1 minute read
Pangalan
Jio Magin
Tila hindi maipaliwanag Kung ano ang pawang nararamdaman Puso tila’y may binibigkas Sampung letra, isang pangalan
Advertisement
Sana ay may sagot sa aking mga katanungan Bakit tila ay ika’y napapanaginipan Sa mga madilim na gabing kay lamig Ihip ng hangin na kay sarap pakinggan ‘tulad ng ‘yong himig
‘Di lubos maisip na ika’y pakakawalan Huwag mag alala, hihintayin kita Hanggat makakaya, hihintayin ang bawat umaga Sa pag gising, nasa tabi mo’t hindi lilisan
Sa pagsikat ng araw ay isang bagong pag-asa Para makita ang iyong mga mata at labi Na ubod ng ganda na hindi maikukumpara Sa bilyon-bilyong ngiti ngunit ikaw lang ang tanging ninanais
Sampung letra, isang pangalan ‘Gaya ng bituin, O kay rami ngunit isa lang ang nagniningning Sa maitim na kalawakan, ikaw ay nag iisang nakikita Ng aking mga mata na kay sabik ‘kong sambitin
Sampung letra, isang pangalan Tanging ikaw lamang, wala nang kaagaw.