Issue No. 10 S/2013
Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.
Limang pananagutan ng mga konsyumer Ang pagdiriwang ng ‘Consumer Welfare Month’ tuwing Oktubre ay alinsunod sa Atas ng Pangulo ng Pilipinas, Proklamasyon Bilang 1098 na nilagdaan noong Setyembre 26, 1997. Layunin nito na magkaroon ang ilang ahensiya ng pamahalaan at iba pang organisasyon ng mga programa at mga aktibidad na magtataguyod ng interes at pangkalahatang kapakananan ng mga mamimiling Pilipino. Bilang isang konsyumer,may mga tungkulin na dapat gampanan: • Mapanuring kamalayan. Ito ang tungkulin na maging listo at mapagtanong tungkol sa gamit, halaga, at kalidad ng mga produkto at serbisyo na ating tinatanggap. • Pagkilos. Tungkulin ng mamimili na maipahayag ang sarili at kumilos upang makasiguro sa makatarungang pakikitungo. Huwag panatilihin ang pagwawalang-bahala upang matigil ang pananamantala ng mga mandarayang mangangalakal at negosyante. • Kamalayan sa kapaligiran. Ito naman ang tungkulin na mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran dulot nang hindi wastong pagkonsumo. Nararapat lamang na pangalagaan ang ating mga likas na yaman para sa kinabukasan ng mga darating na bagong henerasyon. • Pagmamalasakit sa panlipunan. Responsibilidad natin na alamin ang resulta ng ating pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo sa ibang mamamayan, lalo na sa mga pangkat ng maliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdigang komunidad. • Pagkakaisa. Ipinapayo ang pagtatatag ng samahan ng mga mamimili upang magkaroon ng dagdag na lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakan ng lahat ng mga konsyumer.
Mga tanggapan ng pamahalaan para sa mga mamimili Ang mga ahensiya ng pamahalaan ang nagpapatupad ng batas para sa mga konsyumer. Narito ang mga tanggapan at kanilang mga ginagampaman para sa mga karapatan ng bawat mamimili. • Department of Trade and Industry (DTI). Tungkulin ng DTI na alamin para sa mga konsyumer ang uri at kaligtasan ng produkto; pandaraya at hindi parehas na mga paraan sa pagbebenta; garantiya at pananagutan sa mga produkto; presyo ng mga pangunahing bilihin; akreditasyon ng mga service at repair shops; labelling at packaging; at advertising at promosyon ng mga produkto. • Department of Agriculture (DA). Ang ahensiyang ito ang may pananagutan para sa kalidad, kaligtasan, labelling, at packaging ng mga produktong agrikultural.
• •
• •
Department of Education (DepEd). Nagbibigay sila ng mga kaalaman at impormasyon sa mga konsyumer, maging bata man o matanda na. Department of Health (DOH). Saklaw ng ahensiyang ito na matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili sa pagkonsumo ng mga pagkain, gamot, kosmetiko, at mga kagamitan na may mapanganib na mga sangkap. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Hawak ng BSP ang consumer credit transactions ng mga bangko at mga institusyong pinansyal. Securities and Exchange Commission (SEC). Tinutulungan nito ang mga konsyumer na sinasamantala ng mga nagpapautang na mga kompanya.
Tips kapag may business transactions Ang mga entreprenyur ay magagaling humarap sa mga tao sapagkat sila ang madalas na nakikipagtransaksyon sa mga suppliers at customers. Ang repleksyon ng pagkatao ng isang entreprenyur ay nakikita rin sa kanyang negosyo – maaari itong maging dahilan ng tagumpay o kabiguan. Ang negosyo ay nagtatagumpay dahil sa sariling pagsisikap at sa mga tao na kasama niyang nagtatrabaho para rito. Ang mga sumusunod ay ilang mga tips para magkaroon ng makabuluhang business transactions: • Simulan sa taos-pusong pagbati. Madaling nahihikayat ang mga customers na bumili kung nararamdaman nila na sila ay espesyal. Pakitaan din sila ng respeto. Pakinggan at intindihin ang kanilang mga sinasabi upang maramdaman nila ang iyong sinseridad. • Tiyaking komportable ang mga kliyente. Mas nagiging panatag ang loob ng tao kung mabilis mong nalalaman ang comfort zone nila. • Maging magalang sa lahat ng oras. Hindi lamang sa mga customers pati na rin sa ibang tao. Maaaring sa pagiging magalang ay higit na makahatak pa ng mga karagdagang kliyente. • Panatilihin ang distansya. Minsan kahit gusto mong maging komportable ang kliyente, maaaring mas lalo mo siyang naitutulak papalayo. May ibang ayos lang makipagkaibigan sa mga kliyente ngunit ang iba naman ay nais lang ng work-related relationship. • Tapusin ang meeting o pag-uusap nang may tapat na kalooban. Ang taos-pusong pagsabi ng “good bye” o “see you again” ay nagbibigay rin ng isang magandang impresyon.
Tips para hindi manakawan ang negosyo Hindi maiiwasan sa negosyo na kung minsan ay mabiktima ng mga masasamang loob. Minsan, kahit anong pagbabantay ang gawin, may mga nakasasalisi pa rin. Dapat harapin ang mga ganitong
suliranin na may tapang at presence of mind. Narito ang ilang tips upang maiwasan at mahuli ang mga magtatangka ng masama sa negosyo: • Siguraduhing batiin ang mga customers. Mas magiging mahirap sa mga nagbabalak mag-shop lift kung napansin mo ang pagpasok nila. Mahihirapan silang pumuslit ng mga bagay kung may nakakaalam na sila ay nasa loob ng iyong establisimyiento. • Panatalihing may stocked items sa shelves. Mas madaling malalaman na nawawalan ng produkto kung nakasanayan na may stock lagi ang iyong mga istante. • Maglagay ng convex mirrors. Iwasang maharangan ang ibang parte ng iyong tindahan. Ilagay ang convex mirrors sa mga blind spot areas para makita pa rin kung may kakaibang ginagawa sa loob ng tindahan ang mga mamimili. • Obserbahan ang mga customers na matagal nang humahawak ng mga produkto. Kung maaari ay tulungan sila upang malaman nilang alam mo ang nangyayari sa iyong paligid. Kung may iba man silang binabalak ay mahihirapan silang gawin ito. • Panatilihing ligtas ang stock room. Mas mabuti kung ikaw at ilan lamang sa mga tauhan ang makapapasok sa stock room para siguradong hindi masasalisihan. Maglagay rin ng log in/log out sa may pintuan ng bodega upang masubaybayan ang lumalabas at pumapasok dito. • Maglagay ng bag counters sa pasukan ng tindahan. Ipaiwan na lang sa baggage counter ang mga kagamitan ng mga mamimili na maaaring maging lalagyan sa pagpupuslit ng mga produkto. Makatutulong din ito upang hindi mahirapan ang mga customers kung marami silang bibilhin. • Maging alerto kapag tumatanggap na ng bayad. May mga taong maaari kang lituhin upang makasalisi. Huwag nang makipag-usap tungkol sa ibang bagay habang kinukuha ang bayad at ibinibigay ang sukli sa kliyente. Gayunpaman, siguraduhin pa rin na maging magalang sa kanila. • Alamin ang mga contact numbers ng awtoridad at ipaskil sa mga lugar na madaling makita. Mas mabuti kung kabisado mo ito at ng iyong mga tauhan upang madaling makatawag kung magkaroon man ng kaguluhan. • Mag-invest sa CCTV cameras at rekorder. Ito na ang pinakaepektibong paraan para mahuli ang mga gustong magnakaw sa iyong negosyo. Kahit na napagnakawan ka, mas malaki ang posibilidad na mahuhuli ang mga salarin.
