PAG-ASA PARA SA MGA SEKSWAL NA MAKASALANAN Mga Adik sa Pornograpiya, Mga Nagsasalsal, Mga Nakikiapid, Mga Mangangalunya, Mga Pokpok, Mga Nakikipag-sex sa mga Pokpok, Mga Bugaw, Mga Manggagahasa, Mga Bakla at Tomboy, Mga Sodomites, Mga Nakikipag-sex sa mga Hayop, Atbp.
Ako ay naparito hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi. LUKE 5:32 Pumunta si Jesus sa bundok ng mga Olibo. At maagang nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay naparoon sa kaniya; at siya'y naupo, at sila'y tinuruan. At dinala sa kaniya ng mga eskriba at mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay na nila siya sa gitna, ay sinabi nila sa kaniya, Guro, ang babaing ito ay nahuli sa pangangalunya, sa mismong akto. Sa kautusan nga ay iniutos sa amin ni Moises, na ang mga ganyan ay dapat batuhin: datapuwa't ano ang sinasabi mo? Sinabi nila ito, na tinutukso siya, upang magkaroon sila ng akusasyon sa kanya. Ngunit si Jesus ay yumuko, at sa pamamagitan ng kanyang daliri ay sumulat sa lupa, na para bang hindi niya narinig ang mga ito. Kaya't nang sila'y magpatuloy sa pagtatanong sa kaniya, ay tumindig siya, at sinabi sa kanila, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya. At muli siyang yumuko, at sumulat sa lupa. At ang mga nakarinig nito, palibhasa'y hinatulan ng kanilang sariling budhi, ay nagsialis na isa-isa, simula sa pinakamatanda, hanggang sa huli: at si Jesus ay naiwan na mag-isa, at ang babae na nakatayo sa gitna. At nang si Jesus ay tumindig, at walang nakitang iba kundi ang babae, ay sinabi niya sa kaniya, Babae, nasaan ang mga nag-akusa sa iyo? wala bang taong humatol sa iyo? Sinabi niya, Walang tao, Panginoon. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Hindi rin kita hinahatulan: humayo ka, at huwag ka nang magkasala. JOHN 8:1-11
At siya'y manganganak ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS: sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan. MATTHEW 1:21 Sapagka't gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. JOHN 3:16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. JOHN 14:6
At walang kaligtasan sa kanino man: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, na ating ikaliligtas. ACTS 4:12 ...namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan ayon sa mga banal na kasulatan; At na siya ay inilibing, at na siya ay muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa mga kasulatan: 1 CORINTHIANS 15:3-4 Na sa kaniya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya; EPHESIANS 1:7
MAYROONG APAT NA KATOTOHANAN NA DAPAT NATING LUBOS NA MAINTINDIHAN: 1. MAHAL NA MAHAL KA NG DIYOS. NAIS KA NIYANG MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN SA LANGIT KAPILING NIYA. Sapagka't gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. JOHN 3:16 NAIS KA NIYANG MAGKAROON NG MASAGANA AT MAKABULUHANG BUHAY KASAMA SIYA. Ang magnanakaw ay hindi dumarating, kundi upang magnakaw, at pumatay, at manira: Ako ay naparito upang sila'y magkaroon ng buhay, at upang magkaroon sila nito ng higit na sagana. JOHN 10:10
SA KABILA NITO, MARAMING TAO ANG HINDI NAKAKARANAS NG MAKABULUHANG BUHAY AT HINDI NAKASISIGURO KUNG SILA'Y MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN DAHIL... 2. LIKAS NA MAKASALANAN ANG TAO, KAYA'T NAWALAY SIYA SA DIYOS. ANG LAHAT AY NAGKASALA. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinomang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. ROMANS 3:23 Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan... 1 TIMOTHY 6:10 ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN. Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan... ROMANS 6:23
MAY TINUTUKOY NA DALAWANG URI NG KAMATAYAN ANG BIBLIYA: • PISIKAL NA KAMATAYAN Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. HEBREWS 9:27 • ESPIRITUWAL NA KAMATAYAN O WALANG HANGGANG PAGKAWALAY SA DIYOS DOON SA IMPYERNO Subalit para naman sa mga matatakutin, mga hindi nananampalataya, mga kasuklam-suklam, mga mamamatay-tao, mga nakikiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa lahat ng mga sinungaling—ang magiging bahagi nila'y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan. REVELATION 21:8
KUNG ANG TAO AY NAWALAY SA DIYOS DAHIL SA KANYANG KASALANAN, ANO ANG SOLUSYON SA PROBLEMA NIYANG ITO? MADALAS NATING INIISIP NA ETO ANG MGA SOLUSYON: RELIHIYON, MABUTING GAWA, KABUTIHANG ASAL. NGUNIT IISA LANG ANG SOLUSYON NA GALING SA DIYOS. 3. SI JESUS CHRIST LAMANG ANG TANGING DAAN PATUNGONG LANGIT. ITO ANG PAHAYAG NG DIYOS. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. JOHN 14:6
GANAP NIYANG BINAYARAN ANG KAPARUSAHAN NG IYONG MGA KASALANAN. Sapagka't si Cristo ay minsan nang nagdusa para sa mga kasalanan, ang matuwid para mga hindi matuwid, upang tayo'y madala niya sa Diyos, na pinatay sa laman, ngunit binuhay ng Espiritu: 1 PETER 3:18 Na sa kaniya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ang kapatawaran ng mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya; EPHESIANS 1:7 MAY PANGAKO SIYANG BUHAY NA WALANG HANGGAN. Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan: at ang hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makakakita ng buhay; ngunit ang galit ng Diyos ay nananatili sa kanya. JOHN 3:36
4. KAILANGAN NATING MANAMPALATAYA KAY JESUS CHRIST PARA TAYO'Y MALIGTAS. ANG KALIGTASAN NATIN AY DAHIL SA BIYAYA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA KAY JESUS CHRIST. Sapagka't sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at iyan ay hindi sa inyong sarili: ito ay kaloob ng Diyos: Hindi sa mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. EPHESIANS 2:8-9 Sapagkat ang sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas. ROMANS 10:13
SINNER’S PRAYER IPANALANGIN MO ITO NG MAY PANANAMPALATAYA: PANGINOONG JESUS, MARAMING SALAMAT SA LABIS MONG PAGMAMAHAL SA AKIN. INAAMIN KONG AKO'Y MAKASALANAN AT HINIHINGI KO ITO SA IYO NG KAPATAWARAN. SALAMAT SA IYONG PAGKAMATAY SA KRUS, PAGKALIBING, AT MULING PAGKABUHAY UPANG BAYARAN ANG LAHAT NG AKING KASALANAN. MAGMULA NGAYON, AKO'Y NAGTITIWALA SA IYO BILANG AKING PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS. TINATANGGAP KO ANG IYONG KALOOB NA BUHAY NA WALANG HANGGAN AT ISINUSUKO KO ANG BUHAY KO SA IYO. TULUNGAN MO AKONG SUMUNOD SA LAHAT NG IYONG UTOS AT MAGING KALUGOD-LUGOD SA IYO. AMEN.
KUNG NAGTIWALA KA NA KAY JESUS CHRIST, NANGYARI NA SA IYO ANG MGA SUMUSUNOD: • NGAYON, MAYROON KA NANG BUHAY NA WALANG HANGGAN KASAMA ANG DIYOS. At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sumasampalataya sa kaniya, ay magkaroon ng buhay na walang hanggan: at siya'y aking ibabangon sa huling araw. JOHN 6:40 • ANG LAHAT NG KASALANAN MO AY BAYAD NA AT NAPATAWAD NA. (NOON, NGAYON, AT SA HINAHARAP) Ngunit ang taong ito, pagkatapos niyang maghandog ng isang hain para sa mga kasalanan magpakailanman, ay umupo sa kanang kamay ng Diyos; HEBREWS 10:12
• IKAW AY BAGO NANG NILALANG SA PANINGIN NG DIYOS. SIMULA NA NG IYONG BAGONG BUHAY. Kaya't kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga lumang bagay ay lumipas na; narito, ang lahat ng mga bagay ay naging bago. 2 CORINTHIANS 5:17 • IKAW AY NAGING ANAK NG DIYOS. Datapuwa't ang lahat ng tumanggap sa kaniya, sa kanila'y binigyan niya ng kapangyarihang maging mga anak ng Diyos, sa kanila na sumampalataya sa kaniyang pangalan: JOHN 1:12 ANG MGA MABUTING GAWA AY HINDI PARAAN UPANG TAYO'Y MALIGTAS, KUNDI ISANG KATIBAYAN O BUNGA NG ATING KALIGTASAN. Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na itinalaga nang una ng Diyos upang ating lakaran. EPHESIANS 2:10 GOD BLESS YOU!