Ang
Manggagawa
Tomo 1 ▪ Blg. 1 Hunyo–Oktubre 2011
aN= mN=ggw
“Ang pagsusulat ay panalangin.” Ang opisyal na pahayagang Filipino ng Mataas na Paaralan ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc., National Highway, Poblacion, Sindangan, 7112 Zamboanga del Norte
SSC lider, nahalal
Nangunguna sa brodkasting at pagsusulat
agdaos ng halalan ang Supreme Student Council noong Marso para sa mga opisyales ng taong panuruan 2011–2012.
10 manunulat, humakot ng parangal
N
Nahalal na pangulo si Reymund Danielle U. Jugalbot ng Music Party laban kay Sidney Rico T. Rebollido ng Speak Party. Ang ibang napiling opisyales ay sina Yanessa S. Naval, pangalawang pangulo; Cynthia Kareen J. Nazario, Roxanne B. Dataro at Joyce Nicole Jalosjos bilang representative para sa ikaapat, tatlo at dalawang taon. Sa pagbukas ng pasukan, naghirang si Carol C. Salimbagat, ang dating tagapayo ng SSC, ng 10 mag-aaral para sa iba’t ibang posisyon. Si Michael Masalta, ang bagong tagapayo, ay naghain ng resolusyon upang maaprobahan ang mga nahirang sa puwesto. (Janine Claire T. Jalosjos)
S
ampung manunulat ng El Obrero at Ang Manggagawa ang nanalo sa iba’t ibang larangan ng pampahayagang pagsusulat at brodkasting para sa radyo sa taunang campus journalism seminar–worksyap, ika-23–24 ng Hulyo.
Dalawampu at tatlong mag -aaral ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ang dumalo sa pagsasanay na binigay ng Zamboanga del Norte Press Club sa Sindangan National Agricultural
School. Sa indibidwal na pagsusulat sa Ingles, nakamit ni Mara A. S. L. Escoreal ang pa-ngalawang puwesto sa pagsulat ng balita. Napanalunan ni William
Andrew G. Bulaqueña ang parehong pangatlong puwesto sa pagsulat ng pangulong tudling at balitang isports. Si Cynthia Kareen J. Nazario ang nakakuha sa pangat-
K+12 sa 2012
akatatakdang ipatutupad sa susunod na taong panuruan ang planong dalawang taong dagdag sa elementarya at hayskul kasabay ng bagong kurikulum na kindergarten at 12 taon (K+12) na programa ng Kagawaran ng Edukasyon.
Sa loob
Layunin ng K+12 na iangat ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas, makasabay sa pandaigdigang antas at maihanda ang mga magsisitapos ng hayskul sa trabaho kahit hindi sila makapagkolehiyo. Ngayong taong panuruan, inumpisahan ng DepEd ang programa ng kurikulum sa kindergarten sa mga 5 taong gulang para na rin maihanda sila sa pagpasok sa elementarya at mababaan ang antas ng maagang pagbagsak. Ayon sa plano ng DepEd noong ika-5 ng Oktubre 2010, ang K+12 ay nagrerekomenda ng kindergarten, anim na taon sa elementarya (baitang 1–6), apat na taon sa junior hayskul (baitang 7– 10) at dalawang taon sa senior hayskul (baitang 11–12). Ang mga mag-aaral ay maaaring pumili ng kanilang kurso sa iba’t ibang larangan sa huling dalawang taon. Ito ay maaaring sa performing arts, pagsasanay pangbokasyonal, isports, agrikultura at iba pa. Kasunod na ipalalabas ang bagong kurikulum para sa pangalawa at pangwalong baitang sa taong panuruan 2013–2014. (Donalyn E. Aquino)
Komunidad Sindangan Facoma, nagdiwang ika-55 taon
A3
Seminar–worksyap. Ang mga manunulat ng El Obrero at Ang Manggagawa ay nagwagi sa iba‘t ibang larangan ng pampahayagang pagsusulat at brodkasting para sa radyo.
Buwan ng Wikang Pambansa, idinaos
I
pinagdiriwang ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ang isa na namang makabuluhang Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto.
Sa unang linggo, lumahok ang mga mag-aaral sa poster- at slogan-making contest kung saan ipinamalas nila ang kanilang mga talento sa pagguhit at pagdisenyo. Ang paskil na dinisenyo nina Reger Ed A. Caperig, Kathleen Mae E. Pormento at Clint A. Morito ng II-St. Christopher ay napiling pinakaangkop sa tema na ―Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.‖ Ang salawikain na binuo nina Fila R. Dagomo, Mary Grace J. Parilla at Meryl Aurece R. Enriquez ng III-St. Therese ang nanalo. Para sa pangwakas ng taunang selebrasyon, nagtanghal ang SJCSI ng Tagisan ng Talino sa unang pagkakataon noong ika-26 ng Agosto. Ang lahat ng 14 na seksyon ay pumili ng tatlong magaaral na pinakamagaling sa asignaturang Filipino at panitikan. Sumailalim sila sa tatlong round ng madali, katamtaman at mahirap na mga tanong. Ang grupo ng IV-St. Rita na binuo nina William Andrew G. Bulaqueña, Janine Claire T. Jalosjos at Yanessa S. Naval ang nanguna sa 71 puntos.
Isports Dragon Boat Lumalayag sa kontrobersya at tagumpay
A7
Sinundan sila sa grupo ng IV-St. Agnes, 62 puntos; at grupo ng III-St. Therese, 60 puntos. Pagkatapos ng paligsahan, madaliang sinimulan ang pangunahing palabas ng pagdiriwang. Apat na mananalumpati ang nagpahayag sa kahalagaan ng wika at panitikang Filipino. Si Geraldson A. Crispo ng IV-St. Rita ang nagwagi laban
kina Roxanne B. Dataro, junior; Sean Maverick Realista, freshman; at Rochelle B. Dataro; sophomore. Ang bawat antas ay nagpresenta rin ng kanilang balagtasan kung saan pinagtatalunan ng mga mag-aaral ang paggamit ng wikang pambansa o banyaga, pagaaral o pag-ibig at makaluma o makabagong teknolohiya . (William A. G. Bulaqueña)
Balagtasan. Si Joelan M. Tongco ay nagtatanghal ng paksang ―Dapat bang pagsabayin: Pag-aaral at pag-ibig?‖
Handurawan
N
Lathalain Katitikang Cebuano Lakbay
B1
Destinasyon: Carcassonne
B3
long puwesto sa pagwawasto at pag-uulo ng balita. Sa kategoryang Filipino, nakamit ni Joelan M. Tongco ang pangalawang puwesto sa pagsulat ng balitang pampalakasan habang si Francis Joseph T. Fuertes ang nakasungkit sa pangatlong puwesto ng editoryal kartuning. Sa kategoryang pangradyo, si Reymund Danielle U. Jugalbot ang nagwagi bilang best anchor. Ang entry nina Donalyn E. Aquino, Janine Claire T. Jalosjos, Yanessa S. Naval, Fruitelyn Apple A. Gamulo at Escoreal tungkol sa pagpapasuso ay itinanghal na best infomercial. Ang dating pahayagang Ingles na Ora et Labora ay kumapit sa pangatlong puwesto para sa pag-aanyo at larawang pampahayagan. Umabot sa 206 na magaaral at tagapayo mula sa iba’t ibang hayskul sa Sindangan, Siayan at Sibuco ang sumali. (William A.G. Bulaqueña)
Dance Troupe, nabuo
P
ara sa paghuhulma ng talento ng mga magaaral, ang Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ay nagbukas ng dance troupe sa kauna-unahang pagkakataon ngayong taong panuruan. Ang tropa ay inoorganisa at pinangungunahan ni Ranie S. Jamila, isang guro na nakapagtapos ng Bachelor of Science major in physical education, music and health sa St. Vincent’s College. Dinaan sa awdisyon ang paghahanap ng mga mananayaw para sa klab. Humigit kumulang limampu ang nag-try out noong huling linggo ng Hunyo. Ngayon ang tropa ay may 30 miyembro na hinati-hati sa tatlong grupo depende kung saan sila mas dalubhasa: jazz, modern o hip–hop. Sa nakaraang pasukan pa sana balak buksan ni Jamila ang dance troupe pero dahil sa kakulangan ng oras at kawalan ng atensyon ay pinagpaliban na lamang niya ito. Ang tropa ay nagtatanghal tuwing may selebrasyon ang paaralan. (Sidney Rico T. Rebollido)
Agham Planetang May 2 araw, nadiskubre
B7
M A2 Balita
Ang Manggagawa │Hunyo–Oktubre 2011 Nangingibabaw sa sayawan
Seniors, nanaig sa Lit–Mus
I
sang napakagandang pagkakataon para sa mga senior na ipakita at patunayan sa lahat ang kani-kanilang angking galing sa taunang literary–musical night, ika-9 ng Setyembre.
Sindanganon. Bumisita si Ret. Gen. Alexander B. Yano sa kaniyang bayan upang magsalita tungkol sa military service bilang piling propesyon.
Gen. Yano, ispiker sa forum
D
umalaw ang dating Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas Gen. Alexander B. Yano sa Sindangan upang magsalita sa forum tungkol sa military service bilang isang piling propesyon, ika-11 ng Oktubre. Ang forum na ginanap sa Saint Joseph College of Sindangan, Inc. gym at dinaluhan ng mga mag-aaral at guro mula sa SJCSI, Sindangan National Agricultural School at Sindangan National High School. Bago pa nagsalita si Gen. Yano, ipinakita niya ang isang video documentary ng Philippine Military Academy (PMA) tungkol sa pangangalap ng kadete, bilang isang iskolar at buhay sa loob ng Fort del Pilar. Ayon kay Gen. Yano, ang sinumang interesado na pumasok sa PMA ay dapat maghanda hindi lamang sa pisikal at intelektwal kundi pati na rin sa pangkaisipan.
Sa forum, sinagot ni Gen. Yano ang mga tanong tungkol sa isyu ng hazing, pagsasanay para sa mga babae sa PMA, benepisyo at mga oportunidad. Si Gen. Yano ay tubong Sindanganon na nakatapos sa PMA noong 1976. Ngunit mas nakilala siya bilang tagapagpalaya ng mga hostage sa Cabatangan, Zamboanga City, noong 2001. Nahalal siya bilang ika-38 chief of staff noong ika-12 ng Mayo 2008 at nagsilbi hanggang sa maagang pagretiro dahil sa pagkatalaga bilang embahador ng Pilipinas sa Brunei noong 2009. (William A. G. Bulaqueña)
Inilampaso ng mga senior ang lahat ng kanilang mga katunggali nang isayaw nila sa tagumpay ang buong kategorya. Nagwagi sila sa pagsasayaw ng folk, ballroom, hip–hop at group impersonation. Ngunit sa kategorya ng musika, hinakot naman ng mga junior ang dalawang unang puwesto sa vocal solo at acoustics. Si Judee B. Garsuta ay kumanta ng ―Sana‘y Wala ng Wakas.‖ Ang parehong pangalawang puwesto sa awitan at musika
Ballroom dancing. Sina Yanessa S. Naval at Mark Kevin Hilay ay sumasayaw ng jive, cha-cha at iba pa para sa kategoryang ballroom.
Bilangng ng populasyon ng mga sa Talaan SJCSI–HS, TPmag-aaral 2011–2012 SJCSI
Lalake 116 92
103
Babae
99
81
67
I
II
III
89
74
IV
Pagtatala, lumampas 700
T
umaas ng bahagya ang bilang ng mga mag-aaral sa Saint Joseph College of Sindangan, Inc.–High School na nakapagtala ng kabuuang 721 sa taong panuruan 2011 –2012, ayon sa datos galing sa opisina ng punong-guro. Kumpara sa kabuuan na 680 mag-aaral ng nakaraang taon, ang nadagdag na 41 ay katumbas sa 6 bahagdan na pagtaas. Ang humigit kumulang na 336 na lalaki at 385 na babaeng mag-aaral nagrerepresenta sa 46.6 bahagdan at 53.4 bahagdan ng populasyon, ayon kay Cristina S. Bajalan, MAEd., punong-guro. Matatandaan sa mga nakaraang pasukan ay karaniwang tatlong silid-aralan lamang ang okupado sa una at pangalawang antas. Dahil sa pagdami ng freshmen sa nakaraan at kasalukuyang taong panuruan, tig-apat na seksyon ang nabubuksan.
Nagdagdag din ng walong full-time na guro para mangasiwa sa mga bagong bukas na seksyon at humawak sa iba’t ibang asignatura. Nalaman din mula kay Bajalan na 383 mag-aaral ay iskolar ng gobyerno sa programang Education Service Contracting (ESC). Sa kabuuan, 115 sa kanila ay freshmen. Ang matrikula, maliban sa diferential, ng bawat iskolar ay libre para sa apat na taon. May 72 mag-aaral din na iskolar ng Education Voucher System (EVS) na ihihinto na ngayong Marso 2014. (Sidney Rico T. Rebollido)
lang ang nasungkit ng mga senior. Sa kategoryang pangliterary, humagot ng tatlong pangalawang puwesto ang mga senior sa oration, storytelling at balak. Si Pamela Mennet V. Llorente, freshman, ang nanalo sa oration na nakabase sa tema. Si Meldrid B. Baculpo, isa ring freshman, ang nagwagi sa storytelling ng ―Little Red Riding Hood.‖ Si Billy Jun C. Albilda ang nakakuha sa unang pwesto sa balak. (Cynthia Kareen J. Nazario)
I
Buwan ng Nutrisyon, isinagawa ng TLE
pinagdiriwang ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ang Buwan ng Nutrisyon sa pamamagitan ng mga laro, paligsahan at mga patimpalak noong Hulyo. Ang tema sa taong ito ay ―Isulong ang Breastfeeding: Tama, Sapat at Eksklusibo.‖ Sinimulan ang pagdiriwang ng isang parada at sinundan ng maikling programa noong ika2 ng Hulyo. Sa essay writing contest nakuha ni Fila R. Dagomo, punong patnugot ng El Obrero, ang unang gantimpala. Sa slogan at poster-making contest, parehong nakuha ni Elda Mae P. Hunongan at kaniyang mga kasama ang unang puwesto. Inilampaso naman ni Sidney Rico T. Rebollido ang ibang kalahok sa panandaliang pagsasalita. Sa kulminasyon, ang mga mag-aaral ay nagbenta ng mga prutas, gulay at marami pang masusustansiyang pagkain.
Ang III-St. Therese ang nanalo sa Maria Went to Town at egg relay contest. Sa Vietnam War naman, ang IV-St. Rita ang nagwagi at sa straw planting contest ay ang II-St. Christopher. Si Loryl O. Pelaez ng IVSt. Rita ang nanalo sa paligsahan ng banana eating at si Mark Ryan Salimbagat ng IV-St. Agnes naman ang sa pan de sal eating. Sa tagisan ng talino, nakapag-ipon ng pinakamaraming puntos ang grupo ng IV-St. Rita na binuo nina William Andrew G. Bulaqueña, Janine Claire T. Jalosjos at Jasmin Rose A. Castillon. Sa pagsapit ng hapon ay nagkaroon ng programa at sa pagtatapos nito ay nagpakitang gilas ang bagong naitayong dance troupe. (Ma. Joeresa P. Jamora)
Ang Manggagawa ▪ News Bureau Patnugot (Balita): Donalyn E. Aquino Patnugot (Komunidad): Sidney Rico T. Rebollido Manunulat: William Andrew G. Bulaqueña ▪ Judee B. Garsuta ▪ Janine Claire T. Jalosjos ▪ Ma. Joeresa P. Jamora ▪ Reymund Danielle U. Jugalbot ▪ Tagaguhit/Karikaturista: Meldrid B. Baculpo Litratista: Reginald Clement S. Pondoc
Gulay. Abala sa paghahanda ng gulay para sa kanilang tanghalian ang mga taga IV-St. Rita noong pagtatapos ng selebrasyon.
Nativity of Mary, ginunita ng SJCSI
S
abay-sabay na ipinagdiriwang ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc. at ng Society of Mary ang kaarawan ng Birheng Maria, ika-8 ng Setyembre. Ang SJCSI, bilang isang Katolikong paaralan, ay nagdaraos ng isang sagradong misa na nilahukan ng mga mag-aaral, guro at mga kasapi ng Society of Mary sa harap ng grotto, ika-7 ng umaga. Si Rev. Nathaniele A. Denlaoso, chaplain, ang nagdiwang sa sakramento. Ang taunang pista sa kapanganakan ng Birhen ay isa sa pinakalumang Marian solemnities at isa sa mga kardinal na selebrasyon ng debosyong liturhikal para kay Santa Maria. Pagkatapos ng misa, kanikaniyang sindi ng kandila, alay ng bulaklak at dasal ang mga deboto ng Birhen. Ang Society of Mary (SOM)–Sindangan Chapter ay p inangung unahan ni Alan Caboverde na dumalo rin kasama ang mga kasapi. Ang SOM–SJCSI Chapter naman ay pinangasiwaan ni Edralin M. Deleña. (Donalyn E. Aquino)
19 Josephians, dumalo sa PYC
L
abing-siyam na magaaral mula sa Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ang dumalo sa taunang Provincial Youth Conference (PYC) sa Polanco, Zamboanga del Norte, ika-19–20 ng Hulyo. Sinimulan ng mataimtim na praise and worship at payapang pagdarasal ang nasabing pagtitipon kasabay ang malugod na pagbati sa mga partisipanteng nanggaling at kumakatawan sa iba’t ibang sektor. Lumahok at nag-kampeon ang Sindangan sektor sa treasure hunting at luksong lubid ngunit nakamit lamang nila ang pangalawang puwesto sa paramihan ng push-up. Inabangan din ng mga kalahok ang tagisan ng talento sa pagkakanta, pagsasayaw at pagtutugtog. Nagkampeon rin ang mga taga-Sindangan sa vocal solo at parehong ikalawang puwesto sa hip–hop at acoustics. Sinundan ito ng dalawang makabuluhang lektyur tungkol sa pananalig at paniniwala sa sariling kakayahan. Isang munting dula na angkop sa paksa ay inihandog ng Dipolog Cathedral chapter. Kinabukasan, isang banal na misa ang idinaos bago sinimulan ang lektyur. Isa sa mga taga-SJCSI ay si Joelan M. Tongco. ―Marami kaming natutunan hindi lamang sa pakikipagkapwa tao pati na ang ispiritwal na aspeto,‖ sabi ni Tongco. Matagumpay ang selebrasyon na dinaluhan ng mga kabataan mula sa mga sektor ng Salug, Liloy, Dipolog City at Sindangan. (Judee B. Garsuta)
Hunyo–Oktubre 2011
Komunidad A3 M
│ Ang Manggagawa
CMV, nag-outreach sa Brgy. Tigbao
H
umigit kumulang dalawampung magaaral at guro ng Campus Ministry Volunteers ang bumisita sa Brgy. Tigbao, ika-2 ng Hunyo. Ang mga boluntaryo ay namahagi ng pagkain, laruan at kagamitang pang-eskwela sa mga pre-schooler. Ang mga donasyon ay galing sa inambag ng mga mag-aaral noong nakaraang taong panuruan. Ayon kay Carol C. Salimbagat, ang tagapayo ng CM, ang mga guro sa day care center ay nagpapasalamat sa mga lapis, pad paper at bag na kinakailangan ng mga bata para sa pasukan. Ang kauna-unahang outreach program ng CM sa taong panuruan ay isinaayos sa pakikipagtulungan ng college at high school student council. Para sa taong panuruan, nagdaos ng sagradong misa ang CM at Society of Mary sa paggunita ng kaarawan ng Birheng Maria noong ika-8 ng Setyembre. Ang mga boluntaryo ay bumisita sa kulungan nang nagdaos sila sa taunang Abot Alay sa Bilanggo sa Brgy. Misoc noong katapusang linggo ng Oktubre. (Reymund D. U. Jugalbot)
AWS, itinayo sa SPDS
U
pang mapabuti ang paglilingkod sa mga sektor na nangangailangan ng datos sa klima, nagtayo ng isang automated weather station (AWS) ang Department of Science and Technology sa plaza ng Sindangan Pilot Demonstration School. Ang pagtatayo ng AWS sa iba’t ibang parte ng bansa ay para sa pagpapadali ng pagmamanman sa panahon. Ang AWS ay may mga sensor na kayang isukat ang mga parametro ng panahon tulad ng bilis at direksyon ng hangin, temperature, presyon at halumigmig sa hangin, bilang ng ulan, tagal at kasidhian. Ang mga datos ng panahon ay ipinapadala bilang text message. Ang AWS ay may aparatong binuo ng Advanced Science and Technology Institute ng DOST at GSM Data Acquisition terminal bilang utak sa pagkontrol ng lahat ng bagay at datos sa pakikipag-usap sa estasyon. Ang AWS na may rechargeable battery sa loob ay nakakatakbo ng tuloy-tuloy sa pamamagitan ng solar energy. Ang makukuhang impormasyon sa lagay ng panahon mula sa istasyon ay tinitipon at sinusuri ng mga tagapamahala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) na siya namang nagpapalabas ng ulat ng panahon sa publiko. Taun-taon ang Pilipinas ay nakakaranas ng matitinding bagyo na may malalakas na ulan at pagbaha. Maraming buhay ang nawawala at milyon-milyong ariarian ang napipinsala tuwing panahon ng tag-ulan. (Sidney Rico T. Rebollido)
Ibinalik dating kilalang pangalan
Sindangan Facoma-CMPC, nagdiwang ika-55 taon
S
a okasyon ng ika-55 anibersaryo ng Sindangan Facoma, inaprubahan ng board of directors ng dating Sindangan Farmers and Teachers Multi-Purpose Cooperative (SFTMPC) ang pagbabalik ng orihinal na pangalan nito. Ibinalik sa puwesto ang mas kilalang Facoma (Farmers Cooperative Marketing Association) na pangalan. Ito ay sinimulang ginamit nang itinatag ang kooperatiba noong ika-30 ng Agosto 1956 hanggang sa ito ay pinalitan ng SFTMPC noong 1998.
Nang nahirang na pangulo si Ramon Magsaysay, pinakaplano niya ay painamin pa ang agrikultura at isulong ang kaginhawaan ng mga magsasaka sa buong Pilipinas. Ang pananaw na ito ang nag-udyok sa pagkabuo ng Agricultural Credit and Cooperative
Multi-purpose building. Naitayo ang P8-milyong gusali na may dalawang palapag para sa tindahan at social hall ng koop noong 2008.
Electric corn mill. Si Msgr. Enrico Montano, V.F., (kanan) ang nagbasbas sa bagong corn mill ng Sindangan Facoma (kaliwa). Financing Administration na sa bandang huli ay naging Facoma. Sa pagtatayo ng Sindangan Facoma, bawat isa sa 201 na miyembro ay bumigay ng P10 bilang pangunahing puhunan upang magsilbing pundasyon ng kooperatiba. Pagdating ng 2006, sumanib ito sa naghihingalos na Sindangan Cooperative Credit Union, Inc. at Sindangan MultiPurpose Cooperative. Noong 2008, lumipat ito sa pinapagawang gusali na nagkakahalaga ng P8 milyon. Sa pagsapit ng 2011, ang Sindangan Facoma ay nagtayo ng sangay sa Dipolog City at Labason, Zamboanga del Norte. Sa pagdiwang ng kaniyang ika-55 taon, ang kooperatiba, ngayon ay kilala na sa tawag na Sindangan Facoma–Community Multi -P urpo se Coo perative
(SFCMPC), ipinagbunyi ang pagbubukas ng bagong electric corn mill sa Sitio Balik-Balik, Brgy. Poblacion, noong ika-30 ng Agosto. Sina Mayor Nilo Florentino Z. Sy; Armonio P. Paa, direktor ng Cooperative Development Authority Rehiyon-IX; at Engr. Dennis Santander, MASS-SPEC CEO, ay dumalo sa inagurasyon. Pagkatapos ng misa at programa, ang mga opisyales ng SFCMPC ay lumagda sa kasunduan na kasulatan kasama ang mga kasapi ng Bayside MultiPurpose Cooperative at mga magulang para sa iskolarship program ng kooperatiba. Ang SFCMPC ay mayroong 4,202 na aktibong miyembro, P113.1 milyon na ari-arian at P18.8 milyon na kapital. (William A. G. Bulaqueña)
Nego-Kart, ibang proyekto, tinatamasa ng manggagawa
B
ilang tulong sa mga kapus-palad na mga tindera sa Sindangan, ang Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) Rehiyon IX ay nagsagawa ng mga proyektong pangkabuhayan. Noong ika-3 ng Setyembre 2010, 10 sa mahigit 20 na mga tindera ang pinalad na nakakuha ng mga Nego-Kart. Ang mga nabunot sa pamamagitan ng raffle draw ay nabahagian ng tag-isang kariton. Nakapaloob sa mga Nego-Kart ang ilang mga kagamitang pangluto na nagkakahalaga ng P15,000. Ilan sa mga ito ay isang kawali, kalan at mga kasangkapan sa pagluluto kagaya ng fish ball, squid roll, kikiam at tempura. Sa kasawiang palad, apat sa 10 na Nego-Kart ang natupok nang nasunog ang Phase 6 ng Sindangan Public Market noong ika22 ng Hulyo 2011.
Nalaman mula kay Leonor T. Aguilar, ang tagapangasiwa ng Public Employment Service Office (PESO) sa Sindangan, na may mga starter kit ding ipinamahagi ang DOLE. Dalawang manikurista at isang barber ang nabigyan ng kani -kanilang mga bagong kagamitan sa pag-aayos ng kuko at paggugupit ng buhok. May tatlo ring napamahagian ng mga gamit sa paggawa ng tinapay (food processing) na nagkakahalaga ng P15,000 at dalawang karpintero ang binigyan ng mga lagari, martilyo at iba pang gamit na magpapabuti sa kanilang kabuhayan. (William A. G. Bulaqueña)
Panayam. Sinasamahan ni Leonor T. Aguilar (nakapayong), manedyer ng DOLE–PESO, ang evaluator mula sa regional office.
Walk for Life. Nagsasama-sama ang mga senior citizens sa isang parada para sa Elderly Filipino Week noong unang araw ng Oktubre.
Linggo ng Nakatatandang Pilipino, ipinagdiriwang
M
uling nagsama-sama at ipinagdiriwang ng mga nakatatandang Sindanganon ang taunang selebrasyon ng ―Linggo ng Nakatatandang Pilipino,‖ ika-1–7 ng Oktubre. Sumali ang mga kasapi ng Sindangan Senior Citizens Association (SSCA) sa isang parada, ika-7:30 ng umaga. Lumibot sila sa plaza bago tumungo sa Sindangan Pilot Demonstration School covered court para sa isang programa at salusalo. Si Gideon C. Vidal, retiradong guro at pangulo ng SSCA, ang bumati sa mga lumahok sa kaniyang pambungad na salita. Inimbita si Mayor Nilo Florentino Z. Sy at nagbigay ng mensahe tungkol sa mga karapatan ng matatandang mamamayan at kanilang kontribusyon sa lipunan. Si Lt. Col. Taharudin Piang Ampatuan, commanding officer ng 10th Infantry Batallion, ang spiker na tumalakay sa temang ―Nakatatanda: Kaagapay sa Pagkakaisa at Kapayapaan.‖
Dumalo at nagsalita rin si Sr. Jo Dagondong ng Community Prayer Center bilang representante ng relihiyosong sektor. Nagsalita rin si Teodoro D. Hinampas, isang miyembro na dating taga-Kagawaran ng Agrikultura. Isang mensahe ang ipinabot ni Gloria B. Yano, ang tagapangasiwa ng Office of Senior Citizens Affairs. Ang unang parte ng programa ay nagtapos sa pangwakas na salita ni Virginia Senining, isang retiradong policewoman. Ang taunang pagdiriwang ay nakasaad sa Proklamasyon 470 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong 1994. Layunin nitong itaguyod at ipaalam sa publiko ang iba’t ibang tungkulin ng mga nakatatandang mamamayan sa lipunan. (Donalyn E. Aquino)
A4
Ang Manggagawa │Hunyo - Oktubre 2011
Opinyon
―Ang papel ng pamamahayag sa paghahatid ng bansa tungo sa tuwid na landas.‖ Tagaguhit: Meldrid B. Baculpo
Pangulong tudling
Pamamahayag at lipunan Ang pamamahayag ay idineklara bilang ika-apat na estado mula sa tatlong sangay ng gobyerno bilang tagapagbantay sa maayos na pamamalakad ng malayang lipunan. Ang prensa ay may napakamahalagang tungkulin sa buhay at landas ng bawat isa; at binibigyan ito ng mataas na pagpapahalaga alang-alang sa kapakanan ng bayan. Magmula noong tayo ay naging kauna-unahang demokrasya sa Asya, ang mga Pilipino ay nagkaroon ng karapatang maghalal ng mga taong magsisilbing lider ng lipunan. Subalit, sa paglipas ng panahon, ang katiwalian at kagahaman ng mga napagturingang pinuno ang siya ring naging dahilan ng unti-unting paglubog ng bansa sa kahirapan; lantakang kurapsyon ng mga pulitiko at labis na pag-abuso sa kapangyarihan. Ang mga pulitiko at institusyon ng gobyerno ay may pananagutan lalo na kung sa kanilang tungkulin nakasalalay ang kapakanan ng taong bayan at lipunan. Sa kabilang dako, ang prensa ay dapat makatarungan, balanse/timbang at walang takot sa paglalahad ng katiwalian at katotohanan at pakikibaka para sa mga naaapi gaya nga ng sinabi ni Thomas Carlyle, ―Ang mga tao ay binigyan ng dilang dapat pakinggan.‖ At dahil dito, pinagkalooban ang prensa ng kalayaang isiwalat at ipahayag ang lahat ng baho at kasakiman ng sinumang abusado sa batas: babae man o lalaki, pulitiko man o mamamayan, basta may masamang mithi sa ating lipunan, ay walang kinikilingang tutukan ng mga makatang mamamahayag. Ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay mag-uugnayan at nagtutulungan upang maabot at mapabilis ang mga solusyon sa mga problemang kaytagal nang pinapasan ng bayan. Sana sa tamang pamamahala at malayang pamamahayag, makamit natin ang pagbabago at maipagmalaki ang pambansang dangal.
