
Karangalan ang Magsiwalat ng Katotohanan
Karangalan ang Magsiwalat ng Katotohanan
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Ilocos Norte National High School
mga atleta ng Pink Panthers na makamit ang kampeonato dahil sa kanilang dedikasyon at natatanging talento.
ni Mark Joshua Villaabrille
Pinangunahan ng Youth for in Schools Organization (YES-O) ng Ilocos Norte National High School (INNHS) ang pagsasaayos ng INNHS Gymnasium matapos ganapin ang Mr. and Mrs. Palaro 2024.
Ayon sa YES-O, ang adbokasiya ng organisasyon na panatilihing malinis ang kapaligiran ang nagtulak sa kanila upang linisin at ayusin ang gymnasium dahil sa pinagdausang ng nasabing patimpalak.
Hinikayat naman nila ang mga mag-aaral na maging responsableng estudyante upang mapanatili ang pangangalaga sa kapaligiran at paaralan.
Pinasalamatan din ng organisasyon ang mga mag-aaral na tumulong sa kanila sa gawaing ito upang mas mapabilis at mapaayos ang kanilang ginagawa.
Sa isang kapana-panabik na pagtatapos ng INNHS Palaro 2024, matagumpay na iniuwi ng Grade 11 Pink Panthers ang karangalang overall champion sa Ilocos Norte National High School (INNHS), Oktubre 14,2024. Nagpamalas ng walang kapantay na galing at determinasyon ang mga manlalaro ng grade 11 mula sa volleyball court hanggang sa billiard table, at maging sa athletic field sa pagsungkit ng prestihiyosong titulo bilang overall champion.
Ayon kay Gng. Elizabeth Dela Cruz, isa sa mga coach ng Pink Panthers, “Adda da ngamin dagitay atheletes nga talaga nga napasnek, nagaed ken talaga nga nalalaing, so deserve mi ti agbalin nga champion.”
Pinagtibay ni Gng. Dela Cruz ang kaniyang paniniwala sa kakayahan ng
Samantala, ibinahagi ni Gng. Estelita Lorenzo ang kaniyang mga todong pagsuporta sa tagumpay ng team, “Syempre, Pink Panthers ako, magagaling kami, Pink Panthers kasi Pink Panthers ako!”
Ang pagkapanalo ng Pink Panthers ay hindi lamang isang tagumpay para sa kanilang team, kundi para sa buong paaralan dahil ito ay nagbigay ng inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga atleta na magsikap at magpursige upang makamit ang
ginto.
Samantala, nasungkit naman ng Orange Tigers ang unang pwesto matapos makakuha ng 16 ginto, 16 pilak, at 13 tansong medalya; pumangalawa ang Blue Lions na may 10 ginto, 6 pilak, at 10 tansong medalya; sa ikatlong puwesto naman ang Yellow Dragons na umabot sa 8 ginto, 7 pilak, at 6 tansong medalya; pang-apat ang Green Jaguars, na nakakuha ng 2 ginto, 7 pilak, at 13 tansong medalya; at sa huli, ang Red Phoenix ay nagtapos sa ikalimang pwesto, na may 1 ginto, 5 pilak, at 3 tansong medalya.
Matagumpay na ginanap ang taunang Mr. at Ms. Palaro bilang bahagi ng Intramurals noong Setyembre 13, 2024 sa Ilocos Norte National High School (INNHS) Gymnasium.
“I would not like to be forever young because I have a memory and because I will never have to see my family and my friends again. I want to die with them because I already live my life to the fullest.”, sagot ni Ase Marie Amdal ng Grade 11 Pink Panthers.
Bukod sa kaniyang mahusay na sagot at pagpapakitang-gilas, nasungkit din ni Amdal ang iba pang parangal gaya ng Best in Casual Wear, Best in Poise, Most Charming, at Best in Sportswear, na siyang nagdala sa kaniang tagumpay.
Sa kabilang banda, ang titulong Mr. Palaro ay naiuwi ni Charlie Jeshua Destura ng Grade 9 Red Phoenix. Siya rin ay pinarangalan bilang Most Articulate dahil sa kaniyang malalim na pagninilay sa winning answer na.
“There is always victory in defeat; in every defeat you have a lesson that you have learned” giit ni Destura.
Samantala, pinarangalan naman bilang 4th Runner Up si Jaemy Lyza Alonzo ng Grade 12 Orange Tigers at Keshawn Nelric Oalog ng Grade 10 Blue Lions, 3rd Runner Up sina Joshrylle Vhan Reyes at Clark Admir Duldulao mula sa Grade 12 Orange Tigers, 2nd Runner Up si Giselle Anne Dela Cruz ng Grade 10 Blue Lions at Ralph Turda ng Grade 11 Pink Panthers, 1st Runner Up si Lovely Calumag ng Grade 11 Pink Panthers at Jacob Ynigo Sanchez ng Grade 9 Red Phoenix.
Sa pagsisimula ng INNHS Palaro ngayong taon, isinulong ng Ilocos Norte National High School (INNHS) ang pagsunod sa programang “Clean As You Go” o CLAYGO.
Layunin nitong mapanatili ang kalinisan sa buong campus habang isinasagawa ang iba’t ibang mga
Mahigpit ang pagsubaybay ng mga guro at lider-estudyante ang pagpapanatili sa kalinisan lalong-lalo na pagkatapos ng bawat laro at aktibidad.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang CLAYGO ay hakbang para turuan ang mga mag-aaral ng sariling disiplina at responsibilidad sa kapaligiran.
lang ay iminungkahi na ang 2025 national budget na naglaan ng PhP. 725 milyon para sa Philippine Sports Commission (PSC), isang halagang mas mababa pa sa PhP. 1.156 bilyon noong nakaraang taon. Ang tanong: Ano kaya ang epekto ng nasabing pagbabawas ng budyet sa mga estudyanteng-atleta?
Batay sa impormasyong makukuha sa mga websites ng Department of Budget and Management, ang naitalang PSC budyet na sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay hinati sa PhP. 312.5 milyon para sa General Administration at Support, nagkakahalaga naman ng PhP. 158.2 milyon sa Amateur Sport Development, at PhP. 225 milyon sa locally funded projects. Bagaman mas mataas ang inilaang badyet para sa General Administration at Support sa 2025, nakaranas naman ng mahigit kumulang na 50 porsyentong kaltas ang badyet ng Amateur Sports Development Program.
Ang kaltas na ito’y hindi lamang nakaaapekto sa ating mga atleta sa nasyunal na lebel, ngunit may direktang epekto rin ito sa mga estudyanteng-atleta. Hindi nabanggit sa 2025 proposed badyet ang paglalaan ng pinansiyal na tulong sa mga atleta sa Community Sports Developments at Sport Activities. Dahil dito, maaaring mabawasan at bumaba ang kalidad ng suportang matatanggap ng mga estudyanteng-atleta mula sa gobyerno. Maaari ring maapektuhan ang ilang aktibidad pansports tulad ng Batang Pinoy, Palarong Pambansa, City Meets, at Intramurals ng mga paaralan.
Hindi maikakailang magastos ang pagpapatupad ng intramurals. Tulad ng ibang intramurals, nakaranas din ng mga pinansiyal na
problema ang mga atleta mula sa Ilocos Norte National High School. Hindi madaling pakainin ang daan-daang atleta gamit lamang ang mga bulsa ng mga guro’t estudyante. Wala pa rito ang iba pang gastusin tulad ng t-shirt, pamasahe, at bayad para sa mga pasilidad. Sa ilang class organization, umaabot sa PhP 25,000 ang badyet sa isang araw para sa daan-daang atleta. Kung susumahin, kung ito’y hahatiin sa 300 na atleta at guro, PhP 83 ang baon ng isang atleta sa isang araw. Kasama na rito ang meryenda, tanghalian, at pamasahe. Sa mga bilihin ngayon, tila’y mahirap pang pagkasiyahan ang halagang ito na itaguyod ang diwa ng isports sa bansa.
Ganito man ang sitwasyon, nakaya pa rin ng mga estudyante ng Ilocos Norte National High School ang makipaglaro at kanilang naitawid ang intramurals ngayong taon. Subalit, hindi ito rason para ipagpatuloy pa ang lantad na pagbabalewala sa larang ng isports. Kung ano gawain sa itaas, ay gagayahin din sa ibaba. Ang hagupit na dala ng paggupit ng badyet ng PSC ay nasasalamin sa kapalaran ng mga estudyanteng-atleta. Nagsimula rin ang mga tanyag na atleta tulad nina Carlos Yulo bilang mga estudyanteng-atleta. Kaya’t mahalaga ang paglaan ng badyet sa mga aktibidad na kinabibilangan ng mga estudyante upang patuloy na itaguyod ang diwa ng isports sa bansa.
Maaari kayang sumibol ang diwa ng pagkakaisa sa gitna ng mahigpit na laban? Maaari bang maging pahinga ang isang nakakapagod na kaganapan?
Kirk Steven P. Gabuat
Ang intramurals sa mga paaralan sa Pilipinas ay kadalasang nakasentro sa mga isports, laro, at iba pang pisikal na kumpetisyon. Bukod sa linilinang nito ang aspetong pisikal ng mga mag-aaral, nasusubaybayan din ang sosyal na aspeto. Sa aking palagay, pinagsasama tayo ng intramurals sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa ating mga ka-grupo. Kung walang epektibong komunikasyon at matibay na pakikisama, mahihirapan tayong manalo; at gayundin sa ating mga kakumpetensya at iba pang mag-aaral. Ang mga pagsasama-sama mula sa pag-cheer hanggang sa pagkakaroon ng bagong kaibigan ay parang isang uri ng mahika, hindi ba? Kadalasan, nagdaraos din ng isang beauty pageant tuwing intramurals, kung saan maririnig ang mga malalakas na tilian at sigawan ng mga mag-aaral. Ito’y mga patunay na nakatutulong ang intramurals sa pagbuo at paglinang ng diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkakaintindihan ng mga mag-aaral.
Bagaman nahahati ang mga estudyante sa iba’t ibang kulay at koponan, hindi pa rin maaalis ang katotohanan na ang intramurals ay isang daan upang makipaghalubilo ang mga mag-aaral sa kapwa nilang mag-aaral sa labas ng kanilang silid. Kagaya na lamang ng intramurals namin dito sa Ilocos Norte National High School.
Hindi maikakailang gigil ang lahat ng anim na koponan upang masungkit ang gintong medalya, ngunit, kahit sa maliliit na paraan, nagsasama-sama at nagkakaroon ng koneksyon ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang. Ito’y nagsisilbing tulay na nagbubuklod sa aming lahat.
Ang intramurals din ay nagsisilbing pahinga para sa mga mag-aaral mula sa academic pressure hanggang sa mga personal na problema. Sa mga laro at kasiyahan, nagiging pagkakataon ito upang makapag-relax kasama ang ating mga kaibigan o ka-ibigan sa iba’t ibang aspeto ng intramurals. Dito rin natin ipinapakita ang ating kasanayan at pagiging aktibo. Ang pagiging mahusay sa intramurals ay hindi lamang para manalo, kundi upang matuto – matutong makipagtulungan, makipagkaisa, at ipamalas ang ating kakayahan sa patas na kumpetisyon.
Sa gitna ng mainit at masiglang kumpetisyon, hindi natin dapat kalimutan na may mas mahalagang bagay kaysa sa panalo — ang pakikipagkaisa, pakikisama, at pagkakaibigan. Habang ang lahat ay nahahati sa mga koponan, grupo o kulay, isang tulay ang nabubuo kung saan ang lahat ay nagkakabuklod-buklod.
Mark Joshua D. Villaabrille
Punong Patnugot
Princess Emriche Jhoye C. Carag
Pangalawang Patnugot
Precious Ynah P. Visaya
Mark Jansen R. Ganot
Tagapangasiwang Patnugot
Charize Bettina A. Collado
Maricon M. Bitanga
Patnugot sa Balita
Sheena Mae L. Ermitanio
Hannah Angela A. Lorenzo
Patnugot sa Lathalain
Kale Tara Gabrielle Gavino
Deidre Marczhenyne E. Boac
Patnugot sa Opinyon
Caryll Ann M. Tesoro
Jamaica Czanell S. Aguinaldo
Patnugot sa Ag-Tek
Joseph Bernard III P. Agustin
Mark Jake P. Cipriano
Patnugot sa Isports
Dirk Einsley A. Rivera
Czar Ryan M. Agluba
Gabriel Alexis S. Luna
Punong Pag-aanyo
Jaczen Oliver L. Madriaga
Gaverell Terenz P. Bartolome
Punong Larawan
Jamilla Lei-V A. Mabini
Al Guian J. Asuncion
Punong Dibuhista
Ma. Rika Ela Caparas, Carmela Julienne Cruz, Ian Kelgy G. Calantes, Alaina Ashanti F. Tejada, Alnerica A. Miguel, John Kenneth S. Eco, Gian Janry Bajado
Mark Jerome S. Orque, Stephany Laine A. Biagan
Mga Mamahayag
Francis Jade I. Reyes, Reigna Nicole B. Cenu, Aimee A. Agtang, Florianne Felix, John Rain M. Narciso, John Miggy Z. Umayam
Mga Brodkaster
Antonio Albis Jr.
Catherine Litao
Mga Tagapayo
Eulalia B. Baga Pangalawang Punongguro II
Shirley C. Agsunod Punongguro IV
Mahal na Patnugot, Magandang Araw!
Bilang isang mag-aaral ako po’y lubos na nababahala sa inilahad ng paaralan na skedyul para sa INNHS Palaro ngayong taon. Pagkatapos kasi nito ay madugo-dugong pagsusulit ang bubungad sa mga estudyante. Dagdag pa rito, maraming araw din na hindi pumasok ang mga estudyante dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan sa probinsya. Para sa akin, ito’y nakaaalarma sapagkat kulang na kulang ang oras na inilahad upang isiksik ang lahat na gawain sa iisang linggo. Maraming estudyante rin ang hindi kayang mag-aral nang sila-sila lamang. Ako’y lubhang naaawa sa aking sarili at sa aking kapwa mag-aaral.
Sa tingin ko’y kinakailangan nilang unahin ang kalagayan ng kanilang mag-aaral sa halip na unahin ang kung anumang pagdiriwang na kaya naman ipagpaliban muna. Sa huli, hindi naman sila ang makararamdam ng pagod kung hindi ang mga estudyante. Nawa’y maiparating sa kinauukulan at masolusyunan ang aming munting problema.
Marami pong salamat!
ni Emriche Carag
Nitong 2020 nang una niyang mahawakan ang mga susi ng simula— isang raketa at isang bola. Sa una niyang paghawak ng mga ito sa magkabilaang kamay, nahanap niya ang kaniyang larang na kaniyang mamahalin habang buhay. Ang larang na sa pagdating ng panahon ay ang maghahatid sa kaniya sa kaniyang mga pangarap.
Nagbukas ang isang pintuan ng oportunidad para kay Tyrese Sky Tolentino na ngayon ay nasa ika-7 baitang sa Ilocos Norte National High School-Sprecial Program in Sports (INNHS-SPS). Nitong nakaraang buwan ng Abril, naganap ang isa sa mga mahalagang pangyayari para sa isang student athlete— ang RIAA. Sa mga gaya niyang patuloy na nangangarap, hindi mabilang-bilang ang mga sakripisyo, pawis at mga luha ang kinakailangan niyang ilaan sa pag-asang makakamit niya ang kaniyang dakilang minimithi. Ang karanasang ‘yon ay ang naging daan upang buksan ni Sky ang isang panibagong oportunidad.
