Ang Talipeño - Tomo V Bilang 1

Page 1

talipeño

YANO AI!

DepEd, tututukan ang pagtuturo ng responsableng paggamit ng AI sa edukasyon

Sa kabila ng kawalan pa ng konkretong programa para limitahan ang Artificial Intelligence (AI) sa edukasyon, nagpaalala na ang DepEd Quezon na maghinay sa ‘di makatwirang paggamit nito.

PAGBILAO, QUEZON - Pagtutuunang-pansin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) Quezon ang kanilang mga hakbang sa pagpapatupad ng responsableng paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bunsod ng lumalalang impluwensiya nito sa edukasyon.

Ayon kay Quezon Division Office Supervisor Abner L. Pureza, kailangang tugunan ang lumalalang pagdepende ng mga estudyante at guro sa AI dahil makasisira ito sa pagtataguyod ng kalidad na edukasyon.

“Artificial intelligence first and foremost is created to help for a system to be easy. May responsibility ang paggamit noon. Positive ang purpose niya kaya lang the purpose is defeated kapag ginagamit siya in a negative way,” paliwang ni Pureza.

Dagdag pa niya, dapat ituro ang tamang paggamit nito sa mga guro at estudyante na suking-suki ngayon ng mga AI application, lalo na sa paggawa ng mga essay, researches, at quizzes.

“It’s a matter of inculcating positive values sa mga bata at sa mga kapwa workers na too much dependent on technology… Yung value of responsibility na basta keep on teaching fellows or the young and even co-workers na kailangan pinaghihirapan ang lahat,” diin nito.

Kaugnay nito, suportado ng DepEd ang paggamit ng MultiDimensional Assessment Test kung saan awtentiko dapat ang mga katanungan na gagawin ng guro at hindi basta na lang galing sa AI.

Aniya pa, nakikita ring banta sa work efficiency ng bansa ang patuloy na pag-abuso sa paggamit ng AI dahil binabalewala nito ang mga kailangang kakayahan na dapat matututuhan ng tao.

“What kind of work are we expecting kung produkto ng mga ganitong pang madalian at nakuha nang ‘instant’ ang mga

Tutugon lang tayo sa mga plano ng DepEd

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at mga plano nito upang maisalba ang sistema ng edukasyon ng bansa matapos ang bagsak na resulta sa pinakabagong Programme for International Student Assessment o PISA.

Ayon kay Dr. Luningning R. Mendoza, Punongguro, walang ibang solusyon sa mababang sistema ng edukasyon kundi ipagpaubaya ito sa mismong Kagawaran na may mga hakbang na ring inumpisahan sa ikaaayos ng sistema bago pa man lumabas ang PISA results ngayong taon.

“Una sa lahat, tutugon lang tayo sa mga gusto nila. Sila ang mas nakakaalam sa posibleng solusyon at tayo na nasa baba ay kailangan lang gawin yung part natin

lalo’t higit ang mga guro sa English, Math at Science para sa kinabukasan ng mga mag-aaral,” ani Dr. Mendoza. Matatandaang sa inilabas na PISA results ng Organization for Economic and Cooperation Development (OECD), lumabas na halos walang paggalaw sa ranking ng Pilipinas mula 2018 at 2022 kung saan ‘five to six years behind’ ayon sa PISA ang kalalagayan ng edukasyon sa bansa.

“If we follow the computation (of PISA) with caveats, based on the OECD

with socioeconomically advantaged students, we can see that (we) are around five to six years behind,” ani Alexander Sucalit, officer-incharge ng DepEd’s Bureau of Education AssessmentEducation Research Division sa isang panayam. Samantala, hinamon naman ng paaralan ang mga guro nito sa English, Mathematics, at Science na gawin lahat ng kanilang makakaya upang matulungan lalo’t higit ang mga mag-aaral na maging handa sa kinabukasan.

indi nakapalag ang mga guro nang bantaan silang kakasuhan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) kaugnay sa pambabalewala umano sa DepEd Order No. 21 o Operation Baklas sa mga visual aids na nakapaskil sa mga silid-aralan.

Panukalang pagtuturo sa hayskul ng paglaban vs korapsyon, suportado ng Talipan

>> ARIANE JOY M. ALAN Grade 9 FL

iniyak ng Talipan National High School (TNHS) ang suporta nito kung sakaling aprubahan ang House Bill No.9054 o ang “Anti-Graft and Corruption Education Act” na naglalayong isama sa basic education program ng bansa ang pagtuturo ng mga araling hinggil sa masasamang epekto ng korapsyon.

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON >>
H T
PAGLABAN VS
Pahina 3
OPERATION BAKLAS | Pahina 3
KORAPSYON
YANO AI | Pahina 3 Infograpiks ni: Jase Gerald Arquiza Ilustrasyon ni: Jase Gerald Arquiza

Pangulo ng mga LGBT sa Pagbilao, target palakasin ang mga programang pangkalusugan

Ipinatupad ng samahang LGBTQ Pagbilao sa pamumuno ni Michael Ortega Sayson ang proyektong Training of Peer Educators for LGBT upang puksain ang lumalalang krisis ng HIV sa lugar . Layunin ng programa na makapagkasa ng mga libreng seminar at oryentasyon hanggang sa mga liblib na lugar upang maipalaganap ang kamalayan sa mga nakahahawang sakit gaya ng HIV, STI, at AIDS,” pahayag ni Sayson.

- ALMIRA FATE B. LUSANTA / Grade 10 MPT

ESPESYAL NA ULAT

Bunsod ng muling pagpalo ng kaso ng HIV, AIDS

DepEd, todo-kayod para proteksyunan ang kalusugan ng mga mag-aaral

Tututukan ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalakas ng programa bunsod ng pagsipa muli ng kaso ng Human Immunodeficienc Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) lalo’t higit sa mga ka

Ayon sa Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Bise Presidente Sara Duterte, kasabay ng pagpalo ng kaso ng HIV sa Pilipinas ang pag-akyat din nito sa mga nasa edad 13 hanggang 19, bagay na dapat bigyan anila ng kaukulang atensyon. “Yung HIV incidents po sa youth sector. Tumataas din po. ‘Yan din po yung gustong tutukan ng center,” ani Duterte sa diskusyon kasama ang Sangguniang Kabataan president ng Davao City.

Base sa inilabas na datos noong Pebrero 2022, 1,236 na pawang kalalakihan ang may pinakamaraming tala ng kaso habang may 56 kaso naman sa kababaihan.

Dagdag pa rito, 373 ang naitalang nasa edad 1524 samantalang 56 naman ang bagong tuklas na kaso sa mga batang edad 19 pababa.

Lumalabas ding sexual contact ang pangunahing dahilan ng pagkahawa sa sakit kung saan 905 o 71% ang mula sa pagtatalik ng lalaki sa lalaki, 148 o 12% ang mula sa pagtatalik ng babae’t lalaki, at 224 o 17% naman sa parehong lalaki’t babae.

Upang solusyunan ang namamagang kaso, patuloy na ang pag-abante ng mga School-Based HIV and AIDS Education Program upang magbigaykamalayan sa sakit partikular na sa mga lugar na lubhang apektado nito tulad ng lalawigan ng Quezon.

Suporta ng Talipan Bilang pagsuporta sa kampanya kontra HIV at AIDS, kasama ang mga kinatawan ng DepEd Quezon, nagsanib-puwersa ang mga ahensya’t grupo upang mailunsad ang T.E.E.Ndig Center sa Talipan National

High School (TNHS) na layong maisulong ang pagpapakalat ng kamalayan naturang sakit sa lalawigan.

“The T.E.E.N.Dig Kabataan! Kalusugan ay Pahalagahan Program is initiated by Department of Health CHD Calabarzon in partnership with DepEd, LGUs and Congressional Representatives. …project aims to address mental health issues, teenage pregnancy, HIV awareness, and other health issues among adolescents.,” ayon sa Health Education and Promotion Unit.

Samantala, tuloy naman sa pagarangkada ang Dealing Against the Stigma of HIV (DASH) Quezon Province sa kanilang pagbibigay ng tutuluyan habang ginagawa pa ang laboratory test ng mga biktima sa pagamutan.

“Sila (mag-ina) ay nangangailangan ng matutuluyan dito sa Lucena para sa gagawing mga laboratory test sa anak na isang PLHIV at may schedule na check up sa ating Partner Facility, ang QMC-Live Positive Wellness Hub. Sila ay ating pinatuloy sa ating kanlungan upang maibsan ang kanilang pangamba na wala sila matutuluyan dito sa Lucena,” batay sa inilabas na post ng grupo.

Bilang tugon sa pagtaas muli ng kaso, mas pinaigting pa ng mga grupo at ilang sangay ng edukasyon ang libreng pamimigay ng HIV testing kung saan mananatili ring nakatago ang pagkakakilanlan ng tao.

Mga guro, nanawagan sa mas malinaw na guidelines ng Programang “Catch-Up Fridays”

Mga nakaparkeng sasakyan sa loob ng kampus, ‘hazard’ ayon sa SDRRM

U M

mapela ang ilang guro ng Talipan National High School (TNHS) sa ibinabang Memorandum No. 001 ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) o ang Programang “Catch-Up Fridays”, dahil sa paspasang pagpapatupad nito sa mga paaralan.

Ayon kay Gracie Sancho, English Teacher, humihiling sila sa mas malinaw na guidelines ng naturang programa dahil sa pangangapang nararanasan ngayon ng mga guro sa gitna ng biglaang implementasyon nito.

“Maganda ang layunin kaya lang, hindi ko nagustuhan na biglaan ang implementasyon... Pwede s’yang magkaroon ng cramming sa part ng mga teachers,” ani Sancho. Sa gitna ng paggulong ng memorandum, naging kanya-kanya umano ang naging pakulo ng mga guro partikular na sa pagpapasigla ng kanilang klase, makasunod lamang sa layunin ng “Catch-Up Fridays” na ipinag-uutos ng ahensya.

“Ang mga teachers ay medyo nagkaiba-iba ng ginawa. Hindi naging solid. Mas maganda sana kung may isang program na standardized yung gagawin ng bawat guro hindi yung kung ano ang maisipan, ‘yun ‘yung gagawin namin.,” paliwanag pa ng guro.

Kaugnay nito, mahirap din daw na hindi sila nabigyan ng sapat na pagsasanay kaya naliligaw pa rin sila sa mga bagay na dapat bigyang pokus at ituro sa klase, na dapat ay pasok sa tinatarget na layunin ng Kagawaran.

“Even though teacher ka, na dapat always ready ka, siyempre mas less ang stress kapag well-oriented,” dagdag pa ni Sancho.

Samantala, dumaing din ang ilang estudyante dahil binago rin nito ang iskedyul ng mga klase kung saan nasiksik ang oras ng mga asignatura sa isang araw at nawala ang dating isang oras na bakante.

“Nakakalito yung bagong schedule saka nakakadrain dahil wala ng vacant,” ani Clairy Sta. Juana, Grade 7 student.

Layunin ng “Catch-Up Fridays” na bigyang pokus ang pagtuturo ng literacy at numeracy sa mga magaaral bilang tugon sa mababang resulta ng Pilipinas sa Programme for Internation Student Assessment (PISA).

uling nagpaalaala ang School Disaster Risk Reducation Management (MDRRM) na ‘hazard’ o panganib umano ang mga nakaparkeng sasakyan sa loob ng kampus lalo’t higit para sa mga estuydanteng wala nang mapuwestuhan sa oras ng evacuation.

DISPLAY LANG?

Sunud-sunod na nakawan sa loob ng paaralan, bigong makunan ng mga CCTV

alang bisa. ‘Yan na lamang ang nasabi ng ilang mga guro’t mag-aaral sa palpak na paggamit ng CCTV ng paaralan matapos bigong makunan ang ilang ulit na nakawan sa loob ng paaralan.

Sa planong pag-iimbestiga sana upang matukoy ang mga salarin sa mga pagnanakaw ng mga importanteng gamit ng ilang guro at mag-aaral, nadiskubre naman na ‘display’ lang pala ang mga nakakabit na CCTV cameras sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. “Para sa akin sayang lang kung di rin naman nagagamit nang tama. Ano pa at naglagay niyan? Sana’y masolusyunan agad ito nang magkaroon talaga ng takot ang mga malilikot ang kamay na gumawa ng masama,” ani Nerissa Nandiego, guro na nawalan ng salapi nitong Nobyembre lamang.

Ayon kay Andrew Carmelo C. Rubico, SDRRM Coordinator, bukod sa delikado ang pagkakaparada ng nasa 10-15 sasakyan sa quadrangle at covered court, agaw-espasyo rin ang mga ito sa mga aktibidad ng paaralan. “Wala na talaga mapuwestuhan ang mga estudyante. Kapag may activity ang school kailangan pa tawagan ang may-ari (ng sasakyan) para magamit ang lugar,” ani Rubico. Bagama’t may pansamantalang nakalaan namang parking space sa mga sasakyan sa labas ng kampus, naging mahirap naman sa mga guro at empleyado na gamitin iyon dahil sa layo nito sa paaralan, dahilan para magsibalikan muli sa loob ng kampus ang mga naturang sasakyan.

Talipan National High School Pagbilao, Quezon Rehiyon IV-A CALABARZON >> JENNEVY A. ALARCON Grade 10 MPT TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023MAYO 2024
2
>> JOHN ROI E. ALEGRE Grade 10 MPT >> YUAN MIGUEL A. DE RAMOS Grade 11 STEM RNA >> JEIANA
JUCO Grade 11 STEM RNA
RON B.
W
nasa
mag-aaral ang mga nakaparkeng sasakyan tulad ng kotse at motor sa loob at labas ng paaralan na ayon naman sa School DRRM ay malaking sagabal sa kilos at evacuation ng mga estuydante tuwing mga aktibidad at drill. “Hazard” ‘di umano ang naging ebalwasyon ng SDRRM. MDRRMC at BFP na nais namang solusyonan ng paaralan. (Kuha ni Paula Kathleen Lustado)
DELIKADO NA. Nakikipagsiksikan sa
3,000
Infograpiks ni: Jase Gerald Arquiza
BALITA
DAGLING

Bigong makalahok sa International PDLAI Hybrid Music Championship ang anim na miyembro ng Talipan NHS Marching Band na lalaban sana sa Duo Snare, Marimba, at Duo Percussion categories sa bansang Indonesia matapos kulangin sa panahon para sa preparasyon at kakapusan ng badyet. Ayon kay Lucila, tagapayo ng banda ng TNHS, kahit na kwalipikado na ang mga mag-aaral sa nasabing kompetisyon, naging malabo ang partisipasyon ng mga ito dahil na rin sa kakulangan ng mga requirements at permit na kailangan para makalipad sa ibang bansa. - HACEL AN FALSADO / Grade 11 ABM

bagay-bagay,” pahayag pa ni Pureza.

Samantala, kinondena na rin ng University of the Philippines Diliman Artificial Intelligence (UPD AI) ang maling paggamit ng AI matapos lumantad ang kaso ng estudyanteng nagpasa umano ng kaniyang requirements, ngunit napag-alamang isang AI-generated.

Paliwanag ni Francisco Jayme Guiang, propesor sa UP, matapos umano niyang suriin ang awtput ng mag-aaral gamit ang dalawang AI detectors, lumalabas na gawa ng isang teknolohiya ang ipinasa nitong sanaysay.

Dahil dito, naalarma ang ilang bahagi ng sektor ng edukasyon sa posibleng pang-aabuso pa sa mga sikat na AI applications gaya ng Chat GPT, na itinuturing na isang uri ng ‘academic dishonesty’.

Sa katunayan, inihayag ni DepEd Secretary Sara Duterte na kahit na nakatutulong ang AI sa pagpapabilis at pagpapadali ng proseso, hindi nito mahahasa ang kritikal na pag-iisip ng mga estudyante kung mali ang paggamit.

“It is equally important to teach children how to differentiate truthful information from the untrue, to know what contributes to a learner’s development and what does not… Critical thinking has become more important than ever,” ani Duterte.

Sa kabilang banda, ika-16 ng Nobyembre lamang nang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na handa na ang Pilipinas sa pagsisimula ng AI Revolution, bagay na tutulong pa sa pag-angat ng bansa.

“The Philippines is ready to become your partner in navigating the AI future,” pahayag ng Pangulo sa dinaluhan nitong pulong kasama ang ilang bansa sa APEC Summit.

loob ng mga klase. (Kuha ni John David Jus) Ayon kay Ivy L. Hicana, guro sa Talipan, mapipilitan silang sundin na lamang ang utos ng kagawaran sa takot na rin na mapahamak dahil lamang sa ‘di pagsunod sa nasabing kautusan.

Samantala, nagpaalala rin ang isang ICT teacher sa Talipan na silipin at i-monitor ng mga guro ang awtput ng mga mag-aaral para maging mabisa pa ang kanilang pagtuturo sa kabila ng impluwensya ng AI.

“Kailangan gawin ng teachers ay i-orient yung mga bata sa tamang paggamit ng AI. Pwedeng madivert yung academic dishonesty sa benepisyong paggamit ng AI ‘pag marunong mag-handle ang teacher,” aniya.

Dr. Mendoza sa planong pagbubukas ng mga special program sa Talipan: Panahon na para simulan

MARL JARRED A. ENCINA Grade 10 MPT

Target buksan ngayon ng Talipan National High School (TNHS) ang susunod na taong-panuruan nang may isang DepEd Special Program, ang Special Program in Journalism o SPJ habang patuloy naman sa paggulong ang aplikasyon ng iba pa.

Naniniwala si Punongguro IV, Dr. Luningning R. Mendoza na napapanahon na para magbukas ng mga DepEd Special Programs ang Talipan National High School upang lalong mahubog ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan.

Ayon kay Dr. Mendoza, nasa hustong gulang na ang paaralan para mag-implementa ng mga espesyal na programa upang mas matutukan ang mga mag-aaral na may potensyal sa mga larangan tulad ng pamamahayag, siyensya, isports at sining.

“Unang taon ko pa lang dito, iyon na talaga ang isa sa mga plano natin na magkaroon ng mga special programs dito sa atin. Maganda ito kasi matutulungan talaga ang mga estudyante na gumaling doon sa linya na interes talaga nila sa maagang panahon pa lamang,” paliwanag ng punongguro sa ginanap na SBM Meeting noong Setyembre.

Dagdag pa niya, naunahan na ang Talipan ng ibang mga kapwa malalaking paaralan sa Sangay ng Quezon kaya dapat ‘di na ito magpahuli pa sa magandang oportunidad na pwedeng ialok sa mga batang Talipeno.

Sa ginanap na pagpupulong din, inilatag ng mga ulongguro ang ilang mga program na posibleng simulan sa susunod na taong-panuruan kabilang ang Special Program in Journalism (SPJ), Special Science Class (SSC), at Special Program in the Arts habang maaga namang tinaggihan ng ilang ulongguro ang paglulunsad ng Special Porgram for Sports (SPS) dahil sa malinaw na kakulangan ng paaralan

sa espasyo at mga pasilidad para sa pampalakasan.

“Sa ngayon gumugulong na ang SPJ matapos ayusin ni Sir Jerwin Tierra sa gabay ng mga Head Teachers sa English at Filipino Department na sina Mrs. Gina A. Grezula at Mrs. Roselyn Acesor at maisumite ang 345-pages na documents na kailangan for application,” ani Dr. Mendoza na tumugon din sa panawagan ni Education Program Supervisor (EPS) sa Campus Journalism Abner L. Pureza na nagpahayag ng interes na tulungan ang Talipan NHS sa pagkakaroon ng naturang special program sa kabila ng maprosesong aplikasyon ng mga ito. Samantala, upang maisakatuparan naman ang isang special program, ilan sa mga hakbang na dapat gawin ay ang pagsusumite ng Liham ng Layunin (Letter of Intent) kalakip ang 3-Year Implementation Plan Matrix na nagsasaad ng mga mga gawain, layunin at mga pangangailangan ng programa sa susunod na tatlong taon. Bukod dito, kailangan ding maihanda ng paaralan ang ilang mga pasilidad na kakailanganin sa pagsisimula o pilot implementation ng program tulad ng silidaralan, laboratoryo, mga kagamitan tulad ng kompyuter, curriculum, most-essential learning competencies na ituturo sa mga specialized subjects, pagsasanay para sa mga gurong mapipiling magturo at malinaw na sustainability plan ng paaralan para mapanatili ang programa na aktibo at epektibo.

Kasalukuyan namang sinisimulan na rin ang pagpaplano at pag-aasikaso ng dokumento para sa aplikasyon ng SSC at SPA na pangungunahan naman ng Science at MAPEH Departments ng Talipan.

5-8 non-teaching personnel, kailangan para sambutin naiwang admin tasks ng mga guro

>> ALMIRA FATE B. LUSANTA Grade 10 MPT

Nakasiksik pa rin sa trabaho ng ilang guro ang mga administrative task na dapat ay ipapasa na sa mga non-teaching personnel dahil wala pang sasambot sa paggawa nito.

anawagan ang punongguro ng Talipan National High School sa Kagawaran ng Edukasyon na nangangailangan pa ang paaralan ng lima hanggang walong non-teaching personnel para punan ang naiwang admin task ng mga guro.

Ayon kay Marina R. Abueva, Punongguro IV, humihiling ang paaralan sa dagdag na empleyado para mas matutukan na ng mga guro ang pagtuturo at paggawa ng mga leksyon sa klase.

“Sa ngayon, kulang pa rin po ng nasa five to eight non-teaching personnel dito sa Talipan kaya hawak pa rin ng ilang guro yung admin task na ipinag-utos nga na tatanggalin na dapat sa kanila at ipapasa sa mga non-teaching (personnel),” paliwanag ni Abueva.

Pahayag pa nito, kabilang ang 4Ps, Health, School Information, feeding, management, at iba pang programa sa mga kailangan nang maipasang trabaho.

Wika ng isang MAPEH teacher na umaasikaso

rin ng health services sa paaralan, magiging maalwan para sa kanila ang trabaho kung mapapabilis din ang proseso ng pagpapasa ng mga gawaing hindi na sakop ng kanilang pagtuturo.

“Maganda sana kung may mare-recruit na sila at ide-designate dito sa Talipan para gumaan na yung trabaho namin. Eh hanggang ngayon, naghihintay pa rin kami ng sasalo nito,” aniya.

Matatandaang ipinag-utos nito lamang Enero 2024 ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ang pagkalyos sa mga non-teaching tasks o extra duties sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bisa ng DepEd Order 002 para matiyak na matutukan ang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Samantala, nangangailangan naman ang DepEd ng nasa 10,000 admin personnel upang sumalo ng mga gawaing iiwan ng mga guro sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

upang maimbestigahan din muna ito bago sampahan ng kaukulang kaso.

“Siyempre bilang guro na ginagawa lang naman ang tungkulin ko as a teacher eh matatakot talaga ako. Susundin ko na lang siguro na tanggalin lahat (ng decorations) kung ‘yon ang sa tingin nilang tama,” ani Hicana.

Gayunpaman, ayon naman sa isang ulat, pagbibigyan ng Kagawaran na magpaliwanag at makausap ang mga gurong lalabag sa patakaran

“Kung meron hindi sumunod, we will find out first bago natin kasuhan ang teacher,” paliwanag ni Michael Wesley Poa, Spokesperson ng DepEd sa isang ulat na inilathala sa Abante Tonite.

Samantala, sinabi rin ng ahensya na kasama sa mga dapat baklasin ang mga visual aids, larawan ng mga bayani at pati na ang larawan ng Presidente at Bise Presidente na mismong nagpapatupad ng kautusan para mas ‘makapag-focus ang mga estudyante’ saad ng DepEd.

Sa isang panayam kay Dr Rodante De Castro, Ulongguro sa Araling Panlipunan, magandang bagay umano ang kautusan dahil maaga nitong maipamumulat sa bawat indibidwal ang masamang epekto ng korapsyon at kung paano ito malalabanan.

“Magandang kautusan ito ano kasi sa maagang edad pa lang eh mauunawaan na agad ng mga bata ang mukha ng korapsyon. Siguro ay dapat lang talagang pag-aralan mabuti kung paano ito ilalapat sa kurikulum natin dahil sa totoo lang eh napaka-sensitibo pa rin ng paksang ito,” pahayag ni Dr. De Castro.

Kaugnay nito, ipinasa ang panukalang nasabing panukala ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes kung saan isasali sa kurikulum ng mga mag-aaral ang ‘good conduct’ at ‘ethical standards’ na ituturo ng mga empleyado at opisyal ng paaralan. Ayon kay Reyes, kabilang dapat sa bubuoing modyul ang mga batas gaya ng Republic Act (RA) No. 6713 o ang “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, RA No. 3019 o “Anti-Graft and Corruption Practices Act, at ang RA No. 6770 o ang “Ombudsman Act of 7989”.

3 TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024
|
|
Partisipasyon ng Talipan NHS Marching Band sa Indonesia, napurnada
Talipan National High School Pagbilao, Quezon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SPJ SA TALIPAN. Sinasanay ni Jerwin S. Tierra, Tagapayo ng Pahayagang Pampaaralan ang mga batangmanunulat ng Talipan National High School sa pagguhit ng kartung editoryal bilang bahagi ng kanilang araw-araw na campus journalism class pagkatapos ng mga regular na klase. Sa pagkasa ng Special Program in Journalism o SPJ, nais ni Tierra na mas maging pormal ang pagtuturo ng dyornalismo sa
>>
Operation Baklas | Mula Pahina 1 Paglaban vs Korapsyon | Mula Pahina 1
DAGLING BALITA
Yano AI | Mula Pahina 1
maalwanan ang trabaho at mas naging produktibo siya matapos alisan ng mga extra duties bunsod ng DepEd Order No. 02 na layuning tanggalin ang mga administrative duties ng mga guro. (Kuha ni Ainah Marie
BAWAS PASANIN. Tinuturuan ni Jeane Dela Pena, Guro sa TLE 10 ang mga mag-aaral sa kanyang klase. Ayon kay Dela Pena, mas naging M. Ayaton)
N

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024

Binibigyan ng oryentasyon ng isang guro mula Senior High School ang mga kwalipikadong

maunlad ang mga ABM students sa iba’t ibang aspeto ng naturang academic strand. (Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton)

Talipan High, target gayahin ang cellphone ban sa Norway

>> SAMANTHA CLAIRE R. MENDOZA Grade 10 MPT

alak ipatupad ng Talipan National High School ang cellphone ban sa mga mag-aaral na nauna nang sinimulan sa bansang Norway at napatunayang may magandang benepisyo sa mga estudyante sa isang pag-aaral.

Ayon kay Marina R. Abueva, Punongguro IV, naniniwala siyang magiging epektibo rin ang pagpapaliban ng pagdadala ng smartphones para makapagpokus pa lalo sa klase ang mga mag-aaral.

“Pu-puwede natin s’yang gawin. Kasi yung cellphone, nagiging distraction talaga minsan sa klase. Saka madalas na naroon ang atensyon ng bata kaysa makipag-usap o magaral,” paliwanag ni Abueva.

Pahayag pa niya, napatunayan din sa pag-aaral na inilathala ng Norwegian Institute if Public Health na apektado raw ang kasanayan ng mag-aaral sa pakikipagusap nang harapan dahil mas nagiging tutok sila sa social media at paglalaro ng kanilang cellphones.

“Marami kasing effect ang phone sa well-being talaga ng bata at isa na nga rin yung pag-decline ng reading abilities at pagiging tamad. Without phones, mas mabo-boost yung concentration nila sa klase,” aniya pa,” ani Abueva.

“Isa pa, the report found a 46% decrease in reported bullying incidents among girls and a 43% decrease among boys. SO, talagang epektibo talaga,” dagdag pa niya.

Ang Talipeno, kinilala bilang isa sa pinakamahusay sa pagbabalita sa pangkampus na pahayagan sa buong Pilipinas

Itinanghal bilang isa sa pinakamahusay sa pagbabalita ang pahayagang Ang Talipeno ng Talipan NHS sa buong bansa matapos masungkit ang ika-apat na puwesto sa nakaraang 2023 National Schools Press Conference (NSPC) sa Lungsod ng Cagayan De Oro. Ayon kay Ronalyn P. Portes, dating Punong Patnugot ng pahayagan, ito ang kaunaunahang parangal na natanggap ng Talipan sa pambansang lebel. - JAMES

10 ERM

Bunsod ng zero percent passing rate sa mga accountancy course entrance exams

SHS Dept., naghigpit sa pagtanggap ng mga ABM student

EDELWEISS M. PRINCIPE

>> GERTRUDE SOFIA

Grade 10 MPT

Matapos maalarma sa kawalan ng accountancy-related course passers ngayong taon, naghigpit na ang Senior High School (SHS) Department ng Talipan NHS sa pagtanggap ng mga incoming Grade 11 students na kukuha ng Accountancy and Business Management (ABM) strand.

Sa isang panayam kay Dr. Rosemarie B. Nolasco, SHS Coordinator, tulad ng ibang strands nagkaroon na rin ng proseso ang pagpili ng mga estudyanteng mapapabilang sa ABM strand kung saan tanging mga kwalipikado lamang ang maaaring magpatuloy sa kanilang enrollment.

“Just like in STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics) strand, hindi bastabasta makapapasok ang isang student kung ‘di siya papasa sa qualifying examination and ofcourse may interview din siya para masala talaga natin yung mga estudyante na kukuha ng strand na ito,” paliwanag ni Dr. Nolasco.

Dagdag pa niya, nakatuon ang naturang pagbabago hindi lamang para maisalba ang programa ng paaralan kundi para bigyang prayoridad din ang mga mag-aaral na nasa linya ng interes ang accountancy, business, management at iba pang kaugnay na larangan.

“Ito naman kasi ang pinakang-purpose ng Senior High ‘di ba, maibigay yung initial na background sa mga estudyante para pagdating nila sa kolehiyo ay marami na silang alam at madali na para sa kanila na tahakin ang kurso na ‘yon,” wika ng koordineytor.

Bago ang aktwal na enrollment, dadaan sa unang parte ng kwalipikasyon ang mga mag-aaral na nais kumuha ng naturang strand sa isang pagsusulit. Pagkatapos nito, bawat mag-aaral na pumasa ay kailangang dumaan din sa isang interbyu kung saan

pinal na sasalain ang mga mag-aaral para maideklara ang mga kwalipikado.

“Medyo mahirap po ‘yung exam pero nauunawaan ko naman po lahat na iyon ay para mapili talaga kaming mga bagay sa strand na ABM. Medyo malas nga po kasi batch pa namin itong inabutan pero masaya naman po kasi nakapasa naman ako,” ani John Nico Ruz, Grade 11 ABM student.

Bukod dito, nais ring palakasin mismo ng mga guro sa SHS na nagtuturo ng naturang strand ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga organisasyon na magbibigay ng mga aktibidad at programa para sa mas ikauunlad ng mga mag-aaral sa ABM.

“Tulong-tulong at wala nang hinto tayo dito. Hindi natatapos sa pagsasala ng mga qualified students ang pagpapalakas natin sa mga ABM students bagkus, bibigyan pa natin sila ng maraming opportunities upang gumaling talaga sila,” ani Gilbert Urciana, guro sa ABM.

Sa kasalukuyan, may dalawang pangkat ng ABM sa Grade 11 ng Talipan na binubuo ng 45 na lalaki at 62 na babaeng mag-aaral na dumaan sa pilot implementation ng naturang proseso ng kwalipikasyon.

“Sa unang taon, may ilang lapses pero forgivable naman ang mga ito. Mahalaga nakuha natin ‘yong mga dapat makuha (na mag-aaral) at aasahan nating magiging simula na ito ng magandang future para sa mga ABM students natin dito,” wika ni Dr. Nolasco.

Mga residente sa DENR: Tutukan ang quarry operations sa Quezon

mapela ang mga residente sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bigyan ng kaukulang pansin ang ‘di umano’y ilegal na pagmimina sa paanan ng Bundok Banahaw sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Ayon sa residenteng si Edz Morillo, mariin nilang kinokondena ang ilegal na quarrying kaya’t nananawagan sila sa ahensya na umaksyon at imbestigahan ang nasabing isyu.

“Baka naman ho pwedeng sagutin ito ng tagaDENR at PMRB… ang ganitong mga aktibidad nawa ay maimbestigahan upang malaman kung sino ang nasa likod ng mga quarrying. Hahayaan niyo na lang ba na magpatuloy ito?,” giit niya.

Dagdag pa nito, nais din ng mga residente at grupo na silipin din ang panay-panay na pagsabog sa lugar, bagay na dumaragdag sa takot ng mga taong naninirahan malapit rito.

Bukod dito, nangangamba rin ang taong-bayan sa pinsalang dala nito sa kalikasan lalo na’t lubhang apektado ang kalagayan ng Bundok Banahaw.

“Huwag naman sana itong (Banahaw) umabot na makalbo at tuluyang mapabayaan ang ganda ng bundok. Nakakalungkot dahil malaki ang epekto nito sa ating kapaligiran,” ani Jhenny Orinday, residente.

Sa kabilang banda, nagkasa na ng petisyon at

kilos-protesta ang mga samahan kabilang ang Diocese ng Lucena, Save Bundok Banahaw Network, at mga Sangguniang Kabataan ng iba’t ibang barangay.

Samantala, nagbigay na rin ng utos ang gobernador ng lalawigan sa ahensya ng Provincial Mining and Regulatory Board (PMRB) at Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), na siguruhing matigil na ang iligal na aktibidad.

Pahayag pa ni Gov. Helen Tan, hinihimok niya si Sariaya Mayor Mayor Marcelo Gayeta na pangunahan ang pagpapatigil sa quarrying operations dahil hawak din naman nito ang awtoridad.

“Naniniwala po ako na nasa kanyang kapangyarihan na anytime kapag may nakitang paglabag doon sa regulation ng mga operators or permittist natin ng quarry, pwede n’ya pong i-cancel at i-suspend ang kanilang mga business permit,” giit niya.

Kaugnay nito, nauna nang umingay ang isyung ‘naghuhugas-kamay’ ang punong bayan ng Sariaya matapos itanggi ang mga alegasyong pinayagan niya ang pagsasagawa ng naturang operasyon.

Nagpahayag ng pagtutol ang ilang grupo ng mga kabataan at environmentadvocates kontra sa mga quarrying operations sa paanan ng Bundok Banahaw noong ika-15 ng Mayo, kasabay ng selebrasyon

Hasungkit ng Grade 7 student mula Talipan High na si Dydrae Lavayne Genicera o mas kilala sa tawag na Dylan ang ikalawang puwesto sa pinakabagong season ng Tawag ng Tanghalan Kids sa noontime show na It’s Showtime.

Matapos ang serye ng mga eliminasyon, tagumpay si Genicera na makarating sa Huling Tapatan bilang pambato ng bayan ng Pagbilao, Quezon.

“Masaya po na nakarating po ako dito (Grand Finals). Inaalay ko po ang panalong ito sa pamilya ko po at mga pamilya ko rin po sa Talipan (NHS). Sa kompetisyon na ginanap noong ika-20 ng Abril, pumasok ang pambato ng Pagbilao, Quezon sa Final 3 matapos awitin ang kantang ‘Believer’. Nagpakitang-gilas naman ang 13-anyos na Talipeno sa kakaibang bersyon nito ng awiting ‘Tao’ para sa kanyang finale song kung saan napabilib nito ang mga taga-suporta at mga hurado na kinabibilangan ng mga kilalang mangaawit sa bansa. Nagtala si Genicera ng 96.6 porsiyento, sapat para pumangalawa kay Kim Hewitt mula Dumaguete City na itinanghal na kampeon ng naturang kompetisyon sa iskor na 96.7 porsiyento. Nagpahayag ng pagbati ang pamunuan ng Talipan NHS sa talentong ipinamalas at inspirasyon ni Genicera sa kanyang mga kaeskwela at kapwa kabataang Pagbilaowin. ALMIRA FATE B. LUSANTA Grade 10 MPT Mag-aaral

4
BRYANT T. RUSTIA / Grade SINALANG MABUTI. magaaral sa Accountancy, Business and Management o ABM Strand bago sumabak sa kanilang Immersion Duties ngayong taon. Nais ng Talipan NHS -Senior High School Program na mas maging epektibo at
B
sa Grade 7, wagi sa Tawag ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime
BALITA >> REINE ARABELLE L. MONTEREY Grade 12 HUMSS LCT ULAT-SIYASAT ILIGTAS ANG BANAHAW.
ng Pahiyas Festival sa bayan ng Lucban, Quezon. (Larawan mula sa Save Banahaw Movement) U
DAGLING

- CHRISTINE JOY R. RIODEQUE / Grade 8 MFL DAGLING

Mga taga-Talipan, hati ang opinyon sa pagbubukas ng kauna-unahang outlet mall sa lugar Suportado habang kontra naman ng ilan ang pagbubukas ng pinakaunang mall sa bayan ng Pagbilao na matatagpuan sa Sitio Fori Brgy. Talipan sa labas mismo ng Talipan NHS. Makakatulong umano sa mabilis na pagbili ng mga kailangang suplay ang mga mamamayan at mag-aaral nang ‘di na namamasahe. Giit naman ng ilan, posibleng maging tambayan naman umano ito ng mga estudyante.

KULTURANG GINAYA?

Kulturang nilala o kulturang ginaya? ‘Yan ang reaksyon ng mga Pagbilaowin matapos umanong kopyahin ng isang grupo mula Pilar, Bataan ang championship piece ng bayan ng Pagbilao sa nakaraang Niyogyugan Festival Streetdancing Competition.

Mula choreography, costumes, at ilang bahagi ng orihinal na komposisyon ng musika at awiting ‘Kulturang Nilala’, dismayado ang mga mamayan ng Pagbilao sa iligal na pangongopya umano ng isang grupong kalahok sa isang kompetisyon sa nasabing lalawigan.

marami talagang mapapa-react,” dagdag pa niya.

Gayang-gaya rin ang ilang mga dance steps na kinoryo nina Jean Pornela at Miguel Ryan Dimaano, bagay na ‘di rin nagustuhan ng mga nakapanood ng mga video onlayn.

“Nakalulungkot lang talaga kasi bukod sa pinaghirapan naming lahat ‘yon, eh bahagi na ‘yon ng kultura ng ating bayan. So, technically, hindi lang copyright ‘yon ng piyesa, kundi copyright din ng ating kultura,” ani Bryan Atienza, Tourism Chief ng LGU Pagbilao.

Batay sa mga nagkalat na video posts onlayn, makikitang ginamit ng isang streetdancing group ang mga ideyang likha ng bayan ng Pagbilao sa isa ring streetdancing competition ilang linggo lamang matapos magkampeon ng Pagbilao sa taunang Niyogyugan. Suot ng mga miyembro ng nasabing grupo ang kasuotang puti na may kulay pink, teal at lavender na tela na halos replika ng costume na disenyo’t likha ni Froilan Ramos.

“As a designer, hindi naman natin pinagdadamot ‘yong mga ideya natin talaga pero ‘yong makita siyang ginaya na walang pasabi man lang tapos halos ‘yon na ‘yon din talaga ang itsura eh medyo nakakasakit talaga ng loob sa totoo lang,” ani Ramos.

“Malala pa no’n, pati ‘yong ayos ng buhok ng mga babae tulad na tulad din talaga, kaya ‘di nakapagtatakang

“Sana naman at least nagsabi sila na gagawin nilang inspirasyon ang sayaw namin kasi sobrang nakakasakit talaga ng loob ‘yon. Siguradong kahit sino naman basta kopyahin nang walang paalam ang sarili mong pinaghirapan, ‘di ka talaga matutuwa,” ani Hazel Lobusta mag-aaral mula Talipan NHS at miyembro ng Pagbilao Streetdancing Team.

Bukod pa sa costume at choreography, hindi rin nakaligtas ang musika at komposisyon ni DJ Galang na ekslusibong ginawa ng komposer para sa Pagbilao.

“Ni-take ko lang siya (video) as “Nakakatuwa naman kasi inspiration nila ang Pagbilao”. Pero nung makita ko yung routine nila at nakinig ko ang iconic na “IYEYOOOO”. Napalitan ng lungkot ang pagkatuwa ko,” ani Galang sa isang Facebook post.

Samantala, kasalukuyang gumagawa na ng hakbang ang Tourism Office ng Pagbilao para makipag-ugnayan sa LGU Pilar, Bataan upang maipaabot ang hinaing ng mga Pagbilaowin na nauna nang pinagpiyestahan onlayn ang mga video at larawan ng grupong sinasabing replika umano hindi lamang ng streetdancing kundi pati ng kulturang Pagbilaowin. Pagbilaowins, ‘na-offend’ sa pangongopya ng isang grupo sa streetdancing ng Pagbilao

Mga tsuper at operator sa Pagbilao, duda sa inihahaing benepisyo

ng Jeepney Modernization Program

>> GERNILENE A. REAL Grade 8 MFL

Iniilingan ngayon ng mga samahan ng mga tsuper at operator sa bayan ng Pagbilao ang isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno dahil sa ‘di malinaw na benepisyong maidudulot nito sa kanilang mga kabuhayan.

Kuwestiyonable para sa samahan ng mga tsuper at operator sa bayan ng Pagbilao ang isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno dahil sa anila’y ‘di malinaw na benepisyong maidudulot nito sa mga Pilipino.

Ayon kay Orlando Pornasdoro, Jr., Pangulo ng Land Transport Association, nababahala siyang mas magiging dehado ang bansa sa itinutulak na pagbabago lalong-lalo na sa kabuhayan ng mga kapwa nito tsuper.

“Milyon ang tatanggalan ng trabaho. Sa tulad namin, paano ba naman namin mabibili yung P2.8M (presyo ng modern jeep)?...E’ baka patay na kaming mga driver, hindi pa namin nababayaran ‘yan. Mamanahin pa ‘yan ng mga anak namin,” aniya.

Dagdag pa nito, kita lang din nila ang mapeperwisyo sa nakalululang presyo ng modern jeep, na palagay naman niyang gobyerno lang din ang makikinabang.

“Magastos… apektado talaga kami kasi gobyerno talaga ang magkakapera d’yan. Pinipilit lang naman nila ‘yang modernization gawa ng e-jeep nila. Eh, magkano yung e-jeep? P2.8M?,” giit nito.

Samantala, tiwala naman ang Department of Transportation na malaki ang maitutulong nito lalo na sa mas ikatitibay pa ng mga pampasaherong jeepney at pagbabawas ng pinsalang dulot nito sa kalikasan.

“The PUVMP envisions a transport sector that is restructured, modern, well-managed, and environmentally sustainable… safe, secure, comfortable, and convenient public transportation experience for commuters,” anang ahensya.

Kontra ng PISTON National President na si Modeflor Floranda, panakip-butas lamang ito ng pamahalaan dahil mas lumulutang pa rin umano ang pagpapahirap nito lalo na sa mga komyuter sa nagbabadyang pagsipa ng pasahe.

“Lalong lumalabas ang galit ng mamamayan. Kagyat at napakaraming bagay ang nakataya. Buhay ng industriya, kapakanan ng karaniwang tsuper at komyuter ang nakataya,” ani Floranda.

Sa kasalukuyan, tuloy ang pasada ng mga PUV sa bayan ng Pagbilao habang pinag-iisipan ng iba’t ibang samahan ang kaukulang aksyon upang ‘di maipatupad ang naturang programang modernisasyon.

Itinatag na SHS Student Council, punterya ang talamak na paninigarilyo ng mga mag-aaral

>> REINE ARABELLE L. MONTEREY

Grade 12 HUMSS LCT

Susupilin ng bagong lunsad na Senior High School (SHS) Student Council ang talamak na paninigarilyo na nangungunang suliranin ngayon ng eskuwelahan.

Ayon kay Jase Gerald Arquiza, Protocol Officer, pinakangtututukan ng bagong tatag na organisasyon ang sumisipang kaso ng mga estudyanteng naninigarilyo sa loob at labas ng paaralan.

“Kauna-unahang pagtutuunan namin ng pansin ngayon ay ang pagpigil sa mga estudyante na naninigarilyo at nagve-vape. Sa nakaraang mga buwan parami nang parami ang kaso ng mga

estudyanteng menor de edad na nasisita sa loob at madalas ay sa mga malalapit na lugar sa labas ng paaralan,” pahayag ni Arquiza. Dagdag pa niya, dahil nangangailangan ng agarang pagtugon, makikipagkoordina ang SHS-SC sa mga guidance counselor ng SHS upang mas mapatatag pa ang puwersa ng kanilang programa. Parte rin umano ng programa na bigyan ng kaukulang oryentasyon ang mga malalapit na

sari-sari store owners sa labas ng Talipan upang bigyang-linaw ang kautusang pagbabawal ng pagtitinda ng anumang uri ng sigarilyo at vape ilang metro sa labas ng kampus. “Kakausapin ng organisasyon ang mga malapit na tindahan sa paaralan upang pigilan sila sa pagbebenta ng sigarilyo sa mga estudyante. Ayon kasi sa mga nahuli (na estudyante), madalas nabili sila ay sa labas rin ng paaralan,” saad pa ni Arquiza.

3 sa 10 benepisyaryong natutulungan ng MEAP, mula sa TNHS

>> DEANNA FAYE A. ARELLANO Grade 7 RPR

indi bababa sa 120 magaaral mula sa Talipan National High School (TNHS) ang kabilang ngayon sa Municipal Education Assistance Program (MEAP), isang programang nagbibigay ng ayuda sa mga Pagbilaowing mag-aaral na nasa hayskul hanggang kolehiyo mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao. Ayon sa pahayag ni Mayor Gigi Portes-Tatlonghari, nagmula sa TNHS ang 30 porsiyento ng mga benepisyaryo ng naturang programang tulong-pinansyal, bagay na ipinagpapasalamat at ipinagmamalaki rin ng paaralan dahil sa husay ng mga batang nagiging kwalipikado sa programa.

“Marami sa inyo ay mula sa TNHS and it’s a reflection na bukod sa marami talaga ang students sa school niyo, marami rin talaga ang magagaling and you all deserve to be part of this program. Upang sa gayon ay mas pagbutihin niyo pa ang inyong pag-aaral,” ani ng alkalde sa ginanap na MEAP Cash Payout noong ika-21 ng Disyembre 2023 sa Pagbilao NHS Covered Court.

Tumanggap ang 80 mag-aaral mula Junior High School (JHS) ng P4000 habang P2500 naman ang 42 magaaral mula Senior High School (SHS) kasama ang 280 iba pang lehitimong Pagbilaowin na magaaral mula sa iba’t ibang hayskul at kolehiyo sa lalawigan.

5
>> THEO R. CARURUCAN Grade 10 ERM
Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON
BARYA NA MAGIGING BATO PA. Umalma ang mga tsuper tulad ni Randy Etcubanas, 68 dahil sa napipintong pagkawala ng mga tradisyunal na jeepney o jeepney phaseout dulot ng Programang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Mang Randy, mas lalong liliit ang kanilang kita at mababaon sila sa utang kapag nagsimula na ang naturang programa. (Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton)
KINOPYANG KAMPEON. Sumasayaw sa tunog ng ‘Kulturang Nilala’ isang orihinal na komposisyon ang mga mananayaw ng Bayan ng Pagbilao bilang kalahok sa 2023 Niyogyugan Festival kung saan itinanghal na kampeon mula sa nasa 30 kalahok. Matapos manalo, pinagkaguluhan onlayn ang mga bidyo at larawan ng isa pang grupo ng mga mananayaw mula lalawigan ng Bataan na ‘kinopya’ umano ang halos buong produkyon ng Niyogyugan Streetdancing Champions. (Larawan mula sa Opisina ng Pambayang Turismo)
H
BALITA
1 | AGOSTO 2023
MAYO 2024
TOMO V BILANG
-

EDITORYAL

Kamangmangan Lumolobong

akalulungkot isipin na habang ang ibang estudyante ay nagsusunog ng kilay, naaatim ng ibang humayahay sa pag-aaral at iasa sa Artificial Intelligence o AI ang kanilang mga marka. Bagama’t malaking tulong ang ipasan sa AI ang gawain ng mga guro at estudyante, unti-unti naman nitong pinupurol ang kanilang kasanayan. Minsan ay nanguyapit sa lobong lumipad sa langit, hindi na nakita, pumutok na pala, sayang lang ang pera, sayang ang lahat, kung ang pag-unlad ay paurong at huwad.

Noong Nobyembre 30, 2022, inilunsad ng San Francisco-based Open AI ang kanilang Chat-GPT. Layunin nitong mapabilis ang iba’t ibang aspeto ng ating gawain, subalit ang naging epekto nito sa kasalukuyang henerasyon ay hindi maiiwasan. Ang “henerasyong katamaran at kamangmangan” ay tila nagsilbing bunga ng teknolohiyang ito. Ang teknolohiyang ang siste ay tumulong ay mahal maningil― inisyatibo at orihinalidad.

Sa paglabas ng resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) noong 2023, lumitaw ang malungkot na katotohanan na ang Pilipinas ay ika-77 sa 81 bansa. Isa itong malinaw na katibayan ng hindi pag-unlad sa larangan ng edukasyon. Kung tutuusin, ang AI ay maaaring ituring na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy tayong nahuhuli sa kalidad ng edukasyon. Ang talento at karunungan ng bawat isa ay hindi kayang tumbasan ng teknolohiya. Bagama’t may kakayahang magbigay ang AI ng sapat na impormasyon para sa pag-aaral, hindi nito kayang solusyonan ang bawat pangangailangan ng mga estudyante. Hindi pare-pareho ang kalidad ng karunungan ng bawat isa, at mayroong mga mag-aaral na nangangailangan ng intensibong gabay at suporta na hindi kayang ibigay ng AI. Ang personal na pagtutok mula sa guro ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman kundi pati na rin ng inspirasyon, kahusayan sa kritikal na pag-iisip, at pang-emosyonal na suporta na mahirap pantayan ng teknolohiya. Kaya’t bagama’t mahalaga ang papel ng AI sa edukasyon, hindi nito mapapantayan ang masusing pagtutok at personal na pag-unlad na hatid ng guro sa bawat mag-aaral. Ang isyung ito ay hindi dulot ng teknolohiya, bagkus ay marapat ipukol sa paraan ng paggamit o pag-abuso rito. Ika nga nila “work smarter, not harder,” ngunit sa kasong ito ang pag-iwas sa kahirapan ay nagbibigay daan sa kapurulan. Ang paggamit ng AI-powered search engines ay epektibo ngunit hindi sapat.

Tayo ang s’yang may hawak ng ating kinabukasan. Ang AI ay epektibo, ngunit hindi nito kayang palitan ang kahalagahan ng guro sa paghubog ng kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, at social skills ng bawat magaaral. Ang pagkakaroon ng tunay na interaksyon sa loob ng silid-aralan ay hindi mababawasan ng anumang teknolohiya. Sagabal ito sa reyalistikong pagtatala ng kaguruan sa pag-unlad ng isang estudyante, lalo na kung ito’y nakasandal sa artipisyal na katalinuhan. Malinaw na ang kabataan sa ngayon ay mas pinahahalagahan ang pagkakaroon ng mataas na grado kaysa tunay na paglinang ng kanilang mga kaisipan. Kung ito’y magpapatuloy ay matutuyot at magiging pala-asa ang utak ng kabataang Pilipino. Sa unang tingin, ang AI ay isang nakahahalinang lobo. Ngunit, mapanlinlang ito, dahil ang ginhawang naibibigay nito ay panandalian lamang at hindi malayo ang maaaring maaabot. Sapagkat gaano man kataas ang lipad ng lobo, sa dulo ay puputok at puputok ito, at kung tayo’y masumpungang nakalambitin pa rin dito, wala tayong ibang babagsakan kundi ang lalim ng kamangmangan.

PATNUGUTAN 2023-2024

S.

Ken R.

Sam Geus Ayaay, Neschel Ann B. Ibasco, Gian Carlo M. Principe, Paula Kathleen A. Lustado

Talipan National High School Pagbilao, Quezon Rehiyon IV-A CALABARZON
sa Isports, Jasmine Danielle D. Escleto|Patnugot sa Kopya, Gernilene A. Real|Patnugot sa Kopya, Aina Marie M. Ayaton|Patnugot sa Larawan, Casandra Orinday
Almira Fate B. Lusanta | Punong Patnugot, Crizialyn O. Pinol | Katulong na Patnugot, Jazmine B. Roperez | Katulong na Patnugot, John Roi E. Alegre | Tagapamahalang Patnugot, Jase Gerald V. Arquiza| Tagapamahalang Patnugot, Christine Joy C. Riodeque |Patnugot sa Balita, Sharpaye Gwyn R. Delivios |Patnugot sa Balita, Marl Jarred A. Encina |Patnugot sa Opinyon, Gertrude Sofia Edelweiss M. Principe |Patnugot sa Opinyon,
Dale Enzo
S. Barangas |Patnugot sa Lathalain, Danielle Joy C. Catalla |Patnugot sa Lathalain, John Nico M. Ruz|Patnugot sa Agham, Kent Aaron A. Quinto|Patnugot sa Agham, Crisiadel
Ashley B. Sogabo|Patnugot sa Isports, Wrebenue Avellaneda|Patnugot
|Patnugot sa Larawan, Alfonse O. Dimaano|Punong Dibuhista, Jann Franco R. Buencamino|Punong Dibuhista, John David R. Jus|Patnugot sa Social Media, Maiia Jullienne R. Pacomio|Patnugot sa Social Media, Auberth Reece M. Dulay|Tagapamahala ng Sirkulasyon, Lyr Zyrem M. Manalo|Tagapamahala ng Sirkulasyon. Jerwin S. Tierra | Tagapayo, Gina A. Grezula| Ulongguro sa Ingles at Konsultant, Marina R. Abueva| Punongguro IV at Konsultant, Catalino L. Porta | PSDS Distrito ng Pagbilao 1 Mga Manunulat Ariane Joy E. Alan, Christine Kate Tan, Gwynetth Reanzares,Theo R. Carurucan, Samantha Claire B. Mendoza, Lady Kaizen P. Italia, Johnred B. Lusterio, Zyrene D. Villanueva, Cassandra Alexia R. Yanoria, Charelle Shilos Cuarez, Juliiene Martinez, Simon Ayaay, Janessa C. Manalo, John Noah Otieco, Jeiana Ron G. Juco, Giemae C. Carvajal, Humprey Marc Levin Merle, Jean Gailan, Ashley Residuo, Kyle Justine Ayag, Gerundio A. Real IV, James Bryant T. Rustia, Sherelou R. Merene, Alayssa Mae S. Francia, Hacel An Falsado, Jennevy Alarcon, Julia Sendai D. Escleto, Mirell Axalan, Shiekah Rozianne Real, Yuan Miguel De Ramos, Deanna Fay Arellano, Xyriel R. Dimaculangan, Joseph Emmanuel D. Manalo, Sofia Saavedra, Lindsay Piramide Mga Kartunista at Litratista Reine Arabelle L. Monterey, Althea R. Relizan, Rennuel Kent Garino, Kurt Matthew A. Marquez, Cyren Faith G. Orian
N
TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023MAYO 2024
Kartun ni: Jase Gerald V. Arquiza

SA PALAGAY KO

Pisang-PISA

>> ALMIRA FATE B. LUSANTA Grade 10 MPT

KOMENTARYO

S S Kakambal ng Holocaust

a nakaraang unang kwarter na pagsusulit, ‘di ko maiwasang maalala ang malungkot na balitang ‘bagsak’ na naman tayo sa PISA (Programme for International Student Assessment) na maituturing kong repleksyon ng isang sistema sa edukasyong parang bugok na itlog - mapipisang walang pakinabang.

KUNG SUSUMAHIN

Banal na Aso

>> JASE GERALD V. ARQUIZA Grade 12 STEM EDT

TSa inilabas na ulat ng Organisation for Economic Cooperating Development (OECD), lumabas na pang-73 ang ranggo ng Pilipinas sa internasyunal na pagtatasa upang analisahin ang kahandaan ng mga mag-aaral sa kinabukasan. Abnoy lang ang magsasabing nakasasabay tayo sa galing ng ibang nasyon dahil ayon mismo sa PISA, huli tayo ng lima hanggang pitong taon pagdating sa kasanayan.

Tulad ko, marami rin ang nagulat, pero ibahin natin ang DepEd sapagkat inaasahan na pala nila ang mababang resulta sa 2022 PISA. Kaya naman, naging ‘proactive’ na ang ahensya at inilatag na ang ilang mga planong

‘swak’ raw sa mga katulad kong isang mag-aaral.

Nariyan ang panibago na namang kurikulum na kasalukuyang nasa pilot implementation na. Ang K to 10 MATATAG na utay-utay na aalisin sa eksena ang Senior High School (SHS) Program ay siya na nga bang hinahanap na sagot para sa lugmok na edukasyon?

Nakikitang solusyon rin ng kagawaran ang ‘Catch Up Friday’, isang programang maglalaan ng isang araw sa mga paaralan para tutukan ang Pagbasa, Matematika at Siyensya.

“Wala tayong ibang gagawin kundi turuan ang mga bata magbasa at ‘yung mga marunong

nang magbasa, ituro sa kanila ang critical thinking and analysis. ‘Yung mga marunong na, pasulatin ninyo ng libro, ng essay, lahat ng kailangan nating gawin na matutunan ng mga bata,” ani DepEd Secretary Sara Z. Duterte. Lahat ng ito ay mga planong pinaghandaan ng kagarawan at aasahang gagawing handa rin kaming mga mag-aaral. Sa tingin ko’y dapat lang bigyan ng tiyansa lalo’t nabuo naman ang mga planong ito na may iisang layuning makabubuti sa lahat.

SA PALAGAY KO, suporta’t bayanihan pa rin ang kailangan natin sa huli upang sa dulo hindi muli tayo mapisa sa pinakailalim na sitwasyon.

>> LYR ZYREM M. MANALO Grade 10 MPT

a nagdaang apat na buwan, ang matagalang giyera sa pagitan ng Israel at Palestine ay lubos na lumala pagkatapos atakihin at dakipin ang mga mamamayan ng Israel. Naisip ng Israel na ito ay isang magandang palusot upang linisin at ipitin sa bato ang mahigit 18,000 na mamamayang Palestinian, lalo na sa Gaza Strip. Ang pangyayaring ito ay hindi pa nagaganap sa kasaysayan ng mundo, maliban sa isang hindi makatarungang ginawa ng Germany sa mga Jews sa taong 1941 hanggang 1945 na kilala bilang ang Holocaust.

Ang kawalang katarungang pagsasagawa ng Israel ay hindi maaaring kalimutan lamang at mabura sa librong kasaysayan, sapagkat ang bagong henerasyon ay may kakayahang makita ang baliktarang mukha ng pader at ang katotohanang nasa likod nito. Ayon sa Reuters.com, halos 1,200 na Israeli ang nabawian ng buhay sa mga pag-atake ng Hamas, ngunit mahigit 18,000 na Palestinian ang mga pinatay ng Israel dulot ng mga firework show na nilaglag nila sa mga ospital, bahay, paaralan, mosque, at simbahang katoliko. Hindi ito maaring tawaging ganti, hindi rin ito matatawag na giyera, kundi ito ay ang pagbubura ng isang buong lahing etniko sa mapa.

alagang napaawit na lang ako ng ‘banal na aso, santong kabayo’ sa pag-alingawngaw ng kontrobersiyal na isyu ni Pura Luka Vega, isang drag queen na tila lumapastangan sa kabanalan ng Diyos matapos ang kaniyang “Jesus Performances”.

Sa kasalukuyan, si Luka ay persona non grata sa maraming lungsod nang dahil sa kanyang likong pagkilos at nagpupuyos na galit ng mga panatikong Pilipino. Hindi maikakailang ang Pilipinas ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa kaya’t hindi masisisi ang paggisa ng lokal kay Luka. Ang pagdadamit niya bilang ang Nazareno ay sumambulat sa social media. Mistulang inasinan ang sugat ng mga panatiko nang magtanghal si Luka sa saliw ng remix ng ang Ama Namin. Ang pagtatanghal sa ganitong paraan ay matagal nang ginagawa ni Luka, na ayon pa sa kanya ay paraan niya upang “manambahan” sa Panginoon.

Ayon sa mga kasulatan ang nasabing panalangin ay sinulat mismo ni Kristo noong Siya ay nabubuhay pa, kung kaya marami ang nagsalubong ang kilay nang mapanood ang kaniyang performance. Sa ngayon, nananatiling matigas ang loob ni Luka sa paghingi ng tawad. Bagamat hindi layon ni Luka ang makasakit kanino man, ito’y nangyari na, kaya’t kung ako ang tatanungin ang pinakaangkop niyang magagawa sa panahong ito ay ang magnilay-nilay at humingi ng kapatawaran. Nang dahil sa isyu na ito nadadamay ang buong komunidad ng ikatlong lahi o ng LGBTQ, marami ang umaadya

SINTIDO KUMON

na lalo pang harangan ang pagpapatupad ng SOGIE bill, kaugnay nito ay ang pahayag ng isa sa pinaka-prominenteng representasyon ng lahi sa politiko, si Geraldine Roman. Ayon kay Roman “Bilang Katoliko, nasasaktan ako. . .pero sana wag niyong isipin na lahat kami sa community ay ganito”.

KUNG SUSUMAHIN, walang kaugnayan ang kasarian ni Luka sa isyu na ito, kundi ang kalikuan niya sa pananampalataya ng mayorya ng mga Pilipino. Sala sa hulog ang paghingi ng kalayaan sa sining habang tumatahol na parang bang-aw na aso sa pananaw at paniniwala ng iba.

Lupang Pangako

>> CRIZIALYN O. PINOL Grade 10 MPT

M

Bukod sa mga nagtetrending na balita ng hiwalayang pasabog ni Ogie Diaz ay ang pagsabog ng balitang hiwalayan ng mga pulo. Sa isang pulong balitaan sa Davao, sinabi ng noo’y Pangulong Digong na isinusulong n’ya ang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas. Ito’y maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga pirma. Ang drama ni Duterte ay napag-iiwanan na raw ‘diumano ang Mindanao kung kaya’t napapanahon na ang pagkalas nito sa bansa upang payabungin

ang sarili. Sa kabilang banda ay hindi pa rin maiiwasan ng ilan ang magtaka sa tunay na layunin ng dating pangulo hinggil sa panukalang ito, marahil pansariling interes at kapakanan lamang ang intensyon nito kung kaya’t ang ideya ay sinasalungatan ng marami. Tila hayok pa rin sa kapangyarihan ang dating pangulo, kung kaya’t nais n’yang bumuo na naman ng sarili n’yang kaharian—ang republika ng Mindanao. Kung titingnan sa internasyonal na mga lente, ang

Karagdagan dito, mahigit 2.3 milyong Palestinian ang mga napatalsik sa kalsada, gawa ng pagkakawala nila ng kanilang tirahan, at napilitan silang maglakbay nang paikot-ikot sa tinatawag na pinakamalaking kampong konsentrasyon. Ang mga nasalanta na Israeli ay kasingliit ng isang pirasong bigas kung ikukumpara ito sa mga nasalanta na Palestinian. Ang kagagawan nila ay lumalapag sa karapatang pangtao, sinimulan man ng Hamas o hindi. Ayon sa isang Israeli na hinuli ng Hamas at pinalaya, ang tunay na kinatatakutan nila ay ang pambobomba ng sarili nilang militar sa kanilang lugar at hindi ang mga Hamas, subalit ang isang pinalayang Palestinian ay pinalayang taklob ng bendahe at walang pamilya o tirahang uuwian. Wala nang laban ang Israel. Ang karamihan ng mundo ay mulat ang mga mata at kilalang-kilala kung sino ang totoong biktima ng genocide na ipinagmumukhang digmaan.

Sa madaling salita, kung ang mga kampong konsentrasyon ng Holocaust ay ipinaglabo-labo sa isang lugar, ang mga Nazi ay ipinagpalit sa gobyerno, at ang Jews ay ipinagpalit sa mga mamamayan, makukuha mong kakambal talaga ng Holocaust ang sigalot sa pagitan ng Israel at Palestine.

ura, pang-aalipusta, at pagbabanta, iyan ang tatak ng isang Administrasyong Duterte. Ngunit ngayong tapos na ang kanyang panunungkulan ay tila yata iba na ang umaalingawngaw sa kanyang bibig. Lahat ay nagulantang nang kanyang palutangin ang ideyang pagwawaglit ng Mindanao sa buong Pilipinas. Isang nakahahalina ngunit mapanlinlang na panukalang animo’y kawawang tuta na naka-amba sa pagsakmal sa mga kakagat sa “Lupang Pangako”.

paghihiwalay na ito ay hindi kaaya-aya. Hindi magandang imahe para sa mga dayuhang nais maglagak ng pera sa bansa, kung pagwawatak-watak ang isinusulong ng mga lider nito. Bilang isang batang mamamahayag, lubos kong tinututulan ang ideyang ito. Isa na namang panukalang may nakakubling interes. Hindi dapat ito mangyari lalo pa’t pagkakaisa at bayanihan ang kailangan ng bansa. Ang lupang pangako ay isang trapong ipapako na naman sa isang walang katuturang panukala.

7
Talipan National High School
|
Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON
#I-FACT CHECK NA ‘YAN PULSONG TALIPENO Isang mainit na usapin sa kapuluan ngayon ang secession na isinusulong ng dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ang balita ng paghiwalay ng kapuluan ng Mindanao sa Pilipinas at pagtatayo nito ng sariling republika ay naghahatid ng sakit ng ulo para sa bawat mamamayang Pilipino. Para sa edisyon ngayon ng Pulsong Talipeno, alamin natin ang boto ng publiko hinggil sa isyung pinag-uusapan. TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024 Sa mga nais magpaberipika ng mga impormasyong nakikita’t nababasa onlayn, mangyaring i-send lamang ang screenshot ng naturang post sa opisyal na Facebook account ng pahayagan. PAGTATAMA: Hindi patas na isisisi na lang sa lalawigan ng Quezon at sabihing hindi ito isang ‘tourist spot’, dahil lamang sa nagaganap na malalang trapiko sa pagdagsa ng mga sasakyan tuwing Pasko at panahon ng bakasyon. Una, hindi naman talaga papuntang Quezon ang mga tao kundi dumaraan lamang sila para umuwi sa mga probinsya na kadalasan ay papuntang timog. Kung titingnan din ang bilang ng mga sasakyan sa pagdaan ng panahon, mas dumami ito sa kasalukuyan na lalong nagpasikip pa sa mga highway. Bukod dito, pinalalala rin ito ng mga motorista na matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa ipinatutupad na protocol sa lugar, na nagiging isang dahilan sa matagal na pag-usad ng mga sasakyan. Kung saan kadalasan sa mga motorista ay hindi rin naman talaga mga nagmula sa lalawigan.

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON

TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024

SARBEY

atuloy pa rin ang usapin sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), isang programang naglalayong alisin ang mga tradisyunal na jeepney na may edad na 15 taon pataas at palitan ng modernong klase ng jeep na nakikita namang pasakit sa mga tsuper, operator at maging sa mga komyuter. Para sa edisyon ng Ang Talipeno Sarbey sa taong ito, tinanong namin ang ilang komyuter kung pabor ba sila sa isinusulong na modernisasyon.

“Hindi ako payag sa jeepney phaseout na yan, dahil una sa lahat, mawawalan ng hanapbuhay ang mga Pilipinong tsuper na ang pinagkikitaan ay ang traditional jeepney. Dagdag pa rito ay wala ring sapat na kakayahan ang mga jeepney drivers para sa mga modern jeepneys.”

August Adrian Jimenez

Grade 11 Student

“Hindi maganda, kung nabibigyan nila ng pondo ang mga jeepney drivers ay maayos sana. Ang gobyerno kasi dapat walang pinapaburan kaya nagkakarooon tayo ng problema pagdating sa mga ganitong implementation.”

Leovino Allunar Merle Senior High School Teacher

“Hayaan na lang umunlad ang bansa sa pamamagitan ng modern jeepney subalit huwag na nilang pakialaman ang mga traditional jeepney kung hindi sila bibigyan ng sapat na pondo para sa kanilang magiging puhunan. Marami pang problema ang bansa na kailangang masolusyunan, tulad na lamang sa presyo ng gasolina.”

Peter Ruel Alegre

Magulang

“Kung tutuusin, maganda sana ang proyekto ng gobyerno. Kaya nga lang, hindi pinopondohan ng gobyerno ang mga jeepney operators. Kaya malamang sa lamang marami ang tumututol sa proyektong ito. Isa na rin yung mga pasahero sa pagtutol dahil sa pagtaas ng pamasahe kapag modern jeepney na ang sasakyan.

Edna Maac Utility Personnel

LIHAM SA PATNUGOT

Mahal na Patnugot, Nais ko sanang iparating ang aking mga hinaing tungkol sa lumalalang problema ngayon sa eskuwelahan. Halatang-halata na ang kakulangan sa lugar at espasyong maaaring puwestuhan dahil sa pagdami pa ng mga estudyanteng pumapasok dito. Kaya naman, nagiging mahirap ang magpokus sa klase dahil sa ingay sa loob ng klasrum, at maging sa labas na rin. Bukod dito, naaapektuhan din ang mga aktibidad dahil sa pahirapang pagpa-practice ng mga sayaw at performances sapagkat sikip na sikip pa rin kahit saang open area pa magpunta. Naaantala ang pagkatuto kaya’t umaasa akong maidudulog ang aking mga apela sa mga namumuno.

Sumasainyo, Hanz Caluya Grade 10 Student

Sa iyo Hanz, Nauunawaan ko ang iyong sitwasyon at makasisiguro kang maipababatid ang iyong mga hinaing sa kinauukulan. Kaugnay nito, nakikitang tugon sa suliranin ang pagpopokus ng bagong administrasyon sa pagpapagawa ng mga klasrum mula sa nakatenggang building, kung saan sinimulan pa ito ng mga naunang prinsipal sa paaralan. Kung maiisulong ito, mababawasan ang pasanin ng mga mag-aaral pati ng mga guro, dahil maiibsan ang pagiging sikipan ng mga estudyante sa klasrum. Sa ganitong paraan, mas magiging epektibo pa ang pagkatuto ng mga magaaral sa paaralan.

Nagmamahal, Punong Patnugot

MAGPADALA

NG LIHAM SA PATNUGOT

Para sa mga nais magpaabot ng mga hinaing tungkol sa mga napapanahing isyu sa loob at labas ng kampus, maaaring magpadala ng liham sa patnugot sa email na talipenopress@gmail. com o i-message ang aming opisyal na Facebook Page.

I YUAN-DER

Baklasin ang dapat baklasin

>> YUAN MIGUEL A. DE RAMOS

Grade 11 STEM RNA

S

a tuwing babalikan ko ang mga larawan ng mga dati kong klasrum, kapansin-pansin ang ganda nito na pinasigla ng mga makukulay na dekorasyon at nakaeengganyong mga posters, larawan na aminin man natin o hindi ay memorya na ng ating isipan.

Ngunit sa paglabas ng DepEd Order No. 21 ilang linggo lamang bago ang pasukan ngayong kasalukyang taong-panuruan, tila basura na ang mga ‘yon at ang dating sigla ng mga silid-aralan ay napalitan ng lungkot sa totoo lang. Nitong Agosto 2023 lamang, iniutos ng DepEd na baklasin na ang mga dekorasyon sa loob ng klasrum kasama na ang mga poster at larawan na halos naging mukha na ng tipikal na silid-aralan sa mga pampublikong paaralan. Tulad ng marami, ako’y nalungkot rin sa pagbabagong ito dahil para sa akin, malaking bagay ang mga bagay na iyon para sa aking pagaaral.

Sa totoo lang, marami akong natutuhan sa mga larawan ng mga bayani na nakadikit sa pader.

Repleksyon ko sa tuwing ako’y nangangailangan ng motibasyon ang mga kasabihan na nakapinta sa pader at higit sa lahat, rason ng aking mga ngiti ang mga makukulay at kawili-wiling mga dekorasyon na pinag-isipan at ginastusan pa ng aming mga guro. Ayon sa DepEd, ang kautusan na tinawag nilang ‘Operation Baklas’ ay para sa mas ikaka-focus’ umano ng mga estudyante. Ang tila ‘Marie Kondo’ ay may layuning bawasan ang mga bagay sa loob ng silid-aralan sa pamamagitan ng ‘decluttering’ at iwanan lamang ang ilang kagamitan tulad ng mga silya, pisara, bentilador at lamesa. Parte ang naturang kautusan ng kasalukuyang edisyon ng Brigada Eskwela na umani ng iba’t ibang

reaksyon mula sa mga magulang, guro at sa mga tulad kong estudyante.

Totoong mainit at masikip sa maraming silid-aralan sa Pilipinas. Sa Talipan NHS, mala-sardinas ang eksena araw-araw kaya nga minsan nang naging shifting classes rito upang mapagkasya ang libu-libong mag-aaral ngunit tila napasobra naman yata sila sa pagbabaklas ng mga ‘kalat’ sa mga paaralan.

I Yuander lang, kung nais pala ng DepEd na mas matuto kami, bakit kaya kailangan baklasin ang mga supplementary materials? Bakit kaya hindi na lang yung overworkload at sandamakmak na paperworks ng mga guro at mabigat na kurikulum ang bawasan?

Sa wakas, may maihahain nang ‘espesyal’

>> JAZMINE B. ROPEREZ Grade 10 MPT

A

ko lang ba o tayong lahat ang dapat ma-excite? Sa loob kasi ng 50 taon, sa wakas bubuksan na ng ating paaralan ang kauna-unahan nitong Special Program. Hindi naman sa pagmamayabang pero kauna-unahan yata ito sa bayan ng Pagbilao.

ETO NA NGA... mukhang tuloy na tuloy na ang pagkakaroon ng Special Program in Journalism (SPJ) sa Talipan at bilang isang batang-mamamahayag, parang pelikulang kapana-panabik ang implementasyon nito, mabibigyan na kasi ng oportunidad ang mga mag-aaral na matuto ng pamamahayag sa murang edad pa lamang.

Siguro ay maaaring bago sa pandinig ng mga Talipeno at Pagbilaowin ang SPJ, ngunit sa madaling salita, isa itong programa kung saan may mga piling magaaral ang magkakaroon ng mga karagdagang asignatura kung saan

ituturo sa kanila ang iba’t ibang kasanayan mula sa print, brodkast, at onlayn na midya, bagay na kailangang maunawaan ng lahat upang mapalakas pa ang tinatawag na ‘media and information literacy’ na pangontra natin sa naglipanang fake news ngayon.

Ayon kay Jerwin S. Tierra, itatalagang SPJ Coordinator sa Talipan, target simulan ang programa sa susunod na taong-panuruan kung maagang aaprubhan ito ng DepEd.

“By fouth quarter this school year kasi dapat makapagcampaign na kami para maipakilala nang maliwanag ang

OMSIM

SPJ sa incoming Grade 7 students at magulang nila. Dito pa lang malalaman na nila kung bakit kapaki-pakinabang at magandang oportunidad ang mapasama sa SPJ,” ani Tierra. Hindi man ako makararanas na maging estudyante mismo sa SPJ, masasabi kong ‘blessed’ ang sinumang mapabilang dito. Marami-rami na ring karangalang naiuwi ang publikasyon ng paaralan sa mga Schools Press Conferences at napapanahon na talaga para bigyan ng bago, kakaiba, at espesyal na putahe ang mga batang Talipeno.

>> CHRISTINE JOY E. RIODEQUE Grade 8 MFL

N Ayaw ko nang pumara

apa-“ayaw ko nang pumara, sana ‘di na huminto” na lang talaga ako, galing sa isang liriko na kanta ni Yeng Constantino nang aking malaman na ang ating mga tradisyonal na jeep ay mawawala na nang tuluyan. Tila kasing-linaw ng bagong punas na side mirror ang hindi ko pagsang-ayon sa ipatutupad nilang programang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Batay sa LTFRB, ang programa raw ay naglalayong baguhin ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa na gawing mas marangal, makatao, at naaayon sa mga pandaigdigang pamantayan ang mga operasyon ng commuting at pampublikong transportasyon. Ngunit ang nakatakdang modernisasyon ay may mabigat na bagaheng dala lalo’t higit sa mga mahihirap. Una, ang pagpapahinto ay magdadala ng malaking abala sa ikinabubuhay ng mga tsuper,

‘gaya nga ng mga modern jeep na may milyon-milyon ang halaga, presyong hindi naman lahat ng tsuper ay kayang isuka o ‘di kaya naman ay bayaran sa mahabang panahon. Lalo lang maghihirap ang mga tsuper na barya-barya na lang ang kinikita kahit ginagabi na sa mga lansangan. Pangalawa, makabutasbulsang taas-pasaheng kakambal nito na dagok sa mga tulad kong komyuter. Pangalawa, walang papara sa pagbabagong ito kung pati sarili nating kultura ay mawawala.

Lumaki akong nakilala na ang mga tradisyunal na jeepney bilang simbolo ng ating pagka-Pilipino at bilang isang estudyanteng makabayan, ayaw kong pati ito ay tuluyan nang kalimutan. Bagama’t iniaayon na ng mga tagapagsulong ng programa sa kagustuhan ng marami kaakibat ang mabubuti nitong layunin tila kahit ako’y ‘di pa rin pabor parahan ang pagbabagong ito. Kawawa ang mga tsuper, tulad kong komyuter at maging ang ating kulturang babyahe sa kawalan.

ETO NA NGA...
8
P

PARA PO:

>>

Taong 2017, sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, inilunsad ang PUV Modernization Program (PUVMP). At sa kasalukuyan ay pormal nang isinasakatuparan ng pamahalaan. Ito ay naglalayong paunlarin ang mga ‘jeepney,’ kung saan ay hindi ito magdudulot ng polusyon sa kalikasan at mas gagawing komportable at ligtas ang mga pasahero. Nakapaloob sa programang ito ang pagpapatigil sa mga ‘jeepney’ na humigit 15 taon nang ginagamit, dahil dito halos 700 mga tsuper ng Pagbilao ang apektado. Kaya naman karamihan sa mga mamamayan ay umaalma dahil sa lubhang hamon na maaaring maging dulot nito sa lahat.

HAMON SA MGA TSUPER

Sa pagtatalaga ng PUVMP, isa sa pinakaapektado ay ang mga tsuper na pamamasada ang pangunahing pinagkakakitaan sa araw-araw. Kaya naman kaagad na nilang idinadaing ang mga nagbabadyang problemang bunsod nito.

Ayon kay Ronillo Merle na 35 taon nang naghahanap-buhay bilang isang tsuper, “Syempre mahirap yun para sa’min, lalo na doon sa mga lumang-luma na ang jeep, mawawalan talaga ng trabaho.”

Pinangangambahan din nila ang posibleng suliranin kung paano tutustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya sakaling nawalan sila ng trabaho.

“Kaawa naman kaming mga tsuper, saan na kami kukuha ng pambayad sa mga gastusin dito sa bahay, eh diyan na nga lang kami umaasa,” saad nito.

“Tsaka mahal ‘yon kaya hindi lahat kayang makabili ng ganoong jeep, marami talagang

Isang Pasada sa mga bagaheng dala ng MODERNIZATION program

JEEPNEY

>> ALAYSSA MAE S. FRANCIA Grade 10 MPT

agmula pa man noon, malaki na ang gampanin ng transportasyon sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Gaya na lamang ng Pilipinas na kilala sa paggamit ng ‘jeepney’ bilang pampublikong transportasyon. Marami na itong naging kontribusyon, ilan dito ay ang pagiging kaagapay ng mga tao sa kanilang mga patutunguhan. Ito man ay sa trabaho, sa paaralan, o kung sa ano pa mang naising destinasyon. Nagiging pangkabuhayan na rin ito ng mga mamamayang Pilipino.

mawawalan ng trabaho,” dagdag pa niya.

Sa pag-unti ng mga tsuper, problema rin ito para sa mga komyuter na kaagapay na ang jeepney sa pang araw-araw, partikular na sa kanilang hanap-buhay.

HAMON SA MGA KOMYUTER

Dagok kung maituturing ng mga pasahero ang maaaring pagkatanggal ng ilang jeepney. Lalong-lalo na sa mga komyuter na dito na umaasa nang sa gayon ay makatipid sa pamasahe.

Ayon kay Marilyn Tamares na 29 na taon nang pagtitinda ang pinagkakabuhayan “Malaking tulong ang jeepney, sa tricycle mahal ang pamasahe umaabot ng 100 hanggang 150, pero sa jeep 17 lang.”

Tila isa rin itong malaking balakid dahil mas dadagdag ito sa gastusin sa kanilang pinagkakakitaan. “Mahirap yan para sa’ming nagtitinda dahil tataas ang pamasahe, lalaki ang puhunan baka malugi pa kami,” aniya.

Ang paglubo pamasahe rin ang iniinda ng mga mag-aaral sa magaganap na ‘jeepney phaseout.’ Lubos na dumadaing dito ay ang mga malalayo sa kanilang paaralan at malaking halaga ang ibinabayad makapasok lamang.

Ayon kay Geo Apan, isang mag-aaral na katuwang ang jeepney upang makatipid sa kaniyang baon, “Kapag na-phaseout na ang mga jeep, mas mahihirapan akong makapag-ipon ng mas malaking pera at mas mahihirapan din akong sumakay dahil mahal ‘yong ibang sasakyan kumpara sa jeep na sampung piso lang para sa estudyante.”

Malaki ang magiging kaibahan at komplikasyong maidudulot ng PUVMP sa mga Pilipino. Subalit bukod sa mga iyan, apektado rin ang pagkakakilanlan ng bansa.

Sistemang Naghihikahos:

HAMON SA SARILING KULTURA

Karamay ang kultura sa mababago ng isinusulong na programa. Sapagkat ang paggamit ng jeepney ay simbolo na ng pagiging Pinoy.

Ayon kay Ma’am Mary Lusanta na isang guro, “Ang jeepney ay sumisimbolo sa pagiging maparaan, malikhain, masipag, at matiyagang mga Pilipino, maparaan at malikhain dahil ito ay dating military vehicles ng mga Amerikano na muling isinaayos upang gawing jeep, masipag at matiyaga naman dahil sa patuloy nilang pamamasada sa kabila ng mga problema ng pagiging isang tsuper.” Dahil sa kontribusyong ibinibigay ng jeepney sa Pilipinas, pinangangambahan din ang posibleng pagkabura ng mga kasanayang dulot nito.

“Magiging hamon sa atin ang pag-addopt sa bagong kultura na mabubuo sa pagsakay ng modern jeeps, hindi na magpapasahan ng bayad at sukli, wala nang sasabit sa labas ng jeep dahil maaaring gaya na ito ng mga e-jeep na may nangongolekta or machine para sa pagbabayad,” saad pa niya.

Saad naman ni Ma’am Charise Daa na isa ring guro, “Mawawala ang isang markang Pinoy kung matutuloy ang jeepney phaseout, katulad ng mga kulturang nakalimutan ito ay magiging palamuting pang museo na tanging mata na lamang ang nakikinabang.”

Sa kabila ng magandang layunin sa pagpapatupad ng programang makasasabay sa modernisasyon, kaakibat din nito ay ang maraming pagbabago na magbubunsod sa iba’t ibang hamon. Kaya naman nararapat na suriin at isaalang-alang ang mga dulot nito hangga’t hindi pa tuluyang isakatuparan.

PAKIKIbAKA sA HUmAHARURoT NA HAmoN NG DeLIveRY RIDeRs

agsisilbing mga tahimik na bayani na nagtatawid ng mga produktong makabago sa mga mamimili na galing pa sa iba’t-ibang parte ng bansa–iyan ang ating delivery riders. Hindi maikakailang sila ang nagpapadali ng buhay ng mga Pilipino, ngunit sa kabila ng walang sawang paglilingkod, nakatago ang bigat at tahimik na pakikibaka sa kalagayan ng pinili nilang trabaho.

Pangangawit ng mga braso’t kamay mula sa pagmamaneho, nakakasulasok na amoy mula sa singaw ng tumitinding init, samahan pa ng malagkit na pawis na tumutulo sa katawan, iyan ang pangarawaraw na sakripisyo ng kwarenta y sais anyos na si Christopher Peonilla. Malulupaypay na lang talaga ang kaniyang katawan mula sa pagod at hilong nararanasan sa ilang oras na pagtatrabaho mula sa biyaheng iba’t-iba ang ruta.

Sa pamamasada na lamang binubuhay ni Tatay Christopher ang kanyang pamilya, subalit nang tumama ang pandemya ng COVID-19 noong 2021, lalong dumoble ang pasanin niya sa buhay. Dahil bukod sa walang maayos na pagkakakitaan, hindi niya rin maapuhap na maghanap ng mas disente at permenteng trabaho. Kung kaya’t, nang umusbong ang e-commerce at online selling, doon niya naisipang mag-apply bilang isang delivery rider ng Shopee sa malapit sa Pagbilao.

Sa loob ng tatlong taong pagtatrabaho bilang delivery rider, iba’t-ibang hirap din ang kaniyang naranasan. Nagkakayod-kalabaw na nga lang siya, malamanan lang ang sikmurang nagaalburuto sa gutom.

Aniya pa, oras ang katunggali niya sa paghahanap-buhay dahil kinakailangan niya kaagad itong madala sa mga tatanggap. Ngunit dahil may pagkakataong malalayo ang mga lugar at may customers pang ayaw magpakita, napipilitan si Tatay Christopher na suungin ang panahon, maipadala lang ang parcels ng mga customers na nagsisimula nang magreklamo.

Dagdag problema pa sa kanila kung sakaling patong-patong ang mga orders, sapagkat apektado nito ang kanilang pahinga. Bagama’t mahabang oras ang ginugugol sa pagtatrabaho,

hindi pa rin sumasapat ang kaniyang kinikita rito. Sa taas ng presyo ng bilihin at mahal na gastos sa pag-aaral ng mga anak, talagang kinakapos sila ng kaniyang pamilya. Isang hamon din para sa kaniya ang hindi makakamit ng maayos at kumportableng kondisyon sa kaniyang trabaho ‘pagkat hindi permanente ang kaniyang pagiging delivery rider. Anomang oras ay kayang-kaya itong baliin ng kompanya. Kaya’t, bagama’t nagtatrabaho wala naman siyang pinanghahawakang pormal na sistema na dapat ay taglay niya. Sapagkat hindi sagot ng kompanya ang kaniyang seguridad, hindi rin nakatakda at nasusunod rito ang walong oras na pagtatrabaho, at wala pang benepisyong makukuha.

“Iyon nga rin ang problema ko rito, hindi nila sagot kapag may nangyari sa’yo (aksidente), mahirap talaga kaya dapat dobleng ingat,” ani Christopher. Ito ang mga hamon sa buhay ni Tatay Christopher. Bagama’t may ilang hindi pa rin niya natatamasa, unti-unti naman itong nagagampanan ng ilang opisyal.

Sa bawat kilometro ng paglalakbay ni Tatay Christopher, tangan-tangan niya ang bigat ng hindi matatag na kondisyon ng kaniyang trabaho. Ngunit, sa kabila ng mga pagsubok at sakripisyo, hindi ito basehan upang malugmok bagkus ay instrumento upang patuloy pang kumayod at lumaban para sa pamilyang binubuhay.

Kuha ni Paula Kathleen Lustado

TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023MAYO 2024 09
M
N
Grade 11 ABM
AINAH MARIE M. AYATON

Mantsa sa CHA-CHA

Mga alegasyon sa tinutulak na bagong konstitusyon

ng inaasam na pagbabago ay hindi malayong mabahiran ng mantsa mula sa maruruming motibo ng mga taong nagtataguyod nito. Kahit anong linis at pagpapabango, hindi maaalis ang dungis mula sa kasagwaang taglay ng kanilang mababahong mga plano. Napag-iiwanan na umano ng panahon ang saligang batas ng Pilipinas kaya’t oras na para baguhin ito sa pamamagitan ng Charter Change o ChaCha na itinutulak muli ngayon ng Kamara. Sa ilang beses nitong pagsulpot sa iba’t-ibang termino, bigo pa ring maamyendahan ang konstitusyon dahil na rin sa hindi tiyak na kahihinatnan sa pag-implementa ng resolusyon. Dagdag pa ang mga mabansot na motibo ng mga taong nagsusulong sa likod ng inilalako nilang “pagbabago.”

Sa nagdaang taon, imbis na paunlad ay palala rin ang sistema sa edukasyon ng bansa. Isang patunay dito ang lumabas na resulta sa Program for International Student Assessment o PISA kung saan isa sa nasa kapututan ang Pilipinas pagdating sa Siyensya at Matematika. Dahil dito, ilan sa mga mambabatas ang nagtutulak na amyendahan ang Saligang Batas para punan ang mga kakulangan at mapatatag pa ang sistema sa sektor ng edukasyon.

“Walang pakinabang dito, panay peligro lamang ang dulot ng Cha-Cha dahil lalo nitong isusubo ang ating bansa sa mas matinding abuso, pagsasamantala, at pandarambong,”

paliwanag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas.

