Elfili_eBook_Group1-10C

Page 1


TALAAN NG NILALAMAN

El Filibusterismo ____________________ Isang Pagsusuri na iniharap

kay Gng. Rossete M. Bañez ____________________ Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang Filipino 10

Pangkat 2

Nilalaman

Pahina

ARALIN 1

Talambuhay ni Rizal …………………………….……..…….1 Kasaysayan ng El Filibusterismo ……………..……….

Mga Tauhan ……………..……………………………..……….. ARALIN 2: PAGLALANTAD NG KATOTOHANAN

Mga Pagsusuri (buod )……………………………………..…

Kabanata 1: Sa Kubyerta …………….…………..…... Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta……....……....

Kabanata 3: Mga Alamat ……..………….……..……... Kabanata 4: Kabesang Tales ………….……….………. Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero ..…... Kabanata 6: Si Basilio ………………….…….…..….…... Kabanata 7: Si Simoun ………………..….……..……...

Talacay, Erika

Kabanata 8: Maasyang Pasko …………….……..……...

Enriquez, Bjorn

Kabanata 9: Si Pilato ……………….…….….……..……...

Gay, Jahma Gonzales. Erie Anne Go, Sean Gabrielle/ Santos, Naiomi

Iman, John Patrick/Dagdag, Jan Rainier April 28, 2021

Kabanata 10: Kayamanan at Kagustuhan ……………… ARALIN 3: PAGKAMULAT NG ISIPAN AT PAGLULUNSAD NG PAGBABAGO

Kabanata 11: Los Baños………………….…………………

Kabanata 12: Si Placido Pinetente……….………………… Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika……………….……………

Kabanata 14: Ang Tirahan ng Mag-aaral…….…………


Kabanata 15: Si Ginoong Pasta………………………

Kabanata 37: Mga Hiwaga………………………..

Kabanata 16: Mga Kapighatian ng Isang Intsik………

Kabanata 38: Kasawian …………………………..

Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo……………………

Kabanata 39: Katapusan ……………..………….

Kabanata 18: Ang Kadayaan………….………………… ARALIN 4: ANG PAIT NG KATOTOHANAN

Kabanata 19: Mga Kapighatian ng Isang Intsik………

Kabanata 20: Ang Nagpapasiya………………………… Kabanata 21: Mga Ayos ng Maynila……….…………

Kabanata 22: Ang Palabas…………….…….………… Kabanata 23: Isang Bangkay……………….….…………

Kabanata 24: Mga Pangarap…………………….………… Kabanata 25: Tawanan at Iyakan……………….……… ARALIN 5: ANG MGA PAGTUTUOS AT PAGKAMIT NG PAGBABAGO

Kabanata 26: Mga Paskin………….……….………… Kabanata 27: Ang Prayle at ang Pilipino….………… Kabanata 28: Pagkatakot………………………… Kabanata 29:Ang Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiago Kabanata 30: Juli………………………… Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani………………… Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin ………………... ARALIN 6: ANG KAHINAAN NG MGA PAGPAPAKASAKIT

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid …………………… Kabanata 34: Ang Kasal……………………………..

Kabanata 35: Ang Piging ………………………….. Kabanata 36: Mga Kagipitan ……………………………

Talasanggunian Online https://www.facebook.com/112100863660339/posts/kabanata-39-angkatapusan-buodnagmamadaling-umalis-si-don-tiburcio-dahil-akalaa/119747672895658/ https://www.facebook.com/112100863660339/posts/kabanata-38kasawiang-palad-buodpinagdadakip-ng-pamahalaan-ang-pinaghihinalaang/119747372895688/

https://www.panitikan.com.ph/kabanata-36-mga-kapighatian-ni-ben-zaybbuod-el-filibusterismo https://www.facebook.com/buodngmgakabanataencarnadoproject/posts/ kabanata-34el-filibusterismoang-kasal-ni-paulitabuodnasa-sa-daan-sibasilio-ika-/1515588345404445/ https://www.facebook.com/112100863660339/posts/kabanata-12-placidopenitente-buodmga-talasalitaanpanghihinawapagkasawabulastog/119735399563552/ https://www.panitikan.com.ph/

Aklat

Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma Aklat 02 (pahina 473-481)


Talambuhay ni Rizal Si Jose P. Rizal (i. 19 Hunyo 1861 — k. 30 Disyembre 1896) na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag-eeskrima. May palayaw na Pepe, si Jose Rizal ay ang ika-pito sa labing-isang anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro na kaniyang ang ama, ay kabilang sa ika-apat na henerasyong apo ni Domingo Lam-co, isang Tsinong mangangalakal na naglayag sa Pilipinas mula sa Jinjiang, Quanzhou noong kalagitnaan ng ika-labimpitong siglo. Si Lamco ay nakapag -asawa ng isang Pilipina sa katauhan ni Inez de la Rosa at upang makaiwas sa hostilidad ng mga Espanyol para sa mga Intsik ay pinalitan niya ang kaniyang apelyido ng "Mercado" (pangangalakal). Ang pangalan namang Rizal ay nagmula sa salitang "Ricial" o kabukiran na ginamit lamang ni Francisco (dahil siya ay isang magsasaka) alinsunod sa kautusan ni Gober-

Gobernador Narciso Calaveria noong 1849 na magpalit ng mga apelyido ang mga Pilipino. Kalaunan ay ginamit na rin ni Francisco ang Rizal Mercado upang makaiwas sa kalituhan mula sa kaniyang kasamang mangangalakal. Ang ina naman niyang si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos, ay anak nina Lorenzo Alonzo (isang kapitan ng munisipyo ng Biñan, Laguna, kinatawan ng Laguna sa Kortes ng Espanya, agrimensor, at kasapi ng isang samahan ng mga Katoliko) at ni Brijida de Quintos (na mula sa isang prominenteng pamilya). Ang kanilang apelyido ay pinalitan ng Realonda noong 1849. Ipinanganak sa Calamba, Laguna si Pepe ay mula sa pamilyang masasabi ring nakaaangat sa buhay dahil sa kanilang hacienda at lupang sakahan. Si Paciano at si Pepe lamang ang mga anak na lalaki sa kanilang labing -isang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid na babae ay sina Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad at Soledad. Ang pagkahilig sa sining ay ipinamalas niya sa murang edad. Natutunan niya ang alpabeto sa edad na tatlo at limang taong gulang naman nang siya ay mututong bumasa at sumulat. Napahanga niya ang kaniyang mga kamag-anak sa angking pagguhit at paglilok. Walong taong gulang siya nang kanyang isinulat ang tulang "Sa Aking Mga Kababata," na ang paksa ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika (na noon ay Tagalog) Ang kaniyang ina ang unang guro ng ating pambansang bayani. Ito ang nagturo sa kaniya ng alpabeto, kagandahang asal, at mga kuwento ("Minsan ay may Isang Gamo-gamo"). Samantala, ang kanyang pormal na edukasyon ay unang ibinigay ni Justiniano Aquino Cruz sa Binan, Laguna.


Ateneo de Manila University at doon ay tinamo ang Bachelor of Arts noong 1877 (siya ay 16 taong gulang) at nakasama sa siyam na estudyanteng nabigyan ng sobresaliente o namumukod-tanging marka. Ipinagpatuloy ni Jose ang pag-aaral sa Ateneo upang maging dalubhasa sa pagsusukat ng lupa at pagiging asesor. Natapos siya sa kursong asesor noong 21 Marso 1877 at naipasa ang Lupong Pagsusulit para dito noong 21 Mayo 1878 subalit dahil siya ay 17 taong gulang pa lamang ay hindi siya pinahintulutang magtrabaho bilang asesor hanggang 30 Disyembre 1881. Noong 1878, pumasok siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng medisina ngunit dito ay naranasan niya ang diskriminasyon mula sa mga paring Dominikano. Ipinasya niyang ipagpatuloy ang pagaaral ng medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya ng sa kaalaman ng kaniyang mga magulang. Noong 21 Hunyo 1884, sa edad na 23, iginawad sa kanya ang Lisensiya sa Medisina at noong 19 Hunyo 1885, sa edad na 24, ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya na may markang ekselente. Siya ay nagsanay ng medisina sa Hospital de San Carlos ngunit itinigil niya ito upang mag-aral ng optalmohiya sa Paris sa ilalim ng pagtuturo ni Dr. Weckert at sa Aleman sa ilalim ni Dr. Otto Becker. Ginawa niya ito sapagkat noong panahong iyon ay malala na ang sakit sa mga mata ng kaniyang ina. Sa Berlin, siya ay naging kasapi ng Berlin Ethnological Society at Berlin Anthropological Society sa ilalim ng pamunuan ng pamosong patolohistang si Rudolf Virchow. Kay Rizal ang isa sa mga pinakadokumentadong buhay noong ika-labingsiyam na siglo dahil sa mga tala

tungkol sa kaniya (ang ilan sa mga ito ay sa talaarawan niya mismo nanggaling), kahit pa nahirapan ang mga manunulat na gumawa ng kaniyang talambuhay dahil sa paggamit niya ng iba't ibang lengguwahe. Karamihan sa mga tala ay hinango mula sa kaniyang paglalakbay bilang isang batang Asyanong namumulat sa kultura ng Kanluran. Kasama rin dito ang kaniyang paglalakbay sa Europa, Hapon, Estados Unidos, at sa Hongkong kabilang na rin ang mga babaeng naging bahagi ng kaniyang buhay. Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas, partikular na pinagtuonan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli. Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.


Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksyon. Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla ng Mindanao. Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong. Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga Espanyol noong 1898.

Kasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming mga panggigipit. Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan.

Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari, katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo, pagliligpiy sa mga kaaway atbp.” Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.


“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral arawaraw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog… Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.” Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda.

Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi.

Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa: “Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…” Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi. Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, BurgosatZamora. Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di -tuwiran, masasalamin din ang mapapait na karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at


Mga Tauhan

yugto ng nobela. Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali – kasama na pati ang pangungulila at pag- aasam sa pag-ibig. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista. Karagdagang Impormasyon: Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito, nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis ng medisina sa Calamba. Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

SIMOUN - Isang mayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan-Heneral. Siya ay si Crisostomo Ibarra na nagpalit ng katauhan upang maghiganti. KAPITAN-HENERAL - Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Pinunong pabigla-biglang humatol at laging salungat sa pasiya ng Mataas na Kawani. i.

MATAAS NA KAWANI - Isang Kastila at mataas na kawani ng pamahalaan. May mabuting kalooban at laging salungat kapag hindi pinagiisipan o di pinagaralan ng mabuti ang mga desisyon ng mga opisyal at kawani.

PADRE FLORENTINO - Mabuti at kagalang-galang na paring Pilipino. Ang kumupkop kay Isagani nang ito ay maulila.

PADRE BERNARDO SALVI - Paring Pransiskano na iginagalang ng mga kasamahang prayle. Umiibig kay Maria Clara.

PADRE HERNANDO SIBYLA - Matalinong paring Dominiko. Hindi siya sangayon sa pagpasa ng panukala na pagtuturo ng wikang Kastila sa mga mag-aaral.


PADRE IRENE

TANO

- Paring Kanonigo na hindi iginagalang si Padre Camorra. Siya ay pabor sa pagpapanukala ng pagtuturo ng wikang Kastila.

- Anak ni Kabesang Tales na sundalo. Nawala ng ilang taon at siya ang naging dahilan ng kasawian ng mahal niya sa buhay.

PADRE FERNANDEZ

BASILIO

- Paring Dominiko na sang-ayon sa pag-aaral ng mga estudyante ng wikang Kastila at hindi siya natutuwa sa mga ginagawa ng kapwan prayle. PADRE CAMORRA

- Paring Pransiskano na walang galang sa mga kababaihan lalo na sa mga magagandang dalaga. PADRE MILLON

- Paring Dominiko na propesor sa Pisika at Kemika.

- Nag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. ISAGANI

- Malalim na makata at pamangkin ni Padre Florentino. MAKARAIG

- Mag-aaral ng abogasya at isa sa nagsusulong na magpatayo ng paaralan na nagtuturo ng wikang Kastila.

KABESANG TALES

PLACIDO PENITENTE

- Masipag na magsasaka at naging Kabesa ng Brangay dahil sa pagiging masipag at mabuting tao.

- Isang mag-aaral na nawalan ng ganang magaral.

JULI

PECSON

- Anak ni Kabesang Tales. Larawan ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay. Kasintahan ni Basilio.

- Pesismikong tao at hindi agad naniniwala sa mga bali-balita.

JUANITO PELAEZ TANDANG SELO

- Maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Ang kumaling sa batang Basilio sa gubat.

- Mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero. Laging tinatakot si Placido, siya ay may kapansanan, at masugid na manliligaw ni Paulita Gomez.


SANDOVAL

KAPITAN BASILIO

- Purong Espanyol na sang-ayon sa pinaglalaban ng mga estudyanteng Pilipino.

- Mayamang mamayan ng San Diego na asawa ni Kapitana Tika at ama ni Sinang.

TADEO

DON CUSTODIO

- Mag-aaral na sobrang tamad at nagsasakitsakitan para di pumasok sa eskwelahan.

- Tinaguriang “Buena Tinta” at laging pinupuri sa pagiging masipag.

PAULITA GOMEZ

BEN ZAYB

- Pamangkin ni Donya Victorina at masayahin at napakagandang dalaga. Kasintahan ni Isagani.

- Mamahayag na hindi tapat sa kanyang mga salita at lubos na hinahangaan ang Kapitan-Heneral.

DONYA VICTORINA

GINOONG PASTA

- Purong Pilipina na nagpapanggap na mestizang Kastila. Mahilig alipustahin ang mga Indiong kanyang kalipi.

- Dating kaklase ni Padre Florentino. Mapanuri at namimili ng kanyang kakausapin. PEPAY

DON TIBURCIO - Espanyol na asawa ni Donya Victorina. Siya ay sunod-sunuran sa kanyang asawa.

- Kaakit-akit na mananayaw at si Don Custodio ay nahihibang sa kanyang alindog. HERMANA BALI

KAPITAN TIYAGO - Tatay ni Maria Clara na labis nalungkot nang pumasok ito sa monasteryo kung kaya’t siya ay nalulong sa sabong at paghithit ng apyan.

- Taga-payo kapag may suliranin sa kanilang baryo. Ang nagpayo kay Juli na magpaalipin noong nakapos ito sa pera.

HERMANA PENCHANG MARIA CLARA

- Tanging iniibig ni Simoun sa kanyang buhay.

- Masimbahing ginang at mapang-husga sa mga sawimpalad.


KAPITANA TIKA

SINONG

- Asawa ni Kapitan Basilio at ina ni Sinang. Mahilig sa mga binebentang alahas ni Simoun.

- Kutserong dalawang beses hinarang ng guwardya sibil bago mag Noche Buena.

SINANG

CAMARONCOCIDO

- Matalik na kaibigan ni Maria Clara sa Noli Me Tangere at anak ni Kapitan Basilio at Kapitana Tika. Katulad ng ina ay mahilig rin siya sa mga alahas.

- Espanyol na kinahihiya ang kanyang mga kalahi dahil sa kanilang pisikal na anyo.

KABESANG ANDANG - Inani Placido at sinisimbolismo nito ang mga magulang na hangad laamng ang ikakabuti ng kanyang anak. QUIROGA

- Mayamang Intsik na mangangalakal. DON TIMOTEO - Ama ni Juanito Pelaez. Kasosyo ni Simoun sa negosyo at ang nakabili sa tahanan ni Kapitan Tiyago sa murang halaga. MR. LEEDS

- Mahusay na mahika na napapaniwala ang mga manonood. KAPITAN NG BARKO

- Beteranong marinero ang Kapitan ng barko.

TIYO KIKO - Matandang pandak na buhay na buhay ang mga mata at matalik na kaibigan ni Camaroncocido.

Kabanata 1: Kubyerta Buod: Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog pasig. Mungkahi ni Don Custudio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun naming kilalang tagapayo ng kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya. Mensahe:

Ang aral na makukuha sa kabanatang ito ay kung anong klaseng pamumuno ang hinagawa ng mga kastila noon sa ating bayan,inihahambing ang bapor Tabo sa pamahalaan sapagkat mabagal ang pag-usad nito na parang ang ating pamahalaan noon na halos walang


pag-unlad sa mahabang panahon,sapagkat ang namumuno ay puro pang sariling interest lamang ang nais, ayaw nilang natuto ang mga Pilipino sapagkat natatakot sila na hindi na maging sunod-sunuran ang mga ito sa kanila.

2. Ano ang kanilang pinagtatalunan? Pinag-uusapan?

- Pinagtatalunan nila ang pagmumungkahi ng pagpapalalim at paano maitutuwid ang Ilog Pasig. Nagtatalo sila sapagkat hindi sila sang-ayon sa ideya ni Simoun na pagtrabahuhin ang mga tao mapabata o matanda. 3. Bakit kakaiba ang ang Bapor Tabo sa ibang barko?

Pagsusuri:

1. Sinu-sino ang mga pasahero sa itaas ng kubyerta? Ilarawan ang bawat isa. Donya Victorina- isang Pilipinang na walang pagpapahalaga sa kaniyang lahi at itinatakwil ang mga Indiong kanyang kalipi.

-Ang bapor tabo ay isang sasakyang pandagat ngunit ito ay nahahati sa dalawang parte: itaas at ibaba. Ang ibabang parte ng bapor tabo ay kung saan nalalagi ang mga mukhang kayumanggi, intsik, at mga Indio samantalang ang itaas na bahagi ng bapor tabo ay doon matatagpuan ang mga prayle, opisyal, at ang mga mayayamang manlalakbay.

Simoun- isang napakayamang mag-aalahas at matalik na kaibigan ng Kapitan-Heneral. Don Custodio- opisyal na tagapayo ng Kapitan-Heneral dahil sa kanyang likas na talino.

4. Sang-ayon ka ba sa mga mungkahi ni Simoun upang mapalawak ang ilog at mapabilis ang paglalakbay ng bapor? Katwiranan.

Padre Irene- isang paring Kanonigo na minamaliit at di gaanong ginagalang ni Padre Camorra.

- Para po sa akin ay hindi po ako sang-ayon sa kanyang mungkahi na sapilitang pagtrabahuhin ang mga tao mula bata hanggang matanda dahil hindi ito maganda sapagkat ang mga bata at matanda sa mga edad nila ay hindi nakabubuti na magtrabaho ng mabibigat na bagay. Para rin sa akin sa kanyang mungkahi ay kanilang masisira ang tunay na anyo ng Ilog Pasig.

Padre Camorra- kura ng Tiani. Walang galang sa kababaihan lalo na sa mga magagandang dilag.

IMPLIKASYON: MGA GABAY SA PAGKUHA NG MGA PAHIWATIG SA BAWAT KABANATA

Ben Zayb- mamahayag na malayang mag-isip at ang dahilan kung bakit puro magaganda at mabubuting balita ang lumalabas ukol sa Kapitan-Heneral.

Padre Salvi- paring Pransiskano na iginagalang ng iba pang kasamahang prayle. Padre Sibyla- matalinong paring Dominiko at salunggat sa ideyang pagtuturo ng wikang Kastila. Paulita Gomez- pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani.

5. Ibigay ang katangian ng Bapor Tabo at ng pamahalaang Kastila batay sa kabanatang tinalakay. Sundan ang pormat na makikita sa ibaba.

BAPOR TABO - Ang paghihiwalay ng pwesto sa mga mayayaman at mahihirap. - Mabagal na takbo.

- Bumubuga ng maitim na usok.

PAMAHALAAN - Hindi pantay na pagtingin ng pamahalaan sa mga tao at mas pinapaboran ang mga mayayaman. - Mabagal na pag-unlad ng bansa dahil sa pamamalakd ng pamahalaan. - Gumagawa ng mga masasamang gawain.


6. Saan inihalintulad ni Rizal ang Bapor Tabo? Ano ang sinisimbolismo nito sa atin? - Inihahalintulad ang bapor tabo sa mababang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ipinuwesto nila ang mga Kastila at mayayaman sa itaas at mga Pilipino naman ang nasa ibaba. Ang isinisimbolo ng Bapor Tabo ay ang pamahalaan sa panahon ng mga Kastila hanggang ngayon dahil sa di pantay na pagtingin, mga masamang gawain na isinasagawa, at marami pang iba.

Kabanata 2: Sa ilalim ng Kubyerta Buod: Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamento. Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi naging matagumpay. Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez, pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña. Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng alahas. Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay tubig ang iniinom at di alak. Mensahe Sinisimbolo/Mensahe ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.

Pagsusuri:

1. Ilarawan ang ilalim ng kubyerta? - Ang ibabang bahagi ng kubyerta ay kung saan nalalagi ang mga Intsik, kayungmaggi, at mga manlalakbay. Sa bandang ito ay may kasikipan sapagkat naroroon rin ang mga bagahe at mainit-init rin doon banda dahil malapit sa makina.

2. Ano-ano ang mga balak ng kabataang mag-aaral sakaling mapahintulutan ang pagtatayo ng Akademya ng Wikang Kastila? - Nais nilang turuan ang mga Pilipino ng wikang Kastila at naniniwala sila na kapag nabigyan sila ng pahintulot na ipatayo ang akademya ay magkakaroon na ang mga Pilipino ng pantay na karapatan tulad ng mayroon ang mga Kastila dahil ang pag-aaral ng wikang Kastila ay makakatulong upang maiwasan na ang pagkakabuklod ng mga tao. 3. Bakit kaya nasabi ni Kapitan Basilio na hindi magtatagumpay ang plano ng dalawang magkaibigan na sina Basilio at Isagani? - Dahil sa buhay ni Kapitan Basilio ay nakaranas na siya ng mga kasawian at kabiguan kung kaya’t nasabi niya na hindi magtatagumpay ang dalawa. Nabanggit niya rin na ang pag-unlad ng mga Pilipino ay tila paurong at ang pagtuturo ng salitang Kastila ay hindi pa rin mabibigyan ng pantay na trato ang mga tao. 4. Paano mo ilalarawan ang pagkikita nina Simoun, Basilio at Isagani? Ano ang masasabi mo sa katauhan ng tatlo batay sa kanilang ipinahayag sa kabanata? - Ang pagkikita ng tatlo ay naging matiwasay at nagkaroon sila ng pag-uusap ukol sa plano ng dalawa at nagbigayan sila ng opinyon ukol rito. Ang katauhan ng tatlo ay pareparehas silang maalam at matatalino dahil may mga kurso silang pinag-aralan at hindi sila takot na ipahayag ang kanilang mga opinyon sa mga bagay bagay.


5. Sino sa kanila ang masasabi mong pinaniniwalaan mo o taong may katulad mong katangian?Ipaliwanag. - Para po sa akin si Basilio po ang isang karakter na may halos katulad ko ng katanggian. Gusto ko rin pong mag-aral ng medisina paglaki tulad ni Basilio at tulad niya ay isa iyon sa gagawing kong inspirasyon upang makapagtapos.Tulad niya na hindi na nanggaling sa mayamang pamilya ay nagawa niya pa ring marating iyon at doon ako bilib dahil ako rin ay hindi galing sa sobrang rangyang pamilya.

IMPLIKASYON: 6. Ipaliwanag ang ipinahihiwatig ng ilalim ng kubyerta sa uri ng lipunang Pilipino. - Kapag nasa ibaba kang parte ng kubyerta ay pinararating nito ang pagiging mababa mo sa buhay at nililimitahan ka sa mga bagay dahil lamang sa iyong antas. Hindi ka binibigyan na pagkakataon na umangat dahil inilulugar ka lang nila sa tingin nila kung saan ka nababagay. Nararanasan ang pagmamaltrato at paghihirapdahil lamang sa mababang antas mo sa buhay.

7. Masasabi kayang may kinabukasan ang bayan sa mga kabataang mag-aaral noon? Bakit? - Para po sa akin ay naituturing na pag-asa ng bayan ang mga kabataan noon hanggang ngayon dahil may mga hangarin sila na makakatulong sa bansa at sa lipunan. Ang kanilang isipan rin ay bukas na sa mga bagay may kaugnayan sa lipunan o mundo na ating ginagalawan. Hindi rin sila takot na ipaalam ang kanilang mga saloobin o opinyon sa mga bagay at ipinaglalaban nila ang mga bagay na sa tingin nilang tama. KABANATA 3: MGA ALAMAT Buod:

Ang grupo na nasa taas ng kubyerta ay nagbibirian at nakikipagaaya. Ang kanilang pinaguusapan ay ang kalagayan ng kalakalan ng mga indyo at intsik tungkol sa kahirapan nito. Nagsimula silang magkwento tungkol sa iba't ibang mga alamat.

Ito ay ang malapad na bao na tinutuluyan ng espiritu bago pa dumating ang mga kastila; pangalawa, tungkol kay Donya Geronima na ang kasintahan niya na papakasalan ay nag-arsobispo; Nakipagtalo si Simoun sa dahil sa ginawa kay Donya Geronima na ikinulong sa isang kweba; ang pagligtas ng isang intsik sa panginoong hindi niya pinaniwalaan dahil sa isang buwaya na demonyo na lumabas; ang huli ay tungkol sa isang ibarra na tumalon sa may lawa, siya'ay binaril at nagkaroon at puno ng dugo ang lawa at hindi na siya nakitang muli. Mensahe:

Naipakita rito kung gaano karelihiyoso ang mga Pilipino noong unang panahon hanggang ngayon. Hindi rin lahat ng pangako ay natutupad bagkus ang iba ay tila nagiging bato. Ang mga Pilipino rin ay mahihilig sa mga alamat. Pagsusuri: 1. Alin sa mga alamat ng Ilog Pasig na naikuwento ang iyong nagustuhan at bakit? - Para sa akin ang aking nagustuhan ay ang Alamat ni Donya Geronima dahil tungkol ito sa magkasintahang pinangakuang pakakasalan ng kasintahan ni Donya Geronima at biglang naglaho. Nagustuhan ko ito dahil naipapakita nito na hindi lahat ng pangako ay natutupad, lalo na at hindi pa sapat ang kanilang pag-iisip tungkol sa pag-ibig.

2. Bakit nayanig si Padre Salvi pagkatapos magkuwento ni Padre Forentino tungkol sa kuweba at nang tanungin siya ni Simoun kung mas mabuti bang itinago sa beateryo ng Sta Clara si Donya Geronima sa halip na inilagay sa isang yungib sa ilog? - Dahil may malinis na imahe ang mga prayle at dahil dito ay pwede masira ang kanilang imahe kaya binago agad ni Padre Salvi ang kanilang usapan at nagkuwento nalamang ukol sa Ang milagro ni San Nicolas.


3. Ano ang nais bigyang-diin ni Simoun sa kanyang mga pag-uusisa kay Padre Salvi nang sandaling iyong tungkol sa beateryo? Nagtagumpay ba si Simoun na mausig ang kanyang konsensiya? Bakit?

- Nagkwentuhan ang mga prayle at si Simoun para mabigyan ng diin ang alinmang pook sa Ilog, dito magsisimula ang kanilang kwentuhan. 4. Paano inilihis at pilit itinago ni Padre Salvi ang kabyang pagkabigla nang maungkat ang tungkol sa pangalan ng beateryo ng Sta Clara?

- May tinanong si Simoun kay Padre Salvi tungkol sa pagninirahan kay Sta. Maria. Sa isang beateryo. At sumasang-ayon naman si Padre Salvi. Nagbabangit naman ng ibang alamat para magbabago ang paksa si Padre Silva at isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng Intsik ang santo. 5. Bakit biglang natahimik at sumama ang pakiramdam ni Simoun nang mapunta ang usapan sa pagkasawi ni Ibarra nang mapasok ang usapan sa Lawa ng Laguna? Ano-anong mga alaala at damdamin kaya ang ibinabalik ng usapan sa lugar na ito sa kanya? - Si Simoun ay biglang natahimik nung pumasok na sa lawa kung saan napagusapan ang pakasawi ni Ibarra dahil naalala niya ang kanyang mga paghihirap sa lawang iyon. Ang lawing iyon ay naging daan sa kanyang pagtakas ngunit bago niya iyon nagawa ay maraming paghihirap ang kanyang nadaanan, kagaya ng pagtakas niya kasama si Elias na naging dahilan ng pagkamatay ng kanyang kaibigan.

4: Si Kabesang Tales Buod: Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa sakit na malaria.

Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan. Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya. Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara. Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga. Mensahe:

Maging matiyaga at matutong ipagtanggol sarili kapag inaapi. Pagsusuri: 1. Ilarawan si Kabesang Tales bilang:

a. anak ni Tata Selo - Siya ay nag-iisang anak ni tata Selo. Kilala ang kanyang anak nilang isang masipag, mabuti at mapayapa. Ngunit sa usapin tungkol sakanyang lupa, hindi siya nakinig sa payo ng kanyang tata Selo. b. bilang magulang nina Juli at Tano - Bilang magulang nina Juli at Tano, napansin ko na siya ay mas nagkaroon pa ng pagpapahalaga sa kanyang lupa kaysa sa kanyang anak na si Tano na pinili maging sundalo at malayo sakanila. c. bilang kabesa ng barangay - Bilang kabesa ng barangay, siya ay napakabait at nag-aabono pa tuwing may mga tao pa na hindi nakakabayad sa buwis.


2. Ano-anong kasawian ang sinapit ni Kabesang Tales gayong isa siyang mabuti at marangal na tao ng Tiani? - Ang mga kasawian na sinapit ni Kabesang Tales ay, una, siya’y siningil ng mga prayle ng 20 hanggang 30 pisong buwis. Pangalawa, siya’y kinasuhan dahil sa usapin tungkol sa kanyang karapatan sa lupa. Pangatlo, ang kanyang anak na si Tano ay napili bilang isang sundalo at hinayaan niya ito upang hindi na magbayad kapalit para sa lupa. Panghuli, siya’y dinukot ng mga tulisan at ipinatutubos sa halagang 500 na piso. 3. Kung ikaw si Kabesang Tales, sasang-ayon ka rin ba sa pagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa may kapangyarihan? - Sa sitwasyon noon, mas pipiliin ko na lamang na sumunod sa payo ng aking ama na huwag lumaban sa mga mayroong kapangyarihan. Napakahirap lumaban noon kahit gaano man karapat dapat na ipaglaban ang iyong tama. Ang sistema noon ay umiikot lamang para sa mga tulisan.

4. Kung sa una pa lamang ay hindi na nagbayad ng buwis si Kabesang Tales sa mga prayle, ano kaya ang nangyari sa kanyang buhay? Maghinuha. - Sa aking palagay ay mas mapapaaga ang pagpapahirap sa kanya ng mga prayle sapagkat hindi sapat o kulang ang buwis na ibibigay niya. Dahil kilala ang mga prayle sa ugali ng pagiging mapagmataas at mapagsamantala sa kanilang kapangyarihan at posisyon at gusto nilang nakukuha ang kanilang mga ninanais. Kung kaya’t mas maaga ang pagpapahirap at pagaalipusta kay Kabesang Tales. 5. Bakit nagbago si Kabesang Tales mula sa pagiging maamong tupa tungo sa pagiging mabangis na nilalang? Ano ang kinalaman ng panggigipit na pinagdaanan niya sa kamay ng mga prayle sa malaking pagbabagong ito? - Dahil napagtanto niya na karapat-dapat niyang ilaban ang kanyang karapatan dahil siya at ang kanyang pamilya ang naghirap

sa lupain na yun at mahalaga sa kanya ito sapagkat dito niya inilibing ang kanyang anak at asawa. Napagtanto niya na ang mga prayle ay labis labis mang alipusta sa kanya kahit wala naman siyang ginawang mali at hindi niya hahayaan ang mga ito na kuhain sa kanya lahat ng pinaghirapan niya. IMPLIKASYON 6. Ano ang ipinahihiwatig ni Rizal na .... " siya ay lumalaban sa isang makapangyarihang korporasyon na pinagyuyukaran ng ulo ng katarunag, kung saan pinabayaan ng hukom na hindi magpantay ang timbangan at isinuko espada.?" - Ang pinahihiwatig ng sipi iyan ay mahirap kalabanin ang isang makapangyarihan na gobyerno na kung saan karaniwan na ang korupsyon. Hindi nila binibigyan ng hustisya ang lahat ng tao kung kaya’t ‘hindi magpantay ang timbangan’ dahil hindi sila patas at laging may pinapaburan. Ang espada ay sinisimbolismo ang respeto at ang pagpapatupad ng parusa, ‘isnuko ang espada’ ay nangangahulugan na kawalan ng respeto at di pagpapataw ng parusa sa taong may sala.

7. Batay sa iyong oberbasyon, nangyayari pa ba ang ganito sa kasalukuyan? Magbanggit ng mga patunay. - Para po sa akin ay hanggang ngayon ay nangyayari pa rin ang mga eksenang ito sa kasalukuyan. May mga pagkakataon na ang mga mahihirap ay pinapaalis mismo sa sarili nilang lupain at tinatannggap bilhin ang kanilang lupa ng sapilitan. Mayroon naman ay pinipikot o inaalipusta ang mga taong walang natapos o pinag-aral at pinagsasamantalahan ang pagiging ignorante nito. Hindi pa rin gaano nabibigyan ang mga mahihirap ng katarungan na kailangan nila.


Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Buod: Gabi na noon at kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego ay ang nagaganap na prusisyong pangnoche Buena. Nalimutan ng kutserong si Sinong ang kanyang sedula kaya’t ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil. Pagkatapos ay napag-usapan nila ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Dahil dito’y naalala ni Sinong si Haring Melchor na kayumanggi ang balat. Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na makakapagpalaya diumano sa bayan. Pagkaraan ay nadaan rin nila ang ilang mga imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng birheng Maria na tila malungkot. Nahuli muli si Sinong dahil hindi niya namalayang namatay na ang ilaw ng kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba na lamang si Basilio at naglakad. Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na wala masyadong parol ang mga bahay at tahimik ang karamihan maliban sa bahay ni Kapitan Basilio na puno ng kaligayahan. Nakita niya dito ang alperes, ang kura, at si Simoun.

Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan siya’y binati ng mga katiwala. Ikinuwento ng mga ito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa bukid kung saan maraming namatay na hayop at katiwala at sa balitang nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si Juli.

Mensahe: Ipinahihiwatig sa kabanata na ito ay sa bawat kamalian ay may kaparusahan tulad ng nangyari kay Sinong. Ipinakita rin dito kung gaano pinahahalagahan o ipinagdidriwang ng mga Pilipino ang disperas ng kapaskuhan at kahit madaming problema ay likas na sa atin na tumingin sa maliwanag na parte ng buhay.

Pagsusuri:

1. Ilarawan ang kutsero bilang isang mamamayan at bilang isang Katoliko. Bakit makalawang beses hinuli ng mga si Sinong? Anoanong mga pagmamalabis ang ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya? Ang kutsero ay isang relihiyosong mamamayan. Makalawang beses hinuli si Sinong dahil nakalimutan niya dalhin ang kanyang sedula at patay ang ilaw. Ang mga pagmamalabis ang ginawa ng mga guwardiya sibil sa kanya ay ang bugbugin siya at dalhin sa komandante saka pinakawalan. 2. Bait walang mga sibil noong panahon ng mga santo ayon kay Sinong? Ayon kay Sinong, walang mga sibil noong panahon ng mga santo dahil sa kanyang palagay ay madadala na sa bilangguan ang maitim na si Haring melchor.

3. Ano ang paniniwala ng mga Indiyo ukol sa sa alamat ni Bernardo Carpio? Ang paniniwala ng mga Indiyo ukol sa sa alamat ni Bernardo Carpio na siya ay magliligtas sa mga Pilipino mula sa mga Kastila. Dahil dito hinihintay na lamang ng mg Pilipino ang paglaya nila kay Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila magbabagon.


4. Bakit ibig ni Kapitan Basilio na makasundo niyang mabuti ang alperes at kura?

Ibig ni Kapitan Basilio na makasundo niyang mabuti ang alperes at kura dahil nais niya na magpalad ng papel upang makapangalakal siya sa bayan ng San Diego ng malaya. 5. Ayon kay Basilio, anu-ano ang mga dahilan at may kalungkutan ang notse Buena? Marami umanong nabalitaan si Basilio na masamang mga balita kaya niya itong nasabing malungkot ang notse buena.

6. Ano-ano ang masamang balita ang narinig/nalaman ni Basilio? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan paano mo haharapin ang mga ito? Nabalitaan ni Basilio ang pagkadukot kay Kabesang Tales at hindi siya nakakain noong hapunan. IMPLIKASYON: 7. Paano mo maihahambing ang prusisyon noon sa kasalukuyan? Parehas itong dinadagsa ng mga tao dahil maraming nagsisi pag-uwi tuwing may prusisyon sa isang bayan. Ang prusisyon ngayon at dati ay parehas na kadalasan inaalay sa isang santo o santa bilang papugay. Marami ring mga tao ang sumasama sa paglalakad habang nagpruprusisyon. Naghahanda rin sila ng mga masasarap na pagkain. 8. Ihambing ang paraan ng pagbibigay-parusa ng makapangyarihan sa mga kutsero noon at sa mga tsuper ngayon. Para sa akin ay halos parehas lang ang pagpapataw ng parusa dahil hinihingan sila parehas ng lisensya at pinapatawan ng pabuya ngunit mas minamaltrato ang mga kutsero noon kaysa sa mga tsuper ngayon.

Ngayon kasi ay hindi na gaanong namamaltrato ang mga tsuper dahil pwede na nila ito isuplong sa batas ngunit dati ay hindi kaya ng mga kutsero manlaban sa mga gwardya sibil dahil maari sila nitong saktan at wala silang kapangyarihan. 9. Noon, kailangang magpalakas ka sa mga may kapangyarihan upang makapangalakal ka ng malaya. Gayon pa rin ba sa kasalukuyan? Ipaliwanag. Para sa akin ay ganun pa rin ang sistema ngayon. Kung ikaw ay may koneksyon sa mga opisyal na nakatataas ay magkakaroon ka ng pribilehiyo sa bagay na iyong ninanais. Sa panahon ngayon ay importante na maging makapangyarihan dahil napapasunod mo ang iba kahit ikaw mismo ay mali. 10. Anong kamangmangan ang ng mga Pilipino ang tinuligsa ni Rizal sa kabanatang ito? Ilahad. Ang tinuligsa dito ni Rizal ay ang pagiging hindi handa ng mga Pilipino pag dating sa mga sitwasyong hindi inaasahan na mangyayari. Kabanata 6: Si Basilio Buod: Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si Basilio at bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na magaral. Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang


beses ang tangka ng guro. Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka. Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng medisina. Mensahe:

Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang pagkakataon.

5. Anong uri naman ng pagtuturo ang pinalilitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio? -Ang pinalilitaw ni Rizal sa paaralan ni Basilio ay pananamit niya. Pinipili lang ng mga guro ang mga estudante o kay hindi sila nagtuturo kinakausap lang mga estudante na gusto nila kausapain 6. Paano siya nakilala sa San Juan de Letran? -Nakilala siya dahil masipag at matalino siya at dahil sa pananamit niya sa San Juan de Letran.

Pagsusuri: 1. Ano-anoong mga kasawian ang naranasan ni Basilio nang maulila? Paano niya naharap ang mga ito?

7. Anu-anong pagbabago ang nakita niya sa Ateneo Municipal?

-Tinulungan siya ni Crisostomo Ibarra at ni Kaptian Tiago

- Malaki ang natutuhan ni basilio. Nakasulit sya at kumuha ng medisina pagkatapos ay naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Di man nakapagtapos ay nakakapaggamot na siya.

2. Paano natulungan ni Kapitan Tiago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay?

8. Paano napapayag ni Basilio si Kapitan Tiago na medisina ang kanyang nais pag-aralan?

-Dahil sa kabaitan ni Kapitan Basilio, tinulungan niya si Basilio makaangat at makabawi sa kanyang buhay.

-Pagkawala ng kanyang kapatid, at pagkamatay ng kanyang ina

3.Alin bahagi ng buhay ni Basilio ang nakapnlulumo nakapagbabagabag ng iyong loob at bakit? Aling bahagi naman ng kanyang buhay ang nais mong siya ay batiin at gayahin? Ilahad.

-Noong namatay ang kanyang ina at kapatid, siya ay naulila, palaboy laboy at walang makain at dumating sa punto na gusto niya tapusin ang sarili niyang buhay. Ngunit noong nakita siya ni Kapitan Tiago at tinulungan nito, kinupkop siya nito at pinaaral. Kinukutya man siya ng mga tao noon, hindi siya nag pa apekto at nagpursigi lamang sa pagaaral at makapagtapos sa medisina. 4.Anong uri ng mga mag-aaral ang kinikilala sa San Juan de Letran?

-Ang mga uri ng mga mag-aaral sa San Juan de Letran ay mga estudyanteng mayayaman at mga tamad, iresponsable at hindi nag aaral, mga mapanghusga sa kapwa at mapagmataas.

Gusto talaga ni Kapitan Tiyago na mag abogasyo ang kanyang anak anakan ngunit sa isip ni Basilio ay hindi ganoon kasikat ang abogasyo sa Pilipinas kaya napilitan nalang si Kapitan Tiyago na ipasok si Basilio sa medisina.

IMPLIKASYON 9. Paghahambing: a. Paraan ng pagtuturo noon sa kasalukuyan

b. Mga gurong nagtuturo

A. Ang pagtuturo noon, ay malupit nasa kamay ng mga prayle ang sistema ng edukasyon limitado lamang ang kanilang tinuturo pagkat gusto nila na manatili itong mga mangmang sa takot na mamulat ito sa korapsyong nagaganap at matuto silang maghimagsik at mag isip. Sa kasalukuyan, hindi na kasing lupit noon ang


sistema ng edukasyon ngunit may mga batas pa rin na kailangan sundin ang mga estudyante at ang lalabag ay mayroong parusa. At ang pagtuturo rin ngayon ay mas maganda kayso noon, dahil totoong mga guro ang nagtuturo sa atin. B. Noon, mga prayle ang mga nagtuturo at mga limitado lamang ang kanilang tinituro at pinipili lang nila ang gusto nila kausapin o turuan. Ngunit ngayon mga gurong nakapagtapos ng kolehiyo ang nagtuturo sa atin at ginagawa at tinuturo nila ang lahat ng kanilang natutunan sa atin at ginagabayan tayo pataas. 10. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na makapili ng isang paaralang papasukan, saan mo nanaisin at bakit? Anoanong mga katangian ng isang paaralan ang iyong hahanapin? Ipaliwanag.

--Kung ako ay papipiliin ng paaralan na papasukan, ang aking pipiliin ay PUP o mas kilala bilang Polytechnic University of the Philippines o kaya naman UP (University of the Philippines Diliman) pagkat lahat ng magagaling ay nandito, pati mga nagtuturo ay mahuhusay rin at tingin ko labis akong matututo sa paaralan na ito. Ang mga katangian ng paaralan na aking hinahanap, ay paaralan na makakapagbukas pa sa aking kaisipan at magbibigay ng maraming aral sa akin at sa buhay at paaralang magbubukas sa ating mata sa nangyayari sa bansa.

Kabanata 7: Si Simoun Buod: Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio. Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban

Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli. Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio. Mensahe: Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga layunin at adhikain nila sa buhay. Pagsusuri:

1. Bakit nagtungo si Simoun sa sa gubat nang hatinggabi? -may narinig siyang yabag at liwanag na papalapit 2. Paano nakilala at natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?

-naalala ni Basilio ang isang asarol na tumulong mag hukay kay simoun. 3. Ipaliwanang ang hangarin ng mag-aalahas sa kanyang pagbabaltkayo at pagbabalik sa San Diego? -nais lang malaman ng mga alahas kung ano nga ba tangka ni simoun sa pagbabalik sa san diego. 4. Makatwiran bang harapin na lamang ni Basilio ang kanyang pag-aaral sa halip na makiisa kay Simoun? katwiranan.

-Makatwiran ang desisyon ni Basilio na harapin na lamang ang kanyang pag-aaral kaysa makiisa kay Simoun dahil matagal niyang pinaghirapan


ang kanyang pag-aaral. Bagamat maraming kasawian ang nangyari sa kanya sa kamay ng mga kastila, mas mabuti at maganda na mas bigyan halaga niya ang kanyang pah-aaral.

5. Sa iyong palagay, bakit hindi pinaslang ni Simoun si Basilio? -Hindi pinaslang ni Simoun si Basilio dahil si Basilio lamang ang nakakaalam ng kanyang sikreto at malaki ang tiwala niya dito. Batid niya rin sa kanyang sarili na pareho sila ng kasawiang naranasan nila sa kanilang buhay sa kamay ng kastila at alam ni Simoun na hindi siya tatraydurin ni Basilio at nais din ni Simoun na tulungan siya nito kapalit ng hindi pag paslang sa kanya.

IMPLIKASYON: 6. Ang kalayaan nga kaya ng isang bansa ay sa dahas o labanan

lamang makakamit? Patunayan. -Bagamat maraming digmaan na ang naganap noong sinaunang panahon pa naman, halos lahat ay dindaan sa digmaan upang makamit ang kalayaan. Ngunit naniniwala ako na hindi lamang sa pamamagitan ng dahas o labanan lamang makakamit ang kalayaan, maaring madaan ito sa masinsinang pag-uusap o kontrata o kasunduan. Maraming nadadamay na inosente sa labanan mga walang kamuwang muwang sa nangyayari, may mga tao rin na sobra-sobra ang ganid at hindi papayag sa kahit anong kasunduan at gustong sa kanya ang lahat gagamitin ang kahit ano makuha lamang ang kagustuhan. 7. Ipaliwanag ang pahayag na ang sariling wika ang kaluluwa ng

ng isang bansa. -Wika, wika ang nag rerepresenta sa ating bansa, sa ating kultura at tradition at sa ating pinagmulan. Sa oras na mawala ang ating sariling wika, para na rin nawala ang ating pagkakakilanlan sa ating sarili.

8. Kung ikaw ang masusunod, ano ang pagbabago sa bansa na hangad mo at bakit?

-Kung ako ang masusunod, marami akong hangad sa ating bansa, unang-una ay bigyan ng mas maayos na buhay ang mga walang kaya at walang tahanan, ayusin ang ekonomiya at bigyang hustiya ang mga trabaho ng sa ganoon wala nang umaalis sa bansa para mas kumita. Nais ko rin pag-aralin ang mga batang inabandona ng mga magulang at iniwan sa isang ampunan na makapag-aral pa rin kahit nasa ampunan ang mga ito. Pagkat karapatan ng mga ito na makapagaral at makamit ang kanilang pangarap.

Kabanata 8: Maligayang Pasko Buod: Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala. Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak. Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis. Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Mensahe: Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.


Pagsusuri: 1. Bakit kaya umaasa sa milagro si Juli? -At dahil isa sa ugali ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila ang pagiging madasalin, si Juli ay nanalangin nang taimtim at umaasa sa milagro para sa kanyang mga suliranin sa buhay. Desidido siyang mapalaya ang kanyang ama. 2. Patunayang ang mag-anak na Pilipino ay may matibay na pagbubuklod. -Ang bawat miyembro ng pamilyang Pilipino ay malapit sa bawat isa. Ang aming mga pagbubuklod sa pamilya ay malakas na kung saan na kahit anong mga pagsubok ang madadaanan ay makikipagtulungan kaming magkapamilya para tumagumpay sa problema. At ang mga Pilipino ay madalas na bumibisita sa kanilang mga magulang kahit na sila ay kasal, gagawin nila ang lahat para makapagbigay oras sa pamilya mas lalo na ay makatulong sa mga problema na madadaanaan. Matibay ang pagbubuklod ng pamilyang Pilipino dahil hindi lang sa kanilang respeto at katapatan ngunit pati na rin ang pagmamahal nila sa kanila, na kung saan gagawin nila ang lahat para lang maging masaya at maayos ang pamumuhay ng bawat isa sa pamilya. 3. Dapat nga kayang ikalungkot ang kawalang kakayahang magbigay ng aguinaldo kung Pasko? Bakit? -Sa palagay ko ay malas ang kawalang kakayahang magbigay ng aguinaldo tuwing pasko dahil ang pagbibigay ng regalo tuwing pasko ay naging tradisyon na ng mga Filipino. Gayunpaman, hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit tayo ay maging malungkot sa panahon ng Pasko sapagkat naniniwala ako na ito ang oras kung saan tayo ay magdiriwang kasama ang pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay na lumalalim ang ating ugnayan sa isa't isa. Para sa akin hangga't kumpleto ang pamilya ay wala ng dahilan upang maging malungkot dahil ang pamilya ay isa sa pinakadakilang kung hindi ang pinakamagandang regalo na maaaring matanggap ng sinuman.

4. Sa iyong palagay, makatotohanan ba ang pagkapipi ng isang taong tumatanggap ng matinding kalungkutan o pagkasiphayo? Katwiranan.

-Ito ay bahagyang totoo dahil hindi lahat ng mga tahimik na tao ay awtomatikong nalulungkot o dumaan sa mahihirap na oras, maaaring hindi sila ang uri ng mapagsalita o wala silang maraming lakas tulad ng karamihan sa mga tao. Ang ilan kung hindi lahat ng tao ay dumaan sa isang bagay na malungkot sa kanilang buhay hindi mahalaga kung sila ay tahimik o hindi. Ang iba ay itinatago ang sakit sa loob ng mga ito ng paglalagay ng pekeng ngiti sa kanilang mukha, ang iba ay humingi ng atensyon mula sa kanilang pinakamalapit upang aliwin sila, ang iba ay nais lamang na mag-isa at ayaw maabala. Hindi mahalaga kung paano natin harapin ang ating mga emosyon hindi natin dapat hatulan ang isang tao ay awtomatikong malungkot dahil lamang sa tahimik sila, pareho sa isang tao ay masaya dahil lamang sa madaldal sila alinman sa paraan dapat nating igalang ang emosyon ng iba at hindi natin dapat hayaang ang hitsura ng isang tao ang nagpapasiya na kadahilanan upang makilala ang kanilang damdamin, hindi natin alam kung ano ang kanilang pinagdadaanan at ipagpalagay na batay sa hitsura ay hindi magalang. IMPLIKASYON: 5. Ipaliwanag ang pagiging mapaniwalain ng mga Pilipino sa milagro o himala. -Naniniwala ang mga Pilipino sa milagro o himala, umaasang maayos man kung ano ang pinag dadaanan nila o mabigay man ang kanilang hiling, sa paraan na hindi maari o basta-basta lamang.

6. Patunayan ang kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ay hindi natamasa ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila.

-Ang pananaig ng mga mayaman at makapangyarihan, mga masamang naidudulot ng labis na kayamanan at ang kawalan ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin.


7. Bigyang liwanag ang kasabihang, "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa". -Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa ay ibig sabihin naman na walang mangyayari kung walang ginagawa ang may hiling gayundin kung iaasa na lamang sa nasa itaas ang mga bagay na gusto mangyari.

Kabanata 9: Ang Mga Pilato

Buod: Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle. Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat. Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas. Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit. Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

-Pinamagatan itong Pilato sapagkat ang mga tauhan na nabanggit sa kabanata na ito ay maihahambing sa isang Poncio Pilato. Poncio Pilato ay isang Romanong emperador na kung saan siya ay naghugas kamay sa pagkamatay ni Jesus na nagpapahiwatig na hindi niya kasalanan ang pagpapahintulot ng kamatayan. . Bakit nagsa-Pilato sina Padre Clemente, Hermana Penchang at tinyente ng mga sibil? -Silang tatlo ay naatasan na dakipin si Tandang Selo at pahirapan. Sila ay naghugas kamay na ipinapahiwatig na sila raw ay inosente at walang kinalaman. 3. Makatwiran ba ang pagsusuplong na ginawa ni Padre Clemente sa pamahalaan? Bakit? -Hindi makatwiran ang pagsupling ni Padre Clemente sa pamahalaan dahil ginawa lang nya ito para iligtas ang kanyarang sarili.

4. Ipaliwanag ang tunay na dahilan ng damdamin ni Hermana Penchang sa pagkilos ni Basilio na matubos si Juli?

Pagsusuri:

-Kaya madamdamin si Hermana Penchang dahil ang mga kabataang napupunta raw sa maynilaupang mag aral ay nawawalan ng kaluluwa at naghihimok pa ang iba upang magkagayon. Iniisip kasi ni Hermana na walang isip si Juli kapag sumama ito kay Basilio. At dahil sa paniniwalang ito, pinagbasa niya si Juli ng poyleto ni Tandang Basyo.

1. Bakit pinamagatang Pilato ang kabanatang tinalakay? Ilarawan si Pilato batay sa bibliya.

5. Sakaling sa iyo mangyari ang mgma naranasan ni Tales paano mo ito haharapin?

Mensahe: Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito at huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao.


-Kung ako ang nasa posisyon ni Kabesang Tales ay hindi ako susuko sa aking karapatan kahit pa ako ay mahirapan dahil alam ko na may mga karapatan ako sa aking lupa at hindi ako papayag na tapak-tapakan o maliitin ng mga tao. Magtagumpay man o hindi basta alam ko sa sarili ko na nagawa ko ang dapat gawin at napaglaban ko ang aking karapatan. IMPLIKASYON 6. Bakit malaking kapintasan sa isang tao ang pagiging mapanghatol sa kapwa? -Walang sino man ang may karapatan ang manghatol at manghusga ng kapwa pagkat tayo ay pare pareho lamang at wala tayong alam sa kanilang pinagdaanan sa buhay upang makamit o mapunta sa kanilang sitwasyon masakit mahusguhan ng wala naman alam tungkol sa kwento mo kaya’t hanggat maari ay iwasan natin ito, pagkat ayaw natin na mangyari ito sa’tin.

7. Bigyan ng reaksyon ang pagiging madasaling Kristyan ni Hermana Penchang. -Nakakapanibago dahil siya ay naging madasalin na.

Kabanata 10: Kayamanan At Karalitaan Buod: Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo. Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales. Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang piso. Mensahe: Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng mga mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alangalang sa kanilang karapatan. Pagsusuri:

8. Ipaliwanag ang kaibahan ng paghawak ng pamahalaan sa mga taong pinag-bibintangan noong panahon ng Kastila at ngayon.

1. Bakit mas pinili ni Simoun na manuluyan sa tahanan ni Tales?

-Ang panahon ng kastila ay iba sa panahon ngayon dali mayroon na tayong teknolohiya na ginagamit at ngayon ay mayroon na katagang ‘innocent until proven guilty’ na kung saan papayagan ka humanap ng abogado na magtatanggol sayo. Kumpara sa dati na ikaw talaga ay ididiin lalo na kung ikaw ay galing sa mahirap na pamilya.

-Nais ni Simoun na makilala ng lubusan si Kabesang Tales na sa palagay ay niya ay makakatulong sa himagsikang pinaplano niya laban sa mga prayle. Nais rin niyang subukin na himukin ito na makiisa sa gagawin niyang himagsikan sapagkat batid niya na hindi ito tatanggi dahil sa ginawa ng mga prayle sa kanyang panggigipit. Batid ni Simoun na


kapag nalaman ni kabesang Tales na sa ganitong paraan ay maipaghihiganti na niya ang nangyari sa kanya at sa kanyang pamilya ay mabilis itong makagagawa ng pasya. 2. Paano inakit ni Simoun ang mga mamimili niya? -Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa. 3. Napakahalaga ba ang agnos upang palitan ni Simoun ng mga pambihirang hiyas? Bakit? -Mahalaga ang agnos na iyon sapagkat ito ay bigay pa ng kasintahan na si Maria Clara sakanya noon. 4. Ipaliwanag ang tunay na layunin ni Simoun kaya ipinakikkita kay Tales ang lakas ng kanyang baril. -Ipinakikita niya ang baril dahil maaring gamitin ito upang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga tulisan. Kinuha nga ni Kabesang Tales ang rebolber noong tulog si Simoun at ipinagpalit rito ang agnos ni Maria Clara.

