Ang Dahong Ginto News Paper 23-24

Page 1

ANG

DAHONG GINTO

LITRATO MULA SA BCIHS Magbasa na DEAR. CATCH UP friday, naimplementa noong ika-12 ng Enero 2024. Bilang pakikiisa, Gng. Marites Manalo sinimulan ang paggabay sa pagbasa ng mga magaaral mula sa HUMSS 1 ika-12 grado.

Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Rehiyon 4A-CALABARZON Agosto 2023-Enero 2024 TOMO XXI Bilang 1

PINAIGTING

PAHINA BILANG 10

SIMOY NG KASAGANAHAN

DEAR NONREADERS: Hahasa ng kahinaan sa pagbasa Rey Andrew Trafalgar

I

nilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Catch- up Friday na may temang Drop Everything and Read na layuning solusyunan ang kahinaan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa panuruan 2023-2024 na inimplementa ngayong Enero. Ito ay upang solusyunan ang umabot ng 29.34% na bilang ng mga mag-aaral na nasa lebel ng frustration o may kahinaan sa antas ng pagbabasa o mga non-readers ayon sa panimulang pagtataya sa antas ng pagbasa na isinagawa ng mga kaguruan sa Filipino ng Batangas City Integrated High School. Tumaas ito sa kasalukuyang taong panuruan at ito ang binibigyang-aksyon ng mga gawain sa pagbasa na naglalayong malinang ang kawilihan

at pagkukusa ng mga mag-aaral sa pagbabasa na pinangungunahan ng Reading Coordinator sa Filipino ng paaralan, Bb. Princess Reycel L. Papa na sinusuportahan ng mga guro at puno ng Kagawaran, Gng. Recely L. Papa at punongguro Gng. Aida C. Gutierrez. “Taon-taon ay hindi maiiwasan ang mga hamon sa pagbasa. Bilang Reading Coordinator sa Filipino ng ating paaralan ay patuloy ang pagsunod namin sa mandato ng DepEd. Marami namang ginagawa ang mga guro upang paangatin at linangin ang kakayahan sa pagbabasa ng mga mag-aaral,” ani Bb. Papa, Reading Coordinator sa Filipino. Itinalaga ang Nobyembre bilang Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa. Sa buwang ito ay

nagkaroon ng Kick-Off Program na pinangunahan ng Kagawaran ng Ingles at Filipino. Nagkaroon din ng mga gawain tulad ng Share A Book Drive, Book Buddy, Book Talk, Book Report at Culminating Activity para sa pagpapaunlad ng kagalingan at kakayahan sa pagbabasa ng bawat mag-aaral. Buong buwan ng Enero ay magkakaroon ng proyektong DEAR kung saan tuwing Biyernes ng Enero ay magbabasa ang mga mag-aaral ng mga itinalagang reading materials kasunod nito ang ibaibang gawaing may kaugnayan sa binasa upang higit na mapataas ang antas ng pagbasa. “Salamat po sa aking mga guro at sa mga taong tumutulong sa akin para matuto akong magbasa. Nahihirapan po talaga ako sa pagbabasa dahil po

sa dalawang taon po ako sa aming bahay lamang kaya po walang nagturo sa akin para makapagbasa ng ayos. Ngayon po ay nakakapag-utay na po ako magbasa,” pahayag ni Ann, estudyante sa paaralan (hindi niya tunay na pangalan). “Sana ay makatulong ang mga programa ng DepEd upang pataasin ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral. Kami ay palaging susunod sa mandato. Kaso sana ay mabigyan talaga ng tamang solusyon sa pamamagitan ng paghihire ng mga reading teachers sa paaralan na talagang tututok sa mga struggling o catch-on readers sa paaralan,” pahayag ni Gng. Aranez, guro sa Filipino. Patuloy ang pagsusumikap ng bawat guro upang mapataas ang antas ng pagbasa ng mag-aaral.

Instagrammable na Pathway, itinampok

Dahil sa kakulangan ng mga aklat sa silid-aklatan, Google gamitin ng mga Banahista

Hans Jarell Almirol

D

ahil sa kakulangan ng mga aklat sa silid-aklatan ng Batangas City Integrated High School, Google pa rin ang nananatiling gamitin ng mga Banahista. Tinatayang 85 na bahagdan o mahigit 6,500 impormasyong galing sa tao na may 3.5%, 2% sa estudyante ng paaralan ang kumukuha ng mga social media apps, dyaryo na may 1% at panghuli impormasyon at iba pang kagamitan sa pag-aaral ay sa libro na may 0.5%. sa internet partikular na sa Web Search Engine na Mababatid na Google ang pangunahing Google. takbuhan ng mga Banahista sa tuwing may Ito ang lumabas sa isinagawang pagtataya ng kailangang detalye o impormasyon na makatutulong Ang Dahong Ginto noong Enero 3 - 25, 2024 sa loob sa kanilang pag-aaral. ng paaralan. Dahil dito, patuloy na gumagawa ang pamunuan “May napadagdag na mga bagong libro pero ng paaralan upang masolusyunan ang problema di gaanong bago. Kailangan pa natin ng bagong sa mga aklat sa pamamagitan ng mga opac at libro. Kailangan pang makahanap ng stakeholders o websites na pinagagamit nila sa mga mag-aaral. alumni na may malasakit sa aklatan o pagbabasa”, “Napakahirap kapag walang aklat sa silid-aklatan pahayag ni Gng. Marilou Garcia, ang head librarian lalo na kung may mga assignment sa research. ng BCIHS. Wala talaga kaming makuha sa library kundi sa Sa pamamagitan ng mga search engine at iba Google na lang”, pahayag ni Blesica Macatangay pang applications, mas madaling nakakakuha ng ng G12 HUMSS 7 hinggil sa kakulangan ng aklat. impormasyon na makatutulong sa gawain ng isang Sa kabilang banda, mababatid na mayroon estudyante upang magkaroon ng kamalayan sa pa ring ilang mag-aaral na hindi abot-kaya ang nangyayari sa kapaligiran. magkaroon ng internet dahil ng kakapusan sa Sa 25% na populasyon ng BCIHS, 20% magperang panload at kawalan ng internet connection aaral ang kumukuha sa Google, sumunod ang sa mga tahanan.

Google 20%

agkatapos ng anim na taong pag-aaral, desidido na ang mga mag-aaral ng Batangas City Integrated High School sa tatahaking karera pagkatapos ng SHS. Tinatayang 69 bahagdan o mahigit 273 estudyante ang nagsabing tutuloy sa kolehiyo sa kani-kanilang piniling unibersidad. Samantala, may 22 porsyento naman o 90 mga mag-aaral ang may planong pumasok sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) pagkatapos ng graduation at may 5 porsyento o 15 na mga SHS naman ang piniling magtrabaho bilang karugtong ng kanilang daan matapos ang senior high school. Mayroon namang 3 porsyento o 13 na mga estudyante ang hindi pa desidido sa kanilang tatahaking karera samantalang 0.5 bahagdan o 2 SHS na mag-aaral ang titigil na sa pag-aaral dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Ito ang lumabas sa isinagawang pagtataya ng

Ang Dahong Ginto noong Enero 3 - 25, 2024 sa mga piling mag-aaral sa SHS. Mababatid na malaking porsyento pa rin ng mga mag-aaral ang desididong magpatuloy ng kolehiyo at magtapos ng pag-aaral. Isa itong magandang indikasyon na bukas ang isip ng mga mag-aaral sa pagtatamo ng magandang edukasyon para sa magandang kinabukasan. “Nakakatuwa at aware ang mga mag-aaral at gusto talaga nila na magkaroon ng magandang kinabukasan. Effective ang mga ginagawang kampanya ng paaralan sa information dissemination upang itanim sa puso ng mga SHS na dapat silang magtapos ng kanilang pag-aaral upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Naitanim ng bawat isang guro ang value ng education sa mga learners,” pahayag ni Dr. Rogelio Canuel, Coordinator ng SHS.

Tao 3.5%

2%

Dyaryo 1%

Mga Mag-aaral sa SHS, desidido na sa tatahaking landas

P

B

MGA PINAGKUKUNAN NG IMPORMASYON

Social Media

Hans Jarell Almirol

Libro 0.5%

Rey Andrew Trafalgar

“Sa anim na taon ko po dito sa BCIHS, laging sinasabi sa amin ng aming mga guro na mag-aral nang mabuti upang makatapos po kami ng pagaaral at magkaroon ng magandang kinabukasan,” pahayag ni Angela Hernandez, mag-aaral sa SHS at magtutuloy ng kolehiyo sa napiling kurso. Samantala, naghahanda na ang pamunuan ng paaralan para sa taunang Career Guidance Orientation sa mga mag-aaral ng Grado 12 na pangungunahan ng coordinator ng SHS, Dr. Rogelio D. Canuel, at coordinators ng bawat strand kasama ang Guidance Counseling Office at mga gurong tagapayo. Bukod sa Career Guidance Orientation ay magkakaroon din ng Work Immersion ang mga mag-aaral sa Grado 12 kung saan ay lalabas sila ng paaralan at gagampanan ang trabahong iaatang ng kanilang mapipiling kompanya sa susunod na semestre ng taong panuruan.

inuksan na sa publiko noong Enero 15, 2024 ang Instagrammable na Pathway ng Batangas City Integrated High School sa pamamagitan ng isang ribbon cutting ceremony na pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha, DepEd Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban, Punongguro ng paaralan Gng. Aida C. Gutierrez at binasbasan ni Fr. Vic Cisneros. Ayon kay City Environment Officer Oliver Gonzales, inayos ang 500 metrong kahabaan ng paligid ng naturang paaralan kasama ang pagpapaganda nito, paglalagay ng disenyo, mga halaman at solar lamp. Matatagpuan din ang dalawang public toilets na maaaring magamit ng mga PUV drayber. Nakiisa rin sa nabanggit na okasyon ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, Department Heads, Division Chiefs ng pamahalaang lungsod at mga opisyales ng Barangay ng Poblacion 19. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Punongguro ng BCIHS na nangakong tutulong sa lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng pathway na ito. “Malaking tulong ang pathway na ito sa aming mga mag-aaral upang makarating sila ng ligtas sa paaralan. Maganda rin ang pathway na ito at talagang pinaglaanan ng budget ng pamunuan ng lungsod kaya naman pakiusap ko na sana ay ingatan ito, huwag gagawa ng anumang vandalism na ikasisira nito,” pahayag ni Gng. Gutierrez. “Nagulat din kami sa kinalabasan ng pathway na ito. Natatangi ang mga mural paintings, mga halaman at kita mo na talagang inayos ang lugar. Magiging komportable na ang paglalakad ng mga mag-aaral patungo sa paaralan. Sana lang talaga mamaintain ang kaayusan ng lugar. Iwasan sana ang vandalism at siguraduhing huwag gagawing tambayan ang lugar,” ani Gng. Crizalyn Patolot, guro sa BCIHS. Inaasahang pangangalagaan ng paaralan ang streetscape.


02

balita

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

Kinulang man sa mga resources,

DG Staffers, nagpakitang gilas sa DSPC 2023 Chrisha Lyka Falculan

K

LITRATO MULA SA BCIHS MULING PAGNINGNING NG BANAHISTA Malaki ang naging tagumpay ng mga mag aaral mula sa Batangas City Integrated High School (BCIHS) sa ginanap na Division School Press Conference 2023 na ginanap noong ika-27 ng nobyembre at Disyembre 1 2024. May 18 na nakasama sa kapeonato, tatlo ang nakakuha ng unang pwesto na nag bigay kagalakan sa paaralan lalong higit sa punong tagapayo ng dyaryo, Dr. Diona Gualter.

Simpatya ng Banahista kay Duterte, Bumaba Sofie Marielena Roxas

B

umaba ang simpatya ng nakararaming Banahista sa pamamahala ni Pangalawang Pangulong Sara Z. Duterte bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa bansa batay sa resulta ng survey na isinagawa ng Ang Dahong Ginto noong Enero 3-17, 2024. Matatayang 40% ng Banahista mula sa 1,000 mag-aaral ang kuntento, 60% ang hindi kuntento. Umabot 60% ang hindi kuntento sa pamamalakad ng pangalawang pangulo. Umabot sa 600 ang pare-parehong negatibo ang sinasabi hinggil sa pamamahala ng pangalawang pangulo bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. “Tila hindi pa natatanaw ang dapat na kaniyang gawin sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa. Ang mga mag-aaral ay patuloy na nakararanas ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan sa paaralan. Mas nabibigyang pokus ang ibang bagay kaysa sa mga dapat unahin sa pag-aaral ng mga bata. Lahat naman ng kalihim ay may kani-kaniyang plano, ngunit sa pagkakataong ito sana naman ay unahin ang dapat na unahin,” ayon kay Gng. Ana May Hortelano, guro sa Kagawaran ng Filipino. Naging matunog ang balita tungkol sa request ng Pangalawang Pangulo na confidential funds na P500 million para sa Office of the Vice President at P150 million sa Department of Education. Marami ang nambatikos sa kaniyang hinihingi kaya naman inatras na niya ito. “Iyong confidential fund na kaniyang hinihingi parang sobrang laki na wala naman kami nakikita na pagbabago sa buhay ng bawat isang mag-aaral,”pahayag ni Irosh Ocvina ng G12 HUMSS. Samantala, may ilan pa ring mga mag-aaral ang kuntento sa pamamalakad ni Duterte. “Kuntento ako sa naging pamamahala ni VP sa nakalipas na mga buwan. Sa tingin ko, tahimik siyang kumikilos para mapaganda ang takbo ng ating edukasyon. Tulad ng pagpunta niya at pagoobserve sa iba’t ibang paaralan sa bansa. Hindi naman natin agad-agad makikita ang resulta, it takes a year or two para makita ang result. At paano nga tayo uunlad kung hindi naman natin sinusuportahan ang mga proyekto ng ating pamahalaan,” pahayag ni Avegail Delsa Adora, magaaral ng G12 STEM 2. Ayon pa kay Gng. Rosalie B. Acorda, guro sa Kagawaran ng Filipino, si Duterte ang tipo ng kalihim na kontrolado ang mga reaksyon at pagpuna. Pokus siya sa layunin niyang mapaunlad ang bansa. Ngunit sa kabila nito hindi nakikita ng mga Pilipino ang kanyang ginagawa sapagkat hindi nila nararamdaman. Sa patuloy na panunungkulan ni VP Duterte marami pa rin ang pwedeng magbago sa kanyang termino. Sa kasalukuyan mayroon pang apat na taon ang Pangalawang Pangulo para mas mapalawig pa ang kanyang nais gawin sa larangan ng Edukasyon.

SIMPATYA NG BANAHISTA KAY DUTERTE

60% 40%

inulang man sa mga resources, nagpakitang gilas pa rin ang mga manunulat ng “Ang Dahong Ginto” sa Division Schools Press Conference na ginanap noong Nobyembre 27, Disyembre 1-2, 2023 sa University of Batangas at Lyceum of the Philippines University. Nasungkit nina Jan Erik C. Gertes at Angela Lynn O. Madrigal ang mga kampeonato sa Pagguhit ng Kartung Editoryal at Pagsulat ng Editoryal samantalang natamo naman nina Reymark Cueto at Jamir James Ochoa ang ika-3 at ika-5 pwesto sa Pagguhit ng Kartung Editoryal. Hindi nagpahuli ang mga manunulat ng Editoryal na sina Gayle Giada Fajutag at Jezzlyn Yuanne B. Magadia sa pagkakamit ng ika-2 at ika-5 pwesto. Ika-5 at ika-6 naman na pwesto ang nakamit nina Rhyza Taniela E. Marquez at Angela P. De Guzman sa pagsulat ng Agham at Teknolohiya. Napagtagumpayan ng grupo ng Collaborative at Desktop Publishing sa katauhan nina Hans Jarell M. Almirol, Izaiah Sean Keon P. Abrenica, Rey Andrew J. Trafalgar, JC B. Delos Angeles at Sam Angelo A. Acuna ang ikatlong pwesto sa nasabing paligsahan. Nilahukan ng iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan mula sa buong dibisyon ng Batangas ang nasabing paligsahan na binubuo ng siyam na individual contest at apat na group contest na nagpamalas ng kani- kanilang galing sa iba’t ibang larangan sa pamamahayag. Ibinahagi ni Hans Jarell Almirol na kahit na kulang sila sa mga gadget tulad ng mataas na kalidad ng laptop ay gumawa pa rin sila ng paraan upang makalaban sa contest at makapag-uwi ng karangalan sa paaralan. “Sapagkat, kung gusto nating maipanalo ang isang laban kailangan nating ibuhos ang lahat ng ating makakaya, tiwala sa sarili pati na sa mga taong nagtitiwala sa iyong kakayahan at magdasal parati sa Panginoon na tayo ay gabayan sa ating ginagawa,” dagdag pa niya. “Nakatutuwa dahil marami sa kanila ay mga unang beses pa lamang na lumahok sa ganitong gawain ngunit nakuha nila ang ilang kampeonato. Ito ay patunay na kahit sa gitna ng kakulangan sa mga gadget ay taglay pa rin ng mga mag-aaral ang apoy sa dibdib at pagmamahal sa pamamahayag,” ani Dr. Diona G. Gualter, Punong tagapayo ng Ang Dahong Ginto. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paghahanda ng mag-aaral sa RSPC.

Pagkapaso ng prangkisa, prinoblema ng mga drayber sa Lungsod ng Batangas John Andrei Cabral

L

abis na ikinalungkot ng mga jeepney operators sa Batangas City ang tuluyang pagkapaso ng kanilang prangkisa, matapos pagsaraduhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ‘enlistment’ ng ikinakasang PUV Modernization Program. Ayon sa mga drayber, mahirap umanong bumili ng bagong ‘unit’ kung ito ay hindi bibigyang paluwag ng gobyerno. Malaking pasanin din ito umano sa mga komyuter kung sakaling tuluyang mawawala ang mga nasabing pampasadang dyip. “Wala naman kaming magagawa kung talagang itutuloy nila iyan, pero para bumili kami ng bagong unit? Nakakalungkot mang isipin pero mukhang lugi pa sa puhunan, saka saan sasakay ang mga pasahero kapag nawala kami?”, saad ng mga ito.

Ilang bilang din ng mga jeep ang umano’y nagkakasa ng ilang araw na tigil-pasada, bilang sagot sa pagsasara ng deadline nitong Disyembre 31, 2023 para sa pagsali sa kooperatiba. Ngunit sa isang panayam ng TeleRadyo, sinabi ni House of Representatives Committee on Transportation Vice-Chairperson Agustina Pancho, na sumang-ayon ang LTFRB sa muling pagkonsidera sa mga hinaing ng mga driver at operators para sa gaganaping PUVMP (Public Utility Vehicle Modernization Program). “Parang ang pagkukulang ‘yung impormasyon na dapat nilang ibigay sa mga jeepney driver/ operator. Mukha namang hindi pa rin handa ang LTFRB sa modernisasyon. Ang pagkakamali, nasa LTFRB, sa nakaraang administrasyon”, dagdag ni Pancho. Bagamat ganito ang naging pahayag sa Kongreso, hindi pa rin maikakaila ang pangamba ng ilang operators ng jeep sa nasabing modernisasyon. Ani ng ilan sa kanila, imbes na isulong ang modernisasyon, mas maiging ayusin muna ang mga tradisyonal dyip, gaya ng dati nilang ginagawa.

Magnaye, Patuloy na Iniiaangat ang Pangalan ng BCIHS Bilang Batangas City Youth Leader Jemmalou Fernandez

P

atuloy na iniaangat ng Pangulo ng Batangas City Integrated High School, Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na si Mikaela Joy Magnaye ang pangalan ng BCIHS nang magsilbing isa sa dalawang Batangas City Youth Leader Child Representative ng City Council for the Protection of Children sa buong lungsod ng Batangas. Naging bahagi si Magnaye sa mahahalagang kaganapan tulad ng Formulation ng Local Development Council for Children ng Batangas City. Higit pang nakatutok si Magnaye sa pagpapahayag ng mga pangangailangan ng mgakabataan sa mga pambansang kaganapan. Ang kanyang paglahok sa 3 rd ECCD ( Early Childhood Care and Development ) Children’s Congress 2023, 4th National Plan of Action for Children at State ofthe City Children’s Address 2023 ay nagbibigay diin sa kanyang pangako na maging tagapagtanggol at tagapagsulong ng kapakanan ng kabataan sa buong bansa. Isinalaysay ni Magnaye na bilang kinatawan, buong pusong itinatampok niya ang mga isyu ng bawat indibidwal at naglalaan ng mga posibleng solusyon. Ang Provincial Celebration ng National Children’s Month ay nagbigay daan kay Magnaye upang maging boses ng bawat kabataan at iparating ang mga isyung kinakaharap maging ang mga pangangailangan nila. “Sa tuwing may events akong dinadaluhan,

LITRATO MULA SA BCIHS DAANG BAGONG BIHIS, PANATILIHING MALINIS Streetscape, inilabas na sa publiko noong Enero 15, 2024 ng Batangas City Municipal Hall para sa mga mag aaral ng Batangas City Integrated High School. Upang mapanatili ang instragrammable nitong ganda, hangad ng mga nakakataas na opisyal ng Batangas City na mapanatili ang kalinisan. Layunin din ng pathway na ito na mapaigting ang kaligtasan at kaayusan sa pag-uwi ng mga mag aaral sa kanilang mga tahanan.

hindi ko nakalilimutang banggitin na ako ay nagmula sa ‘ting minamahal na paaralan, ang BCIHS, sapagkat masasabi ko, bilang SSLG President ng ating school, ang ating paaralan ay walang dudang tahanan ng mga magagaling at magigiting na mga lider-kabataan na handang tumindig, lagi’t lagi para sa kapwa nila kabataan.” ayon kay Magnaye. Sa mga kapwa mag-aaral naman, hinikayat niya ang bawat isa na gamitin ang kanilang talento, ideya, at paninindigan para sa ikabubuti ng kanilang sarili at ng buong komunidad. “Kami, bilang mga SSLG officers o Student leaders ng ating paaralan at ako, bilang child representative ng ating lungsod, ay maaari n’yong lapitan anumang oras ‘pagkat hindi lamang namin pakikinggan ang inyong boses, we will also echo your voices.” Ang tagumpay ni Magnaye ay naging daan sa mas malalim na kahulugan ng pagiging liderkabataan. Ang kanyang paninindigan at tagumpay ay nagpapatibay sa layunin ng BCIHS na magbigay inspirasyon sa mga lider na handang tumindig para sa kabutihan ng kanilang komunidad at ng bayan.


balita 03

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

Tatak BANAHISTA: BCIHS, Humakot ng mga Parangal DSTF Ryza Pauline Zafia

H

inakot ng BCIHS ang mga tropeyo at medalya mula sa pagkakapanalo sa iba’t ibang kategorya kagaya ng Robotics and Intelligent Machine, Life Science at Physical Science sa ginanap na Division Science &Technology Fair (DSTF) noong ika-19 hanggang ika-20 ng Oktubre, 2023 sa Calicanto Elementary School kung saan nagtagisan ng galing sa Agham ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Batangas. Nasungkit nina Kielexa Risell B. Marcos at Gayle Giada T. Fajutag ang unang gantimpala sa Tuklas Life Science Team Category ganoon din sina Marianne Jia P. Asihan at Kent Sameach C. Calaluan para sa Tuklas Physical Science Team Category. Samantala nasa tugatog din si Sean Cleo G. Asi nang makamit niya ang unang gantimpala sa Tuklas Robotics and Intelligent Machine- Individual Category. “Minsan ay inaabot kami ng gabi sa school para matapos ang mga requirements namin sa kompetisyon pero naging kapalit nito ang mga awards na aking natanggap sa DSTF and it is greater than all the sacrifices naman,” pahayag ni Asi. Nasa pangalawang pwesto naman sina Brent Joshua A. Abag, John Andrei R. Cabral at Mary Abbegail Z. Meleloa sa Tuklas Robotics and Intelligent Machine- Team Category. Tumayong tagapagsanay ng mga mag-aaral si Bb. Rowena C. Delgado na humubog sa talento ng bawat isa at humasa sa kakayahan ng ating manlalahok. Taunang isinasagawa ang DSTF ng lungsod kung saan ay idinidipensa ng mga kalahok ang kanilang inimbestigahang proyekto sa mga kilalang propesyonal sa larangan ng siyensiya upang ipabatid ang kahalagahan, layunin at benepisyong makukuha sa mga pagsusuring kanilang siniyasat. Layon nitong mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng siyensiya at kinakailangang ang mga kalahok ay may paunang kaalaman o karanasan upang makabuo ng produktong magiging kapakipakinabang na nagtataglay ng inobasyon. Ayon naman kay John Andrei R. Cabral na hindi naging madali ang proseso ng kanilang pagsasanay lalo at ngayon na lamang ulit siya bumalik sa SIP competition sapagkat ang huling karanasanan niya ay noong siya ay nasa ika-6 na baitang pa lamang. Muling iwagayway ng mga natatanging magaaral ang bandera ng BCIHS sa larangan ng siyensiya at sa kasalukuyan ay naghahanda ang ilan sa kanila para sa rehiyunal na paligsahan.

Tatlong taong pamamalagi sa bakuran ng BCIHS, mga mag-aaral ng SPED nakararanas ng bullying Ferdinand Navarette Jr.

LITRATO NI SAM ANGELO ACUNA FALL IN LINE, STUDENT’S WHINE Isa sa mga hinaing ng mga mag-aaral mula sa STEM 5 ng Batangas City Integrated High School ang kakulangan sa palikuran lalong higit sa kalinisan at kaayusan nito. Ang mga problema sa pasilidad ay patuloy na umaalingasaw at naghihintay na masolusyonan.

WANTED: RESTROOM!

Suliranin sa Palikuran ng paaralan, umaalingasaw pa rin Rey Andrew Trafalgar

U

sap-usapan pa rin ang problema sa palikuran sa Batangas City Integrated High School sa taong panuruan 2023-2024. Ito ang hinaing ng ilang mag-aaral kaugnay ng paggamit ng palikuran sa paaralan. Sa mahigit na 9000 populasyon ng paaralan, tatlo ang stand alone na palikuran at walo naman ang mga palikuran na nasa mga building ayon sa tala ni G. Gregorio Hernandez, School Physical Facilities Coordinator ng paaralan. “Sobrang hirap po sa part naming mga

mag-aaral na kulang ang cr sa aming paaralan. Ang layo pa po ng cr sa aming building kailangan pa naming pumunta sa malayo. Tapos sa part po ng may Gym, kailangan naming magtiyaga sa amoy nito. Mahirap po lalo sa amin kapag nakakaramdam ka ng tawag na kalikasan,” pahayag ng isang magaaral mula sa Grado 10. Binibigyang aksyon naman ito ng pamunuan ng paaralan sa pamamagitan ng paghahanap ng mga alternatibong solusyon tulad ng pagpapaayos ng daluyan ng mga palikuran upang hindi ito mangamoy pati na rin ang pagpapagamit ng CR

S

a mahigit tatlong taon ng pamamalagi ng mga mag-aaral Special Education (SPED) sa bakuran ng Batangas City Integrated High School (BCIHS), naiulat ang ilang kaso ng bullying na kanilang nararanasan. Ito ang isa sa mga problemang kinahaharap ng mga mag-aaral na SPED sa BCIHS na siyang binibigyang solusyon ng pamunuan ng paaralan. “Maraming pagkakataon na nabully ang ating SPED learners. Minsan sa paglabas nila sa school, nakita sila ng grupo ng tricycle drivers sa tapat ng school, pagtapat doon sa grupo nila ay nagsenyas sa kanila ang mga driver ng sign ng kabastusan, ang ginawa ng mga bata ay bumalik sa aming room at nagsumbong sila kaya sinamahan namin sila paglabas ng school at pagtapat sa grupo namin sa mga nambully sa kanila ay kinausap namin ang mga driver at ipinaliwanag namin sa kanila ang kalagayan ng mga bata. Noon din naman ay humingi sila ng pasensya sa mga bata,”pahayag ni Bb. Marivic Arguelles, SPED Coordinator. “Isa pang pagkakataon ay nito lamang nakaraang buwan nangyari. May mga eskwela sa tapat ng ating SPED building ang tumawag ng pansin sa ating mga deaf learners at nag sign sila na ang gamit ay ang gang sign o genggeng sign na nauuso sa Youtube. Naivideo yon ng mga deaf at ipinakita sa amin. Para sa mga deaf ay pambubully yon dahil walang ganong sign silang ginagamit. Inireport namin iyon sa ating School Discipline Coordinator. Binigyang pansin nila ang pangyayaring ito at hinanap nila ang mga batang nambully at sila ay nag-imbestiga tungkol dito. Nabigyan sila ng positive discipline upang hindi na nila uli iyon gawin. Ilan lang ito sa mga insidente ng pambubully sa mga SPED Learners,” dagdag pa niya. Dahil sa pagpapatupad ng Inclusive Education, napagdesisyunan ng School Division’s Office (SDO) ng lungsod na mapalipat sa tunay na tahanan ang mga SPED learners, ang BCIHS Campus at sa pakikipagtulungan naman sa City

pass sa mga mag-aaral kung saan kukuha ng pass mula sa guro upang hindi sabay sabay ang paggamit ng palikuran pati na rin ang malimit na paglilinis ng mga ito upang hindi magkaroon ng masamang amoy. “Alam ng pamunuan na hindi sapat ang mga palikuran sa paaralan ngunit ito naman ay utay-utay nating sinosolusyunan. Ang mga nakasaradong palikuran ay muling binuksan at inayos para magamit ng mga mag-aaral,” ani Gng. Aida C. Gutierrez, punongguro ng paaralan.

Government ay naipatayo ang 6 Rooms 2 storey building sa loob ng paaralan na tinawag na BRAD (SPED) Building na natapos taong 2020. Matatandaang napalipat ang mga mag-aaral ng SPED pagkatapos ng inagurasyon ng kanilang building. “Sa una po ay nangangamba kami para po sa seguridad ng ating mga SPED learners ngunit sa pagdaan po ng mga araw, unti-unti pong napawi ang pangambang ito dahil ipinadama po sa amin ng lahat ng mga kasamahan natin na kami po ay buong pusong tinanggap sa ating campus. Ipinadama po sa ating mga learners, mga magulang at sa aming mga guro ang tunay na pagmamahal, proteksyon at pagtanggap,”diin pa rin ng Coordinator ng SPED. Sa kabila ng nararanasang bullying ng mga bata ay laging aktibo ang mga mag-aaral sa lahaat ng gawain ng paaralan sa pagpapakita ng kanilang kakayahan at talento. Nagdaraos din sila ng mga programa para sa kanilang mga mag-aaral tulad ng Celebration of Deaf Awareness Month, Poster Making Contest, Video Making Contest, Spelling Contest, Storytelling contest through Sign Language and Braille Reading, Skills Training on Candle Making at Skills Training on Table Skirting. Nagkaroon din ng Filipino Sign Language Training para sa mga BCIHS SSLG Officers at kasali dito ang mga mag-aaral na SPED sa City Government Celebration of Children’s Month noong nakaraang Nobyember 17. “Ang paglipat po naming ito sa ating campus ay nakatulong upang mabuksan ang kaisipan ng nakararami tungkol sa ating Special Education Program lalo na ang pagtanggap sa ating mga mag-aaral na may kapansanan,” ani ni Bb. Arguelles. Sa kasalukuyan ay lalong pinapaigting ang pagdidisiplina upang maiwasan na ang mga kaso ng bullying sa mga mag-aaral ng SPED.

Regalong punla para sa mga mag-aaral, itinanim ng DepEd

LITRATO MULA SA BCIHS BERDENG REGALO, LAHAT AY KASALO Nakilahok ang mga mag-aaral mula sa Batangas City Integrated High School sa 236,000 trees (A Christmas Gift for the Children) na proyekto ng DepEd kabilang na rin ang mga guro, kawani, stakeholders, at mga magulang na ginanap noong Disyembre 6, 2023. Hangad ng proyekto na ito mapanatili ang maberde na kapiligiran.

John Andrei Cabral

N

akiisa ang Batangas City Integrated High School sa programang 236,000 Trees (A Christmas Gift for the Children) Program na inilunsad ng DepEd noong Disyembre 6, 2023. Maituturing itong regalong punla para sa mga mag-aaral na itinanim ng DepEd. Pinangunahan ang programa nina School Yes-O Coordinator, Gng. Jasmin B. Babasa kasama ang mga Department Coordinators, Administrative Officer IV Gng. Michelle M. Perez, mga Puno ng iba’t ibang Kagawaran, SHS Coordinator, SPED Coordinator, Pangulo ng SGC, Opisyal ng nasasakop na Barangay at ilang kaguruan ang pagtatanim kasama ang mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Yes-O, SSLG at BSP. Sa naging pahayag ni Gng. Michelle M. Perez, isang malaking responsibilidad para sa mga

kabataan na pangalagaan ang ating kapaligiran. Kinokonsidera niya na napakalaking ambag ang pagtutulungan, pagkakaisa at partisipasyon ng pamunuan, guro, kawani, stakeholders at mga magulang. Tinuran ni G. Marlon Malaluan, Officer in Charge ang mga layunin ng nasabing proyekto. Isa na rito ang pagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa mga isyung pangkapaligirang makaapekto sa bawat indibidwal. Dagdag pa niya na magdudulot ang responsableng pagtatanim sa lalong ikagaganda at ikaaayos ng kabuuang paaralan. Laking pasasalamat din ng paaralan sa lahat ng nakilahok at nagbigay ng taos-pusong partisipasyon. Magsisilbing punla ng kasalukuyan ang bawat tulong na magiging daan sa pagyabong ng mga punong itinanim na magbibigay lilim sa maraming kabataan pagdating ng araw.


04

balita

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

Mag-aaral ng BCIHS, naging Tapat sa Tapatan Chrisha Lyka Falculan

N

aging tapat sa naganap na Tapatang Ala- Eh ang ilang piling mag-aaral ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) noong nakaraang sa Conference Hall ng paaralan, at binigyang-diin ang mga isyu at problemang nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan, Nobyembre 29. Ito ay bilang pagtalima sa programa ng Schools Division of Batangas na Tapatang ALAEH (Talakayan at Panayam sa Tapat na Aksyong Napapanahon to Accelerate Learner’s Achievement with Excellence and Humility) sa bawat paaralang pampubliko sa lungsod upang talakayin ang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng bawat mag-aaral at guro at ang mga posibleng solusyon sa mga ito. Bilang paunang gawain ay tinalakay ang mga programa sa paaralan tulad ng Project EMC Enhanced Mentoring and Coaching, PROJECT LINGAP, Edukasyon Mo, Iskolar Ko, Project EXCEL, PROJECT DITSIMU, LIPAD, PROJECTS RAINS at iba’t iba pang proyekto ng mga kagawaran sa paaralan. Naitala naman ng mga opisyales ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) sa paaralan ang mga isyung lumutang sa Tapatan tulad ng hindi pantay na trato ng mga guard sa mga magaaral, maling pagtrato ng mga guro sa ilang mga mag-aaral kasama na rin ang kawalan nila ng konsiderasyon pagdating sa mga extra-curricular na gawain ng mga mag-aaral, kakulangan ng silidpalikuran, silya, lamesa sa silid, mga silid na hindi matibay, at kawalan ng disiplina ng mga mag-aaral. Binigyang diin ng ang suliranin sa pagsuway

ng mga mag-aaral sa pagbibitbit ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng mga deadly weapons, vapes, at drugs, bullying at cyberbullying lalo’t higit sa mga mag-aaral ng SPED, ilang kaso ng panghihingi ng pera ng ilang mag-aaral sa kapwa mag-aaral ng sapilitan, mahabang oras ng klase, diskriminasyon sa mga mag-aaral, sabay-sabay na gawain sa iba’t ibang asignatura ang ilan lamang sa mga lumutang na suliranin sa paaralan. “Napakaganda ng programang ito upang mapabatid naming sa administrasyon ng paaralan ang aming mga hinaing bilang mga mag-aaral. Nagkaroon kami ng boses sa paaralan at umaasa kaming masosolusyunan ang mga problemang ito.” ani Angel Lourain Macaraig, SSLG G9 representative. Patuloy pa rin gumagawa ng hakbang ang mga kinatawan ng paaralan para masigurado ang maayos na kalagayan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan upang makamtan nila ang de-kalidad na edukasyon. Bilang mga student leader ng paaralan, patuloy kaming tumitindig at nagiging boses ng kabataan. Ilan sa mga isyung tinalakay at binigyang pansin sa programa ay mga isyung alam nating kinakaharap ng mga mag-aaral. Kaya naman patuloy kaming kumikilos para sa kaayusan ng paaralan at para sa ikakabuti ng bawat estudyante,” pahayag ni Mikaela Joy Magnaye presidente ng SSLG. Sinisigurado naman ng mga kinatawan ng paaralan na tapat silang maglilingkod para sa mga mag-aaral.

LITRATO MULA SA ISANG FACEBOOK PAGE TINAPATAN ANG TAPATAN Tinalakay sa naganap na Tapatang Ala-Eh ang mga isyu na kinakaharap ng paaralan na ginanap noong Nobyembre 29, 2024. Layunin ng programang ito na masolusyonan at mabigyang kalinawan ang mga hinaing ng mga mag-aaral at kaguruan.

Pagkatapos ng Pagkawagi sa 8 th GAWAD ALA-EH, mga nanalo, naghain ng susunod na hakbangin

P

agkatapos na tanghaling Outstanding SPED Teacher si Bb. Maria Victoria S. Arguelles at Outstanding Secondary School Principal si Gng. Aida C. Gutierrez noong Nobyembre 23, 2023 sa 8th Gawad Ala-Eh ay naghain sila ng kanilang mga susunod na hakbangin. Isinaad ni Gng. Gutierrez na siya mismo ang magpapatupad ng programa ng paaralan na magdudulot ng magandang epekto sa mga magaaral. Ayon sa punongguro, may mga estratehiya sıyang ginagamit upang mapabuti ang institusyong pang-edukasyon gaya ng Transparent and Ethical Government. “Kinakailangan ng paaralan ang pinansyal na

Sofie Marielena Roxas

aspeto dahil ito ang pinakamahalagang resources ng paaralan na kailangang pahalagahan nang mabuti para magamit ng wasto lalo na ng magaaral,” pahayag ni Gng. Gutierrez. Sa kabilang banda maraming magulang ang nag-alala tungkol sa kakulangan ng mga pangunahing pangangailangan sa paaralan. Bukod sa mga nasabing hakbang ni Gng. Aida C. Gutierrez, idinagdag niyang hangga’t siya ay nasa serbisyo bilang punongguro ang mga proyekto ay hindi mawawala at ito ay may magandang patutunguhan. “Ang mga nakuhang titulo o award ng paaralan ay dahil sa sama-samang pagsusumikap ng bawat

isa. Ito ay para sa Panginoon at para sa mga batang pumapasok dito sa ating paaralan. Nawa ay mainspire ang bawat isang bata na gawin din ang best nila dahil ginagawa ng paaralan at ng mga guro ang kanilang best para sila ay matuto at patunay ang mga award na nasungkit nila,” pahayag ni Gng. Aida C. Gutierrez. Ayon naman kay Bb. Arguelles, ang kaniyang dedikasyon sa mga mag-aaral sa SPED at ang pagkalinga sa mga bata ay kaniyang pag-iigtingin habang siya ay nasa serbisyo. “Isang taos pusong pasasalamat ang nais ko pong ipabatid sa lahat ng bumubuo ng BCIHS

Family sa malugod na pagtanggap at pagyakap sa ating Special Education Program. Dahil po dito ay maraming oportunidad ang nabuksan sa ating mga mag-aaral na may kapansanan. Sana po ay patuloy natin silang tangkilikin, mahalin at unawain upang maipakita nila ang kanilang talino at kakayahan upang sila ay maging productive citizen at magkaroon sila ng magandang bukas,”dagdag ni Bb. Arguelles. Sa kasalukuyan ay nagsusumikap ang paaralan na makatugon sa lahat ng pangangailangan ng bawat mag-aaral. Puspusang paghahanda naman ang isinasagawa ng dalawa bilang kinatawan ng dibisyon sa Gawad Patnugot ng Region IV-A.

TUGON SA KAKULANGAN

Pagpapataas ng Achievement Rate, tuon ng SIP sa BCIHS

I

binandera ni Gng. Aida C. Gutierrez, Punongguro ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) ang School Improvement Plan (SIP) para sa taong panuruan 2023-2024. Isa sa planong bibigyang-diin ng paaralan ay ang paglinang sa aspeto ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral ng BCIHS sa loob at labas ng paaralan pati na rin ang pagpapataas ng achievement rate level at mabisang pagkatuto sa tulong ng iba’t ibang aktibidad sa mga asignaturang English, Science at Mathematics. Upang matamo ang mga layunin ng paaralan ay naglunsad ang Kagawaran ng Mathematics, Science at English ng mga programang makatutulong sa mga mag-aaral sa mga nasabing asignatura. PROJECT LIPAD (Leading People

Ryza Pauline Zafia

Toward Innovative Projects Through Research and Academic Discipline) ang programang nailunsad ng Kagawaran ng Siyensya at Agham sa gabay ng Puno ng Kagawaran, G. Ryan V. Villahermosa. Layunin ng programang ito na iangat ang estado ng pananaliksik ng bawat mag-aaral at guro sa paaralan. “Isang malaking oportunidad ang Project LIPAD para sa aming mga mag-aaral lalo’t higit sa aming mga STEM students sa SHS. Dahil sa project na ito mas makakatulong sa amin sa aming mga lessons na kinakailangan ng research,” pahayag ni Fatricia Mae De Castro, mag-aaral sa STEM 1. Upang paangatin naman ang antas ng numeracy ng mga mag-aaral ay sinimulan ng Kagawaran ng

Matematika ang PROJECT DITSIMI (Development of Innovative Teaching Strategies and Intervention Materials for Instruction) sa pangunguna ng Puno ng Kagawaran, Gng. Milet Navarro. “Ang isa sa pangunahing problema ng mga mag-aaral ay ang Mathematics kahit ako hirap din sa Math. Kaya siguradong makatutulong itong PROJECT DITSIMI sa amin lalo na kung hindi kami masyadong makagets ng mga aralin sa Mathematics. I’m sure it will be of great help,” ani Mary Abegail Meleloa mag-aaral sa Grado 10. Nanguna naman ang Kagawaran ng Ingles sa kanilang PROJECT EXCEL (Exceed Competence in English Literacy) sa pamumuno ni Gng. Cristeta M. Lorzano, Puno ng Kagawaran. Adhikain din

ng proyektong ito na tugunan ang mga hamong kaakibat sa pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Ingles. “Sa proyektong ito ng English Department, siguradong magbubukas ng maraming opportunity sa amin especially sa aming communication skills at sa other areas ng English subject,” ani Fionah Rhos Garcia, mag-aaral sa STEM 1. “Naniniwala akong kayang-kaya ng bawat isang mag-aaral ang lalo pang paangatin ang kanilang pagkatuto sa mga asignaturang English, Science at Mathematics dahil makatutulong ang mga nailaunch na program ng tatlong department. Sa ngayon ay matagumpay itong naisagawa na, waiting na lang tayo sa result,” ani Gng. Aida C. Gutierrez, punongguro ng paaralan.

Dating BANAHISTA, kinoronahan bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2024 Sofie Marielene Roxas

K LITRATO MULA SA ISANG FACEBOOK PAGE KORONA NG TATAK BANAHISTA Nakoronahan bilang binibining lungsod ng Batangas si Geraldine Buena noong Enero 13, 2023 sa Batangas City Sports Coliseum. Matatandaang isa s’ya sa mga mag aaral mula sa Batangas City Integrated High School kaya ito ay isang karangalan sa paaralan.

inoronahan bilang Bb. Lungsod ng Batangas 2024 ang dating mag-aaral ng BCIHS na si Geraldine Buenafe ng barangay Kumintang Ibaba, Enero 13. Lumutang ang kaniyang ganda, husay at galing sa 16 na kandidata na lumahok sa ika-35 taong pagtatanghal ng prestihiyosong beauty contest noong sa Batangas City Sports Coliseum. Nakatanggap siya ng premyong P100,000 na dummy check, bouquet, sash, trophy at korona na ipinutong sa kaniya ng huling may hawak ng titulong Bb. Lungsod ng Batangas 2023, Cardelyn Henandez. Ayon sa nagwaging beauty queen, manalo o matalo ay itutuloy niya ang kanyang advocacy sa Youth Empowerment kung saan hihingin niya ang payo ni Mayor Beverly Dimacuha upang higit na mapalaganap ang culture at arts sa lungsod para sa kapakinabangan ng mga kabataan. “It’s such an honor and pride to be the Bb. Lungsod ng Batangas 2024. I am grateful for all the people and organizations who helped me achieved this dream. To my roots, BCIHS family formerly known as Batangas National High School, I am grateful for all the learnings you have taught me, where my first pageant was and where I got my first crown. Also, to all my teachers and advisers who imparted knowledge, honed my potential and nurtured my talent and skills. I owe it to all of you. I’ll be forever grateful and proud to be an alumna of Batangas National High School,” pahayag ni Buenafe. “As a student, si Geraldine po ay very responsible. She always tries her best and she is always willing to learn and understand the activities, task and lessons given to her. Very simple and soft hearted. Always willing to help her classmates,” ani naman ni Gng. Naida Pabelico, dating guro ni Buenafe. Sa kasalukuyan, bukod sa pagkapanalo ni Buenafe at paghahanda sa maraming gawaing nakaatang sa kaniya bilang Mutya ng Lungsod ay tutok din siya sa kaniyang business.


opinyon 05

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

KOLUM I JC Delos Angeles

Inugat na ng panahon ang mga problema kaya dapat sa ngayon ay may matibay nang hakbangin ang pamunuan sa paglutas sa mga kakulangang ito.

BAHONG HINDI MAITATAGO

N

Umaalingasaw na Reyalidad

akatuon ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral. Ngunit bakit tila ba ito’y palaging nahahadlangan ng maraming hamon at sagabal? Pangunahing pangangailangan ng paaralan ang mga upuan, palikuran, library resources, computers at mabilis na internet connection. Ngunit tila ba nakabubulag na ang katotohanang ang mga problemang ito ay hindi masolusyunan ng pamunuan ng paaralan. Isa ang Batangas City Integrated High School sa mga eskwelahan sa siyudad ng Batangas na may pinakamaraming estudyante. Lumang timpla na kung ituring ang problemang kinahaharap na natin taon taon ngunit tila ba hindi sinosolusyunan ng administrasyon ang problema lalo na ang problema sa sanitasyon at mga pasilidad sa paaralan para sa mga mag-aaral. Kakulangan pa rin sa mga palikuran, upuan at library resources ang patuloy na daing mga mag- aaral, maging mga staff ng paaralan. Kakaunti ang bilang nito, kumpara sa bilang ng estudyanteng pumapasok sa paaralan. Karamihan sa mga mag- aaral ay lumalakad pa nang malayo para lamang makagamit ng palikuran, sa kadahilanang walang banyo o di kaya nama’y hindi magamit ang nasa kanilang gusali sapagkat ito’y sira na. Kung iisipin, isang napakalaking problema ito sapagkat maaari itong makaapekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Idagdag pa ang umaalingasaw na mapanghing amoy nito bandang pahapon na oras ng klase dahil sa kakulangan naman sa tubig na ipangbubuhos dapat nila rito. Ang mga aklat sa library ay kulang para sa pangangailangan ng mga mag-aaral. Wala ring mabilis na internet connection para sa mga mag-aaral. Kung may mga ganitong sirkumstansya na noon pa lamang at nagdulot na ito ng suliranin sa ating mga opisyal, paano pa kaya ngayon kung kailan taon taon ay nadaragdagan pa ang bilang ng mga estudyante dahil sa pagkakaroon ng Senior High School? Mas marami na ang gagamit ng mga palikuran at kung hindi agarang masosolusyunan, lalo lamang itong lalala. Ayon sa isang mag-aaral ng Senior High School na si Clarise Amparo, hirap na hirap sila pagdating sa palikuran. Bukod sa ang layo ng palikuran sa kanilang building ay minsan madumi, nangangamoy at hindi kaaya-aya pa ang kalagayan nito. Pagdating naman sa mga aklat sa library, hindi naman masyadong nakakapunta dahil wala ring aklat na magagamit. Wala ring internet connection sa paaralan at talagang sarili ang load upang makaconect sa internet. Nang tanungin ang isang mag-aaral mula sa Baitang 10- na si Abegail Abes ukol sa kanyang saloobin sa naturang isyu sinabi niyang, “Sa totoo lamang, sana talaga magawan ng solusyon ang mga cr sa BCIHS. Parang problema na ito lagi pero hindi nasosolusyunan.” Karapatan nating mga mag-aaral ang magkaroon ng maayos at malinis na mga palikuran sa paaralan. Bilang mga estudyanteng gumagamit nito, responsibilidad nating pangalagaan at pag-ingatan ang mga palikuran, maging ang iba pang pasilidad ng paaralan, nang sa gayo’y mapakinabangan natin ito sa mahabang panahon. Tunay na problema ang pondo ng bawat paaralan. Ang kakulangan sa pinansyal na resorses ay kakambal ng bawat eskuwelahan. Ngunit kung ang mga problemang ito ay pagtutuunan ng higit na atensyon ng pamunuan tiyak na utayutay na masosolusyunan ang mga ito. Ang mga maliliit na hakbang kapag pinagsama-sama ay tiyak na makalilikha ng isang makabuluhang paglutas sa mga suliranin. Inugat na ng panahon ang mga problema kaya dapat sa ngayon ay may matibay nang hakbangin ang pamunuan sa paglutas sa mga kakulangang ito.

KOLUM I Tristan Evangelista

Walang mananatiling nasa huli, bagkus sabay-sabay tayong papasada tungo sa maasensong pagbabago.

ABANTENG PAURONG

Palit Pasada: Huling Arangkada?

M

uling naging maugong ang usapin sa pagpapatupad ng jeepney modernization sa Pilipinas. Naging pasakit ito sa maraming tsuper dahil sa malaking perang kailangan upang magkaroon ng mga modernong jeepney upang maipagpatuloy ang kanilang nakagisnang hanapbuhay. Nakapaloob din dito ang nagbabantang tigil pasada mula sa mga transports group dahil sa kakulangan na aksyon ng Department of Transportation (DOTr) at Land of Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa isyung ito. Paano ang buhay ng isang ordinaryong tsuper na kailangang bumili ng milyones na halaga ng pampasadang jeepney upang maipagpatuloy ang kanilang hanapbuhay? Maraming Pilipino ang lalong tiyak magiging hikaos at mapipilitang mangutang upang maipagpatuloy ang pinagkukunan ng kabuhayan. Hindi maikaiila na isa ang kahirapan sa kinahaharap na suliranin ng ating bansa. Subalit, kailangan ba na kabuhayan ng ibang tao ang isakripisyo para matamasa ang modernisasyong pagbabago? Paano pa nila mahahabol ang milyong pisong halagang ipambibili nila ng modern jeep? Ano ang magiging hinaharap ng mga tsuper sa gitna ng laban sa jeepney modernization. Kung ipagpapatuloy ang pagkakaroon ng modernong jeepney, may posibilidad pa rin ang pagtaas ng pamasahe. Tinatayang kailangan ng P30- P40 na pamasahe upang mabawi ang milyong halaga ng jeep. Kaya ba ito ng isang ordinaryong commuter sa bansa? Tiyak maraming mga pasahero lalo na ang mga estudyante ang lubos na maaapektuhan. Kaakibat nito ang matinding pasakit para sa kanila sa pagpasok nila sa araw-araw, dahil ang nakasanayan at hindi mabigat sa bulsang transportasyon ay malapit nang mawala. Binigyang-diin ni Arman Flores, isang jeepney driver sa lungsod ang kaniyang hindi pagsang-ayon sa pagkakaroon ng jeepney modernization. Aniya, pasakit ito sa mga tsuper. “Kahit isipin ko na maganda ang layunin ng gobyerno na iangat ang transportasyon sa bansa, hindi kaya. Maganda ang kanilang layunin pero hindi naman maganda ang kanilang implementasyon eh. Mamumulubi ang mga drayber tiyak, anong mangyayari sa amin? Kuba na kami sa pagdidrive hindi pa naming nababayaran ang milyong halaga ng jeepney”. Dagdag pa niya. Kung tutuusin maganda ang hangarin nila sa pagkakaroon ng jeepney modernization sa bansa sa kadahilanang kailangan nating sumabay sa pagbabago. Tinatayang malulutas ng jeepney modernization ang matagal ng problema sa trapiko sa bansa pati na rin ang lumalalang polusyon. Nilinaw rin ng LTFRB na pinapayagan pa ring bumiyahe ang mga tradisyonal na jeepney sa kalsada kung sasali sila sa cooperative o corporation. Sukdulang ang lahat ng Pilipino ay mayroong karapatan sa maayos na pamumuhay. Kung tayo ang tatanungin, ano nga ba ang mas mahalaga, kabuhayan o kaunlaran? Sa kabilang banda, kailangan pa rin natin isaalang-alang ang kapwa natin Pilipino na maapektuhan dahil kabuhayan nila ang nakasalalay rito. Kung hangarin talaga nila ay pagbabago, may magandang paraan para maipatupad ito na walang maaapektuhan na ibang tao. Maaaring bigyang pansin din ang iba pang alternatibong solusyon gaya ng iba pang disenyo ng jeepney na hindi makagagastos ng malaki ang kapwa natin tsuper. Magkaroon ng lakas ang bawat isa at magtulungan na ipaglaban ang kanilang karapatan para sa maayos na pamumuhay. Kung kaya’t walang tao ang hindi dapat tinatanggalan ng ganitong biyaya, biyaya sa masaganang kabuhayan. Sa halip na marangyang buhay ang matamasa ng mga Pilipino, abanteng paurong ang nangyayaring hakbangin ng nasa taas. Ang jeepney modernization, kung titingnan ay nakapalikod dito ang isang malaking plano para sa bansa, lalo’t higit para sa inaasam na modernisasyong pagbabago.

EDITORYAL

PISAning Kaybigat N

agsilbing pambukas-mata ang naging resulta ng 2022 Program for International Student Assessment (PISA) sa mga estudyanteng Pilipino. Sa 81 mga bansang kabilang, naging kahihiyan para sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) ang naging paglagapak ng Pilipinas sa sampung pinakamabababang bansa pagdating sa pagbasa, Matematika, at Siyensiya. Isang kahihiyan sa bansa ang matagpuang mapupurol ang mga mag-aaral nito. Sa kabila ng bahagyang pagtaas kumpara sa resulta noong 2018, nakakadismaya pa rin ang naging resulta. Tila walang saysay ang mga inilalatag na programang pang-edukasyon ng pamahalaan sapagkat wala rin namang gaanong pagbabago sa kalidad ng edukasyon sa bansa. Hindi na bago sa pandinig ng lahat ang mga suliraning kinahaharap ng edukasyon sa bansa. Mga hamong higit pa sa kakulangan ng mga upuan at silid-aralang magagamit. Bukod sa kasalatan, saksi rin ang bansa sa iba’t ibang pangyayaring labis na nakaapekto sa estado ng edukasyon sa mga nagdaang taon; mga bagyo, hindi masawatang kahirapan, malnutrisyon, at pandemya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masasabi ng lahat na epektibo ang sistemang pangedukasyong mayroon sa bansa. Patuloy man ang pagsasagawa ng mga proyekto tila nangangapa pa rin tayo sa dilim. Kung tutuusin, ang kawalan ng dekalidad na edukasyon na dapat sana’y una sa listahan ng prayoridad ng pamahalaan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi makitaan ng gasinong pag-unlad ang ating bansa. Nangangahulugan lamang ito na ang edukasyong mayroon sa ating bansa ay malayo sa sistema ng edukasyong mayroon ang mga karatig nating bansang Asyano. Ayon pa kay Senior Education Program Specialist-PISA Focal Person Alex Sucalit Jr., ang ating bansa ay nahuhuli ng aabot sa lima hanggang anim na taon, kung susundin ang kanilang pagkukuwenta. Napakalaking agwat nito at marahil ito ang salarin sa mababang marka at mababang puwesto ng bansa sa PISA. Kung tutuusin, ang lahat ng ito ay nag-uugat sa hindi matapos-tapos na pakikipagbuno ng bansa sa kahirapan. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay limitado ang access sa mga bagay na dapat sana ay makatutulong sa kanila upang mas mapabuti ang pag-aaral. Ang antas sa buhay ang nagiging sanhi ng hindi pantay na oportunidad sa pag-aaral. Kahit pa anongpagsisikap, talagang mahirap para sa mga nasa laylayan ng lipunan ang makipagsabayan sa mga mas nakaaangat at may kakayahansa buhay. Habang agresibong pinagpapaguran ng DepEd ang pagtugon sa mga suliranin tulad ng paglalagay ng internet sa iba’t ibangpaaralan para lamang makibagay at makisabay sa makabagong metodolohiya ng edukasyon, hindi ba’t tila nakaligtaan na nila angtunay na mas nakalulumong problema ng kakulangan sa mga magagamit na silid-aralan? Batay sa DepEd, ang mga kulang na klasrum sa bansa ay maaaring umabot na sa 90,000 kung hindi maaagapan. Sa pagpasok ng taong panuruang 2023-2024, ang mgakaraniwang silid-aralan ay naglalaman ng 50-60 na mga mag-aaral at ito ay klarong indikasyon na may kapalpakan sa pag-agap ngDepEd sa mga hindi kumupas-kupas na problema sa sistema ng edukasyon lalo na pagdating sa kakulangan ng maayos na klasrum.Mapait kung pakinggan ngunit kung iisipin, ang mga iminumungkahing paraan upang umangat ang lebel ng edukasyon sa bansa ayhindi matagumpay na maisasagawa sapagkat sa usapin pa nga lamang ng klasrum kung saan dapat na komportableng nag-aaral angmga kabataan ay hindi kanais-nais na problema ang agad na matatagpuan. Batay naman sa datos ng Department of Budget and Management o DBM ngayon lamang 2023, umabot sa 24,254 ang bilangng mga kulang na mga guro. Walang dudang ang kakarampot na sweldo ng mga guro ang isa sa mga ugat ng isyu sa kawalan ng mganais maging guro. Dito rin pumapasok ang katunayang mas ginugusto pa ng ibang guro ang magtrabaho sa ibang bansa upangmatustusan ang kanilang mga pangangailangan dahil hindi maitatangging mas malaki ang pasahod na kaloob sa ibang bansa. Masmabuti pa kung itataas ang sahod ng mga dumadaing na guro dahil tiyak na mas marami ang gugustong kumuha ng kursongedukasyon sa kolehiyo at maging ganap na propesyonal na guro ng bansa. Kaakibat nang magandang kalidad ng edukasyon ay angmaayos na sistema ng pagpapasweldo para sa mga gurong gumagabay sa ating kabataan. Kung patuloy nating ipagkakait sa kanilaang nararapat at angkop na sweldong dapat ay natatamasa nila, ang pangarap nating mas matatag na edukasyon ay tiyak na magiginghanggang pangarap na nga lamang. Bagama’t nabalot nang negatibong saloobin ang naging resulta ng pagtataya, mahalagang makita rin ang potensiyal na dala nito. Ngayong alam na natin kung saan mahina ang mga mag-aaral, mas mabibigyan ng atensyon ang mga larangang ito. Magigingmalinaw ang mga proyekto at adbokasiyang dapat na isulong upang makita ang hinahangad na pagbabago. Taliwas sa kawalan ngpag-asa na namutawi sa iba, maaaring maging paraan ito upang makakita tayo ng mga oportunidad upang mas mapaunlad angkalidad ng edukasyon. Masakit kung manampal ang reyalidad subalit ang tunay na sitwasyon ng edukasyon sa bansa ay nararapat ng mabusising lubusan upang umunlad. Kung nais ng DepEd ang matatag na edukasyon, nararapat na magsimula itong tumugon sa kung saan nag-uugat ang pagkabulok ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Kung masisimulan nila ito ay tiyak na magsisilbi na itong preparasyonpara makipagsabayan ang mga estudyante sa pagiging makabago tulad ng mga magaaral sa ibang bansa. Malaki na ang naging pag-unlad ng bansa ngunit malayo pa ang ating kailangang habulin upang makasabay tayo sa buongmundo. Hindi natin agarang mababago ang kalagayan natin subalit maaari tayong magsimula sa mga maliliit na hakbang upang unti-unti itong mabago. Makakamit natin ang inaasam na “globally competitive citizens” kung ang pagbabago ay sisimulan natin sapundasyon ng kinabukasan, ang edukasyon sapagkat ito ay isang pangangailangan at hindi lamang karapatan.


06

opinyon

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

KOLUMN

/

T

inuligsa ng mga pinuno ng Korte Suprema ang hindi makatarungang paglustay ng 125 milyong pisong Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara Duterte noong 2022. Kinondena naman ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang naunang ulat ng Commission on Audit (COA) na 19 na araw itong kinonsumo ng OVP samantalang base sa Statement of Appropriations, Obligations and Balances (SAOB) 11 araw lamang itong winaldas na tumatayang 11 milyong piso sa bawat araw. Paglalapastangan kung ito ay maituturing hindi lamang sa mga mamamayan kung hindi na rin sa buong Pilipinas na maaaring hudyat sa pagpurol ng pangil ng batas. Binira ni Sen. Risa Hontiveros ang kwestyonableng paggasta ng CIF. “Napakagaspang. 11 milyong piso kada araw? Daig pa ang may patagong credit card sa national budget. Hindi niyo pera yan.” ani Hontiveros. Walang pakundangan ang paggasta ng CIF ng OVP samantalang bungad pa ang isyung hindi ito legal na ibinigay ng Office of the President (OP). Hindi man ipabatid ng Bise ang detalyadong pinagkagastusan ng pera, kahit man lamang ang naging resulta at kapakinabangan nito ay nararapat ilantad at ipaliwanag. “What can VP Sara show for it? Nagmass hiring ba ang OVP ng libo-libong informant sa loob lang ng 11 araw? dagdag pa ni Hontiveros. Nakaaalarma na ang malaking halaga ngunit ang mabilis na paggasta nito ay mas malaking kahihiyan. Kung gaano kahigpit ang gobyerno sa larangan ng ilegal na pamumuslit ng mga simpleng mamamayan ay tila kabaliktaran sa mga taong nanunungkulan.

Walang mararating ang bansang may lider na laging kapit sa kupit.

BASTA KUPIT, KAYA NAGIGIPIT

Kapit sa Kupit Sa naging pahayag ni Philippine Coastguard (PCG) Spokesperson Commodore Jay Tarriela, ang kabuoang halaga ng CIF na natanggap ng PCG sa nakalipas na 17 taon ay 118.7 milyong piso lamang. Wala pa ito sa kalingkingan ng 125 milyong pisong natanggap ng OVP samantalang mas lubos na nangangailangan ang PCG para sa pangangalaga sa West Philippine Sea (WPS) laban sa panghihimasok ng Tsina. Kamakailan lamang ay tinanggal ng Coast guard sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang floating barriers na inilagay ng Beijing sa Scarborough Shoal. Malaki ang ginagampanang bahagi ng PCG para sa proteksyon sa loob at labas ng bansa, mahigit 30 mga ahensya ang nakakatanggap

ng CIF bagamat hindi naman wasto ang paggamit nito. Kung patuloy na pahihintulutuan ang ganitong pang-aabuso, walang kaibahan ang gobyerno sa mga taong mangmang na nananatiling piping dilat sa kabila ng pambubulilyasong ginagawa ng ilang mga ahensya. Buong igting namang pinanindigan ng Bise Presidente na hindi kailangan ng OVP ang CIF. Ito ay para mas mapadali at maging epektibo ang pamamahala. Gayunpaman, sa unang bahagi pa lamang ng panunungkulan ay hinaluan na ng CIF ang 2022 badyet na wala naman sa inisyal na pagpupulong. Mulat ang nakararami na hindi isinasapubliko ang detalyadong paggasta sa CIF

ngunit sa talamak na pandudungis ng ilang mga ahensya kinakailangan ng isiwalat ang pangaabuso at ibalik ang talakayan sa ganitong uri ng usapin sapagkat nasasanay ng walang resibong dapat ipakita. Dagdag pa rito, ibinigay ng OP ang Contingent fund sa OVP bilang CIF dahil hindi sapat ang pondo. Samantalang kinondena naman ng abogadong si John Molo ang pahayag. Ayon sa kaniya, hindi totoong walang pera ang bayan: “This country has the money. What it lacks is the will to spend it wisely.” Panawagan naman ng Makabayan Bloc ang dagdag na pondo ay dapat para sa pagkain, trabaho at serbisyo, hindi para sa interes ng dayuhan, korapsyon at panunupil. Sapat na badyet para sa agrikultura, pambansang industriyalisasyon, at serbisyong panlipunan. Abolish pork barrel system and abolish confidential funds. Ang hindi pagbibigay ng CIF sa ilang mga ahensyang hindi lubos nangangailangan nito ay isang makatwirang aksyon upang mapagtibay ang pondo ng Pilipinas. Marapat lamang din na muling siyasatin ng Korte Suprema partikular na ng COA ang paggasta sa CIF kung ito ba ay napupunta sa tama o sa mga walang kabuluhang proyekto lamang na wala namang malinaw na pag-iral. Hindi iisa o dalawang ahensya lamang ang nang-aabuso. Kaya’t kung kinakailangang hubaran ng CIF ang ilan para sa seguridad ng pondo bakit ang hindi? Hindi natin batid ang intensyon ng mga nanunungkulan sa mga salaping sa atin mismo nanggagaling at ang bawat sentimo nito ay mula sa dugo at pawis ng mga Pilipino kaya naman nararapat lamang na ikonsumo ang pondo ayon sa pangangailangan hindi sa karangyaan.

LIHAM SA PATNUGOT Mahal na Patnugot, Isang mapagpalang araw po! Ikinalulugod ko pong ipaabot sa inyo ang aking saloobin ukol sa maayos na pagpapatakbo ng mga namumuno sa ating paaralan ngunit akin po sanang ipararating ang aming paghihirap sa problema sa palikuran ng paaralan na sa aking tingin ay hindi magawan ng paraan. Ang CR po ay napakalaking tulong sa bawat mag-aaral. Sa kasamaang palad po ay kakaunti lamang ang bilang nito. Hindi po ito sapat sa bilang namin. Ang hirap po sa parte naming mga mag-aaral sa araw-araw na walang mga palikurang magagamit. Isa pa po sa suliranin ay ang kakaunting silya sa aming silid-aralan. Ilan po ay mga sira na. Nakita ko naman po ang paghihirap ng aming mga guro upang magkaroon kami ng mga upuan sa aming silid-aralan ngunit sana po ay magawan ng paraan ito. Isa pa rin po sa nais naming bigyan ng solusyon ay ang pagsasabay-sabay ng oras ng recess, lunch at labasan ng mga mag-aaral. Napakahirap pong makipagsiksikan sa kantina pati na rin sa labas ng paaralan tuwing hapon. Sana po ay maiparating ninyo sa kinauukulan ang aming karaingan. Mieca Dimaano, G12 HUMSS 7 Mieca Dimaano, Ang paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral ang pangunahing layunin ng pamunuan ng Batangas City Integrated High School ngunit hindi magiging matagumpay ang layuning ito kung hindi magtutulungan ang mga mag-aaral, magulang at lahat ng kawani ng paaralan. Isang malaking suliranin sa ating paaralan ang kakulangan sa mga silid-palikuran. Nararamdaman ko ang karaingan ng bawat isa sa inyo. Ganoon din ang sabay-sabay na iskedyul ng recess, lunch at labasan. Alam kong hindi nagkukulang ang pamunuan ng ating paaralan upang masolusyunan ang mga ganitong problema. Asahan ninyo ang patuloy na aksyon ng pahayagang “Ang Dahong Ginto” upang ipahayag ang mga karaingan ninyo sa pamunuan ng ating paaralan. Ganoon din sa paghahatid ng mga bagong kaalaman at balita sa loob at labas ng ating paaralan. Pagpalain tayo ng Poong Maykapal.

ANG

DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School

________________, Patnugot

PATNUGUTAN KOLUMN I Jezzlyn Yuan Magadia

Kuwadernong espesyal ang nararapat para sa mga namumukod tanging mag-aaral.

EDUKASYON MO AT PARA KAHIT KANINO

Kuwadernong Espesyal

B

inigyang-diin ng Department of Education taong 2009 ang DepEd Order No. 72, Series of 2009 na nagsasaad nang higit na pang-unawa sa Inclusive Education kung saan tinatanggap ang lahat ng uri ng magaaral, anoman ang kanyang edad, kasarian, relihiyon, kapansanan o iba pang katangian na maaaring maging hadlang na hindi siya mabigyan ng pagkakataon na mapabilang o makalahok sa isang paaralan. Lahat ng uri ng mag-aaral ay malugod na tinatanggap dito, walang pinipili at walang hindi tinatanggap. Ito ay pagbibigay ng pantay-pantay na pagkakataon o oportunidad sa bawat mag-aaral ng ating bansa. Bilang pagtalima dito ng Batangas City Integrated High School, sa taong panuruan 2023-2024 sa dalawang taong pamamalagi ng SPED sa bakuran nito ay 94 ang kabuoang estudyanteng kabilang dito. Talamak na usapin sa bansa ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng bawat isa pagdating sa edukasyon, mapakasarian man ito, estado sa buhay o ang pisikal na kaanyuan. Maraming benepisyong naidudulot ang Inclusive Education sa bawat mag-aaral. Isa itong paraan upang maipakita at maipadama sa lahat ng mag-aaral ang buong pusong pagtanggap at pang-unawa sa kanilang kakayahan, nagbibigkis ng pakikipagkaibigan sa bawat kamag-aaral, nakatutulong sa lahat na maabot ang kanilang buong potensyal at kakayanan, nabibigyan ng benepisyo ang buong komunidad ng paaralan, paghahanda sa lahat ng mag-aaral sa kanilang kinabukasan pagkatapos nila sa paaralan. Sa kabuoan, ito ay tumatanggap sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral (diversity of learners) sa paaralan gayundin ang pagbawas ng bullying at harrassment. Ngunit naging epektibo ba ang pagkakaroon ng inclusive education sa mga mag-aaral ng SPED sa BCIHS? Nasa pangalawang taon na mula nang makasama sa bakuran ng paaralan ang SPED. Sa loob ng dalawang taong ito, naiulat ni Bb. Maria Victoria Arguelles, SPED Coordinator na maraming

pagkakataong nakaranas ang mga mag-aaral ng SPED ng bullying sa loob at labas ng paaralan. Nitong nakaraan naman ay nakatawag ng pansin sa mga deaf students ang ibang sign language o tila ba geng geng sign ng mga magaaral na kung saan ay agarang itinaas sa school discipline coordinator upang maaksyunan. Mabilisang pag-iimbestiga ang ginawang aksyon ng paaralan dito kung saan hindi naman nauwi sa wala sapagkat ito ay natunton at binigyan ng positive discipline. Hindi naiiwasan ang mga kasong ito sa mga mag-aaral ngunit kung laging mananaig ay takot, hindi mabibigyang puwang ang mga magaaral na SPED sa tunay na mundo. Hayaan silang makihalubilo sa mga normal na mag-aaral ngunit gumawa ng mga panuntunang mag-iingat sa kanilang karapatang pantao. Binigyang-diin ni Gng. Recely L. Papa, Puno ng Kagawaran ng Filipino ng BCIHS ang kaniyang paghanga sa mga kaguruan ng SPED na nagagawang bigyan ng isang ligtas na lugar ang mga mag-aaral. Aniya, ang pagsasamasama ng mga magulang, guro, pamunuan ng paaralan ang susi upang maiwasan ang anomang bullying na nararanasan ng mga SPED students. Pantay na karapatan sa lahat ng bagay ang hangad ng ating batas. Higit na pang-unawa at pagmamahal sa mga ganitong klase ng mag-aaral ang pinakalayunin ng Inclusive Education. Mabawasan ang harassment at pambubully sa mga PWD, mapamatanda man o bata. Hindi ba’t higit na mapapalapit ang kalooban at koneksyon sa pagitan ng mga mag-aaral ng SPED at normal na estudyante kung sila ay nasa iisang paaralan? Sa katunayan, ang BCIHS ay hindi nagkulang sa oportunidad sa mga mag-aaral ng SPED sapagkat sa tuwing may mga nagaganap na pagbubukas ng programang pampaaralan, sila ang madalas nanaiimbitahan upang magsagawa ng doxology. Isang paraan upang maiparamdam hindi lamang sa mga SPED students ang pantay na pagtrato kundi para na rin sa lahat. Ayon kay Irosh Ocvina ng G12 HUMSS 7, “pabor ako sa pagsama ng SPED sa aming paaralan sapagkat nagkakaroon ng equality at naipapakita na hindi hadlang ang kapansanan upang makapag-aral sa paaralan. Dapat talaga ay kasama namin sila kasi part naman sila ng BCIHS. Hindi lubusang mawawala ang bullying subalit sa pagdaan ng panahon sana matanggap din ng mga kapwa ko mag-aaral ang kahalagahan ng SPED at maipakita natin sa kanila na ang lahat ay pantay-pantay pagdating sa pag-aaral. Marami pa rin sa mga magulang ay natatakot at nagdadalawang-isip kung i-eenroll ang kanilang mga special child sa paaralang naghahandog ng Special Education Program dahil sa hindi malinaw at tila mahirap na proseso upang makapasok dito. Hindi man lahat ng paaralan sa ilalim ng Department of Education (DepEd) ang may kakayahang makabigay ng sapat na pasilidad at mga guro upang maipatupad nang maayos ang Inclusive Education, tinitiyak naman ng kagawaran na mayroong abot kayang mga pintuan para sa mga Special Education learners kung saan malaya silang magpamalas ng kanilang kaalaman at kakayahan sa edukasyon. Malaki ang posibilidad na makahikayat ng mga guro na may espesyalidad sa larangan ng pagtuturo sa Special Education program kung maitataas ng kagawaran ang sahod ng mga ito kumpara sa mga regular na guro. Ang paglulunsad din ng mga pagsasasanay o training sa iba’t ibang paaralan upang higit pang mahasa ang kaalaman at kakayahan ng mga guro tungo sa mas matatag at dekalidad na edukasyon na layong makapagpabuti sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Punong Patnugot// Rey Andrew Trafalgar Katulong na Patnugot// Ferdinand Navarette Jr. Punong Taga-anyo// Hans Jarell Almirol Punong Taga-guhit// Izaiah Sean Keon Abrenica Patnugot sa Pagsulat ng Balita// Jemmalou Fernandez Patnugot sa Pagsulat ng Editoryal// Sorlen Abad Patnugot sa Pagsulat ng Lathalain// JC Delos Angeles Patnugot sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya// Rhyza Teniela Marquez Patnugot sa Pagsulat ng Isports// Victoria Sabelle Garing

Tagasulat ng Balita// Ryza Pauline Zafia/Sofie Marielena Roxas/Chrisha Lyka Falculan Tagasulat ng Editoryal// Gayle Giada Fajutag/ Angela Lynn/Jezzlyn Yuan Magadia/Mary Abbygail Meleloa Tagasulat ng Lathalain// Louis Charles Abacan/ Althea Jheneil Marquez/Raizen Irada Tagasulat ng Agham at Teknolohiya// Shiella Marie Ople/Angela De Guzman Tagasulat ng Isports// Fiel Denver Arcega Tagakuha ng Larawan// Sam Angelo Acuna Tagaguhit ng Kartung Editoryal// Reymark Cueto/Jan Erik Gertes Tagapagbalita// Brent Joshua Abag/John Andrei Cabral/Sophia Tenido/Angelo De Guzman Mga Taga-payo: Dr. Diona G. Gualter Princess Reycel L. Papa Konsultant: Recely L. Papa Punongguro: Aida C. Gutierrez


opinyon 07

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

KOLUMN I Hans Jarell Almirol

Minsan, kailangan ang pangil na hindi makasusugat kundi makadidisiplina sa bawat isa tungo sa pagkakaroon ng payapang paaralan.

DISIPLINA ANG KAILANGAN

Bigyang Pangil

T

aon taon ng nagiging problema ng paaralan ang pagkakaroon ng tamang disiplina ng mga mag-aaral. Ito ay patuloy na inaaksyunan ng administrasyon sapagkat nakakasagabal ito sa pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon. Kaya naman lalong pinaghihigpit ang gampanin ng Prefect of Discipline ng paaralan upang lutasin ang problema kaugnay ng tamang disiplina ng mga mag-aaral. Isang malaking hamon sa pamunuan ng Prefect of Discipline sa pangunguna ni Gng. Anelyn L. Ramirez ang tamang pagdidisiplina sa mga magaaral. Sa katunayan, marami pa ring kaso ng mga paglabag ang mga mag-aaral sa mga regulasyon ng paaralan tulad ng mga puslitan ng marijuana, bugbugan, nakawan, vaping at cutting classes.

Dahil sa mga problemang ito, masasabing epektibo pa ba ang pamamahala ng mga namumuno sa Prefect of Discipline ng paaralan? Hindi madali para sa pamunuan ng Prefect of Discipline ang kawalang kooperasyon ng mga mag-aaral at mga magulang dahil na rin sa iniingatang Republic Act 10630 kaugnay ng

pagdidisiplina sa isang menor de edad. Ngunit dahil sa mga samu’t saring kaso ng paglabag ng mga mag-aaral sa mga patakaran at regulasyon ng paaralan, kailangan ang pagpapaigting ng mga batas sa paaralan. Kaya naman ang pagkakabuo ng Prefect of Discipline ay isang magandang hakbang ng paaralan tungo sa wastong pagdidisiplina ng mga estudyante. Sa ginanap na oryentasyon sa bawat grado kaugnay ng tamang kaasalan ng bawat mag-aaral sa loob ng paaralan, binigyang-diin ni Gng. Anelyn L. Ramirez ang tungkulin ng Prefect of Discipline sa pagpapanatili ng isang maayos na paaralan. “Kumpara last year, mas kakaunti ang offenders this year. Gayundin ang mga batang umuulit ng pagkakamali o yung tinatawag na persistent offenders. Dahil sa mahigpit na implementation ng batas natin at sa pakikipagtulungan na rin ng mga advisers mas napapatino ang bata ngayon kumpara last year na talagang ang hirap ianyo ng bata.” Masasabing epektibo ang pagkakaroon ng Prefect of Discipline sa Batangas City Integrated High School. Unti-unti ay nababawasan ang kawalang-disiplina ng mga mag-aaral bagamat hindi pa ito tuluyang masasawata. Malaking tulong ang paghahain ng pamunuan na sa bawat paglabag at hindi pagsunod sa mga patakaran ay may kaukulang parusa ayon sa bigat ng nagawang paglabag. Binibigyang patotoo rin naman ni Gian Hernandez mula sa G11 STEM 4 ang paraan ng pagdidisiplina ng Prefect of Discipline. “Mabuti ang hangarin ng Prefect of Discipline na magkaroon

BATANGUENO DISIPLINADO KAHIT SA TRAPIKO

Eto Batangueño, Disiplinado Ba sa Batas Trapiko?

ng tamang disiplina ang mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Ito naman ay para sa lahat, maging sa mga magulang at lalo’t higit ang magbebenefit dito ay ang pag-aaral ng bawat isa.” Nararapat lamang na ang mga mag-aaral ay sumunod sapagkat tungkulin nilang bigyang halaga ang paaralang kanilang kinabibilangan dahil doon sila natututo nang mabuti upang madala hanggang sa pagtanda. Ang mga patakaran at regulasyon ay para sa kaayusan at kaligtasan ng paaralan lalo’t higit ng mga mag-aaral. Ang bawat kaukulang parusa sa bawat paglabag ng mga magaaral ay para rin sa paghubog ng pagkatao at disiplina ng bawat isa. Ang magagawa na lamang ng mga Banahista ay sumunod, makisama at suportahan ang nakatataas. Ang disiplina at magagandang ugaling maipakikita ay responsibilidad at tungkulin ng mga mag-aaral upang makita ang katiwasayan at nagkakaisang mga mag-aaral sa BANAHIS. Para sa mga mag-aaral, laging pakaisipin na masarap mag-aral sa isang paaralang ligtas at payapa sa anumang uri ng misbehavior kaya naman gawin natin ang ating responsibilidad bilang mga mag-aaral na sumunod sa mga panuntunan. Walang ibang hangad ang pamunuan ng paaralan lalo’t higit ang Prefect of Discipline kundi magkaroon ng ligtas na komunidad sa paaralan at mangyayari iyon kung ang bawat isa ay patuloy ang pagsunod at pagtalima sa mga inihandang panuntunan. Minsan, kailangan ang pangil na hindi makasusugat kundi makadidisiplina sa bawat isa tungo sa pagkakaroon ng payapang paaralan.

Kung sama-sama sa pagsunod at kung maiisabuhay ang pagiging disiplinado ng bawat isa, tiyak malulutas ang problemangtrapiko sa kalsada.

KOLUMN I Mary Avegail Meleloa

B

umulaga sa isang international report na nagsasabing pasok ang Pilipinas sa top 10 na mga bansang may pinakamalalang trapiko sa buong mundo na kinuwestiyon naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Bukod sa pagtaas ng gasolina, ang lumalalang trapiko ang isa pang malaking problema ng mga drayber sa bansa. Sino ba naman ang hindi mag-iinit ang ulo sa maghapong pagpasada, samahan pa ng matinding init ng panahon at trapiko? Hindi maikaiila na labis ang perwisyong dala nito sa mga pumapasadang drayber pati na rin sa mga commuters. Hindi rin nakaiiwas sa problema ng trapiko ang Lungsod ng Batangas. Tila ba lumalala pa rin ang trapiko kahit maraming mga kawani ng gobyerno ang nagsasaayos nito sa araw-araw. Isa sa pangunahing nagdudulot ng trapiko ay ang rush hour kung saan sabay-sabay ang paglabas ng mga commuters at mas abala ang kalsada sa mga oras na ito. Masasabing may kinalaman din ang pagiging

industriyalisado ng Batangas. Dumarami ang nagkakaroon ng sasakyan dahil dumarami rin ang may kakayahan at may kagustuhan. Ganunpaman ay hindi maitatanggi na sa pagdami ng sasakyan ay sa pagdalas ng aksidente at paglala ng trapiko. Isa pa sa dahilan ng lumalalang trapiko ay ang kawalang disiplina ng mga tao sa kalsada. Hindi maikaiila na napakarami ng kaso ng jaywalking. Hindi gumagamit ng tamang tawiran ang mga tao. Bagama’t hindi nagkukulang ang pamunuan ng lungsod sa pagpapaunawa ng mga tamang gawi sa kalsada tulad ng pagtawid sa itinalagang tawiran at pag-iwas sa jaywalking, hindi pa rin sumusunod ang mga tao dito. Kung saan-saan tumatawid kahit may mga itinalagang mga pedestrian lanes. Usapang kawalang disiplina sa kalsada, pati ang mga drayber ng ilang pampublikong jeepney ay kulang din sa tamang pagsunod sa batas trapiko. Bagama’t gumagawa ng paraan ang pamunuan ng lungsod tulad ng pagtatalaga ng mga loading and unloading na lugar, kung saan-saan pa rin

Kinalap ni Dea Almario Ilan taong ding may sariling pagkakakilanlan ang mga Special Science Class Students sa BCIHS sa pamamagitan ng kanilang unipormeng isinusuot bilang vest. Ito ay upang madali silang makilala sapagkat mayroon silang ibang iskedyul ng klase sa BEC students. Ngunit pagpasok ng 2024, inalis na ang kanilang vest at ang kanilang uniporme ay katulad na ng mga mag-aaral ng BEC ng BCIHS. Ano ang saloobin ng mga magaaral ukol dito?

John Andrei R. Cabral, G10 - Albert Einstein Nakakapanibago po pero ayos lang din kasi iisa naman ang pagkakakilanlang dinadalanatin at yun ang dahilan nitong bagong uniporme. Ngunit sa kabilang banda, isa pa rin itong kawalan sa amin bilang mga estudyante sa Special Science Curriculum lalo na’t itinuring namin itong memorabilya sa mga taong nakalipas. Bagamat nakakalungkot, tinatanggap namin angpagbabagong ito nang taos puso at bukal sa loob.

Jermayne Althea Ebora, G8-Abundance Ang ilan ay sumasang-ayon sa pagkaalis ng vest ng mga STE o special science class learners ng ating paaralan, dahil ang ilan ay nakakaranas ng diskriminasyon, o kaya bumababa ang tingin sa sarili sapagkat sila ay napupuna na mas maganda o mas magaling ang iba keysa sa kanilang mga ginagawa, ngunit ang ilan din naman ay hindi sapagkat alam naman natin na ang “vest” ay pagkakakilanlan ng ating mga ste learners. Ang bumababa ang tingin sa sarili aybec students kasi ang ilan ay nagmamataas, pag ganon kasi alam nila na higher section o kayascience class.

nagbababa at kumukuha ng pasahero ang ilan sa mga pampublikong drayber na isa sa dahilan kung bakit nagkakaroon ng trapik sa lungsod. Tila ba wala ng nais sumunod sa batas trapiko upang kahit paano ay maibsan ang suliranin na ito. “Mahirap po kasi minsan pumunta sa mga pedestrian lane lalo na kung medyo malayo ito. Alam ko naman po na mali ito kaso, minsan po talaga ay hindi na talaga nakasusunod sa tamang tawiran,” pahayag ng isang residente ng lungsod. Pagpapaigting ng batas at paghihigpit kasama ang pagbibigay ng parusa sa mga lumalabag sa batas ang siyang susi upang kahit paano ay mabawasan ang problemang pantrapiko. Kung magkakaroon ng disiplina ang bawat isang Batangueño at susunod sa mga simpleng batas trapiko, ang suliranin ay masosolusyunan. Ang mga maliliit na hakbang tungo sa pagtatama ng mga maling nakagisnan tulad ng jaywalking at maling loading and unloading ng mga jeepney drivers ay isang malaking pagkilos tungo sa isang lungsod na

BOSES BANAHISTA

malayo sa trapik. “Kami as traffic enforcer, nahihirapan din kami sa kawalang disiplina ng ilan sa ating mga kababayan. Kahit naman sabihan na tumawid sa tamang tawiran ay mayroon pa rin talagang nasusumpungan na matigas ang ulo eh. Pati rin sa mga jeepney drivers, talagang napapakamot na lang kami kundi ay mapapaaway ka lang sa mga matitigas ang ulong mga PUV drivers, pahayag ni Jomar Dinglasan isang traffic enforcer sa lungsod. Huwag nating kalimutan na sumunod sa mga batas trapiko at sa traffic enforcers upang mabawasan ang aksidente at maging maayos ang daloy ng trapiko sa lungsod. Nasa kamay ng bawat isang Batangueño ang susi sa pagbawas ng problema sa trapik sa lungsod. Kung sama-sama sa pagsunod at kung maiisabuhay ang pagiging disiplinado ng bawat isa, tiyak malulutas ang problemangtrapiko sa kalsada.

Melfie Cassandra C. Arcega- G11 ABM - 1 Hearing this concern makes me feel so disappointed because the vest serves their identity as STE students. Additionally, their vest also represents how unique they are, well, all of the students have our own uniqueness but admit it or not, STE has different level of uniqueness. Not me being bias, but i think uniform has nothing to do with the school treatment, it must be based to how you really deserved the treatment itself.

Melissa Laylo-SCIENCE DEPARTMENT (STE COORDINATOR) “We had a Consultative Meeting last December 13, 2023 with the STE students, parents, all Departments Head Coordinators, our SGC Officers and all our STE teachers na discuss dito ang gender responsive basic policy and on the learners inclusivity. So ito ang pinapoint-out nila na reason for removing the vest. Diniscuss namin don ang discrimination also the removal of STE vest. Yun ngang sa discrimination, may feeling daw na proud or superior ang ating mga students yun daw yun nagiging feeling ng mga nasa BEC although we haven’t heard naman any complaint kasi eversince we keep reminding our students to be humble and there’s nothing to be boastful. Since that was mentioned sa TAPATAN, syempre yun ating mga parents ay malungkot at ayaw nilang mapaalis ang vest although nag request ang ating SGC president sa ating mga parents na makicooperate na lang after mabrought up ito ng ating SGC President and Sir Ryan Villahermosa, mayroon namang mga parents na nag-agree na kahit ito ay nakakalungkot syempre kailangan makicooperate sabi nga nila na hindi naman makakabawas sa kalikadad ng edukasyon at ang feeling ng pagiging STE sa pagtanggal ng vest. At the end lahat ay umagree na makicooperate at ayon nga, approve na aalisin na ang STE vest. Malungkot lahat pati ang ating mga students even us mga teachers pero wala tayong magagawa, we have to cooperate at sa tingin din naman namin ay ito’y para sa ikakagaling ng buong school natin.”


08

opinyon

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

Hindi man pantay-pantay ang sitwasyon ng bawat isa, ang mahalaga ay nagsusumikap pa rin ang bawat isang mag-aaral na makaahon sa kabila ng kahirapan upang mabago ang sitwasyon niya at makapagtamo ng edukasyong kaniyang kailangan

KOLUMN I Sorlen Abad

PAGSULONG NG EDUKASYONG UMUUSBONG

ADM: Abante sa De-Kalidad na Mag-aaral

I

sa sa mga iniaalok ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) ang Alternative Delivery Mode (ADM) para sa mga Banahistang nasa Senior High School na pinagsasabay ang pagtatrabaho at pagaaral. Bunga ng kanilang sitwasyon, ADM ang naging solusyon upang makatanggap pa rin sila ng dekalidad na edukasyon sa kabila ng kanilang paghahanapbuhay. Masasabing isa itong magandang hakbang upang sa gayon ay matamasa pa rin nila ang edukasyon na nararapat sa kabila ng pagpupunyagi nila sa buhay. Ayon sa tala ng paaralan, may humigit kumulang 40 na mag-aaral ang ADM learners ang BCIHS at 17 dito ay working students. Ang ADM ay isang klase ng delivery mode kung saan ang mga mag-aaral na iregular ang pagpasok ay gumagawa ng mga gawaing pampaaralan sa

P

atindi nang patindi ang tensyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina patungkol sa pinag aagawang teritoryo sa West Philippine Sea. Sinasabing puno ng isyu na ito ay nang magtayo ang Tsina ng mga estruktura sa Panganiban o Mischief Reef taong 1994 hanggang 1995 na bahagi ng Kalayaan island group na hindi lamang sa Tsina kundi inaangkin din maging ng Pilipinas, Taiwan at Vietnam. Nakakadismaya na imbis na ito ay natapalan na ng lunas noong mga nagdaang taon ay higit pang lumala ang tensyon na nagdulot sa iba’t ibang pang-aabuso, pananakit at pagmamaliit sa bansa. Nagkaroon na nang mahinahon at maayos na pagpupulong o tinatawag na “friendly consultation” ang Pilipinas at Tsina taong 2020 kung saan napagkasunduan ang pagkilos at pagsulong ng maritime cooperation na may respeto, sinseridad at pagkilala sa sovereign equality ng dalawang bansa, bagay na tila ba binasura na sa kasalukuyan. Mistulang mga hayop sa karagatan kung harasin at walang atubiling itaboy ng mga Tsino ang mga mangingisda at barko ng Pilipinas. Maituturing pa bang “friendly” o marahil ay pang-aasar na ang ginagawang paghahabol ng Tsina sa Pilipinas sa mga pagkakataong maglulunsad ng resupply mission ang bansa sa Bajo de Mansinloc? Nakakasawa kung ituring ang tila paulit-ulit na isyu ukol sa West Philippine Sea na mistulang

kanilang bahay. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), ito ay pagtuturo o mga modalidad sa pagkatuto na hindi mahigpit na sumusunod sa karaniwang set-up para sa regular na pagtuturo sa silid-aralan, ngunit sumusunod sa pormal na K to 12 curriculum sa nilalaman. Bukod pa rito, ang ADM ay nag-aalok ng mga solusyon na maaaring makatulong sa mga nag-aaral sa labas ng regular na sistema ng paaralan na makuha ang kinakailangang mga pangunahing kakayahan sa edukasyon at mga kasanayan sa buhay. Hindi pantay-pantay ang katayuan natin sa buhay. Maraming estudyante ang kinakailangang magtrabaho upang makatulong sa mga gastusin ng kanilang pamilya. Kadalasan, pabago-bago ang oras ng kanilang trabaho, kaya naman nagiging dahilan ito upang hindi sila makapasok sa paaralan. Dahil nga hindi sumusunod sa tipikal

na set-up ng isang silid aralan ang ADM, flexible at self-paced ang pag-aaral ng mga estudyante. Nangangahulugan ito na makakapag-aral sila nang hindi nag-iisip na maaabala ito ng trabaho nila o hindi kaya nama’y mas magkakaroon pa sila ng oras upang mas maaral ang mahihirap na konsepto. Bukod pa rito, nakakabawas din sa gastos ang ADM. Para sa isang mag-aaral na tumutulong sa magulang para punan ang araw-araw na gastusin, malaking tulong ang ADM sapagkat kung dati ay araw-araw na kailangang magpunta sa paaralan ngayon ay mananatili na lamang sa bahay at pupunta na lamang sa paaralan kapag kailangan. Bilang karagdagan, hindi na nila kinakailangang gumastos sa mga kontribusyong pang silid-aralan at iba’t ibang mga proyekto sa mga asignatura. Samakatuwid, talagang makakatipid sila at maaaring ilaan ang pera sa ibang bagay na mas

KOLUM I Jezzlyn Yuan Magadia

Lutasin nang mahinahon ang tensyon at mga hamon sa alon

HAMON SA ALON

Teritoryo, kanino nga ba ito? hindi nagagawan nang matapang na aksyon ng pamahalaan. Marahil ay kapos pa rin sa pwersa at lakas ang ating panig kung kaya’t sa kabila ng madalas na pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard sa ating karagatan ay walang takot pa rin tayong nalulusutan at naaabuso ng Tsina. Sa kabilang dako, sa pamamagitan na din nang matagumpay na pakikipagpulong ng pamahalaan

sa ibang bansa, isa ang Amerika sa kaakibat ng Pilipinas na handang tumulong upang mapatatag ang ating pwersa sa nasabing teritoryo. Ilan lamang sa mga malalakas at nangungunang mga bansa pagdating sa maritime security ay ang Tsina, United States, Japan at Singapore, samantalang ang Pilipinas ay nananatiling mahina pagdating dito. Isa sa posibleng dahilan kung bakit

KOLUM I Angela Lynn Madrigal

SUSING PILIT KINAKAPA

SHS, ano nga bang gagawin dito?

Hindi na sana maging dahilan pa nang paglaki ng problema sa edukasyon ang mga dapat na nangangasiwa at nagpapahupa dito

kailangang pagkagastusan. Mas mahusay na pakikipag-ugnayan at mga praktikal na kasanayan. Maraming ADM ang gumagamit ng mga interactive na kasangkapan sa pag-aaral, mga mapagkukunang multimedia, at mga aktibidad na nakabatay sa proyekto, na ginagawang mas nakakaengganyo at nauugnay ang proseso ng pag-aaral sa mga realistikong aplikasyon. Maaari itong maging partikular na kapaki-pakinabang para sa mga nagtatrabahong mag-aaral na gustong direktang iugnay ang kanilang pag-aaral sa kanilang propesyunal na buhay at bumuo ng mga praktikal na kasanayan sa kanilang napiling larangan. Maaari ring magalok ang ADM ng mga pagkakataon para sa mga internship o work-integrated na pag-aaral, na higit pang magdudugtong sa agwat sa pagitan ng akademikong kaalaman at propesyonal na karanasan. Sa kabila ng benepisyong alok ng ADM, hindi pa rin nito matatapatan ang klase sa loob ng silid-aralan. Ayon sa isang ADM na mag-aaral sa BCIHS, “Bilang isang ADM student nakukuha ko naman nang tama at maganda ang kalidad ng edukasyon, pero iba parin ung f2f ka dahil mas marami kang malalaman at mas may matutunan sa iba’t-ibang turo ng mga guro.” Iba pa rin talaga ang matuto na may kaharap na guro na maaari nating pagtanungan kapag naguguluhan o mga kaklase na pwedeng maging kaagapay sa pag-aaral. Hindi man pantay-pantay ang sitwasyon ng bawat isa, ang mahalaga ay nagsusumikap pa rin ang bawat isang mag-aaral na makaahon sa kabila ng kahirapan upang mabago ang sitwasyon niya at makapagtamo ng edukasyong kaniyang kailangan. Nasa mag-aaral pa rin ang susi ng kaniyang pagtatagumpay. Kahit anong delivery mode ang gamitin niya sa pag-aaral kung siya ay puno ng determinasyon, tiyak hindi malabo ang pagtatamo niya ng dekalidad na edukasyon.

tayo ay higit na napagbabantaan at namamaliit ng mas malalakas na bansa sapagkat lantad ang pagkakaroon natin ng kulang na kakayahan at sariling depensa ukol sa ating nasasakupan at mga karapatan. Karapatang dugo’t pawis ang ilalaan bago pa man makamit at maipaglaban. Teritoryong mistulang hindi na kinikilalang atin at unti-unti na tayong nilulubog sa karagatan. Kung panig naman ng Tsina ang ating pagbabasehan, marahil ito ay dulot ng hindi pagkakaintindihan at napangungunahan ng pagkanais na maangkin ang nasabing teritoryo. Subalit, kailangan bang pisikal na saktan ang isang panig para lamang may mapatunayan? Sasabay pa ba sa mga digmaang nagaganap sa daigdig kaya maging sa gitna ng karagatan ay panunuligsa ang paiiralin? Mahinahon na usapan ang susi upang matigil na ang tensyon sa dalawang bansa. Kung magkakaroon man ng mga pagpupulong ang mga pinuno ng Tsina at Pilipinas, nararapat na tiyakin na ito ay malinaw at iisa ang adhikain. Walang maaabuso at walang madedehado, pantay na karapatan na hindi nakakalimutang kilalanin ang nasasakupan ng parehong bansa. Ang mga pinsalang naidulot sa kung anong naging nakaraang aktibidad ay nararapat na bayaran batay sa pandaigdigang batas. Itago at iwasang gamitan ng armas ang matitinding hamon sa West Philippine Sea at isipin ang kapakanan ng mga maaapektuhang mamamayan.

