1 minute read

Dapithapon

Next Article
References

References

Jasele Mae Priolo

Nais kong matutong gumuhit upang mailapat ko ang aking mga alaala kasama ka sa mga blankong papel na siyang maghahayag kung gaano kadalas mo akong naging minsan.

Advertisement

Nais kong matutong umawit nang marinig mo naman ang mga boses— dumadagondong, nakakabingi, ngunit kailanma’y hindi mo ninais pakinggan.

Nais kong matutong sumayaw umindak kung kinakailangan kung sa bawat indayog ng musika ay siyang pagsabay ng iyong nararamdaman.

Nais ko at nanaisin ko pa rin na matutunan kung papaano tayo naging tugma, naging payapa, naging sigurado. Sa mga panahong sinandal ko ang aking ulo sa iyong balikat, sabay sa paglubog ng araw sabay ng bawat dapit-hapon.

Illustration by Emmy Nava

This article is from: