Si Rizal at ang Edukasyon: Noon at Ngayon

Page 1

Si Rizal at ang Edukasyon: Noon at Ngayon Ang hiningang mapagpala ng matinong edukasyon Ay may bisang mapang-akit, bisang laging dumadaloy, Inang-Baya'y binubusog sa biyayang mayamungmong, Inaangat hanggang ito'y sa pedestal maituntong; At kung paanong ang bulaklak na wari ba'y naluluoy Ay pamuling sumisigla pag ang hangi'y sumisimoy, Iyang tao ay ganyan din: umuunlad, sumusulong, Edukasyon ang sa kanya'y nagbubunsod sa pagsibol. - Jose Rizal mula sa tulang “Ang Tanglaw ng Bayan” Si Jose Rizal ay kilala hindi lamang sa kaniyang pagiging pambansang bayani kundi pati na rin sa kaniyang angking katalinuhan. Maituturing na isang henyo si Rizal sapagkat magaling siya sa halos lahat ng larangan, mapa-pilosopiya man o syiensa. Ang pilosopiya ni Rizal sa edukasyon ay ating masasalamin hindi lamang sa kaniyang mga isinulat kundi pati na rin sa mga tinamasa niyang katuparan sa kaniyang pag-aaral. Sa tulang “Por La Educacion Recibe Lustre La Patria” (Ang Tanglaw ng Bayan) ay makikita natin kung gaano kahalaga ang edukasyon para kay Rizal. Ayon kay Rizal, ang edukasyon ang makapagbibigay ng kaunlaran at kaginhawaan sa sarili kundi at sa ating bansa. Kaya naman ng ipatapon siya sa Dapitan, ginugol niya ang kaniyang oras hindi lamang sa paggagamot ng mga may sakit kundi pati na rin sa pagtuturo sa mga kabataan. Sa panahon ni Rizal, mangilan-ngilan lamang ang mga nakakapag-aral dahil na rin sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga mayayaman lamang ang may kayang magpa-aral ng kanilang mga anak. Limitado din ang itinuturo ng mga Kastila dahil natatakot silang gamitin ng mga Pilipino ang kanilang mga napagaralan upang kalabanin sila. Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga paaralan sa Pilipinas noon dahil sa kakulangan sa mga libro, paaralan at guro. Kaya naman pinili ni Rizal na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa ibang bansa dahil alam niyang mas marami siyang matututunan doon. Kung ating titignan ang kalagayan ng edukasyon sa kasalukuyan, masasabi nating malayo na nga ang naging pagbabago ng sistema ng edukasyon sa ating


bansa. Kahit sino ay pwede nang makapag-aral dahil libre na ang pag-aaral sa elementary. Ngunit katulad pa rin ng dati, pangunahing problema pa rin ng ating bansa ang kakulangan sa libro, paaralan at guro.

i290.photobucket.com

forum.philboxing.com

Pamahal ng pamahal na rin ang edukasyon lalo na sa high school at college. Kaya naman kung ating mapapansin ay napakaliit lamang ng bilang ng mga nagtatapos na estudyante sa kolehiyo kung ihahambing sa bilang ng mga nakapagtapos ng elementary. Ang edukasyon ay nagiging para sa mga mayayaman na lamang.

buhaycallcenter.wordpress.com


www.visionofhumanity.org

Ayon kay Rizal, ang edukasyon ay mahalaga para sa ikauunlad n gating bayan. Ngunit dahil na rin sa kakulangan ng trabaho at underemployment sa ating bansa, ang ilang mga Pilipinong nakapagtapos ng pag-aaral ay mas pinipiling magtrabaho na lamang sa ibang bansa. Kaya naman sa halip na magamit nila ang kanilang karunungan sa pag-papaunlad ng gating bansa, ang mga dayuhan pa ang nakikinabang sa kanilang kahusayan at karunungan.

panyero.files.wordpress.com

api.ning.com/files

Kaya naman ang hamon ni Rizal sa ating mga pinalad na makapag-aral ay gamitin natin ang ating husay at kaalaman hindi lamang sa pansariling interes kundi para rin sa ikabubuti ng ating bansa. Hindi lamang ang gobyerno ang makapag-babago sa ating bansa kundi tayo rin. Sanggunian: www.visionofhumanity.org http://www.joserizal.ph/pm13.html Alejandro, R., Medina, B. Buhay at Diwa ni Jose Rizal. National Book Store. 1972


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.