Ang Sinag, Tomo 28, Bilang 1

Page 1

Ang Sinag

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo

Inklusibong edukasyon, pinaiigting ng ALS-SHS / 02

Isang naratibo ng magsasakang apektado ng pagmimina/ 14

PAGSULONG NG EDUKASYON

Ang Pagtahak ng Isang Pipi’t Bingi sa Daan ng Edukasyon/ 10

Mga aral mula sa isang estudyanteng siklista/ 18

Compre, pamahalaang panlalawigan, magkatuwang sa pagsugpo ng krisis sa pagkatuto ni Reign Kiezher Aboy

Nagsanib-puwersa ang Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Silangang Samar sa pagsulong ng edukasyon sa pamamagitan ng pagsugpo sa krisis sa pagkatuto sa kasalukuyang taong panuruan.

Pinalakas ng Compre sa pagbubukas ng taong panuruan ang Proyektong Reading Enhancement Activity Drill (READ) na naglalayong mabawasan ang puwang sa pagkatuto sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa.

Sa ikalawang taon ng proyekto na nagsimula noong nakaraang taong panuruan (2022-2023), nakipagtulungan ang paaralan sa pangunguna ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro, sa pamahalaan ng probinsiya.

Naglaan ng 23 na Learning Support Aides (LSAs) ang pamahalaang panlalawigan sa pagbubukas ng unang kwarter

ng 2023-2024 na tinutukan ang pagbibigay ng mga interbensyon at iba’t ibang gawaing pagkatuto para maiangat ang antas ng mga hindi makabasa o ‘non-readers’ ng paaralan.

Sa pagtutulungan, napababa sa 18 ang 28 na mag-aaral na hindi marunong bumasa ngayong taon sa pagtatapos ng ikawalang kwarter. Inaasahang magpapatuloy ang tatlong taong proyekto hanggang sa taong panuruan 2024-2025.

KRISIS 03

Pinaigting ng Eastern Samar National

Sa patuloy na pagtutulungan ng mga mag-aaral at guro ng Compre, matagumpay na naisagawa ang mga gift giving activity, donation drive, at outreach program na nagbigay ng tulong sa mga nangangailangan bilang sentro ng makataong pagpapahalaga ng Kagawaran ng Edukasyon.

Pag-agapay sa Kabataan

Pinangunahan ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro ng paaralan, katuwang ang Teachers Employee Union (TEU), ang pamimigay ng regalo sa mga batang nasa ilalim ng pangangalaga ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan at Kaunlaran (DSWD)

“It amon iskuylahan in nageextent hin mga blessings to those children nga mga nanginginahanglan. (Ang ating paaralan ay nagbibigay ng mga biyaya sa mga batang nangangailangan.),” pahayag ni Dr. Meneses.

ng mga mag-aaral ng Caregiving, Cookery at Tourism sa pagsasagawa ng gift giving sa Sister’s Servants of the Visitation (SSV) Mission Aid Home kung saan namahagi ng pagkain, laruan at mga damit sa mga kabataan, Disyembre 11.

ni Jessa Valerie Horca sa Provincial Social Welfare and Development Office, Disyembre 14.

Hinandugan naman ng Student Accountants Organization (SAO) ng Accountancy, Business and Management strand ng mga grocery item, mga laruan, at mga damit ang mga kabataan sa Brgy. Calingatnan Day Care Center, Lungsod ng Borongan, Disyembre 13.

Nanguna rin ang ang Home Economics Circle na binubuo

KAAGAPAY. Batang puso’y aarugain makamtan lang ang mga pangarap ng komunidad.

Dagdag pa, nagsagawa ng donation drive ang paaralan sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE) upang matulungan ang humigit kumulang 170 na kabataang manggagawa mula sa bayan ng Jipapad at Guiuan ng Silangang Sama, Disyembre 8.

KOMUNIDAD 05

10

ang nadagdag

sa marunong nang bumasa

sa mga numero

mula sa pagiging non-reader

Bilang ng mga mag-aaral na nakababasa, muling umakyat

Muling nadagdagan ang bilang ng mga mag-aaral na tumaas ang antas ng pagbasa mula sa pagiging ‘non-reader’ o hindi makabasa ng Eastern Samar National Comprehensive High School para sa una at ikalawang kwarter ng kasalukuyang taong panuruan.

Ang ating paaralan ay nagbibigay ng mga biyaya sa mga batang nangangailangan.

Sa 28 na bilang ng mga nonreader ng paaralan sa pagsisimula ng 2023-2024, 10 ang nabawas sa kabuuan kung saan apat ang galing sa ikapitong baitang, dalawa sa ikawalo, tatlo sa ikasiyam, at isa sa ikasampu. “This is the result of the effective implementation of the Literacy Program of the school,” pahayag ni Gng. Josephine G. Alegre, tagapagugnay ng programa sa pagbasa ng paaralan. “I am very much thankful for the helpfulness of this program because it provides the needs for the development and enhancement of the students,” dagdag ni Gng. Alegre.

Matatandaang ang 28 na magaaral ang natirang ‘non-readers’ mula sa kabuuang 58 na hindi marunong bumasa noong nakaraang taong panuruan.

“Even they can now read, we continue to give remediation, but now, only thrice a week,” dagdag ni Gng. Alegre.

Sa kasalukuyan 18 na nonreaders ang tinutulungan sa sumasailalim ng programa.

Patuloy ang ibinibigay na interbensiyon ng mga guro at Learning Support Aides (LSAs) sa mga mag-aaral na nanatiling hindi marunong bumasa at inaasahang mapataas ang kanilang antas sa pagtatapos ng taong panuruan. Ayon naman sa isa sa mga mag-aaral na bahagi ng programa, “Malaki ang naging tulong para mahibaro ak magbasa (para matuto akong bumasa). Nagkaroon ako ng pagkukusa sa pagpunta sa reading hub. Nag-enjoy ako.”

Paglilingkod sa komunidad, pinalakas ng Compre
Comprehensive High School ang paglilingkod sa komunidad bilang tulong sa mga kabataan at mamamayan ng Probinsiya ng Silangan Samar at Lungsod ng Borongan ngayong taong panuruan. ni Joey Kevin Enage
XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024
Dr. Hazel B. Meneses Punong-guro Kuha ni Andrew Aclao
Pantay na oportunidad sa dekalidad na edukasyon, patuloy —Meneses

MAG-INA, MAGKAKLASE balita 02

2.3M ‘Direkta Ayuda’, inilaan ng LGU Borongan sa SHS 85% ng JHS, hirap sa alas 7 simula ng klase

Sinag Dokyu

Dr. Hazel B. Meneses

Sa isang panayam ng Ang Sinag, binigyang-diin ni Dr. Meneses ang pagpapatupad ng paaralan ng inklusibong edukasyon.

“Wala tayong pinipili, since our school is adhering for inclusivity, that means that everybody are given equal opportunity to receive the quality education that the school provides,” saad ni Meneses.

Kaugnay nito, ibinahagi ng Punngguro na pinaiigting ng paaralan ang pagpapabuti ng iba’t ibang programa para sa lahat ng uri ng mag-aaral.

Tinututukan ng paaralan ang Alternative Learning System (ALS) sa Senior High School, ALS-Balik Paaralan para sa Out-of-School Adults (BP-OSA) sa Junior High School, Special Education (SPED), maging ang Science, Technology and Engineering (STE), Special Program for the Arts (SPA), at Basic Education Curriculum (BEC).

Ayon kay Meneses, sinisigurado rin ng paaralan ang pantay-pantay na paghahatid ng edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral kabilang na ang mga nasa ilalim ng pangangalaga ng mga institusyong pangkapakanang panlipunan tulad ng Sister’s Servant of the Visitation (SSV) Mission Aid Home at Balay

Darangpan han Kababayin-an. “No matter what’s your status in life, you’ll have the education that you deserve,” dagdag niya.

Ayon kay Jesselyn Ortellada, isang mag-aaral na nasa pangangalaga ng SSV-Mission Aid Home, patas ang pagtingin ng mga guro sa lahat ng kanilang mga estudyante.

“Sa mga guro, sila yung nagturo sa akin kung paano rumespeto at umunawa ng ibang tao. Equal at fair ang treatment nila sa amin,” saad niya.

Wala tayong pinipili, since our school is adhering for inclusivity, that means that everybody are given equal opportunity to receive the quality education that the school provides.

Dr. Hazel B. Meneses Punong-guro

Inklusibong edukasyon, pinaiigting ng ALS-SHS

Sa munting isla ng Patag, Maydolong, Silangang Samar nagsisimula ang pakikipagsapalaran sa buhay ng mag-ina. Sina nanay Amelyn Fabe, 47 taong gulang, at Jasper Fabe, 17 taong gulang, ay parehong nasa ika-11 baitang sa General Academics (GA) strand sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS)-Senior High School (SHS) ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS).

Parehong huminto sa pag-aaral ang mag-ina upang makapagtrabaho sa pagkokopra. Kaya nang magkaroon ng ALS, agad silang nagpatala. “Kami ay nag-ALS upang may oras sa trabaho,” wika ni Nanay Amelyn. Isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon ang ALS para sa mga estudyanteng gustong magpatuloy ng pag-aaral. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), halos 27 milyon ang mga nagpatalang magaaral sa panuruang taon 20232024 sa buong Pilipinas at kasama

BASA NG KINABUKASAN.

Pagtuturo ni Jen Aviciel Casilliano, guro, sa kaniyang estudyante sa pagbabasa bilang bahagi sa programang Catch-up Fridays ng Department of Education.

60% ng mga mag-aaral, pabor sa Catch-up

Fridays ni Joselle Tiu

Malaking mayorya ng mga

na rito ang mga estudyante ng ALS. Ayon kay Jasper, may nakalaan na araw ang pagpunta sa paaralan. Minsan, may modyul silang sinasagutan. Ngunit, sa layo ng distansya mula sa kanilang tahanan, ang pera at oras ay isang kalaban. “Kung hindi kami nag-ALS, mas malaki ang aming gastos, dahil sa pagpunta pa lamang sa paaralan, hindi na sakto ang pera,” sabi ni Jasper. Bumibiyahe nang mahigit isang oras angAmag-ina. Dahil walang sariling sasakyan, singkwenta pesos ang pamasahe nila sa traysikel patungong paaralan. Madaling araw pa lamang, gumigising na sila upang makasakay sa bangkang de-motor at makatawid sa isla. Malalaki ang mga alon sa umaga lalo na’t madilim pa at malamig ang hangin sa karagatan. Pero kahit delikado, hindi sila nagpapatinag at nananatiling determinado. Para kay Jun Arlos, gurong tagapamahala ng ALS-SHS, lahat ay puwedeng sumubok sa programa.

Lumabas sa sarbey na 60 porsiyento ng mga mag-aaral ang aprub sa bagong programa ng Kagawaran ng Edukasyon bilang bahagi ng MATATAG Kurikulum.

Linahukan ang sarbey ng mga mag-aaral mula sa junior at senior high school na tinanong kung pabor sila sa pagpapatupad ng nasabing programa na nakalaan upang mahabol ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin at mahasa ang kanilang kakayahan sa pagbasa at pagsulat.

Matatandaang batay sa DepEd Memorandum 001, s. 2024 o Implementation of Catch-up Fridays, naglalayon ang Catch-up Fridays na palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat, maging

sa edukasyong pagpapahalaga, pangkapayapaan, at pangkalusugan.

Sa isang panayam, ibinahagi ng mga mag-aaral ang kapakinabangan ng programa sa kanila. “Sumasang-ayon ako sa Catch-up Fridays dahil nakakatulong sila sa pagpapabuti ng academic performance ng mga magaaral. Tinutulungan nito ang mga mag-aaral na makabawi sa mga naantala o hindi natapos na gawain. Mas aktibo din na lalahok ang mga mag-aaral sa mga aktibidad na pangedukasyon,” payahag ni Glyna Alura, Baitang 9 - STE Narra. “Nakakatulong ang pagkakaroon ng Catch-up Fridays dahil maikli lang ang oras

sa paggawa ng performance task…Pero mabuti ito dahil nabibigyan tayo ng oras para mag-“catch up” sa mga missed activities,” saad ni Jhalexa Gean Flores, Baitang 8 - STE Mango.

Sa kabilang banda, itinuturi ng 40 porsiyentong hindi pabor sa programa na dagdag obligasyon lang ang dulot nito sa mga mag-aaral.

“Para sa akin, pwede nang rest day ang Catch-up Fridays. Since hindi naman po enough ang Saturday at Sunday para sa aming mga estudyante kasi actually po hindi na po rest day sa akin ang Saturday, Sunday kasi dito namin ginagawa ang aming mga assignment at project,” ani Frances Reign Abelgas, mag-aaral mula sa ikasampung baitang.

“Kailangan nating tulungan ang isa’t isa, pahalagahan ang bawat isa, at umangat bilang isa,” dagdag niya. Batay sa kanilang listahan, 107 ang mga nagpatala sa ESNCHS sa ilalim ng ALS sa Senior High School at 99 naman sa Junior High School. Sa dami ng kanilang estudyante, tinutulungan sila ng pamunuan ng paaralan sa mga kagamitan nila sa pagtututo. Ang ilan sa kanilang mga mag-aaral ay may sariling pamilya na at may kaedaran na at ang ilan naman ay mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Eastern Samar Provincial Jail (ESPJ). Pareho ang mga asignaturang tinuturo sa kanila sa regular na klase, ngunit ang pinagkaibahan, nakahalo ang modular na pamamaraan ng pagtuturo sa

6sa 10 suportado ang Catch-up Fridays

BATA ANG UNA

Compre, hinirang na pinakamahusay na child-friendly school implementer

Nagkamit ng parangal ang Eastern Samar National Comprehensive High School o Compre bilang pinakamahusay na implementer ng Child-Friendly School (CFS) sa ginanap na Pasindungog 2023, Disyembre 20.

Bilang paaralang child-friendly, makikita sa Compre ang mga mag-aaral na aktibo at ligtas mula sa diskriminasyon ang mga gurong handang alalayan ang mga estudyante ayon kay Evangeline Dela Rosa, CFS Coordinator.

Sinisikap ng paaralan na maipatupad ang mga kaugnay na aktibidad upang masigurong epektibo ang pag-iimplementa ng nasabing programa. Kaugnay dito, ma-oobserbahan sa pang paaralan ang sapat na libro at iba pang-edukasyong materyales na daan

sa pagsulong ng dekalidad na pag-aaral, dagdag pa ni Dela Rosa.

“As the CFS implementer, I believe that a child-friendly school is an important document developed to provide guidance to schools in order to impart quality education consistent with children’s aptitude and capacity,” wika niya. Isinaad niyang isang malawak na paksa ang pagiging epektibo ng CFS na makatutulong sa kabataang maging alerto at handa para sa kinabukasan.

Inklusibo ang mangarap—wala itong pinipiling edad at kasabay para sa isang mag-inang magkaklase. Bilang pagtugon sa layunin ng paaralan sa pagsulong ng edukasyon, ipinahayag ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro ng Eastern Samar National Comprehensive High School, ang patuloy na pagbibigay ng pantay na oportunidad sa mga mag-aaral sa pagtanggap ng dekalidad na edukasyon. sa mga numero ni Reign Kiezher Aboy ni Marc Arel Anacio ni Jessa Valerie Horca mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ang naniniwala sa tunguhin ng Catch-up Fridays na mapataas ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral, ayon sa Marso 2024 sarbey ng Ang Sinag. Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Jessa Valerie Horca
Ang Sinag Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024

Nakibahagi ang mga estudyante ng Special Education (SPED) ng Eastern Samar National Comprehensive High School sa pormal na paglulunsad ng Drop Everything and Read (DEAR) bilang bahagi ng Catch-up Fridays noong Enero 12. Sa isang panayam kay Gng. Marina Estrada, tagapag-ugnay ng SPED, sinabi niyang lumalahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang gawain sa pagbasa at pagpapa-unlad ng kaalaman tuwing Biyernes. Hangarin ng programang DEAR na linangin at palawakin ang komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa kabila ng kani-kanilang mga kapansanan. Kabilang sa mga problemang binibigyang-tugon ng naturang programa

ang mababang pag-unawa sa mga aralin at ang limitadong oras upang matutukan ang mga estudyante sa ilalim nito, ayon kay Gng. Estrada. Bukod dito, binibigyan din sila ng paaralan ng pribilehiyo at inklusibong edukasyong tulad ng mga mag-aaral sa regular na kurikulum o ang mainstreaming education.

“As the coordinator of SPED, gidadakui nga bulig it yanhi nga Catch-up Fridays kay nahatag hin intervention hit mga [SPED] learners ngan makakakita ka gud hin mga improvements as time passes,” wika niya.

Sa gabay ng mga Learning Support Aids (LSAs), naging posible ang matagumpay na pag-implementa ng naturang programa at mga iba pang mga aktibidad para sa kanila.

KINABUKASAN. Pagsusulat nina

Amelyn Fabe, 47, at Jasper Fabe, 17, para matapos ang pinapagawang aktibidad ng kanilang guro sa Eastern Samar National Comprehensive High School.

ALS. Para kay Jasper, kahit kaklase niya ang kaniyang nanay, hindi ito naging hadlang sa kaniyang pag-aaral. Nagtutulungan sa mga Takdang Aralin, nagbibigay ng mga payo, at tinuturuan ang bawat isa sa mga paksang itinuturo sa kanila. “Masaya ako na klasmeyt ko si Nanay dahil sabay kaming pumapasok sa paaralan,” wika ni Jasper. Pagsasalaysay ng binata, kung wala silang pasok, ang pagkokopra ng niyog ang inaatupag nila. Tulongtulong upang may makain sa hapag-kainan. Kung hindi man makapagtrabaho, walang laman ang kalamnan. Makikita ang pagpupursigi ng binata sa pudpud niyang mga kamay at mga kalos na natamo nito sa

Pagbasa ang Tulay sa Pagkatuto

magdamag na pagtratrabaho. Mula umaga hanggang pagsapit ng gabi, nasa sakahan ang binata, at kung matapos, ibabaling naman niya ang sarili sa pag-aaral.

Hindi malaki ang kanilang nakukuhang pera sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, kaya, nag-ipon si Nanay Amelyn upang may maitayong maliit na tindahan sa kanilang bahay. Ayon kay Jasper, nais niyang makapagtapos ng Senior High School kasama ang kaniyang ina. Dagdag pa niya, malaki ang kaniyang pasasalamat sa mga guro dahil sa tulong, suporta, at kanilang pasensya.

“Tinutulungan namin ang isa’t isa sa pag-aaral dahil gusto ko na may diploma

Naniniwala si Gng. Josephine Alegre, tagapag-ugnay ng literasya sa paaralan na ang pagbasa na prayoridad ng Proyektong READ ay ang pundasyon sa pagkatuto sa lahat ng mga asignatura. Ayon kay Gng. Alegre kung wala ito, mahihirapan ang mga estudyante makaunawa sa mga aralin.

“If we are not going to teach them paano sila?” saad niya.

Sa kasalukuyan, tinutulungan ng proyekto ang mga mag-aaral mula ikapito hanggang ikasampung baitang na sumasailalim sa ‘reading remediation’.

“It really helped a lot in closing the learning gap among these identified learners,” dagdag niya.

kami pareho. Malayo na pero malayo-layo pa ang byahe. Makakarating din,” nakangiting sinabi ni Nanay Amelyn. Sa programa ng ALS, lahat ay puwedeng makapagaral. Dahil dito, nabibigyan ng isa pang pagkakataon ang mga gustong makapagtapos ng pag-aaral. Para sa mga estudyante na tulad ng maginang sina Nanay Amelyn at Jasper, ang kanilang pangarap ay ipagpapatuloy.

sa mga numero

107

nagpatala sa ALS-SHS

Katumbas ng 10 estudyante ang bawat bilog na kulay asul

Patuloy na Pagsulong ng Literasiya

Layong matukoy ng Proyektong READ ang mga antas sa pagbasa upang maibigay ang angkop na kasangkapan at interbensiyon ang mga mag-aaral.

Bukod dito, binibigyan din sila ng araw-araw na pagbabasa at mga tanong sa pag-unawa ng mga LSAs na naging resulta sa pagtaas ng bilang ng mga marunong bumasa.

“I am very happy to see the kids that they are enjoying and with this, I can say that this job is fulfilling,” wika ni Gng. Alegre.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagsubaybay at pagbibigay sa kanila ng interbensiyon para sa layuning lahat ng bata nakababasa.

Sinag Istorya

Positibong pagdisiplina, isinusulong ng pampaaralang komunidad

Itinataguyod ng pampaaralang komunidad ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang positibong pagdisiplina sa mga mag-aaral para sa kasalukuyang taong panuruan.

Binuksan para sa mga guro ang isang serye ng anim na learning action cell (LAC) sessions na nakasentro sa Positive Discipline in Everyday Teaching sa pamumuno ni Dr. Hazel B. Meneses, punong-guro ng paaralan. Pinangunahan ng mga ulongguro bilang mga tagapagsalita ang mga talakayan sa bawat departamento ng paaralan na ginanap tuwing Biyernes ng hapon mula ikalawa hanggang ikatlong kwarter.

Binigyang-diin sa mga talakayan ang kahalagahan ng pagtukoy sa mga pangmatagalang layunin ng mga magaaral, pagbibigay ng suporta at pagunawa sa kanila, pag-alalay sa kanilang paglaki, at pagkilala sa kanilang pagkakaiba-iba.

Sa positibong pagdisiplina, sinusolusyonan ang mga suliraning kinaharap ng mga guro at mga magaaral sa loob ng klasrum at paaralan sa isang konstruktibong paraan na tumutugon ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

“Mahalagang magamit ng mga guro ang kanilang natutunan sa aktuwal at praktikal na sitwasyon para maimplementa ang positibong pagdisiplina,” paalala ni G. Crescente Beato, ulongguro ng departamento ng Filipino.

Sa isang panayam, ibinahagi ng mga guro na nakatulong ang mga talakayan sa pagpapatupad ng positibong pagdisiplina.

“Oo. Nakatulong especially ang activities na nagbibigay ng mga scenario at hinihingi ang aming mga hakbangin na gagawin sa bawat scenario. Kumbaga nagkakaroon kami ng knowledge at ways paano mahandle ang situation kung sakali mang mangyari ito [habang nagtuturo],” saad ni Gng. Roxanne Jane Quelitano, guro sa senior high school. Ayon naman kay G. Rofil Ubaldo, guro sa junior high school, nakatulong ang mga sesyon para madagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa kurikulum at mga gawain sa klasrum.

GABAY. Pagtuturo ni Melchora B. Brun, guro, para matuto ang mga mag-aaral ng ESNCHS.

Pag-alis ng mga administratibong gawain, aprub sa mga guro

Aclao

Alinsunod ang hakbanging ito sa implementasyon ng DepEd Order 002, s. 2024 o ang “Immediate Removal of Administrative Tasks of Public School Teachers” na inaasahang magpapalakas sa kalidad ng pagututuro ng mga guro dahil sa hindi na magiging hati ang kanilang atensyon.

Kabilang sa mga administratibong gawain na tatanggalin sa mga guro ay ang personnel administration, property/physical facilities custodianship, general administrative support, financial management, records management, at program management tulad ng feeding, school disaster risk reduction and management, at iba pang programa.

Nilalayon ng kautusang ito na tanggalin ang mga gawaing pangadministratibo ng mga guro upang mapakinabangan nila ang kanilang oras sa aktuwal na pagtuturo sa silid-aralan. Sa pamamagitan nito, makatutuon ang mga guro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Kaugnay nito, nagpahayag ng pagsang-ayon ang 100 porsiyento ng mga gurong kalahok sa Pebrero 2024 sarbey ng Ang Sinag patungkol sa pagpapatupad ng patakarang ito.

“Masaya ako in the sense na mababawasan ang clerical work ng teachers in teaching, which is okay lang sa akin. The focus is really on teaching, lubhang kapaki-pakinabang talaga ito para sa mga kagaya namin,” ani Marina Estrada, SPED Coordinator, sa isang panayam. Para naman kay Gng. Naomie Alonzo, STE Coordinator, pabor siya sa nasabing patakaran dahil makatutulong ito sa kanila. “Pag-alis sa mga administrative

ni John David Bantiles

sa paaralan.

task para sa teachers. Okay ito. Mas makaka-focus kami sa aming pagtuturo sa mga mag-aaral. Mas magagamit namin ang iba’t ibang strategy and techniques sa pagtuturo sa learners dahil wala na kaming iba pang iintindihin,” pahayag ni Gng. Alonzo.

Natutuwa naman si G. Ludovico G. Balaong Jr., guro sa Agham, sa bagong kautusan dahil nabawasan na ang kanilang mga gawain at nakakapokus na sila sa mas makabuluhang gawain ng isang tagaturo.

“Sang-ayon din ako sa ganyan kasi nga naibsan ang iba namin mga gawain bagkus ay itutuon nalang sa pangunahing goal na magturo at ituro ang mga lesson na nasa competencies para makamit ang kalidad na edukasyon,” dagdag niya.

Kapareho rin ang naging reaksiyon ni Gng. Melody Joy Amosco, Sports Coordinator.

“Very much happy kasi mababawasan na ang mga gawain sa parte ng mga guro, mas may time mag-prepare para sa pagtuturo kaysa naman na puro papel ang kinakaharap,” wika niya.

Binigyang-diin naman ni Gng. Felinda Jamer, Head Teacher VI, ang mabuting dulot ng nasabing DepEd Order para sa mga mag-aaral.

“Malaking benepisyo ito sa mga bata kasi si guro ngayon ay may malaking panahon na para maghanda, ayusin at mag-isip ng mga estratehiya na dapat niyang gawin sa klasrum para ang mga bata ay matuto sa leksyon. Aking inaasahan na dahil sa bagong DepEd Order, aangat pa ang kalidad ng ating edukasyon sa darating na nga taon,” pahayag niya.

balita 03
SPED na mga mag-aaral, nakiisa sa programang DEAR ni Jessa Valerie Horca
Para matiyak na matututukan ang pagtuturo, isinakatuparan na ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ang pag-alis sa mga administratibong gawain sa mga guro P1/KRISIS Kuha ni Andrew

Mga

gurong pintor,

bumida sa ‘Sirak art exhibit’ ng probinsiya

ni Chad Banaldia

Nagningning ang mga gurong pintor ng Eastern Samar National Comprehensive High School na sina Melcho Colongon at Niña Janelle Yu sa ginanap na Sirak Art Exhibition sa Provincial Capitol, Pebrero 5-11, 2024.

Sinalamin ng kanilang mga likhang sining ang husay nila sa larangan at ang yaman ng kultura ng Silangang Samar.

Ipinakilala ni G. Colongon ang Lungsod ng Borongan sa kanyang mga pintang “Kansuriyaw Falls” sa Brgy. San Andres at “The Golden Sunrise” sa Baybay Boulevard na para sa kanya “simbolo ng kariktan ng lungsod” na parehong nabili sa pagbubukas ng pansining na pagtatanghal.

Umani rin ng papuri ang kanyang likhang “The Girl and the Pedicab” na nagpapakita ng isang pedicab na nakaparada sa malapit sa isang simbahan sa Guiuan at isang batang babae na nagwawalis sa daan.

Nabili ang pintang ito ni Gng. Grace Evardone, asawa ni Gov. Ben Evardone, para sa “simple, ngunit namumukod-tanging mensahe”.

Samantala, nakasentro ang mga likha Bb. Yu na “Fleur” at “La Montagne” sa mas matingkad na dulog ng pagpipinta.

Para kay Yu, pinakatumatak sa kanya ang kanyang pintang “Este” hindi lamang dahil sinubok nito ang kanyang istilo sa pagpipinta kundi dahil ipinapakita nito ang pang-araw-araw na buhay ng mga Estehanon.

Kinilala rin ang kanyang likhang “Rayhak han Kaisdaan” na nabili sa pagtatapos ng pagtatanghal.

Masaya ang dalawang gurong pintor sa pagkilala at pagpuring kanilang natanggap para sa kanilang mga likhang sining mula sa mga nagsidalo galing sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya.

Inorganisa ang nasabing pansining na pagtatanghal ng Tanggapan ng Turismo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Silangang Samar para ipakilala ang galing ng mga lokal na pintor ng probinsiya.

1,530

na mag-aaral mula sa Baitang 11 at 12 ang nabigyan ng Direkta Ayuda

SUPORTA SA KINABUKASAN

TULONG-PINANSIYAL. Pagtanggap ng isang mag-aaral ng tulongpinansiyal sa ginanap na Direkta Ayuda ng LGU Borongan sa ESNCHS bilang pandagdag sa pangaraw-araw na gastusin sa paaralan.

National learning camp, umani ng positibong reaksiyon sa mga kalahok

ni Vincent Pascual

Sa isang sarbey ng Ang Sinag, 88 bahagdan ng mga kalahok mula baitang 7 hanggang 11 ang nagsabing nakatulong sa kanila ang pagkakaroon ng nasabing programa.

Linahukan ang isang buwang learning camp ng 191 na mag-aaral. Sa kabuuang bilang na ito, 117 ang sumailalim sa enhancement, 52 sa consolidation, lima sa intervention, at 17 sa remediation.

Binibigyang-diin ng dalawang kalahok na sina Carlo Limbauan at Justine Algo na malaki ang naibahagi ng programa tungo sa pagpapatalas ng kanilang mga kaalaman.

2.3M ‘Direkta Ayuda’, inilaan ng LGU

Borongan sa SHS

ni

Umabot sa 2.3 milyong peso ang tulong-pinansiyal na naipamigay sa programang Direkta Ayuda ng Pamahalaang Lungsod ng Borongan para sa mga mag-aaral ng senior high school ng Eastern Samar National Comprehensive High School sa ginanap na payout sa unang semestre ng kasalukuyang taong panuruan, Enero 13.

Batay sa datos ng Borongan City Social Welfare and Development Office (CSWDO), tinatayang 1,530 na magaaral sa 6,156 na kabuuang bilang ng beneficiaries ang mula sa Baitang 11 at 12 ng paaralan ang nakatanggap ng Php 1,500 na ayuda para sa unang iskedyul ng payout.

Pinangunahan ang nasabing payout ng CSWDO at Borongan City Treasurer’s Office sa direktiba ng Alkade ng Lungsod ng Borongan na si Hon. Jose Ivan Dayan C. Agda, kung saan binigyang-diin niya na kailangang magsumikap ang mga kabataan upang hindi masayang ang pamumuhunan ng pamahalaan sa kanilang kinabukasan.

“Kami ay namumuhunan para sa inyong kinabukasan, kailangang kayo ay magsumikap sa inyong pag-aaral, huwag ninyong sayangin ang tulong ng Pamahalaang Lungsod sa inyo,” mensahe ni Mayor Agda sa mga estudyante.

Aniya, ang programang ito ay magpapatuloy kahit wala na sila sa

saad ni Limbauan. “Dahil dito, mas lalo pang naisasaulo ang mga importanteng ideya sa mga layunin ng mga leksyon sa malikhaing pamaraan,” wika ni Algo.

Dagdag pa ni Limbauan, naging kasiya-siya ang kaniyang paglalakbay dahil sa mga malilikhang pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro.

“Sa halip na gumamit ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo, mas pina-unlad pa nila ito sa pamamagitan ng pagsasama ng laro sa mga aralin,” aniya.

posisyon sa pamahalaan upang matupad ang layunin ng pamahalaan na walang Boronganon ang hindi makakatapos ng pag-aaral.

Matatandaang alinsunod ang Direkta Ayuda sa City Ordinance No. 241, s. 2022 ng Lungsod na nagbibigay ng allowance sa mga estudyante sa senior high school at kolehiyo para sa mga residente ng Borongan.

Naisulong ang nasabing ordinansa sa pagtutulungan ng konseho ng Lungsod ng Borongan sa pangunguna nina Hon. Emmanuel T. Tiu Sonco, Bise Alcalde, at Hon. Atty. Kathlyn B. Jane Cainday, CPA, miyembro ng Sangguniang Panlungsod, bilang isponsor ng ordinansa ito at dahil sa kanilang suporta at pagsusumikap na matupad ang programang Direkta Ayuda.

Ayon kay Vice Mayor Tiu Sonco, 50 milyong Peso ang inilaan para sa programang ito, kaya kailangan tiyakin ang edukasyon ng mga mag-aaral upang hindi mawalan ng saysay ang

puhunan na ito sa lungsod para sa mga benepisyaryo, at tinitiyak din nilang tataas ang kita ng lungsod para madagdagan pa ang nasabing allowance sa darating na panahon.

Malaking pasasalamat naman ni Flora Mae C. Lebrilla, isang benepisyaryong mag-aaral sa ESNCHS, sa Direkta Ayuda ng pamahalaan dahil nakatulong ito sa kaniyang pag-aaral at sa kaniyang pamilya.

“Maging thankful sila sa tulong na ibinibigay sa kanila at gamitin nila ito sa mabuting paraan na makakatulong sa kanilang pag aaral,” saad ni Lebrilla sa kanyang mga kapwa estudyante. Kasalukuyan nang naghahanda ang pamahalaang panlungsod sa nakatakdang payout para sa ikalawang semestre matapos ang huling araw ng ng pagpapasa ng mga kahingian kabilang na ang katunayan ng pagpapatala at identification card noong Marso 1.

Renobasyon ng silid-aklatan, pinangunahan ng SPTA

ni John David Bantiles

Bilang hakbang sa pagbibigay ng dekalikad na edukasyon, pinangunahan ng School

SILID-AKLATAN. Naghahanap si Vincent Pascual, 18, ng mga librong makakatulong sa kaniyang pag-aaral sa bagong bihis na silid-aklatan ng paaralan. Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon

“Tinulungan kami ng NLC na magbalik-tanaw sa mga aral na natutunan namin sa Baitang 11, partikular sa Agham, Matematika, at Ingles, dahil isa sa mga layunin ng mga guro ay suriin ang aming pang-unawa sa mga paksang ito,”

Sumusuporta ang programa ito, batay sa DepEd Order 14, s. 2023 o Policy Guidelines on the Implementation of the National Learning Camp, sa National Learning Recovery Program ng DepEd para punan ang puwang sa pagkatuto dulot ng nagdaang pandemya.

Parent-Teacher Association (SPTA) ang renobasyon ng silid-aklatan ng Eastern Samar National Comprehensive High School.

Pinondohan ang nasabing proyekto ng Php 38,000 upang suportahan ang renobasyon ng silid-aklatan ng paaralan.

Binigyan ng bagong bihis ang silid-aklatan sa pamamagitan ng pagpapaayos ng kisame nito, pagpapalit ng pinta ng mga dingding, mesa, at upuan nito, at pagpapagawa ng mga bagong istante ng libro.

Bago ang renobasyon, nagsagawa ng turnover ng pondo ang mga opisyales ng SPTA kabilang na sina Alberto Acampado, Bise-Presidente; Christian Dave Loren, kalihim; Cynthia Arceño, Ingat-yaman; Joselle Anne Ramirez, Kalihim ng ikawalong baiting; at Edgar Lipata at Mary Jane Anasarias, mga tagapangasiwa.

Sa isang panayam, binigyang-halaga ni Acampado ang malaking papel na ginagampanan ng mga silidaklatan sa pag-aaral ng mga estudyante.

“Usa nga rason kay ano asya nam pinili na igpatrabaho kay aram nam importante la gihap nga mayda physical library bisan mag online research para mayda la gihap place nga mamingaw ngan conducive hin pag-aram,” pahayag ng Bise-presidente ng organisasyon.

Ibinahagi din niya na ang lahat ng pondo ay nakalap sa mga ginanap na Grade Level PTA Inductions sa nagdaang taong

panuruan.

“Guti la at nga amount ngan diri puede hin dako nga project so nagsuggest an teachers nga kun pwede gamiton nala han renovation han school library, so asya nala an ginkaurusaan basi bisan kun guti la nga pondo mayda gihap klaro nga resulta kunta kay guti manla daman an library ngan medyo mababaton na an need nga ma rehab/repair hiya,” ani Acampado. Tinanggap naman ang nasabing donasyon ng punongguro ng paaralan na si Dr, Hazel B. Meneses at librarian na si Evelyn

Delos Santos na malaki ang pasasalamat sa proyekto.

“My appreciation to SPTA and other stakeholders for their generous support, dedication and passion to help our school library for having big improvement thru the effort of our dear Principal Dr. Hazel Meneses. Our learners now are encouraged to visit the library especially in their free time, and feel comfortable while enjoy reading,” saad ni De Los Santos.

“I think this is the first renovation of our school library,” dagdag pa niya.

balita 04
Joey Kevin Enage Kumalap ng pagsang-ayon mula sa mga ‘camper’ ang isinagawang National Learning Camp (NLC) ng Eastern Samar National Comprehensive High School mula Hulyo 24 hanggang Agosto 25, 2023. sa mga numero MAGBALIK-TANAW. Nagpahayag ng mga positibong reaksiyon si Carlo Limbauan, 17, tungkol sa isinagawang na National Learning Camp (NLC) sa ESNCHS.
TOMO XXVIII, BILANG 1AGOSTO 2023-ABRIL 2024
VII Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Andrew Aclao

SDO Borongan, pangatlo sa tumaas ang iskor sa NAT

ni Jhaziel Padilla

Nakamit ng Sangay ng Lungsod ng Borongan ang ikatlong puwesto bilang “Most Improved Schools Division Office (SDO)” para sa resulta ng National Achievement Test ng Baitang 12 mula 2019 hanggang 2023.

Batay sa inilabas na datos ng Kagawaran ng Edukasyon, nagtala ang Sangay ng 13.70 na porsiyento ng pagtaas sa kabuoang iskor.

Nakakuha naman ng Calbayog City ang pinakamataas na porsiyento, 18.05, habang 16. 71 naman para sa Dapitan City na pumangalawa sa tala.

Umakyat naman sa 6.17 ang nakuhang iskor sa pagsusulit ng Rehiyon 8 na pinakamataas sa buong bansa para sa mga kasanayang kaugnay sa pagbibigay ng solusyon sa mga problema mula 37.98 bahagdan noong S.Y. 2018-2019 sa 44.16 noong S.Y. 2022-2023.

Sa isang panayam ng Ang Sinag,

ibinahagi ng mga guro mula sa ika-12 baitang ang puspusang paghahanda at rebyu bilang dahilan ng mahusay na resulta sa NAT.

“I remember that the preparation was the review per subject included in the NAT. We were assigned to different sections before and we taught them with the concepts and skills to develop in answering the Test,” pahayag ni Cristine Orita, isa sa mga gurong tumulong sa mga mag-aaral sa paghahanda para sa NAT.

“Nagsagawa kami ng review program para sa lahat ng mga mag-aaral sa Grade 12 sa lahat ng subject,” pagbabahagi naman ni Aviciel Casillano, guro sa Baitang 12.

“May mga gurong na-assign para i-discuss ang mga certain concepts na frequently na lumalabas sa exam at naggather kami ng mga sample questionnaires from different schools bilang basehan ng reviewer,” pagpapatuloy ni Casillano.

“Nagsagawa rin kami ng mock test to test if mayroon silang natutunan. Naaabutan din kaming mga teacher ng gabi para magplan kung ano ang magiging laman ng aming discussion sa bawat subject at also gumawa rin kami ng review schedule,” pagtatapos niya. Ngayong taong panuruan, isinagawa ang National Achievement Test noong Marso 2021, 2024.

Mga interbensiyon para sa pagkatuto, pinahusay ng bawat departamento

ni

Pinaiigting ng mga departamento ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang pagsasagawa ng mga interbensiyon sa pagsisikap na maibsan ang learning gap o puwang sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Sinalamin ang puwang sa pagkatuto ng mababang antas ng kaalaman at kasanayan bilang resulta ng sa una at ikalawang kwarter na pagsusulit ng kasalukuyang taong panuruan.

Sa Departamento ng Matematika, iniimplementa ang Enhanced Regional Unified Numeracy Test (ERUNT) mula baitang 7 hanggang 11 kada kwarter kung saan binibigyan ng pagsusulit ang mga mag-aaral upang matugunan ang kanilang mga kahinaan sa asignatura.

“We mathematics teachers are all trying our best to enhance and develop the numeracy skills of our learners,” ayon kay Gng. Lea Cardona, tagapag-ugnay ng Departamento ng Matematika.

Nagsasagawa naman ng Learning Action Cell (LAC) session ang Departamento ng Agham kung saan nagbabahagi ang mga guro sa bawat sesyon upang pag-aralan ang mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral.

Sa isang panayam kay Gng. Naomie Alonzo, sinabi niya na tinutugunan ng LAC ang mga pangangailangan ng mga bata sa pagkamit ng mataas na antas ng pagkatuto.

“We are trying for this session to be effective, at kapag tingnan mo ang grades at performances ng mga bata makikita mong may improvements,” dagdag ni Gng. Alonzo.

Pagkalinga sa Panahon ng Sunog

Naglunsad ng outreach program ang organisasyon ng mga mag-aaral ng Humanities and Social Sciences na HUMSS Society para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Lalawigan, Lungsod ng Borongan, Pebrero 3.

Nagbigay ang organisasyon sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Jhon Paul Araza ng mga nalikom na damit at mga kagamitan sa paaralan para sa pamilya ni Emily Azul, biktima ng sunog. Ibinahagi ni Gng. Azul ang kaniyang pasasalamat sa HUMSS Society sa pagtulong sa kanila at sa kaniyang anak na titigil na sana sa pag-aaral.

“Masaya sa pakiramdam na makita na hanggang ngayon, nasa dugo pa rin nating mga Pilipino, ang magbayanihan. Nakita ko ito sa mga magaaral na handang tumulong nang walang inaasahang kapalit,” tugon ni Araza.

Samantala, matatandaang nagpaabot din ng tulong ang paaralan sa isang hiwalay na sunog na naganap sa Brgy.

Calingatngan, Lungsod ng Borongan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng nasunugan noong Setyembre 18.

PANGDAGDAG

Samantala, tinututukan naman ng Departamento ng Ingles ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagbasa upang mas mapadali ang pag-unawa nila sa ibang asignatura.

“Learning to read is the gateway to learning more things,” pahayag ni Gng. Josephine Alegre, tagapag-ugnay sa Programa sa Pagbasa.

Sa ibang departamento, malimit na nagkakaroon ng muling pagtuturo ang mga guro sa mga araling mayroong pinakakaunting natutunan ang mga estudyante sa bawat kwarter.

Sinag Sarbey

Learning to read is the gateway to learning more things.

ORAS ANG KALABAN

85% ng JHS, hirap sa alas 7 simula ng klase

Lumabas na 85 bahagdan ng mga mag-aaral sa junior high school ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang nahihirapan sa alas siyete ng umagang pagsisimula ng klase, ayon sa sarbey ng Ang Sinag. ni John David Bantiles

Matatandaang sa pagbubukas ng kasalukuyang taong panuruan, binago ang iskedyul ng pagsisimula ng klase mula sa dating 7:30 ng umaga matapos ang isang pananaliksik ng departamento ng STEM.

Ipinatupad ang pagbabago para mapagaan ang trapiko sa harap ng paaralan mula sa mabigat na daloy ng mga sasakyan dahil sa sabay napasok ng mga mag-aaral sa junior at senior high school. Batay sa sarbey, nagdudulot ng pagkahuli sa klase ang bagong iskedyul dahil sa pahirapang paghihintay ng masasakyan, kakulangan ng oras sa paghahanda, kalayuan ng lugar ng ilang estudyante, at pagpupuyat para sa mga gawain sa paaralan. Nanawagan naman ang ilan sa mga kalahok ng sarbey na ibalik ang dating iskedyul. “Sang-ayon akong ibalik sa dating iskedyul. Una sa lahat marami ang ibinibigay na

13.70%

ang itinaas ng iskor ng SDO Borongan para sa NAT 2019 hanggang 2023

Libreng medisina ng lungsod, benepisyo sa mga guro

ni Jhaziel Padilla

Dama maging ng mga guro ang malaking tulong ng programang Libreng Medisina na pinagtibay ng Lungsod ng Borongan para sa mga residente nito.

Batay sa ulat ng Borongan City Pharmacy, itinatayang 42.60 porsiyento

o 30,656 sa kabuuang 71,961 na mga benepisyaryo ang mga taga-Borongan.

Isa sa mga natutulungan ng programa si Willy Apigo, isang guro sa Eastern Samar National Comprehensive High School.

Sa pamamagitan ng programa, nabawasan ang kanyang gastusin sa pagbili ng medisina para sa kanyang ina na halos 14 na taon nang may sakit.

Ayon sa kanya, araw-araw ay kinakailangang uminom ng gamot ang kanyang ina na nagkakahalaga ng Php 600 para sa 10 piraso at sa loob lamang ng isang buwan ay umaabot na ito ng Php 19,500.

“Binibili ko lamang ang tamang gamot. Noong magkaroon ng programa ng libreng medisina dito sa Borongan, naging malaking tulong ito sa tulad ko na nagtataguyod sa pamilya. Kaya’t malaki ang aking pasasalamat kay Mayor Agda at sa iba pang konsehal dito sa Borongan. Sana’y magpatuloy ang ‘Libre nga Medisina’ para sa mga taga-Borongan,” pahayag ni Apigo.

Inilunsad ang programang Libre Medisina sa pamamagitan ng City Ordinance No. 153, s. 2021 o ang Free Medicines Assistance Program (FMAP).

Naglalayon itong “magbigay ng libreng gamot sa mga kwalipikadong benepisyaryo nang walang diskriminasyon at walang pagtingin sa estado sa buhay, kita, sosyal, o politikal na kaugnayan.”

Sa pagkuha ng libreng gamot, kinakailangan lamang ipakita ang reseta na galing sa doktor at patunay ng pagiging residente ng Borongan.

school works na ang deadline ay kinabukasan kaya nagpupuyat. Minsan 3-4 a.m. na natutulog tapos 7:00 a.m. aga na klase, bawal pa ma-late,” saad ni Princess Abella, isang mag-aaral mula sa 10-Luna.

“Medyo naibsan ang traffic pero iyon lang nakaka-drain [ang bagong iskedyul], mapapapasok ka ng walang tulog,” dagdag ni Abella.

“Kung ibabalik ang 7:30 classes, pwedeng magamit ang 30 minutes para matapos ang mga gawain na hindi na natapos sa nagdaang gabi katulad ng assignments,” pagtatapos niya.

Sa kabilang banda, ibinahagi naman ni Julius Baldos, isang mag-aaral mula sa 9-Gemelina, na pabor sa kaniya ang mas maagang pagsisimula ng klase sa umaga. “Minsan na-lalate ako sa klase. Para sa akin mas maganda ko ang 7am na klase kasi maaga kaming nakakauwi at na nagagawa ang mga gawain namin sa paaralan ng maaga. May mga magaganda naman na nadudulot ang 7:30 nag sisimula sa klase, na kakatulong ito sa mahabang pag hahanda ng mga bata sa paaralan. Pero may mga negatibo rin itong nagagawa tulad ng di nakaka uwi ng maaga, at minsay nakakauwi na ng gabi,” paliwanag niya.

Sang-ayon akong ibalik sa dating iskedyul. Una sa lahat marami ang ibinibigay na school works na ang deadline ay kinabukasan kaya nagpupuyat. Princess

balita 05
Abella Mag-aaral ng 10-Luna
John David Bantiles Josephine Alegre Tagapag-ugnay sa Programa sa Pagbasa
P1/KOMUNIDAD
sa mga numero
PUYAT AY KALABAN. Maagang pumasok ang mga mag-aaral mula sa Baitang 9 ng ESNCHS sa dulot ng pagbabago ng iskedyul ng klase. KAALAMAN. Ginagabayan si Julieen Zoe Singson, 14, ni Gng. Josephine Alegre, tagapagugnay sa programa sa pagbasa, bilang bahagi ng interbensiyon sa ESNCHS. Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Andrew Aclao

opinyon

Ang Sinag

Pagbangon

sa krisis sa pagkatuto

Sa paglabas ng resulta ng mga pananaliksik at iba’t ibang pandaigdigang student assessment, hindi maitatatuwang mayroong malaki at malalim na puwang sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Ayon sa tala ng 2022 World Bank Reort, 90.9 porsiyento ng mga batang Pilipinong edad 10 ay hindi pa nakakabasa o nahihirapang bumasa. Nakakapanlumo ang kabiguang ito sa pagkatuto ng isang pundasyong kasanayan—ang pagbabasa— na susi sa mas marami pang kaalaman at kasanayan.

Idagdag pa ang resulta ng Programme for International Students Assessment (PISA) 2022 na nagpapakita na Pilipinas ang pinakamababa sa Matematika at Agham at ikatlo sa pinakamababa sa Pag-unawa sa Pagbasa sa 81 bansang lumahok sa pagsusulit. Ayon mismo sa Kagawaran ng Edukasyon, nangangahulugan iotng lima hanggang anim na taon na nahuhuli ang bansa sa pagkatuto.

Bilang tugon sa mga suliraning kinakaharap ng Kagawaran, inilunsad ang “Catch-up Fridays” alinsunod sa DepEd Memorandum No. 001, s. 2024 sa mga pampublikong paaralan. Kahanga-hanga ang hakbanging ito na layuning patatagin ang mga batayang kasanayan ng mga mag-aaral kagaya ng pagbasa at pagsulat sa ilalim ng National Reading Program at tutukan ang edukasyong pangkalusugan, pangkapayapaan, at pagpapahalaga sa paghubog ng isang holitikong mag-aaral.

“Malaking tulong na sinisiguro ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) na ang paaralan ay nakikiisa sa mga programang ipinapatupad ng DepEd kagaya ng “Catch-up Fridays” at “National Learning Camp” upang talagang mapunan ang mga learning gaps ng mga Comprehenyos,” pahayag ni Margaret

Lagrada, pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng paaralan. Gayunpaman, maraming lubak pa ang daraanan ng DepEd bago nito matagumpay na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Lalo pa kung hindi pa napuputol ang mismong ugat ng suliraning panlipunang ito—ang kakulangan ng mga pasilidad sa pag-aaral at ng mga kagamitan sa pagkatuto. Ayon pa sa pinakahuling tala ng DepEd, tanging mga mag-aaral mula sa baitang lima at anim lamang ang nakatanggap ng kompletong mga libro sa loob ng 11 taon, isang suliraning hindi agad nabigyan ng pansin. Bagaman may mga programang isinusulong ang Kagawaran, kinakailangan pa rin ng kolektibong pagtugon hindi lang mula sa gobyerno, kundi maging sa pribadong sektor at mga komunidad na kinabibilangan ng paaralan. Kolaborasyon mula sa iba’t ibang sektor ang mainam na gawin. Maaaring maglimbag ng mga libro ang mga publikasyon na ipapadala sa mga eskwelahan nang sa gayon ay matugunan ang

kakulangan ng mga kagamitang pangedukasyon. Karagdagang suporta din ang kinakailangan sa mga guro kagaya ng dagdag benepisyo, pagsasagawa ng seminar at pagsasanay upang makabuo ng mga estratehiyang naglalayong malampasan ang mga balakid sa pagkamit ng dekalidad na edukasyon.

Kung kaya malaking bagay ang donasyon at suportang binibigay ng mga stakeholders ng ESNCHS lalo na noong 2023 Brigada Eskwela upang matiyak na malinis at maayos ang mga pasilidad ng mga estudyante tuwing pasukan.

Naniniwala ang Ang Sinag sa kapangyarihan ng nagkakaisang masa. Kaya mahalaga ang papel ng bawat Juan at Juana upang tulungang makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa ilang taong pagkalugmok dulot ng krisis sa pagkatuto.

Mahal na Patnugot, Matagal nang usapin sa loob ng ating paaralan ang labis na pagiging estrikto ng mga guwardiya hindi lamang sa pagsusuot ng identification card o ID, kung hindi maging sa kasuotan ng mga mag-aaral.

Isang beses na akong nasita ng guwardiya dahil hindi ako naka-uniporme kaya pinagsabihan nila akong magpalit ng kulay puting pang-itaas ngunit wala na akong ibang maisuot sa araw na iyon kaya naman ginamit ko lang kung ano ang mayroon ako, ngunit pinilit nila akong pauwiin upang magpalit. Nakatira ako sa Libuton na sampung kilometro ang layo mula sa ESNCHS. Mabuti na lamang ay hindi pa nakaaalis ang aking tito na naghatid sa akin kaya napakiusapan niya ang guwardiya at tuluyan na akong nakapasok.

Nais kong malaman kung ano ba ang ginagawa ng ating paaralan tungkol sa mga isyung gaya nito. Sana naman ay kahit papaaano ay lumuwag nang kakaunting ang mga patakarang ipinapatupad ng paaralan para sa pagsusuot ng uniporme.

Sumasainyo, Ezrah Cesario, 11-STEM A

Mahal na mambabasa, Ikinalulugod namin ang pagpaparating mo ng iyong hinaing patungkol sa napapanahong isyung ito sa ating paaralan. Tunay ngang nakaaalarma ang iyong isinalaysay na karanasan.

Mayroong mga pagkakataon talagang labis ang paghihigpit na ipinapatupad ng mga guwardiya

dahil nga sa ito ang kanilang trabaho. Kinakailangan nilang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng bawat magaaral sa loob ng ating paaralan kaya sinisiguro nilang nakasuot tayo lagi ng ating mga ID at uniporme.

Gayunpaman, malaki na rin ang ipinagbago ng mga paghihigpit na sinusunod nila dahil ngayon ay kapansinpansin na ang pagluluwag nila sa mga kasuotan ng mag-aaral. Maaari nang makapagsuot ang mga estudyante ng casual o civilian na kasuotan kahit hindi pa araw ng Biyernes. Ngunit hindi pa rin papayagan ang pagsusuot ng mga ripped jeans, tsinelas at mga damit na masyadong maikli upang mapanatili ang pagiging pormal sa loob ng paaralan.

Sumasainyo, Patnugot ng Ang Sinag

06
Liham sa Patnugot
EDITORYAL
PAMATNUGUTAN TAONG PANURUAN 2023-2024 Tunguhin ng Pahayagan Ang pampaaralang pahayagang “Ang Sinag” ay naglalayong isulong ang malayang pamamahayag ng mga kabataan sa paaralan, komunidad, at lipunang kinabibilangan nito. Itinataguyod ng pahayagan ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon at masusing opinyon sa mga pangyayari at usaping kinakaharap ng mga mag-aaral. Tala ng Patnugot: Ang mga opinyon at pananaw na ipinapahayag ng pamatnugutan ng “Ang Sinag” ay hindi sumasalamin sa opinyon at pananaw ng pamunuan ng Eastern Samar National Comprehensive High School. Ang lahat ng nilalaman na ibinahagi ng manunulat ay kanilang opinyon at hindi nito intensiyong ilagay sa masamang posisyon ang anumang organisasyon, pangkat, samahan, indibidwal o kahit ano pa man. Chad Banaldia Punong Patnugot John David Bantiles Patnugot sa Balita Mira Angeila Capito Patnugot sa Opinyon Reign Kiezher Aboy Pangalawang Patnugot Joan Enage Tagapamahalang Patnugot Loraine Kim Abobo Patnugot sa Lathalain Ernst Von Abrielle Jardio Patnugot sa Agham at Teknolohiya Mark Vince Lord Owen Araba Patnugot sa Isports Mhel Jomer Afable Patnugot sa Kartun at Dibuho Andrew Aclao Patnugot sa Larawan Eugenio Malinao IV Patnugot sa Pag-aanyo at Disenyo Christian Dave C. Loren Tagapayo Crescente A. Beato Ulong-guro sa Filipino Hazel B. Meneses, PhD Punong-guro Mga Kontribyutor ng Artikulo at Larawan: Jessa Valerie Horca Joey Kevin Enage Joselle Tiu Marc Arel Anacio Vincent Pascual Jhaziel Padilla Alyanna Krizzia Docena Florenz Dulfo Raiven Rose Amoyo Dwayne Breanne Pableo Jane Apita Jan Marchelle Aldas Princesz Eula Andrei Aserios Syd Lourenz Calesa Stephen Gerald Calvadores
Ang Sinag Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024 Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024

Pag-alpas sa tanikala ng teknolohiya

Isang progresibong tunguhin ang paghuhulma sa mga mag-aaral hindi lamang bilang isang taong intelehente, bagkus isang taong mapanagot.

Sa kasalukuyan, kasabay ng mga benepisyong taglay ng teknolohiya ang katambal na mga hamong dala-dala nito sa mga magaaral at mga kabataang netizen.

Kung titingnan nang mabuti, patuloy na namamayagpag sa mga teknolohikal na espasyong naging behikulo ng kawalan ng pag-asa sa bawat mag-aaral at nagbunsod kung bakit nahihirapan silang umahon at umunlad bilang isang mamamayang may pananagutan.

Ayon sa pag-aaral ni Scott Becker taong 2015, ang sobrang pagkakalantad at labis na paggamit

disiplina. Sa halip na kabutihang asal, nakatanikala ang mga estudyante sa pagpapalaganap ng mga paninirangpuri at pagwasak reputasyon ng kapwa kabataan. Kaya’t bilang pagtugon sa suliraning ito, nagsagawa ang DepEd Borongan City Division, ABS-CBN Bantay Bata 163, at ang LGU Borongan ng isang Division Peer Support Training of Trainers ng mga mag-aaral mula sa Sangay ng Lungsod ng Borongan upang maghatid ng kaalaman sa bawat mag-aaral na maging taga-suporta sa

aralan kundi maging sa iba’t ibang espasyo at aspekto ng lipunan tulad ng teknolohiya.

TALAS SALITA

Alyanna Krizzia Docena

Pagkakapit-bisig ng paaralan at komunidad

Nakaatang hindi lamang sa mga balikat ng paaralan ang responsibilidad ng pagtataguyod ng edukasyon kundi maging sa komunidad na kinabibilangan nito.

Nanatiling pangunahing sandigan ang paaralan at komunidad sa pag-abot ng mga mag-aaral sa kanilang mga dakilang tunguhin. Hinuhubog ng pagtutulungang ito ang mga layunin at hakbanging tatahakin ng mga mag-aaral tungo sa tagumpay.

Sa pamamagitan ng suportang hatid ng mga pinansiyal at kagamitang donasyon mula sa mga stakeholder ng paaralan kabilang na ang mga magulang, opisyales ng barangay, pamahalaang panlungsod at panlalawigan, at pribadong sektor mas madaling naisasakatuparan ng Eastern Samar National Comprehensive High School ang mga programa at proyekto nito sa literasiya, isports, sining, at akademiko.

ng mga teknolohiya ay maaaring magdulot ng mga pangunahing isyu sa kalusugan ng isip tulad ng pagkabalisa, depresyon, pagpapakamatay, at mga isyu sa pag-uugali.

Dito nasusukat ngayon ang pamamahala ng mga kabataang magaaral sa kani-kanilang responsibilidad at pagtataya ng

Dagdag pa rito, kaagapay ng Compre ang mga boluntaryo mula sa komunidad at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga pintakasi at cleaning operations upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga kabataang mag-aaral.

Sa kabilang banda, aktibong nakikilahok ang ating paaralan sa mga aktibidad na isinasagawa ng mga nabanggit na mga stakeholder kung saan naipapamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento at pakikiisa. Bukod dito, nagsasagawa rin ng mga inisyatiba ang ating paaralan para makatulong sa komunidad sa pamamagitan ng donation drives, outreach programs, paglilinis sa mga dalampasigan at barangay, at pagtatanim ng mga puno.

Kung titingnan sa mas malawak na lente, pinupunan ng paaralan at komunidad ang pangangailangan ng isa’t isa. Sa ating paaralan, malaki ang tulong ng komunidad sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon. Sa ating komunidad, mahalaga ang papel na ginagampanan ng ating paaralan sa paghubog ng mga mag-aaral na tutulong sa mga panlipunang gampanin.

Bilang isang mag-aaral, alam kong ang pagtatagumpay ng bata sa pag-aaral ay hindi lamang nakasalalay sa kaalamang nakikintal ng paaralan sa kanya o sa suportang kaniyang natatanggap mula sa komunidad kundi sa pagkakaisa ng paaralan at komunidad na sabay na maghahatid sa mga mag-aaral sa kanilang mga pangarap.

kanilang kapwa sa loob ng kanilang paaralan. Ang pagiging disiplinadong mag-aaral ay hindi lamang nasusukat sa loob ng silid-

BANTAY EDUK

FLORENZ JANE DULFO

Bagama’t hindi maikakaila ang layunin ng DepEd na linisin ang mga silid-aralan at pagtuunan ng pansin ang masusing pagtuturo, may mga aspekto ng patakarang ito na nagtatanong kung ito ba ang tamang gawin.

Isa sa mga pangunahing isyu ay ang kahalagahan ng mga kagamitang pampagkatuto na nakadikit sa mga dingding ng kalsrum sa paglikha ng isang makulay na kapaligiran sa pag-aaral. Malaki ang kontribusyon ng mga poster, larawan, at iba pang dekorasyon sa pagpapalaya ng pagkamalikhain at paghikayat sa aktibong pakikilahok ng mag-aaral.

Sa pahayag ni Bise

Presidente Sara Duterte at kasalukuyang Kalihim ng

Department of Education,

Para sa akin, sa kabila ng pagpapatupad ng patakarang ito hindi dapat kasama ang pagtanggal ng ‘abakada’, ang alpabetong Ingles, at mga salawikain. Partikular na sa elementarya dahil nakakatulong ito para sa mga mag-aaral na nagsisimulang magbasa.

sa mga numero

Sa ilalim ng House Bill 9682, ang taunang teaching allowance ay tataas mula sa kasalukuyang PHP5,000 hanggang PHP7,500 kada guro para sa school year 2024 2025, at PHP10,000 kada guro sa mga susunod na taong panuruan.

Dahil hindi sapat na pinupuno lamang ng intelektuwal na kapasidad ng isang bata, nararapat na hubugin ang mga kabataang mag-aaral patungo sa isang landas na may pagpapahalaga sa bawat kilos na kaniyang isinasagawa. Isang landas kung saan siya ay pinangungunahan ng kaniyang tungkulin, ang pagiging responsable at disiplinado. Sa ganitong paraan, nawa’y maligtas o matuwid ang mga kabataan sa patuloy na pagkatali at matulungan ang bawat isa sa kanila na umalpas mula sa masalimot na pakikipagbuno sa baluktot na mga asal.

mga asal.

Ang Pilipinas ay may

gumagamit ng social media noong Enero 2024 na katumbas ng 73.4 porsiyento ng kabuuang populasyon.

Higit sa kulay at salita

Ang kamakailang utos ng Kagawaran ng Edukasyon na tanggalin ang lahat ng mga nakadikit sa mga silid-aralan ay nagdulot ng batikos mula sa mga guro, estudyante, at magulang.

“Tiyaking malinis at walang mga dekorasyon, tarpaulin o mga posters ang mga silidaralan upang magkaroon ng pokus ang ating mga mag-aaral sa kanilang mga leksyon, mula sa ating mga guro.”

