An Burabod: Ang Ikalawang Tampisaw
Lakbay Bicolandia
An Burabod: Ang Ikalawang Tampisaw
Copyright Š The Channel 2012 ALL RIGHTS RESERVED. No part of this work covered by the copyright herein may be reproduced, transmitted, stored or used in any form or by any means whether graphic, electronic, or mechanical, including but not limited to photocopying, recording, scanning, digitizing, taping, Web distribution, information networks, or information storage and retrieval systems, without the prior written permission from the publisher.
Published and distributed by The Channel The Official Student Publication of the Divine Word College of Legazpi Room 125, Divine Word College of Legazpi, Rizal St., Cr. Fr. Bates St., Old Albay District, Legazpi City www.facebook.com/DWCLthechannel thechannelpub@yahoo.com
An Burabod Ang Ikalawang Tampisaw
2012
Pambungad
Lumililok, pumipinta, gumuguhit ng sari-sari at natatanging istorya ang Bikol nating lunan. Sa kaniyang pagyari ng mga obra-maestra, Umiindayog, sumasaliw sa kaniyang mga bisig ang iba’t ibang elemental na midyum ng kaniyang nakakubling likhang-sining—lupa, apoy, tubig, at hangin. Hangad ng mga manunulat na maibahagi sa hubad na mga mata at mga malalayang pandama ang mga nakalimbag na tula’t prosang maghahatid ng takot, luha, pag-asa, ngiti, at kurot sa pusong uhaw. Ang Ikalawang Tampisaw ay simulan na! Madya Na! Dagos Tabi Kamo! Jeric C. Bigueras
Punong Pampanitikang Tagapamahala
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
N
agtampisaw, sumisid at nilunod ang lalam’nan Sa tubig na pumapawi sa uhaw na laman. Hindi nilustay, sinipsip, hanggang sa masaid ng dila ang pinakahuling patak.
Mga larawan nina Ryan Ramirez & Jelalai Guab
Kadagatnon
6 . 7
Nilalaman
Kadagatnon
7 Butanding 8 Batang Sisid Barya 10 Bubon sa Amin 13 Sinarapan 14 Ang Ninakaw na Aklat ni Reming 17 Banwit 18 Sa Kaniya Pa Rin 22 E-Tay: Ang Elektro-Sinamay kong Tatay 26 Matubigong Poso An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Butanding
Sa panulat at dibuho ni Voltaire Esquilona
Sa katimugan ng Bikol matatagpuan, Isdang pambihira, butanding ang ngalan. Simulang pagkabata inakalang halimaw Sa mayamang dagat lumilitaw. Oo nga’t kaylaki ikumpara pa sa sasakyan Sa aking tuwa at paghanga, nais sanang hagkan Hindi makapaniwala nang akin ng nakita Kung ito’y panaginip sana’y di na magising pa. Animo’y nasa paraiso ang aking nadarama Sa aking paglangoy siya ay kasama Tila pag-ibig ang aking nadarama, Buo ang paghanga sa nilalang Niyang nilikha. Isda nga ba o balyena ang tanong ng isipan; Hindi bale nang malaman kung anong uri pa man. Bagaman nilikha na kakaiba, Respeto at pagmamahal ang ihandog sa kanila. Sa aking pagtatanto sa lugar na walang pag-aalinlangan, Kung patayin sila’t alisin sa karagatang nilakhan, Panandaliang tuwa ang kanilang ninamnam Sa salaping katumbas na pamatay-gutom na tiyan. Hindi ba nila alam na ang dambuhala nilang uri Sa ating katubigan ay kapuri-puri? Kakaiba man sila sa ating paningin Mistulang diyosa kung purihin. Inspirasyon ang turing sa Butanding Dahil sa husay at angkin nitong galing Palangoy-langoy man sa karagatan Kinikilala ng sangkatauhan. Maging aral sana ang mga nawika Hatid ng mga maipagmamalaking nagawa. Hindi lahat ng malalaki’y nakakatakot pagmasdan, Subukang tuklasin angkin nitong kabaitan. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Batang Sisid-Barya
Kadagatnon
8 . 9
M
apang-akit ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Tila ikinukubli nito ang tunay na bagsik ng karagatan na may kakayahang magdala ng panganib sa sinuman. Ang malakas na tilaok ng manok ang gumising sa natutulog kong diwa. Hindi pa man sumisikat ang araw ay kinakailangan ko nang bumangon sapagkat isang oras na lang ay dadaong na ang barko mula sa Samar. Kailangan ko pang paghandaan ang pagdating nito. Gising na rin ang dalawa kong kapatid, si Ernie, labing-isang taong gulang, at si Maya, pitong taong gulang. Sa edad na labing-tatlo, ako ang panganay sa anim na magkakapatid. Alam ko na sa murang gulang ay dala ko na ang responsibilidad upang buhayin ang aming pamilya.
“Kuya Paulo, handa na ba ang bangka? Bilisan na natin, baka maunahan pa tayo sa ating pwesto natin doon,” tanong ni Ernie sa akin. “Oo, handa na. Inayos ko na ang ilang mga butas,” sagot ko sa kaniya. Isa-isa na kaming sumakay sa bangka at nagsagwan patungo sa pier. Mula sa aming lumang bangka ay tanaw na namin ang silangang kalangitan na unti-unting kinukulayan ng haring araw. Isa namang sining ng bukang-liwayway. Tulad ng iba pang kabataan na nagkukumpulan sa pier, matiyaga akong naghintay sa ilalim ng sementadong daungan ng barko. Maya-maya pa ay naaninag ko na ang matingkad na liwanag ng paparating na sasakyang pandagat. Dumagundong na rin ang napakalakas nitong sirena. Nagsimula nang dumaong ang malaking barko sa pier. Nag-uunahang lumusong sa dagat ang mga kabataang kanina pa naghihintay sa pagdating nito. Sa lalim na halos tatlumpung talampakan, kinakailangang bihasa kami sa paglangoy dahil ang paglangoy ay hindi lang namin puhunan sa hanapbuhay kundi ang aming armas para mabuhay. Hindi kalaunan ay nagtipon-tipon na ang mga pasahero sa deck ng barko. Nakaguhit sa kanilang mga mukha ang pananabik. Samantala, kami naman ay nag-uunahang makalapit sa malaking barko. Magsisimula na ang tunay na kompetisyon. Isa-isa nang naghulog ng barya ang mga pasahero. Mabilis naman namin itong sinisid. Babae man o lalake, nag-uunahan sa kakarampot na barya. Piso at singko ang karaniwang inihahagis ng mga pasahero sa malalim na bahagi ng pantalan. Maswerte na ang batang makakakuha ng buong sampung piso. Karamihan ay nagpapakitang gilas pa sa paglangoy at pagsisid ng barya; marahil sa pamamagitan nito ay makakapaghandog pa sila ng karagdagang saya sa mga manonood na nagbibigay naman sa amin ng mas malaking
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
“Nang aabutin ko na ito ay humampas ang isang malaking alon sa aking katawan na nagdala sa akin sa mas malalim na bahagi ng dagat.” Sa panulat ni Norlie Garbida Dibuho ni Voltaire Esquilona
gantimpala. Ang iba naman ay umaakyat pa sa barko upang maipakita naman ang galing nila sa pagtalon. Kami ni Ernie ang magkasangga sa pagsisid ng barya. Samantalang si Maya naman ang nasa bangka na siyang kumokolekta ng mga baryang nakukuha naming magkapatid. Sa bawat paglusong, ramdam namin ang matinding lamig na bumabalot sa aming mga katawan. Habang lumalalim ang aming sinisisid ay nakakaramdam kami ng kakaibang sensasyon sa aming mga tainga, ngunit kailangan namin itong tiisin upang makakain. Unti-unti nang naubos ang mga pasaherong naghuhulog ng barya, tapos na ang palabas. Sa wakas ay maari na kaming mag-almusal. Bumalik kami sa bangka kung saan nadatnan namin si Maya na nagbibilang ng baryang nakuha namin. “Kuya, limang singko at sampung piso lahat,” masayang sabi ni Maya. Magkakasama kaming pumunta ng palengke upang bumili ng makakain at masaya namin itong pinagsaluhan. Pakatapos ay muli kaming bumalik sa pier para ipagpatuloy ang aming gawain. Sa paghihintay, natutuyo ang tubig-dagat sa aming mga katawan dala na rin ng matinding init ng araw. Sa muling pagdating ng barko ay muli rin naming susuungin ang lamig ng tubig dagat. Dahil dito, nararamdaman na ni Ernie ang epekto ng nagsasalitang init at lamig sa kaniyang katawan. “Ayos ka lang Ernie?” tanong ko sa nababalisa kong kapatid. Hinawakan ko ang noo ni Ernie at nabigla ako sa init nito. Inaapoy siya ng lagnat kaya naman dalidali ko siyang pinauwi upang makapagpahinga. “Ayos lang ako Kuya. Wala ito. Kaya ko pa,” pagdidiin ni Ernie. “Umuwi ka na at baka mapano ka pa,” utos ko ulit sa kaniya. Hindi na umangal pa si Ernie at agad na sinunod ang nakatatandang kapatid. “Maya, tayo na lang ang natira dito kaya dapat galingan natin,” mahinahon kong saad sa aking nakababatang kapatid. Alam ko na dahil mag-isa na lang akong sisisid ay dapat mas pag-igihan ko pa ang paglangoy at pagsisid, kung hindi ay wala kaming kakainin. Maya-maya’y dumating na ang huling barko. Sa pagdaong ng malaking katawan nito, agad ko itong nilapitan kasama nang iba pang bata na naroon. Mas mataas na ang tubig kaysa kaninang umaga
kaya mas mahirap na ang paglangoy. Dumagdag pa sa peligro ang mas malalaking alon na humahampas sa barko at sa aming mga katawan. Nagsimula nang maghulog ng barya ang mga pasahero at nag-unahan na ang mga bata sa pagsisid ng barya. Dahil na rin sa matinding pangangailangan, pinili ko na pumunta sa malayong parte ng barko kung saan mas maraming pasahero at kaunti lang ang mga batang naroon. Sinundan ako ng tingin ni Maya na nasa aming bangka malapit sa pangpang. Hindi naman ako nabigo sa mga baryang nakuha ko. Maya-maya ay may sampung pisong nahulog sa aking harapan. Ito na siguro ang pinakamalaking halaga na makukuha ko sa hapong ito. Ngunit, nang aabutin ko na ito ay humampas ang isang malaking alon sa aking katawan na nagdala sa akin sa mas malalim na bahagi ng dagat. Sa muli kong pag-ahon, narinig ko ang mahinang sigaw ni Maya. Tinatawag nito ang aking pangalan ngunit hindi ko iyon pinansin. Kailangan kong hanapin ang sampung piso. Muli akong sumisisid papailalim sa dumidilim na karagatan. Sa wakas ay natagpuan ko ito. Isang masayang ngiti ang naglaro sa aking labi ng mahagkan ko ito sa aking kamay. Hinanap ko si Maya upang ibigay ang mga nakuha ko, ngunit pagdating ko sa bangka ay hindi ko siya makita. “Maya! Maya!” sigaw ko. Ngunit walang Maya na sumasagot sa akin. Sa paglilibot ng aking paningin napansin ko ang kumpol ng mga tao sa ‘di kalayuan. Agad akong umahon sa tubig upang puntahan ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Nabigla ako sa aking nakita. Nahulog ang sampung piso at ang iba pang barya sa aking mga kamay habang nilalapitan ko ang nakahandusay na katawan ng aking kapatid na si Maya. Narinig kong nalunod umano siya nang mahulog sa aming bangka matapos humampas ang isang malaking alon na naging dahilan upang tumaob ito. Wala na akong nagawa kundi umiyak para sa malagim na sinapit ng aking kapatid. Pumatak ang aking mga luha gaya ng mga baryang itinapon sa dagat na patuloy kong sinisisid dahil ako ay isang batang sisid barya. Patuloy na humahampas ang mga alon sa dalampasigan, dala ang bagsik ng karagatan na kayang magdala ng panganib sa sinuman.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Bubon Sa Amin
Kadagatnon
10 . 11
hakbang pa ay napansin “Ilang niyang tila namula ang tubig na umaagos sa bubon.” Sa panulat ni Jelalai Guab
S
Dibuho ni Jidy Onesa
a pusod ng liblib na kagubatan ng San Roque ay tahimik na nakahimlay ang isang balon na siyang pinamumugaran ng ilang kwento tungkol sa isang pamilya na matiwasay na nanirahan malapit dito hanggang sa lumaganap ang isang malubhang sakit. Sakit na pinangangambahang umano ay dala nila. Ang epidemyang kinakatakutan ng lahat ay tinuturing na dulot ng mga sumpang ginagawa ng pamilyang iyon. Ilan sa mga kwentong ito ay nagsasaad na may ilang mga kabataan rin ang nawawala matapos sumalok ng tubig o maligo sa bubon malapit sa kanila. Lumipas ang ilang taon. Tanging isang matandang babae na nagngangalang Aling Ising ang siya lamang nakikitang nakatira malapit sa bubon. ***
Nagsisimula ng bumuhos ang ulan sa kagubatan. Makulimlim na dapit-hapon ang sumalubong sa magkakaibigan habang binabagtas nila ang kahabaan ng daan papasok sa liblib na nayon ng San Roque. Inabutan ng malakas na ulan sina Aldy, Jeil, Richard, Wally, Cris, at Leo sa masukal na kagubatan. Sa patuloy nilang pagtakbo ang siya ring unti-unting pagkagat ng dilim. “May bahay!” sigaw ni Jeil habang unat na unat na itinuro ang bahay sa may hindi kalayuan. “Makituloy muna tayo kahit hanggang magdamag lang. Hindi tayo tatagal sa ganitong panahon,” nagaalalang mungkahi dagdag pa nito. Tumungo ang magkakaibigan sa bahay na tila ba sinira na ng panahon. Ngunit bago pa man kumatok si Leo ay bumukas na ang pinto at bumungad sa kanila ang matandang babae na nakasuot ng robang kulay itim, malalalim at bilugang mga mata, lubog na pisngi; manipis na balat na bumabalot sa kaniyang maliit na mga buto, at naghahalong kulay kayumanggi at abo na balat. Nagkatinginan ang magkakaibigan. Ang matingkad na kidlat ang nagbigay daan upang kanilang makita ang tunay na kaanyuan ng matanda: ngipin na nagingitim, mahahabang kuko, puting buhok na halos abot sakong, nanlilisik na mga mata at tila nabubulok na balat. Malakas na dagundong ng kulog ang pumukaw sa diwa ng magkakaibigan at nagtulak sa kanila upang pumasok sa loob ng bahay. “Maupo kayo. Kanina ko pa kayo pinagmamasdan sa labas, naliligaw ba kayo?” usisa ng matandang babae. “Hinahanap po kasi namin yung bubon na nasa pusod ng kagubatan, Lola. Sabi kasi ng ilan naming natanungan ay maganda roon kaya doon kami magtatayo ng tent para sa aming camping,” lakas-loob na wika ni Cris habang pilit na itinatanggi ang takot sa sirang manika na tila nakatitig sa kaniya. Ngumisi lang ang matanda bilang tugon at lumabas ng bahay dala ang palakol at manika. Paglabas An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
ng matanda ay tuluyang namatay ang mga kandila. Dilim ang bumalot sa buong kabahayan. *** Nanatili ang magkakaibigan sa loob ng bahay. Humigop ng tsaa na tila ba pinakuluan lang na mga ugat ng kung anu-anong halamang ligaw. Nabasag ang katahimikan sa lugar nang nag-anyaya si Wally na maghanap ng palikuran. “Richard, saan ba rito maaaring umihi? Kanina pa ako ihing-ihi kakatakbo. Natagtag na sa daan,” ani Wally. Tumungo ang dalawa sa may bahaging likuran ng bahay at nakita nila ang matanda na may hawak ng palakol. Nais sanang magtanong ni Wally kung aanhin ng matanda ang hawak nito ngunit pinigilan ito ni Richard. Lingid sa kanilang dalawa ay sumunod si Cris sa kanila dahil sa parehong dahilan. Habang umiihi ang dalawa ay nakita nila ang matanda na may tinatagang kung ano gamit ang hawak nitong palakol. Dali-dali silang pumasok dahil sa takot at ikwinento ang kanilang nakita sa kanilang kaibigan na nasa sala. Hindi pa man natatapos ang kwento ay bumalik na ang matanda. Hawak pa rin niya ang palakol. Ang talim nito ay may bahid ng dugo at paunti-unting pumapatak sa maalikabok na sahig. Nagimbal ang magkakaibigan sa kanilang nakita. “Nagkatay ako ng baboy para sa ating hapunan,” sambit ng matanda. Makailang oras lang ay handa na ang hapunan. “Kain lang kayo.” anyaya ng matanda. “Mainit na nilaga para sa malamig na panahon,. Nagsimula ng kumain ang magkakaibigan nang may mapansin si Leo. “Nasaan si Cris?” “Nakita ko siyang naliligo. Naghanda pa nga ako ng mainit na tubig upang hindi siya ginawin,” sagot ng matanda. Lumipas ang gabi at dumating ang maaliwalas na umaga. Naghanda na ang magkakaibigan sa pagtayo ng tent malapit sa bubon. Bilang paghahanda, kumuha sila ng ilang panggatong, mga tuyong dahon, at ilan pang mga kakailanganing gamit. “Richard, kumuha ka nga ng tubig sa bubon na ipanglilinis natin ng mga itak,” utos ni Leo na agad namang sinunod ni Richard.
Pagdating doon ni Richard ay sinalubong siya ng matanda noong nakaraang gabi. “Si Cris,” bungad ng matanda, “Nasa kabilang dako siya ng bubon. Halika, puntahan natin siya,” anyaya ng matanda. Nauna ang matanda upang ituro ang daan patungo sa kabilang bahagi ng bubon. Ilang hakbang pa ay napansin niyang tila namula ang tubig na umaagos sa bubon. Sa may campsite ng magkakaibigan ay nagaayos pa rin si Wally. Nakita nito na paparating si Leo. “Saan ka galing?” “Naglinis lang ako nitong itak sa bubon. Ang tagal kasing bumalik ni Richard,” sagot nito na tila punupunasan ang itak na may bahid ng mapulang likido. Dumating ang dapithapon. Hinahanap ni Aldy sina Cris at Richard ngunit walang Cris at Richard na nahanap. Nagpatuloy sila sa paghahanap kung saan nagtungo sila sa may bubon upang magbakasakali. Nakita nila roon ang matanda na sumasalok ng tubig. “Tulungan na po namin kayo,” alok ni Wally samantalang nagpatuloy sa paghahahanap si Aldy. “Salamat iho. May huhulihin kasi akong baboy ramo mamaya. Masarap iyong ihawin. Baka kailanganin kong mag-igib ng tubig panglinis noon,” sagot ng matanda na may ngisi sa labi. Pagdating ng matanda at ni Wally sa bahay ay pinakiusapan ng matanda na dagdagan pa ng panggatong ang inihahanda nilang ihawan. Lumubog na ang araw ngunit hindi pa rin mahanap ni Aldy si Richard at Cris. Sa pagkakataong ito, maging si Wally ay nawawala na rin. “Huli kong nakita si Wally na kasama ang matanda sa bahay,” kwento ni Aldy. “Sa tingin ko ay may kinalaman ang matandang hukluban na iyon sa pagkawala nila,” paghihinala ni Jeil. “Kailangan ko silang hanapin. Marahil ay naroroon pa sila.” “Sasama ako,” sambit ni Leo. “Aldy, dito ka lang. Huwag kang lalabas ng tent.” Nagtungo ang dalawa sa bahay ng matanda, samantalang si Aldy ay natatakot na naiwan. Hindi nagtagal ay may anino ng matandang namuo sa liwanag. “Sino iyan?” tanong ni Aldy na may takot sa kaniyang tinig.
An Burabod
Kumuha ang matanda ng siga mula sa
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadagatnon
12 . 13
ginawang apoy ng magkakaibigan. “May nakita akong biik sa gubat kanina na masarap i-lechon de leche,” pabaling na sagot ng matanda. Inihagis niya ang sulo sa tent kung saan nasa loob si Aldy. “Nakalimutan kong pahiran ka ng mantika para sana mas malutong.” Tanging sigaw ni Aldy ang umalingawngaw sa paligid. Sa kabilang banda naman ay patuloy na naghahanap si Leo at Jeil sa kanilang mga nawawalang kaibigan sa may malapit sa bubon.
Narinig nila ang sigaw ni Aldy. Nagtatangka na sanang bumalik si Jeil ngunit isang malakas na hampas ang tumama sa batok ni Jeil na naging dahilan ng kawalan nito ng malay. Hinila ni Leo ang katawan ng kaibigan patungo sa likuran ng bahay ngunit nakasalubong niya ang matanda. “Ano ang balak mong gawin sa iyong kaibigan? Sinigang na baboy o adobo?” sabi ng matanda na sinundan ng nakakapangilabot na tawa. “Hindi kita maintindihan,” nagkukunot na noo ang sagot ni Leo. “Ginamit mo lamang ako upang mas mapadali ang iyong pagpaslang sa kanila. Sa bagay, wala ka naman ng ibang tatakbuhan kung hindi sa akin, sa iyong pinakamamahal na ina,” wika ng matanda. “Kahit kailan ay hindi nila kinalimutan ang aking nakaraan. Palagi na lang nila akong itinatali sa pagiging bahagi ng ating pamilya. Pamilya na naging sanhi ng epidemya na siyang pumatay sa lahat ng tao dito sa ating nayon,” humihikbing sagot ni Leo. “Ako na ang bahala sa kanila, anak,” wika ng matandang si Aling Ising. Hinila niya ang katawan ni Jeil patungo sa bubon. Doon naghihintay ang sunog na bangkay ni Aldy. Nakatali ang dalawang paa ng sunog na bangkay sa isang malaking bato. “Sapat na ang bigat ng bato upang hindi na lumutang pa ang iyong bangkay,” pabulong na sabi ng matanda. Hinila niya ang bangkay ni Aldy patungo sa bubon. Sa gitnang bahagi nito ay mayroong malalim na butas kung saan hinuhulog ng matanda ang bangkay ng mga taong kaniyang pinaslang, kung saan niya rin hinulog ang sunog na bangkay ni Aldy. Naalimpungatan si Jeil at nakita niya ang ginagawa ng matanda. Nagmadali siyang tumungo sa kinatatayuan ng matanda at itinulak ito na naging dahilan ng pagkahulog nito sa malalim na butas sa bubon. “Jeil!” sigaw ni Leo.
“Tama nga ang aking narinig. Totoo ang mga kwento nila. Bahagi ka ng pamilyang nagpakalat ng epidemya at pumaslang sa mga taga-rito,” sabi ni Jeil na may takot sa kaniyang boses. “Hindi namin iyon ginusto,” depensa ni Leo. “Ang ilang batang nawawala ay dahil nahulog sila sa malalim na butas. Kami ang sinisisi ng mga taga-nayon. Pinaslang nila ang aking ama at mga kapatid. Umalis ako dito dahil iyon ang gusto ni ina upang makaligtas ako. Sila ang naunang magkasala sa amin at tanging paghihiganti ang nais naming mag-ina.” “Kung ganoon, ipaliwanag epidemyang kumalat noon!”
mo
ang
“Ang mga batang nahulog ay hindi na nakalabas. Marahil ang kanilang bangkay ang naging dahilan ng pagkalason ng tubig na siyang pinagkukunan ng tubig na inumin ng mga tao sa buong San Roque. Hindi kami ang may kasalanan,” pagpapaliwanag ni Leo. “Ngunit bakit pati kami?” tanong ni Jeil. Tumalim ang tingin ni Leo sa kaniya, “Hindi ba’t isa kayo sa mga taong umaalipusta sa akin? Sabi ng aking ina matapos kong umalis dito ay huwag na akong magpapa-api sa kahit sino man, kahit kailanman. Ang tanging kabayaran sa inyong ginawa ay ang inyong buhay. Kahit kailanman ay hindi na ako tatakbo sa mga taong masama ang tingin sa akin at sa aking pamilya. Hindi ako duwag!” may poot sa kaniyang tono ang tila ba biglang sumabog. Takot ang bumalot sa pagkatao ni Jeil. Sinubukan niyang tumakbo ngunit may kamay na pumigil sa kaniyang mga paa. Si Aling Ising ay nakaahon mula sa bubon. Hinila niya si Jeil at nilunod ang kawawang binata. Tanging ingay ng tubig mula sa nagpupumiglas na si Jeil ang narinig sa loob ng tatlumpong segundo na iyon. Nanahimik ang paligid. Hudyat ng kamatayan ni Jeil. *** Nagdaan ang mahabang panahon. Marami nang nagbago sa bubon at sa nayon ng San Roque. Sa kalapit na bahay ng bubon ay naninirahan ang matandang lalaki na madalas na nakasuot ng robang itim, malalalim at bilugang mga mata, lubog na pisngi; manipis na balat na bumabalot sa kaniyang maliit na mga buto, at naghahalong kulay kayumanggi at abo na balat. Tila ba siya ang natitirang taong makakapagsalaysay ng tunay na kwento sa likod ng kasaysayan ng bubon sa San Roque.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Pandaca Pygmea kang tinanikala sa piitang lawa. Tanging halaga sa malalaking isda’y pagkain at pamundat; Maliit ma’y may maipagmamalaking higit pa sa sarap at biyaya mula sa Kaniya. Sa buhay na munti, kinukubli yaong linamnam na panghabang-buhay.
Sinarapan Sa panulat ni Sthefany Dianne Marollano Dibuho ni Voltaire Esquilona
Kaya kahit laksang bibig ang ibig kang hulihin at kainin. Anupa’t sa liit ng buhay mo’y walang makuha’t makain. Sabi nga ng ilan, “Munti ma’y nakakapuwing din.” Gaya ng iyong liit ay hindi masusukat ng iyong pandaigdigang sarap.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Ang Ninakaw na Aklat ni Reming
Kadagatnon
14 . 15
ang aking puso; “Hindi magkamayaw hindi ko magawang
ikalma ang aking sarili sa aking nakita.� Sa panulat at dibuho ni Jidy Onesa
Nobyembre 25, 2006 11:46 A.M. Pluma: Kalilipas pa lang ng bagyong Milenyo. Marami itong iniwan na bakas ng pangamba at kalungkutan ngunit ako ay masayang-masaya. Masaya ako dahil walang masamang nangyari sa aking mga kapatid at mga magulang. Masaya ako dahil buo pa rin ang aming tahanan at mas tumibay pa ang bigkis ng aming pagmamahalan. Ako ay sadyang napakasaya rin dahil sa wakas ay isang semester na lang at magtatapos na ako sa kursong Education. Sabik na sabik na akong maaninag ang mga ngiti ng mga bata sa paaralan at bahagian sila ng mga karunungang kanilang magagamit upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Natatawa nga ako ngayon habang pinagmamasdan ang aking mga kapatid na sina Joshua at Paulo na kumakain ng sardinas na hinain ni Nanay. Dumating na si Tatay galing sa construction site. Nagmano muna ako sa kaniya. Alam ko na pagod na pagod na siya at nangangayayat na sa sobrang kasipagan ngunit hindi ko makakalimutan ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ipinagmamalaki ako ng Tatay sa dami ng gantimpala na aking nakuha sa kolehiyo na tanging sa kanila ko lang inilalaan. Hindi ko maiwasan ang ngumiti sa tuwing nakikita ko na buo at masaya ang aming pamilya. Kahit maliit na barong-barong ang aming tinutuluyan ay maipagmamalaki kong tawagin ito na tahanan. Kaunting oras na lang ang aking hinihintay at magpupunyagi pa ako ng sapat upang maiahon ko sila sa kanilang kalagayan. -Rico An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Nobyembre 27, 2006 1:36 A.M. Pluma: Medyo makapal-kapal na rin pala ang aking naisulat dito. Hindi ko naman pwedeng itapon ang mga nakaraang pahina sapagkat sabi ng aking dalubguro kanina, “Ang bawat araw na lumilipas ay may katangitanging pagkakaiba sa bawat araw. Ito ang pahina ng ating buhay. Tayo ang bahalang gumuhit ng ating kapalaran sa loob ng panahong ibinigay sa atin.� May malaki siyang punto. Kaya sisikapin kong mapaganda ang aming buhay kahit parang palagi kaming nasa ilalim ng gulong. Tumawag si Inay sa may pinto. Ipinagtimpla niya ako ng kape at hinimas-himas ang nananakit kong likod ng kaniyang magaspang ngunit punong-puno ng pagmamahal na mga kamay. Huwag ko raw masyadong pagurin ang aking sarili sapagkat katawan at isip daw ang pundasyon ko. Nginitian ko na lang siya upang kahit papaano ay makampante ang kaniyang nararamdaman. Dumating na rin si Tatay. Wala siyang sinabi ngunit ang kaniyang ngiti ay maraming binibigkas at namumutawi ng walang hanggang pagmamahal para sa amin. Muling bumukas ang pinto. Si Joshua lang pala, ang apat na taong gulang na bunso ng pamilya. Hindi raw siya makatulog ng maayos kaya binuhat ko siya at inihiga muna sa aking tulugan. Tinitigan ko siya at ako ay napaluha habang iniisip-isip ang aming kalagayan. Lalo kong titibayan ang aking sarili at tutuparin ko ang pangakong aking binitawan. Ngayon, masaya ako na sa pahina ng buhay ko ay tumulo ang aking luha. -Rico Nobyembre 28, 2006 12:05 A.M. Pluma: Nakakatuwa sa damdamin ang araw na ito. Wala akong masyadong ginawa kaya tinuruan ko ang mga kapatid ko. Marunong ng magbilang hanggang labing-dalawa si Joshua at panay perfect scores sa mga pagsusulit ang grade five kong kapatid na si Paulo. Syempre ipinagmamalaki ko sila dahil sa kanilang mga kakayahan. Tawang-tawa si Inay sa pabulol-bulol na pagbibilang ni Joshua at gayak na gayak naman si Tatay kaninang umaga nang ipinakita ni Paulo ang kaniyang mga marka. Tumingala ako sa langit kaninang hapon. Hindi ako mapakali sa indayog ng mga ibon sa langit. Para bang nagpapahiwatig na mayroong malaking magaganap. Binaliwala ko ang lahat. Nakinig kami ng radyo kanina. Natawa ako sa mga pinagsasabi ng reporter tungkol sa mga hindi magkamayaw na mga ngiti ng mga nakakatanggap ng relief goods dahil sa bagyong Milenyo. Doon ko naisip na kahit mahirap ang buhay ay mahalaga pa rin palang ngumiti, ngunit parang nabawi ang aking galak nang ibalita na may nagbabadyang panganib ang namumuo sa Karagatang Pasipiko. Nahalata ko ang takot at pangamba ni Itay at Inay. Nagambala ako sa pagsusulat nang nagsimulang dampiin ng ulan ang aming kinakalawang na bubong. Iniwas ko sa malayo ang aking mesa sa tulo ng ulan na pumapasok mula sa butas ng aming bubong. Ngumiti na lang ako ng tiningala ko ang aming bubong na tila ba umiiyak din. Binalot ako ng pangamba; dinako ko ang silid nina Joshua at Paulo at nakita ko silang nangangatal sa lamig. Agad kong kinuha ang aking kumot at sinaklob sa kanila. Mabuti na lamang at binawi na ng init ang kanilang lamig. Dumaan din ako sa silid nina Inay at Itay. Nakita ko sa kabila ng kurtina na taimtim silang natutulog. Sumaya ulit ako. Sigurado na akong makakatulog kami ng mahimbing sa ilalim ng kumakantang ulan. -Rico An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
16 . 17
Kadagatnon
Nobyembre 29, 2006 6:01 A.M. Pluma: May bagyo raw na tatama sa Pilipinas, bagyong Reming.
Maghahanda kami ni tatay para sa darating na bagyo ngunit napansin kong inaatake siya ng malakas na ubo. Panay hilot si nanay sa kaniyang likod at dibdib ngunit mukhang hindi pa rin siya gumiginhawa. Hindi nagtagal ay na-alerto na kaming lahat nang ibulwak niya ang kaniyang dugo. Nataranta si Nanay na parang katapusan na ng mundo samantalang nanatili akong kalmado sa pag-iisip hanggang maabot ko ang isang desisyon. “Nay, pakiusap pumunta na po muna kayo sa bahay ni Doktor Flores sa kabilang bayan. Isama niyo po sina Joshua at Paulo. Heto po ang aking budget at tuition fee para sa semester na ito.” Panandaliang natigil si tatay na para bang gustong sabihin na huwag na akong mag-abala. “Nay, sige na po. Hindi ko gustong nahihirapan kayo.” Mga alas singko sila nakaalis at hinanda ko ang bahay sa bagyong darating. 10:36 P.M. Malakas ang ihip ng hangin sa labas at dama ko ang kumakaway na mga puno ng niyog. Tinitiis ko ang lamig kagaya ng pagtitiis ni Itay. Naluha ako. Kumusta na kaya sila? Binuksan ko ang radyo at nagimbal ako sa aking narinig. Magiging sentro ng bagyo ang Albay. Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig nang itaas pa ang signal sa ikatlo. Tumibok nang mabilis ang aking puso. Paano na sina Itay? -Rico *** Nobyembre 30, 2006 7:00 A.M. Pluma: Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa pangamba. Nahalata ko rin na tinangay na ng hangin ang anahaw na bubong sa aming kusina. Namatay ang ilaw kaya nagsindi ako ng lampara. Nabingi ako nang aking marinig ang napakalakas na dumadausdos na bagay. Sinilip ko sa maliit na butas ng bintana at nakita kong dumagusdos pababa ang bundok kung saan naroon sina Inay. Hindi magkamayaw ang aking puso; hindi ko magawang ikalma ang aking sarili sa aking nakita. Tumutulo na ang aking luha sa pahina ng aklat ko. Lumabo ang aking paningin dahil sa luha. Kailangan ko silang puntahan ngunit napakarahas ng panahon para ako’y pahintulutan. 9:00 A.M. Medyo humina na ang buhos ng ulan. Ngayon sigurado na ako kailangan ko silang puntahan. Iiwan ko ang aklat kong ito dito sa bahay na nakabalot sa plastic sa loob ng baul ni Itay. -Rico *** Nobyembre 1, 2012 11:34 P.M. Pluma: Dinala ko ang dalawang piraso ng bulaklak sa sementeryo. Alam ko kahit papaano ay masaya ka na ngayon. Alam mo, nahukay namin itong aklat sa dati nating bahay. Nais rin pala naming sabihing sinunod namin ang iyong payo. Masaya din sina Inay at Itay na nagtapos na ako sa High School, Valedictorian ako at si Joshua naman ay umabot na ng grade six. Kahit kailan ay hindi ka namin makakalimutan, Kuya Rico. -Josh at Pau An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Banwit
Sarong aldaw, nagluwas ako tanganing magbanwit Mga gamit pangbanwit, iyo ang sakuyang burubitbit Ngirit antos talinga, garu aking sadit Eksaytidung maray, biyong kiniridit
Sa panulat ni Ryan Ramirez Dibuho ni Jidy Onesa
Pakaabot sa kadagatnon, tulos na nagkurahaw Malang kusog kan boses, maski dai namahaw Taod taod sana, nakaabot na sa may tahaw Parong ko naging kasing alsum kan manggang hilaw Dai pa ako nahahaloy sa lawod Habang turutanaw ko an araning bulod May sirang sa pangbanwit ko nakasabod Diyos ko, salamat sa biyayang Saimong hatod
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Sa Kaniya Pa Rin
Kadagatnon
18 . 19
Kwento ng pamamanata kay Ina
“Ang tanging hangad niya lamang ay mapabuti at maging masaya ang kaniyang anak.” Sa panulat ni Geronimo Conmigo . Dibuho ni Jidy Onesa
A
ng Mahal na Peñafrancia na ang naging sandigan ni Mayel mula noong nawala na parang bula ang kaniyang kabiyak na si Elli upang ipagpalit sa kaniyang matalik na kaibigan na si Marivic. Sa katunayan, sa tuwing mataimtim na nananalangin si Mayel ay napapangiti na lamang siya sa tuwing naaalala nita ang katotohanang tila ba kwento ng isang nobela ang kaniyang buhay pag-ibig. Sa kasalukuyan ay naninirahan ang kaniyang dating kabiyak at ang kaniyang dating matalik na kaibigan sa Italya. Samantalang siya ay nagpapakapagod na mamuhay sa lungsod ng Naga sa ilalim ng gabay ni Inang Peñafrancia.
Minore.
Linggo ng hapon. Bakante siya mula sa pagbabantay ng kaniyang grocery store sa ibaba ng pamilihang lungsod ng Naga. Nakaugalian na ni Mayel na gamitin ang araw na iyon upang mamanata sa Basilica
Habang pinakikinggan ni Mayel ang sermon ng pari ay napatingin siya sa imahe ng Mahal na Peñafrancia sa gitna ng altar. Nanumbalik sa kaniya ang nakaraan. Buwan ng Setyembre ang panahong nagsumpaan sila ni Elli ng kanilang pag-ibig. Si Elli, bilang isang Voyadores, ay tumutulong sa paglilipat ng imahe ni Ina mula sa Basilica Minore papuntang Metropolitan Cathedral tuwing Traslacion. Si Mayel naman ay isa sa libo-libong mga tao na nakikipagsiksikan mahagkan lamang si Ina. May ngiti sa kanilang mga labi sa tuwing magkahawak-kamay nilang pinapanuod ang pagbabalik ni Ina sa Basilica tuwing Fluvial Procession habang iwinawagayway nila ang kanilang mga puting panyo habang sumisigaw ng “Viva La Virgen!” *** Halos tatlong oras na ang nakakaraan nang makauwi siya sa bahay. Nadatnan niya ang kaniyang anak na kararating pa lang. Matangkad ito sa kaniyang pagiging third year high school sa isang pampublikong paaralan sa lungsod ng Naga. “Bakit ngayon ka lang Alken? Gabi na ah! Di ba sabi ko sa’yo maaga kang umuwi at may pasok ka bukas,” usisa niya sa anak na may pasermong tono. “Nagsimba kami ng barkada diyan sa Peñafrancia de Shrine,” mabigat na sagot ni Alken. “Di sana sumabay ka na lang sa akin at hindi yung puro barkada na lang ang inaatupag mo. Bihira na nga lang tayong magsamang mag-ina,” pagdaramdam ni Mayel. “Hindi tayo mag-ina! Kung anak nga ang turing mo sa akin. Hahayaan mong gawin ko ang lahat na nanaisin ko. Ibibigay mo lahat ng hihilingin ko. Iyan ba ang pagmamahal mo sa akin? Puro sermon, An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
nakakasawa na!” pabulyaw na sagot ni Alken sa kaniyang ina. Nagimbal sa mga linyang iyon si Mayel. Tama ang kaniyang anak. Hindi nga sila tunay na mag-ina dahil siya lamang ang nagpalaki nito subalit sa loob ng 13 taong pag-aaruga ay itinuring niya na itong tunay na anak. *** Halos magkasing–edad sana ang anak nina Elli at Mayel kung hindi lang siya nakunan dala ng pagiging abala niya. Simula noon ay nahalata na ni Mayel ang panlalamig sa kaniya ng kabiyak sa kabila ng kanilang patuloy na pagsasama. Hanggang sa dumating ang isang gabi. “Mayel, pwede ba muna akong makitira dito sa inyo kahit dalawang gabi lang?” pagmamakaawang tanong ng kaniyang matalik na kaibigang si Marivic karga ang isang sanggol. Magkaklase sila ni Marivic mula elementarya hanggang high school. Iyon nga lang at sa Maynila na ito kumuha ng panandaliang kurso sa kolehiyo. Tuwing Setyembre at Pasko lamang ito kung umuwi ng Naga. Deboto rin kasi siya ng Mahal na Ina. Sa tuwing umuuwi ito ay malimit silang paghambingin. Kahit noong noong nasa high school pa lamang sila ay tanggap na niya sa sarili; majorette si Marivic noon at lyrist lamang siya. Pareho kasi silang kabilang sa pambato ng kanilang paaralan tuwing Military Parade sa Peñafrancia Festival. Sa gabing iyon ay napag-usapan nilang sa kaniya muna ang sanggol na kalong-kalong ni Marivic. Salat sa mga paliwanag si Marivic sa mga sunod-sunod na usisa ni Mayel. Basta ang usapan ay babalikan ni Marivic ito, at kung kailan ay di-tiyak. Nang mga sumunod na araw ay kakaiba ang mga pangyayari. Kasabay ng pagluwas ng bansa ni Marivic ay siya ring paglaho ni Elli na parang bula. Inusisa ni Mayel ang mga magulang ni Elli ngunit hindi nagtagal ay napagod na rin siya sa tipid na mga sagot nito. Dahil dito ay mas pinili niyang lumugar na lamang sa tahimik na buhay kapiling ang kaniyang anak. Nagpatuloy ang buhay ni Mayel bilang isang single parent. Tuwang-tuwa siya sa tuwing binabanggit nito ang katagang “mama” kasabay ang yakap nito sa kaniya. Damang-dama niya ang pagiging ina kaya wala siyang ibang hiniling kundi ang mapabuti ito. *** Lunes noon. Maagang nagluto si Mayel ng almusal nila ni Alken para sa pagpasok nito sa eskwela. Pansit, sinangag, at itlog ang kaniyang inihanda para rito. Napakaguwapo ng kaniyang anak sa suot nitong puting uniporme, abuhing pantalon, at makintab na sapatos na halos di pa isang buwan mula noong binili. Ginamit niya ang sapatos nang sumali siya sa Peñafrancia Military Parade. Sa pagkakataong iyon ay sumagi sa kaniyang isipan ang isang bagay. “Alken, anak, unang linggo na ng Nobyembre pero wala pa akong natatanggap na marka mo noong Second Grading Period. Dapat noong katapusan pa ng Oktubre iyon,” mariing tanong ng ina habang uniinom ng kape. Nagdadalawang-isip namang sumagot ang bata. “Yun nga eh, ikaw na lang daw ang kumuha ng marka ko sabi ni teacher,” iyon lamang ang itinugon nito saka tumalima nang walang paalam. Magkahalong kaba at panghihina ang naramdaman ni Mayel nang umagang iyon. Batid niyang may ginawa nanaman itong kalokohan kaya kailangan pang siya ang kumuha ng marka nito sa paaralan. Sa totoo lang ay hiyang-hiya na siyang makipag-usap at humingi ng paumanhin sa bawat pagkakamaling nagagawa ng kaniyang anak. Napag-alaman nga niya na hindi sumipot si Alken sa nakaraang Military Parade kung saan kalahok ang nasa 3rd year at 4th year sa high school. Nanlumo siya dahil tuwing Sabado ay pinapayagan niya itong lumabas ng bahay upang mag-ensayo. Binilhan niya pa ito ng bagong sapatos. Naisip niyang marahil ay napapanahon na upang banggitin sa kaniyang anak ang matagal na nitong An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadagatnon
20 . 21
tanong sa kaniya na maaaring naging dahilan upang magbulakbol ito sa eskuwela. Naging malimit na rin ang kanilang sagutan at hindi pagkakasundo. Ipinagdidiinan ni Alken na mas gusto niyang makasama ang tunay na pamilya kaysa ang manatili sa kaniya at maging usap-usapan ng kaniyang mga kaibigan. “Sino ba ang tunay mong mga magulang? Ampon ka pala, eh!” Ito parati ang mga katagang nagpabagabag sa kalooban ng bata kaya nang magkaroon ito ng lakas ng loob ay kinausap niya si Mayel. “Pwede ko ho bang malaman kung sino ang tunay kong mga magulang?” aniya Alken. “Panahon na nga siguro upang malaman mo. Hayaan mo anak at oras na matagpuan ko sila ay agad kong ipapaalam sa’yo,” tugon ni Mayel na tila papatak ang nangingilid nitong mga luha. Kaya naman kinaumagahan ay sinimulan na niya ang pangakong makilala ng anak ang tunay nitong mga magulang. *** Dumating ang buwan ng Disyembre at tulad ng inaasahan ay dumating sa kanilang tahanan sina Eliazar at Marivic, isang linggo bago ang pasko. Halatang nahihiya ang mag-asawa nang pagbuksan niya ito ng pinto habang akay-akay naman nila ang dalawang anak na bakas ang Pilipinong mukha subalit sa hitsura ng pananamit at pananalita ay animo’y dayuhan. “Magandang araw, Mayel,” mahinahong bati ni Marivic na siya namang sinundan ni Eliazar. “Dito ka pa rin pala nakatira. Maganda na ang bahay… at si?” dugtong pa niya na ang tuinutukoy ay si Alken. Naguguluhan si Mayel ng mga sandaling iyon. May kurot pa rin sa kaniyang puso na malaman at makitang literal ang kaniyang dating asawa at ang itinuring niyang matalik na kaibigan agn siyang magkasama ngayon. “Ah si Alken, maya-maya darating na iyon. Nagpaalam siyang maglalaro ng basketball sa may labasan. Saglit lang at ititext ko,” nagmamadaling tumalima si Mayel papasok ng kwarto para kunin ang cellphone nito. “Pauwi na raw siya,” balita niya nang bumalik siya sa salas. “Ah, Mayel,” halos sabay na bulalas sa kaniya ng hindi mapakaling mag-asawa. Batid ni Mayel ang nararamdaman ng dalawa dahil siya mismo ay balisa ng tagpong iyon. “Ipagpaumanhin at magtitimpla muna ako ng maiinom,” paalam niya. Sa kaniyang pagbalik sa salas ay nadatnan niya ang kaniyang kararating lamang na anak sa aktong pagmano sa tunay nitong mga magulang. Hindi na nasorpresa pa ang kaniyang anak dahil sa nabanggit na niya ang dahilan dito. Masakit para kay Mayel ang ideyang sa araw na iyon ay mawawala na sa kaniyang piling ang anak. Masakit sa kalooban niyang mamumuhay nang mag-isa sakali mang piliin ni Alken ang sumama sa tunay niyang ina papuntang Italy. At ang pinakamasakit sa kaniya ay ang katotohanang siya ang nagsikap upang magbunga ang lahat ngunit sa bandang huli ay siya rin ang mawawalan. Hindi sa kaniya makatingin nang matuwid ang anak na si Alken. Ngunit sa palagay niya ay ito na ang pinakamagandang aguinaldo na maibibigay niya para rito. Hindi niya na lang iindahin ang buhay sa susunod na mga araw na wala ang kaniyang anak. “Ah, Mayel, gusto rin sana naming makapiling ang aming anak lalo na’t nalalapit na ang Pasko. Nais naming kasama ko na siya pagbalik ng Maynila para diretso na ang pag-aasikaso ng mga papeles,” sambit ni Marivic na bumasag ng katahimikan. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Mayel bago tumugon. “Wala naman akong magagawa kundi ang isauli si Alken. Ikaw ang tunay niyang magulang. Nararapat lang namang makapiling mo siya.” An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Mabilis na naisilid ni Alken ang mga gamit nito sa dalawang malalaking maleta at nagbihis upang sumama sa kanila paluwas ng Maynila. May inilabas ni Marivic ang dalawang sobre nagsabing, “Tanggapin mo ito Mayel. Alam kong hindi ito sapat ngunit ito lang ang paraan para makabawi man lang sa mga pagkukulang ko.” Malaking halaga iyon sa tantiya niya. Iba ang pakahulugan niya sa inasal ni Marivic. Maliwanag na bayad iyon. Sahod, sweldo o anumang kaparehong salita ang itawag dito ay hindi niya kayang tanggapin. “Ipagpaumanhin mo subalit hindi ako naging yaya ni Alken, hindi ko matatanggap yan. Inaruga ko siyang tunay na anak at wala akong hinihiling na kapalit,” may inis sa kaniyang tinig nang magsalita si Mayel. “Wag mo naman sanang masamain ang alok ni..,” usal ni Elli. Ngunit bago pa man makapagpatuloy si Elli ay sumabat na siya. “Uulitin ko, hindi ko yan matatanggap. Hindi ako nagpapabayad sa aking pagmamahal para kay Alken.” “Ma,” maliwanag na wika ni Alken kay Mayel na kanina pa palang nakikinig sa usapan nila. “Tanggapin mo na po. Pakiusap lang, pagbigyan mo na kami ni Mommy.” Tuliro si Mayel noon. Tinawag muli siyang Ma na siyang nagpalambot ng puso nito. Tinanggap niya ang pera subalit sa isip niya ay isisilid niya lang ito sa bangko para kung sakaling kailanganin ni Alken. Agad na lumuwas ng Maynila ang magkakapamilya. Naiwan si Mayel na tuluyan nang nahulog ang kanina pang pinipigilan na mga luha. Siya ang nawalan-si Elli, si Marivic, at ngayon naman ang kaniyang anak na si Alken. Naging masalimuot ang buhay niya matapos ang araw na iyon. Mabilis siyang nangayayat dahil sa pagiging subsob sa trabaho. Ika-31 ng gabi. Huling araw ng Disyembre at kinaumagahan ay Bagong Taon na. Naisipan niyang magsimba. Habang lulan siya ng tricycle papuntang Basilica ay napalingon siya sa bandang kaliwa dahil sa biglang paghinto ng sasakyan bunga ng makapal na trapiko. Naisipan niyang doon na lamang sa Peñafrancia de Shrine magsisimba dahil madalas doon ang kaniyang anak at mga barkada nito. Natapos ang simba ng halos hatinggabi na. Maingay sa labas. Putukan dito, putukan doon. Siya naman ay malungkot sa kabila ng lahat dahil sa mag-isa niyang sasalubungin ang Bagong Taon. Wala siyang balak gawin kundi ang matulog dahil kinabukasan ay magbubukas siya ng tindahan. Nabigla siya nang buksan niya ang ilaw. “Happy New Year, Mama,” sabay yakap ni Alken sa kaniya. Napalundag ang puso ni Mayel kasabay ang mga luhang malayang pumatak sa kaniyang mga mata. Bihis pa si Alken galing sa biyahe at nakahilera pa ang mga maleta nito sa salas. Halos himatayin sa galak si Mayel nang magbalik sa kaniya si Alken. “Hindi ko kayang mawala ka sa akin Ma. Ikaw ang aking tunay na ina,” pagdidiin ni Alken. “Ayaw ko sa kanilang sumama sa Italy, ikaw ang Mama ko kaya aalagaan kita,” naiiyak na wika ng bata. Naging masigla ang simula ng Bagong Taon nina Alken at Mayel. Dahil dito, naipagpaliban ni Mayel ang pagbubukas ng tindahan, sa halip ay maaga silang nagsimba at nagpasalamat sa Diyos. “Pangako, Mama hindi na po ako magiging pasaway pa.” Gaya ni Inang Peñafrancia, ang tanging hangad niya lamang ay mapabuti at maging masaya ang kaniyang anak. Bakas sa kaniyang mga mata ang walang mapagsidlang kagalakan dahil muli na niyang kapiling ang pinakamamahal na anak. “Salamat, Ina,” bulong ni Mayel. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
E-Tay: Ang Elektro-Sinamay kong Tatay
Kadlagan
22 . 23
S
ara!”
Sigaw iyon ng aking ina. Iminulat ko ang aking mga mata ngunit lalo lamang akong namaluktot sa kumot dahil sa lamig na dala ng panahon.
“Sara, gumising ka na riyan! Mataas na ang tubig. Kailangan na nating lumikas. Gising!” hiyaw ng aking ina. Halata ang pangamba sa kaniyang boses. Agad akong bumangon atniyakap ang aking paboritong laruan. Malakas na nga ang buhos ng ulan. Humahampas na ang hangin sa mga abakang nakatanim sa kabilang bahagi ng batis. Ang batis naman ay patuloy sa pag-ungol ng mga alon nito. Tiningnan ko ang bawat sulok ng aming munting tahanan ngunit hindi ko makita ang aking ama. “Nasaan po si Itay?” tanong ko. “Nasa taniman ng abaka ang iyong ama para iligtas ang ilan dito mula sa pinsala ng bagyo.Ayon sa balita ay maaaring dito sa ating lalawigan mag-landfall ang Bagyong Jeric,” paliwanag ng aking ina. Halos taon-taon ay kinakailangan naming lumikas ngunit ‘di namin maaring lisaning panghabambuhay ang lugar na ito sapagkat narito ang aming ikinabubuhay. Matapos kong ihanda ang aking mga gamit ay magkasabay kaming umalis ni inay habang bumubuhos ang malakas na ulan. Tumakbo ako hanggang sa masulyapan ko si tatay sa kabilang bahagi, bitbit ang mga abakang maari nang gawing sinamay. Hindi ko na halos makita ang tulay sa batis dahil sa lakas ng alon at sa kulay kayumangging tubig nito. Sinundan ko ang aking ina sa pagtawid. Napatingin ako sa pinagmumulan ng tubig. May kakaibang tunog ang gumulo sa aking pandinig. May kasama nang malalaking bato ang umaagos mula sa ilog. Sa sobrang takot ay tumungo ako sa tulay at tumakbo ako nang mabilis patungo sa kabilang bahagi ng batis. Sa aking pagmamadali ay hindi ko napansing umuuga na pala ito dahil sa mga batong dumaraan sa ilalim nito. Nahulog ang aking laruan. Hindi ako nagdalawang-isip na tumalon upang makuha ito. Iyon lamang ang nag-iisang regalo ng aking ama sa akin. Hindi ko maalala ang mga sumunod na nangyari, maliban sa karga-karga at yakap-yakap ako ng aking ama sa gilid ng batis. Narinig kong sinambit niya ang mga katagang, “Tuparin mo ang An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Paanong ang “aking ama ay
naging isang robot? Siya pa ba ang aking ama?”
Sa panulat ni Baby Lyn Morota Dibuho ni Voltaire Esquilona
iyong mga pangarap. Hangga’t naririyan itong laruan mong gawa sa sinamay, hindi ako mawawala. Lagi akong nasa iyong tabi at gumagabay. Abutin mo ang iyong pangarap ngunit ‘wag mong kakalimutan kung saan ka nagmula.” Hinalikan ako ng aking ama saking noo. Naramdaman ko ang mga patak ng luha na dumampi sa aking pisngi. “Mahal na mahal ko kayo ng iyong Ina. At sa’yo, maligayang kaarawan,” ito ang mga huling salitang narinig ko mula sa kaniya. Naramdaman kong bumitaw ang kaniyang mga kamay sa pagkakahawak sa akin. Nakita kong duguan ang kaniyang damit. Hindi ako makapagsalita sa nakita ko sa aking harapan. Naroon ang aking ama, nakahandusay ng walang buhay at iyon ay dahil iniligtas niya ako. Galit sa aking sarili at sobrang lungkot ang bumalot sa aking pagkatao. “I-T-A-Y!” iyon na lamang ang aking tanging naisigaw bago binalot ng dilim ang aking paligid. Gabi-gabi ay ito pa rin ang aking napapanaginipan. Napakasakit tanggapin na wala na siya. Subalit tumatatag ang aking kalooban sa tuwing yakap ko ang paborito kong laruang sinamay. *** Maagang nagtungo ang aking ina sa Legazpi para ayusin ang ilang dokumento. May malaki daw kasing order ng sinamay sa amin. Apat na taon na rin pala ang nakalipas at ngayon ay ang ikalabing-walong kaarawan ko. Hindi ko maramdaman ang tuwa sa araw ng aking kapanganakan dahil sa parehong araw na ito ay binawi sa akin ang aking ama. Nais kong makapiling siyang muli ngunit wala na akong magagawa pa. Wala na ang aking ama at kailanman ay hindi na siya babalik. Niyakap ko ang iniwan niyang laruan sa akin. Malaki na rin ang ipinagbago nito. Tinahian ko siya ng iba’t ibang makukulay na damit na gawa rin sa sinamay. Alas siyete na ng gabi ay wala pa rin si Inay. Sa sobrang paghihintay ay nakaidlip ako. Matapos ang ilang oras ay nagising ako sa tawag ni Bekki, ang matalik kong kaibigan. Marami na rin kaming pinagsamahan ngunit napansin ko na tila nakalimutan niya ang aking kaarawan. “Sara, halika. Samahan mo muna ako sa bayan. May ipinapabili kasi sina Nanay na gamot. Ayos lang ba?” tanong niya. Tumango ako at agad na lumabas ng bahay. Nagtaka ako dahil hindi niya pa nalimutan ang araw ng aking kapanganakan. Sa hirap ng buhay namin, lalo na’t mag-isa na lang si Inay, ay hindi na ako nakapaghanda sa aking kaarawan. Ayos lang naman iyon dahil maaalala ko lang na wala na si tatay. Siya kasi ang nagluluto ng lahat ng handa para sa aking kaarawan. Pagdating namin sa bayan ay pumunta muna kami sa isang hotel. Ayon kay Bekki, inutusan din daw siya ng kaniyang ina na kunin ang bayad para sa mga order na palamuti. Hinintay ko siya sa lounge habang kausap niya ang nasa front desk. Pumasok siya ng opisina at sandali ring nawala. Naagaw ang aking pansin ng isang painting ng isang lalaking inaabot ang kamay ng isang batang babae. Napaluha ako nang maalala ko ang aking ama. “Sara,” boses iyon ni Bekki. Naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat. Halika, may ipapakita ako sa iyo,” sambit niya at hinawakan ang aking kamay. “Bakit ganyan ang damit mo? Ang ganda!” ang tanging nasabi ko. Suot niya ang isang kulay pink na gown na gawa mula sa sinamay. Dinala niya ako sa isang silid. At doon ay nakita ko ang isang kulay asul. Back when I was a child before I’ve removed all the innocence, my father would lift me high and dance with my mother and me. And then, spin me around ‘til I fell asleep. And up the stairs he would carry me and I know for sure I was loved. Kinilabutan ako nang pumasok ako sa function hall. Naluha ako sa awiting nagbigay-kirot sa aking puso. Ito ang awiting tinutugtog sa unang sayaw ng debutante. Ipinikit ko ang aking mata upang pigilan ang aking mga luha. Huminga ako ng malalim at ibinulong ang mga katagang, “Sana ay naririto pa ang aking Itay.” Sinabayan ko ang koro ng awitin at tuluyan nang dumaloy ang luha sa aking pisngi. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
24 . 25
If I could get another chance, another walk, another dance with him, I’d play a song that will never ever end. How I’d love, love, love to dance with my father again. Nang imulat ko ang aking mata ay mayroong matangkad at kayumangging lalaking naka-maskara ang nag-abot ng kaniyang kamay sa akin. Kulay puti ang kaniyang maskara na gawa sa sinamay. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki. Ang kamay naman nito ay halatang marami ng napagdaanang hirap sa trabaho. Napa-isip ako kung sino siya. Ngunit iniabot ko ang aking kamay nang makita kong lumuluha ang aking ina at tumango sa akin bilang senyas na kakilala niya ang lalaki. Sumayaw kami sa saliw ng awiting iyon. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at inisip ko na si Tatay ang aking kasayaw. Natapos ang awitin at umalis ang lalaking iyon. Napansin kong nakatingin sa akin ang lahat ng taong naroon. Bumalik ang misteryosong lalaki dala at iniabot ang paborito kong laruan sa akin. “Hindi ba dapat ay hindi ito sayo nawawalay?” tanong niya sa akin. Parang may kumirot sa aking puso. Napaluha ako at napayakap sa misteryosong lalaki. “Maraming salamat po sa kahit kaunting sandaling ito,” bulong ko. Bumitiw ako sa pagkakayakap at hinawakan niya ang aking mga balikat. Nanlamig ang buo kong katawan nang titigan niya ako. Kilala ko ang mga matang iyon! Hindi ako maaring magkamali. Unit-unti kong tinanggal ang kaniyang suot na maskara. Natulala ako sa aking nakita. Wala pa ring ipinagbago ang kaniyang mukha bagaman apat na taon na ang lumipas. Halata pa rin dito ang ekspresyon ng pag-aaruga niya para sa akin. “Itay! Buhay ka!” sambit ko. Buhay ang aking ama at hindi ito isang panaginip. Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko na nais na pakawalan siya dahil baka bigla siyang maglaho na parang bula. Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa paligid. Napahagulhol ako sa sobrang galak na naramdaman ko. Hindi ako makapaniwala. Ito na marahil ang pinakamagandang handog na natanggap ko sa aking kaarawan.
Bumalik ang normal na buhay ko. Subalit sa tuwing maitatanong ko kay itay kung ano ang nangyari sa kaniya ay ang matagal na recovery time ang kaniyang sagot sa akin. Kapag nasa tamang panahon na ang pagkuha ng abaka sa taniman ay naroon si Itay. Natatawa ako kapag pinapanood kong kumuha ng tanim na abaka si Itay dahil pinagtatawanan niya ako sa tuwing napapagkamalan kong saging ang mga tanim na abaka. Iyon ang tawang simula ng pagbalik niya ay hindi ko pa narinig kahit minsan. Hindi ko na narinig pang tumawa ang aking ama. Kapag nakuha na ang tangkay ng abaka ay hihiwain ito sa apat. Ang mga tangkay na ito ay papatuyuin sa ilalim ng sikat ng araw. Kapag natuyo na ay sasalansahin at susuklayin ang mga ito upang mawala ang pagkakabuhol-buhol. Kukuluyan ang mga ito at saka muling patutuyuin. Kapag nakulayan na ang mga sinamay ay iniimbak ang mga ito sa loob ng ilang araw. Ganito ang mabutingting na gawain ni Itay. Hindi pa ako nakakapasok sa silid na iyon. Dati naman kasi ay sa labas lang ginagawa ni itay ang placemats, bags, household decors at iba pa. Subalit ngayon ay mas pinipili niyang gumawa nang mag-isa sa silid na iyon. Iyon siguro ang dahilan kaya mas mabilis siyang nakakagawa ng mga palamuti at aksesorya. Isang hapon ay umalis si inay ng bahay kaya pinuntahan ko sa nasabing imbakan si itay kahit pa alam kong ayaw niya iyon. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya sinilip ko kung ano ang ginagawa ni Itay ng mga oras na iyon. Ngunit isang ‘di inaasahang bagay ang gumulat sa akin. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. Napalingon si itay sa kinaroroonan ko ngunit huli na. Patakbo akong lumayo sa silid at hindi ko ginustong lumingon pa kahit alam kong sinusundan niya ako. Maraming katanungan ang gumulo sa akin. Paano iyon nangyari? Paanong ang aking ama ay naging isang robot? Siya pa ba ang aking ama? Iyon ba ang dahilan kaya tila malamig ang kaniyang pakikitungo sa amin ni Inay? Bakit ito inilihim ni Inay sa akin? Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Malamig ang hanging nalalanghap ko. Hanggang sa bigla kong nakabangga si inay nang malapit na ako sa tulay. Hinila ko siya patungo ng tulay An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
ngunit pinigilan niya ako. Tumakbo pa rin ako palayo. Nang nasa gitna na ako ng tulay ay lumingon ako at nakita kong kausap ni Inay ang robot na inakala kong si Itay. “Inay! Hindi na iyan si itay. Isa na siyang robot. Wala na si itay. Nilinlang niya tayong lahat. Pinaniwala niya tayong siya si itay,” pasigaw kong sambit kay inay. Nakita kong umiling si inay at niyakap siya ng robot. “Anak, siya pa rin ang iyong itay. Maaring ang ilang bahagi niya ay metal na ngunit ang puso at isip niya ay tao pa rin. Tayo pa rin ang laman nito,” maluhaluhang sabi ni inay. Humakbang ako nang kaunti ngunit nadulas ako sa tulay. Halos tatlong talampakan ang taas nito. Kitang-kita ko ang mga bato sa ilalim ng tulay na dala ng nagrurumagasang ilog. Kumapit ako nang mahigpit at naluha sa sobrang takot nang bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari noon. Kaunti na lamang ay mahuhulog na ako. Nararamdaman kong unti-unti nang bumibitaw ang aking kamay sa pagkakahawak sa tulay. “Tulungan niyo po ako, inay!” sigaw ko. Narinig ko ang mga yabag sa taas ng tulay ngunit hindi ko mawari kung kanino iyon. “I-N-A-Y” sigaw ko at tuluyan akong nakabitiw sa tulay. Ngunit hindi ko naramdamang nabasa ako ng tubig. Hindi rin ako inanod ng ilog. Hindi rin ako nalunod. Ang tanging naramdaman ko ay ang lamig ng kamay na mahigpit na kumakapit sa aking mga braso. “Bitiwan mo ako!” pasigaw kong sabi nang sa pagtingala ko ay nakita kong ang robot ang may hawak sa akin. “Anak. Hindi kita maaaring bitawan. Hindi ko nais maulit ang nakaraan. Ako pa rin ito ang iyong itay,” sabi ng robot. Naramdaman ko ang katapatan sa mga salitang nasambit niya. Naramdaman ko rin ang paninindigan na katulad ng kay itay. “Ngunit isa ka nang robot. Hindi ka naman na si Itay. Imposible iyon. Isang makina na lamang ang nagpapagana sa iyo. Paano mo mararamdaman ang pagmamahal para sa amin ni Inay,” sagot ko. “Anak, kapag binitiwan kita, hindi mo na maabot ang mga pangarap natin. Andito pa rin ako para samahan ka sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap. Sabay nating tutuparin iyon,” may ngiting sambit niya. Tama siya. Mawawala lahat ng paghihirap namin ni Itay kung isusuko ko ang lahat sa oras na iyon. “Hindi mo na ba naalala ang itinuro ko sa’yo? Hindi sa panglabas na anyo ng isang tao makikita ang pagkatao nito. Mararamdaman mo ito gamit ang iyong puso. Anak, ako pa rin ito. Hindi naman lahat ng bahagi ng katawan ko ay naging robot. May puso at isip pa rin ako. Nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal para sa inyo ng iyong ina.” Naramdaman ko sa aking balikat ang mga patak ng luha mula sa aking ama. Nakita kong niyakap siya ni Inay. Magkatulong silang hinila ako pataas at inligtas mula sa kapahamakan. “Pasensya ka na kung inilihim namin ito sa iyo anak. Alam naming ganito ang magiging reaksyon mo kaya naghahanap kami ng tamang pagkakataon upang sabihin ito sa iyo,” paliwanag ng aking ina. Ngumiti ako at sinambit ang mga katagang, “Itay, salamat sa muling pagligtas ng aking buhay. Mahal na mahal ko po kayo. Patawad po kung hindi ko kayo agad pinakinggan. Dapat po ay nakinig muna ako sa paliwanag ninyo.” Tumawa si itay at nagsabing, “Anak, ayos lamang iyon. Ang mahalaga ay ligtas ka na.” At nagtawanan kaming tatlo. “Mahal po kita itay noon pa man at kahit ngayon na ikaw na ay si E-Tay, ang elektronik kong Tatay!” sambit ko at muli ay nagtawanan kami. Mula noon, ang naging pangalan na ng aming munting negosyo ay Sinamay ni E-Tay ngunit walang sinuman ang makaaalam ng lihim na iyon. Ang kakaibang pagkato ni E-tay ay nakatulong sa pag-unlad ng aming munting negosyo. Kahit ano pa man ang katauhan ng aking ama, alam kong siya pa rin iyon. Kahit kailan ay ‘di siya mawawala sa akin. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
26 . 27
Pagbisay-bisay hale sa kapinoonan; Oragon na bombahan Daeng liwat mawawaran Sa mga harong Maski tagsararo. Sa pagtao ki tubig Dae nanggad makadaog; Kaito kang ako aki pa Kami nagakarawat duman, Daeng katapusang urulukan Asin durumugan. Sa panulat ni Mark Eljohn Occidental Dibuho ni John Gabriel Gallano Pero nata gari kita Nawaran na ning buhay? Su dati mong pigatataong Tubig na malipot asin malinig Ngana dae nang hamis. Nata kaito? An sakuyang katabang Ika napoon nanggad man na manabang.
Matubigong Poso
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
K
inikiskis, dinadampi at inihahalik nang buong paglaya Ang mga paa sa lupang binubungkal ng di-mabilang na gutom na mga tiyan.
Mga larawan ni Russell Racelis
Kadlagan
28 . 29
Nilalaman
Kadlagan
29 Bulod 30 Si Nanay, Si Tatay 32 Rodeo Masbate単o 33 Cagsawa kan Bicolandia 34 Hangin sa Hoyop-Hoyopan 38 Pag-ibig sa Kurudalaan 40 Linukay Para Kay Grace 41 Nang Magising ang Sleeping Lion 42 Sining ng Pagmamama 45 Kudot-Kudotan 46 Daraga An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Bulod
Sa panulat ni Jeffrey Medollar Dibuho ni Jidy Onesa
Tagaktak ang pawis; pagal ang isipan. Di mo malaman kung hanggang kailan mararanasan Pagkasadlak, pagdurusa, at kapighatian. Langit, kailan ka ba masisilayan? “Walang madaling simula,” yan ang sabi ng iba. Ngunit bakit sa pag-akyat, tila walang pahinga. Paa’y gumaspang na, matuwid na daa’y ‘di pa rin makita. Puso’y tigang na; Pag-asa: huwag sanang masaid pa. Gayunman, patuloy sa paghakbang. Pag-akyat sa bundok ng buhay, ipagpatuloy lamang. Gaano man katarik, gaano man kapagal, Nanginginig man ang tuhod, ‘di hahayaang mabuwal. Sariwang hangin, akin ding malalasap. May asul na langit, at abot-kamay na alapaap, Mga halamang waring nangungusap, Paraiso’y mabibigyan din ng sulyap. Sa pagsubok, hindi pasisiil! Iniisip na lamang na ang buhay ay parang bulod sa may amin: Ang tuktok, may kapatagan din, May magandang balintanaw at maaliwalas na tanawin. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Si Nanay, Si Tatay
Kadlagan
30 . 31
N
Para sa aking mahal na Ama at Ina,
oong nakaraang anim na taon, hindi ko na makilala ang anak na pinalaki niyo sa gabay ng Amang Maykapal at binuo ng pagmamahahal at buong paggalang. Hindi ko na matandaan kung ano ba ang pakiramdam na maging isang anak, na magkaroon ng mga magulang, at maramdaman ang sayang dulot na maging bahagi ng isang pamilya. Ama, Ina, sa tuwing nasisilayan ko ang lalaking nakatayo sa harap ng salamin, hindi ko maalala kung sino siya. Alam ko na ang pangalan ng binatang iyon ay Marco, ngunit hindi iyon sapat. Tila ba may bahagi siyang nilalaro sa aking buhay, ngunit magpa-hanggang ngayon ay hindi ko matandaan kung ano o sino nga ba talaga siya sa aking buhay. Gayunpaman, sa tuwing dudungaw ako sa bintana, nakikita ko ang mag-amang naglalaro ng trumpo sa labas ng kanilang bahay. Sa larawang iyon madalas kong nararamdaman ang sigla ng aking hapon sa tuwing nakikipaglaro ka sa akin, Ama. Madalas ay pumupunta tayo sa may ilog upang magtampisaw. Hindi mawawala sa aking alaala kung paano tayo magpalipad ng saranggola, hanggang sa natuto akong maglaro ng teks; noong magkaroon tayo ng playstation at nagpapagalingan tayo sa paglalaro ng Super Mario at Battle City. Maging noong gumawa ako ng account sa Counter Strike ay nagpumilit kang matuto upang magkaroon lamang tayo ng oras. Ang iyong pangalang Mariano, ang pangalang naging sandalan ko sa mga panahong nahuhulog ako sa aking sariling kapusukan.
ako’y nakahimlay at “Sa malamig ang patak ng aking dugo ang siyang magiging tanda ng lahat ng aking pagkakasala.” Sa panulat ni Russell Racelis Dibuho ni John Gabriel Gallano
Kasingbango ng mga bulaklak sa ating hardin ang pangalan mo, Rosal. Ina, hindi ko pa rin nakakalimutan ang bango ng umaga sa tuwing naghahanda ka ng almusal para sa aming magkakapatid. Naipipinta ang ngiti sa aking labi sa tuwing naaalala ko ang buhok ni Aga Muhlach sapagkat iyon ang istilo ng buhok na gusto mo para sa akin. Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pagalitan sa tuwing napapaaway ako sa eskwela at kung paano mo ako yapusin ng iyong maiinit na kamay habang bumubulong ng, “Huwag na itong ulitin ha. Nagaalala si Ina sa iyo.” Ina, hindi man ako ang iyong paboritong anak, alam ko na halintulad ng pagmamahal mo sa aking mga kapatid ay mahal mo rin ako. Ina, sa tuwing nararamdaman ko ang lamig ng mga dingding, ipinagdarasal ko na sana ang aking araw-araw ay patuloy na kabilang sa siyam na buwang ako ay nasa iyong sinapupunan. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Naaalala niyo pa ba si Chynna? Sa pagkakaalam ko nga, si Ina ang naki-alam ng aking mga gamit kaya nalaman niyang nililigawan ko noon si Chynna. Siya ang una kong minahal. Naging kami ng mga tatlong taon. Matapos noon, kay Chynna ko unang naramdaman ang pagkasawi sa pag-ibig. Si Ama ang aking naging takbuhan noong mga panahong hindi ko na alam ang gagawin. Kamusta na po pala sina Henry at Carlo? Makulit pa rin po ba sila? Inaalagaan rin ba nila ng mabuti si Thea? Sana ay napupunan nila ang aking pagkawala bilang isang anak. Sana rin ay nagagawa nila ng maayos ang responsibilidad ng isang anak. Sana ay huwag na nila akong tularan pa. Kung maaari sana ay pakisabi sa aking mga kapatid na nananabik na ako sa muling pagpunta namin sa burol sa may Guinobatan. Mula roon ay tanaw namin ang mga palayan sa Camalig at mga gusali ng Ligao. Nais ko na muli kaming maghabulan sa tabing-dagat ng Bacacay. Masarap kumain nang nakakamay sa ilalim ng puno ng mangga sa may likod-bahay sa tuwing ang ulam ay maanghang na pinangat, inolokan o ginulay na apay. Ang alaala nga naman ng nakaraan, mapaglaro. Sisindakin ka nito sa mga panahong pinakamahina ka. Nakakainis. Nakakakilabot. Nakakalungkot. Nakakaiyak. Tanging alaala na lamang ang mayroon ako. Ngunit ang katotohanan nito ay walang kasiguraduhan kung maging ang aking alaala ay nagbibigay ng totoong kwento ng aking buhay. Marahil ang lahat ng mayroon ako ay isa lamang kathang-isip na pelikulang paulit-ulit kong pinapanood. Sino na nga ba ako? Alam ko ang kasagutan, Ama, Ina. Isa akong makasalanang anak na humihingi ng kapatawaran mula sa aking mga magulang at mga kapatid. Isa akong taong wala nang dahilan pa upang mabuhay sa mundong abo ang natatanging kulay. Nagkamali ako Ama, Ina. Alam kong mali ang aking nagawa. Kung isang araw man ay kumatok ako sa inyong pintuan, tatanggapin ko ang inyong ngitngit sa akin; iyon ay galit na kailanman ay hindi maiibsan ng inyong mga kapatawaran. Minsan, naiisip ko na marahil kung hindi ako nagmula sa inyong laman ay pinihit niyo ang gatilyo direkta sa aking ulo. Ang balang kikitil ng aking buhay ang siyang magiging kabayaran ng lahat ng aking pagkakasala sa inyo. Sa malamig ako’y nakahimlay at ang patak ng aking dugo ang siyang magiging tanda ng lahat ng aking pagkakasala. Sa oras na matuyo na ang aking katawan mula sa pagkaubos ng aking maruming dugo, ibalot mo ako ng banig at itapon niyo na lamang ang aking bangkay sa ilog kung saan ako aanurin nito sa nararapat kong hantungan. Ngunit Ama, Ina, patuloy niyo pa ring pinaparamdam sa akin ang inyong pagmamahal para sa akin. Sa likod ng makasalanan ninyong anak ay patuloy ninyo akong inaruga, minahal, at binigyan ng inyong bawat umaga. Mahal ninyo ako at nagsisisi ako sapagkat nahirapan ako na suklian iyon. Maraming salamat sa Panginoon at binigyan ako ng perpektong pamilya. Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aking buhay, Ama at Ina. Unti-unti ko ng nakikilala kung sino ang lalaking nakikita ko sa harap ng salamin. Siya ang inyong anak na kahit kailan sa kaniyang buhay ay hindi tumanaw ng utang na loob. Ako ang inyong anak na ni minsan ay hindi nagmahal katumbas ng inyong pagmamahal. Ako si Marco Leon Rivera, ang walangawang anak na gumilit ng leeg ni Mariano Rivera, nagbaon ng punyal sa puso ni Rosal Rivera, at nagpaulan ng bala kina Henry Rivera, Carlo Rivera, at Thea Rivera. Sa likod ng malamig na rehas na ito ay pinagbabayaran ko ang pagiging makasalanan bilang anak ng Panginoon at ng aking mga magulang. Sa apat na kanto ng silid na ito nagiging musika ang mga katagang, “Si nanay, si tatay, kahit kailan ay hindi ko pababayaan.� Sana lang ganoon ang nangyari nang hindi humantong pa sa aking pakakabilanggo at sa nalalapit pagkawala ng aking buhay. Ako ay nagpapasalamat, humihingi ng tawad, at nagsisisi sa lahat. Mula sa inyong minamahal na anak, Marco, na umaasa at nagbabaka-sakali na muli ko kayong makasama kahit sa kabilang buhay. Ang sulat na ito ay nakuha sa silid kung saan nakapiit si Marco. Sa mga oras na ito, nakalamay na ang kaniyang bangkay matapos niyang tapusin ang kaniyang sariling buhay. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
32 . 33
Rodeo Masbateño
Sa panulat ni Ma. Kristhel Lopez . Dibuho ni John Gabriel Gallano
Bawat hampas ng alon sa dalampasigan, Wari’y musikang nag-aanyaya na ika’y tumahan At tuklasin ang tinatagong yaman nitong isla; Kapalaluang tiyak ay iyong makikita. Ikasiyam hanggang ikalabing-apat ng Abril kung ito’y sumapit. Makikita ang mga taong ‘di magkandamayaw ang pag-giit. Kasabay ng pag-indak ng mga palamuting nakasabit, Upang tunghayan ang Rodeo Masbateño na humahagupit. Masbateng kilala sa paligsahang tunay na Tikas at kakisigang pinaglalabanan ang pinatutunayan nila. Bigkis na siyang nagpapatibay sa bawat kapit, Nang matapos ang palabas na walang sabit. Kaya nama’y Masbateño man o turista’y nagigiliw Sa selebrasyong walang humpay ang saliw. Nang kulturang Bikolnon ay ating maipagmalaki, At sa mundo’y taas-noo itong kikilalanin.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Cagsawa kan Bicolandia Tanawon mo sa daga kan Bicolandia! Sa panulat ni Sthefany Dianne Marollano Nakangirit asin nakatindog na Cagsawa. Tunay na oragon, Tatak Bikolnon! Pwerteng gayon sa saiya minarambong. Siripon mo sa daga kan Bicolandia! Mainistoryang ronang pig-apod na Cagsawa. Historia sa rinibo, dapat idiskubrer, Pagpadangat sa kultura ang pigoopresir. Omawon mo an daga kan Bikolandia! Sa orgulyong nagakurahaw, iyo an Cagsawa. Sa lindong kan mga panganuron, Bulkan Mayon minasirang, Daeng sukol na minabuhay siring sa saldang. Madya na sa daga kan Bicolandia! Tanawon! Siripon! Omawon niyato an Cagsawa!
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Dibuho ni Jidy Onesa
Hangin sa Hoyop Hoyopan
Kadlagan
34 . 35
ako sa kabila ng malamig na “Pinagpapawisan hanging humahaplos sa aking katawan. Naririto na naman ako sa loob ng yungib ng kababalaghan.” Sa panulat ni Russell Racelis Dibuho ni Jidy Onesa
Ika-8 ng Agosto Hindi ko pa masisiguro ang katiyakan ng buong kwento kaya mas mabuti nang handa ako sa kahit anong impormasyon na maaari kong makalap. Kuro-kuro lang naman ito ng mga tsismoso, mga walang magawa, at mga taong nakasaksi ng mga tunay na pangyayari. Gayunpaman, isa itong kwento na siguradong bibigyang pansin ng lahat. Ito ang tunay na kwento. Hindi. Marahil, ito ang kwentong nabuo ko: Natural ang ganda ng Hoyop-Hoyopan Cave. Ngunit sa likod ng angking kagandahan nito ay ang mga kwentong napapaloob na rin sa mga lugar na puno ng misteryo. May engkantong gumagala sa kweba. Ang ilang detalye kaugnay dito ay may kaugnayan sa mismong kweba at ilang nakaraang nagbibigay ng buhay na kwento ukol dito. Ika-26 ng Agosto Nagpunta ako sa Hoyop-Hoyopan. Nasa kalupaan ito ng Camalig, Albay, Barangay Kotmon. Letter C ata–Cotmon. May ilan ding nagsabi na ang buong sukat ng kwebang iyon ay mula sa Brgy. Cotmon hanggang sa kalapit nitong barangay. “Mas maganda po kung magdadala rin tayo ng sulo,” sambit ni Ramon sa akin, isa sa mga nagbabantay sa kweba. Dala ko ang flashlight ko, ngunit dahil iyon ang uso sa tuwing susuong sa kweba, nagdala na rin kami ng umaapoy na telang nakakabit sa pahabang kahoy. Pagpasok pa lang sa madilim na kwebang iyon ay ramdam kaagad namin ang malamig na hanging tila tumataboy sa amin papalabas. Ang putikang daan ay tila sinisipsip kami pailalim sa lupa. Ang tanging naririnig ko ay ang tahimik na himig na inihahatid ng kweba. Maya-maya pa’y nagsitayuan ang aking mga balahibo. Hindi pa man kami nakakalayo ay biglang nagbago ang aking isip. “Sa susunod na araw na lang tayo pumasok sa mas malalim pang mga lugar sa loob,” anyaya ko kay Ramon at sa dalawa pang tour guide na kasama namin. Ika-3 ng Setyembre Noong nakaraang araw ay naitanong ko kay Ramon kung may kakilala siyang tao na may engkwentro sa mga ‘di umano’y ‘engkanto’ o ano mang pagpaparamdam sa kweba. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
“Si Basyon na tagakalapit-barangay ang maaaring magbahagi ng kaniyang kwento. May ilang nagsasabi na nakadaupang-palad niya ang engkantong nasa kweba. Marahil ay maaari kang magtanong doon,” ayon kay Ramon. Marahil ito ay isang magandang kwento na magiging tunay na kwento para sa lahat. Ika-10 ng Setyembre Nagtungo akong mag-isa sa bahay ni Basyon sa may Brgy. Tula-Tula, dito pa rin sa Camalig. Si Basyon, o Nana Basyon sa kaniyang mga kakilala, ay medyo may edad na. Hindi maikakaila ng kaniyang namumuting buhok at ng kaniyang bagsak at kulubot na balat ang kaniyang edad na 87. Sa tingin ko ay maayos naman ang kaniyang kalusugan at walang anumang sakit. Sa edad niya ring ito ay mag-isa siyang nakatira sa isang maliit na kubo. Bumati ako; ngumiti siya. Tumungo siya sa kusina, tila may kukunin. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang magmasid. Umikot ang aking paningin sa bahay-kubong nagkakanlong ng isang kakaibang kwento. Ang dingding ay hinabing kawayan, gayundin ang sahig na bahagyang naka-angat ng isang metro mula sa lupa. Walang kisame at ang bubong ay yari sa tuyong dahon ng anahaw. Hinatiran niya ako ng isang baso ng tubig na pinalamig ng bangang kinalalagyan nito. Lumagok ako ng dalawang beses at nilapag ko ito sa mesang pinagpapatungan ng larawang bahagya nang kumukupas. May mukha ng isang dalagang masayang nakangiti habang hawak ang kanang kamay ng isang binata. Nakakubli sa larawang ito ang nakaraang ninanais na balik-balikan ni Nana Basyon. Nagsimula ang lahat nang kaniyang ibinuka ang kaniyang mga bibig. Ito ang kaniyang kwento: “Nakilala ko siya noong 26 na taong gulang ako. Ika-3 noon ng Marso nang magkayayaang lumabas kaming magkakaibigan. Sinuong namin ang lamig ng hanging humahaplos sa aming katawan. Kasabay nito ang bawat hakbang na sana ay matapos na ang aming paglalakbay sa nakakakilabot na kwebang iyon. Patuloy kaming naglakad, natatakot masinsay. Pinapawi ng tawanan at kwentuhan ang aming takot. Nagyaya ang isa naming kaibigan, si Kokoy, na maghanap ng ibang daanan. Sa may kaliwa lang namin ay may maliit na daan na siya namang agad naming tinahak. Mas malamig doon. Sa paligid ay maririnig ang tulo ng tubig na pumapatak sa sapa na hindi namin maaninag sa kadiliman. Mabato man ang daan ay nagpatuloy kami sa paglalakad. Marami pa kaming tinahak na makikipot na mga daan, nakakita ng iba’t-ibang hugis ng bato, at nakaramdam ng iba’t-ibang nginig. Naroroon ang takot na baka kung saan kami mapadpad at sa kung ano ang maaaring mangyari sa amin. Sa may ‘di kalayuan ay may lalaking may hawak ng sulo. Tila ba may inaabangan. Ngiti ang kaniyang isinalubong sa amin sabay ng pag-anyaya na maaari niya kaming tulungan lumabas sa yungib na iyon. Ang tulo ng mga tubig at ingay ng naglalarong mga paniki ang musika na aming naging gabay sa makikipot at mapuputik na mga daan na aming sinusuong. Tila pelikula ang aming ginawa. Pelikula na sa huli ay may hindi magandang kahahantungan. Narating namin ang labasan. Lima kaming nakalabas ng matiwasay sa kweba, kasama ang lalaking may sulo. Ngunit ang pagkakatanda ko ay siyam kaming magkakasama na pumasok sa kweba. Siyam kami. May limang nawawala na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung nasaan.” Naluluha si Nana Basyang habang kaniyang inilalahad ang mga pangyayaring iyon sa kaniyang buhay. Naisip kong itigil muna ang kwentuhang maganda na sana ang kahahantungan, ngunit mas makakabuti kung pagpapahingahin ko muna ang matandang nagluluksa. Hindi ko pa nakukuha ang nais kong kwento. Ang kwentong ito ay magpapatuloy. Nga pala, sa sobrang bilis ng mga pangyayari, nakalimutan kong magpakilala kay Nana Basyon. Sigurado namang babalik pa ako. Ika-18 ng Setyembre Isang linggo ang nakalipas mula ng araw na iyon. Muli kong sinadya ang bahay ni Nana Basyon. Kumatok ako sa pintuan at masaya niya akong pinagbuksan. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
36 . 37
“Pasok ka, Amanda,” nagulat ako sa kaniyang pagbati. Amanda nga pala ang pangalan ko. Nagpatuloy ang kaniyang kwento. Inaasahan kong magigimbal na ako sa pagkakataong ito.
“Binalik-balikan namin sa kweba ang mga kaibigan naming nawala. Nagpatulong na nga kami sa ilan pa naming mga kakilala. Sa tuwing sumusuong kami sa mga sulok ng kweba ay madalas naming makita ang lalaking may hawak ng sulo na gumabay sa amin nang una naming pagpunta roon. Sa aking madalas na pagpabalik-balik doon ay palagi kong nakikita ang lalaking may hawak ng sulo. Madalas kaming magkangitian, magbatian, hanggang sa umabot sa kwentuhang nagbibigay sa akin ng saya. Nakilala ko siya sa pangalang Pio. Malambing siya at mapagmahal. Dinadalaw niya ako sa aming bahay. Kung hindi naman ay nagkikita kami sa kweba. Dinadala niya ako sa mga sulok ng kweba na hindi pa naaabot ng mga tao roon. May mga lugar kaming narating na kasingganda ng langit at nakatago sa madidilim at malalamig na lugar ng kweba.” Pansamantala kong tinigil ang paglalahad ng kaniyang kwento. Sinabi ko sa kaniya na hindi ako interesado sa mga kwentong may kaugnay sa kaniyang buhay-pag-ibig. Sinagot niya ako ng may paglilisik sa kaniyang mga mata na ang kwentong hinahanap ko ay may malaking kaugnayan sa kwentong inilalahad niya. “Si Pio ang engkantong hinahanap mo. Siya at ang ilan pang engkanto na nagbabantay ng kweba ang kumuha sa aking mga kaibigan. Ang minamahal ko na si Pio ang engkanto. Ang aking kasintahang si Pio ang engkanto.” Ang mga katagang iyon ang nagtapos ng kwento para sa araw na iyon. Ika-19 ng Setyembre Hindi sapat na ang kwento mula kay Nana Basyon lamang ang aking makalap. Nagtanong-tanong ako sa ilang mga nakakakilala sa kaniya kaugnay sa mga impormasyong aking kailangan. “Nakilala ko si Pio dahil si Basyon ay tumira sa amin dati. Hindi naman kasi siya tubong-Camalig. Lumaki siya sa Maynila at ang kaniyang mga magulang ay mga sapatero doon. Matapos ang insidente ng pagkawala ng kaniyang mga kaibigan at nang makilala niya si Pio ay dito na siya sa amin namalagi,” ito ang pahayag ni Tata Isko, pinsan ni Nana Basyon. “Minsan pa nga ay umuuwi siyang nakatingin sa hangin. Hindi na rin siya sumasabay sa hapag dahil agad siyang tumutungo sa kaniyang silid. Kapag kakatukin naman namin siya ay ayaw niyang magpa-abala. Naririnig nga namin siya minsan na may sinasambit na mga diga,” dagdag pa ni Tata Isko. Sa kabilang banda, si Aling Pas, kapitbahay ni Nana Basyon, ay nagbahagi ng kaniyang kwento, “Naririnig ko yan si Basyon na may kausap sa kanilang bahay ngunit ang alam ko ay mag-isa lamang siya diyan. May mga araw na palihim kong pinasisilip ang aking mga anak sa barong-barong ni Basyon. Kwento nila na nakita umano nila ang matanda na nagsasalita sa kaniyang kwarto ng walang kausap. Naghanda siya ng hapag para sa dalawang tao, ngunit ang alam ng lahat ay nag-iisa lamang siya. Kung tutuusin nga, ikaw lang ang nagtangka na bumisita sa kaniya.” Isinalaysay din ng mga bantay ng yungib na mayroong mga pagkakataon na nasilayan nila ang matandang si Basyon sa loob ng kweba nang mag-isa. Sumusuong ito sa iba’t-ibang sulok na hindi nila inakala na may mga tila lihim na daan. Ang nakakapagtaka umano ay dalawa ang aninong kanilang nakikita, anino ni Nana Basyon at anino ng isang lalaki. Mula sa pahayag na aking nakalap, maaaring may hindi tama. Ika-15 ng Oktubre Muli kong dinalaw ang matanda. Mula nang aking pagpasok ay nakangiti ang matanda. Tinyempuhan ko lamang at saka ako biglaang nagtanong, “Si Pio pa rin ho ba ang sanhi ng mga kababalaghang nagaganap sa loob ng kweba?” Ngumiti lamang siya. Nagpatuloy ang kaniyang kwento. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
“Hindi ako sigurado. Ang alam ko lamang ay bahagi ito ng dahilan kung bakit siya naririto. Kadalasan ang tawag sa kanila ay mga bantay. Iyon bang tipong ang kailangan lamang nilang gawin ay magbantay ng kanilang lunan na nasa loob ng kweba. Wala namang masama na bantayan nila ang lugar nila.” Hindi na ako nagulat pa sa kaniyang sinabi. Iyon naman talaga ang trabaho ng mga kwentong engkanto na naranasan ko sa loob ng maraming taon. “Gusto mo bang makilala si Pio?” tanong niya. Dama ko na may hindi magandang mangyayari. May matangkad at matipunong lalaki na lumabas mula sa silid ni Nana Basyon. Ang edad ay marahil nasa pagitan ng 28 at 30, mas malalim sa pagiging kayumanggi ang kaniyang kulay, itim ang mga mata at buhok. Ika-30 ng Oktubre Pumanaw si Nana Basyon ng walang dahilan. Sabi ng ilan ay hindi na ito nagising pa isang umaga. Ang ilan nama’y bumuo ng kwento na kinuha ang kaniyang kaluluwa ni Pio. Sa aking palagay ay tama ang kwento. Sa mismong libing ay nakita ko si Pio. Sinundan ko siya ng tingin. Humakbang siya palayo. Sumunod ako. Umikot ang mga sumunod na pangyangyari sa loob ng kweba. Muling umihip ang hanging naramdaman ko noong una akong pumasok dito. Kasabay ng aking bawat hakbang ay patuloy na kinakain ng karimlan ang buong paligid. Lumabo ang aking mga paningin. Dahan-dahan akong bumagsak sa malamig na batong aking inaapakan. Nang aking minulat ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang barong-barong, walang saplot at nakahiga sa isang matigas na kama. Naramdaman kong masakit ang aking puson. Sa aking paglabas sa kwarto ay iniikot ko ang ang aking paningin. Naroroon si Pio. Nakaupo sa silya na dating inuupuan ni Nana Basyon. Umupo ako sa may ‘di kalayuan sa kaniya. May nakahandang baso ng tubig. Kinuha ko ito at lumagok ng dalawang beses at nilapag ko ito sa mesang pinagpapatungan ng larawan na bahagya nang kumukupas. May mukha ng isang dalagang masayang nakangiti habang hawak ang kanang kamay ng isang binata. Nakakubli sa larawang ito ang nakaraang ninanais na balik-balikan na akala ko ay si Nana Basyon. Hanggang sa aking napagtanto na hindi na si Nana Basyon ang dalagang nasa larawan. Ang masayang babae ay ako–Si Amanda. Sumakit ang aking puson. Nang hinimas ko ang aking hubad na katawan ay naramdaman ko ang aking lumolobong tiyan. May sumisipa sa loob nito. Huli na nang aking nalaman na buntis na pala ako. Lumapit si Pio at nagsabing, “Kamusta ang aking anak?” habang himas ang aking tiyan. Ika-1 ng Nobyembre Dinala ako ni Pio sa loob ng kweba ng Hoyop-Hoyopan. Masakit ang aking tiyan. Tila may gustong lumabas. Pinagpapawisan ako sa kabila ng malamig na hanging humahaplos sa aking katawan. Naririto na naman ako sa loob ng yungib ng kababalaghan. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang malamig na bato. Tila ba maraming mga matang nakatingin. Ang mga paniki ay tila nagdiriwang sa aking pagdating. Sumigaw ako ng malakas. Ang sunod kong narinig ay pag-uha ng isang bata. Hinanap ko ito. Hawak siya ni Pio. Hindi ito bata. Nakakatakot. Ika-6 ng Nobyembre Aking napagtanto na maganda ang kweba ng Hoyop-Hoyopan. Napakaganda kung hindi ko lang sana pinakialaman pa ang mga kwento kaugnay dito. ‘Di sana’y wala akong anak na may lahing buo ni Pio. Paalala: Ang mga pangalan, lugar, at pangyayaring nabanggit o nakapaloob sa maikling kwento na ito ay pawang mga kathang-isip lamang, solong binuo, at isinulat ng may akda. Kung mangyaring tumugma ito sa karanasan ng iba o sa mga naunang nailathala ng ilan sa ating mga manunulat, ipagpaumanhin niyo po sapagkay ito ay hindi sinasadya. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Pag-ibig sa Kurudalan
Kadlagan
38 . 39
M
“Nadaanan ng tricycle na kaniyang sinasakyan ang isang sayawang binakuran ng kawayan. Maraming tao ang nagagalak sa pag-indak.” Sa panulat at dibuho ni John Gabriel Gallano
akailang-ulit na niyang napapanaginpan ang isang babaeng sumasayaw at tila pinaglalaruan ng mga lalaki. Maputi, mahaba ang buhok, maamo ang mukha at mapungay ang mga mata. Nakatitig ang dalaga sa kaniya. Laman siya ng kaniyang panaginip nitong mga nakaraang araw. Sino nga kaya siya? Kring. Kring.
Biglang napatayo si Riel nang marinig niya ang ring ng telepono. Nang tiningnan nya ang orasan ay alas dos pa lamang pala ng umaga. Tila naistorbo ang kaniyang pagtulog kaya nakaramdam siya ng kaunting pagkayamot. “Hello. Sino po ito? Panimula niyang tanong nang kinuha ang telepono. Maikli lamang ang naging takbo ng usapan. Iniimbitahan siya ng kaniyang tita na dumalo sa piyesta ng kanilang bayan. Matapos noon ay padabog siyang bumalik ng higaan ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na siya inabot pa ng antok. “Fiesta daw. Bakit nga ba ako uuwi? Walong taon na akong di umuuwi. Walong taon na rin nang namatay sina Inay at Itay. Ang nag-iisa kong kapatid ay nasa Amerika. Ano pa ang dahilan? Si Sarah na pitong taon ko nang kasintahan ay nandito. Maganda at matalino— wala na akong hahanapin pa? Ngunit parang may kulang. Hindi na siya nakatulog kaya sinimulan niya na ang pag-iimpake ng kaniyang mga dadalhing gamit. “Siguro nga kailangan ko ng kaunting bakasyon. Ititext ko na lang si Sarah mamaya,” ito ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Bahagya siyang nakaramdam ng pangungulila. Tinignan niya ang paligid ng kaniyang condo unit. Matagal na rin pala siyang nag-iisa. Sa walong taon niyang pamamalagi sa Maynila ay nakaipon sya ng pera at nakapagpundar ng kotse at may condo unit na kumpleto ang mga gamit. Sa ngayon ay kilala na sya bilang isa sa mga pinakamagaling na arkitekto sa Pilipinas. Sa susunod na buwan ay ipapadala siya ng kaniyang pinagtatrabahohang An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
kompanya sa Amerika para sa isang malaking prajek. Malaki rin ang makukuha niya dito na siguradong hindi bababa sa limampung milyong piso. Napag-isipan na rin nya na kapag natapos ang proyekto ay pakakasalan na nya si Sarah at doon na mamalagi sa Amerika. Sayang nga lang at wala na ang kaniyang mga magulang. Bandang alas siyete ng umaga nang makarating siya sa terminal. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa naipapaalam kay Sarah ang kaniyang pag-alis. Sa kaniyang pag-alis ay tumatakbo pa rin sa kaniyang isipan ang mukha ng babaeng madalas maging laman ng kaniyang mga panaginip. “Legazpi na,” sigaw ng drayber. Alas otso na ng gabi ngunit hindi pa siya nakakarating sa bahay ng kaniyang tita. Inabot ng isang oras ang kaniyang biyahe galing sa Legazpi. Nadaanan ng tricycle na kaniyang sinasakyan ang sayawang binakuran ng kawayan. Maraming tao ang nagagalak sa pag-indak. Malapit ang sayawan sa bahay ng kaniyang tita. “Dyan na lang po tiyo sa sayawan,” bigla niyang para sa drayber. Kumpulan ang tao pagbaba niya. Marami syang di kakilala. Ang mga kababaihan ay umiindak sa saliw ng musika sa gitna ng sayawan. Ang mga kalalakihan naman ay nakapaligid sa mga dalaga na mistulang bumabakod sa kanila. Doon niya naisip na kaya Kurudalan ang tawag ng ganoong sayawan sa Bikol. “Si Riel andito,” sigaw ni Bert, pinsan niya pero hindi nya pinansin dahil sa naagaw na ang kaniyang paningin ng isang dalagang kamukha ng babaeng laman ng kaniyang mga panaginip. “Oh, ano’ng nangyari sayo? Ba’t parang natuklaw ka ata ng ahas? Oo nga pala, Riel, si Ana; Ana, si Riel, pinsan ko,” malugod na pagpapakilala ni Bert sa dalawa. “Kumusta Riel? Bidang-bida ka dito ng pinsan mo. Kamusta ang buhay sa Maynila? “Mabuti naman Ana. Ikaw, kumusta ka naman?” sagot ni Riel na medyo nanginginig. “Pwede ba kitang isayaw?” dagdag pa niya. Iniwan ni Riel ang bag niya kay Ricardo. Magkasabay na pumunta ang dalawa sa gitna ng sayawan. Ramdam na ramdam ni Riel ang init ng katawan ni Ana. Malambot at makinis ang kaniyang katawan. “Parang ang tahimik mo, Riel,” pilit na binasag ni Ana ang katahimikan. “ Nabigla lang ako Ana. Hindi ako handa sa mga pangyayari,” namumutlang tugon ni Riel. “Bakit? Meron ba akong dapat malaman?” nagtatakang usisa ng dalaga. “Papano ko kaya sasabihin dito na siya ang laman ng panaginip ko ilang araw na ang nakararaan,” sa loob-loob ni Riel. Nakalimutan niya si Sarah. Nasa kaniyang mga kamay ang babaeng hindi pa man niya nakikilala ay naging laman na ng kaniyang mga panaginip. “Siya ba ang nakatakda para sa akin?” paulit-ulit niyang tanong sa sarili. Hinalikan niya bigla si Ana. Hinalikan din ni Ana si Riel pabalik. “Di ko maintindihan” sabi niya sa sarili. “Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko,” sambit nya sa sarili. Hindi matinag si Riel sa mga nangyayari. Nabasag ang galak na nararamdaman ng dalawa nang may isang lasing na sumigaw sa gitna ng sayawan. “Ana, nakakita ka lang ng bago, nakalimutan mo na ang nobyo mo! Pang-ilang lalaki na ba yan sa buhay mo? Humarap ka sa akin!” hiyaw ng lalaking namumula sa sobrang galit. Lahat nagsitakbuhan paalis sa sayawan nang makitang bumunot ng baril ang lalaki. Lalapit sana si Bert pero napako siya sa kaniyang kinatatayuaan. “Eric, sandali…” pasigaw na pag-aalo ni Bert sa lasing na lalaki. Tumingin si Eric sa direksyon ni Riel. Itinutok niya ang makintab na baril at kinalabit ang gatilyo at nilaslas ng putok ang napakagandang gabi. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
40 . 41
Linukay para kay Grace Sa panulat ni Potpot Magalupad . Dibuho ni Voltaire Esquilona
Linukay. Mahamis. Ngirit niya, warang kasinghamis. Linukay. Mapulot. Paghiling niya sako, warang kasingpulot. Linukay. Masiram. Siya masiram, matud baya, na kahuron asin kaiba.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Nang magising ang Sleeping Lion Sa panulat ni Ryan Ramirez . Dibuho ni John Gabriel Gallano
Halika. Isang paraiso sa uniberso. Uniberso sa sariling paraiso. Tara. Tubig alat siyang hahampas sa kanya. Ay hindi, siya ang hahampas sa tubig alat. Tayo na. Shh. Shh. Huwag kang maingay. 窶郎an tuloy, nagising na siya.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Sining ng Pagmamama
Kadlagan
42 . 43
“Marahan itong ngumunguya at sa bawat awang ng labi nito ay kitang-kita namin ang kaniyang mapulang bibig.”
N
Sa panulat ni Jeffrey Medollar Dibuho ni John Gabriel Gallano
akatitig ako sa kawalan nang biglang may lumagapak sa aking mukha kasabay ng pagbagsak ng pambura sa aking paanan. Malakas na tawanan ng aking mga kaklase ang sumunod. “Justin! Nakikinig ka ba?”
Sigaw ni Mrs. Reyes habang pinandidilatan ako. Ako pala kasi ang tinawag niya upang magbahagi ng aking mungkahi ukol sa napag-uusapang proyekto na kailangang gawin sa darating na sembreak. Hindi naman kasi ako interesado sa ideyang kailangan naming halungkatin ang kasaysayan ng aming kinalakihang lugar. Ang masaklap pa nito ay kailangang mula ito sa kwento ng matandang matagal nang naninirahan sa amin. Aanhin ko ang kwento mula sa kahit sinong hukluban? Huling araw ng pasukan ngayon kaya pagkauwi ko sa boarding house ay agad akong nag-impake ng gamit at lumarga pauwi sa amin sa Sorsogon. Habang papauwi ako ay inisip ko na lamang kung sino man na matanda sa amin ang maaari kong kuhaan ng ganoong kasaysayan. Sumandal ako nang matiwasay sa aking kinauupuan at pansamantalang pinalipad ang aking imahinasyon. Pagdating ko sa aming bahay ay agad akong nagtanong kay mama at papa kung saan ako maaaring makahanap ng matandang matagal nang naninirahan sa amin. Ikinwento ko sa kanila kung para saan iyon at syempre, hindi kasama iyong pambabato sa akin ng eraser ni Mrs. Reyes. Itinuro nila ako sa isang lugar na alam kong bibihirang tunguhin ng mga tao. Isa umano iyong manggagamot ng mga nausog at isa sa mga pinakamatandang tao sa aming pook. Sa may dulo raw ng kakahuyan iyon nakatira. Kinahapunan, agad kong tinunton ang kinaroroonan niya. Mag-isa kong tinahak ang kakahuyan. Lumalamig na. Ang langit ay namumula na animo’y sinabuyan ng dugo. Inabot na ako ng ganitong oras ngunit wala pa ring kasiguraduhan kung mahahanap ko pa ang bahay ng matandang tinutukoy ni Ina. Inilabas ko ang aking flashlight. Ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Nilakasan ko ang aking loob at itinuloy ang aking paghakbang. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may hindi kalayuan ay mayroon akong natanaw na bahay kubo. Inilawan ko ito gamit ang aking flashlight. Napapaligiran ito ng mga puno na may hawig sa puno ng niyog. May maliliit at pabilog na patulis itong mga bunga na nagkukumpulan. Mayroon ding mga gumagapang na mga halaman ang naroroon. Pinatay ko bigla ang ilaw ng aking flashlight nang aking napansin na nagbukas ang pintuan ng bahay. May ilaw mula sa isang lampara ang lumabas dito na bitbit ng isang matandang lalaki. Panot ang kaniyang ulo at may nginunguyang kung ano. Hindi ko napansin na may humila na pala sa akin patungo sa likod ng malaking puno. Si Arnold pala, kababata ko. “Ano ang ginagawa mo rito?” hinihingal na tanong niya sa akin. Nagpaliwanag ako ng aking dahilan. Ibinalik ko ang tanong sa kaniya. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
“Nang aking malaman na pupunta ka rito ay agad kitang sinundan upang balaan ka na hindi magandang ideya ang puntahan ang matanda,” sagot niya sa akin na tila may takot sa kaniyang boses. “Hindi mo ba alam ang kwento ukol sa matandang iyan?” Umiling ako. “Nakakatakot.” “Mula nang umalis ka rito sa atin ay lumaganap ang kwento mula sa ating ilang mga kaibigan,” pagsisimula niya. “Marami sa ating mga kaibigan ang nakakita sa kaniyang ngumunguya ng kung ano. Mula sa kaniyang bibig ay may tumutulo na mapulang likido. Matapos nito ay dudura ng dugo at tila laman ng tao o hayop. Madalas din silang makakita ng mga balahibo at lamang-loob ng mga hayop na nakakalat sa paligid ng kaniyang bahay.” Nagsimula nang tumindig ang aking mga balahibo sa kaniyang mga kwento. “Madalas din ay may mga magulang na dala-dala ang kanilang mga anak upang ialay sa matandang ito. Minsan ay lumalabas ang magulang kasama ang mga anak na may mapupulang nakapahid sa kanilang noo, braso, balikat, at sa kung saan pang bahagi ng kanilang mga katawan. Ang ilan namang magulang ay lalabas sa kubong iyon nang umiiyak na hindi kasama ang kanilang anak.” Patuloy pang naglahad ng kwento si Arnold ngunit biglang sumigaw ang matandang lalaki, “Sinong nariyan?” Nagulat kaming magkaibigan at nangatog sa sobrang takot. Maya-maya pa ay narinig namin ang mga yabag ng matanda na unti-unting lumalapit sa aming pinagtataguan. Nagulat na lamang kami nang bigla siyang lumitaw sa aming harapan. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Habang ngumunguya ang matanda ay may pulang likido na tumutulo mula sa kaniyang bibig. “Ano ang ginagawa niyo rito?” mariing tanong ng matanda. Hindi ako makasagot sa sobrang takot. Marahan pa rin itong ngumunguya at sa bawat awang ng labi nito, kitang-kita namin ang kaniyang mapulang bibig. Dumura ito sa may paanan namin. ‘Dugo!’ Sa isip ko na lamang. Pumikit ako sa sobrang takot. Nang muli kong iminulat ang aking mga mata ay nakatulog lang pala ako sa sasakyan pauwi sa amin. Buti na lang at panaginip lang ang lahat! Pagdating ko sa aming bahay ay agad akong nagtanong kay mama at papa kung saan ako maaaring makahanap ng matandang matagal nang naninirahan sa amin. Ikinwento ko sa kanila kung para saan iyon at syempre, hindi kasama iyong pambabato sakin ng eraser ni Mrs. Reyes. Itinuro nila ako sa isang lugar na alam kong bibihirang tunguhin ng mga tao. Isa umano iyong manggagamot ng mga nausog at isa sa mga pinakamatandang tao sa aming pook. Sa may dulo raw ng kakahuyan iyon nakatira. Kumabog ang aking dibdib nang mapagtanto kong eksaktong ganito ang nangyari sa panaginip ko. Kaya imbes na puntahan agad ang matandang iskultor, pinuntahan ko muna kinahapunan si Arnold. Noong una ay nagdalawang isip pa ito ngunit nakumbinsi ko rin na samahan ako. May takot na nakapinta sa aming mga mukha, ngunit kailangan ko itong gawin. Hapon na ngunit hindi pa lubos na lumulubog ang haring araw. Nagtago muna kami ni Arnold sa likod ng puno na nasa aking panaginip. Muli kong nakita ang matanda. Ngumunguya na naman ito habang lumabas sa kaniyang bahay. Umiling-iling ito sa paligid. Lumakad patungo sa puno na tila niyog at pumitas siya ng mga bunga nito. Muli siyang umiling sa paligid. Pumitas siya ng ilang dahon mula sa halaman. Walang ano-ano ay, “Sinong nariyan?” pasigaw niyang tanong. Nagulat kaming magkaibigan at nangatog sa sobrang takot. Maya-maya pa ay narinig namin ang mga yabag ng matanda na unti-unting lumalapit sa aming pinagtataguan. Nagulat na lamang kami ng bigla siyang lumitaw sa aming harapan. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Habang ngumunguya ang matanda ay may pulang likido na tumutulo mula sa kaniyang bibig. “Ano ang ginagawa niyo rito?” mariing tanong ng matanda. Hindi ako makasagot sa sobrang takot. Marahan pa rin itong ngumunguya at sa bawat awang ng labi An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
44 . 45
nito, kitang-kita namin ang kaniyang mapulang bibig. Dumura ito sa may paanan namin. ‘Dugo!’ Sa isip ko na lamang. Pumikit ako sa sobrang takot. Nang aking muling iminulat ang aking mga mata ay naroroon na kami sa loob ng barong-barong ng matanda. Naroon din si Arnold na tila naalimpungatan sa aking paggalaw. “Anong ginagawa niyo sa likod ng puno?” tanong ng matanda habang may kinakalikot sa ibabaw ng lamesa. ‘W-wala lang ho. Nais ko lang ho sana kayong makausap,” nanginginig kong sagot. Humarap ang matanda sa amin. Hawak nito sa kaniyang kanang kamay ang bunga ng puno na binalot sa dahon na kaniyang pinitas kanina. Sinubo niya ito at marahang nginuya. May sunod pa siyang isinubo na tila abo. “A-ano po ang nginunguya niyo?” tanong ni Arnold matapos niyang humugot ng malalim na hininga. “Nganga at buyo,” sagot ng matanda na halos hindi namin maintindihan dahil sa kaniyang patuloy na pagnguya. “Hinaluan ko rin ng kaunting abo ng dinurog na kabibe.” Nagkatinginan kami ni Arnold. “Ako nga ho pala si Justin at siya naman ang kaibigan kong si Arnold,” pagpapakilala namin. “Ako si Astor,” ang sinagot niya sa amin. Hindi nagtagal ay may kumatok. Pinagbuksan ito ni Mang Astor at pumasok ang mag-asawang akay-akay ang kanilang anak. Muli na namang tumalon ang aking puso sa kaba. Inihiga ni Mang Astor ang bata sa kama at hinubad ang pangtaas. Niluwa ng matanda sa isang plato ang namumulang likido at mga dahon at bunga na nginunguya niya kanina. Hindi naman pala ito dugo o laman. Katas ng bunga ang pulang likido at ang mismong bunga ang tila laman ng hayop. Ipinahid ng matanda ang iniluwa niyang buyo at nganga sa ilang bahagi ng katawan ng bata. Tila may sinambit na ilang orasyon at nagpatuloy sa pagpahid. “Medyo mapula. Marahil ay nausog siya. Ako na muna ang bahala sa kaniya. Mas makakabuti kong magpapahinga muna siya. Malayo-layo rin ang uuwian niyo,” wika ni Mang Astor. Nagtango ang mag-asawa at agad ding lumisan. “Ano po ang mga nangyari?” tanong ni Arnold na nakakunot ang noo. “Nausog ang batang ito, kaya medyo ginamot ko,” sagot ng matanda. Tila hindi pa rin namin naintindihan ang nangyari. “Naging bisyo ko na ang pagnguya ng mga buyo at nganga kaya pumula na ang aking gilagid at mga ngipin. Halos oras-oras ko itong ginagawa. Pampatibay din umano ng ngipin,” kwento ng matanda. “Ginagamit ko rin ito upang manggamot ng mga nausog. Minsan pa ay dinarayo ako mula ibayong nayon kaya ang ibang ginamot ko ay pinapaiwan ko na lamang dito panandalian upang makapagpahinga.” Dagdag pa niya. “Kadalasan ang tawag sa mga katulad ko ay paramama.” Tumawa kami ng malakas ni Arnold. Nagtanong ang matanda kung bakit. Si Arnold ang nagkwento ng lahat ng nabuong kwento ukol kay Mang Astor. Halakhak din lang ang naisagot sa amin ng matanda. Nagkakwentuhan kami at sinabi ko na ang aking pakay sa kaniya. Sa pagpapatuloy ng kwento ay marami akong natutunan sa kaniya. Sigurado na sa aking pagbabalik sa paaralan ay ako ang may pinakamagandang salaysay na mailalahad sa kanilang lahat na aking pinamagatang, Ang Sining ng Pagmamama. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kudot-kudotan Sa panulat ni Ryan Ramirez Dibuho ni Voltaire Esquilona
Kung paanong noong ang aking kasibulan Ay nalipos ng dalamhati Ang sarili’y walang kamalayan Sa tagni-tagning luwalhati Kung paanong noo’y maging sarili Ay hindi makapalagayang-loob Ngiti’y madalas kung ikubli Tugon ay hindi rin maipagkaloob Subalit kung paanong ang sinag ay humapyaw Sa diwang tanging sa dilim bihasa Tanging sa iyong pagdating nabigyang linaw Ang mga sandaling maging anino’y inusisa Kung paanong noong ako’y sampung taong gulang Ikaw nama’y mas mura ng isang taon Tila ang mga nabigtas ay maayos na nakasalansan Animo’y nawakasan ang patlang na kahapon. Kung paanong tayo noo’y madalas magkita Upang maglaro ng ating paboritong libangan Sa ating mga puso, ang laro ay nakapinta Na kung tawagin natin ay Kudot-kudotan
Kung paanong naging matalim ang iyong bawat kurot Ay iyon ring kay sarap damhin Kung anong sidhi ng sakit na naidudulot Katumbas ng timyas sa aking damdamin Subalit kung paanong naging marami Ang malulugod na ating pinagsamahan Ay agad namang naunsiyami Ang pagkakabuklod na sana’y may kahahantungan Kung paanong naging mabilis Ang ating pagiging magkaibigan Iyon ring liksi ng iyong pag-alis Sa mundong pareho nating kinagisnan Kung paanong ang ating bawat halakhak Ang nagsilbing dibuho ng kahapon Ay siya ring kasing samyo ng mga bulaklak Sa tuwing sasapit ang dapit-hapon Kung paanong paghagilap sayo’y sa mga bituin itinala Nasaan ka na nga ba, kalaro kong madaya? Ang iyong pagkurot ay umuukilkil pa sa alaala Sana’y muli nating sariwain ang nakaraang kay ligaya
Kung paanong ang payak na laro ay aking sininta Kung paanong kay tagal ng panahong nagdaan Hindi rin matukoy ng aking kaalaman Sa wakas ay muli na tayong nagkaharap Kinurot mo ako, kinurot rin kita Ikaw pala’y nakahimlay sa iyong libingan Ang sambit mo sa akin, “Hinay-hinay naman.” Luha’y gumapang sa pisngi sa aking pagkurap Kung paanong noong ating pagsibol Ay madalas tayong magbiro Gunita’y hindi kailanman malilipol Kung paanong Kudot-kudotan ang naging paborito kong laro.
46 . 47
Daraga
Sa panulat ni Jeric Bigueras Dibuho ni John Gabriel Gallano
Pino Na hiro; Puwerte an gayon Pag namoot. Maogma Sa ngirit na kamahal-mahale. Kamahal-mahale An ngirit na maogma. Pag namoot Puwerte an gayon Sa Hiro na pino. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
M
apang-akit, mapaglaro’t mapaghabi ng pawis Ang apoy na lumalapnos sa murang katawan. Ang init na siyang dyaketa sa nakalingkis na taglamig, ang siya ring talukbong sa nakayapos na magdamag Hanggang sa madama ang pag-asa mula sa panibagong umagang paparating.
Mga larawan ni Ryan Ramirez, Jelalai Guab, & Jeffrey Medollar
Kalayo
48 . 49
Nilalaman
Kalayo
49 Uring na Bagul 50 Santigwar: Naupos na Alaala ni Rhodora 53 Kor么n 54 Gasera 57 Pinangat kun Apudon 58 Tigsik sa Tawong-Lipod, Atbp. 59 Tabak ki Panday 60 Sinapot na Masiramon
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Uring na Bagul Sa panulat ni Geronimo Conmigo Dibuho ni Jidy Onesa
Magkalot ki hararum Bagul na kinudkudan Gatungan, subsuban Pagtapos tambunan Hare nanggad pagpaparusan. Sa pugon ginagamit kadaklan An uring na sakong pinagdaplusan.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Santigwar: Naupos na Alaala ni Rhodora
Kalayo
50 . 51
ang iba’t-ibang anyo at hugis sa pinggan. Dahan“Unti-unting lumitaw dahang nabuo ang isang imaheng nagpalaki ng mata ni Diane.” . Sa panulat ni Jeric Bigueras Dibuho ni Voltaire Esquilona
Nag-aagaw na ang dilim at ang liwanag. Ang namumulang ulap ng takipsilim, animo’y dugong isinaboy sa kalawakan. Nakakatakot. Nakakakilabot. Samantala, ang malamig na bugso ng hangin ay malamyang bumabayo sa mga puno, dahilan upang magsimulang malagas ang ilang dahon mula sa matatayog na mga tangkay nito. Mistulang nakikiramdam ang panahon sa dalagang ninanamnam ang gabing nag-aabang. Ang tagpong iyon sa dapithapon ay pamilyar na sa kaniya, isang tagpong inihahatid siya sa kahapong minsan na niyang tinakasan at nilimot. Nakatayo siya sa labas ng pintuan at tila hindi matarok ng kaniyang gunita ang karimlang paparating. Taglay ng dalaga ang kaputian, nangungusap na mga matang binabagayan ng maliit na nunal sa ilalim ng kaniyang kanang kilay, at hanggang balikat na buhok na tinatakpan ang mahabang pilat sa kaniyang balikat. Ikalabing tatlo na nga pala ng Hunyo. Dalawang taon na rin rin pala ang nakakalipas mula nang mamatay ang kaniyang itinuring na matalik na kaibigan. Sa eksaktong araw ding ito ay kasabay na namatay ang hardinerong di umano’y nagwakas sa buhay nito. Sa mahaba-habang panahon na nagdaan, naikubli na ang pilat ng sugat sa kaniyang balikat mula nang saksakin siya ng kaibigan nang nagpakita ito sa kaniya sa parehong araw nang napaslang ito. Matagal niya na ring binura ang ringtone na kanilang paborito sa kaniyang cellphone na siyang nagpapaalala sa yumaong matalik na kabigan. Magkaganunman, hindi pa rin siya tinitigilan ng nakakagimbal niyang kahapon dahil magpahanggang sa ngayon ay laman pa rin ng kaniyang mga panaginip si Rhodora at ang itim na pusa. Napakasaklap ng mga pangyayari sa buhay ni Diane. Ilang buwan matapos mawala sa kaniya ang kaibigan ay namaalam na rin ang inang nagkupkop at nag-aruga sa kaniya. Bagaman hirap sila sa buhay ay mahal na mahal niya ang kaniyang ina. Nakakalungkot nga lang at bago ito mamatay ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Nawala man ang kaniyang ina, naipamana naman sa kaniya ang kakayahan nito sa tradisyonal na panggagamot, ang santigwar. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Nabasag ang sandaling malalim na nag-iisip ang dalaga nang magsimulang umihip ang hangin sa paligid. Muli niya na namang naramdaman ang takot na bumalot sa kaniya dalawang taon na ang nakararaan ngunit kaniya itong binalewala sapagkat nais niya nang kalimutan ang tagpong iyon sa kaniyang buhay. Sa di kalayuan ay natanaw niya ang isang hindi pamilyar na babaeng naglalakad papalapit sa kaniya hanggang sa matapat ito sa kaniyang lunan. Subalit hindi niya gaanong maaninag ang mukha ng dalaga sapagkat natatakpan ito ng kaniyang malalago at mahahabang buhok. Tanging ang kanang mata lamang nito ang nagbibigay ng anyo rito. Hindi niya mabasa ang kaibuturan ng nasabing babae ngunit batid niya ang pakay nito. Kailangan nito ang kaniyang panggagamot. Nakiramdam si Diane bago ibinuka ang kaniyang bibig para anyayahan ang dalaga na pumanaog sa kaniyang lunan.“Tara miss, pasok ka,” usal niya. Agad namang sumunod sa kaniya ang babae. Alas sais quince na ng gabi. Tuluyan nang nabalot ng dilim ang paligid sa loob ng bahay at tanging ang malamlam na apoy na lamang mula sa nakasinding kandila ang nagbibigay-liwanag dito. Bahagya niya nang naaninag ang mukha ng babaeng nakaupo sa harapan niya. Tanging mesa lamang na kinatitirikan ng kandila ang pumapagitna sa kanilang dalawa. Maamo ang mukha ng babae bagaman wala siyang makitang ekspresiyon mula rito.Nakatingin ito sa kaniya at naaninag niya ang mga namimintana nitong mga luha. Subalit, dama niya rin na may halong galit ang kaniyang nababanaag sa mga mata ng dalaga. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kinuha niya ang porselanang pinggan na kaniyang ginagamit sa panggagamot. Nagsindi pa siya ng isang kandila at matapos niyon ay pinagmasdan niya ang dalagang nakatitig din sa kaniya. Kakaiba ang dalagang iyon. Ito ang hinuhang naglalaro sa kaniyang isipan ng oras ding iyon. Subalit nagpatuloy pa rin siya sa kaniyang ritwal. Nagsimula nang maghabi ang kaniyang mga labi ng orasyon. “Ano’ng pangalan mo?” tanong niya. Nabalot muna ng sandaling katahimikan bago magsalita ang babae. “Dolora, iyan ang pangalan ko,” mahinang sagot ng babae. Pamilyar sa kaniya ang ganoong pangalan ngunit hindi niya gaanong maalala kung saan, kailan, o kanino niya iyon narinig. Muli siyang bumalik sa kaniyang ginagawa. Gamit ang kaunting mantika ay gumuhit siya ng tatlong maliliit na krus sa likurang bahagi ng plato. Matapos noon ay itinapat niya ito sa babae saka iginalaw sa hangin nang pakrus. Inulit-ulit niya ang ganoong kilos hanggang sa tumigil ang kaniyang kamay. Itinapat niya ang bahagi ng plato na may mantika sa apoy na nagmumula sa kandila. Ginalaw-galaw niya pang lalo ang apoy—pataas, pababa, patayo, at sa kung anu-anong pang direksyon. Unti-unting lumitaw ang iba’t-ibang anyo at hugis sa pinggan. Dahan-dahang nabuo ang isang imaheng nagpalaki ng mata ni Diane. Maliwanag na isang dalaga ang nabuong imahe sa santigwar; ang imahe na nagbigay ng pighati at sakit sa babeng nakaupo sa kaniyang harapan. Taglay ng dalaga sa imahe ang kaputian, nangungusap na mga matang binabagayan ng maliit na nunal sa ilalim ng kaniyang kanang kilay, at hanggang balikat na buhok na tinatakpan ang mahabang pilat sa kaniyang balikat. Nanlamig ang kaniyang buong katawan. Nanginig ang kaniyang mga kamay. Napuno ng pagtataka at takot ang kaniyang nadarama. Hindi siya maaaring magkamali. Siya at ang babae sa imahe ay iisa. Napatingin si Diane sa dalagang nakalikma sa kabilang bahagi ng mesa. Ang dating malamlam na mga mata ng dalagang binahahagian niya ng kaniyang husay sa panggagamot ay napalitan ng mga nanlilisik na mga matang punong-puno ng galit, pagkasuklam, at paghihiganti. Ibinuka niya ang kaniyang bibig para maghabi ng ilang salita ngunit bago pa man mangyari iyon ay biglang umihip nang malakas ang hangin. Namatay ang apoy sa kandila. Nabalot ng dilim ang paligid na nagdagdag pang lalo ng takot sa kaniya. Namatlang ang kaniyang isip. Hindi niya alam kung ano ang sunod na gagawin. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. Bulag ang mga matang dinama ng kaniyang mga kamay ang kinaroroonan ng babae sa kaniyang harapan. Ngunit kahit anong direksyon ng kaniyang kilos ay hindi niya na naramdaman pa ang babae. Bigla na lamang nawala ang babae sa kaniyang harapan. Lalo pa siyang kinilabutan sa nangyari. Napahakbang siyang palayo sa mesa. Nadama niyang muli ang takot na bumalot sa kaniya dalawang taon na ang nakalipas. Bigla na namang lumakas ang ihip ng hangin. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalayo
52 . 53
Napapikit siya. Nakiramdam. Hanggang sa marinig niya ang mga yabag na nagmumula sa kaniyang likuran na sa pakiwari niya ay nagmumula sa babae. Papalapit nang papalapit ang tunog na iyon. Pabilis din nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso. Kinapkap niya ang posporo at kandila sa kaniyang mesa at nang masapo’y kaagad niya itong sinindihan. Subalit nang lumiwanag na ang paligid ay nagimbal siya nang ang mukha ng babae ay nakadikit na sa kaniyang harapan. Nakabitin ito nang patiwarik sa bubong ng maliit na dampa. “Kumusta na Diane?” pambulat ng babae. Hahakbang na sana siya palayo ngunit hawak-hawak na siya ng babae sa kaniyang balikat. “Rhodora?” hingal na sambit ni Diane. Saka niya naalala na ang pangalang Dolora ay siya ring palayaw ng kaniyang matalik na kaibigan noong maliiliit na bata pa lamang sila. “Hindi maaari. Patay ka na! Pinatay ka na ng hardinero ” takot na bulalas niya. “Hardinero o ikaw? Oo, nagawa mong linlangin sila ngunit hindi ako. Alam kong ikaw ang sumaksak sa akin. Pinatay mo muna ang hardinero para sa iyong mga plano. Isinuot mo ang kaniyang damit at saka kinuha ang gunting na ginamit mo para saksakin ako. Matapos mo akong saksakin ay mabilis kang nagpalit ng damit at nagtungo sa paaralan para walang dahilan para mapagbintangan ka. Hindi ba? Nabago mo man ang iyong anyo ng mga oras na iyon ngunit hindi mo naikubli ang iyong pagkakakilanlan. Nang isaksak mo sa akin ang gunting na iyon ay nalanghap ko ang pabangong paborito mo noong bata pa lamang tayo; noong mga panahong magkasama pa tayo sa ampunan. Nabalot ako ng takot, lungkot at pagtataka noong ginagawa mo iyon sa akin. Ilang oras matapos kang umalis ng aking kwarto ay nahimasmasan ako. Kahit na alam kong nag-aagaw buhay na lamang ako ay sinubukan ko pa ding tumawag sa telepono mo, nagbabakasakaling mahabag ka sa akin. Ngunit huli na ang lahat. Nawala na ang aking buhay.” kuwento ni Rhodora habang malayang bumubuhos sa kaniyang mga mata ang luha. “Ikaw ang pumatay sa akin! Ikaw, Diane!” galit na hiyaw nito. “Oo. Ako ang pumatay sa iyo. Akala ko noong una ay ayos lang sa akin na nagkahiwalay tayo ngunit hindi pala. Inampon ka ng mayayamang tao samantalang ako ay kinupkop ng isang babaeng ang tanging yaman lang na naibigay sa akin ay ang kaniyang pagmamahal. Nasa iyo na ang lahat na wala ako. Ang sinapit mo ay nararapat lamang sa iyo,” garalgal na tugon ni Diane sa multong kaibigan. Pilit na nagpumiglas si Diane sa pagkakakapit ni Rhodora ngunit talagang malakas ito. Hinakbang niya ang kaniyang mga paa ngunit hindi pa rin ito sapat para makatakas siya. “Hindi na kita pakakawalan pa. Hindi ba’t nangako kang hindi mo ako iiwan. Tinupad ko ang pangako ko sa’yo noon. Ngayon ikaw naman ang sisingilin ko. Tutuparin mo ang pangako mo!” Buong lakas na nanlaban si Diane ngunit sa sobrang puwersa niya ay natapon sa dingding na gawa sa sawali ang kaniyang hawak na kandila. Unti-unting bumayo ang hangin at kasabay niyon, unti-unti ring sumiklab ang apoy sa kaniyang paligid. Palaki na nang palaki ang apoy. Paliit na rin nang paliit ang tiyansa niya para mabuhay. Sa huling pagkakataon humugot ng lakas si Diane hanggang sa nakawala siya sa napakahigpit na kapit ng kaniyang kaibigan. Subalit huli na ang lahat. Natupok na nang apoy ang paligid. Napakainit na nang paligid. Napaluha na lamang siya sa kaniyang malagim na sinapit. “Rhodora,” iyon na lamang ang huling salitang nasambit niya. Napakaliwanag ng buwang nakalutang sa kalangitan, wari’y nakatanaw sa isang nakakapanghilakbot na tagpo sa lupa. Napakalamig ng hanging bumabayo sa mga puno na tila sumasaliw ng himig sa nakakalungkot na pangyayari. Kasabay ng apoy na tumutupok sa munting bahay ay ang paglaho rin ng masasamang alaala sa magkaibigan. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Korôn
Sa panulat ni Jemina Neo . Dibuho ni John Gabriel Gallano
Tinigsik ko ang korôn Na ang irarum pirmi maation, Daing ligtas sa kalayong mainiton Duman sa harong ming sadayuton. Laagan ini ki mga pagkaong masiramun, Puon sa mga gulay asin sa iba pang kakanon. Minsan pwede man bugtakan ki tubig na inumon Asin mga bagay-bagay na abo mong may manghabon. Dai lamang ika masala na itago ini sa maski sain na irarom, O pabayaang nagasolo-solo sa lugar na madiklom. Kapag ika nakapalingaw na gamiton ang nagsasarong korôn, Pumakaray ka! Igwa pang ibang pwedeng gibuhon. Kung ika gutom, enot mong rumdumon ang dapat at gusto mong kaunon, Ipreparar mo ang mga rekados na saimong gagamiton. Sa pagluto, habang nagalagalang na sa isip mo ang pigtataguan kong korôn; Isunod mong asikasuhon ang kalan kung sain mo lulutuon Ang gabos na rekados na saimong tinipon. Yaon man sana kaya ang kaserola, kaldero, asin kawali na pwede mong pakiaraman. Habang pipunan mong solusyonan ang saimong gutom. Kung dawa maski saen, dae mo kayang mation, Ang presensya kang pinakapadaba mong korôn Na pigtataguan kan importanteng parte kan saimong lalawgon Luway lamang inoy! Yaon lang an sa arani kung sain pwede mo pang panuon. Girumduma, girumduma ang korôn na dai mo talaga kayang abuton Ta nawalat na palan duman sa sarong harong na ngunyan duminakulaon Kung sain pirming daing ribok ta wara man mga tawong dakulon. An satuyang saru-saruing koron na ngunyan malinigon. Naka-istar na sa kapalibutang maliputon, Ini ang korôn na sakuyang tapos nang tigsikon. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalayo
Gasera
Sa panulat at dibuho ni Jidy Onesa
54 . 55
“Nanginginig kong tiningala ang pinanggagalingan ng init. Nakita ko ang isa pang bola ng apoy na nag-aalab at pumipitik-pitik pa sa ere.”
M
insan ko nang nakita ang mala-gaserang ilaw na iyon sa gubat. Matingkad, nakakabulag, at namumutawi sa ilalim ng bilog na buwan. Ang anino ng mga puno ay tila mga kamay na inaabot ka sa hindi matarok na kadiliman. Tahimik nang una, ngunit ako’y kinilabutan nang biglang humampas ang malamig na hangin sa aking likod at nagsimula akong makarinig ng mga himig na makapanindig-balahibo; parang titigil sa pagtibok ang aking puso. Nakita ko na lang na duguang nakahandusay sa kalungkutan ng gabi ang pinakamamahal kong ina. Iniwan niya sa akin ang isang awit. Sa kadiliman ng gabi huwag matakot anak ko. Sa kadiliman mayroong kagandahan; Halina’t titigan ang mga ibon Sa kanilang himlayan sila’y naroon Kumakanta, umaawit, at hinaharana Ang-nag aalab na buwan At iniaalay ang sibol ng pulang rosas Sa kadiliman ng gabi. ***
ina.
Dumidilim na kaya minabuti kong sindihan ang gasera ng aking
Nang walang ano-ano ay nagkaroon ng maraming taong nagkumpul-kumpolan sa may daan patungo sa gubat. May namatay na naman dito sa nayon. Nagambala na lang ako nang sumigaw ang aming kapitbahay, “Lina! Si Isay ata yung nadale!” Agad tumaas sa aking lalamunan ang aking puso sa kaba at pangamba. Tinungo ko ang lugar na sinabing nakahandusay ang aking matalik na kaibigan. Humagulgol ako sa iyak nang aking makita na si Isay nga ang nakatihaya at walang buhay sa daan. Malinaw kong nakita na wasak ang pares ng kaniyang kamay at paa. Gutay-gutay din ang mga lamang loob niya na para bang sumabog mula sa loob. Lalo akong nasaktan nang mahalata kong tila ba tinusta sa apoy at nirahuyot ng libo-libong boltahe ng kuryente ang kaniyang labi. Sunod-sunod nang tumulo ang aking mga luha at naramdaman ko na lamang na may malamig na bagay na dumampi sa aking balikat. Isang matandang naka-itim na roba ang aking natanto. Puti ang mga mata nito at siya’y nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang bulok niyang ngipin at mamula-mulang ilong. Wika niya, “Umiyak ka lang iha habang may oras ka pa.” Kinilabutan ako; sinubukan kong mag-pumiglas pero hindi man lang ako maka-idlit ng galaw. Pinikit ko ang aking mata at sa aking pagmulat ay wala na ang matanda. Hindi ko pa rin malimot ang dinanas ni Isay. Hinog pa sa aking isipan ang kaniyang bangkay. Hindi ko napansin na nasa kaibuturan na ako ng gubat. Nawala ako sa daan. Maliwanag naman kahit papaano dahil sa katingkaran ng liwanag ng buwan sa itaas ng naglalarong mga ulap. Nagpatuloy ako hanggang sa may nakita akong liwanag. Nagulat na lamang ako nang bigla akong makarinig ng hindi maipaliwanag na kaluskos sa itaas ng mga puno. Para bang naglalagablab na bagay ang aking naririnig. Inihakbang ko ng mabilis ang aking An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
mga paa ngunit tila ba nakabuntot na sa akin ang tunog. Papalakas na ito ng papalakas. Tumakbo na ako; bulag ako sa kadiliman dahil sadyang itinago ng mga ulap ang mukha ng buwan. Dinako ko ang liwanag na kumukuti-kutitap sa dilim. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nasaksihan. Tumambad sa akin ang isang nag-aalab na bola ng apoy. Naparalisa ako sa takot hanggang sa makadama ako ng init mula sa aking itaas. Nanginginig kong tiningala ang pinanggagalingan ng init. Nakita ko ang isa pang bola ng apoy na nag-aalab at pumipitik-pitik pa sa ere. Gumalaw ang dalawang bola ng apoy na para bang nagsasabong sa ere; sumisilyab at nagtatagisan ng alab. Sobra-sobrang takot ang aking naramdaman. Hindi nagtagal, tumalsik patungo sa akin ang isa sa mga bolang apoy. Sumigaw ako ng malakas hanggang sa nabalot ng dilim ang aking paningin. Naalimpungatan ako. Mainit ang kapaligiran. Sinubukan kong gumalaw at naramdaman kong kumurot ang napakatinding sakit sa aking kaliwang braso. Binuksan ko ang aking mga mata. Una kong tinignan ang nananakit kong braso. Nabigla ako nang makita ko na tumutuklap na ang balat ng aking braso. Dumudugo ito, ngunit nabale-wala ko ang sakit nang mapansin kong nakatali ako sa isang puno. Sumigaw ako ng sumigaw, nagbabakasakaling may makarinig man lamang, ngunit ako’y nabigo. Nabalot ako ng takot at kawalan ng pag-asa. Gumuhit ang malamig kong luha pababa sa aking pisngi. Nagsimulang dumagsa ang mga taong naka itim na roba. Sinindihan nila ang maliliit na sulo na naka-hilera sa ibaba ng kinapapakuan ko. May dumating na lalaking naka maskara ng balat ng baboy ramo at sungay ng kalabaw. Tumawa siya at nagsalita ng linguwaheng kahit isang salita ay hindi ko maintindihan. Muling bumalik ang matinding pananakit ng aking katawan; namilipit ako sa sakit. Sumigaw ako ng sumigaw; nagbabakasakaling may magligtas sa akin. Inilabas ng lalaking nakamaskara ang isang itim na punyal at iniwagayway sa mga taong nanonood. Humiyaw sila ng malakas. Nabalot ako ng napakatinding takot. Naalala ko ang bangkay ni Isay na gumagalaw at parang nagsasabing mararanasan ko rin ang kaniyang dinanas. Lumapit sa aking harapan ang lalaki. Unti-unti niyang inilapit sa akin ang matalim na punyal at pinahindayos mula sa aking puson pataas sa aking dibdib. Nakaramdam ako ang hindi magkamayaw na hinaing ng mga manonood at ang pumapalyang tibok ng aking puso. Itinaas ng lalaki ang kaniyang kamay na para bang itataga na niya ang punyal. Pinikit ko ang aking mga mata. Naisin ko man ang lumuha ngunit wala na akong magagawa. Nasabi ko na lang ang salitang madalas sabihin sa akin ng yumao kong ina. “Diyos ko.�
***
Inabot ng ilang sandali ngunit wala pa ring saksak na pumataw sa akin. Binuksan ko ang aking mga mata at napansin ko ang isang matanda na naka-itim na roba na nakikipag-usap sa lalaking nakamaskara. Hindi ko sila maintindihan maliban na lamang nang gumuhit ng malaking bilog ang matanda sa hangin. Naalala kong bigla ang malaking bola ng apoy, ang liwanag na luminlang sa akin. Maya-maya ay may lumapit sa akin na mga nakarobang lalaki. Kinalasan nila ako sa pagkakatali at dinala sa isang maliit na kulungan. Umiyak ako. Hindi ko matarok ang dahilan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Sa gitna ng bilog na buwan ay dumaloy sa aking pisngi ang mga luhang tanging sa burol lang ni Inay ko inilabas. Nagpasya akong lisanin ang lugar na ito. Nangapa ako sa lupa ng matulis na bato at kinaskas An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
56 . 57
ko ito sa lubid na nakatali sa pinto ng kulungan. Humihingal at medyo nahihilo pa ako nang sinimulan ko ang pagtahak palabas ng hindi pamilyar na lugar na ito. Maingat kong tinungo ang kagubatan. Maigi kong sinuri ang paligid. Maingat na maingat kong itinapak ang aking mga paa ngunit ako’y nabigo nang may dumakma sa akin na matandang naka-itim na roba. Sumigaw ako ngunit tinakpan ng matanda ng sobrang higpit ang aking mga bibig. Nagsalita ito. “Tumahimik ka, iha. Kailangan mong tumakas sa lugar na ito.” May takot at pagdududa ko siyang sinagot, “Bakit mo ako tinutulungan?” “Ayoko nang mawalan ulit.” Nagtaka ako kung ano ang ibig niyang sabihin. “Mahal na mahal ka ng iyong ina. Dapat kang mabuhay alangalang sa kaniya at upang mawala ang sumpa ng mga saltelmong nagmula sa gasera ng iyong ina,” dagdag ng matanda. Hindi ko halos maintindihan ang kaniyang mga sinabi hanggang sa pumasok sa isip ko ang isang babae sa litrato na yakap-yakap si Mama noong maliit pa siya. Binuksan ko ang aking bibig upang tanungin siya ngunit bigla na lang siyang naglaho sa aking paningin. ***
Malayo-layo na siguro ang aking narating; mabilis pa rin ang tibok ng aking puso habang aking tinatakbo ang malawak na kakahuyang hindi pamilyar sa akin. Sumandal muna ako sa tabi ng puno upang sumagap ng kaunting hangin. Hindi pa ako kumpletong nakapagpahinga ay biglang ginulantang ako ng naglalagablab na tunog sa hindi kalayuan. Kinabahan ako; bumalik sa dating kapaguran ang aking puso. Alam ko sila na naman ang bubuntot sa akin. Hindi ko ininda ang sakit ng aking katawan at kirot ng sunog kong braso; tumakbo ako sa abot ng aking makakaya.
hindi kalayuan ay nakita kong panay sa takbo ng lalaking nakamaskara ng balat ng baboy ramo at may sungay ng kalabaw. Nagpatuloy ako ng pagtakbo upang makalayo sa kanila. Mula sa malayo ay aking nakita ang aming tahanan na pinaliliwanag ng gaserang sinindihan ko kanina lang. Dali-dali akong tumakbo. Sa aking bawat lingon ay nakikita ko ang mga naka-itim na roba at ang santelmong humahabol sa akin. Pinilit kong kumaripas pa ng takbo hanggang sa aking matunton ang bahay. Agad kong sinara lahat ng pintuan at bintana. Nagtungo ako sa liwanag mula sa gasera. Humugot ako ng napakalalim na hininga. Hingal na hingal pa ako. Mula sa dilim ay biglang lumitaw ang matandang babae na nakarobang itim. “Tapusin na natin ang sumpa,” sambit ng matanda. Hindi ko siya maintindihan. “Tapusin na natin ang sumpa,” muli niyang inulit habang papalapit siya sa akin. Kumalabog ang pintuan at mga bintana. May liwanag na nagmumula sa labas gawa ng mga santelmo. Kinuha ng matanda ang gasera ni Ina, “Ang sumpang binitawan ng iyong ina na sa tuwing liliwanag ang madilim na gabi dahil sa gaserang ito ay may buhay na kailangan isakripisyo,” may takot sa tinig ng matanda. “Ang kaluluwa ng mga nagsakripisyo ang siyang magiging langis upang patuloy na mag-alab ang apoy nito”. Nakapasok na ang mga nakarobang itim. Sa sandaling lalamunin na ako ng santelmo ay agad namang naihipan ng matanda ang apoy ng gasera. Dumilim ang buong paligid. Katahimikan ang bumalot sa gabing iyon. Tanging ang liwanag ng buwan ang siyang naging liwanag sa likod ng nakakagimbal na sumpang winaksi nang gabing iyon.
Hindi nagtagal ay nakakita ako ng liwanag. Hindi ito kalakasan ngunit tila ba maamo ito kaysa sa una kong nakita. Sinundan ko ito ng takbo at sa Bumulong sa hangin ang awit ni Inay,
Sa kadiliman ng gabi huwag matakot anak ko. Sa kadiliman mayroong kagandahan; Halina’t titigan ang mga ibon Sa kanilang himlayan sila’y naroon Kumakanta, umaawit, at hinaharana Ang-nag aalab na buwan At iniaalay ang sibol ng pulang rosas Sa kadiliman ng gabi. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Pinangat kun apudon
Sa panulat ni Ma. Kristhel Lopez . Dibuho ni Voltaire Esquilona
Sarong dayupot na ogma an sakong namatian Kan paghungit ko simong siram sakong naukudan; Maski siisay na mag-utob na ika namitan Guiraray dila mahagad na urit ini balikan. Kan enot na nahiling, sigurado kang mahapot, “Anu daw iyan na manatuk-natok?� Pinangat kung samong apudon Sarong tunay na urgolyo namong Bikolnon. Hipon man o sira sa lawod an ibugtak; Dae mahahali an pag-omaw sa Bikolnong tatak. Kaupod an kumpletong halat nin rekados Siram kaini saimong mananamitan tulos.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kadlagan
58 . 59
Tigsik sa Tawong-lipod, Atbp. Sa panulat ni Geronimo Conmigo Dibuho ni John Gabriel Gallano
Sa mga istoryang makatakot, Daeng madaog, sinda nangengenot. Mga barahibong nagtitirindog, Sa banwa kan epiko ni Baltog. Tinigsik ko ining tawong-lipod Minaruluwas dawa dae iapod. Gayong pag-ingat an kaipuhan Kalintura sasaparon ‘pag natimakan. Tawong-lipod na dae nagkaka-alo Dae naiiling kaya saimo ”Tabi apo!” Alagad sinda pwede man mabibisto, Esperma asin plato an kaipo. Tawong-lipod! Tawong-lipod! “Gumilid kamo!” ini an sakong hapod. Sa tulod ming dinuguan asin puto, Baanang dae pa kamo makuntento. Tinigsik ko man an mga aswang, Tuyong bulanon sinda nagruruluwasan. Pangontra sainda suwa ‘sin bawang, Amu ini ang tukdo kan mga sagugurang. Sa mga gadan sinda bantogan, Sa mga bados siring man. Mahamot sa saindang pamarong, Pagkakan na lalantakang masiramon. Tinigsik ko ining mga tiyanak, Mga nagadan na aki sa tulak. Tinigsik ko man an langitom na kapre, Minaistar sa lindong kan balite. Mga aki hare parakararaw Tibaad tigsik kong white lady magsuriyaw. Makubanan pati si amigang mangkukulam Isakay kamo sa sigid na siya an nakatukaw.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Tabak ki Panday Sa panulat ni Jann Paulo Matusalem Dibuho ni John Gabriel Gallano
Halaba, matagas, matarom Ini an sakuyang deskripsyon Ako nanggad, dae pagbasang-basangon Ta ang pagporma asin paggibo dipisilon. Bakal na daeng gayon, bakal na matagason Sa dila kan kalayo paagihon, painiton Danay na pukpukon asin pormahon Asin maluwas ang tabak na magayon. Sa mga nakaaging dekada Sa maray na gawi ako kairiba Ta daw ngonyan baga Sa karaotan ako piggamit na. Ako ngonyan nagmumundo Sakuyang buhay idinusay saimo Paggamit man giraray sa sako Bako marhay, bako maninigo. Ako an tabak Sakuyang buhay, sa tanos dapat ibugtak.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
60 . 61
Sinapot na Masiramon Sa panulat ni Mark Eljohn Occidental Dibuho ni John Gabriel Gallano
Dalanon ta an Bikol na magayon Sa dagang ini kita magkaon Sinapot na pighapod ay masiramon; Sa inubakang batag kita magpuon Sigurado an masiram na kakanon. An hinog na batag palanguyon sa harena, Asin ibugtak sa mainit na lana. Pinanamit sa kalayuhang bagul na nagbabaga. Daeng kasukol na siram na hatod niya Lantaki asin an Bikol mananamitan na.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
N
akikipagdagit sa alapaap ang mga labi ng hanging humahaplos, mula bumbunan hanggang sakong. Ang bawat pagaspas, ang paisa-isang himig, nakapanlulupig sa pobreng buhay na pagal.
Mga larawan ni Ryan Ramirez & Jelalai Guab
Kalangitnon
62 . 63
Nilalaman
Kalangitnon
63 Dignos sa Uma 64 Bituon 67 Alamat ng Tayangaw 68 Buradol 70 Alamat ng Aninipot 74 Asbo sa Kabilugan ng Buwan 76 Lambanog Chronicles 79 Haiku Para Kay Grace
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Dignos sa Uma Sa panulat ni Geronimo Conmigo Dibuho ni John Gabriel Gallano
Sa lindong ka kan Acacia, Nonoy Uya an salbatana ‘sin sadayut na gapo Maging marigmat an mata Sa saday ‘sin maitum na bayong. Purungot sa kabas-an, nagsasarabatan. Tipasi sa tirindog na paroy Titugpaan, kikaonan. Dignos! Dignos! Shoooooooooo! An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalangitnon
64 . 65
Bituon
Sa panulat ni Potpot Magalupad Dibuho ni John Gabriel Gallano
Kung may sarong bagay kaya na “nakakapanganga sako, maliban syempre kay Grace, iyo ang mga bituon sa kalangitnon.” “Pot! Pot!”
Nagkalagkalag ako sa palibot, pero dai ko mahanap kung sisay ang nag-aapod sako. “Pot! Pot!” nagkusog pa ang boses niya. Nagkiling ako giraray. Sa puntong ito, may nahiling akong may halabang buhok, bilugang mata, asin ngirit na... maka... makaga... makagaga… hmm. Bako talaga makagagadan eh. Kaya sigurado akong bako siya si Grace. Sa pagrani niya pa, saka ko siya namidbidan. Ah, si Edwin palan. Long hair lang ang peg niya habang sem break pa. “Pot, star ka ba?” hapot niya sako habang pigahingal pa siya. “Akala ko ba Edwin last na su banat mo last time?” hapot ko saiya habang pigahiling siyang maraot. “Last na talaga ini, Pot! Ano nga? Star ka ba?” sabi niya habang ngiritunununon. “O sya. Bakit?” “Kasi…” “Kasi ano?! Nagaidali ako Edwin! Sabihon mo na! Kasi ano?! Kasi ano???!” Nauubos na talaga pasensya ko. Late na kaya ako sa lakad mi ni Grace. Sa paghiling ko giraray saiya, garo na siya kuto. Sarap tirisin! Pero sa wakas, matapos ang akala kong pirang dekadang nag-agi, nagtaram na siya. “Kasi…” nagngirit pa si Edwin. Ngirit na garo panggadan. “Kasi ano???!” apot ko na nanlilisik ang mga mata. “Bang!” simbag ni Edwin. Naghagalpak ako sa kakaulok sa gilid kang agihan. Mababaw na kung mababaw, pero bumenta talaga sako ang banat niya. Naging worth it ang panggagambala niya sako. Haha! Maski garo may ADHD si Edwin, maski garo siya abnormal, pasalamat man giraray ako saiya ta napapaulok niya ako sa mga pinakabadtrip pati pinakadyaheng pagkakataon. Ikaw na bespren! Pero byebye muna. Sabi ko nga, may lakad pa ako. Nagdali-dali akong nagsakay sa jeep kasabay kang pagtanog kang 3315 kong cellphone na Hinahanap-hanap kita ang ring tone. Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas. Hinahanap-hanap kita. “Wer na u? Dito na me,” text ni Jejemon, este ni Grace. Lagot! Late na ako sa date mi. Bawas pogi points! Pasalamat na lang ako ta byaheng langit ang jeep na nasakyan ko. Dai pa naga-5 minutes nahiling An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
ko na siya—pati ang halaba niyang buhok, bilugang mga mata, asin ngirit na… haaay! Talaga namang makagagadan! Tulos kaming naglaog sa salon. Maparelax daw kaya siya ki buhok. Pakalaog mi, nahiling ko ang sarong lalaking garo pamilyar. Ah, siya su nahiling mi ni Grace last year sa Hepa Street na kaklase niya palan kang high school. Tama, siya su pandok siomai na naging dahilan kang pagseselos ko, na naging dahilan kang 1st LQ mi ni Grace. Akala ko papansinon siya ni Grace, pero dedma lang siya. Haha, maray man. Iniling ako ni Grace, sabay ngirit. Feeling ko lugod sobrang kakila-kilabot ang kagwapuhan ko sa pagkakataong ito. PumiPBB teens? Nagpuon na magparelax si Grace. Taod taod lang, may nag-apod sako. “Pot! Pot!” Nagkalagkalag ako sa palibot, pero dai ko mahanap kung sisay ang nag-aapod sako. “Pot! Pot!” nagkusog pa ang boses niya. Nagkiling ako giraray. Sa puntong ito, may nahiling akong may halabang buhok, bilugang mata, asin ngirit na... maka... makaga... makagaga… hmm. Bako talaga makagagadan eh. Kaya sigurado akong bako siya si Grace. Nagtindog ako para mahiling kung sisay. Ah, si Diego palan. Halaba na man ang buhok niya. Long hair lang ang peg habang sem break. At sabi niya pa, nagaparelax daw siya ki buhok! Ano kaya ang nainom niya ta ibang klase ang trip niya? Choco na gatas o gatas na choco? Sa kaaluyan kang paghalat ko, natapos man giraray ang kung ano man na orasyon na ginibo ninda sa buhok ni Grace. Ang mga babae nga naman, kahaloy-haloy na oras ang pigalaan para lang sa ikagagayon ninda. Taod-taod lang, nagbaba na siya sa may hagdanan. Narumduman ko lugod kung gano siya kagayon kang debut niya habang nagababa siya sa hagdanan. Sa pagtangod ko, nahiling ko siya. Ang babaeng may halabang buhok, bilugang mata, asin ngirit na makagagadan. Ang babaeng pinakamomoot ko poon kaito sagkod ngunyan. Ang babaeng papadabaon ko sagkod pa man. Kang nahiling ko siya, nalingawan ko ang pangaran ko. Hanggang sa inapod niya ako, “Pot!” “Ha? Ako?” apot ko saiya. Potpot man nanggad palan ang pangaran ko. “Bako lugod. Ako, ako,” pakaraw na simbag ni
Grace. Kung may mas magayon pa na word kesa sa magayon, iyo ito ang dapat na idescribe kay Grace. Ang bilugan nyang mga mata, nagkaiwa ki kislap na mas nakakasilaw pa sa flash light. Ang ngirit niyang makagagadan, duminoble pa ang kamandag. Ang halaba niyang buhok, lalo pang uminalaba. Naisip ko lugod, magparelax man kaya ako ki buhok? Joke! Waley! Naging maogma ang mga suminunod na aldaw na kaiba ko si Grace. Maski pangduwang beses na “naging kami” ni Grace, maski “boyfriend kuno” niya lang ako, maogma man giraray ako basta kaiba ko siya. Binansagan ngani ako kang mga barkada ko na “Dakilang Martyr kang Dibayn.” Pero arog talaga kaan ang buhay, parang bato. It’s hard. Basta ang pigaisip ko na lang, I will make the best out of what we have now. Nosebleed! Straight English ito ah. Naistorya ko kina Edwin (na successful ang pagparelax kang buhok), Diego (na naghihingalo ang sana dai na lang pinarelax na buhok) pati Bong (na warang buhok. Tumpak, kalbo kaya) ang status mi ni Grace ngunyan. Iba iba ang naging reaksyon ninda. Sabi ni Bong, itao ko lang daw ang gabos kay Grace. Ramdam niya daw kaya na kami talaga ang para sa kada saro. Dai daw ako magduwang isip na gibuhon ang gabos para saiya ta sa katapustapusan, kami man giraray magkakatuluyan kaya worth it ang gabos kong pagsasakripisyo. Siguro sa ngunyan daw, naguguluhan pa si Grace sa mga nangyayari. Pero maabot daw ang panahon na marerealize niya na padaba niya ako arog kang pagpadaba ko saiya. Sabi ni Edwin, ok lang daw na ngunyan pa lang, nararanasan ko na ang mga arog kaining heartbreaking na pangyayari. At least, kapag may mga mas heartbreaking pa na mangyari sa future, aram ko na kung pano ihahandle. Bako na masyado makulog sa part ko. Pero dai ko daw dapat itao ang gabos kay Grace. Magtada daw ako maski 10% lang sa sadiri ko para pag nag-abot sa point na itatapok niya na ako sa basurahan, pwede ko pang marecycle ang sadiri ko. Wow! For the first time in World History may sinabi si Edwin na may sense! Sabi ni Diego, lingawan ko na daa si Grace. Bako niya daw kaya ako padaba. Maski daw anong effort ang itao ko para samuyang duwa, kung abo niya, wara talagang mangyayari. Maabot at maabot daw talaga sa point na mapapagal ako na ipaglaban siya. Balewala daw ang paglaban ki kawal sa sarong digmaan kung ang mismong Hari nagsuko na. Arog kang pagkamoot. Balewala kung ako lang ang
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalangitnon
66 . 67
matao ki effort para samuyang duwa. Rayuan ko na daa siyang tuluyan. Hmm. If I know strategy lang ito ni Diego ta may lihim siyang pag-iling sako. Haha! Pero napaisip talaga ako sa sinabi nindang tulo. Naguguluhan na ako. Pakauli sa boarding house, nagdiretso ako sa rooftop. Nakatingala ako sa langit. May pigahalat akong mahiling. Aki pa kung maituturing ang kabanggihan. Habang nagahalat na mahiling ang sakong pigahalat na mahiling, naisip ko giraray ang mga advice kang tulo kong barkada. Isabay ta na ang gabos na kasentihan ko sa buhay. Padaba man nanggad kaya ako ni Grace? Kung dai, nata dai niya ako kayang padabaon? Nata dai niya ako kayang ipaglaban? Dapat daw na padabaon ko muna ang sadiri ko? O siguro, dahil sa pakiramdam kong bako ako kumpleto ta dai ko midbid kung sisay ang papa ko kaya dai ko kayang padabaon ang sadiri ko? Sa wakas, nagpahiling na siya. Ang pigahalat kong mahiling. Ang pinakaenot na bituon ngunyan na banggi. Kung may sarong bagay kaya na nakakapanganga sako, maliban syempre kay Grace, iyo ang mga bituon sa kalangitnon. Rumdom ko kang aki pa ako, sabi ni mama, pag nagadan daw ang sarong tawo, magiging bituon siya sa langit para bantayan ang mga padaba niya sa buhay. Sisay kaya ang bituon na nagabantay sako? Nagring ang cellphone ko. Nag-aapod si Grace. Sa umaga’t sa gabi sa bawat minutong lumilipas. Hinahanap-hanap kita. Sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana. Pig-off ko ang cellphone ko. Dai ko siya kayang kaurunon sa ngunyan. Siguro kaipuhan ko munang tawan ang sadiri ko ki oras para makapag-isip isip. Nagkaturog akong garo wara ako sa sadiri. Kinaagahan, chineck ko ang cellphone ko. May nagtext. “Star ka ba? Tinitingala kasi kita.” Guess who kung sisay ang nagtext. Grace? Engk. 8888? Engk. Diego? Plangak! I smell something fishy. Hinanap ko ang pangaran ni Grace sa cellphone ko pero wara akong nahanap. Pig-delete ko na palan kaya gabos na mga message niya. Nagdiretso ako pasiring sa Dibayn. Maski pigaiwasan kong isipon siya, aram mo na, kabaliktaran man giraray ang nangyari. Kinahapunan, dai ko na kinaya ang kamunduan. Ni sarong text o miskol ali saiya, wara talaga. Nakapagdecide na ako. Gusto ko siya makauron. Tulos akong nagduman sa boarding house. Wara daa si Grace, sabi kang boardmate niya. Dai daw niya naabutan si Grace kasuhapon sa boarding house niya. Maski mga gamit pati bado ni Grace, wara na. Dai man daw pati nagpaaram sainda kung masain siya. Inapudan ko si Grace. Pero cannot be reached ang number niya. Dai ko maiwasang matuliro sa pagkakataong ito. Kung sakaling may nangyaring maraot kay Grace, dai ko mapapatawad ang sadiri ko. Nagdiretso ako sa boarding house mi. Dai ko pa rin talaga makontak si Grace. Baka may kung anong nangyari kaya siya nag-aapod kasubanggi. Taod taod lang, may nagkatok sa gate kang boarding house mi. Binuksan ko ang gate. Nagluwas ako. Si Mama. May kaiba siyang alangkaw na lalaki na garo halos kasing edad niya. Kinugos ako tulos kang lalaking ito. Dai ko aram kung nata, pero naramdaman ko ang sarong kugos na ngunyan ko lang naramdaman sa talambuhay ko. “Pot, si Papa mo,” sabi ni Ma. Sa puntong ito, dai ko namalayan na nagturo na palan ang mga luha ko. Sa pag-abot ni Papa, iyo man ang pagkawara ni Grace. Nagtingala ako sa langit. Nahiling ko ang parehong bituon na nahiling ko kasubanggi. Narumduman ko si Grace. Sana warang nangyaring maraot saiya. Sana ok lang siya. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Alamat kan Tayangaw Sa panulat ni Geronimo Conmigo Dibuho ni John Gabriel Gallano
Tay, lang bata Tay, ang angaw lang bata. Tay, ang angaw mo lang bata. Tayangaw lang bata.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalangitnon
Buradol
68 . 69
“Napatingala ako sa langit. Nakita ko na ang saranggola na nasa kalangitan. Walang lubid na nakatali rito at ito’y malayang lumilipad nang napakataas at napakalayo na tila hindi na muling babalik pa.
”
Sa panulat ni Robela Regina Osial Dibuho ni Voltaire Esquilona
S
a sobrang bilis ko sa pagtakbo ay hindi ko namalayang nahulog na pala ako sa napakalalim na bangin. May tinatakasan ako subalit hindi ko mawari kung ano, sino, o bakit.
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kapaligiran. Pilit akong nag-aapuhap ng munting liwanag ngunit wala akong maaninag. Ramdam ko ang pagyakap ng dilim habang nararamdaman ko ang aking dahan-dahang pagkahulog sa bangin. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang matigas na sahig nang bumagsak ako mula sa kama. Saka ko lamang nabatid na panaginip lang pala iyon. Niyugyog ko pa ang aking ulo at paulit-ulit kong kinusot ang aking mga mata upang mapaniwala ang sarili na ang lahat ay panaginip lamang. Linggo ng umaga na pala ngayon. Plano namin ni Ina na magsimba at pagkatapos ay bisitahin ang aking ama na labing-limang taon nang nakapiit at nagdurusa sa likod ng malalamig na rehas. Sa totoo lang ay kinamumuhian ko ang aking ama. Hindi lang dahil sa siya ay nakakulong ngunit dahil sa siya ang nakapatay sa matalik kong kaibigan noong ako’y limang taong gulang lamang. Hindi madali ang ganitong sitwasyon. Napakahirap humabi ng kasagutan sa tuwing naitatanong sa akin kung nasaan ang aking ama. Hindi ko kayang tanggapin na ganoon ang tatay ko. Bakasyon na naman. Sa ganitong panahon, naaalala ko ang nakaugaliang pagpapalipad ng saranggola kasama ang aking Itay at nag-iisa kong kapatid tuwing hapon sa may Estanza sa Daraga. Sa aking Itay ko natutunan ang pagyari at pagpapalipad ng saranggola. Ilang taon na rin pala ang nakalipas mula nang huli akong nakapagpalipad nito. Ito lang ang ala-alang natatandaan ko. May mga alaala akong pilit na binabalikan ngunit may nagtutulak sa akin na kalimutan na lamang ang mga iyon. Noong ako ay nasa high school ay madalas kong itanong sa aking Ina kung bakit nakulong ang aking ama ngunit maikli lamang ang kaniyang tinutugon sa akin. “Hindi ibig sabihin na nakakulong ang iyong Tatay ay siya na ang may kasalanan,” may kasamang galit ang sagot ng aking Ina ngunit kasabay ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit ayaw niya nang sagutin ito. Magmula noon ay hindi ko na siya muling kinulit pa. Hindi ko man maintindihan, ngunit galit pa rin ang aking nadarama sa aking Itay. Makalipas ng labing-limang taon na pagkakabilanggo ay lumaya na ang aking Ama. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. May saya dahil muling mabubuo ang aming pamilya ngunit sa An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
kabila nito ay nandoon pa rin ang galit ko para sa kaniya. Magmula nang namalagi ang aking Ama sa aming bahay kasama ng buong pamilya ay palagi nang abot-tenga ang ngiti ng aking Ina. Ngunit malayo pa rin ang aking loob para sa aking ama. Naging matigas pa rin ang aking puso. Hindi ko pa rin siya napapatawad sa lahat ng kaniyang pagkakasala. Isang araw ay naratnan ko na walang tao sa aming bahay. Hinanap ko silang lahat ngunit nakaramdam ako bigla ng kaba. “Anak, nandito kami ngayon sa ospital. Isinugod ang Tatay mo dahil sa kaniyang malalang sakit.” Ito ang narinig ko nang tinawagan ko ang aking ina. Dama ko ang kaniyang malungkot at nanghihinang tinig. Dali-dali akong kumuha ng mga gamit na kailangan ng aking Tatay sa ospital at agad akong nagtungo sa pagamutan. Pagkarating ko ay pinatawag kami ng aking Ina ng doktor upang kausapin nang masinsinan. “Matagal nang may kanser ang iyong Ama,” panimula niya. “Malala na ito. Ilang panahon na lang ang nalalabi sa kaniya. Ayoko man itong sabihin ngunit wala tayong kasiguraduhan kung hanggang kailan na lang siya mabubuhay. Kaya habang may panahon pa ay lubusin niyo nang kasama siya.” Hindi ko na narinig pa ang mga kasunod na sinabi ng doktor. Nakinig ako nung umpisa ngunit nang katagalan ay nabingi na lang ako dahil hindi ko matanggap ang kaniyang mga sinabi tungkol sa kalagayan ng aking ama. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking inang nanghina sa balitang dala ng doktor. Matapos noon ay napansin ko ang mga mata ng aking ina na tila may nais ipahiwatig. Ang kaniyang mga tingin sa akin ay tila may hatid na pagbubunyag na matagal nang itinatago. “Anak, patawarin mo na ang iyong ama. Hindi naman talaga siya ang pumatay sa iyong matalik na kaibigan. Naalala mo noong nagpapalipad kayo ng saranggola, sa sobrang paghahabol mo ay aksidente mong naitulak sa daan ang iyong kaibigan na naging dahilan para siya ay mabunggo ng trak. Dahil na rin sa trauma ay nakalimutan mo ang mga pangyayari. Namatay ang iyong kaibigan at tinanggap ng iyong tatay ang iyong kasalanan.” Tila sumikip ang aking dibdib nang aking nalaman. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig. Sa loob ng labing-limang taon, napuno ako ng galit sa aking ama ngunit ngayon ay napalitan ito ng hiya at pagsisisi dahil sa kasalanan ko na kaniyang sinalo at pinagbayaran. Ako ang may sala ng lahat ng ito. Ako pala! Agad kong pinuntahan ang aking Ama at dali-dali ko siyang niyakap nang napakahigpit–yakap ng pagpapasalamat at pagmamahal ng isang anak sa kaniyang ama na sana ay labing limang taon ko nang ginawa. Kung alam ko lang sana na ganoon ang nangyari, matagal ko na siyang niyakap. Ako na lang sana ang nakulong. “Papa, sori sa lahat ng aking mga nagawa. Hindi ko alam na tinanggap mo ang kasalanan ko at ikaw pa ang nagdusa. Mahal po kita.” Tumulo ang luha naming mag-ama. Nadama ko ang sobrang kasiyahan. Ang pakiramdam ko ay animo’y saranggolang malayang lumilipad sa kalangitan. Umiiyak ngunit masaya ang aking ina at kapatid sa nangyari. Pagkatapos na isang linggo ay pinauwi na ng doktor ang aking ama. Niyaya ako ng aking ama na magpalipad ng saranggola katulad noong ako ay bata pa. Habang nagpapalipad kami ng saranggola ay pinapasok niya ako sa loob ng bahay upang kumuha ng maiinom. May biglang kaba akong naramdaman habang ako ay papasok sa aming tahanan. Pagbalik ko sa kaniyang kinaroroonan ay naratnan ko ang aking Ama na nakahandusay. Nabitawan ko ang basong hawak ng aking nanginginig na mga kamay habang mabilis akong tumakbo para tunguhin siya. Niyapos ko nang mahigpit ang aking ama kasabay ang mga luhang walang tigil ang pagpatak sa kaniyang naghihingalong katawan. Napatingala ako sa langit. Nakita ko ang saranggola na nasa kalangitan. Walang lubid na nakatali rito at ito’y malayang lumilipad nang napakataas at napakalayo na tila hindi na muling babalik pa. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Alamat ng Aninipot
Kalangitnon
70 . 71
“Mula sa pagkakapatlang ng buong paligid ay nasaksihan
ni Dalisay ang kariktan na dulot ng bukang-liwayway na madalang na kinulayan ang kapaligiran.”
M
Sa panulat ni Ryan Ramirez . Dibuho ni Jidy Onesa
insa’y mayroong isang pook sa pusod ng Bicolandia na walang kawangis ang taglay na kagandahan. Naglipana roon ang mga gabatong perlas na nagsisilbing palamuti sa nasabing lunan. Sa atmospera nito’y nag-aagaw ang mga kulay ng luntian, lila, kahel, at bughaw. Ang mga awit na nagmumula sa pag-indayog ng damuhan at mga bulaklak sa ilalim ng dagat ay mistulang nag-aalay ng halumigmig sa kapaligiran nito. Maligayang pagdating sa mahiwagang mundo ng Hamurabon! Doo’y matiwasay na naninirahan ang may walong daang Diwatang Kadagatnon na kasing-rikit ng mga bulaklak na buong-buo ang pagkakausbong. Karamihan sa kanila ay balingkinitan, mahahaba ang biyas, at mayroong buhok na abot sa tuhod. Hilig nilang umawit ng mga himno na kadalasang nagpapaidlip sa kanilang mga kaibigang isda. Minsan nama’y nahuhumaling sila sa paligsahan ng paglangoy. Sa kabila ng kanilang mariwasang tahanan, payak na maituturing ang kanilang pamumuhay. Si Inang Mithi ang pinuno ng kanilang lupon at ang nagtatag ng Hamurabon. Siya ang nagbigay sa mga Diwatang Kadagatnon ng kalayaan na isagawa ang kahit anong nanaisin nila maliban sa tatlong bagay: una, ang masaksihan ang bukang-liwayway; pangalawa, ang magtago ng lihim sa kapwa diwata, at pangatlo, ang makatuklas sa nakakubli. Kung sino o ano man ang tinutukoy ng “nakakubli” sa pangatlong alituntunin ay tanging si Inang Mithi lamang ang nakakabatid. Isang gabi, mayroong isang Diwatang Kadagatnon na nagngangalang Dalisay ang naghangad na masilayan ang daigdig sa labas ng kanilang kinagisnang tahanan. “Minsan ba’y ikaw ay nagtaka sa kung ano ang itsura ng mundo sa labas nitong karagatan?” tanong ni Dalisay sa matalik nitong kaibigan na si Mayumi. “Oo, subalit naririto na ang lahat ng pangangailangan natin sa Hamurabon,” sagot ni Mayumi, “kaya’t walang dahilan upang tuklasin pa ang mundo sa labas.” “May mga diwata rin kaya sa himpapawid? Sa lupa? May mga perlas din kaya roon? Mga bulaklak kaya?” pag-uusisa ni Dalisay. “Dalisay, itigil mo na ang pagsisiyasat mo sapagkat hindi ko rin alam at hindi ko nais ang iyong nais ipabatid,” sambit ni Mayumi. “Pagbigyan mo na ako,” pakiusap ni Dalisay sa An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
kaibigan habang may nangingilid na luha sa kaniyang mga mata, “kahit ngayon lamang.” “Subalit...” “Hindi ipinagbabawal ni Inang Mithi ang lumabas ng Hamurabon,” usal ni Dalisay, “Hindi tayo magtatagal.” “Babalik tayo bago pa man sumikat ang araw,” dagdag pa niya. Sa puntong iyon ay nagsimulang lumangoy patungo sa ibabaw ng karagatan ang magkaibigang diwata. Gamit ang kanilang mahahabang biyas, lalo pang tumulin ang kanilang paglalakbay hanggang sa narating na nila ang ibabaw ng karagatan. Pagkaahon sa gitna ng karagatan ay agad silang sinalubong ng buwan. Ito ang kaunahan-unahang pagkakataon na kanilang nabanaagan nang malapitan ang buwan na sa tagpong iyon ay kasing-bilog ng mga perlas sa ilalim ng karagatan. Kasabay din nito ang kanilang kauna-unahang paghagok sa sariwang hangin na nagmumula sa sansinukuban. Maya-maya’y nakita nila ang isang lalaking naghagis ng lambat sa laot. “Magandang gabi, mga binibining marikit,” pagbati ng isang ginoong matipuno, kayumanggi, at nasa dalawang dekada ang tanda kina Dalisay at Mayumi. “Ma-magandang gabi,” nauutal na sagot ni Mayumi. “Halika na. Umalis na tayo dito,” bulong ni Dalisay kay Mayumi. “Nais niyo bang pumanhik muna rito sa aking lunday?” pag-anyaya ng lalaki sa mga diwata na sumakay sa kaniyang bangka. Nagulat si Dalisay nang walang ano-ano’y hinila siya ni Mayumi patungo sa direksyon ng bangka. Pagka-akyat ng lunday ay agad na nagpakilala ang ginoo. “Alinsangan, tawagin niyo na lamang ako sa pangalang alinsangan,” sambit niya habang may bahagyang ngiti sa kaniyang mga labi. Mahinhin namang nagpakilala ang mga dalagang diwata. Doon ay malugod na nakipagkwentuhan ang ginoo sa dalawang diwata na para bagang kaytagal na nilang magkakilala. Masusukat sa kanilang mga halakhak ang mataas na antas ng kanilang kaligayahan. Ito marahil ang unang pagpapalitan ng mga hagalhal sa pagitan ng mga diwata at taga-lupa. Kung paano kabilis nabuo ang isang espesyal na pagkakaibigan ay iyon ring liksi ng panahon na sila’y nagkasama sa bangka. Kinalaunan ay nagpaalam na sina Dalisay at Mayumi sa ginoo bago pa man magbukang-liwayway. Isang gabi makalipas ang unang pagtatagpong iyon, may kung anong nagtulak kay Dalisay na hindi niya mawari upang siya’y muling pumalaot. Kung para saan man ang kaniyang muling paglalakbay— kung para sa sariwang hangin ng sansinukuban, para sa buwan na kasing-bilog ng perlas, o para sa ginoong bahagya kung ngumiti, ay hindi niya rin alam. Sa tagpong iyon, pinili niyang mag-isang tumungo sa ibabaw ng karagatan. Sa hindi kalayuan, sa parehong lugar kung saan siya umahon kagabi, ay naaninag niya ang isang bangka. “Alam kong babalik kang muli,” bigkas ng isang lalaking may malalim na boses. “Si Alinsangan,” bulong ni Dalisay sa sarili. Pagkapanhik ng diwata sa maliit na bangka ay agad na nagsagwan si Alinsangan patungong dalampasigan. Habang papalapit ang bangka sa baybayin ay mayroong maliit na dampa na nakita si Dalisay. “Iyan ang aking munting dampa,” pagbabahagi ni Alinsangan kay Dalisay nang napansin niyang nakatanaw ang dalaga sa kaniyang bahay, “kung saan ako ay naninirahang mag-isa.” Malalim pa rin ang gabi nang dumaong ang bangka sa pampang. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatapak si Dalisay sa sangkalupaan. Napuna ng diwata ang mga matatayog na puno sa paligid ng An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalangitnon
72 . 73
pook. Nabalot ng pagkamangha ang diwata nang kaniyang nakita ang mga bulaklak na kawangis ng mga bulaklak na matatagpuan sa ilalim ng karagatan. Kinalaunan ay inimbitahan ni Alinsangan si Dalisay patungo sa lilim ng isang puno kung saan tanaw nila ang karagatan na pinaliliwanag ng buwan na kasing-hugis ng perlas. “Matagal ko ng hinahangad na maging buwan,” paglalahad ni Alinsangan.
Nagulat ang diwata sa kaniyang narinig at malapitang pinagmasdan ang ginoo na akala niya’y nagbibiro lamang. “Nang sa gayo’y magkaroon ako ng kakayahang magbigay ng liwanag sa sanlibutan sa mga panahong dilim ang bumabalot dito,” pagpapatuloy ni Alinsangan, “kahit ang liwanag na iyon ay nagmumula sa araw at hiram lamang ng buwan.” Nagpatuloy pa ang pagbibitaw ni Alinsangan ng mga pangungusap na pumapatungkol sa kaniyang mga nais gawin sa hinaharap. Nakikinig naman ng maigi si Dalisay hanggang sa napuna niyang nakikita niya na rin ang kaniyang sarili na binubuo ang mga pira-pirasong pangarap kasama ang lalaking kaniyang katabi sa mga panahong iyon. “Hangad ko ring makabuo ng isang pamilya na minsan nang gumuho,” pahayag ng ginoo na sa sandaling iyon ay hindi na napigilan ang paggapang ng luha sa kaniyang pisngi. Marahang iniabot ng diwata ang kaniyang kamay upang hawiin ang luha mula sa namumugtong mga mata ng ginoong alam niyang nabalot ng hinagpis ang nakaraan. “Kailangan ko nang umalis,” pagpapaalam ni Dalisay nang dumaplis sa kaniyang kamalayan ang nalalapit na bukang-liwayway. Sa kaniyang unang hakbang pa lamang papalayo ay pinigilan na siya ng ginoo sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang kamay. “Manatili ka kahit sa ilang sandali pa,” pagmamakaawa ni Alinsangan. Ngiti lamang ang naisagot ng dalagang diwata, habang nakalapat pa rin ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay ni Alinsangan. Tila isang lirikong kay sarap pakinggan ng paulit-ulit ang mga salitang binigkas ng ginoo sa diwata. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kahulugan ang bawat paghampas ng mga alon sa baybayin, ang unang pagkakataong nagkaroon ng saysay ang bawat halushos ng hangin na dumadampi sa mga sangay ng punong mistulang pumapaimbabaw sa kalangitan, at ang sandaling natuklasan niya ang nakakubli. Sa tagpong iyon ay unti-unting sumulyap ang Haring Araw. Mula sa pagkakapatlang ng buong paligid ay nasaksihan ni Dalisay ang kariktan na dulot ng bukang-liwayway na madalang na kinulayan ang kapaligiran. “Kailangan ko nang lumikas,” ani Dalisay na bakas pa rin sa mukha ang pagkagilalas sa nasaksihan. “Bukas ng gabi. Hihintayin kitang muli rito sa ilalim ng puno,” wika ng ginoo. Yaon ay nagmadaling lumusong ang diwata pabalik ng karagatan. Hindi nagtagal ay nakabalik na si Dalisay sa Hamurabon. Agad na tumambad sa kaniya si Inang Mithi na pinapanatiling mahinahon ang sarili. “Inilahad sa akin ni Mayumi ang mga pangyayari,” pahayag ni Inang Mithi, “mula sa iyong lihim na paglalakbay, maging ang iyong pakikipagkita sa isang taga-lupa sa may dalampasigan.” Pinagmasdan ni Dalisay si Mayumi subalit ang kaniyang noo’y matalik na kaibigan ay hindi makatitig sa kaniyang mga mata. “Nais kong humingi ng paumanhin,” bigkas ng diwata. “Isa kang sutil, Dalisay!” sigaw ni Inang Mithi na puno ng pagkasuklam. Sa sandaling si Dalisay ay nakatingin sa mga pingas ng balintataw ni Inang Mithi ay umahon sa kaniyang ala-ala ang isa sa mga unang kwento ng kanilang inang diwata noong siya ay isa ring dalaga, katulad niya. Noo’y maligayang namumuhay sa lupa si Inang Mithi kasama ang kaniyang kabiyak na pangingisda ang ikinabubuhay. Sa katunayan, tinalikuran niya ang kaniyang pagiging diwata upang mamuhay nang An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
pangkaraniwan at walang bahid ng hiwaga. Subalit talaga palang bilog ang hugis ng mundo at kung kailan nasa rurok na sila ng kasiyahan ay biglang bumulusok ang takbo ng kanilang tadhana. Bukang-liwayway nang hindi magkamayaw na nagtungo ang kanilang mga kapit-bahay sa dalampasigan. Dali-dali ring sumunod si Inang Mithi, at doo’y kaniyang nasilayan ang naghihingalong si Makisig, ang kasama ng kaniyang kabiyak sa tuwing namamalakaya. Lumubog ang kanilang sinasakyan, at nilamon umano ng alon ang asawa ni Inang Mithi. Simula noo’y nabalot ng poot ang kaniyang puso tuwing nasisilyan ang bukang-liwayway, sa tirahang kaniyang kinagisnan, at sa trahedyang hindi sana naganap kung ang dating buhay ay hindi niya tinalikuran. Hindi lamang siya natakot na magmahal muli, kundi isinumpa niya ang ideyalismo ng pagibig dahil sa bangungot na sinapit ng lalaking kaniyang minahal ng buo’t lubos. Tinatak niya sa kaniyang isipan na hindi na siya iibig pang muli. Doon sumiklab ang pagnanais ni Inang Mithi na bumalik sa pagiging diwata at magtayo ng sarili niyang palasyo sa karagatan, kung saan siya’y nagbabakasakaling makitang muli ang kaniyang una’t huling pag-ibig. “Ikaw ay hindi na kailanpaman makakabalik dito sa aking karagatan!” nag-aalab na sinambit ni Inang Mithi, “Lumisan ka sa aking karagatan at maging apoy sa alapaap!” Umalis si Dalisay nang may dalamhati sa kaniyang damdamin. Ni hindi niya nagawang makapagpaalam sa mga kaibigang nakapalitan niya ng mga hagalhal, mga isdang minsan niyang pinaidlip at sa inang diwatang kinupkop siya tulad ng isang tunay na anak. Naging mabagal at puno ng lumbay ang paglalakbay ng diwata papalabas ng karagatan. Sa sandaling siya ay dumating sa laot ay naalala niya ang mga huling kataga ng ginoo bago pa man siya lumisan. Noon naramdaman ni Dalisay ang pagnanais na siya’y muling mahagkan ng lalaking tumulong sa kaniyang matuklasan ang nakakubli at ang hiling nitong sila’y magkitang muli. Sa kaniyang paglalakbay patungong dalampasigan ay muling nakita ni Dalisay sa pingas ng kaniyang balintataw ang naglalagablab na titig ni Inang Mithi at ang sinambit nitong siya’y magiging apoy sa alapaap. Sa pagkakataong iyon ay nadama niya ang pag-init ng paligid. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang paunti-unting pag-angat ng kaniyang katawan, sa tulong ng kaniyang bagong usbong na mga pakpak. Sa pamamagitan ng liwanag na sa kaniya rin nagmumula, naging mas madali ang pagsuong sa gitna ng kapatagang nababalot ng dilim. Siya nga ang pinakaunang aninipot, o alitaptap, na bahagyang nagpaliwanag sa alapaap ng Bicolandia tuwing sasapit ang gabi. Dali-dali niyang tinungo ang mayambong na puno sa dalampasigan na tila pumapaimbabaw sa kalangitan na magsisilbing tagpuan nila ni Alinsangan, subalit wala roon ang lalaking bahagya kung ngumiti. Agad siyang tumungo sa dampa ng ginoo ngunit kahit anino ng ginoo ay wala roon. Muli siyang tumungo sa kinatitirikan ng puno sa pagbabakasakaling naroon na ang lalaking naging espesyal na sa kaniya, subalit ang tanging nasilayan niya ay ang buwang hindi na kasing-bilog ng perlas katulad ng dalawang gabing nakakaraan. Noo’y naagaw ng buo ang kaniyang atensyon ng buwan na tila ba nakangiti ng bahagya sa kaniya. Naalala niya ang ginoong tumulong sa kaniyang matuklasan ang nakakubli. Ilang sandali pa ang nagdaan at muli niyang nasilayan ang pagsulyap ng haring-araw na ngayon naman ay para bagang nagngingitngit sa pagkamuhi, katulad ng kaniyang inang diwata, ayon na rin sa kulay nito. Sa pagkakataong ring iyon ay biglang humapyaw sa sisikdo-sikdong alaala ni Dalisay ang pangalan ng una’t huling pag-ibig ni Inang Mithi. “Alinsangan, tama. Alinsangan rin pala ang kaniyang ngalan,” bulong ni Dalisay sa kaniyang sarili.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Asbo sa Kabilugan ng Buwan
Kalangitnon
74 . 75
Iminulat ko ang aking mga mata na animo’y matagal nang magkadikit. Pinipilit kong maghanap ng kahit kaunting liwanag ngunit binabalot at niyayakap ng kadiliman ang paligid. Sa gitna ng naka-bibinging katahimikan ay may narinig akong sigaw na tila tumatawag ng aking tulong. Sinundan ko ang pinagmumulan ng tunog. Papalakas ito ng papalakas. Padiin ito ng padiin. Nang biglang may nilalang na humarang sa aking harapan, dahilan para tumayo ang aking balahibo. Isang nilalang na kasing-itim ng uling, may nagbabagang mga mata, matutulis na ngipin, malalaking mga pakpak, at mahahabang mga kuko. Mabilis na kumaripas ng takbo ang nanginginig kong mga paa. Sa kabila nito, ramdam ko pa rin ang nilalang na humahabol sa akin. Palalim ng palalim ang gabi. Pasikot-sikot ang aking dinaraanan. Parami nang parami ang humaharang sa akin. May nasilayan akong kaunting liwanag. Nagbigay ito sa akin ng lakas at pag-asa upang makatakas ngunit nang papalapit na ako nang papalapit ay biglang may malamig, mabalahibo at matutulis na mga kuko ang humablot sa aking mga paa. Ito ang laman ng liham na aking binasa matapos ang hapunan naming mag-asawa. Walang nakalagay na pangalan kung sino ang nagpadala nito. Tila mayroong pinapaabot na kahulugan ang sulat na ito, ngunit hindi ko lubos na maunawaan. Ang himoy ng hangin ang siyang naging taga-pagsalaysay ng aking kapiligiran. Sinubukan kong basahin itong muli, ngunit pinigilan ako ng malakas na ihip ng hangin. Tila may pulang mga mata sa aking harapan na siyang nagnakaw ng aking pansin. Tila binabantayan ako nito habang ako ay nagbabasa. Bumilis ang pintig ng aking pulso. Hindi ko mapigilang kabahan kaya bigla akong napauwi sa aming bahay. Buti na lang ginagabayan ako ng bilog na buwan upang aking makita ang aking dinaraanan.
“Dumating ang panahong aking kinakatakutan–kabilugan ng buwan.�
Sa panulat ni Robela Regina Osial . Dibuho ni John Gabriel Gallano
Pag-uwi ko sa aming bahay ay nadatnan ko ang aking minamahal na kabiyak na nagdadalang-tao. Isang buwan na lang at manganganak na siya. Isisilang na niya ang aming panganay. Bagong lipat lamang kami rito sa bayan. Mahigit walong buwan na rin. Gusto naming lumayo upang tuluyan ng makalimutan ang pagpapakamatay ng aking ina. Lumayo kami roon dahil nais naming magsimula nang masaya at buo ang pamilya at upang harapin ang bukas. Noong nabubuhay pa ang aking ina ay madalas kong mapansin ang kaniyang kakaibang mga galaw. Alam kong hindi iyon pangkaraniwan sa hubad na mga mata at higit na para sa aking ina. Bata pa lamang ay usap-usapan na sa aming bayan ang pag-iiba ng anyo at ang pagkain ng hayop at lamang-loob ng aking ina.Noong una ay hindi ako makapaniwala dahil hindi ko iyon nakikita sa kaniya. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Subalit, hindi naglaon ay ako na mismo ang nakasaksi ng mga pagbabagong iyon sa kaniya. Hindi maitatago sa kaniyang mga ikinikilos ang pagkauhaw at pagkagutom sa mga lamang loob at maging sa mga sanggol sa sinapupunan ng mga nagdadalang-tao. Dama ko ang kaniyang hangarin na hindi ipaalam at ipakita sa akin ang lahat ng ito ngunit alam kong darating ang panahon na sasabihin niya rin sa akin ang katotohanan. Panahon na tila ba hindi ko na ninanais pang mangyari. Walong buwan na ang nakakalipas nang namatay ang aking ina. Walong buwan na ring naipasa sa akin ng aking ina ang itim na batong lumabas sa kaniyang bibig bago siya bawian ng buhay. Ayoko man sana itong tanggapin ngunit wala akong nagawa. Ang sumpa na kinatatakutan ng lahat ay nasa akin na. Hindi ako makapaniwala. Ni minsan ay hindi ko ito pinangarap. Dumating ang panahon na aking kinatatakutan–kabilugan ng buwan. Nagtungo ang aking asawa sa kabilang bayan upang magpakonsulta sa doktor tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Dahil na rin sa may kalayuan ang kabilang bayan ay napagpasyahan naming doon na lang siya matulog sa kaniyang kapatid samantalang ako naman ay maiiwan upang magbantay sa aming tahanan. Habang papalapit nang papalapit ang hating gabi ay pasikip nang pasikip ang aking dibdib. May pagbabago akong nararamdaman sa aking katawan. Pagtitig ko sa salamin ay hindi ko na nakilala pa ang aking sarili. Lumalagablab ang aking mga mata;tinubuan ako ng maitim na balahibo sa aking katawan; ang aking mga pangil ay mas lalong tumalas at humaba ang aking matutulis na kuko na tila ba handa ng kumitil ng buhay. Sa kailaliman ng bilog na buwan ay malakas akong nakaamoy ng laman ng hayop. Sinundan ko ng aking pang-amoy ang isang baboy-ramo na agad ko namang sinunggaban. Hindi ko namalayan na puro dugo na ang aking bibig. Agad akong bumalik sa aming bahay at muling nanumbalik ang aking anyo. Hinayaan ko ang tubig na dumaloy upang hugasan ang dugo sa aking katawan. Isang buwan na ang nakalilipas at pilit kong pinipigilan ang aking sarili. Mas naging malakas ang aking pang-amoy sa mga lamang-loob lalo na sa mga dinadalang sanggol ng mga buntis. Naisip ko ang aking anak na nasa sinapupunan ng aking asawa. Ayoko siyang kainin. Mahal ko ang aking mag-ina. Hindi ko gusto na sila’y mapahamak. Isang gabi, bigla akong nagising. Iminulat ko ang aking mga mata na animo’y matagal nang magkadikit. Pinipilit kong humanap ng kahit kaunting liwanag ngunit binabalot at niyayakap ng kadiliman ang paligid. Sa gitna ng nakakabinging katahimikan ay may narinig akong sanggol na tila ba sa akin ay tumatawag. Sinundan ko ang pinagmumulan ng tunog. Papalakas ito ng papalakas. Dinala ako ng aking mga paa sa silid ng aking asawa. Nakita ko siya na tahimik na natutulog. Ilang araw na lamang at ilalabas na ang aming panganay. Nasasabik ako sa kaniya. Pananabik hindi dahil sa ako ay isang magiging ama na, ngunit dahil may masarap na sanggol sa kaniyang sinapupunan. Sabi ng aking ina ay mas masarap ang bagong luwal na bata kaysa sa masabaw na balut na nasa sinapupunan. Ngunit hindi ko na mapigil pa ang aking sarili. Umakyat ako sa kaniyang higaan. Inangat ko ng kaunti ang kumot at ang bistadang suot na aking mahal na asawa. Hinimas ko ang kaniyang hubad na tiyan kung saan napapaloob ang aking sanggol. Ang aking agahan. Natigilan ako. Naramdaman kong muli ang unti-unting pagbabago ng aking kaanyuan. Hindi ko ninanais ang mga maaaring mangyari. Hindi ko maaaring isakripisyo ang aking anak kapalit ng aking nagugutom na sikmura. Tumakbo ako papalabas ng aming bahay bago pa man may mangyaring lubos kong pagsisihan. Sa ilalim ng napakaliwanag at bilog na buwang nakayuko sa akin ay winakasan ko ang aking buhay. “Ginawa ko ito hindi sa kadahilanang ayoko ng danasin ang sumpang inatang sa akin ngunit para na rin sa iyo at sa ating magiging anak. Nais ko nang maputol ang sumpa para hindi na sapitin pa ng ating anak ang sumpang makasalanan at kamumuhian ng lahat. Bahala na ang Diyos. Patawarin Niya sana ako. Sa kaniya ko na ipinauubaya ang lahat ng ito.” Unti-unting naglaho ang hangin sa paligid. Kasabay nito ibinulong ko sa hangin ang mga katagang iniaalay ko para saking asawa, “Magpapakita ako tuwing kabilugan ng buwan at unti-unti mong mararamdaman ang higpit ng aking yakap.” An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Lambanog Chronicles
Kalangitnon
76 . 77
“Ngunit, nang aabutin ko na ang baso ay nasa kamay na pala ito ni Nico at nang naubos niya ito, alam kong naubos na rin ang pag-asa ko kay Rachel.” Sa panulat ni Norlie Garbida Dibuho ni Jidy Onesa
I Ang Basong Nasayang Masaya kong hinarap ang araw na iyon sapagkat darating na siya. Ilang buwan ko rin siyang hindi nakita sa kadahilanang sa Maynila siya nag-aaral. Hindi ko na maitago pa ang aking pananabik na muli ko siyang makita kaya agad akong nagtungo sa waiting shed kung saan namin siya hihintayin. Mabango ang mga bulaklak na nasa aking mga kamay, isang magandang regalo para sa kaniyang muling pagbabalik. Pinili ng kaniyang mga magulang na pag-aralin siya sa malayong lugar kaya tuwing bakasyon ko na lang siya nakikita. Sa wakas, nandito na ang dyip na kaniyang sinakyan pauwi. Marami ang pasaherong bumaba ngunit namukadkad ang kaniyang kagandahan sa kanilang lahat. Nakita ko si Rachel, ang babaeng minamahal ko. Ngunit bago pa man ako makalapit sa kaniya, ay may tumapik sa aking likod. “Gary, akin na yung bulaklak,” utos sa akin ni Nico, ang matalik kong kaibigan. Ibinigay ko naman ang bulaklak sa kaniya at dali-dali siyang lumapit kay Rachel upang iabot ito sa kaniya. Nakangiti si Rachel nang makita ang mga ito at agad siyang hinagkan ni Nico nang may buong pagmamahal. Kahit mahirap, pinilit kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Hinatid namin si Rachel sa kanilang bahay. Nadatnan namin ang kaniyang ama na tumatagay ng paborito nitong lambanog. Katulad ng dati, bago pa man kami nakaiwas sa kaniya ay tinawag na kami nito. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
“Gary! Nico! Samahan niyo nga muna ako rito,” pag-anyaya ni Mang Arthur. Wala na kaming nagawa kung hindi sundin ito. Natatandaan ko pa ang unang pagkakataon na inimbita kami nitong tumikim ng lambanog dahil kay Mang Arthur noong nakaraang taon. Tila ba isa iyong pagsubok na hindi ko naipaglaban. *** Isang taon na ang nakalipas nang hinamon kami ng kaniyang amo, “May pakay ako sa inyong dalawa, Gary at Nico.” Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Maya-maya’y inilabas niya ang isang malaking bote ng lambanog at isang malaking baso. Pinuno niya ng lambanog ang baso at inilapag sa aming harapan. “Alam niyo naman siguro na mahal ko ‘yang anak ko at gusto ko mapunta siya sa isang lalaking my lakas ng loob na kaya siyang ipaglaban. Kaya naman kung sino sa inyo ang may lakas ng loob na ligawan ang anak ko ay dapat ubusin ang lambanog na nasa basong ito,” hamon ni Mang Arthur. Nagkasalubong ang tingin namin ni Nico. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya nang mga panahon na iyon. Basta ang alam ko, maliit pa lang kami ay gusto ko na si Rachel at nais ko siyang ipaglaban. Iyon na sana ang pagkakataon kong patunayan ang sarili ko at ang aking pag-ibig sa kaniya. Ngunit, nang aabutin ko na ang baso ay nasa kamay na pala ito ni Nico at nang naubos niya ito, alam kong naubos na rin ang pag-asa ko kay Rachel. Alam kong hindi ko kayang pigilan ang kaligayahan ng kaibigan ko. Isang ngiti lang ang tinugon ni Mang Arthur sa amin. Di nagtagal ay naging kasintahan ni Nico si Rachel. *** Nasa harapan kaming muli ni Mang Arthur at tila may hatid na naman siyang sorpresa sa amin nang inutusan niya si Rachel na kumuha pa ng isang bote ng lambanog. Ngunit sa pagkakataong ito ay dalawang baso na ang kasama ng lambanog. “Ito ay para sa taong tunay na nagmamahal sa anak ko,” wika ng matanda habang pinupuno ang unang baso. Laking gulat ko nang itinapat niya ito sa akin. “Ito naman ay para sa kaibigang hindi siya iiwan,” sabi nito nang ibinuhos ang lambanog sa ikalawang baso na itinapat naman niya kay Nico. Hindi ko alam kung dahil lang sa kalasingan kaya nagawa iyon ni Mang Arthur o maaaring dahil mayroon na rin itong nalalaman sa nararamdaman ko para kay Rachel. Hinawakan ko ang basong nakatapat sa akin at tumingin ako kay Rachel na halatang nagulat sa mga nagaganap. Ilalapit ko na sana ang baso sa aking labi nang pinigilan ako ni Nico. “Pare, akin ‘yan. Para sa taong nagmamahal kay Rachel ‘yan,” sabi nito at kinuha ang baso sa akin. Napangiti ako sa ginawa ni Nico. Siguro nga, hindi talaga yun para sa akin dahil kahit labis ko siyang mahal, hindi ko siya kayang ipaglaban. Kinuha ko ang basong nasa tapat ni Nico. Baso na “Para sa kaibigang hindi siya iiwan.” “Tama nga, bilang kaibigan, hindi kita iiwan Rachel,” naisip ko, kahit masyado na akong nasasaktan. II Isa pang Tagay Lumalalim na ang gabi at tila marami na rin ang nainom ni tatay at ng kainuman nitong si Gary. Nauna nang umuwi si Nico dahil baka umano matinding sermon ang maabutan niya kapag lalo pa siyang magtagal, ngunit alam kong hindi na rin nito kaya. Hindi ko naman siya masisisi dahil matinding inumin din ang lambanog kaya nagtataka ako dahil naririto pa si Gary. Lumipas pa ang ilang sandali at napansin ko na hindi na rin nito kaya. Papauwiin ko na sana ito nang narinig ko ang pinag-uusapan nang dalawa. “Mang Arthur nakahanap na ba kayo ng isang bagay na gustong gusto mo pero hinding hindi mapapasayo?” tanong ni Gary na tila tinamaan na ng lambanog. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Kalangitnon
78 . 79
“Hindi pa, dahil lahat ng gusto ko ay napapasa-akin,” payabang na sagot ng aking tatay. “Ah ganun ba, kahit may masaktan kayong tao?”
“Kahit ako pa ang masaktan, basta maipaglaban ko ang bagay na nakakapagpasaya sa akin. Maikli lang ang buhay kaya dapat walang masayang na pagkakataon. Kaya ikaw, magtapat ka na sa anak ko.” Nabigla ako sa sinabi ni tatay, baka lasing na ito kaya kung anu-ano ang pinagsasabi pero mas nabigla ako sa mga sumunod na sinabi ni Gary. “Paano niyo po nalaman ang nararamdaman ko para kay Rachel?” “Palagay mo ba hindi ko nahahalata? Binigyan na nga kita ng pagkakataon ng pinainom ko sa inyo ‘yung isang basong lambanog kanina nang tinapat ko saiyo iyong baso pero sadyang mabagal ka talaga.” “Pasensiya na po kayo pero hindi ko talaga kaya, kahit mahal ko siya, nobya na siya ni Nico at baka hindi rin niya ako tanggapin,” wika nito na may pighati sa tono. Hindi ko inakalang may nararamdaman din pala si Gary para sa akin. Kanina, nagulat ako nang kinuha nito ang unang baso ng lambanog pero ngayon ay naiintindihan ko na. “Sabi nila, mas malakas na katapangan ang kailangan para umatras kaysa lumaban pero alam mo kapag hindi mo sinubukang lumaban, palagi kang matatalo. Kapag hindi ka magtanong, ang sagot ay palaging hindi,” pagpapaliwanag ni tatay. Natigilan si Gary sa kaniyang narinig at nakita kong uminom ito ng isang pang tagay. Tumayo ito sa kaniyang inuupuan. Inisip kong lalapit siya sa akin pero humarap lang ito kay tatay. “Pakisabi na lang po sa anak niyo na mahal ko siya,” sabi nito bago magsimulang lumakad pauwi. *** Naisip ko si Nico kaya hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga pangyayari kagabi kaya naman kinaumagahan ay kinausap ko si tatay tungkol dito at sinabi niya ang isang bagay na dapat matagal ko nang nalaman. “Anak, hindi ka naman dapat malito dahil alam mo sa sarili mo kung ano at sino talaga ang gusto mo. Dapat mo lang sundin iyon,” payo ni tatay sa akin. Tama nga siya, isa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang mahalin ako ng taong mahal ko at matagal nang natupad yun. Mayamaya’y tinawag ako ni tatay dahil may bisita daw ako. Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Gary. Bakas sa mukha nito ang mga nangyari kagabi dahil halatang kinakabahan ito. “Rachel, may sinabi ba si Mang Arthur sayo?” kinakabahang tanong nito. Sinabi kong wala naman akong narinig kay tatay at napansin kong nawala ang kaba nito ngunit hindi ko hahayaang palampasin ang pagkakataong iyon. “Walang sinabi si tatay pero alam kong may gusto kang sabihin sa akin,” tugon ko sa kaniya. Pansin ang pagkalito sa mukha ni Gary nang sinabi ko iyon pero alam kong naintindihan ako nito. Nakita ko ang ngiti sa kaniyang labi. Sa wakas, dumating na ang pagkakataon na maging totoo kami sa aming mga sarili.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Haiku para kay Grace Halabang buhok. Ngirit na makagadan. Bilugang mata. Sa panulat ni Potpot Magalupad Dibuho ni Voltaire Esquilona
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
80 . 81
Epiko ni Damlag Sa panulat ni Jeric Bigueras
“Sa loong pinagpalang kalupaan Lumalagaslas ang tubig sa katubigan Kaanib ang hanging kumukumpas sa kalangitan Lumalagablab ang apoy sa sakong ng bulkang yaman.� An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
82 . 83
Daang libong taon na ang nakararaan May isang mayamang lupain sa Timog-Silangan Mayambong na lupang may taguring Kabik-olan Lahing oragon sa dugong nanalaytay ay siyang ginikanan. Pook na itinuring, binalot higit pa ng kapayapaan Wagas na pag-ibig ay namamayani sa kanilang kaibuturan Pagsibol at pagyabong na handog ng kalikasan Inaaring buo, ‘di-mapantayan, sa lupang tinubuan nakalaan. Nasabing sakop ay minsang pinamunuan Ni Sultan Makusog na nagmula sa maharlikang angkan Malakas, mahusay, makisig: kaniyang taglay na katangian Hindi maiwawangis, Hindi mapapantayan ng sinuman Apat na elemento ng daigdig na kumakanlong sa oragong lupain Magkakasintibay, magkakasinghalaga, bagaman sala-salansang ituring Tagapagbigay ng buhay at lakas, sampu sa maririkit na tanawin Kamang-mangha, Katangi-tanging lakbayin at danasin. Ngunit ang katahimikan bumabalot sa kalupaan Biglang pinagharian ng hinakot at karimlan Delubyo’y nagwakas sa dating silenciosong lipunan Laksa-laksang hagupit dinanas nang tuluyan. Dumagundong ang langit Nag-aapoy, nangangalit ang kulog, sumagitsit Tumama sa lupa, lupain nabuwang sa apat na bahagi Nagkalayo mga loong Katangwanes, Kamarines, Al-Sor, at Ma-asbate. Balanse sa Kabik-olan biglang naglaho. Apat na elemento biglang nagkalayo Oragong loon nabalot ng siphayo. Hagupit na sadyang malupit ang tinamo. Nahawing bigla ang kalupaan Mula sa kaibuturan, lumabas ang isang kakaibang nilalang Babaeng agta na may buhok na halaba, Natatakpan kaniyang malamlam na diwa. Taglay ng babae ang anyong nakaliligamgam Kulubot na mukha at pigurang sa mangkukulam Nakasisindak ang usal saksi ang araw at buwan Mga salita ay inihandog sa rona ng Kabik-olan. “Bugtong, Bugtong, Bugtong Palaisipan, ito ang aking bulong Bugtong, Bugtong, Bugtong Sa palaisipang ito, ako, ikaw, tayo nakakulong. Daga, Tubig, Paros, Kalayo Alin ang mas pipiliin mo? Tubig, Paros, Kalayo, Daga Alin sa apat ang pinakamahalaga? Paros, Kalayo, Daga, Tubig Sa lugal ng Kabik-olan, alin ang pinakakaibig-ibig? Kalayo, Daga, Tubig, Paros Alin ang hahagkan nang mataos? An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Itong bugtong ay aking iiwan Mag-ingat sa sagot na iyong ituturan Limang pagkakataon lamang ang nakalaan Para humabi ang labi ng kasagutan. Sa unang pagkakamali, sinumang sumagot ay magiging lupa Mag-aanyong lamang-dagat ang pangalawa Ang ikatlong magmintis sa kasagutang magiging bagyo ng kalangitan Magiging bulalakaw sa apoy ang dadaplis pa ang kasagutan. Bilang tanda ng inyong huling pagkakataon Isang halimaw ang biglang aahon Ikalimang pagkakamali sana’y iwasan Inyong kasagutan, kapalit ay buhay o kamatayan. Sa pagkaubos ng buhangin sa inyong orasan Ako’y magbabalik para hingin ang inyong kasagutan Ang isa ay apat, ang apat ay isa, pakatatandaan Nang hindi sapitin ang sumpang sa bugtong nakalaman. Bugtong, Bugtong, Bugtong Palaisipan, ito ang aking bulong. Bugtong, Bugtong, Bugtong Sana’y lumaya tayo sa pagkakakulong. Sa kaliliman ng lupa ang babae’y bumalik Naiwan ang bugtong na sa Kabik-olan humalik Tugon sa palaisipan, hindi tiyak, hindi mabatid Katanungan sa isipan ang naging hatid. Nagimbal si Sultan Makusog sa kaniyang narinig Hindi maimukat kung alin sa mga elemento ang dapat manaig Ngunit ang hindi pagsagot sa hinabing palaisipan Kapalit ay kamatayan sa Kabik-olang nasasakupan. Maging mga taga Kabik-olan ay nawindang din Ni isa sa kanila’y walang sagot na nais sambitin Kawalan ng yaman sa lupa, tubig, apoy, at hangin Hindi nalalayo na kanilang sapitin. Hanggang sa apat na kalalakihan ang biglang nangahas Nagmula sa mga maharlikang angkan, matitipuno at matitikas Nais tuklasin ang kasagutan sa palaisipan Mula sa babaeng hindi batid ang pangalan. Si Kapuntukan ay nagmula sa tribo ni Kadlagan Ang isang lalaki, si Tanding, ay nanggaling sa Timog-Kanluran Sa Hilagang-Silangan nagmula si Habagat Si Sambalas, sa angkan ng apoy nagbuhat. Ninais ng apat na tuklasin ang kasagutan Paggalugad sa Kabik-olan ibig makamtan Subalit bago pa man ang pagtahak ay nasimulan May isang ginoong dumating sa lunan ng Sultan. “Ako si Damlag na nagmula sa tribo ni Panganuron Nais ko ring maglakbay at ang bugtong ay mabigyang-tugon Nawa’y ang babaeng nawalay sakin, mahanap ko rin sa’ting misyon Ating iligtas ang bayan sa panganib na nakatuon. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
84 . 85
Sinimulan nila ang pagtuklas sa Kabik-olan Napagmasdan nila ang angkin nitong yaman Mga elemento ng buhay kanilang natuklasan Nagbigay sa kanila ng pagtangi sa yaman ng kalikasan. Umiindayog ang hangin sa gawing Timog-Silangan Pumipitong buhay sa Katangwanes kaniyang pangalan Datung si Duros siya’y pinamumunuan Suklubang kabutihan, umiihip sa nasasakupan. Sa katimugang bahagi ng Kabik-olan Kamarines kung tawagin matatagpuan Sa matabang lupa nakakapit mga ugat ng natong, lada, niyog at iba pang yaman Biyaya sa lupa ni Kakahoy sa mga buhay na pinagsisilbihan. Pinag-init ng mga bulkan ang kaharian sa ilalim ng Kamarines Al-Sor kung tawagin, pinamumunuan ni Datu Batires Lagablab ng apoy, sa lamig siyang pananggalang Patuloy ang buhay, walang katapusan. Sa pinakadulong bahagi ng oragong lunan Ma-asbate sambit bilang pangalan. Yamang-tubig, perlas , mga isda sa tubigan Umuukol, humahampas sa sangkatauhan. Natapos na ang paglalakbay ng limang ginoo Nagwakas na rin ang oras na nakalaan para rito Buhangin sa orasan tuluyan nang naglaho Babaeng may iniwang bugtong magbabalik na sa ibabaw ng mundo. Muling nahawi ang kalupaan Mula sa kaibuturan, lumabas ang isang kakaibang nilalang Babaeng agta na may buhok na mahaba Naghihintay sa kasagutan sa bugtong na ginawa. Unang tumugon si Kapuntukan Kaniyang sagot ay kalupaan Ngunit bago pa man matapos ang salitang tinuturan. Siya’y naglaho at nag-anyong burol sahindi kalayuan. Si Tanding sa sagot ay sunod na nangahas “Tubig ang sagot!” sambit niya nang malakas. Bigla siyang nangatog, at naging isdang malaking bulas Nilipad hanggang dagat at doon nag pupumiglas. Hindi nagpagapi sa takot si Habagat Hangin ang piniling sagot nang matapat Kaniyang katawan nanlamig, bagyo sumambulat Sa pusod ng langit siya nagpakalat-kalat. “Apoy!” walang pag-aalinlangang bulalas Ng ginoong may ngalang Sambalas Biglang nag-apoy ang katawan at nagpupumiglas Lumubog sa lupa at nang lumaon, sili’y lumabas. Apat na ginoo ang siya nang naglaho An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Apat na pagkakamali na ang natamo Takot sa mga nilalang ang siyang namuo Pagkat ayon sa bugtong , isang halimaw ang aahon sa mundo. Sa kailaliman ng bilog na buwan Isang halimaw ang umahon mula sa karagatan May tatlong malalaking sungay kaniyang ulo natitirikan Kalahating tao at kalahating buwaya ang pagkakakilanlan. Nagsimulang maghasik ng bagsik ang nasabing nilalang. Sinabuyan ng apoy mga gawa sa anahaw na tahanan. Ilang mga tao ang kaniyang pinaslang Nagtanim ng takot sa lunan ng Kabik-olan. Ginoong si Damlag, hindi sa takot nagpalupig Nakipagdagit, nakipagbuno sa kaibuturan ng tubig Sa higanteng halimaw, di nagpadaig Makintab na tabak ang sa halimaw pinanlupig. Tuluyang nagapi ni Damlag ang halimaw Mga taga-Kabik-olan, nagbunyi, humiyaw Ngunit buong saya ay di pa rin tanaw Sapagkat ang sagot sa bugtong di pa nabibigyang-linaw. “Bugtong, Bugtong, Bugtong Palaisipan, ito ang aking bulong Bugtong, Bugtong, Bugtong Sa palaisipang ito, ano’ng tugon ang iyong ibubulong?” Matagal na minutong nag-isip ang ginoong si Damlag Kaniyang paningin napukol sa babaeng agtang palakad-lakad Mga mata ng babae’y nakatitig din sa kaniyang mga matang hubad Wari’y ang kanilang mga puso matagal nang nabihag. Matipunong ginoo humugot ng lakas bago salita sa hangin ay nilapat Sa kaniyang mga labi, “Ang sagot ay lahat, Sapagkat ang apat ay isa, ang isa ay apat Ang isa kasabay ng iba, ang tunay na makasasapat.” Panandaliang nabalot ang paligid ng katahimikan Walang salitang namutawi sa mga labi ninuman, maging sa Sultan Hanggang sa ang karimlan sa paligid tuluyang nawakasan Nawala ang sumpang bumalot sa Kabik-olan. Sagot na naihabi ang tamang tugon Sa palaisipang nakapaloob sa iniwang bugtong Sumibol sa lunan ang may ngiting panahon Katangwanes, Kamarines, Al-Sor, at Ma-asbate; muling nagkatipun-tipon. Babaeng agta biglang nagbago ang anyo Nakakagimbal na hugis tuluyang naglaho Isang napakagandang dilag ang sa mga mata’y pumuno Maamo ang mukha, napakabango ng samyo’t malayo sa siphayo. Ang mga mata ni Damlag ay nanlaki sa tuwa Ang babaeng agta ay ang babaeng laman pala ng kaniyang puso’t diwa Sa kailaliman ng mga ulap hinagkan niya nang malaya Sa kaniyang mga bisig ikinanlong ang babaeng sa kaniya’y nawala. An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
ChanneL The
Conquer to seek. Dare to speak.
The Official Student Publication of the Divine Word College of Legazpi Editorial Board
Academic Year 2012-2013
EDITOR-IN-CHIEF Russell N. Racelis ASSOCIATE EDITOR Geronimo A. Conmigo MANAGING EDITOR Ryan D. Ramirez NEWS EDITOR Baby Lyn N. Morota FEATURE & LITERARY EDITOR Jeric C. Bigueras DEVCOM EDITOR Norlie F. Garbida CREATIVE EDITOR Mark Eljohn C. Occidental SENIOR CARTOONIST Voltaire E. Esquilona JUNIOR CARTOONIST Jidy N. Onesa, John Gabriel N. Gallano CHIEF PHOTOJOURNALIST Jelalai R. Guab ASSITANT PHOTOJOURNALIST Jeffrey G. Medollar SENIOR GRAPHIC ARTIST Bradlee H. Futalan JUNIOR GRAPHIC ARTIST Jann Paulo C. Matusalem CORRESPONDENTS Robela Regina A. Osial, Ma. Kristhel Lopez, Jemina Neo, Sthefany Dianne A. Marollano, Keith Nikkolyne Segui MODERATOR Mrs. Nora N. Gallano Member: College Editors’ Guild of the Philippines
Paunawa: Ang mga pangalan, lugar, at pangyayaring nabanggit o nakapaloob sa mga maikling kwento at tula na inyong nabasa ay pawang mga kathang-isip lamang, solong binuo at isinulat ng may-akda. Kung mangyaring nagtugma ito sa karanasan ng iba o sa mga unang nailathala ng ilan sa ating mga manunulat, ipagpaumanhin niyo po dahil ito ay hindi sinadya.
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw
Ang Opisyal na Pampanitikang Aklat ng The Channel Divine Word College of Legazpi Lupon ng Tagapamahala Taong 2012-2013
Jeric C. Bigueras
Punong Pampanitikang Tagapamahala
Russell N. Racelis
Katuwang na Pampanitikang Tagapamahala
Voltaire E. Esquilona, Jidy N. Onesa, John Gabriel N. Gallano Mga Tagapamahala sa Dibuho Geronimo A. Conmigo, Ryan D. Ramirez, Baby Lyn N. Morota, Norlie F. Garbida, Jemina Neo, Jelalai R. Guab, Jeffrey G. Medollar, Bradlee H. Futalan, Jann Paulo Matusalem, Robela Regina A. Osial, Ma. Kristhel Lopez, Sthefany Dianne Marollano, Mark Eljohn C. Occidental Mga Manunulat
Gng. Nora N. Gallano Tagapayo
Disenyo at Lapat ni Russell Racelis Dibuho sa Pabalat ni Voltaire Esquilona Dibuho sa mga pahina 5, 27, 87, & 61 ni Jidy Onesa Dibuho sa Likod na Pabalat John Gabriel Gallano & Jidy Onesa
The Channel, Room 125, Divine Word College of Legazpi, Rizal St., Cr. Fr. Bates St., Old Albay District, Legazpi City Like us at www.facebook.com/DWCLthechannel For comments and suggestions, e-mail us at thechannelpub@yahoo.com
An Burabod
Ang Ikalawang Tampisaw