Komentaryo
Sidney Rico T. Rebollido sidney.rebollido@ovi.com
Musikang Hiram Sa kasalukuyan, tayong mga Pilipino ay hinuhusgahan sa pagiging mas interesado at mapagpuri sa mga dayuhang kanta o Western music. Gayundin, makikita na halos lahat ng ating mga lokal na mang-aawit ay gumagaya at gumagawa ng sariling bersyon sa mga dayuhang kanta tulad ng iba. At dahil dito, maraming mga Pinoy ang hinuhusgahan ng mga dayuhan at tinatawag na copycats at higit pa sa lahat trying hard Westerners.
Ito ba ay nangangahulugan na tayong mga Pinoy ay walang maipagmalaking orihinal na sariling atin? O sadyang isang maling representasyon para sa musikang Pilipino ang kinikilala nating Original Pilipino Music (OPM)? At ngayon, ang musikang Pilipino ay nasa limot na? Para sa akin, ako ay naniniwala na ang musikang Pilipino ay nasa kaniyang hugis pa rin sa kabila ng mga panlalait na binabato rito. Kahit na karamihan sa ating mga bagong alagad ng musika ay masigasig sa panggagaya at paggawa ng bersyon ng mga dayuhang kanta, kailangan pa rin nating tandaan na ginagawa nila ito bilang sarili nilang awitin sa pagbibigay ng iba’t ibang atake sa pagkanta, pagbabago sa paghahatid ng awitin, pagdagdag at pagpapakita ng higit na maka-Pilipinong tugtog at kultura. Sa kabilang palad, hindi naman lahat ng ating mga musikero ang nagpapasigla gamit ang mga banyagang kanta sapagkat mayroon din naman tayong mga Pilipinong musikero na gumagawa ng orihinal na mga awitin at himig na tinatangkilik din ng karamihan. Halimbawa sa mga ito ang komposisyon nina Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Ogie Alcasid atbp. Sa aking pananaw, ang makabagong paraan ng kolonisasyon ng mga banyaga ay sa pamamagitan ng kanilang musika na ihatid sa sa mga lokal na merkado sa iba’t ibang panig ng mundo tulad dito sa Pilipinas. At gaya noon, mayroon ding mga Pinoy na nagbibigay ng importansya sa sariling musika at naniniwala sa kahalagahan ng musikang Pilipino at handang gawin ang lahat para ipagtanggol at alagaan ang awitin laban sa mga dayuhang kanta na unti-unting nakakaapekto sa ating lokal na eksena sa musika. Ako ay naniniwala na ang musikang Pilipino ay tatayo sa ating lipunan, mananatili habang buhay at umaasa na ang pagmamahal natin dito ay hindi lamang para ipagtanggol at alagaan, kundi paraan ng pagpapahalaga sa kontribusyon at sakripisyo ng ating mga ninuno na nakipaglaban para sa ating kalayaan alang-alang sa ating nasyonalismo.
Epidemya
M
ay napapansin ba kayo sa kapaligiran? Alam ba ninyong may nakamamatay na sakit ang lumalaganap? Tago mga butihing nilalang sapagkat nakakalason ang halimuyak ng pera sa lipunan! Ang Pilipinas, kung makikita natin sa mapa, ay parang tuldok na lamang at halos hindi na maguhit ng tama marahil a kaliitan. Sa kaganapang ito, maihahambing natin ang kasalukuyang kalagayan ng bansa: nanlalabo at hindi na magkamaliw sa tinatahak na daan patungong kaunlaran. Ang dating katahimikan ay napawi dahilan ng isang huwarang bagay na kung tawagin ay pera. Perang sumisira sa sarili makamit lang ang inaasam-asam na kaginhawaan. Kahit na nakakasakit na ng iba ay pinid pa rin ang kagustuhan tulak ng pagkagahaman at pagkamakasarili. Ito ay laganap na sa lahi natin at palaging umiikot sa isipan ng nakakarami—perang pamasahe, perang pangkain, perang panggasto sa kahit anong maisip na makapagpapasaya sa mga uhaw ng kasaganaan. Sinakop tayo ng mga dayu-
han noon dulot ng pera pero sa pagkatamo natin ng kalayaan, naging payapa na ba ang dating magulong kanlungan? Hindi na makakaila sa modernong henerasyon ngayon ay nagsusulputan at umaapaw sa dami ang nagiging hangal sa bagay na ito. Bilangin ninyong mabuti ang mga eskandalo, patayan, krimen na naririnig sa balita— hindi ba nakatatamad na ang karumal-dumal na mga pangyayaring ito? Bilang mga muwang na sa kuko ng kapalaran, sapat na ang kaalaman natin upang maintindihan ang mga kaguluhang nagaganap sa paligid. Nag-aaral tayo para iahon ang ating pamilya sa kahirapan at ito ay laging nakatatak sa ating isipan. Ang mithiin ay karapatdapat na pampalakas loob subalit kung magpapatuloy pa sa kawalan ng hangganan ay susunod sa pag-
Sequere pecuniam
William A. G. Bulaqueña william.andrew_mm@yahoo.com kakalanta ng ating sarili at sa unahan ay pwedeng magdulot ng pagkawasak sa natitirang mabuting sulok ng pagkatao. Noon at ngayon, marami na ang naging biktima at sa kasawiang palad ay dumadami ang nalilipon. Lubhang nakasisilaw ang pera ngunit padadaig, magpapaalipin ba tayo sa walang buhay na bagay na ito? May lunas pa mga kapwa, ―Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.‖
Kurapsyon: Mamamayan o gobyerno
D
ito sa mundong ibabaw na kasaman ay laganap, kabutihan ba ay may pag-asa pang mahagilap?
Holdapan dito, nakawan doon, patayan kung saan-saan; dating palasyo ng mga butihing budhi, nagyon ay sadlakan na ng mga masasamang mithi. Hanggang kalian tayo magkukubli sa dilim na nakabubulag? Wala na ba talagang pag-asang maaaninag ang liwanag? Sa paglipas ng panahon, kasabay ng pag-uunlad ay ang kahirapang lalong nananagana; lumalalang over-population at pagkagutom na dahilan ng di mapigil-pigil na lantarang krimen. Kung ito ay magpapatuloy, naisip mo na ba ang kahihinatnan? Sino ba talaga ang may kasalan na dapat magbayad? Sino ang pipigil at aayos sa napakalaking pagkawasak? Ang mga opisyales ba ng gobyerno na di umano ay kurakot o ang mga tao mismo ng lipunang
ito na walang ibang ginawa kundi ang isisi sa iba ang mga kasalanan na sila mismo ang gumawa? Tayong mga tao ay saksakan ng pagkagahaman sa pera, pangalan, kapangyarihan at karangyaan. Di tayo nakukuntento sa kung ano lang ang kaya nating abutin na kung minsan ay nagtutulak sa atin na gumawa ng kasamaan. Mga pulitikong swapang, nangungurakot, nagpatayan sa posisyon, nagpapayaman. At anong ginagawa ng sambayanan? Nagrali, nagrebelde, kinalaban ang gobyerno at sinisi sa kahirapang natamo kahit na ang katamaran at pag-asa lang nila sa mga tulong mula sa gobyerno ay isa ng pagpapakita ng kurapsyon. Kurapsyon sa ngalan ng pagsisikap upang makamit ang pag-asenso. Sila, kayo, tayo, mga tao sa
Corruptus in extremis
Janine Claire T. Jalosjos a9_claire@yahoo.com.au
lipunang ito, anong gagawin natin upang mapigil ang kasamaang unti-unting sumisira sa mundo? Magsisikap ka bang magbago tungo sa kabutihan o magbulagbulagan? Ang kinabukasan ay nasa ating mga kamay; ito ba ay isang paraiso o kalbaryo?
Opinyon A5 M
│ Ang Manggagawa
Diskriminasyon
H
indi makasabay sa uso? Subanen! Maitim ang balat? Negro! Mataba? Baboy!
Ilan lang ito sa masasakit na mga salitang ating naririnig mula sa ating kapwa. Marahil ay halos lahat tayo ay nakaranas ng ganitong klaseng panlalait na siyang dinidibdib natin sa ating pagkatao. Bakit ganito ang ikot ng mundo? Ikaw na ngang pinagkaitan ng biyaya, maging pagkatao mo pa ay tila kanilang kinukuha. Diskriminasyon! Ito ang salamin na salansang sa ating pagkatao na siyang nakikita at kinagigiliwan ng iba. Ang diskriminasyon sa Pilipinas ay napakatalamak. Binabase nating mga Pilipino ang diskriminasyon ayon sa pananamit, itsura, pananalita at minsan sa kulay ng balat. Simula nang mga bata pa lang tayo, nagkakaroon na ng diskriminasyon sa klase: yung mga kaklase nating may kakaibang itsura, yung hindi masyadong nabibiyayaan ng katalinuhan, yung luma na ang uniporme–yun ang lagi nating tinutukso. Kaya paglaki natin, nasanay na tayo sa nakagisnan nating pangdidiskrimina sa ating mga kapwa. Maging sa ibang bansa ay matindi ang dinadanas na diskriminasyon ng ating mga kababayan mula sa kamay ng mga dayuhan.
Kulay, lahi, relihiyon, kasarian o nasyonalidad ay siyang basehan ng pagmamaliit at abuso na ikinasisira ng kanilang buhay, maging kanilang pagkatao. Pantay-pantay pa nga ba tayo dito sa mundo? Bakit tila mayayaman ang laging nananaig at pinapahalagahan? Siyang pera ang pinapaikot, kabuhayan ng mahihirap lalong ginigipit. Ang kaganapan ng daigdig ay talagang masakit isipin mula pa noon hanggang ngayon. Sino ba naman ang makakalimot sa masakit na diskriminasyong dinanas ng ating mga ninuno sa kamay ng mga dayuhang sumakop sa bansa? Ito ay isang halimbawa lang kung gaano minamaliit ng mga mas makapangyarihan at mayayaman ang mga dukha at naghihirap na mga tao. Ang ating hinagpis, sakit at kawalan ng pag-asa sa buhay, maramdaman pa kaya ng mga taong tingin sa sarili ay perpekto ang pagkatao? Makikita pa kaya nila ang dulot ng mapagyurak na mga salitang binabato, pangiinsulto at diskriminasyon? Maaring sila ay bulag na para damhin to. Pero kung sa ating loob ay may matapat tayong layon, hindi dapat tayo padadaig sa mapanghusga nilang opinyon tungkol sa ating pagkatao. Lahat
Liham sa Patnugot Fortis et liber
Sidney Rico T. Rebollido
B
Sarbey*
Dito sa mundong ibabaw, matutunghayan ang milyonmilyong tao, sari-saring kontinente, iba’t ibang mga bansa at mga kaaya-ayang wika. At sa bansa nating Pilipinas, Wikang Filipino ang bukod tanging binibigkas. Ito ang Wikang isinulong at buong pusong pinaglaban ni Manuel L. Quezon na lumaganap mula Baler hanggang sakupin ang buong bansa at maging ang mga Pinoy sa ibang panig ng mundo. Pero bakit tila ay hindi alintana ng ating mga kababayan ang kahalagahan nito at pilit kinikwestyon kung ano nga ba ang silbi ng wikang Filipino? Sa araw-araw nating gawain lubos nating sandigan ang wikang Filipino. Sa komunikasyon, sa pagkakaintindihan ng bawat tao at higit na sa pagkakaisa. Hindi man ito nakikita ng iba, pero hindi maipagkailang na malaki ang nagagawa nito sa pagtamo ng ating mga adhika. Mapabata, mahirap, matanda, mayaman at kahit ano ka pa, walang pinipili ang wika— bahagi ka ng lipunan at may parteng dapat gampanan upang ang bansa ay umunlad at makamit ang rurok ng tagumpay na posibleng matikman kung bawat Pilipino ay nagkakaunawaan at nagkakaintin-
tayo ay may lugar sa mundong ito at dapat nating isipin na hindi sa kanila nakasalalay ang kalalabasang tagumpay para sa ating bukas. Napakahalaga ng tinatawag nilang respeto sa kapwa tao lalo na sa iyong sarili sapagkat ito ang nagpapagalaw sa bawat isa. Dahil sino nga ba ang sadyang mapalad pagdating ng araw tayo ay huhusgahan ng Maykapal? Ang mga huwad na tao ay magsisisi din sa kanilang ginagawa. Lagi nating isipin na ang ating buhay sa paningin ng Diyos ay lahat pantay-pantay. Sa Kaniyang harapan tayo ay malaya, walang mahirap, walang dukha, handang ibigay walang hanggan mong buhay.
84%
Mahilig sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter atbp.
95 Minuto Karaniwang oras na ginugugol sa pagso-social net-
Pro patria
dihan. Ngunit sa henerasyon ngayon, sadyang nawiwili ang ating kapwa Pinoy sa wikang banyaga. At ayon pa nga sa iba, ―mas sosyal kang maituturing kung alam mong mag-Ingles, Pranses o Espanyol.‖ Sa kadahilanan nga ba talagang sosyal o baka naman ay palusot lang, palusot sa katotohanang maging ang sarili mong wika ay hindi mo kayang ipagmalaki. Nakatatawa namang isipin na ang ibang mga banyaga nga ay tinatangkilik ang ating wika. Tayo na mismong mga Pinoy ay nawiwindang at abala sa pag-aaral ng mga lenggwahe ng iba. Hindi lang iyan, maging ang ating musika, baduy nga ba? Ayon kasi iyan sa iba na ang paboritong-paborito ay ang musikang K-pop o J-pop kuno na kahit bali-baliktarin ang telebisyon, alien pa ring maituturing ang liriko nito. Ika nga niya, ―Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.‖ Sa sitwasyong ito, siguro nga ay ganito na ang pagkatao ng ibang Pilipino. Pero kahit na ilan lang ang ganito at baka nga ay mas marami pa rin ang may taglay na dugong Pinoy, buong bansa at
188 SMS
Karaniwang bilang ng text na pinapadala bawat araw.
P 58.78
Karaniwang ginagasto para sa load, e-load, pasa load at Internet access fee sa isang linggo.
sidney.rebollido@ovi.com
Filipino para sa Pilipino aler? Manuel L. Quezon? Wika? At maging ang Filipino. Batid pa ba ninyo ang mga salitang ito? O sadyang nagbulag-bulagan at hinahayaan na lang ang panahon na ilipas at tangayin ito.
Yanessa S. Naval yanessa.naval@yahoo.com buong pangalan pa rin nating mga Pilipino ang nalulugmok at naaapektuhan. Kung tayo man ay nagkulang sa paglalaan ng oras at importansya rito, meron pang pagkakataon, hindi pa huli ang lahat. Marami pang pwedeng magbago kung lahat lang tayo ay magkakapit-bisig sa pagtataas ng bandera ng espesyal na wikang ito. Sabay nating patunayan na bagaman akala ng iba na nalipasan na ito ng panahon, ipapakita natin na ang panahon mismo ang siyang muling babalik nito. Kaya naman sana ay mamulat na ang lahat sa katotohanang tayo ay Pilipino namulat sa bansang Pilipinas at obligadong protektahan at pagyabungin ang wikang ito, maliban na lang sa mga manhid na Pilipino.
40%
Hindi nag-aaccept ang mga friend request sa mga di kakilala o nagre-reply sa mga di kakilalang texter. * Base sa tugon ng mga 82 random respondent mula sa apat na antas; sarbey ginawa noong ika-3 at 4 Oktubre 2011.
Pwede po ba ninyong pababaan ang preyo ng mga bilihin sa kantina?—Jimvie U. Arado, IV-St. Rita Kulang sa suporta ang paaralan. Excited kami sa paligsahan ng banda pero hindi natuloy dahil ayaw nila.—Blanche Janica A. Limatoc, IV-San Lorenzo Ruiz Kulang po ng electric fan sa silid namin. Mabaho rin dito dahil sa mapansot na amoy galing sa labas.—Shiny Love E. Esic, III-St. Thaddeus Sana magkaroon ng bagong bentilador sa silid namin kasi masyadong maiinit sa tanghali.—Marva Honey T. Alcorin, ISt. Mary Sana makabitan ng bentilador ang silid namin.—Kent Cyril R. Catayas, IV-St. Agnes Binabati ko ang patnugutan ng Ang Manggagawa. Mabuhay po kayo at pagpalain ng Poong Maykapal.—Charissa S. Malaran, III-St. Therese of Avila Sana pahabain ang recess kahit 20 o 30 minuto man lang.— Erlyn Lorrelai Grace C. Penados, I-St. Cecilia Salamat po sa student council para sa bagong salamin.— Iveanne Therese E. Malinao, IV-St. Rita Sana lahat ay magpulot ng basura bago magklase para matutong maglinis ng kapaligiran.—Geraldson A. Crispo, IV-St. Rita
Kahirapan at pagkagutom: Kailan mawawakasan?
S
a daming gutom ngayon, hindi na maitatanggi na ang Pilipinas ay isa na sa naghihirap na bansa sa mundo.
Ayon sa kaukulang datos ng pamahalaan, apat sa 10 tao sa Pilipinas ang nakararanas ng gutom o iyong wala talagang makain noong nakaraang taon pa. Ang Pilipinas ay panlima sa talaan ng mga bansang nagugutom, ayon sa sarbey ng Gallup International– Voice of the People. Maituturing man din na ang Pilipinas ay sikat sa mga magagandang tanawin at di matatawarang likas na yaman ngunit bakit marami pa ring mga Pilipino ang naghihikahos sa dimatapos-tapos na kahirapang ating nararanasan? May batas na naipasa sa Kongreso ukol sa repormang panlipunan at pagbabawas ng kahirapan (RA 8425). May National Anti-Poverty Commission (NAPC) na ring binuo para tumugon sa problema. Lahat may iisang layunin—ang mabigyan ng pansin at masolusyunan ang kahirapan sa bawat Pilipinong mamamayan. Isa sa mga pinakamadalas makita at marinig na senaryo sa ating buhay ay ang talamak na halimbawa ng kahirapan: pamilyang walang makain, mga batang palaboy, mga out-of-school youth, kawalan ng sapat na trabaho at kakulangan ng pangkabuhayan. Sa isang banda, nandiyan ang talamak na katiwalian sa pamahalaan at pagkaganid sa kapangyarihan at salapi ng matatas na tao sa lipunan na lubhang nakadaragdag sa masalimuot na sitwasyon ng ating bansa. May mga batas nga, mga solusyon, ngunit hindi pa rin yata sapat ito upang puksain ang ating
Ang
Hunyo - Oktubre 2011
Post festum
Donalyn E. Aquino donalyn.aquino1996@yahoo.com kahirapan. Hindi nga naman maitatanggi na ang kabaluktutan ng nangyayari sa gobyerno ang isa sa mga sanhi ng kahirapan. Ngunit sa kabilang dako, makikita rin naman natin na maging tayo ay may parte sa ating kahirapan. Hindi ba nakagagawa rin tayo ng mga bagay na masasama? Mga krimen at pagnanakaw, pang -aabuso sa kalikasan at pandarambong? Mula sa nasabing mga puno’t dulo ng kahirapan, malayo pa nga ang ating tatahakin upang makamit ang ating kaunlaran. Pero hindi pa huli ang lahat. Kailangan nating magtulungan at gawing tama ang mga dating maling gawain nang sa gayon masasabi nating may pag-asa pa na ang kahirapan ay mawawakasan. Kaya ngayon pa lang, aksyon ay simulan sa sarili at sa tahanan.
Manggagawa
aN= mN=ggw
ISSN 2243-8645 Tomo 1 ▪ Blg. 1 Hunyo–Oktubre 2011
“Ang pagsusulat ay panalangin.”
Mataas na Paaralan ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc., National Highway, Poblacion, Sindangan, 7112 Zamboanga del Norte Tel/Fax: +63-65-224-2204 ▪ Email: el.obrero@ovi.com
Patnugutan ▪ Taong Panuruan 2011–2012 William Andrew G. Bulaqueña Punong Patnugot Janine Claire T. Jalosjos Pangalawang Punong Patnugot Marie Pher A. Piñero, MTF Tagapayo Gilbert B. Lamayo, MAELT Tagapayo Cristina S. Bajalan, MAEd Punong-guro Alfreda B. Calamba, Ed.D. Bise-presidente
Ang Manggagawa │Hunyo - Oktubre 2011
A6
Mga katutubong laro
Tagaguhit: Francis Joseph T. Fuertes
ISPORTS Katutubong laro, unti-unting naglaho
A
ng isports ay isang sinasabing isang Wikang pang-internasyonal dahil siya ay nagbubuklod sa ating mga tao saan mang dako sa mundo. Hindi maipagkakaila na tayong lahat ay kinahihiligan ito; kaya tayo, tayo ay magkaintindihan. Pero ang mga katutubong laro ay nilalaro pa ba ng mga kabataan? Sa ilang siglo na lumipas, marami na tayong nasaksihang pagbabago lalong-lalo na sa larangan ng isports. Napakasakit isipin na kasabay ng modernong panahon at teknolohiya ay siya ring pagkalimot sa mga katutubong laro. Nakahihiyang tingnan na mas minamahal pa natin ang mga banyagang laro kaysa sariling atin. Lahat tayo ay may kasarinlang pumili sa kung ano ang ating ninanais at gusto. Hindi nga naman masama kung tayo ay nahuhumaling sa iba basta hindi natin napapabayaan at nakakalimutan ang mga larong tayo mismo ang gumawa. Paano na ang sinasabi ni Gat Jose Rizal? ―Mahalin ang sariling atin.‖ Hanggang salita na lang ba ito? Gumising ka sa katotohanan at pansinin ang nangyayari sa iyong kapaligiran. Ganado tayong laruin mga dayuhang isports gaya ng balibol at saker kaysa sipa. Mas dinudumog pa nating panoorin ang larong basketbol. Kabataan nga naman talagang nililimot na ang nasyonalismo na ang ibig sabihin ay isang makabayang interes, pagmamahal sa sariling atin at pagkakaisa. Hayaan na lang ba nating maglaho ang sepak takraw na parang bula? Ako, kayo, sila, tayong lahat ay may kanya-kanyang pananagutan sa ating lipunan. Tayo ay may kakayahang baguhin ang kalagayan ng ating mga laro. Buhayin at palaguin ang mga katutubong laro habang may pag-asa pa. Atin sanang tangkilikin, laruin at pagyamanin ang mga sariling isports natin.
Pangulong Tudling
Mapaglarong isip
T
akyan, tumbang-preso, karang, palo-sebo, patintero, trumpo, sungka, taguan, dama, yoyo, luksong lubid, luksong tinik, karera sa baong sangko at iba pa…. Iilan lamang ito sa mga katutubong laro natin. Pero bihira mo na itong makikita na nilalaro ng mga kabataan. Kung pagmamasdan nating mabuti ang ating modernong panahon napakalaki ng pagbabago kung ikukumpara sa nakaraang siglo. Saan ka mang dako lumingon at pumunta ang pagbabago ay hindi nawawala lalong-lalo na sa mga katutubong laro ng mga Pilipino. Nang pumasok ang mga banyagang laro sa Pilipinas para itong isang bayrus na napakabilis kumalat. Agad naman tayong nahuhumaling at nahahalina— kaya ang sariling atin naging para nalang basura na itinambak. Kung ating mapapansin sa tuwing may pista o di kaya araw
Juniors, tinumba Juniors, laglag sa badminton seniors, 10–9
N
akuha ni Julius Zeth N. Calumpang ang unang puwesto sa kampeonatong larong badminton (men’s single) laban kay John Hope Angelo A. Pamil sa iskor na 2–1 noong palarong pampaaralan, ika-9 ng Setyembre. Sa unang set ng laro ay agad na ipinakita ng dalawa ang kanilang nakatagong kakayahan. Nagbigay agad ng kakaibang pagserbisyo si Pamil. Agad naman itong napigilan ni Calumpang gamit ang kanyang makamandag na bagsak. Ayaw paawat sa pagpapalitan ng matinding smash kaya hindi nagkakalayo ang iskor at nagkaroon pa ng slide-two. Gumamit agad si Pamil ng di-mapantayang forehead smash kaya walang nagawa si Julius kundi panoorin. Nagtapos ang set pabor kay Pamil, 20–20. Sa ikalawang set, kapwa pinalitan nina Jake B. Magallon at Kevin A. Bagaan ang kanilang kasama. Agad bumigay si Bagaan ng sophies ng sunod-sunod na forehead at backhand smash sa
kanyang pag-atake. Sinubukan itong pigilan ni Magallon gamit ang kanyang backhand pero agad namang kontrolado ni Bagaan. Nagtapos ang laro pabor sa sophies, 21–10. Sa panghuling set, uminit agad ang labanan pati na rin ang sigawan ng bawat supporters ng kalahok. Dahil dito muling nabuhayan ng loob sina Pamil at Calumpang. Bumitaw agad ng sunodsunod na smash sa pag-atake si Pamil. Hindi ito umubra kay Calumpang agad siyang gumanti gamit ang malalakas na backhand at dropshots smash kaya walang naga wa si Pamil kundi mamangha. Nagtapos ang laban pabor sa sophomores, 21–18. (Joelan M. Tongco)
Ang Manggagawa ▪ Sports Bureau Patnugot (Pahinang Pampalakasan): Joelan M. Tongco Manunulat: William Andrew G. Bulaqueña Jasmin Rose A. Castillon ▪ Roxanne B. Dataro Fruitelyn Apple A. Gamulo ▪ Von Vladimier B. Montayre Mary Grace J. Parilla ▪ Sidney Rico T. Rebollido Tagaguhit: Francis Joseph T. Fuertes Litratista: Reginald Clement S. Pondoc
H
indi pa nagsimula ang larong basketbol (women’s) ng seniors laban sa juniors, pero ang ingay mula sa nagkahalong sigawan ng kanilang mga tagasuporta ay parang may nananalo na. Lalong umingay pa nang nanguna ang juniors sa pagtapos ng unang quarter dahil sa kanilang star player na si Jela Rose Ann F. Tura. Natapos na rin ang pangalawang quarter at hindi pa nakabawi ang mga seniors lalo na nang pinalitan ang kanilang pambato na si Faith Emerald R. Lerin. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nakabawi ang koponang pula. Hindi nila hinayaang maka-iskor ang mga junior pero sa bandang huli, nanaig pa rin ang koponang asul sa iskor na 8–6. Naging mabigat ang labanan sa final quarter nang nagkapantay sila sa 9–9. Palakas nang palakas ang hiyawan samantalang dine-dribol na ng seniors para sa isang shot na makapanalo sana sa kanila, ngunit nanakaw pa ito ng juniors at nashoot pa. Tumunog ang bell na siyang hudyat sa pagtatapos ng laro at pagkapanalo ng juniors, 10–9. (Jasmin Rose A. Castillon)
ng barangay o munisipyo, hindi nawawala sa eksena ang paligsahan ng balibol, basketbol at iba pa, di ba? Sino ba ang dapat sisihin dito? Walang iba kundi tayo mismong mga kabataan! Dahil sa walang pagkahilig natin dito, ito ay unti-unting naglaho. Aaminin ko na ako mismo ay walang kaalam-alam at paki-alam sa ating mga laro mula noong ako ay isilang. Pero batid ko hindi lang pala ang gumagawa nito—halos lahat pala ng mga Pilipino. Idagdag mo pa ang teknolohiya. Hindi nakapagtatakang baka bukas makalawa ay nakakalimu-
Status quo
Joelan M. Tongco tongco.joelan@yahoo.com
tan na! Tayo sana ay magkapitbisig at sagipin nating lahat ang unti-unting nalulunod na katutubong laro upang madatnan pa ng susunod na henerasyon at makapaglaro ng masaya.
5 gintong medalya para sa tally Juniors, namayagpag sa basketbol
N
akamit muli ng mga juniors ang mithiing maging kampeon ng basketbol matapos nilang biglang nalampasan ang sophomores sa larong ginanap sa hapon ng Huwebes, ika-8 ng Setyembre. Naging mainit na ang laro sa pagsimula pa lamang ng unang quarter nang nagpakita na ang magkabilang koponan ng kanikanilang galing. Ngunit sa pagtatapos ng pangalawang quarter, sa huling 3 segundo, ay naipasok pa ni Rey C. Alcober, ang captain ball ng sophomores, at tumabla sila sa iskor na 31–31. Sa pangatlong quarter, nagpakitang gilas ang rookie ng juniors na si Harold M. Andabon sa kaniyang kabuuang 15 straight points. Ayaw namang magpahuli si Alcober sa kaniyang 9 straight points, lay-up at flying shot. Biglang
nakalamang ang sophies sa unang pagkakataon, 38–37. Ngunit ang hiyawan ng mga supporters ay nauwi sa sigawan nang nadiskubre ng referee na nakainom pala ng alak si Alcober—isang paglalabag sa mga alintuntunin ng palarong pampaaralan—ngunit pinalaro pa rin siya. Nagtapos ang quarter pabor sa juniors, 56–23 Sa final quarter, hindi na nakabawi ang sophies hanggang sa natapos ang kampeonato sa iskor na 78–70. Nanalo rin ang juniors laban sa seniors sa nauna nilang laro. Sa ranking, pangalawa ang seniors at pangatlo ang sophomores. (Hans Christian G. Rasonable)
Elimination. Nagwagi ang koponan ng sophomores laban sa seniors sa preliminary round ngunit tinalo sila ng juniors sa kampeonato.
Hunyo - Oktubre 2011
ISPORTS A7 M
│ Ang Manggagawa
Lumalayag sa kontrobersiya at tagumpay
Philippine Dragon Boat Pilipino ay isang lahing palaban—hindi umuurong anumang laban, hindi nagAngpapatalo na maipakita ang mga kakaibang talento sa buong mundo. Marami na tayong world-class na kampeon tulad ni Manny Pacquiao sa boksing, ang Azkals na sumikat sa football at kamakailan lamang ang pinagtatalunang Philippine Dragon Boat. Talagang tunay nga tayo ay pinagpala. Isa na namang grupo ng manlalarong Pilipino ang umuwing tagumpay. Ang Philipppine Dragon Boat Federation ay pormal na nabuo noong Pebrero 2003. Binubuo ito ng mga mag-aaral, propesyonal, negosyante at maging kasapi ng military. Ang kanilang pangunahing misyon ay makapagbigay karangalan sa ating bansa at maitaguyod ang dragon boat bilang isang isport sa Pilipinas. Sa ngayon, hinahawakan ng koponan ang world record ng International Dragon Boat Federation (IDBF) at nanatiling panalo sa World at Asian championship, South East Asian Games at iba pang prestihiyosong paligsahan. Bago pa man nila nakamit ang tagumpay, dumaan muna sila sa napakaraming pagsubok. Sumasakripisyo sila upang maabot ang minimithing pangarap. Nagtatrabaho sila tuwing araw upang matustusan ang mga pangangailangan ng pamilya at nagpapraktis naman tuwing gabi upang paghandaan ng husto ang kanilang laban. Hindi ito naging hadlang sa kanila upang abutin ang kanilang pangarap kahit kulang man sila ng tulong pinansyal galing sa gobyerno. Hindi sila nawalan ng pag-asa dahil sa damidaming Pilipinong sumusuporta sa kanila. Kahit walang binigay na suporta ang Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, hindi sila dismayado na ipagtanggol ang kanilang 2007 at 2009 world titles sa standard boat division. Patuloy silang lumalaban upang makapagbigay ng kara-
Sudoku… Pumapangalawa si Mariel S. dela Cerna ng seniors sa iskor na 23 at pangatlong puwesto si Reger Ed A. Caperig ng sophomores pagkatapos ng tiebreaker laban kay Mayjohn J. Baroy ng freshmen. Samantalang nag tie ang pambato ng freshmen at juniors sa kampeonato ng women’s division. Sa tiebreaker round, nanaig si Garsuta sa iskor na 25 laban sa 11 ni Ma. Allysa Shyn F. Rosado. Nakuha ni Mara Aubrey Sistine L. Escoreal ng seniors ang pangatlong puwesto. ―Napakasaya namin,‖ sabi ni Magallon. ―Hindi naming akalaing manalo kami kahit hindi masyadong handa,‖ dagdag ni Garsuta. Ang larong sudoku ay nagmula sa bansang Hapon at ipinakilala sa Kanluran noong 2004. Pagkaraan lamang ng ilang buwan, sumikat at pinagkaguluhan na ang laro.
Seniors… Sa men’s division, si Loryl O. Pelaez ng seniors ang nakipagtunggali kay Abdul Aziz H. Akil ng juniors sa first set. Lamang ang koponang pula at pinagbigyan din si Hilay
ngalan sa ating bayan. Hindi nga naman sila nagkamali muling nadepensahan ang kanilang titulo at umuwi sa ating bansa dala ang limang ginto at dalawang pilak na medalya mula sa 10th International Dragon Boat Racing Championship sa Tampa Bay, FL, noong ika-3–8 ng Agosto. Sa unang pagkakataon isinama ang small boat events sa paligsahan. Ang maliit na grupo ng Cobra Philippine Dragon Boat team na pinangunahan nina Annabelle Pario (drummer) at Ruperto Sabijon (steer).
Dragon Warriors
© 2011 Gilbert Lamayo Hip–Hop. Nag-somersault si Gary G. Villaester Jr. nang ipinakita muli ng seniors ang kanilang sayaw na nanalo sa literary–musical night.
Resulta ng Palarong Pampaaralan Medalya/Antas Ginto Pilak Tanso Ranking
Joelan M. Tongco tongco.joelan@yahoo.com
I 7 7 14 *
II 8 13 27 3
III 22 19 14 2
IV 27 25 9 1
Seniors, kampeon 2011 Intra Meet
N
agkampeon na naman muli ang seniors sa 2011 Palarong Pampapaaralan nang humakot sila ng gintong medalya sa iba’t ibang laro at kategorya.
© 2011 John Bedaure Nasungkit nila ang titulo para sa men’s small boat (1,000 m). Sa kanilang world record na 4:57.13, tinalo ng Philippine Dragon Boat team ang Australia (5:00.09) at Hungary (5:03.71) sa biennial meet. Nagawa nila ang lahat dahil sa suporta ng mga Pinoy at sa kanilang pagkakaisa, pagpupursige at pagtitiwala sa sarili at sa Diyos.
Mula A8
Lohika. Abalang-abala sa pagsasagot ang mga sumali sa sudoku. Noong 2005, ang ―sudoku‖ ang napiling Salita ng Taon dahil sa dami ng nailimbag na libro at tournament na ginanap sa buong mundo. (Joelan M. Tongco)
Mula A8 na mag-darter laban kay Gabitanan sa second set. Natapos ang laro pabor sa seniors. (Feldene D. Tan at Marchie S. Española)
IBDF World Championship Premier Open 200m–Gold Sydney, AU 2007 Premier Open 200m–Gold, Prague, CZ 2009 Premier Mixed 200m–Gold Prague, CZ 2007 Premier Open 1000m–Gold Premier Open 200m–Gold Premier Open 500m–Gold Premier Mixed 200m–Gold Premier Mixed 500m–Gold Tampa, FL 2011
Freshmen…
Mula A8
Pero hindi pa rin mapantayan ng juniors ang galing ng mga baguhan. Kaya pabor na naman sa freshmen ang pangalawang set sa puntos na 11–9. Para sa pangatlong set, ang kmpetisyon ay nalagyan ng matinding tensyon. Ang mga nanonood ay naghihiyawan para sa berdeng koponan dahil isang set nalang ay mananalo na sila. Pero hindi hinayaan ng juniors na ito ay mangyari. Bumawi si Mejorada sa top spin serve niya pero naibalik ni Marc Caen C. Aricheta gamit ang kaniyang backhand. Dahil sa sunod-sunod at magandang ipinakita ng koponang asul, natapos ang pangatlong set, 9–11, pabor sa juniors. Nabigo ang freshmen na sungkitin ang pangatlong set, pero sa pang-apat ay ginalingan nila ang paglalaro at ipinamalas ang tunay na galing para mapasakanila ang set na ito. Pero hindi hinayaan ng juniors na makuha ng kalaban para may pag-asa pa silang makalaro sa huling set. Gayunman nagpakawala ang freshmen ng matitinding smash, kaya sila ang inideklarang kampeon sa ping–pong (men’s doubles), 11–5, 11–9, at 11–8. (Von Vladimier B. Montayre)
Umani sila ng 27 gintong medalya, 25 pilak at siyam na tanso. Sumunod ang juniors, 22– 19–14; sophomores, 8–13–27; at freshmen, 7–7–14. Mula pa sa banner-raising, nanaig din ang koponang pula sa chess (W), apat na kategorya sa darts, long jump (W), minimarathon (W), Rubik’s cube (W), sepak takraw (M), shot put (MW),
standing long jump (MW), table tennis–single (W), table tennis– doubles (W) at balibol (M). Sa awarding ceremony noong ika-15 ng Setyembre, tinanggap ni Reymund Danielle U. Jugalbot, pangulo ng student council, ang tropeo at perpetual banner bilang gantimpala para sa over-all champion. (Sidney Rico T. Rebollido)
Freshmen, pinataob ng juniors, 2–0
I
sang nakakabiglang laro ang ipinakita ng mga junior spikers sa kampeonato ng balibol (women’s) laban sa freshmen smashers sa iskor na 2–0 noong palarong pampaaralan, ika-8 ng Setyembre. Sa unang set, agad na gigil ang bawat koponan na ipakita ang kani-kanilang husay at nakatagong teknik sa kanilang mga supporter. Sa kabila ng init ng araw, tuloy na tuloy pa rin ang bakbakan. Agad na nagpakitang gilas si Sheila C. Tormis, ang captain ball ng juniors, gamit ang kaniyang makamandag na serbisyo. Ayaw naman pahuli ang freshmen at agad silang nagpamalas ng bagsik. Ginamit kaagad ni Maria Shiela May T. Dagting, captain ball ng freshmen, ang kaniyang kakayahan sa pagbagsak. Ngunit kontrolado ng juniors ang bola dahil sa planadong galaw nina Tormis, Khrenacris M. Bondawog, Christine S. dela Cerna, Shiny Love E. Esic at
Marie Maricar S. Cachin. Sa huli nanaig sila sa iskor na 25–18. Sa pangalawang set, agad tumindi ang labanan pagkatapos mag-change court. Nakikita ng juniors na muling nabuhayan ang loob ng mga baguhan, kaya ibinuhos nila ang kanilang buong husay sa pagsalo ng bola. Hindi naman sumuko ang freshmen smasher at mas lalo pa nilang ginalingan ang kanilang overhand dig. Kahit pa sa sunod-sunod na ace ng koponang freshmen na binubuo nina Dagting, Ivy Mae V. Debaloy, Jillian B. Yosores, Rynah Dee B. Bondawag at Ghora May M. Ahat, hindi sila pinagbigyan ng juniors sa pagkakataong makahabol. Natapos ang laro sa iskor na 25–19 pabor sa juniors. (Joelan M. Tongco)
Pilak. Ang koponang sophomore (women‘s) ang nakakuha ng pangalawang puwesto sa larong balibol.
Ang Manggagawa │Hunyo–Oktubre 2011
A8
iSPORTS Sports Bureau Chief: Joelan M. Tongco
Sipa. Si Loryl O. Pelaez ay humahanda para sumipa sa bola bilang tekong ng koponang seniors. Kasama sa regu ay sina Michael John U. Panong, Neil M. Manguilimotan, Neil Alwin B. Aban at John Roferd E. Paculanan.
Sepak takraw tiebreak
Freshmen, sinipa ng seniors
I
sang makapigil-hiningang laro ang ipinakita ng mga seniors laban sa freshmen sa tiebreak ng sepak takraw sa iskor na 21–17 noong ika-8 ng Setyembre. Mula pa sa umpisa ng laro, ipinalabas na ng senior regu ang kanilang bagsik. Wala silang ibinigay na pagkakataon laban sa mga baguhan. Habang patuloy na umiinit ang labanan ng magkatunggaling koponan, patuloy naman ang hiyawan ng mga nanonood. Walang nagawa ang mga freshmen kaya nakuha ng mga seniors ang unang set, 21–15. Pagkatapos ng dalawang minutong pahinga, patuloy na nakakuha ng puntos ang koponang pula sa ikalawang set ngunit napigilan sila nang nagpakitang gilas ang koponang berde. Nakahabol ang mga freshmen at nagwagi sa pangalawang set, 21–19. Ang sepak takraw ay isang katutubong laro sa tangway ng Malay–Thai.
Ang sepak takraw ay naiiba sa larong volleyball dahil sa yantok na bola at paggamit sa ibang bahagi ng katawan tulad ng paa, tuhod, dibdib at ulo sa pagpasa ng bola. Ang laro ay popular na libangan sa mga bansang ASEAN lalo na sa Malaysia, Indonesia, Thailand, Singapore, Myanmar, Vietnam, Cambodia, Laos at Pilipinas. Sa Malaysia, ang laro ay tinatawag na sepak raga o takraw. Tinatawag din itong thuck thay (pisi at sipa) sa Laos. Samantalang sa Thailand, minsan tinatawag itong takraw. Sa Myanmar, ito ay mas kilala bilang larong chin lone. Sa Pilipinas, tinatawag din itong larong sipa. (Roxanne B. Dataro at Mary Grace J. Parilla)
Palarong Pampaaralan, binuksan
P
Freshmen, tumalbog sa ping–pong
S
ina Josua Angelo E. Picar at Mark Philius P. Mejorada, kapwa freshmen na nagpamalas ng kanilang galing sa paglalaro, ay nanalo laban sa juniors sa table tennis (men’s doubles) noong ika6 ng Setyembre. Unang set pa lang ay nagpamalas na ng galing ang bawat koponan. Ang freshmen ay handang-handa na pakawalan ang pambihirang smash at mabagsik na fore- at backhand. Pero alerto naman ang juniors gamit ang kahanga-hanga at matinding drop shots na naging mabisang panlaban nila. Binigyan ni Picar ng matinding chop serve ang kalaban na si Feljun T. Gabitanan na naibalik niya kaagad pero hindi ito pumasok sa kasawiang palad. Dahil sa ipinakita ng freshmen, natalo ang juniors sa unang set, 11–5. At para sa ikalawang set, ang laro ay naging mas kaabangabang. Inilabas ng juniors ang tunay na galing nila—maraming kamatay-matay na back- at forehand na nagbibigay sa kanila ng puntos. Freshmen7
agkatapos ng linggo-linggong paghahanda, ang mga sekondarya at kolehiyong mag-aaral ng Saint Joseph College of Sindangan, Inc. ay muling nagtipon sa harap ng grotto para sa sagradong misa, sa parada libot sa sentro ng lungsod at sa munting programa sa maulang umaga ng Lunes buhat sa pagdiriwang ng 2011 Palarong Pampaaralan, ika-5–9 Setyembre. Sina Rev. Nathaniele A. Denlaoso at Rev. Randy B. Ticing ang nagpasimuno ng misa. Sinundan ito ng parada ng iba’t ibang antas at departamento ng kolehiyo kasali ang kanilang
myus at kandidato para sa Mr. and Miss Intra Meet 2011. Sa kalagitnaan ng program, ang banda ng SJCSI High School ay humalukat ng palakpak sa kanilang presentasyon ng Drum-
Drumline. Ang mga majorette at twirler ng SJCSI High School Band ay sumasayaw sa tugtog ng ―Kiss‖ at ―Fireworks.‖
Senior shot putter, wagi
A
ng mga pambato ng seniors ang nagwagi sa shot put noong ika-7 ng Setyembre. Si Fruitelyn Apple A. Gamulo ang nanalo sa women’s pagkatapos ng tatlong rounds ng putting. Gamit ng glide naihagis niya ang 4 kg bakal na bola sa layo ng 15.7 piye sa ikatatlong round. Pumapangalawa si Jessel C. Aliño, sophomore, 15.5 piye; at pangatlo si Kirsten Claire C. Tagalog, junior, 14.8 piye. Sa men’s, si Mark Bryan G. Resuento ang gumamit ng spin at nahagis ang 7.2 kg na bola sa layo ng 26.2 piye sa katapusang round kahit na foul ang pangalawang attempt niya. Sumusunod sina John Michael B. Obregon, junior, 24.3 piye; at Johnryl David L. Taboada, sophomore, 23.1½ piye. (Fruitelyn Apple A. Gamulo)
line sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. Si Michael Tan, ang pangulo ng Supreme Student Council sa kolehiyo, ang nagbigay ng pambungad na salita. ―Ang isang linggong gawain na ito ay magbibigay sa atin ng oportunidad para ipakita ang talento ng bawat isang Josephian. Tayo ay kikinang hindi sa pagkapanalo kundi dahil sa pagpapalaganap ng patas na kumpetisyon,‖ sabi ni Tan. Si Jerome R. Siso ng II-St. Elizabeth, isang regional tennis player, ang sumindi sa sulo ng pagkakaibigan at dinala niya ito sa paligid ng paaralan at ibinalik sa grotto. Pagkaraan ay pormal na ipinahayag ang pagbubukas ng 2011 Palarong Pampaaralan. Ang banner raising contest ay madaliang sumunod. Para sa sekondarya, ang seniors ang naunang nakataas laban sa sophomores, juniors at freshmen.
Sa mga koponan ng kolehiyo, ang College of Business Administration ang siyang pinakamabilis natapos laban sa College of Accounting Technology– Information Technology at College of Arts and Sciences– Education. Si Reymund Danielle U. Jugalbot, pangulo ng SSC, ang nanguna sa panunumpa ng mabuting pakikipaglaro. Si Jerome E. Ochavo, MAEd, over-all in-charge ng palaro at paligsahang literary– musical, ang nagpahiwatig sa panapos na salita. Ang sudoku, Rubik’s cube at ang unang eliminasyon sa basketbol (men’s) sa pagitan ng freshmen at seniors ay madaliang nagsimula. Ang exhibition game ng SJCSI Seahawks laban sa Western Mindanao State University Fighting Crimsons ay ginanap pagkatapos ng tanghalian. (William A. G. Bulaqueña)
Isang ‗intellectual game‘ ng palaro
S
Juniors, itinanghal sudoku wiz ina Jake B. Magallon at Judee B. Garsuta na kapwa juniors ay tinanghal na kampeon sa larong sudoku noong palarong pampaaralan, ika-5 ng Setyembre.
Sa larong sudoku matutunghayan ang tagisan ng mentalidad ng bawat kalahok dahil sa unang round (madali) ay agad na ipinakita at ipinamalas ang mga kakaibang teknik at galing ng bawat isa. Pagkatapos ng 3 minuto, namamayagpag na ang mga pambato ng juniors sa iskor na 12 kay Magallon at 19 naman kay Garsuta. Sa ikalawan g ro und (katamtaman), sinikap ng kalaban na malalamangan ang mga juniors ngunit talagang ayaw paawat nina Magallon at Garsuta. Ginawa nila ulit ang lahat ng kanilang makakaya sa loob ng 5 minuto, kaya muli na naman silang nanguna. Sa huling round (mahirap), tumindi ang labanan at tensyon ng bawat kalahok pati na rin ang mga
nanonood sa nasabing laro. Nakikita ang dimapantayang husay, galing at bilis sa pagsagot ng bawat isa sa kanila. Binigyan lamang sila mahigit kumulang 10 minuto upang sagutan ang bawat blankong ka-
hon. Di nakapagtatakang mapasigaw ang kanilang mga supporters sa kabila ng malakas na pagpatak ng ulan. Itinanghal na kampeon si Magallon sa iskor na 26.
Freshmen7
Sudoku. Ang mga manlalaro habang sumasagot ng sudoku, isang palaisipang laro nakabase sa lohika na di nangagailangan ng pagkukuwenta.
Darts. Si Mark Leo O. Fernandez, darter ng freshmen, ay isa sa nag -triple tie at nakakamit ng pangatlong pwesto.
Seniors, pumana sa bull’s eye
H
umakot ng anim na gintong medalya ang mga senior sa apat na dibisyon ng larong darts. Sa women’s (doubles), tinalo nina Ma. Joeresa P. Jamora at Rachelle J. Bayawa ang koponang juniors sa unang set. Ngunit di naman patalo sa bull‘s eye sina Judee B. Garsuta at Jela Rose Ann F. Tura para makabawi sa pangalawang set. Sa tie breaker round, pinagtalunan ng dalawang pares ang numerong 16, ngunit ang mapangahas na tira ni Jamora ay nagbigay ng dalawang gintong medalya sa kanila. Kumpara sa naunang laro ng mga babae na saglit nahirapan, ang men’s (doubles) nina Mark Kevin Hilay at Ryan G. Barrogo laban sa juniors na Feljun T. Gabitanan at Marc Caen C. Aricheta ay parang walang nangyari dahil sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga senior. Sa single events na ginanap din sa silid ng St. Anthony noong ika-8 ng Setyembre, nagkalaban sina Jamora at Michelle Myrh B. Polio ng juniors. Sa simula ng unang set, nanguna si Polio pero nakabawi naman si Jamora. Sa ikalawang set, nagpasubstitute si Jamora kay Rachelle J. Bayawa na tumira ng sunodsunod na bull’s eye na nagpanalo sa koponang pula.
Seniors7