Sulyap 3rd Issue

Page 1

Disyembre 2012

Taon 6 Blg. 3

Pagbabasbas ng Advent Wreath, pinangunahan ni Padre Roy Rodriguez Pinangunahan ni Padre Roy Rodriguez, Dominican priest, ang Misa noong Disyembre 2. Bilang pasimula ng unang Linggo ng Adviento, binasbasan ni Padre Roy ang Advent Wreath at sinindihan ang isang kandila ng isang dalagita. Ito ay simbolo ng paghahanda sa pag-

dating ni Cristo (Pasko). Si P. Roy ay anak ni Sis. Estela Rodriguez na tagarito sa University Village at kasalukuyang nakatalaga sa University of Sto. Tomas, Manila. Inanyayahan si P. Roy na magmisa ni P. Nelson Valle, kura paroko ng Banal na Mukha Pasimula. Binasbasan ni P. Roy ang Advent Wreath bilang hudyat ng pagpasok ng panahon ng Adviento. ni Hesus.

Annual Retreat ng DCL-ST-MSK D, isinagawa Isinagawa ang Taunang Retiro ng Sangguniang Pastoral at Sangguniang Tagapag-ugnay ng Munting Sambayanang Kristiyano ng Diocesis ng Lucena sa Bulwagan ng St. Bonaventure, Sentro Pastoral, Isabang, Lucena City noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 1. Ang retiro ay nahahati sa mga sumusunod na gawain: Panalangin ng mga Kristiyano

sa Maghapon na pinamunuan ni Bro. Mario Leaño at Bro. Angel Remojo; Pagdarasal ng Sto. Rosaryo ni Sis. Linda Alina; Pagsasagawa ng Daan ng Krus na pinangunahan ng DCL-ST MSK Officers; Kumpisalan – Fr. Rene Pareja, Msgr. Domingo Ebora, Msgr. Romulo Obviar at Msgr. Mariano Melecia, Jr. (mga confessor). Ang tagapagpakilala sa panauhing tagapagsalita,

Reb. Padre Rene Pareja, ay ginampanan ni Sis. Virgie Valbuena, SocCom. Ang panayam ay tungkol sa Pagninilay sa Pananampalataya; Mga Mukha at Hugis ng Pananampalataya; Sacraments of Initiation/ Kasalanan – mga balakid sa pananampalataya / Mga Santo at Martyr. Sa Workshop/ Sharing ay nabigyan ng pagkakataon ang bawat grupo na maipahayon

ang mga saloobin sa narinig na panayam. Samantala ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Msgr. Mariano Melecia, Jr., DCL – Pastoral Director at si Fr. Rene Pareja ang nagbigay ng Homiliya. Ang retiro ay naisakatuparan sa pamamahala ng DCL-ST-MSK D sa pangunguna nina Boy Amado/ Ben del Mundo/ Bella Magyawe at mga officers sa patnubay ni Msgr. Melecia, Jr.


Katekista, tumanggap ng Pagkilala Tumanggap ng Ser-

Si Sis. Virgie habang nagkukuwento sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng Ilayang Dupay.

tipiko ng Pagkilala si Sis. Virginia C. Valbuena, buhat kay Bb. Rosalinda Garcia, punong-guro, bilang pasasalamat sa kanya ng mga guro sa pagiging ‘Guest Storyteller’ ng mga magaaral na nasa unang baytang ng Mababang Paaralan ng Ilayang Dupay kaugnay

ng Pagdiriwang ng ‘School Reading Month Celebrations’ noong Nobyembre 28. Si Sis. Virginia ay katekista buhat sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus ng University Village, Lucena City at nagtuturo ng katekismo sa mga mag-aaral sa nabanggit na paaralan.

On Going Formation ng mga Katekista, isinagawa Isinagawa sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus ang On Going Formation o ang patuloy na pag-aaral at paghuhubog sa mga katekista noong Nobyembre 23. Bilang panimula ng gawain, isang Misa ang pinangunahan ng lingkod pari, Reb. Padre Nelson L. Valle. Malugod rin ang pagtanggap ng kura sa mahigit isang daang katekista na dumalo sa gawain na nagmula sa distrito ni San Juan, gayundin, ang mga katekista mula sa San Marcos at San

Mateo. Si Reb. Padre Bien Lozano, direktor ng Confraternity of Catechetical Ministry ang nagbigay ng panayam tungkol sa “Theology of the Body” (Biblical thoughts of John Paul II). Naging maayos at mabunga ang isinagawang paghuhubog sa pangunguna ng head catechists ng distrito na si Lani Javier at si Sis. Rebs del Rosario ng Banal na Mukha ni Hesus sa tulong ng iba pang katekista ng parokya sa patnubay ni P. Nelson Valle.

Ang delegasyon ng iba’t ibang Parokya sa Distrito ni San Juan na nakiisa sa isinagawang Catechetical Congress.

Ang mga katekista na patuloy na nag-aaral at naghuhubog.

St. John District Assembly at Catechetical Congress sa Peñafrancia Parish, isinagawa

Ang Pandistritong Asembleya/Pilgrimage of Faith at Catechetical Congress ng Distrito ni San Juan ay isinagawa sa Parokya ng Peñafrancia, Capistrano Subd., Lucena City noong Nobyembre 17. Ang gawain ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi: Prusisyon ng Imahen ni San Pedro Calungsod, pangalawang Santong Pilipino, sa pangunahing kalsada ng Capistrano Subd.; Banal na Misa sa pangunguna ni Msgr. Mariano Melecia, Jr., Pastoral Direktor, kasama sina Padre GT Talabong, Padre Warren Puno, pawang kura

ng Peñafrancia, Padre Bien Lozano, Catechetical director, at iba pang pari ng Diocesis ng Lucena. Panayam – Reb. Padre Renato Pareja tagapagsalita at Catechetical Quiz Bee. Ang mga nagwagi sa Catequiz ay sina: Pamilya Japor ng Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus, 3rd; Pamilya Convento ng Parokya ni San Isidro Magsasaka, 2nd; at Pamilya de Dios ng Parokya ni San Judas Tadeo. Ang mga nanalo ay tumanggap ng tropeo, sertipiko at cash prize mula kay P. Bien Lozano, DCCM sundan sa p.10


Catequiz, ginanap

Amg mga nanalo sa ginanap na Catequiz sa HFJP.

