Issue No. 09 S/2014
Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino.
u Tips bago magfranchise ng business Ang franchising ang isa sa mga kumikitang kabuhayan sa panahon ngayon. Kahit malaki ang naibibigay na tulong nito sa mga entrepreneurs may kaakibat din namang mga pagsubok. Narito ang ilang tips na dapat tandaan ng mga future franchisees: • I-research ang kumpanya o business na nais i-franchise. Kailangan malaman ng franchisee kung paano pinapalakad ng franchisor ang business. Dito pa lang, makikita na kung parehas ang vision ng franchisor at franchisee. Alamin din kung ano ang mga nasasabi ng mga customers at iba pang franchisees sa naturang brand at kung ano ang ginagawa ng kumpanya upang matugunan ang mga reklamo at suhestiyon. • Alamin kung ang skills ay nagma-match sa pangangailangan ng business.Ang mga franchise models na abot-kaya ay madalas nangangailangan ng buong atensyon ng franchise owner. Minsan kailangan magkatumbas ang career experience at personal skill set sa pangaraw-araw na gawaing kailangan sa business. • Siguraduhin na kaya mong bilhin ang ninanais na franchise. Tiyakin na ang franchise na bibilhin ay kaya ng budget. Minsan, hindi naman kailangan magsimula agad sa pinakamalaki. Pwedeng magsimula muna sa maliit at palaguin na lamang ito saka magfranchise ng iba. • Tiyakin na magiging masaya sa business franchise. Kailangan interesado ka sa business na iyong papasukin at handa kang maglaan ng maraming oras para rito. Dapat kaya mo itong panindigan kahit maraming pagsubok ang dumating.
u Tips sa paghahanda sa panahon ng kalamidad Ang pagdating ng iba’t ibang kalamidad ay nangyayari sa bawat taon. May anunsiyo man ang mga ahensya ng gobyerno o wala, kinakailangan ang paghahanda upang maiwasan ang mas malaking pinsala nito sa atin. Narito ang ilang mga tips na dapat tandaan upang mapanatiling ligtas ang bawat isa: • Ihanda ang mga pangunahing pangangailangan. Ang bawat pamilya ay hinihikayat na maghanda ng mga bagay na kakailanganin sa panahon ng kalamidad tulad ng mga de-lata o mga pagkain na hindi madaling masira, tubig, flashlight, baterya, at iba pang paraan upang mapanatiling bukas ang linya ng cellphone, at first aid o emergency kit. Isama rin sa listahan ang ilang piraso ng damit at kumot. • Ihanda rin ang mga espesyal na pangangailangan. Kung mayroong sanggol, kailangan nila ang kanilang formula o gatas, feeding bottles, gamot,
•
•
•
at diapers. Para sa mga matatandang may karamdaman o may maintenance, huwag kalimutan ang kailangang gamot at ekstrang salamin o eyeglasses. Gumawa ng family emergency plan.Ang mga miyembro ng pamilya ay maaaring hiwa-hiwalay sa biglang pagdating ng kalamidad. Ang family emergency plan ay makatutulong sa muling pagsasama-sama ng bawat isa. Magtalaga ng isang lugar kung saan ligtas at pwedeng magkita-kita. Masisigurado nito na alam ng mga magulang o mga anak ang gagawin sa panahong ito upang manatiling ligtas at nababawasan nito ang tensyon at pagkabagabag ng bawat isa. Huwag kalimutan ang financial plan. Subukan na maghanda ng pera na maaaring tumagal ng tatlo hanggang limang araw upang may magamit sa panahon na hindi makapagbubukas ang mga bangko o hindi makapaglalabas ng pera ang mga automated teller machines (ATMs). Gamitin ng wasto o tipirin ang perang ito hanggang hindi bumabalik sa normal ang sitwasyon. Gumawa rin ng online account upang hindi mahuli o maabala sa pagbabayad ng mga monthly dues. Doblehin ang kopya ng mga dokumento. Maaaring gamitin ang internet upang mailagay ang mahahalagang dokumento sa pamamagitan ng cloudbased applications. I-scan ang mga papeles upang magkaroon ng kopya sakaling masira ang mga ito ng kalamidad. Kung hindi ninanais ang paggamit ng Internet, maaaring kausapin ang iyong lokal na bangko upang maitago ang kopya ng iyong mga papeles sa isang safety deposit box.
u Tips sa pagbili ng mga kailangan sa tahanan Ang wastong pamimili ng mga pangangailangan sa iyong tahanan ay nangangahulugan nang tamang paggamit ng iyong kita. Maliban sa pagdidisiplina sa sarili, narito pa ang ilang mga tips na maaaring gawin: • Gumawa ng listahan. Ang paggawa ng listahan bago magtungo sa pamilihan ay gabay sa pamimili. Makatitipid ito sa oras at malilimitahan nito ang sobrang paggastos. Siguraduhin lamang na sundin ang listahan upang maging epektibo ang pamimili. • Kausapin ang bawat miyembro ng pamilya. Alamin ang tamang produktong ninanais nila upang hindi magkamali sa pagbili nito. Maaaring pasamahin sila paminsan-minsan upang matiyak na tama at may magandang kalidad ang produktong pipiliin. • Isaalang-alang ang mga prayoridad. Karamihan sa mga nakikita sa mga pamilihan ay gusto mong bilhin subalit piliin lamang kung ano ang inyong kailangan. Gamitin lamang ang nakalaan na budget sa pamimili. Ang sobra sa iyong kita ay
•
gamitin sa iba pang gastusin o kaya unahin ang paglalaan ng ipara sa ipon ng pamilya. Huwag magmadali sa pamimili. Ikumpara ang timbang, laki, o dami ng produkto subalit piliin ang may pinakamababang halaga na may pinakamataas na kalidad. Higit na maging mapanuri sa mga panahon na maraming sale items o discounted products. Basahin ang mga label sa produkto upang manatiling ligtas sa paggamit nito.
u Tips sa pagpili at pagbili ng produkto Ang pagpili at pagbili ng produkto ay mas kapaki-pakinabang kung magagamit ito nang pangmatagalan. Hindi nangangahulugan na kapag mas mura ang halaga ng produkto ay higit na makatitipid ka sa iyong gastusin. Narito ang ilang mga tips sa pagpili at pagbili ng mga produkto: • Suriing mabuti ang produkto. Tingnang mabuti ang bibilhing produkto. Alamin kung pasado ito sa quality standards. • Alamin ang rekomendasyon ng ibang tao. Magtanong sa iba tungkol sa kalidad ng produktong bibilhin. Hingin ang kanilang opinyon o karanasan sa paggamit ng ninanais na produkto. • Basahin ang manual. Ang manufacturer’s user manual ay gabay sa wastong paggamit ng nabiling produkto. Ang pagbabasa nito ay makatutulong upang manatiling ligtas habang ginagamit ang iyong nabili. Tiyakin na sundin ang instruksyon na nakasaad upang maiwasan ang magkamali. • Humingi ng resibo at warranty card. Ito ay kailangan sakaling masira o depektibo ang nabiling produkto. Itago ito sa isang lugar na madaling makuha kung kinakailangan nang gamitin. Doblehin ang kopya nito upang maiwasan na mabura ang mahahalagang detalye lalo na kung madaling nabubura ang nakasulat sa papel na ginamit ng tindahan. • Pag-aralan ang kondisyon ng warranty na ibibigay. Basahin munang mabuti ang warranty card bago sumang-ayon. Huwag agad pipirma ng mga kontrata hanggang hindi nalalaman ang bawat detalye nito. Huwag din magtitiwala sa sinabi lamang ng binilhan. Humingi ng patunay upang magamit ito sa oras ng pangangailangan. • Huwag mag-alinlangan sa paghahatid ng reklamo. Balikan ang tindahan kung depektibo ang nabiling produkto. Siguraduhin lamang na tama ang katwirang ipinaglalaban. Pag-aralan munang mabuti ang hakbang na gagawin. Huwag subukang i-repair ang produkto bago ibalik sa tindahan dahil posibleng masayang ang warranty nito.
at tamang gamit nito o nagbibigay ng napakababang halaga na hindi naman naangkop. • Suriin kung angkop ang lokasyon ng anunsiyo. May iba’t-ibang paraan sa pagpapakalat ng anunsiyo. Iwasan ang pagpapaunlak ng mga anunsyo na gumagamit ng telepono. Halimbawa ng mga ito ay tumatawag upang sabihin na ikaw ay nanalo o mayroon kang pribilehiyo sa pagkakaroon ng malaking diskwento. • Alamin ang presyo ng produkto. Ang aktwal na presyo ay dapat katugma ng ipinakikita sa anunsyo. Isang uri ng panloloko kung magkaiba ang mga halaga ng produkto sa paunang pag-aalok nito.
u Orgullo Kan Bikol Regional Trade Fair Ang ika-18 edisyon ng Orgullo Kan Bikol (OKB) Regional Trade Fair ay gaganapin sa Megatrade Hall 2, 5th Level Bldg. B., SM Megamall, Mandaluyong City, 2 - 5 October 2014. Ang OKB ang naghahatid ng handcrafted products na gawa ng mga lokal na artisans mula sa National Industry Cluster Capacity Enhancement (NICCEP) program ng Department of Trade and Industry (DTI). Ang taunang event na ito ay nagsho-showcase ng pinakamalilikhaing produkto ng Bikol katulad ng wearables and homestyle products, ceramics/ pottery, furniture, fine jewelry, pati rin mga processed foods.
u Manila FAME 2014 Ang ika-60 Manila FAME ay magaganap sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City, 16 – 19 ng Oktubre 2014. Ang event ay inorganisa ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), na ka-akibat ng Department of Trade and Industry (DTI) sa export marketing. Ang International Product Development Specialist na si Detlef Klatt ay gagawa ng special setting ng handcrafted tabletops para sa 60th edition ng Manila FAME. Ang event ay magtatampok ng iba’t-ibang koleksyon ng dinnerware, flatware, at iba pang table accessories galing sa 17 home design companies.
u Tips sa pagkilatis ng mga anunsiyo Ang mga anunsiyong napanood sa telebisyon, nabasa sa mga pahayagan o magasin, napakinggan sa mga radyo, nakita sa mga pampublikong lugar, at iba pa ay talagang kahali-halina. Gayunpaman, kailangan pa rin ang pag-iingat sa pamimili. Narito ang ilang mga tips sa pagkilatis ng anunsiyo: • Pag-aralang mabuti ang anunsiyo. Alamin kung nasasaad sa anunsiyo ang detalye kung pasado sa standards ang produkto. Huwag bilhin ang mga produkto na hindi nagpapakita ng tunay na kalidad
Produced by: Department of Trade and Industry - Knowledge Management and Information Service 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: publications@dti.gov.ph