1 minute read

Katok

Next Article
References

References

Rengil Mana-ay

“Taps! Taps! Taps! Lights off...”

Advertisement

Alas 10 ng gabi ang oras ng aming pagtulog sa dormitoryo. Lahat ng nakabukas na ilaw ay dapat patay na, at lahat ng mga bibig ay dapat nakatikom na. “Observe silence! Everybody should be in their respective bunks.” mando ng naka-duty na kadete.

Pagkatapos nito ay inisa isa na niya ang mga kwarto upang tiyakin na madilim na ang mga silid at tahimik na ang lahat. Agad-agad naman kaming umakyat sa ikatlong palapag kung saan naroroon ang aming kwarto, katabi ng storage room ng dormitoryo. At habang nagsitahimikan na ang karamihan at nasa himbing na ang iilan, may biglang kumatok.

Tok. Tok. Tok.

“Huwag mong buksan,” nakangiting ibinulong ng isa naming senior. Nagkasalubong bigla ang aking mga kilay sa litó. “Huwag mo bubuksan ang pinto. Alam mo ba kung ba’t pag kumakakatok nagsasabi ng ‘tao po’?”

“Bakit, sir?” tanong ng kasamahan ko.

“Para malaman ng nasa loob ng kwarto na tao ang kumakatok at hindi si Smiley, ang multo sa dormitoryo.”

This article is from: