KN August-Sep 2009_Final

Page 1

P50

Tomo 3 • Isyu 4 ISSN 1908-6318

Agosto-Setyembre 2009

Negosyong Nagmula sa Bayanihan Kayang-kayang Gawin

4 Recipe ng Adobo Tikman Na

Sikreto ng Malasang Hamburger Ugnayan ng mga Sibuyas Farmer

Pantay-pantay na Paghabi Mula sa Hibla ng Prutas Pagiging Born-Leader

Sapat na Ba?

Jeremiah 29:11 International

Katuwang ng Pinoy sa Singapore Community Enterprises

Sama -Sama sa Sagana


Nilalaman Mga

Sama-sama sa Sagana

Agosto – Setyembre 2009

Masayang pinaparangalan ng Kwentong Negosyo ang mga community enterprises sa isyung ito. Tunay na hindi biro ang umani ng tagumpay sa negosyo; ngunit ang gamitin ang kita ng negosyo para sa ikabubuti ng komunidad ay dakila at sobrang nakakabilib.

Galing ng Negosyanteng Pinoy 6 Negosyong Nagmula sa

Napapansin na sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pagbabagong dulot ng mga community enterprises. Nakikita natin ang presensyang ito sa magagandang sining at mga functional na produktong ibinebenta sa mga trade fair. Naglaan na rin ng mga istante ang malalaking department stores, supermarkets at boutiques para sa mga produkto ng community enterprises. Instant salabat mula sa mountain villages ng Nueva Ecija, organic vinegar mula sa coconut plantations ng Quezon, handmade cloth ng manghahabing kababaihan mula sa Mindanao at Iloilo, abaca curtains at blinds ng cooperatives mula sa Bicol, massage oil na gumagamit ng katutubong herbs sa Iligan—iilang halimbawa lamang ang mga ito ng malikhaing produktong gawa ng ating mga komunidad.

14 Samahan ng Sibuyas Para sa

Lahat ng mga pagsusumikap na ito ay lumilikha ng trabaho, nagbibigay ng kita at nagpapalago ng ekonomiya sa kabukiran. Hindi pa kuntento sa mga pakinabang na ito, patuloy ang community enterprises sa pag-ambag sa iba’t ibang social projects gaya ng pagtatayo ng botika sa barangay at pagsuporta sa mga eskwelahan kagaya ng pagpagawa ng bagong gusali at pagbibigay ng mga libro. Tingnan mo ang iyong kapaligiran— mayroon bang posibleng community enterprise na pwede ninyong simulan?

Editor Jesila M. Ledesma

Manunulat

Bianca Garcia

Bayanihan Kayang-kayang Gawin!

Tagapagdisenyo

8 Pantay-pantay na Paghabi

Accounting & Circulation

Mula sa Hibla ng Prutas

Eric Galura Grace L. Ruste

Malasang Hamburger 18 My Kwentong Negosyo: Kwentuha’y Nagsimula Na!

21 Lipad, Super-Suman, Lipad! Kapartner sa Negosyo 12 Jeremiah 29:11 International

Katuwang ng Pinoy sa Singapore 21 Seedfinance at PaglaumMPC Micro No More

Kaalaman sa Negosyo 4 Community Enterprise..

Ano ‘Yun? 5 Ang Isang Huwarang Lider 9 Fair Trade Corner: All is Fair sa MAHAPA 10 4 Recipe ng Adobo Tikman Na!

Ritratong kuha ni Bobby Eleazar www.blackandsilverphoto.com

16 Itago!

Umbok Dito, Umbok Doon

22 Aray, Likod Ko!

23 1-3-5 sa Microinsurance Balitang Entrep 19 BDS Conference ng PinoyME 20 Pabahay Program ng ASHI Para sa Home Along ‘d Riles

“Napakaligaya at kahanga-hanga sa ating pangmasid, Ang nagkakaisa’t laging sama-sama na magkakapatid! …Sa lugar na ito, nangako si Yahweh, itong Panginoon Ang pangakong buhay na mananatili sa habang panahon.” -Awit 133:1,3

Mabibili ang KN sa Singapore sa: Jeremiah 29:11 International Pte Ltd. #6A Nutmeg Road, Nutmeg Court Singapore 228337



Community Enterprise... Ano ‘Yun?

T

unay na masayang makakita ng isang komunidad na puno ng aksyon na kung saan ang mga residente ay may malasakit sa kalidad ng buhay sa kanilang lugar.

Sa larangan ng negosyo, mayroon ding mga pagsusumikap na tinatawag na ‘community enterprises’. Ang community enterprise ay isang malawak na terminolohiyang ginagamit para ilarawan ang isang klase ng pagnenegosyo na ang nagmamay-ari ay grupo ng mga tao at ang pinaka-adhikain nito ay kumita ng pera at gamitin ang mga lokal na materyales para ma-iangat ang kalayagan ng mga nakatira sa komunidad. Habang ang tradisyonal na negosyo ay naghahangad na mapakinabangan ng may-ari at shareholders ang kita, ang community enterprise ay naglalayon na makapaghatid ng panlipunang kabutihan. Kusang nagsasama-sama para makapagbigay ng kinakailangang serbisyo at oportunidad sa komunidad, pinupunan ng community enterprises ang mga pagkukulang ng pribadong sektor at mga ahensiya ng gobyerno. Ang iba’t ibang community enterprises ay may iba’t ibang layon, ayon sa pangangailangan ng komunidad. Mga Layunin • Makamit ang panlipunan, kultural at pangkabuhayang layunin sa pamamagitan ng pakikipag-kalakalan. Halimbawa na lamang nito ay ang pagbebenta ng mga produktong yari sa abaca fiber para sa mga rehiyong mayaman sa abaca upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao. • Gumawa ng oportunidad para makibahagi ang komunidad sa pag-unlad. Isang halimbawa nito ay ang isang community enterprise sa Rizal na gumagawa ng mga produktong yari sa pinatuyong dahon ng water lily para mabawasan ang pagbabara sa ilog na siyang nakapamiminsala dito. • Ibalik ang kita sa enterprise o komunidad. Mula sa kita ng community enterprises, marami nang komunidad ang nagkaroon ng botika sa barangay at maraming pang iba’t ibang projects. • Makapagbigay ng trabaho at mapalakas ang kakayanan ng komunidad. Isang community enterprise sa Benguet ay hindi lang nag-aani ng mga coffee beans, sila na rin mismo ang gumagawa at nagbebenta ng instant coffee drink para maraming mabigyan ng trabaho at mas malaki ang kita na makukuha ng komunidad. • Makapagbigay ng kinakailangang produkto at serbisyo na hindi available sa merkado. Isang halimbawa na lamang ay ang isang community enterprise na naglalayong makapagpatayo ng bahay para sa mga may kapansanan. • Magbigay lakas sa mga indibidwal at komunidad na pamahalaan ang pagbabago sa kanilang lugar. Isang 4 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

community leader sa Laguna ang nagkaroon ng pagkakataong mapagbuti ang kaniyang kakayahan sa pamumuno nang siya ay gawing manager ng kanilang naitatag na community enterprise. Mga Prinsipyo Para masiguro ang magandang samahan ng mga miyembro, isang listahan ng cooperative principles ang ipinalabas ng Cooperative Development Authority (CDA). Ayon sa CDA, lahat ng kooperatiba kagaya ng community enterprise ay kinakailangang sumunod sa mga prinsipyong ito: Bukas at Voluntary ang Membership – ang pagiging miyembro ay bukas sa lahat ng indibidwal, anu pa man ang kanilang paniniwala o background sa pulitika, lahi o relihiyon. Demokratiko – ang community enterprise ay demokratikong organisasyon. Ang mga taong nahalal o nahirang sa posisyon ay ayon sa napagkasunduan ng lahat ng miyembro. Pondo at Kontribusyon ng Miyembro – pantay-pantay ang kontribusyon ng mga miyembro at sila rin ang nagko-kontrol sa kapital ng community enterprise. Karaniwan ay isang parte ng kapital na ito ang nagiging common property ng enterprise. Ang anumang sobra ay napupunta naman sa pagpapaunlad ng enterprise, at ibinabalik sa enterprise bilang pondo para sa mga transaksyon at aktibidades nito. Malaya at Nagsasarili – ang community enterprise ay nagsasarili at self-sufficient na kino-kontrol ng mga miyembro. Ang lahat ng pakikipagkasundo sa ibang organisasyon (kasama na ang gobyerno) o pagkuha ng kapital mula sa external sources ay kontrolado ng mga miyembro; gayunpaman, sila ay mananatiling independent. Edukasyon, Training at Impormasyon – nagbibigay ng kinakailangang edukasyon at karagdagang training ang enterprise para Sundan sa Pahina 13


Maging Isang

Huwarang Lider Ni Henrylito D. Tacio

M

aaaring mayari o mawasak ang kumpanya o organisasyon dahil sa isang lider. Paano nga ba malalaman ng mga miyembro kung mayroon silang magaling na lider? Ikinuwento ni Leonard Ravenhill sa The Last Days Newsletter ang istorya tungkol sa grupo ng mga turistang bumisita sa isang barangay. Habang naglalakad sila, nadaanan nila ang isang matandang lalaki. Tanong ng isang turista, “May mga dakilang lider bang nagmula sa barangay na ito?” Sumagot ang matanda, “Wala, mga sanggol lang.” Sa madaling sabi, ang pamumuno ay nadedebelop, hindi nadidiskubre. Laging may lilitaw na “born leader”, pero para magamit ang potensyal na ito, kailangang madebelop ang mga natural na katangian ng pamumuno. Ano nga ba ang mga katangiang kailangang madebelop ng isang lider? Una sa lahat, dapat siya ay marangal. “Character is what you do in the dark (Ang pagiging marangal ay naipapamalas ng mga bagay na ginagawa mo kahit walang nakakakita),” puna ni D.L. Moody. Ika nga ni Robert A. Cook, “mabibili ang talino, pero hindi ang dangal.”

ay may disiplina ka dahil sa iyong sariling kagustuhan.” Maaaring may talento ka nga, mayaman at sikat, ngunit kung walang disiplina, bale wala ang mga ‘yan. Sabi nga ni H. Jackson Brown Jr., “Ang talento na walang disiplina ay katulad ng isang pugita na nag-roller skates; maraming galaw, pero hindi mo alam kung saang direksyon patungo.” Kailangan din na mayroong abilidad ang isang lider na makaimpluwensya ng iba. Kilala si John D. Rockefeller hindi lang dahil sa kaniyang tagumpay sa negosyo, kundi pati na rin sa kanyang kakayahang mang-udyok sa kaniyang tao. Mayroon siyang tunay na pagpapahalaga sa iba at handang tumanggap ng pagkatalo.

Ang talento na walang disiplina ay katulad ng isang pugita na nag-roller skates; maraming galaw, pero hindi mo alam kung saang direksyon patungo.

Integridad ang ikalawang katangian na meron dapat sa isang lider. Kung ang sinasabi at ginagawa mo ay magkapareho, masasabing may angkin kang integridad. Kung hindi ka mapagkakatiwalaang magsabi ng totoo sa maliliit na bagay, lalong hindi ka mapagkatiwalaan pag dating sa mga importanteng bagay,” ayon kay Albert Einstein Walang nagtatamo at nakakapagpatuloy ng tagumpay nang walang disiplina,” ayon kay Dr. John C. Maxwell. Tumutukoy din ito sa pagiging lider. Ika nga ni Bertrand Russell, “ ang pagkakaroon ng disiplina ay hindi lamang dahil ipinilit ito ng awtoridad o ng lipunan sa iyo; bagkus

Ang magaling na lider ay magaling mang-udyok ng iba, at hindi nagmamanipula. Sa kanyang librong Something to Smile About, nagbigay si Zig Ziglar ng pagkukumpara sa dalawang salita: “Motivation occurs when you persuade others to take an action in their own best interests. Manipulation is persuading others to take an action that is primarily for your benefit.” Dagdag pa ni Ziglar, “ ang mga halimbawa nito ay pagbebenta ng hindi magandang produkto sa mataas na halaga o pagtatrabaho ng tao mo para sa’yo ng overtime na walang dagdag na bayad.” Handa ka na bang maging lider? Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 5


Sa KATAKUS Kayang-kaya! Ni Bianca Garcia

Negosyong Nagmula sa Bayanihan

Nabuo ang Kababayen-an Alang sa Teknolohiya nga Haum sa Kinaiyahan ug Kauswagan (KATAKUS), Inc. noong 1994 mula sa inisyatibo ng 20 kababaihan. Naglalayong matulungan ang kabuhayan ng komunidad at produksyon ng pagkain na may pagpapahalaga sa kalikasan, nagsimula ang KATAKUS na gumawa ng papel mula sa mga materyales na sagana sa kanilang lugar, gaya ng kugon at balat ng saging. Sa tulong ng mga mister ng kababaihan sa komunidad, sila ay nakapagpatayo ng pagawaan. “Noong una, nagbayanihan ang community para gumawa ng make-shift na building kung saan mag-pa-process ang mga nanay. Wala kasi kaming lugar, kaya nagtulungan kami-kami, nag-contribute ng mga materials, mga bamboo, kahoy, anahaw, at mga kailangan para mabuo yung building,” bahagi ni Betty More, Executive Director ng KATAKUS, Inc. 6 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

Ang lugar para sa kanilang unang building ay hiniram lang nila sa isang miyembro ng KATAKUS. Naging mapangsuporta ang komunidad at nag-donate pa ng pagkain para sa mga gumagawa ng building. “Yung unang building namin ay 40 square meters lang, pero mataas ang ceiling niya para mas mahangin, at para mamaximize namin yung ceiling for air-drying ng mga papel, kaya high ceiling talaga. Pati babae, nagpala ng mga semento! Ricefield kasi iyon eh, kaya kailangan naming i-fill. Sabi nga namin, ‘Women power! Kung kaya ng lalaki, kaya din ng mga babae!’,” gunita ni Betty. Mapagkumbabang Simula Sa pamamagitan ng networking,

nabunggo nila ang DEVLINK, isang non-governmental organization na gumagawa rin ng handmade paper, na gusto namang ibahagi ang kanilang kaalaman at teknolohiya sa mahihirap na kababaihan na miyembro ng Kababayen-an sa Katipunan Alang sa Kalamboan (KKK) ng Barangay Katipunan, Panabo City sa Davao. “Nakipag-partner kami sa DOST (Department of Science and Technology) noon para makapagsimula, at ang binigay ng DEVLINK sa bawat nanay ay Php 5, 000 na loan bilang panimulang kapital,” kwento ni Betty. Gumawa ang kababaihan ng handmade paper na may iba’t ibang texture at kulay mula sa natural na fiber ng saging, abaca, pinya, durian at cogon grass. Mula sa mga raw materials na ito, nakakagawa rin sila ng cards, albums, lampshades, boxes, posters, conference envelopes/ folders, certificate holders, gift bags, pamaypay at iba pang novelty at gift items. At ang mga items na ito ay nakakarating na rin sa iba’t ibang panig ng bansa, maging sa US, Netherlands at Japan. Pangkabuuang Pamamahala Naging mahirap ang pagsisimula para sa KATAKUS, Inc. Ang unang pagsubok na kinaharap ng KATAKUS ay ang pagpapanatili ng consistency ng mga produkto in terms of production. “Dahil nga mano-mano ang gawa namin,


nahirapan kaming i-maintain ang pare-parehong kulay at quality ng mga papel,” bahagi ni Betty. Kaya naman nag-debelop sila ng mga panuntunan para sa quality control. Naging strikto sila sa pagpapatupad ng eksaktong sukat at bilang para sa bawat material, at nagsagawa ng critical analysis para sa kanilang mga produkto. “Sinabi namin na kapag hindi consistent ang products, mawawala ang mga buyers kasi iba-iba ng color at texture. Dapat pareho. Pinaintindi namin sa kanila at sila din naman ang magbe-benefit. Tsaka criticizing din, na dapat hindi sila masasaktan kasi para sa kanila yun, at dapat open tayo sa critic, kasi para ang negosyo natin ay lalago talaga,” dagdag ni Betty. “Nag-recycle kami ng mga gamit, kahit yung maliliit na putol ng papel, hinahanapan namin ng gamit. Nag-reduce din kami sa paggamit ng mga appliances, kung hangga’t maaari mag-rely sa sun, ginawa namin,” buong pagmamalaking salaysay ni Betty. Para din mapagbigyan ang pangangailangan ng mga manufacturers at kustomer ng lumalaking negosyo, kinailangan nilang magdagdag ng kapital at manpower. “Naghanap kami ng funding mula sa foreign aid agencies. Nakabili na kami ng dagdag na makinarya mula sa tulong nila,” bahagi ni Betty. Kapit-bisig na Partnership Gaya rin ng maraming negosyo, naging challenge sa KATAKUS ang pagpasok sa merkado. Ngunit sa pamamagitan ng hardwork at pasensya, nagawa nila ito ng untiunti. Nagsimula silang magbenta

sa kanilang mga kaibigan at iba pang NGOs. Di nagtagal, nakasali rin sila sa mga trade fair at mas lalong naipakilala ang kanilang mga produkto sa mas malawak na merkado. Ito na ang naging simula ng lumalago nilang negosyo. Kaya naman sa ngayon, ang KATAKUS ay nakakapag-empleyo na ng 31 kababaihan. Di nagtagal, inimbita sila ng Department of Trade and Industry (DTI) sa marami pang exhibits at trade fairs. “Very supportive naman ang government in terms sa mga training. Pero mas more sa product development,” bahagi ni Betty. Hindi lamang sila suportado ng kanilang komunidad; suportado narin sila ng kanilang Local Government Unit (LGU) at mayor. “When we transferred sa new building namin last 2006, pinakiusapan namin ang aming mayor na pakabitan kami ng temporary na kuryente. Agad-agad, pinagawa niya iyon sa mga city engineers,” gunita ni Betty. Nakakuha rin sila ng suporta mula sa Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng technical assistance at iba’t ibang papermaking technology; Fiber Industry Development Authority (FIDA) sa pamamagitan ng trainings sa pagpapabuti ng kanilang papermaking skills; at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagbibigay sa kanila ng kagamitan gaya ng blender. Sa pamamagitan ng mga network ng NGOs na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga produkto, mas maraming oportunidad ang nabuksan para

sa KATAKUS. Dumarami ang manufacturer na tumatangkilik sa kanilang produkto sa pamamagitan lang ng word of mouth. Bunga ng Pagtutulungan Dahil sa kanilang hard work, pasensya at suporta ng iba, nagbunga rin ang kanilang pagod at hirap. Naipamalas naman ang kanilang hard work sa iba’t ibang recognition na natanggap nila mula sa iba’t ibang organisasyon: • Most Outstanding Micro, Small and Medium Enterprises. Davao City Small and Medium Enterprises Development (SMED) Council, 2006 at 2008. • 1st Place Regional Level at 3rd Place National Level - Best Practice in Community-Based Training and Enterprise Development Implementation. TESDA, December 13-14, 1999. • Nominee - Making a Difference for Women Award. Soroptimist International-Davao, 2006. Sa ngayon, patuloy na ipinapakalat ng KATAKUS ang mga benepisyong makukuha natin sa pagtutulong-tulong at sa kalikasan. “Ang daming raw materials sa Pilipinas. Kailangan lang natin ng creativity at innovativeness para maka-develop ng mga new products na magiging globally competitive,” ang huling mensahe ni Betty. Contact details: Betty More, Executive Director KATAKUS, Inc. Door 6 Vera Cruz Apartment corner Jade and Turquoise Sts. Marfori 2 Subd., Davao City, (+6382) 221-8157 katakus@gmail.com Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 7


Manghahabi ng Hablon sa Oton

Muling Pagbangon ng Local Weaving Industry

N

oon ay nag-aagawan ang mga kababaihan ng Barangay Salngan, Oton, Iloilo sa tricycle na patungo sa bagsakan ng gulay sa bayan. Mabilis silang umaalis ng barangay ng madaling-araw para mauna sa pinakasariwang gulay na kanilang ilalako sa bahay-bahay at bara-baranggay sa buong araw. Pagod at may kaunting kita sa kanilang bulsa, bawat isa ay umuuwi sa kanilang barangay ng dapit hapon, nananabik na makapagpahinga para makabuo ng lakas na kakailangan sa kaparehong trabaho kinabukasan. Noon iyon. Sa ngayon, ang mga 25 na aktibong kababaihang ito ay nagmamalaki at masasayang miyembro ng Salngan Multi Purpose Cooperative (SLMPC) na ngayon. Nagmula ang kanilang pride sa kanilang papel sa pagpapatuloy ng weaving industry sa kanilang barangay sa pamamagitan ng paghahabi ng makukulay at magagandang hablon cloth. Kaligayan naman ang resulta ng oportunidad nilang kumita, na hindi na kinakailangan pang umalis sa bahay o sa barangay –hindi malayo sa kanilang mga anak na ngangailangan ng patnubay.

8 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

Binuo ng kababaihan ng Salangan ang SLMPC na sinuportahan ng TSKI (Taytay sa Kauswagan, Inc.) at lokal na pamahalaan ng Salngan, Oton. “Sinuportahan namin ang proyekto because Salngan is a very poor community, a ‘dead-end’ area. Hindi lang ito figure of speech dahil ang nag-iisang daan patungong Salngan ends right at the barangay center,” dagdag ni Oton Mayor, Vicente Flores. Wala ng iba pang daang lalagpas sa Salngan.

“Hindi ko akalain na may magagawa pala akong mabuti sa komunidad, kahit grade 2 lang ang natapos ko,” Pagdami ng mga imported at murang tela na binebenta sa local market ang naging sanhi ng muntik na pagkawala ng local weaving industry. Ang muling pagbangon nito ay naging posible dahil sa grupo ng masusugid na kababaihan na nangarap ng mas magandang buhay para sa kanilang mga anak. Gamit ang 4 handlooms na binigay ng kanilang lokal na pamahalaan, nakapag-pundar naman ang mga kababaihan ng 35 additional handlooms mula sa micro loans na kinuha nila sa TSKI. Bilang business

partner ng SLMPC, nagbibigay rin ang TSKI ng marketing at product development assistance. Isa sa kanilang stratehiya ay pag-promote ng hablon cloth bilang barong material para sa office uniforms. Mula sa kanilang partnership noong 2007, marami pang bagay gaya ng bags, pitaka, shawls, table runners at napkins ang na-debelop at ibinenta sa mga trade fair at sa TSKI shop sa Iloilo City. “Hindi ko akalain na may magagawa pala akong mabuti sa komunidad, kahit grade 2 lang ang natapos ko,” bahagi ng isang miyembro ng SLMPC. Siyanga, ang community enterprise sa Salngan ay hindi lamang nagdadala ng pagkain sa hapag-kainan at college education sa mga anak — nagdulot din ito ng dignidad at pagkakaisa sa kababaihan ng Salngan.

Contact details Virginia Toledo-Macaya SLMPC Chairperson Cell phone# 0910 3717197 Mylene Dilvao SLMPC Secretary Cell phone# 0928 4038776


FAIR TRADE CORNER

Sa MAHAPA

All is Fair Ni Bianca Garcia

Bagong Simula Pinakinabangan ni Salve Patriarcha ng Bicol ang kasaganahan ng abaca sa kanilang lugar bilang isang abaca manufacturer. Habang pauwi mula sa business trip sa Maynila noong 1994, kinausap niya ang katabi niya sa bus na isa palang empleyado ng Community Crafts Association of the Philippines (CCAP). Nagkataon naman na naghahanap ang CCAP ng supplier ng abaca products para sa export market. “Imagine, nagkasabay lang kami sa bus. Nagkataon lang na nag-usap kami, at yun na ang naging simula ng aming partnership,” dagdag ni Salve. Ngunit para mapasok ang merkado ng handicraft export, malaking volume ang kinakailangan na hindi matugunan ng maraming maliliit na negosyante kagaya ni Salve. Kaya naman hinikayat ng CCAP si Salve na isuko ang kaniyang kalayaan bilang individual entrepreneur para sa mas kapaki-pakinabang na cooperative set-up – kung saan huhubugin ang mga maggagawa at miyembro ng komunidad bilang producer group na may pantay-pantay na puhunan sa negosyo. Ang pagpayag ni Salve ay nagbunga sa pagkakatatag ng Mauraro Handicrafts Producers Association (MAHAPA). Naging daan ang bagong simulang ito para makagawa ang Guinobatan-based cooperative ng proudly-Philippine made na abaca products at makapag-export sa mga bansa na gaya ng Canada, England at iba pang bansa sa Europe. Nagsimula ang MAHAPA sa mga kapitbahay, kamaganak at kaibigan ni Salve – umabot ang bilang sa 58 na miyembro (28 na pamilya) na may 2 registered na miyembro para sa bawat pamilya. Karamihan ng kanilang miyembro ay umaasa sa handicraft bilang pangunahing hanapbuhay, kaya naman napadali ang pagbuo ng asosasyon.

Pag-apply ng Fair Trade Principles Si Salve ay tumatayong Adviser ng MAHAPA sa ngayon matapos maging presidente sa loob ng 8 taon. Dahil siya ang responsible sa pamamahala, buong pagmamalaki niyang ina-apply ang fair trade principles ng CCAP sa kanilang kooperatiba. Sa pagpe-presyo, sinisiguro ng MAHAPA na hindi lamang ito patas para sa mga mamimili kundi pati na rin sa mga manggagawa. Sinisiguro rin nila ang pantay-pantay na hatian ng incentive mula sa mga partners at pantay-pantay rin na hatian ng mga orders para sa mga miyembro. Bilang parte ng kanilang waste management, hindi pwedeng kalat-kalat ang dye na ginagamit nila sa kanilang mga produkto; tinatakpan nila ang mga ito ng maayos bago itapon para rin hindi magkasakit ang mga miyembro. Hindi lamang nagbibigay ang MAHAPA ng kabuhayan sa komunidad, aktibo rin sila sa kanilang partnership sa lokal na gobyerno. Sa pamamagitan ng kanilang social fund, nakapagbigay sila ng puhunan na P 10, 000 para simulan ang proyektong Botika Binhi sa pakikipagtulungan sa baranggay. Ginamit ang halagang ito para bumili ng mga gamot sa botika. Nakapag-donate din sila ng generator bilang tulong sa lokal na simbahan. “Patuloy naming itataguyod ang karapat-dapat na presyo ng mga products, fair na sweldo ng mga manggagawa, pagbibigay ng mapagkakakitaan sa komunidad at iba pang fair trade principles para maiangat namin ang kabuhayan ng aming lugar,” ang panawagan ni Salve sa mga kapwa niya producer. Contact details: Salve Patriarca Founder, Mauraro Handicrafts Producers Association 09089204643, Purok 4, Mauraro, Guinobatan, Albay Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 9


Iba’t-ibang Recipe ng

Adobo

Adobong Sitaw

¼ kilo baboy 1 kutsarang bawang 1 pirasong sibuyas 3 tali sitaw 1 kutsaritang pamintang durog ¼ tasa ng toyo 6 kutsara ng suka 1 ½ tasa ng tubig 1. Pakuluan ang baboy sa tubig hanggang mag-brown ang baboy. 2. Lagyan ng kaunting mantika at doon na rin igisa ang bawang at sibuyas. 3. Ilagay na ang sitaw at haluan ng tubig, suka at toyo.

Adobong Kangkong with Tokwa 1 kutsarang bawang 1 pirasong sibuyas 2 tali kangkong 4 kutsara ng toyo 2 kutsara ng suka 5 bar tokwa ¼ tasa ng oyster sauce 2 tasa ng tubig

1. Iprito ang tokwa hanggang mag-brown at salain sa isang malinis na lalagyan. 2. Igisa ang bawang at sibuyas. 3. Ilagay ang kangkong at timplahan ng toyo, suka, oyster sauce at tubig hanggang lumambot ng konti ang kangkong, at saka ilagay ang tokwa.

10 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

Adobong Baboy

1 kilo baboy, hiwain sa sukat na 2 inches ang haba at 1 ½ inches ang kapal 1 bumbon ng bawang, durugin 4 kutsaritang asin 1 kutsarita ng buong paminta 2 dahon ng laurel ½ tasa ng suka (native cane vinegar) 2 tasa ng tubig ½ tasang mantika 1. Ilagay ang baboy sa kasirola. 2. Idagdag ang suka, bawang, paminta, asin at dahon ng laurel. 3. Lutuing mabuti hanggang matuyo na ang suka. 4. Dagdagan ng tubig, takpan ang kasirola at hayaan hanggang lumambot ng husto ang baboy. 5. Hayaang tuluyang matuyo ang sabaw o sarsa. 6. Dagdagan ng mantika at prituhin hanggang sa maging tustado.


Litratong kuha ni Bobby Eleazar

Adobong Manok

1 kilo manok, hiwain 2 pirasong bawang, balatan 1 kutsarang Tentay special fish sauce (patis) ¼ tasang Tentay soy sauce ¼ tasang Tentay nipa sap vinegar ½ tasang tubig 3 kutsaritang mantika

4. Hiwain ang bawang. Igisa ang hiniwang bawang sa mantika hanggang maging golden brown ang kulay. 5. Idagdag ang manok hanggang sa maluto. 6. Ibuhos ang itinabing sarsa sa manok at hayaang kumulo sa loob ng 2-3 minuto. Haluin. 7. Ihain habang mainit pa. 8. (optional) Lagyan ng gata at chili pepper bago ang procedure #5.

Optional: ½ tasa ng gata 1 pirasong red chili pepper, hiwain 1. Ilagay sa kasirola ang manok, bawang, tubig, Tentay special fish sauce (patis), Tentay nipa sap vinegar at Tentay soy sauce. 2. Pakuluin. Hinaan ang apoy pagkakulo at hayaang kumulo pa sa loob ng 30 minuto o hanggang malambot na ang manok. 3. Tanggalin sa kasirola ang manok at bawang. Iwan sa kasirola ang sarsa at itabi.

Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 11


KAPARTNER SA NEGOSYO

Greener Pasture Sa Singapore?

Jeremiah 29:11 International

Katuwang ng mga OFW sa Singapore

Taong 1993 ng magsimulang manirahan si Pearl OrenaCatap, Managing Director ng Jeremiah 29:11 International , sa Singapore para makipagsapalaran, ng kuhanin siya at kanilang mga anak ng kaniyang asawa na nagtatrabaho doon. Sa ngayon, may humigit kumulang 250, 000 Pinoy sa Singapore gaya ni Pearl, kung saan may tinatayang 60/40 na ratio ng mga domestic helper sa professionals na gaya ng graphic artist, accountant, sales associates, managers, at IT personnel. Sa loob ng halos 16 taon ng paninirahan sa Singapore, nakita niya ang paghihirap ng mga OFW doon. “Nakikita ko sila lagi sa Lucky Plaza, lalo na kapag linggo, nakahilera, grupo-grupo, nagkukwentuhan, nagkakainan pero nakikita mo sa mga mukha nila na hindi talaga sila masaya,” bahagi ni Pearl. Kaya naman nilayon at pinangarap ni Pearl na maiangat ang buhay ng mga OFW sa Singapore, lalo na ng mga kababaihan na nagtatrabaho bilang domestic helpers.

Partnership sa Bagong Simula

Bilang isang babaeng malapit sa Diyos at aktibo sa simbahan, nagsimula siyang magbigay ng mga payo at nag-counsel sa mga OFW. Isang araw sa kaniyang pagdarasal, nagkaroon siya ng vision ng mga bahay na madidilim at walang ilaw at mga babaeng umiiyak. Doon niya napagtanto na tinatawag siya para gumawa ng higit pang mga bagay para tulungan ang kapwa niya Pinoy. At dito na nabuo ang Jeremiah 29:11 International nuong taong 2000. Ayon na rin sa verse na ito sa Bibliya, ang Jeremiah ay itinuturing ni Pearl na God’s plan para sa atin “ to prosper and not to harm, to give us hope and a bright future.” I-tinarget ni Pearl ang mga kababaihan, dahil mas maraming OFW doon ay babae. Naniniwala si Pearl na malaki ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pamilya. Kaya naman inisa-isa niya ang pangangailangan ng mga ito – savings para sa kinabukasan at pagtanda, edukasyon para sa mga anak, bahay at lupa, kabuhayan ng mga pamilya ng OFW sa Pilipinas, at dagdag kaalaman sa ibat-ibang skills para mapadali at mapabilis ang pag-uwi ng mga babaeng OFW sa piling ng kanilang mga pamilya.

Isang araw sa kaniyang pagdarasal, nagkaroon siya ng vision para gumawa ng higit pang mga bagay na makakatulong sa kapwa niya Pinoy. At dito na nabuo ang Jeremiah 29:11 International. Ayon na rin sa verse na ito sa Bibliya, ang Jeremiah ay itinuturing ni Pearl na God’s plan to prosperity and hope.

Unang nakipag-partner si Pearl sa Punlad Buhay Multipurpose Cooperative (PBMC) na ni-refer sa kaniya ng isang pastor na kaibigan. Ang PBMC, sa pangunguna ni Pastor Art Medina, ay isang kooperatiba sa Quezon City na nagbibigay ng kabuhayan at access para sa maliit na kapital na pang-negosyo sa mga pastor, church leaders at indibidwal sa pamamagitan ng savings at microloan programs, at pakipag-partner sa TESDA. Tinala si Pearl na maging Project at Satellite Officer ng PBMC sa Singapore. “Sa pamamagitan nito, na-eencourage ang mga OFW para mag-ipon at paghandaan ang kanilang pinansyal na pangangailangan sa kanilang mga plano. Kung magkano ang savings ng OFW, dodoblehin ng PBMC ang halaga na pwedeng niyang mahiram. Sa maliit na interes at flexible terms, malaking tulong ito sa kanila,” ayon kay Pearl. Nakipag-ugnay din si Pearl DPB – Remittance Center sa Singapore para sa ikakaayos ng remittance ng mga OFWs sa

12 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009


pamamagitan ng serbisyo ng DBP Ganun din para ibahagi sa mga OFWs ang mga produkto ng DPB para sa kanilang ikauunlad. Sunod niyang nilapitan ang iLearn Training Center, isang education at training program na ine-endorso ni Vice Mayor Herbert Bautista ng Quezon City. Iba’t ibang short courses ang naging available para sa mga Pinoy sa Singapore gaya ng patok na caregiving course, call center training, comprehensive basic computer, at iba pa. Sa Vazbuilt na isang contractor at manufacturer ng materyales sa paggawa ng bahay, pwedeng mag-impok para sa pagtatayo ng bahay. Ang gagawin na lamang ng OFW ay hulugan ang mga materyales at kapag nahulugan na ang 50% ng pondo ng materyales, maaari ng simulang itayo ang bahay, kahit saan man sa Pilipinas sa tulong ng bangko. “May magandang psychological effect ang makita mong nakatayong bahay mula sa katas ng trabaho at pinaghirapan mo sa ibang bansa. Maaappreciate pa ng pamilya nila,” bahagi ni Pearl. Nabigyan din si Pearl ng pagkakataon na ibahagi ang Eternal Plans Phils sa mga kababayan na may gustong mag-ipon at kasabay nito ay may proteksyon habang nagtatrabaho sa Singapore. “Hindi natin alam ang susunod na mangyayari, iba na ang naghahanda para sa sarili at pamilya,” ani ni Pearl. Nikapagtuwang din si Pearl sa Singapinoy na pinamumunuan ni Kuya Spud at ni Melvin ng Masterworks. Mayroon silang sports fest, entertainment, weekend specials at soncert. Marami pang serbisyo ang pinaplano niya tulad ng pakipag-ugnay sa franchising sector para habang kumikita pa ang OFWs ay pwede ng magsimulang magnegosyo sa Pilipinas ang naiwan nilang pamilya.

Ibibigay Lahat ng Pangangailangan

Ang lahat ng serbisyong ito ay magagamit na ngayon ng may humigit-kumulang 500 miyembro ng Jeremiah International. Para maging miyembro, magbabayad lamang ng 20 Singaporean dollars (P600). Sa karagdagang 10 Singaporean dollars, may micro insurance pang makukuha ang mga miyembro mula sa Grepalife. Ang Jeremiah ay nagsilbing pangalawang bahay para sa mga OFW sa Singapore. Sa tulong ng mga team leaders ni Pearl, unti-unti ng nakikilala ang Jeremiah sa buong Singapore sa pamamagitan ng kanilang referrals. Naniniwala si Pearl na ang Jeremiah ay isang ministry ng pagtulong – Helping to Empower the Lives of Pinoys in Singapore (H.E.L.P.S). “Pinagsisikapan naming bigyan ang OFWs ng comprehensive menu of support— mamimili na lang sila ng kailangan nila. I call it the rainbow services of Jeremiah.” Pirmahan ng kontrata sa opisina ng Kwentong Negosyo. Sa pamamagitan ng Jeremiah, mababasa na ang Kwentong Negosyo ng OFWs sa Singapore.

Community Enterprise, mula sa Pahina 4 sa mga miyembro, nahalal na representative, managers at empleyado para sila ay malayang makapag-ambag ng tulong sa pag-unlad ng enterprise. Kooperasyon ng Komunidad – mas mapagsisilbihan ng enterprise at mas mapapagtitibay ang organisasyon kung lahat ng miyembro ay magtutulong-tulong at mag-aambag ng kanilang pagsusumikap. Pagmamalasakit sa Komunidad –ang mga ari-arian ay nilalaan para sa komunidad – lahat ng kita at naimpundar ng organisasyon ay pagmamay-ari ng community enterprise ay ginagamit para sa benepisyo ng mga miyembro at komunidad. Indibidwal man o grupo, lahat tayo ay maaaring maging tulay ng pagbabago kung gugustuhin natin. Ika nga, ang pagbabago ay magsisimula sa sarili natin at sa ating kagustuhan. Sa pamamagitan ng mga naipahayag dito, makikita natin ang mga benepisyo ng pagpasok sa community enterprise para makapagsulong ng pagbabago. Tandaan, sa pagpasok sa isang community enterprise, hindi mo na kailangang panghawakan ang lahat ng responsibilidad ng negosyo; kabahagi mo sa mga pagsubok ang lahat ng kasapi nito. Kung pagsasama-samahin lamang lahat ng mga talento at pagsusumikap, malaki ang pagbabagong magagawa mo sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Sanggunian: http://www.co-op.ac.uk/valuesandprinciples.htm http://www.anped.org/media/socialcommunityenterprise.pdf http://www.cda.gov.ph http://www.bsl.org.au/pdfs http://www.rurdev.usda.gov/RBS/pub/cir1sec3.pdf Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 13


GALING NG NEGOSYANTENG PINOY

Samahan ng Sibuyas Para sa Malasang Hamburger Ni Jade C. Lactao

Ang KAL-A-SAG Sa pamamagitan ng programang Bridging Farmers na sama-samang pinangunahan ng Jollibee Foundation, Catholic Relief Service (CRS), National Livelihood Development Corporation (NLDC), sa pakikipagtulungan ng City Cooperative at Sangay ng Agrikultura ng lokal na gobyerno ng San Jose City, Nueva Ecija ay nabuo ang KALASAG Farmers Producers Cooperative. Binubuo ito ng 30 miyembro mula sa 2 barangay- ang Kalinawagan At San Agustin (KAL-A-SAG). Nagsimula ang pag-organisa ng koperatiba noong Agosto 2006 kung saan nangailangan ang Jollibee Food Corp. ng de-kalidad na sibuyas na gagamitin bilang pangunahing sangkap sa kanilang produkto. Nais nila ang produktong simula sa binhi, pagtatanim at pag-aani ay alaga sa kalidad. Napili ang San Jose City dahil sibuyas ang pangunahing produkto dito. Mula sa 2 barangay ay pumili ng tig-15 magsasaka na may kahusayan sa pag-sisibuyas. Naghalal din sila ng mga mga opisyal na mangunguna sa grupo. Na-irehistro ang kooperatiba noong Oktubre 14, 2008. Dahil sa walang kaukulang pondo ang mga magsasaka na magtanim ng de-kalibreng sibuyas tulad ng highbreed Ramgo Seeds mula pa sa Japan ay ipinakilala ng NLDC ang kooperatiba sa Alalay Sa Kaunlaran (ASKI), Inc. upang matustusan ang pangangailangan nito sa pondo. Madali namang tumugon ang ASKI –San Jose City Branch, at noong Nobyembre 6, 2008 ay naipahiram ang kaukulang pondo sa kooperatiba na umabot sa Php 870,000 (Php 29,000 bawat magsasaka). Nagsimula na ang pagtatanim ng sibuyas sa 6 na ektaryang lupain (tig-3 ektarya ang 2 barangay). Suportado Tungo Sa Progreso “Naiiba ang KALASAG Onion Farmers/ Growers sa anumang kooperatiba na naitayo. Una na rito ay dahil sa suportado kami ng lokal na pamahalaan ng San Jose City sa pangunguna ni Mayora Belena. Wala kaming problema sa marketing, hindi masasayang ang ani namin dahil may kontrata kami sa Jollibee. Sinasabi nila kung ilang tonelada ng sibuyas ang kakailanganin nila at iyon lang ang aming itatanim. Ang CRS naman ang technical implementing facilitator at organizer namin at ang NLDC ang nagbigay

14 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

ng pondo through ASKI,” salaysay ni Wencelito Gomez, ang Manager ng kooperatiba. Bilang pagpapa-igting sa kasanayan ng kooperatiba ay dumaan sila sa iba’t ibang pagsasanay mula sa PHILRice at iba pang sangay ng lokal na gobyerno upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa kalidad na pagtatanim tulad ng Integrated Pest Management Training (IPM). Dumaan din sila sa Entrepreneurship at Financial Literacy Training na isinagawa ng ASKI at NLDC noong Marso 18, 2009. Nagsasagawa din ang kooperatiba ng buwanang meeting sa kanilang tanggapan sa San Agustin, San Jose City upang talakayin ang kalagayan ng kanilang pananim at kung mayroon mang problema ay mabigyan ng karampatang solusyon. Hamon “Hindi rin naging madali sa amin ang pagtatanim. Unang beses pa lamang namin bilang kooperatiba ang nakaraang pag-aani kung saan 90 toneladang sibuyas ang quota namin sa Jollibee. Kalaban namin ang pabago-bagong panahon. Ang sibuyas ay napakasensitibong pananim. Maulanan lamang ito ay matutunaw na at hindi na maaring pakinabangan, wala pa naman kaming sariling storage facility sa ngayon,” dagdag ni Wencelito. Sa ikalawang beses nilang pagtatanim ay binigyan sila ng Jollibee ng 270 toneladang quota (3 beses ang dami mula sa una nilang quota) ng sibuyas dahil sa mahusay na kalidad ng nauna nilang mga sibuyas. “Nagsusumikap ang kooperatiba na mapanatili ang kalidad ng sibuyas na inaasahan sa amin. Nakatutuwang isipin na hindi tulad ng dati, wala na kaming pag-aalinlangan kung saan maaring ibenta ang sibuyas namin lalo na tuwing sasapit ang panahong sabay-sabay ang pag-aani. Kung papalarin ay nagpaplano kami na sumabak din sa pagtatanim ng bell pepper,” salaysay ni Wencelito Sa hinaharap ay ninanais ng KALASAG Farmers Producers Cooperative na matustusan ang kabuuang pangangailangan ng Jollibee Food Corp. sa sibuyas.


GALING NG NEGOSYANTENG PINOY

Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 15

Photo courtesy of Jollibee Foundation

Unang beses pa lamang namin bilang kooperatiba ang nakaraang pag-aani kung saan 90 toneladang sibuyas ang quota namin sa Jollibee. Sa ikalawang beses naming pagtatanim ay binigyan na kami ng Jollibee ng 270 toneladang quota. Nagsusumikap kami na mapanatili ang kalidad ng sibuyas na inaasahan sa amin.


FASHION

Itago

Umbok Dito, Umbok Doon Ni Grace Perez

H

indi naman siguro ako nag-iisa sa pagkakaroon ng mga kurba sa maling parte ng katawan. At dahil ayaw kong sumailalim sa operasyon na bukod sa nakakatakot ay nakakabutas pa ng bulsa, nagsaliksik na lang ako ng alternatibong paraan para itago ang mga “depekto” sa katawan sa pamamagitan ng ating kasuotan. Kung tayo ay nakasakay sa iisang bangka, makakatulong ang mga sumusunod na “tips”: Para sa malulusog: • Magsuot ng mga damit na tama ang fit. Kapag masikip ang iyong kasuotan, maha-highlight nito ang mga umbok sa katawan. Kapag masyado namang maluwag ang iyong suot, lalo kang magmumukhang malapad sa paningin ng iba. • Pumili ng mga printed na kasuotan na malilit lamang ang mga disenyo. • Nakakapagpapayat ang pagsusuot ng itim o ibang dark colors na damit. Itinatago rin nito ang mga umbok sa ating katawan. • Magsuot ng belt na kakulay ng iyong damit para hindi ma-highlight ang gitnang bahagi ng iyong katawan. • Lumikha ng patayong imahe sa pamamagitan ng paggamit ng mahabang bandana (scarf), mga damit na may butones mula leeg hanggang laylayan at mga damit na may patayong guhit. • Ang magkaparehong kulay ng blusa at pang-ibaba ay nakakapagpatangkad. Para sa malaking balakang, tiyan o puson: • Magsuot ng dark colors na pang-ibaba (below the waistline) at light colors na blusa o pang-itaas • Magsuot ng A-line na palda na malambot ang materyal na may konting kulubot. • Huwag magsuot ng damit na may “patch 16 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

pockets” sa balakang. • Magsuot ng pantalon o palda na may pababang guhit. • Magsuot ng isang kulay lamang na palda, stockings at sapatos para magmukhang payat ka mula baywang pababa. • Kung malaki ang iyong tiyan, huwag magsuot ng masisikip na sinturon o mga damit ng may mahigpit na waistband dahil bubukol ang taba sa itaas at ibaba ng sinturon o waistband. • Kung malaki ang iyong puson, magsuot ng pantalon na ang zipper ay nasa gilid para maging “flat” ang harapang bahagi mo. Samut-saring tips: • Magsuot ng dark colors sa malaking bahagi ng iyong katawan. Kung malaki ang iyong balakang, hita o binti, magsuot ng darkcolored na palda o pantalon. • Magsuot ng mga pastel na kulay sa mga payat na bahagi ng iyong katawan. • Huwag magsuot ng may ruffles sa malalaking bahagi ng iyong katawan para hindi ito ma-highlight. Kung malalaki ang mga binti mo, huwag magpalda ng may ruffles sa hemline. Kung malaki naman ang iyong dibdib, huwag magsuot ng blouse na may ruffles. • Pumili ng materyal ng damit na hindi kakapit sa iyong katawan lalo na sa mga bahaging ayaw mong mapansin. • Magmumukhang payat at mahaba ang iyong binti kung magsusuot ka ng sling back

Tubby’s Collection Dress Design by Elizabeth Saddi

o backless na sapatos kaysa pumps (sapatos na buo). Magsuot ng sapatos o sandals na may takong para magmukhang matangkad. Huwag mabahala dahil sa mga umbok sa ating katawan. I-highlight natin ang ating mga assets at itago ang mga depekto gamit ang ating kasuotan. Ang angkop at maayos na pananamit ay nakakapagpataas ng imahe natin at ng tiwala sa ating sarili. At kung maganda ang pakiramdam natin sa ating sarili, mapapansin din ito ng ibang tao. Alalahanin na tayong mga negosyante ay humaharap sa maraming tao at mahalaga na makapagbigay tayo ng magandang impresyon una sa pamamagitan ng ating pananamit at pangkalahatang kaayusan para makumbinse natin ang ating mga kausap na kaya nating gampanan ang ating mga responsibilidad.


Kwentong Sophie Martin Sipag, tiyaga at dalawang daang piso. Ito lamang ang mga kailangan mo upang magtayo at umasenso sa negosyong Sophie Martin. Unang nakilala ang Sophie Paris International bilang isang Multi-Level Marketing Company noong taong 1992 sa Jakarta, Indonesia. Isang negosyanteng Pranses ang nagtaguyod ng kumpanyang ito na sikat na sikat na ngayon dahil sa mga de-kalidad nitong produkto na may magagandang disenyo tulad ng mga handbags, wallets, damit, relos at iba pa. Sa kasikatang natamo nito sa Indonesia, pinakilala ang Sophie Paris sa Pilipinas noong taong 2002. At sa ilang taon pa lang nito sa ating bansa, mahigit 80 na ang Business Centers nito at libu-libong myembro na ang nabigyan ng dagdag kita at magandang buhay. Marami sa miyembro ang nagsasabing di mo kailangang maging ekspertong negosyante para umasenso dito. Ang marami sa kanila ay natuto na lang sa katagalan dahil sa mga ibreng seminars na binibigay ng kumpanya at sa mga gabay at suporta din ng mga Sophie Martin staff at managers. De-kalidad at magaganda ang disenyo ng mga produkto ng Sophie Martin kaya hindi ito mahirap ibenta. Sa Sophie Martin, makakagawa ka ng simple at madaling sundan na Marketing Plan. Katulad din ng karamihang Multi-Level Marketing Companies, kailangan mong palaguin ang iyong network para mas lalong lumaki ang iyong kita. Ang bawat miyembro ay di lang sa benta kumikita kundi sa mga bawat recruit pa nila. Arawaraw, mayroon silang orientation para sa mga bagong miyembro nang sa ganuon, maipaliwanag ang mga benepisyo ng mga miyembro at paraan sa pagkita. Napakasimple lang maging myembro ng Sophie Martin! Kung ikaw ay may edad na 18 taon at pataas, pwede ka nang mag-sign up sa opisina ng Sophie Martin sa Mandaluyong City o sa mga Business Centers na malapit sa iyong lugar. Bumili ng Starter Kit sa halagang P200 na may kasama nang Sophie Bag, Catalogue, Manual, Mini Pouch na may samples ng Cosmetics, Sophie Button Pin, Membership Card at Form, at handa ka nang mag-negosyo.

Para sa mga interesadong bumili o maging dealer ng Sophie Martin products, maaari kayong bumisita sa kanilang Head Office sa Alcar bldg., 888 EDSA Mandaluyong City (near Teleperformance Building), tumawag sa mga numerong 634-3745, 637-4582 to 83, 636-6602 to 03, Fax: 636-6604 o bumisita sa kanilang website www.sophiemartin.com.

Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 17


Kwentuha’y Nagsimula Na Sa pagtatapos ng Part I ng ‘My Kwentong Negosyo’ campaign na inilunsad sa mga kliyente ng ASKI mula sa Cabanatuan (Nueva Ecija) at San Rafael (Bulacan) Branches, masaya kaming ipahayag na naging maganda ang partisipasyon ng KN readers. Maraming salamat sa 41 negosyante na nagpadala ng kanilang mga kwento. Marami sa mga kwentong ito ay tunay na nakakabilib, pero dahil sa kakulangan ng impormasyon na nagpababa sa kanilang puntos, may napili lamang kaming limang negosyanteng naparangalan. Sponsors: Isang simpleng awarding ceremony ang naganap sa Dr. Gemiliano Calling Training Hall, Alalay sa Kaunlaran (ASKI) Inc. Head Office noong June 22, 2009. Ang mga hurado - mula sa MEDIA, Inc. (publisher ng Kwentong Negoso) at ASKI – ay nagpasya ayon sa tatlong aspeto: Entrepreneurial Qualities (EQ)- 25 points, Business Quality (BQ)- 50 points at Impact Quality (IQ)- 25 points.

Congratulations sa winners:

ASKI Cabanatuan Branch

ASKI San Rafael Branch

Mrs. Emerlita Cruz 1st place, Most Inspiring Business Story Mrs. Florentina Sanglay 2nd place, Most Inspiring Business Story Mrs. Marites Punzal 3rd place, Most Inspiring Business Story

Mrs. Eleonor Gonzales Overall Winner, Most Inspiring Business Story Premyo: Php 2,500 worth of gift certificate from Villa Concepcion Wet & Wild Waves Resort

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Gift Certificate mula sa Microtel Inns & Suites Cabanatuan City, 1 Carica Gift pack at Green Leaf Eco Bags.

Mrs. Magnolia Maniquiz 2nd place, Most Inspiring Business Story Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Gift Certificate mula sa Microtel Inns & Suites, Cabanatuan City, 1 Carica Gift pack at Green Leaf Eco Bags.

Binigyan din ng recognition ang most participative ASKI branch at Project Officer na nag-promote ng kampanya sa mga kliyente ng ASKI.

ASKI Cabanatuan Branch

Branch with Most Number of Entries Premyo: Php 7,500 worth of Gift Certificate mula sa Villa Concepcion Wet & Wild Waves Resort Project Officers Who Submitted the Most Number of Entries Mr. Joel Dela Cruz Mr. Erwin Transfiguracion Ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng gift pack mula sa Carica at Green Leaf Eco Bags.

Abangan ang Part 2 ng ‘My Kwentong Negosyo’ campaign! I-email ang inyong mga kwento bago dumating ang 30 August 2009 sa jesi@kwentongnegosyo.com. Magagandang gift packs mula sa aming corporate sponsors ang naghihintay para sa mga mananalo.

18 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009


ENTREP NEWS

Narito ang patikim ng istorya ng mga nanalo. Abangan, sa susunod na isyu ng Kwentong Negosyo, ang buong kwento ng mga nanalo. Ako si Eleonor Gonzales, tubong Bulacan. Gumagawa kaming mag-asawa ng native bags; isang kaalamang nagmula pa sa aming mga ninuno. Taong 2000, lumuwas ako ng Maynila dahil gusto kong malaman ang lugar na bilihan ng mga gamit sa paggawa n g bag at kung saan kami magbebenta ng yaring bag. Noong panimula ay namili kami sa Divisoria at Marikina. Mahirap kasi walang sapat na pambili; kung anong meron ka iyon lang ang pagkakasyahin mo. Bukod sa paggawa at pagbenta, pinag-ukulan ko din ng panahon ang pagsali sa trade fairLikha ng Central Luzon, na ginanap sa isang mall. Hindi rin naging madali ang pag-eexhibit noon, nandoon inilagay ang booth namin sa likuran na ‘di masyadong mapapansin ng mga mamimili. Dito ko naranasang umiyak sa sama ng loob - tumulo na lang ang luha ko dahil awang-awa ako sa sarili ko. Pero sa kabila noon, hindi ako sumuko; ang motto ko, “Get up and go on.” Sa ngayon ay mayroon na kaming mga display na bags sa Mega Caltex Station sa San Simon, Pampanga at sa Wow Philippines. Hindi pa man lubos ang aming tagumpay, maligaya na rin kami dahil nararanasan na naming pamilya ang masaganang buhay. Mula naman sa Cabanatuan, nag-umpisa si Emerlita Cruz ng negosyo na natutunan pa niya mula sa ina – isang maliit na patahian. Siya na rin mismo ang matiyagang nagtatabas, naglalako at nagtitinda ng mga nayari niyang damit. Maayos na sana ang takbo ng negosyo, subalit dumating sa buhay niya ang isang hamon nagkasakit ang kaniyang anak, na nasabayan pa ng kawalan ng trabaho ng kaniyang mister. Unti-unting naubos ang kaniyang puhunan para matustusan ang kanilang pangangailangan. Ngunit hindi pa rin siya sumuko. Humiram siya ng maliit na puhunan at muling binuksan ang kaniyang patahian. Sa ngayon ay nakapagpapa-aral na si Emerlita ng dalawang anak at nakapagpundar ng isang tindahan at maliit na babuyan. Isang pangarap—ang masaganang buhay para sa kanyang pamilya, at handang pagsakripisyo ang nag-udyok kay Emerlita para harapin at malampasan ang lahat nga pagsubok ng buhay.

Pagtibayin Ang Kakayanan Ng Lumalagong Micro Entrepreneurs Pagdaos Ng Business Development Services Conference

I

sang Business Development Services (BDS) Conference ang ginanap noong nakaraang May 21-22, 2009 sa PHINMA Training Center sa Tagaytay City upang mabigyang-pansin ang mga hamong kinakaharap ng mga micro entrepreneurs para maiangat ang kanilang negosyo at maging Small and Medium Entrepreneurs (SME). Ito ay inorganisa ng PinoyME at Fundación CODESPA, sa pakikipagtulungan sa Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo (AECID). Lahat ng kalahok mula sa mga nangungunang Micro-Finance Institutions (MFI), akademya, NGOs, business sector, government sector, at donor groups (mapa-local o foreign), ay sabik na malaman kung ano nga ba ang bago ngayon sa larangan ng BDS. Sa dami nang naibahagi, isa sa mga pinaka-nakaka-engganyong business models na inilahad na nakakuha sa atensyon ng Kwentong Negosyo ay ang istorya ng Binalot at ang community partner nila na banana leaf suppliers mula sa Laguna. Ikinwento ni Rommel Juan, President ng Binalot Fiesta Foods, kung paano nakatulong ang community partnership para makakuha sila ng sapat at tuluy-tuloy na supply ng banana leaves para sa kanilang ready-to-go, healthy at likas na Pinoy na food business. Higit pa sa supplier relationship na nagbibigay ng pirmihang kita para sa komunidad, gumugol ng oras ang Binalot para organisahin ang komunidad, i-train sila - kung paano ang tamang pagputol at pagtupi ng dahon ng saging, paano pagsama-samahin ang mga dahon na hindi nasisira – at tinuruan sila ng sistema ng para makatanggap sila ng mas mataas na halaga para sa mga dahon ng saging. Sinamantala naman ng participants ang session breaks para makipag-network sa isa’t isa at pag-usapan ang posibleng partnerships sa hinaharap. Hawak ang mga tasang may kapeng barako, maraming kwentuhan ang naganap na puno ng pag-asang maiangat ang kalagayan ng micro entrepreneurs.

Nagtayo din ng maliit na trade exhibit para i-showcase at magbenta ng mga produkto sa mga nais bumili o eager buyers.

Si Miss Ma. Esther O. Santos, Philippine delegate ng Fundación CODESPA, sa kaniyang opening remarks: “It is one of our goals to contribute to poverty alleviation in the Philippines by helping growth-oriented microenterprises reach the mainstream of economic activity by becoming small or medium-sized firms.”

Si Prof. Ron Chua, Curriculum Development DirectorMicrofinance Management Institute ang nagsilbing tagapamagitan sa mga sesyon. Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 19


ENTREP NEWS

Lipad,Super-Suman,Lipad Isang Totoong Kwento Ng Pagsisikhay At Pagtatagumpay

H

alos hindi mapansin si Ginang Dionesia Dela Peña sa umpukan ng mga maliliit na negosyante, taonggobyierno, at mga miyembro at empleyado ng kooperatiba, sa dinaluhan niyang paglulunsad ng SME MicroPlus, isang programang pagpapautang ng Paglaum Multi Purpose Cooperative at ng SEEDFINANCE Corporation. Tahimik at mahiyain, sino ang mag-aakala na siya ang nagmamay-ari ng isang umuunlad na negosyo na sikat hindi lamang sa mga taga-Oroquieta sa Misamis Occidental kundi gayun din sa mga balikbayan at mga turista mula sa Amerika, Japan, Hongkong at iba pang mga bansa? Nang magsimula lamang siyang magtanong ay saka mo mahihinuha ang diskarte sa negosyong nagtatago sa likod ng nanay na ito.

Paglaum MPC: Advancing the Mandate, Reaching the World!

Taong 2008, naabot ng Paglaum Multi Purpose Cooperative (PMPC) ang bilang na 25,833 cooperators-members. Ang mga miyembrong ito ng koop ay nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Hilagang-Kanlurang Mindanao. Habang pinapalawak ng Paglaum ang mga lugar na nasasakupan ng kaniyang mga microfinance at iba pang socially-responsible na mga programs, patuloy din namang dumarami ang nabibiyayaang mga pamilya na naging masikap at matagumpay. Hindi doon sa sulok na iyon ng Mindanao natatapos ang kuwento. Ang taong 2008 din ang simula ng pag-tanaw at pagabot ng Paglaum (na siyang bernakular sa salitang Pag-asa) sa mundo sa labas ng Pilipinas. Liban sa mga partners ng Paglaum sa bansa, kabilang na dito ang SEEDFINANCE Corporation, nakipag-tambalan din ang Paglaum sa Kiva at OikoCredit, dalawang international organizations sa microfinance. Sa pamamagitan ng mga bagong tambalang ito, lalong nag-ibayo ang pagtulong at pagpapaunlad ng Paglaum sa kaniyang mga miyembro. 20 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

Hindi naging madali ang lahat dahil kinailangang balansehin ni Aling Dionesia ang pagiging isang ina at isang negosyante; at hindi biro-biro’ng balancing ang ginawa niya. Dahil kailangan ng pamuno sa kinikita ng pamilya, inumpisahan niya sa kaniyang kusina ang paggawa ng suman, pasingit-singit sa kaniyang paglalaba, pagluluto, pamamalantsa, at pag-aalaga sa kaniyang pamilya. Tulad ng ibang lugar na puntahin ng mga turista, nagkalat ang mga pasalubong sa Oroquieta, pero iba ang suman ni Aling Dionesia. Sabi nga ng mga taga-Oroquieta at ilang turista na nakatikim na nito, grabe daw at ilalaban mo talaga ng patayan ang ganoon kasarap na suman! Sa tulong ng puhunan na inutang niya mula sa microfinance program ng Paglaum MPC, hindi lamang naidaos ni Aling Dionesia ang kanyang pamilya; nai-involve pa niya ang kaniyang pamilya sa negosyo. Noong mag-asawa ang anak niyang si John Paul, itinuro ni Aling Dionesia sa manugang niyang si Lyn ang mga sikreto ng negosyo. At dahil may “k” din namang mag-negosyo ito’ng si Lyn, parang isdang nasa tubig ‘ika nga, pinag-ibayo ni Lyn ang pag-sasa-puso ng negosyong itinuro ng kaniyang biyenan. Dumalo siya sa mga workshops at seminar sa business development at ini-apply iyon sa kanilang negosyo. Teamwork ng biyenan at manugang, naging masigasig sila na maingat ang negosyo. Sa ipinamalas nilang disiplina, lumaki nang lumaki at lumawak pa ang kanilang credit line sa PaglaumMPC. Mula sa unang utang ng 3 libo, nasa ika-14 na cycle na si Lyn ng pag-utang, mayroong balanseng katorse mil, at nakakuha pa ng utang para bumili ng isang delivery van. Sosyal na suman! Kung dati ay 300 piraso ang naibebenta arawaraw, minsang maubos, minsang hindi, ngayon ay regular na isang libo ang production at sale araw-araw. Dati-rati hindi alam kung maibebenta ang ginawang suman, ngayon may mga regular Sundan sa Pahina 21

Micro No More!

Ang SEEDFINANCE Corporation ay isang network ng mga kooperatiba, rural bank, at NGO na nagpapalaganap ng microfinance sa 12 rehiyon, 32 lalawigan, at mahigit 140 mga bayan at lungsod sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Dating programa ng CARE Philippines noong dekada 90, at na-spinoff sa SEAD-NGO noong 2002, ang SEEDFINANCE ay nagpapautang ng puhunan sa mga microfinance institutions, kasabay ng pagbibigay ng capacity-building at training interventions. Naniniwala ang SEEDFINANCE na ang microfinance ay isang tulay kung saan sa pamamagitan ng isang growth perspective ay lalaki at uunlad ang maliliit upang maging makabuluhang players sa pagpapa-unlad ng mga lokal na ekonomiya. Sa kasalukuyan, sa tulong ng kaniyang partners, ang SEEDFINANCE ay naka-reach-out na sa humigitkumulang kalahating milyong (500,000) mga kliyente ng microfinance. Ang SEEDFINANCE headquarters ay nasa Suite 49 PARC House Building, 227 EDSA,Greenhills, with telefax numbers 632-7264258. www.seedfinance.net • www.micronomore.com


‘Home Along the Riles’ No more

Pabahay na Ligtas at Secured

A

ng Ahon Sa Hirap (ASHI) Inc. ay isang microfinance institution (MFI) na nagpapahiram ng pera para sa 17,000 maliliit na negosyante. Higit pa sa pagiging MFI, sinuong rin nila ang hamon ng pagiging isang socially-responsible na institusyon na nagbibigay pansin sa lahat ng aspeto – panlipunan, kultural, atbp. - na maaaring makaapekto sa kanilang mga kliyente. Kaya naman ng magdeklara si Pangulong Gloria Arroyo ng Rehabilitation of Railways Project na naglalayong gawing mas ligtas ang pagbabyahe sa tren, nabahala ang ASHI para sa mga kliyente nilang nakatira sa gilid ng riles ng tren na maaaring mawalan ng bahay at kabuhayan. Ito ang naging daan para simulan ng ASHI ang Tulong Pabahay Program (TPP) noong 2002. “This program is our response to support ASHI members who are living in danger zones in Muntinlupa, Sucat and Parañaque,” ani Mila Mercado-Bunker, President ng ASHI. Sa pamamagitan ng Community Mortgage Program noong 2003, napag-desisyunan ng ASHI na bumili ng lupa para ma-relocate

“This program is our response to support ASHI members who are living in danger zones in Muntinlupa, Sucat and Parañaque,” ani Mila MercadoBunker, President ng ASHI. ang mga kliyente nilang apektado ng kabi-kabilang demolition sa mga ‘home along the riles’. Nakabili sila ng 4.1 hektaryang foreclosed land sa Molino, Bacoor, Cavite noong 2005 na kanila namang inihahanda para sa pagtatayo ng mga bahay. “Internallygenerated ang pera na ginamit namin sa pagbili ng lupa,” buongpagmamalaking sinabi ni Mila. Mula rito, nagsagawa sila ng site development at construction. Bukod sa iba’t ibang construction na isinasagawa para sa pabahay project, dumalo rin ang ilang kasapi ng ASHI sa iba’t ibang seminar tungkol sa housing gaya ng Housing Microfinance Seminar na isinagawa ng Development Bank of the Philippines (DBP). Humigit-kumulang 600 pamilya ang makikinabang sa pabahay program na ito, kung saan 172 dito ay mga informal settlers. “Dun sa nabili naming lupa, may mga squatters din na nakatira na doon. Kaya nag-allocate talaga kami ng 1, 100 sq. m. na lupa para sa kanila, kaysa naman paalisin din namin sila. Dahil sa Tulong Pabahay Program ng ASHI, hindi sila mae-evict,” ani Mila. Masisimulan na ang pagpapatayo ng mga bahay sa Agosto 2009 at sa Hunyo 2010 ay maaari na itong matirhan.

Lipad,Super-Suman, mula sa Pahina 20 nang orders, hindi lang pang-Oroquieta, may pang-abroad pa! Kung dati si Aling Dionesia, John Paul at Lyn lamang sa negosyong ito, ngayon pati mga kapit-bahay ay nabiyayaan bilang empleyado na taga-halo, taga-balot, taga-linis at taga-benta sa gawaan ng suman. Talaga namang lumilipad na sa himpapawid ang negosyo dahil ang suman ni Aling Dionesia ay lumipad na sa iba’t ibang bansa, baon ng mga balikbayan at mga turista bilang pasalubong. Patikim nga, Aling Dionesia! Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 21


KAALAMAN SA NEGOSYO KALUSUGAN

Aray, Ang Likod Ko! Ni Vanessa Y. Lacuesta, MD

Umaaray ka ba sa pagbangon sa umaga dahil sa sakit ng likod? Umaaray ka rin ba sa pagtayo, pagkatapos umupo ng maraming oras? Kung may sariling negosyo, ang pananakit ng likod ay isa sa mga karaniwang dahilan nang abala sa pagtatrabaho. Ano ang sanhi ng pananakit ng likod? Marami ang maaaring sanhi ng pananakit ng inyong likod. Narito ang ilan: • Sakit sa laman dulot ng muscle strain • Sakit sa buto dulot ng arthritis • Sakit sa ugat Ang madalas na pagbubuhat ng mabibigat at ang maling postura sa pag-upo ay pwedeng maging sanhi sa pananakit ng inyong likod. Alamin na ang pananakit ng inyong likod ay di dapat isawalangbahala. Magpatingin kaagad sa inyong doctor kung ang pananakit ng likod ay may kasamang mga sumusunod na sintomas: • Pananakit ng likod na mahigit tatlong buwan • Sakit na lumalatay sa paa • Pamamanhid ng ibang bahagi ng katawan • Pananakit sa paa kapag tumuwad o umubo • Pagsusuka • Kung ang pananakit ay dulot ng aksidente • Hindi makagalaw sa tindi ng sakit Paano maiwasan ang pananakit ng likod? • Kumilos at Maging Aktibo. Magsimulang mag-ehersisyo tatlong beses sa isang linggo. Maglakad kung hindi naman malayo ang lugar na pupuntahan. Mag-stretching sa umaga bago pumasok sa trabaho. • Mag-ingat sa Pagbuhat ng Mabigat. Kapag may pupulutin mula sa sahig, kunin ito sa pamamagitan ng pag-squat o pagbaluktot ng inyong tuhod, sa halip na tumuwad. Panatilihing tuwid ang likod. 22 | kwentong negosyo | Agosto - Setyembre 2009

• Gumamit ng Kart. Kapag nag-grocery o namamalengke, ilagay sa kart na may gulong ang mabibigat na bilihin. • Ayusin ang Pag-upo. Kumuha ng upuan na may maayos at komportableng sandalan para sa likod. Umupo nang matuwid ang likod at ilapit ang upuan sa mesa kung kumakain o gumagamit ng computer. Sa pang-matagalang biyahe, magdala ng unan para ilagay sa leeg o likod para mas maging komportable. • Piliin ang Sapatos. Iwasan ang paggamit ng sapatos na may mahigit 1 inch na heels. Kung maaari, gumamit ng flat shoes o rubber shoes. Ano ang pwedeng gawin kapag masakit ang likod? • Magpahinga. Pag sumakit ang likod, humiga at maglagay ng unan sa ilalim ng ulo at tuhod. Ito ay nakakapawi ng bigat sa likod. • Maglagay ng hot compress sa masakit na bahagi ng likod. Kumuha ng bimpo at ilagay sa mainit na tubig. Palamigin ito ng konti bago ilagay sa likod. Mag-ingat na huwag mapaso. • Uminom ng Gamot. Bago uminom ng gamot tulad ng acetaminophen, ibuprofen at naproxen para sa pananakit ng katawan, magpaalam muna sa inyong doktor.


Micro Insurance

One… Three… Five… Sa Micro Insurance

S

a nakaraang isyu, ating tinalakay kung paano nagsimula ang microinsurance at ang prinsipyo sa likod nito – mutuality. Inalam rin natin kung paano maging miyembro ng mga micro-insurance mutual benefit associations (MI-MBAs) kasama na rin ang mga dokumentong kailangang isumite. Matapos ang M-U (mutual understanding), ngayon nama’y mag 1-3-5 tayo. 1-3-5…ano yun? Karaniwan na tayong gumagamit ng mga numero bilang isang pamamaraan ng pagpapahayag ng ating saloobin, gayun din upang ito’y ikubli; parang secret codes. Tulad na lamang ng 1-4-3, na ang ibig sabihin ay “I love you”. O kung hindi pa kuntento, puwede pang pahabain na 1-4-3-4-4, “I love you very much”. Bukod dito, nariyan din ang pamosong 1-2-3. Ang mga nagmamaneho ng jeep na hindi nabayaran ng kanilang mga pasahero ay masasabing na 1-2-3 o naisahan! Ginagamit din natin ang 1-2-3 upang tukuyin na ang isang bagay ay madali o simple lamang, “it’s as easy as 1-2-3”. Sa mga MI-MBAs, pinasikat ng Center for Agriculture and Rural Development (CARD) Mutual Benefit Association ang 1-3-5 target na tumutukoy sa bilang ng mga araw ng pagpoproseso ng mga MI-MBAs ng kanilang mga insurance claims. Totoo! Isa hanggang limang araw lamang ang tinatagal ng kanilang proseso bago maibigay ang insurance benefit kung kaya naman naging modelo sila ng iba pang mga MI-MBAs. Maaaring mas mabilis ang pagproseso ng mga MI-MBAs kaysa karaniwang insurance providers dahil ang mga

1 Kung kumpleto na ang mga dokumento, kayang-kayang ibigay ang benepisyo sa loob lamang ng 24 oras pagkatanggap ng abiso.

3 Sa loob ng 3 araw pagkatanggap ng abiso para sa mga claims sa pagkamatay ng legal dependents na may kumpletong mga dokumento.

MI-MBAs ay naroon na mismo sa komunidad o sa lugar ng mga miyembro. Hindi na kailangan pang i-byahe nang may kalayuan at katagalan ang mga dokumento ng namatay/namatayan, dahil agad silang mapupuntahan at matutulungan. At dahil sila’y bahagi ng komunidad, mas naiiwasan din ang mga dayaan tulad ng pagbibigay ng mga maling impormasyon. Sa ganitong gana, lalong napangangalagaan ang pondo ng organisasyon. Bukod dito, ang mga MI-MBAs rin ay pag-aari mismo ng mga miyembro na sila ring namamahala nito. Salat man sa pormal na edukasyon ang iba, ito nama’y napupunan ng kanilang mayaman na karanasan at patuloy na nahahasa sa pamamagitan ng mga trainings. Upang tiyak na matugunan ang mga pangangailangan ng mga miyembro, nagsasagawa sila ng mga konsultasyon ukol sa mga polisiya, benepisyo, at iba pang mga isyu sa pamamahala. Sila rin ay nagkakaroon ng eleksyon para masiguradong may representasyon at partisipasyon ang mga miyembro. Magandang tandaan na bukod sa pagiging isang komunidad, ang pagiging miyembro ng isang MI-MBA ay tulad na rin ng pagkakaroon ng isa pang pamilya na tutulong sa iyo sa panahon ng pangangailangan. Kung susumahin, ang 1-3-5 ay hindi naman isang distress call o pangtensyon sa mga MI-MBA staff sa kanilang target; bagkus, maaari pa nga itong maging isang paalala na sa MI-MBAs, may serbisyong mabilis dahil may malasakit.

5 Sa loob ng 5 araw naman pagkatanggap ng abiso para sa mga claims na nangangailangan pa ng ilang mga paglilinaw.

Your Micro Insurance Partner

RIMANSI Partner MI-MBAs Ad Jesum Mutual Benefit Association Clergy House Compound Madang, Mati, Davao Oriental ASKI Mutual Benefit Association 105 Maharlika Highway Cabanatuan City CARD Mutual Benefit Association CARD-MBA Building, Colago Avenue, Brgy. 1-A San Pablo City CARE Mutual Benefit Association St. Jude MPC Building, Cotta Lucena City FICCO Mutual Benefit Association Corrales – Fernandez Sts. Cagayan de Oro City KASAGANA-KA Mutual Benefit Association Room 410, Aguirre Building Commonwealth Avenue Barangay Holy Spirit, Quezon City RBT Mutual Benefit Association Poblacion, Talisayan Misamis Oriental SRCDC Mutual Benefit Association Malolos, Bulacan RIMANSI Organization for Asia and the Pacific, Inc. Unit 1014 Medical Plaza Ortigas Building San Miguel Avenue, Ortigas Center Pasig City, Philippines www.rimansi.com Email: rimansi@yahoo.com Telefax: (+632) 633 9327 Agosto - Setyembre 2009 | kwentong negosyo | 23



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.