Gayunpaman, marami ang nagsususpetsa sa plano dahil lumalabas na magkakaroon ng pamamahala ang mga dayuhan sa mga paaralan at unibersidad sa loob ng bansa. Hindi ito nakikitang magandang bagay ng ibang grupo at ahensya dahil hindi dapat umano basta-basta binibigyan ng kapangyarihan ang mga banyaga.

Daing ng ilan, imbis na mapabuti ang edukasyon sa bansa, posibleng mapagkaitan pa ng pampublikong edukasyon ang mamamayan ng Pilipinas kung papayagang mamuno ang mga taong hindi naman sa mismong bayan nagmula. Hindi malayong mapunta ito sa pagpi-pribado at komersyalisasyon ng mga paaralan na gigipit pa lalo sa mga taong nasa laylayan.

Gayunpaman, nagbigay ng paglilinaw si Senador Sonny Angara, isa sa nagtutulak sa Educational Cha-Cha, na kabilang lamang sa target nila ang tertiary level at hindi kasama ang Basic Education.

“The intention is not to liberalize basic education. The intent is to liberalize higher and vocational and technical. So, I think you can be rest assured that we will not open up basic education,” depensa ni Anggara. Sa kabila nito, hindi natinag ang Kagawaran ng Edukasyon at matinding inilingan ang pag-aamyenda ng Saligang Batas partikular na ang pagbibigay ng kontrol sa mga banyaga para magpalakad ng mga paaralan at institusyon sa bansa. Hindi naiwasang mangamba ng ahensya mula sa potensyal na pang-aabuso rito. Hindi malayong mas mabago ang kalakaran at mapunta sa ‘internationalization’ ng mga paaralan.

“The most basic question is: Will it allow foreign entities to teach? For this, the Department respectfully and strongly objects to the amendment,” ani DepEd Undersecretary Omar Romero.

Samantala, binigyang-diin din na kabilang sa core values na itinuturo sa mga kabataang Pilipino ang pagiging makabansa, ngunit taas-kilay na lamang ang ilan kung paano ito maaabot kung mismong mga namamahala ay hindi lahing Pilipino, at hindi tiyak kung tunay ba ang pagmamahal sa bayan.

Mula sa ilang taong dinanas ng Pilipinas sa ilalim ng NEOLIBERAL GLOBALIZATION PROPAGANDA na nag-impluwensya sa pagkakaroon ng Colonial at Patriarchal na pag-iisip ng mga Pilipino, nangangamba ang mga sangay ng edukasyon pati na ang karamihan sa mga mamamayan na untiunting pumabor ang tao sa kultura at pamumuhay ng nga banyaga, bagay na mag-iitsapuwera sa pagiging dugong pinoy. Dahil sa sumasangsang na amoy ng kanilang itinuturing na pagbabago, 88% ng mga Pilipino ang tutol sa pag-aamyenda ng saligang batas, ayon sa tala ng Pulse Asia Survey. Daing nila, dapat na mas pagtuunan muna ang mataas na presyo ng bilihin sa bansa kabilang na ang pagpapataas ng suweldo sa mga manggagawa.

Walang masama sa paghahangad ng pagbabago. Nagkakaroon lang ng mantsa ang hangarin kung sasamahan ng dungis ng pananamantala para pumabor ang oportunidad sa kamay nila. Sa huli, hindi pa rin makaliligtas sa mata ng karamihan ang dumi kahit pilitin na palabasin itong mabango at presentable. Magdududa ang taong bilhin ang ibinebenta nilang pagbabago kung kahina-hinala ang motibo nito.

a pagkagat ng dilim at paglalim ng gabi, mababanaag ang tatlong bituing bumubuo sa babaeng si Orion. Simbolismo ng katatagan, kalakasan, at katiyakan na may iisang layuning hindi matitibag nino man. Tulad ng mga bituing nagniningning sa kalangitan, ang tatlong beteranong guro sa Talipan National High School ay patuloy na nagbibigay tanglaw sa paaralan. Nanatiling matatag at tapat sa kabila ng isang daluyong at patuloy na nagbibigay serbisyo sa paaralan at sa mga Talipeño—hanggang dulo. Noon pa mang 2009 ay kabi-kabila na ang pagdagsa ng mga lisensyadong gurong umaalis ng bansa kapalit ng mas mataas na sahod at maginhawang pamumuhay ng kanilang pamilya. Ayon sa datos nitong taong 2023, libo-libong guro ang mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa tulad ng Taiwan at Thailand, dahil sa pangangailangan ng bansang ito ng mga Pilipinong guro na marunong mag-ingles. Kasabay nito ang kaliwa’t-kanang opinyon at pananaw ng ibang mga guro dito. Anila’y naging ulila ang mga estudyante na gutom sa de-kalidad na edukasyon at pagkatuto. Kaya naman, nanatiling matatag ang tatlong bituin ng Talipan at mas piniling magserbisyo. Para sa tatlong maestra’s ng Talipan na sina Ma’am Perlita Del Mundo at Ma’am Visitacion Dupa ng TLE Department at Ma’am Lily Cuarez ng Science Department, isang sagrado at isang responsibilidad ang manatili sa lugar kung saan sila nagsimula. Tatlong gurong magkakaiba ng dahilan ngunit iisa ang gawi, hangarin at prinsipyo sa serbisyo—ang makapagturo nang maayos at may kalidad sa bawat Talipeño. Sa kanilang tatlo, si Ma’am Perlita ang naglaan ng halos kalahati ng kaniyang buhay sa serbisyo. Sa loob ng mahigit tatlong dekada at limang taong pagtuturo, ang paggising sa umaga at

mabungaran ang mga estudyante sa araw-araw ang normal na niyang nakagawian. Aniya, wala siyang pinagsisihan sa kaniyang ginawa bagkus ay mas ginanahan pa dahil ang pagtuturo ay pinangarap niya na noon pa man. Kung kaya’t, hindi na niya nakikita ang sarili na umalis at iwan ang paaralan. Maliban dito, isa rin si Ma’am Dupa sa mahigit tatlong dekada nang nagseserbisyo sa Talipan. Sa kabila ng mga naririnig niyang bali-balita nang pag-alis ng mga gurong kagaya niya upang makipagsapalaran sa ibang bansa, ay mas pinili niyang manatili, dahil dito niya naramdaman na kailangan pa ng mga Talipeño ang kaniyang serbisyo. At panghuli, ang maestrang si Ma’am Cuarez na kareretiro lamang matapos ang dalawang dekadang pagseserbisyo sa Talipan. Aniya noong nagtuturo pa siya, hindi man lang sumagi sa kaniyang isipan na mag-retiro kaagad at iwan ang lugar kung saan siya nagsimula. Dahil para sa kaniya, isang responsibilidad ang pagtuturo at kinakailangan ng matibay na dedikasyon. Singliwanag ng mga bituin sa kalangitan, singtatag ng punong ‘di matitibag, iyan ang Tres Marias ng Talipan. Sa kabila ng mga naggagandahang benepisyo sa ibang bansa, hindi nagpatinag ang tatlong bituing ito at nanatiling matatag at tapat sa paaralang humulma sa kanilang pagkatao. Patuloy silang nagbibigay tanglaw sa nga Talipeño, tanda na hinding-hindi sila mabubuwag o mapaghihiwalay nino man. Sila ang makasaysayang trio-bituin na bumuo sa legasiya at kasaysayan ng Talipan.

Grade 10 MPT
ALMIRA FATE B. LUSANTA
S
Ma’am Lily Ma’am Dupa >> JAZMINE B. ROPEREZ Grade 10 MPT Ma’am Pearly Mga Grapiks ni Ainah Marie M. Ayaton Mga Grapiks ni Ainah Marie M. Ayaton

Halimaw sa Tanghalan:

Pangmalakasang Paglavarn ni ‘bulilit’ sa Tawag ng Tanghalan

Grade 9 FL Paniniwala ng ibang bansa, ang Pilipinas ang tahanan ng musikero’t musikera maging ng mga manganganta. Magugulat ka na nga lang na nasa tono na ang mga batang hindi pa ganoong nakakalakad. Pinatunayan ito ng dose anyos na si Dylan, na sa kabila ng kamusmusan ay makakaya pa ring lumavarn.

Siguradong magpapanting ang tainga mo at kaagad magtatayuan ang balahibo kapag narinig mo ang malamig niyang boses. Lalo na ‘pag tumungtong siya ng tanghalan, tila ba’y hinuhukay ng kaniyang tinig ang iyong damdamin. Mangangatog na lang ang tuhod mo sa boses niyang buong-buo at punong-puno ng emosyon, wari’y hindi galing sa isang...bulilit!

hindi mo aakalaing galing sa isang bulilit ang siyang nagpastanding ovation sa mga hurado.

“Dahil isa po ito sa dati ko pang pinapangarap, ang makatungtong sa entablado ng tnt. Kaya ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon ay hindi ko na po ito pinakawalan.”

sa sariling kakayanan ang mag-aangat sayo sa dulo. Smolbateribol! Bulilit man sa paningin, nakakalavarn pa rin.

Suki ng Tanghalan Musmos pa lamang ay mikropono na ang tangan-tangan ni Dydrae Lavayne Genicera o mas kilala bilang Dylan. Dahil miyembro ng Te Deum Chorale, isang choire organization sa Pagbilao, talagang nahasa ang kaniyang boses sa pagkanta. Kung kaya’t, sa murang edad pa lamang ay natutunan na niyang gamitin bilang puhunan ang talento niya rito. Sino nga bang mag-aakala na ang gaya niyang bulilit ay kayang mag-halimaw sa isang tanghalan? Kaya’t sa edad na dose, ilang tropeyo at sertipiko na rin ang kaniyang naiuwi. Kulang na nga la’y maging suki siya ng patikpalak dahil sa walang patid niyang pagkapanalo. Mapa-program man sa paaralan o ‘di kaya’y patimpalak sa mga barangay ay nasubukan na niya. Ultimong mga nagbibigatang labanan sa telebisyon ay kaniyang pinasok at pinatunayang kaya niyang makipagsabayan. Una na rito ay ang kaniyang pagsali sa The Voice Kids, taong 2023 at sa The Voice Generations bilang pinakabatang miyembro ng grupong “FOURCES”. Bagama’t hindi nasungkit ang kampeonato, nabihag naman nito ang puso ng masa dahil sa boses nitong may kakaibang timpla. Ang kanyang mga tagumpay sa buhay ay patunay na ang talento ni Dylan ay pangmalakasan.

Himig ni Bulilit Hindi roon nagtatapos ang paglavarn ni Dylan, ‘pagkat hindi niya pinalampas ang pagsali sa Tawag ng Tanghalan Kids. Kamakailan lamang at sariwang-sariwa pa ang kaniyang paglaban rito na siyang paganap ng noontime series na Its Showtime. Muli niyang hinalimaw ang tanghalan at ipinakita ang kaniyang bagsik at husay hindi lang sa pagkanta, kun’di pati na rin sa pagr-rap na siyang umabot pa hanggang huling laban. Ang boses niyang

Ang powerful performance ni Dylan ng “Magda” ni Gloc 9 at “Believer” ng American pop rock band na Imagine Dragons ang siyang pinakatumatatak at nagpahanga sa manonood. Umani ito ng samu’t-saring pagsuporta lalong-lalo na sa mga Talipeño at Pagbilaowin.

Tinig Ng Tagumpay

Gamit ang dedikasyon at pangmalakasang boses, napasakamay ni Dylan ang pangalawang pwesto sa Tawag ng Tanghalan Kids, Season 2 mula sa dikit na dikit na laban. Dahil dito, nagkamit siya ng P200,000 cash prize at P100,000 worth of learning and home showcase. Aniya, hindi siya nanghinayang sa pwestong nakuha niya, bagkus ay itinuring niya pang isang malaking tagumpay.

“[Para po sa’kin] ang makatungtong palang sa entablado ng tawag ng tanghalan at sa iba pang tv contests ay itinuturing ko nang malaking achievements. Sa lahat ng aking nakamit at pinagdaanang pagtatanghal ay ginawa ko ang best [ko] kaya wala akong pinagsisihan kahit kaunti.”

Bagama’t ilang taga-suporta ang nanghinayang sa resulta dahil sa isang puntos na lamang ng kalaban, hindi pa rin nito matutumbasan ang mga taong malugod itong tinanggap at sinalubong pa ng may ngiti sa labi ang pagkapanalo ni Dylan.

“Nakakataba po ng puso na maraming tao ang naka appreciate sa aking naging achievement sa TNT kids”

Ang kaniyang talento sa pagkanta ay naging tulay upang unti-unti siyang makilala at mas mapagyabong pa ang kaniyang kakayahan. Boses ang puhunan ngunit sipag at tiyaga ang pundasyong kinakailangan.

Sa huli, ang paglavarn ng bulilit na si Dylan ay nagbunga ng isang matamis na pagkapanalo, hindi lang ng kaniyang sarili kun’di lahat ng Pagbilaowin at Talipeño. Siya ang patunay na Ang talento, kapag pinanday ng dedikasyon at pagmamahal

Ang panalo ni Dylan ay patunay na ang bulilit na gaya niya ay kaya ring maghalimaw sa tanghalan ng kantahan. Gamit ang pangmalakasang boses sa pagkanta, napasakamay niya suporta at korona ng tagumpay.

“Bawat laban, bawat kompetisyon ay binibigyan tayo ng chance ni Lord para abutin ang ating pangarap. At naniniwala akong hindi man ngayon, maaring bukas.”

Voice Generation Facebook Page

Gradweyt na ang Batang Ina

MARIE M. AYATON

atulad ng kung paanong ang lahat ng bagay ay nagtuturo sa isa pa, ang pagbubuntis ay isang bagay na nagbubukas sa samu’t saring mga pinto ng posibilidad. Kaya’t dapat na pinag-iisipan; kailangang paghandaan. Ito’y isang desisyong ang tanging itinuturo ay ang landas ng pagiging ina—isang landas na kinakailangan tahakin sa edad na labing-apat ni Maria.

Nasa ikawalong baitang noon si Maria sa Talipan National High School at katulad ng ibang mga bata ay naghahangad ng isang maliwanag na bukas para sa sarili. Katorse. Napakamurang edad kung iisipin, ngunit ito ang edad na nagpabago sa buhay ng dalaga. Trese anyos si Maria nang makilala niya si Jeremy (mga ‘di nila tunay na pangalan). Tila pinintahan ng mga puso ang kanilang mga mata sa tuwing makikita ang isa’t-isa. Para sa kanilang mga batang puso, ang kanilang relasyon ay magiging makulay—matingkad, maalab, mapusok. Maaga nilang nakita ang mundo. Nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nabuntis si Maria. Katulad ng magiging reaksyon ng ibang mga magulang, ang ina niya ay nagulantang at hindi agad natanggap ang balita. Ang tatay ni Maria ay pumanaw na bata pa lang siya. Mag-isa silang itinaguyod ng kanilang ina. Kaya’t ganoon na lamang ang pagkabigla nito nang malamang ang kaniyang bunsong anak ay ngayo’y magkakaanak na.

Ngunit alam ni Maria na ang pinasok niya ay isang responsibilidad na kailangan niyang gampanan sapagkat ito’y bunga ng kaniyang mga desisyon. Tumigil si Maria sa pag-aaral upang alagaan ang buhay sa kaniyang sinapupunan.

Tunay ngang wala nang makakapantay pa sa pagmamahal ng isang ina. Sapagkat hindi man matanggap ng ina ni Maria sa una ang pagkabuntis nito, unti-unti ay natutuhan na nitong tanggapin ang nangyari sa anak. Siya ang tumulong kay Maria sa kaniyang pagkabuntis.

Nang maisilang ang anak, sa halip na panghinaan ng loob ay mas nakaramdam si Maria ng kagustuhan na mag-aral sapagkat nais niyang mabigyan ng maayos na kinabukasan ang anak na si “Totoy”. Bumalik siya sa pag-aaral kasabay ang pagtataguyod niya sa

buhay nilang mag-ina sa tulong ng kaniyang nanay. Sa kasamaang palad ay iniwan siya ni Jeremy na tatay ng kaniyang anak.

“Nahirapan talaga ako kasi ang bata ko pa at saka syempre first time ko maging nanay, so, nahirapan talaga ako mag-adjust”, ani Maria. Araw-araw ay pumapasok siya sa eskwelahan. Pagpatak ng alas-otso ay gagayak na ang kaniyang ina upang dalhin sa paaralan si Totoy upang pagdating ng recess, ay mapadede ito ni Maria.

Kung minsan naman, ay si Maria na mismo ang nagpapadala ng kaniyang anak sa paaralan upang mabantayan ito kasabay ng kaniyang pagpupursigi na mag-aral.

“Nakakatuwa lang kasi sa bata niyang ‘yan eh napakaresponsible niyang ina. Kahit kailan, ni hindi ko nakitang madungis ang anak niya. ‘Yang si Totoy, napakabait na bata pati n’yan. Kahit dinadaldal siya ni Maria sa school, kahit ilang beses eh hindi ko siya nakitang nag-ingay oh nawalan ng galang sa mga nakapaligid sa kaniya. Mabuting ina si Maria,” ayon pa sa guro nito. Naging ganito ang tagpo mula sa ika-siyam na baitang hanggang sa makatapos ng Junior High School ang dalaga. Nagtapos siya nang may karangalan at sa kasalukuyan ay magkokolehiyo na. Hindi maikakailang ang kwento ni Maria, ay isang kaso ng teenage pregnancy. Isang isyung kay tagal nang hindi mapuksa ng ating lipunan. Ngunit sa kabila nito, ang kwento ni Maria’y nagsisilbing paalaala, na ang pagiging batang ina ay isang bagay na hindi dapat maging tampulan ng kahihiyan.

S
Larawang kuha ni Ainah Marie M. Ayaton at mula sa The
K
>>
Grade 11 ABM
AINAH
Mga Grapiks ni Cyrene Faith G. Orian

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024

Paano binago ng isang palabas ang tingin sa LGBT

>> AINAH MARIE M. AYATON

Bakla, Laban!

awa ka na bang makakita ng putaheng simple at karaniwang nakahain sa mesa, kung kaya’t naghahanap ka ng pagkaing may kakaibang sangkap na papasa sa iyong panlasa? Marahil kung usapang teleseryeng kumpletos rekados lamang naman ang hanap, ‘matik na magliliwanag kaagad ang mga mata ng die-hard-fan para sa panooring humamon sa kultura at naghatid ng samu’t-saring diskusyon, opinyon, at emosyon sa manonood.

Lna binuo ang mga pelikula’t seryeng BL para sa ikaaaliw ng mga tagapanood, bagkus isa itong abenida upang lumikha ng ‘spark’ ng pagbabago sa ating lipunan at mananatiling parte ng ating kultura.

Hamon sa Etika at Dignidad ayon sa Eksperto

itik ng kamera ang mauulinagan sa mga senaryong nangaakit sa interes ng masa. Nasisiguro kong isa ka sa napa-react sa mga larawan o kwentong nagpalambot at nagpabuhay ng iyong simpatya. Sa bawat post na may nakakaantig na itsura, talagang huling-huli nito ang puso ng masa.

Ngunit, sa likod ng ngiting ipinapakita sa madla, nagtatago ang paghuhugas-kamay ng mga taong taliwas ang hangarin. Sa kabila ng hatid nitong layunin na makapagbigay ng pag-asa at pang-unawa, ilang eksperto rin ang nanguwestiyon ukol sa pangbababoy sa dignidad ng kapwa. Ayon kay Dr. Dian Arymami mula sa University Communication Department, ang poverty porn ay anumang uri ng mediya, maging ito man ay paglalarawan gamit ang litrato o pelikula, na kadalasang kumukuha ng simpatya mula sa mga manonood.

Karaniwan itong isinasagawa bilang pansariling interes at wari’y tumutugon lamang hindi para makatulong kun’di makaani ng suporta sa madla lalo pa’t halos lahat ng tao ay alipin na ng social media. Ilang eksperto rin ang nagpahayag ng kanilang opinyon at sang-ayon sila sa hamong hatid ng poverty porn lalo pa’t lumilitaw ang katanungan ukol sa etika at dignidad sa paglalarawan ng kahirapan. Sinasabing tulay ito tungo sa kawalan ng paggalang sa sarili at respeto sa ibang tao gayong nilalabag din nito ang karapatang-pantao.

Madalas na nauuwi ang ganitong uri ng mediya sa pang-aabuso sa kalagayan ng tinutulungan. Pumapasok din ang pangmamanipula

sa mga taong sangkot sa ganitong content at panlililang sa mga taong nagsisilbing donors.

Pahayag ng mamamahayag na si Rogelio Ordoñez, ginagawang mangmang ng poverty porn ang mga tao tungo sa landas ng pagkatuto at tunay na kaganapan sa paligid na ginagalawan. Bukod pa rito, nagsisilbing daan din ito tungo sa pananamantala para sa sariling kapakinabangan at pagkakaroon ng maling pananaw tungkol sa konteksto.

“Upang makaiwas sa pagiging biktima, mahalagang suriin natin ang bawat content na ating sinusubaybayan. Dapat nating tanungin ang ating mga sarili kung ang paglalarawan ng kahirapan ay may layuning magdulot ng tunay na kaalaman o pag-unawa o kung ito ay magiging instrumento lamang para sa sariling kapakinabangan,” anang eksperto sa media ethics, Dr. Lidelia Rodriguez. Tuwiran nitong inililiwas ang mga tao sa tunay na itsura ng mga nagbabalat-kayong mga tumutulong. Kung kaya’t marapat na pairalin ang kritikal na pag-iisip at mapanuring panghuhusga. Ang pag-aaral at pagsusuri sa tamang konteksto sa mga isyu ng kahirapan ay mahalaga upang makamit ang pangunawa at malayang pagbabago. Tunay ngang kritikal na pag-iisip at pagiging mapanuri ang solusyon upang makaiwas sa pambibiktima ng poverty porn. Dapat nating suriin ang mga uri ng media na ating sinusubaybayan at sinusuportahan. Habang mahalaga ang pagtuligsa at pagtalakay sa mga isyu ng kahirapan, kailangan nating siguruhin ang pagbibigay ng paggalang at dignidad sa mga taong naapektuhan. Pagtuunan ng pansin ang pagtulong ng bukal sa kalooban at hindi ng pansariling interes lamang. Sa ganitong paraan, ang pagtulong ay magiging epektibo at mas makabuluhan.

12
P
Grade
11 ABM
Mga Grapiks ni Jase Gerald V. Arquiza

Takot ka ba sa mga patay? Kung titingnan, samut-saring kwento ng kababalaghan ang maiisip mo kapag narinig ang salitang ‘patayan’. Magpapanting na lamang sa tainga mo at agad na mapapapihit kapag narinig mo ang salitang ito. Ngunit sa isang sulok sa bayan ng Pagbilao, isang paraisong puno ng kulay ang dala-dala ng salitang ‘patay’. May makikita kang buhay… sa Patayan!

Dala-dala ang pangalang naghahatid ng takot sa karamihan, ang Patayan Island ay isa sa mga pinakasikat na tourist spot sa Lalawigan ng Quezon. Ito ay makikita sa Pagbilao Grande, sa bayan ng Pagbilao. Ang islang ito ay pinapalamutian ng nagtataasang mga puno at napapalibutan ng malasutlang kagandahan ng asul na dagat. Sa dulong hilaga nito ay matatagpuan ang sikat na sikat na Tulay Buhangin kung tawagin—isang sandbar na may habang 400 metro.

Tamang-tamang pasyalan tuwing bakasyon o tag-init lalo na kung naghahanap ng mas mura ngunit mala-Palawan sa ganda ng tanawin. Dahil dito, talaga namang dinarayo at binabalik-balikan ito ng mga turista dahil bukod sa malaperlas nitong buhangin, talagang nakabibighani ang asul na asul na dagat sa paligid. Ika nga ng mga Pagbilaowin, ang Patayan Island ay isang islang nakamamatay….. sa ganda.

mga mangingisda at tumumal ang kanilang benta. Ngunit sa kabila nito, naging sandigan ng isla ang taglay nitong ganda upang muling mabuhay.

Tunay na kapag makikita mo ang isla ng Patayan ay kusa na lamang na maghuhugis-puso ang iyong mga mata. Naging sapat ang nakahahalinang ganda nito upang makahatak ng mga turista at higit na mapagyaman ang turismo sa lugar.

Ang kaligtasan sa Patayan ay hindi isang katanungan... ligtas ang sinumang papasyal sa Isla.

Ayon sa mga taga-Isla, pinangalanan daw ang islang ito ng Patayan, sapagkat ito ay lugar kung saan dinadala noon ng mga pirata ang mga binata mula sa bayan ng Pagbilao upang patayin. Ngunit sa kabila ng nakanginginig sa butong kasaysayan ng Islang ito, ang taglay nitong ganda ay naging pinagkukunan na ng kabuhayan ng mga tagaIsla sa napakatagal na panahon. Pangingisda ang isa sa mga pangunahing bumubuhay sa mga lokal ng Patayan. Kaya naman, napakalaking dagok sa kanila nang minsang may magtayo ng planta malapit sa isla. Napilay ang kita ng

Mula sa pantalan ng Pagbilao sakay sa bangka, mararating ang Patayan Island sa loob ng tatlumpong minuto. Hindi mo na kailangang mamroblema sa entrance fee sapagkat maaari mo nang masilayan ang ganda ng isla nang walang kabayaran. Isa lamang paalala ng mga taga-roon, ang tanging presyo ng isla ay ang pag-alaga ng mga turista sa kalinisan at kagandahan ng lugar. Ang kaligtasan din ng Patayan ay hindi isang katanungan. Sikat ang lugar bilang isang magandang lokasyon upang mag-camping. Bagama’t walang sinumang naninirahan sa lugar, may mga tao namang nangangalaga at nagbabatay dito upang masigurong ligtas ang sinumang mapasyal sa isla.

Kasama ang Puting Buhangin, Kwebang Lampas, Pagbilao Mangrove Forest, at Balugbog Baboy Sandbar, isa ang Patayan Island sa mga lugar na patuloy na binubuhay ang turismo ng bayan ng Pagbilao.

Malayo man sa kabayanan, masasabing napakaunlad ng Islang ito. Sa napakaraming nagdaang nga taon ay matayog pa ring nakatayo ang nakahahalinang Isla ng Patayan. Ito’y isang katunayang hindi lahat ng patay, ay walang buhay. May buhay pa rin sa Isla ng Patayan.

Gusto mo bang makapasa bilang scholar?” Bilang isa sa mga mapapalad na nakapasa sa DOST (Department of Science and Technology) Scholarship, heto na ang scholar-TIPS ni ate Ronalyn Portes at kuya Aldous Reforsado para sa mga nagbabalak sumubok upang malaman ang mga bagay na dapat gawin para grant ay makamit.

01 02 03 04

Napakahalagang maging maasikaso sa mga requirements and papers. Dapat, bigyang-pansin ang lahat ng mga bagay na may kinalaman sa application mo. Bukod pa rito, dapat lagi mo ring bisitahin ang applicant’s portal para walang maging aberya sakali mang makumpleto na ang kailangan mo.

Pangalawang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbabalikaral (review/recall) sa mga araling tinalakay noong Junior at Senior High School ka pa lamang. Nararapat na maging handa sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa mga kakailanganin- ang talino at tiwala sa sarili bago sumabak.

Kapag nagsimula nang magsagot, siguraduhing kalmado, pokus sa layunin, at nakikinig nang mabuti sa sasabihin ng facilatator/observer. Huwag mahihiyang magtanong kung may nais na i-klaro.

At bilang panghuli, uminom ng tubig, huminga ng malalim at ikalma ang sarili. Magnilay at magdasal para sa tagumpay ng iyong sarili at ng iyong mga kaibigan.

“Kung para sa’yo, para sa’yo talaga. As long as binigay mo yung makakaya mo, wala nang mas sasapat pa ron. Magtiwala sa sariling makakaya at kakayanin,” ani ate Ronalyn. Sa bawat tanim may aanihin. Nagtanim ng tiwala at dedikasyon, nagbunga ng matamis na tagumpay bilang iskolar ng DOST.

Ilan lamang ito sa mga “TIPS” upang makapasa sa scholarship. Nasa mga kamay mo pa rin kung magtatagumpay ka o patuloy na babagsak. Kung kaya’t ano pang hinihintay mo? Halina’t mag-apply!

ung nasaan ang uso, nando’n kaagad ang mga Pilipino. Kung kaya’t, sa paglago ng paresan ni Diwata, talagang dinarayo pa ito ng mga kilalang vlogger at artista matikman lang ang ipinagmamalaki nitong Pares Overload na may kasama ng panulak sa halagang P100.00.

Ang pares ay isang meryenda na kombinasyon ng sabaw ng baka, kanin, at mami, samahan pang iba’t ibang sahog tulad ng nilabong itIog at ibang pangpalasa. Iyan ang pagkaing ipinagmamalaki ni Tatay Ronaldo. Aniya pa’y ang sikreto sa malinamnam niyang pares ay ang utak ng baka, bagay na binalikbalikan ng kaniyang mga suki.

“Special ko lang dito ay ‘yong utak ng baka. [Saka] casava starch ang gamit ko para tamang-tama talaga yung pagkalapot niya. Hindi magbubuo-buo,” saad niya. Pagpasok mo pa lamang sa tarangkahan ng Bagong Tulay sa may Alupaye, makikita mo na kaagad ang paresan stall ng 42-anyos na si Tatay Ronaldo Cantos. Aniya, ang kaniyang itinitinda ay makamasa ‘pagkat isinasaalang-alang niya bulsa ng mga customers. Aniya, matagal na niyang hanap-buhay ang pagluluto ng pares. Nagsimula siyang magbenta sa Maynila sa loob ng limang taon, subalit nang tumama ang pandemya ay naging matumal ang kaniyang benta. Noong una, nangungupahan pa siya sa kaniyang amo ng paresan at ito’y kaniyang ititinda. Kaya’t nang alukin siya ng pinsan niya ng sariling stall, hindi siya nagatubiling tangggapin ito at hulugan hanggang sa makumpleto niya ang bayaring nagkakahalaga ng P18,000. Nagsisimula siyang magluto ng alas dos ng madaling araw

at kaagad roronda pagsapit ng umaga. Sa isang araw, iba-iba ang destinasyon niya sa pagtitinda ng pares. Lumilibot siya upang mas malaki ang kitain at maubos kaagad ang kaniyang itinitinda. “Ang pwesto ko sa umaga sa DLTB sa may Talipan, pangalawang ruta ko dito (Barangay Alupaye), panghapon ko sa Bantigue,” saad niya. Mura at abot kaya ang mga itinitindang pares ni Tatay Ronaldo. Sa halagang P45 hanggang P75, busog at sulit na sulit ka na, samahan pa ng ‘soft drinks’ na pamatid-uhaw. Aniya, talagang dinaragsa ang kaniyang ‘pares with mami and egg’ dahil sa presyong pasok sa bulsa at tamang-tama pangmeryenda. Dahil diyan, talaga namang umaani siya ng papuri mula sa kaniyang mga customers. Dahil bukod sa kaniyang pares, hinahangaan din nila ang maayos nitong pakikitungo.

Tulad ng pagiging masigasig ni Diwata, ang pagmamahal ni Tatay Ronaldo sa kanyang ginagawa ang naging pundasyon niya upang lumaban sa buhay. Patuloy na lumalago ang kaniyang negosyo kasabay ng pagbibigay ng hindi lang pagkaing tunay na maipagmamalaki, kundi bubusugin rin sa kasiyahan ang bawat kumakain ng kanyang pares. Iyan ang paresang walang kapares. Malinamnam na–makamasa pa! Kaya’t ano pang hinihintay mo? Subukan mo na ang Pares Specialty ni Tatay Ronaldo dito sa Alupaye!

13
Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON
>> DALE ENZO S. BARANGAS Grade 10 MPT >> JAZMINE B. ROPEREZ Grade 10 MPT
TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024
>> REINE ARABELLE L. MONTEREY Grade 12 HUMSS LCT
K
May
Walang Ka-PARES:
pa ba sa Isla ng ?
Larawan mula sa Pagbilao Tourism Office
Pag-Ariba ng Malamahikang Linamnam ng Makamasang Paresan
Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton

MARIWASANG KANLUNGAN

MGA BIYAYANG NAKATANIM SA PAGbILAo mANGRove e xPeRImeNTAL FoResT

Ang pantay na distribusyon ng dalampasigan at gitnang kalupaan ng bayan ng Pagbilao marahil ang dahilan kung bakit masaganang namumuhay ang mga bakawan o mangrove sa baybayin nito. Sa katunayan, ayon sa 2010 National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA, labing-dalawa(12) sa dalawampu’t pitong(27) kabuuang barangay ng bayan ang nagsisilbing tahanan ng mga ito, partikular na ang mga coastal barangay, o ang mga dulong bahagi na nililigiran ng tubig alat. Binubuo ng mahigit kumulang 645.98 ektarya ayon sa tala ang tanimang sakop ng mga bakawan sa pueblo, at kalahati sa bilang na ito ay nahihimlay sa ibabang bahagi ng Palsabangon — isa sa mga dulong barangay ng bayan.

Ang bahaging kagubatang ito ay itinuturing na isa sa mga pinakamalalaking mangrove forest sa timog katagalugan, at maging sa buong Pilipinas. Isa rin ito sa tila mabibilang na sa daliring natitirang berdeng bahagi ng bansa.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Office (PSA), namamahay rito ang halos 30 true mangrove taxa(s. taxon) na kabilang sa 11 iba’t ibang families at 15 genera(s. genus). Ang mga terminong taxon, family, genus ay ginagamit upang maayos na ihanay ang iba’t ibang uri ng mga halaman at hayop. Kabilang sa 30 na ito ay ang dalawang endangered species — gapasgapas (Camptostemon philippinensis) at piapi (Avicennia marina var. rumphiana).

Kaugnay nito, pinatutunayan ng pag-aaral na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ilang dekada na ang nakalilipas, ang potensyal ng naturang bahagi bilang kanlungan ng buhay kagubatan at maging ng karagatan. Hindi maikakat’wang kayamanang maituturing ang kagubatang ito ng bayan, at hindi rin para itanggi ang biyaya nito sa kalikasa’t kabuhayan. Sapagkat kung susumahin, higit pa sa kahit anong karangyaan, ang mariwasang kanlungang ito ang tila pinakamaganda’t payak na regalo ng Lumikha sa mumunting mga anak nina Pablo at Rita.

Buhay na Tahanan Hindi tulad ng pangkaraniwan, kapansinpansin ang kakaibang pisikal na istruktura ng mga mangrove kung ihahalintulad sa ibang punong-kahoy. Ang mga ito ay itinuturing na shrub, isang partikular na uri ng halaman na hindi gaanong tumataas, subalit nagkakaroon ng higit na maraming sanga kumpara sa mga madalas na makitang puno. Samantalang ang mga malalaking ugat naman nito ay bahagyang nakalubog sa tubig; at sa pamamagitan ng

espesyal na mekanismo nito ay nagagawang makapamuhay at lumago ng mga bakawan sa malambot at buhaghag na lupang bahagi ng dalampasigan sa kabila ng presensya ng tubig alat sa lugar.

Ayon sa International Union for Conservation of Nature and Natural Resources (IUCN), ang komplikadong istruktura ng mga mangrove, partikular na ang malalapad nitong mga sanga at tila buhol-buhol na mga ugat ang pangunahing dahilan sa likod ng pagsisilbi nitong tahanan sa mga ibo’t kabuhayan sa katubigan.

“Partly submerged in the ocean, mangroves form a tangled web of aboveground roots, creating a unique and complex habitat for all sorts of life,” giit ng IUCN.

“Branches of the mangroves act as bird rookeries and nesting areas for coastal wading birds including egrets, herons, cormorants and roseate spoonbills,” dagdag naman ng The Nature Conservancy, isang US-based nonprofit organization.

Kanlungan ng Buhay

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang kakayahan ng mga punong-kahoy na makapag-absorb ng carbon dioxide (CO2) sa hangin. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit ang pagtatanim ng mga puno at pagpapalago ng mga kagubatan o reforestation ang itinuturing na pinakamalaki’t epektibong hakbang upang malabanan ang patuloy na tumataas na porsyento ng CO2 sa atmosphere, at greenhouse gases(GHG) sa kabuuan –na s’ya namang dahilan ng patuloy na pagtaas ng temperatura at matinding pagbabago ng panahon.

Ang mga mangrove forest ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), tulad ng Pagbilao Mangrove Experimental Forest ay

Pinoprotektahan ng mga bakawan ang mga baybayin sa pamamagitan ng pagbabawas ng pnganib ng pagbaha at pagguho ng lupa (erosion). Ang aerial roots ng mga bakawan ay nagpapanatili ng mg sediment at pinipigilan ang erosion, habang ang mga ugat, trunks at canopy ay nagpapababa ng lakas ng hangin at along tumatama sa kalupaan.

gumagampan ng higit na malaking responsibilidad sa pag-imbak o pag-absorb ng naturang elemento sa kapaligiran. May mabigat na papel ang mga ito sa tinatawag na carbon cycle o ang proseso ng pag-ikot ng carbon mula sa atmosphere patungo sa kalupaan, at pabalik muli sa himpapawid.

“Forests play a major role in the global carbon cycle since they store huge amounts of carbon. About 283 gigatons (Gt) of carbon is stored in the world’s forests’ biomass alone,” dagdag ng FAO.

Higit pa rito, iginigiit ng ilang mga pananaliksik na tinatayang dalawa hanggang tatlong beses ang dami ng carbon na naipoproseso ng mga bakawan o mangrove forest kung ikukumpara sa mga pangkaraniwang terrestrial forests o mga kagubatan na matatagpuan sa gitnang kalupaan.

“Mangrove forests, one of the unique forest ecosystems in the tropics, have been proven to store relatively huge amounts of carbon. Mangroves, along with salt marshes and seagrass, are among the most efficient carbon sinks in the world,” ayon sa ulat ng PSA at World Bank Group. Sa kabila ng mahabang listahan ng mga benepisyong naidudulot ng mangrove forest sa bayan, nakalulungkot pa ring isipin ang mabilis na pagbaba ng lupang sakop nito sa nakalipas na taon. Hindi lamang PMEF and nakararanas ng pagbabang ito, sapagkat maging ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay nakapagtatala ang higit na mabababang numero sa imbentaryo, dulot ng pang-aabuso’t hindi maayos na pangangalaga sa mga ito. Isa pang mabigat na dahilan, ang kombersyon ng ilang mga bahagi ng taniman bilang mga commercial fishponds at shrimp farms. Sa katunayan, tinatayang 534.55 na ektarya na ang nalagas sa PMEF dulot ng private fishpond operations taong 1996. At ang natitira na lamang sa kasalukuyan ay yaong nasa tabi at pagitnang karagatan. Hindi maitatanggi na biyayang maituturing ang Pagbilao Mangrove Experimental Forest sa buhay himpapawid at karagatan, lalo’t higit sa buhay ng mga mamamayan. Subalit, ang nakaambang pagkawala ng mariwasang kagubatang ito dulot ng pansariling interes ay nakababahala para sa lahat ng nilalang na sinusuportahan ng kanlungan. Kaya’t marahil marapat balikan ng mga anak nina Pablo at Rita ang matandang kasabihang: “Ang taong ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.”

Talipan National High School Pagbilao, Quezon Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023PEBRERO 2024 14
>> JOSEPH EMMANUEL MANALO Grade 10 MPT LOOK NG TAYABAS Nasa 90% ang nababawas sa taas ng alon sa oras na humampas ito sa mga bakawan. Pruwebang ligtas ang baybayin sa banta ng tsunami. Infograpiks ni: Jase Gerald V. Arquiza BAKAWAN

GooD CATCH

Ang Papel ng Komersyal na Pangisdaan sa lumalagong Produksyon ng Isda sa Quezon

Isa ang isda sa paboritong ulam ng mga Pilipino. Marahil ay sa murang presyo nito, o baka naman ay sa dami ng klase at luto na pwedeng gawin dito. Ngunit di makakaila na paunti na nang paunti ang suplay ng isda sa Pilipinas dahil sa maling paraan ng panghuhuli, pero ibahin mo ang lalawigan ng Quezon.

Ayon sa PSA – Philippine Statistics Authority – nakapagtala ng 17,658.60 metric tons na produksyon ng isda ang Quezon nito lamang unang quarter ng 2023. ‘Di hamak na mas malaki ito ng 18.7% sa 14,876.72 metric tons na naitala noong nakaraang taon. Malinaw na namamayagpag ang industriya ng pangingisda sa probinsya ng Quezon at hindi na rin nakagugulat na malaki ang ginhawang dala nito hindi lamang sa mga negosyante, kundi pati na rin sa mga mamimili.

Ang Lambat

Ang masaganang huli ng mga mangingisdang Quezonian ay hindi lamang dulot ng iisang tao o organisasyon. Ang kabuuang huli ng sektor ng pangingisda ng lalawigan ay binubuo ng tatlong sub-sectors.

Unang una na dito ang commercial fisheries na may kabuuang huli na 12,847.48 metric tons o halos higit sa 70% ng kabuuang pruduksyon ng isda sa Quezon. Ang commercial fisheries ay ang paggamit ng malalaking sasakyang pandagat at panghuhuli ng mga isda na pangmaramihaan para sa tubo.

Sumunod dito ang municipal fisheries na bumuo sa 26% na kabuuang huli ng Quezon.

Nakahuli ng 4597.47 metric tons na isda ang mga mangingisda mula sa sub-sector na ito. Ang municipal fishiries ay binubuo ng mga tipikal na mga mangingisda na Pilipino na nag babanat ng buto upang may maihain sa kanilang mga hapag-kainan.

At sa huli ay ang aquaculture o ang mga palaisdaan na umambag ng 213.66 metric tons o 1.2% mula sa kabuuang huli ng lalawigan.

Malaki ang ibinaba ng ambag ng aqua culture mula sa mahit 6000 metric tons na huli mula noong huling taon dahil narin sa pag taas ng presyo ng pag mamaintin ng mga pala isdaan na humahantong sa pagkalugi ng mga negosyanteng may ari ng mga ito.

Para sa Masa

Ang pag angat ng bilang ng produksyon ng isda sa Quezon ay magandang balita para sa lahat ng mamamayan dito. Maraming ginhawa ang dadalhin nito sa mga konsyumer, negosyante, at maging sa kalikasan.

Ang mga konsyumer ang pinakang makakakuha ng benipisyo sa pag angat na ito.

Dahil sa pag rami ng suplay, magkakaroon ng access ang mga mamamayan sa mura at de kalidad na isdang swak na swak sa bulsa at panglasa ng masa. Maging ang kanilang

BANTAY SA MESA

Mga ‘Di Masisikmurang Epekto mula sa Pagkain ng Karneng Aso

Hindi maikakaila na ang pagkain ay isang bagay na kadalasang hindi matanggihan ng kahit na sino. Ang masarap at nakatatakam na amoy ng pagkain lalo’t higit ng mga karne, ay ituring na ‘source of happiness’ ng ilan. Ngunit, maaatim mo pa bang maglaway at lumunok gamit ang iyong esophagus kung ang ang ang itinuturing na “man’s best friend” ang ihahain sa hapag-kainan?

Sa loob ng halos 30 taon, tila naging pangkaraniwan na sa mga Pilipino ang pagkain ng karne ng aso, lalo’t higit sa mga inuman sa baryo. Ngunit, brutal at hindi makatao ang pamamaraan ng pagkatay sa mga ito.

Ayon sa International Wildlife Coalition Trust (IWCT), ninanakaw ang mga aso sa lansangan at pinagsisiksikan sa loob ng isang trak na parang mga sardinas. Binubusalan ang bibig ng mga asong ito at tinatalian ang mga paa hanggang sa hindi sila makahinga at tuluyang mamatay. Sa katunayan, tinatayang 500, 000 na aso ang ilegal na pinapatay sa bansa taon-taon upang gawing pagkain.

“The dogs are beaten to death on the head with a bamboo, a metal rod or a heavy wood” ani Jonika Piñon, isang volunteer.

Sa kabila ng pagsasabatas ng Republic Act No. 8485 o mas kilala bilang Animal Welfare Act of 1998, na naglalayong sugpuin ang ano mang klase ng animal cruelty, ay mayroon pa ring pangilan-ngilang ilegal na nagkakatay at kumakain ng karne ng aso.

Patunay rito ang ulat Philippine Star, kung saan kamakailan lamang ay inaresto ang isang mangingisda sa pagnanakaw at pagkatay sa aso ng isang turista mula sa Sariaya, Quezon.

Impeksyon sa dog-eating

Paano nga ba tila nasisikmura ng ilan na lunukin ang katotohanang hindi nararapat ang hindi makataong pagpatay, lalo’t higit ang pagkain sa mga walang muwang na nilalang na ito?

“Eating dog meat can pose serious health risks especially given the way dogs are handled,” giit ni Piñon ukol sa isyu ng pagkain ng karne ng aso.

nutrisyon ay uunlad dahil sa sustansya na hatid ng sariwang isda na tunay na hindi kauumayan.

Marahil pati ang mga negosyante ay nakangiti narin, dahil sa paglaki ng suplay, lumaki rin ang mga oportunidad upang kumita. Isa itong tyansa upang mag invest at kumita sa fisheries na ikauunlad ng mga negosyante at pati rin ng ekonomiya ng bansa.

Maging ang kalikasan ay panalo rin. Dahil sa pagrami ng huli, isa itong patunay na namamayagpag ang eco system ng katubigan sa lalawigan ng Quezon, isa itong patunay sa pagmamahal at pag iingat na ipinadarama ng mga Quezonian sa kanilang inang bayan, at dahil dito, tayo ay ginagantimpalaan na ng kasaganahan.

Malinaw na ang masaganang huli na nadarama ng mga taga-Quezon ngayon ay pabuya sa kanilang pag sisikap upang mapangalagaan ang inang kalikasan.

PRoDUKsYoN NG PANGIsDAAN sA LALAWIGAN NG QUeZoN (2024)

SA MALAMANG

Ngunit hindi natatapos dito ang lahat, kahit hindi ka taga-Quezon, maging ikay Bikolano man o ano pa, nararapat na pangalagaan natin, di lamang ang katubigan, kundi ang buong kalikkasan, upang hindi lamang sa Quezon maka ranas ng kasaganahan, kundi maging sa buong bansa.

Patawa si Ate AI

ilang isang Quezonian, mapapaYano AI! ka na lang talaga sa kung paano mag-react ang mga tao sa kontrobersyal na eksistensya ng AI ngayon.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pagkain ng karne ng aso ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng cholera o ang impeksyon sa small intestine dulot ng pagkonsumo ng pagkain na kontaminado ng bacterium Vibrio cholerae. Ilan sa mga pangunahing sintomas nito ay pagsusuka at pagtatae, na maaring ikamatay ng biktima kung hindi agad malulunasan. Dagdag pa rito, maaari ring pagmulan ng rabies ang pagkonsumo sa mga ito. Ang rabies ay isang uri ng virus na nagmumula sa mga hayop, partikular na sa mga aso. Kung saan maaaring makaranas ng delirium, abnormal na pag-uugali at hallucinations ang pasyente, terminal ang sakit na ito —walang lunas, at halos isang porsyento lamang ang posibilidad na mabuhay sakaling magsimula na ang onset ng mga nasabing sintomas. “Dog meat trade necessitates the transportation...It can also widen the spread of rabies and put more dogs and humans at risk, ani Piñon Dagdag dito, isiniwalat sa Healthsite, isang healthcare blog site, na maiiugnay rin sa pagkain ng karne ng aso sa pagkakaroon ng Trichinellosis, isang zoonotic parasite na kumakalat sa katawan ng aso na maaaring maisalin sa konsyumer, samantalang ang karamdamang ito nakapagdudulot ng inflammation sa blood vessels.

Tahol ng katarungan Ang dog meat trade ay isang kasuklam-suklam at lubos na hindi makataong pagtrato sa mga aso. Ang ilegal na paghuli at pagkatay sa mga ito ay mas masahol pa sa pagiging hayop. Kung kaya’t isa lamang ang sigaw ng IWCT —katarungan. “We are still aware of the small amount of trading...we will continue to fight, to see a complete end and justice for the dogs,”pahayag ng IWCT. Naging kilala ang mga aso bilang “man’s best friend” dahil sa pagiging loyal o tapat nito sa kan’yang amo, kaya’t nawa’y suklian rin ng katapatan ng mga tao ang walang kapantay na pagmamahal ng mga fur friends na ito.

Ang AI o Artificial Intelligence ay isang uri ng teknolohiya na may taglay na kakayahang magbigay ng mga impormasyong tulad ng pag-iisip ng isang tao, nakamamangha naman talaga ngunit sa kabilang banda, nakatatawa ring isipin kung paano ito nakaaapekto sa mga buhay natin sa maling paraan. Hindi maitatangging malaki ang tulong ng AI ngunit ang sobra at maling paggamit nito ay siyang mabigat-bigat na isipin, lalo na sa mga abusadong estudyante. Ika nga ni Dr. Roberto Galang, Dean ng School of Management sa Ateneo, “Kung hindi itinuturo sa mga estudyante ang benepisyo at kahinaan ng AI sa klase ay hindi sila maihahanda sa kinabukasan.”

Bilang isang estudyante,, nakikita kong talamak na nga sa mga paaralan ang paggamit ng AI at ito raw ay may dalawang masamang senyales para sa ating edukasyon, “Humihina ang bisa ng pagtuturo at lumalala ang katamaran ng mga mag-aaral.” Dito pa lang, maliwanag na walang mabuting maidudulot ang pang-aabuso sa lumalawig na teknolohiya.

Una, hindi kailanman katanggaptanggap ang pagsusumite ng mga gawaing gawa ng artipisyal na katalinuhan. Palagi kong pinaaalala sa aking mga kaklase na ito ay isang uri ng pandaraya. Pangalawa, malinaw na ang mga kabataan ay mas pinahahalagahan pa ang pagkakaroon ng mataas na marka kaysa sa tunay na paglinang ng kanilang isipan. Kung ito’y magpapatuloy ay matutuyot at magiging pala-asa ang utak ng ating mga kabataan. Hindi naman masama ang AI, ngunit dapat lang ay alam natin kung paano ito gamitin nang wasto. Alamin natin ang mga limitasyon nito upang mas maging epektibong paraan ito para sa mabilis nating pagkatuto at mas maging magaan naman ang ating mga trabaho kung sa ibang sektor man ito ng lipunan maaaring gamitin. Sa malamang, ang isyu sa AI ay nakasalalay sa palad ng mga gumagamit. Mahalagang alalahanin ng bawat isa na kung patuloy nilang gugutumin ang kanilang mga isipan sa tunay na pagkatuto at gagamit ng mga materyales na hilaw sa orihinal na ideya ay wala silang pinagkaiba sa mga payaso: walang ibang niloloko kundi ang kanilang mga sarili.

15
Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024 >> JOHN NICO M. RUZ Grade 11 ABM
B
>> JAMES BRYANT T. RUSTIA Grade 10 ERM >> JOSEPH EMMANUEL D. MANALO Grade 10 MPT Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton Larawan at Infograpkis ni Jase Gerald Arquiza

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024

Mas marami pang bata ang mapipilitang lumikas mual sa kanilang mga tahanan kung patuloy na lalala ang mga bagyo at pagbaha dahil sa pagbabagong klima.

KALAMIDAD ANG MAY GAWA

Mga Panganib na dala ng lumolobong kaso ng Child Displacement

Sa isinagawang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) at International Displacement and Monitoring Centre (IDMC), lumabas na pumutok na sa 43.1 milyong kaso ng child displacement ang naitala sa loob ng anim na taon mula 2016 hanggang 2021, bagay na ikinaalarma hindi lamang ng ahensya kundi ng bawat nasyon sa mundo.

Ayon sa pag-aaral ng UNICEF, pumapatak sa 20 libong kaso ng child displacement ang naitatala sa bawat araw kung saan 95 porsiyento ng mga ito ay dulot ng mga climate-related events tulad ng baha (flood), bagyo (storm), tagtuyot (droughts) at malawakang sunog (wildire).

“Millions of children are already being driven from their homes by weather-related events, exacerbated by climate change… The report analyses the most common weatherrelated hazards that lead to the largest number of displacements: floods, storms, droughts and wildfires. Together, these hazards account for over 99 per cent of all weather-related displacements recorded by IDMC since 2016…,” saad ng pag-aaral.

Base sa ulat ng UNICEF, Pilipinas ang naging episentro ng nasabing krisis kung saan lumobo sa 9.7 milyong kaso ng child displacement ang nakitang resulta kung titingnan sa kabuoang bilang o absolute numbers habang nanguna naman na may 11 posiyento ang bansang Somalia sa bilang ng kaso kung titingnan ito sa porsiyento ng populasyon ng bansa.

Ano man ang marating ng mga numerong ito, naniniwala naman ang UNICEF na may mga kailangang gawing hakbang ang mga nasyon upang mailigtas ang mga bata at maihanda sila sa mas maayos na kalalagayan sa kinabukasan.

Weather… Weather Lang

Kung susuriing mabuti, hindi natatapos sa bilang ng mga nasawi at halaga ng pinsalang nawala ang epekto ng mga kalamidad. Sa pagaaral ng UNICEF, isinisisi ng ahensya ang pagtaas ng kaso ng child displacement sa mga weather o

climate-related events kung saan iba pang uri ng ‘kalamidad’ ang nagiging bunga tulad ng pagtigil sa edukasyon, separasyon sa mga pamilya, exploitation, child trafficking at marami pang iba.

“Millions of children are already being driven from their homes by weather-related events, exacerbated by climate change. Decisions to move can be forced and abrupt in the face of disaster, or the result of pre-emptive evacuation –where lives may be saved, but many children still face the challenges that come with being uprooted from their homes,” saad sa ulat.

Sa mga kasong dulot ng klima o panahon, 99 porsiyento ng mga ito ay bunsod ng mga baha, bagyo, drought at wildfire habang ang natitirang bilang naman ay mula sa mga matinding init ng panahon, erosion at landslide.

Mukha ng Child Displacement

Isa ang 13-anyos na Talipeno na si John Ryan Almeyda mula sa Albay na naranasang tumira kung saan-saan sa loob ng ilang linggo matapos tamaan ng matinding bagyo ang kanilang lugar.

Ayon sa ulat, maging ang maraming paaralan ay lubhang naapektuhan kung kaya’t maging ang edukasyon ng libo-libong mag-aaral ay naalintana kabilang na si JOhn Ryan at ang kanyang mga kapatid na nawalan na ng paaralan, nawalan pa ng tahanan, “Napunta po kami dito sa Pagbilao simula noong nawalan na po kami ng bahay. Nawasak po ng bagyo ang bahay namin pati school namin doon sa Albay nasira din po,” ani ng Grade 7 student na ngayo’y taga-Brgy. Bukal Pagbilao, Quezon na. Tulad ng paghihirap na naranasan ni John

Ryan, matinding hamon din sa buhay ni Rebecca Ayag, isang magulang at ng kanyang mga anak ang kanilang nasaksihan sa lunsod ng Tuguegarao noong 2021 kung saan lumubog mula sa lampas taong taas ng baha ang kanilang lugar kabilang na ang kanilang bahay at lupang taniman.

“Pansamantala dito muna kami sa Pagbilao sa bayan ng asawa ko. Naging malaking hamon yung nangyari noon lalo pa’t pati kabuhayan namin ay nawala dahil sa matinding baha. Sa ngayon hindi pa namin alam kung babalik pa pero sana.. sana makabalik pa,” pagsasalaysay ng ina.

3Ps: Protect, Prepare, at Prioritize

Sa resultang naitala ng UNICEF at IDMC, walang ibang nakikitang solusyon sa krisis na ito kundi ang paglaanan ng aksyon ang kahandaan ng mga bata upang mapababa ang bilang ng kaso ng child displacement saan mang parte ng mundo.

Naniniwala ang ahensya na kung mabibigyan ng tamang proteksyon ang mga musmos, hindi makasisilip ang anumang panganib na kanilang ikadedehado. Gayundin, kailangan ng lubos na kahandaan ng bawat nasyon tulad ng Pilipinas na may ‘good coping capacity’ upang sakaling dumating man ang mga kalamidad ay handa’t ligtas ang lahat sa anumang uri ng kapahamakan. Panghuli, nais ng UNICEF na unahin ang kapakanan ng mga paslit lalo’t higit ang mga bulnerable sa bangis na hatid ng ganti ng kalikasan. Sa paglalagay ng mga bata sa front seat ng kahandaan, hindi lamang sila mailalayo sa panganib kundi mabibigyan din ng magandang kinabukasang dapat nilang maranasan.

Endemic Plants sa Quezon National Forest, bakit nanganganib nang maubos?

>> DALE ENZO S. BARANGAS Grade 10 MPT

ng pagbebenta ng mga halaman ay tampok na pagkakitaan lalo nitong lumipas na pandemya. Ang iba’t ibang laki at kulay ay tiyak na nakaaakit tingnan na ‘aesthetic’ ang datingan. Talaga namang nagsulputan ang mga plantito at plantita na nais ding mag-alaga, na s’yang nagbigay saya sa bulsa ng mga nagbebenta. Ngunit, ang ilan pala sa mga halamang ito ay ilegal na tinitinda, kung saan karamihan pa sa mga ito ay endemic plants na nangangambang maubos na.

Ang endemic plants ay mga uri ng halaman na tumutubo lamang sa partikular na bahagi ng mundo. Sa Pilipinas tinatayang mayroong 7.2 million ektaryang lupain na binubuo ng mga kagubataan. Kung saan, ikalima sa buong mundo ang bansa pagdating sa kabuuang bilang ng mga halaman— kalahati sa mga ito ay endemic.

Batay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Alocasia micholitziana o mas kilala bilang Green Velvet Alocasia, ang Vanda sanderiana o ang Waling-waling, maging ang Alocasia sanderiana o ang Kris plant at marami pang iba ay ilan sa mga pinangagambahang maubos dahil sa ilegal na pagbebenta nito. Ito’y kabaha-bahala sapagkat karamihan sa mga ito ay makikita sa lalawigan ng Quezon, partikular sa Quezon National Forest Park.

Bunga ng Endemic Plants

“Endemic species are more important to the innate biodiversity of a region than previously thought” ani Andrew Krosofsky, isang journalist.

Ayon sa isang pag-aaral ng University of Tennessee at University of Tasmania, kanilang natuklasan na ang mga endemic species gaya ng mga halaman ay may malaking papel na ginagampaganan sa biosphere. Dagdag dito, kanilang nadiskubre na ang halamang eucalyptus, isang uri ng endemic plant ay may kakaibang katangian para makasurvive na may direktang epekto sa survival ng ibang species sa partikular na ecosystem. Kapag tuluyang ma-extinct o maubos ang mga nasabing

halaman ay may dalang dagok ito kapaligirang kinabibilangan. Sapagkat batay sa ScienceDirect, ang mga endemic plants ay nagsisilbing reserviors at source ng mga insekto, mites at nematodes.

“If one goes extinct, the other may be influenced or destroyed by the occurrence over time” ani Dr. Tanushree Kain.

Bultuhang Proteksyon Sa pangunguna ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Environment and Resources, layuning palakasin ang kapangyarihan ng gobyerno para masaway ang ilegal na nagbebenta ng endangered plants.

“The collection of wild flora directly from the forest, especially those considered as threatened species, without permit is prohibited under Republic Act 9147 or Wildlife Resources Conservation and Protection Act” payahag ni Crisanta Rodriguez, Executive Director ng DENR Zamboanga Peninsula. Kapag nahuling ilegal na nagbebenta ay pagmumultahin ng mahigit Php 100,000 hanggang Php 1,000,000 at mabibilanggo nang 6 hanggang 12 taon.

Dala sa hirap ng buhay, kung minsa’y napipilitan kang kagatin ang tawag ng oportunidad. Tawagin man itong ‘easy money’ ay huwag magpasilaw sapagkat walang katumbas na halaga ang kapalit, kung sakaling ang mga endemic plants ay tuluyang maubos na. Ang mga halamang ito, bukod sa natatangi at kakaiba ay palatandaan kung gaano kaganda ang mga kagubatan ng bayang sinilingan. Dala nito’y mga makasaysayang aral ng nakaraan kung kaya’t marapat na protektahan.

16
Grade 10 MPT
>> JOSEPH EMMANUEL D. MANALO
A
Grapiks ni Jase Gerald V. Arquiza Infograpiks ni Jase Gerald V. Arquiza

Pagpanaw ng Banahaw

Isa ang bundok ng Banahaw sa pinaka magandang tanawin sa lalawigan ng Quezon. Ang Banahaw ang pinaka mataas na bundok sa CALABARZON kaya’t hindi mapagkakaila na ang presensya nito ay makikita sa lahat ng lalawigan ng rehiyon. Bilang tagapagdala ng kita sa sektor ng turismo ng rehiyon, nararapat lang na ito ay ingatan at pangalagaan.

Ngunit, maaaring ito na ang pagsisimula ng “Pagpanaw ng Banahaw” dahil, kamakailan lamang, naging laman ng mga balita sa bayan ng Sariaya, Quezon ang quarrying operations na nangyayari sa Banahaw.Unti unti nang kinakalbo ang paahan ng bundok na tila ay tinatanggalan na ng kuko. Tunay ngang ang tao ay hindi marunong makuntento, kaya’t nararapat na aksyunan ito, upang mailigtas ang bundok ng Banahaw na di makakaila na isang paraiso.

Ang Banahaw ay isang yaman na dapat ingatan. Ngunit paano ito mapahahalagahan kung maging ang mga taga pagpasunod ng batas, ay tila nag bubulag-bulagan. Ika ng Quezon Province News and Updates – Isang pahayagan sa probinsya ng Quezon – “Mayor Marcing Gayeta ng Sariaya, hugas kamay sa isyu ng quarrying sa Banahaw”. Dahil ayon kay Mayor Gayeta, ang trabaho lang nya at ng LGU ng bayan ay ang mag monitor sa quarry site, na kaagad namang pinabulaanan dahil ayon sa imbestigasyon ng Mt. Banahaw-San Cristobal Protected Landscape o MBSCPL, ay nabigyan ng Mayor’s permit ang mga quarriers na nag bigay pahintulot sa kanila na mag simula na ng quarrying sa paahan ng bundok na kaagad namang inangalan ng mga mamamayan. Tunay na mahirap ipantay ang isang puno, kung maging ang ugat nito ay baluktot. Nararapat na para mag karoon ng aksyon ang mamamayan, kailangan munang pumanig sa tama ng mga namumuno.

Kalikasan ang tanging nagdadala sa atin ng buhay, ngunit bakit tila pilit natin itong pinapatay? Ang quarrying na nangyayari sa Banahaw ay matindi ang epekto sa estado ng ating kalikasan, kaya’t nararapat na ito ay sulusyonan kaagad. Ayon sa datos ng Disaster Risk Reduction Management ng probinsya ng Quezon, halos nag doble ang tyansa ng baha sa probinsya simula nang mag simula ang quarrying operations noong 2009. Ang pagpapatuloy ng operation na ito ay walang ibang hahantungan kundi and pagkasira ng kalikasan na hahantong din sa ating kamatayan.

Marahil na ang pagpanaw ang pinaka kinatatakutan ng karamihan ng mga tao, at tila naman ay kamatayan na ang inilalapit sa atin ng quarrying operations. Noong 2009 sa kasagsagan ng bagyong Santi, dalawang kabataan ang namatay dahil sa pagkalunod matapos malaglag sa isa sa mga quarry holes sa Brgy. Santo Cristo, Sariaya kung saan naka istasyon ang quarrying operations. Buhay na ang nakataya kaya’t mag bubulag-bulgan paba tayo? Nararapat na tayo ay kumilos na at humanap ng paraan upang maitigil ang kamangmangang ito.

Ngunit, ayon naman sa isa sa mga nagtratrabaho sa quuarry site, “Kumpleto ang requirements namin tas kami ay binigyan ng certification na mag trabaho dito, wala kaming ginagawang mali”. Ang kumpleto nilang mga paprles at requirements and kanilang naging panlaban upang magkaroon ng karapatan na ituloy ang kanilang ginagawa, ngunit, may papeles man o wala, malinaw pa sa liwanag ng araw na mali ang kanilang ginagawa. Kung para lamang sa pera at kita ay sisirain nila ang kalikasan, marahil sila ay nahihibang, walang katumbas na yaman ang ating kalikasan.

Hindi na maitatanggi ang epekto na dulot ng quarrying operations sa Bundok ng Banahaw. Isa itong problema na nangangailangan ng kaagarang sulosyon, dahil kung hindi, iisa lang ang maaari nitong hantungan, pagkasira ng kalikasan. Wag sana tayong mag bulag-bulagan, harapin natin ang suliraning ito, dahil, para ito sa ikabubuti ng kalikasan, pati na rin ng tao. Kumilos tayo upang di humantong sa Pagpanaw ang Banahaw.

TRIGGER WARNING:

>> JAMES BRYANT T. RUSTIA

Grade 10 ERM

Pagyakap sa Depresyon ng Kasalukuyang Henerasyon

atagal na panahon ring isinulong ng larangan ng medisina ang kahalagahan ng mental health awareness sa buong mundo, kaakibat ang paglalayong i-destigmatized ang mga mental illnesses o karamdamang mental tulad ng axienty at depression, lalo’t higit sa mga bansang katulad ng Pilipinas na tila naging sara sa usaping ito sa loob ng mahabang panahon.

Kamakailan lamang nang naging laman ng iba’t ibang content sa social media ang mga mental illnesses kabilang na ang mga rare mental conditions. Bahagi ng mga content na ito ang pagsasaad ng mga sintomas at mga karaniwang manipestasyon ng mga karamdamang mental. Dahil sa pagiging widely available at easily accessible ng mga ganitong impormasyon, nagugat ito ng misconception o maling kaisipan sa pagkilala ng mga mental illnesses sa nakararami.

Ayon sa artikulo ng The Meadowglade, isang institusyon ng sikolohiya, ang maling pagpapakita o portrayal at simplipikasyon sa mga palabas at artikulo ng mga seryosong karamdamang tulad ng depresyon, ay nagiging sanhi ng “romantization” o ang paniniwala na ang pagkakaroon ng sakit na gaya ng depresyon ay pagiging kakaiba at kaayaaya. Ito rin anila ang dahilan ng self-diagnosis ng mga manonood o mambabasa lalo’t higit ang mga kabataan na tila ba nakikita nila sa kanilang mga sarili ang mga sintomas na iginigiit ng mga sensationalized na materyales na ito.

“In some instances, popular television has overshadowed the severity of symptoms and challenges of struggling with mental health. Many

modern releases lead to the misconception that mental illness is beautiful or even desirable,” ani ng The Meadowglade.

Samantala, iginiit ni Dr. Wizdom Powell, direktor ng The Health Disparities Institute sa isang panayam, na ang penomenang ito ay dulot ng horoscope effect, o ang pagiging lubos na kumbinsido sa isang artikulo o palabas, at paniniwalang ang lahat ng nababasa o napapanood ay personal na naramdamanan, maging minamanipista ng katawan, na s’yang nagdudulot ng maling persepsyon sa totoong klinikal na kalagayan.

“Self diagnosis does increase the dangers of both symptom amplification and minimization, and we know for example that it takes a professional to really sort out the difference a symptom and an actual clinical diagnosis,” dagdag ni Dr. Powell.

Ayon sa tala ng Tebra, isang healthcare provider blog site, tinatayang isa sa apat na tao sa buong mundo ang nakararanas ng self-diagnosis, at halos tatlumpong (30) porsyento nito ay mga kabataan nabibilang sa generation z. Ang kakulangan sa pasilidad ang itinuturong

pangunahing dahilan ng suliraning ito, lalo’t higit ang kalagayan ng mental healthcare facilities sa bansa, maging ang kakulangan sa mga propesyonal na aagapay sa mga may karamdamang mental.

“Access to mental health services in the country remains limited and unequal due to stigma and scarce resources. There is also less than one mental health worker for every 100,000 Filipinos,” ani ng Philippine Mental Health Association, Inc.

Hindi maitatanging nagkaroon ng malaking bahagi sa pagsusulong ng mental health awareness ang iba’t ibang social media platforms at ang online world sa kabuuan, nagsilbi ang mga ito bilang epektibong midyum sa pagpapalaganap ng mga impormasyong makatutulong upang isulong ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalusugang mental. Bagama’t nakapagdulot ito ng malaking pagbabago sa pagtingin ng masa sa isyung nabanggit, nagbukas din ito ng panibagong oportunidad upang lalong dagdagan ang bigat ng stigma sa mga taong nakararanas ng karamandamang mental.

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 202
M
17 Ainah Marie M.
Grapiks ni Jase Gerald V. Arquiza

Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024

Special Program for Sports sa Talipan, malabong-malabo pa - Tagon

Nilinaw ni Maria Teresa L.Tagon, Ulongguro III sa MAPEH na wala pa silang balak umanong magbukas ng Special Program for Sports (SPS) sa Talipan NHS sa kabila ng pagsisimula ng ibang mga departmento sa pag-aasikaso ng aplikasyon ng iba’t ibang programa. Aniya, malabong-malabo dahil kulang na kulang ang paaralan sa kailangang pasilidad upang maipasa ang aplikasyon sa SPS tulad mga court, field at maging ng mga sports equipment.

- JAMES BRYANT T. RUSTIA / Grade 10 ERM

PLASOS SOPLA KAY

Plasos, binuhat ang Talipan High Panthers vs Pagbilao High Ballers sa Boys 3x3, 13 – 11

>> CRISIADEL ASHLEY B. SOGABO Grade 10 MPT

Ginimbal ni Norwen Plasos ang lahat matapos niyang umigkas ng kumakaripas na isang puntos sa huling segundo ng kanilang bakbakan laban sa Pagbilao National Highschool (PNHS) at maibulsa ang tagumpay para sa Talipan NHS sa idinaos na District Meet 2023 Secondary Boys 3x3 Basketball, sa PNHS Covered Court, ika – 11 ng Nobyembre 2023.

Hindi nagsasayang ng anumang oras at agad kumabig ang Talipan ng tatlong puntos na lamang sa pangunguna nina Ian Armada at Neil De Rama sa simula ng kanilang laro.

Kaagad namang sumubok ang kabilang koponan na maungusan ang Talipan subalit hindi sila nakalusot sa liksi at tibay ng depensa ng mga ito. Agad namang uminit ang laban ng maging tabla ang puntos ng magkabilang koponan sa huling dalawang minuto ng laro na hindi naman pinatagal ni Plasos at pinatid ang kanilang gitgitan matapos umani ng dalawang magkasunod na puntos sa tulong ni Armada, 12 – 10.

Muli namang idinikit ng PNHS ang laban matapos magtangay ni Ian Glorioso ng isa na namang puntos para sa Mapagong-based squad at pataasin pa lalo ang tensyon sa huling minuto ng gitgitan.

Ginulantang naman ni Plasos ang kabilang koponan nang sumakmal ito ng isa pang puntos sa huling segundo ng laro at tapusin ang laro sa isang makapigil hiningang tagumpay, 13-11.

Samantala, tagilid naman ang naging kampanya ng TNHS Secondary Girls Team matapos silang kapusin ng isang puntos laban sa PNHS na hinamon sila gamit ang matikas nitong depensa.

BUHAT NA BUHAT. Nakipag-agawan sa ere para sa isang rebound si Norwen Plasos ng Talipan NHS sa kalagitnaan ng sagupaan kontra Pagbilao NHS. Wagi

TNHS Table Tennis Team, kinapos sa PNHS Paddlers

matapos sumablay ng kanyang sipat sa sumunod niyang tira na nagbigay daan upang mapasakamay ng kalaban ang ikot ng bawat bola sa natitirang oras ng kanilang laro, 8 – 1. Hindi naman naiba ang ihip ng hangin para kay Mico Capisonda matapos niyang sumabak sa laro ng 9 balls at hinamon ng kalaban ng salubungin siya nito ng dalawang puntos, sinubukan naman niyang patidin ang pulido nitong mga atake sa kalagitnaan ng kanilang laro.

Subalit, hindi nasindak ang kalaban at tuluyan na siyang dinomina ng malinis nitong laro matapos magpakawala ng isang na namang puntos na naghatid sa kaniya ng tagumpay, 3 – 6.

>> MARL JARRED A. ENCINA Grade 10 MPT

igong makaubra sa Municipal Meet ang TNHS Table Tennis Team na lumahok sa iba’t ibang dibisyon sa nakaraang 2023 Pagbilao 1 District Athletic Meet nang padapain ng district rival na Pagbilao National High School (PNHS) Paddlers, Nobyembre 11 sa Pagbilao Central ES.

Sa simula pa lamang ng laro, pinakitaan na agad ni Mark Glorioso mula PNHS sa Boys Single A ang Talipan ng kaniyang husay sa pagpalo ng bola. Hindi naman ito pinalampas ni Axel Lawig ng TNHS at nakipagsabayan din sa liksi at malalakas na atake at nakipagsagutan sa iskor na 7-11, 11-3, 3-11, 11-8. Gayunpaman, hindi nagpadaig si Glorioso na umalagwa na sa huling takbo ng laro, 11 - 6. Hindi naman naiba ang kapalaran na sinapit ni Aaroon Moztaza ng TNHS matapos siyang pataobin ni Villanueva ng linlangin siya nito sa liksi ng kaniyang bawat hampas ng bola, 7 – 11, 1 – 11, 9 – 11. Nagpakitang gilas naman sina Medallo at Velasco ng PNHS laban sa doubles ng TNHS na sina

Balatucan and Mejia ng hindi rin ito pinalampas ng tibay ng kanilang depensa upang manguna ang kabilang koponan sa buong takbo ng laban, 11-9, 11-7, 11-6. Sa kabilang banda, bumandera naman ang girls single A player na si Shanelle Munda ng TNHS ng binuhay nito ang ispirito ng Talipan at walang awang inungusan ang kalaban sa bawat set ng kanilang laro, 11-2, 11-7, 11-5.Sinundan naman ni Virgina Dañez ang yapak ni Munda matapos niyang walisin ang depensa ni Tinaminsan ng PNHS at maiuwi ang titulo para sa kaniya, 11-5, 11-6, 11-1 Subalit, ginising naman sila ng PNHS ng muli nitong binawi ang ngiti sa kanilang mga mukha ng sumabak ang girls doubles players na sina Sotomayor at Nosa kontra TNHS players Gutierrez at Etcubañas na naghatid sa kanila ng korona matapos nilang sibakin ang tagumpay ng kabilang koponan, 11-7, 11-6, 11-9. Sasabak muli ang sina Munda at Dañez ng Talipan kasama ang mga nanalong manlalaro ng PNHS at ipapakita ang kanilang husay sa darating na Municipal Meet sa ganap na Disyembre 08, 2023.

18
ISPORTS BIT
ang koponan mula Fori matapos buhatin ng Grade 10 shooter na si Plasos ang team at maging clutch-player sa end game. (Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton)
WALANG SUKUAN. Kinapos man, nagpakita pa rin ng husay si Alex Lawig ng Talipan High Paddlers sa pagtutuos nito laban sa mga beterano ng Pagbilao High. Nakakulekta naman ng anim na ginto ang TNHS ngunit at namaalam sa tyansa nito sa Municipal Meet. (Kuha ni Sam Geus Ayaay)
B
Billiards | Mula Pahina 20

Quezonian Olympian Rower, hangad maipakilala ang rowing sa mga batang-atleta Nais ni Quezonian Olypian Rower, Cris Nievarez na maipakilala sa mga batang-atleta ang rowing, isang boat racing sports na kaniyang inirepresenta sa nakaraang Tokyo Olympics at SEA Games. Ayon kay Nievarez, panahon na para i-maximize ng Quezon ang mga dagat nito at turuan ang mga batang-atleta ng mga larong nasa katubigan tulad ng rowing. Handa umano ang Atimonan-native na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para simulan ang anumang uri ng programa hinggil dito. - THEO P. CARURUCAN / Grade 10 ERM

BANTAYSARADO

Talipan Panthers, binokya ang Pagbilao High Eagles, 3-0

Hindi pinaisa ng Talipan National High School (TNHS) Panthers ang Pagbilao National High School upang selyuhan ang korona sa Pagbilao District Meet 2023 Secondary Boys Volleyball noong ika-11 ng Nobyembre 2023 sa Pagbilao Central Elementary School.

Umarangkada agad sa panimula ang Fori-based squad at namuhunan sa matitinding opensa sina John Ceide Sebuan at Tyrone Abanilla para maitarak ang 8 puntos bago mamigay ng isang service error para sa unang puntos ng Eagles.

Tila walang jitters na naramdaman ang Panthers at nagpatuloy pa sa paggawa ng mga mini-runs hanggang sa ilayo pa ang agwat sa walo, 20-12 sa pangunguna ni Sebuan.

Tuluyan na ngang nanguna ang Talipan sa pagtatapos ng unang set sa panggigimbal sa depensa ng kalaban at iwanan ang mga ito ng pitong puntos sa loob lamang ng kalahating oras, 25 – 18. Muli namang umarangkada si Abanilla kasama si Vince Losloso sa unang anim na minuto ng pangalawang set matapos nilang maisahan ang kabilang koponan at nagtaya ng isa na namang 7 puntos na lamang para sa kanilang koponan, 11 – 3. Mas naging maingat naman ang Eagles sa kanilang galaw ngunit ‘di pa rin ito naging sapat upang pigilan ang mainit na opensa ng Panthers, 25-18. Tangan ang momentum mula sa dominasyon sa ikalawang set, hindi

na lumingon pa ang Panthers at muling nagpatikim ng sunodsunod na cross-court at down the line hits sina Sebuan para ibaon ang Eagles sa simula ng ikatlong set, 12-3. Nakinabang naman ang Eagles sa pangilan-ngilang errors ng Panthers ngunit kapos pa rin sa liksi at talinong ipinamalas ng Panthers. Tinapos nina Juanillo at Sebuan sa isang combination play ang laban at tagumpay na kinubra ang tiket patungong Municipal Meet, 25-11.

Itinanghal na “Best Player” si Sebuan na kumana ng 13 attacks, 4 blocks at 2 aces na sinundan naman ni Abanilla ng 10 attacks, 1 block at 1 ace. Hindi naman naging sapat ang 10 attacks at 1 ace ni Reinier Ong na bumuhat sa Mapagong-based squad. “Iba talaga na ang mga bata ay mas determinado na sila ay manalo,” ayon kay coach Sigrid Pionilla.

Makakaharap ng Panthers ang kampeon ng Pagbilao District 2 sa Municipal Meet sa Pagbilao National High School.

GIBA.

Duo Smashers ng Talipan, nagreyna sa Badminton

ASHLEY B. SOGABO

agpasikat ang Talipan NHS shuttlers na sina Leslie Escona at Gracie Cañafranca matapos magpakawala ng mga pamatay nilang smashes at solid na depensa kontra Casa del Niño at Pagbilao NHS sa 2023 District Meet sa Pagbilao Central Elementary School, Nobyembre 11 para pagharian ang Secondary Double Girls.

Matinding gitigitan agad ang sumalubong sa mga manlalaro ng Talipan ng sinubukan silang gulatin ng PNHS sa matibay nitong depensa na siya namang nalusutan ng dalawa gamit ang mabibilis nilang drop shots at humataw pa si Escona ng kaniyang pamatay na smashes na naghatid ng unang tagumpay sa kanilang dalawa, 15 - 9.

Hindi naman nagpatalo ang Casa ng sakmalin sila nito ng mabibilis nilang smashes na hindi pa rin nakapagpatumba sa matibay na depensa ng Talipeno shuttlers at sa huli’y nagpakawala pa ang tambalan ng humahagupit na smashes na tuluyang nagpalusaw sa depensa ng kalaban, 15 – 9. Umeksena naman ang palo nina Raniel Martinez at John Michael Tan,Single A and B Boy mula Talipan sa kanilang laro matapos nilang magpamalas ng magagandang rally at malilinis na drop shots na naghatid sa kanila ng tagumpay sa una nilang sabak sa laban kontra PNHS. Nakatakdang magpakitang gilas muli sina Escona at Cañafranca kasama si Tan sa gaganaping Municipal Meet laban sa pmga pambato ng Pagbilao 2 District.

pagkakataon. Muli siyang umarangkada matapos niyang patumbahin si Fay Plandaño ng PNHS na umupo sa laban kasama ng kaniyang mahusay na taktika na hindi nakalagpas sa matalas na mga mata ni Merene na nagpaalam sa kaniyang huling laban na may bitbit na isa na namang tagumpay. “Nabigla ako, kasi hindi ko naman yun ine - expect kasi ang tagal ko rin tumigil mag laro ng chess,” ani Merene matapos niyang makuha ang unang puwesto. Sa kabilang banda, nakakuha naman ng pangatlong puwesto si Lusanta matapos niyang magtagumpay sa kaniyang unang laro laban kay Magadia na sumubok sa tibay ng kaniyang mga depensa subalit hindi siya nito natibag. Tumagilid naman ang kaniyang laban sa pagitan ni Plandiño na itinanghal na pangalawang puwesto matapos niyang sibakin ang matibay na depensa ni Lusanta. Muli namang magpapakitang gilas ang mga nagwaging manlalaro sa paparating na Municipal Meet kontra Pagbilao 2 District.

19
Talipan National High School | Pagbilao, Quezon | Rehiyon IV-A CALABARZON TOMO V BILANG 1 | AGOSTO 2023 - MAYO 2024
ISPORTS BIT >>THEO P. CARURUCAN Grade 10 ERM
nanaig ang opensa ng Talipan kontra sa mas bata ngunit madepensang rival nito. Dahil dito, lusot na sa darating na Municipal Meet ang TNHS. (Kuha ni Ainah Marie M. Ayaton)
BUMANGGA, Binasag ni John Ceide Subuan ang mala-pader na depensa ng Pagbilao NHS sa ikalawang set ng bakbakan nito para sa gintong medalya sa nakaraang District Meet Secondary Boys Volleyball kung saan Merene | Mula Pahina 20
CRISIADEL
Grade 10 MPT
>>
N
se T 1 se T 2 se T 3 25-18 25-14 25-18

isports

Pausbong na larong Kiteboarding, swak sa karagatan ng Quezon

>>

Bumida sa ika-siyam na season ng Philippine Kiteboarding Association o PKA Tour ang iba’t ibang lokal at dayuhang kiteboarders upang ipakilala ang naturang water sports sa buong bansa na ginanap nitong Enero sa Cagbalete Island Mauban, Quezon.

Ang kiteboarding o tinatawag ding kitesurfing ay isang uri ng water sport na mula sa pinaghalong disiplina at mga elemento mula sa anim na extreme sports: ang wakeboarding, surfing, windsurfing, snowboarding, paragliding, at skateboarding. Habang nakatali sa isang malaking handcontrolled kite o saranggola na pinalilipad ng hangin, gumagamit ang mga kiteboarder ng isang board na hawig sa isang snowboard, wakeboard, at skateboard upang lumipad sa himpapawid at magglide sa ibabaw ng tubig. ‘Di tulad sa ibang water sailing sports, katamtamang lakas lamang ng hangin ang kailangan sa kiteboarding. Gayundin, nakalilipad lamang ang mga kiteboarder sa pamamagitan ng tinatawag nilang ‘imaginary window’. Nagsimula ang naturang isports noong late 1970s at 1980s at kasalukuyang lumalaganap na rin sa bansa sa pangunguna ng PKA na nagdaraos ng skiteboarding tours sa iba’t ibang lugar sa bansa, kabilang na ang pinakahuling edisyon nito na umarangkada sa lalawigan ng Quezon.

“Nakaka-attract siyang panuorin pero parang kailangan ng professional na training talaga ng mga atletang sumasabak sa ganitong uri ng laro,” ani Joshua Repil, college student mula Mauban. Dahil sa mabilis na paglago ng skiteboarding, mayroon na ito ngayong mga dibisyon tulad ng wave riding, freestyle, slalom o course, speed, big air, wake park riding, kite buggying, at kite landboarding. Tulad din sa ibang isports, mayroon na rin itong tanyag na mga tricks at maneuvers na ginagamit sa mga kompetisyon. Ipinakilala rin sa ginanap na PKA Tour ang iba’t ibang uri ng saranggola o inflatable kites tulad ng C-Kite, Bow Kite, Delta Kite, at Hybrid Kite na perpekto para sa iba’t ibang uri rin ng boards tulad ng twin-tip boards, wake-style boards, race boards, wave boards, at foil boards.

Hindi man ganoon kadali ang pagsabak sa skiteboarding, mahalagang unti-unti na itong naipakikilala lalo’t higit sa lalawigan ng Quezon na hitik sa mga karagatan at baybaying swak na swak sa larong ito.

Merene, kumubra ng ginto sa chess

Kinandado ng Talipan NHS ang ginto nang walang niyuyukuang laban si Kris Merene, ahedrista ng Talipan upang paikutin sa kaniyang mga kamay ang takbo ng bawat laro at maiuwi ang panalo sa Pagbilao District 1 Athletic Selection Meet, Pagbilao West Elementary School noong Nobyembre 11, 2023.

Sinusulit ang kaniyang oras, sinimulan ni Geoffrey Leanillo ng Casa del Niño ang laban sa kaniyang masusing galaw na ginamit ni Merene upang bantayan ang bawat tira nito na umabot pa sila sa huling segundo ng laban bago niya makamit ang una niyang tagumpay. Sinubukan namang isahan ni Arwen Lusanta, manlalaro mula sa Talipan si Merene nangg hinamon siya nito gamit ang mautak nitong galaw subalit hindi ito sapat upang siya’y malinlang at wagi pa rin siyang tumayo matapos ang pangalawa niyang laban. Samantala, sinalubong naman siya ng isang malakas na manlalaro ng Pagbilao NHS na si AlexMagadia nang agad itong nagpakitang gilas sa simula pa lamang ng kanilang laro kasama ng kaniyang matibay na depensa na naghamok kay Merene na makalusot sa laban. Hindi naman ito pinatagal ni Merene nang nakahanap siya ng pagkakataong sugpuin ang kalaban sa kalagitnaan ng laro at itinanghal na wagi sa pangatlong

Talipan High Pocketeers, lumuhod sa pool sharks ng Islanders

Bigo ang Talipan NHS billiard players matapos silang pasikatan ng Pagbilao Grande NHS Islanders ng kanilang pagsargo sa sunod-sunod na tagumpay at dominahin sa iskor na 1 - 8, 3 - 6, sa naganap na Municipal Meet 2023 sa Micasa Resort.

Simula pa lamang ng laro ng 8 balls ay nagpakitang gilas na agad ang nanalong manlalaro ng nagpatalsik ito ng dalawang puntos laban kay Leonne Diala ng Talipan na hindi naman nagpatalo

18 19
GERUNDIO A. REAL, IV Grade 10 MPT >> SHERELOU MERENE Grade 10 ACP Nilinaw ni Maria Teresa L.Tagon, Ulongguro III sa MAPEH na wala pa silang balak umanong magbukas ng Special Program for Sports (SPS) sa Talipan NHS. Nais ni Quezonian Olypian Rower, Cris Nievarez na maipakilala sa mga batangatleta ang rowing, isang boat racing sports na kaniyang inirepresenta sa nakaraang Tokyo Olympics. >> GERUNDIO A. REAL, IV Grade 10 MPT ‘SPS, malabo pa’ Quezonian Olympian
ng humabol siya ng isang puntos sa kalaban na hindi naman nagtagal ang HULING SARGO. Bigo man ngayong taon, malaking potensyal naman ang iniwang marka ng mga Talipan High pocketeers sa natapos na Municpal Athletic Meet kung saan nakapag-uwi ng dalawang pilak at mga pambato ng District 1 at Talipan High. (Kuha ni John David Jus) TIRA NG ROOKIE. Matiyagang pinag-iisipan ni rookie chess player ng Talipan na si Cris Merene ang kaniyang susunod na tira kontra sa kalaban nito mula Casa Del Nino sa ikawalang board. Wagi si Merene sa kanyang unang sabak sa District Meet at aasahang magpapahirap sa mga makatatapat nito sa darating na Municipal Meet. (Kuha ni John David Jus)
Merene | Pahina 19
KITEBOARDING SA QUEZON. Sumabak sa iba’t ibang kategorya ang mga local at international kiteboarders sa ika-siyam na edisyon ng Philippine Kiteboarders Association o PKA Tour kung saan naipakilala ng organisasyon ang naturang water sports sa mga Quezonian. Samantala, nag-uwi naman ng 10,000 dolyar ang nagwagi sa kada leg ng kompetisyon na ginanap sa Isla ng
sa Mauban, Quezon. (Mga larawan mula sa Philippine Kiteboarding Association)
Billiards | Pahina 18
Cagbalete

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.