Digitally signed by Jason Raquin Roque DN: cn=Jason Raquin Roque, o, ou, email=jason_mike15@yahoo.com, c=PH Date: 2012.05.16 19:53:39 +08'00'
“UGAT sa DUGO” Roque, Jason R. Rodrin, Lauro Nino M. Bago, King Richelle S. Kaur, Kamaljit Frias, Abigail Pauline F. Del Rio, Ma. Sheila S. Someros, Kristine Carl S.
- Pangalawang anak (binatilyo) - Cardo / Tatay ni Sidra - Sido / Kalaguyo ng nanay ni Sidra - Tiya Concha / Nanay ni Sidra - Sidra - Desta / batang kapatid ni Sidra - Panganay na anak (dalagita) / batang Sidra
Scene 1: Modern House (in one room) DUBBING: Jas - Ang pamilya ni Sidra ay hindi rin ganuon ka-iba sa mga kabaryo nito. Sa sala lang natutulog ang magiina, kasama ang napakalaking banig at ilang mga unang ng… KC & Jas : nagtatalik Abi : Oh Panginoong Jesus! Jesus! Jesus! Anong sumpa ito! (hahampasin ni Kamal sina Jas at KC) KC & Jas : Aray, Ah! Aray! Abi : Mga walang hiya kayo! Baboy! Di ko kayo ‘pinangakanak na tao para tumulad sa aso. Lumuhod ka (Jas) diyan! Luhod! Idipa mo yang kamay mo! Ikaw (KC), gumapa ka rito! Dapa rito! Jas : Ayoko po Inay! Tama na po, ah! Aray! Si Ate! Si Ate po ang nagumpisa! Aray! (napahinto si Abi) FLASH BACK - maingat sa pagtatalik at paglalambing sa kanyang asawa, Sido - hindi nakikipag laro sina KC & Jas sa eskwelahan (kunwaring naguguluhan si Abi sa dami ng mga iniisip, kung ano ang kasagutan sa mga nagyaring ito) Scene 2: Nakatayo si Abi sa tapat ng isang bintana. (ipapakita ang tatlong namana ni Abi, bunto’t pagi, bahay, 2 gulod na lupain) DUBBING: Jas - Pinamanahan si Sidra ng kanyang Tiya Concha ng 2 gulod na lupain na napakalayo sa sa sibilisasyon. Bahay na may sementadong balkon na yero angg bubong, may tabling sala na pawid ang bubong, may sinawaling kusinang anahaw ang bubong, at may maliit din itong batalan na sinasalang dahon ng niyog ang dingding at bubong. At ang huli sa lahat ay ang bunto’t pagi na naglalaman ng maraming hinanakit at alaala. Abi : Naaalala ko pa… Scene 3: Old House / Simbahan (namatayan si abi ng kapatid dahil sa tigdas) (habang naglalakad, lahat ng makasalubong niya ay takot na takot siya) (sa eskwelahan, pati ang guro ay hindi niya matignan)
(pinapagalitan, alimurain, paluin, at kaladkarin si Abi ni Kamal) Kamal : Ay naku Sidra! Wala ka na ngang maitulong sa akin dito, di ka pa maasahan sa eskwelahan. Huwag na nang magpatuloy sa pagaaral mo! Dito ka na lang sa bahay, nang magkasilbi ka naman. Abi : (maiyak-iyak) Sige po Tiya. (magkasama sina Kamal & Abi sa simbahan) Kamal : Ang mga mabubuting lalake ay malalaman mo kung ilang beses sila nagsisimba, Sidra. DUBBING: Jas - Nakalipas ang ilang taon‌ Bente nuwebe na si Sidra ng kanyang mamalayan na buhay pala ang kanyang nunal, sarat ang kanyan ilong, nagsasalubong ang kanyang sabog na kilay, hindi niya maiderestsong matang nagsisingkitan, ang usngal niyang bibig, ang bitakang sakong at buhaghag na mga daliri sa paa, ang nabilad niyang balat sa arawan, ang pagkapunggok niya at ang pagkatuyo ng kanyang pagdadalaga. Scene 4: Old House (dadalaw sina Sido, Cardo at Desta sa bahay nila Sidra at Tiya Concha) DUBBING: Jas - Sa dinami-rami ng mga kabaryo nila Sidra, tatlo lamang ang pinahihintulutan ni Tiya Concha sa kanilang bahay, si Sido, Cardo at Desta King
: Alam mo bayaw (Ron), pagong ka! Hinog na ang saging ayaw mo pang tibain. Ikaw din! Pag ako nagmatsing walang matitira sayo! Kilala mo naman ang bilis kong umakyat! Walang tinik tinik sa akin! Ron : Hahaha! Ganun ba? Sheila : Che! Ikaw ba naman! Basta nakapalda iyong pinapatulan! Huwag mong iparis sa ito ang kapatid ko! May pinagaralan yan! Di tulad mo! (magkakamot at mapupunas ng batok si King) King : Ba naman! Saan-saan ka pa kasi yumuyulo bayaw. Nasa tapat mo lang ang sipag na langgam at mutya ng puso! Sheila : Tumigil ka na nga diyan! Paano makakapagsalita yang tao, e puro bunganga mo na lang ang naririnig! Tara na nga, nang makapagusap naman yang dalawa! (hahatakin ni Sheila si King) (habang naguusap sina Abi at Ron) DUBBING: Jas - Sa anim na magkakapatid na puro titulado, maliban kay Desta na hindi na nga nakakalahati ng hayskul, dahil sa maagang pagtanan kasama ni Sido. Si Cardo naman ay ang bunso at bugtong na anak na lalake, kaya ganon na lamang ang pagpupursige si Desta na makasarilinan ni Sidra si Cardo. Scene 5: Old House (nagpapalakas si Sheila kay Kamal)
Sheila
: Alam mo ba Tiya Concha, itong si Cardo ay tumatanda narin. Walang nagaalaga at nagaayos sa kanya. Baka naman ay maaaring magkatuluyan sila ni Sidra. Kamal : Akin nga rin napapnsin. May titilo din naman si Cardo at sa tingin ko ay magging maayos ang kanilang pamumuhay. (habang naguusap sina Abi at Ron, si King ay pasulyap sulyap kay Abi at ganun din naman itong si Abi) DUBBING: Abi - Mukha naman parehong puwedeng basketbolista itong dalawang ito. Ngunit mas makisig at matipuno ang katawan ni Sid okay Cardo, siguro dahil na rin sa kanya pagiging mangingisda. At maayos din pumorma si Sido, naka three-flowers pa ang buhok. Di hamak na mas gwapo si Sido. Scene 6: Old House DUBBING: Jas - Sa tulong ng magasawang si Sido at Desta natuluyan nang mamanhikan si Cardo kay Sidra. Ngunit hindi nila alam na itong si Sido ay may lihim ding pangliligaw ka Sidra. (habang abala si Ron sa paninilbihan sa bahay ni Abi at Kamal, si King ay nilalansi na si Abi) - habang nagdidilig si Abi, dadaan si King at titignan si Abi ng matamis - habang nag luluto si Abi, lalapit si King King : (hahawakan ang baywang ni Abi) Ang bango naman yan. - habang naliligo si Abi, sumisilip si King - habang kumakain King : Napakasarap naman nang iyong niluto Sidra (may kasamng pagtingin) Abi : Maraming Salamat (blush) Scene 7: Old House DUBBING: Jas - Dumating ang isang gabing kawalan ng buwan katulad ngayon‌ (si King ay kumakaluskos na umakyat sa bahay nila Kamal at ginagapang si Abi) King & Abi : nagtatalik Kamal : (kinuha ang bunto’t pagi sa gilid ng unan) Aaaaaaaaaaaaahhhhhh!!! (nanlambot ang katawan, parang napaupo) Mga hayop! Mga walang hiya! (hinampas ni Kamal sina King at Abi) Lumuhod ka! Abi : Tiyang tama na ho! Aray! Patawarin niyo po kami. Kamal : Baboy! Nakakadiri kayong dalawa! Hampaslupa! Abi : Tiyang maawa nap o kayo! Aray! Kamal : Matigas talaga ang ulo mo huh! Sabi nang lumuhod ka! (sabay hampas) (sinabunutan ni Kamal si Abi, nang pinigilan ni King) King : Tama na po Ninang! Walang kasalanan si Dadang! (Abi) Kapangahasan ko po ito! Ako po ang parusahan niyo!
Kamal
: Demonyo! Sungayan! Aso! Ahas! Hayop ka! Di mo ko ginalang, binaboy mo ang pamamahay ko! Di ka na naawa sa bayaw mo! Pinapalamon ang pamilya mo sa palad, hinudas mo pa! Papatayin ko kayo! Mga hayop! Pa…. patay! (nanlaki ang mata ni Kamal at natigilan, bigla niyang nabitiwan ang bunto’t pagi at hinamuyos ang kanyang dibdib) (hindi nakagalaw si King sa kinatatayuan niya, at ganoon din si Abi sa kinasasalampakan niya) (bumula ang bibig ni Kamal at namatay) Scene 8: Sementeryo DUBBING: Jas - Bagama’t tinalukbunga ni Sidra ang kanyang katawan ng itim na belo, hindi maitago nito ang mga bakas ng hampas ni Tiya Concha siya kanya. Haban si Sido naman ay hindi nagpapakita sa libing ng kanyang binastos na Ninang. Nakalipas ang ilang gabi… King : Mapait ang katas ng bunga ng kataksilan Dadang! Nakakasirang-mukha lunukin. Anupa’t sa isang lalaking tinaksil ang sariling kadugo at kasuyo at inaglahi ang puri ng kanyang kasari, daig pa niya ang barakong pinatuwad bago kapunin. Si Cardo, Dadang… para siyang balon sa taginit na natuyuan ng tubig ang lalim ng pananahimik. Ang pamimitak ng buo niyang pagkatao ay sa sibol ng alak niya tinighaw. Ngunit hindi ito nagkasya, sinisid niya ang dagat para huwag nang umahon pang muli. Ayaw akong patahimikin ni Desta. Sinisurot niya ang buo kong kaluluwa! Nag-aalala ako sa iyo, baka ikaw ang gambalain niya rito, kaya ako napasugod! Scene 9: Old House DUBBING: Jas - Kabuwanan ni Sidra. Di niya sukat akalain ang pananahimik ni Desta ay sasabay sa kabuwanan niya. (sisigaw si Sheila sa labas ng bahay ni Abi) Sheila : Hoy! Salot! (nagulat parehas sina Abi at King, hindi nila malaman ang gagawin, si King ay magtatago) Sheila : Sidra! Lumabas ka diyan! Ilabas mo ang asawa ko! Alam kong nandyan siya! Lumabas kayo dyan! Mga baboy kayo! Harapin niyo ako rito! Kung ayaw niyo, susunugin ko ang tangkal ng bahay na ito ng matupok kayong pareho! (lumabas si Abi at ipinakita ang tiyan niya) Abi : Wala dito ang asawa mo! Desta, kung gusto mo akong kausapin, huminahon ka muna! Sheila : Aba’t ang punyetang to’ ! May gana ka pang magpakalma! Kung di pa lahi ng Makati! Hoy! Malandi! Hudas! Di ka pa nagkasya sa kapatid ko! Magpapabuntis ka lang pala, asawa ko pa nilandi mo! Ang mabuti diyan sa dinadala mong kaputahan dikdikin! (aakya’t susugod na dapat si Sheila nang inilabas ni Abi ang itak)
Abi
: Sige! Umakyat ka! At subukan mong dikdikin ako! Pag di ka natadtad ng pinong pino! Pamamahay ko ‘to alalahanin mo! Magagawa ko anumamg gustuhin ko! Sheila : Naniniwala ako! Nagawa mo nang lahat ng kalandian ditto, magagawa mo ring patayin kaming lahat dito! Pinatay mo na si Tiya Concha. Pinatay mo na rin ang kapatid ko! Ngayon ako! Susunod sino? Ang asawa ko! Sige! Salot ka! Patayin mo na ‘ko! Akala mo natatakot ako sayo! (humakbang paakyat si Sheila) Abi : Hangang diyan ka na lang! (humakbang ulit si Sheila) Sheila : Uhaw ka na sa laman1 Uhaw ka pa sa dugo! (napaurong si sidra) Abi : Hanggang diyan ka na lang sabi! Binabalaan kita, Desta! (nakaakyat na si Sheila) Abi : Huwag mo akong pipilitin Desta! (humakbang pa si Sheila palapit) Sheila : Alam kong matapang ka tulad na ina mo! Harap-harapan kung magtaksil sa ama mo! Abi : Tumigil ka! Sheila : Tulad ka ng am among criminal! Abi : Tumigil ka na! Aaaaaahhhhhh! Sheila : Nahuli ng ama mo ang ina mo na nakikipagtalik sa ibang lalaki kaya piñata ng ama mo ang ino mo! Abi : Tumigil ka na sabi! (maguguluhan si abi) Scene 10: Sa Kakawayanan FLASHBACK DUBBING: Jas - Maglilimang taon na si Sidra noon… (nasa kawayanan) (iniwan si KC at Sheila ni Kamal) (sumuot si Kamal sa kawayanan dahil nandoon si King) (nagantay sina KC at Sheila) Sheila : Sidra, ang tagal naman ni inay KC : OO nga ate eh. Nagugutom na ako. Sheila : Nay! Saan ka na! KC : Nay! (dumting si Ron) Sheila : Tay si Nanay nandoon pos a kawayanan. Di pa po bumabalik. Ron : Ah! Sige pupuntahan ko siya! (pinuntahan ni Ron si Kamal at King) Ron : Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh. (sumunod sina KC at Sheila) Sheila : Inayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!
KC : Nayyyyyyyyyyyyyy! (sabay luhod) (si Kamal ay pugot na ang ulo, si Ron ay may tarak na sa kanyang dibdib) Scene 11: Modern House (nakayakap si Jas kay Abi, nagmamakaawa) Jas : Nay! Tama na po! (napatingin si Abi sa mga Dugo) Ending; Mga Dugo - Sa leeg ni Kamal - Sa likod ni King - Sa mukha ni Kamal - Sa mata ni Desta - Sa katawan ni Cardo - Sa dugo nila KC at Jas (titignan ni Abi ang kamay niya at sabay luhod)