Issue No. 02 S/2014
Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.
u Tips upang maiwasan ang pagkalugi ng food franchises Ang food franchises ang isa sa mga patuloy na sumisikat na negosyo sa Pilipinas. Sa pagiging tanyag nito, kailangan sumunod ng mga franchisers sa mga standards upang mas maging matagumpay ang negosyo. Maraming kakumpetensiya na patuloy na mag-i-innovate kaya dapat makipagsabayan sa mga ito. Narito ang ilang mga tips upang maiwasan ang pitfalls sa negosyo: • Siguraduhin ang kalinisan at kaligtasan. Isa sa mga in demand na negosyo ang pagtitinda ng pagkain ngunit isa rin itong mahirap mapangalagaan. Kapag nagkaroon ng kasong food poisoning, maaaring masira ang imahe ng negosyo hanggang sa tuluyan na itong magsara. Kailangan sa food industry ang patuloy na pag-iingat sa paghawak ng mga pagkain. • Iwasan ang manggaya. Maraming tao ang pumapasok sa food business kaya hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkakatulad sa mga konsepto. Kailangang mag-isip ng mas kakaiba na papatok pa rin sa panlasa ng mga konsyumer. Kailangang magstandout upang maging matagumpay ang negosyo. • Maging consistent sa kalidad. Siguraduhin na ang bawat pagkain na ihahain sa costumer ay consistent, simula sa sukat, laki, kulay, at lasa. Maaaring maging sanhi ng dissatisfaction ng isang kostumer kung hindi consistent sa mga bagay na ito. • Siguraduhing maayos ang kapakanan ng mga tauhan. Maliban sa malinis at ligtas na mga produkto, kailangan ding isipin ang mga tauhan. Nararapat na ligtas ang kanilang workplace. Kailangang magkaroon ng insurance policy para sa kanila. • Ayusin ang paghawak ng pera. Ang bawat negosyo ay may iba’t ibang risks kaya dapat alamin kung saan napupunta ang kinikita at inilalabas na pera. Magkaroon din ng deliberation kung nagkakaroon ba ng kita sa negosyo. Kailangang alamin ang overhead costs upang malaman kung saan napupunta ang pera.
u Iba’t ibang uri ng restaurants Sa mga supplier, isang malaking factor ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga business partners. Kailangan ding alam ang nature ng restaurant na pagsusuplayan upang mas matugunan ang mga pangangailangan at makapagbigay ng magandang serbisyo sa kliyente. Narito ang ilang uri ng mga restaurants: • Independent. Ito ay may isang branch lamang na madalas ay homegrown at may iilan lamang na mga tauhan. • Chain. Ito ay galing din sa independent restaurant kung saan naisipan na ng business
•
•
• •
owner na palaguin ang negosyo. Nagdagdag ng dalawa o tatlong branches ngunit patuloy pa ring hinahawakan ng may-ari ang buong operasyon ng negosyo. Franchised. Ito ay isang uri ng kumpanya na nagbabahagi ng branding, marketing efforts, operational systems, at supplies sa mga independent na negosyante kung saan makukuha pa rin nila ang royalty at buwanang komisyon. Quick service. Ito ang restaurant kung saan madalas nakapaglalabas o nakagagawa ng pagkain. Kaya nitong ihanda at ibigay ang pagkain sa loob ng sampung minuto lamang. Naluto na ang mga pagkain nang mas maaga at iinitin na lang ulit kapag umorder ang mga konsyumer. Fast casual. Mas relax ang ambiance ng lugar at madalas na may mga regular customers kung saan alam na ang bestseller ng kainan. Fine dining. Ang pagkain ay mas mahal at kailangang medyo pormal ang pananamit ng mga kostumer. Madalas tinatangkilik ito kapag may mga espesyal na okasyon at mga business functions.
u Magagandang katangian ng mga suppliers Ang tamang pagpili ng mga suppliers o tagapagtustos ay makatutulong upang maging maayos ang pakikipagkalakalan at pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kanila. Nararapat lamang na magkaroon ng tamang desisyon sa pagpili ng kukunin na supplier. Narito ang ilang mga magagandang katangian ng mga suppliers na dapat isaalang-alang: • Technical ability at expertise. Ang mga kakayahang ito ay dapat na maging pangunahing katangian ng isang supplier. Maaaring siya ang may pinakamagandang produkto subalit maaari ring hindi buo ang suporta niya sa pagbibigay ng iyong mga pangangailangan. • Mabuting serbisyo. Kaakibat ng kakayahang teknikal ng supplier ang kanyang motibasyon sa pagbibigay ng magandang serbisyo na iyong kailangan. Siya ay dapat na naglalaan ng oras at panahon sa pagtutustos ng mga produkto upang mas mapabuti ang paglilingkod sa kanyang mga kliyente. • Price competitiveness. Maaaring ito ang una mong iisipin sa pagsisimula ng iyong negosyo. Gayunpaman, kailangan mong balansehin ang paghahanap sa pinakamagandang halaga ng mga supplies na mayroon ding magandang kalidad ng produkto. Ang bilang ng iyong mga sariling kliyente ay nakabatay sa mga presyo at katangian ng iyong produkto mula sa supplier. • Good record. Ang mabuting pagsasaliksik ng impormasyon tungkol sa supplier ay makatutulong upang higit silang makilala.
u Mga tips sa paghahanap ng supplier Ang mga suppliers o tagapagtustos ay maaaring magpaunlad o makasira ng iyong negosyo kaya kritikal ang pagpili ng pinakamabuting supplier at bumuo ng isang magandang pakikipag-ugnayan sa kanila. Ito ay mahalaga sa pagpapatakbo ng negosyo. Ang mga suppliers na kailangan ay ang mga nakapagbibigay ng iyong eksaktong pangangailangan kung kailan mo ito gagamitin at nasa tamang halaga lamang. Narito ang ilang mga tips kung saan maaaring makahanap ng mga suppliers: • Yellow pages. Ang mga direktoryo o listahan ng mga numero ng telepono ay pwedeng mapakinabangan lalo na kung nagmamadaling maghanap ng mga suppliers. Gayunpaman, hindi madali ang paghahambing ng mga presyo ng iyong mga bibilhin sa paraang ito. • Trade exhibits at bazaars. Ang pagdalo sa mga trade exhibits at bazaars ay nagbibigay ng pagkakataon na makilala mo ang mga suppliers at makakuha ng mga ideya kung gaano kalaki ang industriya na iyong kinabibilangan. • Trade journals at directories. Maganda itong reperensiya kung hindi lamang sa lokal na pamilihan ang sakop ng iyong negosyo. Ang mga trade journals at directories ay madalas na makukuha sa mga banyagang embahada. Hahayaan ka nilang maghanap o bibigyan ka ng listahan ng mga exporters na tutugma sa iyong produkto o serbisyo. • Purchasing associations. Maraming mga purchasing associations na maaaring puntahan tulad ng Philippine Institute for Supply Management. Ito ang pinakamalaking asosasyon na kinabibilangan ng humigit-kumulang 300 na mga miyembro. Tiyak na marami kang mapagpipilian. • Chambers of commerce. Ang iba’t ibang chambers of commerce ay makapagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga miyembro nito na makapagtutustos sa iyong mga supplies na kailangan. • Internet. Ito ang pinakamabilis na pamamaraan sa pagkuha ng kaalaman sa kompyuter. Mayaman ito sa mga impormasyon tungkol sa mga suppliers at manufacturers. Kadalasan, mayroon silang mga websites na maaaring bisitahin. Subalit, maging maingat sa pakikipagtransaksyon upang maiwasan na malinlang ng mga nagsasamantala.
