ANG SULYAP

Page 1

agham at teknolohiya

PAGKATUTO inobatibong

DepEd Mandate

Nilagdaan ni Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon Sara Duterte ang DepEd Order No. 2, series of 2024 na nag-uutos na agarang alisin ang mga gawaing pang-administratibo ng mga guro sa pampublikong paaralan. Ang direktiba ay naglalayong bigyangdaan ang mga guro na tutukan ang kanilang pangunahing tungkulin - ang pagtuturo.

Tiniyak din ng kautusan na ang mga gawain ng mga ito at ang oras ng pagtatrabaho ay igugugol lamang sa pagtuturo sa silidaralan at sa mga gawing may kaugnayan sa kanilang katungkulan.

Inaasahang mapapalakas ang kalidad ng pagututuro ng mga guro dahil sa hindi na magiging hati ang kanilang atensyon. Naniniwala rin ang Department of Education (DepEd) na ang kalidad na edukasyon ay nangangailangan ng dekalidad na pagtuturo. Kaakibat nito ang kaaya-ayang work environment at sapat na workloads na magtataguyod sa mabuting

kapakanan at maprotektahan ang bawat manunuro.

Kabilang sa mga administrative tasks na tatanggalin sa mga guro ay ang: personnel administration, property/ physical facilities custodianship, general administrative support, financial management, records management, feeding, school disaster risk reduction and management, at iba pang programa.

Sa Tupi National High School tinatayang nasa 35 na mga guro ang mayroong administrative task.

angsulyap

mata ng katotohanan

Ang

Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School

Tomo XXVI - Blg I Agosto to Marso 2024

LIWANAG NG KINABUKASAN Buo ang konsentrasyon at oras ni Gng. Cleopatra M. Ruiz sa pagbibigay gabay at kaalaman sa mga mag-aaral matapos alisin ang kanyang karagdagang gawain o administrative task.

Ikinatuwa naman ito ni G. Francis Macagaring, dahil mas makakapokus umano siya sa kanyang pagtuturo at mababawasan ang kanyang trabaho.

“This mandate is beneficial for me. It will not just lessen my work, but give way in letting me focus on my teaching career,” saad ni Macagaring.

South Cotabato Province Divison, Region XII
Pagtanggal ng Admin Tasks, bawas pasanin sa mga guro Zareina Mari Balaso 08 page Tatak Pinoy!
We are Filipinos, of course, ...?
I-SCAN ANG QR CODE
updated
sulyap
Sulong Robotiks
upang maging
sa latest updates ng ang
S.Y. 2023-2024 GUHIT NI MICHAEL T. ABALA 03 page 05 page 12 page Iwas Budol balita Burnout sa Brownout opinyon Juice Hacking
mga nilalaman lathalain tumungo sa page 02

mas nanaising mangibang bansa para maghanap ng “greener pasture” para sa pamilya at 69 naman ang mas pipiliing manatili sa kanilang kasalukuyang posisyon.

Ayon sa iilang guro, mababang sahod at excessive workload umano ang dahilan kaya minsan ay nahihikayat silang mangibang bansa. Lalo na at walang umento sa sahod sa kasalukuyang taon. Si Melissa C. Bulanon, isang English teacher sa TNHS, School Paper Adviser, Teachers’ Cooperative Treasurer at School-Based Management Coordinator ay mas piniling magresign sa DepEd at makipagsapalaran sa Amerika.

“I resign in DepEd because want better opportunities for my child’s future. Another thing is less paper works, lesser students to handle, lesser subject loads, less stress. Lastly, maging well-compensated,” saad ni Bulanon.

Sa kabilang banda, mas mataas naman ng bahagya ang bilang ng mga gurong mas mananatiling magserbisyo sa DepEd.

Ayon kay Mary Faith A. Sim mas pipiliin niya ang DepEd dahil ayaw niyang malayo sa pamilya. Dagdag pa niya, ang security of tenure ay masisigurado rin kapag ikaw ay nasa ahensiya.

Ang isyu ng brain drain ay isa sa mga nakakaapekto sa sistema ng edukasyon sapagkat ito ay hahantong sa kakulangan ng mga guro. Ayon kay Sen. Win Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, base sa kanyang nakuhang report sa Department of Budget and Management (DBM), may 24,254 na bakanteng teaching position sa DepEd noong taong 2023.

Upang matugunan ang lumalalang kaso ng brain drain, inihain ng Makabayan bloc ang panukalang batas na naglalayong doblehin ang entry-level pay ng mga public school teachers sa P50,000.

Subalit ayaw munang magsalita ng DepEd kaugnay sa nasabing panukala.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, hihintayin muna nila ang resulta ng pag-aaral ng World Bank na kanilang kinomisyon upang mapag-aralan kung puwede at kung hanggang magkano ang puwedeng ibigay na dagdag-sahod sa mga guro.

Nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang DepEd Order No. 003 series of 2024 na nagtatakda sa pagbubukas ng School Year (SY) 2024-2025 para sa basic education sa Hulyo 29 nitong taon. Inilabas ang nasabing direktiba matapos magsagawa ng konsultasyon ang DepEd sa mga magulang, guro at iba pang grupo. Ayon sa kanila hirap makapagconcentrate ang mga mag-aaral dahil sa matinding init ng panahon. Dagdag pa rito mas mataas ang nagagastos sa kuryente kapag ang klase ay pumapatak sa summer season ng Pilipinas.

Sa Tupi National High School (TNHS), ipinahayag ni Jan Anton C. Palos, disbursing officer, na gumugol ang paaralan ng 367,906.20 piso noong Abril at Mayo nakaraang taon para sa kuryente, mas mataas kesa sa buwan ng Enero at Pebrero na nasa 323,178.44 piso lamang.

Dagdag pa ng DepEd, unti-unting lamang ang kanilang pagbabalik sa orihinal na iskedyul ng pagbubukas ng klase upang hindi maantala ang bakasyon ng mga estudyante at guro.

Sa isang survey, ikinatuwa naman 54% ng mga mag-aaral ng TNHS ang nasabing desisyon ng ahensya.

“Mas better po na nabalik yung class by June kasi mababalik po sa dating buwan ang bakasyon ng mga estudyante which is by April and May. Sa mga buwan po kasi na ito, tag-init, kaya mas magandang magbakasyon,” saad ni Alexander Callueng, mag-aaral ng TNHS.

Positibo din ang mga guro sa nasabing panukala ng DepEd.

“It will be advantageous for teachers and students if the previous academic calendar gradually reinstates or if school starts on the original schedule. One of the issues that the new DepEd memo is taking into consideration is the severe weather during the season.Typhoons, excessive rain during the wet season, and unbearable heat during the dry season that led to the teacher and student absenteeism and the suspension of classes. It will be hard at first, but the gradual restoration of the previous school opening will help restore the well- being of the teachers and students,” ayon kay Edgielyn A. Dela Pena, guro ng nasabing paarala. Magtatapos naman kasalukuyang SY

Pinangunahan ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Poblacion, Tupi ang libreng review session o “Project Tara” upang matulungan ang mga Senior High School na maihanda sa mga paparating na qualifying at scholarship exams gaya ng MSU SASE, Kabugwason, CHED, OWWA, DOST at iba pang scholarship examinations. Isinasagawa ang nasabing review tuwing Sabado sa Barangay Poblacion Hall. Bukas ang nasabing proyekto sa lahat ng mag-aaral ng Poblacion. Isa sa mga nakilahok sa nasabing proyekto ay si Aldrey Alburo, mag-aaral ng Grade 12 STEM Punong Bayan ng Tupi National High School. “Very effective kay parang na awaken mo yung prior knowledge mo at mas na dagdagan,” pahayag ni Alburo.

Ayon sa SK Chairman ng Poblacion, isang inisyatibo ito upang matulungan ang mga estudyanteng gustong makapag review ng libre sapagkat may kamahalan ang review sessions at hindi ito naa-access agad ng mga estudyante sapagkat karamihan nito ay nasa syudad.

PAG-ASA. Tutok

tutok ang mga

ng Tupi National High School sa pakikinig bilang paghahanda sa paparating na qualifying exams ng Mindanao State University sa paparating na ika 25- ng Pebrero, 2024.

Ibinahagi ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) -Tupi na mas paigtingin ang Municipal Ordinance 734 na nagbabawal sa paggamit ng plastic bags at cellophane tugon upang mabawasan ang lumalalang akumulasyon ng basura sa Tupi National High School. Layunin ng MENRO na ibahagi ang kamalayan sa wastong pagtapon ng basura at ang epekto ng plastic sa ating kapaligiran.

Hinihikayat din ang mga mamamayan ng Tupi na gumamit ng ibang alternatibong lagayan tuwing namimili sa palengke gaya ng wooden bags, tote bags, at iba pa para i-promote ang “Bring your Own Bag Program.” Simula Hulyo 2024 ay striktong ipapatupad ang nasabing ordinansa. Magkakaroon naman ng karampatang multa and hindi susunod. Para sa institusyon gaya ng TNHS ang unang bayolasyon ay nagkakahalaga ng Php1,500 piso, Php2,000 naman kapag pangalawang bayolasyon at Php2,500 piso o hindi hihigit sa anim na buwan na pagkakakulong sa ikatlong bayolasyon.

Uy, ang ganda naman ng bag na ito.

Iwas

Shoppee, Lazada, Shein, Facebook Market Place, Tiktok shop at iba pa, ilan lamang ito sa mga tinatangkilik na online shops ng mga Pinoy ngayon. Sigurado iilan sa mga ito ay installed na sa iyong telepono.

Isa ang online shopping sa mga gawain na patok sa mga Pinoy lalong lalo na sa mga kabataan. Ito ay isa sa mga nakakatulong upang makabili ng mga bagay na hindi na kinakailangang pumunta pa sa mga establisyimento, makipagsiksikan at pumila sa napakahahabang linya sa tapat ng bayaran. Gamit lamang ang cellphone o laptop pwede mo ng bilhin ang iyong ninanais. Ang mas maganda ay maaari mo itong bayaran pagkatanggap ng produkto o Cash-on-Delivery.

Madali, mabilis, at walang kapagod-pagod. Subalit sa kabila ng madaling transaksyon mayroon itong problemang hatid. Hindi maikakaila na marami ang naloloko dahil hindi nila makikita ng pisikal ang produkto at ang nagbebenta nito. Ayon kay ACG Director Police Major General Sidney Hernia, nasa 1,045 na kaso ng online scam ang naitala noong Enero 2023 habang nasa 624 na kaso naman ang naitala ngayong Enero 2024. Ito ang ilan sa mga problema ng mga mamimili sa online: isyu sa kalidad; pagpapadala ng produkto, walang kasiguraduhan kung kailan mo ito makukuha; dagdag na bayad o tinatawag na shipping fee; hindi malinaw na patakaran sa pagkabalik, hindi nila

to cart ko na nga!

tinatanggap ang mga binabalik ng mga mamimili at ang panghuli, kakulangan sa seguridad, ang mga impormasyon ng mamimili ay hindi ganoon ka ligtas. Isa sa mga problemang ito na madalas kinakaharap ng mga mamimili ay ang paglipana ng Bogus Shops o mga pekeng online stores: Ang mga website na ito ay nagbebenta ng mga pekeng produkto. Madalas silang may mababang presyo at kaakit-akit na deal, ngunit ang mga produktong ibinebenta nila ay kadalasang hindi maganda ang pagkakagawa at maaaring hindi ligtas na gamitin.

Ayon kay G. Jay-Ar S. Rosales, isang guro sa Tupi National High School, naging biktima siya ng isang bogus store.

“I was very disappointed that time kasi need ko talaga yung item sana pero nung dumating na ang item, hindi ito katulad sa aking naorder. Noong balikan ko yung store sa Tiktok Shop, wala na, deleted na ang account. Nakakadismaya. Sayang sa pera at panahon,” saad ni Rosales. Paano nga ba masosolusyunan ang mga suliraning ito?

Ang Republic Act No. 7394 o “The Consumer Act of the Philippines” ay naglalayong protektahan ang mga mamimili laban sa mapanlinlang, hindi patas at walang konsensya na mga gawain at gawi sa pagbebenta.

Sa kasamaang palad, ang tahasang pagwawalang-bahala sa batas na ito ay ginagawa pa rin ng ilang mga distributor, retailer, at supplier.

Memorandum. Tinatayang nasa mahigit 236,000 na

itinanim nang

iba’t

bahagi

pampublikong paaralan sa ilalim ng DepEd. Ang proyektong ito ay nagsisilbing regalo mula sa DepEd upang matiyak ang malinis at luntiang kapaligiran para sa mga batang Pilipino at mga susunod na henerasyon. Inaasahan din na daan ito upang makapagbigay ng hands-on practice at praktikal na aplikasyon ng mga konsepto sa kapaligiran.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI)

Programang Robotiks, tugon sa makabagong teknolohiya TNHS, record breaker sa Christmas Gift for the Children Project Zero Plastic Waste Policy, pinaigting ng MENRO SHS Choice Environment Movement Municipal Ordinance Naging daan upang matuklasan ang makabagong inobasyon at imbensyon sa teknolohiya ang pakikilahok ng mga mag-aaral ng Tupi National High School (TNHS) sa programang robotiks. Layon nitong maipakilala ang kahalagahan ng inobasyon sa teknolohiya, at mas mahasa at pagtibayin ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa 21st century skills. Ayon kay Nelson B. Malificiado, robotics coordinator, ang THHS umano ang kampeon sa katatapos lamang na National Robotics Competition na ginanap sa Baguio City at Regional Science and Technology Fair sa Magpet, North Cobatao. Isa sa mga legasiya ng paaralan sa higit na limang taon. Nagsimula ang robotiks noong 2020 sa Angeles City, Pampanga kung saan nakamit ng TNHS ang kampeonato sa Line Tracing robot. Ang pagpapalago ng programang ito ay iniwang adbokasiya ni Engineer Jeffrey R. Camiña. Sa kasalukuyan, nais ni Malificiado na magkaroon ng maayos na robotics laboratory at makabili ng mga kagamitan na kailangan ng mga mag-aaral upang masuportahan sila pagdating sa kanilang tagumpay at pag-unlad sa robotiks. “Aabangan natin sa hinaharap na patuloy na susuportahan ng ating mga magulang at stakeholder ang robotics technology dito sa TNHS na tutulong sa ating mga mag-aaral na makabuo ng kanilang mga pambihirang talento,” ani ni Malificiado.
akilahok ang Tupi National High School sa nationwide tree-planting activity noong ika-anim ng Disyembre 2023 kung saan naging record breaker ang institusyon sa buong dibisyon matapos makapagtanim ng humigit kumulang 3,000 seedlings. Ito ay kasunod ng paglunsad ng programa ng Department of Education na 236,000 Trees: A Christmas Gift for the Children Project. “Ito ay isang inisyatibong naglalayong itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at itanim ang kamalayan sa responsableng pangangalaga sa kalikasan sa mga batang Pilipino,” saad ni Duterte
N
sa DepEd
puno ang
sabay-sabay sa
ibang
ng bansa sa pakikipagtulungan ng 47,678 na
Consumer Act
Budol John Paul T. Sales Alexa Jane S. Posas Alexa S. Posas Sulong Robotiks
Add
maaring pagmultahin ng humigit kumulang 300,000 libong piso ang seller o sino mang sangkot sa gawaing ito. Maaari ring makulong ng hindi bababa sa dalawang buwan ngunit hindi hihigit sa anim na taon. Kung ang nagkasala ay isang dayuhan, maaari siyang ideport kahit walang paglilitis pagkatapos ng kanyang sentensiya at pagbabayad ng multa. Kaya naman kung isa ka sa mga mamimiling nakatanggap o makatanggap ng depektibong item, ireklamo agad sa seller. Kung tatanggihan naman itong palitan, maaaring ireklamo sa DTI. Magtatakda ang ahensya ng online mediation sa seller at buyer sa loob ng pito hanggang 10 araw. Laging tandaan, hindi lahat ng maganda sa paningin ay ganoon din sa totoong buhay. Kaya bago magklik, maging mapanuri at laging maglegit check. TUGON. Masipag na ibinahagi ng isang Shopee Rider ang kanyang tiyaga sa pagdedeliver ng parcel sa mga estudyante ng Tupi National High School. balita 03 ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVIBlg I • AgostoMarso 2024 INISYATIBO. Walang pag-aatubiling isinagawa ng Tupi National High School ang Tree Planting Program na humantomg sa Record Breaker sa Christmas Gift for the Children Project noong ikaDisyembre, 2023.. DUGYOT. Sako-sakong basura ang nakatambak sa gilid ng mga klasrum, hindi ito kinukuha ng munisipyo dahil ito ay plastik bayolasyon sa zero waste policy ng MENRO.. Michael T. Abala balita angsulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVI Blg • Agosto Marso 2024 49.2% ng mga guro mas pipiliing mangibang bansa kaysa manatili sa DepEd DepEd, itinakda ang pagbubukas ng SY 20242025 sa Hulyo 29 Libreng review sessions, inilunsad ng SK para sa qualifying at scholarship exams Brain Drain Estilo Gradual Transition Community Innovation Kasabay ng tumataas na “brain drain” sa Kagawaran sa Edukasyon, lumabas sa isinagawang survey sa 136 na guro ng Tupi National High School na 67 sa mga ito ang
sa Mayo 31 sa halip na Hunyo 14. Naka-iskedyul din ang school break mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 26.
BALIKESKWELA. Sa unang araw ng pasukan, umarangkada na ang pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa Tupi NHS.
Alexa Jane S. Posas Janine C. Jimenez Kristine Catherine Uy
na
grade-12 student
Numerong Balita GUHIT NI JANINE C. JIMENEZ

opinyon

PilipiNAS-asadlak sa Utang

Oktubre 2023 dahilan para lumobo ito sa P10.02 trilyon ng dahil ito sa net issuance ng government securities.

Kapansin-pansin sa bansa na ang patuloy na pagtaas ng utang ay hindi gaanong nakikitaan ng pagbabago sa iba’t ibang aspeto, tulad na lamang ng edukasyon.

“Like said it also depends on where you put your borrowings. It’s not bad to borrow money. We are using the money for infrastructure, we are expanding the capacity of the economy. And also, productivity-enhancing measures, like improvement of teacher education,” saad ni finance secretary na si Benjamin Diokno. Maikukumpara ito sa isang kahindik-hindik na pangyayari na hindi nakikitaan ng paggaan ng mga pasanin ang mga Pilipino. Maliwanag pa sa sinag ng araw na mayroon ng utang na babayaran ang mga sanggol o hindi pa napapananganak na Pilipino.

Responsibilidad ng bawat masa ang utang ng bansa. Isang paraan upang mabayaran ang utang ng bansa ay ang pagtaas ng tax. Ayon pa nga kay Senador Bato Dela Rosa, “mas

maganda siguro kung mas gumawa tayo ng mas maraming anak para lumaki ang population natin, kasi kung lumaki ang population mas maraming maghahati-hati sa utang.” Hindi ito patas para sa mga mamamayang walang kinalaman sa pag-uutang ng gobyerno sa World Bank, mga kabataang walang alam sa pagkakautang ang siyang papasan sa krisis sa pagbayad ng utang.

Sa kabilang banda, maraming Pilipino ang nag-aakalang halos nabayaran na ng gobyerno ang utang ng Pilipinas noong 2023. Ang utang na nabanggit ay ang programmed debt o ang interest, 95% nito ang bayad na at magandang balita ito ngunit hindi ibig sabihin nito na wala ng utang na kailangan bayaran ang bansa. Ayon sa BOT, ang kabuuang utang ng Pilipinas ay umaabot ng P14.48 trilyon bago pa man matapos ang buwan ng Oktubre. Kung ikukumpara ito noong 2022, bago matapos ang taon ay P13.4 trilyon. Kung mapapansin mas lalong lumaki ito at habang nakakabayad ang gobyerno ng utang patuloy pa rin itong nangungutang.

Bawat salaping hawak ng bansa ay dapat pinagtutuunan ng pansin— kung ang pondo ba ay nagagamit sa tama. Tataas at tataas lamang ang utang ng bansa at mahihirapan na tayong mga Pilipino sa pagresolba. Hindi ba’t kailangan din nating bigyang pansin ang mga iba’t ibang sektor na bumubuo ng bansa? Ang education system ng bansa ay talagang bagsak na, ang mga mahihirap at patuloy pa ring humihirap, ang mga medikal na pasilidad ay hindi pa rin naayos at kumpleto, hanggang kailan pa ba magdurusa ang mga Pilipino? Patuloy ang pagbayad ngunit hindi si Juan ang halos nakikinabang. Ang tanging tumataas ang Pilipinas ay ang tonetolenadang nitong utang na malabong mabayaran.

Noong pang 2022 Presidential election pinalutang ni dating President Duterte na may gumagamit umano ng droga na isang presidentiable. Ngunit ngayon wala nang preno ang bibig ni Duterte at tahasan na niyang pinangalanan si Marcos. Pinakitaan umano siya ng ebidensiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasa listahan ang pangalan ni Marcos na una itinanggi naman ng PDEA. Sinabi pa ni Duterte na maaring mangyari rin kay Marcos Jr. ang nangyari sa ama nito kirot na iniinom, ng dating presidente. Ayon kay Marcos, sinabi umano ito sa kanya ni Duterte limang taon na ang nakararaan. Ang fentanyl daw ay highly addictive at may serious side effects. Marahil ito daw ang dahilan kaya maraming sinabi si Duterte laban sa kanya. “It is highly addictive and it has very serious side effects,” ani Marcos sa isang panayam ng GMA Integrated News bago siya nagtungo sa Vietnam. Ngunit ayon naman sa United States Drug Enforcement Administration, “fentanyl is a potent synthetic opioid drug approved by the Food and Drug Administration for use as a pain reliever and anesthetic.”

Maraming ebidensya na ang nagpapakita na walang mabuting idudulot ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas, naging dagdag pasanin lamang ito sa bansa lalo na’t patuloy parin ang kidnapping sa mga Chinese at human trafficking. Agaw atensyon sa senado ang isang alkalde ng Bamban, Tarlac na si Mayor Alice Guo kung saan sangkot ito sa mga ilegal na POGO sa kanilang lalawigan. Nakakapagtaka at kahina-hinala ang Mayora lalo na’t tila bang nagka amnesia ito sa senado, sa halip na magbigay ng mga sagot talagang dinagdagan niya pa ang mga katanungan tungkol sa pagkatao niya. Hindi man lang napapagod ang mga Tsina sa pahihimasok sa bansa, mula sa West Philippine Sea hanggang ba naman sa gobyerno nakikinabang na sila. Napag-alamang may relasyon si Guo nina Zhang Ruijin at Baoying Lin na arestado sa largest money laundering case sa Singapore, ang dalawang Chinese na ito ay plead guilt. Ano pa ba ang aasahan mo sa mga mandurugas na mga Tsino? Ipinunto rin ni Senator Risa Hontiveros ang china planting agents sa iba’t-ibang bahagi ng Asya at hinihiling nito na tumakbo bilang public officials sa bansa, sa kabilang ng mga gitgitan sa West Philippine Sea hindi imposibleng si Alice Guo ang pinadala ng China para maging spy sa bansa. Dagdag pa riyan, ayon sa Philippine Statistics Authority si Mayor Guo ay delayed registration of birth kung saan

Sa kabilang banda sa isang press conference nagbantang ihiwalay ng dating pangulo ang Mindanao at magiging “South Philippines” at sa iba pang bahagi ng bansa sa Southeast Asia kung patuloy na susuportahan ni Marcos ang mga planong amyendahan ang 1987 Constitution. Nagbigay naman ng babala si Marcos sa panawagan ni Duterte na paghiwalayin ang katimugang isla ng Mindanao ay “doomed to fail”.

Saan na naman ba hahantong ang bangayan ng mga malalaking pulitiko? Hindi ba dapat na imbes ituon ng mga pulitikong ito ang kanilang atensyon sa walang kwentang away ay dapat sa di mabilang na mga problema’t isyung kinakaharap ng bansa?

Tiyak na maraming magbabantulot na bumisita sa bansa dahil sa mga baluktot na namumuno dito. Nangangamoy patay! Ang mga patay na pangako na ipinangako noong eleksyon ay unti-unti nang napapako, pinupokpok hanggang sa mabaon ng malalim at mababaluktot.

Ready, Kick GUO!

19 taong gulang na ito at tiyak sa edad na ito nakakapag-isip na ng mabuti si Guo. Ayon kay Guo home school umano siya ngunit hindi ba’t sa tuwing nag-aaral ang isang bata hinahanap ito ng birth certificate upang masigurado ang pagkakilanlan nito. Ginagawa lamang tayong mga bulag ng Mayora sapag-aakalang kaya niyang mapapaikot ang isipan ng mga Pilipino. Tila bang sirang plaka kung ituring si Alice Guo, paulit-ulit ang mga sanaysay sa senado ngunit wala namang saysay at tiyak na kasinungalingan ang lahat ng mga to.

Malaking tanong din kung bakit naisip ng alkalde tumakbo bilang kandidato ng lungsod ni hindi man lang ito nag-umpisa sa pagiging opisyal ng barangay o kahit man lang konsehal ng bayan. Sa kabila ng mga hindi ka pani-paniwala na sagot at kwestyunableng pagkatao, maaari paring tumakbo si Mayor Alice Guo sa susunod na eleksyon kahit masuspinde siya sa panunungkulan sa publiko. Hangga’t hindi nagkakaroon ng pinal na conviction ng

isang lokal na opisyal na tumakbo sa halanan ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Hindi pa ba sapat ang pagkakasangkot nito sa mga ilegal na POGO sa Bamban, Tarlac upang isuspinde ito? Hindi makatarungan para sa senado na pilit na ipaglaban ang maling aktibidad ni Guo kung patuloy parin itong mabibigyan ng pagkakatao na mahalal lalo na’t halatang himihingi lamang ito ng simpatya sa publiko. Nakakabahala rin ito para sa iilan Chinese sa bansa lalo na’t maraming Pilipino na ang binabatikos sila. Isa na lamang rito si Jenny Chua, isang negosyanteng Chinese na pinaghinalaang spy umano sa isang social media application. Ayon pa kay Chua, hindi siya spy at siya lamang ay nagbebenta sa Pilipinas ng tissue. Sambit niya pa sa kabila ng hirap maka benta sa bansa hindi niya lubos isipin na pinaghihinalaan siyang spy na inosente naman siya. Sakit lamang sa ulo ang hatid ni Guo. Masyadong gasgas ang sistema sa bansa ultimo birth cetificate kayang ipeke ng sinuman. Sapat na ang mga ebidensya upang patalsikin si Guo sa upuan niya, wala nang kailangan panghintayin dahil kitangkita na ang mga dahilan para tanggalin siya. Hindi lamang ito tungkol sa kasinungalingan ni Guo, kasabay na nito ang mga ilegal na POGO na kailangan nang matuldukan bago pa ito kumitil ng mga buhay. Walang foreign investors ang maghahangad na pasukin pa ang bansa kung may pagbabanta sa buhay nila. Ang gulo na hatid ni Guo ay sapat na

Ayon sa SOCOTECO II, ang biglaang pagkawala ng kuryente ay sanhi ng iba’t ibang mga kadahilanan: Natural phenomenon tulad ng kidlat, malakas na hangin at ulan, at posibilidad na nagdidikit ang dalawang kawad; Protection devices na pinapatay ang suplay ng kuryente kapag mayroong biglaang current surge o high current para maiwasan ang pagkasira ng mga appliances; Affected by material quality, ito ang pagkaputol ng kawad ng kuryente at connection points, pagkabasag ng insulators, at pagkakaroon ng aberya sa mga protection equipments at iba pa; Human error, ito ay ang aksidenteng pagkasagi ng kawad ng kuryente.

Ipinaliwanag ng SOCOTECO II na ang pagtaas ng rate per kWh ay naaapektuhan ng unbundled charges at ng pag fluctuate ng generational charge. Ang unbundled charges ay binubuo ng generational charge, transmission charge, system loss charge, value added tax and others, other government charges, at distribution charge. Ang generation charge ay napupunta sa taga-suplay ng kuryente at ang transmission charge naman ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines. Ang tanging

opinyon 05
PUNTO KALAPAG MAPANURI #presiDENTe Burnout sa Brownout Naging mainit ang usaping ‘Marcos-Duterte Issue’ kung saan binansagan ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “bangag” at “adik,” sa ginanap na prayer rally sa Davao City kaugnay sa pagkontra sa people’s initiative. Mapapaisip ka kung mga presidente nga ba ang iyong mga kaharap. “ “ pana NOW “ “ Sa iyong palagay, epektibo ba ang Catch-up Friday? Sang-ayon ka ba sa pagtanggal ng administrative tasks ng mga guro? JOHN LLOYD IMBANG Effective naman ang catch up Friday since ang mga studyante napabuti ang pagbasa at pronounce ng mga words tsaka maka-learn din kami ng new words. MICHAEL ANGELO DELA PEÑA Effective ito kasi mas napupukaw ang kaisipan ng mga estudyante pagdating sa pagbabasa. NYAH KEZIA HOSPITAL 80% effective siya for students kay mas maenhance more ang skills sa reading ang writing pero ang 20% kay ang iban na teachers wala ga sulod kay magamit ang time nila for meetings and whatsoever na activity sa school since Friday. In that case, to remove any administrative task which primarily not concerned to the delivery of learning; teaching process of a teacher because it would add burden to the teacher specially to handle tasks outside the classroom, in that case the time for teacher to focus primarily for honing our students or learner in line with the curriculum would be divided because the teacher it self has this divided tasks. However, the positive effect when we give task to teacher for example there are task that somehow in line to the teaching process. He can formulate not only a curriculum incline but a holistic approach to whole school approach .There is a need for another perspective ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVIBlg I • Agosto to Marso 2024 Ayon sa pagtataya ng mga ekonomista, naging mahina ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2023. Umabot ito ng 4.3% ang paglago ng Gross Domestic Product na malayo sa nakasanayan nating 6% bago pa man ang pandemya. Lumubo ang pagkakautang ng gobyerno ng Pilipinas bago pa man matapos ang taong 2023. Umabot na ito ng mahigit P14.5 trilyon sa buwan ng Nobyembre mula ng P14.48 trilyon sa buwan ng Oktubre, ayon sa huling datos ng Bureau of Treasury (BOT). Umabot na rin ng P122.02 bilyon o 1.23% ang internal debt ng bansa kumpara sa buwan ng
Zareina Mari V. Balaso
angsulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVI - Blg Agosto to Marso 2024 angpatnugutan punong patnugot Jessie Rey Rueras taga-anyo Francis Julian A. Bayud tagapayo Geraldine Mae P. Tapia assistant principal/consultant Jonathan S. Dela Peña consultants Maylene S. Orencio Fortunato G. Bacus, Jr. principal II Benigno M. Toribio pangalawang patnugot Zareina Mari Balaso patnugot sa balita Alexa Jane S. Posas John Paul E. Sales Jether Elbert P. Pototan patnugot sa editoryal patnugot sa agham at teknolohiya patnugot sa isports tagakuha ng larawan taga-guhit patnugot sa lathalain Jessie Jay Rueras Febellen Rejas Mizzy Joven Mary Jacyll B. Gamotia Sophia Amor L. Bangayan Jayrel Mae D. Tapilot Dale Hahnz Espiritu John Gabriel Lamo Franze Mariveles Fritzee Tamahra B. Ocampo Margaret C. Villareal Janine C. Jimenez Michael T. Abala Xandra Aleza M. Palarca Alexander Eduard L. Callueng Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School South Cotabato Province Divison, Region XII mata ng katotohanan angsulyap
Editoryal Tinaguriang Perlas ng Silangan ang Pilipinas dahil sa natatangi nitong kamangha-mangha na ganda na maikukumpara sa kumikinang na pera, ngunit sa likod ng nagagandahan na mga tanawin ay ang tumataginting na salaping utang na hindi maliwagan kung saan ginugugol. Lumiliyab na P14.51 trilyon ang halaga ng utang ng Pilipinas sa taong 2023. Kasabay ng pagtaas nito ay ang pagbaba ng ekonomiya ng bansa na kung saan nagdudusa din ang bawat mamamayang Pilipino sa pang-araw-araw. Isang hindi katanggaptanggap na pasanin para sa bawat isa, isang hiram na pera na kailanman ay hindi pa dumaan sa kanilang mga palad. “ AMBANSANG BADYET para sa Priyoridad na Sektor ng Pamahalaan Tomo XXVI - Blg Agosto to Marso 2024

Hilig ng Pilipino ang matatamis na salita. Lalong-lalo na kapag ito’y nanggaling

inihahalal, sila ay pare-parehong pahirap at pabaya. Manipestasyon ng karahasan ng estado ang pangungulimbat nito sa kaban ng bayan dahil ang pagkait sa atin ng mga batayang serbisyo’t tulong ay usapin na ng buhay at kamatayan. Kung hindi ipinagkakait, ninanakaw ng estado ang lahat sa atin — mula sa oras, mga batayang karapatan, pondo, at maski buhay.

