Radio Bits (Dec.2013)

Page 1

Issue No. 12 S/2013

Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.

 Tamang paggamit ng Christmas lights Ang Christmas lights ang isa sa mga sikat na palamuti tuwing Pasko. Ito rin ang nagiging madalas na dahilan ng aksidente sa bahay o establisyimento sa tuwing Kapaskuhan. Mayroong hindi sumusunod o hindi alam kung paano ito gagamitin nang maayos. Narito ang ilang tips sa tamang paggamit ng Christmas lights: • Sundin ang instructions na nakalagay sa packaging. Ito ang madalas na nakaliligtaan ng mga mamimili. Hindi na nila binabasa ang mga instructions at ikinakabit na lang agad nang hindi nalalaman ang mga precautions. • Huwag gamitin ang pang-indoor na Christmas lights sa outdoor. Mayroong Christmas lights na pang-indoor lang. Makaiiwas sa sakuna kung susundin ito. Kung gusto talagang maglagay ng Christmas lights sa labas ng bahay o establisyimento, tiyakin muna kung maaari rin itong gamitin sa outdoor. • Huwag pagkabitin ang higit sa tatlong sets ng Christmas lights. Kapag sumobra sa tatlong sets, overload na ito at maaari nang maging sanhi ng sunog. • I-check kung may faulty electrical wiring sa bahay o sa establisyimento. Siguraduhing walang sirang wiring upang maiwasan ang sunog. Kung mayroon man ay ipagawa ito agad. • Huwag i-overload ang outlets. Huwag pagsabayin ang pagsaksak ng kuryente sa mga outlets. Mas maganda kung maglalaan ng mga saksakan na para lamang sa Christmas lights. • I-unplug ang Christmas lights kapag hindi ginagamit. Madalas na pinababayaan o hindi na sinasara ang Christmas lights kahit umaga na. Huwag kalimutang hugutin ito sa saksakan upang maiwasan ang pag-overheat kung hindi light emitting diode (LED) lights ang ginagamit.

 Tips sa matipid na pagkain sa labas Sa panahon ng Pasko ay nagpaplano ang pamilya o mga kaibigan ng pamamasyal. Paminsan-minsan ay gusto rin ng mga konsyumer na makapag-relax at makakain na hindi sila ang maghahanda. May iba na ayos lang ang gumastos nang malaki dahil Pasko naman; ngunit, marami naman ang nais pa rin maging pasok sa budget ang kanilang gagastusin. Narito ang ilang tipid tips sa pagkain sa labas: • Tawagan o i-check online kung ang restaurant na kakainan ay may discounts o promos. Tuwing Kapaskuhan, madalas nagkakaroon ng ganitong pakulo ang mga kainan. Minsan ay nahihiya lang ang mga konsyumer na magtanong. Para hindi mahiya ay tumawag muna bago ang araw ng pagpunta para kapag nasa lugar na ay alam na ang mga discounts at promos. • Maghanap ng deal sites na nag-ooffer ng mga discounts at promos. Marami ang nagsulputang

mga deal sites na nagbibigay ng mga coupons. Madalas ay mayroon silang mga packages na pwedeng i-avail. Gayunpaman, siguraduhin muna na lehitimo ang deal site na kukuhanan ng mga coupons. Huwag nang mag-order ng beverage o gawing bottomless kung mag-oorder man. Madalas itong gawin ng mga costumers kapag kumakain sa labas. Mag-order na lamang ng tubig dahil ito ay libre at mas makatitipid. Ang iba naman ay nagbobottomless ng kanilang drinks dahil kaunti lang naman ang pinagkaiba ng presyo nito sa regular na inumin. I-check kung may combo meals o set menu. Ang mga menu ng mga resturants ay mayroong set o combo offers kung saan mas makatitipid ang mga costumers. Minsan ay kailangan lang tingnan mabuti dahil iba-iba lang ang tawag nito sa mga kainan. Mas makatitipid kung set meals ang i-o-order. Maaari ring tanungin ang waiter o waitress kung anong mairerekomenda nila sa mga ino-offer nilang combo meals.

 Tips sa pagbili ng mga household needs Ang pagbili ng personal na pangangailangan katulad ng mga sabon, shampoo, at kung anu-ano pa ay madalas na kasama sa grocery items ng pamilya. Minsan, ang nanay na lamang ang bumibili ng mga ito at hindi na ito pinag-uusapan pa. Ang ginagamit ng mag-anak ay kung anuman ang kanyang mabili. Ang pag-uusap tungkol sa pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya ay mas makabubuti. Maaari pa nilang masabi ang mga brands at bilihin na pwede silang makatipid. Narito ang ilang mga tips: • Gumawa ng listahan. Ilista ang mga kailangang gamit (halimbawa: pagkain, toiletries, atbp.) ng mag-anak bago mag-grocery. Madalas, ang ginagamit na sabon ng anak na lalaki ay iba sa gusto ng anak na babae. Tingnan din kung maaaring isang produkto na lang para sa lahat. • Isama ang mga anak sa pagbili. Ang mga anak ay may mga naturang gamit na gusto nilang gamitin. Mas makatitipid kung sila mismo ang pipili ng gusto nilang bilhin kaysa mabilhan sila ng hindi naman nila gusto at hindi naman magagamit. Maaari ring ikumpara ang mga produkto na nais ninyong bilhin. • Gumawa ng budget outline. Siguraduhin na ang mga produktong bibilhin ay hindi lalagpas sa inyong budget. Maghanap ng kaparehas na produkto na may mas mababang presyo ngunit hindi makaliligtaan ang kalidad nito. • Huwag magmadali sa pagbili. Mas magandang gawin ang pag-grocery ng hindi nagmamadali upang maikumpara ang sukat o laki at kalidad ng produkto sa presyo nito.


 Mga panregalo at tips ngayong Pasko Isa sa mga karapatan ng konsyumer ang pumili ng produkto na nais nilang bilhin. Maraming klase ng mga produkto at serbisyo ang ibinebenta sa merkado. Mayroon itong iba-ibang presyo, tatak, gamit, at kalidad. Sa panahon ng Kapaskuhan, tumataas ang bilang ng mga mamimili dahil sa pagbili ng mga bagay para sa mga anak, inaanak, pamangkin, at iba pa. Narito ang ilang mga regalo, gawain, at tips habang isinasaalang-alang natin ang kaisipan ng mga kabataan: • Tsokolate at kendi. Maraming nagsasabi na ang Pasko ay para sa mga bata. Ang mga kendi at tsokolate ay ilan lamang sa mga simpleng bagay na magdudulot ng ngiti sa kanila. Hindi masama ang bigyan sila nito paminsan-minsan. • Laruan. Natutuwa ang mga bata kapag sila ay nakatatanggap ng mga laruan. Sa pamamagitan nito, maaari rin natin silang turuan na maging masinop sa mga gamit. Subalit, maging maingat sa pagpili ng mga laruan. May mga laruan na hindi angkop sa edad ng mga bata. Mayroon din namang mapanganib sa kanilang kalusugan. • Libro. Ang pagbabasa ng libro ay makatutulong upang madagdagan ang mga kaalaman na hindi lamang sa paaralan matututunan. Pumili ng mga inspirational books na maghahatid sa mga bata sa reyalidad ng buhay na hindi nila nararanasan. • Art materials. Turuan ang mga bata na maging malikhain sa paggawa ng iba’t ibang bagay sa pamamagitan ng sining. Bilhan sila ng mga gamit tulad ng krayola, gunting, at makukulay na papel. • Digital camera. Mas mahal ang kamera sa iba pang mga panregalo ngunit malilinang ang mataas na imahinasyon ng mga kabataan sa pamamagitan nito. Isa itong paraan upang makita nila ang mundo sa pamamagitan ng mga lenses. • Pagbisita sa mga Christmas markets at mga kamag-anak. Ang pamamasyal ay isa sa mga tradisyonal na pagdiriwang ng Pasko. Maraming katangian ang matutunan ng mga bata habang sila ay nag-e-enjoy kasama ang iba pang mga tao maliban sa sariling pamilya. • Bonding time. Maliban sa mga materyal na bagay, ang pagbibigay ng sapat na oras at pakikipaglaro sa mga bata ay mayroong malaking epekto habang lumalaki sila. Sa ibang kabataan, ang panahon na inilalaan ng kanilang mga magulang ay higit pa sa mga mamahaling regalo.

 Mga tips sa pagbabago ng sarili Sa pagtatapos ng buwan ng Disyembre ay muli nating haharapin ang Bagong Taon. Marahil, tayo ay pamilyar na sa paggawa ng mga resolusyon na makapagpapabago ng ating mga buhay. Ang pagpapaunlad ng sarili ay isa lamang sa una nating iniisip. Kaakibat nito ang pagpapaunlad ng mga kakayahan at pagpapalawak pa ng mga kaalaman. Narito ang ilang mga tips: • Pag-iipon. Patuloy na dagdagan ang ipon mula sa mga nakaraang taon. Itabi na ang maliit na porsyento ng sariling kita bago pa man gamitin ang natirang bahagi sa mga panggastos.

Pag-utang. Maaaring may ipon tayo ngunit hindi sapat para sa pagsisimula ng isang bagay. Hindi masama ang mangutang kung ito ay gagamitin sa mabuting paraan tulad ng pagtatayo ng sariling negosyo na magbibigay ng dagdag na kita. Isa itong investment na maaaring makapagpaunlad sa pamilya at hindi lamang sa sarili. Tiyakin lamang na maisasauli ito bago o sa petsa na napagkasunduan. Pagkita. Alamin ang mga paraan upang maging kilala ang naitayong negosyo. Bagaman may isinasantabi ng ipon, magbukas ng iba pang bank account na paglalagyan ng dagdag na kita. Gamitin ito sa pagpapaunlad ng negosyo at iba pang investments. Pag-aaral. Maraming bagay ang matututunan sa paglipas ng bawat araw. Gamitin ang mga ito sa pagharap sa mga challenges sa hinaharap. Matuto sa mga pagkakamali at gawin ang mga bagay na hindi lamang sarili ang iniisip. Sa pagtatayo na negosyo, kailangang isipin din ng entreprenyur ang kapakanan ng bawat mamimili.

 Mga tips sa matalinong paggasta Isang taon na naman ang lumipas. Siguradong marami sa atin ang abala na sa pagsalubong ng Bagong Taon. Lumalaki ang kita ng mga entreprenyur dahil sa pagdagsa ng mga mamimili. Nakakuha na ng kanilang mga bonus ang mga empleyado. Tiyak na gagamitin ang mga ito sa pagbili ng iba’t ibang bagay. Narito ang mga tips sa isang matalinong paggasta: • Umiwas sa panic buying. Ang mga trahedyang dinanas noong mga nakaraang buwan ay nagsilbi bilang isang paalala para sa lahat. Maaaring umpisahan ang pag-iipon ng ilang pangunahing pangangailangan tulad ng mga de lata upang maiwasan ang panic buying sa tuwing may paparating na kalamidad. • Unti-unting bumili ng mga panregalo. Bago pa man sumapit ang ber months, ugaliin na ang pagbili ng mga regalo kung may pagkakataon gaya ng oras ng pamamasyal at pamimili ng groceries. Ipunin ang mga ito sa isang lalagyan. Makatitipid sa pamasahe at oras kung ang mga ito ay nakahanda na. • Tiyakin ang kalidad ng produkto. Tuwing panahon ng Kapaskuhan, naglipana ang mga nakatayong tiangge o di kaya naman ay nagkalat ang mga sale at discounted items sa pamilihan. Maging mapanuring mamimili. Ang pagtitipid ay hindi lamang nakukuha sa pagbili ng mga mabababang presyo kundi sa mahusay na kalidad nito. • Alamin ang No Return No Exchange Policy (NRNE). Hindi maaaring maglagay ng ganitong polisiya sa mga resibo o sa anumang bahagi ng establisiyemento dahil kung depektibo ang nabiling produkto, maaaring mag-demand ng repair, replacement, at refund. Basahin ang Consumer Act of the Philippines o Republic Act (RA) 7394 para sa iba pang impormasyon. Maaari ring tumawag sa DTI Direct 751.3330 o sa 0917.8343330 para sa iba pang katanungan.

Produced by: Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City. Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.