Ay an a, o! by isaiah s cabañero

Page 1

Ay-an-a, o! Umuwi’t naglakbay. Pumara’t sumakay. Naupo’t naghintay. Binuo ang desisyon— sumulay! Beata’t diwa.. kapatiran, Katipunan, Luneta: mag-iisang parke’t lansangan. Kabataan. Napaglumaan. Silang lumipas, ay ‘di tunay— na nakalimutan. Isa sa mga daang daang isa pa; dagdag sa daang daang nagdaan na. Dampa man ang dama ng mga paa, d’wag ka kung kawalang-bahala ang maipapamana. Isaulo, a bente-singko; a bente-singko ng Nobyembre, isaulo. Tanga lang o kapwa demonyo ang ‘di napapahimagsik sa panloloko’t panggagago. Nasa harap mo na, ano ba! Utang na loob— ayan na, oh!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.