Ayaw nating maulit ang dati, ngunit tayo rin ang nagpapabalik na muling manyari ang masalimuot na nakaraan. Mabilis tayong nagpapaniwala sa mga bulok na pangako ng mga opisyal. Ang mga Pilipino ay kailanman tila hindi natuto mula sa diktadurya ng yumaong Pangulo Ferdinand Marcos dahil ang kasalukuyang kalagayan ng bansa ay isang “pag-uulit” ng nangyari noon. Inihihiwalay natin ang aral ng kasaysayan at patuloy na inuulit ang pagkakamali ng nakaraan. Hindi nalalayo sa nangyari noon ang nararanasan ngayon, magkatulad na magkatulad, mas

malala pa. Sa nakalipas na eleksyon, nanaig ang mga pangako ni Pangulong Bongbong Marcos na magkaroon ng pagbabago, ang nakuha natin ay ang pagbabalik sa paraan ng pamamalakad ng kanyang ama. 24 na taon na ang nakalipas mula 1999, ngunit wala sa mga desisyon ng Korte Suprema ang nagagawa. Mas malala na isa na naming Marcos ang namamahala.

“Kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan. Kung sino ang kumokontra sa kapayapaan ay kalaban ng bayan.” Ang pahayag ni BisePresidente Sara Duterte tungkol sa kontrobersiyal na P125M confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) ay tila nakabalot sa parehong suot sa pinakadakilang nakawan na nangyari sa pamamahala ng diktaduryang Marcos.

Ang mga pangyayaring ito ay parehong senaryo na ang pinaghirapang pera ng masa ay nawala na parang mahika na kung saan ang mahirap ay lalong naghihirap at ang nasa itaas ay mas umaangat. Ang mga pangako ngayon ay napapako na lamang. Paghihirap ang dinaranas ng sambayanang Pilipino.

Sa panahon ng kalamidad, sa halip na humingi ng pananagutan sa pampublikong opisyal na hindi ginagawa ang kanilang tungkulin, mas gugustuhin nating gamitin ang salaysay na “Filipinos are resilient, they smile even through hard times.” Laging tinitingnan ang mas maliwanag na bahagi ng sitwasyon, at ang pagdadala ng ngiti ay natural kahit sa mga oras ng kahirapan.

Ang naratibo na lagi nating naririnig sa panahon ng sakuna ay unti-unting nakaririndi.

Madalas banggitin sa mga balita, mapa telebisyon man o radyo, ang mga boses ng mga tagapagbalita ay umaatungal habang lumalabas ang larawan ng pinsala sa Pilipinas sa mga screen ng telebisyon. Totoo nga namang matibay ang mga Pilipino, dahil wala namang ibang pagpipilian. Nakayanang lagpasan diktadurya, katiwalian, mga siglo ng kolonyalismo, imperyalismo, at sunodsunod na kalamidad. Ang matibay na diwa ay nasa ating lahi, sa ating kasaysayan, at nananalatay sa ating mga dugo.

We are Filipinos, of course, we work hard to earn degrees and licenses only to be minimum-wage earners.

Napakahirap ng buhay, mas mahirap kung sa Pilipinas ka naninirahan. Huwag daw mawalan ng pagasa sabi nila, ngunit kapag nasa Pilipinas ka ay hindi naman liwanag ng pag-asa ang iyong makukuha, kundi ang mapulang paghihirap. Papaniwalaan ba ng iba na ang nagtapos ng pag-aaral ay lalong naghihirap at ang nangmamaliit ay walang napatunayan? Sino kaya ang mamangha kapag nalaman na ang namumuno rito ay walang tinapos na pinag-aralan, ngunit ang mamamayan ng bansa ay naghihirap na makapagtapos para makakuha ng trabaho na mas malaki pa na hirap ang bayad kesa sa salapi. Nakakatawa nga naman, para bang nanonood ka ng palabas na pinagsisilbihan ng mahirap ang mayaman at laging kinakawawa. Pilipinas kong mahal, puno ka ng paghihirap at awa.

We are Filipinos, of course, our top exports are Overseas Filipino Workers.

Bagong-Bayani kung tatawagin ngunit ang kanilang napagdaanan ay napakarahas. Nagpapakahirap sa mga banyagang lupain, ang sariling pinagmulan ang unang nagpadanas nito sa kanila dahilan kung bakit napilitang makipagsapalaran sa kung saan-saang lupalop ng mundo.

Nailathala sa report ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mahigit 8.5 porsyento at 7.7 porsyento sa gross domestic product (GDP) at gross national income (GNI) ang kanilang naiaambag sa ekonomiya ng bansa. Tuwang-tuwa ang mga naka upo sa pwesto, ngunit papaano naman silang kumakayod para sa buhay, nagpapakahirap umaga hanggang gabi. “Kayo ang mga bagong-bayani.” Ang mga Pilipino ay naging mga sangkot na aktor bilang mga bagay at paksa ng estado. Sa isang banda, bilang yaman ng bansa, sila ay mga

We are Filipinos, of course, we have an outstanding amount of
lathalain 09
are
Umiikot ang mundo, ngunit walang pagbabago na naghihirap lalo ang sambayanag Pilipino. Lalong lumalaki ang ating mga utang, miski ang mga hindi pa isinilang ay may kailangan nang pagbayaran, ang mga normal na Pilipino ay patuloy na nagbabayad, samantalang ang mga makapangyarihan ay walang katapusan na sumasaya sa pera na nagpapahirap sa bansa at masa. Pumapalo sa P14.79 trillion ang utang ng bansa na nilulustay sa hindi malamang paraan. Nawawala sa kanilang mga kamay na tila ba mahika. Kung ang mga naka upo ang gumagasto nito, sino naman ang gumagawa ng kabayaran dito? Ang mga sanggol na walang kamuwang-muwang, mga ordinaryong Pilipino, at ang susunod na henerasyon na hindi naman nakinabang sa utang ng gobyerno. Walang katapusan na pag-uutang at pagbabayad ang laro ng bansa. Mabilis na makakuha ng atensyon ng Pilipino kapag may banyaga na binibigyang pansin ang kulturang Pilipino. Malamang sa malamang uhaw ang mga Pilipino sa international validation. “Trying Filipino food for the first time,” “Reacting to…,” tiyak na kapag iyan ang nakasaad sa mga bidyo ay paunahan ang mga Pinoy sa panonood diyan. Iba talaga ang mga Pilipino, iba kung makapagbigay ng suporta pero mabilis naman nagpapaniwala sa mga taong ginagamit lamang sila. Hindi maipagkakaila na lubos na mapagmahal at makabansa ang mga Pilipino, isinasapuso ba naman ng seryoso ang #PinoyBaiting este #PinoyPride na nakatago sa likod nito ay ang itunuro ng mga dayuhan noong tayo ay sinakop. Ang nakatagong ina ng Pinoy Pride – kolonyal na mentalidad. Kaya’t kapag ang mga Pilipino ay pinupuri sa isang bagay na malapit sa puso, agad tayong sumasakay nagdadala ng bandila ng Pilipinas. We are Filipinos, of course, you need a valid ID to get a valid ID for a valid ID. Para sa maraming transkayon kailangan ng valid ID ngunit patuloy na umaaray ang mga Pilipino sa hindi makatarungan na proseso. Daing din ng maraming netizens ang parehong damdamin ang hirap sa pagkuha ng valid ID dahil kinakailngan mo muna ng dalawang valid ID. Walang kabuluhan, hindi ba? We are Filipinos, of course, PH ranks No. 1 in social media users. “Hi guys, welcome back to my channel!” Ito ang paulit-ulit na naririnig sa bawat telepono. Parang sirang plaka na kung pinakikinggan. Hinaing pa ng nakararami na vlogging capital na ang bansa. Bukod sa marami ang nanonood nito ay marami rin ang mga Pilipino na nakikisali sa “social media craze.” Kahit saang plataporma ng social media ay hindi pinalalampas ng mga Pinoy, nariyan sila at laging aktibo pa! Walang kapagurang “scroll, like, heart, comment, at share” sa bawat viral posts at laging Pilipino ang nasa itaas na may malaking ambag dito. We are Filipinos, of course, we are known to be hospitable. Feel at home! Isang tapak pa lang sa tahanan ng mga Pilipino ay tiyak na dadaluhan ka na kasama ang maraming tanong ng kumusta at kung kumain ka na ba. Isang pangkaraniwang bahagi ng kagandahangasal ng mga Pilipino ang magiliw na pagtanggap sa kahit sino. Ito ay hindi lamang simpleng kagandahangloob o kaibigan, kundi ito ay bahagi ng kultura ng mga Pilipino. Ito ay isang kilos na nagpapakita ng pagtanggap natin sa sinuman at itinuturing natin sila ng mataas na pagpapahalaga. Ito ay hindi maipagkakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino. Iba nga talaga magmahal ang mga Pilipino, sobra pa sa sobra kung iparamdam ang pagmamahal. Walang makakapantay, walang makapapalit. ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVIBlg AgostoMarso 2024 I-SCAN ANG QR CODE upang maging updated sa latest updates ng angsulyap lathalain 08 We
debt. We
Filipinos, of course, we’re victims of Pinoy baiting.
are Filipinos, of course, we recycle corrupt politicians. We are Filipinos, of course, we romanticize resilience.
sa politiko, walang
kung ano ang
sa mga salita na ito.
pasista!” Hindi
paki-alam
nakatago
“Walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador,
bayani ang ating
bagay ng estado na inaalok sa mundo bilang kanilang komparatibong kalamangan kapalit ng pambansang pang-ekonomiyang kaligtasan. Sa kabilang banda, bilang mga bayani ng modernong panahon ng bansa, sila ay mahalagang mga paksa ng estado, dahil sila ay simbolikong at ideolohikal na itinuturing at inuugma upang iligtas hindi lamang ang kanilang pamilya kundi pati na rin ang kanilang bayan. Ang iilan pa sa mga nagtatarabaho ay pumunta na nais lamag bigyang ginhawa ang pamilya, ngunit ilang Pilipino na ang napilitang umuwi nang nakasilid sa kahon dahil sa pang-aabuso.
ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVIBlg • AgostoMarso 2024
Xandra Aleza M. Palarca

pUSOan mo na !

Sino nga ba ang ayaw sa bago? Yung napapanahon at sabay sa uso? “Ano kayang bagong trend ngayon?”, mga salitang maririnig mo kung saan-saan, salitang binibitawan ng mga taong gustong-gusto mabigyan ng kasikatan.

Sa tuwing nanonood ka ng mga bidyo sa Facebook, TikTok, YouTube at iba pang mga social media applications, kapansin-pansin na ang halos lahat sa mga ito ay parepareho lang at ang paraan at gumawa lang ng mga ito ang hindi. Paulit-ulit mo na bang naririnig ang kantang “tinitigan ko, nilapitan ko” ni Juan Caoile? Eh ang “kalma, baby kalma” ni Skusta Clee?

Ang mga kantang nabangit ay yaong mga “trending” o “uso” sa kasalukuyan, sinasayaw at sinasabayan naman ng mga netizens para makaani ng kasikatan. Subalit, hindi lang naman sayaw at kanta ang mga tumitrending. Kahit anong patok at kuha ang panlasa ng masa siguradong sisikat. Ang tanong, naghahanap ka ba ng trending na mga gawain na fit sa iyong paningin? Humanda ka nang masabik at magpakasaya sa mga trend na ito na iyong babasahin!

Tanghulu: Sarap na aabot hanggang dulo

Sino ba naman kasi ang hindi masisiyahan sa pagkain ng masasarap? Una sa ating listahan ang pinakausong pagkain ngayon sa mga kabataan. Gusto mo ba ng matamis? Subukan ang tanghulu isang tradisyonal na Chinese street food.

Una sa lahat, kailangan mo munang mag tunaw ng asukal. Pagkatapos, gamit ang mga prutas gaya ng ubas at mansanas, ibabad ang mga ito sa natunaw na asukal at patuyuin ng ilang minuto. Mamamangha ka sa malutong nitong tunog na sa bawat kagat malalasap ang pinaghalong tamis, asim, at alat!

Duck klip sa buhok: kakaibang aksesoryo, kakaibang disenyo!

Dahil sa kakaibang itsura at atake ng aksesoryong ito, agad itong naging “instant hit” sa mga mamimili. Kung dati rati, head band na may litrato ng mga nagagandahang prinsesa ang mabenta, ngayon, patong klip na.

8 ball Pool : Modernong laro ng mga kabataan

Tawanan dito, tawanan doon, mga kabataang abala’t nagtutumpukan pa. Kahit saan ka tumingin, lahat ay nakapokus sa kanilang mga telepono. Ang akala mong seryosong-seryoso nilang ginagawa, nag lalaro lang naman ng billiards. Pero ang billiards na ito ay pina-moderno, ang larong “billiards” na kadalasang nilalaro gamit ang isang malaking board, bola, at tako ay nilalalaro na sa telepono! Tunay ngang ang layo na ng panahon ngayon kumpara noong una, pati kasi ang mga laro sa ngayon, pinamoderno na!

“Crochet” o gantsilyo: paghabi ng iba’t-ibang disenyo’t anyo

Gusto mo bang magpakasaya’t maglibang pero gusto mo din may ginagawa? Usongusong gawain sa ngayon walang iba kundi ang, paggagansilyo. Gamit ang

estambre o yarn sa ingles at isang pahabang materyal na kung tawagin nila’y “hook”, maari ka nang makagawa ng disenyong iyong ninanais basta’t pag-aralan mo lang ang ang bawat labas-pasok at galaw ng “hook” sa yarn. Sino ba naman ang hindi maaliw, kung ang bawat hibla iba-iba ang piwedeng magawa!

Mula sa pagkain, hangang sa laro at gawain, ang Pinoy, tunay ngang malikhain. Kahit ano basta gusto at pasok sa kanilang kakayahan, pupusuan yan!

Kakarampot na

pag-asa

I““

Kapag maliit ang kumot, matutong mamaluktot. Jaslyn Claire Cruz

sang kasabihan na nakaukit na sa kultura ng mamamayang Pilipino. Paanong pamamaluktot pa ba ang dapat gawin para maipagkasya ni Nene ang kakarampot niyang barya upang maitawid ang buhay-estudyante sa araw-araw?

Sa panahon ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tila ba mas lalong lumiliit ang kakayahan ng karamihan na makabili ng mga pangunahing pangangailangan. Ayon sa Philippine Statistics Authority, lalo pang umigting ang pagtaas ng mga presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa, bagay na pangunahing itinutulak ng presyo ng pagkain. Noong Setyembre 2023, umabot sa 6.1% ang kabuuang inflation rate ng Pilipinas, na mas mataas kaysa sa 5.3% na naitala isang buwan bago. Kung kaya’t hindi maipagkakaila ang hirap na natatamasa ng mga mamamayang lubos na naapektuhan. Katulad na lang ni Inay na kumakayod maghapon sa labada at iba pang raket na pwede niyang pagkakitaan para sa kakarampot na sahod na kanyang ipinagkakasya pambili ng ihahain sa mesa, pambayad sa kuryente’t tubig, at sa pambaon ni Nene sa kanyang pag-eskwela. Ayon kay Nene, isang mag-aaral ng Grade 8 BEP-G, araw-araw ay binibigyan siya ng baon na nagkakahalagang tatlumpong piso. Sa tatlumpong piso na ito ay kasali na ang kanyang pamasahe sa traysikel na kanyang sinasakyan tuwing papasok sa umaga, hindi pa siya nakakarating sa paaralan ay nabawasan na agad ng sampung piso ang baon niya, kung minamalas minsan ay labinlimang piso pa ang singil ng drayber gawa nga ng pagtaas presyo sa gasolina. Ang kanyang natitirang kakarampot na barya ay ginagamit niya upang makabili ng meryenda at iba pang pangangailangan sa kanyang pag-aaral. Ngunit sa kabila nito, mayroon din siyang mga munting hakbang na ginagawa upang makaraos siya. Isang halimbawa ay nagdadala siya ng baon mula sa kanilang bahay na mas murang alternatibo kaysa sa mga binibili sa labas. Sa ganitong paraan, kahit na maliit ang kanyang baon, magagawa pa rin niyang makaraos at matuto sa hirap ng buhay-estudyante. Si Nene ay tulad ng maraming iba pang batang Pilipino na nagtiyatiyaga nang husto upang makamit ang kanilang mga pangarap sa kabila ng mga hamon at limitasyon na kanilang kinakaharap. Tulad ng isang puno na nakatanim sa lupa, sa gitna ng unos at pagsubok, patuloy silang lumalaban at umaasang makakamtan ang tagumpay sa kabila ng mga hadlang sa kanilang daan. Subalit, sa kabila ng kanilang determinasyon at pagsisikap, hanggang kailan pa kaya mamamaluktot ang mga kabataang may pangarap na makapagaral nang may kaginhawahan at malayang isipan, na umaasa sa kakarampot na pag-asa?

Ilan lamang sa’king linyahan, kapag nakikita si Sir at Ma’am sa daan. Hindi lamang pagbati ang aking ginagawa, ako rin ay yumuyuko, simbolo ng paggalang sa’king mga guro.

ISKEDYUL MO NA!

Sditrosis are caused by a very very good micro circulation.. if you smoke. hindi mag eerect yan” paliwanag ni Dr. Lulu Marquez. Kaya’t kung isa ka sa mga gumagamit nito, huwag mo

Sa bawat pagkakataong makita sa daan si Sir at Ma’am, walang hintong pagbati at paggalang. Ngunit ako’y biglang napatanong kailan ba nagsimula ang kasanayang ginagawa?

Taong 1991, inilabas ang Deped Memorandum No. 88 s. 1991 o ang mas kilalang “Ang Magalang Bow”, hangarin nitong palakasin ang mabuting asal at tamang pag-uugali ng ating mag-aaral. Paano ba ito ginagawa?

Aba! madali lang. Ito ay ang pag yuko ng ulo sa harap ng taong binabati habang ang kanang kamay ay nasa bandang dibdib at nasa gilid naman katawan ang kaliwang kamay.

Magandang umaga po!

Magandang tanghali po! Magandang hapon po! At Magandang araw po! Huwag kalimutang bumati kapag may gurong nakasalubong sa daan, hindi lamang ito simbolo ng pagiging magalang, ito rin ay simbolo na ikaw ay isang batang makabayan!

Sa panahon ngayon, pinaigting ng pandemya ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa Agham at Teknolohiya. Lahat ng bagay ay naging modernisado, kabilang ang kalakalan. Hindi na uso ang paggamit ng tradisyonal na pera, dahil may Gcash, PayMaya, PayPal, Coins.ph, GrabPay, at marami pang iba.

Pano ba tayo umabot sa puntong ito? Sa gitna ng pandemya, ang pangangailangan para sa mga alternatibong paraan ng pagbabayad ay lumitaw. Ang Gcash, isa sa mga online bank applications, ay nagbigay ng solusyon sa suliranin ng marami sa pamamagitan ng pagbibigay ng madaling access sa mga transaksyon. Ayon kay Gwyneth Joy Bataque, estudyante ng Tupi National High School, napadali nito ang kanyang mga transaction dahil madali at mabilis itong gamitin ano mang oras, ano mang araw, o kung saan man siya naroroon. “Mas easy lang gamitin ang gcash kasi personally naga load ako sa cp ko anytime if maubusan ako load, open ko lang ang gcash tapos may options man like pag load online and using gcash, kaya ayun mas fast ang process,” ayon kay Bataque. Isa si Bataque sa nagpapatunay na ang mga online applications ay nakadadagdag tulong at hindi perwisyo. Sa kasalukuyan, ang mga QR code at numerong makikita sa mga establisyemento ay nagpapadali rin ng proseso ng pagbabayad. Sa isang simpleng scan at

a kabila ng patuloy na pag-unlad ng teknolohiya at siyensya sa larangan ng nutrisyon at kalusugan, isang konsepto ang patuloy na bumabalot ng interes at pag-aaral mula sa mga mananaliksik at eksperto, ito ay ang Intermittent Fasting. Isang paraan ng eating plan ang Intermittent Fasting na makakatulong upang magbawas ng iyong timbang at makaiwas sa iilang mga uri ng sakit. Sa intermittent fasting, maisasaayos mo ang oras ng iyong pagkain, at makontrol ang paglobo ng iyong katawan. Maraming paraan ng pagdyeta ay naka pokus sa ano ang kakainin, ngunit ang intermittent fasting ay patungkol sa kung kailan ka kakain. Ayon pa nga kay Mark Mattson, isang neuroscientist na nagaral ng intermittent fasting sa loob ng 25 na taon, ang ating katawan ay nagkaroon ng sapat na kakayahan upang gumana ng kahit walang pagkain sa loob ng ilang araw o mas mahigit pa.

Paano nga ba isinasagawa ang intermittent fasting?

Isinasagawa ang intermittent fasting sa pamamagitan ng pagpapahaba ng panahon kapag nauubos na ng katawan ang mga calories na kinain mo sa iyong huling pagkain at nagsisimula nang mag-burn ng taba. Maaari mong subukan na kumain lamang sa loob ng isang walong oras bawat araw at mag-ayuno sa nalalabing panahon. Maaaring piliin mong kumain lamang ng one meal a day ng dalawang beses sa isang linggo.

Karaniwan mo rin ba itong nababasa sa mga label at patalastas ng mga sigarilyo? Hindi lamang ito totoo, kundi isang mahusay na paalala para sa mga tao. Walang pinipili ang bisyo- lalo na ang bisyo sa paninigarilyo na nangunguna sa listahan ng pagkamatay ng 13 na tao sa kada segundo. Ayon sa American Centers for Disease Control & Prevention (CDC), halos 87,600 Pilipino ang namamatay bawat taon dahil sa paggamit ng tabako. Bagamat mahirap itigil ang paninigarilyo dahil sa mga aspeto nitong nakakalulong, maraming tao ang lumilipat at ibinaling ang kanilang bisyo na sa tingin nila ay mas ligtas na opsiyon. Usok na lagi mong nilalanghap, may iba’t ibang lasa na lagi mong hinahanap. Ito raw ay tila mas ‘cool’ at ‘safe’ kaysa sa tradisyonal na sigarilyo, totoo nga ba? o may mga usapusapang bumabalot dito?

Pinagmulan ng kinalululunganan

Panandaliang sarap? Ang vape ay laganap sa Pilipinas simula nang lumabas eto sa merkado sa United States taong 2008. Isang battery-powered device na nag-iinit

Gusto mo bang subukan ang Intermittent Fasting?

Maaari kang pumili ng iyong diskarte na naglilimita sa pangaraw-araw na pagkain sa isang anim hanggang walong oras na panahon bawat araw. Halimbawa, maaari mong piliing subukan ang 16/8 na pag-aayuno: pagkain sa loob ng walong oras at pag-aayuno ng 16. Isa pang paraan nito ay kilala bilang ang 5:2 approach, nakapaloob dito ang regular na pagkain ng limang araw sa isang linggo. Para sa dalawa pang araw, lilimitahin mo ang iyong sarili sa isang 500–600 calorie meal. Isang guro sa Tupi National High School na si Mary Jade Z. Toribio, ang nagsagawa at nagpatunay na epektibo ang intermittent fasting kung ito’y susundin ng maayos. Ayon kay ma’am Jade nakatulong ito sa kanya dahil, “First, ofcourse ng health benefits niya. Second, nag lose weight talaga when it comes to intermittent fasting”. Nakitaan niya talaga ito ng tulong sa pagbago ng kanyang timbang na mula 80 kilos ay naging 60 kilos na lang, sapagkat sinusundan niya ito ng tamang pagsunod sa schedule ng kanyang pagkain at pag-aayuno, at sinabayan pa nito ng mga pagkaing low carb. Gayunpaman, kung isasagawa mo ito, kinakailangang makayanan ng iyong kumakalam na sikmura ang haba ng oras ng pag-aayuno. Kung iyong gugustohin marapat lamang na sundin ang iskedyul o piling oras nito, dahil maaari itong magiging pagbabagong magbubunga sa isang perpektong katawan. Scheduled man, ngunit mapapasabi ka talagang “WORTH ONE!”.

Katatapos lamang ng luhaang labanan ng COVID-19 nang may bagong hamon nanamang paparating. Hindi ito anino ng nakaraan, kundi isang bagong hamon na dahan-dahang lumalamon sa ating kalusugan. Ngayong kakatapos lang ng isa, ito na ba ang simula ng bagong pandemya? Isang nakakahawang sakit sa baga na sanhi ng bakterya, ang pertussis o whooping cough, kilala rin ito bilang ubongdalahit o tuspirina. Ito ay impeksyon sa respiratory system na dulot ng bakteryang Bordetella Pertussis na maaring maging sanhi ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga sanggol at mga batang wala pang sapat na proteksyon. Karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng droplets mula sa pag-ubo o pagbahing at maaaring kumalat. Sa unang sampung linggo pa lamang ng taong 2024, nakapagtala na agad ang Department of Health (DOH) ng 453 na kaso sa mga Pilipino. Sa naturang bilang, 38 sa mga kaso ay naitala sa National Capital Region na sinundan naman ng Calabarzon. Nagdulot naman ng pangamba at pighati ang balitang umabot na pala sa 38 katao ang nasawi. Ilan rin ang mga sanggol, partikular na ang mga wala pang isang taong gulang ang mahihirapang labanan ang nasabing sakit. Ang mga sanggol na may pertussis ay maaaring magpakita ng iba’t ibang sintomas na mas malubha at nakakabahala. Sa halip na umubo, maaaring silang hingalin, mabulunan, o sumuka. Isa pang maaring senyales ay ang pagiging kulay asul ng kanilang balat o labi, na nagpapahiwatig ng kakulangan sa hangin.

Kabilang na sa mga nasawi ang isa sa kambal na anak ni Anabelle na si ‘Baby Jasmine’ na hindi man lang umabot sa dalawang buwang gulang. Ayon sa kanya, madalas ang pagubo ni baby Jasmine at hirap itong huminga. Nagdeklara naman ng pertussis outbreak sa Quezon City,

Manila at Iloilo dahil sa dumaraming kaso ng mga namamatay.
increasing number of pertussis cases is alarming and we are taking the necessary steps to prevent further transmission of the disease. We are extending our call to QCitizens who are experiencing symptoms to seek medical care in our health centers,” saad ni Quezon City Mayor, Joy Belmonte. Nakatakda namang dumating sa bansa ang tatlong milyong doses ng bakuna kontra sa nakakahawang Pertussis ayon sa DOH. Sa bayan ng Tupi, wala pa umanong naitatalang kaso ng Pertussis cough ayon Dr. Leanah D. Dionaldo, resident doctor ng Local Health Care Unit. Subalit nagpaalala siya na sa harap ng patuloy na banta ng pertussis, mahalagang proteksyunan ang kalusugan. Sa pamamagitan ng tamang respiratory hygiene at pag-iingat, maaari umanong mapigilan ang pagkalat ng sakit at mapanatili ang kalusugan ng komunidad.
“The
Gusto mo bang
Fit Check
Jayrel Mae D. Tapilot
pumayat nang hindi nagugutom?
Banta ng Pertussis
likido
karaniwang may sangkap na nicotine, propylene glycol, glycerin at flavorings katulad ng cotton candy, blueberry at kiwi, ay baka naman humipak ka non-stop! E-cigarette pa kung tawagin, isang kontrobersyal na usap-usapin. Bagamat itinuturing alternatibo, ay hindi ka ligtas sa epekto nito. Ayon sa pag-aaral, umabot sa 68 milyon ang gumagamit ng E-cigarettte sa buong mundo noong taong 2021. Paglipas ng isang taon, lumubo naman ito sa 82 milyong katao kung saan ang karamihan ng mga gumagamit ay nasa Eastern Mideterranean Region. Taong 2023, tinatalang umakyat na ito Kumilos na ang Department of Health (DOH) para ipagbawal ang electronic cigarette o vape sa mga pampublikong lugar. Nilagdaan ni DOH Secretary, Francisco Duque III ang Administrative Order 2019-2007 na nagsasabi na kabilang na rin sa smoking ban ang mga Electronic Nicotine and Non-Nicotine System (ENOS) dahil sa kautusan, papayagan lamang ang paggamit ng e-cigarette sa mga designated smoking area. Kalusugan, pangunahing puhunan Naniniwala ang ilang taga suporta ng vape na ito ay mas ligtas kaysa sa tradisyunal na sigarilyo dahil sa pagkakaroon ng mas kaunting kemikal kaysa sa tabako. Bagaman ito ay nasa mas mababang antas, ang epekto nito sa kalusugan ay hindi parin matatawaran. Ilan dito ay ang kanser, paghina ng resistensya, sakit sa baga, ubo, pagkahilo, pananakit ng ulo. Maaari ring makaapekto ang vaping sa pagtatalik ng mag-asawa.”The erection of the penis and the erection of the
10 Makabagong bangko
ng
na
lathalain
Jether Elbert Pototan, Jr. Zareina Mari Balaso
magbilang o maghintay ng sukli Tayo’y laging mag-ingat! Gayunpaman, sa kabila ng mga benepisyo ng mga online applications, mahalaga pa rin ang pag-iingat laban sa mga manloloko. Dapat laging maging maingat at huwag magpapalinlang sa mga panloloko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng personal na impormasyon tulad ng OTP number. Maka BOW yan Magandang umaga po! Magandang tanghali po! Magandang hapon po!
tap, maaari nang matapos agad ang transaksyon, kaya hindi na kailangang
CEBU Ang lugar na kinikilalang pinaglabanan nina Lapu-Lapu at Magellan, ipinangalanan bilang “Queen City of the South.” Tulad ng pagkapanalo ni Lapu-Lapu, mamayagpag bilang manunulat sa gaganaping National Schools Press Conference (NSPC) sa Cebu City! #NSPCDreams #SEEbU Implasyon ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVI Blg • AgostoMarso 2024 GUHIT NI RAIZZY GALLEGO
Michael T. Abala Sophia Amor Bangayan

Batid sa datos na inilabas ng PSA nito nalamang 26 ng Pebrero, tumaas ang bilang ng mga nagdadalaga na ina na may edad 10 hanggang 19 taong gulang mula 136,302 noong 2021 hanggang 150,138 noong 2022. Sa parehong panahon, ang bilang ng mga nagdadalagang ina sa edad na 15 hanggang 19 taon ay nagdulot din ng pagtaas mula 133,982 hanggang 147,003. Nakakabahalang isipin na sa halip lumalagong ekonomiya ang ninanais, pagtaas ng populasyon ang masakit na tinatamas at higit pang problema sa teenage pregnancy ang bumibigat at kukumakapit

Sa kabilang dako, ayun naman sa naitalang datos ng Provincial Population Office ng probinsya ng Timog Kotabato noong 2018 may naitalang 726 na kaso kumpara sa taong 2016 na umabot sa 1,259 at sa taong 2023 may naitalang 544 na kaso sa buong probinsya partikular na sa mga sumusunod na munisipyo: Surallah 22, Tupi 83, Norala 82, T`boli 75, Lake Sebu 63, Sto. Nino 47, Banga 45, Tampakan 30, Tantangan 7. Ang patuloy na pagtaas ng

Tumaas ng pitong porsyento ang bilang ng mga kabataang nabubuntis mula 2018 hanggang 2022, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Padalos-dalos na mga desisyon na humahantong sa pagkawasak ng mga ambiyson. Si inday na inaalagaan at minamahal ay may dala-dala na ring sanggol sa kanyang mga kamay o baka naman dala-dala ang angklang babangungot ng paulit-ulit dahil sa nagawang paglaglag at paglimot ng nakaraang. Matapos ang sandaling ligaya, bitbit na ang bigat ng responsibilidad at pangarap na tila naglaho na.

panlipunan na nangangailangan ng agarang aksyon subalit ito nga ba ay mabibigyang solusyon? Kamakailan, nasagot ang mga agam-agam ng maipasa ng House of Representatives sa senado ang Hosue Bill No. 8910 noong ika-16 ng Agosto, taong 2023. Ang panukalang batas na ito ay naglalayong bawasan ang saklaw ng pagbubuntis ng kabataan sa pamamagitan ng pagtiyak ng oportunidad sa mga serbisyong pangkalusugan sa sekswal at reproductib para sa mga kabataan. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang access sa mga serbisyong pangkalusugan ay isang mahalagang hakbang upang mabawasan ang teenage pregnancy. Isa sa mga pangunahing layunin ng House Bill No. 8910 ay ang pagpapalakas ng isang komprehensibong programa sa edukasyon sa sekswalidad. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Population Fund (UNFPA), ang comprehensive sexuality education (CSE) ay epektibo sa pagbibigay ng tamang impormasyon at kasanayan sa mga kabataan upang makagawa

pinakamababa sa mundo. Bukod sa edukasyon, binibigyang-diin din ng batas ang kahalagahan ng daan sa mga serbisyong pangkalusugan. Ayon sa Department of Health (DOH), maraming kabataang Pilipino ang walang sapat na prebelihiyo sa mga reproductive health services, na nagiging sanhi ng mataas na bilang ng teenage pregnancies. Sa isang pag-aaral ng Guttmacher Institute, ipinakita na ang pagkakaroon ng kakayahang makatanggap ng akses sa contraceptives at iba pang reproductive health services ay epektibo sa pagpapababa ng teenage pregnancy rates. Subalit hindi rin dapat kalimutan nag katotohanang hindi sapat ang naturang mga hakbang. Malawakang suporta mula sa lahat ng sektor ng lipunan—pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, at mga non-government organizations ay kinakailangan. Ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS) ng 2022, 75% ng mga kabataang nabuntis ay nagmula sa mga pamilyang may limitadong kaalaman at access sa reproductive health services. Ang pamilya ay dapat magsilbing kabataan sa tamang pag-uugali at mahalagang papel upang masiguro

teenage pregnancy ay hindi isang laban na maaaring ipagkatiwala lamang sa iilang tao o sektor. Ito nangangailangan ng pagkakaisa at kooperasyon. Hawak-kamay, ilayo si Inday sa mapanlinlang na alindog ng panandaliang sarap na kanyang hinaharap.

Payong Pampubliko

Sophia Amor L. Bangayan

may charger ka bang dala? meron ka bang Type C cord? lowbat na ako, pahiram naman ng powerbank mo...

Madalas mo ba itong naririnig sa kaklase mo? Oh di naman kaya sa kaibigan mo kapag may gala kayo? Sapagkat nagbigay daan ang mga smartphones sa atin upang maging konektado kahit kanino saan man sa mundo, kung ikaw ay nasa pampublikong lugar at naubos ang baterya ng iyong telepono, ang pagkokonekta neto sa isang pampublikong charging station, paliparan, o mall ay hindi ligtas na solusyon. Sa paglipas ng mga taon, patuloy ang pag-usbong ng teknolohiya, ngunit kasabay nito ang pagdami rin ng mga panganib, partikular na sa larangan ng teknolohiyang pang-mobile. Mula sa data breachers hanggang sa mga phishing scam, masyado nang pamilyar sa atin ang panganib ng mga cyber-attacks – ngunit narinig mo na ba ang tungkol sa juice jacking? Isa lang naman itong mapanlinlang na pamamaraan kung saan ang iyong mga impormasyon ay ninanakaw habang nag tiya-charge sa mga pampublikong USB ports. Isang klase ng cyberattack na nagagawang manakaw ng hacker ang mga datos mula sa isang smartphone, tablet o ibang electronic device. Parang prutas lamang ito na kinakatas. Bagamat natuklasan ang taktika na ito noong 2011, muling naalala ito ng marami dahil sa mga kamakailang tweet mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) at The Federal Communications Commision (FCC) na naglalaman ng mga pag-aalala. Sa simpleng pagko-connect sa isang pampublikong charging station ay maaaring magresulta sa pagnanakaw ng sensitibong impormasyon tulad ng mga password at detalye sa bangko.

“Think about all the data and all the types of information that you keep in your cell phone on a daily basis. You have your personal contacts...your business email is probably on your cell phone,” saad pa ni Kenny Riley, technical director ng Velocity IT. Sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o RA 10175, ang mga taong mahuhuling sangkot sa juice jacking ay maaring patawan ng kaukulang parusa. Sa seksyon na ito, malinaw na ipinagbabawal ang anumang aktibidad o pang-aabuso na may kinalaman sa mga computer sytem at data. Ang mga krimen na ito ay maaaring parusahan ng multa o pagkakakulong depende sa bigat ng ninakaw na impormasyon. Sa kabila ng banta nito, ang pagiging mapanuri sa paggamit ng ating mga mobile devices ay mahalaga upang maiwasan ang panganib ng juice jacking. Para maging ligtas, laging dalhin ang sariling charger at cable o di kaya magdala nalang ng sariling powerbank. Karagdagan pang proteksyon ay sa pamamagitan ng pag-install ng reliable na anti-virus at antimalware software sa iyong mobile device. Kaya’t mag ingat sa bawat saksak upang maiwasan ang cyber-attack.

ay nagiging mas maliit na piraso. Sa parehong pananaliksik mula sa unibersidad ng Columbia at Rutgers, ang bawat litro ng de-boteng tubig ay tinatayang nasa mahigit 240,000 plastic bits. Ang mga siyentipiko ay lumikha ng isang nobelang pamamaraan ng hyperspectral stimulated Raman scattering (SRS) imaging platform na mayroong automated plastic identification algorithm na nagbibigay daan sa micro-nano plastic analysis sa single-particle level na mayroong mataas na chemical specificity at output upang makilala ang micro- at nanoplastics sa antas ng singleparticle para sa bagong pag-aaral, isang machine learning-based system ang ginawa upang alamin ang pitong (7) uri ng plastik. Lahat ng pitong anyo ng plastik ay naroroon sa tubig bilang mga particle. Ang pinakakaraniwan ay polyamide, isang uri ng nylon na madalas na ginagamit upang tumulong

sa pagsasala at paglilinis ng tubig. Bukod pa rito, natagpuan ang isang malaking halaga ng polyethylene terephthalate (PET). “This opens a window where we can look into a plastic world that was not exposed to us before,” saad ni Dr. Yan, isang kasapi ng naging pananaliksik. Maliit na pag-aaral ang ginawa hanggang ngayon upang matukoy kung ano ang tiyak na mangyayari sa nanoplastics sa sandaling makapasok sila sa daloy ng dugo. Ang mga mapanganib na kemikal na ginagamit sa paggawa ng mga plastik ay maaaring makapinsala sa mataas na konsentrasyon at maaaring makaapekto sa mga mahahalagang organo tulad ng mga bato, atay, puso, reproductive system, at nervous system.

Siyensiya

sa likod ng

haka-haka

Kristine Catherine Uy

K

apag ikaw ay may puting buhok matalino ka na, nakakawala ng tigyawat ang pagpahid ng regla sa mukha. Bawal maligo kapag walang tulog. Kapag nahakbangan ka ay hindi kana tatangkad. May katotohanan ba ang mga ito?

Puting buhok nakakatalino?

Ayon sa eksperto ang pagkakaroon ng puting buhok o “uban” ay pwede maging bunga ng genetics, kung ang iyong mga magulang ay nagkakaroon ng buhok noong bata pa lamang sila ay malamang magkakaroon ka rin. Pwede ring dahil sa sakit o kakulangan sa bitamina B-12, na nauugnay sa isang kondisyon na tinatawag na pernicious anemia, na kapag ang iyong katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina pwedeng maapektuhan ang selula ng buhok at produksyon ng melanin. Napatunayan din na wala pang eksperto o siyentipikong ebidensya na makakapagsabi na matalino ang nagkakaroon nito.

Reglang anti acne?

Totoo nga bang nakakawala ng tigyawat ang pagpapahid ng regla sa mukha?

Ang pagpapahid ng regla sa mukha ay hindi tumutulong sa alinman sa mga sanhi ng acne, kung tutuusin nga maaari pa itong makadagdag sa impeksyon. At walang kasalukuyang siyentipikong ebidensya na sumusuporta sa paggamit ng regla para mawala ang acne.

Maligo ng walang tulog?

Marahil naririnig mo na sa matatanda na bawal raw maligo ng puyat, bakit nga ba?

Ayon sa pahayag ni Dr. Kilimanguru “Pwede maligo kahit puyat. Hindi mahalaga kung kailan ka maliligo. Ang mahalaga ay kung gaano kainit, kalamig at kung gaano ka katagal nakababad sa tubig. Kapag isang oras kang nakababad sa tubig na sobrang lamig na maaaring bumaba ang blood pressure mo, bumagsak ang pagtibok ng puso at mawalan ng malay”. Walang ebidensya na nakakapagpapatunay na bawal maligo tuwing puyat, kailangan lang natin tandaan na kapag tayo ay naliligo ay nasa tamang kondisyon ang ating katawan. Hakbang ng hindi pagtangkad

Naniniwala ka ba na kapag ikaw ay nahakbangan hindi ka na raw tatangkad? Posible nga ba ito?

Isa sa sampung taong kalahok sa sarbey ay naniniwala sa pamahiin na ito, ngunit ito ay walang siyentipikong batayan. Ang paglaki ng isang tao ay nakadepende sa kanyang genetics, dalas ng pagtulog, kasarian at nutrisyong nakukuha sa kanyang kinakain.

Sa kabila ng napakaraming sabi sabi o haka haka na wala namang katotohanan may mga siyentipikong ebidensya na komokontra sapagkat ito ay makapagpapaliwanag sa mga hindi kapanipaniwalang pahayag.

Thermosonic:

Saging, walang Aging

Sa katatapos lang na Regional Science and Technology Fair (RSTF) sa Magpet, North Cotabato, ibinida nina Fritzee Tamahra B. Ocampo, Meshach Dane Asis, at Tina Olin Cipriano ng Tupi National High School ang proyektong Thermosonic na nagwagi sa kategoryang Life-Science na naglalayong palawakin ang buhay ng saging. Sa pag-aaral kamakailan, napag-alaman ng mga mananaliksik ang kahalagahan ng Thermosonic treatment sa pagpapalawak ng bisa ng Cavendish banana.

Sinuri ang iba’t-ibang aspeto tulad ng Kabuuang Soluble Solids (TSS), tibay ng prutas, porsyento ng pagkawala sa timbang (PLW), at aktibidad ng mikrobyo. Ang kanilang pagsusuri sa tatlong ultrasonic baths na may iba’t ibang frequencies ay nagpapakita ng potensyal ng teknolohiyang ito sa pagpapalawak ng buhay ng saging. Dagdag pa rito, napag-alaman din ang epekto ng temperatura ng tubig sa haba ng buhay ng saging. Napansin na ang tamang temperatura, partikular na sa 18°C at 21°C, ay may malaking impluwensya sa pagpapalawak ng

buhay ng saging. Higit sa lahat, ang pamamaraang Thermosonic ay hindi lamang nagpapatagal ng buhay ng saging kundi nagbibigay rin ng proteksyon laban sa mapanirang mikroorganismo at mga enzyme. Sa pagpapakita ng Tupi National High School sa kanilang pagwagi sa RSTF sa Magpet, North Cotabato, lumilitaw ang malaking potensyal ng Thermosonic sa pagpapalawak ng supply ng saging, na naglilingkod sa pangangailangan sa nutrisyon at pagkain ng lokal na komunidad.

Limang (5) Hakbang sa Pag-alam ng AI Generated Outputs

Gumamit ng AI detector tool.

Mayroong iba’t-ibang kagamitan sa pag-alam kapag ang isang output ay gawa ng AI o artificial intelligence. Tulad na lamang ng QuillBot, Scribbr, Copyleaks, GPTZero, at marami pang iba. Sa paggamit nito matutuklasan ng guro kung ang ipinasang proyekto ng mag-aaral ay nagmula o gawa ng kompyuter.

Paiba-ibang estilo, tono, at pagbabago ng panauhan.

Gumawa ng paghahambing sa paraan ng paggawa ng proyekto, tignan ang mga pinagkukunan, pagbabaybay, at paggamit ng argumento. May iisang paraan ang AI sa paggawa ng mga aralin, karaniwang hindi gumagawa ng makabuluhan ang binibigay na kinakailangan. May kakaibang paraan ng paggawa ang mga AI na mabilis na makilala.

Paggamit ng malalim na salita na paulit-ulit na makikita sa iisang gawain.

Pagpupuno ng kaparehing salita sa gawain ay isang palatandaan na hindi gawa ng estudyante ang proyekto dahil sa ilang pagsusubok na pagawin ang AI ng sanaysay na binubuo ng 250 words, 16 dito ang paulit-ulit na paggamit ng salita. Ayon sa pag-aaral ng Yoast SEO, hanggang 8 beses lang ang pag-uulit ng salita sa iisang gawain.

Kakulangan ng personal na opinion o damdamin.

Karamihan sa mga manunulat ay magbibigay ng mga personal na opinyon sa kabuuan ng kanilang pagsulat. Samantalang, ang AI ay nagbibigay lamang ng isang sagot na kulang sa pagpapakita ng nais ilahad ng isang mag-aaral. Karaniwang hindi ka makakahanap ng anumang emosyon o paniniwala.

Ugaliing mag fact-check.

Tinataas ang pulang bandera ng bawa gawain mula sa AI dahil karaniwang nagbibigay ito ng maling impormasyon sa kadahilanang hindi ito updated. Kung kaya’t kinakailangan na laging alamin kung tama ang mga nakasaad sa proyekto ng mag-aaral, dahil ang paggamit ng AI ay napakalapit sa pagbibigay ng lipas sa panahon na impormasyon.

agham at teknolohiya 13
Fritzee Tamahra B. Ocampo Xandra Aleza M. Palarca PANANALIKSIK. Ilang mag-aaral ng Tupi National High School pinamalas ang galing pagdating sa Thermosonic Science Investigatory Project..
ang sulyap • Ang Opisyal na Pampaaralang Pamahayagan ng Tupi National High School • South Cotabato Province Divison, Region XII Tomo XXVIBlg • AgostoMarso 2024 Science
Anti-AI agham at
12 iNdAY! Editoryal
Investigatory Project
teknolohiya
Nanoplastics: Ismol at Teribol Xandra Aleza M. Palarca N asa lahat ng dako sa ating pang araw-araw na buhay ang mga plastik na nagdudulot ng mga alalahanin sa kalusugan. Sa kasalukuyan, tinatayang 10 hanggang 100 beses na mas mataas ang nadiskubreng piraso ng mikroskopiko kumpara sa nakalipas na pananaliksik at natuklasan sa tubig na nasa bote ng plastik. Isang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Columbia at Rutgers Universities, nagpapakita na ang tubig na nasa bote ng plastik ay maaaring mas malala pa sa mga tuntunin ng maliliit na kontaminant ng plastik na maaaring pumasok sa daloy ng dugo. Ang mga microplastics ay nalilikha kapag ang mga plastik
Embattled Water Agham vs. Haka-haka

PINTIG. Sinkronisasyon sa pagsasayaw ang ipinakita ng tambalang MantileGabato na nakasungkit ng kampeonato sa Municipal Meet.

Cawatil, pinatumba si Ula sa Taekwondo

Dale Hanz Espiritu

Isang rumaragasang roundhouse kick ang pinalasap ni Julius Benedict Cawatil matapos itong namayagpag laban kay Ashley James Malida Ula mula Kablon NHS upang maibulsa ang kampeonato sa ginanap na Municipal Meet 2024, TaekwondoFlyweight Division sa Tupi Central Elementary School Gym, ika-6 ng Enero, 2024.

Pagsabak pa lamang sa mat ay agad na ipinamalas ng pambato ng Tupi na si Cawatil ang kanyang kumpyansa’t kahusayan sa pakikipaglaban nang pinakain niya ng mga maiinit na front at side kick combinations ang walang ganang depensa ni Ula .

Ilan sa mga sipa nito ay tumagos sa mukha ni Ula na tila ba natauhan na kailangan niyang tatagan pa ang kanyang depensa. Sunod-sunod na humahakot ng puntos si Cawatil habang ang tanging nagawa lamang ni Ula ay manood habang pinapalaki ni Cawatil ang agwat sa kanilang dalawa.

Hindi na lumingon pa si Cawatil at nagpakawala na ng iba’tibang kombinasyon ng sipa at di na binigyan pa ng oras si Ula para makaporma ng kanyang opensa, tuluyang dinomina ni Cawatil ang laban sa iskor na 18-5.

Gigil na bumawi sa pagsabak ng ikalawang round si Ula, sinulit niya ang bawat segundo sa pagpapahirap kay Ula. Nagpakawala siya ng mainit na axe at front kick combinations na nagpahirap ng husto sa kalaban.

Labag man sa kagustuhan ay napilitang isuko ni Ula ang kampeonato nang di na nito makayanan pa ang pagbabarag-barag sa kanya ni Cawatil, sa huli mas nangibabaw ang determinadong si Cawatil at na selyuhan ang laban at naiuwi ang ginto.

ARIBA!

Tambalang Mantile-Gabato kumembot sa dance sports, nasungkit ang kampeonato

John Gabriel Lamo mani ng parangal ang sina Althea Claire Mantile at James Rey Gabato sa ginanap na Modern Standard Category ng dance sports nakasungkit ng mga gintong medalya sa viennese waltz, quickstep, at foxtrot kaugnay sa isinagawang Municipal Meet noong Enero 5, 2023 na ginanap sa Tupi Central Elementary School, Bakas sa mukha ng dalawa ang determinasyon at pursigidong ipanalo ang kompetisyon, sa unang pitik at tugtog pa lamang pinamalas na nila ang kanilang galing sa pagsasayaw ng viennese waltz. Hataw kung hataw ang pinamalas ng mga mananayaw gayundin ang iba pa ngunit nangibabaw ang talento at sayaw na pinakita nina Mantile at Gabato.

Pagod man sa pagsasayaw kita pa din ang ngiti at saya sa bawat isa, sa pag uumpisa ng pangalawang kategorya na foxtrot ay hindi nagpasindak ang bawat isa na ipakita ang kanilang talento. Nagalab ang puso ng dalawa na makopo ang tagumpay kaya pitik na pitik itong humataw at ikot kung ikot ang kanilang pinamalas sa pagsasayaw. Takaw atensyon pa din ang dalawa sa mga hurado at manonood na nagresulta upang tuluyan nang makuha ang panlasa ng nakararami.

Naghanda ang lahat sa nalalapit na huling sayaw na quickstep, sa kabila ng pagod hindi nagpatinag ang lahat ng ipakita na nila ang kanilang huling kembot. Bigay todo na ang lahat subalit mas kapansin-pansin ang patalon patalon na pagsasayaw nila Mantile at Gabato na mas namukod-tangi sa lahat. Hindi kumupas ang kanilang enerhiya at patuloy na umarangkada gamit ang kanilang pag-indak sa tugtog at sa pagtatapos ng huling kategorya ay pinakita pa din ng dalawa ang kanilang determinasyong makopo ang matamis na tagumpay. Tuluyan nang sinelyuhan ng dalawa ang kompetisyon at hinakot ang tatlong gintong medalya. “Bilang isa manlalaro ng dancesports pera ang pinaka importante dahil hindi lahat ng kailangan ay maibibigay samin. Dance sports is my passion even if it’s hard to train and expensive too. I will still pursue and compete to gain experience,” saad ni Mantile. Dikdikan naman ang kanilang pag-eensayo sa nalalapit na Provincial Meet ngayong darating na Marso 20-21.

Descarial bumalaswak kontra Antipona, kasado sa Palarong Pambansa

Nangibabaw ang kamao ng South Cotabato na si Gleen Descarial matapos patumbahin ang Powerhouse ng General Santos City na si Rainer Antipona sa ginanap na SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association sa City Basketball Court Oval, ika-15 ng Mayo.

Sinimulan ni Descarial ang kampanya tungo sa inaasam na panalo ng rumatsada pagsapit ng pangalawang round ng labanan matapos magpakawala ng pamatay na jab upper cut combination na sumalubong sa sadyang marupok na depensa ni Antipona kadahilanan upang malugmok at matumba.

Dikdikang labanan ang naganap pagsapit ng unang round ng laro mahigpit ang depensa ng dalawang manlalaro subalit mas nanaig ang tangkad at reach ni Antipona kadahilanan upang mahirapang pumorma ng opensiba si Descarial at napanatili sa depensa.

Kalagitnaan ng unang round ay bahagyang naka bawi si Descarial at maayos na nakapag patama ng right

hook at right jab, agaran itong binawian ni Antipola ng mabibilis nitong jab at maayos na footwork. Kumamada si Descarial sa sumunod na round matapos mahanap ang tamang timplada ng laro,mala pader na depensa ang kanyang ipinamalas kasabay ang mabilis at maliksi nitong mga nakaw na jab at upper cut na naging malaking advantage niya at nag pa linlang sa depensa ni Antipona, nag patuloy ang pang gugulpi ni Descarial at matagumpay na mapatumba ang pambato ng Gensan. Nag patuloy ang labanan at bahagyang naidikit ni Antipona ang laro pagsapit ng huling round,naging dikit ang laro at parehong depensado ang dalawang manlalaro at bawian ng jab at hook, dapatwat lamang ay hindi naging kampante si Descarial at napanatili ang maayos na depensa at maiingat na atake.

“Happy ko kaayo kay ang dati pangarap ko lang krun nakuha

dagdag pa niya.

Dumagundong ang

at itinanghal na panalo si

decision, muling siyang

sa ring at aarangkada sa

na Palarong Pambansa na gaganapin sa Cebu City,Ika 6 hanggang 16 ng Hulyo.

Kick-In
AT LAKAS
Dale Hanz Espiritu TIBAY
PITIK! angsulyap
mata ng katotohanan kuna,”
SRAA Buzz
bell Descarial via split sasabak paparating PWERSA. Kicking 45 ang sinalo ni Ula mula sa black belter ng Tupi National High School na si Julius Catawil. Tomo XXVI - Blg I Agosto to Marso 2024

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.