin naman ang gastos hanggang sa susunod na buwan at higit pa.
u Tips sa pagtatrabaho sa ibang bansa Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay nangangailangan ng contractual commitment. Ang pananatili ng mga overseas professionals sa ibang bansa ay naaayon sa kanilang work permit. Kung ano man ang nakasaad dito, makapagdedesisyon na ng mga priorities at mga konsiderasyon sa pagtrabaho sa banyagang bansa. Kapag natapos na ang kontrata sa isang kumpanya ay kasabay na rin nito ang expiration
ng work permit. Kailangan magkaroon ng tiyak na plano upang hindi magulo ang mga goals. Kapag natapos na ang kontrata kailangan nang magdesisyon kung maghahanap ng bagong kumpanya, susubok sa ibang lugar, o uuwi na ng Pilipinas. Narito ang ilang mga tips: • Mag-ipon. Isa sa mga iniisip ng overseas professionals ang kanilang mga tirahan, pagkain, at pang-araw-araw na panggastos. Huwag masanay sa paggastos ng labis at mag-iipon lamang kung kailan matanda na. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay dapat makapagpabago ng iyong mindset sa maraming bagay. Mag-ipon upang matustusan din ang buhay sa ibang bansa. • I-develop ang language skills. Para higit na makapag-communicate nang maayos sa trabaho ay dapat matuto ng iba’t ibang lenggwahe lalo na ng Ingles. • Palawakin ang iyong network. Dagdag din sa mas magandang career sa ibang bansa ang pagkakaroon ng maraming kakilala. Mas magiging bukas ka sa maraming bagay. Makipagkaibigan, maging mas magalang, at tandaan ang mga pangalan ng mga taong alam mong makatutulong sa iyong trabaho. • Alamin ang work requirements ng bansang nais pagtrabahuhan. Mas mabuting alam mo kung ano ang mga impormasyon ng bansang nais puntahan, lalo na ang mga impormasyon sa pagtatrabaho rito upang hindi magkaroon ng mga discrepancies. • Isipin na ang retirement. Alamin kung saan pwedeng mag-invest o kung saan pwedeng ilaan ang mga naipon upang kapag dumating na ang araw na nais mo na lamang mag-relax at magpahinga ay mayroon kang magagastos para sa sarili at sa iyong pamilya. • Maglaan ng pera para sa pagtatayo ng negosyo. Karamihan sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa ay nangangarap pa ring bumalik sa sariling bansa. Itabi ang ibang halaga ng sweldo at gamitin ito sa pagtatayo ng negosyo sa oras na ayaw nang mangibang bansa.
u Tips upang maiwasan maloko sa mga work-at-home scams Marami sa mga Pilipino ngayon lalo na sa mga bagong graduates ang nahihilig sa freelance na mga trabaho. May iba namang gusto ang online jobs at mga work-at-home na raket. Dahil sa marami na ang tumatangkilik sa ganitong trabaho, maraming scams na rin ang naglipana sa Internet. Narito ang ilang mga tips upang hindi malinlang ng mga ito: • Mag-research nang mabuti tungkol sa kumpanyang nais pagtrabahuhan. Maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kumpanya at sa posisyong nais apply-an. Kung walang makitang impormasyon ay maaaring scam nga ito.
•
•
•
•
Huwag magbigay agad ng pera para sa trabahong work-at-home. Isa agad itong red flag kung hihingan ka ng pera upang maproseso ang iyong application. Lalo na kung ang dahilan ng paghingi ay para ma-interview ka kaagad. Maging alerto sa mga hype. Karamihan sa ganitong mga schemes ay magsasabing magkakaroon ng malaking sweldo kahit walang masyadong experience. Kapag too-good-to-be-true ang mga offers para sa isang online job ay maghinala ka na. Maging wais at magtanong ng mahahalagang impormasyon tungkol sa nais na trabaho. Linawin ang mga job responsibilities. Alamin kung ito ay commission-based o salary-based. Maging matalinong aplikante. Mag-file ng online complaints at ipagbigay alam sa mga authorized persons ang mga ganitong sitwasyon upang hindi na maloko ang iba.
u Mga kapakinabangan nang maagang pagsisimula sa negosyo Ang edad ng indibidwal sa pagsisimula ng negosyo ay isa sa mga tanong ng mga nangangarap na maging entreprenyur. Sinasabi ng iba na mabuting magtayo ng negosyo kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo kung saan kaya mo nang harapin ang totoong mundo. Samantala, ipinapayo naman ng iba na magsimula ng negosyo kapag nakapag-ipon na ng sapat na halaga mula sa trabaho. Gayunpaman, walang higit na magandang oras na magsimula ng negosyo kaysa sa ikaw ay nasa kolehiyo pa lamang. Narito ang ilan sa mga dahilan: • Malikhain. Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay malikhain tulad ng mga kabataan, at sanay at maparaan tulad ng mga mas matatanda. Ang pagiging mapag-imbento, palabiro, at pagpapatawa sa mga presentasyon na ginagawa sa kolehiyo ay isa sa mga mahahalagang asset ng isang entreprenyur. Sa gayon, ang pag-aaral sa kolehiyo ay isang magandang lugar para sa pagsasanay ng pagpaplano gamit ang pagiging pagkamalikhain. • Mapagkukunan o resources. Ang iba-ibang websites at nagbibigay ng mga trainings ay madali na ngayong maabot kaya kailangan lamang na kumilos. Maaaring makapanood ng mga paraan sa paggawa ng mga handicrafts at iba pang mga bagay. Ang mga requirements na kailangan at mga proseso ng pagtatayo ng negosyo ay mababasa na rin sa mga websites ng iba’t ibang mga ahensiya ng gobyerno. • Kasanayan. Maaaring gamitin ang mga kasalukuyang natutunan habang nag-aaral ng kolehiyo. Mas mabuti ito kaysa sa alalahanin ang mga pinag-aralan noon kung magtatayo ng negosyo makalipas pa ang maraming taon. • Koneksyon. Ang kolehiyo ay isa sa mga pinakamabilis at pinakamalaking lugar upang makagawa ng mga koneksyon sa iba’t ibang tao, organisasyon, kaklase, at mga guro. Ang ibang negosyante ay nakakuha ng mga kasama sa negosyo mula sa kanilang paaralan o nakamit ang unang benta mula sa mga kaeskwela.
•
•
Oras. Ang mga estudyante ng kolehiyo ay napakaraming bakanteng oras tulad ng semestral break, summer vacation, at holiday na bihirang magkaroon ang mga empleyado. Ang pinagsama-samang mga lunch breaks at oras sa pagitan ng mga klase ay sapat ng panahon upang makapagplano ng negosyo. Ang maagang pagsisimula at pag-aaral sa mga paraan kung paano mapapalago ito ay isa rin sa mga kapakinabangan sa maagaang pagtatayo ng negosyo. Ang paghahanda nito habang nasa apat na taon sa kolehiyo ay mas mapapadali ang maayos na pagpapatakbo ng negosyo. Pera. Ang pagtatabi ng bahagi ng allowance ay maaaring gamitin sa pagsisimula ng negosyo. Maghanap ng mga kasamahan kung hindi kayang mapunan ang kailangang puhunan.
u Tips sa pagpapakilala ng negosyo Ang negosyo ay dapat mayroong karatula ng pangalan at ang logo nito ay dapat madaling makita at mabasa, mabilis na magbigay ng inspirasyon sa paniniwala ng publiko, at madaling makahanap ng mga potensyal na mamimili. Narito ang iba pang mga tips sa pagpapakilala ng negosyo: • Pagkakatulad ng mga advertisements. Ang pagpapakilala ng iyong produkto sa pamamagitan ng mga advertisements ay dapat magbigay-diin sa kalakasan ng produkto na kulang ang mga kakompetensiya. Ito ay nararapat na ipakita nang paulit-ulit kahit nagkakaroon na ng bagong advertisements upang madali itong matandaan ng mamimili. • Pagbibigay ng maayos na serbisyo sa konsyumer. Ang karapatang pantao ay napakahalagang sangkap sa tagumpay ng negosyo kung kaya ang pagpili ng tamang empleyado na mahusay ang pagganap sa serbisyo ay kailangan. Nararapat din na alam nila na ang kanilang posisyon ay kasama sa proseso ng pagpapakilala ng iyong negosyo. • Pagpapahalaga sa mamimili. Ang bawat konsyumer ay dapat respetuhin at intindihin. Ang pagwawalang-bahala at hindi pag-intindi sa kahit isang mamimili ay maaaring mangahulugan ng malaking kawalan sa negosyo. Ang hindi pakikipagtulungan ng isang empleyado ay dapat iwasan dahil ang kasiyahan ng isang konsyumer ay makakahalina ng iba pang bibili. • Pagsasaalang-alang ng pananaw ng publiko. Ang maayos na pakikitungo sa isang mamimili ay mabilis na kumakalat sa ibang tao. Gayundin ang kabaliktaran nito na maaaring magpabagsak sa negosyo. Samantala, ang promosyon ng produkto ay hindi dapat nagbibigay ng mga maling pangako o panloloko. Ang proseso ng pagbili at pagbabayad ay dapat namang gawin sa isang simpleng paraan lamang. • Paggamit ng bagong teknolohiya. Ang paggamit ng Internet sa promosyon ng negosyo ay kailangan sapagkat ito ay isa sa mga mabibilis na paraan para makilala ang produkto at serbisyo.
Produced by: Department of Trade and Industry - Knowledge Management and Information Service. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City.