KN hun-hulyo 2009

Page 1

P50

Tomo 3 • Isyu 3 ISSN 1908-6318

Reduce Reuse Recycle

tips sa pagiging masinop

Hunyo-Hulyo 2009

PUNLA SA TAO

Pagpapasibol ng Social Enterprises

Green leaf Eco Bags

Iwas plastic Iwas basura Malulusog na Gulay sa basket composting

The Feeling is Mutual

SA MICRO INSURANCE

Pagyamanin ang Kapaligiran

Maging Green Entrepreneur


KWENTO NG EDITOR

Mga Mag-isip berde

Pangalagaan ang Kalikasan

N

apapanahon sa ngayon ang kulay at isip berde. Pati ang mga negosyante ay nakikiayon sa uso. Dumarami na ang mga negosyanteng tinatawag na ‘Greeen Entrepreneurs’. Itong Green Entrepreneurs ay nagpapakita ng magandang halimbawa kung papaano patakbuhin ang negosyo na hindi nakakasira sa ating kalikasan. Si Zarah, Lou at Vicky ay ilan sa mga Green Entrepreneur na ito—alamin ang kanilang mga magagandang kwento sa mga susunod na pahina. Ang pag-isip berde ay ang pagiging masigasig sa tatlong R sa pangangalaga sa kalikasan—pagreuse, recyle at reduce ng mga bagay-bagay at kagamitan sa ating mga negosyo. Ang pagtawag pansin na ito ay hindi lamang para sa mga malalaking negosyante. Maliit man o malaki kang negosyante, ang pagkalinga sa ating kalikasan ay responsibilidad nating lahat. Kung may gripong tumutulo, kumpunihin kaagad. Kapag walang gumagamit, patayin ang mga ilaw. Maging marunong sa tamang paraan sa paggamit at pagtatapon ng mga kemikal. Ito ay ilan lamang sa mga napakasimpleng pamamaraan na pwede nating isagawa. Gawing tama ang inyong negosyo at asahan ninyong kayo ay may patuloy na pagkukunan ng kita para sa inyong pamilya, sa ngayon at sa hinaharap.

Nilalaman HUNYO - HULYO 2009

Galing ng Negosyanteng Pinoy 6

Green Leaf Eco Bags Bitbit ang Pagka-kalikasan

8

Laging May Malinis na Paraan kay Vicky at sa Vmotril

Manunulat Bianca P. Garcia Tagapagdisenyo Gabriel Garperio Accounting & Circulation Grace L. Ruste

Sa Kalikasan

19 Si Nanay Cecilia sa Belgium

Kapartner sa Negosyo

12 PUNLA Pagpapasibol ng Social

Enterprises

Kaalaman sa Negosyo

4 Iwas-Hassle

Mag-Reduce, Reuse, Recycle

10 Fair Trade Corner

Paano Maging Green Entrepreneur?

11 Agribiz

Alamin ang Basket Composting

14 Pagbutihin ang

Relasyon sa Kustomer 8 Paraan

Ritratong kuha ni: Mark Ruste

15 The Feeling is Mutual

Sa Microinsurance

16 Bawal sa Kalusugan

Polusyon

20 Usapang Fashion

Usapang Makulay

Balitang Entrep

21 10, 000 Women Business

Training Program Inilunsad Na

Cooperative One-Stop-Shop, Binuksan Na

23 My Kwentuhang Negosyo

Negosyo Mo, I-kwento Mo

MABIBILI ANG KWENTONG NEGOSYO SA LAHAT NG BOOK SALE MAGAZINE OUTLETS! 2 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

Editor Jesila M. Ledesma

18 Kamay na Mapagpahalaga

22 ASKI Marketing jesi@kwentongnegosyo.com

Tomo 3 Isyu 3

Ang Kwentong Negosyo ay isang magasin para sa mga maliliit na negosyante na ang misyon ay magbigay ng inspirasyon at karagdagang kaalaman para sa pagpapalago ng negosyo. Ka-partner ng Kwentong Negosyo ang maraming mga lokal na microfinance institution kagaya ng nongovernment organization (NGO), kooperatiba at bangko na nagbibigay ng serbisyong pinansiyal sa mga maliliit na negosyante. Hangad ng Kwentong Negosyo na makita ang mga tapat na mambabasa nito na umuunlad ang mga negosyo, nagbibigay ng mga trabaho lalo pa sa mga mahihirap, itinataas ang local productivity, at sumasagot sa mga pangangailangan ng kostumer na may pag-alaga sa kalikasan. Ang Kwentong Negosyo ay inilalathala tuwing ikalawang buwan ng MEDIA, Inc. Unit 202 Residencia 8888 Pearl Drive, Ortigas Center Pasig City, Metro Manila, Philippines Tel # (02) 632-9950 email: info@kwentongnegosyo.com Karapatang-ari 2007 MEDIA, Inc. Gawa sa Pilipinas www.kwentongnegosyo.com


Villa Concepcion Wet & Wild Waves, Inc.

MASUSO, PANDI, BULACAN, PHILIPPINES (044) 661-8888 / (02) 299-6701 / (0917) 892-6485 www.villaconcepcion.site90.com

Amenities:

square meter wave pool • 2,000 pool & kiddie pool • covered three (3) pools with slides • (open on March 15 - June 30, 2009: DAY TOUR only) • cottages houses • tree rooms • air-conditioned dorm-type rooms • air-conditioned function halls for social and business affairs • air-conditioned pavilion right at the top of covered pool & kiddie pool • open-air Pavilion • Floating Drink, Shop & Sing Center • Dine, Shop • souvenir rooftop • scenic • stage • videoke services • catering lane • bike & boating • fishing Court • basketball • billiard • clinic

Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 3


KAALAMAN SA NEGOSYO

Ang RRR sa Waste Management 4 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009


A

lam mo ba na ang pangkaraniwang tao ay may naitatapon na halos 2.27 na kilo ng basura kada araw? Ito ay higit sa 818 na kilo ng basura kada taon sa isang tao lang! Sa ganito karaming basura na nabubuo kada taon, makakaapekto ng malaki ang paraan ng pamamahala natin sa basura, hindi lamang sa ating kapaligiran kundi pati na rin sa kalusugan. Kung napapaisip ka na kung papaano ka makakatulong sa ating kapaligiran, mayroong simpleng kasagutan --- isagawa ang RRR ng waste management: Reduce, Reuse, at Recycle.

Reduce

Ang pinaka-mahalagang bagay na iyong magagawa ay ang bawasan ang basurang iyong nililikha. Sa pagre-reduce, ang layunin ay magtapon ng mas kaunti sa pamamagitan ng pagbawas ng iyong mga ginagamit. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabago ng ilang bagay sa iyong paraan ng pamumuhay. Narito ang ilan sa mga hassle-free na paraan para makapag-reduce. Ang mga simpleng hakbang na ito ay makakatulong rin sa iyo para makatipid: 4 Bumili lamang ng sapat sa iyong pangangailangan para maiwasan ang pagtatapon ng mga tira. 4 Iwasang gumamit ng mga disposable items kung posible, gaya ng plastic cups sa iyong coffee break. Sa halip, gumamit na lamang ng mga baso na maaaring hugasan. 4 Bumili ng mga matibay at tumatagal na produkto na hindi kailangang palitan ng madalas gaya ng compact fluorescent bulbs sa halip na incandescent light bulbs. Ang mga incandescent bulbs ay nangangailangan ng heat para umilaw, ngunit ang heat ay nakakapag-aksaya ng halos 90% ng kuryente. Ang fluorescent bulb, sa kabilang banda, ay gumagawa ng mas kaunting heat, kaya mas mainam gamitin ang mga ito. 4 Magsimula ng bagong gawi sa pag-sa-shopping! Bakit hindi mo subukang magdala ng sarili mong paper bag o eco bag tuwing mamimili para mabawasan ang paggamit ng plastic bags na paglalagyan ng ating mga pinamili? 4 Patayin ang ilaw kapag hindi naman ito ginagamit. 4 Isara ang gripo habang nagsisipilyo ng ngipin. Mas mainam din na gumamit ng tabo kaysa shower sa paliligo. 4 Manatiling malusog at slim sa pamamagitan ng simpleng ehersisyo gaya ng paglalakad o paggamit ng bike sa pagpasok sa opisina o pagpunta sa mga business meeting. Makakatipid ka pa sa gas at makakatulong na sugpuin ang air pollution kung sasakay naman sa mga pampublikong sasakyan o mag-tren.

Reuse

Mag-reuse ng mga bagay na maaari pang gamitin. Mula sa mga computer hanggang sa mga papel, maraming mga bagay ang maaaring gamitin pang muli. 4 Sa halip na gumamit ng single-use na baterya, bakit hindi mo pag-ipunan ang rechargeable na baterya? 4 Sa opisina o kahit sa bahay, i-set ang iyong printer sa “print on both sides” ng papel para ma-maximize ang gamit nito. Maaari ring gumamit ng scratch papers sa pag-pi-

KN RESEARCH print ng mga drafts ng reports, o di kaya’y gamiting muli ang mga papel na may print sa isang side lamang bilang mga scratch papers. Sa ganitong paraan ay makakatipid sa paggamit ng papel at printer ink. 4 Ipagawa muna ang mga sirang appliances sa halip na papalitan agad ang mga ito at itapon. 4 Para sa mga materyales na hindi na maaaring gamitin, maging malikhain at humanap ng paraan para mapakinabangan pa ang mga ito, o di kaya’y ibigay na lamang sa iba na maaari pang mapakinabangan ang mga ito. Maraming mga charities ang malugod na tumatanggap ng mga donasyon na mga lumang gamit at appliances, ngunit siguruhin lamang na gumagana pa ang mga ito bago ipamigay. 4 Ipamigay o i-trade in ang mga lumang damit, libro, CD at DVD sa mga tindahan o junkshop na tumatanggap ng mga lumang gamit. 4 Maaari ka ring kumita sa pamamagitan ng pagtitipon ng iyong mga lumang damit at gamit at magsagawa ng isang garage sale o ukay-ukay. Tandaan ang kasabihang, “one man’s trash is another man’s treasure.”

Recycle

Sa pag-re-recycle, kinakailangang dalhin ang mga materyales sa lugar kung saan maaari nilang gawing bagong produkto ang basura mo. Baka magulat ka kapag nalaman mo kung gaano karaming bagay na ang pwedeng i-recycle ngayon. Ang mga recycled na plastik ay ginagamit para gumawa ng karaniwang gamit sa bahay gaya ng carpet. Gayunpaman, maaari kang mag-recycle sa bahay o sa trabaho sa pamamagitan ng: 4 Bumili ng mga produktong gawa sa recycled na materyales gaya ng papel at karton. Iwasang bumili ng mga produkto na hindi naka-package sa environment-friendly na materyales gaya ng plastik o Styrofoam. Hanapin ang recycling symbol. Ang simbolong ito ay maaaring mangahulugan ng isa man sa dalawa – gawa ang produkto sa recycled na materyales o maaari pang i-recycle ang produktong ito. 4 I-segregate ang mga basura at lagyan ito ng labels gaya ng paper, cardboard, plastic at lata/bote. 4 Paganahin ang iyong imahinasyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong proyekto gamit ang mga lumang materyales gaya ng balikbayan boxes at gawin itong photo frames o penholders. Alalahanin na sa pagre-reduce, reuse at recycle, makakatipid ka rin. Sa susunod, bago ka magtapon ng kahit ano, importanteng i-tsek kung magagamit pa ang mga produktong ito o tignan kung maaari pang ma-reuse o recycle kahit ang package nito. Kung hindi, magsimula ka ng mag-isip-isip at maghanap ng alternatibong produkto na maaaring i-reuse at i-recycle.

Sanggunian: http://www.nsf.org/consumer/newsroom/pdf/fact_ waste_mgmt.pdf http://envirohealthhouston.org/resources/RRR.htm http://www.ciwmb.ca.gov/wpw/Office/#Reuse Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 5


galing ng negosyanteng pinoy

Zarah at ang mga eco bags sa Echo Store sa Serendra, Makati

“It’s never too late to change for the environment. Dapat talagang maging bahagi ng ating pamumuhay ang environmental awareness and practices para maipasa natin ito sa next generation.”

GREEN LEAF ECO BAGS

Bitbit ang Pagka-kalikasan ni Bianca P. Garcia

Paglaki na May Pagmamahal sa Kalikasan Sa paglaki ni Zarah de Jesus-Juan sa Bulacan, natutunan niya ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng mga gawi ng kaniyang lolo at lola. Walang maliit na butil ng kanin ang makikitang nakakalat sa lamesa o sa sahig tuwing sila ay kumakain. “Yung kahit katiting na mumu (butil) ng kanin na nakakalat sa papag, pinupulot ng lola ko yun, kasi sa bukid ng lolo ko, lahat ng butil ng palay, kahit gaano kaliit, napapakinabangan pa rin, kaya respeto na lang din sa pagkain,” bahagi ni Zarah. Malungkot niyang pinuna na sa panahon ngayon, hindi na kasing tindi ang pagmamahal natin para sa kalikasan kaysa noon. Unti-unting namamatay araw-araw ang ating mga lawa at dagat, nagbabara at natatambakan na ng basura ang ating

6 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

mga ilog, at ang dating luntiang kagubatan ngayon ay kalbo na sa ngayon – ang lahat ng ito ay dahil sa mapaminsalang gawi ng mga tao. “There was this one time, bumaha sa may Makati. The next day, nag-text yung husband ko. Sabi niya, ‘You know what? Ang reason pala kung bakit bumaha ay dahil sa barado ang mga drainage at puno ito mostly ng plastic.’ That time, bigla ko lang naisip na, this is it, I’m going to start a business,” gunita ni Zarah. Nagsimula siyang gumawa ng environment-friendly bags o eco bags bilang pamalit sa plastic bags, na magagamit ng mga tao sa pagsashopping, pag-go-grocery at pati na rin bilang beach bag o pang-araw-araw na lalagyan. Ang negosyo na itinayo noong July 2007 ay nakilala bilang Green Leaf. Nagsimula ito gamit lamang ang isang

sewing machine at kakayanan ni Zarah sa pananahi na kaniyang natutunan mula sa mananahi sa clothing alteration business ng kaniyang asawa. Ginamit niya ang una niyang mga bags para ipakita sa kaniyang mga kapamilya at kaibigan. Unti-unti rin niyang nakuha ang loob ng napili niyang mga kustomer. Ang kaniyang mga kaibigan ang naging unang niyang kustomer sa pamamagitan ng pagorder nila ng loot bags para sa children’s birthday parties at give-away items para sa wedding parties. Hindi nagtagal, nakita niya ang kaniyang sarili na nagsu-supply ng bags bilang conference/training kits at corporate gifts. Malaking Pangarap Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, napagalaman niyang gumagamit ang isang tao ng humigit-kumulang 4 na plastic bags sa isang araw. Sa Maynila lamang kung saan mayroong 12 milyong Pilipino,


ipagpalagay na lang natin ang 48 milyong plastic bags na pumupuno ng ating mga tambakan ng basura araw-araw! Nabubuhay ang Green Leaf sa misyon nito na tumulong sa pagprotekta ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng plastic bags at dagdagan ang paggamit ng recyclable bags. “Ang pangarap ko ay magkaroon ang bawat Filipino ng eco bag at maging conscious siya na dalhin ito kahit saan siya pumunta kagaya ng pagdala niya sa wallet o cellphone niya. At sana ang bag niya is not just any eco bag, but Green Leaf eco bag,” bahagi ni Zarah na may ngiti at kislap sa kaniyang mga mata. Isang hamon para sa Green Leaf ang itaguyod ang advocacy nito. Kailangan ni Zarah na balansehin hindi lamang ang advocacy kundi pati na rin ang affordability at tibay. “We try to use as much natural materials as possible. Before, we mainly used cotton (katsa/canvas). Makapal ang cotton at mahirap i-fold,” salaysay ni Zarah. Kaya sa pamamagitan ng karagdagang pananaliksik, nakakuha siya ng “ripstop”, isang matibay na materyal ngunit manipis at magaan kaya mas madaling itupi — tamang-tama para sa pocket-sized na eco bags. “We started using this material na kahit synthetic ay matibay naman kaya pwedeng gamitin ng maraming taon,” dagdag pa ni Zarah. Matapos ang dalawang taon, masayang ibinahagi ni Zarah na hindi lamang niya naisakatuparan ang kaniyang advocacy, kumita pa siya mula rito at nakakatulong pa. Nakakapag-empleyo siya ngayon ng 12 mananahi (4 na pamilya) at nag-sasubcontract sa ibang mananahi sa Bulacan paminsan-minsan para matugunan ang dumadaming orders. Gamit ang ngayo’y 13 sewing machines, nakakagawa na ang Green Leaf ng 300-400 bags kada araw. Perfect Timing Nitong nauso ang recyclable bags sa malalaking supermarkets, nakaposisyon na ang Green Leaf para tumugon sa kanilang pangangailangan na bag supplier. Nagsimulang mag-supply ang Green Leaf ng eco bags para sa Robinson’s Supermarket sa Los Banos, Laguna,

kung saan may panukala ang lokal na pamahalaan na pagbawal sa paggamit ng plastic bags sa mga negosyo. Kahit malayo mula sa kanilang tanggapan sa Metro Manila, nagsumikap si Zarah at nag-supply para sa branch na ito ng Robinson’s. Nagbunga rin naman ang pagsusumikap na ito. Mula sa May 2009, magsu-supply na ang Green Leaf ng eco bags para sa lahat ng branches ng Robinson’s Supermarket. Higit Pa Sa Eco Bags Ang Green Leaf ay higit pa sa isang advocacy na gumamit ng eco bags. Ayon kay Zarah, “we pursue a holistic advocacy where an eco bag user starts to make changes in his/her lifestyle in support of the environment. Our hope is to have each customer to start thinking, ‘I am using an eco bag nga pero nagsasayang naman ako

ng kuryente sa bahay. Dapat hindi na rin ako ma-aksaya sa kuryente’. Sa paggamit ng eco bag, pati ang ating lifestyle ay dapat magbago rin tungo sa pag-aruga sa ating kalikasan.”

Para sa mga kumpanya na nais magpagawa ng conference kits, training o exhibition bag o mga corporate giveaways, bakit hindi ninyo subukan ang mga bags ng Green Leaf? Kumikita na, environment-friendly pa! Para sa mga nais maging distributor, mag-sideline, o sa mga interesado, maaari kayong tumawag sa numerong 817-5824 o mag-email sa inquiries@greenleafbags.com. Maaari niyo ring bisitahin ang kanilang website, www.greenleafbags.com.

Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 7


GALING NG NEGOSYANTENG PINOY

Akala Mong Patapon Na, Mapagkakakitaan Pa Pala ni Bianca P. Garcia

8 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

Zero Waste Mahilig mag-eksperimento si Victoria “Vicky” Motril gamit ang mga bagay na nasa kaniyang paligid. Mula sa kaniyang kagustuhang walang masasayang sa mga bagay-bagay, napasok ni Vicky ang pagnenegosyo. “The business was accidental, dahil ayoko lang na matapon ang mga fruits galing sa farm ko or kahit sa ibang farms. Kasi kapag hindi na sariwa, hindi na iyon maibebenta, tinatapon na lang,” salaysay ni Vicky. Taong 2005 noong magsimula siyang mangolekta ng mga reject na prutas mula sa kaniyang maliit na bukid sa bakuran, pati na rin sa bukid ng mga kapitbahay. Gumawa siya ng panibagong produkto mula sa mga pinaka-saganang prutas— ang papaya at saging, sa kanilang lugar sa South Cotabato. Gumamit siya ng simpleng kakayahan sa pagluluto gaya ng paghiwa ng mga prutas sa maninipis na piraso at pagprito ng mga ito sa kaniyang sariling kusina. Sa halagang Php 5.00 kada isang 200 gram na pakete ng banana chips, ang una niyang naging suki ay ang mga nagta-trabaho sa iba’t ibang opisina, kapitbahay, kapwa magsasaka at mga kaibigan. “Sila ang nagbibigay ng comments, kaya nung sinabi nilang masarap, na-engganyo ako na ituloy ang paggawa,” paggunita ni Vicky. Sa paunang puhunan na Php 500 para sa mantika at kasama ang isang


“Keep experimenting and improving your products. Make use of our abundant raw materials. At kung ano ang nasasayang, gawin mong kapaki-pakinabang.”

assistant, sinimulan niya ang kaniyang mini part-time business. Palaging May Paraan Ang pagpapatuloy ng negosyong ito ay hindi naging madali para kay Vicky. Kinailangan niyang ayusin ang mga dokumento at magbayad ng mga fee para makakuha ng mga permit mula sa gobyerno para sa kaniyang negosyo. Ngunit sa tulong ng determinasyon, napalago niya ang kaniyang negosyo mula sa kapital na Php 500 na ngayon ay Php 20, 000 na ang benta kada buwan. Sa ngayon, mayroon na siyang 10 iba’t ibang klase ng produkto gaya ng bongulan banana chips, dried papaya, dried pineapple, dried camias, pickled vegetables, taro chips, taro powder, ube powder, squash powder at sweet potato powder. Malaki ang tulong ng negosyo sa kaniyang lugar sa pamamagitan ng pag-empleyo ng 10 manggagawa. Ang karagdagang produksyon naman niya ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka. Lalo pa siyang nagsusumikap para maipalaganap ang kaniyang mga produkto, sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang exhibits at trade fairs. Para lalo pang makakuha ng mas malaking merkado, ginamit niya ang serbisyo na Market Matching ng Department of Trade and Industry (DTI). Mas Malaking Merkado, Mas Malaking Hamon Sa patuloy na paglago ng kaniyang negosyo, tinugon ni Vicky ang panawagan na ipamahagi niya ang lahat ng kaniyang kaalaman at teknolohiya sa ibang tao. Binahagi niya ang kaniyang sakahan sa Cotabato Agricultural Research and Resource Development Consortium (CARRDEC) bilang isang demo farm – mula sa

plantasyon hanggang sa produksyon. Ang mapagbigay na gawaing ito ay nagbigay-daan upang siya ay mabansagang “magsasakang siyentista” sa kaniyang lugar noong January 26, 2008. Sa taon ring ito, sa tulong ng CARRDEC, LGU ng South Cotabato at Department of Agriculture, ipinadala si Vicky bilang representative ng South Cotabato sa Kentex International Food Show sa Korea. “Nagkaroon ako ng mga bagong challenges at mga bagong kaisipan right after I came back from Korea. Marami kasing doors na na-open para sa akin doon. Natutunan ko na dapat maging adventurous ang mga negosyante at maging observant kung ano ang kailangan sa market. Sa ngayon, dalawang hamon ang aking kinakaharap: saan ko kukunin ang additional kapital ko, at paano ako makaka-cope sa lumalaking demand ng market,” salaysay ni Vicky. Naniniwala si Vicky na ang kaniyang sikreto ay ang kaniyang masayahing pagkatao at positibong pagtingin sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng tao at sitwasyon, ang kaniyang patuloy na pagsisikap upang maiangat hindi lamang ang kaniyang negosyo, kundi pati na rin ang buhay ng mga tao sa kaniyang paligid at ang kaniyang pagmamahal sa kapaligiran at sa pagluluto. “Keep experimenting and improving our products. Make use of our abundant raw materials. At kung ano ang nasasayang, gawin nating kapaki-pakinabang.”

VMOTRIL’S FOOD PRODUCTS Prk. Pag-asa, Cr, Rubber, Tupi, South Cotabato E-mail: vickymotril@yahoo.com Mobile: (0927) 309-4201

Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 9


KAALAMAN SA NEGOSYO

Maging Green Entrepreneur

K

ung gusto mong maging green entrepreneur o environment-friendly na negosyante, hindi mo na kailangan pang magsimula sa wala. Mayroon na ngayon mga alintuntunin at regulasyon para sa pagiging environment-compliant. Ilan lamang sa mga regulasyon na nagsusulong ng karapatan ng kalikasan ay ang Clean Air Act o Republic Act No. 8749, Clean Water Act of 2004 at Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Hayaan ninyong ibahagi namin sa inyo ang aming mga nabasa at natutunan habang nananaliksik tungkol dito.

Fair Trade Corner •

• •

Mas mainam kung magkakaroon kayo ng compost para sa inyong organic waste, lalo na sa mga malalaking negosyo o may malawak na bakuran. Kung hindi na mapakikinabangan, siguruhin na maitatapon ng maayos ang mga organic waste para maiwasan ang pagkalat ng sakit o magkaroon ng problema sa mga langaw at iba pang insekto. Mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga kalat mula sa negosyo kung mayroon pa namang mas mainam na alternatibo para ma-dispose ang mga ito. Mas mainam rin kung ang mga materyales na gaya ng papel, plastik, metal at kahoy ay maire-recycle at magagamit pa ulit. Siguruhin na mai-didispose ng mabuti ang waste water sa paraang hindi makakaapekto sa kalidad ng tubig, kalagayan ng lupa at kaligtasan ng pagkain.

Kung ang negosyo mo ay may kaugnayan sa agrikultura, narito ang mga alintuntunin na kailangan mong malaman: • May listahan ang Department of Agriculture, Fertilizer and Pesticide Authority ng mga materyales at kemikal na hindi maaaring gamitin dahil naglalaman ang mga ito ng mga nakalalasong substansya na makakasira hindi lamang sa kalikasan, ngunit pati na rin sa tao. Halimbawa ng mga kemikal na ito na karaniwang ginagamit bilang pesticide ay ang Chlordane, Mercuric Fungicides at Nitrofen. Maaari ninyong makuha ang kumpletong listahan sa http://fpa.da.gov.ph sa ilalim ng paksang Banned and Restricted Pesticides. • Siguruhing naka-imbak at ginagamit ng tama ang mga kemikal na maaaring gamitin ayon sa kanilang gamit at katangian upang maiwasan ang panganib. Maglaan ng ligtas na imbakan para sa mga kemikal kung saan ang mga authorized personnel lamang ang makakapasok. • Ang mga tao na maaaring gumamit ng mga kemikal ay ang mga may sapat na training at kaalaman na tungkol sa mga kemikal na ito. • Siguruhing tama ang label ng mga kemikal at lalagyan nito na inyong gagamitin.

Para sa mga negosyong gumagamit ng tubig at lupa: • Siguruhin na ang inyong mga gawi ay hindi nakakaganyak ng soil erosion na dulot ng hangin, tubig, hayop o tao. • Siguruhin na ang water management, tillage practices at paggamit ng irigasyon ay hindi magpaparumi sa water supply, salinization or sobrang pag-alat ng lupa at desertification o pagkasira ng lupa. • Gumamit lamang ng sapat na dami ng tubig at pakinabangang mabuti ang gamit nito para hindi maaksaya ang water supply. • Iwasan ang pagpapababa ng groundwater level o anu mang aktibidades na makakaapekto sa availability at kalidad ng tubig na ginagamit bilang inumin o sa irigasyon.

Para naman sa pagtatapon ng mga basura ng inyong munting negosyo, narito ang ilan sa mga regulasyon para dito: • Siguruhing naitapon ng maayos ang mga basura na may mapanganib na substansya. Hiwa-hiwalayin ito at ilagay sa puting garbage bag. Iwasan ang pag-flush nito sa kubeta, lababo, drainage o pagtapon sa kahit anong anyong tubig.

Pinagmulan: http://www.fairtrade.net/standards.html http://fpa.da.gov.ph/ http://www.deltaenviro.org.za/resources/envirofacts/toxic.html

10 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

Ilan lamang ang mga ito sa mga alituntunin at regulasyon na dapat nating malaman bilang mga green entrepreneurs. Hindi mahirap sundin ang mga ito kung iisipin lamang natin ang dami ng benepisyo na ating nakukuha mula sa kalikasan at ang pagsunod sa mga ito ang paraan para magpasalamat. Ito rin ay mga munting paraan lamang para mapangalagaan natin ang ating kalikasan para magamit pa ng mga susunod na henerasyon.


kaalaman sa negosyo

ASENSO AGRARYO

Basket Composts Para Sa Iyong Mga Gulay Sulat at Litrato ni Henrylito D. Tacio

N

ais mo bang gamitin ang mga tira-tirang pagkain sa iyong kusina at mga nabubulok na basura - balat ng saging, kalabasa o pinya, tangakay ng malunggay, kaliskis ng isda at iba pa - bilang pataba sa mga gulay at iba pang tanim sa iyong hardin? Madali lamang ito, gumawa ka lang ng basket composts. “Basket composting is the process by which your home garbage, garden and farm waste and leguminous plants are allowed to rot in baskets which are half buried in garden plots,” paliwanag ni Roy C. Alimoane, Director ng Mindanao Baptist Rural Life Center (MBRLC) Foundation, Inc. sa Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur. Ang basket composting ay isang pangunahing katangian ng Food Always In The Home (FAITH), isang vegetable gardening technology na binuo ng MBRLC. Ilan lamang sa mga benepisyo na makukuha mula sa basket composting ay ang mga sumusunod: 4 Μaaari mo nang magamit kaagad ang basket compost at hindi na kailangan pang maghintay ng 3-4 buwan na karaniwang kinakailangan sa lumang pamamaraan ng composting. 4 Αng paraang ito ay nangangailangan ng mas kaunting trabaho dahil hindi na kinakailangang baliktarin ng madalas ang composting materials. 4 Αng iyong bahay at kapaligiran ay magiging mas malinis dahil ang mga basura ay kinokolekta at isinasama sa compost baskets. 4 Magiging mas mataas ang produksyon ng mga gulay sa mas mababang halaga – bukod pa sa pagiging organic ng mga gulay na ito. Ang mga materyales para sa basket composting ay makikita sa mismong bakuran mo. Kahit anong lumang bilog na basket na mayroong sukat na hindi bababa sa isang talampakang dyametro at isang talampakan ang taas ay maaaring gamitin sa paggawa ng basket compost. Maaari ring gumamit ng mga tulos o alambre sa pamamagitan ng pagporma sa mga ito sa korte ng isang pabilog na basket. “The purpose of the basket is to hold your composting materials in place and chickens could not disturb them,” saad ni Alimoane.

Ang proseso ng paggawa ng basket compost ay maaaring baguhin o pagbutihin ngunit sa pangkalahatan, ganito ang paggawa nito, ayon sa MBRLC: Linisin ang hardin at ihandang mabuti ang lupa kung saan ito ilalagay (tipunin ang mga damo na gagamitin para sa composting). Gumawa ng mga butas sa naihandang lupa na ka-sukat ng mga ilalagay na basket. Ibaon ang kalahati ng mga basket sa butas at kinakailangang may pagitan na isang metro ang bawat basket. Unang ilagay ang nabubulok na basura at dumi sa loob ng basket upang hindi lantad. Ang mga undecomposed materials gaya ng dahon ng ipil-ipil at damo ay huling ilalagay sa loob ng basket. Lahat ng mga organic na basura sa bahay, sakahan at hardin na maaaring tipunin habang nililinis at inihahanda ang lupa ay maaaring gamitin bilang composting materials. Anumang tuyong dumi ng hayop sa sakahan (ng kambing, kabayo, o baboy) ay magandang pagkukunan ng mga nabubulok na organismo at nitrogen. Kung ang mga materyales na nakalagay sa ilalim ay halos nabubulok na, maaari ka ng magtanim agad ng mga buto o punla na may layong 2-3 pulgada sa labas ng basket. Huwag magtanim sa loob ng basket sapagkat kinakailangan mo itong lagyan ng basura at mga undecomposed materials maya’t maya. Kung ang mga materyales na inilagay sa basket ay mga berdeng dahon, itanim ang mga buto o punla pagkalipas ng 2-3 linggo. Ito ay magbibigay ng sapat na oras para mabulok ang mga materyales. Bilang tuntunin, magdilig lamang sa gitna ng basket imbis na diligan ang mga halaman. Ang pinaka-mababang parte ng basket ay basa at sagana sa mga nutrients para sa iyong gulay. Kapag tumagal, tutubo ang ugat sa iyong basket. Ilan sa mga gulay na naging malusog sa tulong ng basket composting ay kamatis, sweet pepper, soybeans, sweet corn, string beans, kalabasa, talong, green onion, okra, pechay, at asparagus.

• • • • • •

Kung mayroon kayong tanong tungkol sa basket composting o FAITH gardening, sumulat lamang sa MBRLC at i-send sa email na ito: mbrlc@mozcom.com. Maaari rin kayong tumawag sa numerong (064) 5332378. Source: Mga Recipe ni Lola Cely Garcia

Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 11


KAPARTNER SA NEGOSYO

Pagpapasibol ng Social Enterprises

“Ang Punla ay naka-focus pa rin sa microfinance pero may karagdagan na kaming advocacy. Kasama na sa aming focus ang micro entrepreneurship development. Hindi pwedeng pautang ka lang at asahan mo na lalago na automatically ang negosyo ng mahihirap. Kailangan may pamamaraan ka para tulungan ang maliit na mapalago ang negosyo niya”

- Reuel Virtucio Executive Director ng Punla

Pagpapalakas ng Kakayahan Ang Punla Sa Tao ay itinalaga upang tulungan ang mga development institutions na maisulong ang kanilang kakayahan sa pagbibigay ng mga produkto at serbisyo sa mahihirap. Bilang isang knowledge management institution, ito ay nananaliksik ng mabisang paraan at mga ehemplo sa larangan ng pagpapaunlad sa microfinance at micro enterprises. Ibinabagay nila ang mga matagumpay na paraan at kakaibang mga ehemplo para sa mga lokal na kalagayan. Aktibo din sila sa pagpapalaganap ng kung ano ang angkop sa kanilang mga partner na kinabibilangan ng mga development institutions, korporasyon at negosyante. Ang Punla ay maari mong maging tagaturo at tagapayo. Maari rin silang maging equity partner o kapitalista sa pagpapasimula ng enterprise models na nagsasama sa malalaki at maliliit na mga negosyante tungo sa mas mataas na produksyon at mas responsableng gawi sa negosyo. Sa ganitong paraan, ang Punla ay nagpapairal ng mas pantay na kaunlaran kung saan ang makabuluhang kontribusyon ng mga maliliit na negosyante ay kinikilala, pinapahalagahan at kasa-kasama ng mga malalaking kumpanya sa kanilang pagnenegosyo. Paggawa Ng Magagandang Bagay Ang gustong gawin ng Punla simula sa taong ito ay 12 | kwentong negosyo | Pebrero Hunyo - -Hulyo Marso2009 2009

makipagsosyo sa mga NGOs (non-government organizations) at kasama nilang magpaplano kung anong magandang negosyo ang pwedeng pasukin. “Pero hindi basta negosyo—negosyo na nakakatulong sa mga mahihirap—‘yun ang kahalagahan ng social enterprise. Magkasama kami sa paggawa ng business plan at sa pagsisimula ng negosyo. Mamumuhunan kami sa pamamagitan ng aming kaalaman at kakayahan. Ito ang tunay na partnership para sa amin,” dagdag ni Reuel. Limang buwan pa lang sa taong ito, meron ng tatlong business models ang sinisimulan ng Punla sa iba’t-ibang parte ng ating bansa. Ang Manok Mula sa epektibong social enterprise program na ipinamamahalaan ng Balay Mindanaw Foundation, Inc. sa Misamis Oriental na ngayon ay mayroong 600 na maliit na backyard chicken raisers, ang Punla ay naganyak na ito ay palaganapin sa ibang parte ng bansa. Ito ay nagsimulang gamitan ang modelo sa Luzon kasama ang mga maliliit na magsasaka sa Cavinti, Laguna at ang Bounty Agro Ventures, Inc. Sa halip na makipaglaban


sa malalaking kumpanya sa broiler contract growing, ang ginagawa ng modelong ito ay ikabit ang mga maliliit na magsasaka sa malaking kumpanya (kagaya ng Bounty Agro Ventures, Inc.) upang sila ay madaliang makakapagalok ng kanilang mga produkto at makatanggap ng dagdag kita. Sa bahagi ng malaking kumpanya, naimumulat mo ang mga mata nila na ang mga maliliit na producers, basta samasama, ay makapagbibigay ng malaking kontribusiyon at may halaga sa kanila. Ang ginagampanang tungkulin ng NGO o kooperatiba ng mga magsasaka ay pag-isahin ang pagsisikap ng mga maliliit na magsasaka upang sila ay sama-samang makipagkasundo sa kumpanya. Sa modelo ng social enterprise na sinusuportahan ng Punla, ang enterprise ay dapat na sumusunod sa tatlong resulta o “bottomlines�: financial bottomline (kailangan ay kumikita); social responsibility (kailangan ay maalaga sa buyer, empleyado at komunidad); at environmental bottomline (may respeto sa kalikasan). Halimbawa, sa broiler contract growing, kasama ang pagtuturo upang maayos na mapangalagaan ang dumi ng manok para sa paggawa ng pataba at mabigyang-pansin ang mga benepisyo ng organic fertilizer. Ang Isda Sa paggamit ng parehong modelo, and Punla ay tumungo naman sa pagpapalago ng industriya ng isda. Nakipagsosyo na sila sa Vitarich at isang kooperatiba ng mga magsasaka sa Laguna upang mapalawak ang local na produksyon at pagpapalaganap ng tungkol sa isdang Pangga (cream dory). Gusto ng mga restaurant ang Pangga kahit na ito ay kanila pang iangkat sa ibang bansa dahil ito ay malaman, walang gaanong tinik at madaling gawing malasa. Ito ang ginagamit sa fish fillet ng maraming sikat na fastfood chain sa bansa. Oxygen ang hinihinga ng Pangga kung kaya hindi na kakailanganin ng aerator para sa pag-aalaga nito. Kung ang lokal na pagpaparami nito ay maging tanyag, makakapagbigay sa atin ang Pangga ng mas murang pagkukunan ng protina, dagdag sa bangus at tilapia. Sa ilalim nitong proyekto ay naghahanap ang Vitarich ng local contract growers para paramihin ang Pangga sa lokal na pamilihan at maipababa ang presyo nito. Minimal ang production expenses dahil pautang ang fingerlings at feeds sa ilalim ng contract-growing na paraan. Maaaring magsimula sa maliit na lugar lamang; kahit ang dating babuyan ay maaaring ayusin upang maging fish tank. Hanggang mayroong mga 30 farmers na magkakalapit at gustong mag-alaga ng Pangga ay pwedeng sumali sa proyekto. Maaari itong maging negosyo ng mga kooperatiba.

Ang Punla ang nangangasiwa ng market development dahil sa ang Pangga ay isang bagong uri ng isda para sa mga Pilipino. Pinag-aralan nito ang sistema ng pagbebenta ng isda sa Calamba at Los Banos kung saan nais nilang ibenta ang unang grupo ng isda na inalagaan sa Calauan. Ang Sari-Sari Store Ang mga NGO na interesado sa pagtulong sa kanilang mga kliyente sa paghanap ng mga produkto para sa kanilang mga kliyenteng may sarisari stores ay maaring makipagsosyo sa amin. Inuumpisahan namin ang ganitong pamamaraan sa Iligan City kasama ang Serviamus, isang NGO. Isang supply chain management system ang itatatag sa Serviamus upang kumuha ng mga kailangang orders ng paninda ng mga sari-sari stores; pag-isahin ang mga kailangang orders ng paninda at bilhin ito sa mga matatag ng suppliers-distributors sa kanilang lugar. Bakit kailangan pumasok ang NGO kamo? Kapag napag-isa ang orders, makakakuha ka ng mas malaking price discount at pwede kang bigyan ng credit line ng existing suppliers. Ang importante sa model na ito ay ang software para sa logistics management. Tataya ang Punla sa pamamagitan ng pagbigay ng software as equity sa negosyo. Para sa isang epektibong proseso ng pagbabago, hindi pwede ang kanya-kanya. Dapat ay sama-sama at may tunay na tulungan at respetuhan sa kahalagahan ng bawat isa.

Sa modelo ng social enterprise na sinusuportahan ng Punla, ang enterprise ay dapat na sumusunod sa tatlong resulta o “bottomlines�: financial bottomline (kailangan ay kumikita); social responsibility (kailangan ay maalaga sa buyer, empleyado at komunidad); at environmental bottomline (may respeto sa kalikasan).

Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 13


KAALAMAN SA NEGOSYO

Gawing Loyal ang Inyong Kustomer

A

8 PARAAN

lam ng mga seryosong negosyante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kostumer. Sa pinaka-simpleng paraan, ito ay maipapakita sa pamamagitan ng pag-ngiti o isang mainit na pagbati mula sa negosyante para sa kaniyang mga kustomer. Ngunit higit pa sa isang mainit na pagbati ang kailangan upang mapanatili na loyal ang mga kustomer. May walong paraan sa ngayon ang pwede ninyong aralin para magpabatid at makapagbigay ng halaga sa mga kustomer.

na sa punto ng pagde-deliver ng produkto o serbisyo sa pinakamagandang kalidad at sa pinaka-mabilis na oras. Ayon sa isang Spanish marketing Professor na si Lluis Renart, ang mas magandang paraan para makabuo ng magandang relasyon sa mga kostumer ay pinauunlad ng konseptong Customer Relationship Marketing (CRM). Bilang karagdagan sa apat na hakbang na nabanggit, nagdagdag ang CRM ng apat pang mga hakbang para mas maging matibay ang relasyon sa pagitan ng negosyante at kostumer.

Step Kilalanin ang iyong target market (Sino ang iyong kustomer?) Importanteng mailarawan mo ang katangian at kalagayan ng iyong mga kustomer gaya ng kanilang edad, kasarian, kagustuhan at hindi kagustuhan, etc. Ang pagkilala ng mabuti sa iyong market ay makakatulong upang makabuo ka ng mga produkto at serbisyong angkop sa kanilang mga pangangailangan.

Step Pag-alam ng Kasiyahan ng Kustomer Nagsasagawa ang negosyante ng survey para malaman kung kuntento at natugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang mga kostumer. Nangangailangan ito ng mga aktibidades para masigurong nasisiyahan ang mga kustomer sa kaniyang produkto o serbisyo.

1

Step Pagbibigay-alam at Pang-aakit sa iyong target market (Paano mo maipababatid ang iyong mga produkto at programa?) Dito nagsasagawa ng mga promotional campaign tulad ng pagpapamigay ng mga leaflets, at iba pang mga pakulo (e.g. website) para ipaalam ang iyong mga produkto o serbisyo sa target group.

2

Step Pagbebenta Sa puntong ito, matagumpay mong nakuha ang atensyon ng iyong target group at sila ngayon ay iyo ng mga kustomer at mamimili na handang magbayad para sa iyong mga produkto at serbisyo.

3

Step Pagde-deliver at Pangongolekta Ang prosesong ito ay depende sa iyong kredibilidad na makapag-deliver ng produkto o serbisyo ayon sa iyong naipabatid sa publiko sa pamamagitan ng mga anunsyo/patalastas. Importante rin ang iyong abilidad sa pangongolekta ng kabayaran sa produkto o serbisyo na iyong ibinigay.

4

Ang tradisyunal na pamamaraan ng pagdebelop ng customer relations ay karaniwang natatapos na sa apat na hakbang na nabanggit sa itaas. Ngunit sa ngayon, hindi na sapat na ang apat na ito lamang ang pagtutuunan ng pansin at oras ng isang negosyante sa larangan ng marketing, i.e. nakukuntento 14 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

5

Step Pagkakaroon ng Suki Ang isang masaya at kuntentong kustomer ay babalikbalikan ang iyong tindahan para bumili ng iyong produkto o serbisyo. Sa puntong ito, ginagawa ng negosyante ang lahat para makilala ang kaniyang mga suki, para mas matugunan pa ang kanilang mga pangangailangan.

6

Step Pagdebelop ng Relasyon sa mga Suki Habang unti-unti mong nakikilala ang iyong kostumer, maaari rin itong maging oportunidad upang ikaw ay makapagbenta ng iba pang produkto sa kaniya. Ang paglalaan ng iba pang produkto para sa kustomer ay maaaring makatulong sa pagpapalalim ng inyong relasyon.

7

Step Pagbuo ng Brand o ng User Community Ito ang panghuling stage sa CRM kung saan naiuugnay ng negosyante ang kaniyang mga kustomer sa iba pang mga kustomer at lahat sila ay nakikinabang sa malaking network na ito.

8

Magpursigi upang malampasan ang karaniwang apat na steps sa marketing at palaguin ang negosyo kasama ng mga masasaya at kuntentong suki na nagnanais ng maganda para sa iyong negosyo. Sanggunian: CRM talk na ibinigay ni Professor Lluis Renart ng IESE Business School, March 23, 2009 sa University of Asia and the Pacific (UA&P), Ortigas, Pasig.


kaalaman sa negosyo

micro insurance

the feeling is mutual

sa Micro insurance

N

uong nakalipas na isyu, atin nang nasimulang talakayin ang microinsurance, o abotkayang insurance para sa karaniwang Pinoy. Pero paano nga ba ito nagsimula? Sino ang naghahandog nito, at sino ang maaaring makasali dito?

Ang “mutuality” at ang microinsurance Ang konsepto sa likod ng microinsurance ay hindi na bago. Ito ay sibol sa kultura ng pagtutulungan at pagdadamayan na likas sa ating mga Pilipino. Ang disenyo ng microinsurance ay sadyang para sa mahihirap subalit masikap nating mga kababayan. Tulad ng karaniwang insurance, ito ay ang pagbabayad ng regular na kontribusyon kapalit ang kaukulang benepisyo na iyo namang matatanggap sa panahon ng kagipitan (tulad ng pagkakasakit, pagkamatay ng kaanak, sakuna, atbp). Ngunit kaiba sa karaniwang insurance, ang hulog dito ay maliit lamang—di hihigit sa Php 30.00 kada linggo—kaya nga sinasabing “micro”. Mas mabilis din ang pagproseso ng claims sa microinsurance na inaabot lamang ng isa hanggang limang araw. Ang microinsurance ay may kaakibat ding layunin na “mutuality” o pantay-pantay na pagtutulungan. Kung naririnig man natin ang mga katagang ‘the feeling is mutual,’ ito’y malimit sa mga pelikula o teleserye lamang. Pero “the feeling is mutual” sa microinsurance? Kakaibang pakinggan pero totoo. Dahil sa prinsipyong ito, ang kontribusyon at benepisyo ay pantay-pantay para sa lahat. Kaiba rin sa karaniwang insurance, pati ang mga kaanak mo (asawa’t mga anak, o kaya’y magulang) ay automatikong saklaw sa insurance bilang dependents nang walang dagdag na bayad. Paano maging miyembro Sa Pilipinas, may iilan na ring pamamaraan ng pagbibigay ng serbisyong microinsurance. Isa na dito ang subok nang modelo partikular ang Microinsurance Mutual Benefit Association o MI MBA. Siguraduhin na ang sasalihang samahan ay ganap na lisensyado ng Insurance Commission (IC) upang ito’y tiyak na may katatagang pampinansyal. Ilan sa mauunlad na MI MBA na marahil nakita nyo na sa inyong komunidad ay ang Center for Agriculture and Rural Development (CARD) MBA, Rural Bank of Talisayan (RBT) MBA, Alalay Sa Kaunlaran (ASKI) MBA, Kasagana-Ka MBA, Ad Jesum MBA, First Community Cooperative (FICCO) MBA, at Sto. Rosario Credit and Development Cooperative (SRCDC) MBA. Ang pinakabago at lisensyadong MI-MBA na katuwang ang RIMANSI ay ang Cooperative Alliance for Responsive Endeavor (CARE) MBA sa lalawigan ng Quezon. Bawat MI MBA ay may kani-kaniyang tuntunin sa pagsapi ngunit pinadali at pinasimple ang dokumentasyon at proseso, madaling maintindihan ang policy, at higit sa lahat abot kaya ang kontribusyon. Sa sinumang nais maging miyembro, karaniwang hinihingi ay ang kanyang birth certificate, marriage contract (kung kasal), at birth certificates ng mga anak at kanyang mga magulang. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya madali ang pagbigay ng benepisyo. Ang mga miyembro ay kinakailangan ding 18 na taong-gulang pataas. Bilang miyembro ng MI MBA, ikaw naman ay may pananagutan na 1) magbigay ng regular na kontribyusyon sa tamang halaga at takdang panahon, 2) alamin at intindihin ang produktong microinsurance, at 3) makibahagi sa mga gawain ng MI MBA. Yan ang inyong parte at napaka-importanteng sangkap ng sinasabing mutuality. Ang katatagan ng isang MI MBA ay una’t higit na nakasalalay sa katapatan ng bawa’t isa sa mga miyembro nito. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa prinsipyo ng mutuality at microinsurance, tayo ay may tiyak ng pansanggalang laban sa mga di-inaasahang sakuna para sa ating sarili, pamilya, at negosyo.

Your microinsurance partner

T !

he RIMANSI Organization for Asia and the Pacific, Inc. is a non-stock, nonprofit organization that was established in 2005 by eight leading microfinance institutions in the Philippines. It functions as a resource center for microinsurance, enabling grassroots-based organizations to provide sustainable risk protection services to socio-economically disadvantaged households in the Southeast Asian region. RIMANSI engages in research and development activities in collaboration with policy think-tanks, regulators, and practitioners to promote the provision of insurance services to the poor and those working in the informal sector. RIMANSI offers two comprehensive Services Packages for NGOs and MFIs that are looking into creating their own microinsurance delivery programs: Service Package 1 is geared towards enabling prospective mutual benefit associations (MBAs) to establish their own microinsurance operations. This involves market research, business planning, operations training, actuarial study, assistance in registration and licensing requirements, among others. Service Package 2 is intended to reinforce the viability and sustainability of the established MBA. This involves the conduct of performance reviews, needs assessment study, and product review and development.

RIMANSI Organization for Asia and the Pacific, Inc. Unit 1014 Medical Plaza Ortigas Building San Miguel Avenue, Ortigas Center Pasig City, Philippines www.rimansi.com Email: rimansi@yahoo.com Telefax: (+632) 633 9327 Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 15


KAALAMAN SA NEGOSYO

ASENSO AGRARYO

Magandang Negosyo ‘Yan

l

Masama sa Kalusugan Nakakalasong Hangin Ni Vanessa Christine Y. Lacuesta, MD

Ni Henrylito D. Tacio

ang minuto ka nang sakay ng dyip dulot ng traffic. Matindi ang init sa loob ng sasakyan. Pagdating sa bahay, nararamdaman mo ang hirap sa paghinga. Inaatake ka na naman ng iyong asthma. Ilang beses ka nang hindi nakakapagbantay sa iyong tindahan dahil dito. Napansin mo na sa pagtindi ng polusyon sa inyong lugar, lalong lumalala at napapadalas ang pag-atake ng asthma mo. Kilalanin ang Smog Sa pag-unlad ng mga nayon at bansa, ang polusyon ay lalong lumalaganap at nagiging sanhi ng pagkakasakit ng marami. Ang smog ang siyang tawag sa mistulang usok na bumabalot sa mga lugar na may mataas na lebel ng air pollution. Ang smog ay pinaghalong salitang “smoke” at “fog” sa Ingles. Ang smog ay binubuo ng mga nakalalason at mapaminsalang substansya tulad ng mga sumusunod: Nitrogen dioxide Ito ay galing sa usok ng mga de-motor na sasakyan at mga power plants. Ang nitrogen dioxide ay nakaka-irritate ng lalamunan at maaaring maging sanhi ng pamamaga ng baga at pulmonya (pneumonia). Ang mga bata at matatanda na may sakit na asthma ang siyang pangunahing naaapektuhan nito. Carbon monoxide Ang carbon monoxide ay galing sa mga de-motor na sasakyan at mga stove na gumagamit ng kahoy. Mataas ang lebel nito sa mga mata-traffic na lugar. Ito ay walang amoy at walang kulay, subalit nakakalason sa katawan. Maaari nitong maapektuhan ang utak at ang puso. Ozone Ang ozone ang siyang pangunahing bahagi ng smog. Ang ozone ay nagbibigay ng proteksyon laban sa UV o ultraviolet radiation na maaaring magdulot ng kanser sa balat. Subalit ang mataas na lebel at ground level nito ay maaaring magdulot ng pamamaga ng baga at problema sa paghinga lalo sa mga bata at mga may asthma. Ang lebel ng ozone ay tumataas lalo na kapag umiinit ang panahon.

16 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

Lead Ang lead ay isang uri ng metal na maaaring magparumi ng hangin, lupa, tubig at pagkain. Ito ay nahahalo sa gasolina, pintura at mga baterya. Ang pagkalasong dulot ng lead ay nagiging sanhi ng pagkabaog, miscarriage at sakit sa puso, utak at bato. Ang mga bata ay pangunahing naaapektuhan nito dahil mabilis na na-a-absorb ng kanilang katawan ang lead na pwedeng magdulot ng problema sa kanilang paglaki at pag-aaral.

Ang polusyon ay salot sa ating kalusugan. Bilang mga negosyante, narito ang ilang mga paraan para makatulong sa ating kapaligiran: 4 Maglakad o magbisikleta na lang kung malapit lamang ang pupuntahan. 4 Magtipid sa gas. Ilista ang lahat ng bilihin o gawain bago umalis upang makatipid sa biyahe. 4 Siguruhin na laging nasa mabuting kondisyon ang inyong mga kotse o dyip para hindi maging smoke belchers 4 Gumamit ng water-based na pintura. Iwasan ang paggamit ng sprayer sa pagpipinta. 4 Ugaliing maglinis ng bahay para matanggal ang duming maaaring naglalaman ng lead. 4 Madalas na ipasiyasat ang inyong LPG para maiwasan ang pagsingaw ng gas. 4 Iwasan ang paninigarilyo.


Pure, Natural and Healthy

A Gift of Health

FUNCTIONAL FOOD

CARICA SYRUP SEED EXTRACT FLOWER EXTRACT HERBAL BERRY EXTRACT CARICA CANDY MANGOSTEEN SUPERBLEND CALAMANSI CONCENTRATE DALANDAN JUICE HERBAL JUICE CONCENTRATES NONI JUICE PLUS

PERSONAL CARE PRODUCTS CARICA SOAP DEEP CLEAN SOAP HERBAL ANTISEPTIC HERBAL DEODORANT NONI FRUIT/LEAVES SOAP VIRGIN COCONUT OIL SOAP PAPAYA SCRUB SOAP CARICA HAIR SOAP CARICA HAIR CREAM CARICA SHAMPOO Q-10 LOTION HERBAL FRESH TOOTHPASTE PAPAYA OINTMENT

Herbal teas and capsules

ANONA FLOWER AMPALAYA BANABA FLOWER COCONUT TEA Co-ENZYME Q-10 GOTU KOLA CAPSULE GANO DERMA GINGER GARLIC CAPSULE

HERBAL BERRY LAGUNDI MALUNGGAY NONI PAPAYA PITO-PITO SPIRULINA

HERBAL CIGARETTES STOP A HABIT HERBALA

CARICA MAIN OUTLET

#25 Buendia corner Bautista St., Makati Tel. No. 729-4447 www.caricaworldwide.com.ph Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 17


galing ng negosyanteng pinoy

Mga Kamay na May Pagpapahalaga Ni Bianca P. Garcia

Kakaiba Mayaman sa raw materials ang Davao. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit sinimulan ni Lourdes “Lou” Riveral ang kaniyang maliit na negosyo. “Sa amin kasi, maraming nasasayang na raw materials. For example, may isang puno ng langka. Habang lumalaki ‘yon, nababalutan ng mga sanga yung mismong fruit. Yung mga pinuputol na sanga, tinatapon lang or ginagawang charcoal,” bahagi ni Lou. Ang kagustuhan na huwag masayang ang mga raw materials na ito ang nagtulak sa kaniya na mag-negosyo. Ang Halaga ng Value-adding Itinatag ni Lou ang kaniyang negoso sa konseptong value-adding. “Marami nga kaming raw materials, iba naman ang nakikinabang dahil hindi namin alam kung anong gagawin at paano i-process ang mga ito para mabenta ng mas mataas ang presyo,” salaysay ni Lou. Kaya mula sa mga saganang materyales sa kaniyang paligid gaya ng mahogany wood, sungay ng kalabaw, buto ng baka at mga sanga ng kahoy, naging dalubhasa siya sa teknik ng pag-dibuho ng mga materyales na ito para maging semi-processed na materyales na maaari pang gawin na ibang produkto. Isipin mo, buto ng baka na ginawang beads o isang 18 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

sanga na ginawang mga butones! Pero hindi huminto doon si Lou. Inukitan lamang niya ng korteng bulaklak ang bag handle at naging kakaiba na ito. Mabebenta pa niya sa mas mataas na presyo. Sa mga kakaibang disenyo, umaabot na sa Japan ang mga produkto ng kumpanya ni Lou na kilala sa pangalang Hands On International. Naging daan niya sa pag-eexport ang kaniyang tiyuhin na si Camilo Tan na nakatira na doon at kilala na ang kagustuhan ng Japanese market. Abot-Kamay na Tulong Mula sa Hands-On Noong June 2008, inimbitahan ng Department of Trade and Industry (DTI) si Lou, kasama ng 10 pang mga handicraft entrepreneurs mula sa Region 11, para sa isang ten-day training sa Manila. Maingat na pinili ng DTI (Southern Mindanao) ang sampung masisipag, masisigla at may kakayahang designers at negosyante na maging coach ng mga maliliit na negosyante sa kanilang rehiyon sa product development. Maaari ng matamasa ng mga maliliit na negosyante mula sa Region 11 ang libreng tulong sa pag-disenyo ng mga produkto sa katauhan ni Lou at kaniyang mga kasama sa Designers’ Pool. Sa ngayon, hindi lamang nakakatulong si Lou sa kaniyang komunidad


Cecilia Habulan

N

Philippine WOMED Winner sa Belgium

oong nakaraang taon ay binigyangpugay ng Ahon sa Hirap, Inc. (ASHI) at Insol ang isang katangi-tanging babaeng negosyante na nagsisilbing huwarang modelo ng lipunan sa pamamagitan ng WOMED (Women in Enterprise Development) Awards. Sa limang finalists, nakamit ni Cecilia Habulan ang gantimpala na nagbigay naman sa kanya ng pagkakataong makapunta sa Belgium. Kasama sina Mila Bunker, President ng ASHI, at dalawa pang staff ng ASHI, personal na kinilala si Cecilia ni Prinsesa Mathilde ng Belgium noong March 19 – April 2, 2009 sa Brussels, Belgium. “Natupad na rin ang aking pangarap. Bata pa lang ako, pangarap ko na makarating sa ibang bansa para makakilala ng mga prinsesa. Ngayon, hindi lamang ako nakarating ng ibang bansa, naparangalan pa ako,” pahayag ni Cecilia na may pagmamalaki. Sa pakikisalamuha sa mga kababaihang naparangalan din mula sa iba’t ibang bansa, natutunan ni Cecilia ang importansya ng oras. “Mapursigi ang mga tao doon, tsaka ang time sa kanila ay talagang gold. Lahat ng oras nila, naka-budget. hindi pwedeng may masayang na oras.” Kaya naman, ang payo niya sa mga nanay na nais maging katulad niya ay, “dapat balanse ang oras mo para sa pamilya at sa negosyo, at may oras ka rin na magpahinga para sa katawan at kalusugan mo. At higit sa lahat, kailangan mo rin ng gabay ng Panginoon.”

Binigyan ng bulaklak ni Princess Mathilde ng Belgium si Cecilia bilang pagkilala sa kanya na huwarang negosyanteng Pinay. Buong pagmamalaking pinarangalan ng Markant si Cecilia (nasa gitna), noong March 2527 sa Belgium.

Naging posible ang pagpaparangal na ito sa mga Pilipina sa pakikipagtulungan ng ASHI at Insol sa Markant, isang samahan ng mga Belgian na kababaihang negosyante, at sa Trias, isang Belgian organization para sa pangkaunlarang kooperasyon.

sa pamamagitan ng pag-reuse ng mga materyales sa kaniyang paligid, nakakakapag-empleyo din siya sa kaniyang lugar. Sa kasalukuyan, mayroon siyang 5 full-time workers, 2 sa mga ito ay out-of-school youth, at contractual workers na mga magsasakang nagta-trabaho para sa pandagdag na kita. Naniniwala siya na ang kaniyang mga organisasyon, Association of Southern Philippine Exporters (ASPEX) at Designers’ Pool, ay may malaking papel na ginagampanan sa pagpapaunlad ng kaniyang negosyo bilang isang socially responsible enterprise. “Sa isang negosyo, dapat isipin mo lang ito: ‘Gusto ko ‘to, at kailangan ‘to ng tao.’ I-maximize mo kung anong meron ka,” ang payo ni Lou para sa mga kapwa niyang negosyante.

Hands On International Ms. Lou Riveral Bldg. D-20A Aldevinco Shopping Center C.M. Recto St. Davao City 8000 Phone: (082) 228-6795 E-mail: hoi_phil@yahoo.com.ph Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 19


KAALAMAN SA NEGOSYO

Usapang Makulay Ni Grace Perez

A

lam ba ninyo na may kahulugan ang mga kulay? Lahat ng bagay sa ating paligid ay may kulay, ngunit hindi natin napapansin ang mga mensahe na maaaring ipinaparating natin sa iba, lalo na sa ating mga kasuotan. Ang ating tugon sa kulay ay naiimpluwensyahan ng iba’t ibang bagay na biolohikal, sikolohikal, kultural at panlipunan. Narito ang simbolismo ng mga kulay mula sa mga lipunan sa kanluran:

Itim – ay kumakatawan sa kapangyarihan, pagiging pormal, elegansya, at

kamatayan. Ang itim ay humihigop ng liwanag ngunit pinaka-stylish at walang kupas na kulay sa damit. Ang itim ay nakakapagpapayat sa may suot nito.

Puti – ang resulta kapag pinaghalo ang lahat ng kulay. Ibinabalik nito ang

liwanag at itinuturing na kulay ng tag-init dahil presko ito sa katawan. Ang mga doktor at nars ay karaniwang nakaputi dahil simbolo ito ng kalinisan.

Asul – ay isa sa pinaka-popular na kulay. Marami nito sa ating paligid – mula sa langit hanggang sa kulay ng dagat. Ang ipinapahiwatig nito ay katahimikan at kapayapaan.

Pula – ay kulay ng apoy at dugo kaya ito ay kumakatawan sa enerhiya, lakas, pasyon at pag-ibig. Ang pula ay masidhing kulay na nakakaakit ng atensyon. Ang pula ay nakakapagpalaki ng tingin sa may suot nito at nakakapagpasigla sa pagkain.

Berde – kalmado at preskong kulay. Berde ang kulay ng kalikasan. Ito ay

Makulay na

fashion tips 4 Iwasang magsuot ng pula kung ikaw ay haharap sa isang negosasyon. Ang pula ay kulay ng komprontasyon. Isipin mo na lang ang mga matador sa Espanya na gumagamit ng telang pula para galitin ang toro sa bullfight. 4 Kung ikaw ay may gagawing presentasyon, alalahanin na ang atensyon ng iyong tagapakinig ay dapat nakapokus sa iyong mensahe. Iwasang magsuot ng damit na may malalaking desenyo at matitingkad na kulay na masakit sa mata. 4 Kung may interview ka para sa trabaho, ang kasuotang asul ang karaniwang rekomendado dahil ito ay nagpapahiwatig ng katapatan. 4 Ang maputlang rosas ay magandang isuot kung ikaw ay makikipag-date. 4 Para sa mga kapatid nating Tsino, ang pula ang kulay ng kasiyahan at galak kaya kapag mayroong selebrasyon para sa kaarawan, karaniwan na ang mga bisita ay nakapula. Kung ikaw ay pupunta sa isang lamay o libing, iwasan ang pagsusuot ng pulang damit. Sa susunod na buksan natin ang ating mga aparador, alam na natin kung paano gagamitin ang ating mga kasuotan para makipag-usap sa iba.

magaan sa mata. Ang dark green ay karaniwang kumakatawan sa salapi.

Dilaw – ay kulay ng araw at kumakatawan sa kasiyahan, karunungan

at enerhiya. Isa itong masiglang kulay at nakakaakit ng atensyon. Napapabuti rin nito ang konsentrasyon.

Kayumanggi – kulay ng mundo na sagana sa kalikasan. Pinapakahulugan nito ang pagiging matatag at maaasahan.

Narangha (Orange) – ang pagsusuot ng orange ay isang paraan para mang-

akit ng atensyon. Magkahalo sa orange ang katamtamang katangian ng masidhing pula at masayang dilaw. Ang orange ay kumakatawan sa init (warmth), enerhiya, pagbabago at kalusugan.

Murado (Purple) – ay isang kulay na bihirang makita sa kalikasan kaya

nakakaakit ng atensyon at minsan ay naituturing na artipisyal. Ang murado ay simbolo ng karangyaan, kaharian, kayamanan at sopistikasyon. Ang malamlam na murado ay may romantikong appeal.

Rosas – isang mahinhin at kalmadong kulay na kumakatawan sa romansa,

pag-ibig at pakikipagkaibigan. Ang maputlang rosas ay nang-aakit ng enerhiya, nakakapagparelaks at nagpapahiwatig na madali kang lapitan.

20 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

Si Grace na naka-yellow ay masayang kakwentuhan sina Jesi (editor; nasa gitna) at Bianca (writer)

Tungkol kay Grace: Back in the late 80’s, Grace Perez started a fashion trading business with two thousand pesos worth of t-shirts bought on credit. Today, together with a partner, the business has expanded to include other products such as RTWs, knitted and crocheted garments and leather goods. Grace has long eyed the international market and hopes that this dream would soon materialize with recent orders from friends working in Qatar. Grace can be reached at gracelfashionhaus@yahoo.com or through website http://gracel777.multiply.com.


ENTREP NEWS

Prof. Lluis Renart of IESE Business School with Dr. Placido Mapa, Chairman of the Board of Trustees of UA&P at Ms. Ellen Soriano, Program Director ng 10,000 Women Business Training Program in Manila (left to right)

Representative ng Goldman Sachs sa paglunsad ng proyekto sa Manila, si Mr. Tim Leissner, Partner Managing Director ng Goldman Sachs-Singapore

P

ormal na inilunsad ng University of Asia and the Pacific (UA&P) noong May 7, 2009 sa Edsa-Shangrila Hotel ang 10,000 Women Business Training Program dito sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng 10,000 Women, sinusuportahan at nakikipag-partner ang Goldman Sachs Charitable Fund sa mga unibersidad at development organizations na magbibigay sa 10,000 kababaihang negosyante sa buong mundo ng edukasyon sa business at management. Ang UA&P, sa pakikipag-partner sa IESE Business School sa Barcelona, Spain ay magsasagawa ng mga aktibidades gaya ng Business Management and Entrepreneurship Certificate Course at Teacher Training Program para ihanda ang ilang mga guro na tutulong, hindi lamang sa pagtuturo, kundi pati na rin sa pagbuo ng mga kurso at materyales na gagamitin sa pagtuturo na akma sa business and management certificate course na kanilang ihahandog sa mga mapipiling negosyanteng kababaihan. Ang scholarship ay ibibigay sa 50 Pinay na negosyante na may mataas na potensyal na mapalago ang negosyo. Makakaranas din sila ng mentoring mula sa mga matagumpay at eksperiyensiyadong negosyante na gagabay at susuporta sa kanila habang pinapalago nila ang kanilang mga negosyo. Inaasahan na sa pamamagitan ng programang ito, ang mga mapipiling babaeng negosyante ay magkakaroon ng pagkakataong makihalubilo sa mga eksperto sa industriya at iba pang matagumpay na negosyante na nagmumula sa iba’t ibang sektor ng ekonomiya, para na rin makakuha sila ng bagong mga ideya sa pagnenegosyo at magkaroon ng mas malawak na merkado para sa kanilang mga produkto. Sa mga interesadong sumali sa programa, mag-email lang sa: ncebritas@uap. edu.ph, tumawag sa 637-09-12 loc. 207 o (02) 334-3526 o mag-log on sa http:// www.10000womenph.com.

Paglulunsad ng

Business Training Program ng Goldman Sachs at UA&P

Ang Goldman Sachs, isa sa mga nangungunang bangko para sa pamumuhunan at seguridad sa buong mundo, ay naniniwala na ang paghubog sa kakayahan ng kababaihan bilang negosyante ay isa sa mga pinaka-importante, ngunit karaniwang nakakaligtaan, na paraan upan maisulong ang paglago ng ekonomiya. Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 21


ENTREP NEWS ASKI MARKETING COOPERATIVE

P

Pagbubukas ng One-Stop -Shop

ebrero 12,2009 ng ilunsad ng ASKI Marketing Cooperative ang “One-Stop Shop” na matatagpuan sa bagong gusali ng ASKI sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Sa pamamahala ng mga piling kliyente at empleyado ng ASKI, itinatampok nito ang iba’t ibang produkto ng mga ASKIan mula Rehiyon 1, 2 at 3. Nilalayon ng ASKI na palawakin ang marketing assistance sa mahigit na 56,000 kliyente ng ASKI Microfinance Program sa pamamagitan ng Marketing Coop at ng shop na ito. E-Haus

Ang E-Haus, isang internet facility, ay makapagbibigay ng oportunidad sa mga kliyente upang mapalawak ang kanilang hanapbuhay. Maari itong gamitin sa paghahanap ng potensyal na kasosyo sa negosyo. Ang isang kliyente na interesado sa programang pabahay ay maaari ring makakuha ng detalye sa pamamagitan ng ASKI ICT Kiosk. Inaasahan na ang serbisyong ito, sa pakikipag-ugnayan ng ASKI sa Development Bank of the Philippines (DBP) at Housing & Urban Development Coordinating Council (HUDCC), ay magiging daan upang makilala ang mga kasalukuyang programa ng dalawang partners. Product Display at Trading Section

Makikita sa tindahang ito ang mga pangunahing produkto ng mga kliyente ng ASKI tulad ng handicrafts, fashion accessories, footwear, souvenir/gift items, masasarap na pagkaing pampasalubong at grocery items. Iba pang serbisyo

Ang ASKI Marketing ay aktibo sa paghahatid ng mga kalidad na produkto sa mga karatig na lalawigan o rehiyon, pati na 22 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009

rin sa pagdadala ng mga ito sa internasyonal na merkado. Isang halimbawa nito ang pagkakalakal sa Rehion 2 ng mga tsinelas na gawa sa Gapan Nueva Ecija at pagdadala ng mga produktong gawa sa papel at capiz sa Australia. Nagsisilbi ring product distributor at kooperatiba ang ASKI Marketing Shop upang matulungan ang mga miyembro nito na makakuha ng mas mababang halaga mula sa mga pribadong kumpanya sa pamamagitan ng pagbili ng bultuhan. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na supplier. Estratehiya

Ang ASKI ay miyembro ng Small and Medium Enterprise Development Council na may layuning matulungan ang mga negosyante na maiangat ang kanilang negosyo. Isa sa estratehiya upang

maisakatuparan ang lahat ng programa at serbisyo nito ay ang pakikipag-partner sa mga institusyon gaya ng DTI (trade and industry), DOST (science and technology), at TESDA (training) para mabigyan ng kaukulang suporta ang mga kliyenta ng ASKI. Nag-oorganisa rin ito ng mga exhibits at trade fairs sa Maynila gaya ng FAME Trade Fair para mabigyan ang mga kliyente ng exposure sa klase ng mga produktong inihahanda para sa internasyunal na merkado. Ang ibang kliyente din ng ASKI ay patuloy na sumasali sa iba’t ibang trade fairs sa Pilipinas. Ang mga empleyado at kliyente ng ASKI ay maaaring maging miyembro sa halagang P 100 lamang! Para sa mga posibleng partnership, makipag-alam lamang kay Ms. Marinel Cruz, Marketing Manager ng ASKI Marketing Cooperative sa teleponong (044) 600-2908; (044) 463-5779 at 0920-9594955.


Hunyo - Hulyo 2009 | kwentong negosyo | 23


24 | kwentong negosyo | Hunyo - Hulyo 2009


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.