Ang Sinag, Tomo 26, Bilang 1

Page 1

Tunay na malayang pamamahayag

Dress code policy, aprub sa mga mag-aaral

John David Bantiles

S uportado ng mga magaaral ang ipinatutupad na Dress Code sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Sa ilalim ng patakarang ito na inilunsad noong 22 Nobyembre 2022, kinakailangang magsuot ng puting t-shirt at pants ang mga lalake, at uniporme naman sa mga babaeng magaaral, ipinagbabawal din ang pagsusuot crop top, shorts, at mga dekolor na kasuotan.

Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan at upang maiwasan ang mga ‘outsiders’.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagsang-ayon ang ilang mag-aaral sa ipinatupad na patakaran.

“Pabor ako sa bagong patakaran dahil magpapakita ito... ng sense of unity, kasi nga formal setting ito ng paaralan kaya magandang tingnan kung lahat tayo’y sumusunod sa pormal na dress code ng paaralan,” ani Erika Aberia, mag-aaral ng ikasiyam na baitang.

Ayon naman kay Asti Alena

Water quality monitoring system

ANG SINAG

Maroons pinayukod ang Eagles

15 CCTV units, handog sa ESNCHS

ilang proyekto ng Batch 1994 sa pangunguna ng pangulo nitong si Eliseo Ana Jr., nakatanggap ng 15 closed circuit television (CCTV) units ang Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Sa turnover na isinagawa sa School-Based Management (SBM) Hub, 24 Abril 2023, binigyang-diin ni Jennifer Dulfo, Bise Presidente ng batch 1994, na makatutulong ang proyektong nagkakahalaga ng Php295,500 upang “mabantayan” ang mga insidente sa loob at labas ng kampus.

“Damo an challenges dinhi ha Compre, so para mabantayan it incidents not only in the campus but also didto ha guwa. We decided and agreed with the president mag put up nala hit CCTV kay asya manggud it napapanahon,” paglilinaw pa ni Dulfo.

Binigyang-pugay rin niya ang Pangulo ng batch 94 na naglabas umano ng “personal” na pera para maisakatuparan

ang proyekto.

“Very fortunate kita kay an aton president hi Engineer Eliseo Ana Jr. in personal naghatag hin kwarta kun diin inbehalf han 1994 iya igin ngaran nga project,” dagdag pa niya.

Nagpapasalamat naman si Dean Ernest Paul Hermano, Officer-in-Charge ng ESNCHS, sa donasyon ng batch ‘94 na aniya’y “very timely”.

“We couldn’t be more grateful. It is very timely and it necissitates us to have CCTV cameras already considering that we have incidents that took place before.” pahayag pa niya.

Sa ngayon, umaabot na sa 18 ang bilang ng mga CCTV sa ESNCHS na kung saan ay tatlo sa mga ito ay ipinundar mismo ng paaralan.

Comprehenyos, mas gusto ang harapang klase

28k pondo sa pananaliksik, laan ng RO8

Edsel Andia

A prubado ng Tanggapan ng DepEd-Rehiyon 8 ang pondong umaabot sa Php 28,000 para sa mga pananaliksik ng mga guro ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Kabilang sa mga napondohan ang JIGCOM: Jigsaw Coaching and Mentoring nina Hazel Meneses (Punongguro) , Roessi Mae Arat at Mercia Corado (Php12, 000) at Project Paglinang ni Christian Dave Loren (Php16,000), ayon sa inilabas na Regional Memorandum No. 324, s. 2023.

Dahil dito, nakatakda nilang ipatupad ang kanilang pananaliksik sa loob ng anim na buwan.

Nagpapasalamat naman si Corado sa pagkakataong ibinigay ng Tanggapan upang maisakatuparan ang kanilang proyekto na may layuning

Sa kabila ng mainit na panahon at suhestiyon ng Department of Education (DepEd) na maaaring bumalik sa modular o distant learning ang mga paaralan, mas pipiliin pa rin ng mga guro at mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ang face-to-face classes o haraptang pagkaklase.

Sa isang panayam nitong 25 Abril 2023, binigyang-diin ni Jessica Lacan-

dose, guro mula sa Accountancy and Business Management (ABM) Faculty, na mas makabubuting ilaan na lamang ang pondo para sa paglilimbag ng mga kakailanganing modyul sa pagbili ng mga electric fan kaysa ipampalimbag ng mga kakailanganing modyul.

“Dire mait pirme mapaso it panahon. So para haak dire gud it kuan nga magdidistant learning diretso kun mayda man iba nga solution.

BANTAY SEGURIDAD
Lianne Mae Belizar
ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL P.T.
2022-2023
28k
| 2
Edsel Andia
pondo...
SIPAG. Pursigidong nag-aaral sina Hope Caroline Culo (kanan) at LJ Rose Noroña ng 11 STEM F para sa kanilang nalalapit na pagsusulit.(Andrew Aclao)
Comprehenyos... | 2 Dress code... | 2 04
SEGURIDAD. Pinasalamatan ng Bise presidente ng Batch 1994 na si Jennifer Dulfo ang kanilang Pangulong si Eliseo Ana Jr. sa donasyon nito para maisakatuparan ang kanilang proyekto. (Lianne Mae Belizar)
editoryal
06
lathalain
12 isports
Bigyan ng helmet yan
03
10
balita Project TV
agham
11 isports
Laban Borongan editoryal

Dress code... | 1

Anire, mula sa baitang 12 ABM A, makatutulong ang nasabing patakaran para sa identipikasyon ng mga mag-aaral kung kaya’t sang-ayon siya sa pagpapatupad nito.

“Mas maganda pa rin ang pagsusuot ng uniporme kasi parang nagbibigay ito ng motibasyon sa mga mag-aaral na maging seryoso sa kanilang pag aaral at upang mas makakapag pokus sila sa mga gawain,” dagdag pa niya.

Bagama’t suportado, may iilan namang sumusuway sa polisiyang ito.

Kabilang na rito ang magaaral ng baitang 12 na si Nizah Mei Pampanga.

Ayon sa kaniya, may mga pagkakataong hindi umano natutuyo ang kaniyang mga damit kapag masama ang panahon na minsa’y nagreresulta sa pagsusuot ng hindi uniporme o white tshirt.

Kapag maaktuhan naman ang isang estudyanteng sumuway sa polisiya ay papauwiin ito sa kanilang tahanan para magpalit ng damit.

Malasakit ang pumupukaw sa ating kumilos — Kara David

I binahagi ng isa sa mga premyado at tinitingalang mamamahayag sa telebisyon na si Kara David ang kahalagahan ng malasakit sa kapwa at pagbabayanihan sa kanyang lektura na pinamagatang ‘The Heart of Storytelling’ sa isang worksyap na ginanap noong ika-14 ng Setyembre 2022 sa Teatro Ibabawnon, ESSU-Borongan.

Aniya, ang malasakit at pagtulong ay walang hinihinging kapalit bagkus, kung ano ang ipinakita mong kabutihan sa kapwa ay ganoon ding kabutihan ang ipapakita nila sayo.

“Malasakit moves us to action,” pahayag niya.

Ayon sa kanya, ang malasakit ay hindi lang humihinto sa awa, kundi mayroon pang mas malalim na kahulugan nito. Ito ay ang kakayahang maramdaman ang sakit na pinapasan ng iyong kapwa.

“Kapag naramdaman mo yung

sakit ng kapwa mo, masasaktan ka at gusto mong tanggalin yung sakit na ‘yon – anong gagawin mo? Tutulong ka,” saad niya.

Inilahad niya na kapag nadarama mo yung sakit na dinadala ng iyong kapwa ay ma-uudyok kang kumilos upang mapawi o maibsan ang sakit sa kanyang dinaranas.

“Ang mabigat ay gumagaan kapag marami ang pumapasan,” pagbibigay-diin niya.

Tinalakay niya rin ang tungkol sa kanyang tatlong krayterya sa pag -

pili ng kuwento o dokumentaryong ipapahayag.

“Ang iyong kuwento ay dapat walang kakupas-kupas, may potensyal na makapagpabago ng buhay, at ang ikatlo, ay dapat makapagpupukaw ng malasakit at hindi lang awa,” paglalahad niya.

Nakinig sa kanyang lektura ang mga estudyanteng manunulat mula sa iba’t ibang paaralan sa sekundarya at kolehiyo sa Samar at Silangang Samar.

Malawakang pampaaralang pagbabakuna, isinagawa

Edsel Andia

Ginanap ang malawakang pagbabakuna sa mga mag-aaral ng

Eastern Samar National Comprehensive High School kahapon, 16 Setyembre 2022, sa gymnasium ng paaralan.

Ginawa ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante laban sa COVID-19.

Alinsunod ito sa programa ng pamahalaan na ‘Pinas Lakas: COVID-19 Vaccination’ na may layuning mahikayat ang mga mamamayan na magpabakuna na para sa kanilang kaligtasan.

Nilinaw naman ng nars ng paaralan na si Harold Labro na pwede lamang ulit magpabakuna kung may tatlong buwan na mula noong huling pagpapabakuna.

Hinikayat naman ni Labro ang mga mag-aaral na magpabakuna na habang libre pang ibinibigay ng pamahalaan ang mga bakuna.

“Habang libre in nga aton vac-

cination, libre pa in nga vaccine nga ipinanhahatag, ig-take ta it chance kay maabot it panahon nga ini hiya nga vaccine, dire na magiging available as free,” pahayag niya.

Samantala, nagbigay ng opinyon ang gurong si Juliet Anir ukol sa pagpapatupad ng panukalang ito.

“Dapat na i-require ang pagsusuot ng uniporme mula

Lunes hanggang Huwebes upang sa Biyernes ay pwede na silang magsuot ng kahit na anong damit basta ito ay disente,” suhestiyon naman niya.

Gayunpaman, maayos na naipatutupad ang patakaran dahil sa mahigpit na pagbabantay ng mga guro at guwardiya ng paaralan.

Comprehenyos... | 1

(Hindi naman palaging mainit ang panahon. So para sakin hindi talaga [nararapat] na magdi-distant learning tayo kung mayroon pang ibang solusyon.),” paglilinaw pa niya.

Ibinahagi rin ni Katrina Hornido, guro sa kaparehong faculty, na hindi siya sang-ayon sa pagbabalik ng modular learning dahil “limitado ang matututuhan” ng mga mag-aaral dito.

“Kulang [din] ang physical interaction ng mga mag-aaral lalo na sa social interaction na kung saan marami silang pwedeng matutuhan patungkol sa pakikipagkapwa, pakikibagay, pakikisalamuha sa mga guro, mag aaral, iba-ibang sitwasyon, at sa marami pang bagay,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, face-to-face pa rin ang pagkaklase sa ESNCHS at nakatakdang magtapos ito sa darating na Hulyo ngayong taon.

28k pondo... | 1

“ma-improve” ang pagkatuto ng nga mag-aaral.

“Nagpapakita talaga sila ng suporta para sa pagkatuto ng mga mag-aaral,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, nag-uumpisa nang isagawa ang mga pananaliksik sa ESNCHS at inaasahang matapos ito sa Nobyembre 2024.

02 BALITA ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Kristina Badiola
“Ang mabigat ay gumagaan kapag marami ang pumapasan. ”
Kara David Premyadong Mamamahayag PINALAKAS. Bago bakunahan, masusing kinuha ang blood pressure ng mga nagpatala para sa pampaaralang pagbabakuna sa ESNCHS gymnasium, Setyembre 16, 2022. (Lianne Mae Belizar)

Project TV, paraan para matulungan ang mga guro — SRGC chairman

Binigyang-diin ni Angela Villasin, tagapagtaguyod ng Project TV, na makatutulong ang proyekto sa ‘multimedia approach’ na pagtuturo ng mga guro sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Sa isang panayam nitong Abril 27, 2023, ibinahagi niyang sa pamamagitan nito ay mapapagaan ang pasanin ng mga guro sa pagtuturo.

“It is very difficult for a teacher nga magdidinara-dara hin TV para hit iya class. Samantala, it iba nga teacher waray sufficient nga gadgets. So para ma-lessen it burden hit teachers ngan magamit hit ngatanan nga subjects usa nga classroom, so nag-install kami hin TV,” pahayag pa niya.

Kaugnay nito, nilinaw ni Villasin na kalahati ng pondo ng TV

lamang ang sasagutin ng School Resource Generation Committee (SRGC) habang ang klase na pagkakabitan nito ang bahalang magbayad sa natitirang balanse.

“Iton SRGC nagsolicit, nga an amount han TV is only Php6,000, so an Php3,000 will be shouldered by the SRGC and counterpart by the class,” saad niya.

Sa ngayon, 17 na sa 115 klasrum ang nahandugan ng telebisyon sa pamamagitan ng Project TV.

‘Search for best brigada implementor’, binuwag ng DepEd

Hindi na paparangalan ang mga “best brigada implementor” ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa DepEd memorandum No. 20 na inilabas nitong Marso 27, 2023, wala na umanong sertipiko ng pagkilala ang ipamimigay sa mga guro, at punongguro na may kaukulang puntos para sa pagpapataas ng kanilang katungkulan.

“There will be no certificates of recognition given to school heads and teachers, which has corresponding points for outstanding accomplishment for the purpose of promotion and office/individual performance,” pahayag ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na maari pa ring parangalan ng mga tagapasiwa ng bawat Sangay ang mga paaralan.

“The [schools division office] level recognition shall focus on the

partners and stakeholders on their voluntary contribution and participation [in] Brigada Eskwela,” saad pa ni Escobedo.

Samantala, suportado naman ni Danna Balbuena, Brigada Coordinator ng Eastern Samar National Comprehensive High School, ang naging desisyon ng DepEd na itigil ang Search for Best Brigada Implementor dahil aniya’y sagot ito sa mga isyu sa pag-iimplementa ng Brigada.

“I believe that the decision of the Department of Education to stop the search for the Best BE implementer was based on reliable and comprehensive data gathered from the field. DepEd memo no. 20 s. of 2023 may well be beneficial for the schools in general, as it was intended to address the issues and concerns relating to the conduct of BE in schools,” pahayag niya.

Kamalayan ng mag-aaral sa droga, rape, kalaswaan, kinakailangan — PNP-ESPPO

“It tawo nga nanbabastos, mayda balaod nga puydi hira kasuhan,” paglilinaw pa niya.

Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga uri ng ilegal na dorga, mga epekto at salik, at senyales ng mga taong gumagamit nito.

Isinalaysay rin ng isa sa mga tagapagsalita ang kaparusahan sa iba’t ibang lebel ng kalaswaan at kung ano ang maaaring gawin ng mga nabibiktima nito.

Binigyang-diin ni PSSgt. Michelle Buna ng Philippine National Police Eastern Samar Police Provincial Office na kinakailangang magkaroon ng kamalayan ang mga mag-aaral tungkol sa ilegal na droga, panghahalay, at kalaswaan.

Sa isang symposiyum, ibinahagi ni Buna ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga ito ay makatutulong para mapababa at maiwasan ang mga kasong may kinalaman dito, Abril 27, ESNCHS Gymnasium.

Ipinaliwanag naman sa huling bahagi ng symposiyum ang dalawang klase ng panghahalay, mga nagpapalala ng kaso at multa sa mga krimen na ito.

Samantala, nagpapasalamat

naman si Rhazel Mia Baleña, mag-aaral mula sa 12 STEM B, sa pagbibigay ng oras ng mga pulis para magbigay kaalaman sa mga estudyante ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

“I may impart knowledge to the younger generation or advice others that there are legal ways available for them if they want to stand up for their rights and fight such crimes. (Maaari akong magbahagi ng kaalaman sa nakababatang henerasyon o payo sa iba na may mga legal na paraan na magagamit para sa kanila kung gusto nilang manindigan para sa kanilang mga karapatan at labanan ang mga ganitong krimen.)” dagdag pa ni Baleña.

03 BALITA
MULTIMEDIA APPROACH NG ESNCHS
KAAGAPAY. Pagpapahayag sa isang panayam ni Angela Villasin, tagapagtaguyod ng Project TV at SRGC Chairman. (Lianne Mae Belizar) BAYANIHAN. Kinilala ng paaralan ang mga partisipante ng Brigada Eskwela para sa Panuruang Taon 2022-2023. (Melcho Colongon) Lianne Mae Belizar KAMALAYAN. Dumalo ang mga mag-aaral sa symposium ng Eastern Samar Police Provincial Office sa gymnasium ng paaralan na kung saan ay tinalakay ang ilegal na droga, panghahalay at kalaswaan, 27 Marso 2023. (Melcho Colongon)

Patnugutan

Lianne Mae Belizar

Punong Patnugot

Kristina Badiola

Pangalawang Punong Patnugot

Edsel Andia

Tagapamahalang Patnugot

John David Bantiles

Patnugot sa Balita

Rodven Cases

Patnugot sa Opinyon

Reina Bing Apa

Patnugot sa Lathalain

Chad Banaldia

Patnugot sa Isports

Wen Ritzter Edles

Carissa Uy

Patnugot sa Larawan

Shamel Icy Bebita

Patnugot sa Pag-aanyo at Sining

Kellie Dela Cruz

Geoff Gerad Garado

Tagapag-anyo ng Pahina

Mhel Jhomer Afable

Eugenio Malinao IV

Mark Vince Lord Owen Ty Araba

Patnugot sa Kartung Editoryal at Dibuho Mga Kontribyutor ng Larawan at Artikulo:

Tunay na malayang pamamahayag

Deniza Fuentes

Lloris Anika Ty

Iona Resa Yodico

Daniel Luteria

Francheska Promeda

Earl Joseph Catalo

Andrew Aclao

Hannah Anosa

Bea May Anacta

Mart Kenneth Bulanadi

Juliana Balagbis

Aira Mae Cabatingan

Loraine Kim Abobo

John David Bantiles

Joan Enage

Raiven Rose Amoyo

Mira Capito

Cassandra Bandoy

Reign Kiezher Aboy

Rica Natalie Amongo

Debbie Menzon

Ernst Von Jardio

Christian Dave Loren Tagapayo

Crescente A. Beato

Ulong-Guro sa Filipino

Hazel B. Meneses Punongguro

Tagaguhit ng Kartung Editoryal pag-asang

Sa bansang kagaya ng Pilipinas na laganap ang pagpatay sa mga mamamahayag, pananakot sa mga nasa oposisyon, at pagpapasara sa pinakamalaking news outlet, masasabi pa nga bang may malayang pamamahayag sa bansa?

Bilang paggunita sa World Press Freedom Day dapat bigyan pansin ang pagprotekta sa malayang pamamahayag. Kahit na nasa demokratikong bansa, binabalot pa rin ng takot ang mga mamamayan na magsalita at maging kritikal dahil sa kakulangan ng proteksyon at suporta mula sa gobyerno. Hindi nakakamit ng bansa ang tunay malayang pamamahayag.

Kaya isa ang Pilipinas sa mga bansang mapanganib na trabaho ang pagiging mamamahayag. Ayon pa sa International Press Watchdog Com-

mittee 200 mamamahayag ang pinatay mula 1982. Isa sa 200 ay ang mamamahayag na si Percy Lapid na kilala sa pagiging kritiko ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na walang habas na pinatay. Tunay ngang malaki ang banta sa malayang pamamahayag dahil sa kaliwa’t kanang kaso ng mga paglabag sa karapatan ng mga tagapaghatid ng balita.

Pinasara rin ang pinakamalaking istasyon sa bansa na ABS-CBN. Nagresulta ito ng pagkawala ng hanapbuhay at midya sa ilang liblib na lugar. Idagdag pa ang pagpapakulong kay Maria Ressa, ang nagtatag ng Rappler na pumuna sa kampanya kontra droga ni Duterte. Ilan lang iyan sa mga hakbang na ginawa ng mga nasa pwesto upang busalan ang bibig ang mga kritiko nito.

Sa Pilipinas kung saan may

pinakamaraming bilang ng mga gumagamit ng Facebook. Isang malaking hamon sa midya ang naglipanang mga trolls na nagpapakalat ng pekeng balita sa nasabing aplikasyon. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang mga pahayagan sa paghahatid ng balitang may kredibilidad at integridad upang malabanan ang mga trolls.

Ang bansang walang malayang pamamahayag ay katulad ng isang pasistang nasyon. Sa susunod na administrasyon nawa ay wala nang mamamahayag ang matatanggalan ng boses at matatatakot maglabas ng saloobin dahil nariyan ang pamahalaan tupang pangalagaan ang kanilang karapatan. Kung mangyayari ang mga ito ay masasabing nang natatamasa na ng Pilipinas ang tunay na malayang pamamahayag.

K-10 di na dapat ibalik

Umalma ang maraming magaaral na ibalik ang dating K-10 na kurikulum dahil sa workload at burnout na kanilang nararanasan na dulot ng kasalukuyang K-12 na kurikulum. Nagsimula noong taong panuruan 2012-2013 ang implentasyon ng K-12 na kurikulum kung saan naging mandatory ang pagpasok ng mga mag-aaral sa kindergarten at senior high school. Kung muling ibabalik ang K-10 masisiguro ba ng kagawaran ng edukasyon na magiging sapat ang kalidad ng edukasyon naming mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo?

Kung susuriing mabuti hindi talaga isang magandang desisyon ang pagbabalik ng K-10 dahil mas ma-

hihirapan ang mga estudyanteng nasa ikasampung baitang na tulad ko kung hindi na kami dadaan sa senior high school at agad nang papasok sa kolehiyo. Inamyendahan ang dating kurikulum upang punan ang kakulangan sa edukasyon ng ating bansa. Mahalaga ang dagdag na dalawang taon sa sekundarya upang mabigyan kaming mga mag-aaral ng oportunidad na makapagpasya sa karerang nais namin sa hinaharap.

Hindi naman kinakailangan baguhin ang kasalukuyang kurikulum bagkus mas pagbutihin pa ang implementasyon nito. Halimbawa na nito ang pagbibigay ng sapat na oras sa aming

mga mag-aaral upang gawin ang mga mahahalagang asignatura at bawasan ang mga competencies na tunay na nagpapahirap sa amin.

Sa kasalukuyan ang K-12 ay malaking tulong sa pag-abot ng mga Pilipino sa mga pamantayan na kinakailangan sa trabahong nais nilang pasukan lalo na kung ito ay nasa ibang bansa. Kaya naman kung workloads at burnouts naming mga mag-aaral ang pag-uusapan mas mainam na tanggalin na lang ang mga asignaturang hindi naman namin magagamit sa praktikal na aplikasyon. Maayos na pag-iimplementa ang solusyon at hindi ang pagbabago sa kurikulum.

04 OPINYON ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Mira Angeila Capito
“Maayos na pag-iimplementa ang solusyon at hindi ang pagbabago sa kurikulum.”
Ang opisyal na pahayagang pangkampus sa Filipino ng Eastern Samar National Comprehenve High School
makabayan
| Guhit ni: Mark Vince Lord Owen Ty Araba

MATANG AGILA

“Mahal na Pangulo, igalaw mo ang iyong mga kamay, wag mong gamiting pantakip sa aming ingay.”

Sigaw na dapat inuuna

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa, nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 7, series of 2022, na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng facemask sa mga pribado at pampublikong lugar. Ibig sabihin nito ay hindi na oobligahin pa ang mga tao na magsuot ng facemask sa mga lugar na kanilang pupuntahan bukod sa mga pasilidad pangkalusugan, medical transport vehicles kagaya ng ambulansiya at sa mga pampublikong trasportasyon.

Sa kabuuan, umabot na sa apat na milyon ang bilang ng mga nagpositibo sa Covid-19 sa bansa. Ito ay 3.48% kung ikukumpara sa kabuuang populasyon na 115 milyon.

Makatarungan nga ba ang naging pasya ng pangulo, gayong hindi pa natin nalalagpasan ang pandemyang ito?

Hindi maipagkakaila na malaking salot pa rin ang pandemyang ito sa ating lipunan at nangangailangan ito ng mahusay na plano para masolusyonan. Pero ang paglagda ng Pangulo sa kautusang ito ay maaaring mag-udyok sa mga mamamayan na magpaka-kampante at babaan ang kanilang proteksyong pangkalusugan na posible namang maging sanhi ng paglubong muli ng mga kaso ng Covid-19.

Bukod sa pandemya ay mayroon pang ibang problema ang ating bansa na nangangailangan ng solus-

Labis na pagpapahirap

Ika-13 ng Oktubre taong 2022, isang Low-Pressure Area (LPA) ang nakapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), na agad na idineklara bilang isang tropikal na depresyon at pinangalanang “Neneng”. Nitong 15 ng Oktubre ay inanunsyo ito bilang isang bagyo, namataan ang Bagyong Neneng 330 km silangan ng Aparri, Cagayan na nagtataglay ng lakas na 65 kph at inasahang manalasa sa mga siyudad sa Hilagang Luzon. Hindi pa gaanong nagtatagal, ipinarating ng Bagyong Maymay ang kanyang galit. Galit na naging sanhi ng matinding kasawian sa mga mamamayan. Paano na lamang makakaahon ang mga pilipino kung maging kalikasan ay nagpapadama ng kanyang puot?

Naghatid ang panibagong bagyo ng labis na pag-ulan na nagdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, sinabayan pa ng malakas na ihip ng

BANSANG MALAYA

hangin na nakapagpabagsak ng mga puno at poste ng kuryente. Maging ang mga sakahan ay hindi pinalampas ng hagupit, umabot sa P7.68 milyong halaga ang nawasak na ari-arian ng mga magsasaka at mangingisda.

Dahil sa matinding epekto ng bagyo sa ating mga ani, maaari itong magdulot ng implasyon sa bansa. Kahaharapin ng mga mamamayan ang mabilisang paglobo ng presyo ng iba’t-ibang uri ng gulay at bigas dahil sa limitasyon ng pinagkukunan.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 103,662 na katao mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region ang naging biktima ng mapanirang bagyo. Sa kabutihang palad ay walang naiulat na nasawi ngunit marami ang sugatan. Sa kabilang banda, karamihan sa mga nailikas ay walang mauuwian

at walang pagkain, naghihintay na lamang ng donasyon galing sa may mabubuting puso.

Sa ganitong uri ng sitwasyon ay nararapat lamang na pagtibayin ang puso ng bawat isa at magkapit-bisig ang lahat. Dahil sa kahulihulihan, ang pilipino ay laging magiging pilipino. Pagbabayanihan ang kinakailangan at ito ang isinabuhay ng iba’t-ibang pribadong sektor na nanguna na mismo sa pag-aaabot ng tulong para sa mga nasalanta. Gawain na pinupunan ang bawat pagkukulang sa reponsibilidad na nakaatas sa nakatataas. Gawain na kaya nila ngunit minsa’y pinipiling magbingi-bingihan at magbulag-bulagan.

Iisang kataga ang nanaisin naming laging marinig lalo na sa oras ng pangangailangan o sakuna. Isa sa mga katagang magkukumbinsi sa amin na nararapat na lider ang napili ng karamihan. “Help is on the way.”

yon. Ang patuloy na pagbaba ng halaga ng peso, ang paghihirap na dinaranas ng mga komyuter sa araw-araw, ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan at ang 50,000 na Pilipinong seafarers na nanganganib mawalan ng trabaho ay ilan lamang sa mga ito.

Marami pang mga problema ang ating bansa na nangangailangan ng solusyon. Imbis na pagsusuot ng facemask ang pagdiskitahan, bakit hindi na lang ang mga ito ang aksyonan?

Siguro kung makakapagsalita lamang ang mga panlipunang suliraning ito, marahil ay sabihin nilang, “Mahal na Pangulo, igalaw mo ang iyong mga kamay, wag mong gamiting pantakip sa aming ingay.”

“Sa ganitong uri ng sitwasyon ay nararapat lamang na pagtibayin ang puso ng bawat isa at magkapit-bisig ang lahat. Dahil sa kahulihulihan, ang pilipino ay laging magiging Pilipino.”

Tungo sa kaunlaran

Idiniin ni Biden ang kahalagahan ng patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa White House upang sama-samang tutukan ang mga kasalukuyang hinaharap na mga problemang pang lipunan tulad ng climate change at mabilisang paglipat ng malinis na enerhiya. Ang pinaigting na relasyon ng Pilipinas at USA ay isang mahalagang hakbang upang mapabilis ang pag-unlad ng pilipinas at para mapanatili ang kapayapaan sa gitna ng dalawang bansa.

Matatandaang kamakailanlang ay namataan ang 100 Chinese vessels sa West Philippine Sea na bumalot ng ta-

kot sa mga mangingisda doon. Isa itong tandan a hindi parin tumitigil ang China na mapasakamay ang West Philippine Sea. Dahil sa kakulangan ng pang kagamitang militar ng Pilipinas at ang mahinang pwersa nito, hindi malabong tuluyan ngang masakop ng mga tsino ang ating pinaka iniingat-ingatang West Philippine Sea. Sa pamamagitan ng pinatibay na relasyon ng USA at Pilipinas, siguradong magdadalawang isip ang China na banggain ang Pilipinas dahil sa suportang natatanggap nito sa USA.

Nananatiling isa sa mga pinakamahirap na bansa ang Pilipinas at bakas ang karalitaan saan mang panig ng bansa. Sa kakulangan ng trabaho, kawalan

Tanglaw sa paglaban

Batid nating hindi buo ang isang pasukan kung hindi tayo makasasaksi sa ating mga atleta. Pero bakit nga ba ang panonood nito ay mahalaga?

Karamihan ng mag-aaral sa kasalukuyang ang walang interes pagdating sa pagiging atleta. Maraming nagsasabi na ito’y lubusang nakakapagod; yaong tipong pagod na pagod na ang kanilang isip mula sa pag-aaral sa eskwela pero

imbes na matulog o gumawa na lamang ng takdang aralin, sila pa ay sasalang sa matinding pagsasanay.

Pamumuhunang walang humpay na sa kadahilanang hindi lang manalo, kundi ang dedikasyon din na magbigay kasiyahan sa madla.

Maaaring sa perspektibo bilang manonood ay mababaw lamang ang kahalagahan ng pagsuporta natin sa

ng mga kagamitang military, at ang patuloy na paglobo ng populasyon ay ang mga unang salik na pumipigil sa pag-unlad ng Pilipinas. Hindi maikakaila na kailangan ng Pilipinas ang tulong at suporta galing sa ibang bansa dahil sa kasalukuyang katayuan nito.

“Upang umunlad habang kinakaharap natin ang mga hamon nitong bagong siglo.” Ito ang pariralang inalala ni Biden na pinahayag ni Marcos noong nakaraang taon sa kanilang pagkikita sa New York. Ang tulong na matatanggap galing sa USA ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na Pilipinas at ito ay isang pagkakataon na hindi dapat palagpasin at sayangin.

kanila. Nagkakamali ka. Sa simpleng mga palakpak at sigaw na naipapaparinig natin sa kanila, napapaliyab nito ang apoy ng kanilang pag-ibig sa kanilang ginagawa. Sa iyong simpleng panonood at pagpapakita, ikaw ay nagsisilbing tanglaw sa paglaban ng mga atleta tungo sa pangarap na kanilang nais matamasa. HUMANISTA

05 OPINYON
Raiven Rose Amoyo Lianne Mae Belizar
Rodven Cases
TINIG
“Ang tulong na matatanggap galing sa USA ay isang hakbang tungo sa mas maunlad na Pilipinas.”

Bigyan ng helmet yan

“Use your coconut”. Isang idyomang ang ibig sabihin ay gamitin ang sariling utak sa pag-iisip. Karaniwang ito’y binabanggit upang magbigay ng payo sa isang taong hindi alam ang gagawin. Ito ay kadalasang naririnig ngunit hindi nililiteral — hanggang may isang motoristang sineryoso ang kasabihang ito. Sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre, ang naturang motorista ay pinahinto sa harap ng ESNCHS at tinikitan bilang multa ng traffic enforcer na nagbabantay sa lugar na iyon. Nilabag niya ang Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009. Sa halip na standard helmet, bao ng niyog ang kanyang suot na helmet. Bukod pa roon ay nilabag rin niya ang Executive Order No. JIDCA-07-0922, o mas kilala bilang “No Helmet, No Travel and the Mandatory Use of Seatbelt Device Policy” na ipinatupad pa lamang ni Jose Ivan Dayan C. Agda, mayor ng siyudad, noong Septiyembre 9, 2022. Maaari sa unang tingin ay katawa-tawa ang pangyayaring ito ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit nagawa ng motorista ang pagsuot ng baong helmet? Maaaring ginawa niya iyon bilang isang biro lamang o kaya ay butas nga talaga ang kanyang bulsa pagdating sa pagbili ng tunay na helmet. Ating alamin ang kabuoang istorya nito.

Sabi ng isang Facebook user na si Paralitan Kan Renz, nagawa ng motoristang magsuot ng bao ng niyog dahil sa kawalan ng perang pambili ng tunay na helmet. Sinamahan pa ng Facebook user ang motorista patungo sa mga kapwa taong handang magbigay ng tulong sa kanya.

LATHALAIN 06 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
Cassandra Bandoy

Boses ng katotohanan

Sabik na siyang magsulat muli.

Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ng batang si Christian Salazar. Habang pinapanood ang balita ng ABS-CBN tungkol sa pagkamatay ng isang manunulat na si Percy Lapid — hindi niya mawaring magtanong kung bakit ang isang taong ang nais lamang ipalaganap ang katotohanan ay siya pang pinapatay.

Dinig niya ang mga balita. Kita niya ang bawat pahayagan. Pangarap niyang maging dyornalista. Gusto niyang pukawin ang mga nagbubulagbulagan at nagbibingibingian. Ngunit, dahil sa mga napapanood niyang balita, hindi siya sigurado kung magsusulat pa ba siyang muli.

Ang Pilipinas ay may maraming tanyag na mga mamamahayag. Lahat sila ay may hangaring ipalaganap ang katotohanan ng lipunan.

Isa si Percy sa mga dyornalistang isinakripisyo ang kanilang buhay — pinatay siya noong panahon ng administrasyon ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 50 bahagdan ng mga dyornalistang sumusuong sa mga mapanganib na daan tulad ng mga rally, mga patayan, aksidente, war on drugs operation araw-araw.

Kung babalikan ang nangyari ng nagdaang mga taon, hindi binigyan ng prankisa ang ABS-CBN na kung saan ang network na ito ay isa sa mga malalaking news outlet ng bansa.

Ayon sa Social Weather Station (SWS), bilyones ang nawala sa kanila. Marami ang nawalan ng trabaho lalo na ang kanilang mga dyornalista.

Ani ng ABS-CBN na kailangan ng Pilipinas ng magpupukaw sa mga mamamayan sa katotohanan.

“We need journalists in our country, to help and serve the country,” wika ng Pangulo ng network. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya si Percy Lapid at hindi pa rin nabibigyan ng prankisa ang ABS-CBN.

Para kay Christian at ang kaniyang mga kamiyembro sa kanilang pahayagan sa paaralan, nakakatakot na pasukin ang ganitong trabaho dahil sa mga pangyayaring ito.

Sa huli wika ni Christian, kailangan ng Pilipinas ng magbibigay kamulatan sa mga Pilipino — ito ang mga dyornalista. Tulad niya na isang batang manunulat ay kailangan maging mulat bago pasukin ang reyalidad ng mundo. Ani niya, kung patitigilin sila na mga mamamahayag hindi uusad ang

Siya’y patuloy na manonood ng mga balita, magbabasa ng mga pahayagan, at sisikaping magsulat muli habang

Ayaw na niyang mag-aral.

Hindi mawari sa isipan ni Mira Cruz, isang estudyante na nasa ikapitong baitang, ang sertipikong natanggap niya ng makatapos siya ng elementarya. Sa kaniyang isip, nais na lang niya itong itapon at iwan kasabay ng pag-usad ng panahon.

Rinig niya ang tunog ng mga bulungan at tawanan ng kaniyang mga kaklase. Alam niyang siya na naman ang laman ng kanilang mga usapan. Dahil kahit pagbigkas ng mga letra sa kanilang pisara ay hindi niya magawa - hindi siya nakababasa.

Kaya magtatago na naman siya sa lilim ng sulok ng kanilang klasrum.

Ang PIlipinas ay may maraming paaralan na pinapasukan ng libo-libong nangangarap na estudyante. Sa taong 2022-2023 ay may 27.1 milyong mga nagpatalang estudyante sa buong bansa.

Ngunit, hindi pa rin mawala ang mga kabataang kahit nasa high school na ay hindi pa nakakapagbasa.

Katulad ni Mira ay may mga batang nakapasok ng high school kahit hindi pa nakakasabay.

Ayon sa Department of Education o DepEd, tinatayang 9 sa 10 na kabataan ay hindi pa nakakaayon sa abilidad ng kaniyang baitang.

Lilim

Reign Kiezher Aboy

para sa pagsasanay sa pagbabasa sa mga bata. Pero, aminado silang hindi ito naiimplemento ng maayos.

Katulad na lamang ng ECARP o ang The Every Child A Reader Program na naglalayong maturuan ang mga kabataang makapagbasa. Lalo na sa mga batang nasa high school na. Kung tatanungin ang Philippine Statistics Authority (PSA), hindi ito nagagamit sapagkat 34.5 bahagdan pa rin ang hindi nakakapagbasa.

Sabi naman ng Presidente ng Supreme Student Council ngEastern Samar National Comprehensive High School, may malaking papel ang bagong administrasyon ng pamahalaan. Maalala sa sinabi ni President Ferdiand Marcos Jr. sa kaniyang talumpati na, “Ang mga kagamitang gagamitin sa paaralan ay dapat baguhin.”

Pahayag naman ng isang magulang na, “Kasalanan ito ng mga guro sa elementarya. Sa kanila nakasalalay ang matuto silang magbasa.”

Sa pahayag na ito, marami ang naging komento ng ibang mga guro sa elementarya. Sabi ng isang guro na may malaking parte ang mga magulang sa paghahasa ng mga bata. Maraming mga salik ang nakakaapekto tulad na lamang ng mga kagamitang ginagamit at mga sistema sa pagtuturo. May mga proyekto ang DepEd na ipinatupad

Sabi ng Pangulo, kailangan ng bagong sistema at pasilidad ang bansa upang maayos ito.

Sa makatuwid, kailangang mabigyan ng atensyon ang problemang ito dahil ito ay nagiging balakid sa bansa.

Haharapin ni Mira ang mga kritisismong kaniyang maririnig. Kahit mahirap ay kaniyang susuungin ito. Siya ay nagtatago sa lilim at sisikaping mag-aral muli.

07 LATHALAIN

Pitong puting tupa

Reign Kiezher Aboy

Nakahiga at nakatikangala sa kawalan, hindi mawari sa isipan kung hanggang kailan magtatapangtapangan.

Malaking balakid para sa isang Jeepney Driver na si Mariano, ang pagtaas ng implasyon ng bansa. Wala na siyang magawa kundi magbilang ng tupa gabi-gabi sa kadahilanang wala naman na siyang magagawa.

Sa kanyang pagtratrabaho sa isang linggo, tila ang pangpitong araw ang gumigising sa kanya sa akto.

Tig-iisang kilo ng bigas at isda ang binili ni Mariano pagkatapos ng buong araw na pamamasada. Kahit magdamag siyang bumyahe ng jeep, iyon lamang talaga ang kanyang kayang maiuwi para sa kanyangpamilya.

Php 300-400 ang kanyang kinikita araw-araw. Ngunit hindi ito sapat para sa kanyang asawang nagdadalang tao at sa kanyang limang anak na lahat ay nag-aaral pa. Sa isang kilong bigas, kumitil na ito sa kanyang kita dahil pumapalo ito

ng 58 pesos. Lalo na sa isang kilo ng galunggong na naghahalagang 300 pesos. Idagdag pa natin ang gasolina ng kanyang Jeep na taliwas sana sa budget ngunit idinadagdag na rin dahil sa mataas na presyo nito. Hindi talaga sapat ang kanyang kinikita sa pang arawaraw na kanilang pangangailangan.

Kung noon ay kaya pa ng kanyang budget ang gastusin, ngayon wala na talaga siyang magawa dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga bilihin.

Ayon sa isang artikulo ng Philstar, tumaas ng 8.1% ang inflation rate noong Oktubre sa Pilipinas.

Pinakamalaking rason para rito ay ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain lalo na sa mga gulay na tumama ang inflation sa 46.4%. Alinsud nito ang walang tigil na pag-angat ng presyo ng sibuyas na ngayon ay pumapalo na ng 720 pesos. Sinasabing ito na yata ang pinakamataas at pinakamabilis na pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas sa loob ng labing-apat na taon.

“This is the highest inflation rate

reported for 2022 and the highest since November 2008,” wika ng Philippine Statistics Authority.

Kung babalikan natin ang nangyari noong 2008 sa Pilipinas, tinatayang 5.8 percent ang inflation rate noon. Kung ikukumpara natin ito sa kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipino, pati ang mga middles class Filipino citizen ay umaaray.

Dahil dito, mas humihirap ang buhay ng mga Pilipino lalo na sa mga mababa ang sahod. Ika nga ng isang facebook user, “Tumataas ang bilihin pero hindi tumataas ang sahod.” Habang pataas nang pataas ang mga presyo ng bilihin at serbisyo, malaki ang naapektuhan nito lalo na sa mga taong maliit ang kinikita katulad ni Mariano. Ang budget ay mas dapat pataasin kaya’t ganoon na lamang ang pagpataw ng presyo ng mga may tindahan lalo na sa may karenderya upang hindi malugi.

CUBICLE

Flames ng napupusuan. Pangalan sa Peysbok. Graffiti.

At isang suicidal note.

Sa Banyo na pagitan ng silid-aralan at hagdan. Parang estatwa na pinagmasdan ni Ramon ang vandalism sa isang cubicle.

Walang kurap at diristo ang tingin.

“Ilang hiwa pa ba ang aabutin para makatakas?” Isang pangungusap na naging dahilan nang pagbigat ng kaniyang nararamdaman.

Si Ramon ay isang huwarang mag aaral, 17 taong gulang at isa lamang sa napakaraming nakaranas ng depresyon. Nakaranas subalit hindi na nakararanas.

Naalala niya ang isang insidente na nagmulat sa kanya na ang halimaw sa kaniyang isipan ay totoo.

Hindi siya palapansin sa mga nakasulat sa mga banyo dahil sa kaniyang hinuha ay wala itong katuturan. Subalit mistulang tumindig ang bawat hibla ng kaniyang katawan at parang bumaliktad ang kanyang sikmura.

Napahimas siya sa kanyang palapulsuhan at marahang dinama ang pintig ng buhay. Nakapikit at huminga nang malalim.

“Sapagkat alam niya ang plano niya para sa akin. Plano ng kasaganahan at nang aking kaligtasan, plano na bigyan ako ng pag asa at ng hinaharap”, Jeremiah 29:11.

Sinambit niya ang bersikulong kaniyang pinanghahawakan sa mga araw na siya ang sumusulat ng isang suicide note.

Sa Pilipinas, isa siya siya sa mahigit 3.3 porsyento ng mga estudyante na nakararanas ng depresyon. At karamihan rito ay pinagtangkaan ang kanilang mga buhay.

Bago iniwan ni Ramon ang cubicle na iyon, ay nag-iwan din siya nang isang tugon sa suicide note na kanyang nakita.

“ Anim na buwan ng malinis ang aking pulsuhan. kinaya ko. Kaya mo rin”

Hinimas niya ang krus ng ponseras na suot niya sa kanang kamay. Kung saan, naghihilom na ang sugat na dala ng patalim. Nakangiti siyang humakbang papalayo hawak hawak ang kanyang panulat.

Marahil hindi man niya kayang diktahan ang kaniyang emosyon na huwag siyang malungkot. O kaya’y pigilin niya ang mga luha at takot. Bilang isang nilalang normal ang umiyak, masindak sa takot, at manghina.

Sa bawat gagamit ng palikuran ang cubicle na iyon siguro ang pupukaw sa reyalidad na totoo ang pakikipagbuno laban sa isipan. At sa cubicle na iyon, hindi na lamang walang katuturan na flames, pangalan sa peysbok, at graffiti ang nakasulat.

Kabilang na rito ang laban ni Ramon at laban nang bawat sumusulat ng suicide note sa bawat banyo.

08 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL LATHALAIN
Reina Bing Apa

Pandaigdigang krisis sa COVID-19, tinuldukan na

Matapos makapagtala ng 20 milyon kataong nasawi sa COVID-19 noong tatlong taong pandemya, inanunsiyo na ng World Health Organization (WHO) na hindi na isang global health emergency ang COVID-19.

Sa isang press conference noong 5 Mayo 2023, ibinahagi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, hepe ng WHO, na ito ay bunga ng bumababang kaso ng mga namamatay at naoospital sa buong mundo dulot ng nakahahawang sakit.

Sa kabila nito, nariyan pa rin umano ang mga banta nito sapagkat patuloy ang pag mutate ng sakit.

Ayon sa technical lead ng WHO sa COVID-19 na si Maria Van Kerkhove, “The emergency phase is over, but COVID is not. (Tapos na ang emergency phase [ng COVID], subalit ang COVID hindi pa).”

Kaugnay nito, kamakailan

lang kumakalat ang Arcturus subvariant ng Omicron variant nito na naitala na sa 33 na mga bansa.

Sa kabilang banda, naghahanda na rin ang Department of Health sa pagluluwag ng mga alituntuning pangkasulugan sa bansa bilang tugon sa naging pahayag ng WHO ukol dito.

Ayon sa kalihim ng kagawaran na si Rosario Vergeire, “Gumagawa na ang ahensiya ng ‘pandemic exit plan’ na imumungkahi sa Pangulo.”

Patuloy namang pinapayuhan ng kagawaran ang mga mamamayan na ugaliin pa rin ang pagssuot ng face mask, social distancing at pagpapabakuna laban sa COVID-19.

YES-O, naglunsad ng tree planting activity

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Youth for Environment in Schools Organization (YES-O) kaninang umaga, 23 Setyembre 2022, sa loob ng ESNCHS.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng pangulo ng YES-O na si Reina Bing Apa, na dinaluhan naman ng humigit-kumulang sa walumpong

EDITORYAL

L unes, 12 ng Disyembre 2022 nang maipasa ang House Bill No. 6522 o ang Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC) Act na naglalayong protektahan ang mga Pilipino sa mga pandemyang maaring tumama sa bansa sa hinaharap. Sa madaling salita, kung ito ay lalagdaan ay bibigyan nito ng kapangyarihan ang CDC na gumawa ng mga batas at alituntunin upang mas mapangasiwaan ng bansa ang mga pandemyang maaari nating kaharapin sa mga paparating na taon.

Sa kabuuan ay umabot na sa mahihigit apat na milyon ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Ito ay 3.48% kung ikukumpara sa kabuuang populasyon na 115 milyon. Noong kasagsagan din ng krisis sa COVID-19 ay hindi lang kaso ng sakit ang tumaas kundi pati na rin ang mga kaso ng mga nawalan ng trabaho sa bansa na tumatayang umabot sa 17.6% noong Abril 2020 dahil sa pagsasara ng mga negosyo dahil sa lockdown.

Malubhang pinuna ang Inter-Agency Task Force (IATF) o ang ahensiyang itinalaga para mangasiwa sa pandemya dito sa bansa sapagkat isa ang Pilipinas sa

(80) kalahok na kinabibilangan ng mga opisyal ng YES-O at mga STE mula sa ikapitong (7) baitang.

Isinagawa ang aktibidad bilang alinsunod sa proyektong ‘GC: Green Compre’ ng organisasyon, na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kalinisan sa loob ng paaralan.

Center for disease control daan sa kaunlaran

Marahil ito ay dahil walang konkretong plano ang gobyerno upang pangasiwaan ang pandemya. Bukod sa mabagal na contact tracing at hindi maayos na pag-implementa sa mga alituntuning pangkalusugan, isa rin ang mga mamamayan sa mga nagpatagal ng pagdurusa ng bansa sa COVID-19 dahil sa hindi maayos na pagsunod sa mga protokol na pangkalusugan na ipinatupad ng pamahalaan tulad ng hindi pagsusuot ng face masks.

Sa pamamagitan ng CDC, ay matutugunan nito ang mga naging pagkukulang ng ating sistemang pangkalusugan noong panahon ng COVID-19. Mas mapamamahahalaan din nito ang pangangasiwa at pagbabantay sa mga sakit na maaaring tumama sa bansa at mas mapapadali ang pagsugpo nito kung magkakaroon tayo ng mga batas na susundin upang mas maiwasan ang mga krisis sa kalusugan.

mga bansang kinokonsiderang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo na umabot ng mahigit kumulang na dalawang taon.

Kung babalikan natin ang mga

pangyayari noong kasagsagan ng paglobo ng mga kaso ng COVID-19 ay masasabing mabagal ang naging tugon ng ating pamahalaan sa pangangasiwa ng mga kaso ng sakit.

Kung sakali mang maisabatas ang CDC ay malaking tulong ito sa pamahalaan at mga mamamayan upang mas maging handa sa pagsugpo ng mga sakit na maaaring tumama sa atin sapagkat mapapadali nito ang pamamahala sa mga sakit at mas kaunting buhay at negosyo ang maaantala.

09 AGHAM AT TEKNOLOHIYA
BALITA
PARA SA HINAHARAP. Lumahok ang mahigit sa 80 mag-aaral sa isinagawang Tree Planting Activity ng Youth for Environment in Schools Organization nitong Setyembre 23, 2023. (Carissa Uy) BAGONG SIMULA. Masusing sumasagot si Xanthe Escoto, 8- Mango, sa mga gawain sa paaralan bilang bahagi matapos ideklara ang pagtatapos ng COVID-19 bilang isang “global health emergency”. (Andrew Aclao)

Epekto ng heat waves sa edukasyon

Sa patuloy na pag-init ng panahon, isa ang pag-aaral ng mga estudyante sa mga lubhang mga apektado nito.

Ang labis na init ng kapaligiran na kasalukuyang nararamdaman natin ay dulot ng heat waves na bunga ng global warming at pagbabago ng klima kung saan umaaabot ang temperatura ng isang lugar sa 40°C pataas na karaniwang tumatagal ng ilang araw ayon sa World Health Organization (WHO).

Isa sa mga pumapasan sa mga epekto ng heat waves ay ang sektor ng edukasyon.

Ayon sa isang tala ng Alliance of Concerned Teachers, ang pananakit ng ulo, pagkahilo at panunugo ng ilong ang ilan sa mga iniinda ng mga guro at mag-aaral sa pagpasok sa paaralan sa gitna ng mainit na panahon.

Kaugnay nito, kamakailan lang isinulong ni Basic Education Committee Chairman na si Sen. Sherwin Gatchalian ang muling pagbabalik ng pre-pandemic school break sa Abril matapos ang pagkaospital mg ilang mga mag-aaral sa Laguna dulot ng labis na init ng panahon na sinamahan pa ng dehydration mula sa isang sursprise fire drill sa kanilang paaralan.

Subalit, ayon sa tagapagsalita ng Kagawaran ng Edukasyon na si

Michael Poa, wala pang plano ang ahensiya na baguhin ang school calendar sapagkat marami ang proseso upang muling makabalik sa pre-pandemic school break.

Dagdag pa ni Poa, binibigyan naman ng ahensiya ang mga Punongguro ng paaralan ng kapangyarihan na magsuspende ng in-person classes sakaling hindi ligtas para sa mga mag-aaral ang pumunta sa paaralan sa pamamagitan ng DepEd Order no. 37, s. 2022.

Bagama’t wala pang muling inaanunsiyo ang Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa pagbabalik ng pre-pandemic school break, pinapayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan ang lahat na uminom ng walong basong tubig sa isang araw, pag-iwas sa paglabas tuwing tirik ang araw. Kung sakaling hindi maiiwasan ang paglabas, ugaliin ang pagdadala ng payong.

Kaugnay nito, makatutulong din ibang hakbangin tulad ng pagtatanim ng mga puno upang mabawasan ang init sa paligid sapagakat ito ang magpapaliit ng Carbon Dioxide sa atmpospera na siyang isa sa mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.

Kasabay ng ating mga katawan, mahalagang ingatan din natin ang ating kapaligiran nang sa gayon ay suklian tayo ng inang kalikasan ng proteksiyon mula sa mga sakuna.

Water quality monitoring system: Pag-asa laban sa polusyon sa tubig

Ang pagsiguro sa kalidad ng tubig ay isang napakalaking isyu sa kasalukuyan.

Kasabay ng pagtaas ng populasyon, tumataas din ang posibilidad ng kontaminasyon nito na pinagmumulan ng polusyon sa tubig.

Ayon sa Harvard School of Public Health, ito ay nangyayari tuwing nahahaluan ang tubig ng mga kemikal, basura, bakterya, at parasito kaya nagiging mapanganib itong gamitin.

Diarrhea, cholera, hepatitis at polio ang ilan lang sa mga sakit na maaaring makuha mula sa kontaminadong mga tubig.

Dulot ng patuloy na bumababang kalidad ng tubig na siyang isa sa mga pangunahing pangangailangan natin sa pang araw-araw, gumawa ng isang water quality monitoring system ang mga mag-aaral mula sa baitang

12 - STEM A na binubuo nina Kyriel Cada, Kenny Jay Dulfo, Shamel Icy Bebita, at Allen Yestin Abalon.

Pinamagatan itong ‘Project Patin-aw: Development of microcontroller Water Quality Monitoring System’ na naging tugon nila sa kanilang requirement sa asignaturang Practical Research II noong unang semestre.

Layunin ng pag-aaral na ito ang makagawa ng microcontroller-based real-time water quality monitoring system

na magbabantay sa kalidad ng tubig, sa Brgy. Taboc, Borongan City na siyang isa sa pangunahing benepisyaryo ng kanilang pagsusuri.

Bunga ng kanilang pagtutulungan, matagumpay nilang nabuo ang kanilang prototype.

Gumamit sila ng iba’t ibang mga piraso tulad pH sensor, temperature sensor, LCD display, at battery, na kung saan kinonekta nila ito sa Arduino Uno na na siyang nagsilbing microcontroller nito na prinograma gamit ang Arduino IDE.

Sinubaybayan nila ang kalidad ng tubig gamit ang kanilang prototype upang matukoy ang kakayahan nito bilang isang water quality monitoring system.

Ayon sa kanilang ebalwasyon kung saan nagkaroon ito ng mga positibong resulta, nadiskubre nilang ang kanilang prototype ay maaasahan at may kakayahang maging isang water quality monitoring system.

Ang matagumpay na pag-aaral na ito ay malaking tulong kung ito’y palalagumin pa lalo sa ating pamayanan laban sa polusyon sa tubig. Tulad ng mga batang scientist mula sa STEM Department na may taglay na talino at abilidad sa research, sila ang magsisilbing pag-asa ng ating lipunan sa susunod na mga henerasyon.

10 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL AGHAM
Kristina Badiola PROTOTYPE. Matagumpay na nabuo ng mga mag-aaral mula sa 12 STEM A ang Arduino-based prototype ng Water Quality Montioring System. (Allen Abalon)

EDITORYAL

Laban Borongan

Matapos ang tatlong taong pagpapaliban ng mga kompetisyon sa isports dahil sa pandemya. Ginanap na ang Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet sa Tacloban City noong Abril 25 hanggang 27 na dinaluhan ng 450 atleta mula sa Borongan City Division. Mahalaga ang papel ng isport sa paghubog sa pagkatao ng isang atleta, nagsisilbi rin itong pinto sa mas malaking oportunidad para sa ilan. Kaya’t tiniyak ng dibisyon na bigyan sila ng sapat na tulong at suporta.

Nag-iwan ng inspirasyonal na mensahe si Borongan City Mayor Dayan Agda sa send off ceremony na isinagawa sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) nitong Abril 21, 2023. Sinagot naman ng provincial government ang pagkain, sasakyan, uniporme, at mga sports equipment na gagamitin nila. Ang mainit na suporta ng dibisyon at gobyerno ay nagpapalakas ng loob sa mga atleta na magpatuloy at galingan pa lalo upang maiuwi ang medalya.

Isa sa mga napagbuksan ng pinto si Carlos Yulo na nakapag-aral noong High School sa Adamson dahil sa tulong ng National Gymnastics Association. Ngayon, siya ay tinaguriang top gymnast ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP)

LATHALAIN

Tinig

Hindi masamang magpahinga lalo na kung hindi mo na kaya.

“Good job today team! Bukas ulit,” sambit ng tagasanay nina Biboy matapos ang halos limang oras na ensayo para sa paparating ng Borongan City Athletic Association (BCAA) Meet 2023.

Si Biboy ay isa sa mga atleta mula sa Ikaapat na Distrito na maglalaro ng volleyball sa paparating ng BCAA Meet 2023. Nasa elementarya pa lang siya ay nakasanayan na niya ang paglalaro ng volleyball kaya noong tumuntong siya ng hayskul ay mas nahubog niya ang kaniyang kakayahan sa paglalaro nito.

Labis ang pagmamahal ni Biboy sa volleyball kaya hindi rin biro ang kaniyang ginugugol na oras sa paglalaro nito. Labis din ang kaniyang pag-eensayo para sa kaniyang paparating na laro dahil nais niyang bigyan ng karangalan ang kaniyang distrito. Minsan, kahit na maalinsangan ang init ng araw ay walang pa-

tid pa rin ang ang kaniyang pag-eensayo.

“Kaulangan ko magdaog ngahaw. (Kailangan ‘kong manalo ulit),” pangungumbinse niya sa kaniyang sarili.

Habang papalapit ang BCAA Meet 2023 ay patindi nang patindi ang ensayo ng koponan nina Biboy. Subalit, habang nasa kalagitnaan ng kanilang ensayo ay biglang sumakit ang kaniyang ulo at nakaramdam siya ng panghihilo subalit hindi niya ito pinansin kaya sinundan naman ito ng pamumuti ng kaniyang paningin.

Nang mawalan ng malay si Biboy ay agad siyang isinugod ng kaniyang tagasanay at kasamahan sa ospital.

“Biboy, gising ka na ba?” Tanong ng kanilang tagasanay sa binata.

Nang idinilat ni Biboy ang kaniyang mga mata ay maliban sa kaniyang tagasanay ay kurtina ng Emergency Room sa ospital ang bumungad sa kaniyang mga mata — isang tanawing hindi pangkaraniwan sa kaniyang paningin.

“Mabuting agad na naisugod si Biboy sa ospital sapagkat nakaranas ang bata ng Heatstroke mula sa labis na pagbibilad sa araw at pag-eensayo. Kung pinatagal pa ito ay maaari itong magdulot ng mas malalang mga komplikasyon tulad ng pagkasira ng kidneys, puso, utak — at pati na rin pagkamatay,” pagpapaliwanag ng isa sa mga doktor mula sa Eastern Samar Provincial Hospital (ESPH).

Ilan sa mga dahilan ng Heatstroke ay ang la-

dahil sa mga naiuwi niyang medalya kagaya na lamang noong 2019 World Artistic Gymnastics Championships, kung saan siya ang kauna-unahang lalaking gymnast na nananalo mula sa Southeast Asia. Nagsimula sa pagiging estudyanteng atleta hanggang sa naging propesyonal na gymnast na kumakatawan sa Pilipinas sa mga internasyonal kompetisyon. Tunay ngang kahanga-hanga ang si Yulo na dapat tularan ng mga batang atleta. Para man sa ilan, nagiging hadlang ang isports sa kanilang edukasyon sapagkat nahahati ang kanilang oras sa pagsasanay at pagaaral. Isang katangian na nararapat taglayin ng isang estudyanteng atleta ay ang pagiging disiplinado, na nahuhubog sa patuloy na pagsasanay. Hindi naman nagkulang ang mga guro sa pagbibigay ng konsiderasyon at panahon para habulin ang mga pagsusulit na hindi nila nagawa dahil sa pagsasanay.

Hindi lamang ito basta patimpalak dahil maaaring isa sa kanila ang susunod na Carlos Yulo, Manny Pacquiao, Efren Bata Reyes, at Hidilyn Diaz na magbibigay karangalan sa Pilipinas. Nararapat lamang na bigyang suporta at tulong ang mga atleta ng dibisyon, gobyerno, guro, at mga magulang. Kaya’t isang malaking saludo sa mga atleta ng Borongan.

bis na pag-eensayo habang nasa matirik na araw nang mahabang panahon tulad ng ginawa ni Biboy. Maaari rin ito magmula sa pagsusuot ng makakapal na damit dahil hindi nakalalabas ang init sa katawan nang maayos at hindi pag-inom ng sapat na rami ng tubig.

Ilan sa mga sintomas nito ang pagtaas ng temperatura ng katawan, panghihina, pagkahilo, pagbilis ng tibok ng puso at pananakit ng ulo.

Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, “Maaaring maiwasan ang Heatstroke sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi bababa sa walong basong tubig, komportableng mga damit at hindi paglabas nang matirik ang araw.”

Labis man nating gusto ang ating ginagawa, minsan, kailangan din nating magpahinga mula rito lalo na kung hindi na natin kaya — mahalagang pakinggan din natin ang tinig ng ating mga katawan dahil minsan, ito na mismo ang gumagawa ng paraan ito’y pakinggan natin.

ng
katawan
11 ISPORTS
Kristina Badiola

BCAA 2023

Maroons pinayukod ang Eagles, kampeonato

BCAA 2023 Medal tally

4 na medalya, nasungkit ng mga atleta ng ESNCHS sa EVRAA 2023

Ginapi ng Fantastic Maroons ang Blue Eagles nang patumbahin nila ang mga ito sa Borongan City Athletic Association (BCAA) Meet 2023 Secondary Regular 5 on 5 Boys’ Basketball Championship Game, 76-61, sa Capitol Gymnasium, Borongan City, Eastern Samar, Marso 25.

Pinagharian muli ng Maroon guard na si Ricky Carvajal ang pampalakasan nang magpasiklab siya ng mga mala-kidlat na fastbreak drives, fadeaways at matatag na salaksak upang kalmutin ang mga kalaban, maangkin ang kampeonatong laro, at mag-uwi ng ginto.

Sa pagkakampeon, sasabak ang Maroons sa Eastern Visayas Regional Athletics Association (EVRAA) Meet 2023 sa Leyte sa paparating na Abril.

“Inspirasyon ko’y aking mga magulang at kasintahan. Ngayon ang plano po namin sa EVRAA ay manalo kami, maging gold medalist at maglaro sa Palarong Pambansa,” saad ni Carvajal.

Agarang nagpasabog si James Lesigues, Maroon center, ng maliksing layup at contested turnaround jumper upang maangat ang opensa ng kanilang koponan, 4-0.

Palitan ng midrange jumpers at free throws ang pinakita ng dalawang koponan ngunit biglang hiyawan ng madla nang ikandado ni Aldwin Catudio, Eagle guard, ang iskor sa 25-24 gamit ang maliliksing salaksak at perfect free throws sa unang kanto ng laro.

Nagsagutan muli ng puntos ang magkaalitan at na-deadlock ang iskor sa 30-30 na tumagal ng 4 na minuto ngunit ito ay sinira ni Carvajal nang magtala siya ng contested shots at made free throws, 37-30, sa pangala-

wang kanto.

Pinangunahan naman ni Ernesto Delmonte, Eagle guard, ang opensa ng kanilang koponan upang mailapit ang laro sa pamamagitan ng unfazed beyond the arch shots at madidiskarteng side steps sa pangatlong kanto, 41-42.

Lalong tinambakan ng Maroons ang kontra nang pamunuan ni Lester Mancao, Maroon forward, ang kanilang puwersa gamit ang mababangis na layups at mahigpit na box out defense sa kabila ng kaniyang natamong knee injury upang maselyuhan ang labanan at masulot ang kampeonato, 76-61, sa huling takbo ng bakbakan.

Fantastic Maroons kampeon sa futsal, pasok sa reg’l meet

ESPPO Covered Court - Pinataob ng Maroons ang Punchers hatid ng kanilang mga madiskarteng taktika at mga one-shot goal, 9-0, sa kampeonatong laro ng futsal sa 2023 Borongan City Athletic Association (BCAA) Meet, Marso 25.

Sinelyuhan ng Distrito 4 ang pagiging delegado sa 2023 Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet na gaganapin sa Leyte ngayong Abril.

Tinanghal si Erich Jelou Montejo bilang MVP nang masungkit niya ang 4 na goals na mala-buhawi na lumulusot sa depensa ng Yellows.

Ginapi ng Jenny Angel Ediza at Erich Montejo duo ang mga katung-

gali gamit ang kanilang mga mala-kidlat na direktang tira, 4-0, sa unang half.

Mala-pader na depensa ang ipinamalas ng Punchers subalit hindi pa rin ito gaano kasinsin para sa Maroons.

Pinaluhod ni Montejo ang mga humaharap sa kaniya gamit ang kaniyang angking-husay sa fluid dribbling na tumatagos sa depensa ng Distrito 5, 5-0.

Gamit ang pass ni Hannah Belches ay bumandera si Miles Bencito upang simulan ang takbo ng laro sa huling 12 minuto ng ikalawang half.

Dumadagundong hiyawaan ang gumigising sa natutulog na court ng Eastern Samar Police Provincial Office (ESPPO) nang itinanghal na kampeon ang koponan ng ESNCHS, 9-0.

Nakapagtala ng apat na panalo ang mga atleta ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) sa ginanap na Eastern Visayas Regional Athletics Association (EVRAA) Meet 2023.

Sa nasabing aktibidad na isinagawa sa Lungsod ng Tacloban nitong Marso 24-26, isang gintong medalya sa larong futsal, isang pilak na medalya sa archery (panlalaki, 30 meter distance), isa ring pilak na medalya sa basketbol at isang tansong medalya sa archery (individual) ang naiuwi ng mga delegado ng paaralan na kumatawan sa Sangay ng Lungsod ng Borongan.

Dahil sa kanilang pagkakapanalo, nakapagdagdag sila sa 17 kabuuang bilang ng mga medalyang nakuha ng Sangay.

Pinasalamatan naman sa isang Facebook post ni Gerry Marasigan, tagapagsanay sa larong futsal, ang mga tumulong sa kanilang “road to championship”.

“Waray gihap ak kagastuhi hin dako. (Mabuti at hindi ako gumastos nang malaki.),” pagbibiro pa niya.

Samantala, nakatakda sumalang ang futsal team sa gaganaping Pre-national Qualifying Meet sa Lungsod ng Cebu sa darating na Hulyo.

ANG SINAG
Isports
TOMO 26 ISYU 1, BILANG 1 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS SA FILIPINO NG EASTERN SAMAR NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
P.T. 2022-2023
Laban Borongan
BIDANG COMPREHENYO
DISTRITO 1 DISTRITO 2 DISTRITO 3 DISTRITO 4 DISTRITO 5 125 85 76 128 78
BAGSIK. Ipinamalas ng Fighting Maroons ang kanilang malalakas na opensang bumasag sa mala-pader na depensa ng Yellow Punchers. (Francheska Promeda) Ernst Von Abriel Jardio LIKSI. Nagpasabog ng mababangis na mga atake ang Maroons ng ESNCHS sa ginanap na kampeonatong laro sa ginanap na BCAA 2023. (Lianne Mae Belizar)

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.