Radio Bits (Mar2013)

Page 1

Issue No. 03 S/2013

Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.

 Ilang payo sa pagnenegosyo ngayong tag-init Dapat na akma sa panahon ang gagawing negosyo o pakulo para madagdagan ang inyong kita. Narito ang ilang payo para sa inyong negosyo ngayong panahon ng tag-init: •

Makibahagi sa mga pyesta at tiangge. Maraming pistang bayan kung summer at bakasyon, gayundin ang sunud-sunod na pag-oorganisa ng mga tiangge. Samantalahin ang mga ito para i-extend sa labas ang negosyo at magkaroon ng ekstrang kita. Bawasan ang ilaw. Mas matingkad ang sikat ng araw ngayong tag-init. Dahil dito hindi na kinakailangang buksan pa ang lahat ng ilaw. Samantalahin ang natural na daylight at huwag buksan ang mga ilaw nang maaga. Kahit pa-gabi na kasi, maliwanag pa rin dahil tag-araw. Isali ang mga anak. Kung may mga anak na nag-aaral at bakasyon nila sa eskwela ngayong tag-init, papasukin sila sa negosyo. Bukod sa malilibang, marami rin silang matututunan, lalo na kung sila ang magmamana at mamamahala nito balang-araw. Sa inyong parte naman, makatitipid kayo sa pagbabayad ng ekstrang empleyado. I-adjust ang website ayon sa panahon. Kung may website, blog, o social networking account ang negosyo, iakma ang mga ito ayon sa summer. Palitan ang mga larawan ng makukulay at buhay na buhay na imahe. Maglagay ng sapat na bentilasyon. Hindi gusto ng mga kostumer na nanlalagkit sila habang kumakain sa inyong karinderya, halimbawa. Maglagay ng ekstrang electric fan at maglagay na rin ng exhaust fan para maging kumportable ang mga kostumer.

 Tips sa pagpili ng mentor sa negosyo Bilang mga entrepreneurs, hindi masama kung hahanap ng mga mentors upang maging gabay sa pagnenegosyo. Narito ang ilang payo kung paano makapipili ng isa: •

Hindi lamang basta mentor ang hanapin, bagkus tama at mahusay na mentor. Alamin muna kung anong aspeto sa negosyo ang gustong pag-aralan. Kapag sigurado na, simulang maghanap ng tamang tao na eksperto at maalam sa nasabing bagay. Maaari ring personal na kakilala o kamag-anak ang kuhaning mentor, basta mahusay ito sa kaalamang nais matutunan. Ipakita ang interes at kuhanin ang kanilang atensyon. Para higit na maengganyo ang kinuhang guro na magturo, dapat ipakita sa kanya ang dedikasyon at pagsisikap na matuto. Maging interesado sa mga tinuturo at ipakita ang mga improvement at development.

Sa ganitong paraan, makararamdam sila ng fulfillment at satisfaction na nagawa nila ang kanilang trabaho nang maayos. Maging mabuting kaibigan. Huwag limitahan sa master-and-student ang samahan; bagkus, bigyan ito ng mas malalim na kahulugan. Hindi masama kung sisimulang buuin ang pagkakaibigan upang higit na gumaan ang samahan. Maaari ring bisitahin siya sa kanilang tahanan para makipag-bond.

 Tipid tips para sa bahay ngayong tag-init Madalas tumataas ang konsumo ng kuryente tuwing tag-init dahil sa madalas na pagbubukas ng mga appliances katulad ng aircon o electric fan para labanan ang alinsangan ng panahon. Dahil din sa bakasyon ang mga bata, nadaragdagan din ang gastusin sa bahay. Narito ang ilang tips para makatipid: •

Buksan ang bintana. Imbis na gumamit ng aircon, buksan na lang ang mga bintana para mabawasan ang nakulob na init. Palitan din ang makakapal na kurtina ng maninipis at maliliwanag ang kulay tulad ng dilaw o luntian. Maglinis din sa loob ng bahay para umaliwalas ang paligid. Magsuot ng maninipis. Para sa preskong pakiramdam, ugaliing magsuot ng maninipis na damit. Iwasan ding magsuot ng may manggas sa loob ng bahay. Mas matipid ding labhan ang maninipis na damit. Iwasang gumamit ng dryer. Dahil mainit naman ang panahon at mataas ang sikat ng araw, isampay na lang ang mga damit sa labas ng bahay imbis na kumunsumo pa ng ekstrang kuryente sa pagpapatuyo ng mga ito gamit ang makina. Magluto sa labas. Para hindi nakukulob ang init sa loob ng bahay, ipinapayong magluto sa labas ng bahay lalo na kung may outdoor kitchen sa bakuran. Maaari ring mag-ihaw. Subuking maghain ng sariwang mga prutas at gulay na hindi lamang basta masustansiya kundi nakapapawi pa ng init.

