TAWA-TAWA
Title: TAWA-TAWA Size in Inches: 30 x 15 Medium: Graphite on tea toned paper and mixed media
Matatagpuan sa gilid ng kalsada, Mabalahibong mga sanga, Gatas-gatas ang tawag ng iba, Makapangyarihang katas ang ipinapakita. Hindi tatablan, Paghinga ay gagaan, Sakit sa balat ay malulunasan, Problema’y mababawasan.
PANSIT-PANSITAN
Title: PANSIT-PANSITAN Size in Inches: 30 x 15 Medium: Graphite on tea toned paper and mixed media
Mga dahong hugis puso, Sa gilid-gilid ay tumutubo. Mga sangang tumatakbo, Mabilis at hindi nahahapo. Buto’t kalamnan, At katawang paguran. Sabawan o pakuluan, Kalusugan ay ingatan.
TANGAN-TANGAN
Title: TANGAN-TANGAN Size in Inches: 30 x 15 Medium: Graphite on tea toned paper and mixed media
Masakit na ulo, Masakit na buto-buto. May mahiwagang langis ang mga buto, May hatid na ginhawa ang mga dahon nito. Biyaya ng kalikasan, Sakit ay kayang bawasan, Kirot ay kayang lunasan, Sa tulong ng tangan-tangan at tamang kaalaman.
IPIL-IPIL
Title: IPIL-IPIL Size in Inches: 30 x 15 Medium: Graphite on tea toned paper and mixed media
Ang ipil-ipil, Sa gilid ng pilapil. Bawat sanga’y hitik sa bunga, Bawat bunga’y may hatid na ginhawa.