Radio Bits (December 2014)

Page 1

Issue No. 12 S/2014

Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.

 Tips sa mga nais maging entrepreneurs Ang Department of Trade and Industry (DTI) ang isa sa mga institusyon na pangunahing sumusuporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na tinuturing na backbone ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang bansa ay nangangailangan ng mas marami pang mga negosyo, maliit man o malaki, upang makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino. Bukod dito, marami na rin sa mga Pilipino ang nagnanais na sumubok na magnegosyo dahil nais nila ng mas malaking kita. Narito ang ilang mga tips sa pagsisimula ng bagong negosyo: • Magkaroon ng vision para sa negosyo. Isiping mabuti ang bawat hakbang na gagawin. Huwag madaliin ang mga desisyon. Pag-aralang mabuti kung anong klaseng negosyo ang nais simulan at kung paano it mapalalago. Magkaroon din ng business plan upang magkaroon ng focus sa itatayong negosyo. • Kumunsulta sa mga eksperto. Magtanung-tanong sa mga taong pinagkatitiwalaan kung ano ang mga hakbang na dapat gawin para sa naiisip na negosyo. Marami na rin ngayon ang mga seminars o trainings na ginagawa para sa mga aspiring entrepreneurs. Maaaring bumisita sa website ng DTI: www.dti.gov.ph at Philippine Trade Training Center (PTTC): www.pttc.gov.ph para malaman ang mga free demo skills training at business seminars na pwedeng puntahan. • Tiyakin na interesado sa negosyong itatayo. Madalas sabihin ng mga entrepreneurs na “Know what you do. Do what you know.” Mas makabubuti na interesado ka sa iyong ginagawa upang kahit mahirapan ka ay hindi mo bibitawan ang negosyo. Mas mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa upang mas maging dedicated ka. • Magkaroon ng SMART goals. Dapat maging Specific, Measurable, Achievable, Relevant, and Time-bound (SMART) ang bawat plano. • Irehistro ang business. Kapag sigurado na sa negosyo, irehistro ito sa mga nararapat na government agencies. Para sa mga sole proprietorships, maaari nang i-register ang business name online sa: www.bnrs.dti.gov.ph. Maaari na ring magbayad online at ma-download ang certificate of registration sa pamamagitan ng pasilidad na ito. Sa mga mayroon ng business name na malapit nang mag-expire, maaari na ito ngayong i-renew tatlong buwan bago pa ito mag-expire. • Maging bukas sa mga komento ng iba. Ito ang makapagbibigay ng mga bagay na makapagpabuti sa negosyo. Huwag agad panghinaan ng loob kung makarinig ng mga negatibong komento. Sa halip, gawin itong inspirasyon upang mas mapalago ang negosyo.

 Tips sa paggawa ng business plan Ang pagkakaroon ng business plan ay isang mahalagang gawain kapag magsisimula ng negosyo. Maaari rin itong balikan upang malaman kung ang goals ng iyong negosyo ay aligned pa rin sa mission at vision. Narito ang ilang tips sa pagbuo ng makabuluhang business plan: • Magkaroon ng malinaw na mission at vision. Tiyakin na ito ay pinag-isipang mabuti. Dapat maging tiyak sa target market at tumutugon kung ano ang kanilang kinakailangan. • Tiyakin kung saan ihahanay ang negosyo. Magkaroon ng focus kung ano ang iyong market na papasukin. Pag-aralan itong mabuti upang hindi magkaroon ng kalituhan sa hinaharap. • Ilatag nang mabuti ang mga marketing strategies. Ang matalinong pagmama-market ng negosyo ay makatutulong upang umunlad ito. Alamin kung gaano kalaking halaga ang ilalaan sa promotion ng iyong produkto. Pumili ng mga makabuluhan na istratehiya upang mas makilala ng consumers. Dapat ding ilagay sa plano kung ano ang mga pros at cons ng negosyo. • Magkaroon ng management at operations plan. Ito ang tumutukoy sa magiging takbo ng negosyo kapag nagtuluy-tuloy na. Dito makikita ang logistics ng organisasyon at ang mga responsibilidad ng iyong team at capital expense requirements na kaakibat sa operasyon ng negosyo.

 New Year tips para sa mga maliliit na negosyo Ang pagsapit ng Bagong Taon ay nagbabadya ng maraming opportunities at challenges para sa negosyo. Bago pa man magkaroon ng mga suliranin, dapat na itong paghandaan. Narito ang ilan sa mga tips para sa negosyo: • Basahin ulit ang business plan. I-review ito at tingnan kung naka-align pa rin ang mga ginagawa sa goals ng kumpanya. • I-assess ang online brand. Sa panahon ng teknolohiya, dapat magkaroon ng online branding. Tiyakin kung epektibo pa ang online marketing strategies ng negosyo. • Palawakin ang skills ng mga empleyado. Bigyang panahon ang pagpapalawak ng kanilang kaalaman o bigyan sila ng bagong kaalaman. Ang pagpapadala sa mga empleyado sa skills training at seminars ay makabubuti para sa ikauunlad ng negosyo. • Gumawa ng promotions calendar. Planuhin na nang maaga ang mga events na maaaring basehan buong taon upang mapromote pa ang negosyo. • Mas maging organized. Alisin na sa opisina ang mga hindi na kailangan. Siguraduhin lamang na naka-archive ang mga mahahalagang dokumento. Makabubuti rin kung may nakatagong soft copies.

Produced by: Department of Trade and Industry - Knowledge Management and Information Service. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.