IMPLIKASYON 6. Iugnay kay Tales ang ksabihang, " ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit". -Pagkat nasaid na si Kabesang Tales at wala na siyang pagpipilian at para makamit niya ang kanyang minimithi ay wala na siyang ibang pagpipilian kundi kumapit sa patalim. 7. Bakit sinabi ng mag-aalahas na ang mga hiyas ay sapat nang lumunod sa buong Pilipinas? -Pagkat ang kayamanan na ipinakita ay napakarami at napakalaki ng halaga na maglilikha ng malaking gulo at ganid ng tao.

8. Bigyan ng sariling pagkukuro ang pagkuha ni Telesforo sa baril ni Simoun at pag-anib sa mga tulisan. -Para sa akin ay ako ay nalungkot at nabahala sa kaniyang desisyon ngunit ika nga nila “ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit”. Sa sitwasyong iyon ay wala nang mapagpipilian si Kabesang Tales bukod sa pagsali sa mga tulisan, alam niyang mali ito ngunit iyon na lamang ang tanging paraan na kanyang naiisip. Kabanata 11: Los Baῆos

5. Makatwiran ba ang ginawa ni Tales sa mga pinagbigyan ng lupain at kay Padre Clemente? Panindigan.

Buod:

-Pinatay ni Kabesang Tales yung pinagbigyan ni Padre Clemente ng lupa at mali ang ginawa nya dahil masama ang pumatay kahit gipit na gipit na.

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan.


Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.

Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan. Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako. Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan Mensahe: Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng utos at gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin ang taong iyon. Pagsusuri:

1.Paano mo ilalarawan ang Kapitan-heneral bilang isang pinuno? -Siya ay pabigla-bigla na lamang kung magdesisyon, tila ba hindi pinag-iisipan ang mga desisyon niya at lagi siyang sumasalungat sa Mataas na Kawani.

2. Isa-isahin ang mga paksang pinag-usapan sa Los Baῆos. - Napag-usapan nila ang pagpapatayo umano ng paaralan na nagtuturo ng salitang Kastila at pinag-usapan rin nila ang mga kondisyon nila sa isa’t isa kung matalo o manalo sila.

3. Ipaliwanag ang pagiging marangal ng mga tulisang bundok kaysa sa mga tulisang-bayan. - Ang mga tulisang bundok raw ay mga mararangal na tao na kumikita para sa ikabubuhay nila samantalang ang mga tulisang-bayan raw ay hinalintulad ni Simoun sa kanila na sila raw ay di-hayagang tulisan.

4. Makatotohanan ba sa kasaysayan ang di-pagnanais ng Pamahalaang Kastila na manatiling mangmang ang mga indiyo? Bakit? - Hindi, batay na rin sa kabanata ay hindi rin sang-ayon ang mga opisyal na maging matalino ang mga indiyo sapagkat maaring maging susi ito sa paghihimagsik o pagtutol nila sa pamahalaan. Mas madali rin para sa kanilang pikutin ang mga indiyo dahil nga sila ay walang mga alam at sunod lang ng sunod sa mga opisyal. 5. Ano ang opinyon at reaksiyon ng mga sumusunod hinggil sa hiling ng mga mag-aaral na pagbubukas sa pagtuturo ng wikang Kastila? Padre Sibyla - siya ay pabor sa pagtuturo ng wikang Kastila. Simoun - siya ay hindi pabor sapagkat nagpapakita raw ito ng hindi pagmamahal sa sariling wika. c. Padre Fernandez - siya ay pabor dahil nagpapakita daw ito na ang mga indiyo ay sumusunod sa kanila.

d. Padres Camorra - tulad ni Simoun ay tutol rin si Padre Camorra sa mungkahi ng kabataan. e. Padre Irene - tulad ni Padre Sibyla ay payag rin siya sa pagtuturo ng wikang Kastila. f. Mataas na Kawani - mayroong mabuting kalooban kung kaya’t siya ay pabor sa pagtuturo ni wikang Kastila. IMPLIKASYON: 6. Paano kaya sa iyong palagay maiiwasan ang panunuyo o paninipsip ng mga Pilipino sa mga may katungkulan?


-Dapat ay magkaroon rin tayo ng mga opisyal na hindi bias o walang pinipiling panig. Dapat rin itatak sa isip ng mga Pilipino na ang pagiging sipsip ay hindi magandang katangian na dapat pairalin dahil nagpapakita lamang ito na kung anong klaseng tao ka. 7. Dapat nga kayang magsikap ang mga kabataan para sa kanilang pagkatuto? Bakit? - Nararapat lang na magsikap ang mga kabataan ngunit dapat rin magsikap ang guro o nakakatanda na turuan o gabayan ang mga kabataan. Ika nga ni Gat Jose Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan”, kung kaya’t dapat ay gumabay rin ang mga nakakatanda upang maasahan nila ang mga kabataan.

Kabanata 12: Placido Penitente Buod:

Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral. Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.

Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila. Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.

Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito. Mensahe: Ang mensahe ng kabanatang ito ay hindi lamang sa pag-sasaulo o pagsasagot ng mga tanong ng guro nasusukat ang katalinuhan. May iba’t-ibang klase ng talino: talino sa pagmememorya, talino sa emosyon, o talino sa buhay, Wag natin maliitin ang mga tao dahil may kanya kanya tayong talino ngunit matuto rin tayong pahalagahan ang ating edukasyon. Pagsusuri:

1. Bakit kaya nais ni Placido na tumigil sa kanyang pag-aaral? - Ninais tumigil ni Placido sa pag-aaral dahil tila pumapasok lamang sila upang sumagot sa mga tanong ng guro, magbasa ng libro, at magsaulo ng mga konsepto. Nasa pag-iisip ni Placido na hindi lamang sa paaralan maaring mag-aral o may matututunan.

2. Paghambingin ang mga katangian ng mga mag-aaral sa iba-ibang paaralan. - Mayroong mag-aaral na tulad ni Pelaez na mahilig maglakwatsa o hindi pumapasok na tila ba walang pake sa kanyang pag-aaral, may mag-aaral naman na pinapahalagahan ang kanilang edukasyon tulad ni Basilio, at may mga mag-aaral naman na naniniwala na hindi lamang ang pag-aaral sa paaralan ang sukatan ng talino tulad ni Placido. 3. Makatwiran ba ng paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa guro noon upang makapasa sa pag-aaral? Bakit? - Para sa akin ang kanilang pagtuturo ay hindi sapat dahil parang walang hamon ito. Hindi sapat na magtuturo o magsasalita lang sila sa harapan na parang wala lang dahil hindi basta basta


maiintindihan ng mga estudyante ito. Dapat ay siguraduhin nila na nakakaenganyo ang kanilang pagtuturo upang makinig sa kanila ng mabuti ang mag-aaral.

4. Kung ikaw si Placido, gagawin mo bang kunin ang atensiyon ng iyong guro sa paglikha ng ingay sa klase para mapansin?Katwiranan. - Hindi, sapagkat ayokong mapansin ng mga guro dahil sa pagiging maingay at ayoko rin na maging mainit ang mata sa akin ng aking mga guro.

5. Bigyang-liwanag ang paniniwalang ang guro ay may malaking kinalaman sa paghubog sa kabataan.

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika Buod:

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.

- Sabi nga nila ang mga guro ay nagsisilbing ating pangalawang magulang. Malaki ang kanilang ambag kung paano tayo mag-isip o umakto dahil sila ay nagsisilbing huwarang tao sa atin. Ang kanilang mga sinasabi o itinuturo ay tumatatak sa ating isipan kung kaya’t dapat silang maging maingat sa kanilang mga sasabihin.

Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.

IMPLIKASYON:

Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

6. Bakit kailangang harapin ng isang mag-aaral ang kanyang pagaaral? - Dahil marapat lang na pahalagahan ang ating edukasyon dahil ito ay isa sa susi ng mgandang kinabukasan. Ito ay nagbibigay sa atin ng karunungan at katalinuhan na maari nating magamit sa buhay.

Mensahe: Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang intension, kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.

7. Ipaliwanag ang kahinaan ng pagtuturo noon kaysa sa ngayon? - Dati ay wala pang teknolohiya kung kaya’t lahat ay mano-mano at mas mahirap kaysa ngayon. Ngayon ay may mga teknolohiya na makakatulong sa atin sa pag-aaral.

Pagsusuri: 1. Ilarawan ang silid-aralan sa Pisika. - Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas.


2. Paano mo ilalarawan naman si Padre Millon bilang isang guro? - Si Padre Millon bilang guro ay nagtuturo ng pisika ngunit ang kanyang tinapos ay pilosopiya at teolohiya. Madalas ay sumusulyap lamang siya sa mga aklat ng kemika at pisika at ituturo ang mga asignatura na ito gamit ang taktika ng pilosopiya. Siya man ay hindi sigurado sa kanyang mga itinuturo at kadalasan ang pagtuturo ay nauuwi sa leksyon ukol sa makamandag na kasarian ng isang guro.

3. Matatawag ba siyang mahusay na guro? Ipaliwanag ang iyong sagot. - Para saakin ay hindi siya matatawag ng mahusay na guro dahil hindi naman tinapos ang pisiki kung gayon ay wala siyang sapat na kaalaman sa tungkol sa pisika. 4. Mayroon pa ba ang tulad ni Padre Millon sa panahong ito? Magbahagi ng isang pagkakataong na magpapatunay rito. - Sa aking palagay ay wala ng katulad ni Padre Millon sa panahong ito dahil ay kinuha ng mga paraalan ay mga gurong nakapagtapos sa kurso na kinakailangan ng paraalan na iyon. 5. Anong sistema ng edukasyon noon ang masasabi mong nananatili pa rin hanggag ngayon? -Ang Sistema ng edukasyon na nanatili parin ngayon ay ang hindi pagsasama ng babae at lalaki sa isang paaralan mayroon paring mga paaralan ang nanatiling hindi pumapayag ang pagsasama ng lalaki at babae sa isang paaralan. 6. Makatutulong ba ng sistemang ito sa pagsulong ng kalidad ng edukasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. - Sa aking palagay ay hindi dahil hindi naman importante kung magsama ang babae at lalaki sa isang paaralan dahil ang importante ay natuto ang mga mag-aaral.

7. Kung ikaw si Placido Penitente, gagawin mo rin baa ng kanyang ginawa? Bakit? - Para sa akin ay hindi ko gagawin iyon dahil hindi ko naman tinapos yon at wala akong sapat na kaalaman tungkol sa paksang iyon.

8. Ano ang kinahinatnan ni Placido Penitente? Maghinuha. - Sa tingin ko ay maari siyang mawalan ng trabaho dahil nagtuturo siya ng paksang hindi niya naman nalalaman.

IMPLIKASYON: 9. Bigyan ng reaksiyon ang pagtatalo ni Placido at ng kanyang guro ukol sa pagtatala ng liban sa talaan. Para sa akin hindi maganda ang ginawa ng guro dahil hindi naman bumulong si placido ng sagot dahil hindi niya rin naman alam ang isasagot At dapat ay hindi na niya nilait ang magaaral.

Kabanata 14: Sa Bahay ng Mga Mag-aaral Buod: Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila. Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo. Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na


isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi ang mga ito sa pari. Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle. Mensahe: Ipinapakita dito na mulat ang mga kabataan sa kanilang karapatan, kalayaan at katarungan bunga ng kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika. Ito ay upang itaguyod ang kapakanan ng mga Pilipino. Nagkaroon sila ng lakas ng loob na humingi ng pagbabago sa pamahalaang kastila, sa kabila ng mga kaapihan na dinaranas ng mga Pilipino, may mga tao parin na hindi natatakot na ipakita o iparating ang kanilang mga nais. Sila ay pilit na gumagawa ng paraan kung papaanong maging isang mamamayan na mayroong magagawa sa bayan. Sila ang ating mga kababayan na mayroong mga paninindigan mga taong hindi lang iniisip ang mga pansariling karapatan bagkus ito ay para sa lahat kaya sila ay may ipinaglalaban. Kaya naman dapat silang pasalamatan sapagkat natatamasa natin ngayon ang kalayaan dahil sa kanila. Pagsusuri: 1. Ilarawan ang tahanan ni macaraig - Malaki ang bahay na tinitirhan ni Makaraig na halos mga lalaki ang nakatira sa bahay na iyon. Ipinapakita nito ang karangyaan ng buhay na mayroon siya gayundin ang pagnanais niyang maisulong ang kanilang mithiin. 2. Ano ang pinag uusapan sa bahay ni macaraig? Sino sino ang mga dumalo sa pulong? - napag usapan nila ang pagtatanggol sakanila nina padre sa kanilang plano. Kinakailangan na lamang daw na mapapayag si don custodio na isa sa mga bahagi ng lipon ng paaralan sa pamamagitan nina ginoong pasta na isang manananggol at si pepay na isang tiga aliw. Kasama sa mga dumalo ng pulong sina Sandoval, Pecson, Pelaez at isagani. 3. Ano ang damdamin ng mga estudyanteng sina isagani, sandoval at pecson ukol sa kanilang hiling? - nanalig si isagani at sandoval na pagbibigyan ang hiling nila na maipatayo ang akademya ngunit nagdadalawang isip si pecson na pagbibigyan ng mga nakatataas ang kanilang hinihiling na maipatayo ang akademya na wikang kastila.

4. Sa iyong palagay, totoo kayang maka-Pilipino at pusong Pilipino si Sandoval na isang tunay na Espanyol? Patunayan ang iyong sagot. - Hindi. Si Sandoval ay makabayan sa Espanya, at hindi sa Pilipinas. Paniniwala niya na dahil nasa ilalim ng Pilipinas ang Espanya, lahat ng probolema ng Pilipinas ay problema rin ng Espanya. May mataas siya na tingin sa Espanya, at naniniwala siya na mas mataas pa ito kaysa sa Pransya. Tumutulong lamang siya sa mga Pilipino dahil paniniwala niya na bilang isa sa mga bansa na sakop ng Espanya, ito ay responsibilidad niya. 5. Ano anong paraan ang kanilang nais upang mapagbigyan at makapasa ang kanilang hiling sa kinauukulan? - kay ginoong pasta sila hihingi ng tulong dahil isa syang marangal na tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle. 6. Kung ikaw ay kabilang sa samahan ng makabagong mag-aaral, paano mo haharapin ang isang kahilingang alam mong magdaraan sa butas ng karayom? - ipagpapatuloy kong harapin at pagdaanan ang lahat upang matupad ang aking kahilingan dahil walang pangarap ang madaling matupad kinakailangan munang paghirapan bago makamit. IMPLIKASYON: 7. Makatwiran ba sa mga kabataan na humanap ng paraan upang mapasulong ang kaalaman? Bakit? - oo, sapagkat bilang isang kabataan na gaya ko, marami pa ang mga bagay na dapat kong matutunan at kinakailangan kong ipagyabong at isulong pa ang kaalaman dahil ito ang maghahatid sa akin tungo sa tagumpay at magandang kapalaran na aking inaasam. Kabanata 15: Si Ginoong Pasta Buod: Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.


Mensahe: Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo. Pagsusuri:

1. Sino si Ginoong Pasta? Paano mo siya ilalarawan bilang isanng abogado? siya ang pinakasikat na abogado at tanging may katalinuhan sa Maynila na siyang pinagtatanungan ng mga prayle sa mga araw ng kagipitan.Matalino siya na abogado ngunit Sa makatuwid siya ang uri ng tao na pangsarili lamang ang iniisip, dahil inilalarawan siya bilang isang Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 2. Ano ang hangarin ng mga mag-aaral sa paglapit ni Isagani sa abogado? Upang sabihin ang layunin ng kanilang kilusan at mapakiusapan na siya ang mamagitan sang ayon sakanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. 3. Bakit hindi sang-ayon si Ginoong Pasta sa isinusulong ng mga magaaral? Hindi nais ni Ginoong Pasta na makielam sa plano nila Isagani dahil maselan ang usapan nito at mas maigi na ang pamahalaan na kumilos tungkol dito. 4. Ano ang kanyang ipinasayo kay Isagani sa halip na ipagpatuloy ang kanilang adhikain? Sang-ayon ka ba rito ukol sa pag-aaral panggagamutan at pag-aasawa ? Bakit Wag na ituloy ang kanilang ninanais ng gawin na dapat mapagkatiwalaan ang gobyerno at sumangguni tungkol dito sa kanilang ninanais. Oo,kasi karapatan yun ng mga mamamayan.

5. Sa iyong palagay, nararapat pa bang humingi ang mga mamamayan sa pamahalaan ukol sa kanilang mga pangangilangan? Ipaliwanag. May mga pangangailangan ang mga taong na dapat tinutustusan ng pamahalaan lalo na may nakatalaga na pondo para dito, gaya ng libreng pag-aaral sa walang kakayahan at pabahay sa mga mahihirap. IMPLIKASYON: 6. Totoo kaya ang sinasabi ni Isagani na dapat ikahiya ang putting buhok kung ikaw ay hindi nag-uukol ng sarili sa bayan? Katwiranan.

Oo, dahil nakakahiya ang isang tao na tumanda na wala man lang contribusyon sa ikauunlad sa bayan.

7. Bakit kailangang samantalahin at pagsikapan ng kabataan ang pagtuklas ng katarungan?

Dahil sa ating kabataan doon maraming natututunan at wala pang mabigat na responsibilidad, at kapag nasa edad na kinakailangan ang kaalaman sa katarungan magagamit ito at hindi magmumukang mangmang. Kabanata 16: Ang Kasawian ng Isang Intsik

Buod: Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.

Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa


pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso. Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega. Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.

Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan. Mensahe:

Sa oras ng kagipitan, kahit hindi pabor ay napapasang-ayon ang isang tao. Kahit mayroong pangambang nararamdaman, basta para sa ikaluluwag ng sitwasyon, ay aayon ito. Pagsusuri:

1. Sino si Quiroga? Ano ang kanyang hangad sa Pilipinas? -Isang negosyanteng Intsik na naghahangad ng konsulado ang kanyang bansa, ay naghandog ng isang hapunan. 2. Bakit dumaraing ang mga mangangalakal kay Simoun? -Pagkat sila’y gipit at namomoblema at wala ng malalapitan.

3. Paano nagkaroon ng malaking utang si Quiroga kay Simoun? -Sapagkat, kumuha si Quiroga ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa kaibigang babae ng isang makapangyarihang lalaki.

