Editoryal
3-4
Mensahe Editoryal na Kartoon Makabagong Hamon sa Makabagong Panahon
Opinyon
5-8
Tuloy Pa Rin Tawag ng Modernong Panahon Suliraning Modyular Bagong Normal na Hamon Para sa Higit na Kabutihan Community Pantry para sa Pilipino
Balita
9-11
Ang School Supply Pantry ng Teacher Education Guild (TEG) KCAST TEGFOT DAY: Panagtigum 2021 KCAST BSBA ELEKSYON 2021: Birtwal na isasagawa ang botohan KCAST Birtwal na Pinning Ceremony SSC Eleksiyon ’21, kasado na
Panggitnang Basahing Balita Unang Birtwal na Akrditasyon sa KCAST
12-13
Isports Balita
14-15
Lathalain
16-21
Tula
22-23
Polina, matindi ang ensayo para sa larong Billiards Departamento ng Edukasyon, kakasa na sa darating na Intrams 2 miyembro ng Education Basketball Team, ‘di makapaglaro sa Intrams BSED, paiinitin ang KCAST court Education Women’s Volley Ball team, nasungkit ang kampeonato Sa PNOY ang Tagumpay Di Mabura ng Alon Bago iclick, Mag-isip Unos ng Kahirapan Ang Pulis sa Ilalim ng Tulay ni Chariza Pagal Biyaya Koronang Walang Gustong Umangkin Liham Pasasalamat Para sa mga Frontliners Kaibigan ko Lakad-Pasulong Buhayng Kaypait
Libangan
Crossword Puzzle
Tanging Ina Kahapon, Ngayon at Bukas Sarung Banggi Nakakatuwang Kaalaman
Komiks
24-25
Mensahe
Ang talento sa pagsulat ay isang pribelihiyong kaloob ng ating Panginoong Diyos na kailangan nating pagsumikapang palaguin. Sa ating pagsulat lumalawak ang ating kaalaman at makikita rin natin ang ating sarili na hindi lamang pala pagsulat ang kaya nating gawin. Talentong makapagbabahagi sa ating kapwa ng may aral na kwento at talentong nakapagbibigay ng ngiti at tuwa sa mga mambabasa. Naalala ko pa ang mga panahong wala akong kaalaman sa pagsusulat maging sa teknolohiya, hindi ako makasabay sa mga kaklase kong bihasa na sa larangang yaon. Ngunit hindi ko inakala na may talento palang nakatago sa kaibuturan ko na kailangan kong ipahayag o ipagamit sa mundo. Apat na buwan pa lamang ako sa Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology nang inanyayahan ako ng kaklase kong sumali sa publikasyon ng Batingaw. Tumanggi ako sa anyaya na iyon ngunit ang Diyos ay nagtalaga sa akin na makapasok sa Batingaw. Ngayon, isa na ako sa miyembro ng Batingaw at ngayong taon lamang ay naihalal bilang punong patnugot. Nagpapasalamat ako kay Bb. Aisa S. Basay na isa sa nakadiskubre sa aking potensyal sa pahayagan at siyang nagbigay motibasyon sa akin upang lumahok sa Batingaw. Nagpapasalamat din ako sa aming tagapayo sa organisasyon na si Bb. April Grace Dacugan na siyang nagpalawak sa aking kaalaman tungkol sa pamahayagan at siyang humubog sa akin upang maging isang epektibong punong patnugot. Nais ko ring magpasalamat sa mga taong nasa likod nitong pahayagan at sa mga magaaral sa kanilang walang sawang supporta sa organisasyon. Walang publikasyon kung wala kayo. Ang publikasyong ito ay para sa lahat. Nawa ay naihandog namin sa inyo ang impormasyon, kaalaman at aliw na siyang layunin ng isang publikasyon. Maligayang pagbabasa!
JENNEVIVE S. MANLAWE Punong Patnugot
Lahat tayo ay dumaranas ng matinding pagsubok sa kasalukuyan. Ang mundo ay literal na tumigil sa pag-inog nang sumalakay ang hindi nakikitang kaaway, ang pandemya. Lahat tayo ay naghirap. Kasabay ng pagkawala ng maraming oportunidad ay siya ring pagkawala ng buhay ng iilan. Pumailanlang ang sigaw at pighati. Bagaman walang nakatitiyak kung kailan manunumbalik ang liwanag sa ating mundong kasalukuyang binalot ng karimlan, hindi tayo dapat na mawalan ng loob. Patuloy lang tayong lumakad nang pasulong dahil siguradong sa dako pa roon ay may nagihintay na liwanag. Huwag tayong mapagod na magsumikap at magtiwala sa sarili nating kakayahan. Sama-sama nating patunugin ang batingaw ng pag-asa at nang masilayan natin ang pagsikat ng liwanag sa bagong umaga.
APRIL GRACE O. DACUGAN Tagapayo
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
3
EDITORYAL
editoryal.net
Makabagong Hamon sa Makabagong Panahon ni Jennevive S. Manlawe
Paano ka natuto ngayon? Natuto ka pa ba? Ito na marahil ang isang katanungan na mahirap hanapan ng sagot lalo pa`t mabibigkas mo ang katotohanan sa likod ng pag-aaral sa makabagong sitwasyon. Bunsod ng COVID 19, ang mga paaralan kabilang na ang Kapalong College of Agriculture Sciences and Tec hnology (KCAST) ay pansamantalang isinirado at ang pag-aaral ay magpapatuloy na lamang sa loob ng tahanan. Dahil dito, ipinakilala ang makabagong sistema ng pagkatuto at pagtuturo at isa na rito ang modyular na pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon kay Ferardo (2020), ang modyular na pag-aaral ay isang uri ng distansyang pag-aaral kung saan inaasahan ang mga magaaral na kumpletuhin ang mga
4
gawaing nasa modyul. Ang mga guro ay inaasahang magbigay ng mga aralin sa online na siyang ipapasa rin online. Ito ay ang naging simula ng kalbaryo ng mga estudyanteng nasa kolehiyo. Dahil inaasahan ang mga guro na magbigay ng mga gawain sa mga mag-aaral, kinakailangan din ng mga mag-aaral na tugunan ang mga gawaing ito. Ngunit hindi naging madali sa mga estudyante ang biglaang pagbabago ng paraan ng pagkatuto kung kaya`t hirap pa ang mga estudyanteng tumugon sa mga gawaing ibinibigay ng kani-kanilang guro. Bukod pa rito, hindi naiiwasan ang pagkasabay-sabay ng pagbibigay ng mga gawain ng guro sa estudyante na siya ng nagiging dahilan kung bakit lalong naghihirap
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
na matuto ang mga mag-aaral. Dahil sa naging self-learning na ang pag-aaral, hirap ang mga mag-aaral na unawain ang nilalaman ng modules kung kaya marami sa mga mag-aaral ang nawawalan ng gana na matuto at umaasa na lamang sa sagot na makukuha sa internet. Bukod pa rito, ang mabagal na internet connection at kawalan ng mga kagamitan sa paaralan ay isa rin sa mga kadahilanan kung bakit naghihikahos ang mga mag-aaral sa paghabol ng mga gawaing kailangan nilang ipasa sa kanilang guro. Ayon sa istatistika ng paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa modyular na pag-aaral, 73% ng mga magaaral ay dumidiretso lamang sa bahaging may katanungan at sinasagot na lang ang mga tanong, 15% ang nagbabasa
muna bago sumagot sa mga katanungan at 7% naman ng mga mag-aaral ang umaasa sa sagot na ibinibigay ng internet. Nagpapakita lamang ito na ang interes ng mag-aaral ay wala na sa pagkatuto kung hindi ay upang makapasa na lamang sa asignatura. Ang mga gawaing dapat sana ay sa pagkatuto ng mag-aaral ay nagiging isang kwestyoner na lamang na kinakailangan nilang sagutin upang makapasa. Sa tanong na “May natutunan pa ba sa modyular na pag-aaral?”, ang sagot ay wala sa module, online class, sa guro o sa mga magulang kundi nasa mag-aaral na siyang may hawak sa kanyang kaalaman at kinabukasan.
OPINYON Tuloy pa rin ni Daisy P. Ambroce
Nahihirapan ngunit lalaban, maraming mang mga magaaral ang nahihirapan sa mga araw na kanilang hinaharap sa pagaaral ay matamis ang ngiting sasabihing lalaban pa rin hanggang sa dulo. Alam naman natin na ang dulot ng pandemyang kinakaharap ay kahirapan lalong-lalo na sa mga pamilyang hindi kayang masustentuhan ang mga anak sa kanilang online classes ngunit kahit na hirap sa kagamitan ay patuloy na magsusumikap kahit na may pandemya para sa pangarap. Walang sinuman ang hindi nahihirapan sa panahon ngayon. Lahat tayo ay hirap na at nais nang sumuko. Sino ba naman ang nasisiyahan sa nangyayari ngayon lalong-lalo na sa aspeto ng pag-aaral. Ang mga mag-aral na walang magawa dahil kulang sa mga gamit kagaya na lamang ng mga gadget kaya’t kung minsan ay nahihirapang maghanap ng ibang paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral.
quotelaban.com
Ganun pa man ay kahit na purong paghihirap at ang kaisipang nais nang sumuko ngunit ako’y nasisiyahan at lubos ang galak dahil ang mga mag-aaral ng KCAST magpahanggang ngayon ay lumalaban. Walang permanente sa mundo ika nga kaya’t ako ay naniniwa-
la na ang pandemyang kinakaharap ngayon ay matatapos rin pagdating ng panahon. Hintayin nating matapos ang pandemya at huwag nating tapusin ang laban gamit ang pagsuko, bagkus tapusin natin ang mga laban gamit ang tagumpay. Kahit nag-iba man
ang panahon ay ang paniniwala na may bahaghari pagkatapos ng ulan ay hindi mawawala sa puso ng mga magaaral lalong-lalo na sa mga mag-aaral ng KCAST dahil ang mga mag- aaral ng KCAST ay palaban para makamit ang tagumpay.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
5
OPINYON Suliraning Modyular ni Rica C. Bustamante
phoneringsjpeg. com
Tawag ng Modernong Panahon ni Emalyn Grace T. La-ab
Hello! Kaya mo pa ba ang bagong sistema? Sa mga nagdaang buwang pakikipagbakbakan sa kalabang hindi nakikita, kaya mo pa bang lumaban? Edukasyon mong nasimulan, modyular ang naging bagong paraan, kaya mo bang makipagsabayan? Mag aaral, kumusta ka? Sa bagong sistema, saan ka nanibago? Nang ipatupad ng sistemang edukasyon ang bagong pamamaraan ng pagkatuto, nanibago ang lahat. Mula sa dating nakasanayan hanggang sa edukasyon ng mga kabataan. “Mahirap ang pagkatutong modyular”, ani ni G. Jhon Mark Musong, isang mag aaral ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST) na kumuha
6
ng kursong Agrikultura. Tunay nga namang mahirap ang sistema ng edukasyon ngayon subalit kailangan tanggapin ang katutohanang ito. Ang pagkatutong modyular ng mga mag aaral ay bag0 man sa sistema ngunit nanganagilangan ito ng pagtanggap. Marahil hindi ito epektibo sa iilan, mas marami pa rin naman ang nangangailangan ng edukasyon. Sa anumang hamong susubok sa mundo, hindi maaaring tuldukan na lamang ang eduksayon. Sa anumang paraan ay kailangan makiisa sa kilos ng gobyerno nang maging matagumpay ang lahat ng plano. Sa ngayon, kailangan sumabay ng tao sa agos ng pagbabago. Sana ay wala ng manibago at ipairal na lamang ang pagiging positibo.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Ang pagkatutong modyular ng mga magaaral ay isang mahirap na gawain sapagkat kinakailangan ito ng sariling pang-uunawa at diskarte. Ang modyul ay nakalimbag o printed na materyal na katumbas ng isang aralin o leksyon sa isang asignatura na kinakailangan sagutin ng mga magaaral ang mga katanungan na nakapaloob dito. Ito ay isang linggong gawain ng mga mag-aaral na humarap sa modyular na gawain. Matapang at palaban. Iyan ang mga katangian ng mga estudyante na aking nakikita ngayon. Bilang isang mag-aaral ay naninibago ako sa makabagong pamamaraan sa pagkatuto. Dahil sa pamamaraang ito ay nagiging independiyente ang bawat mag-aaral sa kanyang pagkatuto. At nasaksihan natin kung gaano ka hamon ang makabagong pamamaraan sa pagkatuto sa pang-edukasyon ng bawat mag-aaral ng KCAST.
Ang sistemang ito ay nagtataglay sa iba’t ibang kakayahan ng mga mag-aaral na humarap sa makabagong pamamaraan sa kanilang pagkatuto. Gayunpaman, kung paano nila makayanan ang mga tagubilin ng mga guro upang makasabay sa mga aralin na binibigay nito. Kung kaya’t ang isang makabagong pamamaraan sa pagkatuto na hinaharap ng mag-aaral at nagbubunga ng iba’tibang reaksyon at epekto personal man o akademiko sa paglalarawan ng kanilang pananaw at karanasan sa pang-edukasyon sa panibagong sistema sa pag-aaral ng distansya na nagbibigay malay bilang mahalagang elemento sa pagaaral. Ang makabagong pag-aaral ay nagiging independiente ang lahat ng mag-aaral bunsod sa pangyayari na hianaharap ng buong mundo.
OPINYON Bagong Normal na Hamon ni Jonny G. Talacay
remotellearningf/educia.com
Halos magiisang taon na nang ipinatupad ng Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology (KCAST) ang modyular na paraan ng pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral ng taong pasukan 2020-2021. Ito ay alinsunod sa mandato ng gobyerno sa ilalim ng pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) na tuloy pa rin ang pagaaral sa kabila ng pandemyang kinakaharap. Kaiba ito sa tradisyunal na face-to-face na klase. Ang mga estudyante ay nasa bahay lang habang pinag-aaralan at sinasagutan ang mga modyul na ipinapadala ng mga instructor sa pama-
magitan ng apps na Google Classroom, Schoology o kaya’y sa social networking site na Facebook. Sa mga apps din na ito sinusumite ng mga estudyante ang kanilang mga output. Ang ganitong uri ng sistema ay isang malaking hamon para sa mga guro at mga mag-aaral. Hindi na lang kasi syllabus ang dapat ihanda ng mga guro kundi pati na ang modyul na kanilang ibibigay sa kanilang mga estudyante. Sa mga estudyante naman, bukod sa pagsagot at pagsumite ng kanilang mga modyul sa itinakdang oras, doble kayod din sila sa pag-intindi ng mga aralin dahil
wala sa kanilang tabi ang gurong makapagbibigay sa kanila ng agarang pagpapaliwanag hinggil sa mga paksang hindi nila gaanong naiintindihan. Dagdag pa sa mga hamong ito ang paminsan-minsang pagkawala ng internet connection. Batid naman ng pamunuan ng KCAST na malaki ang epekto para sa mga mag-aaral ang kawalan ng interaksiyon sa mga guro kaya naman hinikayat nila ang mga guro na magkaroon ng online meetup sa kanilang mga estudyante nang minsan upang makapagbigay ng mabilisang diskusyon hinggil sa mga paksang ibinigay. Sa online
meet-up din inaalam ng guro ang kalagayan ng bawat mag-aaral lalo na iyong nasa malalayong barangay na hindi gaanong abot ng malakas na signal ng internet. Para sa mga mag-aaral na hirap makakonekta sa internet, tinatanggap pa rin ng mga guro ang isusumite nilang mga modyul kahit lagpas na ito sa deadline at mabibigyan pa rin umano ng kaukulang marka. Aminado si KCAST OIC President Ben-Oni P. Ligaray na napakalaki ng kaibahan ng modular at face-toface na klase ngunit wala naman daw dapat ikabahala ang mga magaaral at mga magulang dahil ginagawa nila ang
lahat upang maibigay sa bawat estudyante ang di-kalidad na edukasyon. Katunayan, nakapagdaos na ang institusyon ng tatlong online seminar noong Abril. Layunin nitong makasabay ang mga magaaral sa kasalukuyang sistema ng edukasyon at mapanatili ang interes sa pag-aaral sa kabila ng krisis na kinakaharap. Ang modyular ang isa sa mabisa at angkop na paraan ng pagtuturo sa panahon ngayon kaya nararapat na matutukan nang maayos ang mga mag-aaral hindi lang ng guro kundi lalo na ng mga magulang.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
7
OPINYON Para sa Higit na Kabutihan ni Emalyn Grace T. Laab
syringecovid19WHO.com
Bangungot pa rin sa mundo ang patuloy na paglaganap ng pandemya. Marami ang nabago tulad na lamang ng mga bagay na nakasanayan ng tao. Ngunit, sa patuloy na paglaganap ng COVID 19, ay may mga aksiyon na ring ginawa ang iilang bansa na naapektuhan nito. Sa ngayon, isa sa mga ginawang aksiyon ng gobyerno ng ansa Pilipinas o mas nakatataas ay ang pagbibigay ng bakuna sa mga tao. Patunay na sa patuloy na paglaganap ng COVID 19 ay may pag-unlad pa ring nagaganap kahit papaano upang makaahon at makapagsimulang muli mula sa pagkalugmok. Ayon sa National Advisory Committee on Immunization, mahalaga ang bakuna sapagkat makatutulong ito upang maagapan ang pagkalat ng virus sa katawan. Ngayon, lahat ng paraan ay ginagawan na upang
upang makaahon mula sa pagkakadapa, ang magagawa lang natin ay sumunod sa tamang Gawain. Hanggang nabakunahan na ang karamihan sa mga tao, mahalagaang ipagpatuloy pa rin ang pisikal na pakikipagdistansiya, pagsususot ng facemask, at pananatili sa bahay kung may sakit. Maging aktibong makilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa paglutas ng suliranin na dulot ng pandemya na kung saan ay makatutulong hindi lang sa sariling kapakanan kundi pa na rin sa buong bansa. Sa pamamagitan nito, tayo ay magiging responsableng mamamayan. Ang halaga ng bakuna ay huwag nating baliwalain. Sa huli, ang bawat turok ng bakuna sa ating katawan ay nagbibigay ng pag-asa sa ating sarili na lumaban at magpatuloy sa buhay.
Community Pantry para sa Pilipino ni: Daisy P. Ambroce
Isang organisasyon pansin ito ni Chief Legal ang nagpatupad ng Presidential Council Secretary Panisang aktibidades kung elo at hinangaan niya saan ay nabibigyan ng ang nasabing aksyon tulong ang mga Pilipi- ng isang organisasyon. nong nahihirapan sa Sinabi ng kalihim na muling lumakpagharap o sa paglaban as ang bayanihan spirit sa pandemyang kinaka- kung saan ang kapwa harap ng lahat ngayon. Pilipino ay tumutu Buhat dito ay na- long sa kapwa Pilipino
8
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
sa panahon na nilala- pagbibigay ng tulong. banan ang pandemyang hatid ng COVID19. Sa paraang ito ay mababawasan ang kahirapang dinaranas ng mga mamamayan kung magpapatuloy ang gawaing ito ng mga organisasyon at ibang mga indibidwCommunity Pantry sa Sta. Theresa al na gumaya na rin sa Church. Kuha ni Mac Antonio. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe.
BALITA Ang School Supply Pantry ng Teacher Education Guild (TEG) ni Daisy P. Ambrove
Ang dulot kahirapahan dala ng pandemyang hatid na puro kalungkutan lalong-lalo na sa mga mamamayang nahihirapang itaguyod ang kanilang pamilya buhat na nga ng maraming pagbabagong na dala ng pandemyang ito. Dahil sa marami ang nahihirapan at nangangailangan ay may umusbong na isang aktibidad na makakapawi kahit konti sa dinaramdam na kahirapan ng bawat mamamayan. Ang aktibidad na ito ay nagbigay tulong sa lahat ng mga mamamayan na nangangailan ng mga pagkain, at iba pang mga kagamitan. Tinawag ito na Community Pantry na sinuportahan ng iba’t ibang grupo at personalidad. Buhat ng ideyang ito ay naisipan ng Departamentong Edukasyon sa Instusyong KCAST na gawin din ang tinatawag na community pantry ngunit sa paraang ang ipamamahagi ay mga kagamitang pampaaralan. Buhat ng ideyang ito ay naisipan ng Departamentong Edukasyon sa Instusy-
ong KCAST na gawin din ang tinatawag na community pantry ngunit sa paraang ang ipamamahagi ay mga kagamitang pampaaralan. Nakilahok ang lahat ng organisasyon sa departamentong Edukasyon at ang mga organisasyong ito ay ang; SPET ng Bachelor of Elementary Education, La Fermat ng Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics, SUFEE ng Bachelor of Secondary Education Major in English at panghuli ay ang PNOY ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino. Ang mga ornaginasyong ito ay nagbahagi ng donasyon na mga school supplies upang ipamahagi sa mga batang mag-aaral o mga magulang na nangangailangan ng mga kagamitang ito. Ginanap ang aktibidades noong ika 28 ng Mayo taong 2021, at ipimahagi ang mga kagamitang sa bawat taong nais magkaroon at sa mga nangangailangan. Ang ganitong mga aktibidades na tinatawag na com-
SCHOOL SUPPLY PANTRY. Sa likod ng kinakaharap na krisis ng bansa, ang Teacher Education Guild ng Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology ay nagsagawa ng School Supply Pantry upang makatulong sa mga magulang at mag-aaral na kapos sa buhay. Kuha ni Shiela Ybanez Ramos
munity pantry ay pawing sagot sa mga dalangin ng bawat mamamayang nahihirapn ngunit walang magawa dahil sa pandemyang lumalaganap magpahanggang ngayon. Isa itong paalala na
kahit anong unos o pandemya mang dumating ay hindi mawawala ang kabutihang puso ng mga tao. Nariyan pa rin ang pagtulong at pag-aalala sa mga kapwa.
KCAST TEGFOT DAY: Panagtigum 2021 ni Sydney C. Coloma
Pagpapakitang gilas ng mga mag-aaral sa bawat mayorya na may kanya-kanyang organisasyon (PNOY, SUFFET, LA FERMAT at SPET). Sa ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan, ipinagdiwang ang unang birtwal na pagtitipon ng Teacher Education Guild (TEG) ang Pista ng mga Talento ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology, na may temang “A Celebration of Boundaries and Challenges Amidst Pandemic: Coping Diversity While Fostering Unity Through Talents”. Ang bawat mayorya ay may kanya-kanyang representante sa bawat kompetisyon. Labis ang paghahanda ng bawat mayorya ng Edukasyon sa pagbabahagi o pagpapakita ng kanilang mga talento sa pamamagitan ng isang video presentation na ipinaskil sa Facebook Page ng Teacher Education Guild. Upang ipakita ang kanilang natatanging talentong matagal ng itinatago. Sa unang bahagi ng selebrasyon ay ginanap ang Tiktok Competiton (group and solo), Spoken
Word Poetry, Poetry Interpretation, Vlog Making, Re-enactment, Quiz Bowl Competitiona and ML Championship Tournament. Sa ikalawang bahagi ng selebrasyon ginanap naman ang Vocal Solo, Vocal Duet, Song Writing Competition and Interpretation at Next Top Model. Dito rin ginanap ang pagbibigay ng mga sertipikasyon sa mga hurado sa bawat kompetisyon maging ang pagdeklara sa mga nag wagi o nanalo. Ang nakakuha ng maraming setipikasyon sa unang pwesto ng bawat kompetisyon ay una ang LA FERMAT, PNOY AT SUFFET. Ang nakakuha ng pinakaunting sertipikasyon sa unang pwesto sa bawat kompetisyon ay ang SPET. Sa pamamagitan ng isang birtwal na pagdiriwang ng ika-38 na taon ng paggunita ng TEG DAY ay naging masaya at matagumpay ang pagdiriwang.
KCAST TEGFOT 2021. Kuha mula sa pre-recorded video ng mga kalahok sa nasabing patimpalak. Kuha ni Sydney Coloma.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
9
BALITA KCAST BSBA ELEKSYON 2021: Birtwal na isasagawa ang botohan ni Rica C. Bustamante
Eleksyon para sa mga bagiong lider sa Departamento ng Business. Linya ng mga partylist at ang mga tumatakbong opisyales. Kuha mula sa facebook page ng BSBA Department. Kuha ni Rica Bustamante.
Nitong Hunyo 14, 2021 lamang nang magsimulang maglabasan ang mga nag-gagandahang plataporma ng bawat pangkat ng mga tatakbong lider bilang pangulo at mga miyembrong aspirante sa departamento ng Bachelor of Science in Business Administration o BSBA bukas sa gaganaping KCAST BSBA Eleksyon 2021. June 16, 2021 ginanap ang unang birtwal na meeting de avance sa pamamagitan ng zoom app sa ala una ng hapon na kung saan sila ay nagtitipon-tipon upang magbigay impormasyon at ibahagi ang kanilang plata porma sa mga mag-aaral. Ito ay kinapapalooban ng tatlong party list, Trial party list para sa BSBA Junior Finance Executives na pinamumunuan ni Wilfredo C. Mahinay Jr. na tumatakbo bilang isang gobernador sa party list na ito, Leads party para sa BSBA Junior Marketers Association na pinamumunaan ni Mhera Rose Iladan na tumatakbo bilang isang gobernador sa asosasyon na ito at
10
Leads party para sa BSBA executive Office na pinangunguluhan ni Michael A. Tulo na tumatakbo bilang pangulo at kaharap nito na si Jimboy Escandallo na siyang namumuno sa Restore party. Labis ang paghahanda ang bawat bawat lider ng kanilang party kasama na rito ang mga kasapi sa pagbahagi ng kanilang plataporma para sa gaganaping eleksyon. Isinulong ng kanilang pangkat ang mga plataporma sa KCAST BSBA facebook page upang ipakita na sila ay handa at desidido nang ipakita ang kanilang kakayahang ipagpatuloy ang magandang nasimulan tungo sa pag-unlad ng departamento. Sa birtwal na pakikipanayam kay Hana Pauline Valmera na isang mag-aaral din ng BSBA department at kasalukuyang tumatakbo sa posisyong treasurer sa Trial party list at ayon sa kanya panalo ka na raw kung makakakuha ka lang ng isang boto sapagkat walang kabangga ang Trial party para sa BSBA Junior Finance
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Executives na pinamumunuan ni Wilfredo Mahinay Jr na tumatakbong gobernador at maging ang Leads party para sa BSBA Junior Marketers Association na pinamumunuan din ni Mhera Rose Iladan na tumatakbo rin bilang isang gobernador. Ayon sa kanya wala raw kalaban ang makikipagbanggaan Junior Finance Executives at Junior Marketers Association kung kaya’t sila na ang hihiranging panalo. Dagdag pa niya, ang maglaban-laban na lang raw ay ang Restore party para sa BSBA Executive Office at Leads party para sa Executive Office. Na ang kasapi ni Jimboy Escandallo na tumatakbo bilang isang pangulo at maging ang kasapi sa party list ni Michael Tulo na tumatakbo rin bilang pangulo sa natukoy na departamento. Sa Hunyo 19, 2021 alas 3:00 ng hapon ay mag-uumpisa ang botohan sa pagpili ng mga panibagong opisyales ng departamento sa pamamagitan ng Google Form. Ang birtwal
na pamamaraan ng pagboto ang napagdesisyonan ng nakararami upang masiguro ang kaligtasan ng lahat lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Ang mga mag-aaral na kabilang sa Business Administration ay maaaring bumoto sa pamamagitan lamang ng pag-access sa internet at pagpasok sa ibibigay na portal ng tagapagtaguyod ng eleksyon gamit ang kanilang em ail. Ang lahat ng mga mag-aaral lalo na ang mga tatakbong mga opisyales sa eleksyon ay nakadama ng kaba at pananabik kung sino ang mapipiling bagong pangulo at mga bagong opisyales sa taong panungkulan 2020-2021. Bilang mga botante, lagi nating isapuso at isaisip ang pagboto sa mga karapat-dapat na mapiling mga lider na maglilingkod para maaayos na mapamahalaan at maitaguyod ng may paninindigan para sa ika-uunladngdepartamento.
BALITA KCAST Birtwal na Pinning Ceremony ni Jennevive S. Manlawe
Isa sa mga inaasam ng mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang paglalagay ng pin bilang hudyat na sila ay mga mag-aaral na kwalipikado sa On the Job Training(OJT) sa karera na kanilang nais tahakin. Nitong ikatatlo ng Mayo, alas tres hanggang alas singko ng hapon, taong kasalukuyan ay ginanap ang birtwal na pinning ceremony ng mga magaaral sa ikaapat na taon sa Bachelor of Sciences and Business Administration alinsunod sa temang “ Transforming Young Professionals the Vanguard of Global Standards and New Normal Competencies”. b Ito ay ginanap sa isang social platform na tina-
tawag na zoom na dinaluhan ng mga magf-aaral at ng kanilang mga magulang na silang maglalagay sa pin sa uniporme ng mga anak. Ang seremonya ay sinimulan sa pamamagitan ng panalangin na sinundan ng pag-awit sa pambansang awit at KCAST Hymn. Ang pambungad na pananalita ng OIC College of the President na si G. BenOni P. Ligaray ang sumunod at ang inspirasyonal na mensahe ng alkalde ng Kapalong na si Hon. Ma. Theresa R. Timbol. Sinunod ang pagpapakilala sa
panauhing tagapagsalita na si Rev. Jed B. Resureccion na nagbigay ng kanyang kaalaman na siyang naging gabay at nagbigay motibasyon sa mga mag-aaral. Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Gng. Ma. Elena G. Litob , CPA, MBA ang overview ng pinning at pagkatapos ay pormal ng sinimulan ang paglalagay ng pin sa mga mag-aaral. Mahigit dalawang daang magaaral sa ikaapat na taon ang nakadalo sa birtwal na pinning ceremony na naging parte sa On the Job Training (OJT).
KCAST BSBA sa mag-aaral mag-aaral sa ang ceremony.
Birtwal na Pinning Ceremony para sa ikaapat na taon. Kuha sa mga zoom meeting kung saan ginanap Orihinal na kuha ni Poy Torralba.
SSC Eleksiyon ’21, kasado na ni Jonny G. Talacay
Matapos ang isang taong pagkaantala, ang eleksiyon ng Supreme Student Council o SSC ay matutuloy na ngayong Hunyo 30, 2021 na gaganapin online sa pamamagitan ng Google Form. Layunin nitong makapaghalal ng mga bagong opisyales ang SSC na siyang mamumuno sa samahan ng mga mag-aaral ng taong panuruan 20212022 dahil ang mga kasalukuyang nakaupo ay lumagpas na sa kanilang termino at ang iilan naman ay magtatapos na ngayong taon. Isa na rito si outgoing SSC President Ramon A. Cruta Jr. Matatandaang naipagpaliban ang pagkakaroon ng eleksion noong nakaraang taon bunsod ng pagkakaron ng transisyon sa klase mula sa tradisyunal na face to face patungong modular. Kaugnay nito, ang pamunuan ng Office of the Student and Devel-
opment Services (SDS) na siyang mamamahala sa halalan ay naglabas ng anunsiyo sa kanilang Facebook page noong Hunyo 20, 2021 hinggil sa mga requirements para sa mga mag-aaral na nagnanais na tumakbo tulad ng Certificate of Candidacy, Letter of Intent ng partido, List of Party Members at Student ID. Nakapaskil sa Facebook page ng tanggapan ng SDS ang e-mail account kung saan isusumite ang mga naturang requirements. Ang mga bakanteng posisyon ay Presidente, Bise-President, Treasurer, Secretary, PIO, at walong Senador. Para maging kwalipikado sa mga naturang posisyon, ang magaaral na gustong tumakbo ay kailangang dalawang taon ng nag-aaral sa KCAST at may markang hindi baba sa 2.5 o 85. Ang mga magaaral na kasalukuyang nasa
SSC Eleksyon 2021. Larawan ng schedule sa gaganapin na botohan. Kuha mula sa KCAST facebook page. Kuha ng larawan ni Jonny Talacay ikaapat na taon na (4th year) ay hindi na pinahihintulutang tumakbo dahil abala na ang mga ito sa kanilang practicum, thesis, at iba pang paghahanda sa paparating na pagtatapos. Magsisimula ang pagsusumite ng mga sertipiko ng kandidatura sa ika21 at 22 ng Hunyo. Sa ika-23 naman ang pag-aanunsiyo sa mga kwalipikadong kandidato. Ngayong Hunyo 2528 naman ang araw ng pa-
ngangampanya na kung saan ito ay online na gaganapin. Ngayong araw, Hunyo 21, ang pagsisimula ng paunang pagpaparehistro sa mga botanteng mag-aaral para masigurong balido ang mga boto at maiwasan ang pagkakaroon ng flying voters. Bagama’t unang beses ng KCAST na magkaroon ng online na eleksiyon, kampante ang SDS Head na si Ginoong Mar Vincent Re-
na maging matagumpay ang paparating na halalan. Sinisiguro niya at ng kanyang buong pamunuan ang pagkakaroon ng malinis at patas na eleksiyon. Hinihikayat rin niya ang lahat ng mag-aaral ng KCAST na makilahok sa darating na SSC election na gaganapin sa ika-30 ng Hunyo 2021.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
11
PANGGITNANG BASAHING BALITA
Unang birtwal na akredistasyon sa KCAST. Larawan ng mga guro at kawani ng KCAST. Kuha mula sa facebook post ni G. Carl Daniel Ganal, Bb. Connie B. Cerna at Bb. Joan P. Responso-Sugetarios.
10
12
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Unang Birtwal na Akriditasyon sa KCAST BALITA ni Emalyn Grace T. La-ab
Ang
Kapalong
College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST)
ay gu-
manap bilang isa sa nangungunang stitusyong
in-
pang-edu-
kasyon na nasubukan sa tatlong araw na birtwal na akreditasyon ng ALCU-COA noong March 10-12, 2021 gamit ang social media platform na tinatawag na zoom.
Pormal na sinim-
ulan ang akriditasyon sa
pamamagitan
ng
panalangin at pag-awit ng KCAST HYMN na inihandog ng buong KCAST
Community.
Nagbigay
naman
ng pambungad na pananalita si Dr. Ramon
Unang Birtwal na Akredistasyon sa KCAST. Larawan ng mga accreditors at mga kawani ng KCAST. Kuha mula sa facebook post ni Gng. Julz Demoritro De LIzo.
Arcega, na presidente ng Association of Local sila Dr. Jesus P. Briones Ang pangyayar- bagamat sunubok ng Colleges and Univer- at Gng. Dalisay Brawn- ing ito ay nagdulot ng Pandemyang CoVid sities Commission on er na nagbahagi rin ng pagkakaisa sa insti- 19 ang mundo, hinmen- tusyon na maghatid di pa rin ito naging Acceditation (ALCU- mahahalagang COA). Aktibo ding na- sahe at impormasyon. ng dekalidad na edu- handang upang magAng pangyayaring kasyon sa mga mag- ing matagumpay ang kilahok ang mga guro at staffs sa KCAST na pina- ito ay nagdulot ng pag- aaral. Masasabing isa nasabing akriditasyon ngunahan ng OIC Pres- kakaisa sa institusyon ito sa mga pangyaident na si Mr. Ben-Oni na maghatid ng deka- yaring tatatak sa kaP. Ligaray. Dumalo din lidad na edukasyon sa saysayan ng KCAST Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
13
ISPORTS BALITA Polina, matindi ang ensayo para sa larong Billiards ni Daisy P. Ambroce
Larawan ni Amit sa Womens Billiards Finals 2018. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe. Kinuha mula sa pilipinaswomensfinalsbilliard.com
Tuloy-tuloy ang ginagawangpaghahandi ni Polina Josefa sa kanyang magiging laro sa 2021 KCAST Intramural na gaganapin sa Hulyo 26-30 ng taong ito. Sabi pa niya ay itinutuon lamang niya ang kanyang oras pag-eensayo sa larong Billiards upang makamit niyang muli at ng kanyang buon kupunan ang pagkawagi. Sa nakaraang kumpetisyon ay tinalo ni Polina ang lahat ng kalaban na nanggaling sa iba’t ibang departamento. Si Polina ay galing sa departamenton Edukasyon at hindi alam ng karamihan na isa siyang babae, sa nakaraang kumpetisyon ay pawang ka-
lalakihan lamang ang lahat ng kanyang naging kalaban kaya nag’t naging kampante ang mga ito na hindi niya makukuha ang pagkawagi sa nangyaring palakasan. Dahil sa diskriminasyong nangyari ay nagsumikap si Polina na talunin ang lahat ng departamento at ipakita na mali ang kanilang pag-aakala. Sa ngayon ay pinaghahandaan niyang muli ang nasabing palakasan upang maipakita muli na kaya rin ng mga kababaihan ang larong sinasabi ng karamihan na hindi bagay at alam ng kababaihan.
Departamento ng Edukasyon, kakasa na sa darating na Intrams ni Rica C. Bustamante
“We want to bring back the eagle again”, ang tuwirang pahayag ni Teacher Education Guild Advicer (TEG) Deveyvon Espinosa hinggil sa darating na KCAST Intramurals ngayong Hulyo 26-23. Matatandaan na noong nakaraang taon ay naagaw ng BSBA ang trono mula sa Edukasyon ang titulo bilang over-all champion. Dahil sa hangaring ito, puspusan ngayon ang pagsasanay ng mga manlalaro ng departamento sa mga larong basketball, volleyball, soccer, tennis, badminton, swimming, at gymnastics. Sa inisyal na ebal-
manlalaro. Lahat ng kanilang pangangailangan sa ensayo ay ibinibigay ng departmaento tulad na lamang ng mga pagkain at bitamina. Inaasahang isang lingo bago ang intrams ay nasa tamang kundisyon na ang lahat ng mga manlalaro na makikipagbakbakan sa iba pang mga koponan ng kolehiyo lalo na sa kanilang pangunahing rival na BSBA. Bukod sa pampalakasan, lalaban din ang education sa mga non-sports event tulad ng spoken, poster-making, quiz bowl, singing, modern at folkdance na si-
wasyon ng pamunuan sa pangunun- yang lalong nagpatingkad sa naga ni Education Sports Coordina- turang mga araw ng paligasahan. tor April Grace Dacugan, maayos naman ang lagay ng kanilang mga
14
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Manlalaro mula sa Teacher Education Guild taong 2019 sa TEG advance game para sa TEG Day. Kuha mula sa KCAST Collegial. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe
ISPORTS BALITA 2 miyembro ng Education Basketball Team, ‘di makapaglaro sa Intrams ni Jonny G. Talacay
Dalawa sa bigating manlalaro ng Education team ang hindi makakapaglaro sa darating na KCAST Intramurals ngayong Hulyo 26-30, 2021. Ito’y matapos mag-withraw nina Dave Floyd Largo at Jesrill Lagunzad sa magkaibang dahilan. Umurong ang 5 foot 10, center ng koponan na si Dave Floyd Largo dahil sa pagiging abala nito sa ginagawang thesis. Ayon sa kanya, “Siyempre, gustong-gusto kong maglaro, pero sa ngayon, mas kailangan kong pagtuunan muna ng pansin ang aking ginagawang thesis, dahil nakasasalay dito ang aking grades” na sinang-ayunan naman ng buong coach-
ing staff sa pangunguna ni Head Coach Kenzo Arimao. Hindi rin makasama ng team ang 5 foot 10, point guard na si Jesrill Lagunzad dahil sa natamo nitong injury matapos maaksidente sa minamanehong bisikleta. Kaugnay nito, nagkaroon ng pagpupulong ang buong coaching staff na maghanap ng dalawang manlalarong ipalit kina Largo at Lagunzad. Napili nila ang 5 foot 8 na si Sean Joshua Aranges at ang at 5 foot 9 na si Andrew Albania na parehong nasa ikalawang taon ng BSED Filipino. Nasa ikalawang pwesto ang Education sa nagdaang Intrams, kung saan kampeon ang BSBA. Bagaman may dalawang ba-
guhan sa team, kampante si Coach Arimao na muling magkaka-podium finish ang Education o kaya’y magkampeon. “Yes, they are new to our team but they aren’t new to basketball. They were DAVRAA qualifiers during their high school days. Their towering heights and experience is an advantage to the whole education team” Ayon kay Head Coach Kenzo Arimao na sinuportahan naman ni TEG adviser, Deveyvon Espinosa.
BSED, paiinitin ang KCAST court ni Emalyn Grace T. La-ab
Target ng Bache- er Education Guild ng
lor of Science in Second- Women’s try out para sa ary Education (BSED) final game ngayong dana makabuo ng isang rating na intramurals ng malakas na koponang Kapalong College of Agisasabak sa darating na riculture Sciences and intramurals para sa bas- Technology (KCAST). ketball Women’s catego- Sa
kasalukuy-
ry na gaganapin ngay- an ay puspusan na ang ong Hulyo 26-30, 2021. paghahanda ng mga
Sa tulong ng mga opisyal at aktibong Cap-
Jezil Joy Apolinar sa Teacher Education Guild advance game taong 2019. Kuha mula sa TEG Facebook page. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe
aktibong opisyal ng pro- tain ball ng Women’s magpapainit sa KCAST Larawan ng manlalaro mula sa Ateneo de Manila University taong 2019. Kuha mula sa ateneomalebasketballsemifinals.com. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe
gramang edukasyon at Category na si Jezil Joy court
kontra
BSBA,
mga manlalaro ay mag- Apolinar sa paghah- BPA, BSOA at Crimsasagawa ang Teach- anap ng makakasamang inology
department.
Education Women’s Volley Ball team, nasungkit ang kampeonato ni Jonny G. Talacay Sa kauna-unahang pagkakataon nasungkit ng Education Women’s volleyball team ang kampeonato matapos pataubin ang koponan ang BSBA sa iskor na 25-20, 25-22, 25-23, kahapon, Hulyo26 sa KCAST gymnasium. Sa unang set ay umarangkada ang BSBA. Matapos malamangan ng tatlong puntos, umalagwa naman ang Education at nagpakawala ng solidong mga atake, 25-20 ang iskor sa unang set pabor sa Education. Agad na lumamang ang Education sa ikalawang set. Nagtangkang humabol ang BSBA matapos magpa-
pakawala ng limang magkasunod na puntos at naging tabla ang laro sa iskor na 18. Naalarma naman ang Education kaya todo ang pagpakawala nila ng mga atake at pagsangga ng tira ng kalaban kung kaya’t hindi na nakaporma pa ang BSBA. Muling nakuha ng Education ang set sa iskor na, 25-22. Pumanig naman ang momentum sa BSBA pagsapit ng ikatlong set. Tinambakan nila ng anim na puntos ang Education. Ngunit hindi nagpatinag ang Education, sinabayan nila ang pagpapakawala ng mga puntos ng BSBA hanggang
makuha nila ang championship point, 25-23 at sa unang pagkakataon ay nasungkit nila ang kampeonato. Nakapagtala ng 16 na puntos si Jean Flojo na itinahangal na MVP sa laro. Sinundan naman ito ni Cresilda Ballener na nakapagtala ng kabuuang 14 na puntos. Nakakuha naman ng 14 na puntos ang star player ng BSBA na si Marie Pineda at sinundan ng rookie na si Shiela Tamayo na may naitalang 12 puntos. Ateneo Blue Eagles Championship Game 2016. Kuha mula sa pinoypress.com. Idinownload ni Jennevive S. Manlawe.
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
15
LATHALAIN Sa PNOY ang Tagumpay ni Daisy P. Ambroce
Kuha habang isinasaulog ang PNOY Festival of Talents 2021. Ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Google Meet na isang social media platform. Kuha ni Jennevive S. Manlawe.
Bago iclick, Mag-isip
Nangangamba, natatakot sa maaaring maging resulta. Nahihirapang kumilos dahil sa pandemyang sumasabay sa agos ng panahon. Dahil sa kasabikang makasama kahit na lamang sa birtwal ay mailunsad ang ginawang aktibidad upang maisakatuparan ang nais ng bawat isa para sa naturang organisasyon. Dahil sa pandemyang nagpapagulo sa lahat ay maraming mga estudyante ang hindi makakilos ng malaya dahil nga sa kinakailangang mag-ingat upang hindi mahawa ng sakit. Gayunpaman ay lubos ang paniniwala at determinasyon upang maging matagumpay ang gagawing aktibidad kahit na ang mga guro at miyembro ng organisasyong ito ay labis na nahirapan simula pa lang sa pagpaplano at paglunsad ng aktibidad gamit ang birtwal na pagsasama.
Habang ako’y nasa birtwal na kaganapan ay hindi maikakaila na may mga teknikal na kamalian ang nangyari dahil nga sa hindi pa masyadong pamilyar sa paggamit ng mga teknolohiya. Marami ang nabahala dahil may posibilidad na hindi matagumpay ang magiging resulta ng naturang aktibidad. Gayunpaman ay nanatili at nagpatuloy kahit na sa kahirapan sa pagmamani-obra sa mga teknolohiyang ginamit sa naturang aktibidad. Walang perpekto ‘ika nga, lahat nagkakamali, lahat ay nahihirapan ngunit alam nating sa una lang yan. Ang mga kamalian ay isang eksperyensya lamang na kung sa unang subok ay magkakamali ka ngunit sa ikalawa o pangatlo ay alam mo na ang iyong gagawin. Sa aktibidades ay maraming mga talento ang
naipakita at lubos ang saya ng bawat isa dahil maraming may mga potensyal ang nahanap at nailabas ang kanilang mga tinatagong abilidad at talento. May hindi inaasahan mang nangyari ay sa huli naging matagumpay ang nagawang aktibidad. Hindi nasayang ang hirap at pagod na iginawad ng bawat guro ng Filipino sa Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology sa paglunsad ng isang aktibiti para sa organisasyong PNOY ng mga magaaral ng Filipino sa KCAST. Buhat sa mga nangyaring ito, isa lang ang aking napagtanto. May mga paghihirap, kamalian o pagkabigo sa una ay kailangan lamang magpatuloy at huwag sumuko dahil sa huli ay may tagumpay na naghihintay at magpapagaan sa iyong kalooban.
ni Jennevive S. Manlawe
Isa ang Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology (KCAST) sa mga paaralang pansamantalang nagsara dahil sa patuloy na paglaganap ng sakit na COVID 19 dahilan upang ang pakikipaghalubilo sa iba ay hindi na nga maari pang gawin. Sa buwan ng Marso taong 2020 ay ideneklara ng alkalde ng Kapalong na si Mayor Theresa R. Timbol na pansamantalang isasara muna ang Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology (KCAST) at ipagpapatuloy na lamang ang pag-aaral sa loob ng tahanan. Sa buwan ng Oktubre taong 2020 ay opisyal ng binuksan
16
ang klase sa pamamagitan ng social media platforms. Dahil nga ginagamit ang iba’t ibang social media platforms sa makabagong sistema ng edukasyon, hindi maiiwasan ang pagkakalantad ng mga mag-aaral sa social media sites na maaring magdulot sa kanila sa kapahamakan kaya naman ang paaralan ay nagsagawa ng iba’t ibang seminar sa online o mas kilala sa tawag na webinar upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Isa na nga sa webinar na ito ay ang Think Before You Click webinar na naganap noong nakaraang Martes sa ikalabindalawang araw ng buwan ng Abril taong kasalukuy-
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Teacher Education Facebook Page an. Ito ay pinangunahan ng Teacher Education Department kabilang si Bb. Jonona B. Manliguis, LPT bilang panauhing tagapagsalita. Ang webinar ay patungkol sa mga pamamaraan upang maging isang social media literate ang isang tao
kabilang na ang tamang paggamit ng social media platforms. Ipinakilala rin ng panauhing tagapagsalita ang iba’t ibang social media apps na siyang ginagamit ng husto sa panahon ngayon. Isa lamang ang webinar na ito sa aksyong
ginagawa ng pamunuan ng Kapalong College of Agriculture Sciences and Technology (KCAST) upang mapanatiling protektado ang mga mag-aaral laban sa peligrong dala ng social media. Muli, “Think before you click”.
LATHALAIN Ang Pulis sa Ilalim ng Tulay ni Chariza Pagal ni Jonny G.. Talacay
Ang social media platform na Tiktok ay patok na patok ngayon sa mga kabataang Pinoy. Kaya naman ang pamunuan ng samahang PNOY (Pilipinong Nagpapayabong ng Orihinal na Yaman ng Pilipinas) ng Kapalong College of Agriculture, Sciences and Technology (KCAST) sa pangunguna ng club adviser na si Bb. Aisa S. Basay ay isinama ang Tiktok Challenge sa mga kategoryang pinaglaban sa idinaos na PNOY Festival of Talents sa pamamagitan ng virtual noong Mayo 20, 2021. Si Chariza Pagal, 21 taong gulang ang kinatawan ng BSED Filipino 2A sa Tiktok Challenge kung saan nakalaban niya ang lima pang mag-aaral sa Filipino sa kategoryang ito. Nagdadalawang isip siya sa simula na sumali dahil sa naramdamang kaba at hiya. Ang tiwala at suporta ng kanyang mga kaklase ang naging motibasyon niya na lumaban at maging determinado sa sasalihang patimpalak. “Pulis sa ilalim ng tulay ang tema ng Tiktok Challenge”. Bilang paghahanda, nanood muna si Chariza ng mga Tiktok video upang makakuha ng ideya kung paano umarte sa harap ng kamera at makapag-isip kung paano simulan ang kanyang entry. Nag-ensayo rin siya sa harap ng salamin. Pagkatapos, inihanda na niya ang mga gagamiting kasuotang angkop sa tema ng Tiktok Challenge. Sa isang malayong barangay ng Maco, Davao de Oro nakatira si Chariza. Kaya naman mahinang
Kuha sa Tiktok video ni Bb. Chariza Pagal sa PNOY Festival of Talents 2021. Ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Google Meet na isang social media platform. Kuha ni Jennevive S. Manlawe.
koneksiyon sa internet ang naging problema niya. Nangangailangan kasi ng malakas na signal ang paggawa ng Tiktok video at ang pagsumite nito sa mga kumitiba. Ngunit para sa mga taong determinado, walang bagay na hindi mahahanapan ng paraan. Tumungo si Chariza sa sentrong bayan ng Maco para maisagawa ang kanyang Tiktok video at maisumite ito sa itinakdang oras.
pwesto sa Tiktok Challenge. Sobrang saya niya sa nakamit na tagumpay. Sa pagkapanalo niya, pakiramdam niya ay isa na siyang certified Tiktoker. Ang susi sa kanyang pagkapanalo ang gagamitin niya para sa susunod niyang laban sa gaganaping TEG (Teacher Education Guild) Festival of Talents na gaganapin sa darating na Hunyo 15, 2015. Ibabandera niya ang buong BSED Filipino
Dahil sa pagharap niya sa kasama ng iba pang kinatawan ng kanyang mga kahinaan, pagkakaroon departamento sa iba’t ibang kateng determinasyon at motibasyon, goryang paglalaban sa paligsahan. nakamit ni Chariza ang unang Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
17
LATHALAIN Koronang Walang Gustong Umangkin ni Jonny G. Talacay
Korona ang sumisimbolo sa tagumpay na nakamit ng isang tao. Kaya naman patok na linya ng kabataan ngayon ang, “Ikaw na, sa’yo na ang korona” kapag ang isang kaibigan o kakilala nila ay naging matagumpay sa isang larangan. Subalit kung ang koronang tinutukoy ay magdudulot ng panganib sa iyong buhay, nanaisin mo pa kayang magkaroon nito? Sa kasalukuyan, kalat na kalat na sa buong mundo ang sakit na COVID-19 dulot ng Corona Virus. Corona dahil ayon sa mga ekspertong doktor at siyentipikong pangkalusugan ay hugis korona ang naturang virus na nagdulot ng matinding suliranin sa lahat ng bansa sa mundo mahirap man o mauunlad. Bumagsak ang pandaigdigan merkado. Maraming establisyemento ang nagsara
dahilan upang may ilan sa mga mga kababayan natin ay pansamantalang natigil sa trabaho habang ang iba naman ay tuluyan ng nawalan ng hanapbuhay. Ngunit ang pinakamasaklap sa lahat, ang unti-unting pagkalagas ng buhay ng mga tao sa lahat ng panig ng mundo. Higit pa sa digmaang nukleyar ang suliraning ating kinakaharap. Mas malakas pa ito sa mga teroristang grupo sapagkat ang mga kalaban ay hindi natin nakikita. Nandiyan lang sila sa paligid na sa atin ay umaaligid at nakahandang sumalakay kapag nakakita ng pagkakataon. Walang tao ang may gusto ng koronang ito. Ito na yata ang koronang inaayawan ng lahat. Bakit mo nga naman gugustuhin kung ang
coronavirusmemes.com
koronang tinutukoy ay hindi naman sumisimbolo ng tagumpay sa halip ito ang magiging mitsa ng iyong buhay? May bakuna ng nabuo ang mga eksperto kontra sa sakit na ito ngunit hindi tayo dapat na makampante. Hindi pa tapos ang laban at ang totoo’y magsi-
simula pa lamang tayo. Higit sa lunas ay ibayong pag-iingat. Kaya nararapat lang na sundin natin ang tagubilin ng ating gobyerno kung ayaw mong mapabilang sa mga taong nakoronahan ng sakit na ito.
Liham Pasasalamat Para sa mga Frontliners ni Emalyn Grace T. La-ab
(S)a panibagong malaking pagsubok na ito, sariling buhay ninyo ang nakataya. Kayo’y nagsisilbiing panangga sa kalabang ‘di natin nakikita. (A)lam naming kayo ay labis na naghihinagpis ngunit lahat ng ito ay inyong tiniis. Bukal sa puso ninyong niyapos ang tungkulin upang sa kalbaryong ito tayo ay makaahon rin.
18
(L)agi ninyong inu- subok na ito, kayo una ang kaligtasan ang naging sandalan ng iba bago ang sa- ng maraming tao. riling kapakanan, (A)lang-alang sa ka(A)t kahit ang bu- ligtasan ng iba, pathay man ay nasa uloy kayong nakibingit ng kama- kibaka. ‘Di alintana tayan, nananati- ang nag-aabang na li pa rin kayong kapahamakan para matapang at patu- mapanatili lamang loy na lumalaban. ang kaligtasan ng karamihan. (M)atinding pagod man sa inyo’y (T)iniis ninyo ang mababakas ngunit pangungulila sa sanananatili pa rin riling pamilya para kayong matatag at sa kapakanan ng malakas. Sa pag- iba. Buong puso
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
ninyong pinili na kami ay pagsilbihan upang malabanan ang sakit na patuloy na lumalaganap sa buong sandaigdigan. (M)arahil hindi man sapat ang salitang “MARAMING SALAMAT” ngunit ako, kami, ay taos pusong nagpapasalamat. (G)abayan nawa kayo ng Poong Maykapal sa pa-
LATHALAIN Di Mabura ng Alon ni Emalyn Grace T. La-ab
Malayo ang tingin. Natutulala. Tila hindi ko na marinig ang ingay ng paligid sapagkat sa sobrang layo ng tingin ko, abot ko na ang kabilang dimensiyon ng mundo. “Ting!” isang tunog ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Babaliwalian ko nalang sana ang notipikasyon ngunit nang makita ko sa screen ng cellphone ko kung anong petsa na, May 20, 2021. Napabalikwas ako sa kama at dali-daling tingungo ang banyo at naligo. Bigla kong naalala na ito na pala ang araw na aming pinaka hihintay, ang “PISTA NG MGA TALENTO” kung saan ay maipamamalas ng mga mag-aaral lalo na ng BSED Filipino ang kanilang mga talento. Sa puntong yaon, labis ang kagalakan sa aking puso sapagkat sa araw na iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sasali ako sa patimpalak
bluewaves. net
tulad ng Spoken Word Poetry, Creative Instructional Making at larong Mobile Legend. Masaya. Nakakakaba. Tila hindi ako mapakali sa sobrang galak. Habang iniisip ko palang kung sino ang mananalo, alam ko na sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng aking makakaya at ano man ang magiging resulta ay tatanggapin ko ito ng buo dahil naniniwala ako na ang tunay na kampeon ay yaong marunong
tumanggap ng pagkatalo. Sa huli, naging masaya pa rin ang araw ko sapagkat minulat ng pandemyang ito ang mga mag-aaral na tulad ko na matuto sa anumang paraan, na kahit hindi na tulad ng dati ang lahat ay kailanagn nating yakapin ang katotohanan at magpatuloy sa laban. Maging ako sa sarili ko, naging masaya ako. Natapos ang programang may aral na naikintal sa aming isipan, may
talentong na deskubre at panibagong karanasang babaunin sa susunod na mga taon. Nga pala, panalo kami sa larong Mobile Legend. Pangalawang gantimpala naman ako sa Spoken Word Poetry at Creative Instructional Making. Hooray! Isang karanasang hindi mabura ng alon.
penandpapers.net
tuloy na paglilingkod ninyo ng tapat at patuloy na paggawa ng nararapat. Kami po ay sumasaludo sa inyong lahat. Saludo!
yong nagampanan. Sa oras ng pangangailangan kayo ay laging nandiyan.
liham pasasalamat na ito sa lahat ng taong nasa unahan na patuloy na nakikapaglaban. Sa labanang ito, kayo po ang nagsilbi naming kalasag at panangga.
(A)ng inyong kadakilaan ay mag-iiwan ng bakas sa ka(A)ng aming han- saysayan at patuloy gad ay ang kalig- na tatatak sa aming tasan ni’yo, tulad ng mga puso’t isipan. (N)awa ay hindi paghahangad ni’yo kayo mapagod sa sa kaligtasan namin. (Y)umao man ang pagseserbisyo kahit iba sa inyo, pero ang na ang iba sa amin (B)AYANI kayo kanilang kabayani- ay naging matigas kung maitutur- han ay nananatiling ang ulo sa pagsunod ing sapagkat ang buhay sa mundo. sa mga kautusan. tungkuling sinumpaan ay in- (A)lay ko ang li- (I)pinagmamalaki
po namin kayong lahat. Sa inyong kadakilaan sa gitna ng malaking pagsubok na ito kami po ay lubos na humahanga sa inyo. SALAMAT MGA BAYANI !
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
19
LATHALAIN Unos ng Kahirapan ni Sydney C. Coloma
Iba’t ibang problema ang kinakaharap ngayong ng ating bansa. Ngunit, ano nga ba ang mas pinamalalang problem ana kinakaharap ngayon ng ating bansa? Korapsyon, kalamidad, ang patuloy na paglaganap ng mga illegal na droga o kahirapan? Sa palagay ko, ang pinakamalalang problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa ay ang kahirapan, oo kahirapan. Ngunit, bakit nga ba maraming tao ang nagdurasa rito? Kahirapan, isang suliraninna kahit anong gawin ay mahirap mawala sa atin. Isang suliranin na hindi lamang naninira sa imahen ng ating bansa kundi naninira rin sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Naninira ng kinabukasan sapagkat dahil sa kahirapan, nakagagawa ng maling gawi ang bawat
Biyaya
Pilipino. Naninira ng kinabukasan sapagkat dahil sa kahirapan, nakagagawa ng maling gawi ang bawat mamamayang Pilipino, dala ng kanilang kakulanagan sa pera sila ay nanglilimosa sa bangketa, minsan ay nagagawa pang magnakaw o di kaya’y magbenta ng mga illegal na droga. Kaya walang tigil ang pagtaas ng bilang ng mga krimen dito sa ating bansa. Pati na rin ang bilang ng mga namamatay ay patuloy ring tumataas. Ngunit, tila walang aksyon na ibinigay ang ating mga pinuno ukol dito? Marahil, gumawa sila ng mga aksyon ngunit ito’y hindi pa rin sapat upang masolusyonan ito. Isali na rin natin dito ang mga pulitikong korap. Pati pera ng mga mamamayang Pilipino ay ninanakaw pa. Ito’y hindi na lingid sa ating mga kaalaman at
kasaysayan, sapagkat simula’t sapul may mga miyembro na ng gobyerno na harapharapan pa kung magnakawsa pera sa kaban ng bayan. Dagdag pa rito, ang kakulangan at kawalan ng mga mapapasukang trabaho ng mga mamamayang Pilipino kasabay nito nag sunod sunod na pagtaas ng mga bilihin. Paano ng aba tayo makakaranas ng isang masaganang pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan natin ay hindi natin kayang tustusan. Sa halip na nakawin nila ang pondo ng bansa, bakit hindi nalang nila gamitin ito upang makapagpatayo ng mga program ana makakatulong sa mga mamamayang Pilipino? Bakit hindi nalang nila pataasan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino, nang sa ganun ay wala nang Pilipinong naaabu-
o hahatulan sapagkat magiging hadlang ito sa kinabukasan? Aborsyon. Sino pa ba dito ang hindi alam ang aborsyon? Marahil ay wala na sapagkat ilang tao na at ilang seminar na ang nagpangaral sa atin tungkol sa diskusyong ito. Ngunit, uulitin ko. Ang aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matris na nagsasanhi ng kamatayan nito. Sa ating bansa, mahigit 500,000 kababaihan ang nagdedesisyon
na magpa-aborsyon kada taon. Dahil sa illegal ang aborsyon sa ating bansa, marami sa mga kababaihan ay palihim na ginagawa ang hindi makatarungan at makataong paraang ito. Ngunit, bakit nga ba ginagawa ang aborsyon? Isa na rito ang depresyon na karaniwang sanhi ay ang hindi pagsagot ng responsibilidad ng lalaki sa babae lalo na kung ang babae ay nag-aaral pa at walang balak na magkaanak agad. Mayroon namang wala sa
ni Sydney C. Coloma
Sinasabi na ang pag-ibig ay lahat; ang lahat ay ang pag-ibig. Ika nga, nilikha tayo ng Diyos gawa ng pag-ibig at nilikha niya ang sangkatauhan kabilang na ang ating mga magulang na siya namang nagluwal sa atin dahil sa pag-ibig. Sa pagmamahalan, normal lang ang may mangyari at mabuo at magbubunga ito ng isang biyayang galing sa Maykapal. Ngunit paano kung ang biyayang ito`y di ikalulugod ng gumawa? Aalagaan kaya
20
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
LATHALAIN so sa ibang bansa. Kailangan pa ba tayo kikilos at gagawa ng mga hakbang upang mabago ang takbo ng ating bansa? Bilang isang miyembro ng mga kabataan, ako ay may layunin na gawin ang lahat ng aking makakaya, pagsisikapan kong ako’y makapagtatapos ng pag-aaral, nang sa ganun ay magkaroon ako ng isang matiwasay at makulay na kinabukasan, ngunit hindi lamang ako kundi pati ikaw, siya, kundi tayong lahat ay kinakailangan na magkaisa tungo sa isang maunlad na bansa. Sapagkat bawat tao ay may magagawa sa kinabukasan ng ating bansa, isang bansang ating magagamit, maiendpovertyWHO.com pagmamalaki at maipapasa sa susunod pang mga henerasyon. ting palalain pa ang sitwasyon kinabusan ng ating bansa Kaya’t ano pang hini- na ating kinakaharap ngay- kaya mag-aral tayomg Mabuhintay natin? Huwag na na on, tayong mga kabataan ang ti upang bansa natin ay bumuti
plano ng magkasintahan at kapwa nilang gustong ipalaglag ang bata. Mayroon namang bunga lang ng kahalayan o ang pwersahang paggamit ng lalaki sa babae. Iilan lamang yan sa mga dahilan kung bakit isinasagawa ang aborsyon ngunit kahit sangdaang dahilan pa yan, hindi pa rin makatarungan ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan. Lagi nating tandaan na hindi ito ang paraan upang masulosyanan ang problema sa i
sinapupunan. Ang tanging at alalahaning may bunga iyan. paraan lamang ay tanggapin ito ng maluwag sa puso maging ito ay bunga ng intensyon o di inaasahan. Ang bata ay biyaya ng Maykapal at wala siyang kasalanan. Sa mga lalaki naman, magpakalalaki ka. Kung gaano katigas yung sayo nung gumawa ka, ganuon din sana katigas ang loob mong tanggapin ang responsibilidad mo bilang ama. Kaya sa mga magkasintahan, wag puro saya ng laman newbornbabyhealthymom.net Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
21
TULA Kaibigan ko ni Rica C.Bustamante
Ang kahapon ko’y may nagmamarkang saya, Panahong ‘di pa pag-ibig ang inuna, Inaaliw ang sarili sa barkada, Upang sarili ay lumigaya. Masaya kapag kasama ang barkada, At nagkukwentuhan sa mga problema. Kahit kami ay medyo nagdadrama na, Wala pa ring humpay ang aming pagtawa. Sila ang aking barkadang maasahan, Sa unos ng problema ay magtutulungan, Ito’ y Bandwagon Familia ang pangalan. Barkada na walang halong kaplastikan. Nagkakasama sa mga kalokohan, Ang bawat isa ay sinusuportahan. Kahit ang iba ay ‘di nagagandahan, ‘ Di pa rin patitinag aming samahan. Subalit kami muna’y maghihiwalay Ngayo’y tatahakin kanya-kanyang buhay Alaala ng kahapo’y iaalay Para sa pagkakaibigang dalisay Ngayon humarap sa realidad, Upang makamtan ang aming hinahangad, Dahil kami ay may responsibilidad, Sa mga pangarap na nais matupad. Sana bukas muli tayong magkaisa Para balikan ang kahapong kaysaya At muling bubuhayin ang pagsasama Na inaasan-asam ng bawat isa.
22
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
LakadPasulong
ni Emalyn Grace T. La-ab Nag-aalinlangang humakbang sa bagong mundong papasukan. Tila takot ay itinarak sa kaibuturan. Mga katanungang umalingawngaw sa isipan Kailan nga ba mawawakasan? Sa bagong sistema, tila tao’y binitag, Bahaghari yamang ‘di pa maaninag, Nawa’y sa kadilaman ay makaalpas, Bagwis mo sana ay muling papagaspas. Sa kalabang ‘di nakikita mundo ay biglang nabahala, Saan at kailan, magsisimula? Mga nakasanaya’y nagbago na lamang bigla. Walang pinalagpas, mayaman man o dukha Ngunit, yakapin mo ang mundong walang katiyakan, ‘Wag padadaig sa pusong salawahan, Maniwala ka sa Kaniya at dagok sa buhay ay malalagpasan at; Madilim mong mundo ay muling makukulayan. Taglay mo sa bagwis ang pagasa. Binihag man ng panahon ay lumaban ka, Sapagkat sa kapighatian man ay may bahaghari kang makikita. Lakad-pasulong! Lahat makakaya.
Buhayng Kaypait
Ni: Sydney C. Coloma Matamis kong mga ngiti, Pighati’y hindi mawari, Kalungkutan sa ‘king mata, Hindi mo makita sinta. Oh, hindi ko maiwasan, Satuwing nasa higaan, Luha’y hindi mapigilan, Ito’y tutulong lubusan. Ngunit kailangang lumaban, Pangarap nais makamtan, Sarili ay pagkatiwalaan, Pagsubok na ito’y malalagpasan. Diyos ay pagkatiwalaan, Gabay sa kanya’y makamtan, Manalig ka lang sa kanya, Tiyak buhay nati’y sasaya
TULA Tanging Ina ni Jennevive S. Manlawe
Nang nilikha ng D`yos ang langit at lupa Lahat ng kagandaha`y aking nakuha Maging kalawaka`y naiingit sa`kin Ikaw ba naman sa twina`y nagniningning Ngunit nang likhain ng Diyos ang tao Kaga ndahan ko`y unti-unting nagbago Dahil sa pag-usbong ng modernisasyon Ang kislap ko ay tila ba nababaon Ako`y nagalit , sanlibuta`y umiyak Pinunasan ko luhang tumatagaktak Sila`y nangakong ako`y aalagaan Ako, ang kanilang Inang Kalikasan.
Kahapon, Ngayon at Bukas ni Daisy P. Ambroce
Sarung Banggi ni Jonny G. STalacay Araw ay papalubog na,
Habang ikaw ay aking pinagmamasdan
Bakit ‘di maiwaglit ang kakaibang kislap
Lumuluha’t nakatitig sa kawalan
ng iyong mga mata,
Tila ba’y naghahanap ng kasagutan
Kariktan at yumi mo sa aking isip hindi
Kung bakit ito ang naging kapalaran
mawala-wala, Dala-dala ko sa pagtulog hanggang sa
Ika’y nawalan ng pag-asang mabuo
paggising tuwing umaga.
Ngayon sa buhay ikaw ay nalilito Lalaban pa ba o ikaw ay susuko
Sa dami ng magagandang dilag ikaw ang
Ramdam ang pagkabigo sa iyong puso
siyang nagustuhan, Ganoon nga siguro kapag puso na ang
Ang kadiliman na hatid ng kahapon
umiiral,
Pinagdurusahan magpahanggang ngayon Hangin ay maaring pigilan ngunit hindi Wari’y ang bukas ay hindi na aahon ang totoong nararamdaman. Kaya’t sa paglimot na lang ibabaon
Iniirog ko, sa pag-ibig mo ako sana’y maambunan.
Nang binalot ng kadiliman ang silid Isinabit mo ang inihandang lubid
Lahat ay nakahanda kong gawin,
Inisip na magwawakas na ang pait
Mapatunayan lang ikaw ay mahalaga sa
Sa kahapong dala’y pighati at sakit
akin, Nais kong sa bisig ko ikaw ay humimlay,
Konti na lang at matatapos mo na rin
Ngayon, bukas, at panghabambuhay.
Kalayaan ngayo’y iyong maaangkin Matutupad na ang tanging hinihiling
O binibini, handog ko awiting Sarung
Ngunit sa paghikbi ikaw ay nagising
Banggi, Pakinggan mo at pawiin ang lumbay at
Sa pagpatak ng luha sa mga mata
pighati,
Umiwas sa bukas na pait ang dala
Rapsodya ng pag-ibig tuluyan ng tang-
Tinapos na ang sariling pagdurusa
gapin,
Sana sa pagwawakas ika’y masaya
Sa pagsapit ng bukang-liwayway nawa’y ika’y ganap ng akin.
Hindi nasulyapan ang bagong umaga Pinilit umiwas at ayaw umasa
Tatawirin ko ang kabundukan at karaga-
Sa bukas na magbibigay ng pag-asa
tan,
Sana ay nasilayan ng mga mata.
Unos at bagyo pagsusumikapang pigilan, Wala kang dapat na ipangamba, Yayapusin kita hanggang sa ating pagtanda. Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
23
LIBANGAN Crossword Puzzle PAHALANG
PABABA
1. Damit na yaring abaka 7. Pagliit ng tubig 11. Pananagana 12. Pagkaluto ng sinaing 13. Yugyugin 14. Pagpapahayag ng pag-ibig 15. San Francisco __ Monte 16. National Irrigation Comission 18. Din 19. Maton 20. Barkilyos 23. Signed: daglat 24. Gamit ng sand paper 26. Jet 27 Mall sa Cubao 28 ____ Milby, aktor 31 Paghahasa ng metal 33 Gunita 35 Simple 36 Tanggihan 37 Halimuyak 38 Katutubo
1 Kuwatro 2 Biyuda/biyudo 3 Bughaw 4 Label 5 Dinala sa pawnshop 6 Lutong bigas 7 Taguri sa boksingero 8 Orasyon 9 Tuyot 10 Tinangay ng agos 17 Pang-ipt sa buhok 20 Tabing-dagat 21 Pahimakas 22 Bayan sa Tizal 25 Ireserba 28 Aba 29 Init 30 Paghalik sa kamay ng matatanda 32 Utusang lalaki 34 Administrative Appeals Tribual
Nakakatuwang Kaalaman... Ang blue whale ang pinakamalaking hayop sa Ang pinakamahabang payak na salitang Ta- galog ay “kapangyarihan”, na binubuo ng 11 letra mundo. Ang puso nito ay kasinlaki ng isang kotse at ang dila ay kasing haba ng elepante.
Ang Los Angeles California ay itinatag nong 1781 ng isang Filipino na si Antonio Miranda Rodriguez
Ang mainit na tubig ay mas mabilis na magyelo kaysa sa malamig na tubig.
Ang ating mga mata ay kumukurap ng 20 Ang makipagtalik ay nakadaragdag ng sampung minuto sa iyong buhay. beses kada minuto.
Ang pangungusap na “The quick brown fox jumps over the lazy dog” ay nagamit ang lahat ng titik sa English alphabet.
Ang makipagtalik ay nakadaragdag ng sampung minuto sa iyong buhay.
Ang cornea ng ating mata ang tanging bahagi ng ating katawan ang walang supply ng dugo.
24
Ang utak ng babae ay mas malaki ng 15% kaysa sa mga lalaki. Ang popular na laruan na yo-yo ay inimbento noong ika-16 na siglo ng mga mangangaso sa Pilipinas
Ang dila ang pinakamalakas na kalamnan sa ating katawan.
Ang Pilipinas ay maroon 200 bulkan, 24 sa Ang taong pinakamabilis tumakbo sa buong ay si Husain Bolt ng bansang Jamaica. mga ito ay aktibo. Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
Komiks..Komiks..Komiks..
Hunyo- Nobyembre Volume 14. No. 1
25