Mga dapat tandaan sa paglulunsad ng bagong produkto Ang paglulunsad ng bagong produkto ay isa sa mga pinakamabusising trabaho at gawain para sa mga entreprenyur. Sa paglulunsad nito, napag-aaralan na ng entrepenyur kung ito ay may potensyal sa merkado. Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang sa aktuwal na paglulunsad ng produkto: • Pagkakakilanlan ng produkto. Magbigay ng pagkakakilanlan ng iyong produkto. Tukuyin kung ito ba ay orihinal, pinaunlad, o duplicate lang.
• • • •
•
Posisyon ng produkto at brand. Isipin kung saan ipupwesto ang produkto. Ilagay ito kung saan mapapansin sa kabuuan ng merkado. Alamin ang target markets. Ito ay ang pag-analisa sa tiyak na merkado base sa kalidad, kakayahang makabenta nang marami, at mga kakumpetisyon. Kilalanin ang mga kakumpitensiya. Alamin at pag-aralan kung malakas ba ang produkto sa merkado kaysa ibang kakumpitensiya. Pag-aralan at alamin ang mga trade channels. Isiping mabuti kung paano mo maaabot ang prospective market. Alamin kung saan sila naroroon, kung gaano sila kalaki, at ano ang mga paraan upang umabot sa kanila ang iyong produkto. Tandaan na isa sa mga pinakaepektibo at matipid na paraan ng pag-abot sa mga target markets ngayon ay ang social media kaya nararapat na pag-aralang gamitin ito. Tiyakin ang presyo, diskwento, at mga terms sa pagbabayad. Pag-aralang mabuti ang mga polisiya sa pagbibigay ng presyo, diskwento, at mga terms sa pagbabayad. Magsaliksik kung ano ang mga karaniwang praktis ng ibang negosyo. Piliting makisabay ang iyong presyo o makahigit sa pagbibigay ng mga diskwento.
Kahalagahan ng niyog Ang punong niyog ay kilala bilang ‘Tree of Life’ dahil sa napakaraming pakinabang na nagmumula rito. Maaaring makakuha ng pagkain, inumin, panglinis, panggawa ng bahay, at marami pang iba. Tiyak na walang masasayang kung may sapat na kaalaman sa paggawa at paggamit nito. Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng niyog sa ating mga Pilipino: • Nakadaragdag sa suplay ng pagkain. Mayroong iba’t ibang uri ng pagkain ang maaaring gawin sa bunga nito tulad ng panlagay sa ulam at paggawa ng mga panghimagas. • Nagsisilbi bilang natural na medisina para sa ilang mga karamdaman o medikal na kondisyon. Ang dinikdik na ugat nito ay gamot sa balakubak at ang sabaw, sa sakit sa bato at balisawsaw. • Pagbubukas ng mga negosyo. Maraming entreprenyur na ang nagbukas ng negosyo na gumagawa at nagbebenta ng mga produktong nagmumula sa punong niyog. Nagkakaroon ng oportunidad ang ilan upang makapagbigay at magkaroon ng trabaho ang mga kababayan. • Nagagamit bilang pataba sa lupa. Ang mga sobrang bahagi na ginagamit sa produksyon ay maaari ring gamitin bilang pataba sa lupa. Ito rin ay pwedeng panambak sa mga hardin. • Tumutulong sa kalikasan. Ang mga ugat ng niyog, tulad ng iba pang mga punongkahoy at halaman, ay tumutulong sa paghawak ng lupa upang maiwasan ang mga pagguho sa kabundukan. Pumipigil din ito sa matitinding baha sa kapatagan dulot ng malakas na pag-ulan. • Pinalalakas ang industriya ng bansa. Ang Pilipinas ang pinakamalaking supplier ng niyog sa buong mundo. Ito ay dala ng magandang heograpiya at klima ng bansa. Ang ating bansa ay nakikilala rin sa pamamagitan ng mga produktong ginagawa mula rito, dahilan upang tanggapin ang iba pa nating mga kalakal. Ang kita ng pamahalaan ay lumalaki dahil sa mataas na produksyon nito.
Produced by: Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City. Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph