Gimenez, 12-HUMSS 2, Filipino Portfolio

Page 1

Mga akademikong

Sulatin May Akda:

Gian Victor D. Gimenez

12- HUMSS 2


Talaan

ng

a g m

Nilalaman

1. Abstrak Abstrak ng pananaliksik na pinamagatang, “Antas ng Kaalaman ng mga Senior High ukol sa Intelektuwalisadong Wikang Filipino

2. Bionote Atty. Gian Victor D. Gimenez, tagapagsalita para sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng istrand na HUMSS ng Kolehiyo ng Sacred Heart

3. agenda Agenda para sa mga proyekto ng Brgy. Pag-Asa Sangguniang Kabataan

4. panukalang proyekto Panukalang Proyekto sa Valentine’s Raffle Draw

5. posisyong papel Hindi Damit Ang Sanhi ng Panggagahasa: Rape Culture at Victim-Blaming sa Pilipinas


Talaan

ng

a g m

Nilalaman

6. replektibong sanaysay Pelikulang Call Me By Your Name: “I Know Nothing, Oliver”, ani Elio

7. larawang sanaysay Paglayag Mula Sa Kloseta


ABSTRAK ABSTRAK A

ng Abstrak ay isang akademikong sulatin na ginagamit upang ibuod ang isang nabuong pananaliksik. Sa akademikong papel na ito makikita ang kaubuang pag-aaral, ang suliranin, metodolohiya, resulta, konklusyon at rekomendasyon ng akademikong papel. Nilalayon ng sulatin na ito na ibigay ang buod ng isang akademikong sulatin na at ilahad ang paksa nito. Bukod pa rito, ginagamit din ito sa pagsusulat ng report, lektyur, artikulo sa dyornal, pagsulat ng isang proposal sa isang aklat, pagpapasa ng research grants at iba pang mga sulatin na may kinalaman sa mga siyentipong paksa.


ABSTRAK ABSTRAK


PAMAGAT: Antas ng Kaalaman ng mga Mag-Aaral ng Senior High School Ukol sa InPAMAGAT telektuwalisadong Wikang Filipino

MANANALIKSIK: Abanilla et.al PAARALAN: Kolehiyo ng Sacred Heart TAGAPAYO: Gng. Victoria N. Macalinao L.P.T. PETSA: Abril, 2020 Isinagawa ang pananaliksik na ito upang matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral ng Senior High School ng Kolehiyo ng Sacred Heart tungkol sa intelektuwalisadong wikang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang masagot ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang demograpikong tala ng mga mag-aaral ayon sa: 1.1. kasarian; at 1.2. akademikong istrand? 2. Sa paanong paraan nakakaapekto ang paggamit ng intelektuwalisadong wika sa: 2.1. pag-aaral; 2.2. pang-araw-araw na pamumuhay? 3. Mayroon bang halagang pagkakaiba ng demograpikong tala ng mga mag-aaral sa antas ng kaalaman nila ukol sa intelektuwalisadong wikang Filipino? At 4. Sa katapusan ng pag-aaral, ano ang kagamitang maaring mabuo? Nilapatan ang pananaliksik ng kwantatibong pamamaraan kung saan ito ay may disenyong deskriptib. Upang makakuha ng datos mula sa mga mag-aaral, gumamit ang mga mananaliksik ng talatanungan upang matukoy ang antas ng kaalaman ng mga magaaral ukol sa intelektuwalisadong wikang Filipino. Sa resulta ng pag-aaral, lumabas na ang pahayag na “Ginagamit ko ang intelektuwalisadong wikang Filipino dahil nakapagbibigay ako ng maliwanag na panuto sa mga pakiusap” ang may pinakamataas na iskor na 3.47. Pinakamababa namang iskor na 3.3 ang nakuha ng pahayag na “Ginagamit ko sa pamilihan ang intelektuwalisadong wikang Filipino dahil mas pormal at tanggap ito ng lahat”. Bukod rito, lumalabas sa pag-aanalisa na may halagang pagkakaiba ang demograpikong tala ng mga mag-aaral sa antas ng kanilang kaalaman ukol sa intelektuwalisadong wikang Filipino. Sa pagtataya, lumabas na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na dapat gamitin ang intelektuwalisadong wikang Filipino dahil ito ay pormal gamitin, maliwanag sa panuto, at akademiko ang pagkakagamit ng mga salita.


BIONOTE Bionote A

ng Bionote ay isang akademikong sulatin na ginagamit upang ipakilala ang isang tao. Ito ay maaari ring gamitin upang ipakilala ang isang manunulat ng isang libro o isang personalidad nagbigay ng malaking ambag sa isang lara- ngan. Nilalayon ng sulatin na ito na ibigay ang buod ang akademikong career ng isang tao. Bukod pa rito, ginagamit ang ganitong sulatin sa pagpapakilala ng mga panauhin sa isang palatuntunan. Makikita rito ang personal na impormasyon, kaligirang edukasyon, at ambag sa larangang kinabibilangan ng nasabing tao.


Bionote


ATTY. GIAN VICTOR D. GIMENEZ. Si Attorney Gian ay nagtapos ng elementarya sa Mary Immaculate Parochial School, Macalelon, Quezon bilang Class Salutatorian. Matapos ang kanyang pamamalagi sa naturang paaralan, itinuloy niya ang pag-aaral ng sekondarya sa Kolehiyo ng Sacred Heart kung saan nakapagtapos siya ng With High Honors noong siya ay nasa ika-10 baitang. Ipinagpatuloy niya ang kanyang aral-paglalakbay sa iisang paaralan kung saan nakapagtapos siya ng Senior High School sa ilalim ng Humanities and Social Sciences Strand ng With High Honors. Bukod pa rito, siya rin ang naging katuwang na punong patnugot ng pahayagan ng paaralan, ang The Heartbeat. Sa pagtungtong niya sa kolehiyo, pumasok siya sa De La Salle University na may kursong Bachelor of Arts in International Studies, Major in European Studies kung saan naging miyembro siya ng pahayagan ng paaralan, ang The LaSallian at naging pangulo ng kaunaha-unahang organisasyon ng mga magaaral ng European Studies sa Pilipinas, ang European Studies Association. Dahil sa kanyang sipag at tyaga, nakapagtapos siya ng kolehiyo bilang Cum Laude sa naturang paaralan. At matapos ang tatlong taong pag-aaral ng nasabing undergradweyt na kurso, nag-aral siya ng abogasya sa parehong unibersidad kung saan nagtapos siya bilang Class Valedictorian at Bar Top Notcher, Rank 2 noong 2029. Isang taong sa pagiging abogado, namayagpag siya sa United Nations in International Court of Justice at pinangaralan ng Medal of Excellence in International Diplomacy ng United Nations Public Service Awards noong 2032.


AGENDA AGENDA

A

ng Agenda ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga paksa na tatalakayin sa isang pagpupulong. Binabanghay ng dokumentong ito ang mga manyayari sa mga nasabing pagpupulong.

Dahil sa kaligiran ng akademikong sulatin na ito, nagiging direksyon ng isang pagpupulong dahil ito ang nagsisilbing gabay kung ano ang patutunguhan ng pulong. Bukod pa rito, nilalayon ng sulatin na ito na ipabatid ang mga paksa, kaganapan, at organisasyon ng pagpupulong.


agenda


A dy e n da n g Pag pu pu lo n g Lokasyon: Brgy. Pag-Asa, Macalelon, Quezon, Barangay Hall Petsa: Ika-26 ng Pebrero (Biyernes) taong 2021 Petsa Oras: 9:00 n.u. hanggang 11:45 n.u. Oras Tagapangasiwa: SK Chairman Gian Victor Gimenez Tagapangasiwa AGENDA: AGENDA o Panimulang Panalangin o Panimulang Pagbati mula sa mga opisyal ng Barangay o Pagtala ng bilang ng mga dumalong kabataan o Pagpresenta at pagtalakay sa layunin o mga nais isagawa - DIY Pots Competition - “Click, Click, Click” Photography Contest - “Nutrisyong Kay Lusog” Cooking Contest - “May Pera sa Basura” Raffle - “Oplan: Kaligtasan ala First Aid Style” Seminar - “Youth, Ready for Work” Immersion - Mental Health Awareness Month Celebration - Barangay Education Scholarship Program o Pagtala ng mga patakaran at pagsasagawa o Pagpaplano para sa gagawing unang proyekto sa Barangay o Diskusyon para sa petsang pagkakasunduan para sa lahat ng proyekto Karagdagang Impormasyon at mga Paalala Pangwakas na Pananalita Pangwakas na Panalangin


Panukalang Proyekto A

ng Panukalang Proyekto ay isang akademikong sulatin na karaniwang ginagawa upang gumawa ng solusyon, interbensyon at pagbabago sa isang suliranin. Nilalayon ng sulating ito na makapaglatag ng proposal sa proyektong nais maipatupad at mabigyang lunas ang mga problemang kinakaharap ng komunidad. Bukod pa rito, ginagamit ang dokumentong ito para sa mga negosyo, investments, at iba pang mga larangan na ginagamitan ng mga proposal at proyekto.


Panukalang Proyekto


Panukalang Plano na “Valentine’s Raffle Draw” ng Kolehiyo ng Sacred Heart-SHS nina Jery Mae Abanilla, Chad Dimitri Gagasa, Gian Victor Gimenez, Gualbert Gideon Lagos, Shan Lawrence Medenilla, at Bea Marie Rama I. PROPONENT NG PROYEKTO: Kolehiyo ng Sacred Heart- Senior High Executive Council (SHEC) II. PAMAGAT NG PROYEKTO: “ Valentine’s Raffle Draw” ng Kolehiyo ng Sacred Heart-Senior High School III. PONDONG KAILANGAN: Php 2,220.00 IV. RASYONAL: Dahil sa patuloy na pagdami ng basura sa paligid at sa darating na Araw ng mga Puso, dodoble ang dami ng mga nakakalat na mga plastik at iba pang basura mula sa mga regalo kaya nabuo ang proyektong ito. Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapag-ambag ng kaayusan at kalinisan sa kapaligiran dahil ito ang natatanging paraan upang mabawasan ang malalang epekto ng polusyon. Ito rin ay para madisiplina ang bawat kabataan at sila ay maging responsable sa pagtapon ng kanilang mga basura. V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO Deskripsiyon Ang Raffle Draw sa Araw ng mga Puso ng Kolehiyo ng Sacred Heart ay isang gawain kung saan bibigyan ang mga mag-aaral ng ticket stubs sa bawat pagkakataong magtatapon sila ng basura sa tamang basurahan.


Sa aktibiti na ito, ang maswerteng mapipili sa raffle ay mananalo ng Dinner for 2 sa McDonald’s. Layunin Layunin ng aktibidad na ito na mapangalagaan at mapanatili ang kalinisan sa kapaligiran dahil unti-unti nang nasisira ang kalikasan at paniguradong sa darating na Araw ng mga Puso, samu’t saring balat ng tsokolate, bulaklak at iba pa ang kakalat sa paligid kung kaya’t kinakailangang maitapon ito sa tamang basurahan. VI. KASANGKOT SA PROYEKTO o Sacred Heart College- Senior High Executive Council (SHEC) o Classroom Presidents o Mga mag-aaral ng Senior High School ng Kolehiyo ng Sacred Heart VII. KAPAKINABANGANG DULOT Ang pagsalba ng kalikasan ay isa sa mga matagal nang adhikain ng Kolehiyo ng Sacred Heart. Dahil sa patuloy na pagdami ng basura, patuloy ding nababawasan ang kalinisan ng kapaligiran kung kaya’t nasisira ang mundo. Bukod pa rito, dumodoble ang bilang ng mga basura sa tuwing pumapatak ang mga mahahalagang araw ng taon tulad ng Valentine’s Day, pasko, at iba pa. Kaugnay nito, sa paghihiwalay ng mga nabubulok at ‘di-nabubulok na basura, natutulungan ang mga tagapagbantay ng kalinisan ng paaralan na hindi makain masyado ang kanilang oras sa pagse-segregate ng mga basura. At dahil dito, mahalagang madisiplina ang mga mag-aaral pagdating sa pagtatapon ng kanilang mga kalat kung kaya’t malaki ang kapakinabangan ng nasabing proyekto sa paghubog ng magandang asal sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Kolehiyo ng Sacred Heart.


VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA Petsa

mga gawain

Pebrero 1, 2021

Pagsusumite ng sulat sa pag-aapruba ng proyekto.

Pag-apruba ng Pebrero 2-5, 2021 Bis e -Pre s idente para sa SDWEL sa isinumiteng sulat. Pagbili ng kagaPebrero 6, 2021 mitan na gagamitin sa proyekto.

pangalan

(ng kung sino ang gagawa)

lugar/ lokasyon

SHEC

SHC-SHS Building

Bise-Presidente para sa SDWEL

SHC SDWEL Office

SHEC

Sunlife Bookstore at Lucky Bookstore

Paggawa ng mga Pebrero 8-12, 2021 ticket stub para SHEC, Classroom sa entry ng mga Presidents kasali. Pagdikit ng mga Pebrero 13, 2021 poster, pagdi-distribyut ng mga ticket stub, mga SHEC kahong paglalagyan ng stubs, at pagsasaayos ng roleta para sa raffle. Pebrero 14, 2021- Pormal na pag7:00 AM- 4:30 PM sasagawa ng SHEC proyekto.

SHC-SHS Building

SHC-SHS Building

SHC-SHS Building


Petsa

mga gawain

Pebrero 14, 2021 5:30 PM

Raffle draw ng mga stub at pag-aanunsyo ng mga nanalo.

pangalan

(ng kung sino ang gagawa)

lugar/ lokasyon

SHEC

SHC-SHS Building

IX. GASTUSIN NG PROYEKTO Upang maisakatuparan ang proyektong ito, tinatayang gagastos ang departamento ng Senior High ng Kolehiyo ng Sacred Heart ng halagang Php 2007.00 dahil sa mga sumusunod na kagamitan na syang gagamitin upang magawa ang proyekto: kagamitan Long Colored Paper Assorted- Ream

halaga x piraso Php 475.00 x 1

kabuoang presyo Php 475.00

Epson Printer Ink- Black

Php 218 x 1

Php 218.00

Epson Printer Ink- Cyan

Php 218 x 1

Php 218.00

Epson Printer InkMagenta

Php 218 x 1

Php 218.00

Epson Printer Ink- Yellow

Php 218 x 1

Php 218.00

Php 110 x 6 orders

Php 660.00

McDonald’s 1 Piece Chicken with Rice

KABUOANG PONDONG KAILANGAN Inihanda nina: GIAN VICTOR GIMENEZ SHEC, Presidente

Php 2007.00


JERY MAE ABANILLA SHEC, Bise-Presidente BEA MARIE RAMA SHEC, Kalihim SHAN LAWRENCE MEDENILLA SHEC, Tagaingat- yaman CHAD DIMITRI GAGASA SHEC, Awditor GUALBERT GIDEON LAGOS SHEC, PRO Naitala ni: RAYMOND R. LLAGAS Gurong Tagapayo, SHEC Nagrerekomenda ng pag-abruba: G. RAMON V. URIARTE Punong-Guro Inaprubahan ni: G. NARCISO G. CRUZAT, JR. Bise-Presidente para sa SDWEL


posisyong Papel A

ng Posisyong Papel ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga opinyon, saloobin at pananaw ng isang manunulat. Ang papel na ito ay karaniwang nagpapatungkol sa pulitika, batas, akademya at iba pang mga isyu. Nilalayon ng sulatin na ito na makapanghimok sa mga mambabasa na panigan ang perspektibong patungkol sa tinalakay na paksa sa tulong na rin ng mga ebidensya ng kanyang posisyon. Bukod pa rito, nilalayon nito na makaimpluwensya sa mga mambabasa na kumilos upang wakasan ang mga suliranin sa lipunan.


Posisyong Papel


Hindi Damit Ang Sanhi ng Panggagahasa

V

Rape Culture at Victim-Blaming sa Pilipinas ni Gian Victor D. Gimenez

ictim-blaming, isang salita na nagdadala ng poot at hinagpis sa mga taong nakaranas nito. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay ang biktima ng isang anumang paraan ng pananakit ang may sala kung bakit siya nakaranas noon. Na dahil sa salitang ito, patuloy ang pagsulpot ng usapin hinggil sa mga kaso ng panggagahasa, sa kung sino ba talaga ang may sala: ang damit na naging dahilan, ‘di umano ng pag-udyok ng kaso o ang rapist mismo? Naging dahilan ng karamihan ang pagsabi na damit ang dahilan kung bakit natitipuhan ng isang lalaki ang pagkuha ng kapurihan ng isang tao ngunit para sa akin ay isa itong argumento na hindi na kailangan pa na pag-usapan– isang argumento na wala ng punto at walang ipinaglalaban. “Kayo naman mga gherlsz, wag kayo magsusuot ng pagkaili-ikling damit at pag naman nabastos ay magsusumbong din sa amin. Isipin nyo rin,” saad ng Lucban Municipal Police Station noong Hunyo 11, 2020 sa kanilang Facebook post. Sa dinadami ng mga tao na maaaring magsabi nito, napakalaking problema kung mismong ang mga taong siyang inaasahan na magtanggol sa iyo ang mag-iisip ng ganito sa kapwa. Tinuruan tayo ng ating mga magulang at guro na kapag may nag-argabyado sa iyo, isumbong mo sa pulis pero paano tayo magsusumbong sa pulis kung may ilan sa kanila na ganito ang takbo ng isipan? Bukod dito, ipinahayag ni Ben Tulfo sa kanyang tweet naka-angkla ay Frankie Panglinan na dapat maging maingat ang kababaihan sa kanilang mga isinusuot dahil ang pag-iisip ng mga rapist patungkol sa kanilang gustong gawin ay palaging nandyan. At sa kabila ng batikos, pinasadahan ito ni Pangilinan na ang pananamit ay kahit kailan hindi naging oportunidad o naging pinto upang makapang-akit ng sexual assault at ang kultura ng rape sa bansa ay produkto ng maling pag-iisip ng kalalakihan.