u Mga tips sa pagdalo sa mga trade shows Ang mga trade shows ay maaaring maghain ng mga oportunidad para sa kahit sinumang entreprenyur na nagnanais na mas mapaunlad ang nasimulang negosyo. Mayroong iba’t ibang mga paraan upang mas maging kapaki-pakinabang ang pagpunta sa mga trade shows ngunit may ilang pangyayari rin namang dapat iwasan. Narito ang ilang mga tips na maaaring gawin sa pagbisita: • Humingi ng floor plan na mayroong listahan ng mga exhibitors. Humingi ng kopya nito bago pa man sumapit ang araw o sa mismong araw ng trade show. Makatitipid ka sa oras at tiyak na mas magiging organisado ka dahil makatutulong ito upang malaman mo ang mga pwesto na nais puntahan.
•
• •
•
•
Magdala ng cellphone, kamera, ballpen, at notebook. Marami kang pwedeng makausap habang umiikot sa loob ng isang trade show. Ang mga gamit tulad ng mga ito ay kailangan upang magkapagtala ka ng mga detalye na iyong nakita at gustong tandaan. Ilagay din sa silent mode ang iyong cellphone para hindi makaabala habang nakikipag-usap sa iyong potensyal na supplier. Magdala rin ng naitutuping bag. Maaari mo itong paglagyan ng mga nakuha mong kopya ng mga brochures at mga samples ng mga produkto. Magbigay at humingi ng mga calling cards. Ang mga calling cards ay mas madaling maghahatid ng iyong impormasyon sa mga suppliers at makatutulong na magkaroon kayo ng komunikasyon kung kinakailangan. Magsuot ng komportableng business attire. Ang pagsusuot ng disenteng damit ay nakapagbibigay ng magandang impresyon sa kapwa mo entreprenyur. Subalit, alalahanin na dapat ay komportable ka pa ring nakagagalaw habang iniikot ang buong lugar. Humanap ng mga special deals. May mga suppliers na nagbibigay ng mas malaking diskwento kung sa mismong trade show mo bibilhin ang kanilang produkto. Gayunpaman, maging maingat sa pagbili dahil posible rin na katulad din ito ng normal nitong halaga at maaaring may mas matitipid kung sa iba mo ito bibilhin.
u Mga tips sa pagreretiro sa sariling negosyo May mga entreprenyur na nagnanais iwan ang kanilang mga negosyo hindi lamang dahil nalulugi na ito. Ang isa sa mga dahilan ay dulot ng pagdaragdag ng edad kasabay ang pagnanais na magpahinga at libangin ang sarili sa ibang paraan. Narito ang ilang mga tips para sa mga nagnanais iwan ang kanilang matagumpay na negosyo: • Turuan ang mga anak habang bata pa. Bigyan ng inspirasyon ang mga anak habang sila ay lumalaki upang magkaroon sila ng pagmamahal at pagpapahalaga sa nasimulang negosyo. • Hayaan ang mga anak na makakuha ng ibang karanasan. Nakatutulong na madagdagan ang kaalaman ng mga anak kung mabibigyan sila ng pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang kumpanya upang malaman nila ang iba-ibang paraan sa pagpapatakbo ng negosyo. • Ipamana nang mas maaga ang negosyo. Pag-aralang mabuti kung kanino ibibigay ang negosyo. Kilalanin ang kakayahan ng magmamana nito. Kung may kakulangan sa abilidad, bigyan ng pagkakataon na matutunan niya ang mga dapat gawin bago tuluyang ipagkatiwala ang negosyo. • Kumuha ng maasahang manager. Kung hindi pa handa ang magmamana ng iyong negosyo, maaaring kumuha ng mapagkakatiwalaan at matapat na tagapamalakad nito. • Humanap ng isang propesyonal na grupo. Hayaan ang manager at ang kanyang grupo ang pansamantalang mamahala ng negosyo kung ayaw pa itong hawakan ng iyong mga anak.
Produced by: Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City. Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph