1 minute read

Hubad

Next Article
References

References

Santijmlo

Kinausap ko ang kalangitan, Ba’t tunay na pag-ibig ipinagkakait, Ang lunas na lang ba ng kahapong pighati, Ay dalawang katawang busog sa madaling sandali. Tinanong ko ang kalangitan, Ano ba ang kasalanan? Ayaw ko na ng katawang uhaw sa kaaliwan, Diligan ang pusong nagnanais ng katotohanan.

Advertisement

Sumagot ang kalangitan, Yan ba talaga ang iyong ninanais? Pwes pumunta ka sa hardin ng walang damit, May diwatang naghihintay. Parehas kayo ng kinakamit. Tinanong ako ng kalangitan, Bat ‘di mahubad yung kaluluwa, Pag-ibig diba yung hinahanap mo hindi katawang ligaya? Oo, pero takot ako humubad.

Kinausap ako ng kalangitan, Hubad na kaluluwa ay higit sa hubad na katawan, Gumuho man ang mundo, kaluluwa’y mananatili. Kaluluwa o katawan ika’y pumili.

Sumiklab ang kalangitan, Bumalik ka sa iyong pinanggalingan, Suriin ang sarili kung ano ang kagustuhan, Aliw ng katawan o Pag-ibig na katotohanan, At kung sigurado ka na, Tatanungin ulit kita, ‘Yan ba talaga ang iyong ninanais?

This article is from: