Issue No. 03 S/2014
Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.
Mga dapat tandaan ngayong Fire Prevention Month Ang sunog sa tahanan ay isang nakatatakot na pangyayaring ayaw nating maranasan. Gayunpaman, libu-libo na ang naitalang nasunog na mga kabahayan, nasawing mga buhay, at nawalang mga ari-arian sa buong bansa. Upang maiwasan ang mga pangyayaring ito, ginugunita tuwing Marso ang Fire Prevention Month. Narito ang ilang mga tips na dapat tandaan: • Suriin ang mga electrical wires. Gamitin ang panahong ito upang masuri ang mga linya ng kuryente sa tahanan pati sa opisina. Kung may mapansing kakaiba, ipagbigay-alam agad ito sa electrician upang maisaayos ito at mabawasan ang panganib ng sunog. • Mag-install ng smoke detector. Maglaan ng budget para sa smoke detector. Ilagay ito sa mataas na bahagi ng bahay at siguraduhin na gumagana ito. • Bumili ng fire extinguisher. Kailangan ito upang may nakaantabay na pang-apula ng apoy. Alamin ang tamang paggamit nito at ituro ito sa bawat miyembro ng tahanan. • Magkaroon ng emergency exit plan. Pag-aralang mabuti ang bawat sulok ng bahay at alamin kung saan madaling makalalabas kung magkaroon ng sunog. Planuhin din ang kaligtasan ng mga bata, buntis, may kapansanan, at matatanda. • Maging alerto sa kusina. Kalimitang sanhi ng sunog ang kapabayaan sa kusina. Bantayang mabuti at huwag iwanan ang niluluto. • Siguraduhing walang tagas ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG). Ibalik ito sa tindahan kung depektibo ito. Ipaalam sa Department of Trade and Industry (DTI) kung paulit-ulit ang pagbebenta ng tindahan ng mga depektibong tangke.
Mga tips sa paghahanda sa panahon ng emergency Ang mga kalamidad ay maaaring dumating nang walang babala. Nararapat lamang na maging handa habang maaga. Narito ang ilang mga tips na dapat tandaan bago ito mangyari o sa mismong pagkakataon: • Maghanda ng emergency supply kit. Ilagay ang mga emergency supplies tulad ng mga
•
•
•
• •
•
pagkain na matagal pa ang expiration date, gamot, flashlight, baterya, at tubig sa isang lalagyan na madaling makuha at bitbitin. Maaari ring maglagay ng ilang gamit sa likod na bahagi ng sariling sasakyan. Bumuo ng simpleng plano. Isali ang mga bata sa pagpaplano bago pa man dumating ang sakuna o kalamidad. Bigyan ng kanya-kanyang gagampanan ang bawat isa. Simpleng plano lamang ang gawin upang madaling maalala ang mga detalye. Alamin ang pupuntahan bago pa dumating ang kalamidad. Agad na pumunta sa ligtas na lugar ayon sa payo ng mga opisyal o lumipat sa kamag-anak o kaibigan na nakatira sa labas ng apektadong lugar. Pag-usapan kung ano ang gagawin sa evacuation. Posibleng magkahiwa-hiwalay ang mga miyembro sa pag-iwas sa kapahamakang dulot ng mga kalamidad. Gumawa ng plano kung paano magkikita-kita ulit ang bawat isa. Maaaring magtalaga ng isang kamag-anak o kakilala na tutulong upang mabuo ang mga miyembro. Siguraduhin na kabisado ng mga bata ang mga numero ng telepono at address na pwedeng puntahan. Pag-aralan ang mga evacuation routes. Tandaan ang mga lugar na pwedeng daanan. Alamin kung walang mga nakaharang sa tatahakin na kalsada. Tanungin ang mga bata. Gawin ito kada anim na buwan upang malaman kung natatandaan pa nila ang mga dapat gawin, saan pupunta, at sino ang tatawagan. Maglagay ng listahan ng mga emergency numbers. Ilagay ito sa tabi ng telepono o sa isang lugar na madaling mapansin o makita. Sa gayon, madali itong matatagpuan o maisasaulo.
Tips sa pakikipag-usap sa galit na customer Mahalaga sa isang negosyo ang maging satisfied ang mga customers ngunit hindi rin maiiwasan minsan na magkamali tayo o hindi natin maibigay ang hinihingi nila. Kailangang matutunan ng mga empleyado at ng business owner kung paano nila pakikitunguhan ang customer na galit o mainit ang ulo. Narito ang ilang tips na maaaring magamit kapag nasa ganitong sitwasyon: • I-acknowledge ang galit ng customer. Isa sa mas ikinagagalit ng customer ang hindi
•
•
•
•
•
pagkilala na sila ay nagagalit. Kailangang makipag-usap sa kanila ng may empathy. Ipakita na ikaw ay concerned. Dapat iparamdam sa kanila na tapat kang tumutulong at gagawin ang lahat ng makakaya upang mabigyan mo sila ng magandang serbisyo. Itala ang lahat ng mahahalagang detalye na ibinibigay nila na magagamit sa pag-ayos ng problema. Huwag silang madaliin. Mas magagalit ang iritableng customer kung ipakikita mong nagmamadali kang matapos ang inyong usapan. Pakinggan sila nang mabuti. Huwag sumabat habang sila ay nagsasalita pa. Maging kalmado. Karamihan ng mga galit na customer ay nakapagbibitiw ng mga masasakit na salita nang hindi naman nila sinasadya. Huwag itong personalin. I-analyze nang mabuti ang sitwasyon. Magbigay ng mga katanungan na makatutulong sa pagbibigay ng solusyon sa problema. Magbigay ng schedule kung kailan maaayos ang problema. Mas maganda kung sa mismong pag-uusap ay masolusyunan na ang problema ngunit kung hindi ito posible ay dapat magbigay ng takdang araw kung kailan ito maaayos.
Mga tips sa pagkakaroon ng sideline ngayong summer vacation Isang magandang pagkakataon ang mga buwan ng bakasyon upang magkaroon ng dagdag na kita ang mga magulang. Gayunpaman, may mga anak din na nagnanais na mabawasan ang alalahanin ng kanilang mga ama at ina sa pagbabayad ng matrikula sa susunod na pasukan, kaya naghahanap sila ng mga paraan upang makatulong. Narito ang ilang mga tips para makaipon o makahanap ng pera ngayong bakasyon: • Magnegosyo. Pwedeng magtayo ng negosyo na patok kapag mainit ang panahon. Magandang magnegosyo lalo na kung nakatira sa mataong lugar. Pag-isipang mabuti kung anong negosyo ang pipiliin na abot-kayang bilhin ng mga tao sa panahon ng tag-init tulad ng halo-halo, ice candy, at iba pa. Subukin ang garage sale upang mabawasan ang mga hindi na kailangang bagay o mag-alok ng mga pahulugang produkto ng mga direct selling companies. • Magtrabaho. Maraming ino-offer na summer o part-time jobs kapag malapit na ang bakasyon. Alamin ang mga ahensiya ng gobyerno na mayroong mga internship programs. Subukin din na mag-sideline sa mga seasonal jobs tulad ng pamimigay ng campaign paraphernalia ng mga pulitiko kung panahon ng eleksyon.
•
•
Sumali sa mga contests. May mga lugar na nagdaraos ng piyesta tuwing Abril at Mayo. Gamitin ang talento at galing upang tiyak na manalo. Humingi ng suporta sa pamilya at mga kaibigan. Maghanap ng scholarship. May mga ahensiya ng gobyerno o lokal na pamahalaan at mga pribadong institusyon na nagbibigay ng mga scholarship. Subuking mag-apply sa mga ito lalo na kung kayang ipasa ang mga hinihinging requirements. Kung hindi papalarin, mag-aral nang mas mabuti sa darating na taon upang makamit ang ninanais na scholarship.
Tips sa pag-organize ng event Maraming kumpanya na ang kumikita sa pagpaplano ng iba’t ibang mga events katulad na lamang ng mga kaarawan, binyag, kasal, o simpleng salu-salo ng mga magkakaibigan. Madalas ay kumukuha na lamang ang mga events planner para mas maayos at madali ang paghahanda. Gayunpaman, maaari namang kayu-kayo na lamang ang mag-ayos ng inyong event o party upang mas makatipid. Narito ang ilang dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng event: • Maganda at accessible na venue. Isa rin ito sa madalas na pinaglalaanan ng budget kapag may mga kasiyahan. Dapat ay malapit ito sa lahat, may malaking parking space o kung hindi man ay madaling mag-commute papunta rito. Maaga dapat magpareserve sa napiling venue dahil kung minsan ay nagkakaubusan ng slots. • Pagkain. Isa sa mga rason kung bakit pupunta ang mga tao sa kasiyahan ay dahil sa pagkain. Isama sa costing at budgeting ang pagpili kung anong klaseng mga pagkain ang nais ihain sa inyong mga guest. • Malawak na promotions. Ang pinakaepektibong pagpo-promote ay ang social media. Maaari ka pang makatipid sa mga invitations. Alamin mabuti kung ano ang tamang promotion strategy na gagamitin sa inyong event. • Maayos na audio at video system. Tandaan na dapat maayos ang inyong speakers, microphones, o mga audio-visual system. Lalo na kung malaki-laking event ang gaganapin. Huwag kaligtaan na mag-invest sa ganitong mga bagay.
Produced by: Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City. Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph