Ang Manggagawa - Handurawan

Page 1

Ang

Manggagawa

“Ang pagsusulat ay panalangin.”

Hunyo–Oktubre 2011

Seksyon B

Handurawan Lathalain–Tugma at ritmo–Disenyo

Katitikang Cebuano Kabilang ang lahat ng gawang nakasulat sa bernakular

S

umasaklaw ang panitikang Cebuano sa mga gawang panliteratura, pabigkas at pasulat, na naaayon sa Cebuano, ang nagsisilbing pangunahing wika ng mahigit 20 milyon tao sa mga lugar ng Cebu, Bohol, Siquijor, Negros Oriental at mga bahagi ng Leyte at Mindanao. Habang karamihan sa mga Cebuanong manunulat ay naninirahan sa Visayas at Mindanao, ang mas kilalang lingguhang Bisaya Magasin ay nakabase sa Manila. May aktibong grupo rin ng mga manunulat na naninirahan sa labas ng bansa. Ang panitikang Cebuano, samakatuwid, ay sumasakop hindi lamang mga manunulat sa Visayas at Mindanao na nagsusulat sa wikang Cebuano Bisaya kundi pati na rin ang lahat ng gawang Cebuano saanman ito nagmula.

Unang kasaysayan Ang panitikang Cebuano, tulad din sa ibang panitikang Filipino, ay nagsimula sa mga salaysay, pabula at alamat. Dahil hindi laganap ang paggamit ng baybayin lalo na sa mga isla ng Visayas, karamihan sa mga gawa ay pabigkas lamang.

Panahong kolonyal Sa panahon ng Kastila, nangingibabaw ang tema ng relihiyon. Naisulat ang mga novena at gozos, lalo na ang tanyag na Bato Balani para sa Sto. Niño. Kasama ng mga maagang hubog ng literatura ay ang garay (tula), harito (dasal ng shaman) tigmo (bugtong) at panultihon (salawikain), sa paglalarawan ni Francisco Alzina (1668). Ang balak, isang pangkaraniwang ayos ng tula, ay makikilala sa katangiang palaisipan o pagtutulad na tawag ay balaybay o sambingay. Naging makabuluhan lamang ang nakasulat na panitikan pagkalipas ng ika-19 siglo. Ang ―Soneto sa Pagdayeg can Santa Maria Gihapon Virgen‖ (1751) ni Tomas de San Geronimo ay kabilang sa maraming komposisyong bumura sa simbolong palaisipan at pagtutulad. Ang pinakamataas na hubog ng tula ay ang pasyon na sumasango sa buhay at kahirapan ni Hesukristo na binabasa tuwing Mahal na Araw. Binuo ng mga Cebuano ang korido, at ilan sa mga natirang likha ay ang ―Doce Pares sa Pran-

siya‖ at ―Sa Pagmando ni Hari Arturo.‖ Ang ibang impluwensya ng mga Kastila ay matatagpuan sa entabladong palabas na tawag ay linambay na kilala rin sa tawag na moro-moro. Ito ay karaniwang isinasagawa sa mga pista na nakakapagbighani sa lahat ng manonood sa kalapit baryo.

Panahon ng Amerikano Pinainam ang mga naratibo at naging sugilanon (maikling kuwento). Unang halimbawa nito ay ang ―Maming‖ (1900) ni Vicente Sotto, ang tinataguriang ―Ama ng Panitikang Cebuano.‖ Nailathala ang maikling kuwento sa kauna-unahang edisyon ng Ang Suga. Pagkaraan ng dalawang taon pagkatapos naipalimbag ang ―Maming,‖ siya ay sumulat, nangasiwa at lumikha ng unang Cebuanong palabas sa entablado— ang ―Elena.‖ Sa Panahon ng Amerikano, Ang Suga ang naging midyum sa paglathala ng mga gawang Cebuano. Isang grupo ng manunulat ang umusbong na kinabibilangan nina Florentino Rallos, Filomeno Veloso, Marcial Velez, Timoteo Castro, Segundo Chico, Vicente Ranudo, Dionisio Jakosalem, Selestino Rodriguez, Filomeno Roble, Juan Villagonzalo, Leoncio Avila at Filemon Sotto. Kilala ang mga manunulat na ito sa kanilang panahon ngunit sila ay mas kilala ngayon bilang pangalan ng mga pangunahing daan sa siyudad ng Cebu. Malaki ang naging tulong ng mga pahayagan upang umangat pa lalo ang panitikang Cebuano sa tatlong dekada bago nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinatalas at hinasa ng husto ang mga Cebuanong manunulat sa mga salin ng kathang Europeo at pagturing na modelo sa mga likhang Amerikano na ipinapakita sa mga gawa nina Juan Villagonzalo, Uldarico Alviola, Angel Enemecio, Flaviano Boquecosa, Sulpicio Osorio, Nicolas Rafols at iba pa. Sa pagkalaganap ng mga

Suring aklat

Ex libris

William A. G. Bulaqueña william.andrew_mm@yahoo.com pahayagan, katulad ng Bag-ong Kusog, Nasud at Babaye, dumami ang mga makatang nagsulputan na nagresulta sa 13,000 tula bago ang digmaan. Ang ―Hikalimtan‖ (1906) at ―Pag-usara‖ (1922) ay nagiging mga modelo ng metrikong katiyakan at balanseng istraktura. Matutunghayan ang pagkakahawig ng mga tula nina Amando Osorio, Escolastic Morre, Tomas Bagyo, Pantaleon Kardenas at Vicente Padriga sa dalawang ito na naging inspirasyon nila. Sa panahon ng Amerikano, apat na nobelang may temang pagmamahalan ang nagsilabasan. Ito ay ang ―Felicitas‖ (1912) ni Alviola, ―Mahinuklugong Paglubong kang Alicia‖ (1924) ni Vicente Garces, ―Apdo sa Kagulanan‖ (1928-1929) ni Enemecio at ―Ang Tinagoan‖ (1933-1934) ni Vicente Rama. Inimbento ni Fernando Buyser, isang Obispo ng Aglipayan, ang sonanoy (sonata); at ang siniloy naman ay ni Diosdado Alesna.

Ginintuang panahon ng bernakular Ang panahon bago ang digmaan ay itinuturing na ginintuang panahon sa pagsusulat ng wikang Cebuano. Ang dekada ‗30 ay ang hangganan sa dalawang uri ng pagsusulat: ang nanaig na propagandistang pagsusulat at ang komersiyal na pagsusulat na hindi nagsasadiwa ng katotohanan (escapist literature) na laganap mula pa sa simula ng Komonwelt. Noong 1930 nagsimulang ilimbag ang Bisaya Magasin. CebuanoB3

Kapulongan* Conversations with Cebuano Writers Editor: Hope S. Yu © 2008 Pahina: 302 ISBN 978-971-539-011-8

I

sang koleksyon ng interbyu na likha ng mga magaaral ng Unibersidad ng San Carlos (2007–2008) sa asignaturang katha at tula, ang aklat na ito ay isinagawa bilang pagbibigay halaga sa panitikang Cebuano at handog na rin bilang parangal sa mga bantog na manunulat ng panitikang ito. Matutunghayan ang pambihirang karanasan ng mga nasabing Cebuanong manunulat sa usapang nakapaloob. Nagsisilbing bintana ang aklat sa mas pinalawak na pagkakaunawa sa mahiwagang proseso ng pagsusulat at paano sila tumugon sa tawag ng ayos at tradisyon ng panitikan. Halimbawa, si Erlinda Kintanar–Alburo ay gumawa ng pagiibang nagdulot ng mabungang kalabasan na siya namang kinagigiliwan ng mga mambabasa. Ang kilalang manunulat ng katha na kung tatanungin mo kung bakit siya nagsusulat sa wikang Cebuano ay dahil daw isinilang siyang Cebuano. Siya si Gremer Chan Reyes. Napagtanto ni Erma Cuizon na ang pinakamahalagang bagay sa pagsusulat ay ang makinig sa paligid at mag-obserba katulad ng iba… katulad ng taong interesado sa buhay. Si Ma. Milagros Dumdum ay hindi na nag-iisip ng anumang dahilan o layunin habang sumusulat ng tula: gusto lang niyang isulat kung ano ang ipinapahayag ng kanyang damdamin. Sa panig ni Simeon Dumdum Jr., nagsusulat siya tungkol sa buhay, anumang anggulong batay sa karanasan ng tao. Maaring hinggil sa pag-ibig, kahit na kamatayan pa. Kasama rin ang mga hayop, lahat ng nakakapagbighani sa kabuuan ng kaniyang katauhan. Karamihan ng nagsusulat sa Cebuano ay napapansin nilang may kulay ang gawa sa naturang wika. Isa sa kanila ay si Haidee Emmie Palapar. Binabalanse niya ang pagtuturo at pagsusulat at pinagpupunyagi ang mga mag-aaral na bumasa, bumasa at bumasa. Kung si Gerard Pareja naman ang pag-uusapan, ang problema sa mga pang-ukol ay hindi naging hadlang sa pagbubuo ng likha hanggang sa makuha ang tamang pagkakaayos. Wari ay humahalimuyak na bulaklak sa oras ng pag-iisa sa bisig ng katahimikan si Ester Tapia: palaging nasa bahay kaagapay ang wikang Cebuano. Ang libro ay may kalakip isang dokumentaryong video–CD sa pagsasagawa ng proyekto. Ito ay nilimbag ng USC Cebuano Studies Center sa tulong ng Sunflower Press ng Canada.

Kulokabildo* Dialogues with Cebuano Writers Editor: Hope S. Yu © 2009 Pahina: 366 ISBN 978-971-539-014-9

L

ibrong nagpapatuloy ng ―Kapulungan,‖ itong koleksyon ay ginawa pa rin ng mga mag-aaral ng USC ngunit naglalaman ito sa mga gawa ng 24 makabagong manunulat sa wikang Cebuano. Namumukod-tangi sa kakayahang makapaghanga ang mga mambabasa dala na rin sa mga sining na lirikal at imahinatibong boses nito. Kalakip rin sa interbyu ng mga manunulat ang ilang piling gawa nila. Sa pamamgitan nito, lalo nating pinagyaman ang ating pananaw sa panitikang Cebuano at sa parehong paraan din binibigyang kabuluhan ang literatura ng Pilipinas. Pagmamahal sa pagtutula at katha ang nananaig sa karamihan ng mga likha ni Temistokles Adlawan. Namimighati si Merle Alunan sa mga batang manunulat ng pahayagan na may iba‘t ibang kadahilanan sa pagsali. Para sa kaniya, ang nag-uumapaw na problema sa lahat ay kahit na wala silang respeto sa naturang wika, anumang wika, ay nagpapangahas pa ring sumulat. Kahit na nakapag-asawa ng Amerikano si Cecilia MangueraBrainard ay nananatili pa ring sumusulat ng kuwento sa Filipino. Grapikong pagdidisenyo at pagsusulat—dalawang mundong umiimpluwensiya kay Adonis Durado—siya ay bumabasa ng pilosopiya, magpakamatay sa isang karanasan at mamuhay sa sining. Gumagamit ng simpleng salita at maayos na hinuhubog ni Marvi Gil. Siya ay palaging nagdadala ng isang maliit na notebook para kaagad maisulat ang anumang naisip para hindi makalimutan. Naniniwala si Anthony Kintanar na ang pagtutula ang isa sa pinakamagandang magagawa ng tao sa kaniyang buhay. Kahit sino ay makasusulat ng isang tula anumang oras, pero ang totoong makata at handang maghirap dahil ito ay nangangailangang pumasok sa kaibuturan ng sarili kung ano siya at kung anong relasyon niya sa gumagalaw na daigdig. Ang pagkakahawig ni Paloma Sandiego sa pagsusulat ay parang nag-aaral magmaneho. Ayon kay Melchor Yburan, nagsusulat sa wikang Cebuano, ang mga Cebuanong manunulat ay nagsabing ito ay kayamanang pagaari nila: ang propesyon kung saan nakasusulat sila ng kanilang naramdaman ng walang limitasyon. Mayroong dokumentaryong video–CD na kasama ang naturang libro. Ito ay nilimbag ng USC Cebuano Studies Center sa tulong pa rin ng Sunflower Press ng Canada. *Suri aklat ni William Andrew G. Bulaqueña Ang Manggagawa ay nagpapasalamat kay Prof. Hope Sabanpan–Yu, Ph.D., para sa sample copy ng dalawang libro.


M B2 Lathalain

Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011

Anino ng isang nakaraan a 15 taong pagmulat Sanaysay

Mga estereotipo at pagkiling

S

Sidney Rico T. Rebollido sidney.rebollido@ovi.com

Sa paligid rinig ang bulong, kasarian ko kanilang kine-kwestyon. Kung sa mata mismo ng Diyos tayo ay pantay-pantay, bakit sa tao hinuhusgahan lahat ng bagay? Diskriminasyon ang tanaw ko sa mundo; ngunit, tulad ng isang anino, sa dilim ngayon ito ay nagtatago na. Takot na ipakita aking kahinaan sapagkat alam kong lahat ng mata ay sa akin nakatanaw. Sa aking pagkabata, ramdam ko ang pag-iisa. Wala akong kaibigan, walang kalaro kung walang perang maibibigay, hindi papansinin kung hindi nasunod ang gusto ng kapitbahay. Marahil ito ay normal para sa ilan, pero sa akin na dala-dala ang kwestyon ng aking pagkatao, tila isang sakong insulto ang ibinato sa mukha ko. Diskriminasyon na tila walang katapusan, harap-harapan sa akin pinararamdam. Ano ba ang mali na aking nagawa? Ngayon ako ay naghihirap dahil sa kanila na walang awa. Pagkatao ko, hindi buo, sapagkat hindi ko naranasan ang pantay na respeto mula sa mga tao, tuloy sa aking paglaki—ako ngayon ay naghahanap nito. Maaaring labin-limang anyos na ako. Ngunit ang puso ko ay kulang sa mga bagay na dapat tanggapin ng isang ka-edad ko. Ngunit sa lahat ng ito, hindi ako nagpatalo. Dala-dala ang sakit na ngayon ay naging aking inspirasyon. Tama, inspirasyon. Inspirasyon sa pagkakaroon ng mabuting bukas para sa aking sarili. Tanaw ko itong ihemplo upang matakasan ang pait ng aking kahapon. Noon naisip ko na ako ay malas dahil pinanganak akong ganito. Subalit sa paglipas ng panahon ay namulat ako sa katotohanan. Maswerte pala ako sa pagkakaroon ng ganitong buhay sapagkat nalagpasan ko na sa aking kabataan ang sakit na dapat kong matikman. At ngayon ay handa ko nang harapin ang landas na ibibigay sa akin ng Diyos. Tila ang lahat ng iyon ay mga regalo para sa akin upang sa ngayon ako ay magiging matatag sa pagharap sa mas matitinding hamon sa buhay. Ang anino ng aking kahapon ang bumuo sa aking sarili ngayon. Ang Sidney Rico Rebollido na minsan ay mahina ay matatag na humaharap sa pakikibaka ng buhay. Kasabay sa pagbago ng paru-paro na dating uod sa dahon, ngayon ay malayang lumilipad sa himpapawid—masaya at walang takot na nakikibaka.

Acta non verba

Pick-up lines

Cynthia Kareen J. Nazario ck.nazario@ovi.com

Ang Bisaya

ko sa mundo, daladala ang aking hinagpis sa aking pagkatao. Sa tanang buhay ko, magpasang-ayon, kimkim lahat ng batikos at insultong aking inabot. Mapaghusgang mga tao, bakit sa mundo kayo pa ay narito?

Miss, kilala kita. Ikaw ang future wife ko!‖ ―Ipapapulis kita! Ninakaw mo kasi ang puso ko!‖ ―Holdaper ka ba? Handa kong ibigay sa iyo lahat—huwag mo lang akong saktan!‖ ―Hindi ka ba nalulungkot? Nag-iisa ka lang kasi sa puso ko.‖

Iilan lamang iyan sa mga nauuso at pinagkakaguluhang pick-up lines ng mga kabataan ngayon. Ito na nga raw ang pinakamadaling paraan upang mapasagot ang babaeng nililigawan. Korni ngang pakinggan, ngunit tila epektibo naman at maraming nabobola. Sa panahon ngayon, hindi na nga talaga uso ang mga salitang matatamis at malalim sapagkat ito ay kakatawa kung pakinggan. At dahil ang henerasyon natin ngayon ay pabata nang pabata, madali na ring malilinlang ang mga walang kamuwang-muwang na mga kaisipan nila. Sa mga taong gahaman, kahit paslit pa lamang basta maganda o seksi, pwede na. Konting suyo at salitang mapupusok, bihag kaagad ang inosenteng puso. At dahil dyan, sila ay nawawala na sa konsentrasyon na dapat sana nakatutok sa edukasyon. Ngunit para sa isang taong tunay na nagmamahal, kahit pagtawanan basta masabi ang naramdaman, hindi ito alintana. Mga salitang ―Araw ka ba? Kasi pag nawala ka, didilim ang mundo ko!‖ o ―Pasko na ba? Exchange gift tayo!‖ at ―Ako sa iyo, ikaw sa akin!‖ na talagang tatagos sa kung sino man ang makarinig nito. Isang paraan din ito upang makuha ang tiwala na sadyang mahirap sungkitin. Sa makabagong panahon ngayon, hindi na lamang ang magsingirog ang pwedeng magbatuhan ng mga pick-up lines. Maari na nga ring gumamit ang mga babae at magpahayag ng kanilang damdamin. Nagiging libangan na rin ito ng mga magkabarkada. Pagandahan lang o maging tunggalian na rin ang kasiyahang dala nito. Ang pick-up lines ay ginagamit hindi lamang sa katuwaan kundi sa pagpapahayag ng tunay na saloobin ng taong nagmamahal upang makapagbigay ngiti sa taong minimithi.

ay isang kapuluan na binubuo ng A ng7,107Pilipinas isla at higit sa 100 na mga etnikong grupo

Kultura

na karagdagang naghahati sa bansa sa ilang natatanging rehiyon na batay sa relihiyon, kultura, wika at kahit ang katayuang sosyo-ekonomiko. Sa kasong ito, ang isang partikular na resulta sa pagkakahati-hati ng bansa ay ang tunggalian sa pagitan ng mananalitang Tagalog at Cebuano na siyang nakasentro sa malalaking lungsod ng Maynila at Cebu. Ang ―estereotipo‖ at ―pagkiling‖ ay dinadala dahil sa posibilidad na uriin ng ilang mga grupo kung ano ang naiiba mula sa kanilang mga sarili. At gayon, inuuri ng mga Manileño (mga taga-Maynila) ang sarili na iba sa mga Cebuano. Siyempre, iba ang tingin sa sarili ng mga etnikong grupo; mas mahusay kaysa anumang katutubong grupo. Sa katunayan, kung iisipin, ang mga Cebuano ay walang ugaling mapagkiling. Ang mga Cebuano ay lubos na mapagmahal sa kanilang rehiyon—na nangangahulugang sila ay mapagmalaki sa kanilang mga gawa. Dahil ang mga taga-Cebu ay nagsasalita ng wikang Cebuano, pilit nilang ginagamit ito sa pakikipagsalita sa halos lahat ng tao (maliban siyempre sa mga dayuhan). Ngunit kung may Tagalog na nakikipag-usap sa kanila ay mas pipiliin nilang tumugon sa Ingles kaysa magsalita ng Tagalog o Filipino. Ito ay maaaring maiugnay sa katunayang minsan lang sila magsasalita ng Tagalog ay dahil sila ay ―nahihiya‖ na magsalita nito. Ang mga Cebuano din ay mapagmalaking tao. Hindi nila hangarin na kumilos tulad ng mga taga-Maynila (na kadalasang kaso rin ng mga tao sa ibang bansa). Mataas ang tingin nila sa sarili at ipinapakita ito sa ―pagmamahal sa sarili‖ na nagpapaliwanag sa pagtangging magsalita sa Tagalog. Kaya dito, ang matigas na pag-Tatagalog ng mga Cebuano ay madalas pintasan ng mga tagaMaynila dahil akala nilang sila ay nagpapatawa. Hindi din nagpapahuli ang ating ―pambansang kamao‖ na si Manny Pacquiao pagdating sa pagsasalita ng Tagalog na may halong GenSan-Bisayang tuldik. Kahit isang karaniwang paniniwala na karamihang kasambahay sa Metro Manila ay Bisaya, isang masamang ideya na sila ay tatakan bilang mabababang tao.

Ayon sa kolumnistang si Pachico Seares, ―Ang Bisayang katulong ay may tatak at nakakagawa ng katatawanan sa pamamagitan ng kanyang paraan sa pagsasalita.‖ Si Aling Dionesia ay naging tanyag din dahil sa kanyang paraan ng pagsasalita. At sa kasaysayan ng mga pelikula at telebisyon, naging malakas sa tinatawag na side-kick genre ang mga bisayang aktor tulad nina Redford White at Amay Bisaya. Isa ito sa mga katotohanan na ang mga Bisayang aktor ay hindi nagbibida sa kanilang katutubong katauhan sa malalaking pelikula. Hindi maganda ang tingin sa mga Cebuano dahil sa kanilang paraan ng pagsasalita sa pambansang wika. Ang tunog ng Bisaya ay ―galit‖ kung ginagamit sa pagsasalita. At kapag sila naman ay nagsasalita ng malumay at mahinahong Tagalog, ang resulta ay medyo nakakahiya. Dahil dito, ang mga Cebuano ay hinuhusgahan na ―walang modo‖ dahil sa kawalan ng ―po‖ at ―opo.‖ Sa kabilang palad, ang positibong pananaw sa mga Cebuano ay ang pagiging likas na matalinong musikero at dakilang boksingero. Karaniwan, kapag may nakakasalubong na Cebuano, hindi nakakagulat na maririnig ito: ―Tiyak magaling kang gumamit ng gitara.‖ Mahirap bigyang-lugod ang mga Cebuano pagdating sa pagtatanghal ng musika. Madalas sinasabi na kapag ang banda ay sisikat sa Cebu, ito ay tiyak na magiging tanyag sa kahit saang panig ng bansa. Mahirap magbigay ng puri ang mga Cebuano at pumapalakpak lamang kung gusto nila, o di kaya ay tunog lamang ng mga kuliglig ang iyong maririnig. Hindi nakapagtataka kapag may sikat na artistang pumupunta sa Cebu ay hindi nabibigyan ng pansin. Minsan, ay hindi maiiwasang maramdaman ng mga Cebuano ang kumpetisyong namamagitan mula sa mga Manileno pagdating sa pulitika, laro at mga paligsahan. Kahit ang National Statistics Office ay walang talaan sa

Sidney Rico Rebollido & Cynthia Kareen Nazario buong bilang ng mga Tagalog at Bisaya sa bansa. Para sa akin, alam kong alam nilang mas marami ang mga Bisaya kaysa sa Tagalog. Samantala, ang mga Cebuano ay nahahati sa marami pang kultura ayon sa pagkatao: Ang mga istambay. Makikita mo sila sa Colon Street o SM City at halos sa lahat ng pook sa Cebu. Sila ay kadalasang mga binatilyo na palabuy-laboy at walang ginagawa buong araw kundi umuupo, nanininigarilyo, umiinom at naglalaro ng baraha. Parang naiangat na nila ang sining ng katamaran at pagmamasid sa pag-ikot ng mundo maghapon. Ang mga bayut ay mga taong humuhugis sa ating pananaw sa buhay sa iba‘t ibang paraan. Sila ay galing sa tinatawag na ikatlong kasarian o third sex; mga nagpalit ng kasarian; nagsusuot ng mga damit pambabae; mga baklang hindi pa buong ladlaran; mga dalawa ang kasarian o mas kilala sa tawag na mga double blade at mga tomboy. Sinusubukan nilang mamuhay ng normal katulad nating lahat subalit ang kanilang ―kaibahan‖ ay naging usap-usapan na nag-uugat ng mga pangongopya tulad na lamang ng kanilang linggwaheng pambakla na ngayon ay nagiging tanyag at bentang-benta sa ating pandinig. Maging ang mga magkaibigang sekso ay tinangkilik na rin ang ilan sa kanilang inimbetong salita. Ngunit ang pagkatakot sa diskriminsasyon hinggil sa pagiging homosekswal nila o ang pagkakaroon ng pagtatanggi sa magkaparehong uri ang gumagambala sa kanila, at mas natatamaan nito ay ang grupong kung tawagin ay ―chick-logs‖ na ibig sabihin ay mga bading na nagdadamit babae at kadalasang napagkakamalang isang maganda at seksing babae. BisayaB6


Hunyo–Oktubre 2011

Lathalain B3 M

│ Ang Manggagawa Handurawan

M

asamang balita: Sira na ako at di na magawang ayusin pa—isa lang ang mata, maalikabok, marumi, tengang malapit nang maputol at kulang ang butones. Wala nang makitang ayos pa. Ang tanging paraan para makilala mo ako ay ang pulang laso sa leeg ko. Ginawa mo ito para sa akin; bigay mo sa una nating yakap matapos akong kunin at bilhin ng mga magulang mo sabay sabing ―Bagay na bagay sa iyo!‖

Destinasyon:

Carcassonne

© 1999 Gilbert Lamayo

S

a malayo pa lang, ang Carcassonna ay parang isang medyebal na siyudad na umigkas mula sa isang libro ng kuwentong-bibit. Sa pagdalaw ko doon sa tagsibol, ang Cité (kung ang nakamuog na siyudad ay tawagin) ay talagang nakaka-bighani lalo na sa isang hapong makulimlim. Ang siyudad ng Carcassonna ay matatagpuan sa rehiyong Languedoc-Roussillon ng timog Pransiya. Ito ay nahahati sa Cité de Carcassonne at sa mas malawak na siyudad sa ibaba o ville basse. Ang Carcassonna ay naitatag ng mga Visigoth noong ika-5 siglo at napatibay kinamamayaan ng mga Romano. Ang mga muog ng lumang siyudad ay nagawa pagkalipas ng ilang siglo ng pagbabakod ng mga Gaul, Visigoth, Moro at Franko. Noong ika-13 siglo, ang siyudad ay nagsilbing isa sa mga importanteng kuta ng relihiyosong sekta, ang Katarisismo.

Lakbay

Gilbert B. Lamayo gilbertlamayo@msn.com

Ngunit pagkatapos ng malupit na paglipol sa kapanahunan ng Krusada Albigensia na inutos ng Santo Papa Innocente III noong 1208, napabayaan ang siyudad hanggang sa ito ay nabulok na. Sa sigasig ni Viollet-le-Duc, naipanumbalik sa dating kalagayan ang mga tore, kuta, tanggulan at muralya noong 1910. Ang buong siyudad medyebal na nasa isang burol ay napapaligiran ng dalawang muog—ang 1.7 km na nakapalibot at 1.3 km sa loob—at 53 tore. Ang intramuros na siyudad ay mapapasok sa drawbridge (pont-levis) na dumangkal sa natuyong sangká at matipunong Porte Narbonaise. Sa pagpasok pa lang ay makikita na ang Tour du Treseau na ginawang bodega at tindahan ng alak (caveau des vins) mula sa rehiyong Languedoc. Ang Place du Château ang pinakasentro ng siyudad. Sa loob ng Musée de l‘Inquisition ay nakatanghal ang iba‘t ibang kagamitang pasakit at kakila-kilabot na mga kasangkapan na ginamit ng Simbahang Katoliko sa pagpugot, bitay at pahirap ng mga Kataro. Sa kabilang banda ay ang Musée des Dessin Animés (Cartoon Museum). Ang sigla at buhay ng Sleeping Beauty (1959) ng Walt Disney ay hango sa ganda ng Carcassonna. Ang Robin Hood: Prince of Thieves (1991) ay naisapelikula sa loob at palibot ng siyudad medyebal. Ang siyudad ay pwede ring pasukin sa daanang nasa ilalim ng balantok sa may tapat ng isang bangbang. Ang Château Comtal (Count’s Castle) ay isang kastilo at kuta na nakaharap sa Ilog Aude, ville basse, kaparangan at ubasan ng rehiyon. Sa timog banda ng Place du Château ay ang Basilique Saint-Nazaire. Ang nabe na may pabilog na arko ay nasa istilong Romanesque at ang transept at choir naman na may stained glass ay sa tradisyong Gothic. Sa labas ng simbahan matagpuan ang Grand Théâtre na ginagamit para sa mga palabas pagdating ng tagaraw. Ang buong siyudad medyebal ay nakatala sa UNESCO World Heritage site noong 1997. Ako ay mapalad mapabilang sa tatlong milyong turista na dumadalaw sa Carcassonna taon-taon. Bilang iskolar ng Alliance Française de Manille at Embahada ng Pransiya na mag-aral ng wikang Pranses sa Toulouse, Midi-Pyrénées, naikot ko ang rehiyon. Napuntahan ko rin ang Albi–sa bahay at museo ng pintor Henri de Toulouse-Lautrec na kilala sa kanyang poster at lithograph ng mga tao noong belle époque ng Paris; Ang Cordes-sur-Ciel, isang siyudad na pinangalanan ―Cordes sa ibabaw ng ulap‖ dahil sa pinagtayuan nitong mataas na bundok at maulap na lambak; Ang Lourdes, banal na lugar ng peregrinasyon ng limang milyong tao mula sa iba‘t ibang panig ng mundo taon-taon; At ang Principat d‘Andorra, isang maliit na bansa na dating sakop ng prínsipe at saklaw ng hari, sa gitna ng Pransiya at Espanya.

Ang Manggagawa ▪ Handurawan ▪ Lathalain–Tugma at ritmo–Disenyo Patnugot ng Seksyon: Cynthia Kareen J. Nazario ▪ Patnugot (Pahinang Agham): Yanessa S. Naval Manunulat: Donalyn E. Aquino ▪ William Andrew G. Bulaqueña ▪ Reger Ed A. Caperig ▪ Roxanne B. Dataro ▪ Marchie S. Española ▪ Janine Claire T. Jalosjos ▪ Ma. Joeresa P. Jamora ▪ Gilbert B. Lamayo ▪ Von Vladimier B. Montayre ▪ Sidney Rico T. Rebollido ▪ Feldene D. Tan

Laruan

Monologo

Reger Ed A. Caperig iamreger.c@gmail.com

Ako ang pinakauna mong laruan. Nakakalungkot dahil hindi ako ang panghuli…. Ikaw nga ang nagmamay-ari sa akin. May pagpipilian ba ako? Wala. Laruan lang ako. Hindi ako pwedeng magdesisyon na iiwan at tatakas ako palayo sa iyo. Pero kahit na ay hindi ko gagawin iyon kahit pa na makakagalaw ako ngayon. Hindi namin alam kung bakit. Tanging magagawa lang namin ay tumahimik. Hinding-hindi namin pwedeng saktan ang may-ari sa amin. Dumating nga ang punto na sasabihin ko sa iyo na ako ay nasa pinaka-ilalim ng mga laruan mo—sira lahat—nagrereklamo kagaya ko. Andito kami lahat, malungkot, umiiyak, pero walang sinuman ang makahihigit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hinayaan kita. Hinayaan kitang gawin mo akong parang isang sanggol. Pinapakinggan ko ang mga kwento mo, hinahayaan kitang hubaran at damitan ulit ako, hinayaan kitang lagyan ng bote ang bibig ko, pinapakinggan ko ang iyong mga awit at naramdaman ko na nandiyan ka. Isang araw, nakita kitang lumingon patalikod sa akin matapos mo akong ilagay sa mesa katabi ng iyong kama. Nananatili ako doon sa mahabang panahon. Ilang taon na ang nakalipas. Nakita kita isang beses pero wala ng kwentuhan, bahay-bahayan, kantahan at paghuhubad-damit sa akin. Narinig kitang umawit, pero hindi para sa akin. Bumili ka at binigyan ng ―ibang‖ laruan at nalibang ka sa paglalaro sa kanila habang nandito pa rin ako, inaalikabok. Okey lang para sa akin kaysa naman itapon mo ako, di ba? Nakalipas ang ilang araw, nakita uli kita at kinuha mo ako pero wala ng yakapan at halikan. Sa halip, inilagay mo ako sa isang kahon sa iyong bodega. Isa-isa, nakita ko ang iba mo pang laruan. Natabunan nila ako, matutulis na parte ng kanilang katawan na pumunit at bumutas sa akin. Habang sila ay paparami, pasira naman ako. Ako ang mas una! Sumigaw ako at idineklara, ―Ako ang una! Hindi dahil gusto ko ang trono o ang korona.‖ ―Ako ang una!‖ sigaw ko dahil gusto kong malaman ninyo na ako dapat ang dalahanin. Gusto kong hanapin mo ako dito sa pinakailalim ng mga sira mong laruan. Ako ang unang nakaramdam ng sakit. Ako ang pinakanasaktan. Mas malaki ang nawala sa akin dahil ako ang minahal sa loob ng medaling panahon at iniwan sa mahabang oras. Ang sakit ay, naintindihan ko, isang sakit na hindi dapat para sa iyo. ―Ako ang una!‖ sigaw ko. At alam iyan ng lahat ng laruan na nasa itaas ko. Mas naawa sila sa akin kaysa sa sarili nila dahil alam nila kung gaano kasakit ang masaktan. Alam nila kung gaano kasakit ang maging ako... kung gaano kasakit ang ibasura. Kaya, masamang balita: Sira na kaming lahat!

Cebuano... Noong 1936, nagsimula ang paglathala ng mga antolohiya at kritisismong pampanitikan. Ang pamamlahiyo ay naging problema noon pa. Ang ―Lourdes‖ ni Gardeopatra G. Quijano na inilabas nang baha-bahagi mula Mayo 26 hanggang Setyembre 23, 1939, sa Bag-ong Kusog ay ang kaunaunahang peministang nobela. Bisaya lamang ang nakaligtas bilang pampanitikang wikang pinanggalingan ng mga likhang sulat ng Cebuano sa napakaraming pahayagan bago ang digmaan. Ang bagong lakas ng pagtutula ay inihandog ng mga manunulat na sina Leonardo Diokno, Junne Cañizares Jr. at Ric Patalinghug na ang natutunan nila sa Kanlurang moda at istilo ay ginawang pampasigla sa kanilang mga gawa, gabay na rin ng iregular na ritmo, tama at konkretong diksyon at ugaling praktikal. Pinakamahina malamang sa drama ang panitikang Cebuano

Mula B1 dala na rin marahil sa kaibahan ng pagsusulat para sa teatro sa ibang uri ng pagsusulat. Gayon pa man, sa suporta ng Arts Council of Cebu, ang nawawalang interes sa entablado ay unti-unting bumabalik. Nagkaroon ng iba‘t ibang grupo ang mga Cebuanong manunulat. Halimbawa nito ay ang Lubas sa Dagang Bisaya (Ludabi) at Bathalan-ong Halad sa Dagang (Bathalad). Ang ikalawa ay sanga ng nauna, na sa isang pagkakataon ay pinangunguluhan si Marcel Navarra, ang ―Ama ng Modernong Maikling Kuwento ng Cebuano.‖ Ilan sa mga miyembro ng Bathalad ay sina Gremer Chan Reyes, Ernesto Lariosa, Temistokles Adlawan, Pantaleon Aluman at Rene Amper. Ang mga manunulat sa Ingles na sina Simeon Dumdum Jr., Vicente Bandillo, Melito Baclay, Ester Tapia at Amper ay nagsusulat na rin ngayon sa Cebuano. B6


M B4 Tugma at ritmo Libro Nagbuklat ka ng libro‘t Ipinahiram mo sa iba Sa taong di mo naman kilala Sa rentang kakarampot Pambayad sa pagkatao mong Mas mahalaga Ngunit ibinuklat mo pa rin Ang librong tinagu-tago Simula ng pinanganak ka Para sa murang halaga At dahil sa renta Ng libro mo Nakakapag-aral ka Ipinambayad sa eskwela

Ilang beses mo nang Ibinuklat ang libro mo Sa mga taong di mo kilala Para lang masiyahan sila Ilang beses mo pang ibubuklat Ang libro mo sa kanila Sa kasakiman nila Para sa kapalit na pambayad Ng pag-aaral mo Makatapos ka nga Ngunit ang librong Ilang ulit nang ibinuklat Napunit na.

Reger Ed A. Caperig

Ang Manggagawa Handu Kontrahin mo! Kung ika‘y may makitang mali, Kontrahin mo! Kung labis sa pang-aalispusta‘y laging nakikita, Kontrahin mo! Kung kasamaa‘y nangingibabaw, Kontrahin mo! ‗wag palampasin ang masamang gawain, Maraming masasaktan at maaalipin At ikaw at ikaw din ang magiging salarin Kung ‗di mo to binibigyang pansin, Kaya kung ‗di tama, gawin mo— Kontrahin mo. Donalyn E. Aquino

Salamat, kaibigan Sa panahong ako‘y lugmok at malungkot Sa tila walang katapusang pagsubok May isang tunay na kaibigang ‗di maramot Nakahandang dumamay sa puso‘y walang poot.

Alay sa kaisa-isang Inay Mula nang ako ay isinilang Hanggang sa lumaki, siya ang aking katuwang Malalambing na yakap, matatamis na ngiti Pagmamahal ng isang inang bukod-tangi. Nang ako‘y nagsimulang magkaisip Napakaraming tanong sa aki‘y pabalik-balik Ang sinubukang itago, ngunit tila Kahit anong subok, ay alam ng isang ina Kung ano ang aking tunay na nadarama. Kapag ako‘y malungkot Palagi siyang nariyan Pinapalakas ang aking loob At lungkot ay tinatawanan. Ang buhay ay maikli Puno ng saya at pighati Sa oras na kagipitan Ang Diyos ay palaging nariyan Paalala ng aking ina di ko raw Kalilimutan. Oh, Ina na aking buhay Ika‘y mahalaga at mahal kong tunay Lahat ay iaalay Maging ang kaisa-isa kong buhay. Sa pagpapalaki at pag-aaruga Nais kong ako naman ang sa iyo‘y mag-alaga Nang sa gayo‘y ika‘y aking masuklian Ng higit pa sa aking naranasan. Oh, Inang pinagpala, sa akin ikaw ay biyaya Hindi mapapantayan ang malabayaning iyong nagawa Mula noon, hanggang ngayon ika‘y walang kupas Ika‘y bukod-tangi sa lahat at walang katumbas Pagmamahal ko sa iyo‘y hanggang sa Wakas. Cynthia Kareen J. Nazario

Ang munting bata Kahit ako‘y batang munti Pangarap ay sari-sari. Paggalang at wastong gawi Ginagawi ko palagi. Sarili ay paunlarin Maling kilos ay baguhin Pag-aaral pagbutihin Tiyak tagumpay ay kakamtin. Roxanne B. Dataro

Ano mang sandal na ika‘y aking kailangan Nariyan ka lagi‘t ako‘y tinutulungan Ako‘y ‗di dapat mangamba‘t di na mag-iisa Nariyan ka lagi‘t dala-dala‘y pag-asa. Gaano man kalayo ang ating pagitan Nasa silangan ka at ako‘y nasa kanluran Ikaw ma‘y sa timog at ako‘y sa hilagaan Sa isip ko‘y tabi kita‘t ang tulong mo‘y laan. Kaya iwanan ang lungkot at dapat magsaya Ang tunay kong kaibiga‘y laging maligaya Dapat nang iwaksi ang aking kalungkutan Kung ang aking kaibiga‘y dala ang kakulitan. Hans Christian G. Rasonable

Sarili Lahat ng pangarap Iyong maaabot Kung tiwala sa sarili‘t Sipag ang iyong kaagapay Lahat ng problema‘y Hindi dapat maging sanhi Ng buhay na kay sidhi Sapagkat dito sa mundo, Sarili‘y kakampi mo. Donalyn E. Aquino

Larawang Haiku

Pang

Habang nakatulala sa harap n Mukha mong tumatawa ang a Mga panahong tayo‘y magka Tanging hiling ko‘y maibalik

O bakit kailangan mong luma At piliing pakuin ang mga pa Na tayo‘y ‗di magkakahiwala Kahit anong dilubyo man ang

Di makatulog o makakain ara Laging inaasam ang pagbaba Siguro‘y wala kang kamuwan na kasabay na ‗yong paglisan Tangay mo ang puso kong su

Habang ako‘y nagmuni-muni Bigla kang nakita‘t inakalang Nakatayo sa ilalim ng lilim n At sinalubong mo akong naka

Sa wakas at dininig din ng Pa Na Makita‘t masilayan muli a Di matatawaran ng anumang Ang kasiyahang aking narara

Ngunit ako‘y nagtataka kung Mga kamay ko‘y tila mga ibo Bakit sinta ko, bakit? Kung kalian nandiyan ka‘y w

Mga luha‘y walang tigil sa pa Isip ko‘y binagyo‘t tila litong At sa wakas ay napagtanto ko Ikaw pala‘y wala na‘t di ko m

Maraming, maraming salama Na kahit ika‘y nasa kabilang Hayaan mong ako‘y magpasa Sa pagtupad mo sa sa ‗yong p Janine Claire T. Jalosjos


Tugma at ritmo B5 M

urawan │Hunyo–Oktubre 2011

gako

Ang ama‘t ina ko

ng bintana, aking naaalala. asama, k sana.

Sa lahat ng tao Rito sa mundo Wala pang tutulad sa Ama‘t ina ko.

ayo sinta ko, angako mo? ay kailanman, g dumaan.

Sila ay naghirap Sila ay nagsikap Na ako ay lumaki At sumayang ganap.

aw at gabi, alik mo sa ‗king tabi. ng-muwang n, ugatan.

Kaya naman ngayon Ay lagi kong layon Sa aking magulang Ako‘y makatulong. Roxanne B. Dataro

Buhay estudyante Pagpukaw ng araw Agad-agad gumagalaw Mabilis sa pagkilos Para ang oras ay ‗di maubos. Ang buhay ng estudyante Puno ng gawain kahit gabi Wala itong pinipiling oras Kaya kinakailangan ng lakas. Hindi lang ito ang pinagdadaraanan Dahil may naghihintay sa ating tahanan May alintuntunin sa bahay Na nagbibigay sa atin ng matinding tamlay. Feldene D. Tan

i, g guni-guni. ng puno angiti nang buong puso.

anginoon ang mga panalangin ko, ang mukha ng pinakamamahal ko. yaman sa mundo, amdaman dahil sa ‗yo.

g bakit ‗di na kita mayakap, ong tumatagos lang sa ulap.

wala akong magawa kahit anong pilit?

agdaloy mula sa mga mata ko, g-lito. o, mahagilap saan mang dako ng mundo.

at sa ‗yo mahal ko, buhay na‘y dinalaw mo pa ako. alamt ng lubos sa ‗yo, pangako.

Sabihin mo Sabihin mo sa akin… Bakit maliwanag ang araw? Bakit malamig ang gabi? Bakit may kulog at ulan? Bakit ika‘y lumisan? Sabihin mo sa akin… Bakit may mahirap at mayaman? Bakit may duwag at matapang? Bakit may tumpak at mali? Bakit ika‘y nagbabakasakali? Sabihin mo sa akin… Bakit may halaklak at luha? Bakit may tagumpay at kabiguan? Bakit minsan may kasakiman? Bakit walang pagmamahalan? Sabihin mo sa akin… Bakit lahat may hangganan? Von Vladimier B. Montayre

Tagumpay Dito sa mundo Mga bagay ‗di mo sigurado Minsan sinusuwerte, minsan hindi Minsan masaya, minsan kay lungkot Pero isa lang ang may katiyakan Na kahit ano‘ng mangyari Iisa lang ang tunay na kasandal Pananampalataya sa Diyos Maykapal Upang mga pagsubok ay malampasan At tagumpay ay makamtan. Donalyn E. Aquino

Hangarin Kahangalang sabihing ―Iniibig kita‖ Kung ang sinasabihan ay walang pandama Mauuwi lamang sa luha at dusa Sapagkat pag-iwi ay naglalahong kusa. Sa mga panahong pinagsamahan, Ay mga sandaling puno ng halakhakan Kahit na paano‘y nakakalimutan Ang bigat na pasan dagliang gumagaan.

Janine Claire T. Jalosjos

Magalak sa dusa‘t ngitian ang luha, Tamisan ang pait ng pangungulila, Ang puso, kung tunay, wagas at dakila, Maipapalutang ang bigat ng dala. Igalang ang lahat sa paraan ng bait, Ibaon sa limot ang lukso ng galit, Itapong saglit ang ugat ng inggit, Upang gantimpala‘y makamit sa langit! Feldene D. Tan

Pagbabalik-tanaw at sulyap

.

Noon kay ganda Sariwa pa sa aking gunita Buhay mapayapa, punong-puno ng pag-asa Walang kaguluhan, tayo‘y nagkakaisa Ngunit sa isang iglap Sa isang ihip ng hangin Lahat ay nag-iba ‗di ko namalayan Kasamaa‘y nandiyan lang pala. Donalyn E. Aquino


M B6 Lathalain Cuentos Hispanofilipinos*

Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011 Tomas Gösta Tranströmer (1931–)

Hispano–Philippine Stories Edmundo Farolán at Paulina Constancia © 2009 ISBN 978-971-691-930-1

D

alawang manunulat, pitong bihirang likha at isang pagmamahal sa pagkukuwento: ang bunga ay Cuentos Hispanofilipinos. Ang librong ito ay tambalan ng dalawang manunulat at magkaibigan na sina Edmundo Farolán at Paulina Constancia. Matutungo sa malawak na sulok ng emosyon ang mga mambabasa sa ―Palali,‖ ―Tía Luz y Tía Aida,‖ at ―Mardi Gras con los Montecillos‖ ni Farolán na madamdamin at puno ng makabuluhang alaala; habang ang ―El Chino Asiste a una Misa Católica,‖ ―El Mono y El Científico,‖ ―Tatang va a Nueva York‖ at ―El Apóstol‖ ni Paulina Constancia ay taglay ang kakayahang magpatawa ng kumukulay at nagpapasabik sa bawat yugto ng kuwento. Si Farolán ang patnugot ng Revista Filipina at Review Vancouver. Siya ang may-akda ng limang koleksyon ng tula: Lluvias Filipinas (Madrid, 1967); The Rhythm of Depair (Manila, 1975); Tercera Primavera (Bogota, 1981); Oh, Canada! (Toronto, 1994); at Itinerancias (San Francisco, 2006). Si Farolán ay pinarangalan ng Premio Zobel noong 1981; at paglipas ng dalawang taon, 1983, siya ay naging miyembro ng Academia Filipina. Ang tatlong kuwento niya sa librong ito ay orihinal na ipinalimbag sa Nuevo Horizonte noong 1996. Si Paulina Constancia ay isinilang sa Cebu. Siya ay pintor at makata na naka-eksibit ng kaniyang mga gawa sa Pilipinas, Holandia, Mexico at iba‘t ibang lungsod sa Amerika at Canada. Isa sa mga libro ng tula ni Paulina Constancia ay ang bilinggwal na Open Arms/Brazos Abiertos (Vancouver, 2003). Sa Revista Filipina (e-magazine) at Contra Tiempo (magasin ng Latino– Amerikano sa Chicago) naitanghal ang kaniyang ibang mga tula. Ang Cuentos Hispanofilipinos ay ang pangalawa niyang libro at dito nakalagay ang una niyang koleksyon ng maiikling kuwento. *Suri aklat ni William Andrew G. Bulaqueña Ang Manggagawa ay nagpapasalamat kay Paulina Constancia para sa kopya ng libro.

Cebuano Kagaya ng mga manunulat na ito, maraming ibang Cebuano ang nagsimula sa pampaaralang pahayagan katulad ng mga makatang sina Robert Flores at Rex Fernandez noong mga dekada ‗70 at ‗80; at sina Mike Obenieta, Adonis Durado at Januar Yap, mga miyembro ng grupong Tarantula, naman ng dekada ‗90.

Dekada ‗90 Itinatag noong 1991 ng pitong babaeng manunulat ang grupong Women in Literary Arts (WILA). Ito marahil ang pinakaorganisadong grupo ng mga babaeng manunulat sa bansa. M a y 25 kasaping manunulat at kalahati sa kanila ay karaniwang gumagawa sa Cebuano katulad na lang

Bisaya Mal a ki n g b a h a gi sa kanilang katauhan na nakikitaan ng ilang katangian sa isang tunay na babae habang hindi tinatangkang itago ang tunay nilang kasarian. Sa kasong ito, maaring maggupit lalaki ang bayut subalit nagsasalita sa pambabaeng paraan. Isa ring uri ng Cebuano ay ang mga babaeng ―taga-isla‖ kung tawagin nila. Sila ay makikita mo sa mall at internetan. Minsan magkahawak-kamay pa sa kanilang mga puting kasintahan na walang pagkabalisa sa kanilang kapaligiran. Ang tipikong asawa/nobya/ kasintahan/alipin ay nakatanim na sa ating isipan na isang babaeng manghuhuthot na palaging namamalagi sa chatroom sa kapalarang nakakita ng ―Amerikanong‖ asawa kahit na matanda pa o doble sa kanilang edad basta lang maiahon sa kahirapan. Sa isang banda, nabigyang pansin sa isang online na diskusyon ang tunggalian ng Cebu at Maynila na nagreresulta sa pagkapili ng dating Pangulong Gloria Macapagal–Arroyo noong 2004.

Makata sa pagwawangis, nanalo premyong Nobel

Pahina: 139

Mula B3 nina Tapia, Ruby Enario, Leticia Suarez, Erlinda Alburo, Jocelyn Pinzon, Cora Almerino, Delora Sales at Marvi Gil. Karamihan kung hindi lahat ng mga manunulat na nabanggit ay pumupunta sa taunang Cornelio Faigao Memorial Writers Workshop na isinasagawa mula pa noong 1984 ng Cebuano Studies Center ng Unibersidad ng San Carlos. Patuloy pa rin ang mga Cebuanong manunulat sa pagpasagana ng kanilang yaman—ito ang katitikang Cebuano panitikang Cebuano—na makikita sa mga umaapaw nilang likha at determinasyon na kalian man hindi kumupas at nagpapatuloy sa rurok ng tagumpay.

I

ginawad kay Tomas Tranströmer ang 2011 Premyong Nobel para Literatura dahil sa kaniyang suryalistik na mga tula tungkol sa misteryo ng isip ng mga tao at sa malawakang pagkakakilanlan niya bilang pinakamaimpluwensiyal na makatang Skandinabyan sa mga nakaraang dekada. Ang kaniyang mga tula ay kadalasang nakabase sa kaniyang sariling karanasan at pinag-iisa sa kaniyang pagmamahal ng musika at kalikasan. Ang mga tula nila kinamamayaan ay nagtataglay ng mas madilim na kahulugan tungkol sa buhay, pagkasawi at sakit. Siya ang kinilalang batikan ng pagwawangis (metapora), sa paghabi ng malakas na imahe ng kaniyang mga tula kahit wala gaanong mga dagdag pagpapaganda. Isang sikologo at piyanista, si Tranströmer, 80, ay nagdusa sa atake serebral noong 1990 na nagdulot sa kaniya ng kalahating paralisa. Hindi siya gaanong makapagsalita pero nagpatuloy siya sa pagsulat. Nailimbag ang The Grief Gondola noong 1996 at nakapagbenta ng 30,000 kopya sa Sweden. Noong 2004, nailimbag ang The Great Enigma, isang koleksyon ng 45 haiku tungkol sa kalikasan o panahon. Mula noon, nagretiro na siya sa pagsulat. Si Tranströmer ang kaunaunahang Suwekong nakatanggap ng premyo para sa literatura mula noong 1974 nang pinaghatian ito nina Eyvind Johnson at Harry Martinson, kapwa hurado ng Nobel at hindi kilala sa labas ng Sweden. Ang pinakahuling Amerikanong manunulat na nanalo ng Premyong Nobel ay si Toni Morrison noong 1993. Ang premyo ay nagkakahalaga ng $1.5 milyon. Si Tranströmer ay ipinanganak noong ika-15 ng Abril 1931. Pinalaki siya ng kaniyang ina, isang guro, pagkatapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang.

Nag-aral siya ng hayskul sa Södra Latin School sa Stockholm kung saan siya nagsimulang sumulat ng mga tula. Ang kaniyang pinakaunang koleksyon ng 17 tula (17 Dikter) ay inilimbag noong 1954. Nagpatuloy siyang nagaral ng sikolohiya sa Stockholm University hanggang 1956. Sa pagitan ng 1960 at 1966, hinati ni Tranströmer ang kaniyang panahon sa pagsusulat at pagiging sikolo para sa mga kabataang lumabag sa batas. Noong 1966, napanalunan niya ang premyong Bellman. Sumunod pa ang iba‘t ibang gantimpala tulad ng Bonner para sa tula, Petrarch na mula Alemanya at Nordic ng Akademia Suweko. Siya ay pinili bilang isa sa mga pinakamahalagang manunulat na Skandinabyan mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga kritiko ay nagbigay ng papuri sa mga tula ni Tranströmer na naisalin sa 60 wika dahil ang mga ito ay madaling intindihin at isalin. Ang kaniyang mga tula ay nakakabighani sa mahabang taglamig ng mga Suweko; sa indayog ng mga panahon at maliwanag na kagandahang likas ng kapaligiran. Si Tranströmer ay binansagan bilang pampalagiang nangunguna para sa gantimpala noong nakaraang taon. Ang lupon ng Nobel ay nagsabi na ang mga obra ni Tranströmer ay nakatanggap ng pagpahalaga ―dahil sa pamamagitan ng maiiksing nanganganinganinag na imahe, siya ay nagbibigay ng sariwang daan patungo sa katotohanan.‖ Sanggunian: nobelprize.org

Literatura

Marchie S. Española & Von Vladimier B. Montayre Ang kalahating-tapos na langit* Ang pagkawalang pag-asa‘y kumalas sa kaniyang daan. Ang paghihirap din tumiwalag sa kaniyang daan. Ang buwitre ay lumihis sa kaniyang lipad. Ang sabik na liwanag ay nagpupumiglas palabas Na ang mga multo‘y naglaho. At ang ating mga kuwadro‘y nakakita ng sinag ng araw na matagal na naipong poot sa lumang talyer. Nagsimulang nagmasid sa paligid ang lahat. Sandaan tayong naglakad sa ilalim ng araw. Bawat tao‘y kalahating-bukas na pinto patungo sa silid na para sa lahat. Ang walang katapusang lupa ay tinahak. Ang tubig ay kumikinang kasama ang mga puno. Ang lawa ay isang mata patungong kailaliman ng daigdig. *The Half-Finished Heaven Isinalin ni William A.G. Bulaqueña

Sanggunian: ncca.gov.ph; Wikipedia; USC

Mula B2 Maikukumpara ang isang Cebuano Pride sa isang organisasyong naglalayong maging mapag-isa sa kani-kanilang wika na naimpluwensyahan ng Espanyol. Sa ganitong kamalayan, maraming Manileño ang naniniwalang ang paggamit ng wikang Tagalog ang kadalasang ginagamit ng isang payak na tao. Ito rin isa sa mga dahilan kung bakit nakuha ni Pangulong GMA ang mga puso ng Cebuano sapagkat siya rin mismo ay nagsasalita ng Cebuano. Kahit hindi pormal na itinuturo sa paaralan at unibersidad, ang wikang Cebuano ang madalas na ginagamit ng karamihang tao sa bansa. Halos 25 bahagdan o dalampung milyong Pilipino ang gumagamit ng wikang ito sa Visayas at Mindanao. Ito ang wikang may pinakamaraming nagsasalita sa buong Visayas: ang wikang hatid sa ating ng mga ninunong Malay, Indo at ibang maimpluwensyang mananakop sa bansa. Sanggunian: Wikipedia

Society of Mary

N

gayong buong buwan ng Oktubre, aktibo na naman sa pangunguna ng rosaryo ang mga miyembro ng Society of Mary para sa mga kolehiyong mag-aaral tuwing ika-6 ng hapon . Ang Society of Mary (SOM) ay nabuo noong 1988 sa pagpapasimuno ni Raul Duques, dating mag-aaral sa Saint Joseph College of Sindangan, Inc. Medyo mga ―loko-loko‖ na grupo ang unang namuno at bumuo ng samahang ito pero matatagumpay na ngayon ang mga ―grotto boys‖ sa kani-kanilang mga sariling buhay . Sa ngayon, ang samahan ay nahahati na sa dalawang grupo: ang tinatawag nilang ―old ones‖ at ang grupo ng mga kabataan. Ang old ones ay pinamunuan ni Analiza Sagal at ang youth group naman ay ni Michael E. Tan, pangulo ng Supreme Student Council. Ang SOM–SJCSI Chapter ay itinatag noong Hulyo 2010 na pinangunguluhan nina Edralin M. Deleña at Samson M. Saile. Binuo nila ang samahan para magsilbi at mangulo tuwing

kaarawan ni Birheng Maria. Bilang mga deboto, kasama na rin sa kanilang gawain ang panatilihing malinis ang grotto. Noong pista sa kapanganakan ng Birhen Maria, nagsamasama ang mga miyembro ng SOM para sa isang sagradong misang idinaraos sa grotto. Pagkatapos nag-motorcade sila, umikot sa sentro ng lungsod at sama-samang nananghalian. Mayroon ding mga isponsor ang SOM para sa kanilang mga proyekto. Para sa kanilang pondo, may buwanang ambag na nagkakahalaga ng P10 ang bawat miyembro at ito ay kanilang idiniposito sa bangko. May 103 aktibong miyembro ang SOM–SJCSI sa kasalukuyan. Pinaplano nilang pagsamasamahin ang dalawang grupo. Ang mga opisyales ng SOM–SJCSI Chapter ay sina

Organisasyon

Ma. Joeresa P. Jamora ma.joeresa_jamora@yahoo.com Ryan Gonzaga, pangulo; Tan, pangalawang pangulo at acting na pangulo; Jerelyn Sabanate, kalihim; Mery Sipri, ingat-yaman; Aljen Tulabing, auditor; Reynaldo Quiro-Quiro Jr., press relation officer; Lysander Abne at Aprelieta Zulueta, mga sarhento; Rev. Nathaniele Denlaoso, chaplain, tagapayong ispiritwal; Carmencita V. Samios Uy at Alfreda B. Calamba, Ed.D., mga sanggunian.


Misyong Kepler ng NASA

B7 Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011

Planetang may 2 araw, nadiskubre

Agham at Teknolohiya Patnugot: Yanessa S. Naval

U

nang nabuo sa imahinasyon ni George Lucas na naglaong naging bida sa telebisyon. Ngayon, sa isang iglap ay mistulang ganap na planetang gaya ng Tatooine na bantog sa pelikulang Star Wars. Akala ng lahat ay malabo sa mata ng riyalidad ngunit ngayon ay unti-unting lumilikha ng pangalan habang nagduduyan sa misteryosong kalawakan.

Kalawakan

Yanessa S. Naval yanessa.naval@yahoo.com Noong ika-15 ng Setyembre, isang makabagong kontribusyon na naman sa larangan ng siyensya ang nadiskubre ng National Aeronautics and Space Administration (NASA). Ito ang planetang sinasabing umiikot sa dalawang bituin o ang tinatawag na circumbinary planet. Ang nakamamanghang tuklas na pinangalanang Kepler16b ay matatagpuan sa sistemang

Kepler-16 na 200 light years ang layo mula sa ating mundo. Ayon sa NASA, ito ay malamig na umaabot ang temperatura sa –100°C. Binubuo ito ng 50 bahagdan hangin at 50 bahagdan bato. Sa mga kondisyon na ganito, malayo ang pag-asang ito ay makakapagbigay buhay. Ang mala-higanteng planeta ay tinatayang kasinlaki ng Saturno na walang tigil na umiikot sa dalawang bituing. Ang k dwarf ay may bigat na 69 bahagdan sa ating araw at ang pangalawa, red dwarf, ay 20 bahagdan lamang. Kahit ito ay malaki, mahahalintulad naman ang Kepler-16b sa Venus na nagtatapos ng isang buong rebolusyon sa loob ng 229 araw at 35 takip-silim para sa kumpletong pag-ikot sa sariling aksis. ―Ang pagkatuklas nito ay isa lamang na patunay na may malaking posibilidad na may mga planetang pwedeng matirahan,‖ ayon kay William Borucki, ang nangunguna sa imbestigasyon ng

Kepler. ―Karamihan ng ating mga bituin ay bahagi ng dalawang sistema. Ibig sabihin ang oportunidad ng buhay ay mas malawak kung ang planeta ay umiikot lang sa iisang bituin,‖ dagdag niya. Karamihan sa ating nalalaman tungkol sa laki ng mga bituin ay nanggaling sa magkapares na bituin na nakaharap sa mundo at sa kanilang pagdidilim kung dadaanan ng planeta sa harapan nito. Ang magkapares na bituin ay tinatawag na eclipsing binaries. Sa katunayan, lahat din ng nalalaman natin sa laki ng mga planeta sa palibot ng ibang bituin ay nakuha galing sa kanilang pagdaan o transit sa tapat ng kanilang mga bituin. Ang sistemang Kepler-16 ay combinasyon ng planetary transit sa kabila ng isang eclipsing binary system. Dahil nito, ang Kepler-16b ay isa sa pinakamabuting nasukat na planeta labas ng ating kalawakang araw. Ang Kepler-16 ay umiikot

Tatooine. Ang Kepler-16b, sa pagkaunawa ng dibuhistang David A. Aguilar, ay nakararanas ng dalawang paglubog ng araw sa kaniyang paglilibot sa isang pares ng mga bituin.

sa isang dahan-dahang umiikot na K-dwarf na aktibo at may maraming star spot. Ang isang bituin nito ay maliit na red dwarf. Ang planetary orbital plane ay nakahanay sa loob ng kalahating grado ng stellar binary orbital plane.

Patuloy pa rin ang pakikipaglaban sa buong mundo

Buwan ng Kamalayan sa Breast Cancer

T

uwing Oktubre ginugunita sa buong mundo ang Breast Cancer Awareness Month (BCAM) o kamalayan ng kanser sa suso. Ito ay isang pandaigdigan kampanyang pangkalusugan na itinatatag ng mga kawanggawa para ipalaganap ang kamalayan sa sakit at makapaglikom ng pondo para sa pananaliksik ng sanhi, pagpipigil, tuklas, paggagamot at lunas. Ang kilusan ay nagbibigay din ng suporta at kaalaman sa mga biktima ng kanser at nagpapaalaala sa mga kababaihan sa kahalagahan ng agarang pagtuklas. Ang National BCAM ay naitatag noong 1985 sa Estados Unidos sa pakikipag-ugnayan ng American Cancer Society. Layunin nitong maipagtaguyod ang mammography bilang pinakamabisang kalasag sa pakikipaglaban ng kanser sa suso. Ang kowalisyon ay tumutulong na mapaisa ang mga kababaihan at mapag-usapan ito sapagkat ang kanser sa suso ay isang sakit na madalang na pag-usapan ng mga babae at kinatatakutan bilang isang sentensyang kamatayan. Ang NBCAM ay nananatiling nagpapasiya sa pagpapalawig ng kamalayan sa pagbibigay inpormasyon ng kanser sa suso at paglalaan ng malaking daan sa kamalayan ng sakit. Sa Estados Unidos, ang kanser sa suso ay pumapangalawa sa sanhi ng kamatayan sa kababaihan, pagkatapos ng kanser sa baga. Ang antas ng kamatayan sa kababaihan ay patuloy na bumababa mula noong 1990 dahil sa agarang pagtuklas at makabagong lunas.

Ngayon, mahigit kumulang 90 bahagdan ng mga kababaihan ang napag-alamang may kanser sa suso at pinanininiwalaang makakaligtas sa sakit na ito kahit sa loob ng 5 taon man lamang— mas mataas kaysa 63 bahagdan sa pagsisimula pa lamang ng dekada ‗60. Sa kasalukuyan, may humigit kumulang 2.5 milyong survivor. Sa pag-organisa ng kamalayan ng kanser sa suso, ang mga kababaihan ay pinapatatag upang mapangalagaan ang kalusugan ng kani-kanilang mga suso sa pakikibahagi ng mga regular na pansariling pagsusuri, pagkuha ng mammogram, pagtatakda ng regular check-up sa doktor, pagsusunod sa mga ipinanutong lunas at kaalaman sa abot ng kanilang makakaya sa pagsugpo ng kanser sa suso. Ang kanser sa suso ay isang paksang bihirang napaguusapan noon ngunit nakuhanan ito ng malaking atensyon nang ang mga tao ay nakaranas ng matinding trahedya kung paano labanan ng kani-kanilang mahal sa buhay ang sakit na ito.

Delta Pink Plane. Simula pa noong 2005 ang eroplanong Boeing 757 ng Delta Airlines na may espesyal na pintura para sa kampanya laban sa kanser ay nakalipad ng 2,472,896 milya o katumbas ng 99 ikot sa mundo.

Lasong Rosas

Cynthia Kareen J. Nazario ck.nazario@ovi.com Ang Lasong Rosas Ang pink ribbon ay ang pandaigdigang simbolo ng kamalayan ng kanser sa suso. Ang pink ribbon at kulay rosas ay kumikilala sa nagsusuot nito bilang tagasuporta sa pakikipaglaban. Ito ay kadalasang makikita tuwing Oktubre. Ang Susan G. Komen Foundation ang unang naglahad ng lasong rosas noong 1991 sa New York. Pinaniniwalaan na ang lasong kulay rosas ay pinili sapagkat ito ay sumisimbolo ng kalusugan at nagpapakita rin ng pagkababae. May lasong rosa at asul din na pinalabas noong 1996 para ipalaganap ang kamalayan na ang mga kalalakihan din ay magkakanser sa suso ngunit bihira lang ito mangyayari. Ang Estée Lauder Companies ay nakapamigay na ng mahigit 80 milyon lasong rosas sa 19 taon nitong pakikipag-ugnayan.

A

Ang Kepler-16 ay lalong mahalaga sa mga nag-aaral ng pagkabuo ng mga planeta dahil sa pinagsamang katangian nito na pangunahing interes din ng astrophysics. Sanggunian: NASA; CNN; Popular Science; Astronomy Now Online

Kanser sa Pilipinas

yon kay Rosa Francia–Meneses, ang nagtatag ng Philippine Breast Cancer Network, ―Ang kalubuslubusang panganib na magkakanser sa suso bukas ay ang pagkasilang ngayon sa Ikatlong Daigdig. Ang kalubus-lubusang panganib na hindi makaligtas ng kanser sa suso ay ang pagiging babae sa Pilipinas.‖ Ang kanser ay pangatlo sa nangungunang sanhi ng kamatayan sa Pilipinas. Nangunguna pa rin ang mga sakit na nakakahawa at kardyobaskular, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan. Sa nakalipas na 60 taon, pakonti-konti na lang ang namamatay mula sa mga nakakahawang sakit kung paghambingin sa sakit sa puso at kanser. Sa Pilipinas, 75 bahagdan ng kanser ay umaapekto paglipas ng ika-50 taon, at 3 bahagdan lamang sa mga 14 na taong gulang at pababa. Kung magpatuloy ang mababang antas ng kamalayan sa pagiingat, tinatayang may isa sa 1,800 Pilipino ang magkakanser tauntaon. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga pasyente ng kanser ay humihingi lamang ng payong medikal kung malala na ang kalagayan. Sa bawat dalawang bagong kaso ng kanser na nasusuri, isa nito ay mamamatay sa loob ng taon. Ang anim na nangungunang kanser ay ang baga, suso, atay, serviks, bibig, bituka at tumbong.

Alam mo ba?

 Lahat ng kababaihan ay nasa panganib. Halos 70 bahagdan ng kanser sa suso ay nangyayari sa mga kababaihan kahit wala sila ng mga risk factor.  Tanging 5 bahagdan lang ng kanser sa suso ay minana. Halos 80 bahagdan ng mga kababaihan na nasuring may kanser sa suso ay ang kauna-unahang biktima sa kani-kanilang pamilya.  Ang kanser sa suso ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga kababaihang mula 35 hanggang 54 taong gulang sa buong mundo. Mahigit sa isang milyon ang magkakanser na hindi nakakaalam at halos 500,000 sa kanila ay namamatay taun-taon.  Isa sa apat na nasuri na may kanser sa suso ay namamatay sa loob ng unang limang taon. Hindi kukulang sa 40 bahagdan sa kanila ay mamamatay sa loob ng 10 taon.  Ang saklaw ng kanser sa suso ay tumataas sa nakalipas na 30 taon. Dapat malaman ito ng mga dalubhasa at eksperto ngunit hindi nila alam ang dahilan at kung bakit patuloy ang antas ng paglaganap.  Ang mga risk factor ay hindi nangangahulugang sanhi ng kanser sa suso. May sapat na ebidensya na nag-uugnay sa polusyon pangkapaligiran at kontaminasyon ang nagdudulot ng kanser sa suso.  Halos 20 baghagdan ng kanser sa suso ay hindi natuklas ng mammography. Halos sa 40 bahagdan ng mga kababaihan pababa ng 50 taon ito nangyari.  Ang agarang pagtuklas ay hindi nakakapigil ng kanser sa suso. Ang pag-iwas at pag-alis ng nakikilalang mga sanhi ay makakapigil sa paglaganap ng kanser.  Ang Pilipinas ay may pinakamataas na antas ng paglaganap ng kanser sa suso sa buong Asya. Sa ngayon, ang Pilipinas ay pangsiyam na bansa na sa buong mundo. Sanggunian: Wikipedia; pbcn.org; nbcam.org; UP–CEU


Kuwadro

Francis Joseph T. Fuertes

B8 Ang Manggagawa Handurawan│Hunyo–Oktubre 2011

Disenyo Tagaguhit: Meldrid B. Baculpo ▪ Reger Ed A. Caperig ▪ Princess Rhenette C. Cedeño ▪ Francis Joseph T. Fuertes ▪ Nicola P. Lecciones ▪ Jelly Gay E. Malon ▪ Sean Maverick D. Realista

Tartan Color blind

Reger Ed A. Caperig

SJCSI Kantina

Sean Maverick D. Realista

Jelly Gay E. Malon

Makalipas 20 minuto.

Pamatay na hirit

Nicola P. Lecciones Holy smokes!

Kawaii

Willy at Manny

Tweeter

Francis Joseph T. Fuertes

Busyok

Jelly Gay E. Malon

LQ

Nicola P. Lecciones

Princess Rhenette C. Cedeño

Francis Joseph T. Fuertes

Sean Maverick D. Realista Offline na si Lola!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.