 Tips para sa matipid na bakasyon Isang taong pampaaralan na naman ang nakalipas at tiyak pinaghahandaan na ng marami ang isang mahabang bakasyon. Dahil sa mainit na panahon, higit na kailangan ng bawat isa ang relaxation at mapaglilibangan. Siguradong marami sa atin ang gagastos nang malaki. Narito ang ilang tips para sa matipid na bakasyon: •

Gawing tambayan ang mga silid-aklatan. Hikayatin ang mga bata na magbasa ng libro


at imulat sila sa kahalagahan ng pagbabasa. Bukod sa libre ang pagpunta sa mga pampublikong aklatan, marami ring babasahin na maaaring pagpilian base sa interes. Makatutulong ang pagbabasa sa mga bata para may dagdag-kaalaman sila bago muling dumating ang pasukan. Mag-movie marathon kasama ang buong pamilya. Maaaring umarkila o manghiram ng D-V-D ng mga pelikula, mapaklasiko man o bagong labas sa takilya. Kung may batang kasama, siguraduhin lamang na angkop sa kanila ang panonoorin. Ipinapayo ring mamili ng mga pelikulang makukuhanan ng mabuting aral. Bisitahin ang mga kamag-anak na hindi madalas makita. Samantalahin ang bakasyon upang makipagkita sa mga kamag-anak na matagal nang hindi nakakasalamuha. Subuking mag-overnight stay sa kanila. Maaari rin namang pumunta sa mga malalapit na kaibigan. Bumisita sa mga art galleries at museums. Isang magandang puntahan ngayong bakasyon ang mga museo at art galleries. Bukod sa mga nakatutuwang impormasyon na matututunan at mga exhibit na makikita, wala pang entrance fee ang ilan sa mga ito. Huwag kalimutan ang mga parke at palaruan. Mawawala ba sa listahan ang pinakamurang pasyalan? Maglatag lamang ng banig o karpet saka pagsaluhan ang masarap na lutong-bahay.

 Ilang negosyong home-based Akma ang home-based na negosyo sa maliliit o nagsisimulang negosyante. Hindi na kasi mamumrublema sa pagbili ng pagtatayuan ng negosyo o sa buwanang upa para rito. Akma rin ito para sa mga magulang na piniling alagaan ang mga anak sa bahay pero nais pa ring magkaroon ng kita. Narito ang ilang negosyong home-based na maaari ninyong subukin: •

 Ilang payo para hindi mabaon sa utang Dahil sa kawalan ng ipon, marami ang madalas na kumakapit sa pangungutang kapag may mga emergencies magkaroon lamang ng mabilisang pera. Narito ang ilang payo kung sakaling dumating sa sitwasyong gaya nito: •

Huwag kung kanino lamang mangutang. Ilista muna ang lahat ng posibleng hiraman ng pera. Hangga’t maaari, iwasan ang mga patubuan. Kung hindi naman maiiwasan, aralin ang interest rates ng bawat isa at piliin ang may pinakamababang tubo. Ayusin ang paglalaanan ng pera. Siguraduhing magagamit nang tama ang perang hiniram at hindi ito mapupunta sa mga walang kabuluhan. Gumawa ng listahan ng mga pagkakagastusan at maging ang halagang laan para rito. Tandaan na dapat may kaunting pasobra dapat dahil mas mahirap ang magipit. Gumawa ng schedule ng pagbabayad. Tantyahin kung kailan magkakapera at siguraduhing kasama na sa pagbabadyet nito ang pagbabayad ng utang. Huwag nang ipagpaliban pa ang pagbabayad dahil lalong lumalaki ang interest nito habang tumatagal. Matutong magtipid at lalong higpitan pa ang sinturon. Higit na paigtingin ang pagtitipid at pagbabadyet sa perang hawak. Huwag maging kumportable at laging isaisip na kailangang mabayaran ang hiram na pera nang mas maaga.

Matuto at magsimula nang mag-ipon para hindi na mangailangang manghiram sa susunod. Matuto mula sa karanasan. Ugaliin dapat ang pag-iipon at simulan ito sa lalong madaling panahon. Makatutulong ito upang sa susunod na mangailangan, agad na may madudukot na pera. Makatutulong din ito upang maiwasan na ang panghihiram o di naman kaya ay makabawas sa halagang kailangan. Higit sa lahat, bayaran ang utang sa itinakdang panahon.

• •

Sari-sari store. Hindi kinakailangang malaki ang puhunan sa ganitong tindahan. Bago ito itayo, i-sarbey muna ang mga kapitbahay kung anu-ano ang pang-araw-araw nilang kailangan. Huwag magtinda ng mga mamahalin kung payak lang ang pamumuhay ng mga magiging kostumer. Cellphone load business. Maaari ring sabayan ng cellphone load business ang inyong sari-sari store. Akma rin ang ganitong negosyo sa taong maraming kakilala, kaibigan, o kamag-anak dahil kailangan ng network para kumita rito. Wedding planner. Kung mabusisi sa detalye at pasensyoso, maaaring subuking maging wedding planner para sa mga brides-to-be na pihikan at talaga maraming demands. Pagiging detalyado at pasensyoso rin ang kailangan sa iba pang home-based na negosyo tulad ng writing, researching, at editing. T-shirt design. Sa panahon ngayon, marami ang ini-emphasize ang kani-kanilang individuality o identity. Gusto ng mga tao ang personalized items o mga produktong tila ba ginawa lang para sa kanila. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-iimprenta ng mga naiibang disenyo sa mga damit. Tutorial business. Kung may kakayahang magturo sa mga bata, maaaring subukin mag-offer ng tutorial services. Direct selling. Sa halip na sumali sa mga networking companies na hindi naman lehitimo at walang katiyakang ibabalik ang perang ipinasok ninyo rito, mas makabubuti pang mag-direct selling at magmiyembro sa mga sikat na kompanya. Sinasabing ang direct selling, o ang direktang pagbebenta ng mga produkto na kinukuha mula sa isang kompanya, ang “poor man’s franchise business.”

Produced by: Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City. Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.