Kuwento ni
Fr. Jason Dy, S.J. Guhit ni
Jessica Amanda Bauza
HEIGHTS Kuwentong Pambata 2009-2010
Biglang tinangay ng malakas na hangin si Butong Munti! Napadpad siya sa mundong hindi pa niya napupuntahan. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? Halina’t samahan ang ating bida sa kanyang pakikipagsapalaran! Rekomendado sa mga batang edad 8-10.
TUNGKOL SA MANUNULAT Si Fr. Jason Dy ay Paring Heswita na naglilingkod bilang katuwang ng kura paroko sa Sacred Heart Parish, Cebu City at gumagabay sa mga kabataang Chinoy at Pinoy ng parokya. Naging bahagi sa unang Barlaya Writing for Children Workshop sa Unibersidad ng Pilipinas at Adarna. Ilustrador ng mga librong “Once Upon a Time in Asia,” Eastern Wisdom for Western Minds,” at “Gospel According to Mary” na inilimbag ng Orbis Books, New York. Kasapi ng Tutok: Karapatan at Asian Christian Art Association.
Ito ay aklat ni
STAFF: Character Design and Story Illustration: Jessica Amanda Bauza Initial Layouts: Patrick Padla Master Layouts: Denise Yap Digital Editing: John Alexis Balaguer, Monica Esquivel, at Miguel Mercado Cover Design: Alyza Taguilaso, Miguel Mercado, at Jin Joson Operations: EJ Bagacina at Alyza Taguilaso PASASALAMAT Kay Bb. Christine Bellen Ateneo Catechetical Instruction League MUSMOS
Butong Munti Akda ni Fr. Jason Dy, SJ Iginuhit ni Jessica Amanda Bauza Lapat ni Denise Yap Karapatang-ari Š 2009 ng Heights at ni Fr. Jason Dy, S.J. Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan, maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari. Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan at pagkakataon ang kopyang ito. Maaaring makipag-ugnayan sa: Heights, Publication Room, MVP 202 Ateneo de Manila University, P.O. Box 154, Manila Telepono: 426-6001 lokal 5448 www.heights-ateneo.org Heights, ang Opisyal na Pampanitikan at Pansining na Publikasyon ng Pamantasang Ateneo de Manila Inilimbag ng Sprintec Printing Press, Inc. sa Pilipinas
Kuwento ni Fr. Jason Dy, S.J. Guhit ni Jessica Amanda Bauza
HEIGHTS
Tulog pa si Butong Munti nang bumugso ang malamig na hangin mula sa Silangan. Pilit siyang kumapit nang mahigpit sa dahon ng kogon, ngunit natangay pa rin ng hangin ang maliit, manipis, at magaan na katawan ni Butong Munti.
2
3
N i l ip a d s i y
a pa l
ayo
sa
ka
ny
a
ng n mu
Lum
4
ta
ha
na n
on
.
tin
g
s a d a hon n g
u t a n g s i B u t on . gM u nt i s a h a ng i n
g ko
i r a md
Na k
Pa k
in a m n i y a’y ip
at
s og l u
n iy a
a
he le g he
s i y a s a du y a n .
ang ma himbing
.
5
Napanaginipan niya ang isang bulaklak na may munting butong parang bulak, at isang buto ang biglang nahulog sa lupa at nabalatan.
6
7
8
Nagising si Butong Munti na nanginginig. Matindi na ang sikat ng araw noon. “Ano kaya ang ibig sabihin ng aking panaginip? Mababalatan din kaya ako?� takot na sabi ni Butong Munti sa sarili habang patuloy na lumulutang sa hangin.
9
Ngunit naisip din niya na baka panaginip lang iyon at walang kahulugan sa kanya.
patuloy na lumu a y ta n Ka g si m g n g a nti a g u i B n b i u M t on ong il gl kap um ilipad.
10
Napapaligiran siya ng maninipis at malalambot na ulap.
Natanaw niya ang M A L A W A K na karagatan,
at ang
mataas
na kabundukan.
11
Sa kanyang paglalakbay sa kalangitan, nakita niyang naghahabulan ang mga ulap na kulay abo. Papalapit ito sa kanya at may dala itong ulan! Natakot si Butong Munti. Naramdaman niya na malakas ang hanging tumutulak sa mga ulap. Nabundol si Butong Munti ng nagpapaligsahang mga ulap.
12
Nabasa siya at ang kanyang buhok. Basang-basa
ito at nagkabuhul-buhol.
Nagpabigat ito sa kanya hanggang sa u ntiu
i nt na
ng siya
a. abab la p nahi Hindi nagtagal, tuluyan na siyang bumagsak sa lupa.
13
Nabalot ng putik ang buong katawan ni Butong Munti. Bumigat ang kanyang katawan at natangay siya ng agos-baha.
14
Pinilit ni Butong Munti na itaas ang kanyang sarili upang makakita ng anumang mahahawakan. “Hayun, may ugat!� nasambit niya.
15
Ilang oras ang nagdaan bago tumigil ang ulan. Si Butong Munti ay pagod na pagod na nakakapit sa munting ugat hanggang sa mawalan na siya ng lakas.
16
Tulo o
o on
g!
17
18
Nagising si Butong Munti mula sa kanyang malalim na pagkakahimbing. “Nasa ilalim ako ng lupa!” Pinilit niyang itaas ang kanyang katawan ngunit hindi na niya ito maigalaw. Nakabaon na ito sa putik. “Ano ang nangyari sa akin? Hindi ko na makikita ang karagatan at mga ulap. Hindi na ako makalilipad.” malungkot na sabi ni Butong Munti.
19
Hindi na namalayan ni Butong Munti kung ilang buwan na siyang nakatira sa ilalim ng lupa.
20
Alaala na lang ang mga panahong nagpapahinga siya sa dahon ng kogon, lumulutang at sumasayaw sa hangin, may manipis at makinis na balat, at may mala-bulak na buhok. 21
Isang araw, nakadama ng takot si Butong Munti dahil napansin niyang magaspang na ang kanyang balat. Tinubuan siya ng mga ugat at nagkasugat siya sa kanyang dibdib. “Matanda na yata ako.� Kaya’t sa paglipas ng mga araw, lalong kumukupas ang kanyang pag-asang muling makita ang mundo sa itaas ng lupa.
22
23
24
Habang ang buong paligid ay nalulunod sa dilim, tinatanaw na lamang ni Butong Munti mula sa bitak ng lupa ang kinang ng mga munting bituing nagniningning.
25
26
Isang araw, nagulat na lamang si Butong Munti. Tumagos ang unang sikat ng araw mula sa Silangan at hinalikan ang kanyang sugatang dibdib. Nadama niya ang init ng sinag ng araw. Tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ni Butong Munti at dumaloy ito sa kanyang dibdib. Tumingala siya sa langit at hinayaan ang sariling mabalot ng liwanag. 27
28
May lumitaw na dahong munti sa kanyang sugatang dibdib. Buong galak niyang niyakap ang liwanag at nilanghap ang sariwang hangin. “Malapit ko na muling makita ang daigdig.� Abot-langit ang ngiti ni Butong Munti.
29