EL GUARDIAN Bol. 5 Isyu 1

Page 1

EL GUARDIAN Agusto 2023 - Pebrero 2024

Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Samuel Christian College General Trias Inc.

OPINYON

LATHALAIN

AGHAM

Dating Tinuturuan, Ngayon Nagtuturo: SCC Alumni Pahina 10

Pera sa Teknolohiya Pahina 6

Maberdeng Bayanihan Pahina 11

Samuelians nagwagi sa DSPC Best 7; Lima, kwalipikado sa RSPC

SCC PRIDE SCC PRIDE SCC PRIDE SCC PRIDE SCC PRIDE SCC PRIDE RANK 3

RANK 5

ZEAN NIDMAR PAGLALARAWANG TUDLING

TRISHA ELLAINE PAGKUHA NG LARAWANG PAMPAHAYAGAN RANK 5 RANK 4

BELGRADO,

ZWEENA LORIN

RANK 1

ALABANA,

FALLARCUNA,

SIRON,

MICHAELA CHRYST EDITORIAL WRITING

BALITA

N

ni Jessica Lein Cristobal

Nakapasok sa ‘Best Seven’

ang labing isang manunulat mula sa Samuel Christian College General Trias Inc. (SCCGTI) sa kanilang kategorya sa 2024 Division School Press Conference (DSPC) na ginanap noong ika-13 ng Enero 2024 sa Gov. Luis A. Ferrer East NHS, kung saan ang lima sa kanila ang kuwalipikado para sa 2024 Regional School Press Conference (RSPC) matapos ianunsyo ang kanilang ranggo noong ika-2 ng Pebrero 2024. Nagrerepresenta ang labing walong manunulat ng SCC sa indibidwal na patimpalak ng iba’t-ibang kategorya at midyum sa DSPC, nagmamarka ng muling pagtitipon ng iba’tibang eskwelahan sa General Trias, Cavite upang makipag timpalak. Sumunod, inanunsyo ang mga nanalo sa DSPC bilang parte ng Best Seven kung saan dadaan sila sa isang araw ng

RANK 3

CRISTOBAL,

RANK 2

MAYUGA,

ROELLA COLUMN WRITING

RANK 5

ORTEGA,

TOLIBA,

JESSICA LEIN PAGSULAT NG LATHALAIN

JOHN HARVEY

RANK 2 CIUDAD,

COPY READING AND HEADLINE WRITING

DANEAH JAYZEL

FRANCYNE JENIELLE PAGSULAT NG RANK 5 BALITA RANK 7 ARETE,

YUAN KOBI PAGSULAT NG PANGULONG TUDLING

CAGUETE,

EIMIEL

TATAK SCC! TATAK SAMUELIAN! pagsasanay at paggawa ng mga awtput upang matukoy ang kanilang ranggo batay sa ebalwasyon ng tagapagpasiya na isinagawa noong ika-2 ng Pebrero 2024 sa parehas na lugar.

Pagpatuloy sa Pahina 2

Samuelians Pinainit ang Selebrasyon ng Cultural Day ni Sophia M. Abairo

Nagpasiklaban ang iba't ibang

kalahok na Senior High School students dala-dala ang kanilang mga suoting gawa sa recyclable materials na akma

CULTURAL DAY: Nagpakita ng kanilang mga talento ang mga Samuelians sa larangan ng sining at mas pinayabong pa ang kaalaman sa kultura ng mga bansa sa naganap na Cultural day na may temang “PASIKLABAN: PAgpapayabong ng SIning, Kultura, at LAhi ng bawat BANsa” na ginanap sa Samuel Christian College of General Trias Cavite Inc., Oktubre 27, 2023.

Samuel Christian College

sa temang: "Pagpapayabong ng Sining, Kultura at Lahi ng Bawat Bansa” para sa pagdiriwang ng Cultural Day ng Samuel Christian College noong ika-27 ng Oktubre, taong 2023. Nagsimula ang programa sa ganap na ika-9 ng umaga at ang bawat kalahok ay inirampa ang kanilang kasuotang hango sa kanilang bansang kinakatawan. Ayon sa isang kalahok na si Lukie Paraguas, nakaramdam siya ng kaba nang makita na ang iba’t-ibang kasuotan ng kanyang mga kalaban. “Even during the pageant, I was nervous because of the stunning costumes and competitive participants, but I told myself I could do it and prove that I had a chance,” ani Paraguas.

Pagpatuloy sa Pahina 2


Pahina 2

Mula sa Pahina 1

DSPC Nanalo sa unang pwesto si Jessica Lein Cristobal sa Pagsulat ng Lathalain, samantalang nanalo sa pangalawang pwesto si Daneah Jayzel Ciudad sa Pagsulat ng Kolumn. Karagdagan, sa parehas na midyum, nanalo sa pangalawang pwesto si Zean Nidmar Alabana sa Paglalarawang Tudling, habang nanalo sa panglimang pwesto si Yuan Kobi Arete sa Pagsulat ng Pangulong Tudling. Bukod dito, nanalo rin sa panglimang pwesto si Trisha Ellaine Fallarcuna sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan. Nanalo si Francyne Jenielle Ortega sa Pagsulat ng Balita sa panglimang pwesto at si Eimiel Caguete sa Pagwawasto at Paguulo ng Balita sa pang-pitong pwesto. Nanalo si Roella Mayuga sa Column Writing sa pangalawang pwesto, at sa sumunod na pwesto, nanalo si John Harvey Toliba sa Copyreading and Headline Writing. Nanalo naman si Michaela Chryst Siron sa Editorial Writing sa pang-apat na pwesto, at si Zweena Lorin Belgrado sa Photojournalism sa parehas na pwesto. Magrerepresenta ang rank 1 hanggang 3 sa Dibisyon ng General Trias sa 2024 Regional School Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Cabuyao, Laguna.

Mula sa Pahina 1

Cultural Day Dagdag pa nito, masasabi niyang "worth it" ang lahat ng iyon, pati na ang mahigit siyam na oras na pag-eensayo niya ng kanyang partner kada araw, kahit na wala pa itong gaanong karanasan sa pagsali sa mga ganitong uri ng patimpalak. Sa kabilang banda, maririnig ang paghiyaw ng mga inihandang chant ng bawat strand upang ipakita ang kanilang pagsuporta sa kanilang mga kaklase.

BALITA Okasyon ng Pagsasamahan, Ipinagdiwang nang Maayos

ni Jan Andrea B. Lanceta

Michaela Chryst Siron ACQUAINTANCE PARTY: Napuno ng kulitan at tawanan ang mga Samuelians sa naganap na Acquaintance Party na may temang “Don’t just dance, let’s DISCO, Discover, Inspire, Solidify, and Connect Ourselves” sa General Trias Cultural and Convention, Setyembre 23, 2023.

G

inanap ang isang Acquaintance Party sa General Trias Convention at Cultural Center noong Setyembre 23, 2023 para sa mga mag-aaral ng Samuel Christian College. Ayon kay Bb. Zyrel Lopez na isa sa mga pinuno ng okasyon, ipinapasok ang mga core values ng kampus sa tema ng salo-salo na “Don’t just dance, let’s DISCO: Discover, Inspire, Solidify, and Connect Ourselves.” “Mine-make sure rin naman doon sa activity na talaga

mag-enjoy yung mga students, kumabaga makalimutan nila ang kanilang personal struggles nila sa buhay. Ma-enjoy ang mga activities at maka-bonding ang ibang mga students o samuelians,” bahagi ng isang pinuno ng okasyon na si Bb. Lopez. Upang maisakatuparan ito, lumahok sa iba’t ibang mga palaro ang mga mag-aaral na hinati sa ilalim ng ilang pangkat na may kanyakanyang guro na namumuno. Ang bawat pangkat na nanalo

ay may kaakibat na cash prize at consolation price naman para sa mga hindi umabot sa ranggo. Nagbahagi rin ng sayaw ang mga itinakdang mag-aaral sa bawat larangan at baitang pati na rin ang mga guro sa loob ng convention center. Matapos kumain ang mga mag-aaral, isinigawa ang isang open floor upang magkaroon sila ng pagkakataon na magsama-sama at mag-ugma ang mga mag-aaral, at bilang pagtatapos ay nagkaroon ng isang photo op ang lahat.

Bagong mga Lider-Estudyante, Nanumpa sa Kanilang Tungkulin anumpa ang mga opisyales N na mag-aaral ng bawat klub ng kanilang serbisyo para sa Samuel Christian College sa isang Oath-taking Event na naganap sa General Trias Convention at Cultural Center noong Setyembre 23, 2023. Ayon sa pinuno ng seremonya at Direktor ng Student Affairs and Services na si Gng. Elizabeth Arriesgado, nangako silang paglingkuran ang mga tao nang buong puso at isipan.

ni Jan Andrea B. Lanceta

“The most promising [aspect] is that they know they are not fully equipped a sa leader and they will still continue to ask for the assistance and guidance of the Lord as they are leading,” Gng. Elizabeth Arriesgado

Ipinaliwanag din niya na makakakuha pa rin ng pinakamahusay na desisyon at magkakaroon ng

Central Student Body of SCC ACQUAINTANCE PARTY: Napuno ng kulitan at tawanan ang mga Samuelians sa naganap na Acquaintance Party na may temang “Don’t just dance, let’s DISCO, Discover, Inspire, Solidify, and Connect Ourselves” sa General Trias Cultural and Convention, Setyembre 23, 2023.

magandang landas sa buhay kung patuloy ang paghingi ng tulong sa Diyos kahit na hindi ka pinuno. Binibigyang diin ang mga pananaw ng kababaang-loob, pamumuno, moral na integridad, epektibo at kahusayan, at ang pamumuno habang nagsisilbing alagad ng Diyos. Nanumpa ng mga pangitain at isang hanay ng mga pangako para sa kabutihan ng kampus ang mga baging halal na opisyales. Ang mga nanumpa ay mula sa klub ng Junior High School at Senior High School Department, ito ang Tech Connect, You and M.E., Youth Campus Ministry, Teatro De Samuelian, Note-ify, Kalinangan Dance Troupe, El Guardian, SamueLikha, UTOPIA, JICTO FYBLEA, SYSTEM, at SSG, at CSB.


BALITA

Pahina 3

CSB Halalan 2023: Matagumpay na Naisagawa ni Sophia M. Abairo

atagumpay ang ideals kagaya ko," ani Escorel. M pagsasagawa ng eleksyon

Jessica Lein J. Cristobal CSB Campaign: Nangampanya ang mga partidong ‘ASAP’ at ‘ERA’ sa Miting De Avance noong ika-8 ng Setyembre 2023 sa SCC Cafeteria.

gamit ang aplikasyon na Google Form sa pagtatalaga ng mga bagong miyembro ng Central Student Body nitong ikawalo ng Setyembre, taong 2023. Ayon kay Kirsten Escorel, itinalagang Senador mula sa partidong ASAP, masasabi niyang ‘chaotic’ ang nangyayaring paghahanda ngunit ito rin ay masaya dahil siya ay napaliligiran ng mga taong may katulad ng kaniyang layunin. "It was chaotic po, marami kailangan i-prepare pero masaya rin at the same time kasi yung mga kasama ko is may same goals and

Ayon din sa mga partido, masasabi nila na naging komportable naman sila sa isa’t isa sa kabuuan ng pangangampanya at kinakabahan din para sa magiging resulta. Dagdag pa rito, naging dahilan rin ang pamamahala ng mga guro sa maayos na kinahinatnan ng eleksyon pati na rin ang mga gabay na inilunsad noong botohan ay nakatulong. Samakatuwid, nailabas rin agad ang resulta at karamihan sa mga itinalagang Central Student Body ay galing sa partidong ‘ERAS’ at dalawa naman ang nanalo mula sa partidong ‘ASAP.’

SCC Field Trip: Karunungan ng mga Samuelians, Pinagyabong

Samuelians, Nagpakitang Gilas sa Paligsahan ng GenThink Year 4

ni Joanah Ivie Cabadin

ni Sophia M. Abairo

Isinaalang-alang ng Samuel

Christian College ang pagkatuto ng mga Samuelians mula sa baitang 7 at 8 sa isinagawa nilang JHS Field trip noong ika-9 Nobyembre 2023 upang mapalawak ang karunungan ng mga estudyante. Ayon sa nasabing paaralan, malaki ang kahalagahan ng aktibidad na ito sa mga Samuelians upang sila ay mapahusay sa larangan ng akademiko sa interaktibong pamamaraan. “Our primary focus is on destinations that not only offer valuable learning opportunities, but also deliver a fun and interactive experience —Making the trip memorable for our students.“ saad ng punong guro ng paaralan,

G. Jezreel James Colina. Nagtungo ang mga mag-aaral sa mga destinasyon gaya ng Ayala Malls Museum sa Makati kung saan kanilang nasaksihan ang iba’t ibang mga likhang-sining at ang Enchanted Kingdom sa Laguna. Natuwa naman ang mga Samuelians sa naging aktibidad na ito ng kanilang paaralan sapagkat nagkaroon sila ng oportunidad na matuto at makatungo sa iba’t ibang nasabing destinasyon kasama ang kanilang mga magulang at kaibigan. Sa kabilang banda, naniniwala ang nasabing paaralan na nakatutulong ang mga ganitong interaktibong aktibidad sa mga mag-aaral upang maging madali at masaya ang pamamaraan ng kanilang pag-aaral.

umabak na sa tagisan ng S talino ang Samuelians sa ginanap na GenThink Year 4 via Zoom at GASCLOUD nitong ika-3 ng Pebrero, taong kasalukuyan. Ayon kay Jessica Lein Cristobal, Grade 11 student mula sa HUMSS strand at kalahok sa nasabing patimpalak, ikinagagalak niya ang ikaapat na beses ng kanyang pagsali sa patimpalak na ito. "Masaya rin dahil pang-apat na taon ko na sa pagsali ng genthink at masasabi ko na sa bawat taon ay masayang nagkakaroon ako ng panibagong karanasan at kaalaman," ani nito. Kani-kaniyang paghahanda ang ginawa ng mga mag-aaral. Nagsimula ang paligsahan ng saktong ika-8 ng umaga at

at nagtapos naman ng ika-4:30 ng hapon. Kaagad namang nailabas ang resulta na siyang sinundan ng kanya-kanyang pagbabahagi ng Facebook post ang mga magaaral na nanalo pati na rin ang kanilang mga guro. Nag-uwi naman ng maraming karangalan ang Samuelians mula baitang 7 hanggang 12 sa iba’t-ibang asignatura na kanilang sinalihan. Dagdag pa rito, ang patimpalak ay binubuo ng mga kalahok sa Grade 1 hanggang Grade 12 mula sa iba't-ibang pribadong paaralan dito sa syudad ng General Trias, Cavite. Sa kasalukuyan, naghihintay pa ang eskwelahan ng anunsiyo ng tagapaghawak ng patimpalak patungkol sa petsa at lugar ng pagbibigayan ng parangal.

Mga maestra sa SCC, Binigyan ng Pasasalamat ni Jessica Lein Cristobal

I pinagdiwang ang Teacher’s Day Celebration na may temang “DA BEST KA, GURO!” (Delightful, Amazing, Brilliant, Excellent, Samuelian Teachers) noong ika-4 hanggang ika-5 ng Oktubre 2023 sa SCC Cafeteria, 3:00 ng hapon. Binigyan ng pagpapahalaga

ang mga guro ng Samuel Christian College (SCC) sa pangunguna ng Central Student Body (CSB). Dagdag pa rito, inengganyo ng iba’t-ibang organisasyon ang mga guro sa mga palaro at aktibidad na kanilang ginawa. Itinanghal din ng Teatro De Samuelian ang kanilang kanta para sa mga guro.

Nakiisa rin ang mga estudyante sa paggaya ng pamamaraan ng kilos, pananamit, at pananalita ng kanilang guro bilang parte ng programa. Naging matagumpay ang programa sa tulong ng Notetify, Tech-connect, SYSTEM, FYBLEA, JICTO, at UTOPIA sa paghahanda ng selebrasyon.

Ms. Elizabeth Arriesgado Teacher’s Day: Pinagdiriwang ang araw ng mga guro sa Samuel Christian College of General Trias Cavite Inc., Oktubre 4-5, 2023.


BALITA SCC: Electrical Shortage; Edukasyon, tuloy pa rin ni Eimiel Caguete

"Doon, nakatambay kami sa lidad at magandang Inanunsyo ng Samuel electrical room tapos narinig na edukasyon para sa mga mag-

Christian College ang pagkakaroon ng problema sa elektrisidad sa paaralan noong ika-16 ng Enero taong 2024, Martes. Nagsimula ang pagka-antala ng elektrisidad bandang alas dos ng hapon noong ika-15 ng Enero. Ayon sa isang staff ng eskwelahan, ang pagkasira at pagsabog nito ay dahil sa pagtaas ng boltahe ng kuryente dala ng init ng panahon.

lang namin may mga umuugong hanggang sa nawalan ng kuryente," ayon sa isang maintenance ng paaralan. Matiyaga na gumagawa ng paraan ang mga tagamaintenance upang mas mapabilis ang pagresolba ng suliranin sa kuryente. Gayunpaman, ang insidenteng ito ay hindi hadlang para sa mga guro at mga administrador ng Samuel Christian College upang maipagpatuloy ang deka-

aaral nito. Napagpasiyahan ng pamunuan na ipagpatuloy ang pagseserbisyo sa mga kabataan sa pamamagitan ng Online at Blended Learning. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy na sinisikap ng iskwelahan na mas mapunlad pa ang kanilang serbisyo para sa mga mag-aaral na Samuelians. Wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik ang dating iskedyul ng mga bata.

Club Day 2023: Nagbukas ng oportunidad para sa Samuelians

I

sinulong muli ng Samuel Christian College ang iba't ibang organisasyon na kumakatawan sa paaralan noong ika-24 hanggang ika-25 ng Agusto 2024. Ginanap ito sa may waiting area ng SCC kung saan ang bawat clubs ay nagtayo ng kaniya-kaniyang booth at may mga paandar rin ang bawat isa, ayon sa isang club officer masasabi niya na may kaniyakaniyang mithiin at interes ang lahat ng organisasyon na siyang makakatulong para sa mga estudyante. “Ang pinakalayunin ng event na ito at kung bakit ito idinaraos taon-taon ay dahil ipinapakita rito na ang mga mag-aaral ay may kakayahang madiskubre ang kani-kanilang husay at talento. Bukod pa rito ay mas malilinang pa ng nga estudyante ang mga talento na mayroon sila.” ani Daneah Jayzel Ciudad, Associate Editor ng El Guardian. Dagdag pa rito, ang mga organisasyon tulad ng

ni Eimiel Caguete

Teatro De Samuelian CLUB’S DAY: Hinikayat ng mga pinuno ng organisasyon ang bawat Samuelian na sumali at mag rehistro sa kanilang samahan sa naganap na Club Day sa Samuel Christian College of General Trias Cavite Inc., Agosto 24-25, 2023.

El Guardian, Teatro De Samuelian, Note-ify, and Kalinangan Dance Troupe ay namigay ng mga flyers, kendi at maging mga fill up forms para sa mga nais maging kasapi nila. “Masaya ang naganap na club day lalo na at nagkaroon ng iba't ibang ganap, karamihan ay masinsinang

Pahina 4

Samuelians, Sumabak sa Work Immersion ni Ethan Haro

umalang ang mga S estudyanteng senior high ng Samuel Christian College sa work immersion noong ika8 hanggang ika-9 ng Enero 2024 na pinangungunahan ni Gng. Edna Torres Leveriza (Mamu). Itinakda ang mga Samuelians depende sa kanilang karera o sa kanilang napiling kurso para sila ay mapunta sa iba't-ibang kompanya. "Itinalaga sila sa 14 companies depende sa kanilang napiling course na makakatulong para sa kanilang career" ayon kay Mamu. Mananatili sila ng limang araw na katumbas ng 14 na oras dahil ito ay isang batas ng DepEd na itinakda nilang gawin. Hinati sila sa 1 to 4 batches dahil sa dami ng estudyante at sa limitadong numero lang ng mga estudyante nito Makakatulong ito sa pagkakaroon ng karanasan ng mga mag-aaral sa kanilang propesyon na tatahakin

BATCH DATES BATCH 1

FEB 05-09

pinababatid sa mga kapwa nila mag-aaral kung ano ang ginagawa at layunin ng kanikanilang organisasyon,” ayon pa rin kay Ciudad. Sa ngayon, unti-unting nang isinasagawa ng mga organisasyon ang kanilang mga proyekto at patuloy pa rin ang paglago ng mga miyembro nito.

BATCH 2 FEB 12-16

BATCH 3 FEB 19-23

BATCH 4

FEB 26- MAR 1

Samuelians nakilahok sa mga tryouts ni Ethan Haro

Nakilahok ang mga senior high at junior high na ng Track & Field tryouts na kay Lance Byrron ng 10 -

Samuelians sa palaro na tryouts ng Badminton at Track & Field na nasa Samuel Christian College at nagbukas noong Nobyembre 11, 2023 na pinangungunahan ng mga

guro. Sumali sila sa sa tryouts ng badminton na pinangunahan ng isang guro sa Junior high na si Bb. Marjorie Ruiz. Nakilahok din sila sa pagsali

pinangungunahan ng Senior high na guro at tagapagturo na si G. Cedric Gonzales. “Nakakapag-training naman po, maayos naman po ang nagtuturo sa amin" ayon

Timothy. Mag-eensayo ang mga natanggap sa mga sinalihan nilang tryout para sa preperasyon ng pagsali nila sa Cluster Meet .


OPINYON Ang Opisyal na Pahayagan Pangkampus ng Samuel Christian College General Trias Inc. General Trias, Cavite Region IV-A CALABARZON

Michaela Chryst S. Siron PUNONG PATNUGOT

Daneah Jayzel V. Ciudad PANGALAWANG PUNONG PATNUGOT

Roella B. Mayuga TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Francyne Jenielle Ortega Sophia M. Abairo BALITA

Jessica Lein J. Cristobal LATHALAIN

Roella B. Mayuga OPINYON

Elaiza Anne N. Arriesgado AGHAM

Kassandra Gagabo-an Arniel E. Trillo Jr. ISPORTS

Zean Nidmar B. Alabana KARTUNISTA

John Harvey M. Toliba PAGWAWASTO AT PAGUULO NG BALITA

Maayos na Sistema, Mataas na Marka I pinagbigay alam ng

Department of Education (DepEd) na nakakuha ng mga mabababang marka sa nakaraang Program for International Student Assessment (PISA), ang mga estudyanteng pinoy na likas ang pagsasalita sa wikang ingles, bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ng bansa. Sa kabilang banda, may mga ginagawa naman daw na aksyon ang gobyerno patungkol dito para mapataas na ang marka ng mga estudyante sa bansa natin Gayunpaman, hindi ba dati pa ang sinasabi nilang pagsasaangat at mga aksyon nilang ginagawa, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa rin tayong nakikitang resulta, patunay lang na hindi sapat ang aksyon na ginagawa nila.Nararapat lang na ang resultang ito ng PISA ay maging isang dahilan para mas pagbutihin pa lalo at paangatin ang edukasyon ng bansa natin. Lubos na nakakabahala na kahit na ingles na ang kanilang mga wikang kinalakihan ay bumabagsak pa rin sila, tunay na nakakatakot dahil ang pagbagsak nila ay isa ring patunay na hindi sa wika ang

Trisha Ellaine Fallarcuna LARAWANG PAMPAHAYAGAN

Bb. Stephanie E. Roque, LPT

Tagapayo sa Filipino Bb. Bianca Nicole L. Mendoza, LPT

Tagapayo sa Ingles Bb. Joeliza T. Pablo, LPT

Konsultant G. Jezreel James M. Colina, LPT

Punong Guro Dr. Emmanuel D. Magsino, CPA, DBA

Direktor ng Paaralan

Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan; sapagka't siya'y iyong buhay. Kawikaan 4:13

Pahina 5

Zean Nidmar Alabana

problema ngunit sa kakayahang umunawa ng mga mag aaral. Talamak na rin ang mga kabataan na nagsasalita ng wikang ingles sa bansa natin, dahil na rin sa paglaganap ng mga internet at teknolohiya, bagay na dapat mabuti ang resulta dahil merong mga kagamitan na makakatulong na sa pag aaral ngunit kabaliktaran ang lumalabas dito, hindi nagagamit ng maayos ang mga ito at hindi ito na ia-apply ng maayos sa kanilang edukasyon. Ayon sa DepEd may ilang kaso at patuloy pa ring laganap ang bullying sa mga paaralan, tinitingnan din nila itong isang sanhi ng mababang marka ng mga estudyante dahil kung hindi komportable at hindi maayos ang mga paaralan ay maaari ding maging rason ng hindi magandang edukasyon, kung ang mga paaralan ay likas at marami ang mga problemang nakakaapekto sa pag- aaral ng estudyante paano masisigurado na mayroong kaalaman silang makukuha. Isa pa ay ang tambak na gawain ng mga estudyante, na nakakaapekto dahil ang oras nila ay nakatuon na lang sa pag gagawa ng mga bagay na dapat ipasa at hindi na sa pagkuha ng kaalaman.

Naniniwala ang sambayanan na walang estudyanteng mahina kung tama at maayos ang sistema ng edukasyon ng ating bansa maari pa nating mabago ang ating mga marka kung patuloy nating susulusyonan ang mga problema at iiangat ang kalidad ng edukasyon ng bansa natin, maging isa sana itong rason upang mas pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mga paaralan at ang sistema ng pag aaral ng mga kabataan, dahil sila rin ang magtataguyod at manunungkulan sa bansa natin sa mga susunod na henerasyon. Pagsasagawa ng mga programa na tutulong sa kabataan, pagbabawas ng mga gawain bilang pagbibigay ng oras sa kanila para mas pag aralan ang mga asignatura at pagsasaayos ng mga sistema ng paaralan ay ang mga maaaring maging solusyon sa mga problemang kinakaharap natin. wag sana nating kaligtaan na huwag manatili sa ibaba at makuntento bagkus iangat natin ang bansa at ang galing ng mga estudyanteng pinoy at lagi sana nating isaisip na ang susi sa mataas na marka ay ang maayos na sistema.


OPINYON

Pahina 6

Pera sa Teknolohiya Pera ang nagpapagalaw sa ekonomiya. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay nakakabili sa inaraw-araw ng ating pangangailangan. Ito rin ay itinuturing na esensyal sa ating pamumuhay. Sa paglipas ng mga taon ay kakambal din nito ang lubos na pagkilala sa teknolohiya. Dahil dito, ay nabuo ang mga “mobile wallet” kung saan maaaring gamitin ang mga aplikasyon sa loob ng isang elektronikong gadyet upang maglagay ng halagang katumbas din ng perang papel para maipangbayad sa kagustuhan o pangangailangan ng isang indibidwal. Karamihan sa mga establisyemento na nakapaligid sa atin o kahit ang isang ordinaryong tindahan ay gumagamit na ng Quick Response Code o QR Code na konektado sa kanikanilang digital wallet, credit o debit card, at online bank accounts; mula doon, ay awtomatiko nang ikakaltas ang mga serbisyo o produktong binili kapag nakumpirma na ang Mobile Personal Identification Number o MPIN ng mga tao. Ang ilan sa mga dahilan ng mga Pilipinong gumagamit ng e-wallet ay hindi ito madaling madukot, madaling madala kahit saan, at hindi na kinakailangan ng sukli dahil maaaring saktong halaga na lamang ang ibayad. Mula sa sarbey ng isang Global Payments Company ay 50% sa isang libong Pilipino ay kakaunti na lang ang dinadalang perang papel sapagkat may mga opsyon nang kagaya ng “cashless payment” - ang datos na ito ay lubusang nagpapakita na ang ating bansa ay tuluyan nang nakikipagsabayan pag dating sa ganitong pamamalakad . Kung ang layunin ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP ay kalahati ng lahat ng retail payments sa bansa ay maging “cashless” o gumagamit ng pisikal na anyo ng pera ay hindi rin ito magiging matagumpay bagkus isa pa sa mga suliraning kinakaharap

ng pamamaraang ito ay hindi gagana ang mga aplikasyongito kung mahina koneksyon sa internet na nagreresulta sa pahirapang pagbabayad. Paano naman ang mga mamamayang hindi gaanong marunong pagdating sa teknolohiya gaya na lamang ng mga mas nakatatanda at ang mga taong walang kakayahang magkaroon ng internet? Ang mga kagaya nila ang siyang mahihirapang mapabilang o mapaloob sa mundong hindi naman nila kinasanayan. Bukod pa rito, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kinikilala bilang isa sa mga nangungulelat pagdating sa pagkakaroon ng mabagal na internet. Marami na ang komportable nang gamitin ang kalakarang ito sapagkat hindi na nila kinakailangang pumunta pa mismo sa kanilang mga paaralan subalit kung ikukumpara ang kalagayan natin sa ibang bansa ay kapansin-pansing napakahina ng ating seguridad pag dating sa “cybersecurity”. Kung ang mga malalaking ahensya nga ng gobyerno gaya na lamang ng PhilHealth, Philippine Statistics Authority, at Overseas Workers Welfare Administration ay napagtagumpayang mapasok ng mga hacker ay paano pa kaya ang isang ordinaryong tao? Mas madaling pasukin ang sistema ng mga digital wallet na ito. Kung sakali mang ipipilit ng mga tagpong ito ang pagkakaroon ng isang modernisadong pamamaraan upang makapagbayad, ay nararapat munang makipagtulungan ang gobyerno sa mga malalaking kumpanya sa likod ng mga aplikasyong may kinalaman sa kwarta sapagkat hindi posibleng mangyari ang lahat nang ito kung ang seguridad pagdating sa teknolohiya ay sobrang hina. Sana ay maglaan din ng nararapat na badyet ang pamahalaan pagdating sa mga ganitong aspeto dahil hindi lang iisa ang problema na mayroon ang ating bansa.

KOLUMN Ilaw ng Kinabukasan: Kabataan ni Daneah Jayzel Ciudad

Edukasyon ang susi sa

isang maganda at maunlad na kinabukasan, ngunit paano kung ang mga magaaral mismo ay hirap na maintindihan ang kanilang pinag-aaralan? Ito ang matagal nang suliranin ng Department of Education o DepEd. Hirap sa aralin at hindi matiyaga sa pag-aaral – ilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit bumabagsak ang grado ng isang estudyante na nagreresulta sa “remedial classes” o ang pagbabalik aral sa mga asignaturang hindi nila naipasa, subalit ang problema ay hindi pumasa sa klaseng ito ang mga mag-aaral ay pilit na lamang silang ipinapasa ng mga guro upang makaapak na sa susunod na baitang – ang sistemang ito ay lubos na nakababahala hindi lamang sa mga bata, kung hindi pati na rin sa ating bansa.

Ayon sa World Bank noong 2019 ay edad sampu sa ating mga Kabataan ay hindi nakaiintindi ng isang simpleng teksto at mula naman sa Philippine Business for Education ay 10% hanggang 30% ay hindi pa handa sa mas mataas na antas ng pag-aaral ngunit pilit na lamang ipinipilit upang hindi mapaghulihan – kung pagbabasihanang mga datos na ito ay masasabi ko na hindi lamang ang mga magaaral ang dapat na idinidiin kung hindi pati na rin ang Kagawaran ng Edukasyon. Itinatag ang Department of Education o DepEd upang masigurado na ang ating mga Kabataang mamamayan ay nakakukuha ng sapat na edukasyong kanilang magiging sandata

sa nakakatakot na hamon ng hinaharap – bukod pa rito ay ang ahensyang ito ang nakatatanggap ng pinakamalaking pondo mula sa ating gobyerno kung kaya ay nararapat lamang nilang gamitin ang malaking halagang iyon upang makapaglunsad ng mga programang maghahatid ng kasabikan sa mga Kabataan upang ipagpatuloy ang pagaaral na kanilang kinatatamaran. Ano pa ang silbi ng programa ng Kagawaran na “Catch-up Fridays” kung pagtungtong ng mga estudyante sa baitang na hindi dapat nila kinabibilangan ay wala muli silang matututunan? Mas nakalulungkot tignan ang isang mag-aaral na nasa mataas na baitang ngunit hindi marunong umintindi ng isang simpleng tekstong ipinababasa. Edukasyon ang pinakamakapangyarihang alas ng isang bansa at maraming aspeto ang lubos na masosolusyonan mula rito gaya na lamang ng kahirapan dahil alam nating lahat na mataas ang pamantayan ng ating bansa pagdating sa pagtanggap sa trabaho. Dagdag pa rito, huwag sanang pagtuunan lang ng pansin ang mga estudyante sa siyudad, bagkus ay bigyang pansin din ang mga kabataang nasa mga liblib na probinsya dahil sila ang mas kaawa-awa at nahuhuli sa aspeto ng edukasyon. Hindi matatawag na maunlad ang ating bansa kung may mga nasa laylayan na patuloy na naiiwan. Kabataan para sa bayan, kabataan para sa maliwanag na kinabukasan.


OPINYON Kapulisan: Kaligtasan o Kapahamakan? ni Daneah Jayzel Ciudad

Mga pulis ang naatasang

magprotekta sa ating mga kababayan, ngunit paano kung sila mismo ang naghahatid ng takot at kaguluhan? ‘

Ito ay nangyari noong Nobyembre ng nakaraang taon kung saan ang Tenyente Koronel na si Mark Julio Abong ay naging kontrobersyal matapos sampahan ng patong-patong na kasong administratibo matapos magwala, manakit ng isang waiter, at magpaputok ng baril sa labas ng isang restobar sa Quezon City - ang mga tagpong katulad nito ay tunay na nakapagbibigay ng hindi maipaliwanag na takot sa mga sibilyan. Napag-alaman din na siya ay nasangkot sa isang kaso ng hit-and-run noong Agosto taong 2022 kung saan isang tricycle driver ang namatay at isang pasahero ang sugatan. Pormal nang naihain ang pagpapaalis kay Abong sa hanay ng mga kapulisan at dahil dito, ay wala na siyang matatanggap na kahit ano mang benepisyo mula sa gobyerno. Kinansela na rin ang lisensya para sa pag-aari at registrasyon ng tatlong baril na hawak ng nasabing pulis. Sa panahon ngayon, hindi maitatangging laganap na ang mga kapulisang inaabuso ang hawak nilang kapangyarihan. “To Serve And Protect” - yan ang slogan ng Philippine National Police o PNP, ngunit ano na ang nangyari sa slogang ito kung sa kada bukas ng balita ay tambad ang mga parak na maling-mali ang ginagawa? Ilan pa sa mga ito ay ipinagmamalaki pa nang husto ang kanilang titulo o ranggo kumpara sa mga nagawa nilang serbisyo para sa kanilang kapwa Pilipino. Kapag ang isang musmos na bata ay nangangarap na maging isang pulis at tinanong

kung bakit, karaniwang isinasagot nilaay dahil gusto nilang hulihin ang mga masasamang tao, ang iba naman ay dahil sa gusto nilang mag serbisyo sa bayan. Lingid sa kaalaman ng mga batang ito na ang ilan sa kanilang mga iniidolong “naglilingkod” sa bayan ay kasing sama ng mga inaakala nilang kriminal. Mapapanood sa telebisyon na tuwing magkakaroon ng hindi inaasahang inspeksyon ay karamihan sa mga istasyon ng pulis ay makalat, walang naka destino sa assistance desk, may tulog, may amoy alak, at ang iba ay nagpopositibo pa sa pag gamit ng droga - hindi ito ang karapat-dapat na asal at ehemplo na kanilang ipinapakita sa mga kabataang nangangarap maging katulad nila. Delikado ang kanilang propesyon- gayundin ang armas na kanilang ginagamit para rito. Siguro ay mas ligtas na opsyon ang pagsusuko ng kanilang mga ginagamit na baril tuwing matatapos ang oras ng kanilang trabaho sapagkat hindi maiiwasan ang mga deunipormeng parak ang idinadaan sa pananakot ang init ng ulo. Sa laki ng kanilang sahod at sa dami ng benepisyong nakukuha nila sa gobyerno, karapat-dapat lamang na maging patas sila at tapat sa kanilang mga sinumpaang tungkulin. Kaligtasan ng mga mamamayan ang isa sa pinakamahalagang aspeto na dapat mayroon ang isang bansa upang ito ay umusad patungo sa kaunlaran. Seguridad ang naiatas na katungkulan sa ating mga kapulisan. Huwag sana nilang hayaan na mawala at sumama ang pananaw at respeto ng karamihan ukol sa kanila sapagkat madaling anihin ang tiwala ngunit mabilis din itong mawala.

Pahina 7

KOLUMN Birtwal na Pagkatuto: Gawing Produktibo 24 Milyon Mula nang magkaroon ng pandemya, ay unti-unting nagbago ang ating mga kinasanayan; isa na rito ang sistema ng edukasyon. Ang Pilipinas ay naging pamilyar sa online classes bagamat matagal na itong ginagawa sa buong mundo. Mayroong kanya-kanyang iskedyul ang mga estudyante at bawat asignatura ay may katumbas na oras na siyang nakabatay sa pamunuan ng eskuwelahan at mga alituntuning inilabas ng Department of Education o DepEd - mas mataas na baitang, mas puno ang tala orasan ng mga mag-aaral.

Mga Estudyante Sa Online Class ng mga estudyante sapagkat hindi lahat ng mga mag-aaral ay may kakayahang pagtuunan lamang ng pansin ang kanilang gurong nagtuturo lalo na at maikli ang kanilang “attention span” o ang oras na kayang igugol ng isang indibidwal bago tuluyang malihis ang kaniyang atensyon sa iba pang bagay. Bilang isa ring estudyante at mula na rin sa aking obserbasyon mula sa aking mga kapwa kamag-aral ay kahit na sabihin nating naka upo lamang habang nakikinig sa birtwal na klase ay hindi

“Mundong digital, gawing oportunidad upang may matutunan ang mga magaaral.” Marami ang natuwa sapagkat hindi na nila kinailangang pisikal na pumunta sa paaralan subalit marami rin ang hindi natuwa sa ganitong sistema sapagkat kahit ano umanong haba ng oras sa klase ay kaunti pa rin ang kanilang natutunan. Paano nga ba naaapektuhan ng ganitong siksik na iskedyul ang pagkatuto ng mga magaaral? - iyan ang tanong nang karamihan. Sa haba ng oras na kinakailangan sa online classes ay hindi maiiwasang magkaroon ng mga distraksyon sa paligid a lubos na nakaaapekto sa pagkatuto

pa rin maiiwasang makaramdam ng pagod, bukod pa rito ang sakit sa likod at mata na madalas kung maranasan. Mas magkakaroon ng matututunan ang mga estudyante kung hindi magiging sobrang haba ng oras na kinakailangan sa online class, ngunit siguraduhin na lamang na sa isa o dalawang oras ng ganitong sistema ay maging produktibo at maparaan ang mga guro upang makuha ang atensyon ng mga estudyante para na rin maging masaya at makabuluhan ang kanilang pagkatuto.


LATHALAIN

Pahina 8

Tamis ng ni Yuan Kobi Arete

Pinamalas ang ginintuang galing at husay sa pagsulat at pagpapasa ng impormasyon ang mga bagong manunulat ng Samuel Christian College (SCC) sa nagdaang District School Press Conference (DSPC). Umani ang paaralan ng 11 karangalan ngunit ang tunay na namayagpag ay ang nag-iisang ginto ng eskwelahan na si Jessica Lein Cristobal, na nagwagi sa larangan ng pagsulat ng makulay na lathalain. Sa loob ng anim na taon na patuloy na pag eensayo at hindi matutumbasan determinasyon, sa wakas ay nasungkit na ni Jessica Lein Cristobal, ika-11 baitang mula sa SCC ang inaasam na ginintuang tropeyo mula sa DSPC sa pagsulat ng lathalain. Isang malaking karangalan ang kaniyang idinulot hindi lamang sa sarili ngunit gayundin sa kaniyang pamilya at sa paaralan. Ayon sa kanya ang nararamdaman niya sa ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag, pinaghalong gulat at umaapaw na kasiyahan ang kanyang nadadarama. Sadyang kay tamis ng tagumpay na ito dahil marami rin sa kanyang kalaban ay magagaling at naging kampeon na pero iba talaga ang nagagawa ng lubusang pag tiyatyaga, determinasyon, at pagmamahal sa iyong ginagawa dahil sabi pa niya, isang susi para sa matamis na

pagkapanalo ay ang pagiging pursigido at isang daang porsyentong puso at pagmamahal sa iyong ginagawa at ito ang magdadala sa iyo sa pinakamataas na pwesto. Gaya ng iba dumaan rin sa paghihirap si Jessica, ayon sa kaniya maraming beses na nagduda siya sa kanyang kakayahan at nakaranas din ng tinatawag na “creative block” ngunit imbis na bitawan at sukuan ang talento kaniya itong pinagbuti at hinasa pa ng maagi. Sa mga nakaraan niyang taon sa dspc, bigo siyang makakuha ng unang karangalan ngunit imbis na malungkot ginawa niya itong daan para muling pasiklabin ang kanyang talento at patunayan ang kanyang sarili sa larangan ng journalismo. Dalawang araw bago ang kompetisyon ay masusi silang inihanda ng kanilang mga guro na sina Bb. Stephanie Roque at Bb. Bianca Mendoza gayundin ang paaralan na siyang suportado rin sa bawat laban ng mga kalahok nila. Sa araw ng ika-13 ng Enero lumaban ang mga kabataan mula sa parehas na pampubliko at pampribadong paaralan mula elementarya hanggang sekondarya ng General Trias. Isa na dito ang SCC na kung saan nag-aaral si Jessica, naging mahirap ang kompetisyon na ito dahil marami ang tunay na magagaling at

Paano magkaroon ng Magadang Pananaliksik 1, Alamin ang iyong problema at layunin ng iyong pananaliksik 2. Magbasa ng mga RRLS o mga susuporta sa iyong pananliksik Maging mapanuri at matuto mag fact check!

pinagmamalaki ng kanilang mga sari-sariling paaralan. Lumabas ang resulta isang linggo matapos ang labanan at 11 mula sa paaralan ng SCC ang nakuha kabilang na si Jessica. Sakanyang pagbabalik sa ika-2 ng Pebrero 2023 nasungkit niya ang ika-unang pwesto na nagbibigay ng kaisa-isang ginto sa taong ito para sa kanyang paaralan. Puyat, pagod at purong talento, bagay na kayang ibinigay para sa kompetisyon na ito at ngayon siya ay nakatalaga upang muling magsanay at ipakitang muli ang kanyang talento sa nalalapit na RSPC. Ilan sa mga binitawang payo ng ating kampeon ay ang passion niyo sa pagsusulat ay mas lalo

niyong pagbutihin samahan pa ng tiyaga at patuloy na pag papraktis at manatiling updated sa mga bagong balita ng mundo dahil ayon sa kaniya “We, the journalist is the most important catalyst para sa pagpapahayag ng impormasyon, balita, at mahahalagang kaganapan sa loob ng eskwelahan o labas”. Tunay na sa kabila ng matatamis na pagbubunyi at pagkapanalo ay mayroong isang mahirap at mataas na ang tiyak na aakyatin at ang determinasyon, pagsisikap, at purong talento ang magmimistulang hagdan upang masungkit ang susi sa tagumpay at ang tanging sikreto sa tamis ng ginintuang pagkapanalo.

3. Gumawa ng metodolohiya kung paano maghahanap ng solusyon sa iyong problema 4. Ayusin ang mga nakuhang impormasyon at intindihin 5. Ugaliin ang paglilimita ng paksa upang hindi maging masaklaw at matapos sa tamang panahon 6. Bigyan ng kredit ang sanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon


LATHALAIN

Pahina 9

Muling Ibalik: Tradisyong Paskong Pinoy ni Yuan Kobi Arete

Parte ng kultura at tradisyon ng bawat Pilipino ang pagbibigay ng masasayang awitin at makukulay na musika sa tuwing sasapit na ang kapaskuhan, ito ang mga awiting madalas kantahin ng mga kabataan habang hawak ang pangkalembang na tansan habang ang iba ay pumapalakpak, kay sarap sa pakiramdam na kahit sa munting pag awit nila ay tila nayayakap ka ng kapaskuhan. Tuwa at kagalakan, na gustong buhayin at iparanas ng paaralan sa bawat Samuelian. Kaya naman isang pagp-plano ang inilunsad ng ilan sa

mga organisasyon at club na mayroon sa loob ng Samuel Christian College (SCC), tulad ng Teatro De Samuelian (TDS)na ipinayakap sa bawat samuelian ang himig ng kapaskuhan sa pamamagitan ng angking talento sa pagkanta at pag sayaw.

Apat na araw ang nilaan ng bawat kasapi ng nasabing club para makapagbigay ng isang makulay na presentasyon. Maging ang mga kaguruan at iba pang kawani ng paaralan ay nakisaya at sinuportahan ang programang inilunsad ng Teatro.

Pinadama ang diwa ng kapaskuhan at bakas din ang ngiti ng mga guro na nakasaksi sa presentasyon ng nasabing club. Ang kanilang ginawa ay isang simpleng pagtatanghal ay makikitaan ng determinasyong buhayin muli ang diwa ng kapaskuhan na minsan ng hindi naramdaman ng bawat-isa, matapos ang mga problemang kinaharap sa mga nakaraaang taon. Diwang nagpakita muli at bumuhay sa presensya ng kapaskuhan ng bawat Samuelians. Tunay nga na ang himig ng kapaskuhan ay dama ng bawat Samuelian.

ni Jessica Lein Cristobal

P agkatapos ng isang mahabang araw na ginugol sa silid-aralan, pagod ang isip at katawan. Sa bawat higop ay ginhawa. Kulay nitong kayumanggi, sarap ay hindi maitatanggi. Timog, silangan, at kanluran, kapehan pa rin ang patutunguhan! Diretso lang tingin sa hilaga, abot tanaw ang kapeng may murang halaga— Kkopi! "Ang pinakamasarap na 39php sa buong mundo!," mundo!," ay naghahain ng mura at kalidad na kape na may maaliwalas na kapaligiran.

Sa kanilang minimalist na istilo sa panloob sa disenyo ay naging paboritong tambayan bukod sa kanilang kakaibang menu na nagbibigay ng matamis na karanasan sa mga kostumer! Dahan-dahan lang sa gitna man ng daan! Hindi nauubos ang mga sasakyan sa tapat ng paaralan, kaya dahan-dahan dahil tatawid sa kalsada para magpunta sa mapayapang kapehan upang magpahinga mula sa magulong kapaligiran. Joe's Brew para sa mapayapang ambiente na may maraming uri ng kape: frappe, brew, milktea, fruit blends, at fruit seltzers. Nag-aalingawngaw rin sa init ang tanyag na pagkain ng mga

Hapones— Takoyaki— na isa sa kanilang mga menu. "Big in taste but bit in price." Big Brew ang patunay na mura pero hindi tinipid sa lasa. Sa halagang 29 pesos ay makakahigop ka na ng milk tea, iced coffee, fruit tea, praf, at hot brew na talaga namang nagbibigay ng kalidad, at tapang at tamis ng pagmamahal na hindi mahal. Ang Bean One Cafe, bagong pinong kapehan, ay gumagawa ng isang malakas na aroma para sa mga estudyante na nais magising ang kanilang diwa. Nawa higit pang matuklasan ang kanilang masusing proseso sa pagtitimpla para maihain ang kanilang dekalidad na kape.

Sa ating minamahal na paaralan ay patuloy na lumalagong komunidad, kasabay ng pagdami ng kapehan na nagsisilbing tambayan ng bawat Samuelian na nagkaroon ng kwentoat samahan sa kanilang pagkakaibigan. Mula sa pakikipagkwentuhan hanggang sa kanilang pag-aaral ay naging parte ng kanilang buhay magaaral ang kapihan. Ang mga kwento nila, nagiging alon sa dagat ng saya. Kaya kung kayo ay naghahanap ng mura at masarap na kape, suportahan natin ang lokal na negosyo ng mga kapihan! Kahit kape sa tabi-tabi, dama mo na ang init at lamig!


LATHALAIN Dating Guro, Ngayon Nagtuturo: SCC Alumni

Pahina 10

SCC Alumni Class of 2024

ni Jessica Lein Cristobal

Sa apat na sulok ng silidaralan, binubuksan ang pinto ng pagtuturo't pag-asa. Dito itinatanim ang pundasyon ng pangarap. Sa bawat hakbang ay saksi ang ating paaralan tungo sa tagumpay. Bilang pasasalamat sa Alma Mater, paano ba maibabalik ang yaman ng kanilang kaalaman na itinanim sa kanila ng eskwelahan? Pagbabalik ng pusong handang magturo sa kanilang dating tahanan, ngayon ay mga guro. Pinili ng mga alumni na ipagpatuloy ang kanilang ginagawa sa Samuel Christian College (SCC) bilang paraan ng pamumuhay. Kasama sila pagunlad ng institusyon. Mula sa kanilang pangangapa sa loob ng paaralan hanggang sa pagsali sa iba't-ibang aktibidad ay nariyan ang SCC upang gabayan sila.

Kaniyang “Steph” sa pagbabalik ng serbisyo Maalab, may matinding pagtutok sa pagtuturo, dedikado. Isa si Binibining Stephanie Roque sa magagaling na alumni. Bukod sa pagiging guro ng asignaturang Filipino at guro ng baitang 8 seksyon Beryl ay isa rin siyang punong guro ng samahan ng manunulat sa paaralan o ‘El Guardian’. “Gusto kong mag-give back kung ano yung mga naging ambag sa ‘kin ng SCC, gusto ko ay maging ganoon din ang maging ambag ko sa mga batang tinuturuan ko,” ani ni Binibining Steph. Ayon kay binibini, malaki ang binago ng SCC sa kaniya sa iba’t-ibang larangan: sa akademiko, pagiging malikhain, sa pag-uugali, at pananampalataya. Isa pa sa kaniyang mga hakbangin sa pagbabalik ng “heart of service” ay makagawa pa ng mas maraming Samuelians sa pamamagitan niya na siyang produkto ng paaralan.

Sa kanyang paglalakbay noong siya ay estudyante pa lamang, may mga taong tinitingala niya sa mga kasapi ng paaralan upang maging mas maging episyente sa lahat ng bagay. “Holistically developed person” kung ilarawan niya si Miss Evangeline Salud. Tumatak kay Binibini ang pananaw ng dating prinsipal na hindi lang grado ang iniintindi pero yung pagiging mabuting tao. Dalawang taon na siyang gumagawa pa ng mas maraming Samuelians sa pamamagitan ng pagpapakita ng matinding hilig sa pagtuturo. Sa dalawang taon sa kanyang propesyon, kahit anong hirap ng mga gawain at paghahanda ng mga learning materials, nakakalimutan niya ang hirap dahil ang bawat ngiti ng kanyang mga tinuturuan ay nagbibigay ng rason kung bakit niya ipinasok ang ganitong industriya. “Kasi pagpasok mo ay makikita mo yung mga smile, yung excitement ng bawat isa. Napakasarap sa feeling,” dagdag pa ni Binibini. Ang kaniyang “steph” ay nagdala sa kaniya dito upang magpatuloy sa kanyang trabahong minamahal.

Inhinyero-Turned-Guro: Sir Roland Isang maginoong guro ang nagbabalik sa kaniyang alma mater matapos ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo. Si Ginoong John Roland Aquininog ay nagtuturo ng Agham at guro ng baitang 9 seksyon Jerusalem. “Naniniwala ako na ako’y naging guro sapagkat ito ang naging tawag sa akin ng Panginoon na dapat kong gawin at ako’y sumunod lamang,” pagkakasabi ni Ginoong Roland na may konbiksyon. Inhinyero ang unang ambisyon ni Ginoo, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, lumiko ang kanyang kapalaran.

Bb. Stephanie E. Roque

G. Roland Aquininog

Bb. Jaymee Custodio

Bb. Hazel Echalar

Sa magandang plano ng Panginoon sa kanya, siya ay naging guro. Nakalulugod sa kaniya na kaisa na siya sa mga kasapi sa paglilikha ng mga mas maraming kabataan na may kakayahan sa akademiko, kasanayan, at pananampalataya sa Diyos.

Aming “Lovely” Guro: LiteraTURO Matikas, diretso sa punto at mahigpit na sumusunod sa mga batas sa loob ng eskwelahan. Ilan lamang ang mga deskripsyon nito upang ilarawan si Binibining Lovely Hazel Echalar ng guro ng baitang 12 ABM seksyon Carmel. “Convenient kasi sa akin dahil dito lang ako sa gilid, ACM. And then another thing is that I wanted to give back to my alma mater,” ani ni Binibining Elle. Literatura ang kaniyang instrumento upang maibahagi sa mga bagong estudyante ang mga bagay na naituro sa kanya sa loob ng paaralan. Hindi na bago sa kanya ang sistema dito, kaya ito ang isa sa mga dahilan ng kaniyang pagpili sa SCC. Nais niyang gamitin ang istilo ng kanyang mga naging guro tulad ng kung paano rin siya tinuruan.

Jaymee: Maestra ng Siyensya Isa sa magagaling na maestra sa siyensya, Binibining Jaymee Custodio. Kay haba ng kanyang pasensya. Maunawain, mapagbigay, at mabait— mga inilalarawan ng mga estudyante sa kaniya. Kasalukuyan, siya ay guro ng baitang 12 seksyon Nebo. Sa tagal na niyang pananatili sa SCC ay batid na niya kung paano pangalagaan ng eskwela at bawat kasapi nito ang mga bata. Ibinahagi ni Binibini ang kanyang chemical formula sa pagbibigay inspirasyon sa mga estudyante bilang isa sa kaniyang layunin sa pagbabalik sa alma mater. Pinahayag niya rin na hindi siya pinabayaan ng mga guro at siniguradong may natutunan ang bawat isa, kaya mas lalo pa niyang minahal ang pag-aaral ng Agham, na siya namang nagpapasa sa mga sumunod na kabataan sa kanya. “Very fulfilling para sa akin na bumalik dito kasi yun nga, iba talaga yung parang bumabalik ka sa sarili mong bahay. Nakakatuwa siya na hindi na ako estudyante, hindi na ako yung tinuturuan but now ako na yung nagtuturo,” paliwanag pa niya.


AGHAM Maberdeng Bayanihan ni Elaiza Anne Arriesgado

Pahina 11

Tagumpay ng You and M.E. ni Denniel Caoile

S a Samuel Christian College, ang pagiging masigasig ng mga

Central Student Body of SCC

Saan aabot ang 15 minuto mo? Kami? Sa paglilinis ng mundo. Pagtapos ng okasyon sa Samuel Christian College noong Oktubre 27-28 ay iba’t ibang uri ng kalat ang naiwan sa pinagganapan na dating SCC Court, na biglang nagmukhang tambakan ng basura. Noong okasyon ay nagkaroon ng halo-halong kompetisyon ang mga Samuelians kung saan may sayawan, salitaan, dula-dulaan at kantahan kaya naman punong puno ng mga kagamitan at makukulay na disenyong naglaglagan at basurang naiwan sa labas. Kitang-kita talaga ang husay at mapagkumpitensitya ng bawat isa sa ganda pa lamang ng materyales at kalat na naiwan. Ngunit, maniniwala ka ba na natapos naming itong linisin ng 15 minuto lamang? Hindi mag-isa, kundi samasama! Uuwi ka ba naman nang ganong karumi? Makikita mo na ang iyong paligid na tinuturing na paaralan at pangalawang bahay ay puno ng kalat?

Kaya naman sa tulong ng aktibidad na pinamunuan ng Central Student Body na pangunahing organisasyon ng Senior High ay naganap ang programang “Clean-up Drive” noong ika-28 ng Oktubre taong 2023. Sa pamamagitan ng 15 na minuting inilahad ng bawat indibidwal, pati na rin ng school staff at iba pang organisasyon ng paatalan ay naibalik ang lahat ng materyales sa tamang lugar at naiayos ang mga basura. Lahat rin ng mga materyales na pwede pang magamit ay itinago at ang mga maireresiklo ay pinangangalagaan para sa mga susunod na okasyon. Dahil rito, naging matagumpay ang okasyon, aktibidad at ang bawat isa ay nakauwi na kampante ang loob dahil nalinis ang kapaligiran. Tulong-tulong, kapit bisig, at sabay-sabay kumilos rito ang mga Samuelian na magwalis, mag-ayos, magtago, magtapon at makipagpartisipa upang mabilis na matapos ang gawain. Ikaw, saan aabot ang 15 minuto mo?

SLAYING! — Ginunita ng SCC ang SciMathTech Day ni Michaela Chryst Siron

Ipinagdiriwang ito ng Samuel Christian College (SCC) taunang SciMathTech Day, na may temang “SLAYing! Scientifically, Logically, and Analytically Yearning for Excellence!” mula Enero 31 hanggang Pebrero 1, 2024. Maramihang mga kaganapan ang idinaos para sa mga

Samuelians upang tangkilikin, mula sa Olympiad, Canvarion, Cosplay, bingo card, raffles, Senior at Junior Master Chef, mga booth, at iba't ibang mga laro sa mobile upang labanan. Ang isang bingo card ay ipinamahagi din sa lahat ng mga seksyon, upang makumpleto ito, kailangan mong lumahok sa lahat ng mga

itinatag ang You and Me Club bilang isang plataporma ng pagkakaisa at pag-usbong. Ang kanilang aktibidad na may kaugnayan sa pagkolekta ng puntos mula sa bawat bote ng mga inumin ay nagbibigaydiwa sa layuning ito. Sa bawat bote na may kasamang puntos, nagiging bahagi ang bawat Samuelians ng isang kolektibong pagsusumikap na naglalayong palakasin ang kanilang samahan. Ang pag-aambag ng bawat Samuelians ay nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng SCC. Ang patimpalak, kung saan itinuturing na tagumpay ang seksyon na may pinakamataas na puntos sa pagtatapos ng buwan, ay nagbibigay ng inspirasyon at kompetisyon sa bawat isa. Hindi lamang ito isang simpleng paligsahan, kundi isang pambansang pagpapakita ng pagsusumikap at dedikasyon ng mga mag-aaral. Sa likod ng simpleng mekanismo ng puntos mula sa bawat bote, tinatampok nito

Samuelians sa pagtulong sa kalikasan. Ang kanilang mga pagsusumikap ay naglalakbay din sa layunin ng pagtutulungan, kung saan bawat miyembro ay naghahangad na maging bahagi ng isang positibong pagbabago sa kanilang komunidad. Nakakatulong sila sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng basura sa paligid. Ito ay maaaring irecycle at gawing bagay na paki-pakinabang tulad ng paggawa ng mga paso gamit ang mga plastic bottles, ang iba ay ginagawang parol, at marami pang iba. Dahil dito ay naiiwasan ang pagbabara ng mga kanal at plastic pollution sa komunidad at paaralan. Sa pagtatapos ng bawat buwan, ito'y hindi lamang isang simpleng patimpalak kundi isang makahulugang pagtatapos ng samahan ng You and Me Club, na nagpapatibay sa kanilang paglalakbay tungo sa mas mataas na layunin ng pagkakaisa at pagbabago.

Michaela Chryst Siron

SCIMATHTECH: Nagpapakita ng kanilang pang-eksperimentong set-up ang Society of Young Scientists Technologist Engineer Mathematician (SYSTEM) sa araw ng SciMathTech noong Pebrero 1, 2024.

booth na inihanda ng iba't ibang mga organisasyon. Bukod pa rito, ang isang kumpletong bingo card ay magiging kwalipikado para sa pagkakataong manalo sa raffle na binubuo ng maraming premyo; mula sa 3rd prize hanggang sa grand prize. Nakibahagi rin ang departamento ng Student

Affairs Services sa pagtulong sa mga pinuno, sa pamamagitan ng mga organisasyon at club na nag-facilitate sa iba't ibang mga kaganapan. Sa susunod na taon ay inaasahang ipagdiriwang muli ang kaganapan, na may hiwalay na petsa para sa JHS, at SHS Departments.


AGHAM nangangapa sa gagawin! Kung ganito ay wag muna magtuloy-tuloy! Tigil muna at alamin ang dapat alamin!

Pananaliksik na Beysik!

3. Maging mabusisi

rr

ie

sg

ado

Alam nating makapal ang mga papeles ng mga pananaliksik at talagang siksik ng salita, kaya naman panatalihing mabusisi at tignang mabuti ang mga detalye ng papel pati ng mga magiging reperensiya na dokumento dahil maaaring masira ng maling impormasyon at maling pagkakaintindi ang inyong papel.

ni Elaiz a A

e nn

A

Panahon na naman para manaliksik ang mga magaaral ng Samuel Christian College! Heto na naman tayo sa mga defense, puyat, grupo, pagod at gastos! Talaga namang mahirap at matrabaho mag research, ngunit wag mag alala! Bibigyan kita ng mga payo para mapadali ang buhay mo, yang pananaliksik? Masasabi mo na lang na beysik!

1. Interesado ka ba? Karamihan talaga ng magaaral, ayaw sa pananaliksik at ginagawa lang ito para sa grado at pagpasa sa paaralan, kaya ang nangyayari, may mga miyembro na hindi natulong, may mga hindi iniintindi ang paksa, at mayroong mema gawa na lamang ang maipasa. Hanggang kailan mo itatanim sa utak iyan? Kung tutuusin, ang pananaliksik ay para makatuklas ng panibagong kaalaman at masagot ang mga katanungan na naiisip ng mga mananaliksik. Mananaliksik ang pipili ng paksa, kaya bilang mananaliksik, pinapayo na pumili ng paksa na mayroon nang kaalaman at talagang gusto nyo masagot ang kasagutan. Sa pamamagitan nito, mas magiging interisado ang mga mananaliksik sa proseso, mas magiging aktibo ang partisipasyon at mas magbibigay tutok dahil kayo mismo, bilang mananaiksik ang nais makatuklas nito.

2. Alamin Baka naman kaya hirap sa pananaliksik ay talagang walang pundasyon ang kaalaman? Baka naman ang pag gawa ng pamagat, pagpili ng paksa, paghahanap ng mga dokumento ay hindi alam ng mananaliksik kaya naliligaw at

4. Agapan na! Matrabaho nga sabi ang pananaliksik! Kaya kung ako sa iyo, paglaanan mo na talaga iyan ng oras at wag madaliin! Sa pamamagitan nito, mas matututukan ng mga mananaliksik ang kanilang pagaaral ng papel, pag-aaral ng presentasyon at pagtatama ng mga butas ng kanilang papel.

5. Magtanong! Lahat naman tayo sa ganitong edad, baguhan sa pananaliksik, kaya wag mahihiyang magtanong! Kaya nga andyan ang ating mga kagrupo, guro at mga teksto, kung hindi mintindihan, magsearch, magtanong, at tiyak na mas malilinawan ang kaisipan at mas masasaayos ang papel. Laban lang mga mananaliksik! Mukha lamang simple ang mga payo na ito, pero pramis, magamit mo lang ito, magbabago talaga timpla ng papel niyo! Oh diba, beysik na tips para mabeysik ang pananaliksik!

Pahina 12

Kabataang Vapers: Panganib Lumaganap ni Denniel Caoile

Kapansin-pansin ngayon ang pagdami ng mga estudyante (karamihan ay mga menor-deedad) ang gumagamit ng vape. Makikita sila sa mga vaping station o smoking area. Mas lalong tumitindi ang isyu ng paggamit ng vape sa mga menor-de-edad, masama pa rito karamihan ay naglalabasang nagtitipon sa mga pampublikong lugar, pampasaherong sasakyan, at pati na rin sa eskwelahan. Wala nang pakialam ang mga kabataang ito tuloy pa rin ang paggamit ng vape kahit maraming tao sa lugar. Hindi nila alam na ang kanilang ginagawa ay maaaring maka pahamak ng buhay ng ibang tao. Ayon sa panayam ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa 2.8 million ang lalaking smokers samantalang nasa 1.8 million naman ang mga kababaihan. Ginawa ang surbey, tatlong taon na ang nakararaan at wala pang bagong surbey na inilalabas ang DOH pero siguradong mas dumami pa ang naninigarilyo at gumagamit ng vape na kabataan ngayon. Ganap na batas ang Vape Bill noong Hulyo 2022. Sa ilalim ng Vape Law o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, ire-regulate nito ang importasyon, manufacture, sale packaging, distribusyon, pagbebenta at communication ng vaporized nicotine at nonnicotine products pati na ang novel tobacco products, bagamat may layuning kontrolin ang paglaganap nito,

ay nagdulot ng kontrobersiyal na pagbaba ng edad na maaaring bumili ng vape mula 21-anyos hanggang 18-anyos. Sa likod ng usapin ng batas, hindi dapat mawala ang pangunahing tanong sa epekto ng vape sa kalusugan. Ayon sa mga eksperto, ang vape ay maaaring magdulot ng lung cancer dahil sa mapanganib na kemikal nito tulad ng nicotine, propylene glycol, carbonyls, at carbon monoxide. Higit pa, hindi sapat na itutok ang responsibilidad sa mga menor-de-edad na gumagamit ng vape. Ang mga nagtitinda sa kanila at ang mga vaping station malapit sa paaralan ay dapat ding magsanib-puwersa sa pagsunod sa batas. Bagamat isang hakbang ang pagtutok ng Philippine National Police (PNP) sa pagsita sa mga estudyante, ang mas makabuluhang solusyon ay dapat na isama ang pagpaparusahan sa mga nagbebenta ng vape na hindi sumusunod sa regulasyon. Sa paglalaro ng patakaran, masusing pagsusuri sa epekto ng vape sa kalusugan at mas mabisang paraan ng pagkontrol sa paglaganap nito ang kinakailangan. Hindi lamang dapat pigilan ang pagdami ng mga menor-de-edad na gumagamit ng vape, kundi maging ang masusing pag-aaral sa mga aspeto ng bisyo na ito sa hinaharap. Ang kalusugan ng kabataan ay dapat maging prayoridad sa pagtugon sa hamon ng modernong paninigarilyo.

Malamig na Panahon: Amihan sa Luzon ni Denniel Caoile

Sa pangunguna ng "amihan" northeast moonsoon, inaasahan ang pag-ulan sa Luzon, lalo na sa Bicol Region at Quezon, kung saan magdadala ito ng scattered rain showers at thunderstorms. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maaaring magdulot ang mabigat na pag-ulan ng flash floods o landslides.

Sa Cagayan Valley at Aurora, magdadala naman ang "amihan" ng mga light rains. Maari ring maranasan ang isolated light rains sa Metro Manila at sa buong Luzon. Sa Visayas at Mindanao, inaasahan ang isolated rain showers dulot ng easterlies at localized thunderstorms. Sa extreme Northern Luzon, magpapatuloy ang malakas na hangin at maalon na karagatan,

habang sa iba pang bahagi ng isla, magiging moderate hangin at moderate hanggang rough seas. Sa ibang lugar, inaasahan ang magaan hangin at katamtamang hanggang magaan na karagatan. Isang hamon ang dulot ng “amihan” sa mga residente ng Luzon, lalo na sa mga lugar na maaaring maapektohan ng malakas na hangin at ulan.


ISPORTS

Pahina 13

SCC GO! SCC FIGHT! SCC GO! Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng SCCGTI

ISP

RTS Bol. 5 Isyu I

Daring to win also means daring to lose. Binigyan nila kami ng magandang laban na hindi namin malilimutan.

3 - Gold 1 - Silver 1 - Bronze

Arniel Trillo Jr.

Medal Tally

Samuelians pinataob ang Blue Dragons para mapasakamay ang ginto sa Cluster Meet Badminton

ni Arniel Trillo Jr.

Ginulantang ng tambalang

Arniel Trillo at Julius Laureno ng Samuel Christian College ang malamyang depensahe kontra Matthew Cruz at Aidan Ursua ng Fiat Lux Academe matapos selya ang 30-9 dominanteng panalo at

masungkit ang ginto sa 2023 Cluster Meet Men’s Double Badminton na ginanap sa RST Arena, kahapon. Nagbabaga sa init ang mga pinakawalang palo ng 17 taong gulang na si Laureno matapos bombahin ang Fiat Lux Academe ng agresibong rampahe kalakip ang mga

forehand at backhand drives upang unti-unting sirain ang laro ng mga katunggali at itambak ang 21-point na lamang. Nagmistulang pader naman ang mga buwelta ng 16 taong gulang na si Trillo tampok ang hindi mabigong depensa nito at mga lapat na dropshots nang mabigo sina Cruz at Ursua na palusutin ang kanilang atake sa harap na naging dahilan upang mamayagpag ang SCC. “Ang masasabi ko sa pagkapanalo naminn sa Fiat ay naging madali dahil binuhos namin lahat ng aking makakaya at naging dedikado sa mga ensayo kaya na achieve namin. Sa preparasyon naman, hard training tapos kinakain namin yung mga makakabuti saamin talaga. Pinasasalamatan ko syempre ang aking mga coach na si Ms. Marjorie at Ms. Stephn sa suporta at gabay nila na ibinibigay saamin,,” ani ni Laureno. Naging bentahe naman ng Samulians ang dumadagundong na hiyawan ng mga manonood kalakip ang katangkaran ni Laureno upang makakuha ng magandang anggulo sa kaniyang forehand smash at aikandado ang pangalawang

panalo patungong City Meet “It was all worth it. Yung mga pagkakataon na babad kami sa araw, tumatakbo simula 1st floor to 3rd nang pabalik-balik, pakikipag tune-up sa ibang mga player para mag-improve, tumatak talaga saakin. Una sa lahat, I want to thank God for this opportunity, mga coach ko, team captain namin na si Julius, at lalo na ang mga mahal ko sa buhay na sumusuporta,” saad ni Trillo. Pinagharian ng SCC ang Secondary Boys Double matapos din nitong patalsikin ang Academy of Saint John, 31-15, sa naunang banggaan sapat upang ihakbang paakyat ang rankings nito. “That was our gameplan, pahirapan ang kalaban na makaporma sa laro habang we adjust on the sport para makabuo kami ng strategy para ma-counter sila. Masaya ako sa narating nila, nandito lang kami para tumulong sa mga laban nila. SCC fight!,”saad ni Marjorie Ruiz (SCC coach)

ISKOR 30 - 9

SCC vs. Fiat


ISPORTS

Pahina 14

SCC GO! SCC FIGHT! SCC GO! Visitacion binulsa ang gintong medalya matapos durugin si Samson ni Rey James Bayron

C hestlyn Visitacion, naghari

matapos ipakita ang nakakalulang lamang sa kaniyang 24 puntos na nag bulsa sa gintong medalya ng Samuel Christian College laban kay Atasha Brianna Antonia Samson ng Academy of Saint John, 30-6, matamis na tagumpay para umabanse sa City Meet 2024 Cluster 3 Meet Girl’s Singles B Badminton at RST Arena, kahapon. Visitacion, isang 15-taong gulang na manlalaro, bumida ang kaniyang mga hataw matapos bigyan ng presyon ang baselines gamit ang kaniyang kasing bilis ng ilaw na palo na naging dahilan sa wasak na depensa at mala-pagong na bayo ni Samson. Ang kampeonato na si Visitacion ay nanaig sa Girls Singles B bracket, 2-0, malinis na rekord ang ipinakita para ihatid ang panibagong titulo para sa Samuel Christian College at likumin ang pwesto upang labanan ang lahat ng mga City Meet qualifiers, sa General Trias, Cavite. “Ang tagumpay ay resulta ng ilang linggo na pagsasanay consistency, at higit sa lahat teamwork. Malaki ang utang na loob ko sa aking mga magulang, kaibigan, coach, ngunit higit sa lahat, sa Diyos. Medyo

kinabahan dahil first game ko at hindi namin kilala ang kalaban namin pero nagpapasalamat kami sa panalo,” ani Visitacion. Naglaro ng badminton simula 4-taong gulang, ang prinsesa ng SCC ay pinakinabangan ang kaniyang karanasan para iskaparate ang kapanahunan ng kaniyang kasanayan sa pag gawa ng puntos sa front court at back court na estratehiya upang gumawa ng puwang sa Saint John. “Sa totoo lang, noong cluster meet, wala kaming specific game plan. Naka-focus lang kami na makapasok sa City Meet na hindi naiinjure at maging patas,” dagdag ni Visitacion. Sa kabilang banda, ginawa ni Samson ang kaniyang makakaya upang makipagsabayan sa galing ni Visitacion na tumustos ng 6 puntos, ngunit hindi naging sapat upang isarado ang 24 puntos na lamang ng Samuelian at nagbunga ng bronze ang Academy of Saint John sa huling talaan. “Chestlyn’s performance was fantastic! I am proud as a coach, guiding her journey in the world of badminton. All of this wouldn’t be possible without the people who supported her since the very beginning. The team gave their best and it is fulfilling witnessing their hardships and the moments they doubt themselves, but I am always there by their side cheering for them. Glory to God!” ani Steph Roque (SCC’s coach). Sa pagtatapos ng cluster meet, ang SCC ay nakakuha ang tatlong ginto, isang pilak at isang bronze mula sa iba’t ibang kategorya.

Ang tagumpay ay resulta ng ilang linggo na pagsasanay, consistency, at higit sa lahat, teamwork.” -Chestlyn Visitacion

MEDAL TALLY 1 GOLD

CITY MEET

1 GOLD

CLUSTER MEET

Powerhouse SCC winalis ang Gov. Ferrer Biclatan ng sunod-sunod na sets, 2-0, papuntang RAAM ni Arniel Trillo Jr.

A ng pinagmamalaki ng Samuel Christian College, si Chestlyn Visitacion, ay naglunsad ng body-targeted stroke na tinamaan si Diwata Dejesus ng Gov. Ferrer Memorial National High School -Biclatan Annex sa magkasunod na set, 15-9,15-3, na nagwagi ng pangalawang ginto, at nagbibigay daan sa Regional Athletic Association Meet (RAAM) sa 2023 City Meet Single B Girls Badminton na ginanap sa Tejero Elementary School, Kahapon. Visitacion, nanaig bilang isang huling nakatayo. Ipinakita niya muli ang kaniyang estratehiyang drop shots and flick serves at hinaluan niya ito ng hindi mapiglang smashes at nakipagugnayan bilang pinakamataas na punto pagkatapos ay ibinaon ito, sapat upang gumawa ng pawang na 6 puntos laban kay Dejesus sa unang kalahati, 15-9. Karamihan ng tao ay kinagigiliwan si Visitacion matapos ipakitang-gilas ang kaniyang nakakahangang backhand drops at binigyan ng presyon ang forecourt upang makagawa ng agwat sa matalim na atake ng kaniyang karibal na nagtambak ng 12point gap, 15-3, para masigurado ang ikalawang set.

“Hindi pa rin ako makapaniwala, super saya sa feeling na irerepresent ko yung school namin sa RAAM. Sulit lahat ng pagod at sakripisyo sa training. Nagpapasalamat ulit ako sa mga sumusuporta saakin. Thank you Lord!” ani Visitacion. Ipinatili ng SCC ang malinis na rekord na 6-0 sa Singles B girls mula pa noong simula ng nasabing event na sumakop sa iba't ibang duels, playstyles, at kwento habang nagwagi si Visitacion na nagbigay sa kanya ng pagkakataong palakihin ang laro kung saan ang mga bagong lungsod at munisipalidad ay maga-alitan sa kumakatawan sa kanikanilang lugar. Kung ihahalintulad ang kakaibang lasa ng Valenciana ng Cavite, ang taktika ni Chestlyn upang manalo ay naiiba. “Ang galing niya! Sa lahat ng player ng SCC, siya lang ang nag stood out na mananatili siya sa sport niya dala-dala ang SCC sa susunod na laban. Matatag siya dati pa, bukod sa may personal trainer siya kita naman na malakas siya pumalo and competetive talaga, lahat ng city meet qualifiers hindi lang siya. Siya ang nag-iisang kinatawan ng SCC sa RAAM para sa badminton,” ani Steph Roque (SCC coach).


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.