Ayon sa Republic Act 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997, masasabi na ang isang kaso ay rape kung ang pagtatalik ay dahilan ng pananakot, wala sa katinuan ang biktima, paggamit ng awtoridad at kung ang edad ng biktima ay labindalawa (12) pababa kahit wala sa mga nauna nabanggit ang nangyari. Ibig sabihin lamang nito na ang pakikipagtalik ng walang permiso mula kahit sa iisang tao mula sa kanilang dalawa ay isang uri ng panggagahasa. Kaunay nito, kinasuhan ang isang ama sa Cebu matapos halayin nito ang kanyang apat (4) na buwan na anak na siyang nakasuot ng diaper lamang. Masasabi na wala sa katinuan ang amain ng sanggol na siyang biktima na panggagahasa sapagkat hindi na suot ng bata ang may dahilan kung bakit siya ginalaw at kailanman, hindi naging kasalanan ng sanggol na nagkaroon ng motibo ang kanyang tatay na halayin siya. Kung kaya, hindi maipagkakaila na hindi ang pagsusuot ng maikling damit ang rason kung bakit mataas ang kaso ng rape sa bansa sapagkat ang kakitiran ng pag-iisip ng mga taong ito ang siyang puno’t dulo ng problema. Kailangan tanggapin ng bawat isa na ang damit na isinusuot ng isang tao ay hindi isang uri ng permiso upang pagtangkaan ng masamang gawain dahil ito ay isinuot sa kung ano ang ekspresyon ng taong may gusto nito. Sa katunayan, tayo lang naman ang gumagawa ng isyu patungkol sa isang bagay dahil hindi tayo sang-ayon dito ngunit kailangan matutunan ng lahat na ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng paglalahad ng kanyang nararamdaman at isa na rito ang mga damit kung kaya’t walang karapatan ang iba na pumuna sa suot ng isang tao dahil lamang sa hindi sila sanay o hindi ito pasok sa “standards” na mayroon sila. Mapalalaki man o babae, bata o matanda, hindi damit ang dahilan sa pag-usbong ng mga kaso ng rape sa bansa dahil ang rason nito ay ang motibo ng rapist. Na kahit anong gawin niya, hindi niya maaaring sabihin na nagkaroon siya ng interes na gawin angpanghahalay dahil sa suot ng babae sa kadahilanang wala siyang kaugnayan sa kung ano ang gustong suotin ng taong kanyang ginahasa. Bukod pa rito, ang kultura ng rape at victim-blaming ay kinakailangan


ng mawala sa kultura ng mga Pilipino sapagkat ang ganitong uri ng pag-iisip ay hindi kailanman makapagdudulot ng magandang kinabukasan para sa buong sambayanan sapagkat mamumutawi ang takot at pangamba ng mga mamamayan na ipakita kung sino talaga sila sa pamamagitan ng damit dahil sa mga taong nananamantala nito.


replektibong Sanaysay A

ng Replektibong Sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng kaalaman tungkol sa reyalisasyon o repleksyon ng may akda patungkol sa isang paksa na tinatalakay, nabasa, o napanuod na naipapakita sa bisa ng isip ng awtor.

6

Nilalayon ng sulatin na ito na maihatid sa mga mambabasa ang kanyang damdamin patungkol sa isang akda o palabas at ito ay naglalayon din na mailarawan ang karanasan sa pamamagitan ng sulating ito.


Replektibong

Sanaysay


Pelikulang Call Me By Your Name: “I Know Nothing, Oliver,” ani Elio ni Gian Victor D. Gimenez

M

arami sa atin ang nagtataka kung bakit ang daming bagay sa mundo na hindi natin maipaliwanag. Sadya lang bang hindi pa natin ito nalalaman o sila mismo ang umaayaw upang malaman ito? At sa dinami-dami ng pagkakataon, malalaman mo nalang na ikaw pala yung takot malaman ang katotohanan. Na dahil sa takot na iyon, ang daming pagkakataong natapon, pati ikaw naging patapon. Taong 2017 namayagpag sa buong mundo ang pelikula ni Luca Guadagnino na “Call Me By Your Name” na siyang sinulat ni André Aciman. Isa itong pelikula na tumatalakay sa paggising ng puso mula sa mahimbing na pagkakatulog— pag-ibig? Masasabi dahil sa muling pagbukas ng puso ay siyang pagkakataon upang magmahal ito ng lubos; higit sa inaasahan ang kanilang wagas na pagmamahalan. Makikita sa pelikula na puno ng pag-iisip ang bidang si Elio tungkol sa kanyang tunay na nararamdaman para kay Oliver, na sa tuwing magdidikit ang kanilang mga balat ay umiiiba ang kabog ng puso ni Elio para sa kanya. Ngunit, dahil sa pangamba at pagtanggi sa katotohanan, mas lalong naging mahirap para sa kanya tanggapin ang mga bagay-bagay. Na kahit alam nya na ito ang nararapat, ito ang magpapasaya sa kanya at ito magbubuo sa kakulangan niya, pinili parin niyang itago ang nararamdaman at umamin kung kelan maghihiwalay na sila ng landas. Masakit isipin na dapat pala noong una palang ginawa mo na ang mga bagay na makapagpapasaya sayo kesa ngayon na hanggang “sana” ka nalang. Ang tanging gagawin mo nalang ay tanggapin na hindi na pedeng ibalik ang oras.


Nang dahil sa pelikulang ito, bumalik sa akin ang mga alaala kung kelan hindi ko maamin sa sarili ko kung sino ba talaga ako. Dumaan ang mga mapapait na tao kung kailan nagtago ako sa dilim dahil sa parehong takot na naranasan ni Elio. Bilang parte ng LGBTQ+ Community, napakahirap mag-ipon ng lakas ng loob na kumawala sa bigkis ng kadenang nagpapahirap sa aking nararamdaman dahil ang daming mga bagay na gusto kong sabihin pero hindi ko magawa dahil sa pangamba na baka hindi nila ako maintindihan. May mga pagkakataon na nakatitig na lamang ako sa kawalan dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na aamin na ako. Sa katunayan, hindi mabibilang sa mga daliri natin kung ilang beses ako nagtangka umamin sa mga magulang ko pero dahil sa simple nilang tanong na “Bakla ka baga?”, nailabas ko na rin ang pakpak at emosyon na kinikimkim ko sa nagdaang mga taon. Sa katunayan, napakaswerte ko dahil biniyayaan ako ng mga magulang na sobrang maunawain at mapagmahal kung kaya’t hindi ako nahirapan ipaliwanag sa kanila ang kung sino talaga ako. At dahil din sa kanila, nabigyan ako ng tibay ng loob na ipakita sa mundo kung sino talaga si Gian Victor D. Gimenez– matapang, may tibay ng loob, at ipinagmamalaking miyembro ng kaharian ng bahaghari. Dahil na rin dito, napagtanto ko nang tuluyan kung gaano kaganda ang mundo at kung gaano kasaya para sa isang tao na tanggapin siya ng buong-buo. Tulad ni Elio na sabik sa pagtanggap sa katotohanan, naranasan ko rin ang magliwaliw sa sariling isipan sa mga “paano” at “kung”. At sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay patungo sa hinaharap na siyang pinaghihirapan kong makamtan. Hindi rin ako titigil sa pagtakbo sa pagkamit ng aking mga pangarap sa kabila ng kritisismo ng tao dahil wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin nila. Mahal ko ang sarili ko at sapat na iyon para patunayan ko sa sarili ko na hindi ako basta-basta magpapatalo sa sinasabi ng iba dahil pinalaki ako


nang may takot sa Diyos at ang mga gawain ko ay direktong naka-anggulo sa Kanyang kabutihan. Ipagpapasa-Diyos ko na lamang ang pagdating ng panahon kung kailan hindi na tutuligsain ang bawat miyembro ng LGBTQ+ Community, kundi ay tanggapin at mahalin dahil pare-pareho tayong tao na may karapatang magmahal at matanggap.


Larawang Sanaysay

7

A

ng Larawang Sanaysay ay isang akademikong sulatin na nagkukwento o nagbabahagi ng damdamin ng isang awtor patungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng mga larawan. Dahil sa mga larawan na ito, mapapabatid sa mga mambabasa ang mensahe ng may akda sa paksang tinalakay gamit ang mga larawan na maingat na isinaayos . Nilalayon ng sulatin na ito na makapagbigay ng aliw, mangatwiran, at magsalaysay ng mga detalye na umiikot lamang sa mga larawan.


Larawang Sanaysay


P a g l aya g mula sa

Kloseta

Pagkamulat

S

a pagmamasid ng isang musmos sa mundong kanyang ginagalawan, nakita niya na may

mas malalim pa pala na kahulugan ang katagang “kasarian” at ang batang ito ay ako.

Dahil dito, nabigyan ako ng panibagong kahulugan sa salitang

bahaghari.


Pagsisid

M

ula sa panonood ng mga runway shows mula sa mga sikat na pagawaan ng sapatos, damit, at bag, kumukulay ang mundong dating madilim at walang kabuhay-buhay. Marahil, napakaraming bagay na hindi natin napapansin na sya palang kaparte ng kultura ng LGBTQ+ Community dahil sa angking pagkamalikhain ng mga miyembro nito ngunit ang pag-ibig, fashion, at pagsuong sa malalim na komprehensyon nito ang nagpaintindi sa akin na makulay pala talaga ang mundo.


Pagkatakot

N

ang dahil sa takot na baka hindi ako tanggapin sa kung sino talaga ako dahil sa pagiging “iba” ko sa ibang kabataan, pinilit kong magtago kung sino talaga ako. Sa katunayan, napakalaki ng epekto ng takot sa bawat isa dahil ito ang nagiging dahilan kung bakit hindi natin masabi kung sino talaga tayo. Dahil sa takot na ito, nakakagawa tayo ng kadena na bumibigkis sa ating pagkatao. Imbes na putulin ito, tayo lamang ang naghihigpit sa mga ito.


Pagbangon

A

t sa bawat buhos ng malalaking ulan na nagpahina sa ating pagkatao, darating ang panahon na ang araw naman ang sisikat ng pagkaliwanag. Tapos na ang

panahon ng pag-iyak sapagkat kailangan sa buhay natin na harapin ang katotohanan at ipagmalaki sa mundo kung sino ka dahil ito lamang ang magpapalaya sa bawat isa.


Pagtanggap

A

ng pamilya mo ang unang tatanggap sayo dahil sila ang tunay na nagmamahal sayo. Kahit anong pasakit pa yan, sila ang unang dadamay sa mga problema mo

dahil kilala ka nila bilang ikaw. Isa ako sa mga taong nakaranas ng pighati sa aking kasarian ngunit dahil sa katangapan, isa na ako sa mga testimonya na ang tunay na kaligayan ay natatagpuan sa kaibuturan ng puso at ang tutulong sayo na makita ito ay ang iyong mismong pamilya na mahal na mahal ka kahit sino at ano ka man.


Sanggunian:

o https://weheartit.com/entry/64761232 o https://www.pinterest.ph/pin/338825571943957942/ o https://www.pinterest.ph/pin/662240320189636142/ o https://wholesalermasterminds.com/2011/12/theres-always-a-crack-in-the- door-for-wholesalers-to-get-through/ o https://www.pinterest.ph/pin/375558056431149651/ o https://i.pinimg.com/originals/94/6e/4c/946e4c f0220453085e2324a423cf3e74.jpg o https://www.pinterest.ph/pin/843862048924269825/ o https://www.pinterest.ph/pin/611152611911643946/ o https://www.pinterest.ph/pin/622130136024262984/ o https://www.pinterest.ph/pin/315885361339005395/ o https://www.pinterest.ph/pin/846395323708378776/ o https://www.pinterest.ph/pin/327918416601252948/ o https://www.pinterest.co.uk/pin/220465344245173567/ o https://www.pinterest.co.uk/pin/36521446948350110/ o https://www.pinterest.co.uk/pin/313844667785613562/ o https://berserkon.com/img/get o https://canvasx.net/products/rainbow-hand-fist-canvas-art o https://pathfindersforautism.org/articles/home/parent-tips-telling-your- kids-youre-getting-a-divorce/ o https://www.peacefulparent.com/why-do-many-parents-struggle-to-cope- with-their-childs-cries/ o https://www.pinterest.co.uk/pin/383861568238832665/ o https://www.pinterest.co.uk/pin/538039486736566661/ o https://blog.solsticebenefits.com/solstice-member-blog/treatments-for- teens-who-want-to-whiten-their-teeth o https://showsnob.com/2020/06/25/love-victor-finale-recap-spring-fling/ o https://www.freepik.com/premium-photo/lgbt-couple-hands-join-togeth er_4538436.html o https://www.pinterest.ph/pin/440789882278799005/


Gian Victor D.

Gimenez


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.