Marami man ang magkabilaang duda, pinatunayan niyang kayang-kaya niya dahil patuloy siyang lumalaban. Hindi aakalain ng iba na ang batang nasa ika-7 na baitang ay tila makikipaglaban sa mga higante kapag siya na ay humarap sa kalaban. Ang batang nasa ika-7 na baitang, ay hindi nagpapalipas ng oras at kinukuha ang lahat ng oportunidad na balang araw ay ang maging daan para sa kaniyang ginintuang tagumpay.
Sa kamakailang natapos na INNHS Palaro 2024, kalaban ang mas mataas na baitang, isa lamang ang nagwagi at nag-uwing kampeonato para sa Table Tennis Men’s Singles, at siya iyon. Para sa kaniyang unang pagsabak sa INNHS Palaro, ito na ang simula ng kaniyang ginintuang tagumpay dahil ang lahat ng magagandang bagay ay nagsisimula sa isang hakbang na nangangailangan ng tapang. Sa una niyang hakbang, nawa’y ang daan na kaniyang tatahakin ay magdadala
“[Ang] pangarap ko bilang isang atleta [ay] ang makasali sa Palarong Pambansa sa taong ito.
Tyrese Sky Tolentino ika-7 na baitang
Nawa’y gabayan ka ng Panginoon sa iyong daan sa rurok ng tagumpay. Keep spinning, Sky!
ni Sheena Ermitanio
“Kayak detoy,” ito ang katagang lumabas sa kaniyang bibig upang lalo pang pasiglahin ang damdaming kinakabahan. Isang manlalaro na sa larang ng Billiards girls na ang hangarin ay maiuwi ang titulo ng kampeon. Isang manlalaro na may matamis na ngiti at masiyahing personalidad. Ang kaniyang mga mata ay puno ng determinasyon at kumpiyansa, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa laro. Siya ay isang masayahin at positibong tao na nagsisilbing liwanag sa dilim.
Siya si Starry Christi Sampayan, isang manlalaro mula sa Grade 11 Pink Panthers at isang mag-aaral ng 11- STEM Vergara. Noong nakaraang taon, muli itong naging kampeon sa Billiards girls, at mula noon ay naging inspirasyon siya ng marami. Ang kaniyang karanasan bilang manlalaro ay nagbibigay sa kaniya ng kumpiyansa, ngunit hindi siya nagiging kampante. Ang kaniyang tagumpay bilang kampeon ay isang malaking karangalan, ngunit alam niyang ang bawat laro ay may kasamang kaba at posibilidad ng pagkakamali. Ang kaniyang pag-amin sa mga ito ay nagpapakita ng kanyang pagiging totoo at mapagpakumbaba.
Sabi pa nga nito na, “Nakaramdam ako ng limampung porsyento ng kaba at limampung porsyento na chill lang kasi alam kong may karanasan ako bilang manlalaro, at iyon ang edge ko sa kanila.” Totoo nga na siya’y determinado at may matibay na loob, laging handang harapin ang anumang hamon na may ngiti sa kaniyang mukha.
Naniniwala si Starry na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa dami ng tropeo o medalya na kanyang napanalunan, kundi sa mga aral na kanyang natutunan at sa mga taong kaniyang natulungan. Saad nga niya sa tanong kung ano ang masasabi niya sa mga kapwa niya babae sa isport na Billiards: “As a girl playing billiards, nag unusual talaga kaya some people ket agju-judge da nga like ‘Babai deta, haan nalaing deta.’ Adu kasta talaga, ngem bebeanyo latta nukwan kase billiards ket haan met about the gender. Practice lang talaga. Prove them wrong ba.” Ang kaniyang adbokasiya ay bigyang boses ang mga kababaihang tinanggalan ng karapatan sa lipunan sa larangan ng larong Billiards. Siya ay isang repleksyon ng mga kababaihan na matapang at handang ipakita na kahit ang mga babae ay kayang-kaya ang lahat ng mga gawain.
At sa likod ng kaniyang masayahing personalidad at matamis na ngiti, si Starry ay isang kampeon na puno ng determinasyon at responsibilidad. Sa kabila ng kaba at pag-aalinlangan, patuloy siyang lumalaban para sa kanyang koponan at sa kaniyang pangarap.
Sa isang kagubatan kung saan ay maraming mga mababangis na hayop, sino pa nga ba ang kinatatakutan nila kung hindi ang kanilang hari—ang Leon. Ito ang nagsimbolong panupil ng dalawang nangngangalit na manlalaro sa larang ng chess upang agwatan ang sino man na haharang sa kanilang daraanan tungo sa pinaglalawayang mga gintong medalya ng Ilocos Norte National High School (INNHS) Intramurals 2024.
Dala-dala ang kanilang hindi matatawarang katapangan at bagsik sa mundo ng mind games, hindi nagpagapi sina Paul Aldrich Crisostomo at Mark Jansen Ganot ng Grade 12 Orange Tigers sa likod ng mga pagsubok na pilit na humihila sa kanila. Ito ang dahilan upang unti-unti nilang maubos ang mga nagtatangkang pabagsakin sila at tuluyang masungkit ang pinakaaasamasam nilang gintong medalya.
Tulad ng mga ibang manlalaro, marami na ring mga pagsubok ang muntik nang nagpabagsak sa kanila—ito ay ang mga mapapait na kabiguan. Matatandaang sila ay mga dating manlalaro ng Laoag City Athletic Association (LCAA ) Meet taong 2022 ngunit lumagapak sila noong nakaraang taon matapos maungusan ng mga matitinik na manlalaro ng INNHS tulad nina James Fane Almazan at Asher Keefe Soberano na mga R1AA players.
Hindi man nila nagawang makapasok sa LCAA noong nakaraang taon, hindi sila nagpakita ng anumang pagkadismaya at pagsuko. Bagkus, ito ang nagpalakas sa kanilang kalooban at nagpabangis sa kanilang mga tirada. Bilang bunga ng kanilang pagsusumikap, walang awang dominasyon ang kanilang ipinamalas sa katatapos na Intramurals matapos nilang magkasamang ibulsa ang lahat ng mga gintong medalya at tuluyang malagpasan ang mala-halimaw na Palarong Pambansa
player na si Johnny Suguitan ng Grade 7 Green Jaguars at ang defending champion na si Asher Keefe Soberano ng Grade 8 Yellow Dragons.
Bitbit ang paninindigan nilang dalawa na “Ang kabiguan ay isang susi upang mabuksan ang natatagong katapangan at kalakasan,” humahalakhak ngayon sila sa maliblib na kagubatan ng chess.
Muli nanamang sasagupa sa LCAA nang magkasama sina Crisostomo at Ganot kasama sina Suguitan at Soberano sa Oktubre 16-18. Nawa’y gabayan kayo ng Panginoon, mga Leon ng dominasyon!
“Chess is a sport, exercise, & art. Yun ang tatlong ‘yon na nagpapaintindi sa’kin kung ano ang chess para sa’kin, at kung paano ko ito linalaro.”
Paul Aldrich Crisostomo
Kanibalismo sa kaparehas na grupo
ni Joseph Bernard Agustin
Namayagpag ang husay at bagsik ng takam na takam sa tropeyong si John Dave Pascual ng Grade 10 Blue Lions matapos ilantad ang mga asintadong corner shots at mga mauutak na placings upang todasin ang isa pang nag-iinit na pambato ng Grade 10 Blue Lions na si Kryz Andrey Ramos sa Ilocos Norte National High School (INNHS) Intramurals Meet Men’s 8 Balls Billiards Championship na yumanig sa dumadagundong na Ilocos Norte College of Arts and Trades (INCAT) Billiards Hall, Setyembre 20.
Matatandaang napagtagumpayang iuwi ni Ramos ang pilak na medalya sa ginanap na Laoag City Athletic Association (LCAA) Meet 2023 ngunit ngayo’y natalisud matapos harapin ang itinatagong kakahayan ni Pascual sa larang ng billiards.
Agad ipinamalas ng dalawang leon ang kanilang pagkagutom sa panalo sa pagbubukas pa lamang ng laban matapos magpalitan ng corner shots, subalit umagwat si Pascual matapos ang sunod-sunod na pagpasok sa kaniyang mga bola dahilan upang mapanghawakan ang momentum, 1-0.
Umarangkada si Ramos at humagupit ng limang corner pocket shots, nagkaroon man siya ng foul ay hindi ito naging hadlang upang itabla ang laban matapos dumagdag ang tatlong successful pockets sa pagtatapos ng ikalawang yugto ng laban, 1-1.
Nakatitindig-balahibong sagupaan ang bumandila sa ikatlong kabanata matapos magkamali ang dalawang magkaribal sa kanilang tirada sa widely open 8 ball ngunit pumanig ang ihip ng hangin sa ikalawang asinta ni Pascual upang ibulsa kartada, 2-1.
Umugong ang hiyawan sa silid matapos ang agresibong banat ni Pascual na nagresulta ng dalawang successful pockets sa kaniyang sargo. Gayunpaman, sinagot ito ni Ramos ng tatlong corner pocket shots at dalawang side pocket shots na naging susi upang buksan ang kahindik-hindik na decisive rack, 2-2.
Hindi na nagpatumpik-tumpik si Pascual sa huling yugto. Kumonekta siya ng anim na corner shots ngunit nahirapan sa huli niyang solid ball na humantong sa scratch. Tinangkang bumawi ni Ramos ngunit nakapos siya sa kanyang tirada, kaya’t sinamantala ni Pascual ang pagkakataon at maayos na ipinasok ang 8 ball upang tuluyang tuldukan ang laban, 3-2.
Kasalukuyang naghahanda si Pascual sa nagbabadyang INNHS Intrams Men’s 9 Balls na yayanig muli sa INCAT Billiards Hall, sa Setyembre 21.
“
Ako ay labis na kinabahan dahil LCAA silver medalist ang aking kinalaban, pero ako ay labis na natutuwa sa aking pagkapanalo.
- Pascual
Mabangis na palo at puso para sa titulo!
Kagula-gulantang na pinatikim ng Grade 11 Pink Panthers ang kanilang mala-raypul na pagkamada ng mga mababagsik at matatalim na ispayks sa pangunguna ng nagngingitngit na si Jay Ar Gaspar upang tuluyang sukbitin sa ere at iwanang nakalupaypay sa sahig ng kahihiyan ang Grade 9 Red Phoenix, 2-0 (25-15, 25-18), at tuluyang matikman ang tamis ng alapaap sa pagsungkit ng pinaglalawayang korona sa Volleyball Boys Championship Match ng Ilocos Norte National High School (INNHS) Intramurals Meet 2024 na dumausdos sa umaatikabong INNHS Centennial Park, Setyembre 20.
Matapos ang napakatamis na pagkapanalo ng Pink Panthers laban sa nanlalapang Grade 12 Orange Tigers na kinabibilangan ng mga nanlalamon na mga beterano at varsity players sa malinaw na 2-0, hindi maipagkakailang dumaan muna sila sa butas ng karayom nang magsalpukan sila kontra Red Phoenix sa layuning matuhog ang kapana-panabik na kampeonato. Madugo man ang naging tunggalian ng dalawa, mas nangibabaw pa rin sa huli ang bagsik at talim ng mga opensa ng Pink Panthers dahilan upang maidispatsa nila ang kanilang kasagupa at tuluyang maibulsa ang kampeonato.
Nakabibinging paghampas ng bola ang naging tanda ng mala-giyerang sagupaan ng Pink Panthers at Red Phoenix sa unang set ng laro kung saan ay hindi paawat ang magkabilang panig sa pagpapalitan ng mga nakapupuwing na mga ispayks at makapalaglag-pangang depensa upang tangkaing agwatan kaagad ang isa’t isa. Pagkatapos ng ilang palitan, tila ba’y biglang nabuhay ang natutulog na kalakasan ng Pink Panthers matapos makapagsalansan ng mga mapandurog na mga ispayks sa pangunguna ni Gaspar dahilan upang hindi na makapalag pa sa kanilang pagsubok ang naghihikaos na Red Phoenix at tuluyang maselyuhan ang yugtong ito, 25-15.
Sa saliw ng nakabinbing sigawan at hiyawan sa loob ng playing venue, ang Red Phoenix ay tila ba’y binendisyunan ng langit matapos nilang maagaw ang momentum mula sa Pink Panthers nang kaagad na nakagawa ng magkakasunod na pagpalya ang Panthers sa ikalawang set ng laro. Ganito man ang nangyari sa Pink Panthers, hindi sila pumayag na tangayin lamang sila ng mala-bagyong opensa ng Red Phoenix matapos nilang bawian sa pamamagitan ni Raymark Lorenzo na nagsalansan ng mga hindi matibag na ispayks na siyang nagbalik sa kanilang momentum dahilan upang maiwang nakabulagta ang nagmamakaawang Red Phoenix at tuluyang lantakan ang tamis ng kampeonato sa huling yugto ng laro, 25-18.
Ang ilang Pink Panthers ay naghahanda na upang ipabilang sa mga bubuo ng varsity team ng INNHS na isasabak para sa napipintong tagisan sa Laoag City Athletic Association (LCAA) Meet 2024 na gaganapin sa buwan ng Oktubre.
“
Ang masusing komunikasyon ang rasonnaging kung bakit nagawa maipanalonaming ang titulo.
- Gaspar, MVP
humambalos na animo’y sasabuging teksas ang nagpupuyos sa alas dos y medyang pagdilim ng kalangitan ang nagpupumiglas na Grade 11 Pink Panthers matapos ibandera ang kanilang pagpapaulan ng mala-bulalakaw na spikes at nakasusulasok na headings upang tuluyang lumpuhin ang pagnanasa ng mga naglulupasay na Grade 10 Blue Lions na sunggaban ang inaasam-asam na kampeonato sa makapigil-hiningang Ilocos Norte National High School (INNHS) Palaro 2024 na sumiklab sa dumadagundong na INNHS Vocational Compound Sepak Takraw Court, Septyembre 20, 2024.
Maaalalang naibulsa na rin ng koponan ng Pink Panthers ang ginto sa nagdaang INNHS Palaro 2023 na pinangunahan ng Regu na si Jade Andrei Ignacio.
Binuksan agad ng Blue Eagles ang unang set ng laban matapos isinumite ang kanilang mapanindak na placings at eksplosibong service ace upang tuluyang ipalasap sa kalaban ang pait at hapdi pagdating sa sepak takraw, ngunit nanibasib ang bangis ng Pink Panthers at habol-hiningang ibinida ang kanilang makahulog-pangang roll spikes bunsod upang masikwat ang kalamangan, 15-13. Walang-pakundangang kumamada ang nanggagalit na
na Pink Phanters sa pagbubukas ng ikalawang set ng sagupaan, matapos bumira ang kinikilalang regu na si Ignacio tampok ang kaniyang makapanindigbalahibong inside kicks at pamatay-sunog na kills upang masukbit ang kampeonato, tila hindi na mapreno ang kanilang pananalasa upang tulyang ibaon sa putikan ng kahihiyan at pukpukin ang kabaong ng naghihingalong Blue Eagles, 15-11.
“
Ensayo at disiplina ang kailangan ng isang player upang manalo sa laban. - Ignacio