4. Anu-ano ang kapighatian ng isang Intsik?Bakit kaya nangyari ang mga ganitong kalungkutan sa kanyang buhay? Makatotohana nga ba ito? Maghinuha. -Siya ay nalugi at bumagsak pagkat ibinigay niya ang pulseros sa isang magandang dilag at bukod pa rito inilahad niya rin ang mga pautang nito na hindi pa nababayaran. 5. Ano ang pagkakaiba ng pangangalakal ng mga Pilipino sa mga Intsik? Alin ang mas Mabuti? Bakit?

-Para sa akin ay mas magaling ang mga Intsik pagdating sa pangangalakal kesa sa mga Pilipino, at mas mabuti pagkat magaling sila sa pagsasalita sa kanilang ka-negosyo at mas magaling humawak at mas matagal ang eksperto sa propesyon na ito. 6. Ano ang tunay na layunin ni Simoun sa paglalagay ng mga armas sa bahay-bahay? Ibig nga lang ba niyang pagkakitaan ito? Ipaliwanag. -Sa tingin ko, pinaghahandaan ni Simoun ang kanilang pagrerebelde laban sa mga kastilla, at ayaw niyang mabunyag ito hanggat hindi pa handa ang kanyang plano at hindi pa sigurado. IMPLIKASYON 7. Paano maaaring ibagsak ng panunuhol ang ekonomiya ng isang bansa? -Maari itong mangyari, hindi kailanman magiging maganda ang panunuhol, dapat mag desisyon tayo ng kalmado at naayon kung ano nga ba ang tama at makakatulong satin, ang panunuhol maaring magsanhi ng hindi ka naisnais na resulta lalo na kung ikaw ay may


position sa bansa, ano mang desisyon natin ay makakaapekto sa nasasakupan natin. 8. Kailan nga kayang panuyuan ng mga mamamayan ang mga tao sa pamahalaan? Katwiranan. -sa mga oras o panahon na bagsak ang ekonomiya, mahalaga ang boses ng sambayanan opinyon natin ay importante para malaman nila ang ating kailangan at masolusyunan, at maganda rin ito upang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat isa at buong bansa. Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo

Buod: Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita. Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari. Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds. Mensahe: Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang

Pagsusuri:

1. Paano mo ilalarawan ang perya sa Quiapo? -Punong puno ito ng mga tao na naus maglibang, mga musika at ilaw ng parol ay nagpapasigla sa bawat isa. May mahahabang hanay ng mga tindihan. Makikira rito ang mga kawani, kawal, prayle, at mga estudaynte. 2. Bakit galak na galak si Padre Camorra nanng gabing iyon? Marami pa bang katulad si Padre Camorra sa ngayon? -Sapagkat, marami siyang nakikitang magaganda at dalagang dilag, at sa panahon ngayon marami pa ring ganyan, mga mapagkunwari ngunit aabusihin ka at kung minsay ay harap-harapan ka pang babastusin. 3. Ano ang dahilan ng pagkayamot ni Isagani? Ano ang iyong masasabi ukol rito? -Nayayamot si Isagani sa tuwing may titingin at ngumingiti kay Paulita, marahil masyado na siyang nahuhumaling kung kaya’t ganoon ang kanyang reaksyon.

4. Ano ang nais isagawa o patunayan ni Ben Zayb at ng iba pang prayle kaya gusting makipagkita kay Mr. Leeds bago ang palabas? -gusto niya patunayan na gawa-gawa lamang at hindi totoo ang maipapakita ng Amerikanong si Mr. Leeds at pawang kadayaan lamang ito 5. Ano ang iyong masasabi ukol kay Ben Zayb bilang mamamahayag? -Si Ben Zayb ay isang sipsip na indibidwal at kumakapit sa mayroong kapangyarihan tulad nalang sa mga Prayle para lamang umangat at inggit sa iba.

6. Bakit biglang Nawala si Simoun? Ano ang sinbi ni Don Custodio ukol dito?


-Nawala si Simoun sa kadahlihanang hindi siya naniniwala sa mga palabas roon at para sa kanya ang kanyang nakikita ay hindi makatotohanan. IMPLIKASYON: 7. Anu-anong mga kaugalliang Pilipino ang makikita sa pagdaraos ng Pista?Ilahad. -Mahilig ang Pilipino dumalo sa mga kasiyahan at makihalubilo sa iba at iba naman ay gusto lamang manood. 8. Anu-anong pag-uugali ng alagad ng Diyos ang tinutuligsa sa kabanatang ito? Ipaliwanag. -Ang pagiging bastos at walang respeto sa kapwa tulad nalang ng panghihipo at mapamantala at higit pa roon ay mapanghusga.

Mensahe:

Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at pangunawa ang siyang kadalasang nagiging biktima ng mga mapaglinlang. Maging mapagmatiyag at mapanuri sa lahat ng oras. Pagsusuri: 1. Paano mo ilalarawan si Mr. Leeds Bakit nais ipakita o ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto sa likod ng kanyang palabas? -Si Mr. Leeds ay isang Amerikanong magaling mag salita ng Kastilla. Nais ipakita o ibunyag ni Ben Zayb ang sikreto ni Mr. Leeds upang mapatunayan sa mga prayle na lahat ay gawa-gawa lamang at illusion ng salamin.

Kabanata 18: Ang Mga Kadayaan

Buod: Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds. Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas. Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas. Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha. Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong. Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.

2. Ano ang kakaiba sa kanyang palabas at nais itong panoorin ng pangkat nina Ben Zayb? -Ang kakaiba sa kanyang palabas ay ang paglabas ng kakaibang ulo mula sa isang kabao, nakuha neto ang atensyon ng pangkat nina Ben Zayb kaya’t mas lalo pa nilang gustong panoorin ito. 3. Anong kadayaan ang makikita sa palabas? Natuklasan bai to ni Ben Zayb? -Wala, hindi natuklasan ni Ben Zayb ang ginawa ni Mr. Leeds sa kanyang palabas at hindi niya rin napatunayan na may pandadaya ito. 4. Ano ang isinalaysay ni Imuthis kaugnay sa kanyang buhay? -Isinasalaysay ni Imuthis ang nangyari sa kanya bago siya mamatay, tungkol sa namamahala sa kanila ngunit gumagamit ng kadayaan, at ang kanyang pag-ibig sa isang anak ng pari at ang kaagaw niya rito at dahilan ng kanyang kasawian.

5. Kaninong buhay mo kaya maaaring maihambing ang buhay ni Imuthis Ipaliwanag ang iyong sagot.


-Maikukumpara ito sa buhay ni Crisostomo Ibarra o Simoun, halos ang kanilang istorya ay magkaparehas, walang katarungan na pamahalaan at purong pandaraya at lihim lamang, at ang kanyang pag-ibig kay maria clara at kaagaw na si linares at kanyang kasawian sa ilog pasig. 6. Balit labis na naapektuhan si Padre Salvi sa sa isinalaysay ni Imuthis? Kung ikaw si Padre Salvi, ano ang mararamdaman mo pagkatapos ng paglalahad ni Imuthis? -Pagkat, ang istorya ni Imuthis ay halos magkapareho ng kay Crisostomo Ibarra at kung ako si Padre Salvi marahil ay matatakot ako, matatakot para sa aking buhay pagkat ako ay maaring balikan at maghiganti.

IMPLIKASYON: 7. Naniniwala ka bang, walang lihim anng hindi nabubunyag? Patunayan ang iyong sagot. -Para sa akin hindi at oo, naniniwala ako na naka depende sa tao o sa atin kung paano natin ito ililihim at kung sasarilinin lang natin ito walang sino man ang makakaalam nito. May mga tao rin na mapagmatyag o maaring pwersahin ka na sabihin ang totoo o maari rin na may ibang magsabi ng lihim na ito. Kabanata 19: Ang Mitsa

Buod: Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pagaaral hanggang sa makatapos ng abogasya.

Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang isip at kalooban ni Placido.

Mensahe: : Hanggang mayroong pagkakataon samantalahin ito upang makapagtapos sa pag-aaral. Ang oras kapag lumipas ay hindi na maibabalik pa. Pagsusuri: 1. Bakit nagngingitngit ang kalooban ni Placido?

Siya ay nagngingitngit sa galit sa kadahilanang nilait siya ng Prayleng tagapagturo sa kanilang eskwelahan. Ang prayle na iyon ay nagngangalan bilang Padre Millon na nagsasamantala sa kahinaan ng loob ng kanyang mga estudyante. 2. Paano isasagaw ni Placido ang kanyang mga balak laban sa mga prayle? Pagkakita niya sa isang bapor na aalis papuntang Hong Kong, naisip niyang magtungo roon upang magpayaman at kalabanin ang mga prayle. 3. Isalaysay ang mga natuklasan ni Placido sa Kalye Iris?

Doon niya natuklasan ang lihim na paghahanda ni Simoun para sa isang magaganap na paghihimagsik. Nakilala niya rito si Maestro ng San Diego na kakilala ni Simoun bilang manggagawa ng paputok.


4. May katwiran kaya si Simoun na maghimagsik sa paggamit ng mga kanyon at paputok? Bakit?

8. Ano-ano ang tinalakay sa kabanata na nagpapakilala ng kamangmangan ng mga Pilipino?

- Ang kanyang iniisip ay kung gagawin niya ang paghihimagsik gagawin niya ito sa masamang paraan upang magbigay daan sa kabutihan.

si Kabesang Andang kaya lang nagpaaral ng anak para mapagmalaki niya siya bilang ina ng nakapag aral na anak,kumbaga ginaya niya lang ang mga kaibigan niya. Si Placido napaghinto niya ang pagaaral niya.

5. Kung ikaw si Placido, aanib ka bas a balak ni Simoun? Katwiranan.

9. Sa paanong paraan hinimok ni Simoun sa kabanatang ito na maghimagsik ang mga kabataan?

- Hindi, dahil kung magnanais man ako na kalabanin ang pamahalaan dahil sa kanilang maling pamamalakad hindi ako lalaban sa paraan ng pagkakaroon ng paghihimagsik. Hindi ko gugustuhin na lumaban sa pisikal na karahasan bagkus gagamitin ko ang aking kaalaman at boses upang ipaglaban ang tingin kong tama.

IMPLIKASYON: 6. Paano mo maiuugnay ang pamagat ng kabanata sa mga pangyayari? Ang kabanata na ito ay pinamagatang "Ang Mitsa," ano nga ba ang kahulugan ng Mitsa? Ito ay ang dahilan kung bakit nagsimula o nangyari ang isang bagay. Ang kaugnayan ng mitsa sa kabanata na ito ay ang pinagmulan o ang dahilan ni Simoun sa kanyang planong himagsikan. Sa kabanata na ito nalaman ni Placido na mayroong himagsikan na magaganap at nalaman din natin ang katwiran ni Simoun sa pagpapatuloy ng himagsikan na iyon.

7. Anu-anong kauglian ni Placido ang maiuugnay ninyo sa mga kabataan ngayon? Ang ilan sa mga kabataan ngayon ay hindi marunong makinig sa kanilang magulang sapagkat nais nilang magkaroon ng sariling desisyon sa buhay at tingin nila ay kaya na nila ang kanilang sarili.

Naipakita dito ang niyang gawin upang maghimagsk, Nakausap niya isang maestro, kung saan pinaguusapan nila na kumpleto at handa na ang lahat at kasama na doon ang bomba at pulbura. Kabanata 20: Si Don Custodio Buod: Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang pagiging banal ng papa. Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang asawa sa pangangalakal. Siya ay naging tanyag at napabilang sa mga kinikilalang tao sa lipunanan.

Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang usapin tungkol sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay naayon o hindi. Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay kakampi at pinagtatanggol niya ang mga Indiyo. Samantalang kung minsan ay hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito.


Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si Padre Irene. Mensahe: Inyong pakatatandaan na walang saysay ang mataas na katungkulan kung hindi ito nagagamit sa isang magandang layunin. Gamitin niyo ang inyong kapangyarihan upang makatulong sa kapwa.

Pagsusuri: 1. Sino si Don Custodio de Salazar Y Sanchez de Monteredondo? Paghambingin ang ang kanyang buhay sa Pilipinas at kanyang mga karanasan sa Espanya.Paano niya nagamit ang mga karanasang iyon sa pagbabalik bansa? - Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walang habas na pakikipagtalo kung kani-kanino. Ang buhay niya dito sa Pilipinas ay tulad ng isang tipikal na lalaki na nakapag asawa ng isang mayaman.Samantala, ang karanasan niya sa Espanya ay lubhang hindi naging maganda. Sapagkat salat sa edukasyon, hindi siya pansin ng mga kastila. Kaya naman wala pang isang taon ay nagpasya na siyang bumalik ng Pilipinas. 2. Sinu-sino ang nais bigyan ng kasiyahan ni Don Custodio sa kanyang pagpapasiya? Sa mga unang buwan niya ng kanyang pagdatig ay wala siyang nababanggit kundi and madrid, Ang mabubuti niyang kaibigan mga ministro kinatawan at manunulat.

3. Bakit hindi nasiyahan si Don Custodio sa kanyang pag-uwi sa Espanya nang magpagaling ng sakit sa atay? - Dahil nung siya ay pumunta sa Madrid upang ipagamot ang kanyang atay, ay tila walang pumapansin sa kanya, at nakita niya ang sarilin niya na parang walang kabuhulan o wala pake ang mga tao sa kanya. Hindi niya nakakahalubilo ang mga mayayaman tulad ng nagagawa niya sa Pilipinas

4. Sa iyong palagay, nararapat bang tuluran si Don Custodio sa pagasenso niya sa buhay?Bakit? - Para sa akin ay hindi, Dahil na sabi niya sa kabanata na Para mapaamo ang mga pilipino ay dapat ipaalala sa kanila na sila’y walang kakayahan. Sinasabi niya ito sa kanyang kapwa pilipinona ginagamit niya ito para siya lang ang umasenso 5. May kakilala ka ba o masasabing katulad ni Don Custodio ang nabubuhay sa kasalukuyang panahon? Patunayan ang iyong sagot. - Sa ngayon ay wala pa, ngunit may mga kapwa pilipino tayo na hinihila pababa ang kanilang kapwa pilipino para lamang sila ay umangat. IMPLIKASYON 6. Ano ang ibig ipakita sa mambabasa ni Rizal ukol sa kabanatang ito? Huwag abusuhin ang pagiging paniwalain ng mga pilipino tulad ng ginawa ni Don Custodio. 7. Anu-ano ang nais palitawin ni Don Custodio sa kanyang panunuligsa sa rellihiyon? Bakit Siya ay mapagmataas, hindi rehiliyoso at mababa ang tingin sa mga indio 8. Ipaliwanag ang iyong pananaw:

“ang iba’y ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang maglingkod”. - Ang iba ay pinanganak na mayabang o mapagmataas at ang iba naman ay para sa mag lingkod sa diyos at maging mabuti sa kapwa nila tao. 9. Sa iyong palagay, may mga tao ba na nasa tungkulin na hindi naman karapat-dapat? Patunayan. - Meron lalo na ang mga taong gusto lang o ang sarili lang ang kanilang iniisip at pinapabayaan na ang taong bayan para lamang sa gusto nila


10. Madali bang makilala o kilalanin kung sino ang taong marunong sa/o hindi.Ipaliwanag. -Oo dahil makikita naman natin kung base sa kanilang mga adhikain at mga gagawin sa darating na panahon sa kanilang pa ninilbihan. Kabanata 21: Mga Anyo ng Taga-Manila Buod:

Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.

Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan. Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete. Mensahe: Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang maging maayos, malinis at katangi-tangi ang kaanyuan. Hindi masama ang magbihis at gumalaw na mistulang mayaman basta kaya itong dalhin at panindigan.

Pagsusuri:

1. Anong malaking palabas sa Teatro de Variedades ang hinihintay ng mga manonood? Ano ang pananaw ng mga tao sa palabas na ito? - Ang samahan ni Mr. Jouy ay magdaraos ng isang palabas sa Teatro de Variadades ang Les Cloches de Corneville na mga Pranses. Ang palabas na dinaos ng mga Pranses sa Teatro de Variadades ay isang opera na kung saan hinati sa dalawa- sa mga sang-ayon at hindi sang -ayon ang palabas na ito ay malaswa. 2. Sino-sino ang mga pabor at salungat sa pagpapalabas nito? Bakit sila pabor o bakit sila Salungat? Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas. Ang iba ay nasasabik sa palabas habang ang iba naman ay nakikitang ito ay malaswa. 3. Bakit marami pa ring taong ang nanood nito gayong ipinagbabawal nina Camaroncocido at Tiyo Kiko? Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? -Dahil maraming taga maynila ang nasasabik panoorin ang palabas.Ngunit hindi nagustuhan nina Comaroncocido at Tiyo Kiyo ang kaguluhan nangyayare dahil ang akala nila ay ito ay gagagawan ng mg aprayle 4. Paano mo ilalarawan ang pisikal at panloob na katangian nina Camaroncocido a Tiyo Kiko?Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba? - Si Tiyo Kiyo ang matalik na kaibigan ni Comaroncido at Si Comaroncido ay ikinahihiya ang kapwa espanyol dahil sa panlabas na anyo.


5. Sino naman kina Tadeo at anong ugali mayroon siya? Batay sa iyong obeserbasyon, mayroon bang Camaroncocido, Tiyo Kiko at Tadeo na nabubuhay sa kasalukuyan? Patunayan ang iyong Sagot.

- siya ay may katangian na pagiging bulakbol,may katamarang pumasok,lagi na lamang tanong niya ay mayroon bang klase.Taglay din niya ang katangian ng pagiging hambog at bolero. Meron pa dahil may mga taong may pake sa mga nangyayare sa paligid tulad ng sa kanila ay ayaw nila na may nagyayaring kaguluhan sa isang palabas na madaming tao ang dadagsa IMPLIKASYON: 6. Anu-ano ang napuna ninyo sa lipunang tinalakay ni Rizal dito? Katulad pa rin bai to ng lipunan sa ating ngayon? -Para sakin ayhindi naman masama na manood ng isang pagtatangahal na kinabibilangan na daw ng pagtatanghal na di pwede sa mga konserbatibong manonood, basta alam mo lamang ang iyong mga limitasyon ang panonood 7. Ugali nga kaya ng mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga panooring dayuhan kaysa sa lokal? Patunayan. -Puwedeng minsan lang nila makita ang kanilang mga idolo o kaya mas nahuhumaling ang mga pilipino sa mga palabas ng dayuhan dahil mas nag eenjoy sa tuwing nanonood nito. Pero dapat ay mas tangkilikin natin ang sariling atin kaysa sa mga dayuhan nag tatanghal dito . Kabanata 22: Ang Palabas Buod:

Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing ispiya. Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses.

Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga tagasalin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses. Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa kalagitnaan ng dula. Mensahe: Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng pangunawa at kaisipan. Pagsusuri:

1. Ilarawan:Alin sa mga ito ang iyong nagustuhan at hindi nagustuhan at bakit? a. dulaan b.manonood

k. eksena sa teatro Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses. Matagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun.

-Dulaan dahil may mga taong hindi kayang umintindi ng ating wika at kinakailangan itong isalin sa wikan kastila tulad ng ginawa ni juanito para maintindihan nina Donya Victorina at Paulita.


2. Bakit nagkaloob ng palko si Makaraig para kay Don Custodio? - Si Tadeo ay lumapit kay Don Custodio upang ito'y libangin habang makikipagkita si macaraig kay pepay sa gabing iyon

3. Ipaliwanag ang mga damdamih nina Isagani at Paulita habang nasa dulaan? - Masaya ang mga estudyante pero malungkot si Isagani dahil nakita niya sa dulaan si Paulita kasama ni Pelaez na kanyang karibal. 4. Makatwiran ba para sa mga mag-aaral ang pasiya tungkol sa akademya? BAkit? -Ang akademiya ng wikang kastila ay ang paaralan na magtuturo sa mga mag–aaral ng wikang kastila at sa pag unawa, pagsasalita, at paggamit ng wikang kastila.Sa kabilang banda, ang paniniwalang ito ay sinalungat ni Simoun. Naniniwala siya na kapag natuloy ang pagtatayo ng akademiya ay magiging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas ngunit hindi kailanman magkakaroon ng pantay na karapatan ang mga kastila at Pilipino. IMPLIKASYON: 5. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa kabanatang ito? Ipaliwanag. - Ang pagkakaroon ng sariling wika ng isang bansa ay hindi lamang karapatan ng mga mamamayan nito ngunit ito rin ay paghahayag ng kalayaan ng pang-unawa at kaisipan. Sa kabanatang ito ipinakita ang kahalagahan ng wika. 6. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan ang mga kaugaliang ito?Ilahad ang iyong sagot. - Ang buhay ng tao ay umiikot sa ekonomiya.Pagbili at pagbenta ng mga produkto at pagkakalakalan. Kapag ka ang isang bansa ay lugmok sa utang maaaring danasin ng mga taong naninirahan dito ang epekto nito.

7. Ano ang ipig palitawin ng may-akda sa pagkakalapit ni Makaraig kay Pepay? -Si Makaraig ay makahulugan tumitingin kay Pepay na para bang may nais itong ipahiwatig o may gusto ito kay pepay. 8. Sino sa mga mag-aaral ang iyong naibigan? Bakit? - Para saakin ay si Juanito dahil siya ang naging tulay at dahilan kaya naunawaan nina Donya Vitorina at Paulita ang dulaang nangyayare sa palabas. Kabanata 23: Isang Bangkay Buod: Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago. Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila. Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na labis na tinangisan ng amang si Tiyago.

Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlumumo na si Simoun.


Mensahe: Ang pagiging masikap at masigasig ay hindi sapat upang magtagumpay. Pagsusuri: 1. Anong uri ng tagapag-alaga si Basilio? Ilarawan ang kanyang kalagayan sa pag-aalaga kay Kapitan Tiago?

- Isang mapagmahal, matiisin, at higit sa lahat maintindihin sa kaniyang ama amahan na si kapitan tiyago. Mapagmahal siya sa kaniyang

ama amahan sapagkat malaki ang utang na loob niya dahil pinag aral siya ng medisina. Maintindihin dahil hindi niya na gawang iwan ang kaniyang ama amahan kahit na malapit na itong pumanaw mas nanaig pa din yung pagmamahal niya.

2. Bakit patuloy na lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni Kapitan Tiago? Saan kaya ito nakakakuha ng apyan gayong mahigpit sa pag-aalaga si Basiliio? Maghinuha. - Dahil patuloy parin siya sa paggamit ng apyan. Maaring may nagbibigay dito ng apyan upang siya ay may magamit. 3. Anu-anong bagay sa pamahalaan ang inihambing ni Simoun kay Kapitan Tiago? - itinulad ni Simoun si kapitan tiago sa Pilipinas dahil sa isang bugso ng kalooban ay maari na itong mamatay. 4. Bakit hindi binasa ni Basilio ang maliit na aklat ni ipinadala ni Simoun? Anu-ano ang kanyang malalaman sa aklat na iyon? - Dahil siya ay natatakot sa matutuklasan niya. Ang mga malalaman niya sa aklat na iyon ay ang lihim ni simoun.

5. Anong uri ng himagsikan ang inihanda ni Simoun? Sang-ayunan kaya ni Elias ang himagsikang ito? Bakit. - Ang himagsikan na hinanda ni Simoun ay himagsikan upang iligtas si maria clara. Hindi sasang-ayunan ito ni elias dahil pangsariling himagsikan ito ni Simoun para sa kanyang minamahal.

6. Ano ang sadya ni Simoun kay Basiliio?Anong tungkulin ang ibinigay sa kanya? Bakit. - Ang sadya ni Simoun kay Basilio ay upang yayain sumapi si Basilio para sa himagsikan naggagawin nila. Ang tungkulin na ibinigay sakanya ay ang pamumunuan ang isang pangkat upang gibain ang pintuan ng sta.clara. 7. Ano ang naging damdamin ni Simoun ukol sa balita kay Maria Clara? - Siya ay nalungkot na parang hindi makapaniwala sa nangyari kay maria clara. Siya ay naging sawi sa pag-ibig dahil nawala na ang kanyang minamahal. IMPLIKASYON: 8. Ipaliwanag, ang tapat bang pag-ibig ay dapat na hanggang kamatayan? Bakit oo? Bakit hindi? Pangatwiran ang iyong sagot. -Para sa akin ay hindi, dahil ang tapat na pag-ibig ay hindi nasusukat sa tagal kung hindi ay nasusukat ito sa pagbibigay halaga mo sa taong iyong iniibig. 9. Sa inyong palagay, may mga bhinata pa bas a kasalikuyan na gagawin ang lahat dahil sa isang pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran? Patunayan. -Sa tingin ko ay meron paring mga binata na gagawin ang lahat para sa pag-ibig na naharang ng masamang kapalaran dahil sa tingin nila ang taong iyon ay hanggang wakas na nilang iibigin.


Kabanata 24: Mga Pangarap

Buod: Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani. Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi halos tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang tahanan. Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani ang kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap niya para Inang Bayan.

Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang biglang dumating ang isang karwahe lulan sina Juanito, Paulita at si Donya Victorina. Magiliw siyang tinanong ng matanda kung mayroon na ba siyang balita kay Don Tiburcio. Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam. Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay ang kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan ni Don Tiburcio.

-Ipinahiwatig niya na nais niyang makapag-asawa muli at yun ay si Juanito. 3. Ilarawan ang bayang pinapangarap ni Isagani. - ang bayang ninanais ni Isagani ay bayang mayroong buhay at sigla. Bayang may daang bakal. 4. Masasabi nga kayang higit ang pag-ibig ni Isagani kaysakay Paulita sa pagiging magkasintahan nila? Ipaliwanag. -Masasabing higit ang pag-ibig ni Isagani kay Paulita dahil ayaw niyang makitang nahihirapan si Paulita kaya’t ninanais niyang magkaroon ng daang bakal upang hindi ito mapagod. IMPLIKASYON: 5. Ano-anong pangunahing kaisipan o aral ang iyong nakuha sa kabanatang ito particular sa pag-ibig? Paano mo magagamit ang mga ito sa iyong buhay? -Mahalaga ang pagpapahalaga sa kahalagahan ng sariling bagay na pinagmulan. Sa kabantang ito ay makikita ang pag-ibig sa sariling bayan. Magagamit ko ito sa aking buhay sap ag suporta sa mga local na produkto. Kabanata 25: Tawanan at Iyakan

Mensahe: Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya, huwag magpapadala sa emosyon upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.

Buod:

Pagsusuri:

Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan nito.

1. Bakit magkikita sina Isagani at Paulita? - Sila ay magkikita dahil nakapagkasunduan nila na magtagpo at paguusapan ang mga nangyari nung nakaraang gabi at nais rin ng binata na magpaliwanag kay Paulita. 2. Paano ipinahiwatig ni Donya Victorina kay Isagani na may damdamin siya kay Juanito?

Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan.

Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga kinauukulan.


Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon. Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili. Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun. Mensahe: Walang kagandahang maidudulot ang pagiging mapusok lalo na sa mga kabataan. Laging tatandaan ang pagsisisi ay laging nasa huli.

Pagsusuri: 1. Anu-ano ang mga bagong karanasan ni Placido nang lumisan sa klase ni Padre Millon? - Siya ay nagkaranas ng pagkagalit kay Padre Millon dahil sa ginawa nito sakanya. 2. Anong pasiya kaya ang nabuo sa isip ni Placido pagkatapos niyang makadaupang-palad ang mag-aalahas? -Ang naging pasya ni Placido pagkatapos niyang makadaupang palad ang mag aalahas ay nagpagpasiyahan niyang bumalik sa eskuwelahan at mag-aral. 3. May mga opisyal ba tayo sa nagyon ang katulad ni Don Custodio pagdating sa laranagan ng pagpapasiya? Patotohanan o pasinungalingan ang iyong sagot. - Sa palagay ko ay mayroon tayong mga opisyal na katulad ni Don Custodio marami tayong opisyal ang hindi pumapayag upang ang mga kabataan ay gumawa ng bagay ng na kaiuunlad ng sarili at bayan.

4. May mga dayuhang palabas o panoorin na dumarating sa bansa.Ihambing ang suporta ng mga Pilipino sa mga dayuahan at local na palabas. Ano ang iyong konklusyon ukol rito? -Mas sinusuportahan ng mga Pilipino ang mga dayuhang palabas kaysa sa ating local na palabas. Para sakanila ay mas maganda ang palabas ng mga dayuhan kaysa sa ating sariling palabas. IMPLIKASYON: 5. Bakit kaya binigo ni Rizal si Simoun na mailigtas si Maria Clara? Ano ang ipinahihiwatig niya sa mga mambabasa? - Sa aking palagay kaya’t binigo ni Rizal na mailigtas ni Simoun si Maria Clara dahil sa kanyang palagay ay maaring mabigo siya sa pagpapalaya sa pilipinas laban sa mga espanyol. 6. Ano o sino kaya ang sinisimbolo ni Paulita na kaakit-akit subalit taliwas ang pangarap sa kapwa Pilipino? - Isang babaeng sunod sunuran sa magulang dahil ito ay sunod ng sunod sa lahat ng kagustuhan ng kanyang ina. At dahil ito ay laki sa layaw kaya’t taliwas ang kanyang pangarap sa buhay. 7. Nakita ng mga mag-aaral na may isang binatang nagmamadaling sumakay sa karwahe ni Simoun. Sino kaya ito at bakit hindi lantarang inihayag ng mayakda ang katauhan nito? Maghinuha. -siya ay ang biserektor ng unibersidad at isang utusan ni padre sibya. Hindi ito lantanrang inihayag dahil maari ito ay isang espiya. 8. Anu-anong mga aral at mahalagang kaisipan ang iyong natutuhan sa kabuoan sa kabanatang ito? -Huwag kang humadlang sa mga pangarap ng isang tao,bagkos ay maging gabay ka nila sa pag abot ng kanilang mga pangarap ng dahil sa ginawa ni Don Custodio ay hinadlangan niya ang kabanataan upang matupad ang kanilang pangarap.


Kabanata 26: Mga Paskin Buod: Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio.

2. Isalaysay ang natuklasan ni Basilio sa ospital at Pamantasan.

- napansin niya namay mga grupo ng mag aaral na pinalabas sa loob ng paaralan .

Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado.

3. Ano kaya ang nilalaman ng poster at sino-sino kaya ang nagpaskil ng mga ito? May kinalaman kaya si Simoun dito? Maghinuha

Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.

-Ang mga poster ay may nakalagay na mga mag aaral na maghihimagsik ,Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.

4. Bakit at paanong naubusan ng pera si Basilio? Bakit kay Makaraig pa siya nanghiram at hindi kaya Kapitan Tiago?

Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan. Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan. Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil. Mensahe: Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.

- Dahil sa pinagawan niya ng bahay si juli kaya wala nasya pera, Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi nang. 5. Ano ang sinisimbolismo ng mga mag-aaral na sina Sandoval, Tadeo, at Juanito? Ano ang Nakita mo sa kanilang pagkatao nang sila’y pare-parehong maharap sa isang suliranin? Paghambingin. Si Sandoval, Tadeo at Juanito ay pareparehong takot na takot at iniiwasan ang mga tanod. IMPLIKASYON: 6. Anong uri ng pagkatao ang ibig buhayin ni Rizal sa pagkatao ni Basilio?Bakit? -Na maging kalma sa bawat sitwasyon at wag matakot.

Pagsusuri: 1. Bakit maagang lumabas ng tahanan si Basilio?

- Para tignan ang kaniyang mga pasyente at para rin na puntahan ang kaniyang kaibigan na si makaraig upang kunin ang hiniram na pera nito para makuha na niya ang kaniyang grado.

7. Maituturing bang duwag si Basilio nang talikuran niya ang kaibigang si Isagani na noo’y hindi alintana kung maririnig man siya ng mga prayle sa pagsanib sa may kagagwan ng paskin? Ano ang masasabi sa katangiang ito ni Isagani? -Hindi natin maituturing na duwag si basilio sa kabanta na ito sapagkat maaring may rason siya kung bakit siya di sumangayon kay


isagani, at si isagani naman ay naging matapang dito ngunit hindi inisip ang maaring mangyari. 8.Tama ba ang pagkakahuli kay Basilio sa kabanatang ito? Ano ang ibig palitawin ng may-akda ukol rito? -Para sa akin masasabi ko na hindi tama ang pag kakahuli kay basilio sapagkat biglaan nalang siya hinuli ng walang dalawang pag iisip kahit na sinabi niya ang rason kung bakit siya naroon. Kabanata 27: Ang Prayle at ang Estudyante Buod: Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa harap ng mga magaaral at kung kasama ba ito sa hapunan.

Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga magaaral ay dahil iyon sa mga pari. Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.

Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa lamang. Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino. Mensahe: Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan ang siyang ugat ng pagiging matuwid.

Pagsusuri: 1. Anu-ano ang mga hangarin ng mga mag-aaral na Pilipino sa mga paring nagtuturo sa kanila? -Ang hangarin ng mga estudyanteng Pilipino sa mga paring guroay maayos na pag-tuturo ngunit batid ng mga mag-aaral na hinahayaan sila malugmok sa kadilimansa halip na akayin sila tungo sa tagumpay.

2. Bakit naglakas loob si Isagani na makipagtalo kay Padre Fernandez? -Hindi natuwa si Isagani sa sinabi ng pari kaya nakipagtalo siya rito. 3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa tinuran niyang; “ kayo rin ay walanng awang lumalait sa mangmang na Indio.Ipinagkakait ninyo sa kanya ang mga Karapatan sa dahilang siya ay mangmang. Hinuhubaran ninyo siya. Pagkatapos, kinukutya at ito’y kanyang ikinakahiya.”-Dahil nga isang itong mang-mang alam ng pari na walang kakayahan ito na makipagtalo sakaniya kaya pinapahiya niya ito at mas lalong hinihila pababa at ikinahihiya

4.Ano naman ang kahulugan ng sinabi ni Padre Fernandez na “ ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapatdapat pagkalooba” Masasabi bang hindi dapat pagkalooban nito ang mga mag-aaral na Pilipino o sa mga tamad na lamang na mag -aaral? -Ang ibig sabihin ni Padre Fernandez dito ay dapat hindi binibigyan ng karunungan ang mga taong tamad at mang mang 5. Paano nagtapos ang tunggalian ng kaisipan ng prayle at ng mag-aaral na Pilipino? Bakit sa ganitong paraan nagwakas ang kanilang usapan?-Ang pari ay napahiya at walang maibigay na salita laban sa batang Pilipino dahil ang sinabi ng pilipinong ito ay totoo. IMPLIKASYON: 6. Ipaliwanag ang malaking panangutan ng mga guro sa mga kabataang nag-aaral .-Malaki ang pananagutan ng mga guro sa mga nag aaral na kabataan dahil sila ang nagtuturo sa mga ito ng magandang asal


at tumatayong pangalawang magulang sa mga kabataan lalo na at ang mga bata ay kadalasan lagging nasa eskwelahan kaysa sa bahay. 7. Wala nga ba/kayang pagsulong ang edukasyon sa isang bansa kung hindi ito pagsisikapan ng pamahalaan? Katwiranan. -Kung ang isang Pamahalaan ay totoong may paki sa mga nasasakupan neto at totoong naniniwala na ang edukasyon ay imporante dapat nila itong bigyan pansin dahil ang isang bansang walang edukasyon ay walang kwenta magiging mang mang lahat ng taong naririto.

Kabanata 28: Pagkatakot Buod: Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.

Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari. Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe si Simoun na wag galawin ang mga ito. Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad. Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari.

May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa noon. Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano naman ang napatay.

Mensahe: Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapuwa ay mayroon ding kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may hangganan, at lahat ng matatapang ay may katapat. Pagsusuri: 1. Bakit tumindi ang pagkabahala ni Quiroga sa pagkatuklas sa mga Paskin? -Dahil maaring dito magumpisa ang isang malaking gulo na pwede nila ikamatay lahat 2. Paano lumaki ang paniniwala ni Ben Zayb sa kanyang katalinuhan? -Dahil sa kaniyang katalinuhan siya ay naging ligtas katulad ng may nakita siyang bangkay ng isang babae hindi niya ito binalita dahil maaring siya ay pagkamalan na pumaslang dito. 3. Ilahad ang mga kumakalat na balita na nagpatakot sa maraming tao? -May mga balibalitang kumakalat sa kanilang bayan na ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante pa aw na nagtungo sa Malakanyang upang magpahayag ng pagkamaka-Kastila ngunit nahulihan sila ng armas kaya’t pinagpipit; naligtas daw ang Heneral dahil noo’y nakikipanayam sa mga puno ng orden o provincial sa Pilipinas. 4. Ipaliwanag ang hindi pagbabalita sa pahayagan tungkol sa dalagitang bangkay na natagpuan ni Ben Zyb? -Maaring siya ay natakot na masisi kaya hindi niya ito binalita 5. Kung ikaw si Padre Irene, ibabalita mo ba kay Kapitan Tiago ang mga kaganapan? Bakit? -Ibabalita ko ito pero sa paraan na hindi siya mabibigla hihimay himayin ko ito . IMPLIKASYON: 6. Makatotohanan ba sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging mapaniwalain sa mga bulong- bululngan? Patunayan. -Nasa kultura na ng mga Pilipino ito sapagkat ang mga Pilipino ay mahilig maniwala sa mga sabi sabi at sa totoo lang ang mga Pilipino ay mahilig makisali sa mga bagay na wala naman kinalaman sakanila.


7. Sa iyong pagkukuro, bakit higit na nakatatakot ang mga balitang naririnig sa radio kaysa sa mga pangyayaring iniuulat sa telebisyon? -Dahil walang pinapakita na larawan ito at tanging boses lamang ang iyong maririnig at imahenasyon lang ang iyong gamit. Kabanata 29: Ang Huling Pati Ukol kay Kapitan Tiago Buod: Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago. Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag-aaral. Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene na isang lumang damit na lang ang isusuot. May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit. Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan at agua bendita na inialay sa kabaong. Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya. Mensahe: Mapapatunayang hindi madadala sa hukay ang salapi, anumang yaman mo dito sa lupa, anumang dami ng iyong ari-arian ay hindi hindi mo ito madadala sa kabilang buhay. Kaya kung anuman ang biyayang bigay sa iyo ng ating Panginoon dito sa lupa ay marapat lamang na maging mabuti ka sa iba at maging matulungin ka. Iwasan ang Pagiging mainggitin. Napakasama sa tao ang may ugaling mainggitin kaya huwag nating tularan si Donya Patrocinio ang kalabang mortal ni Kapitan Tiyago sa pagiging relihiyoso.

Pagsusuri: 1. Kani-kaninong ipinamahagi ni kapitan tiago ang kanyang kayamanan? - sa Sta. Clara, sa papa, at sa mga pari. At ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng mga mag aaral. 2. Bakit hindi tinuloy ang pagmamana kay basilio? - dahil sa kawalang utang na loob ni Basilio 3. Isalaysay ang mga paksa ng usapan nang mamatay si kapitan tiago. - may nakita raw ang mga mongha na nagliliwanag na kaluluwa ni kapitan tiyago na iyon daw ang utang sa maraming pamisang ginawa ni Kapitan Tiyago at bitbit nya paraw rito ang kaniyang panabong na manok na habang puno ang bibig. sinabi tuloy ng iba na hahamunn ni Kapitan Tiago sa sabungan si San Pedro sa langit. 4. Makatotohanan ba ang usapang nina don primitivo at martin aristorenas? Bakit? - Hindi dahil ang kanilang usapan ay ukol sa kung sino ang mananalo sa pagitan ni kapitan tiyago at san pedro sa pagsasabong sa langit. Hindi maaaring magkatotoo ang ganoong pangyayari dahil iyan ay imahinasyon lamang. IMPLIKASYON: 5. Anu anong matatandang kaugalian ang ipinakita sa kabanatang ito? Mabuti ba ito? Patunayan. - ang pagsasabi ng mga himala na kanilang nararanasan sa buhay, at mga impossibleng imahinasyon nakanilang pinag uusapan upang maglibang. Maaaring maging mabuti ito sa pag papagaan ng kanilang nararamdaman ngunit maaaring may maniwala rito. 6. Ano anong pamamalakad sa simbahan ang tinutukoy dito ni rizal? Mabuti ba ang mga ito? Bakit. - na walang seremonyas ang taong namatay kapag ito ay hindi nakapangumpisal at wlang pambayad ngunit kapag hindi nakapangumpisal at may pambyad ay bibigyan parin ng serimonyas 7. Anong ang nais ipakita sa atin ng may akda sa pakikipagpalaluan ni donya patrocinio kay kapitan tiyago? Punahin. - si Donya Patrocinio ay nakipag pataasan sa pagiging banal kay Kapitan Tiyago, kaya naman kahit siya ay banal, dahil sa pagkainggit nya ay ninanais aring nyang mamatay upang magkaroon ng libing na mas hihigit pa kay Kapitan Tiyago.


Kabanata 30:

Buod: Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa kasintahan. Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya. Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip. Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na rin si Tiago. Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kombento. At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento. Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga tulisan ng bayan. Mensahe: Muli nananamang ipinakita sa kabanatang ito ang kawalang katarungan pagdating sa mga Pilipino, at ito ay ang pagkakakulong ni Basilio. Siya ay ikinulong ng walang sapat na basehan, at di makalaya sapagkat walang padrino na inaasahan na malakas sa pamahalaan. • Ang pagkamahusgahin ng mga tao ay ipinakita din sa kabanatang ito sapagkat ayon kay Hermana Penchang ay kaya nakulong si Basilio sapagkat wala daw itong kabanalan dahil hindi man lang daw ito nag antanda ng makitang marumi ang agua bendita. Hindi basehan ang mga ganung bagay kaya huwag tayong mang husga sa isang tao nang ganun ganun lamang, sapagkat ang ilan pa nga sa atin kung sino pa ang laging nasa simbahan ay iyon pa ang mayroong hindi kagandahang pag-uugali.

Pagsusuri: 1. Ano ang ang palagay sa pagkaka bilanggo ni basilio? - naghihiganti lamang daw ito sa mga prayle dahil sa pagkakatubos ni basilio kay juli na anak ng tulisang si Tales. 2. Bakit natatakot si Juli sa paglapit kay padre camorra? - dahil sa natatakot si Juli na kung ano ang gagawin sa kanya nito dahil sa Padre Camorra ay malikot sa mga babae. 3. Paano napapayag ni hermona bali si Juli na magtungo sa kumbento? - sinigurado na niya na kasama lang siya ni Juli at pinaaalala niya ang payo ni tandang basyo macunat na dapat lamang daw na magungo sa kumbento ang isang dalaga kahit hindi alam ng mga magulang para mag ulat sa kuro kung ano ang kaganapan sa tahanan. 4. Makatwiran ba ang mga ginawang pagtalon ni juli mula sa bintana ng kumbento? Katiwaranan. - oo, dahil ang buhay niya ang nasira dahil sa mga ginawa ni Padre Camorra at para sa kanya ay isa iyong kahihiyan sa kanya.wala rin syang magagawa dahil baka walang maniwala sakanya kahit na siya ay magsumbong 5. Bigyan ng palagay ang pagpapahalaga ng mga pilipina sa puri o dangal. - pinapahalagahan ng mga pilipina ang aknilang sarili dahil nirerespeto nila ang kanilang mga sarili dahil karapatdapat din silang irespeto ng iba. Hindi sila rerespetuhin ng iba kung sila mismo ay hindi pinahahalagahan ang kanilang mga sarili. IMPLIKASYON: 6. Ihambing ang kadalagahan noon sa ngayon sa pagpapahalaga sa pag ibig. - ang mga kadalagahan noon ay gagawin ang lahat para sa minamahal kahit na ang kapalit man ay ang kanilang mga sarili at kaligtasan. Samantala ang mga kababihan naman ngayon ay mas alam nila ang kahalagahan nila sa buhay at hindi hinahayaang maliit lang sila at kaya ng tumayo sa sariling paa kahit sila ay maiwan. 7. Patunayan ang kahirapan ay may malaking kinalaman sa kasawian ng mahihirap na bilanggo. - dahil sa kahirapan ay hindi nabibigyan ng tamang hustisya ang mga mahihirap na bilanggo dahil hindi nila kayang


magbayad ng maling pera, wala silang magagawa kundi magtiis sa kahirapan. Patunayan na kinakatawan ni Juli ang ating bayan sa kasaysayang ito. - kinakatawan ni juli ang ating bayan na handa nating gawin ang lahat para sa mga bagay na gusto natin kahit na ito ay ikapapahamak natin. Na kaya nating mag sakripisyo kahit na ang buhay natin kapalit, ang mahalaga ay maging malaya ang gusto at hinahangad natin. Kabanata 31: Ang Mataas na Kawani Buod: Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.

Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang nasa loob ng bilangguan. May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang matapos sa kurso sa medisina.

Karaniwan din ito sa ngayon sa atin kung saan mas loyal ang mga tao sa personalidad kaysa sa bayan. Ibig sabihin nito ay kung si Mayor ang nagbigay ng posisyon, kay Mayor sya loyal at hindi sa Pilipinas. Kaya kung sakaling si Mayor ay may ginawang labag sa batas, gaya ng kurapsyon, hindi nya ito pagsasabihan o kaya ay pagtatakpan pa dahil ito ang nagbigay kabuhayan sa kanilang pamilya. Pagsusuri: 1. Ipakilala ang mataas na kawani - Gobernador heneral, isang taga hukom, tagapagbalita at tagapag batas na pinaka makapangyarihan sa lahat. Sila rin ang nag tatakda ng mga pari sa parokya at sila rin ang nag aalis sa mga ito. 2. Paano ipinagtanggol ng kawani si basilio - sinabi nyang mabuting tao si basilio at sa katunayan sya ay malapit nang makatapag tapos sa kurso ng medisina

Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito.

3. Bakit nakasama sa halip na nakabuti ang pagtatanggol kay basilio ng mataas na kawani? - dahil panay ang pagtutuligsa ng heneral sa mga sinasabi nito. Sinabihan nya ito na dapat itong matakot at mahiya sa bayan at kailangan daw na magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago.

Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan. Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino. Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at babalik na lamang Espanya.

4. Ipaliwanag ang katwiran ng kapitan heneral sa kanyang ginawang pasiya kay basilio. - ayon sa Heneral hindi naman pilipinas ang nagbigay sa kanya ng posisyon kundi ang espanya kaya't kahit ano man ang sabihin sa kanya ng kawani wla syang paki alam dito tila walang balak na palayain ang heneral si basilio sa kulungan

Mensahe: Mas mahalaga ang pagkakaroon ng integridad at paninidigan kaysa sa anumang kayamanan o karangyaan. Makikita natin ito dahil sa isang mataas na kawani ng gobyerno ng Espana na ninais tulungan si Basilio. Nakulong si Basilio at gusto sana sya palabasin ng mataas ng kawani ngunit nakasama pa ito dahil kinontra ng heneral. Tinuligsa ng heneral ang mga sinabi nito. Makikita rin natin na ang heneral ay pinagsabihan ng mataas na kawani ng gobyerno na mahiya sa bayan ng Pilipinas. Ngunit ayon sa heneral hindi naman Pilipinas ang nagbigay sa kanya ng posisyon kundi ang Espanya kaya wala siyang pakialam dito.

5. Bigyan ng reaksyon ang pag alis sa tungkulin ng mataas na kawani. - may nakita raw ang mga mongha na nagliliwanag na kaluluwa ni kapitan tiyago na iyon daw ang utang sa maraming pamisang ginawa ni kapitan tiyago at bitbit nya paraw rito ang kaniyang panabong na manok na habang puno ang bibig. sinabi tuloy ng iba na hahamunn ni kapitan tiago sa sabungan si san pedro sa langit IMPLIKASYON: 6. Paano ipinapakita ng may akda sa kabanatang ito ang kapangyarihan ng salapi ? - mahalaga ang magkaroon ng integridad at paninindigan kaysa sa anumang kayamananan o karangyaan. Dahil karaniwan ito sa ating panahon ngayon na mas pinipili ang kanilang personalidad kaysa sa ating bayan.


7. Bakit nagbitiw sa tungkulin ang kawani? May kawani pabang katulad niya ang sa ating bayan? - meron ngunit iilan na lamang dahil marami sa mga kawani ng gobyerno ngayon ay maibigin sa salapi. Nagbitiw sya dahil nais nya na ipamukha sa heneral na nagkamali sya ng kaniyang pasya. 8. Sa ngayon may mga kapitan heneral pa kaya sa ating pamahalaan? Patunayan ang sagot. - oo, at katulad rin nila ang heneral sa nabasang kabanata na maibigin sa salapi. Ang kaibahan ngalang ngayon ay mas malala ngayon na bukod sa nakahilata na lamang sa kanilang mga posisyon ay nagagawa pang manakot at gamitin ang kanilang kapangyarihan para maka kuha ng salapi. Kabanata 32: Mga Ibinunga ng Paskin

Buod: Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito. Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio. Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Mensahe:

Kung nakagawa ka ng kabutihan sa iyong kapuwa kahit sa maliit na paraan lamang ay tiyak may babalik sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan, Dahil si sinong lamang ang dumadalaw kay Basilio sa kulungan matatandaang ito ang naghatid sa kanya sa San Diego ito ang kutserong binugbog ng mga guwardiya sibil dahil sa awa ni Basilio ay binayaran niya si Sinong ng Doble ito naman ay ikinatuwa ng Kutsero kaya ngayon si Basilio naman ang nangangailangan sa kanya kahit munting paraan ay tumutulong siya sa pamamagitan ng pagdalaw dito sa kulungan at pagbabalita ng mga ilang kaganapan tungkol sa mga nangyayari sa labas. Pagsusuri: 1. Bakit natatakot ang mga magulang ng mga mag-aaral na probinsyano? - Ang mga magulang ay natatakot na papasukin ang kanilang mga anak dahil natatakot silang madamay ang mga ito at mabilanggo din. 2. Paano tinanggap nina Tadeo at Juanito ang kanilang pagkakatigil sa pag-aaral? - Magkaiba ang naging pag tanggap nila dito si Tadeo ay natuwa at walang pakielam kaya nag siga lamang ng mga aklat sa liwasan samantalang si Juanito naman ay nagdamdam sapagkat mapipilitan siyang asikasuhin ang negosyo ng kanyang ama. 3. Paghambingin sina Juanito at Isagani batay sa pasiya ni Paulita na pakasal sa una? - Sa paghahambing ni Paulita Gomez sa dalawa ay nabanggit na si Juanito ay tumiwalag na sa samahan, masiyahin, mestisong Kastila at mayaman samantalang si Isagani naman daw ay mali ang pananaw sa buhay, sinisisi ng lahat, tagalalawigan, mayroong amain na Pari, may malabong pinagmulan, ambisyoso, magiting 4. Ilahad ang mga bali-balita tungkol kay Simoun. -Balibalita na si Simoun raw ang papalit sa mag reretiro na Kapitan Henaral at ang pag dadaos nang malaking salo salo nito.


5. Sa palagay moba ay dapat kainggitan si Don Timoteo Pelaez? Bakit? - Hindi sapagkat ginagamit lamang siya ni Simoun upang mabili ang bahay ni Kapitan Tiago ngunit hindi alam ng karamihan na kay Simoun galing ang pera na pinambili dito. IMPLIKASYON: 6. Dapat nga kayang ikalungkot o ikatuwa ang di pagpasok sa paaralan?Katwiranan. -Hindi sapagkat ang pag aaral ang magiging susi sa pag tupad nang mga pangarap at kapag hindi ka nakapag aral ay mababa din ang tingin sayo ng ibang tao at iisipin nilang wala kang mararating. 7. Kung kayo ay iibig, ano ang iyong gagamitin? Puso o pag-iisip? - Mahalaga na gamitin parehas ang puso at isip sa pag ibig, dapat ang isip ay ginagamit sa pag dedesisyon at ang puso naman ay ang nag kokonekta saatin sa ating minamahal. Kabanata 33: Ang Huling Matuwid Buod: Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata. Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay. Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan umanib kay Simoun at sumama sa mga plano dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at na yumao.

nitong nito na na hindi kapatid

Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan. Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.

Mensahe:

Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay. Sa hindi inaasahan dahil sa nangyari at pinagdaanan nila sa buhay nakakaisip tayo ng mga bagay na labag sa ating kalooban dahil sa matinding galit na nadarama ng ating puso. Pagsusuri: 1. Paano nakalaya si Basilio? -Siya ay nakalaya sa tulong ni Simoun. 2. Ilarawan si Basilio nang humarap sa mag-aalahas. -Siya ay hindi na halos makilala ni Simoun dahil sa tagal nang pag kabilanggo nito. 3. Bakit nagtungo si Basilio kay Simoun? - Siya ay nag tungo sa bahay ni Simoun sapagkat siya ay nag sisisi sa pag tanggi niya sa alok ni Simoun noon at siya rin ay naging determinado na lumaban at pagsiklabin na ang himagsikan upang maipaghiganti mga magulang at kapatid niya na yumao.

4. Ilahad ang mga balak ni Simoun sa gabi ng kasal nina Juanito at Paulita? -Nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan. Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. 5. Makatwiran ba ang pasya ni Basilio na makiisa kay Simoun? Bakit? -Sa aking palagay ay makatwiran ito lalo na kung ilalagay ko ang aking sarili sa posisyon ni Basilio sapagkat marami na siyang mapapait na karanasan sa kamay ng mga kastila at mga prayle. Nais niya ding maipaghiganti ang kanyang pamilya. IMPLIKASYON: 6. Ang poot nga kaya ay nakapanghihina sa katwiran? Patunayan.


-Opo, sapagkat kung matindi ang iyong galit o poot ay hindi ka makakapag desisyon ng tama sa halip ay gagawin mo ang naiisip mong paraan upang makapaghiganti na hindi nag dadalawang isip at di iniisip ang magiging masamang epekto nito. 7. Kung ikaw ay naghahangad ng pagbabag, mamarapatin mo ba ang dahas upang madali ang pagtatagumpay?Katwiranan. -Sa aking palagay ay hindi, sapagkat una sa lahat ay ayokong makapanakit ng sino man at lalong ayaw ko rin naman ang madamay sa ganto sa halip ay mas gugustuhin ko kung maari ang idaan sa paguusap at pag papatawad nalamang.

Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita Buod: Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon. Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya ay lumayo sa daang Anloague. Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan Tiyago ay nasa daang iyon.May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. nakita niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay Isagani. Naisip niyang yakaginng sumama sa kanya si Isagani.Siya rin ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.

Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag -aaral,ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun. Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.

Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat – sa bahy ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun. Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel ar magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan. Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyosan ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay iluluklok. Naroon ang pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don Timoteo.Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.

Mensahe: Ang mensahe ng kabanatang ito ay sakit sa lipunan ang mga taong umaasa lamang sa mga magulang. Ang mga taong nakasandal sa kanilang ay pamilya ay hindi kayang itaguyod ang kanilang sarili at may mga tao na kakapit sa mga impluwensyal na mga tao para umangat.

Pagsusuri: 1.Anu-ano ang pagbabago sa tahanan ni Kapitan Tiyago? - Nilagyan ni Don Timoteo ng magagarang papel at araanya ang mga dingding, inilagay ang malaking sa sala, nag lapag ng karpet na galing pa sa ibang bansa, mga kurtina na may burda ng titik ng pangalan ni Paulita at Juanito, may mga artipisyal na bulaklak ng suha, at mga malalaking paso na gawa ng mga Hapon.


2. Bakit napakalaki ng kapalarang napasakamay ni Don Timoteo Pelaez? - Dahil napangasawa ng kanyang anak ay si Paulita Gomez na isang magandang babae at mayaman pa. Pinautang rin siya ni Simoun ng pera kaya nabili niya ang mansyon ni Kapitan Tiyago at naging ninong sa kasal nila Paulita at Juanito ang Kapitan-Heneral.

3. Paano nakilala ang mga dakilang panauhin sa kasal ni Juanito at Paulita? - Ang mga dakilang panauhin sa kasal ni Juanito at Paulita ay kapwa mga importanteng tao at nakahiwalay ang mga taong importante sa mga taong ordinaryo lamang. May dibisyon na nangyari sa lugar kung saan ipinagdiwang ng kasal kung saan nakahiwalay ang mga tao base sa kanilang katayuan sa buhay.

4. Sa palagay mo, bakit naging maluwag si don Timoteo sa pag-aayos si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago? - Sa aking palagay ay naging maluwag si Don Timoteo sapagkat kanyang pinagkakatiwalaan si Simoun dahil ito ay kilalang tao at pinautang rin siya ni Simoun. Si Don Timoteo ay kilala sa pagiging mapagmataas na tao kung kaya’t hindi siya sumasalungat sa mga makapangyarihang tao sapagkat alam niya maari siya nitong matulungan balang araw. 5. Kung ikaw si Basilio mangangarap ka kaya ng pagkilala ng iba sa gawaing iniatas sa iyo ni Simoun? Bakit? - Para sa akin ay di ko naman pangarapin na kilalanin ako ng mga tao ngunit ako ay magiging masaya kung sila ay tatanaw ng pasasalamat sa aking mga ginawa dahil ito ay nagpapakita na kung saan sila ay masaya sa kabaitan ng tao. Magiging masaya ako kung makikilala ako ng mga tao nang hindi ko ito pinalalandakan o ipinipilit sa kanila.

IMPLIKASYON: 6. Mahalaga nga kaya sa pag-aasawa ang marangyang kasalan? Bakit? - Sa aking opinyon, para sa akin ay maganda na may marangyang kasalan ka sapagkat nararanasan mo lamang ito ng isang beses kung kaya’t walang masama kung maghangad ka ng marangyang kasal na paniguradong tatatak sa iyong isipan. Mayroon namang mga tao di gusto ang marangyang kasal basta nandyan ang mga taong importante sa kanya lalo na ang kanyang papakasalan.

7. Hangad mo bang makilala at makasama ng mga kilalang tao kahit ito’y palabas lamang?Katwiranan. - Sa aking opinyon ay hindi ko ilalagay ang aking sarili sa ganyang sitwasyon. Ayoko mapunta sa isang sitwasyon na kung saan kailangan kong magpanggap upang mapalapit o makasama ang mga kilalang tao. Mas pipiliin ko rin na maging ordinaryo lamang na kung saan ay malaya akong gawin ang mga bagay na hindi iniisip ang mga opinyon ng nakararami.

Kabanata 35: Ang Piging Buod:

Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating.Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.


Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na “MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.” Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa asotea.

Mensahe: Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong pagnanasang gumanti sa kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa sugat ng kahapon.

Pagsusuri:

1. Anong larawan o kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa nangyaring handaan? Ipaliwanag ang iyong sagot. -Makikita rito ang pagiging mainipin ng mga Pilipino gaya ng pagaantay nila sa Kapitan Heneral na dumating. 2. Ano-anong mga bagay ang pumasok sa isip ni Basilio nang makita niya ang lamparang naglilinis ng masasama sa bayan? Ano ang damdaming nanaig sa kanya nang makita ito? - Pumasok sa isip niya ang mga batang madadamay sa pagsabog nito. Labis siyang natatakot, nababalisa at di mapakali. 3. Dapat nga kayang mamutla si Padre Salvi sa lagda ni Ibarra? Bakit? -Opo, sapagkat ito ay naghahatid ng mensahe na tila may panganib na paparating lalo na’t marami silang kasalanan kay Don Crisostomo Ibarra.

4. Bakit pinigilan ni Basilio si Isagani na magtungo sa kasalan? BAkit hindi matiis ni Isagani na mailigtas ang kanyang kasintahan gayong talusira ito sa kanilang pag-iibigan? -Pinipigilan ni Basilio na magtungo si Isagani sa kasalan sapagkat kaibigan niya ito at ayaw niya itong madamay pa. Nais ni Isagani na maligtas ang kanyang kasintahan dahil tapat padin at dakila ang kanyang pag ibig sakanya at ito nalang ang huling magagawa niya para sakanyang kasintahan.

5. Bakit kaya hindi natuloy ang ikalawang hudyat para sa naduging rebolusyon? Ano ang nais ipahiwatig dito ng may-akda? - Hindi ito natuloy dahil sa pag ligtas ni Isagani. Sa aking palagay ay ipinapahiwatig nito na hindi ito ang paraan upang siya ay makapag higanti. 6. Ano ang iyong naramdaman sa bahaging malapit nang magtagumoay si Simoun subalit naapigilan ni Isaganing malipol ang mga sanhi ng pighati at kasawian ng napakaraming Pilipino? - Para sa akin ay tama lang at hindi iyon natuloy sapagkat kahit nandon ang mga taong nais gantihan ni Simoun ay may mga taong inosente na madadamay sa pagsabog nito. 7. Paano haharapin ni Simoun ang mga pangkat ng tulisan at mga guwardiya-sibil sa nabigong pagsabog? Maniniwala pa kaya silang muli kay Simoun? Bakit? - Sa aking palagay ay hindi na magiging madali ang pag tiwala nila kay Simoun at maaring maulit ang nangyari sakanya noon.

8. Sino kaya ang madidiin kapag natagpuan ng mga imbestgador na sa bahay ni Don Timoteo ay may mina ng pulbura? Ano kaya ang magiging buhay nina Paulita at Juanto pagkatapos nito? - Maaring madiin dito si Simoun kung sakaling ilaglag siya ni Don Timoteo. Maaring hindi matuloy ang kasal ni Paulita at Juanito dahil sa mga kaguluhan na nagaganap.


IMPLIKASYON: 9. Ang pagmamahal ng aba sa kasintahan ay dapaat pa rin pangibabawin kahit na ito’y tumaliwas na sa inyong pagmamahalan? Ipaliwanag. - Opo, sapagkat ang pagmamahal ay hindi nangangailangan ng kapalit kahit tumaliwas na ito sa inyong pag iibigan ay dapat mayroon ka paring malasakit sakanya at para saakin ito ang totoong pag ibig at nagmamahal ng tapat na walang hinihinging kapalit. Kabanata 36: Kapighatian ni Ben Zayb

Pagsusuri:

1. Bakit hindi na dumalo sa hapunan at sayawan si Ben Zayb? - Dahil siya ay agad na nagpunta sa kanyang bahay upang isulat ang pangyayari. Balak niya ibigay ang kanyang mga sinulat sa Kapitan -Heneral bago ito umalis ng Pilipinas upang maging masaya raw dahil mababasa nito ang kanyang lathalain.

Buod: Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio. Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong gabing iyon. Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman niyang gumawa ng balita ukol doon. Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga lumusob. May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang pagputok na nangyari. Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.

2. Paano tinanggap ni Zayb ang pagbabawal ng heneral sa mga lathalain tungkol sa pista? - Labis itong dinamdam ni Ben-Zayb at inihalintulad ang sakit ng kanyang naramdaman noong ibinalik sa kanya ang kanyang sulat sa pagkakapatay sa kanyang anak.

3.Ilahad ang pagkabigo ng mga tulisan sa mga pangako ni Simoun. - Sila ay nabigo at pakiramdam nila ay sila ay nalinlang sapagkat hindi nito ginawa ang kanyang hudyat na naging dahilan kung bakit nahuli ang mga tulisan. 4. Matibay ba ang mga ebidensya laban kay Simoun? Patunayan.

- Sa aking palagay ay medyo matibay ang kanilang ebidensya kay Simoun dahil inilarawan ng mga tulisan ang anyo ni Simoun at pagpunta nila sa bahay ni Simoun ay wala ito rito at matatagpuan sa kanyang bahay ang mga bala at pulbura ng mga baril.

Mensahe: Ang napulot kong aral sa kabanata na ito ay may mga mamamahayag na hindi totoo sa kanilang mga sinusulat o mga bias sa isang panig. Natutunan ko na bago maniwala sa mga lathalain o sabi sabi ng mga tao ay dapat ko munang alamin ang totoong nangyari bago ako manghusga o magbitaw ng mga salita dahil ang mga salita ay makapangyarihan.

5. Kung ikaw si Simoun, magtatago ka rin ba? Bakit? - Kung ako si Simoun ay hindi ako magtatago sapagkat ito na ang pagkakataon na kung sino ay makakalaban ko na ang aking kaaway sa tulong rin ng mga taong sumusuporta sa akin. Dito ko ipapakita na hindi lahat ng tao ay mabibilog o mapapaikot nila.


IMPLIKASYON:

6. Maituturing bang magaling na mamamahayag si Zayb?Bakit? - Hindi maituturing na magaling na mamamahayag si Ben Zayb sapagkat pinapalitan niya ang mga nangyari kumbaga ay hindi siya tapat sa kanyang mga lathala. Isa dapat sa mga katangian ng mga mamamahayag ay wala silang pinipiling panig at tanging isusulat nila ay pawang katotohanan at hindi nagtataglay ng ganyang katangian si Ben Zayb.

7. Makatwiran bang tugisin si Simoun ng pamahalaan, tulisan at ng taong bayan?Katwiranan. - Makatwiran na tugisin si Simoun sapagkat siya ay isa sa mga tao na tinuturing na ‘threat’ sa pamahalaan at lahat ng tao ay siya ang tinuturo sa mga masasamang pangyayari na nangyari sa San Diego.

Kabanata 37: Ang Hiwagaan Buod: Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita. Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita. Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito nakinig

Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng mga naroon nang maisip nila si Simoun. Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat.

May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig. Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.

Mensahe: Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o pagpapalitan nang hindi kumpirmadong balita. Naguugat ito madalas sa kalituhan at nakadaragdag pa sa suliranin. Mensahe: Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o pagpapalitan nang hindi kumpirmadong balita. Naguugat ito madalas sa kalituhan at nakadaragdag pa sa suliranin. Pagsusuri: 1. Anu-anong pagbabago ang napansin sa karaniwang nangyayari sa mag-anak na Orenda?

-Meron silang nahanap na mga nakasakong pulbura na nahanap sa buong bahay ,naikuwento din ang pangyayari sa kasalan noong nakaraang gabi. Nagulat sila at hindi mapaniwalaan na si Simoun daw ang responsable para sa nangyari na insidente.

2. Bakit maraming naibabalita si Chichoy?

-Dahil sa kanyang hanapbuhay bilang isang platero na kung saan saan bahay siya nakakapunta, kaya marami rin nalalaman na balita si Chichoy.

3. Paano iniligaw ni Isagani ang mga kausap upang hindi siya paghinalaan?


-Sinabi ni Isagani na kung nalaman daw ng magnanakaw ang nangyari, at hindi nila ito nanakawin, at ayaw niya maging magnanakaw na ito. At nung sinabi yun ni Isagani , nawalan sila ng duda sakanya.

4. Sa iyong palagay bakit hindi pinasabog ng may-akda ang lampara?

-Maaring naisip niya na di karahasan ang solusyon so suliranin na hinaharap ng bayan.

5. Makatotohanan ba ang pag-uusap sa mga bayan-bayan tungkol sa isang isyu kahit sa bagong panahon? Patunayan. -Oo dahil paikot-ikot ang problema ng bansa, dahil di nawawala ang tumutuligsa sa pamahalaan at mayroon din naman sumasang ayon. Dahil ang hinahangad ng bawat isa ay para sa ikabubuti ng bayan.

Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino. Mayamaya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil. May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw. Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo. Mensahe: Hindi ang karahasan ang laging sagot sa lahat. Minsan dahil sa karahasan ay nadadamay ang mga mahal natin sa buhay.

IMPLIKASYON: 6.Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat ng kabanata.

- Ang pamagat na "Ang Hiwagaan" ay dahil sa misteryong (1) bakit may mga pulbura sa pinagdarausan ng kasal. (2) Sino ang umagaw sa lampara ni Simoun at bakit. (3) Sino ang pasimuno sa gulo sa piging.

7.Kung ikaw si Isagani, pagsisisihan mo ba ang pagkuha sa lampara? Bakit? -Oo para hindi ko paghinalaan na ako ay nag nakaw ng isang bagay na hindi saakin lalo na ito’y delikado. Kabanata 38: Ang Kasawian Buod: Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang kanilang mga kinatatakutan. Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo.

Pagsusuri: 1. Ilarawan ang pamiminsala ni Matanglawin sa bayan-bayan.

- Nilusob niya ang bandang Luzon kung saan ay naging isa siya sa taong nais ikulong ng pamahalaan at siya ay kinakatatakutan ng mga tao dahil sa dala niyang panganib sa kanilang bayan.

2. Bakit maraming umanib kay Matanglawin sa kabila ng kanyang paglusob sa Luzon? - Dahil pareparehas lamang sila ng layunin ito ay ang salungatin ang opisyal at lusubin ang mga kabahayan upang mapasakanila ang mga pera o bagay na kanilang matatagpuan. 3. Makatwiran ba ang pagmamalupit ng mga sundalo sa mga bihag? Bakit?


- Para sa akin ay hindi ito makatarungan dahil pinapahirapan nila ito, ibinibilad sa arawan, sinasaktan, at pinagsasalitaan ng masasamang salita. Lahat ng kanilang mga ginagawa ay hindi makatarungan, masama, at hindi makatao.

4. Kung ikaw ay isang bilanggo, nanaisin mo bang mamatay kaysa tumanggap ng mga parusa?Katwiranan. - Mas nanaisin ko pa ang mamatay agad kaysa pahirapan ako gamit ang mga parusa dahil mas kaya ko pang mamatay ng biglaan dahil hindi ko masyadong maiinda ang sakit kumpara sa parusa na kung saan ay unti unti mong mararanasan ang sakit na aabot sa punto na ikaw na mismo ang hihiling ng iyong kamatayan dahil sa mga parusa na inihatol sa iyo.

5. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ng Tandang Selo sa kanyang apo na si Tano nang magkita sila? Si Tano sa kanyang lelong? - Siya ay malungkot dahil sa gaanong pagkakataon pa sila ulit magkikita ng kanyang apo na kung saan siya ay mapapatay ng kanyang sariling apo. Si Tano ay labis na nalungkot sapagkat hindi niya inaasahan na siya mismo ang nakapatay sa kanyang lolo. IMPLIKASYON:

6. Ang pagsunod ba sa utos ng nakatataas ay dapat sundin kahit ikamatay ng iyong mahal sa buhay? Katwiranan. - Para sa akin ay nakadepende iyan dahil minsan wala tayong magagawa kundi sumunod sapagkat inalay na natin ang katapatan natin sa nakatataas. Kung para ito sa ikakabuti ay susunod ako kahit masakit ito ngunit kung alam ko na inosente ang aking mahal sa buhay ay handa akong tumiwalag ipagtanggol lamang ang aking mahal sa buhay.

7. Ipaliwanag ang pamagat ng kabanata batay sa sinapit ng mag-anak ni Tandang Selo? - Pinapamagatan itong “Kasawian” sapagkat nasawi si Tandang Selo dahil nabaril siya ng ni Tano. Sa kabanatang ito ay naransan nila ang kasawian na kung saan may pumanaw na mahal sa buhay ni Tano at siya pa mismo ang nakapatay rito. Kasawian ang tamang salita na mailalarawan sa naramdaman ni Tano. Kabanata 39: Ang Katapusan Buod:

Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don Florentino. Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente. Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya. Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun. Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at Juanito. Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan ng hininga. Mensahe: Hindi maganda ang paghihiganti dahil wala tayong mapapala rito. Kamatayan ang naiisip na sagot ng ilan sa mga paghihirap na sila din naman ang naging sanhi. Ngunit ang totoo, mas marami pang ibang solusyon sa mga kapighatiang hinaharap.


Pagsusuri: 1. Bakit umalis si Don Tiburcio sa tahanan ni Padre Florentino?

- Umalis si Don Tiburcio sa tahanan ni Padre Florentino dahil kanyang inakala na siya ang tinutukoy sa telegrama na kastilang dadakipin sa gabing iyon.

- Gagamitin ko ito para makatulong sa bayan dahil alam kong mas kailangan ito ng nakakarami. Ipapamahagi sa simbahan o sa paaralan na kung saan makikinabang ang mga taong gipit upang matulungan ko sila kahit sa maliit na paraan.

IMPLIKASYON: 2. Ipaliwanag ang pagtataka ni Padre Florentino sa pagtungo ni Simoun sa kanyang tahanan. - Nagtataka si Padre Florentino dahil nakita niya si Simoun na sugatan at siya ay nagkahinala na baka ay tulisan ito at napatunayan niya na tulisan si Simoun ng mabasa ang telegrama.

3. Isalaysay ang pangungumpisal ni Simoun. - Ikinumpisal ni Simoun ang tunay niyang pagkatao at pumunta siya sa ibang bansa upang yumaman at bumalik para maghiganti sa lahat ng taong nagkasala sa kanya at sa kanyang ama.

4. Sa palagay mo ba ay namatay si Simoun ng walang pananalig sa Diyos? Patunayan. - Sa aking palagay ay namatay si Simoun na walang pananalig sa Diyos dahil kinukuwestiyon niya ang Diyos. Kinukuwestiyon niya kung bakit hindi ito makatarungan dahil hindi nagtagumpay ang mga plano niya sa buhay at madami siyang naranasan na kasawian sa buhay niya. Namatay siyang may sama ng loob dahil sa nangyari sa kanyang buhay.

5. Kung ikaw si Padre Florentino, ano ang gagawin mo sa kayamanang naiwan ni Simoun?

6. Talaga nga kayang ang kayamanang materyal ay walang puwang sa kabilang buhay? Ipaliwanag. - Totoo na hindi natin madadala ang kayamanan sa ating buhay. Ang buhay ay para isang siklo dahil pinanganak tayo ng walang dala kung kaya’t mamatay rin tayo ng walang dala. Kahit gaano ka man kayamanan ay sarili mo lamang ang iyong madadala sa iyong libingan.

7. Sa iyong palagay, makatwiran ba si Padre Florentino sa kanyang mga payo at paliwanag kay Simoun? Bakit? - Makatwiran ang mga payo ni Padre Florentino dahil tama nga naman na hindi tayo magtatagumpay kung masama ang ating hinahangad. Sabi nga nila walang magandang maidudulot ang paghihiganti, sa kaso ni Simoun ay napuno ng paghihiganti at puot ang kanyang puso kung kaya’t hindi siya nagtagumpay. Hindi siya hinayaan ng Diyos na magtagumpay siya sa kanyang paghihiganti dahil ang kanyang mga plano ay hindi maganda at hindi nakakatulong sa kapwa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.