Sa kabilang banda, bagama’t maraming tao ang nagparating ng kanilang pagtutol sa patakarang ito, hindi maikakaila ang mga positibong dulot nito.

Ang pag-alis ng mga nakadikit na larawan ay lumilikha ng isang mas malinis at mas maayos na kapaligiran na nagpapabuti sa kalidad ng pag-aaral. Ngunit hindi lahat ng nakadikit sa silid-aralan ay nakakaagaw ng atensyon ng mga estudyante. Halimbawa, ang pagkakaroon ng mga makabuluhang kasabihan na nakapaskil sa silid-

aralan ay nagpapalawak ng kaalaman ng mga magaaral. Sa parte naman ng mga guro ay makakabawas sa kanilang mga gastuhin ang pagtanggal ng mga visual aids sa kanilang mga silid aralan sapagkat ang perang ginagastos nila ay galing mismo sa kanilang sariling bulsa. Para sa akin, sa kabila ng pagpapatupad ng patakarang ito hindi dapat kasama ang pagtanggal ng ‘abakada’, ang alpabetong Ingles, at mga salawikain. Partikular na sa elementarya dahil nakakatulong ito para sa mga magaaral na nagsisimulang magbasa. Ating unawain na ang mga visual aids ay higit sa kulay at salita, ito’y isang mahalagang bahagi ng edukasyon na nagbubukas daan sa mas malalim na pag-unawa

at pagsasanay. Sa halip na isantabi ang mga ito dapat nating gamitin bilang mga kasangkapan upang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga magaaral.

Sa kabuuan, upang matugunan ang hamon na ito mahalagang maingat na tumuon sa mga alternatibong pamamaraan na maaaring mapanatili ang layunin ng pagtuturo habang hinahabol ang mga layunin sa patakaran. Ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng DepEd, mga guro, mag-aaral, at mga magulang ay magbibigay daan sa pagbuo ng mga patakarang may malalim na pag-unawa sa mga pangangailangang pangedukasyon ngayon.

opinyon 07 MULA SA PATNUGOT Chad Banaldia
Nakaatang hindi lamang sa mga numero

Mira Angeila Capito

Boluntaryo mandatoryohindi

Talagang hindi maiiwasan sa mga paaralan ang mga boluntaryong kontribusyon. Malaking tulong ito upang matagumpay na maisagawa ang iba’t ibang programa at makatulong sa mga higit na nangangailangan. Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito para sa paaralan at komunidad, iniinda naman itong pasakit ng ilang mga mag-aaral.

Sa isinagawang Marso 2024 “sarbey ng Ang Sinag, lumabas na 17.1% sa mga mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School ang hindi sang-ayon sa pagsasagawa ng mga boluntaryong kontribusyon. Ayon sa kanila ay kahit na ito ay boluntaryo lamang, minsan ay napipilitan silang magbigay dahil na nga sa ayaw nilang mapag-iwanan ng iba nilang mga kaklase. Ramdam din umano nilang obligado silang magbigay dahil paminsan ay patagong namimilit sa pangongolekta.

Nakasaad sa Deped Order No. 41, s. 2012 na ang pinakamalaking halagang nararapat hingin para sa mga boluntaryong kontribusyon sa mga paaralan ay nasa 50 piso lamang para sa mga gawain gaya ng Girls Scout of the Philippines o GSP at 90 piso para sa mga pampaaralang pahayagan at hindi na lalagpas pa rito. Ngunit sa ibang mga paaralan, madalas ay sobra o doble ang hinihingi nila.

Bukod pa sa dagdag problema para sa mga mag-aaral ang mga kontribusyon, dinadaing din ng iba kung saan nga ba napupunta ang kanilang mga pera dahil madalas ay hindi naman nila ramdam ang pagbabago. Karaniwang pangako ng mga taga-kolekta ay para sa proyekto na palikuran, bentilador at kung ano-ano pa, ngunit hindi naman ito napapakinabangan ng mismong nagbigay ng pondong nakalaan para sa pagpapagawa nito.

Alam naman nating ang totoong layunin ng mga kontribusyong ito ay upang mas mapaayos ang kalagayan ng mga mag-aaral ngunit sana naman ay magamit ang mga perang nalikom sa responsible at tapat na paraan. Isa pa, kaya nga ito tinawag na boluntaryo ay dahil sa hindi ito sapilitan kaya nararapat ding itigil nila ang pamimilit sa mga mag-aaral na magbigay ng pera. Hindi naman nila ito obligasyon, at nakaasa pa sila sa bigay ng kanilang mga magulang kaya may pagkakataon talagang sakto lamang ang kanilang baon at pamasahe para sa kanilang mga kinakailangan sa paaralan.

sa mga boluntaryong kontribusyon sa paaralan at 17.1% naman ang hindi. ang sang-ayon Mahigit sa mga numero

Pag-ahon sa pagkalunod

Ayon pa nga sa kantang ito ni Sharon Cuneta, hayskul ang isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral. Dito mo makikilala ang iyong magiging mga kaibigan o maging ka-ibigan. Mararanasan mong madapa at tumayo sa sarili mong mga paa. Ngunit, paano kung ang karanasan at aral na dapat matutuhan mo sa iyong anim na taon sa sekundarya ay ipagkakait sa’yo ng sistema? Sa panahon ngayon, malaking bahagi na ng buhay ng bawat mag-aaral ang kanilang akademikong katayuan. Ang bawat isa sa atin ay naghahangad ng parangal at pagkilala sa ating naging kahusayan sa klase. Masarap nga naman sa pakiramdam na sabitan ng medalya at makita ang mukha ng pagkagalak ng mga taong nagpapaaral sa iyo. Ngunit bago makamit ang mataas na grado at kahangahangang pagkilala, isang malaking sakripisyo pagdating sa pagtulog ang kinakailangan. Ayon pa sa isinagawang pananaliksik ng isang pangkat ng mga mag-aaral sa ating paaralan na pinamagatang “Sleeping

Habits, Classroom Behaviour and Academic Performance of Senior High School Students”, tinatayang 88 porsiyento ng mga mag-aaral ang kulang sa tulog, sa kabila ng katotohanang sisang elemento ng pagkatuto ang sapat na tulog at malusog na pangangatawan. Inaamin ko na isa ako sa mga kabataang naging katuwang ang kape sa malamig at payapang gabi na nakalaan sa pag-aaral. Bukod dito, maraming beses ko na ring nakaligtaan lagyan ng laman ang sikmura dahil sa dami nang gawaing kailangan tapusin. Tuwing pinapaalalahanan nga ako ng aking ina na matulog sa tamang oras ay mistula na lang itong mga walang lamang salitang pumapasok sa kaliwang tenga at lumalabas sa kanan. Lahat ng ito para makakuha ng mataas na marka. Marahil ay pamilyar kayo sa

tayong “grade conscious” na mga mag-aaral. Nakalulungkot man ngunit ang pagkauhaw sa balidasyon at grado ay nagdudulot ng kompetisyon sa loob ng silid-aralan na kung minsan ay humahantong pa sa pandaraya. Humahadlang din ang kagawiang ito sa isang makabuluhan at tunay na pagkatuto ng mga mag-aaral dahil nakapokus na lamang sila sa mga numero at hindi na sa mismong kaalaman at karanasan na matututuhan. Kung magpapatuloy ang ganitong sistema ay magdudulot ito ng mas malaking pagkahuli ng mga estudyanteng Pilipino sa akademikong larangan. Lalo pa at malinaw naman sa naging resulta ng 2022 Programme for International Students Assessment (PISA) na nasa 77 na puwesto ang Pilipinas sa 81 lumahok na bansa. Sa huli, hindi panghuhusga,

Hindi natatapos

Nakalulungkot man ngunit ang pagkauhaw sa balidasyon at grado ay nagdudulot ng kompetisyon sa loob ng silid-aralan na kung minsan ay humahantong pa sa pandaraya.

mga kakayahan ng isang mag-aaral

daan ang mga extracurricular at co-curricular ng mga aktibidad upang hindi na lamang nakatuon ang estudyante sa libro, kundi sa pagpapalawak ng knailang kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan. Ito’y paghahanda at pagsanay para sa totoong mundo sa pamamagitan ng paghubog ng mga kasanayang magagamit nila sa pang-arawaraw na pamumuhay. Dito mas napagtitibay ang kakayahang mamuno, makipagtulungan, at disiplina ng mga mag-aaral.

Ngunit, sa kabila ng mga benepisyong makukuha mula sa pagsali sa mga aktibidad na sakop nito, hindi mawawala ang mga suliraning kaakibat ng pakikibahagi sa mga ito, maging mga taong taliwas dito. Kamakailan lang, kumalat at naging mainit na usap-usapan ang pagtanggal ng extracurricular activities sa mga paaralan upang mas pagtuunan ang pansin at paghusayan

mag-aaral sa gitna ng pagkakaibaiba ng pananaw at pagpapahalaga nila sa mga grado’t pagkilala kanilang natatanggap. Gayunpaman, dapat pakatandaan na sa mahalaga rin ang malusog na pangangatawan at pagiisip sa pag-aaral. Kaya sa aking kapwa kamag-aral matuto rin huminga at katagang “academic validation” kung saan ang kaligayahan at pagpapahalaga sa sarili ng isang estudyante ay nakatali sa markang kanilang nakukuha. May mga tinatawag din

kundi pang-unawa at tamang gabay ang dapat ibigay sa mga magpahinga upang makaahon sa nakalulunod na mga akademikong responsibilidad.

akademiko. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, ito ay para sa ikauunlad ng pag-aaral. Ngunit kung susuriing maigi, tinanggal nito ang pagkakataong malinang ng mga mag-aaral ang kanilang potensiyal sa maraming larangan. Isa pang isyung bumabalot sa usaping ito ang hindi pagpapahintulot sa mga estudyanteng lumiban sa klase upang makapag-ensayo at makibahagi sa mga aktibidad. Ayon sa DepEd Order No. 034, s. 2022, kung saan nabanggit na ang co-curricular activities ay pinahihintulan ngunit ito ay maisasagawa lamang kapag tapos na ang klase. Bagama’t may kabuluhan ang polisiyang ito, nililimitahan pa rin nito ang mga oras na dapat ay ginugugol ng mga mag-aaral sa kanilang pagsasanay para sa mga patimpalak katulad ng Schools Press Conference, Festival of Talents, at Athletic Meets. Dagdag pa sa suliraning nabanggit ay ang kakulangan ng pasilidad, kagamitan, at pondo para sa ganitong mga aktibidad. Kung ang mga gawaing ito ay mula sa Kagawaran marapat sigurong ang pinansiyal na suporta para sa pagpapatupad ng mga ito ay magmula rin sa kanila. Sa harap ng lahat ng ito, mahalagang kilalanin ng mga mag-aaral, guro, at kapwa paaralan at komunidad ang mga benepisyong hatid ng mga aktibidad, patimpalak, at organisasyon para sa mga estudyante. Sa ganitong paraan, hindi magiging pahirapan ang pagbibigay ng ekstrang suporta sa mga gawaing may kinalaman sa mga ito at magkakaroon ng mas maraming oportunidad ng pagkatuto ang mga mag-aaral.

Sa paaralan, matatag na pundasyon sa paghasa ng mga kakayahan ng isang mag-aaral ang pakikilahok niya sa mga aktibidad, patimpalak, at organisasyon sa pampaaralan, pansangay, panrehiyonal, at pambansa na antas ng mga ito.

ang pagkatuto sa apat na sulok ng klasrum. Higit sa mga karanasan ng pagkatuto na hatid ng mga aralin at gawain sa loob ng silid-aralan, naghihintay ang mas makabuluhan
at mas makahulugang mga karanasan sa labas nito.
opinyon 08 Ang Opisyal
na Pahayagang Pangkampus ng Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VII
MALAYANG ISIP
High school life oh my high school life Every memory kay ganda High school days oh my high school days Are exciting kay saya TINIG NG LIPUNAN Joan Enage
Pagbibigay ng ekstrang suporta
INANG OPINYON
ang pakikilahok niya sa mga aktibidad, patimpalak, at organisasyon sa pampaaralan, pansangay, panrehiyonal, at pambansa na antas ng mga ito. Nagsisilbing
ang aspektong kapag nito of paraan, Eastern Samar National Comprehensive High School TOMO XXVIII, BILANG 1AGOSTO 2023-ABRIL 2024

MULA SA MAG-AARAL Bigat na pasan

Ngunit alam ba ng mga guro ang pasan ng bawat mag-aaral? Alam ba nila ang mga dahilan kung bakit lagi huli sa klase ang ilan sa mga estudyante?

Alas-kuwatro karaniwang nagsisimula ang araw ng mga estudyante. Papasok sa paaralan eksaktong alas-siyete ng umaga at uuwi ng alas-kuwatro o alas-singko ng hapon. Pahirapan naman ang buhay mag-aaral ng mga nakatira sa malayo dahil papasok na nga sila ng madilim, uuwi rin silang

Pagdating naman sa kanilang tahanan panibagong bakbakan naman ang kanilang susuungin. Kaharap ang tambak na mga gawain, pagtitiyagaan nila itong tapusin kahit maghahating-gabi na. Siyam hanggang sampung oras ang ginugugol ng mga mag-aaral sa paaralan araw-araw kaya higit nilang

BOSES COMPREHENYO

Kapag nahuli ang mag-aaral sa klase, laging itatanong ng guro kung bakit siya late. Minsan walang tugon pero kung mayroon man pagsasabihan itong sa susunod matulog nang sapat para magising nang maaga.

kinakailangan ang pahinga, ngunit hindi pa rin nila ito matamasa dahil may pabaon pa ring gawaing kinakailangan maipasa. Masyadong mabigat ang pasan ng mga mag-aaral na kahit ang sarili nila ay hindi na nila naaalagaan. Ang tulog na kinakailangan ng bawat tao ay tila isa na lamang premyong kanilang matatamasa kung matatapos nila ang mga gawain sa isang upuan lang. Kaya naman nararapat isipin din ang kapakanan ng kabataan. Ibigay na sana sa kanila ang oras sa tahanan upang makapagpahinga at saglit na iwanan ang mga mabibigat na iisipin sapagkat hindi totoong mas marami silang matututunan kung marami rin ang mga takdang aralin kanilang babaunin.

SINAG TANONG

Sa ilalim ng DepEd Order No. 03, s. 2024, nakasaad ang mga pagbabago sa petsa ng mga pampaaralang gawain, pagtatapos ng taong panuruan at pagsisimula ng bakasyon ng mga mag-aaral at mga guro. Para sa mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School hati ang kanilang reaksiyong patungkol dito.

Sang-ayon ako sa pagbabago ng school calendar dahil mas umikli ang taong panuruan at sabik na sabik na rin kaming mga mag-aaral sa bakasyon. Dahil nga mas pinaikli ang taong panuruan ngayon, marami din kaming mga aralin na hindi na matatalakay kaya para sa akin nakapanghihinayang lalo na at malaki ang maitutulong ng mga araling ito para sa aming mga kukuha ng college entrance exam sa susunod na taon.

Nakatutuwa ang pagbabalik ng dating school calendar dahil mas nais ko iyon kumpara sa kasalukuyan kasi sa mga buwan ng Marso at Abril masyado nang mainit ang panahon at noon saktong magsisimula na rin ang bakasyon naming mga mag-aaral kaya hindi kami gaanong naabala sa init.

Kabataan sa pambansang pag-unlad

Sa panahon ngayon, isa sa napakaraming maiinit na usapin ay ang papel ng kabaataan sa pag-unlad ng ating lipunan. Bilang kabataan, ano nga ba ang ating maaring magawa upang makamit ang matamis na kinabukasang hinahangad ng Pilipinas? Ano nga ba ang maiaambag ng isang batang makabansa at bansang makabata sa pagpapatibay ng pambansang kaunlaran?

Mahalaga ang papel nating mga kabataan sa paglikha ng isang makabago at maunlad na bansa. Tayo ang tagapagmana ng susunod na henerasyon. Tayo ang tagapagdala ng bagong ideya at perspektibo na maaring maging susi sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa gamit ang ating galing, talino, at husay. Una sa lahat, pagtanggap ng dekalidad na edukasyon. Sa konteksto ng pag-unlad ng bansa, hindi maaaring balewalain ang edukasyon at kasanayan nating kabataan. Mahalaga ang ating pagaaral at pagpapalawak ng kaalaman upang tayo ay mas maging kayang makipagsabayan at mas maging handa sa hinaharap. Pangalawa, pagkakaroon ng panlipunang kamalayan at pakikisangkot sa mga isyung panlipunan. Nararapat na makilahok tayong mga kabataan sa mga nangyayari sa ating bansa. Tayong kabataan ay may mahalagang tungkulin sa pakikibahagi sa mga usaping panlipunan at pampulitika. Patunayan nating wala sa edad ang pagtataguyod ng mga adhikain ng ating bayan. Mahalaga ang ating pakikilahok sa mga makabuluhang proyekto at adbokasiya para sa kapakanan ng mga mamamayan. Sa halip na magbabad sa walang silbing mga nilalaman ng hatirang pangmadla, gamitan ang kapangyarihan ng teknolohiya sa pagpapalawig ng mga sumusuporta sa mga gawaing sibiko. Higit sa mga ito, pagmamalaki sa pagka-Pilipino nating mga kabataan. Ang pagyakap sa ating sariling pagkakakilanlan, kultura, at wika ay mahalagang hakbangin sa pagpapakilala ng ating bansa sa ibang bansa. Ang pag-usad ng Pilipinas bilang isang bansa ay nagsisimula sa nagkakaisang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Sa papamagitan nito, nagkakaroon ng iisang direksyon ang kabataang Pilipino na nakahanay sa mga hangarin ng bansa. Kaya naman, sa ating mga kabataan walang mangyayari sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa atin kung hindi tayo makikilahok. Gamitin natin ang ating tunay na galing, talino at husay para makiisa sa iisang pambansang adhikain. Patunayang hindi hadlang ang edad sa isang batang pursigido, determinado at puno ng pangarap. Tayo ay magkaisa para sa isang matiwasay at maunlad na Pilipinas.

Si Mart Kenneth Bulanadi, 16, ay isang mag-aaral mula sa 10Luna. Bilang isang Comprehenyo, naniniwala siyang gampanin ng kabataan ang pakikilahok sa mga usaping panlipunan. ***

Ang “Boses Comprehenyo” ay isang kolum na inihahandog para sa mga mag-aaral ng Eastern Samar National Comprehensive High School. Nakalaan ito para maiparating ng mga Comprehenyo ang kanilang boses tungkol sa buhay, pag-aaral, pangarap, pag-ibig, at maging ang lahat ng kasalungat ng mga ito. Sa kolum na ito, malayang napapakinggan ang mga kuwento ng mga kabataan sa kasalakuyan.

Kaya naman, sa ating mga kabataan walang mangyayari sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa atin kung hindi tayo makikilahok.

Sinag Online

opinyong nakapaloob sa isyung ito.

Crystal Cerezo 9-Lawaan Elmera Bagacay, 11-STEM B Rich Ivory Barrete, 10-Mabini I-scan ang QR code sa itaas para sa pagpapadala ng mga komento at suhestiyon ukol sa mga
gabi na.
Mart Kenneth Bulanadi
opinyon 09
makamit matamis Ikaapat na Kwarter na Pagsusulit End of School Year (EOSY) Rites Ana Nicole Balaong

Ang Sinag

Mukha ng Pagsulong:

Ang Pagtahak ng Isang Pipi’t Bingi sa Daan ng Edukasyon

Lagi’t laging piping saksi ang paaralan sa mga pinagdadaanan ng mga mag-aaral ngunit hindi ito bingi sa kanilang mga pangarap.

Si Nanay Mila, 47 taong gulang, ay isang pipi’t bingi na nag-aaral sa Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) sa ika-12 na baitang sa Cookery. Kahit may kapansanan, ang bawat kumpas ng kaniyang mga kamay gamit ang Filipino Sign Language (FSL) ang naging sandata niya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Ang Pagkabaon

Sa maliit na bahay na pinagtagpi-tagping mga tarpaulin at plywood na nasisira na sa katandaan, nakatira si Nanay Mila. Kapag bumubuhos ang ulan, puno ang kanilang bahay ng mga balde at iba pang mga pangsalod nito. At kapag tumahan na ang pag-iyak ng kalangitan, maririnig ang pagpokpok ng martilyo sa kanilang dingding upang ayusin ang mga kumalas na plywood at tarpaulin. Ganito ang hindi matapostapos na siklo sa pagsasaayos ng kanilang tahanan kapag dumadaan ang ulan.

Walang ibang kasama sa buhay si Nanay Mila maliban sa kaniyang kinakasama na tanging tumutulong sa kaniya sa pang-arawaraw at naging kasangga niya nang wasakin ng bagyong Yolanda ang kanilang bahay. Ang tahanan ni Nanay Mila ay isa sa 1.1 milyon na nasalanta ng bagyo noong 2013. Mga sertipiko ng pagkasilang, ID, mga damit, at mga litrato ng kaniyang pamilya na lumisan na sa ibang lugar ang ninakaw ng delubyo.

“Mahirap. Lalo na at wala kaming pera, mabuti na lang at may tumulong sa amin.

Pinatira kami sa lupa na kinatatayuan ng aming tahanan ngayon,” ayon kay Nanay Mila sa isinalin na Filipino Sign Language.

Nang lumipas ang unos, walang ibang nagawa ang ginang kundi bumangon.

Ang Pagbangon

Bumalik si Nanay Mila sa pag-aaral sa pangangalaga ng Special Education (SPED) Program ng paaralan. Isa siya sa 48 na mga Persons With Disability (PWD) na nagpatala sa kasalukuyang taong panuruan.

Sa ESNCHS, binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga PWD kagaya ni Nanay Mila kaya malaki ang pasasalamat ng ginang sa paaralan sa pagpapabuti ng suporta para sa mas inklusibong pag-aaral ng mga estudyante.

Sa kasalukuyan, pinagsasabay ni Nanay Mila ang pag-aaral at pagtratrabaho. Paglalaba ang kaniyang pinagkakakitaan at minsan nagpupunta pa siya sa mga kapitbahay at karatig na mga barangay upang maglaba. Maliit ang kita kaya’t pinagkakasya niya ito kalakip ng kinikita ng kaniyang kinakasama na nagtratrabaho bilang

PANGARAP.

Hindi hadlang ang kapansan makapagtapos lang ng pag-aaral.

contruction worker para sa kanilang mga pangangailangan.

Bagama’t kapos sa buhay, tuloy pa rin si Nanay Mila sa pag-abot ng kaniyang pangarap. “Gusto ko talaga maging isang guro ng mga PWD, kaya nagsisikap ako,” aniya.

At bilang tanda ng kaniyang pagsusumikap, isa si Nanay Mila sa mga nagkamit ng karangalan sa nakaraang Recognition Day na umani ng pagbati mula sa maraming tao. Sa isang pader ng kanilang tahanan, makikita ang kaniyang kayamanan—ang mga gintong medalya na nakasabit sa kanilang dingding.

Ngunit sa gitna ng panayam ng Ang Sinag sa kaniya, dahan-dahang tumulo ang kaniyang mga luha. Ayon sa kaniya, sa likod ng pagsisikap niya ay may pinaghuhugatan siya ng lakas.

Pagsasalaysay niya, iniwan na siya ng kaniyang pamilya at lumisan na sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ngayon, walang tulong mula sa kanila ang kaniyang natatanggap. Ipinakita rin niya ang pilat na kaniyang natamo noong kabataan niya. Di umano, sinasaktan siya ng kaniyang ama dahil sa kaniyang kapansanan. Kaya, doon siya kumukuha ng lakas upang makapagpatuloy. Gusto niyang ipakita na kaya niya. “Sana balang araw makilala ang aking pangalan—malaman ng buong mundo ang istorya ko,” ani Nanay Mila.

Ang Pagpapatuloy

Sa ngayon, makikita si Nanay Mila na pumapasok ng paaralan, natututo sa mga guro, at tumutulong sa mga aktibidad. Sa nalalapit na pagtatapos ng taong panuruang ito, makakapagtapos na siya sa sekundarya. Kaya, alam niyang mas dodoblehin pa niya ang pagkayod sa buhay. “Hindi ako susuko at patuloy akong lalaban. Hindi man ako makapagsalita at makarinig, kaya ko pa rin ito,” saad ni Nanay Mila. Pagtatapos pa niya, kung hindi siya pinatuloy ng paaralan upang makapag-aral, hindi siya makapagpapatuloy sa kaniyang pangarap. Kaya hindi siya uurong at siya’y patuloy na susulong. Sa kabila ng kapansanan, magpapatuloy si Nanay Mila sa paghakbang tungo sa daan ng edukasyong dinig ang himig ng kaniyang mga pangarap.

Nakatayo ang bahay sa gilid ng isang sangang daan sa maliit na barangay ng lungsod. Pinintahan ang dingding nito ng bagong kulay na tinakpan ang bakas ng mga nagdaang taon. Sa bukana nito, nagmimistulang pagbati ang nalalagas na mga dahon ng narra sa lahat ng mga bumibisita. Samar National Comprehensive High School. Isa sa mga batang kanilang kinukupkop ngayon mula sa paaralan ay si Lorna, hindi niya tunay na pangalan. Sa kadahilanang bawal naming direktang makausap si Lorna, si Gng. Indira ang nagkuwento sa sinapit ng bata. Sa kuwento sa amin ni Gng. Indira, biktima si Lorna ng panghahalay ng kaniyang sariling ama.

Nakatayo ang bahay sa gilid ng isang sangang daan sa maliit na barangay ng lungsod. Pinintahan ang dingding nito ng bagong kulay na tinakpan ang bakas ng mga nagdaang taon. Sa bukana nito, nagmimistulang pagbati ang nalalagas na mga dahon ng narra sa lahat ng mga bumibisita. Pagpasok namin, sinalubong kami ng mga batang tahimik at nagmamasid. Ngumiti lang ako sa kanila na ibinalik naman nila nang may tamis. Mga ngiting walang bakas ng luha—at may pagtahan sa itinuturing nilang bagong tahanan—ang Balay Darangpan han Kababayin-an.

Sa pakikipag-usap namin sa isa sa mga social worker, ibinahagi ni Gng. Indira Montallana na tumatayong isang residential care facility ang Balay Darangpan o Bahay Kanlungan para sa mga kababaihang dumanas ng seksuwal na pang-aabuso at pinabayaan ng pamilya sa buong Probinsiya ng Silangang Samar. Pinamamahalaan at sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan ang institusyon.

Sa kasalukuyan, mayroong labintatlong batang nasa ilalim ng pangangalaga ng Balay Darangpan. Sa bilang na ito, siyam ang nag-aaral sa Eastern

“Ni minsa’y hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ito sa kaniyang ina sa takot na baka hindi siya paniwalaan nito. Ngunit nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin ito sa isa niyang guro na nag-ulat naman sa awtoridad sa nangyari. Doon na siya kinuha ng Balay Darangpan,” pagbabahagi niya. Bagama’t malaya na si Lorna sa kanilang dating pamilya hindi pa rin maalis ang matinding trauma sa kaniyang pinagdaanan. Sa ngayon, tanging adhika niya ang hustisya sa lahat ng kaniyang sinapit.

Bilang isang institusyong nagtatanggol sa mga kababaihan, itinataguyod ng Balay Darangpan ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995 (Republic Act No. 7877) para protektahan ang mga biktima ng karahasang seksuwal na nasa ilalim ng kanilang pangagalaga.

Kaugnay nito, nagsisilbing kamay na umaagapay sa Balay Darangpan ang Compre sa pamumuno ni Dr. Hazel Meneses para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na nasa ilalim ng pangangalaga ng institusyon.

Kabilang sa mga hakbang na ginagawa ng paaralan para sa kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa Balay Darangpan ay pagpapanatili ng isang sensitibong pagtugon para maiwasang masaktan ang damdamin ng mga bata at pagtiyak na makauuwi sila ng ligtas.

Ang pagpapatupad ng pagtutulungang ito ay naaayon sa MATATAG Framework ng Kagawaran ng Edukasyon. Lalo na sa ikatlong bahagi nito, “Alagaang mabuti ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kagalingan ng mga mag-aaral, inklusibong edukasyon, at isang positibong kapaligiran sa pag-aaral.” Sa aming paglisan matapos ang aming paguusap ni Gng. Indira ng hapong iyon, dala namin ang bigat ng mga kuwento ng mga bata, ang alaala ng pagluha, at ang katahimikang puno nang kapanatagan hatid ng pagtahan sa loob ng Bahay Darangpan.

ni Reign Kiezher Aboy
Ang Tahanang Nagpapatahan Balay Darangpan:
ni Jane Pearl Apita
Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1
10 lathalain
Kuha ni Andrew Aclao

Sinag Dokyu

Hindi ako susuko at patuloy akong lalaban. Hindi man ako makapagsalita at makarinig, kaya ko pa rin ito.

Nandy Mila Isang PWD na Mag-aaral I-scan ang QR code para mapanood ang dokumentaryo ng kuwento ni Nanay Mila.

MALAYANG MGA MITHI

SINAG NG PAG-ASA.

Kahit nasa selda, patuloy ang pagabot sa mataas na tala. Kuha ni Earl Joseph Catalo

Pakikipanayam ni Jane Pearl Apita

ng Ang Sinag kay Gng. Indira Montallana sa Balay Darangpan. Kuha ni Andrew Aclao

“Isa rin sila sa atin, nangangarap,” mahinahong sabi ni Gng. Shayne Delmonte, isang guro ng Eastern Samar National Comprehensive High School na nagtuturo sa mga bilanggo.

Para kay Gng. Shayne, hindi lahat ng mga nasa kulungan ay habambuhay ng mananatili sa lilim ng kasamaan. Kadalasan, dito pa sila nakakahanap ng kaliwanagan.

Isa sa kaniyang mga estudyante si Alyas Ramon, isang Person Deprived of Liberty (PDL) sa Eastern Samar Provincial Jail (ESPJ), sa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS).

“Una kong nakitaan ng husay sa pag-aaral si Ramon—masinop at malawak ang imahinasyon,” pagbabahagi ni Gng. Shayne.

May talento si Ramon sa pagguhit at pagbutingting. Sa nalalabing tatlong taon niya sa loob ng bilibid, karugtong ng kaniyang pag-aaral ang mga talentong ito upang kumita at makaipon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo kung sakaling makapagtapos siya ng hayskul at makalabas na sa bilangguan.

ni Reign Kiezher Aboy

Walang selda ng bilangguan ang kayang ipiit ang pag-asang dala ng edukasyon. “Tumutulong kaming mga guro upang maibenta ang kanilang mga obra, kami ang kumokolekta ng basura na ginagawa niyang bag at wallet. Sa tulong ng ibang mga guro sa pagkokolekta, mas marami ang kanilang nalilikha,” nakangiting pagkukuwento ni Gng. Shayne. “Binigyan pa nga ako ni Ramon ng wallet na naka-ukit ang aking pangalan. Sabi niya, kaniyang pasasalamat sa akin dahil kahit papaano, may pamilyang tumanggap sa kanila ng buo,” dugtong niya. Bagama’t aminado si Gng. Shayne na may pag-aalinlangan siya noong unang tumapak siya sa bilibid, ang mga kuwentong puno ng inspirasyon ang dahilan kung bakit hindi niya pinagsisisihan na maging isang guro ng ALS-PDL. “Minsan na niyang naikuwento sa akin na gagawin niya ang lahat upang makabawi sa kaniyang pamilya, dahil hindi na siya dinadalaw ng mga ito,” pagbabahagi ng guro. Sa likod ng mga ngiti ni Ramon, alam ng guro na may lungkot itong nakakubli. Habang umuusad ang

panahon, patuloy umaasa si Ramon na may bumisita sa kaniyang kapamilya niya.

Kadalasan ang mga dibuho ni Ramon ay tungkol sa pamilya niya—pagmamahal, suporta, at pagpapatawad ng isang pamilya. Isa sa mga guhit niya ay ang ‘Family Tree’ na mayroong nakalagay na mga pangalan ng kaniyang buong pamilya. Sabik na si Ramon na makita muli ang mga mahal niya sa buhay. Pagsasalaysay ng guro, saksi siya sa pagsusumikap ni Ramon hindi lang sa pag-aaral kundi sa pagbabago upang maituwid ang kaniyang mga kasalanan—pinapatawa at tumutulong sa kaniyang mga kakosa, may respeto sa bawat isa, at hindi nawawala ang pagmamahal sa Poong Maykapal.

Sa patuloy paghihintay ni Ramon sa kaniyang pamilya, mananatiling bukas ang pinto ng ALS-PDL ng paaralan upang maging pamilya na kaniyang masasandigan at maghahatid ng pag-asa at edukasyong kasinglaya ng lahat ng mga mithi niya sa buhay.

Pag-asang
ng Programang ALS sa mga Bilanggo
Ang
Hatid

Ang Kapeng Gumigising sa HENERASYON Zzzz

Mahabang palda. Asul na blusa. Pambabaeng kurbata.

Habang papasok sa gate ng paaralan, hindi nakalusot ang suot ni Leander sa tingin ng kaniyang mga kamag-aral na tila sinasabing “Hindi palda. Hindi blusa. At walang kurbata ang uniporme ng lalaki.” Ipinagkibit-balikat niya ang lahat ng ito—ang mga titig ng pagtatanong at pagtutol.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Tinalunton niya ang daan patungo sa kaniyang silid-aralan. At bago humakbang papasok sa pintuan ng klasrum ay huminga siya ng malalim sabay bulong sa hangin, “Ito ang gusto ko, dito ako masaya.”

Alam niya sa sarili niyang mas malakas ang bulong ng kaniyang mga pangarap sa bulong ng mga panghuhusga.

Bahagi ng bahagharing komunidad o LGBTQ community si Leander. Bagama’t isa siyang transgender, hindi kayang takpan ng kaniyang uniporme ang katotohanang hindi malaya ang kaniyang pagkababae sa mga mata’t

Nakakapaso ngunit minsa’y nakakapagpatibok sa puso. Madalas ito ay mapait tulad ng mga hamon sa buhay, ngunit sa pagbabago ng panahon ay matapang na sumasabay. Tulad ng kape, isang timpla ng mga pangmalakasang trend ang nagpapakilala sa kasalukuyang batang henerasyon ng Generation Z— mga kabataang mayroong mga bukod-tanging paraan ng pagkilos, pananamit at pagsasalita kumpara sa mga naunang henerasyon.

Pinatitingkad ang henerasyong ito ng iba’t ibang uso na mistulang isang mainit na kape na nagpapagising sa kanilang puso. Kaya halina’t alamin natin kung ano-ano ang mga usong ito.

Laking Social Media

Nangungunang konsyumer ng hatirang pangmadla o social media ang Gen Z sa buong mundo sa kasalukuyan. Karamihan sa kanila ay lumaki sa kapanganakan ng Facebook (2004), Youtube (2005), Twitter (2006), Instagram (2010), Tiktok (2016) na kakambal ng pagsikat ng iPhone at Android na nagpabilis at nagpadali sa pagkonsumo ng mga impormasyon onlayn.

Ayon sa ulat ng Morning Consult na inilathala Pebrero ngayong taon, 35% ng Gen Zers ay gumugugol ng lampas apat na oras sa isang araw sa paggamit ng social media. Naging kapana-panabik sa kanila ang mundo ng social media at literal na abot-kamay nila ang mundo sa isang click lamang na nagbunsod naman para hubugin ng algorithm ng mga app na ito ang kanilang mga desisyon at paniniwala.

Ayon kay John Yosef Añosa, isang Comprehenyo at isang “saks” na Gen Z, walang katulad ang paggamit ng social media.

“Ang entertainment ng social media, hindi mo mahahanap outside of social media. Very different ito from the outside world kumbaga,” pahayag niya.

Pormahang Aesthetic

Napalitan na ang dating estilo ng pananamit. Kung hindi sobrang ikli tulad ng crop top o short shorts, sobrang luwang naman tulad ng oversized shirt o baggy pants. Pero alinman dito ang isuot, tiyak aesthetic ang datingan na animo’y rarampang mga modelo sa sikat na mga clothing brand. At kahit naiinitan na, sige lang sa overshirt flannel o jacket na pinaresan ng white rubber shoes para sa isang perpektong pormahan sa larawang ibabahagi sa FB o IG story na linapatan ng “When I’m Back in Chicago”.

Kung ang isang Gen Z ang

tatanungin, iisa lang ang sekreto sa pagiging aesthetic, at para kay Yosef, “Mahalagang sumunod kung ano ang uso.”

Coffee Person

Kasagsagan na ng init ng panahon, pati bugso ng mga estudyante sumasabay sa alon. Sa patuloy na nagbabagong mga kultura, ang pagkahilig sa kape ang nangunguna. Kape na gumigising sa inaantok nilang kaluluwa sa pag-aaral at nagmistulang bagong soda dahil sa dalas ng mga kabataan sa pag-inom nito.

“Masarap ang kape at higit sa lahat nakakabawas antok,” pagbabahagi ni Yosef na isa sa mga estudyanteng pinatitibok ang puso ng kape sa mga gabing kailangang magpuyat para sa deadline kinabukasan.

Ayon sa Pangulo ng Philippine Coffee Board Inc. na si Chit Juan, ang malakas na pagkonsumo sa kape ng mga Gen Z ay nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

“Demand is coming from young Filipinos. It is still that sweet demographic profile of the country,” saad niya.

Sining ng Clutching

Kung narinig mo na ang katagang “clutch” sa henerasyon ngayon, malamang ang ibig sabihin nila ay natagumpay nilang naisagawa ang isang gawain sa isang mahalagang sandali sa kabila ng kakulangan ng oras. Ang gawing ito ay bahagi na mga kaugalian ng kabataan ngayon sa harap ng sandamakmak na mga dapat tapusing pampaaralan at pambahay na mga gawain.

Pabirong payo naman ni Yosef para maging master ng clutching, “’Pag natatambakan ka na ng mga dapat gawin, doon ka na gumawa kung pasahan na.”

Ganito ang henerasyon ngayon. Mayroong sariling hilig at gawi. Malayo man sa Generation Y o Millennials at sa naunang Generation X at sa mas matandang Baby Boomers, hindi maipagkakailang sila ang henerasyong pumupukaw sa mga puso ng kapwa nila kabataan para maging isang responsable at huwarang mamamayan tungo sa pagsulong ng bayan para sa mga susunod pang henerasyon.

ANG BAHAGHARING HUMAHABI NG

PANGARAP

nakapaligid

kaniya. Ang Eastern Samar National Comprehensive High School sa Lungsod ng Borongan ay ilang dekada nang nagsisilbing institusyon ng kaalaman at isa sa mga paaralang sumusuporta sa komunidad ng LGBTQ. Isinusulong nito ang DepEd Order No. 32, s. 2017 o Gender-Responsive Basic Education Policy bilang pagkilala sa mga mag-aaral na nasa third sex sa pamamagitan sa pagbibigay sa kanila ng kalayaan sa pagpili ng unipormeng isusuot bilang simbolo ng kanilang sariling pagkakakilanlan at kasarian. Sa pamamagitan ng patakarang ito, nangangako ang paaralan sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon na pagsamahin ang mga prinsipyo ng pagkakapantaypantay ng kasarian, pagiging sensitibo sa kasarian, walang diskriminasyon at karapatang pantao sa probisyon at pamamahala ng batayang edukasyon.

Ngunit dala man ng bagong batas na ito ang progreso at boses ng pagkakapantaypantay, nananatili pa ring

nakatanikala ang maraming tao sa ideolohiyang ang pambabaeng kasuotan ay para lamang sa mga babae. Katulad ng katotohanang nakakapagsuot man si Leander ng unipormeng pambabae, hindi nito maitatago ang nararamdaman niyang tila ba’y nakaposas siya sa kasariang mayroon siya. Sa araw na iyon, bago matapos ang kanilang klase, walang halong alinlangang ibinahagi ni Leander ang kaniyang pangarap sa buhay, “Nangako ako sa sarili ko na sa kahit anong hirap ng buhay ay magpapatuloy at magsisikap akong maging enhinyero balang araw upang makapagtayo ako ng sarili naming bahay at matulungan ko si Mama.”

Sa huli, alam ni Leander na hindi niya kayang diktihan ang mga tingin ng maraming tao sa kabila ng pagsulong ng mga panlipunang kamalayan sa pagkakapantay-patay ng kasarian. Ngunit sa harap ng lahat ng ito, hindi siya hihinto sa paghabi ng kaniyang mga pangarap na suot ang kaniyang mahabang palda, asul na blusa, at pambabaeng kurbata.

UNIPORME. Hindi iisipin ni Leander Afable ang sasabihin ng iba maipakita lang ang tunay na siya

Kuha ni Andrew Aclao

13
ni Jane Pearl Apita
lathalain
ni Dwayne Breanne Pableo isapan ng mga taong sa

agtek

PAGKABAON NG HOMONHON

60%

ang ibinaba ng kita ng isang kalamansian sa Isla ng Homonhon

Isang naratibo ng magsasakang apektado ng pagmimina

Sa patuloy na operasyon ng pagmimina sa Homonhon, Guiuan, Eastern Samar, mababakas ang napakalaking pinsalang hatid nito sa kalikasan lalong lalo na sa pagkasira, pagguho at pagkamatay ng lupa sa isla. Subalit, kapiraso lamang ito ng kabuuang kalagayan ng isla sapagkat iniinda na rin ng mga magsasaka ang pasakit na hatid ng pagmimina sa mga pananim na kanilang ikinabubuhay.

Ang hiling ko lang ay mapag-aral ang aking mga anak at maging maayos ang buhay at tahimik na walang kinakatakutang mangyari, gaya ng pagkakaroon ng pagguho ng lupa dahil sa mina kapag tag-ulan.

Isa sa mga apektadong magsasaka ay si Greselie G. Badar, 43, na residente ng Brgy. Bitaugan, Homonhon at may-ari ng isang kalamansian sa kanilang barangay. Malawak ang kaniyang taniman ng kalamansi na nagluluwas ng bultobultong mga kalamansi sa poblacion ng Guiuan at pati na sa siyudad ng Borongan. “Higit na naapektuhan ang mga tanim namin ng mga alikabok: kalamansi, niyog, at halamangugat. Nasisira ang kalikasan na dapat manatili para sa susunod na henerasyon,” pahayag ni Greselie. Ayon sa kay Greselie, lubhang naapektuhan ng pagmimina ang kaniyang kabuhayan at ang kinikita ng kaniyang pamilya. Kung noong una, umaabot ang kaniyang buwanang kita ng halos Php 10,000 ngayon dahil sa pagmimina, bumaba ito sa mahigit Php 4,000. Nakalaan pa naman ang kita ng kaniyang negosyo para sa kaniyang

INOBASYON SA KOMUNIDAD

ni Jan Marchelle Aldas

Walang sayang sa puno ng buhay—ang niyog.

pamilya lalo na sa kaniyang mga anak.

Sa salaysay ni Greselie, nagkaroon ng sakit ang kaniyang mga kalamansi maging mga tanim na suha dahil sa alikabok na nagmumula sa mga minahan dulot ng tinatawag na saltation at sand-blasting o ang proseso ng pagkalat ng mga alikabok sa mga taniman. Nakaaapekto ang mataas na dami ng alikabok na napupunta sa mga pananim sa nutrisyong natatanggap ng mga ito sa pahanon ng pamumunga. Nagbibigay-daan din ang mga palutang-lutang na mga alikabok para makapasok ang mga phototoxic gaseous pollutants sa mga pananim katulad ng mga nakakalasong kemikal sa hangin.

Kung tutuusin hindi kasali ang Bitaugan na kinaroroonan ng plantasyon ng kalamansi ni Greselie maging ang Habag at Inapulangan sa mga itinuturing na pinakaapektadong barangay sa Homonhon, ngunit hindi

maitatangging ramdam na ramdam ng mga ito ang mapangwasak na epekto ng pagmimina. Sa kasalukuyan, tatlong kompanya ang nagmimina sa Homonhon. Ito ang Nickelace, Inc., Chromiteking, Inc., at Emir Mineral Resources Corporation na nakatuon sa lima sa walong barangay ng isla: Casuguran, Pagbabangnan, Culasi, Casuguran, at Canawayon. Hindi lamang pagguho ng lupa ang nararanasan ng limang barangay na ito. Nariyan din ang pagkasira ng mga sakahan sa Culasi, siltation o polusyon sa tubig dulot ng mataas na konsentrasyon ng silt o putik sa ilalim ng mga anyong tubig sa makikitid na bahagi ng Casuguran, at polusyon sa hangin at pagkasira ng mga watershed o mga kalupaang nagsisilbing daluyan ng tubig sa tatlo pang mga barangay. Sa gitna ng lahat ng ito, patuloy ang pagkilos ng mga organisasyon tulad ng Homonhon Youth Eco-Savers Organization (HYEO) at Homonhon

Environmental Advocates and Rights Defenders (HEARD) para sa kaligtasan ng Homonhon at para huminto ang pagmimina.

Isa si Esayra Abucejo, sekretarya ng Caritas Borongan Eastern Samar at tagapamahala ng impormasyon ukol sa pagmimina sa Homonhon, ang mariing tumututol sa pagmimina sa isla.

Ayon sa kanya, “Ang pera ay madaling kitain pero kailangan paghirapan. Ang buhay na mawawala dahil sa mina ay hindi na maibabalik pa. Stop mining in Homonhon.” Sa huli, tulad ni Esayra, nais na rin ni Greselie na mahinto na ang pagmimina sa isla para sa ikabubuti ng kaniyang kabuhayan at higit lalo ng kaniyang pamilya.

“Ang hiling ko lang ay mapag-aral ang aking mga anak at maging maayos ang buhay at tahimik na walang kinakatakutang mangyari, gaya ng pagkakaroon ng pagguho ng lupa dahil sa mina kapag tag-ulan,” saad niya.

Bag

Pinatunayan ito ng Barangay San Gabriel, isang payak na komunidad sa Lungsod ng Borongan, nang lumikha ang mga residente nito ng bag mula sa mga hibla na makukuha sa bunot ng niyog.

Tinawag ng barangay ang kanilang lokal na hinabing mga bag na San Gabriel Ecobags at Passion Bags na likha ng mga mamamayan nito sa pangunguna ng San Gabriel Farmers Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (SAGFARBCO).

Sa paggawa ng bag, mabubusing inihihiwalay ang bunot na makukuha sa niyog. Kasunod, iproproseso ang mga bunot sa isang makina para maging hibla at maging kasinglaki ng lubid. Pagkatapos, hahabiin na ito para maging bag.

Tinutugunan ng produktong ito ang panawagan ng lungsod para sa “non-use of plastic carry

out bag”, ang kabuhayan ng mga mamamayan ng barangay, at ang pagpapakilala ng isang natatanging produkto na mula sa Borongan.

Dagdag pa, sa pamamagitan ng pagtulong-tulong sa paghabi, nagkaroon ng espasyo para sa mga lokal na residente na magkasama at magtulungan. Ito ay nagpalakas ng samahan at nagpalawak ng mga ugnayan sa loob ng komunidad. Sa paglikha ng produkto, tinulungan ang kooperatiba ng barangay ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agrarian Reform (DAR) ng Lungsod ng Borongan.

Naniniwala naman si Dr. Ted Esguerra ng Ayala Foundation

nang bumisita siya sa barangay para sa isang aktibidad na malaki ang potensiyal ng produkto sa merkado.

“May pagkakataon ang

Borongan City na maging isang pangunahing pinagmumulan ng mga eco-friendly na bag, na nagaambag sa lumalagong kilusang patungo sa mga praktikang pangsustenableng pangkapaligiran,” mungkahi ni Dr. Esguerra.

Bilang isang ipinagmamalaking produkto ng komunidad, naipakilala na ang bag sa iba’t ibang trade fair kasama na ang Bahandi Eastern Visayas Trade Fair sa Robinsons, Tacloban, at sa World Trade Center sa Maynila.

ni Ernst Von Abrielle Jardio
na gawa sa bunot
ng
Gabriel
ng niyog, ibinida
San
sa mga numero
Greselie G. Badar Residente ng Homonhon Kuha ni Andrew Aclao
14
Kuha ni Alren Beronio Nanalo ang lawarang ito ng Grand Prize sa “Pitad ug Pag-ampo” kontra mina photo contest sa Borongan, Hunyo 2023. PANGKABUHAYAN. Ang islang pinahihirapan, mga mangingisda at magsasaka ay naapektuhan. OBRA. Walang sayang sa lahat ng pinaghihirapan, makilala lang ang likha na makakatulong sa kalikasan

a gtek15

Kaso ng HIV sa Silangang Samar, umakyat sa 138

Umabot na sa 138 ang bilang ng kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Silangang Samar, batay sa huling ulat ng Provincial Health Office noong Setyembre 2023. Likha ni Althea Cassandra Anosa

Naitala ng Lungsod ng Borongan ang walong kaso na pinakamataas sa probinsiya na sinundan naman ng Dolores na may anim na kaso.

Batay sa datos mula sa Eastern Samar Provincial Treatment Hub, kasalukuyan na nilang ginagamot ang 28 na pasyente na may edad mula 7 buwan hanggang 55 taong gulang habang mahigit 100 naman ang ginagamot sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Provincial Health Office, ang pagtaas na ito ng kaso ay dulot ng hindi ligtas na pakikipagtalik at mother-to-child transmission.

Sa isang panayam kay Meghann Villanueva, HIV Program Focal Person ng PHO-Eastern Samar, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon at kamalayan sa mga sexually transmitted infection (STIs) tulad ng HIV.

“Hangga’t maaari, dapat kayo at ang inyong partner lang, walang iba. Mahalaga ang patuloy na paggamit ng condom upang maiwasan ang pagkalat ng HIV at iba pang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik,” aniya.

Dagdag pa ni Villanueva, pinananatili din ng Provincial Health Office ang confidentiality ng mga pasyente.

“Sinisiguro namin na mapapanatili ang confidentiality ng mga pasyente, kami lamang ang nakikipag-usap sa RHU tungkol sa mga pasyenteng handang makipagtulungan sa RHU, at mayroon kaming nurse na magbabantay sa pasyente at magchecheck kung sila ay nakainom na ng kanilang gamot,” pahayag niya. Ang 3-in-1 na gamot para sa HIV treatment ang karaniwang iniinom ng mga pasyente araw-araw at madalas habang-buhay, maliban na lamang kung magkaroon ng pagbabago sa regimen, ayon sa National AIDS & STI Control Programme (NASCOP).

Kaugnay nito, siniguro rin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Silangan Samar na ang mga laboratory test at pangunahing gamot para sa HIV ay libre sa lahat ng mga government hospitals.

Hinikayat rin ng Provincial Health Office ang mga indibidwal na may patuloy na mga sintomas o patuloy na nakikilahok sa mga sexual activity na makipag-ugnayan sa mga malapit na health facility sa lungsod at humingi ng tulong medikal at magpa-test para sa HIV at iba pang sexually transmitted infections.

3 sa 10 namamalengke, ang gumagamit ng ecobag

Tatlo sa sampung mamimili lamang ang gumagamit ng ecobags o reusable bags sa pamamalengke sa Lungsod ng Borongan, batay sa Pebrero 2024 sarbey ng Ang Sinag.

Sa kabila ng ibinabang ordinansa sa ilalim ng City Public Market Code of 2023 partikular ang Ordinance No. 267, Section 13.9 “Non-use of plastic carry out bags”, patuloy pa rin ang paggamit ng mga lokal na residente ng plastic bags sa pamimili.

Matatandaang nagsimula ang implementasyon ng nasabing kautusan noong Enero 2024 kung saan tanging nylon bags at iba pang uri ng ecobags ang pinahintulutang gamitin bilang lalagyan ng wet goods kagaya ng karne ng baboy, manok, lamang dagat, prutas, gulay, at iba pa. Ayon sa isa sa mga mamimili, “Okay na okay ‘yung ordinansa na pinatupad nila, maiiwasan ang paglaganap ng polusyon. Ngunit may

mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang paggamit ng plastics, pero mas mainam na sumunod na lamang.”

Sinang-ayong naman ito ni Minerva Bagacay na isa sa mga nagtitinda, “Maganda ang ordinansang kanilang ipinatupad. Bilang mga nagtitinda, mas matutulungan kami na mabawasan yung mga gastusin namin. Sumusunod naman kami, ngunit hindi talaga maiiwasan yung paggamit ng plastic bags.”

“Para sa akin, malaki ang maitutulong ng ordinansang ‘yan hindi lang para sa kalikasan, pati na rin sa pagdidisplina ng mga tao kung masusunod at maipapatupad lamang nang maayos,” dagdag pa niya.

MAPANGWASAK NA PAGTATAYO NG SEAWALL

SEAWALL. Paggawa ng seawall ng DPWH -Rehiyon 8 sa baybayin ng Brgy. Lalawigan, Lungsod ng Borongan na umabot sa reef line na nagsanhi ng pagkasira ng malalaking coral reefs.

Komunidad ng Lalawigan, nanawagang protektahan ang mga koral

ni Joey Kevin Enage

Ipinaglaban ng mga residente ng Barangay Lalawigan, Lungsod ng Borongan na protektahan ang mga koral sa baybayin ng kanilang komunidad sa gitna ng pagpapatayo ng isang flood control seawall.

Sa isang panayam sa punong barangay ng Lalawigan na si Joel Capones, ipinahayag niya ang mga hinaing ng kaniyang mga nasasakupan na huwag sirain ang kanilang baybayin at ang mga koral na tinitirahan ng mga isda.

“Ang gusto namin, huwag ang mga corals namin ang sirain, yung baybayin namin wag masira. Yung buhangin ng ipinagbabawal na kunin tapos yung corals pa yung sisirain nila, na tinitirahan ng mga shells, mga isda, diyan nagingitlog, tapos ipinagbabawal na nga yung dinamita kasi yun yung unang-unang sumisira sa mga corals tapos ngayon, backhoe na ang sumisira ng corals na hindi naman dapat,” pahayag ni Capones.

Sa pagsisiyasat ng Ang Sinag, inimplementa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) - Rehiyon 8 ang nasabing proyekto ay nahahati sa anim na yugto na pinondohan ng 144 milyon pesos sa bawat yugto.

Sinasaklaw ng flood control seawall na tinatayang 1,365 metro ang haba ang halos dalawang kilometro ng kabuuang lugar ng dalampasigan.

Inulan ng batikos ang konstruksiyon mula sa mga mamamayan dahil umabot ito sa reef line na naging sanhi ng paghuhukay at pagkasira ng malalaking coral reefs.

Aksiyon ng Komunidad

Bilang hakbang, sumulat ng pormal na reklamo ang ilang grupo pati ang Pamahalaang Barangay ng Lalawigan sa Alkalde ng Lungsod ng Borongan na si Jose Ivan Dayan Agda na nagbukas ng isang consultative session ng Sangguniang Panlungsod ng Borongan, Marso 15. Sa sesyon, ayon sa Barangay Kagawad ng Lalawigan na si Mark

Castillo, hindi sila naabisuhan tungkol sa proyekto at hindi nila alam ang pagpapatupad nito hanggang sa nagsimulang lumitaw ang mga kagamitang pangkonstruksiyon sa kanilang baybayin.

Iginiit pa ng barangay pamahalaan na ang seawall ay nakalagay sa kabila ng salvage zone at nakapasok na sa reef area ng baybayin na naglalagay ng matinding banta sa marine biodiversity o saringbuhay ng karagatan nito na inaasahan ng karamihan ng mga mangingisda sa Lalawigan para sa kanilang ikabubuhay. Sinuportahan ni Mayor Agda ang posisyon ng barangay sa pamamagitan ng pagpapatibay na maglalaan ang pamahalaang lungsod ng mahigpit na proteksyon sa nasabing mga salvage zone.

Sa pagtatapos, napagpasyahan ng konseho na ipahinto ang konstruksiyon upang magkaroon ng puwang para sa maayos na koordinasyon sa pamahalaang lungsod.

Habang ang DPWH 8 ay nagpasya na baguhin ang paghahanay ng proyekto at nangako rin na magtatakda ng isang pagpupulong sa mga opisyal ng Lalawigan kasama ang mga nasasakupan nito upang harapin ang parehong problema.

Aksiyon ng Lungsod Nagsagawa ng isang ocular inspection noong Marso 18 ang Borongan City Information Office kasama ang mga kaugnay na departamento at mga lokal na media sa baybaying naapektuhan ng konstruksiyon. Nagsilbing batayan ang komprehensibong pagdokumento sa ocular inspection sa ginawang paghuhukay sa mga coral reefs dulot ng proyekto sa isang pormal na ulat

ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) – Borongan. Sa pinakahuling pagpupulong noong Marso 23, malinaw na pinanindigan ni Mayor Agda na wala dapat itayong imprastraktura na makasisira sa reef system.

“Walang imprastraktura ang dapat pahintulutan makapasok sa reef line ng Borongan, dahil ang reef system ang pinakamahusay na depensa natin laban sa mga kalamidad,” pahayag ni Mayor Agda.

Inihayag din ng alkalde na hindi siya tutol sa proteksiyon laban sa pagbaha na layunin naman ng seawall project.

Kinumpirma rin ng alkalde na ang pamahalaang panlungsod ay hindi humiling ng seawall sa lugar, at hindi rin ito kinonsulta bago ang pagpapatupad ng proyekto.

Bukod dito, sinabi din ni Atty. Romeo Alexis Devora na nakahanda ang City Legal Office na gawin ang mga kinakailangang aksiyon, partikular na ang pagpapatupad sa Writ of Kalikasan at Temporary Environmental Protection Order (TEPO) bilang ideyal na legal na remedyo.

Gumawa rin si Mayor Agda ng pormal na liham sa Department of Public Works and Highways-Region 8 na humihiling sa kanila na wakasan ang coral excavation.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang “temporary suspension” ng konstruksiyon ng seawall sa utos ni DPWH R8 Regional Director Edgar Tabacon noong Abril 2.

BANTAY KALUSUGAN
ni Marc Arel Anacio Likha ni Althea Cassandra Anosa

agtek 16 “

Time(ASPR) Portable Soil Quality

Measuring Device sa mga numero

5.94

ang nasasayang dahil sa mababang kalidad ng lupang tanim bilyon pesos

TINIG NG LIPUNAN

Joan Enage

Inobasyon talaga yung naging hangad namin, yung paggamit ng pre-existing sensors, at paggawa ng device na coded para maging accurate para sa mga farmers at agricultural agencies na matagal ng gumagamit ng makalumang pamamaraan ng soil testing..

IMBENTO AT TALENTO. Tatlong kabataan ang nagtulungan, libo-libong magsasaka ang matutulungan.

Kuha ni Andrew Aclao

ABANTE AGRIKULTURA

Bagong panukat ng kalidad ng lupa, naimbento ng mga batang Comprehenyo

ni Chad Banaldia

Dalawa sa limang mangagawang Pilipino ang may kontribusyon sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Agrikultura, ang kadalasang pinagmumulan nito, ayon sa pag-aaral nina William Madayag at Hajime Estanislao mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa kabila nito, mahigit 5.94 bilyon pesos ang nasasayang dulot ng pagatatanim sa mababang kalidad ng lupa.

Bagaman mayroong mga dati nang pamamaraan sa pagsigurado ng kalagayan ng lupang sakahan, kagaya ng Soil Test Kits (STKs) at laboratory testing, kinakaharap pa rin ng mga simpleng magsasaka ang mga balakid para magamit ang mga prosesong ito katulad ng kakulangan sa pera, pangangailangan ng teknikal na tulong, at transportasyon.

Portability, real-time measuring, at accuracy ang tugon ng isang pangkat ng mga mag-aaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School sa suliraning ito. Lumikha ang Robotics and Intelligent Machines Team ng paaralan ng bagong “soil testing method”—ang Arduino-based Solar Powered Real-time (ASPR) Portable Soil Quality Measuring Device. Nagtataglay ng tatlong sensors na pinapagana ng Arduino ang aparatong ito sa pagsukat ng kalidad ng lupa: ang

Hondetic soil pH sensor, capacitive soil moisture sensor, at JXCT soil NitrogenPhosphorus-Potassium (NPK) sensor sa pagtaya ng estado ng lupa sa mga parametrong antas ng pH sa lupa, kahalumigmigan nito, at nilalaman nitong NPK.

Sa tulong ng mga sensor na ito nagiging mas madali ang pagtukoy sa kalidad ng lupa kung angkop itong taniman. Bukod sa agad-agad at tamang pagsukat sa mga parametro, madali lamang itong gamitin kaya kayang-kaya itong gamitin ng mga magsasaka at portable rin ang imbesiyon kaya hindi ito mahirap dalhin sa sakahan. Higit sa lahat, solar powered ito kaya nakabubuti sa kalikasan.

Binubuo ang pangkat ng mga

batang imbentor nina Chad B. Banaldia, Mark Vince Lord Owen T. Araba, at Ghislaine G. Diolola mula

sa ikasampung baitang sa ilalim ng Science, Technology and Engineering Program ng paaralan.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Araba ang kanilang hangarin sa nagawang inobasyon.

“Nakita namin na kulang yung focus ng mga current studies sa agriculture, lalo na sa pagtulong sa mga farmers natin,” pahayag niya.

“Inobasyon talaga yung naging hanggad namin, yung paggamit ng pre-existing sensors, at paggawa ng device na coded para maging accurate para sa mga farmers at agricultural agencies na matagal ng gumagamit ng makalumang pamamaraan ng soil testing,” dagdag niya.

Batay sa Office of the Provincial Agricultural Services ng Silangang Samar, kauna-unahang nalikhang soil quality measuring device na

Intellectual property tungo sa progreso

Sa bansang katulad ng Pilipinas na mayaman sa sining, musika, literatura, inobasyon, at imbensyon mahalaga ang papel ng Republic Act No. 8293 o ang “Intellectual Property (IP) Code of the Philippines” upang masigurong napapangalagaan ang mga likhang-isip ng mga manggagawa at imbentor.

Naglalayon ang IP Code na pangalagaan at pangasiwaan ang mga karapatan ng mga nagmamayari ng mga intelektuwal na ari-arian. Nagbibigay din ito ng mga probisyon para sa patente, tatak ng kalakal, at karapatang-ari. Pangunahing layunin nito na palakasin ang proteksiyon sa mga likha ng isip, itaguyod ang pag-unlad ng teknolohiya at kultura, at magbigay ng insentibo sa mga nagmamay-ari ng intelektuwal na ariarian para sa kanilang mga imbensyon at gawang-sining.

Kabalintunaan kung maituturing ang kahalaganan ng IP sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino gayong marami sa atin ang mangmang pa rin sa usaping ito. Kung kaya’t may mga imbentor na nagiging biktima ng pangaabuso. Ayon pa nga sa pahayag ni Maria Michelle Amarillas miyembro ng The

Invention Development Division of DOST-TAPI, “Dito sa Pilipinas, karamihan ng mga Pilipino ang walang ideya kung ano ba talaga ang intellectual property. Marami na akong nakausap na kliyente na hindi alam ang kahalagahan ng IP protection, lalo na sa kanilang negosyo. Kaya malayo pa ang ating kailangan lakbayin.” Marahil ito ay sa kadahilanang ang proseso ng pagpapatupad ng batas ukol sa intelektuwal na ari-arian ay mabagal at kinakailangan ng malaking halaga ng salapi. Idagdag pa ang kawalan ng sapat na suporta mula sa pamahalaan at ang kakulangan sa mga mekanismo para sa paghahabol ng mga nilabag na karapatan ay naglilikha ng kawalan ng kumpiyansa sa sistema. Sa Eastern Samar National Comprehensive High School pa lang marami nang inobasyon ang naisagawa ng mga mag-aaral at

mga guro bilang bahagi ng kanilang asignatura at pananaliksik. Makikita rito ang kahusayan at talinong taglay ng mga kabataan at gurong Pilipino na siyang dapat mapangalagaan ng Intellectual Property Law. Upang malampasan ang mga hamon na ito, mahalaga ang aksiyon mula sa mga sektor ng gobyerno, akademya, industriya, at mga mamamayan. Dapat palakasin ang kampanya para sa edukasyon at w kamalayan tungkol sa karapatang pang-intelektwal sa buong bansa. Kinakailangan din ang pagpasa ng mga batas na mas mahigpit at mas epektibong naipapatupad upang mapanatili ang integridad at maprotektahan ang mga likha ng isip. Kung maisasakatuparan ito, hindi malabong makauusad ang Pilipinas tungo sa progreso.

sensor ang naimbento ng mga magaaral.

Pinarangalan din ang imbensiyon bilang 2nd runner-up best project, 2nd runner-up best presenter, at kampeon sa best poster sa ginanap na Regional Science, Technology and Mathematics Fair (RSTMF) 2023 sa Baybay City, Leyte, Nobyembre 10.

Hangad naman ng pangkat na magkaroon ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na aktuwal na magamit ang kanilang imbensiyon sa pagsasaka.

“Nakakapagod lang gawin, pero kinaya naman, worth it na worth it, na nagtulungan kami para makatulong. Espesyal iyon at iyon ang nagtulak sa amin na magpatuloy,” pagtatapos ni Diolola.

Mark Vince Lord Owebn Araba Batang Imbentor Arduino-based Solar Powered Real

Biyayang Nakadikit sa Cassava Starch

ni Loraine Kim Abobo

Sa Pilipinas, umabot ng 2.56 milyon metrikong tonilada ng kamoteng-kahot ang naani sa mga taong 2021 hanggang 2022 batay sa Kagawaran ng Agrikultura. Sa taas ng produksiyon ng kamoteng-kahoy taon-taon, hindi nakakapagtaka na hindi na lang sangkap ng pagkain ang cassava o kilala rin sa pangsiyentipikong pangalan nito na Manihot esculanta kundi maging ng iba’t ibang kagamitan.

Nagsisilbing pangunahing sangkap ang cassava starch sa pagtimpla ng mga pangdikit o adhesive formulations. Maaari itong maging binding agent at gamitin sa industriya ng mga kakahuyan gaya na lamang ng paggawa ng mga plywood at muwebles, at pagsasagawa ng laminating processes. Malakas ang bonding strength o ang kapit ng mga particles ng cassava starch, water resistance, at thermal stability na naaangkop upang gamitin sa iba’t ibang aplikasyon.

Dagdag dito, mas pinapaboran na rin ngayon ang cassava starch-based adhesives sapagkat eco-friendly at mas nakakabuti ito sa kalikasan kaysa sa mga petroleum-based adhesives.

Ginagamit din ang cassava starch sa produksiyon ng mga papel bilang surface sizing agent o pagpapaayos ng tekstura ng papel at upang mas mapabuti ang kalidad nito. Mas napapatibay din nito ang papel na hindi basta-bastang masisira sa isang kaunting hablot lamang. Nakakatulong din ito sa papel na kumalat ang tinta na ilalapat doon at mas maging makinis ang papel.

Dekalidad na mga produkto ang nagagawa gamit ang cassava starch kung kaya’t marami na itong pinanggagamitan. Sa ngayon, ginagawa na rin ito ng mga manggagawa dito sa ating bansa at kasama ang probinsiya ng Silangang Samar sa nakikibanang dito.

sa mga numero

23-25

metro

ang karaniwang taas ng narra

Lokal na mga taga-responde ng sakuna, sinanay

Paghahanda at pagresponde sa panahon ng sakuna ang binigyang-tuon sa pagsasanay ng mga disaster risk responders ng Borongan, Oktubre 3-5, 2023.

Pinangunahan ang aktibidad ng Ayala Foundations, Inc. at ni Mayor Jose Ivan Dayan C. Agda.

Sa oras ng kalamidad, maging handa sa mga hindi inaasahan. Huwag kayong mag-antay sa pagsapit ng sakuna o kalamidad, ang pangunahing layunin ay ang mabuhay.

Dr. Ted Esguerra Tagapagsalita, Ayala Foundations, Inc.

TAMPOK NA

Nilahukan ito ng mga kawani mula sa mga lokal na ahensya ng lungsod kabilang na ang BFP, PNP, CDRRMO, at DepEd kasama na ang mga magaaral mula sa Eastern Samar National Comprehensive High School.

Ayon kay Dr. Ted Esguerra, isa sa mga tagapagsalita sa nasabing pagsasanay, ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay may malaking bahagi tungo sa mas maayos at mas handang mga mamamayan sa mga sakuna.

“Sa oras ng kalamidad, maging handa sa mga hindi inaasahan. Huwag kayong mag-antay sa pagsapit ng sakuna o kalamidad, ang pangunahing layunin ay ang mabuhay. Ginagawa natin ang DRR Workshop na ito para maturuan kayo kung paano makaligtas at lumigtas,” pahayag ni Dr. Esguerra.

“Higit na mas dapat malaman at matutunan ng mga estudyante ang

SARIBUHAY

Sari-saring Benipisyo ng

NARRA

ni Chad Banaldia

Tag-init na!

Bukod sa pagtaas ng heat index, ano ang natural na palatandaan na sumapit na ang tag-init sa Pilipinas? Simple lang, pamumukad ng mga dilaw na bulaklak ng isang puno na dapat bilang isang Pilipino kilala mo—ang Pterocarpus indicus o mas tanyag as tawag na narra—ang opisyal na pambansang puno ng ating bansa.

mga kaalaman sa kaligtasan sapagkat sila ang nagsisilbing kinabukasan ng lipunan,” dagdag niya.

Bahagi ang aktibidad na ito sa community-based disaster risk reduction approach ng lungsod sa pagtugon sa mga sakuna na nakasentro sa papel ng komunidad at pakikiisa ng mga mamamayan sa aktibong pakikilahok sa paghahanda laban sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Itinuro sa unang dalawang araw ng palihan sa Borongan People’s Center ang pagbibigay ng pangunang lunas o first aid at paglikha ng mga kagamitan sa pagliligtas mula sa mga resiklong bagay.

“Marami akong natutunan sa tatlong araw na pagsasanay, napataas ang aking tiwala at mas lalo akong naging handa upang sugpuin ang bawat sakuna at kalamidad na sasapit gamit ang mga natutunan ko sa programang ito,” pahayag ni Gail Arjhytte F. Alde, kalahok ng aktibidad

Ugat at Bulaklak

Ang ugat ng narra ay isang bahagi na malaki ang ambag sa paligid nito. Maliban sa paghigop ng tubig at sa natural-draining system na parte nito, ang ugat ng narra ay phosphorusregulator din. Ito’y bunsod ng nodules na naglalaman ng Nitrogen-fixing Bacteria (NFB) at Mycorrnizal fungi. Dahil dito, umuusbong ang mga halaman na nakapaligid sa narra at napapabilis ang sariling paglaki nito. Kapag naitanim malapit sa ilog, ang narra ay mabuting soil stabilizer dulot ng malawak na sakop ng ugat nito, katangiang sumasanla sa pagguho ng basang lupa malapit sa mga tubig. Nakakatulong naman ang bulaklak ng narra pinagkukunan ng pollen ng mga bubuyog para sa produksiyon ng honey comb na kalaunan ay nagiging pulut-pukyutan, ayon kay Dr. Lex A. J. Thompson.

Balat at Dahon Patok ang narra sa larangan ng medisina. Ayon kay Dr. Debra Sullivan, Ang balat nito’y ginagamit bilang panlunas sa diarrhea, habang ang katas ng ugat nito’y ginagamit sa pagpapagaling ng mga pasiyenting may syphilitic sores. Bukod dito, ang dahon ng narra ay ginagamit sa paggamot ng samut-saring sakit kagaya ng skin ulcers, lagnat, inflammatory at allergic reactions. Base din sa artikulo ng grupong Professional Nurse Advocate (PNA), may flavonoids ang dahon ng narra na siya namang nagproprotekta sa kidney or bato kontra tumor.

mula sa ikasampung baitang ng paaralan.

Nagtapos ang tatlong araw na aktibidad sa San Gabriel, isang upstream barangay ng lungsod, sa pamamagitan ng isang simulasyon kung paano lilikas sa panahon ng sakuna patungo sa mga evacuation center.

Ibinahagi naman ni Rupert Ambil, Information Officer ng Lungsod ng Borongan, na malaking bagay na maituro ang ganitong kaalaman upang magsilbing armas sa panahon ng sakuna at kalamidad at upang hindi basta-bastang mabawian ng buhay.

“Kamalayan at kapatiran ang hindi dapat kaligtaan sa mga oras ng trahedya. Ang iyong sarili ang iyong unang kakalabanin kaya kinakailangang maging alerto, maging kalmado, at higit sa lahat, laging maging magiting,” dagdag ni Ambil.

na taon ang puno ng narra na malimit gamitin bilang haligi o pundasyon at pandesinyo sa loob ng bahay. Bantog din ito bilang materyales sa paggawa ng muwebles ng bahay dulot ng pagiging matibay nito. Popular din ang kahoy ng narra sa kabuhayan ng mga mangingisda. Ayon sa The Wood Database ng 2023, mainam itong kasangkapan sa paggawa ng mga bangka at sagwan dahil water-resistant at matibay kontra marine borers. Ngunit sa kabila ng mga kapakinabangang ito, idineklara ang narra bilang isang endangered specie sa ilalim ng International Union for Conservation of Nature’s (IUCN) Red List noong 2018 dahil sa pang-aabuso bunga ng malaking halaga at kalidad ng puno nito.

Ayon sa estadistika ng University of the Philippines Los Baños (2023), ilang libong puno ng narra na lamang ang nalalabi sa mundo. Ito’y hatid ng mataas na demand at presyo ng kahoy ng narra na nag-uudyok sa paglaganap ng ilegal na pagtrotroso at poaching.

Bilang tugon sa kagipitang ito, ipinagbawal na ng gobyerno ang pagpuputol ng punong narra sa bisa ng Administrative Order 200701 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Inanyayahan din nila ang pagtatanim ng narra sa mga parke at pasyalan, tabi ng ilog, at mga paaralan.

Sa huli, isa ang hindi dapat kalimutan sa lahat ng kapakinabangan ng narra—ang kakayahan nitong kahit papaano labanan ang tag-init.

MAGING agtek 17
20 hanggang 25 MAGING HANDA. Sinasanay ni Dr. Ted Esguerra, Ayala Foundations, Inc. ang mga disaster risk responders ng Borongan City at mga estudyante ng ESNCHS bilang paghahanda sa mga paparating na sakuna.
Puno Tumatagal ng

isports

Mas importante ang aking pag-aaral dahil gusto ko rin na manalo rito at makamit ang aking pangarap

Kobe Aldwin P. Lomuntad Estudyanteng Siklista

Pamana sa mga Batang Shuttlers

Pagsuong ng isang junior surfer sa alon ng buhay SDO, LGU ng Borongan, nagkaisa para sa mga atleta

BISIKLETA. Pagpadyak ni Kobe Aldwin Pepito Lomuntad patungo sa hinahangad niyang gintong medalya.

PADYAK NG TAGUMPAY

Kilala siya ng kaniyang mga batang shuttlers bilang “Ma’am Joy”—ang mahusay at masigasig na tagasanay ng badminton ng paaralan.

Si Ma’am Melody Joy Amosco ay isang lisensiyadong national coach sa larong badminton. Bukod sa pagiging tagasanay, isa siyang guro sa MAPEH sa Eastern Samar National Comprehensive High School. Mahigit dalawang dekada nang nagtuturo si Ma’am Joy sa mga bata sa paglalaro ng badminton.

“Han una ko na exposure ha badminton was in 2002. Ginpachaperon naak han badminton. So han pagkita ko parang nasing ak kaya ko man mag-coach hin. Kailangan ko la mahibaruan kun ano hit technicalities niya,” pahayag niya.

“Han una pass time ko la talaga at hiya, until nagkamaydaan ko opportunity han 2004 na maka-attend hin national training. Luckily, pinasar ak as Class-A Officiating. Meaning, Class-A ngani puwede kam

mag-officiate up to national level,” dagdag pa niya.

Dahil sa walang-humpay na pagtuturo, maraming kabataan na ang sumailalim kay Ma’am Joy. At sa bawat batang kaniyang tinuturuan, palagi niyang ipinapadama ang tunay na kakanyahan ng paglalaro ng badminton.

Ayon sa kanila, ang larong badminton ay higit pa kaysa sa pampalakasan, isa itong kanlungan, at malaki ang naging epekto dito ni Ma’am Joy sa kanilang paglalakbay.

“Tanggal stress, mga oras na wara ko maduduokan, badminton an nag-heal haak, simple gala na bagay pero naging second home ko nait. Naging parang nanay hi ma’am Joy, hiya han nag-ataman haam. Inalagaan niya kami,” wika ni Ernst Von Abrielle Jardio, isang dating shuttler.

Ayon naman kay Kian Mercado, kasalukuyang shuttler,

Bago makamit ang pananaig ay hindi naging madali ang linakbay ni Lomuntad, dahil bago magsimula ang lahat ng kaniyang mga tagumpay nagsimula siya bilang isang ordinaryong sikilista lamang noong kasagsagan ng

Lungsod ng Tacloban, Nobyembre 16 — Nagpakitang-gilas si Kobe Aldwin P. Lomuntad, isang siklista at mag-aaral sa Grade 12 STEM-E ng Eastern Samar National Comprehensive High School, nang maipasakamay ang ikawalong puwesto sa kategoryang Mountain Bike (15-20) ng Romba Tacloban 2023. binidahan ng mga Pro-cyclist mula sa ‘Go For Gold’ at ‘Excellent Noodles’. Hindi nagdalawang-isip si Lomuntad na lumahok rito dahil isa itong karangalan bilang isang siklista na makipagsabayan kasama ang mga Pro. Bagama’t hindi niya sinayang ang oportunidad na ito, hindi pa rin husto ang kaniyang ensayo at preparasyon.

Nang tahakin ni Lomuntad ang larangan ng “competitive cycling”, nag-iba ang pananaw niya sa isports na ito. Matinding pag-eensayo at preparasyon ang ginawa niya upang mas lalong lumakas at makamit ang kaniyang pangarap upang maging isang kampyeon. Bagama’t nahilig siya sa pagbibisikleta, hindi pa rin niya pinababayaan ang kaniyang pagaaral.

Dahil ayon sa kaniya, “Mas importante ang aking pag-aaral dahil gusto ko rin na manalo rito at makamit ang aking pangarap.”

Una niyang karera ang ‘Ay Borongan Race’ na pinamunuan ng Home of the Borongan Sports Klub (HBSK) at linahukan ng iba’t ibang siklista mula sa Borongan, Leyte, at Samar. Ang karerang kaniyang sinalihan ay may dalawang kategorya, ang road race at ang criterium race. Road race ang napili ni Lomuntad at ang ruta ay mula sa Hernani hanggang Borongan, dahil ito ang nakasanayan niya sa kaniyang mga pag-eensayo. Subalit, hindi pa rin husto at natapos na lamang niya ang karera.

Sa pangunguna muli ng HBSK ay nagkaroon ng Borongan Classic II na isang national cycling race na

“Well, nakilala ko hi Ma’am Joy han ak pinakauna na EVRAA to Baybay

Leyte han Grade 3 pala ak. Well ‘di ko ma at coach directly hi Ma’am Joy since secondary an iya ginhahandle but nahiuupod na manla kami hat na elementary. Maybe up to now, siguro 6 to 8 years ko na naging coach hi Ma’am Joy,” kuwento niya.

Huminto nang saglit si Lomuntad dahil isa siyang graduating student at ang larangan na kaniyang pinasok ay mababalikan lamang. Inuna muna niya ang mga gawain sa paaralan upang hindi bumababa ang kaniyang grado. Nang maging ayos na ulit ang lahat ay bumalik siya sa pag-eensayo dahil may kuro-kuro na magkakaroon ng karera.

Sa pangunguna ng Tacloban Cycling Association at Slipstream napasatotoo ang kuro-kuro na karera at hindi nagalinlangan si Lomuntad na lumahok at naglaan ng isang buwan na preparasyon kasama ang kaniyang koponan.

Sa hindi inaasahang pangyayari nagtamo si Lomuntad ng nakasisirang aksidente habang naglalakbay siya patungo ng Tacloban City gamit ang bisikleta na kasama ang ibang sikilista ng Borongan City na lalahok rin sa karera. Subalit, hindi ito naging balakid sa kaniya at hinid niya sinayang ang preparasyong ginawa niya.

Nang dumating mismo ang araw ng karera ay naging mainit ang labanan dahil, elimination ang eksena ng bawat heat at iilan lamang ang makakapasok para sa finals. Sa puntong ito kinakabahan na si Lomuntad dahil isa

Saad pa niya, “Minulat kami niya han mga basics hit badminton, tactics and strategies ngan kun paano i-aapply ha uyas. Dara na daman siguro kay damo na an iya experience, more than 10 years of experience ha coaching, officiating, ngan sports management ha badminton.”

sa mga katunggali niya si Zhean Solis, na kilala bilang isa sa mga mahusay na siklista ng Leyte, pero hindi nagpatinag si Lomuntad at nakapasok siya sa kaniyang heat at umarangkada sa finals.

Matindi ang naging labanan sa finals dahil nagtipon-tipon ang mga nangibabaw sa bawat heat, kaya ibinuhos ni Lomuntad ang kaniyang reserbang lakas at mga pambihirang estratehiya upang makapasok sa Top 10. Nang umayon ang laro sa kaniyang plano ay naging masaya siya nang makuha ang ikawalong puwesto.

Marami mang sakripisyo at pagkabigo ang pinagdaan ni Lomuntad, hindi ito naging hadlang para siya huminto.

Ayon sa kaniya, “Kulang pa ang lahat ng iyon dahil kunti lang ang naging preparasyon at ensayo ko, pero nagpapasalamat pa rin ako na nanalo ako sa kabila ng aking pinagdaanan mula noong ako’y nag sisimula pa lamang hanggang ngayon.”

“Ipapatuloy ko parin ito subalit hindi ko pababayaan ang aking pagaaral dahil ilang buwan nalang ay papasok na ako sa kolehiyo at mas tutuunan ko ito ng pansin upang makapagtapos at babalansehin ko ang aking pag-aaral at pag-eensayo,” dagdag pa niya.

Lalaban, bibida, aarangkada. Lahat ng lakas, piliting ipadama. Sa harap ng mga balakid, darating din ang nais na panahon. Abante lamang. Kahit ma’y mangalawang, huwag hihinto sa pagpedal.

“Very grateful ak han tanan na contribution ni ma’am Joy and the amount of time nga iya ginsacrifice for improvements haam nga mga players, you can see the improvements in mere months,” pagpapatuloy ni Mercado.

Wika naman ni Enzo Reese Amosco, panganay na anak at former shuttler ni Ma’am Joy, “Hi nanay or ‘Ma’am Joy’ naging trainor, naging coach nga diri la talapang kay ungod-ungod nga iniskuylahan ngan lisensiyado nga national coach. Hul-os nga pagtutdo nga waray gin-eexpexct nga balyo kundi an kaupayan la han kabataan. Iba it iya atake hit pag disiplina hit iya mga kabataan kay suga hit iya inangkun nga iya daman mga anak.”

Ito ang mga tumatak sa mga isipan ng mga sinanay at minahal na mga manlalaro ni ma’am Amosco. Dahil sa kusang-loob at taos-pusong pagpapa-ensayo sa kabataan, mas napapalago ang badminton sa mga bagong henerasyon.

“It ak inspiration it ak passion hit pag-uyas daman hit badminton is nga gusto ko mahishare ha kabataan it ak nahibabaruan. It ak masisiring ha ira is train hard!” sabi ni Ma’am Joy. Naging isa sa mga tanyag na tagasanay sa badminton si Ma’am Joy dahil sa lahat ng ito. Nagiiwan siya sa mga batang shutters ng pamana na hindi kailaman mananakaw—ang dispilina at husay sa larong badminton.

It ak inspiration it ak passion hit pag-uyas daman hit badminton is nga gusto ko mahishare ha kabataan it ak nahibabaruan. It ak masisiring ha ira is train hard!

sa mga numero

400shuttlers ang sinanay ni Ma’am Joy sa loob ng 16 taon.

Higit na

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VIII Tomo XXVIII, Bilang 1 Agosto 2023-Abril 2024
Sinag
Ang
aral mula sa isang estudyanteng siklista Syd Lourenz Calesa
Mga
ni Mark Vince Lord Owen Araba
Melody Joy Amosco Tagapagsanay ng Badminton Kuha ni Syd Lourenz Calesa Melody Joy B. Amosco Kuha ni Andrew Aclao

Agham

SEKRETO SA

OLLIE. Pagpakitang gilas ni Clark

Andag, 14, sa paggamit ng skateboard sa bagong skate park sa Baybay Boulevard sa Lungsod ng Borongan.

sa mga numero

LAKAS NG PAGKAKAISA

Princesz Eula Andrei Aserios

SKATEBOARDING

9sa 10

ang sang ayon sa Esports sa pampaaralang pampalakasan

Isa sa mga regional gamer sa Mobile Legends ay si Lean Marko Badiola mula sa ESNCHS, Grade 12 STEM B, ay sang-ayon dito .

Sa loob ng ng

10,000skaters

buong mundo, nagtatamo ng aksidente sa higit 32% nito dahil sa kakulangan ng karanasan.

Ang biomechanics ng paglikha ng pulidong tricks

Kilala mo ba sina Margielyn Didal, Kiko Francisco, o kaya si Jake Malick na tila mga ibon na lumilipad sa ere habang nagpapamalas ng nakahuhumaling na mga trick gamit ang kanilang skateboard? Ang bawat banat ng galing ay talagang nakamamangha, pero may mga higit pa dito kaysa sa nasisilayan ng inyong mga mata.

Skateboarding, isang pampalakasan na inimbento nina Bill Richard at Richard Stevenson noong taong 1950’s pa. Ito’y umunlad sa isang natatanging anyo ng pagpapahayag ng sariling mga emosyon at pisikal na kalakasan. Mula sa simpleng pagkilos ng pagsakay sa kalye hanggang sa pagsasagawa ng pambihirang tricks, pilit na itinutulak ng mga skateboarder ang mga limitasyon ng kanilang mga katawan at board na kanilang kinagagalakan.

Sa likod ng bawat tumpak na trick na pinapasiklab ay ang kakayahan ng isang skateboarder na masulot ang paggamit ng kanilang kalamnan habang binabawasan ang mga posibleng aksidente. Habang sinisisid natin ang mga biomechanics sa larangan ng skateboarding, maghanda na kayo upang umigpaw tayo tungo sa sekreto ng mga detalye sa likod ng bawat skateboard trick.

Ang stance: Maging swak

Ang tirik na pagkatayo habang ang iyong mga paa ay perpendikular sa ibabaw ng skateboard ay makatutulong sa paggawa ng postura at pagpanatili ng balanse. Tapos, ang mga balikat ay dapat nakalinya sa direksyon din ng paa. Panatilihing tuwid ang likod at tumitingin sa harapan ng board. Upang mahanap naman ang balanse sa skateboard, dapat kambiyuhin ng isang manlalaro ang bigat nila, pakanan at kaliwa man. o paharap o patalikod.

Dagdag pa dito, ang paa na nasa likod ng board ang magsisilbi bilang isang angkora at ang harap na paa naman, bilang manibela. Ang likod na paa din ang magtutulak sa board at sa sumasakay dito. Mahalaga itatak sa isipan ang mga tungkulin ng bawat paa, dahil ang likod na paa ang pokus sa pagpanatili ng balanse habang ang harap naman ang mananalaktak.

May iba pang klaseng mga stance o postura ang maaaring malaman pa gaya ng nollie, switch o fakie, subalit kailangan ng mas malawak na isipan at marami pang pagsasanay, para maiwasan ang mga kahinaan na maaaring matamo dito.

Sa kabuuan, mahalaga na merong tamang stance ang isang skateboarder sa tuwing siya’y maglalaro sa pampalakasang ito. Dahil, malalaman ng manlalaro ang tumpak na paglikha ng balanse at pagkontrol ng board at maaari din malayo ang manlalaro sa mga posibleng aksidente.

Ang ollie: Pagsanay sa lundag

Ang pinakakaraniwang trick sa skateboard ay ang ollie. Ito ang paglundag ng skateboard kung saan ang nose ng skateboard ang nauuna sa pagtaas at susunod naman ang tail, pareho na din dito ang mekanismo ng pagbaba ng board. Upang magdelebera ng ollie, dapat magpakawala ang manlalaro ng puwersa sa likod na paa o sa tail ng skateboard at pahinain ang bigat sa harap o sa nose upang mapatalon ang board. Upang magsagawa ng ollie, apat na yugto ang dapat daanan ng skateboarder. Una, nakayuko ang katawan habang ang dalawang paa ay nakalatag sa board na mayroong balanseng puwersa habang nakatigil o nakaandar. Pangalawa, tatalon sa pamamagitan ng pagpakawala ng bigat sa back foot, upang matagilid ang pagkiling ng board, at magsimulang gumawa ng patayong salpok na puwersa. Sunod, i-slide ang front foot papunta ng dulo ng nose ng board upang magkaroon ng pababang direksyon at maghanda para sa landing. Panghuli, tapusin ang trick sa pamamagitan ng paglatag muli ng parehas na bigat sa dalawang paa upang maibalik ang board sa kaniyang pahigang posisyon.

Ang pop: Pagsungkit ng taas

Isa sa mga napakahalagang sangkap sa pagkamit

Progresong pampalakasan

o pagsagawa ng mga skateboard trick ay ang pop. Ang pop ay mahalaga sa pagtulak sa skater at sa board sa ere. Ito ay may malaking epekto sa taas at kontrol ng trick. Ang lokasyon ng epekto ng paa sa lupa ay maaaring maka-impluwensya kung gaano katindi ang puwersa na nabuo sa pop. Ang puwersa na inilapat kontra sa lupa ay nakakaapekto sa tugon ng board at ang kakayahan ng skater na mapanatili ang kontrol sa pagbida na ng trick na nakatalon. Maaari maisagawa ang isang pop sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na meron ang ollie. Pero mas tanyag sa pop ang nakaandar na skateboard dahil ang pop ang simula sa kahit ano pamang trick na puwedeng magawa ng skater, maging kickflip man, hardflip, grinds, o shove its man.

Ang landing: Hupa ng buwelta

Sa huli, ang skater ay muling babalik sa lupa na dapat perpektong may dalawang paa sa skateboard. Ang pagtiyempo ng landing ay mahalaga dahil maaapektuhan nito ang katatagan ng board at ang balanse ng skater pagkatapos ng trick.

Ang landing ay nagsasangkot ng pag-absorba ng puwersa ng pagkahulog at muling pagkalat ng puwersa sa buong katawan. Ang wastong pamamaraan ng landing ay nakakatulong sa pagliit ng panganib, ng pinsala at pagpapanatili ng kontrol sa board. Ang mga skater ay dapat tumiklop ng kaunti gamit lamang ang kanilang tuhod sa landing upang ma-absorba lamang ang puwersa ng landing, habang pinapanatili ang kanilang timbang na nakasentro sa ibabaw ng board upang matiyak ang katatagan.

Ang rotasyon: Hataw sa ere

Sa iba’t ibang trick sa skateboarding, gaya ng kickflips, heelflips, o 360 flips, umiikot ang board sa kaniyang sariling vertical axis. Ang pag-ikot ay sinisimulan sa pamamagitan ng pagpitik sa kahit anong edge ng board, na bumubuo ng kinakailangang kinetikong enerhiya upang mapa-ikot ang skateboard. Ang katawan ng skater ay maaaring sumunod sa pag-ikot ng board o kaya free-flow lamang upang mapanatili ang balanse at kontrol sa tuwing magsasagawa ng trick.

Ang biomechanics ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa pagsabuhay ng rotational tricks. Ang katawan ng skater ay dapat tarak sa pag-ikot ng board, na nangangailangan ng tumpak na koordinasyon ng mga paggalaw ng kalamnan at magkasanib na pag-ikot. Kabilang dito ang mga pinagsama-samang pagkilos ng mga daliri, siko, balikat, balakang, tuhod, at sakong.

Ang skateboarding ay isang pampalakasan na nagbago mula sa isang aktibidad na pampalipas oras tungo sa isang lubos na teknikal at pisikal na kinakailangan ng disiplina. Ang pag-unawa sa biomechanics sa likod ng isang walang kapintasang trick ay makakatulong sa mga skater na matuwid ang kanilang diskarte at mapabuti ang kanilang pagpapakitang-gilas. Ang tamang pustura, ang pagtiyempo ng ollie, pop at landing, at ang koordinasyon ng mga paggalaw ng kalamnan at kahit ano pang parte ng katawan ay lahat ng mahahalagang salik sa pagkamit ng isang matagumpay na skateboarding trick.

Tulad ng anumang isport, ang disiplina at pagsasanay ay susi sa pagpapabuti ng mga kalakasan at pagbabawas ng panganib o pinsala na maaaring magdulot ng nakasisirang aksidente. Ang mga skateboarder na nakarehistro sa isip ang wastong biomechanics at inilalaan ito sa kanilang pagsasanay ay maaaring mapahusay ang kanilang pakipagtagisan ng galing, itulak ang kanilang mga limitasyon, at patuloy na maitakda ang kanilang pagmamahal sa loob ng mundo ng skateboarding.

Sa muling pagbubukas ng isang makulay na taon, nagtagpo ang hangarin ng pampalakasan at pangarap ng edukasyon sa mga puso at diwa ng mga atletang mag-aaral. bisig ng Sangay ng Lungsod ng Borongan at Pamahalaang Panlungsod, hindi lamang nito iniangat ang kalidad ng mga patimpalak pampalakasan kundi maging ang kabuuang karanasan ng mga estudyanteng atleta ng Borongan City Athletic Association.

Nagbigay-daan ang Dukwag Sports Festival sa layuning ito para sa mga batang atleta naglalakbay patungo sa tagumpay. Isang malaking hakbang ang pagbabago sa pangsangay na palakasan ngayong taon na naiba ang iskedyul ng mga palaro para hindi mapag-iwanan ng mga manlalaro ang kanilang mga gampanin sa pag-aaral.

Kung noon, nagtatagal ng tatlong sunod-sunod na araw ang palakasan na nag-resulta sa paghinto ng klase, ngayon isinagawa naghiwa-hiwalay na araw sa bawat isports. Nakatulong ito para sa mas maayos na pag-organisa at mas komportableng paglahok ng mga estudyante nang hindi na kinakailangang isakripisyo ang mahahalagang araw ng pag-aaral. Sa pagbabagong ito dulot ng pagkakapit-

Nagsilbi itong plataporma ng bagong simula, kung saan ang tagumpay sa isports ay hindi na nagiging hadlang sa pag-abot ng kanilang pangarap na maging tagumpay sa edukasyon. Sa lente ng mga atletang mag-aaral katulad ni Queian Cajegas, manlalaro ng badminton, “Sobrang hirap talaga pagsabayin ang acads tas pagiging athlete, so maganda talaga yung ginawa nila na schedule para di talaga mag sabay at maging

hindrance sa acads yung pagiging athlete. Sobra talaga ang aming pasasalamat. At sa gaganapin na EVRAA Meet 2024 sa Ormoc City, we will do our best para makakuha ng medalya para sa Lungsod ng Borongan.”

Para sa akin, naging tulay ang Dukwag Sports Festival para suportahan ang mga estudyanteng atleta sa larangan ng isports at sa kanilang akademikong landas. Ngayon, mas lumawak ang saklaw ng paligsahan hindi lamang sa laro kundi pati na rin sa pangarap at kinabukasan ng mga kabataang manlalaro. Sa huli, patunay itong hindi hadlang ang isports sa halip isa itong lakas patungo sa mas mataas na antas ng edukasyon.

isports 19
sa Isports
Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Eastern Samar National Comprehensive High School Sangay ng Lungsod ng Borongan Rehiyon VII TOMO XXVIII, BILANG 1AGOSTO 2023-ABRIL 2024
Mark Vince Lord Owen Araba

HINUBOG NG DAGAT isports

Minsan, mahirap na pagsabaysabayin. Di ko na nagagawa yung mga takdang-aralin ko, dahil kadalasan, babad ako sa dagat.

AJ Kyle Ducoy Maliao

Pagsuong ng isang junior surfer sa alon ng buhay

Surfing ang buhay ni AJ—itinuturing niyang kaibigan ang mga alon at tahanan ang karagatan.

Si AJ Kyle Ducoy Maliao, 14, ay isang batang surfer. Kilala siya sa Lungsod ng Borongan at maging sa buong bansa sa larangan ng surfing bilang “Phil no. 10”, ikasampu sa pinakamagaling sa bansa sa kaniyang kategorya. Araw ng Pasko taong 2019 nang maakit si AJ ng alon at kaniyang mga kaibigang nakikipaglaro sa dagat.

“Nang makita kong masaya ang aking mga kabigan na nag su-surf, nakita ko yung puwedeng makapag-aliw sa akin, kaya sinubukan ko ito,” aniya.

Mula noon, puspusan na ang naging pagsasanay ni AJ. Hinulma ng kaniyang pagsisikap ang kaniyang ‘akaw’ at mga ‘ricos’ na cut-offs at cutbacks sa pag-alpas niya tungo sa kalagitnaan ng dagat.

Ayon sa kaniyang tagapagsanay na si Jr Esquirdo, hindi kailanman umurong si AJ sa pag-eensayo, hindi lumiban, at hindi gumawa ng anumang dahilan. Tiniis ng batang nakatindig sa kaniyang surf board ang hampas ng along humahatak sa kaniya.

Dahil sa taglay na dedikasyon, samut-saring ginto ang nasungkit ni AJ sa mga kompetisyon na kaniyang sinalihan na nagdala sa kaniya sa iba’t ibang lugar sa bansa. “Palagi ko lang sinisigurado yung kondisyon ng aking katawan, ng aking isip, kaya nanalo ako,” saad niya. Sa likod ng nagniningning na mga nasungkit na medalya ay ang katotohanang, siya, tulad ng ibang junior surfers, ay isang estudyante na may gampanin sa kaniyang pag-aaral.

“Minsan, mahirap na pagsabay-sabayin. Di ko na nagagawa yung mga takdang-aralin ko, dahil kadalasan, babad ako sa dagat,” pahayag ni AJ.

Naging isang malaking alon na kaniyang kailangang harapin ang pagsasabay ng kaniyang isports at kaniyang pag-aaral.

“Nagtapat ako kina papa. Sa kabutihang palad, naintindihan nila ako, at iningganyo na kaya kong magpatuloy at malampasan ang kinaharap kong mga problema,” pag-amin niya.

Tiwala at determinasyon ang nagpanatili kay AJ sa kaniyang surf board sa harap ng mga alon ng kaniyang buhay. Ginabayan siya ng kaniyang mga magulang, mga guro, at mga kaibigang balansehin ang kaniyang oras sa paglalaro ng surfing at pag-aaral ng kaniyang mga asignatura.

Lagi’t lagi, dala niya ang determinasyon sa gitna ng malawak na karagatan at ang tiwala sa apat na sulok ng silidaralan na nagsisilbing apoy na naglalagablab sa kaniyang puso na kailanman hindi mapupuksa ng mga pagsubok ng alon.

“Para to sa Borongan, para kina mama at papa, at para sa aking sarili,” pagbabahagi niya.

Sa huli, magpapatuloy si AJ—bilang isang surfer at isang mag-aaral—sa pagsuong sa mga alon ng buhay.

ni Mark Vince Lord Owen Araba

“One team, one dream, one greatness from dawn to the golden sunrise.”

Nakaangkla sa mantra na ito ng Sangay, nagtulungan ang SDO Borongan at Pamahalaang Panlungsod sa paghahanda ng mga batang atleta ng Sangay na kakatawan sa paparating na Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2024 sa Lungsod ng Ormoc sa Mayo 5-10.

Sinuportahan ng LGU Borongan ang Sangay sa preparasyon ng mga delegado sa isang buwang intensibong pagsasanay simula Abril 1 pagdating sa pinansiyal na pangangailangan at sa mga kagamitan sa isports.

Bilang parte ng pagsisikap ng gobyerno ng lungsod upang tiyakin ang pisikal at mental na kabutihan ng mga atleta, mahigit 524 na kahon ng food supplements at bitamina mula sa Pascual Lab ang naihandog sa DepEdBorongan. Ayon kay City Information Officer at City Sports Coordinator Rupert Ambil, binuksan ng lungsod ang mga

pasilidad nito para sa pag-eensayo ng mga pambato ng Borongan at hinikayat rin ang mga Sports Club ng Borongan para tumulong sa mga pagsasanay ng mga atleta.

Hinikayat naman ni Dr. Edgar Y. Tenasas, Schools Division Superintendent ng Borongan City, ang mga atleta at mga tagasanay na ibigay nila ang lahat upang masungkit ang ginto sa palakasan.

Para kay SDS Tenasas, ang pagpupursigi ng mga tagapagsanay ang pinakamahusay na pamamaraan ng pagsukli sa lahat ng suporta na kaniyang pinagpapasalamat.

Distrito

IV,

pinatalsik

ang Distrito II, aabante sa EVRAA ‘24

PANA AT PANGARAP. Pinana ni Gian Mar Agus ang kaniyang pinapangarap na medalya bilang paghahanda sa EVRAA Meet 2024.

Samantala, hinimok ni Mayor Jose Ivan Dayan C. Agda si SDS Tenasas na manguna sa alok na ganapin ng EVRAA 2026 sa Borongan na buongpuwersa ring susuportahan ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga kailangang imprastraktura upang maayos na gawin ang panrehiyonal na palaro. “Kung sakali ang mga pasilidad na lilikhain ng gobyerno ay hindi lamang para sa EVRAA, kundi ito na din ay puwedeng magamit ng mga Boronganon,” dagdag niya.

Pinataob ng regu ng Eastern Samar National Comprehensive High School (ESNCHS) ng Distrito IV ang defending champion na Maypangdan National High School (MNHS) ng Distrito II sa Dukwag

Sports Festival 2023 Boys’ Sepak Takraw

Team Event Championship Match, 21-13, 21-7. ni Mark Vince Lord Owen Araba

Nilupig ng Distrito IV ang Distrito II nang maselyuhan ni ESNCHS tekong Al Padro ang pananaig gamit ang solidong jumping header upang makamit ang 13-point lead at masulot ang kampeonato, 20-7, sabay ang masiglang hiyawan ng madla, sa huling parte ng pangalawang set ng labanan.

Sa pamamayagpag, tatapak ang mga pambato ng Distrito IV sa Eastern Visayas Regional Athletic Association (EVRAA) Meet 2024 at ibabandera ang Sangay ng Lungsod ng Borongan.

“Kahit malakas ang kalaban, nakaya naman namin at ang nagsilbing inspirasyon para sa amin ay nais naming makasabak sa EVRAA at mas lumakas at mapagaling pa ang aming paglalaro,” wika ni Padro.

Masigasig na sinimulan ng dalawang koponan ang labanan nang agarang magpalitan atake at ikandado ang mga iskor sa 3-3, 4-4, at 8-8 gamit ang rumaragasang rolling spikes at team effort plays.

Inilayo ng tandem nina Padro at spiker

Jessie De Lara ang iskor nang magpakawala sila ng mala-kidlat na outside kicks, madidiskarteng headers at matitinik na ace services sa unang set, 21-13.

Mas pinatatag naman ni MNHS tekong Dan Cartago ang depensa ng kanilang regu sa pamamagitan ng sandamakmak na headers at pulidong inside kicks upang hindi matibag at idikit ang sagupaan, 3-5, sa unang bahagi ng pangalawang set.

Humataw muli si Padro at nagpasiklab ng pambihirang laro nang magpakawala siya ng tarak na headers, nakatutulig na ace services at mala-toreng defensive plays kapares ang mga feed ni Dirk Padayhag, sa huling parte ng huling set ng salpukan, 21-7.

“Araw-araw na pagsasanay matapos ng klase hanggang alas otso ng gabi ang ginagawa namin. Nais pa naming matapatan or mas husayan pa kung ano ang kaya ng MNHS, at kung palarin lumaban at makuha ang ginto sa EVRAA,” pagbabahagi ni Edwin Abobo Jr., ESNCHS sepak takraw head coach, pagkatapos ng laro.

GININTUANG BOLA. Minanduhan ni Al Padro ang kanilang regu para pataobin ang defending champion.

ang bilis ng takraw ball matapos itong sipain. sa mga numero

Higit 10 m/s

Isang Junior Surfer at Mag-aaral ni Chad Banaldia
SDO, LGU ng Borongan, nagkaisa para sa mga atleta
Kuha ni Earl Joseph Catalo Kuha ni Andrew Aclao Kuha ni Andrew Aclao KARAGATAN. Pagsabay sa alon ni Aj Kyle Maliao sa ginanap na Surf City 2023 sa Baybay Boulevard sa Lungsod ng Borongan, Disyembre 3.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.