Pagkaing Pagkaluluwa Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahimlay sa mainam na pastulan at inakay niya ako sa tahimik na batisan, binibigyan Niya ako ng bagong kalakasan. At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan sa matuwid na landasi’y doon ako inaakay. Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan, hindi ako matatakot ‘pagkat ika’y kaagapay; ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

U

ra-uradang binitawan ng Commission on Higher Education (CHEd) ang programang Senior High School (SHS) kung saan nabibilang ang mga estudyanteng nasa grado 11-12 sa mga State University and Colleges (SUCs) at Local University and Colleges (LUCs) sa papalapit na taong pampaaralan 2024-2025. Kinondena naman ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang madaliang desisyon ng ahensya sapagkat ito umano’y makaaapekto sa kalagayan ng mga SHS na mga estudyante. Tila padalos-dalos ang aksiyong ginawa ng CHEd at tuluyang binasahan na lamang ang ilang oportunidad na naghihintay sa mga mag-aaral. Kaakibat din nito ay ang ilang komplikasyon sa kalagayan ng edukasyon sa bansang marahil ay naghihintay na sa mga estudyanteng basta na lamang binitawan ng CHEd. Sa kadahilanang tuluyan ng mawawala ang programang SHS sa mga SUCs at LUCs, dalawa lamang ang kanilang maaaring pagpilian; ang ipagsiksikan ang kanilang mga sarili sa mga pampublikong paaralan o ang mapilitang pumasok sa mga pampribadong paaralan. Sa kasalukuyang datos ng DepEd, halos 159,000 and mga kulang na silid-aralan para sa mga K-12 na estudyante. Kung madaragdagan pa ng mga SHS na mag-aaral ang mag-eenrol ay tiyak na magmimistula na namang sardinas ang sitwasyon nila habang nagkakaroon ng klase. Malabo rin namang ang pagpasok sa mga pampribadong paaralan ang maging unang pagpipilian nila sapagkat ang dahilan nga kaya’t sila ay nasa mga SUC at LUC ay sapagkat mas makapagpapagaan ito sa kanilang mga bulsa. Walang dudang ang pagbitaw ng CHEds a mga SHS na estudyante sa mga SUC at LUC ay mas makapagpapalala lamang sa kapalpakan at kabulukan ng lagay ng edukasyon sa bansa. Tila maraming mga pinto rin ang nagsara at maraming oportunidad ang nawala sa mga estudyanteng nasa grado 11-12 sapagkat isang malaking kabigatan nga para sa kanila ang makapag-aral sa mga ganoong eskwelahan na tiyak at pinaghirapan din nila ang daan upang makapasok sa mga iyon. Isang pribilehiyo ang mag-aral at talagang ang memo na ito’y nagkakait sa mga estudyante ng libreng akses sa edukasyon. Hindi na inanalisa ng CHEd nang maayos at mabusisi ang prosesong ito at hindi

Awit 23:1-4

maipagkakailang ang pagsuko nila sa mga SHS na estudyante ay mas nagsusulong lamang sa pagiging komersiyalisado ng edukasyon. “Sa ngayon ay naghihintay naman tayo ng mga mag-aaral na mgtatransfer mula sa mga private schools. Kaso nga lamang talagang problema ang mga classrooms, mga teachers and other resources kung talangang dadagsa ang mga mag-aaral. Pero gagawa at gagawa tayo ng paraan para maacomodate sila,” pahayag ni Dr. Rogelio Canuel, SHS Coordinator. Mula sa panayam ng CHEd, wala na raw silang nakikitang legal na basehan upang ipagpatuloy pa ang paghawak ng mga SUC at LUC at mga SHS na mag-aaral. Subalit, natiyak kaya nilang walang mga magaaral ang maghihirap at maiiwan kapag kumalas na sila sa pamamahala ng programang SHS? Hindi ba’t mas mahalaga ang kalagayan ng mga estudyante at nararapat na pinag-aralang mabuti muna ang pasyang ito bago tuluyang iimplementa? Kung walang nakikitang legal na dahilan ang CHEd para ipagpatuloy and programang SHS ng mga SUC at LUC, nararapat na imulat nila ang kanilang mga mata sa mga kasuklam-suklam na isyu na mayroon ang edukasyon lalo na sa mga sakop ng programang K-12. Ang pagpapakawala nila sa mga SHS na mag-aaral ay tila mas magpapalaki lamang ng butas sa kalagayan ng edukasyo’t kahirapan. Ang mga transisyong nais ipanukala ng mga namamahala ng edukasyon sa bansa ay hindi kayang matapos sa loob lamang ng isang taon. Kinakailangan nito ng masusi at detalyadong pag-aaral, Nararapat na himay-himayin ito upang masiguradong walang masasagasaan sa kanilang mga ipinapatupad. Dapat na ikansela muna ang memorandum na ito habang wala pang malalim at masinsing konsultasyon sa mga estudyante’t guro sapagkat sila naman ang mga pangunahing maaapektuhan ng basta-bastang desisyon ng CHEd. Hindi na sana maging dahilan pa nang paglaki ng problema sa edukasyon ang mga dapat na nangangasiwa at nagpapahupa dito. Kung edukasyon ang susi sa tagumpay; sa sitwasyong ito, tila ang kagawaran na ng edukasyon mismo ang nagsisilbing taga-pundi ng ilaw at ang mga kaawa-awang estudyante naman ang tila mga pilit kumakapa sa gintong susing ito.


lathalain 09

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

What’s Life Beneath, Yarns, Hooks, and a Notebook? Ryza Teniela Marquez

S

a bawat akdang nayayari mula sa hook at yarn ay kaakibat ang patuloy na pagpupunyagi na makapagtapos at makamtan ang mga pangarap. Bata pa lamang si Althea Jheneil Marquez ng Grade 11-STEM 3 ng Batangas City Integrated High School ay nangarap na siyang magkaroon ng mapapagkakitaan niya balang araw. Sa gulang na 16, ay masasabing untiunti na niyang naisasakatuparan ang kanyang mga pangarap. Pagkahumaling sa sining ang tanging talento na ipinagmamalaki niya mula nang siya ay bata pa. Binigyang diin din niya ang paggawa ng mga obra gaya ng painting, quilling, sketching at iba pang bagay na may kinalaman sa sining, lalo’t higit nga ang pagcocrochet. Sa ganitong mga paraan ay nagkakaroon siya ng kasiyahan sa paggawa ng mga obra at ganoon na rin ng kaunting kita. Kahirapan ang isa sa nagtulak sa kanya na magbenta ng mga crochet products, ito ang paglalahad niya. “Ayaw kong iasa ang lahat ng gastusin.” Bilang isang teenager daw, nais niya na nagkaroon ng sariling pera sa pitaka na mula sa dugo at pawis niya. Nais din niya na kahit papaano ay unti-unting makamtan ang mga bagay na ninanais niya. Pagluluto ang isa sa kanya ring pinagkakaabalahan. Kung kaya’t ayon sa kanya, kung bibigyan ng pagkakataon at panahon, nais niyang maging “Engi-Chef” o engineer na chef. Pinapangarap niyang makapagpatayo ng isang shop na kakikitaan ng kanyang mga produkto, ang mga cookies ganoon na rin ang mga gamit na buhat sa pagcocrochet. Sa murang edad ay masasabing nakatatak na sa kanyang mumunting kaisipan ang mga planong ninanais niyang makamtan balang araw. Bagama’t may kaligayahang dala at kaunting kita ang ginagawang pagcocrochet,

nakakaramdam din siya ng sakit ng ulo at katawan, lalo’t higit kasabay nito ang mga deadlines sa eskwelahan. “Mahirap magbalanse, pero nakakaya.” Ito naman ang sagot niya sa tanong kung paano nga ba napapagsabay ang pag-aaral at munting trabaho. “Sa aking bag, yarn, hook at isang notebook”, dagdag pa niya. Ngunit sa kabila ng mga pagod at puyat na pinagdadaanan ng batang entrepreneur, masasabing lahat ay “worth it”, sapagkat nabibigyang pansin niya ang pag-aaral na mababakas sa pamamayagpag niya bilang presidente ng klase at consistent high-honor student. Aktibo rin siya sa ilang organisasyon at paligsahan na ginaganap sa loob ng paaralan. “Napakahusay ng kamay ni Althea sa mga sining katulad ng crochet kaya noong utay utay siyang nagtayo ng negosyo ay humanga ako. mura lamang naman ang kaniyang singil pero maganda ang kanyang mga likha. At kapah kailangan ko at may ekstra akong pera, talagang tinatangkilik ko ang kaniyang gawa,” pahayag ni Tiffany kaklase ni Althea. Sa ngayon ay kumikita na si Althea ng kaniyang naiipanustos sa kaniyang pag-aaral. hindi na siya umaasa sa kanyang mga magulang sa mga kailangang niyang bilhin sa paaaralan. Tunay na kapag ikaw ay nagpakita ng angking talento na nilahukan ng sipag, makakamit ang mga pangarap. Masasabi ngang sulit ang pagod at puyat, kung masusuklian naman ng saya at sarap. Ito ang pinatunayan ni Althea sa kanyang paglalakbay sa nagkukubling istorya ng kanyang mga yarn at hook. Sa kanyang istorya ng pagpupunyagi, binigyang diin niya ang unti unting pagkamit sa kanyang pangarap sa kabila ng paghihirap at pagsisikap.

Gaano ka Kagaling sa Bokabularyong Atin?

C

JC Delos Angeles

T

unay na mapanghamon ang paglalakbay sa mundong patuloy ang pagbabago. Hatid ng modernisasyon ang mga makabagong salita, sambitla o mga ekspresyong ginagamit ng mga Pinoy sa kanilang pakikipagtalastasan. Maraming mga bagong salita ang pumatok sa mga Pilipino. ngunit, sa paglalakbay tungo sa modernisasyon dapat bang makalimutan ng sariling bokabularyo natin? Unti-unti nang napapalitan at nababago ang mga salitang dating araw araw sinasabi at ginagamit nang mas madali at nakakaaliw sabihin na mga salita. Dulot ito ng pagbabago ng mga trend sa paglipas ng mga taon at sa pag-iiba ng kagustuhan ng henerasyon ngayon Usong-uso sa kasalukuyan ang mga salita katulad ng “Lodi”, “Mamshie”, “Chika” at marami pang iba ngunit sa pagsikat ng nga salitang ito ay pagkawala rin ng ilang terminolohiyang Tagalog sa ating pang araw-araw na pag-uusap. Sa paglipas ng panahon ilan sa mga terminolohiya sa tagalog ay nakakalimutan na. Ang malungkot na katotohanang ito ay hindi lamang nagpapatunay na patuloy ang pagbabago, hindi lamang tayong mga Pilipino kundi pati na rin ang ating wikang Tagalog. Pero hindi pa huli ang lahat, totoong nakakalimutan na, may magagawa pa rin tayong lahat upang ipakita ang pagmamahal natin sa ating sariling wika. Ang mga salita kagaya ng alili, itsin, kalatas ay marahil hindi alam at hindi pa naririnig ng ilan sa atin. Ang mga salitang ito ang naging pundasyon para sa mga salitang meron tayo ngayon. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na hindi na nabibigyang pansin at nakakalimutan na natin ang mga salitang ito. Napalitan na ang alili ng lila, ganun din para sa itsin na ngayon ay naging linggo na, hindi rin naiiba sa mga ito ang kalatas kung saan ngayon ito ay naging papel na. Dala ng mga pagbabagong ito ang pagkabaon ng mga salitang ito sa mga ala-ala na lamang ng mga Pilipino. Totoong masasabi natin na hindi praktikal o mahirap gamitin ang mga salita dahil sa mga panibagong mga terminolohiyang nauuso ngayon. Madali gamitin at hindi nakakalito, ganyan natin mailalarawan ang mga salita ngayon ngunit hindi ito sapat na dahilan upang kalimutan natin ang pinagmulan ng lahat ng ito. Isang malaki paring bahagi parin ng ating kultura at pamumuhay ang mga terminolohiyang Tagalog. “Sa ngayon, marami nang kabataan ang nakalilimot sa bokabularyong atin. Madami na kasi ang mga salitang uso at palasak. Pero iyan naman talaga ang katangian ng wika. ang mahalaga, hindi ka gumagamit ng mga masasamang salita pero sana tandaan pa rin natin ang bokabularyong atin, pahayag ni Gng. Marcelina Cueto, guro sa Kagawaran ng Filipino. Nakalimutan man, ang mga terminolohiyang ito naman ay tumatayo bilang isang testamento sa mayamang kasaysayang kultural na nakapaloob sa ating wika. Mahirap man ibalik pa ang mga ito, ipagdiwang natin ang walang hanggang diwa na hatid nito sa ating buhay—isang paalala na kung minsan, ang mga pinakasimpleng bagay ay may pinakamalalim na kahulugan.

d e s o l C hapter ngeles

JC Delos A

U

sapusapan kamakailan lamang ang break up ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Laman ito ng mga chimis at ng internet. Marami ang nalungkot, nadismaya at nanghihinayang dahil natapos na ang labing isang taong pagsasama ng nasabing magkasintahan. Isa na rito ang isa sa mag-aaral sa Batangas City Integrated High School na si Remilyn Faith Bravo, isang Grade 12 Senior High School student na pitong taon na sumusubaybay sa Kathniel. Halos maiyak-iyak at nanlulumo si Remilyn nang malaman niya ang balitang ito. Hindi niya ubos akalain na mangyayare ito lalo na at matagal nang magkasama ang magkasintahan. “Sa pitong taon kong pagsubaybay sa kanila, parang part na rin sila ng buhay ko”, lubos na nanghihinayang at nagdadalumhati ang mag-aaral dahil sa nasabing balita. “Sa totoo lang, medyo halo-halo ang pakiramdam ko sa desisyon nila. Ito ay isang malaking pagbabago pagkatapos ng mahabang pagsubaybay ko sa kanila. Ngunit, sinusubukan kong mag focus sa mga magagandang moments na dinala nila sa akin bilang magkasintahan at hilingin na lamang ang magandang kinabukasan para sa kanilang dalawa.” Ganiyan inilarawan ni Remilyn ang kanyang nararamdaman. Mahirap man daw tanggapin, ngunit kelangan parin natin respetuhin.

Third party? Nagsawa? Napagod? Buong madla ay napuzzle kung ano nga ba ang dahilan ng biglaang paghihiwalay ng tambalan. Isa lang ang sigurado tayo, buo na ang desisyon nila, wala na, finish na. Move forward na tayong lahat kasi maging ang Kathniel man ay already looking forward na sa kanilang buhay. Ang tanging magagawa nalang natin ay hilingin ang makakabuti sa kanila at umasa na ang desisyon nila ay makakabuti para sa isa’t isa. Labing isang taon, hindi biro ang tagal ng kanilang pagsasama. Natuto, hindi lamang ang Kathniel kundi tayong lahat. Gaano man katagal ang pinagsamahan, marami pa rin maaaring mangyare. Kailangan pa rin natin pahalagahan, maging consistent una hanggang dulo at mahigpit na hawakan. Naghiwalay man, hindi ibig sabihin nito ay nasayang lamang ang oras at pinagsinamahan nilang dalawa. Tinuruan nila tayong magmahal, pinaramdam nila sa atin ang pagmamahal na walang ibang magkasintahan pa ang nakagawa. Napasaya, napatawa, at napakilig, ang Kathniel ay parte na ng ating mga buhay, mahirap man tanggapin ngunit kailangan magpatuloy pa. At sa huling pagkakataon, aking sasabihin ang Kathniel ay chapter closed na.

BAGONG BIHIS ANG BANAHIS JC Delos Angeles

T

ila nagbagong bihis ang Batangas City Integrated High School (BANAHIS) nang buksan ang bagong gawang pathway noong Enero 15 2024. Ang 500 metrong kahabaan ng paligid na naturang paaralan ay inayos, pinaganda, nilagyan ng mga natural na bougainvillea, dinesenyuhan ng paintings at murals, nilagyan ng mga solar lamps at tinampok ang mala-Calle Crisologong tiles na lakaran ay nabuksan na noong nakaraang Enero 15, 2024. Kahanga-hanga rin na nilagyan ito ng pamahalaang Lungsod ng Batangas ng dalawang public toilets na fully equipped ng mga utilities na maaaring magamit ng mga drayber ng mga public utility vehicles.

Ang proyektong ito ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang tila nagpabago ng dating simple at may mga bandalismong pathway ng paaralan. Masisilayan na sa kasalukuyan ang isang instagrammable na pathway na talaga namang ang sarap daanan dahil sa mala-Calle Crisologo nitong vibes. “Sobrang sarap ngayong maglakad sa pathway, talagang ibang iba na ngayon ang pathway. Ang laki ng pinagbago kaysa sa noon. Gaganahan ang mga mag-aaral na pumasok. Sana lang talaga ay huwag mabalewala ang effort ng City at huwag sulatan o gawan ng hindi maganda ng sinuman,” pahayag ni Gng. Bella P. Abarintos, guro sa BCIHS. “Aesthetic” ganyan mailalarawan ng mga

mamamayan ang bagong atraksyong ito sa paaralan. Tunay namang nakakaakit at nakakamangha ang tanging ganda ng sidewalk ngunit higit pa sa pisikal na katangian ang ibinibigay nito. Kinagiliwan at pinuri ito ng mga residente ng lungsod. May taglay na ganda at pinupuno ng ibat-ibang disenyo. Mapahalaman, mga dahon at maging mga ilaw, tunay na wala ka nang hahanapin pa. Makikita ang ganda ng nasabing pathway sa umaga man, at sa gabi naman at tampok ang mga solar lights na lalong nagpapatingkad sa ganda ng pathway. “Parang ang sarap ngayong naging maaga

pagpasok sa umaga tapos lalakad ka sa magandang pathway. Para bang nakakaproud na maging Banahista,” pahayag ni Joshua, mag-aaral ng BCIHS. “Nakakatuwa ang mga CR na ibinigay sa aming mga driver. Maganda at malinis. Dapat lang talaga maalagaan at huwag mababoy para magtagal naming gamitin,” pahayag naman ni G. Andres, isang PUJ driver. Sa bagong bihis na pathway, nawa’y kasama rin ang pagbabagong bihis ng disiplina ng bawat isa na alagaan ang biyayang handog ng lungsod. Nawa ay huwag lagyan ng vandalism at huwag kalatan ang lugar at taglayin ang tamang disiplina upang ang lugar ay manatiling maganda at kaaya-aya.


10

latha

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

Pulang Villa ng Pamilya Patolot Althea Jheneil Marquez

A

family that work together, succeeds together,” ito ang katagang pinatunayan ng pamilya ng magkapatid na guro sa Batangas City Integrated High Schoolna sina Gng. Cristina Patolot- Diomampo at G. Darwin Patolot sa matagumpay na pagpapalago ng kanilang pampamilyang rest house/ pasyalan, ang Red Ville. Ang nasabing pasyalan ay tinatayang nasa 2600 sq.m at matatagpuan sa Brgy. Talumpok, Batangas City. Ito ay nabili ng pamilya noong Hunyo 20, 2022. Sa paghahanap ng loteng magiging common relaxing place para sa buong pamilya na hindi na sila babayad sa labas, taong 2022, ay naghanap nga sila ng lote. Sa 30 lupa na inocular nila, hindi kasama ang loteng ito ngunit bigla na lang siya inialok sa pamilya on the spot ng kanilang paghahanap at ito naman ay kanilang nagustuhan na parang isang meant to be para sa pamilya. Pagmamay-ari ito ng buong pamilya at pinangalanan nila itong REDVILLE na ang ibig sabihin ay R-RUEL, E-EDUARD at D- DARWIN para sa pangalan ng mga lalaki sa pamilya. Dahil ang motto palagi ng pamilya ay Family is Love, ang loteng ito ang pinagsimulan nilang ayusin lagyan ng malaking kubo at ilang mga dekorasyon at gawin ngang isang rest house upang palaging magsama sama ang bawat pamilya sa mga espesyal na okasyon at sa tuwing araw ng Sabado at Linggo. Dahil sa ganda ng lokasyon ng lote na overlooking ang lungsod ng Batangas, sariwa ang hangin dito at talagang ramdam na ramdam ang probinsya-freedom kapag ikaw ay nasa lugar. Masisilayan rin sa lugar ang bulubunduking tanawin at malalangahap ang preskong hangin mula sa mga punongkahoy na nakapaligid lugar. Maraming parte ang lugar na tunay namang “Instagram-worthy” at “aesthetic vibes” dito. Dito ay masasaksihan ang mga anggulo na tamang-tama sa mga picture taking ng pamilya, gaya na lamang ng treehouse, malaking pugad na masasaksihan sa likod ang ganda ng mga punong kahoy, muting koi fish pond, mga duyan at iba pa na kahit bata o matanda ay siguradong mageenjoy sa pagbisita. Hindi lamang ito naging kanlungan ng pamilya pati na rin ng ibang tao lalo na ang mga kaguruan sa Batangas City Integrated High School at iba pang guro sa lungsod ng Batangas dahil sa maganda at presko nitong tanawin pati na rin ang pakiramdam ng kapayapaan kapag nasa lugar. “Since talagang family farm siya, most of the establishments po talaga dun eh personally designed and talagang most po eh DIY and planned po ng aking kapatid na si Sir Darwin,” pahayag ni Gng. Maria Cristina Diomampo, isa sa may-ari ng REDVILLE. “Nakarating na ako sa lugar at sobrang inviting talaga ng place. Para bang feeling na at peace ka at sobrang bait ng pamilya Patolot dahil always welcome ang lahat ng gustong pumunta dito for free. Walang bayad na pasyalan. Medyo mahirap lang ang pagpunta dahil malayo sa sakayan pero kapag narating mo na, worth it lahat ng pagod pagpunta,” pahayag ni Miriam Sarmiento, kasamang guro na malimit puntahan ang lugar. Ngunit ano nga ba ang naging sikreto sa matagumpay na pagpapalago ng Red Ville? Sa likod ng mga kamerang kumukuha ng larawan ng magandang atraksyon, doon nakatago ang sikreto ng pasyalan. Ang pagtutulungan nila bilang pamilya ang nagsisilbing mahika na humuhulma sa pagbuo at pagpapalawak ng pasyalan. Ang kaibahan pa nito sa mga karaniwang pasyalan, ang lahat ng mga makikita rito ay pinaghirapan at pinagtulungan nila, gaya na lamang ng mga concrete pot na hinulma ni G. Patolot. Sa pagbili ng mga dekorasyon gaya ng mga halaman, magkakasama rin silang namimili at nagdedesisyon para sa mas ikagaganda nito. Marahil masasabi na sa simpleng pagtutulungan, ay mas kasiya-siyang makita ang iyong pinaghirapan, lalo na at kasama mo sa dugo at pawis ang iyong pamilya. Ayon kay Gng. Diomampo, ang makita lamang nila ang mga ngiti sa mga mukha ng mga dumarayo rito sa pagpasok at paglabas ng pasyalan ay lalong kagalakan ang naidudulot sa kanila. Ito nga ang naging sikreto nila upang mabuo at mapalawak ang pasyalan, dahil kahit sila ay nag-eenjoy at natutuwa sa pagpapanatili ng kagandahan at kaayusan ng kanilang pasyalan.

Ma-Grasya si Jen Raizen Irada

G

aling sa isang simpleng pamilya, anak ng mangingisda at nagtitinda ng isda, ngunit sa ngayon ay matagumpay na naiangat ang buhay ng pamilya sa New Zealand. Ito ang kuwento ng buhay ni Jennifer-Sora Magracia tubong Wawa, Lungsod ng Batangas, dating mag-aaral ng Batangas National High School na ngayon ay Batangas City Integrated High School na sa kasalukuyan ay kasama na ang buong pamilya at nagtatrabaho bilang Manager sa isang kilalang kumpanya sa Auckland, New Zealand.

CHILDHOOD MEMORIES Galing sa isang simpleng pamilya si Jen. Ang kaniyang ama na si Jaime Sora ay isang mangingisda samantalang ang kaniyang ina na si Alicia Sora ay nagtitinda naman ng isda upang may panustos sa kaniyang pamilya. Siya ang panggitna sa tatlong magkakapatid. Simple lamang ang naging kabataan ni Jen. Hindi man naibigay ang magandang buhay noong siya ay bata ay hitik naman siya sa pagkalinga ng kaniyang mga magulang, pinsan at mga kapatid. “Mahilig kami sa paglalaro ng mga larong pambata noon dahil wala pa naman noong mga gadget. Kapag naiipasyal kami sa plaza ay masaya na kami. Isa si Jen, na ang tawag naming ay Ingkit noong bata dahil singkit ang kaniyang mga mata sa aking mga pinsan na masayahin at lagi naming kalaro. Simple lamang siya noong bata pa kami pero kahit bata pa ay marami na siyang pangarap para sa kaniyang pamilya, pahayag ni Dina, pinsan ni Jen.

TRANSITION TO ADULTHOOD Nagtapos siya ng High School sa Batangas National High School. Wala man siyang natanggap na mga parangal noong siya ay nasa antas sekondarya ay baon naman niya ang mga pangarap na makapagtapos ng pag-aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya. Tuwina ay baon niya ito. Kaya kahit kulang man sa panustos noong kolehiyo ay nag-aral siya at nakapagtapos ng Bachelor of Science in Computer Education sa Batangas State University. Isang malaking tagumpay na ito sa pamilya si Jen sapagkat ang magasawang isda lamang ang pangunahing ikinabubuhay ay nakapagpatapos ng kolehiyo at mayroon ng anak na ganap ng guro. PAGBUO NG PAMILYA Pagkatapos ng kaniyang kolehiyo ay bumuo na siya ng pamilya. Napangasawa niya si Mark Magracia na isa ring guro. Sa simula ay hirap din ang bagong mag-asawa dahil parehas lamang na sapat ang kanilang sahod upang ipanustos sa kanilang dalawang anak. Si Ivan ang kaniyang panganay at si Shey, ang kanilang bunso. Kasama pa rito na kailangan din niyang tumulong sa kaniyang pamilya at sa kaniyang mga kapatid na noon din ay may pamilya na at ang kanilang bunso naman ay nag-aaral din bilang kolehiyo. “Kita ko ang naging hirap ni Jen. Kahit substitute ay ok lang sa kanya basta may trabaho siyang matatawag at maipantutulong sa kaniyang asawa sa pagbuhay nila sa kanilang pamilya. Hindi siya pilian sa trabaho. Kahit anong trabahong ibigay mo, go siya. At ginagawa niya talaga ang kaniyang best sa lahat ng kaniyang napapasukan, pahayag no Grace, kasamang guro ni Jen. BUHAY PINAS Nagtapos din siya ng Masters in Business Administration at Masters of Arts in Educational Management sa Golden Colleges, Batangas City, naging guro si Jen sa Pilipinas ng walong taon.


alain

SineYasat

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

11

Althea Jheneil Marquez Louis Charles Abacan

Pagsusuring Pampelikula ng mga BANAHISTA

S

a tuluyang paglaya ng bawat Pilipino sa mapang-aping COVID-19, naging susi ito upang mabuksan muli ang mga sinehan lalo’t higit noong nakaraang Metro Manila Film Festival kung saan dinagsa ang mga sinehan sa buong panig ng bansa. Tila nagpipiyesta na naman ang mga hugutero at hugutera dahil sa mga pelikulang pumukaw sa kanilang mga emosyon at tumagos sa kanilang puso at damdamin noong nakaraang 2023 MMFF. Hindi nagpahuli ang mga BANAHISTA upang siyesatin ang mga pelikulang tumbao sa puso ng bawat manonood.

TITULONG PAGPAPARANGAL SA MAKABAYANG PELIKULA Isinabuhay ang kasaysayan, nabigyang hustisya sa pamamagitan ng pagsasadula, at minahal ng mga tauhan ang pag-arte na siyang nagpagandang lalo ng palabas. Nakapag-uwi ng may pinakamaraming gantimpala ang nagdula ng makasaysayang talambuhay ng tatlong paring martir na kilala sa tawag na GomBurZa. GomBurZa, ang abrebasyon ng apelyido ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomes, na ginanap ni Dante Rivero; Jose (Pepe) Burgos, na ginanap ni Cedric Juan; at Jacinto Zamora, na ginanap naman ni Enchong Dee. Pinaunlakan ng walong parangal ang pelikula. Kabilang sa mga gantimpalang natanggap ay ang Best Actor para kay Cedrick Juan at Best Director para kay Pepe Diokno. Pangalawa din sa Best Picture ang nasabing pelikula dahil sa istilo na tila nagbibigkas ng daloy nito. Ang litrato ay nakadisenyo na tulad ng pinagtagpi-tagping papel. Sa pinakaitaas na bahagdan makikita ang malamig at sinserong mukha ng tatlong pari, simbolo ng kanilang kainosentehan sa paratang na naibigay sa kanila. Kasunod nito ang nagliliyab na kulay na nagpapahiwatig ng kanilang galit na nadarama. Sumunod dito ang nakagapos na kamay na sumimbolo naman sa pagposas ng kalayaan na naranasan ng mga Pilipino. Ang dalawang panghuling nakadugtong naman ay nagpapakita ng resulta ng pagpaslang sa tatlong pari, mga hakbang ng pag-aalsa ng mga Pilipino at nagpakita din ng sakripisyo ng buhay maipaglaban lamang ang kalayaan na kanilang hinahangad. Nagantimpalaan din sila ng pinakamahusay sa sinematograpiya, disenyo at sa sound effects na lalong nagpamangha at nagpasabik sa palabas. Isang halimbawa na diyan ang pangyayaring naganap na paglindol sa simbahan kung saan nasawi ang guro ni Padre Burgos na si Padre Pelaez, ang musika ay nagbabadya, mapapakinggan din ang pagtibok ng puso kasabay ang bumabagal na daloy ng pelikula. Doon pa lamang ay madadala na ang mga manonood sa atmospera ng nakaraan. Nakatanggap din sila ng espesyal na sertipiko, ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award. Sertipiko na nilikha bilang parangal kay dating Mayor Antonio Villgeas. Isang parangal para sa kanila sapagkat nakuha sa akto ang pagiging bida ng kultura ng Pilipinas at mga mamamayang pilipino. Ilan sa mga ito ay ang barong at saya bilang karaniwang kasuotan ng mga tao, ang arkitektura ng kabahayan, pagdiriwang ng isang bayan, at ang sining sa pag-arte gamit ang mga anino ng papel. Purong katutubo, at hindi nahaluan ng kahit na katiting na modernisasyon. “Sana matuto tayo sa ating history hindi dahil para baguhin ito, kun’di para matuto.” Mga salitang binanggit ni Cedrick sa entablado noong Gabi ng Parangal. Ito ang aral na nais niyang iwan at itatak sa ating puso at isipan. Naitala ang GomBurZa, na kasaysayan ng ating bansa, na ngayon ay naitala na din sa kasaysayan ng ika-49 th na pagdiriwang ng MMFF Gabi ng Parangal bilang may pinakamaraming sertipikong naiuwi at hakot award ito. Kung nakikita lamang ng nakaraan ang pinagsumikapang pag-arte at ang kalidad na ginawa ng mga artista at kompanya, tiyak na marami pa silang detalyeng idadagdag upang lubos mailahad ang kanilang pagmamahal sa sariling bayan. Ganunpaman, nagtagumpay ang Jesuit Communications, MQuest Ventures, at CMB Film Services, katuwang ang mga artista, director at staffs sa pagbibigay-buhay ng kasaysayan at muling pag-asa na hindi ito makalimutan sa panahon ngayong natatamasa natin ang ating kalayaan. Ang programang ito ay handog nila para sa mga Pilipino. “Viva Los Filipinos.”

WALANG REWIND SA TOTOONG BUHAY Hindi maikakaila ang labis na naging pagtangkilik ng mga Pilipinong manonood sa kamakailang Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF). Kabilang sa nagpalakas ng takilya ay ang pelikulang pinagbibidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Rewind. Ito ay sa panulat ni Direk Mae Cruz- Alviar at sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema. Ayon sa Star Cinema, nalagpasan nito ang Hello, Love, Goodbye bilang “highest-grossing film of all time”. Ang pelikulang ito ay tumalakay sa kwento ng isang pamilya kung saan naipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng oras para sa pamilya, Ganoon na rin ang pagiging kuntento sa lahat ng mga bagay na nakakamit mo. Binigyang diin dito ang pagiging mabuting asawa at padre de pamilya. Dito rin ay naisapelikula ang pagkakaroon ng magandang koneksyon at matibay na pananampalataya sa Diyos. Sa paglabas nito sa mga sinehan, pinilahan ito ng milyon-milyong mga pamilya at kahit ang magkasintahan, pati na rin ang mga magkakaibigan. Masasabi na naging patok na patok ito sa masa na makikita sa ingay ng iba’t ibang social media platforms. Naging trending ang mga tweet, reels, videos at post ng mga manonood. “Talagang worth the money ang movie.” “Iiyak ka talaga habang pinapanood mo at mapapakwestyon ka talaga kung naging mabuti kang partner.” Ito na lamang ang naging pahayag ng mga “movie-goers” matapos mapanood ang pelikula. Sa mahigit P815M na kinita ng Rewind sa takilya, masasabing “deserve na deserve” ito ng production team. Ang makalaglag luhang mga sound at light effects ay lalong nagpatingkad sa mensaheng nais ipaabot ng pelikula. Dagdag na rin dito ang natural na chemistry na dala ng mag-asawang Dingdong at Marian. Ang pamilya ang pinakamagandang regalo na maaari mong makamit sa iyong buhay. Sa pelikulang ito, pinakita sa karakter ni Dingdong ang pagsisisi sa mga oras na naging masama siyang ama at asawa. Sa huli ay natanto niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng masaya at kumpletong pamilya. Bagamat nasa huli nga ang pagsisisi, nagturo ang pelikulang ito ng mga aral na talaga namang bibitbitin ng manonood hanggang sa paglabas ng mga sinehan. Itinuro rin nito ang pagsulit sa bawat araw na kasama ang mga mahal sa buhay, sapagkat hindi mo sila makakasama sa habangbuhay.

Ramdam niya sa kaniyang sarili na mas kaya niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang kaniyang pamilya sa ibang bansa. Kaya naman laging kaakibat niya ang pangarap na makapangibang bansa hindi lamang para sa kaniyang pamilya kundi para na rin sa kaniyang mga mahal sa buhay. Habang siya ay nagtuturo ay nabubuo rin ang pangarap niyang umalis ng bansa at doon simulant ang kaniyang karera. Hindi nagsilbing sagabal ang kanyang pagiging guro sa kanyang pangarap na magkaroon ng mas maayos na kinabukasan para sa kanyang pamilya. ANG DESISYON NA LUMISAN NG BANSA Baong tapang sa pag-alis ng guro at nanay na handang harapin ang paglalakbay patungo sa mas kuntentong pamumuhay. Ito ang naging puhunan ni Jen upang lakas ng loob na pasukin ang buhay ng isang OFW sa New Zealand. “Bilang isang magulang, ang una mo laging iisipin ay ang kapakanan ng iyong mga anak at pamilya” ani ni Mrs. Jen na mas pinapahalagahan ang kinabukasan ng kanyang mahal sa buhay. Handang siyang makipagsapalaran sa ibang bansa mabigyan lamang ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya. Taong 2015, nagdesisyon siyang bumiyahe patungo sa New Zealand upang mag-aral. Dito nagsimula ang kanyang paglalakbay patungo sa pag-unlad at pagbabago. Sa kabila ng pangungulila sa kanyang pamilya, pinagsikapan niyang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho upang makatulong sa pangangailangan nila sa Pilipinas. ANG MATINDING PAGSUBOK Sa unang dalawang taon sa ibang bansa, tila napakahirap para kay Jen na malayo sa kanyang pamilya. Subalit, sa likas na tapang at determinasyon ay kinakaya niya ito. Buong sigasig niyang nilakbay ng mag-isa ang New Zealand malayo sa kaniyang pamilya at asawa at sa dalawa niyang maliliit pang mga anak. Ngunit palagi niyang iniisip na makukuha din niya ang kaniyang pamilya balang araw kaya ito ang

nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob upang harapin ang hamon ng pag-iisa sa ibang bansa. BUNGA NG PAGSISIKAP Matapos ang masusing pag-aaral sa isang International School sa Auckland, natapos niya ang Computer Science and IT Level at nakuha ang Academic Excellence Award. Dito siya nagtrabaho bilang ICT Administrator hanggang maging Manager sa kanyang kasalukuyang kompanya. Ang paglalakbay na ito ay nagbigay daan sa kanya upang makamit ang masaganang buhay at tagumpay sa New Zealand. Simula nang magkaroon nang maayos na trabaho at pamumuhay sa New Zealand ay nangarap naman siyang dalhin ang kaniyang pamilya upang doon sila ay magkasama-sama. Nagsimula 2016 ay dinala niya ang kanyang pamilya sa New Zealand. Ang una ay ang kaniyang asawa at mga anak at hindi lumaon ay dinala na rin niya ang kaniyang ina, ama, bunsong kapatid. Dinala naman ng kaniyang bunsong kapatid ang asawa nito pati na rin ang dalawang anak. Ang pinakahuli niyang nakuha ay ang kaniyang panganay na kapatid. Simula noon, masasabi niyang masaya at matagumpay na ang kanilang buhay. Ang kalungkutan at pangungulila ay napalitan ng masigla at buhay na pagsasama-sama ng kanyang pamilya. “Nagpapasalamat kami kay Jen sa aming kapatid dahil sinikap niya kaming dalhin dito at kahit paano mayroon kaming maayos na trabaho dito a New Zealand at magkakasama pa kami dito. Hindi na kami nangungulila sa isa’t isa. Siguro sa ngayon dito muna kami at narito naman ang lahat ng aming pamilya at mayroong magandanghanapbuhay kami para maipantustos sa aming mga pamilya, pahayag ni Jimison, panganay na kapatid ni Jen. PAYO PARA SA IBA PANG NANGANGARAP MANGIBANG BANSA Sa mga nag-aalala at nangangarap na maging OFW, binibigyang inspirasyon ni Jen na huwag susukuan ang kanilang mga pangarap para sa kanilang pamilya. Bagamat mahirap, ang bawat pagsubok ay may katumbas na tagumpay, at sa huli, ang pangarap ng masaganang buhay para sa kanilang pamilya ay magiging realidad.


12 agham at teknolohiya Handa ba tayo sa mga sakuna? Shiella Marie Ople

S

a harap ng sunud-sunod na kalamidad na bumabalot sa ating komunidad, hindi na maikakaila ang malupit na epekto ng sakuna sa ating buhay. Mula sa malalakas na bagyo hanggang sa paglindol, dumaranas tayo ng mga pagsubok na nagdadala ng matinding pangangailangan para sa agarang pagkilos. Sa paglipas ng taon, tila mas lumalala ang epekto ng mga sakuna sa ating kalikasan at pamayanan. Ang ganitong kalagayan ay nagtutulak sa atin na maging mas mapanagutan at handa sa mga hamon ng kalikasan. Mula sa pananaw ng agham, mahalaga ang pag-unawa sa likas na kahinaan ng ating kalikasan. Ang pag-aaral sa mga pattern

ng kalamidad, gayundin ang pagsusuri ng mga epekto ng pagbabago ng klima, ay nagbibigay daan para sa mas makabuluhang preparasyon at adaptasyon. Ang pag-init ng mundo ay nagdudulot ng mas matindi at paminsang pag-ulan, buhawi at pagtaas ng antas ng tubig sa karagatan. Ang mga ito ay nagpapalala ng mga kalamidad tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa at paglakas ng bagyo. Ang mabilis na pag-unlad ng walang malasakit sa kalikasan at sobra-sobrang populasyon sa ilalim ng mga ito ay nagreresulta sa mas mataas na panganib ng pagkasangkot sa mga sakuna. Ang maling pag-unlad ay nagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pagguho ng lupa at pagputok ng bulkan. Minsan, hindi sapat ang paghahanda ng pamahalaan at ng komunidad sa mga kaganapan ng sakuna. Ang kakulangan sa kaalaman, pondo at tamang pagtutok sa pre-disaster at post-disaster measures ay nagdadala ng mas malalang pinsala.

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

May mga nagsasabing ang mga sakuna ay bahagi ng kalikasan at hindi ito maaaring pigilan. Subalit, ang hindi pagsunod sa makatarungan at malikhaing paraan ng pagpaplano, pag-unlad, at pangangalaga sa kalikasan ay nagdadala ng mas malalang epekto ng sakuna. Kailangan natin itong harapin ng may determinasyon at disiplina. Ang pagtutok sa masusing paghahanda sa dito ay naglalaman ng regular na pagsasanay, pagsusuri sa mga pampublikong istruktura at pagsusulong ng mga mekanismo para sa mas mabilisang pagtugon sa kaganapan. Dagdag pa dito mahalaga ang pagbibigay-tuon sa kalikasan sa bawat hakbang ng urbanisasyon at pagunlad. Ang pagtutok at malasakit sa kalikasan ay naglalaman ng pagpapatupad ng tamang solid waste management, reforestation at iba pang hakbang para sa pangangalaga sa kalikasan. Ang pangangailangan para sa malawakang edukasyon ukol sa mga sakuna, climate change,

MULING PAG-ARANGKADA

at tamang paghahanda ay hindi dapat maliitin. Ang pagpapatibay ng kamalayan ng komunidad ay isang pundamental na hakbang para sa masiglang pangangalaga sa ating kaligtasan. Nakalulungkot mang isipin ngunit sa dinami-dami ng mga imbensyon na nagawa ng mga siyentista at iba pang mga bihasa sa larangan ng siyensya, tila wala pa ring makaalam at makatuklas ng instrumento na makakatukoy sa eksaktong lokasyon at panahon na tatama ang mga sakuna. Ang tanging magagawa na lamang ay maging listo at alerto sapagkat sa puntong walang kontrol ang tao, mananatiling sarili ang kasangga mo. Sa kabuoan, sa pagkakaroon ng malasakit, disiplina, at masusing paghahanda, maaari nating harapin at malampasan ang mga hamon na dala ng sakuna. Ang pagtutulungan at koordinasyon sa lahat ng antas ng lipunan ay mahalaga upang masigurong ang bawat isa sa atin ay ligtas at handa sa anomang pagbabago ng kalikasan.

LITRATO MULA SA BCIHS LINYA PAIKATLONG PWESTO Bumida ang mga Banahista sa ginanap na National Competition 2023 sa Bosco Technical College, ika-2 ng Disyembre 2023. Nag-uwi ng mga tansong medalya sina Dea Denise Almario at Aldred Cueto sa larangan ng Line Tracing. Sa pangangalaga ni G. Ronald Calderon, nagbigay karangalan ang mga mag-aaral sa paaralan.

BCIHS Robotics Duo Umarangkada sa National Robotics Competition 2023 Sam Angelo Acuna

U

marangkada ang BCIHS Robotics Duo na sina Dea Denise Almario at Aldred Cueto, mag-aaral mula sa SHS nang mapagtagumpayan nilang maiuwi ang Bronze medal sa Line Tracing Advance Category sa National Robotics Competition 2023 na ginanap sa Don Bosco Technical College sa Mandaluyong City noong nakaraang Disyembre 02, 2023. Nakipagtunggali sina Almario at Cueto sa 14 na mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pampribadong paaralang sekondarya sa buong bansa. Bago ang pagsabak sa National Robotics Competition 2023, ang dalawa ay dumaan sa matinding pagsasanay sa gabay nina Gng. Basilisa Isla at G. Ronald Calderon, ang coach na humulma na rin sa ilang mga mag-aaral sa larangan ng Robotics sa mga nakalipas na taon. “Disiplina sa sarili at tiyaga ang susi na palagi kong sinasabi sa mga robotics players. Hindi naman nila ako binigo dahil baon palagi nila ito sa tuwing magkakaroon kami ng mga trainings. Talagang nagworkhard ang bawat isa. At iyong dedikasyon na makapag-uwi ng karangalan sa paaralan, ”pagsasalaysay ni G. Ronald Calderon isa sa coach ng Robotics Duo. Maraming hamon ang pinagdaanan ng Robotics Team dahil abala rin ang mga mag-aaral mula sa maraming gawain sa paaralan ngunit ang lahat ng ito ay napagtagumpayan kalakip ang kanilang sikap at tiyaga. “Saludo ako sa mga batang ito dahil nasa kanila talaga ang character ng pagiging isang champion dahil naroon ang disiplina at dedikasyon nila sa bawat laban, na maipanalo nila ito. Nawa’y sa inyo mga anak, madala niyo ang mga ugaling iyan at laging pagiging mapagpakumbaba sa kabila ng mga tagumpay na nakamit ninyo sa larangan ng Robotics,” dagdag pa ni G. Calderon. Samantala, naghahanda pa rin ang dalawa sa pagsabak sa iba pang kompetisyon kaugnay ng Robotics sa tulong at gabay pa rin ng kanilang mga coach.

Mapang-aping Anino: Walking Pneumonia, Umeepekto na rin sa Pilipinas Rhyza Taniela Marquez

K

asalukuyang nahaharap sa iba’t ibang isyung pangkalusugan ang Pilipinas partikular na sa usapin ng respiratory disease. Kamakailan lamang ay naging tampok sa mga balita ang iba pang uri ng Pneumonia na tinatawag na Walking Pneumonia o Mycoplasma Pneumonia. Ang sakit na ito ay kalimitang nagmumula sa mga bacteria at virus na tinatawag na Mycoplasma pneumoniae. Ito ay nakahahawang sakit na naipapasa sa direktang kontak sa taong may sakit. Ayon sa pag-aaral, tinawag itong Walking Pneumonia sapagkat hindi gaanong malala ang epekto nito sa katawan ng tao kumpara sa tradisyonal na pneumonia kaya mas nakagagalaw at nakagagawa ng mga pang-araw-araw na gawain ang maysakit at doon nila kinuha ang salitang “walking”. Nakapagtala ng apat na kaso ng Walking Pneumonia sa Pilipinas noong Nobyembre 25 sa taong 2023. Pinupuntirya ng sakit na ito ang baga ng tao kung saan posibleng makaranas ng pamamaga ng baga o ang tinatawag na respiratory infection. Ang walking pneumonia ay nangangailangan ng mas mahabang oras ng pagpapagaling kahit mas mababa ang lebel ng sakit na ito kaysa sa orihinal na pneumonia. Tumatagal ito sa katawan ng tao sa humigit-kumulang anim na linggo o kung mas matagal pa ay inaabisuhang magpakonsulta sa doktor. Kabalikat nito, nagpahayag ang pediatrician na si Dr. Cynthia Balza-Gomez ng ilang payo sa kung paano agarang matutugunan ang kaso ng sakit na ito.

M ga Indikasyon, Paghandaan ng Tugon

Ang sintomas ng walking pneumonia ay mayroong pagkakaiba kumpara sa tradisyonal. Sa walking pneumonia, kapansin-pansin ang tuloy-tuloy na pag-ubo na may tuyong plema, sipon, mababang lagnat, sakit ng ulo at labis na pagkapagod. Ito ang mga pangunahing sintomas na kagaya rin ng ibang sakit gayunman, may pagkakaiba pa rin ang mga ito. Kung dumaan man ang isang linggo at hindi pa rin nawawala ang mga sintomas na ito at nadagdagan pa ng hirap sa paghinga, sakit at pangangati ng lalamunan at pagkasakit ng dibdib, malaki ang tyansa na mayroon na ngang walking pneumonia ang isang tao. Kahit ang mga sintomas na ito ay normal na sa ibang tao dahil sa pabago-bagong panahon, pinag iingat pa rin ang mga Pilipino lalo na’t mayroon ng mga kaso nito sa Pilipinas at madali itong makahawa. Hindi dapat ipagsawalang-bahala ang mga sintomas na ito dahil kapag hindi naagapan maaaring magdulot ito ng mas malalang epekto sa katawan.

B ata o Matanda, Lahat Pwedeng Mabiktima

Lahat pwedeng mabiktima ng walking pneumonia, anomang edad maaaring magkaroon ng nakahahawang sakit na ito. Ngunit batay sa pagsisiyasat, mas mataas ang antas ng mga batang dalawang taong gulang pababa at 65 taong gulang pataas. Batay sa mga eksperto, kagaya ng ibang sakit mas pinupuntirya ng sakit na ito ang mga taong may mababang resistensya (immunocompromised) sapagkat mas nahihirapan silang labanan ang virus na pinagmumulan ng pneumonia kaysa sa mga taong may malakas na resistensya. Isa pang aspeto na mas nagpapataas ng pagkakataon sa pagkakaroon ng walking pneumonia ay ang mga background disease o mga sakit na mayroon ang isang tao bukod sa pneumonia. Pangunahin na rito ang asthma, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) atemphysema.

A garang Lunas sa Sintomas

Ayon kay Dra. Balza-Gomez, ang mga tao ay nararapat magpakonsulta sa doktor kung sakaling makaramdam ng mga sintomas upang mabigyan ng payong medikal sa kung ano ang maaaring gawin. Inabisuhan din niya ang mga tao na gumamit ng nebulizer na may NSS (normal sort solution) upang makatulong sa paghinga o iba pang problema sa baga. Nirekomenda naman ang pagsusuob o ang steam ihalation para sa mga kabataan hanggang matatanda. Ito ay proseso kung saan ang tao ay nagkukulob sa mainit na tubig na may asin. Nakatutulong ito sa pagpapababa ng lagnat at pagpapabuti sa pakiramdam ng may sakit. Para sa mga bata namang hindi pa kaya ang pagsusuob, maarami silang magpakonsulta sa doktor upang mabigyan sila ng nasal spray na naaayon para sa kanilang edad. Ayon sa pag-aaral, nakatutulong ang iba’t ibang uri ng nasal spray sa pagsugpo sa allergies, baradong ilong at kung minsan ay sa ubo. Ngunit mayroong ibang uri nito na sinadya para sa Pneumonia. Sa kabila ng pangambang dala ng Walking Pneumonia sa Pilipinas, patuloy na buong-tapang na hinaharap ng mga Pilipino ang usaping pangkalusugang ito. Sa pamumuno ng Kagawaran ng Kalusugan, kabalikat ang disilpina ng mga mamamayan, mawawakasan ito kung maaagapan ng may pagkakaisa. Naharap ang Pilipinas sa ganitong uri ng usapin nang tayo ay makipagsagupaan sa COVID-19 sa loob ng humigitkumulang tatlong taon. Maaaring wala pa ito sa kalagitnaan ng mga nangyari noon ngunit hindi na hihilingin pang umabot sa ganoong punto. Patunay ito na anomang kaharapin ng mga Pilipino, nalalagpasan ito kung may pagtutulungan at patuloy ang pagiging responsable ng mga tao hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga tao sa paligid.


ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

agham at teknolohiya 13 TATAK BANAHISTA, ASTIG

Asi, bida sa Regional Science and Technology Fair 2023 Rhyza Teniela Marquez

M

atagumpay na nakamit ng mag-aaral ng Batangas City Integrated High School na si Sean Cleo G. Asi ng G10- Maxwell ang Silver Medal sa 2023 Regional Science and Technology Fair na naganap noong Disyembre 6, 2023 sa Cainta, Rizal.

Angela De Guzman

Social Media: Panganib sa likod ng Mga Plataporma

B

ahagi na ng araw-araw na pamumuhay ng maraming Pilipino ang paggamit ng social media, gaya ng Facebook, Messenger at Youtube, dahil ito na ang pangunahing pinagkukunan nila ng impormasyon sa mga kaganapan sa bansa ngunit ito ay daan din sa mga mapanlinlang na gumagamit ng internet. “There has been a spike in cybercrime-related incidents (to) the tune of 400 percent. These are already becoming the majority of the cases the DOJ is facing,” ito ang sinabi ni Assistant Justice Secretary Jose Dominic Clavo IV sa isang interbyu. Dagdag pa niya, ang mga karaniwang kaso na kanilang kinakaharap ay love, phishing, investment at tax scams kaya pinag-iingat niya ang publiko at pinaaalalahanan na huwag agad magtiwala, lalo na sa mga website na nagbibigay ng “instant money.”

L inlang sa Messenger

Marami nang nakararanas ng digital scam sa bansa sa magkakaibang plataporma ng social media na karaniwang ginagamit ng mga PIlipino, gaya ng Facebook Messenger, Whatsapp, Telegram at Instagram. Ito ay ang pambubudol o panloloko upang makakuha sila ng pera sa kanilang biktima, gaya rin ng nakasanayang scam ang kaibahan lamang ay online ito. Sa karanasan ni Shanela, isang mag-aaral mula Batangas City Integrated High School (BCIHS), ikaapat ng Disyembre ngayong 2023 nang mangyari ang insidente kung saan nagpadala ng mensahe ang inakala niyang kanyang guro na nanghihiram ng 700 pesos. Malapit ang loob niya sa nasabing guro dahil adviser niya rin ito kaya naman hindi na siya nagalinlangan at ibinigay ang hinihinging halaga nito. Makalipas ang ilang oras, napagtanto nila na ang nanghiram sa kanya ng pera ay hindi ang kanilang guro kundi isang “poser account” o isang tao na nagpapanggap lamang bilang kaniyang guro. Ito ay nagpadala ng parehong mensahe sa iba pang mga estudyante na malapit din sa guro at nakabiktima pa ng isang estudyante na naging estudyante rin ng guro noong nakaraang taon. Nananatiling hindi tukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng poser, at ang account nitong ginamit ay deactivated na. Bakas sa isipan ni Shanela ang bilis ng pangyayari at iniisip niya ang posibilidad na nasa paaralan din ang suspek sa scam na ito. Mananatiling mapait ang iniwan nitong alaala sa mga estudyante at iba pang biktima nito.

kaya mas delikado ito. Isa lamang sa limang kabataang Pilipino ang nagsasabing nararamdaman nila na ligtas sila sa internet, ayon sa ulat ng datos ng UNICEF Philippines noong 2020. Isa sa apat ang nakatanggap na ng maseselang larawan ng ibang tao at isa sa pito ang nakatanggap ng maseselang mensahe.

Kinilala ang kaniyang SIP na may pamagat na LIGTAS: Life Saving Intelligent Ground Based Teleoperated Robot as Alert System sa ilalim ng Tuklas Competition kung saan 23 na mga paaralan ang naglaban-laban upang masungkit ang karangalan. Nagbunga ang paghihirap ni Asi dahil na rin sa kaniyang pagsunod sa mga payo ng kaniyang coach na si Bb. Rowena Delgado, guro mula sa Kagawaran ng Siyensya. “Natural ang galing ni Sean at may halong disiplina sa sarili at tiyaga sa lahat ng bagay kaya naman nasungkit niya ang kaniyang award. Nagbunga ang paghihirap niya sa araw-araw lalo na noong malapit na ang laban, pagsasalaysay ni Bb. Rowena Delgado, coach ni Asi. Maraming hamon ang pinagdaanan ni Asi dahil na rin sa kasabay ito ng maraming mga

Nut your ordinary Angela De Guzman

M eltwater: Hi Social Media, Love PH

K aba sa Kabataan

Ayon sa datos ng Meltwater at We Are Social, 35.9 porsyento populasyon ay kabataan, na tinatayang 41,823,500 ang gumagamit social media. Ipinakita ng mga nakaraang pag-aaral na ang mga bata at kabataan, na hindi bababa sa 3 oras ang ginugugol bawat araw sa social media, ay mayroong mataas na posibilidad na makaranas ng mga isyu sa kalusugang mental, kabilang ang mga sintomas ng depresyon at pagkabalisa. Bukod sa labis na paggamit ng social media, ang impluwensya nito sa isipan ng kabataan ay apektado rin ng iba’t ibang salik, tulad ng uri ng nilalaman na kanilang kinokonsumo o nakikita. Hindi ligtas ang kabataan sa mga nakababahala, hindi naaangkop at nakapipinsalang hatid ng internet na madali nilang mahahanap at makikita

Ayon sa datos ng Meltwater at We Are Social, 84.45 million sa 116.5 million na Pilipino ang gumagamit ng social media o tinatayang 72.5 porsyento ng populasyon. Ikatlo ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na pinakamatagal ang oras na ginugugol sa paggamit ng social media na tatlong oras at 43 na minuto. Nangunguna rito ang ang Nigeria na apat na oras at 36 minuto, sinundan ng Brazil na tatlong oras at 46 minuto, at South Africa na tatlong oras at 44 minuto, bago ang Pilipinas. Paboritong aplikasyon ng 45.9 porsyentong mga Pilipino ang Facebook na siya ring pinakamadalas na ginagamit na aplikasyon na sinundan ng Messenger na 22.1 porsyento, at huli ang Tiktok na 13.9 porsyento. Ginagamit ng 69.2 porsyento ng mga Pilipino ang social media bilang tulay ng komunikasyon, 47.3 porsyento ng mga user ay online na nagbabasa tungkol sa mga pinakabagong balita sa buong bansa, habang 44.9 porsyento ang umamin na ginagamit ang mga ito para lang maghanap ng bagong content, na may hindi mabilang na oras na nag-iscroll sa black hole ng walang katapusang short-form na mga video. Samantala, 44.1 porsyento ay simpleng window shopping, naghahanap ng agarang kasiyahan sa isang pagbili, at iba pang mga dahilan. Iminumungkahi ng mga Pilipino ang mas maigting at epektibong pagpapatupad ng mga batas at polisiya na ginawa ng pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga gumagamit ng social media, lalo na ang mga kabataan. Malaki ang naitutulong ng teknolohiya at social media sa buhay ng mga Pilipino ngunit hindi dapat ito inaabuso. Ilan sa mga paraan upang maging makabuluhan ang paggamit ay pagiging maingat sa mga nakikita at ibinabahagi online, pag-alala sa limitasyon sa paggamit ng social media, at pagkakaroon ng boses sa mga karahasan na nagaganap. Kinakailangang maging responsable at mapanagutan sa paggamit nito upang mapanatili ang kaligtasan.

gawain sa paaralan ngunit matagumpay niya itong napaglabanan. “Mula sa simpleng paggagawa lamang ng Research Paper ay hindi ko akalain na aabot ako sa Regional Science and Technology Fair. Sa bawat puyat at pagod na aking naranasan ay tila balewala na ito ngayon sa akin. Sa tunay ay maraming naging problema o pagsubok ang aking naranasan, ngunit sa tulong ng aking mga kagrupo at mga guro na sumusuporta sa akin ay nalampasan ko ito,” pahayag ni Asi. Idinagdag pa niya na masaya ang naging karanasan niya sa paligsahan. Ayon sa kaniya mahirap ang Research, ngunit kung ito ay mamahalin mo ay sinisigurado na kayang-kaya kahit isang upuan lamang. Sa ngayon ay naghahanda na si Asi sa iba pang kompetisyon upang lalo pang mahasa ang kaniyang husay.

L

ingid sa kaalaman ng karamihan, ang kanilang paboritong sangkap ng kare-kare at peanut butter na peanut (Arachis hypogaea L.) o mani ay hindi isang uri ng nut. Ito ay isang uri ng legume na kahanay ng mga lentil, beans, at soybeans na ang mga buto ay tumutubo sa loob ng isang ‘pod’. Ang pagpapakahulugan ng mga pag-aaral sa nut ay tuyong prutas na may isang butong laman na nakalagay sa loob ng isang matigas na outer shell. Ito rin ay tumutubo sa ilalim ng upa, hindi gaya ng mga tunay na “nut” na kadalasan tumutubo sa mga puno, tulad ng mga walnut, chestnut, hazelnut, at acorn.

K asaysayan at Kasalukuyan ng Mani

Sa kasaysayan noong ika-16 na siglo, dinala ng mga Espanyol ang mani sa Pilipinas. Ito ay dinala ng mga Portuges sa Goa, ang kanilang kolonya sa India. Mula sa dalawang lokasyong ito, ang mga mani ay lumipat sa China at Indonesia. Kasalukuyan, tinatangkilik ng mga Pilipino ang mani na malaki ang kontribusyon sa ekonomiya ng bansa at malaking bahagi ng pagluluwas. Ang maraming gamit ng mani ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng demand nito sa bansa. Noong 2022, ang Pilipinas ay gumawa ng humigit-kumulang 31.52 thousand metric tons ng mani, na lubhang tumaas kumpara sa mga nakaraang taon. Ang produksyon ay humantong din sa pagtaas ng mga supplier ng mani sa bansa. Nakuha ng bayan ng Enrile sa Cagayan ang moniker na “Peanut Capital of the Philippines” hindi lamang dahil sa malaking kontribusyon nito at mataas na produksyon kundi pati na rin sa mahalagang papel nito sa pagpapanatili ng suplay ng mani para sa lokal at ibayong dagat.

M ani sa Kulturang Pinoy

Ito ay karaniwang ginagamit sa mga dessert, ice cream, at pastry. Isa sa pinakasikat na pagkain na kinabibilangan ng mani sa bansa ay ang Kare-Kare, isang pinaghalong karne at peanut butter. Ang pritong mani na inasinan ay isang abot-kayang meryenda sa Pilipinas na mahahanap sa mga tindahan at karaniwang may kasamang garlic chips, adobo, at chilli flavors. Isang sikat na Pinoy street food ang Adobong Mani na gawa sa pritong mani na may bawang. Ang pinakuluang mani, na sikat na tinatawag na nilagang mani sa Filipino ay ibinebenta rin bilang pagkaing kalye sa Pilipinas. Ang Peanut Majareal ay isang matamis na produkto na karaniwang ginagamit ng mga Pilipino na gawa sa nilutong mani. Mataas ang demand nito sa Cebu Island, Philippines.Ang iba pang karaniwang pagkain na gumagamit ng mani sa Pilipinas ay ang Karedok, Pecel, Gado-Gado, sariwang lumpia, rice cake, at Ketoprak. Mayaman sa protina, taba, at sustansya ang mani kaya naman maraming Pilipino ang tumatangkilik dito. Hindi man ito tunay na “nut”, hindi magbabago ang sustansyang hatid nito sa mga tao. Mananatili itong mahalagang bahagi ng kultura ng bansa at kontribusyon sa ekonomiya ng bansang Pilipinas.

Pinsalang Dulot ng Sunog sa Ilang Barangay sa Lungsod: Hakbang tungo sa Kaligtasan at Pag-angat Shiella Marie Ople

T

ila magnanakaw sa gabi ang mga sunog na naganap sa ilang mga lugar sa Lungsod ng Batangas na nagdulot hindi lamang ng pinsala sa mga ari-arian kundi pati na rin ng matinding emosyonal na trauma sa bawat isa.

A ng Panganib na Sanhi ng Sunog

Ayon sa Disaster Risk Management marami ang maaaring maging dahilan ng sunog. Ang overloading ng electrical wires ang pangunahin dito. Ang ikalawang dahilan ay ang upos ng sigarilyo na itinatapon kung saan-saan. Bukod dito, madalas ding pinagmumulan ng sunog ang napabayaang kandila at nakabukas na stove. Ang hindi wastong paggamit ng kagamitan, aksidente sa pagluluto at maling pagsasagawa ng open burning ay ilan pa rin sa maaaring maging sanhi ng sunog. Sa pag-unawa sa mga ito, masusupil natin ang panganib na maaaring dala ng sunog sa komunidad. Sa pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mga sanhi ng sunog, mas magiging handa ang mga mamamayan na magtaguyod ng kaligtasan sa kanilang pamayanan. Ang kampanya para sa edukasyon sa sunog ay mahalaga upang mapababa ang ganitong insidente sa barangay.

E pekto ng Sunog sa mga Residente Hindi lamang pagkalagas ng mga pinaghirapang ari-arian ang maaaring maging epekto ng sunog kundi na rin ang emosyonal na trauma sa bawat isa. Ayon kay Leny De Chavez, residente ng barangay Wawa na nakakita ng pangyayari sa sunog na naganap sa kanilang barangay, “Talagang nakakabigla, nakakatakot ang laki na ng apoy, mabuti at hindi kumalat. Sobrang takot ang namayani sa akin sapagkat dikit-dikit ang bahay sa amin, grabe baka ito ay kumalat at talagang maraming mapipinsala.” Naitala rin ang pagkasunog ng tatlong bahay at 15 indibidwal na naapektuhan dahil sa sunog na naganap

sa Calicanto Batangas City. Ang pagbibigay ng suporta at serbisyong pang-emergency sa mga biktima ng sunog ay mahalaga para sa agarang pagbangon ng kanilang komunidad. Ang pagtutok sa rehabilitasyon at psychological support ay kritikal upang mapanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga apektadong residente.

H akbang tungo sa Kaligtasan at Pag-angat

Sa harap ng panganib ng sunog, kinakailangan ng mga barangay nang maayos at epektibong sistema ng pag-iingat. Ayon sa Department of Health at Disaster Risk Management ng bansa ang pagsasanay sa fire drill, pagkakaroon ng mabilisang aksyon plan at pagpaplano para sa mga pondo para sa mga emergency situation ay ilang hakbang na maaaring gawin ng barangay. Ang koordinasyon ng mga residente at lokal na opisyal ay mahalaga para sa maayos at epektibong pagsugpo sa sunog. Samakatuwid, sa pagiging handa at malasakit sa kapwa, maaaring malampasan ng isang barangay ang pinsala ng sunog. Ang pagkakaroon ng isang mahusay na sistema ng pag-iingat ay nagbibigay daan sa mas mabilisang pagbangon ng komunidad mula sa pinsala at pagpapatibay ng kanilang resistensya sa mga posibleng kaganapan sa hinaharap. Ang sunog sa isang barangay ay nagdudulot ng malupit na pagbabago hindi lamang sa ari-arian kundi pati na rin sa buhay ng mga tao. Sa pag-unawa sa sanhi, epekto at mga hakbang na maaaring gawin, magkakaroon tayo ng masusing plano para sa kaligtasan at pag-angat ng isang pamayanan mula sa pinsala. Ang pagkakaroon ng masiglang koordinasyon at ang pagpapalakas sa kamalayan ng komunidad ay makakatulong sa katagumpayan ng isang barangay sa pagharap sa hamon ng sunog.


14 agham at teknolohiya

Vaping:

S

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

‘Epidemya’ sa mga Kabataang Pilipino Angela De Guzman

a parami ang bahagi ng populasyon na gumagamit ng vape partikular sa Pilipinas, sa paniniwalang mas ligtas ito kaysa pagsisigarilyo at kapansin-pansing pati mga kabataan ay nahuhumaling din dito ng hindi nalalaman ang masamang epekto nito sa kalusugan. Ayon sa tala ng Philippine Pediatric Society (PPS), 11 porsyento ng mga mag-aaral na 10 hanggang 15 taong gulang ay nakasubok na ng vape at ayon naman sa ulat ng Department of Education (DepEd), 6.7 porsyento ng mga estudyanteng Grade 7 hanggang Grade 9 ay nakasubok na at kasalukuyang gumagamit ng e-cigarettes. “The proximity of tobacco and nicotine product stores, shops, street vendors, and kiosks to schools contribute to the wide availability of these products and leave Filipino youth exposed to tobacco marketing strategies,” sinabi ng Institute for Global Tobacco Control (IGTC) sa isang pahayag.

TEEN vaper

Taong 2021 noong nagsimula si Chris sa pagvavape sa edad na 15 dahil sa impluwensya ng kanyang mga kaibigan. Nang nalaman ito ng kaniyang mga magulang, gaya ng karamihan ay nagalit sila sa kaniya ngunit kalaunan ay tinanggap din ang kanyang bagong kinahihiligan. Simula noon ay hindi na niya ito natigil at ngayon ay dalawang taon na siyang gumagamit ng vape. Ngayong 2023 ay 17 taong gulang na siya at nanatili pa ring menor de edad. Hindi man kaaya-aya sa mata at tainga ng iba ngunit ito na ang nakasanayan ni Chris at ang ang pagtigil dito ay malabo na ngayon.

P agtaas ng Level

Ayon sa ginawang observational study ng IGTC, mula Disyembre noong nakaraang taon hanggang Enero 2023 na nagsuri sa pagbebenta at marketing ng mga sigarilyo, e-cigarette o vapes at heated tobacco products (HTP) ng 6,617 retailer o tindahan sa loob ng 200 metro ng 353 na paaralan sa siyam na lungsod at urban at rural na lugar ng mga rehiyon sa Pilipinas upang masuri ang pagsunod sa mga regulasyon. Ipinapakita ng resulta ng pag-aaral na sa kabila ng mga hakbang na nagbabawal sa mga nagtitinda malapit sa mga paaralan, mahigit 2,000 retailers ng sigarilyo ang natagpuang nagbebenta pa rin ng mga produktong tobacco sa loob ng 100 metro ng hindi bababa sa 276 na paaralan. Ang pananaliksik ng Action on Smoking and Health (ASH) Philippines ay nagsasabing nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga flavor sa mga vape shop na matamis at hilig ng mga kabataan. Ilan na rito ang yakult na kilala ng lahat lalo na ng mga teenager at ibang fruity flavors. Higit pa rito, sinabi ng ASH na ang vape ay “naglevel-up” dahil sa mga makabago nitong feature tulad ng LED lights at ilang mga disenyo na naglalarawan ng mga kilalang karakter tulad ng Mickey Mouse, Pikachu at mga heroes ng Mobile Legends.

P eligro sa kalusugan

Higit na nakasasama sa kalusugan ang sigarilyo kaysa e-cigarettes, gaya ng vape, ngunit hindi pa rin ito ligtas dahil pinapadali nitong maapektuhan ng mga kemikal ang baga ng isang tao. Maaaring kabilang sa mga kemikal dito na ito ang mga pangunahing active chemicals sa tobacco (nicotine) o marijuana (THC), flavorants, at iba pang sangkap na idinagdag sa mga likido ng vape. Dagdag pa rito, ang ibang kemikal ay maaaring gawin sa panahon ng proseso ng vaporizing. Una na rito ang propylene glycol, isang karaniwang sangkap sa mga likido ng e-cigarette. Ito ay nagdudulot ng init sa lalamunan gaya ng nararamdaman kapag nagsisigarilyo at kilalang naglalabas ng formaldehyde gas kapag pinainit na kaugnay sa sanhi ng sakit sa puso at mga problema sa baga. Pangalawa naman ay ang diacetyl, sangkap ng pagkain na ginagamit upang mapahusay ang lasa ng mga e-cigarette, na kilalang nakapipinsala sa maliliit na daanan ng hangin sa baga. Nagiging sanhi ito ng bronchiolitis obliterans, na kilala rin bilang “popcorn lungs” kapag nalanghap. Ikatlo ang acrolein, isang pesticide na pangunahing ginagamit upang sirain ang mga damo na makikita rin sa tobacco, kahoy, plastik, gasolina and diesel fuel, paraffin wax at iba pa. Ang hika at kanser sa baga ay posibleng mga side effect nito kasama ang Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) at malubhang pinsala sa baga.

K alinawan sa kaalaman sa vape

Unti-unting naging popular ang vape kaya’t hindi na sorpresa na maraming impormasyon mula sa magkakaibang pinagmulan at pananaw ng publiko ang lumutang, kasama na ang “misconceptions”. Maraming pag-aaral mula sa magkakaibang mga bansa ang naglinaw rito. Una, pinaniniwalaan na nakatutulong ang vape sa paghinto sa paninigarilyo ngunit ang mga e-cigarette ay maaaring maging isang “launchpad” sa tradisyonal na paninigarilyo. Ayon sa National Institute on Drug Abuse, higit sa 30 porsyento

ng mga kabataan na nagsimulang gumamit ng mga e-cigarette ay nagsimulang manigarilyo ng mga tradisyonal na produkto ng tobacco sa loob ng anim na buwan. Pangalawa, ang mga e-cigarettes ay hindi raw gaanong nakakapinsala sa baga kaysa tar cigarettes. Ito ay mali dahil sa paggamit ng vape may ilang nakalalasong kemikal—acetaldehyde, formaldehyde, at mabibigat na metal—lahat ay nagdudulot ng matinding pinsala sa baga. Iminungkahi ng datos sa obserbasyon na ang vaping, sa paglipas ng panahon, ay maaaring humantong sa chronic obstructive pulmonary disease (COPD), emphysema at sakit sa baga. Pangatlo, ang vaping ay hindi nakahuhumaling o nakaaadik. Ang nicotine at mga flavor sa mga electronic cigarette cartridge ay ginagawang kasing “addictive” ng tradisyunal na sigarilyo. Ang nikotina ay isang nakalalason, lubhang nakakahumalin na produkto ng tabako at ang ilang mga tatak ng vape ay naglalaman ng mas maraming nikotina kaysa sa tradisyonal na mga sigarilyo. Sa kabaligtaran, walang nicotine-free na e-cigarette sa merkado. Pang-apat, ang vaping ay nakapapawi ng stress at pagkabalisa. Ang nikotina ay nakadaragdag sa stress, anxiety, at depresyon sa mga kabataan at matatanda—sa halip na mapawi ito. Ang mga e-cigarette ay lalong mapanganib para sa mga kabataan at young adult dahil ang halo ng nikotina at mga nakakalason na kemikal ay maaaring makapinsala sa “young, developing brain.” Sigarilyo man o vape, pareho itong masama sa kalusugan lalo na sa baga ng gumagamit at nakalalanghap ng usok, firsthand at secondhand. Nararapat na maging responsable sa paggamit, isipin kung komportable ba ang mga tao sa paligid sa usok ng vape at kung anong epekto nito sa sarili makalipas ang ilang taon. Makatutulong ang pagpapaigting ng pamahalaan sa mga batas at polisiya sa bansa ukol sa paggamit ng vape ng mga kabataan dahil nananatiling mahina sa mata ng mga nagbebenta ng mga tobacco products ang kabataan.

BANAHISTA BIKERS: Umaarangkada Shiella Marie Ople

T

ila nagbago ang ihip ng hangin ng mga Banahista sapagkat dumarami ang mga mag-aaral dito na gumagamit ng bisikleta bilang transportasyon papunta sa paaralan at pabalik sa kanilang mga tahanan. Ngayon, tila bukas na ang kanilang kaisipan na ang pagbibike ay maraming maitutulong hindi lamang sa kalusugan maging sa kalikasan. Ang pagbibisikleta ay hindi lamang isang simpleng aktibidad, kundi nagbubunga rin ng mga positibong pagbabago sa buhay. Ayon kay Jelaine Delgado ng G11 STEM 3, isang biker mula 2019, ang pagbibike ay hindi lamang nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan, nakatutulong din ito upang mas mapadali ang kaniyang pagpasok sa paaralan. Dahil sa dami ng estudyante ng Batangas City, hindi sapat ang mga jeep at tricycle na mga transportasyon upang madala ang mga estudyante sa kani-kanilang paaralan. Sa kaniyang pagbibisikleta ay napuntahan na niya ang iba’t ibang lugar sa Batangas tulad ng Anilao, Rosario, Mabini, Bauan at Taal. Ginagawa niya ang pagbibike kasama ang kaniyang mga kaibigan kapag siya ay mayroong oras at walang masyadong gawaing pampaaralan. “Nagbibigay ito sa akin ng fulfilment. Pakiramdam ko kapag nagbibike ako nawawala ang pagod ko dahil sulit makita ang mga magagandang tanawin. Nakadaragdag ito sa akin ng dagdag na lakas at hindi ako mabilis mapagod lalong-lalo na dahil ako ay isang basketball player. Pandagdag ito sa akin ng stamina sa aking mga sinusubukang isports.”

P agsilang ng Lakbay Bikers

Dahil sa mga mabuting naidudulot ng pagbibisikleta, naging daan ito ng pagsilang ng Lakbay Bikers taong 2022, ang grupo ng mga bikers ng BCIHS. Adbokasiya nila ang maglakbay hindi lamang tungo sa paaralan kundi pati na rin sa mas malusog na pamumuhay. Sa kasalukuyan, binubuo ang kanilang samahan ng siyam na miyembro na gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa paaralan. Ang kanilang pagtutulungan ay nagdudulot hindi lamang ng mas malusog na pangangatawan kundi pati na rin nang masiglang kultura ng pagbibike sa komunidad. Ang kanilang pangkat ay nagiging instrumento sa pagsulong ng kalusugan at pagiging malikhain sa paghanap ng alternatibong paraan ng transportasyon. Ayon kay Justin Barza ng G11 STEM 4, bahagi ng Lakbay Bikers, ginagamit niya ang bisikleta sa pagpasok sa paaralan upang makatipid ng pamasahe. Malaki ang natitipid niya dahil sa kaniyang baon. Isa pa rin ito sa kaniyang libangan at nagdulot ito sa kaniya upang lumakas ang kaniyang katawan.

B ikers Bilang Taga-angat ng Pisikal na Pangangatawan Ang pagbibisikleta ay isang epektibong paraan upang mapanatili ang kalusugan ng mga mag-aaral. Ayon sa National Bikers member ng Pilipinas ang regular na ehersisyo tulad ng pagbibisikleta ay nagbibigay hindi lang ng malusog na katawan kundi nagpapabuti rin sa mental na kapakanan. Ito ay nakatutulong sa pag-iwas sa sedentary lifestyle at nagbibigay daan sa pag-unlad ng resistensya laban sa sakit. Ang mga bikers ay mas masigla, maliksi, at may positibong perspektibo sa buhay.

Ang bisikleta ay hindi lamang isang uri ng transportasyon kundi isang mahalagang bahagi ng pang-araw-araw na aktibidad ng mga mag-aaral.

B ikers Bilang Tagapagtaguyod ng Kalikasan

Ang mga bikers sa paaralan ay hindi lang mga tagapag-angat ng sarili nilang kalusugan kundi sila ay nagsisilbing tagapagtaguyod ng kalikasan. Ayon sa mga bikers sila ay aktibong nakikilahok sa mga kampanya para sa pangangalaga sa kalikasan sapagkat ang bike ay hindi gumagamit ng mga gasoline at hindi nakadaragdag ng polusyon sa komunidad. Ang kanilang ambag ay naglalakbay hindi lang sa kanilang sarili kundi pati na rin sa kapakanan ng iba. Samakatuwid, sa pagbibigay halaga sa papel ng mga bikers, nabubuo ang isang kultura ng responsableng pangangalaga sa kalikasan. Ang kanilang kontribusyon ay nagbubukas ng mas malawak na pang-unawa at pagpapahalaga sa kapakanan ng lahat. Sa kasamaang palad, walang bahagi ng kalsada sa lungsod ang inilaan para sa mga gumagamit ng bike kaya peligro din kung maituturing sa kanilang kaligtasan ang pagbibisikleta sa kalsada. Ngunit sa tamang pagsunod sa mga batas trapiko ay naiiwasan ito ng mga mag-aaral na nagbibike. Ang pagbibisikleta sa paaralan ay hindi lamang nagbubukas ng mas maraming pagkakataon para sa kalusugan at kaligtasan, kundi ito rin ay nagiging instrumento sa pagbuo ng masiglang komunidad. Ang mga bikers ay nagiging modelo ng disiplina at tagapagtaguyod ng kaligtasan sa kalsada. Ang kanilang papel sa paaralan ay nagdudulot ng positibong pagbabago sa buong komunidad.

Project TEENDIG, Solusyon sa Lumalalang Problema ng mga Kabataan Angela De Guzman

I

nilunsad ng Department of Health CALABARZON ang Project TEENDIG na may acronym na Trustworthy Engaging Encouraging Nurturing Dignity bilang solusyon sa lumalalang problema ng mga kabataan ukol sa kalusugang pisikal, mental at reproduktibo sa Batangas City Integrated High School (BCIHS) noong Hulyo 5, 2023. Isang pribilehiyo para sa BCIHS na dito inilunsad ang proyekto dahil bilang isang malaking paaralan sa Batangas, mayroon ilang kaso ng teenage pregnancy at pagtaas ng bilang ng mental health issues ng mga estudyante. “In this project, we partnered with DepEd and the local chief executives to engage the youth to be health advocates by strengthening their psychosocial and mental well-being” sabi ni DOH 4-A Regional Director Ariel Valencia. Nilalayon nitong maghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mag-aaral sa adolescent reproductive health, gaya ng HIV, AIDS at STI prevention at control, at pagpuksa at pagpigil sa mga sakit, gaya ng national aedes-borne viral disease, tuberculosis at food and waterborne disease. Itinayo naman ang Teen Health Kiosk (THK) sa paaralan sa harap ng Admin Office na bukas sa mga mag-aaral mula Lunes hanggang Biyernes kung saan isinasagawa ang general health assessment, substance abuse counseling, psychological risk, at reproductive health assessment. Ayon kay Valencia, ang pinararaming Teen Health Kiosk Project ng Kagawaran ng Edukasyon ay makatutulong sa mga paaralan na makapagbigay ng mga serbisyong pangkalusugan, gaya ng mga nabanggit na health assessment, sa mga mag-aaral nito. Makatutulong ito upang masolusyunan ang mga isyu sa kalusugan gaya ng reproduktibo na ayon sa ulat ng DOH noong 2021, 3 porsyento ng kabataang edad 15 hanggang 19 ang na-diagnose na may HIV, habang 0.8 porsyento ang nagkasakit ng syphilis, na nakuha mula sa pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki. Dagdag pa rito ang humigit-kumulang 11.6 porsyento ng mga kabataang Pilipinong edad 15 hanggang 19 ang nagkaroon ng pag-iisip na magpakamatay, 5.8 porsyento ang nagpakamatay, at 18.4 porsyento ng pangkat ng edad na ito ang inulat na nakaranas ng pisikal na karahasan. Inaasahan naman na malaking tulong ang proyektong ito sa mga mag-aaral ng BCIHS lalo na sa mga problemang kinahaharap ng mga kabataan.


isports 15

ANG DAHONG GINTO Ang Opisyal na Pahayagan ng Batangas City Integrated High School Agosto-Enero 2024 TOMO XXI. BILANG I

LUGAR ENSAYO: Hindi para sa kotse mo A

abante sa Regional meet ang Baseball team ng Batangas City Integrated High School matapos masibak ang pwesto kontra Libjo National High School. Marami pa rin ang naging lapses ng team dahil sa kakulangan sa ensayo lalo na sa lugarensayuhan. Sa kabila ng pagkapanalo ng koponan, hirap silang panatilihin ang malinis na laro at dahilan lamang iyon ng mga errors ng kabilang koponan. Mas mapapayabong pa ng manlalaro ang kanilang kakayahan kung may sapat na lugar na pwedeng magsilbing ensayuhan ng mga mag-aaral. Ayon sa isang manlalaro na si Jonh Robert Mata, “Nahihirapan kaming magpractice sa field dahil sa mga nakapark na sasakyan, iniisip naming na baka matamaan at masira namin ang mga kotse”. Dahil dito, nalilimitahan ang mga players sa training na kanilang isinasagawa sapagkat nagdodoble ingat sila sa mga sasakyan na nakaparada. Hirap ang mga estudyanteng maglalaro na magensayo dahil walang nakalaan na lugar sa paaralan na pwedeng ensayuhan ng Baseball team. Maraming kotseng nakaparada sa field sa loob ng paaralan na rason kung bakit basic skills lang ang nahahasa ng

Boy’s Basketball ng BCIHS, wagi sa 3v3 competition Aarangkada muli tungo sa Finals Victoria Sabelle Garing

M

ainit na binuksan ng Batangas City Integrated High School Boys’ Basketball Team ang ginanap na 3v3 semi-finals competition kontra Conde Labac Integrated High School at nagtala ng 7-6 noong Enero 20, 2024 sa Batangas City Sports Coliseum.

ating mga manlalaro. Dahil sa mga nakaparadang kotse ng school personnel and staffs, nasasakop nila ang espasyo ng field kaya hindi nabibigyan ng pagkakataon na maglaro ang Baseball team ng paaralan. Sa kadahilanang walang sapat pwesto ang mga manlalaro, napipilitan silang mag-ensayo sa ibang field para mahasa ang kanilang skills. Ang mga kotse sa field ang nagiging hadlang sa mga manlalaro na maipamalas at mapalagong ang kanilang husay sa laro. Dagdag pasanin pa ang pagbyahe ng mga estudyante para lamang makapag-training at makapaghanda sa susunod laro. Muling sasabak ang team sa Regional meet para makipagtagisan sa ibang paaralan. Sana ay mabigyan ng pamunuan ng sapat na lugar para makapagensayo ang mga manlalaro. Kung talagang hindi maari ang field ay magawan nila ng ibang alternatibo ang mga player tulad ng budget para sa pamasahe para sa lugar na pagdarausan nila ng kanilang ensayo. Inaasahan na may sapat na ensayo ang mga manlalaro para lubos na maipamalas ang skills ng bawat isa sa larangan ng baseball.

Pinangunahan nina Dharel Galvan, Janos Andal, Aiman Hajiamer, at Syver Lmmanuel Castillo ang nasabing laro at malakas ang naging depensa nila sapagkat sa loob ng sampung minuto lamang nila maaaring lusutan ang kanilang ka-kompetensya. Agad na naselyuhan ni Andal ang unang tira na sinabayan naman ng depensa ng mga koponan, matindi ang naging laban sa pagitan ng BCIHS at CLIHS at kapwa parehas na nais mag-uwi ng kampeonato. Nagbulsa ng tag-isang puntos sa ‘free throw’ sina Galvan, at Andal at mas pinanatili nila ang kanilang mga diskarte upang patuloy na manguna sa laro. Ngunit sa halos trenta sigundong natitira ay bumagsak si Galvan matapos na ma injured habang tumatakbo hawak ang bola. Bahagyang tumigil ang laro upang tingnan ang kalagayan ng manlalaro, ngunit pilit na lumaro ulit ito. Naging matikas pa rin ang depensa ng koponan kahit na puno ng pag-aalala para sa isa, at mas pinatibay ang mga shoot at tira na ginawa upang mapatunayan na karapat-dapat

Yanig pa-Finals G

inulantang ng 4.6 na lindol ang tagisan sa court ng Batangas City Integrated High School (BCIHS) kontra Alangilan Senior High School (ASHS) sa ginanap na Volleyball InterDistrict Semi Finals sa Batangas City Integrated High School, January 20. Sa kabila ng lindol, hindi naging hadlang ito para matagumpay na siguraduhin ang pwesto ng BCIHS sa Finals, 25-13, 25-9 pabor sa BCIHS.

Volleyball at mga laro sa track and field. para kasing wala gaanong impact sa school natin pagdating sa ganyan parang more focus sa basketball.

STEM 4 I Silver Kian Bobila

Nais kong malinang ang aking kakayahan sa pagbabadminton. Mayroon akong sapat na kaalaman dito ngunit natigil ako sa paglalaro ngayong sekondarya. Para sa akin hindi lamang pangkalusugan ang naiidulot nito ngunit pati na rin kaligayahan sa akin. Malaki ang maitutulong nito sa akin kung muli akong makakabalik dito.

Para sakin ay archery, wala pa kong nababalitaan na nakalaban na ang ating mga archers, dahil siguro ng hindi pa sila ready or nagtraining pa sila, but for me you need experience to develop more, experiencing it first hand or competing is much better than practicing, kasi pauli- ulit lang naman ang pag practice nila, mas mag improve sila kapag nalaman nila kung saan sila naglalack.

G10 BEC I Myk Jhayfee Geron

sila sa kampeonato. Nangibabaw ang suporta sa mga manlalaro nang sa huli ay naipasok ng Banahista ang huling iskor para sa pagka-panalo. “Okay naman yung laro masaya at malungkot kasi nanalo kami pero ‘yun nga na-injury naman ako kaya hindi sobrang saya nung pagkapanalo” pahayag ni Dharel Galvan manlalaro sa Boys’ Basketball Team ng BCIHS. “Nagbunga ang pagt-training after class ng mga bata at ang pagsali sa mga tournaments bilang pagha-handa, dahil public school tayo ang main goal talaga naming ay manalo ulit dahil tayo ang defending champion.” Ayon kay G. Edwin Garcia na coach ng team na galak sa naging effort ng mga manlalaro. Bumida sina Zauren Jay Alo, Mark Loe Anonuevo, Clever Amparo, at John Michael Lapuz mula Conde Labac Integrated High School. Nalampasan ng BCIHS Boys’ Basketball team ang ungos ng semifinals at muling mapapanood upang magpakitang gilas sa finals kontra District 9.

Rey Andrew Trafalgar

Nagmula sa Tingloy, Batangas ang epicenter ng lindol na naapektuhan pati na rin ang karatig na mga lugar. Napahinto ang hiyawan ng manunuod at agad pinalikas sa ligtas na lugar ang bawat indibidwal. Pinagpatuloy din ang laro matapos ang ilang minuto, alinsunod sa approval ng nakataas na Sports Committee. Agad din niyanig ng BCIHS ang court,

G10 STE I Rhyza Taniela Marquez

ISPORTS EDITORYAL

matapos magpaulan ng puntos na dahilan nang di magkamayaw na ingay ng manunuod. Hindi rin nagpatalo ang mga sumusuporta sa ASHS na patuloy sa pag cheer sa kabila nang nagngangarag na depensa ng Alangilan. Ang nanalong koponan ay haharap sa Finals kinabukasan, January 21 kontra Pinamucan Integrated High School na gaganapin pa rin sa Batangas City Integrated High School.

? ??

Fiel Denver Arcega

Agad-agad, sa unang dalawang set isinagad.

N

agawang masungkit ng tatlong manlalaro ng pula at puti ang tatlong kampeonato na pinangunahan nina Prince Rayos, John Paul Alcantara, at Shilee Dapula matapos pataubin lahat ng nakalaban dahilan upang makaalagwa at magwagi sa naganap na INTER-DISTRICT Sports Meet Competition, Single Badminton, January 26, sa Batangas Badminton Center. Matapos ang umaatikabong unang set ng laban, nakamit ni Rayos ang kalamangan kontra kay Dagil, 28-26. Hindi na nakabangon si Dagil matapos magbitaw ni Prince ng mga solidong smash at tuluyan nang naselyuhan ang panalo, 21-16. Samantala, nangibabaw rin si John Paul, manlalaro mula sa BCIHS laban kay Ivan Dimaano at tinapos ang sagupaan sa iskor na 21-15, 22-20. Hindi naman magpapahuli si Shilee at dinispatsa ang nakatapat mula sa district 1, ayon sa kanya, “bale tiwala po sa sarili na alam kong sapat ang lakas ko para maipanalo ang laro, at yung pananampalataya kay God, and syempre yung support na nanggagaling sa mga sumusuporta lalo na sa teammates and coaches ko, parang ano lang po yung nangyari, for fun kolang po, kasi ayos lang po sakin if matalo e, kaya sobrang thankful po na nanalo”. Inaasahang mas lalong magiging dominante ang taga representa ng bandera ng BCIHS at mananatiling uhaw na makamit ang kampeonato sa CITY MEET 2024.

Ang volleyball ang nais ko pa sanang bigayng pansin ng paaralan sapagkat nakikita ko na mayroong talento ang mga atleta sa larangang ito, at may tsansa na maging panguna sa sports na ito kung ito y bibigyang pansin.

ATLETANONG Anong isports ang gusto mong malinang sa BCIHS sa pagbubukas ng extracurricular activities sa larangan ng pampalakasan? Kinalap ni Shiella Marie Ople

BCIHS, sinikwat ang tatlong kampeonato

STEM 3 I Irish Malco Sabaquero

Ang sports na billiards ang sana ay malinang pa ng paaralang ito, sapagka’t hindi ito nabibigyan ng pansin ng paaralan dahil naka focus sila sa larong basketball at volleyball, sana ay mabigyan ito ng pansin dahil sa tingin ko ay magbibigay ang mga manlalaro nito ng karangalan sa paaralan sa oras na malinang.

STEM 3 I Jelaine Delgado

Ang gusto kong malinang na isports sa BCIHS ay baseball, sapagka’t hindi nabibigyan ito ng pansin. Mas maganda na mabibigyan sila ng espasyo sa larangan ng pampalakasan dahil ang bawat manlalaro ay may angking galing ngunit kulang lamang sa lugar ensayo.

STEM 1 I Rey Andrew Trafalgar


ISPORTS ANG DAHONG GINTO

LITRATO NI SAM ANGELO ACUNA SERVE TO SCORE, SERVED TO WIN Nasungkit ang kampeonato sa Volleyball Boys ng mga manlalaro mula sa Batangas City Integrated High School kontra Pinamucan Integrated High School. Umarangkada ang BANAHIS matapos makuha ang dalawang set at nagtala ng 25-13, 25-18. Aabante ang team sa City meet na gaganapin ngayong Pebrero.

LUGAR ENSAYO: Hindi para sa kotse mo PAHINA BILANG 15

ISPORTS EDITORYAL

WALANG KUPAS Bangis ng Banahista bumida sa Volleyball

D

inakip ng District 4, Batangas City Integrated High School Volleyball team ang pwesto sa City meet matapos umarangkada sa Inter-district Volleyball boys and girls sa Batangas City Integrated High School Gym 1, January 19-21. Nasungkit ng District 4 Volleyball boys ang kampeonato konta Pinamukan Integrated High School (PIHS), 25-13, 25-18 na dahilan ng pagabante nila sa City meet. Humarap ang District 4 sa dalawang laro na naipanalo nila bago humarap sa Championship

Coach Edwin, shinurball ang main goal Rey Andrew Trafalgar

B

inakuran ng Batangas City Integrated High School Basketball boys (BCIHS) ang pwesto sa City meet sa ilalim ni Coach Edwin Garcia matapos patumbahin ang District 8 sa Inter-district Basketball sa Batangas City Sports Coliseum 89-51 nitong Enero 21.

Rey Andrew Trafalgar

Game konta PIHS. Sa pangunguna nina Aldrin De Torres at Rhajh Fallacurna, nagawang nilang depensahan ang titulo at matagumpay na binakuran ang pwesto. Sa kabilang banda, nagpakitang gilas din ang Volleyball girls team ng BCIHS na pinadapa ang Alangilan Senior High School (ASHS) sa Championship Game, 25-15, 25-13. Nagpaulan ng palo si Anne Anilao na naging

rason ng paghihirap ng ASHS para angkinin ang kampeonato. Bigong ang ASHS na kontrolin ang laro dahil sa nangangarap nilang performance na sinamantala ng BCIHS para lumikom ng sunod-sunod na puntos. Masasabing wala pa ring kupas ang bangis ng Volleyball team na patuloy na sinusungkit ang pwesto sa City meet at nagpapamalas ng lakas at husay sa nasabing larangan. Sasabak muli ang Volleyball team sa City meet na gaganapin ngayong Pebrero.

Ayon kay Coach, “Itong Inter-district ang pinakamain goal natin bilang isang school dito sa public ng Batangas City dahil tayo ang defending Champion last year”. Dagdag pa ni Coach, sumali sa iba’t ibang tournament ang team ng BCIHS bilang preperasyon sa Interdistrict at walang pinalampas na league sa Batangas City, ongoing pa rin ang league event na nilahukan ng koponan. Nagbunga ang bawat sakripisyo ng mga estudyanteng manlalaro na puspusang nag-eensayo pagtapos ng klase araw-araw. Sa sektor ng pinansyal para sa larangan, masasabing may kakulangan pa rin dahil hindi nagiging sapat ang nakalaang budget para sa mga public schools. Ayon pa kay Coach, “Puspusan ang nagiging preparasyon ng team para sa darating na City meet dahil may sapat na ensayo at pinansyal ang private school na matinding kalaban ng Banahis.” Inaasahang magbibigay pa rin ng maganda at mainit na laban ang team na ibabandera ang pangalan ng ating paaralan. Patuloy pa rin ang preparasyon at paghahasa ng kakayahan ng bawat maglalaro na naghahanda para sa paparating na City meet na gaganapin ngayong Pebrero 21-23.

Palong Banahista: Palong Kampeon Rey Andrew Trafalgar

U

mabante sa Regional Meet ang Batangas City Integrated High School Baseball Team matapos patumbahin ang Libjo National High School sa Division Meet na ginanap sa Bolbok Open Field, January 19-20. Pinadapa ng Banahis sa Do or Die game ang Libjo matapos pumalo ng 3-0 sa Game 3 na dahilan ng kanilang pagkapanalo Nagpakitang-gilas ang Banahista na agad sinungkit ang unang laro, 7-1. Tinugunan naman agad ng Libjo na dinakip ang ikalawang laro, 3-2 na rason para umabot ng Game 3. Sa pangunguna ni Aldwin Maalihan na pumalo ng solidong performance sa laro, ibinulsa ng Banahista ang pwesto para sa Regional Meet. Ayon pa kay Maalihan, “Ibinigay naming ang best namin para makuha ang panalo at LITRATO NI SAM ANGELO ACUNA

I

nagpapasalamat kami kay Coach Emil Torio at sa maganda naming Asst. Coach Joyce Brinton. Ayon naman kay Coach Emil,”Hindi kami kumpyansa na maipapanalo naming ang laro dahil magaling din ang Libjo, dahil lang sa experience nila sa Regional meet last year, naapply nila yun sa laro kaya sila nanalo” “Basic skills lang ang nate-train naming sa field dahil sa mga nakapark na sasakyan sa school”, dagdag pa ni Coach. Sa ngayon ay naghahanda at puspusang nageensayo na ang baseball team para naman sa paglaro sa Regional Meet. ISANG PALO, ISANG PANALO

Sa ginanap na Division meet pumalo ng pagkapanalo si Aldwin Maalihan sa larangan ng Baseball sa Bolbok Open Field noong ika-19 at 20 ng Enero 2024. Sa kabila ng kakulangan sa pasilidad hindi ito naging hadlang para makamit pwesto, “binigay namin ang best namin para makuha ang panalo at nagpapasalamat kami kay Coach Emil Torio at maganda naming Asst. Coach Joyce Brinton” ani n’ya.

Girls’ Basketball Team, naguwi ng kampeonato Victoria Sabelle Garing

P

aspas na sinimulan ng Batangas City Integrated High School Girls’ Basketball Team, kontra Tinga Soro-Soro Integrated School Girls’ Basketball Team ang ginanap na Inter District at nagtala ng 42-26, sa Batangas City Sports Coliseum, Enero 21, 2024. Pinangunahan nina Ermielyn Maranan at Joyzelle Andal ang laro matapos nilang magpakitang gilas ng tira at depensa. Nagningning ang first five ng koponan na sina Angelina Mae Manalo, Christine Jhen Alvarez, Jelaine Delgado, Trixie Refelino,at Ermielyn Maranan at maangas na nagpakita ng sunod-sunod na puntos at assists upang maiangat ang grupo. Lumobo ang suporta maging nang sumalang ang second game na nilahukan naman nina Dennyn Panganiban, Ashley Bryle Andal, Kharunisha Jazmin Gucilatar, Jelaine Delgado, at Joyzelle Andal. “Sobrang saya po namin dahil ‘di namin akalain na magcha-champion kami sa laban na ‘yon,” pahayag ni Maranan na isa mga MVPs ng team. “Masaya rin po ako sa naging resulta dahil backto-back champion ang Banahis dahil matindi ang naging preparation namin lalo na sa mga practice after classes,” saad ni Joyzelle Andal na isa rin sa mga naging alas ng grupo. Tinanghal na back-to-back champion ang BCIHS dahil matatandaang nanalo na sila sa District Meet noong 2023. “May lapses pa rin ang naging play nila, pero kahit papaano ay nakita ko ang improvement nila, dahil maayos talaga ang training nila after classes,” ani Bb. Juli Ann Mary Fabula na coach ng team. Isang malaking karangalan ang pagka panalo ng koponan sa eskwelahan at sila ay patuloy nageensayo para sa darating na Regionals.

???

ATLETANONG Pahina Bilang 15

Anong isports ang gusto mong malinang sa BCIHS sa pagbubukas ng extracurricular activities sa larangan ng pampalakasan?


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.