Hanggang sa dulo, ginamit niya ang estado para masunod ang kanyang gusto. Hanggang sa dulo, kinamkam niya ang lupa at ang simbolo nito, inumit ang relasyon ng taumbayan sa pagpapakahulugan. Hanggang sa dulo, minanipula niya ang batas para agawan ng boses ang di na nga makapagsalita. Ito ang marka ng isang kriminal, diktador, at pasista. Kung gayon, ito ang tugon ng mga artista't manunulat sa hinihingi ng panahon. Ang zine na ito ay hindi lamang basta paggunita sa nakaraan, kung hindi isang uri ng pagbawi. Binabawi ng mga akdang nakapaloob sa zine na ito sa pamamagitan ng mga dibuho at salita ang mga matagal nang ninanakaw at inaagaw sa mamamayan - alaala, simbolo, kasaysayan, karapatan, at yaman. Ngunit alam din ng mga manunulat at artista kung hanggang saan lang ang bisa ng kanilang mga akda. Sa paglilibing sa kaniya, sa pagbabaon ng kanyang mga labi sa lupang kanilang inangkin, binuhay rin nila ang kakayahang mag-aklas ng taumbayan.
PRINT-READY: bit.do/unrestv2