CLM 2nd District Assembly, ginanap sa HFJP

Ginanap sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus (Holy Face Jesus Parish) ang ikalawang Pangdistritong Asembleya ng Kapisanan ng mga Ministro Layko noong ika-27 ng Oktubre. Ang asembleya ay kinapapalooban ng mga sumusunod na gawain: maikling katekesis – Bro. Joey Esmeralda “Divine Mercy”; Panayam – Rev. Fr. Nelson Valle “Ang Bagong Roman Missal”; Pag-uulat ng mga Coordinators mula sa bawat parokya ng distrito; Pag-uulat ng pangulo ng distrito – Bro. May Lorca; Halalan para sa bagong pamunuan; at Banal

Ginanap sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus ang Catechetical Quiz Bee noong Nobyembre 11. Ito ay bahagi ng gawain ng mga katekista para sa “Year of Faith” na may Temang: “Pamilyang Nagpupugay kay San Pedro Calungsod.” Anim na pamilya ang lumahok sa quiz bee sa pangunguna nina: Leonor Japor, Generosa Culargon, Eleanor Japor, Aurora Alberca at Flocerfida Ramos kasama ang kani-kanilang pamilya. Ang nanalo sa catequiz ay sina: Eleanor Japor / Minya Rose (3rd);

na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Nelson L. Valle. Ang mga bagong halal para sa pangdistritong pamunuan ay sina: Bro. Melvin Mendoza, pangulo; Bro. Larry Luna, pangalawang pangulo; Sis. Virgie Valbuena, kalihim; Sis. Ofel Palayan, ingat-yaman at Bro. May Lorca, tagasuri. Ang gawain ay naisakatuparan sa pamamahala ng host parish, Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus sa pangunguna ni Bro. Mando Villamayor, PCLM president at mga miyembro sa patnubay ng lingkod-pari Fr. Idinaos ang PangNelson Valle. kalahatang Asembleya ng Kapatiran ng mga Ministro Layko sa Sentro Pastoral Auditorium, Isabang, Lucena City noong ika-24 ng Nobyembre. Ang gawain ay nahahati sa mga sumusunod na bahagi: Panayam ni Padre Renato Pareja, tagapagsalita tungkol sa paksang “Spirituality of Lay Ministers”; Banal Delegasyon ng HFJP sa idinaos na CLM General Assembly sa Sentro Pastoral Auditorium. na Misa na pinangunahan ng

Generosa Culargon / Maria Ana Lumarsoc (2nd); at Leonora Japor / Maria Agnes at Jerico Japor (1st). Tumayong quiz master si Sis. Rebecca del Rosario (head catechist), emcee ay si Sis. Virgie Valbuena, scorer si Bea del Rosario, timer si Ela Tagibao, tagapagtala sina Sis. Tess Dichoso at Sis. Lina Llante, at Evelyn Viaje para sa paghahanda ng meryenda. Naisakatuparan ang gawain sa pamamahala ng mga katekista, sa tulong ng mga sakristana at sa patnubay ni P. Nelson Valle.

CLM General Assembly, idinaos Lubhang Kagalang-galang Emilio Z. Marquez, D.D., kasama sina Padre Zaldy Maaño, direktor ng CLM at Padre Liwanag; Halalan para sa pamunuan 2013-2015 at Maagang Paskuhan. Ang mga ministro layko ng Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus ay nakiisa sa pagtitipon. Pinalad na manalo ng isang water jug si Bro. Boy Amado sa isinagawang raffle.


EDITORYAL Taon ng Pananampalataya “Year of Faith” Pormal na inilunsad ang Pandaigdigang pagpapasimula ng “Taon ng Pananampalataya” sa Roma at sa buong simbahang Katoliko noong Oktubre 11, 2012. Ang pananampalataya o paniniwala ay iminulat sa atin bilang mabisang regalo ng Diyos upang maisabuhay ang ating pagiging Kristiyano at pagiging mga inampong anak ng Diyos. Sa pasimula pa lamang, nang tayo ay binyagan ay naipunla na sa atin ang pananampalatayang ito – ang mahalin ang Diyos na siyang nagbigay sa atin ng buhay at lumalang sa sanlibutan. Marami nang biyaya ang tinanggap natin sa Diyos, kaya’t marami tayong dapat ipagpasalamat sa Kanya, at sa pagkakataong ito, sa Taon ng Pananampalataya ay marapat at mainam na muli nating pagyamanin ang ating pananampalataya. Tuklasin natin, kilalaning mabuti at mahalin ng lubos ang Panginoon na siyang unang nagmahal sa atin. Ang Taon ng Pananampalataya ay isang hamon sa ating lahat upang pagnilayan sa ating sarili, kung sa ating paniniwala na may kaakibat na pagsasabuhay at may tunay nga bang paninindigan sa ating sinasampalatayanan at pinaniniwalaan? Tayong mga Kristiyanong Katoliko ay nararapat na manindigan sa ating pananampalataya, kaya ba natin? Kakayanin ang lahat, basta sama-sama tayong manalangin upang lalong tumibay at lumalim ang ating pananampalataya sa iisang Diyos, tatlong persona, na may gawa ng langit at lupa. Madaling sabihin at banggitin ang salitang pananampalataya, ngunit kailangan ang sakripisyo upang maisabuhay ito at pagyamanin sa kaibuturan ng ating puso. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ay hindi magtatapos sa pagsasara ng taon ng pananampalataya sa Nobyembre 24, 2013, bagkus ito ay panawagan upang ipagpatuloy at sama-sama tayong manalangin, sa tulong ni Inang Maria na sana’y lalong yumabong ang ating pananampalataya na may kasamang mabuting gawa.

BUHAY PANANAMPALATAYA

Reb P. Nelson L. Valle

PASKO-PAGSILANG 2012 Ilan na nga bang Pasko-Pagsilang ang dumaan sa iyong buhay? Magmula nang magkaroon ka ng kamalayan sa Pasko-Pagsilang, mayroon ka bang natatandaan na pagkakaiba at pagbabago sa mga Paskong dumaan sa iyong buhay? Alam mo bang sa pagdami ng Paskong nagdaan sa iyong buhay ay siya namang pagtanda mo at pag-ikli ng iyong buhay? Napakaraming mga katanungan ang pwede nating mapagnilayan sa kapaskuhang ito subalit hindi natin maitatanggi at hindi rin natin pwedeng balewalain ang Pasko-Pagsilang 2012 sapagkat hindi natin ito pwedeng palampasin nang hindi ito nagdudulot sa atin ng pagbabago at pag-unlad sa ating buhay kristiyano. Kung ang Pasko-Pagsilang ay nangangahulugan ng pakikipamayan o paninirahan ng Diyos sa piling ng mga tao, dapat nating bigyan ng kaganapan ang kalooban Niya upang Siya ay makapanirahan sa piling natin. Simple lang ang kahulugan ng Pasko: gusto o ibig ng Diyos na makapiling tayo kaya nga huwag nating biguin ang Diyos. Tanggapin natin si Hesukristo, ang Emmanuel na naghahangad na tayo ay mailigtas sa kasalanan at kamatayan nang sa gayon ay makapiling natin ang Diyos Ama kasama Niya at ng Espiritu Santo sa kalangitan. Huwag nating lagyan ng hadlang ang kalooban ng Diyos. Huwag nating biguin ang Diyos. Pangyarihin natin ang kanyang kalooban. Samakatuwid, buksan natin ang ating mga puso, ang ating mga tahanan at ang ating sambayanan upang doon ay manirahan at makapiling natin ang Diyos. Kung niloob ng Diyos na makapiling Niya tayo, pagsikapan naman nating tayo ay mapasapiling Niya. Ang Diyos ay sumasa-atin na, tayo kaya naman ay sumasa-Diyos na?


TANONGATSAGOT

BAKIT DECEMBER 25 ANG ARAW NG PASKO?

Marami ang nagtatanong kung bakit nga ba December 25 ang pasko eh wala namang nasusulat sa Bibliya na December 25 nga ang pasko. Marahil ay naitanong mo na rin ito sa iyong sarili. Ang lahi ng mga Judio ay mula sa lahi ni Abraham. At ayon sa kasulatan wala pang Judio or Israel noong mga panahong iyon. Si Abraham ay ipinanganak sa UR sakop ng Chaldea ay isang pagano. Pinili siya ng Diyos na maging Ama ng maraming bansa na magiging piling tao ng Diyos. Sa paglipas ng panahon ang lahing ito ni Abraham ay dumami na napakarami sa loob ng 430 taon pagkatigil nila sa bansang Ehipto. Sa bansang Ehipto maraming bagay ang kanilang natutunan bago sila lumikas sa pamumuno naman ni Moises. Sa panahong iyon ang bansang Ehipto ay sariling kalendaryo at alpabeto. Ang kanilang kalendaryp ay binubuo ng 29 at 30 araw sa loob ng isang buwan. Ang isang taon sa kanila ay binubuo ng labindalawang buwan. Noon lumikas ang mga Israelita sa Ehipto sila man ay mayroon na ring kalendaryo na binubuo rin ng tulad sa bansang Ehipto. Noong bago sila sakupin ng bansang Babylonia ang Israel ay mayroon ng bagong kalendaryong sisusunod. Ang kalendaryong ito ay gamit pa rin ng isilang si Cristo. Noong isilang si Cristo ang Judio ay nasa ilalim ng Imperyong Romano. Ang mga Romano naman ay mayroon sariling kalendaryo at tinatawag itong Julian Calendar. Ang Julian Calendar ay umiral hanggang ika-17 siglo. At noong ika-17 siglo nagkaroon naman ng panibagong kalendaryo at tinawag itong Gregorian Calendar. Ang mga Hebreo ay may mga batas panrelihiyong sinusunod. At isa sa mga batas na ito ay ang paghahandog na ginagawa ang mga Saserdote tuwing sasapit ang ika-10 ng ika-7 buwan ng taon. Tinatawg nila ang araw na ito ng “Araw ng Bayad-Sala” (Day of Atonement). “Sapagkat sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo, sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon” (Lev. 16:30). “Gayon man sa ika-sampung araw nitong ika-pitong buwan ay araw ng pagtubos, magiging sa inyo’y banal na pagpupulong, at pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at maghahandog kayo ng handog sa panginoon na pinaraan sa apoy” (Lev. 23:27). Ang kaugaliang ito na tinatawag nilang batas ng relihiyon ay umabot hanggang sa panunungkulan ni Zacarias na ama ni Juan Bautista. “Ang pangkat ni Zacarias ang nanungkulan noon, at siya’y naglilingkod sa harapan ng Diyos bilang saserdote” (Lk. 1:8). Si Zacarias ang nanunungkulan noon bilang saserdote. Sa pagsapit ng panahon ng pag-aalay ng handog para sa kasalanan ng tao. Si Zacarias ang nagkapalad na nahirang na maghandog ng kamanyang. At noon pumasok si Zacarias sa loob ng Dakong Kabanal-banalan sa araw na iyon ng ika-10 ng ika-7 buwan, nagpakita sa kanya ang isang anghel ng Diyos. “Walang anu-ano’y napakita sa kanya ang isang anghel

ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng dambana ng kamangyang. Nagulat si Zacarias at sinidlan ng matinding takot nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa kanya, Huwag kang matakot, Zacarias! Dininig ng Diyos ang iyong dalangin. Kayo ni Elisabet ay magkakaroon ng anak na lalaki at Juan ang ipangangalan mo sa kanya” (Lk. 1:11-13). Ang Gawain ng isang Saserdote simula ika-10 ng ika-7 buwan ay natatapos ng 12 araw. Pagkatapos ng gawaing ito at saka pa lamang siya makakauwi ng bahay (2 Cron. 7:9-10). “Iyong salitain sa mga anak ni Israel na sabihin sa ika-

sundan sa p.8

TALKBACK

Helen Sardea

“ YEAR OF FAITH”

Bilang isang binyagang katoliko, paano mo maipapakita o maisasagawa ang pananampalataya sa Diyos?

• Bilang isang katoliko maipakikita ko o maisasagawa ang aking pananampalataya sa diyos sa pamamagitan ng pagsimba lingo-linggo dahil ang pagsimba ay isang responsibilidad o obligasyon bilang isang katoliko at pagsunod sa 10 utos ng Diyos. BON ERROLL L. CERILLA MSEUF- CCS STUDENT • Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pag-iwas sa masasamang gawain. Pagsunod sa mg autos ng Diyos. Dito ko maipapakita ang aking pananampalataya sa Diyos. CITADEL C. ABADICIO MSEUF- BSA STUDENT • My obligations and responsibility as a catholic and as a person in personal; First and for most when I wake up in the morning I pray and give thanks to God that I’m alive. In the evening I pray the rosary and pray for my love ones. Every Sunday I go to church with my only daughter. I hope when I’m in my senior years to help in any way I can to the Community and church where I live. It is only through God that makes us strong in our faith. Being a good neighbor and helping the person in need like the poor can also bring out the best in us as an individual. Believing that only “GOD” can make miracles is a manifestation of my belief in the creator. DAISY Q. RIVERA MSEUF- EMPLOYEE


Life that is offered, Faith that is proclaimed Who is San Pedro Calungsod? A brave young catechist He was a young catechist, probably just 14 years old, who went with Spanish Jesuit missionaries from the Philippines, headed by Fr. Diego Luis de San Vitores SJ, to the Ladrones Islands in the Western North Pacific Ocean in 1668 to evangelize the Chamorros, pagan natives there. A happy missionary Life in the Ladrones was hard. The provisions for the Mission did not arrive regularly. Despite the hardships, the missionaries preserved, and the Mission was blessed with many conversions. The first mission residence and church were built in the town of Hagåtña in the Island of Guam and was dedicated to the Dulce Nombre de Maria, the Sweet Name of Mary. Subsequently, the islands were renamed “Marianas” by the missionaries in honor of the Blessed Virgin Mary and of the then Queen regent of Spain, Maria Ana, who was the benefactress of that mission. Pedro is described by his companions as a lad of “very good disposition and a good Catholic.” A faithful migrant Pedro in his early teens was sent to a non-Christian country, to work in a land not his own. He did pastoral work and propagated the faith. All the while he remained faithful to Christ and to his mentor, Padre Diego. Long before migration came to be, Pedro Calungsod was already setting an example of what a Filipino migrant should be. A good friend and a fearless martyr Pedro worked with Fr. Diego in those islands from June 15, 1668 until April 2, 1672 when they were both killed

by two natives on account of the Christian Faith. Pedro had all the chances to escape because he was very agile, but he did not want to leave Padre Diego alone. Pedro got hit by a spear at the chest and he fell to the ground. Padre Diego could not do anything except to raise a crucifix and give Pedro the final sacramental absolution. After that, the assassins killed Padre Diego. Blessed Pedro Calungsod will be canonized on 21 October 2012 in the Vatican City, Rome as the se-cond Filipino saint – a gift of God to our nation and people. “Martyrdom is the supreme witness given to the truth of faith: it means bearing witness even unto death. The martyr bears witness to Christ who died and rose, to whom he is united by charity. He bears witness to the truth of the faith and of Christian doctrine. He endures death through an act of fortitude.” (Catechism of the Catholic Church, n. 2473) Could God be calling you to be a catechist like Bl. Pedro Calungsod ? Whoever is called “to teach Christ” must first seek “the surpassing worth of knowing Jesus Christ”; he must suffer “the loss of all things…” in order to “gain Christ and be found in him,” and “to know him and the power of his resurrection, and (to) share his sufferings, becoming like him in his death, that if possible (he) may attain the resurrection from the dead.” (Catechism of the Catholic Church, n. 429) Prayer to San Pedro Calungsod O Blessed Pedro Calungsod * we call upon you * who now enjoy the heavenly glory * which you merited * for following our Lord Jesus Christ * along the way of the Cross. God has given you to us * as a model of a true Christian; as a companion * on our pilgrim way to the heavenly Kingdom; and as a helper * in the midst of our difficulties. Make our troubles * and good intentions your own * and intercede for us * before the throne of Mercy and Grace * so that like you * we may also become fellow citizens of the saints * there in heaven. Amen. National Commission on the Canonization of Blessed Pedro Calungsod Pope Pius XII Catholic Center www.sanpedrocalungsod.com


How to deal with a problem child... Talk to your child. Children act out for a variety of reasons. A child may misbehave because he is over tired, frustrated and does not know how to communicate his feelings, wants attention or because he wants to escape an undesirable activity. When your child’s behavior does not meet your expectations, take the opportunity to talk to him. Do not only talk about his behavior, but talk to him about why he behaved in that manner. Understanding his behavior does not justify it, however if he knows that you care and are willing to listen, he may be more inclined to express himself more appropriately. Do not label your child. If you tell people your child is a ‘problem child,’ especially in front of him, he will more than likely fulfill the role. Just because your child acts in a bad way does not make him bad. Be careful to separate who he is and his worth as a person, from the way he acts. If he thinks that you do not believe in him, he will not believe in himself and you will likely only be solidifying his future problem behavior.

GINTONGBUTIL

Virginia C. Valbuena

TINIG NG DIYOS Ang tinig ng Diyos na ating naririnig Pagtawag Niya’y awit ang kahawig Pagtahak sa landas na magulo’t madilim Tanging liwanag ng Diyos ang gagabay sa atin. Mapagal man sa mga iniatas na gawain May kapahingahan na tatamuhin Kung ang paglilingkod ay sadyang may giliw Ang Diyos ang magpapala mandin. Bawat pagsubok na dumating Ito’y inilaan upang tayo’y magising At landasin ang mabuting layunin Pag-asa’y nasa Diyos upang tayo’y pagbuklurin. Bawat isa’y may angking kakayahan Upang kapwa ay matulungan Huwag ipagkait, tulong na inilalapit Mga kamay Niya’y hawakan ng mahigpit. Mga mata’y huwag ipikit upang makita ang langit Puso’y buksan upang tumibok at magmahal Tenga’y wag sarhan, sa mga awiting nagpapabanal Tinig ng Diyos, taimtim na pakinggan, lubos na nagmamahal.

things you can do when it comes to dealing with your child’s behavior. You must remain consistent and do what you say you are going to do. If your child sits in time out for using foul language, then you cannot ignore his foul language when you are not in the mood to deal with him. It will be important for you to follow through with both negative and positive consequences. If you promise him a video game for a good report Keep your expectations high. If you lower your card, buy him one as soon as he brings the report standards for what is acceptable behavior, you will be card home. doing your child a disservice. Do not make excuses Pick your battles. Remember that your child is a for your child, or you will find yourself always doing child and therefore will not always behave perfectly. If so. Being two years old, for instance is not an excuse you harp on him for every little thing you will both end for having a tantrum at the grocery store. If you spend up aggravated. Focus on the big behaviors you want your time justifying behavior, you will more than likely to see change and carefully decide what little ones let problem behavior slide. you want to address. Reference: www.ehow.com Follow through. This is one of the most important


labing limang araw ng ika-pitong buwang ito ay kapistahan ng mga balag na pitong araw sa Panginoon” (Lev. 23:34). “Kayo’y tatahan sa mga balag na pitong araw, yaong lahat ng tubo sa Israel ay tatahan sa mga balag” (Lev. 23:42). Sa loob ng labin-dalawang araw si Zacarias ay titigil sa templo at sa ika-23 ng ika-pitong buwan saka pa lamang siya uuwi ng bahay (2 Cron. 7:9-10). “Nang matapos ang panahon ng paglilingkod ay umuwi na siya. Hindi nga nagtagal at naglihi si Elisabet sa kanyang asawa, at hindi umalis ng bahay sa loob ng limang buwan” (Lk. 1:23). Simulan nating bilangin ang pagdadalang-tao ni Elisabet. Ibagay natin ito sa kalendaryo ng mga Judio. Sa kalendaryo ng mg Judio nagpakita ang anghel kay Zacarias sa buwan ng Tishri. Ang kalendaryo ng mga Judio sa kapanahunan ni Zacarias bilang isang Saserdote. Nissan

unang buwan

Iyyar

ikalawang nuwan

Suvan

ikatlong buwan

Tammuz

ika-apat na buwan

Ab

ika-limang buwan

Elul

ika-anim na buwan

Tishri

ika-pitong buwan

Marshevan

ika-walong buwan

Chislev

ika-siyam na buwan

Tebeth

ika-sampung buwan

Shebat

ika-labing-isang buwan

Adar

ika-labing dalawang-buwan

Marso

unang buwan

Abril

ikalawang nuwan

Mayo

ikatlong buwan

Hunyo

ika-apat na buwan

Hulyo

ika-limang buwan

Agosto

ika-anim na buwan

Setyembre

ika-pitong buwan

Oktubre

ika-walong buwan

Nobyembre

ika-siyam na buwan

Disyembre

ika-sampung buwan

Enero

ika-labing-isang buwan

Pebrero

ika-labing dalawang-buwan

Enero

unang buwan

Pebrero

ikalawang nuwan

Marso

ikatlong buwan

Abril

ika-apat na buwan

Mayo

ika-limang buwan

Hunyo

ika-anim na buwan

Hulyo

ika-pitong buwan

Agosto

ika-walong buwan

Setyembre

ika-siyam na buwan

Oktubre

ika-sampung buwan

Nobyembre

ika-labing-isang buwan

Disyembre

ika-labing dalawang-buwan

Ang kalendaryo ng mga Romano noong ipanganak si Jesus.

Ang Gregorian Calendar naman ay nagsimula noong ika-17 siglo.

Noong magpakita ang anghel Gabriel kay Zacarias ay ika10 ng ika-7 buwan noon ng paghahandog ng kamanyang sa Dakong Kabanal-banalan. Ang ika-7 buwan ayon sa Hebrew Calendar ay buwan ng Tishri at sa Julain Calendar naman ay Styembre. Kinuha ang salitang Setyembre mula sa salitang Septem (Latin) na ang kahulugan ay pito (7). Sa buwang ito ipinahayag ng anghel Gabriel kay Zacarias na ang kanyang asawang si Elisabet ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki. Mula sa buwang ito simulan nating bilangin ang paglilihi ni Elisabet. Hebrew Calendar

Julian Calendar

Buwan ng Tiyan ni Elisabet

Tishri-Marshevan Marshevan-Chislev Chislev-Tebeth Tebeth-Shebat Shebat-Adar Adar-Nissan

Setyembre-Oktubre Oktubre-Nobyembre Nobyembre-Disyembre Disyembre-Enero Enero-Pebrero Pebrero-Marso

1 2 3 4 5 6

Sa ika-anim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet, dinalaw naman si Maria ng anghel Gabriel. “Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalang-tao ni Elisabet ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nasaret, Galilea” (Lk.1:26). Hindi nagtagal pagka-alis ng anghel na dumalaw kay Maria, siya ay pumunta kay Elisabet. Sa pagkikita nilang iyo binati siya ni Elisabet at sinabi ang tungkol sa kanyang dinadala sa sinapupunan. Maliwanag na noong dumalaw si Maria mayroon nang laman ang kanyang bahay-bata. “Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan at saka umuwi” (Lukas 1:56). Anim na buwan ang tiyan ni Elisabet ng dumalaw si Maria sa bahay nito sa Judea. Tatlong buwan siyang tumigil dito at nang umuwi siya maaaring nakapanganak na si Elisabet. Muling bilangin natin ang mga buwan ng pagkatigil ni Maria sa bahay ni Elisabet. Hebrew Calendar

Nissan-Iyyar Iyyar-Suvan Suvan-Tammuz

Julian Calendar

Marso-Abril Abril-Mayo Mayo-Hunyo

Buwan ng Tiyan ni Elisabet

7 8 9

Kung ang ika-siyam na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet ay Tammus (Hebrew calendar) pumapatak naman itong Hunyo sa Julian Calendar. Ang pagdadalang-tao ng isang babae ay 9 na buwan at ang buwan ng Tammuz ay pumapatak sa tamang bilang ng pagdadalang-tao ng babae. Kung kaya’t si Juan ay ipinanganak sa buwan ng Tammuz o Hunyo. Ang Simbahang Katoliko ay ipinagdiriwang ang kaarawan ni San Juan Bautista tuwing sasapit ang ika-24 ng Hunyo. At ayon sa bilang ng buwan mula noong buwan ng Tishri hanggang sa buwan ng Tammus ito’y hustong ika-siyam na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet. At noong ipanganak naman si Juan sa buwang ito ay si Maria naman ay tatlong buwan nang nagdadalang-tao. Sapagkat noong dumalaw ang anghel sa kanya ay buwan ng Nissan at noong nagpunta siya kay Elisabet ay may laman na ang kanyang sinapupunan. Mula nang dumating siya sa (bulubundukin ng) Judea hanggang sa umalis siya may tatlong buwan na ang kanyang dinadala. Bilangin natin ang buwan ng pagdadalang-tao ni Maria.


Hebrew Calendar

Julian Calendar

Buwan ng Tiyan ni Maria

Nissan-Iyyar Iyyar-Suvan Suvan-Tammuz Tammuz-Ab Ad-Elul Elul-Tishri Tishri-Marshevan Marshevan-Chislev Chislev-Tebeth

Marso-Abril Abril-Mayo Mayo-Hunyo Hunyo-Hulyo Hulyo-Agosto Agosto-Setyembre Setyembre-Oktubre Oktubre-Nobyembre Nobyembre-Disyembre

1 2 3 4 5 6 7 8 9

Ang tunay na bilang ng pagdadalang-tao ng isang babae ay pumapatak lamang ng siyam na buwan. At ayon sa ginawa nating pagbilang sa paglilihi ni Maria ang ika-9 na buwan ay ang Tebeth. Lumalabas ngayon na si Jesus ay ipinanganak sa buwan ng Tebeth na ang katumbas sa Julian Calendar ay Disyembre. Ang ika-anim na buwan ng pagdadalangtao ni Elisabet ay buwan ng Nissan (Hebrew Calendar) at Marso naman sa Julian Calendar. Ito ang unang buwan ng pagdadalang-tao ni Maria at ang ika-9 ay ang buwan ng tebeth (Hebrew Calendar) at Disyembre naman sa Julian Calendar. Ang araw naman ay nagsisimula sa 6:00 ng hapon ng sumunod na araw. Noong isilang si Jesus ay hindi taglamig na pilit na pinalalabas ng mga kaaway na panahon ng taglamig. Ang buwan ng Tebeth ay hindi taglamig na di tulad sa Gregorian Calendar. Kaya naman mayroon tayong mababasa na noong isilang si Jesus ay mayroong nagpapatol ng tupa nang gabing iyon. Kung ang panahong iyon ay taglamig walang mangangahas magpastol ng tupa sa tindi ng lamig sa kalagitnaang Asya. Sa ikalilinaw ng marami, narito ang paghahambing ng mga kalendaryo noon at sa kalendaryo sa kasalukuyan.

Buwan

Hebrew

Julian

Gregorian

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

Nissan Iyyar Suvan Tammuz Ab Elul Tishri Marshevan Chislev Tebeth Shebat Adar

Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Enero Pebrero

Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre

Mapapansin natin na ang buwan ng Tebeth (DISYEMBRE) sa hebrew at Julian Calendar ay pumapatak sa buwan ng Oktobre sa Gregorian Calendar. At itong Gregorian Calendar ay ginamit lamang noong ika-17 siglo at ang gamit noon ay Julian Calendar. Kaya’t maliwanang na si Jesus ay isinilang noong DISYEMBRE at hindi Oktubre. [Hindi na pinalitan sa bagong kalendaryo ang ika-25 ng Disyembre bilang araw ng kapanganakan ng Panginoong Jesukristo] Bro. Bodick Rabago-DEFENDER OF CATHOLIC FAITH Founding President & Vicar Grand Preacher/Chairman

Prayer for Women To treat them with respect and to understand them with love Dear Lord, Divine Protector and loving Redeemer, listen kindly to my prayer. O Lord, You freely accepted and unconditionally carried the cross, the source of our new life. May I fully understand and appreciate how much You love us, how special we are to You, and how much You want us to be with You always. You offered your life for our unworthy, sinful and wretched life. Patiently You endured the pain. Silently You bore the curses. Lovingly You embraced all the sa-crifices. Help me to reflect in my life Your great love for us. Let me feel Your pain in the pain for others. Let me share Your suffering in the suffering of others. Great was Your pain as You beheld Your mother weeping. The suffering You endured for our salvation were swords of grief that pierced her heart. She carried a cross as heavy as the one You bore to redeem us. As I ponder her special role in your saving mission, I think of all the women who look up to her as their model, and strive to live a life like hers, sharing the cross that is made heavier by our indifference and thoughtlessness. I sincerely pray for all the women in my life. O Lord, I implore You, be the source of their hope when they are frustrated; be their consolation in times of grief and pain; be the source of joy and peace that they seek to provide at home; be their strength and protection and in their journey through life. O Lord, show me how to be a blessing and grace to all women, as You were to Your own dear Mother. Grant me the grace to treat them with respect; to discover new ways of expressing my gratitude for their caring and loving presence, their patience and understanding, their kindness and generosity, their readiness to share the joys and pains, the successes and failures that I experience in my life. Teach me to value and cherish them as the special people in my life that the Lord meant them to be. This I humbly implore You, through the intercession and guidance of the Blessed Virgin Mary, a woman, Your mother and mine, my model. AMEN. Reference: 40 Personal Prayers by Fr. Ruperto C. Santos, STL


Kapistahan ng Mahal na Birhen del Rosaryo, ipagdiwang

Ipinagdiwang ang Misa sa pangunguna ni Padre Nelson L. Valle para sa Karangalan ng Mahal na Birhen del Rosaryo noong Oktubre 7, ika- apat ng hapon sa Kapilya ng Sto. Rosario, Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus, University Village, Lucena City. Kaugnay ng pagpaparangal sa Mahal na Birhen del Rosaryo ay ang pagdarasal ng Santo Rosaryo at Misa-nobenario na sinimulan noong Setyembre 28 tuwing hapon sa kapilya.

Pagkatapos ng Misa para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen del Rosaryo ay isinagawa ang prusisyon sa pangunahing kalsada ng University Village. Nagkaroon ng salusalo ang lahat ng nakiisa. Ito ay naisakatuparan sa pamamahala ng Pamunuan ng Kawan ng Sto. Rosario, sa pangunguna ng pangulo, Nelia Zurbano kasama sina, Margie Miras, Mely Ocado, Erlinda Micor, Tita Almoneda, Linda Mendoza, Aida Camilon, Zaida Pobeda, Linda Pelejo, Rufina

Pagpaparanggal. Isang prusisyon ang isinagawa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen del Rosario. Callejo at Nena de la Cuesta. Kasama rin ang mga tagapangulo ng MSK, mga tagapangulo ng lupon, Sangguniang

Pastoral, PCEA, Sangguniang Tagapag-ugnay MSK at sa patnubay ni Padre Nelson L. Valle.

miyembro ng Catholic Women League ang taunang “Benefactor’s Day” na ginanap sa Our Lady of the Most Holy Rosary Seminary, sa Manasa, Lucban Quezon noong Setyembre 30. Ang Banal na Misa ay pinangunahan ng Lubhang Kagalang-galang Karangalan. Pagtanggap ng plake ng pagkilala nina Sis. Ruben Profugo D.D., Obispo Mila and Sis. Pilar Carlos. Emeritus ng Lucena kasama St. John/p.2 sina Reb. P. Jude Moreno, director. rector ng OLMHRS, Reb. P. Samantala, si Msgr. Romeo Pavino, bise rektor Melecia Jr., kasama ang mga at Reb. P. Marcelino Peña, officers ng DCL-ST-MSK procurator. Itinalaga ni Reb. Paay nagbigay ng sertipiko ng Binigyan ng plake Pagdalo sa mga parokya/pa- dre Nelson L. Valle ang pitong ng pagkilala ang mga tagarishioners na nakiisa sa isi- mga sakristan at sakristana pagtangkilik ng Seminaryo sa loob ng MISANG pinanagawang asembleya. at founder na si Bishop Ang gawain ay sa ngunahan niya noong ika-30 pangunguna ni Bro. Boy ng Setyembre sa Parokya ng Bolo, Kristine Joyce Herrera at Rose Anna Joy Bagion. Amado, Pangulo ng DCL Banal na Mukha ni Hesus. Ang mga itinalaga ay Isinuot sa kanila ang abito biat ST-MSK sa patnubay ni Msgr. Melecia at sa pakiki- sina: Cernan Dote, Ramon lang tanda ng pagiging lingpag-ugnayan sa Parokya ng Chito Negrete, Rodel Lopez, kod sa dambana ng PangiRegina Zarah Jael, Syrell Ma. noon. Peñafrancia.

Kabilang sa kinilala at patuloy na sumusuporta sa seminaryo ay ang pamilya Carlos na nagmula sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus. Ang tumanggap ng plake ng pagkilala para sa Pamilya Carlos ay sina Sis. Mila Carlos at Sis. Pilar Carlos. Ang CWL-PBMH ay tumatangkilik rin sa seminaryo at sa mga seminarista ng OLMHRS. Nagkaroon ng programa pagkatapos ng Misa. Ang iba’t ibang samahan pansimbahan ay nagpakitang gilas ng kani-kanilang talento sa isinagawang presentasyon.

Mga bagong sakristan, itinalaga

“Benefactor’s Day” dinaluhan ng mga CWL Dinaluhan ng mga Ruben Profugo.

Sila ay sumailalim sa limang buwan na pagsasanay at paghuhubog, sa pagtuturo ni Johnver C. Sante, sa patnubay ng lingkod-pari, Padre N. Valle.


Mag-aaral ng ISBB, kinumpilan Ika-58 Kaarawan ni Padre Kinumpilan ng Ansay, Reb. Padre Isagani Lubhang Kagalang-galang Emilio Z. Marquez, D.D., Obispo ng Lucena ang mga mag-aaral mula sa International School for Better Beginnings, sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus noong Setyembre 20. Naging punong selebrante sa ginanap na Misa si Obispo E. Marquez, kasama sina Reb. Padre Romel

Reyes at Reb. Padre Nelson Valle. Pinangunahan ng Obispo ang pagkukumpil sa mga mag-aaral na nasa ikaanim na baytang. Naisakatuparan ang gawain sa pamamahala at pagkakaisa ng mga gurong tagapayo ng ISBB at katekista ng paaralan, mga katekista ng parokya at sa patnubay ni P. Nelson.

Nelson, ipinagdiwang

Ipinagdiwang ni Reb. P. Nelson L. Valle ang kanyang ika-58 kaarawan sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus noong ika-27 ng Setyembre. Isang Misa Pasasalamat ang pinangunahan at ipinagdiwang ng may kaarawan kasama ang sambayanan ng parokya. Ito ay dinaluhan ng mga maninimba ng parokya at naghanda ng pagsasaluhan. Bahagi ng pagdiriwang ang pagsasabit ng “handog” kay P. Nelson bilang pasasalamat at pagbati sa lingkod-pari.

Sakramento. Sa pamumuno ni Obispo E. Marquez ay nabigyan ng Sakramento ng Kumpil ang mga mag-aaral ng ISBB.

Tita Estela nagdiwang ng ika-78 kaarawan

Sumapit ang ika78 kaarawan ni Sis. Estela Rodriguez noong Setyembre 3. Ginanap sa kanilang tahanan sa University Village ang pagdarasal ng Santo Rosario (Eucharist and Grace) at salu-salo. Ang mga panauhin ni Sis. Estela ay nagmula sa mga MSK na kanyang tinuturuan ng katekismo tuwing

araw ng Linggo na ginaganap sa Parokya ng Banal na Mukha ni Hesus. Si Sis. Estela ay active at siyang pangulo ng Dominican Laity. Sa edad niya ay masigasig pa rin siyang nagkakatekesis sa mga magulangin ng MSK. Tuwing Linggo ay nakakatanggap ng bigas ang mga tinuturuan niya mula sa kagandahang loob ng mga kasapi ng Dominican Laity sa pangunguna ni Sis Estela. Ang Pagdarasal at salu-salo ay handog niya bilang pasasalamat sa poong Lumikha sa buhay na ipinagkaloob sa kanya.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Josie Fabre Anita Pantoja Ronald Bebida & Family Salcy Dalisay Margie Miras Marina “Nena” dela Cuesta Parish Cathechetical Ministry- HFJP Apostolado ng panalangin- HFPJ Rufina Callejo Perlita M. Fernandez Mely Ocado Sis. Estela Rodriguez Anita Etis & Family Den & Tita Baronia Rosalinda Balmes Luz Aseron Ronald Bebida & Family Juliet Saldua Bro. Rene & Sis Nonie Bueno First Unit Marketing-Distributor Sapoe Vending Machine/Barista Coffee/ Choco/Caramel n paper cups Cel# 09322412743


Quezon Day, ipinagdiwang

Ilayang Dupay. Misang panimula na pinangunahan ni Rev. Fr. Nelson Valle sa pagdiriwang ng Quezon Day

SOCCOM 3rd Sports Fest, ginanap Ginanap sa Graceland Estates, Tayabas City, ang ikatlong Sportsfest at Teambuilding ng mga kasapi ng Diocesan Social Communications Commission noong Setyembre 22. Ang gawain ay kinapapalooban ng Misa, mga palaro at salu-salo. Layunin ng Sportsfest na mapalakas ang pangangatawan ng bawat isang kasapi, makapagunwind upang patuloy na makapaghatid ng mabuting balita sa pamamagitan ng pamamahayag. Ang Misa ay pinangunahan nina Reb. Padre Geoffrey ‘Pepo’ Pimentel, SOCCOM direktor at Reb.

Pa d r e R o d e r i c k ‘ E r i c ’ Mercurio, katulong na direktor ng komisyon. Ang mga palaro ay ang mga sumusunod: sack race, tayakad, hulahoop, walkathon, badminton, volleyball, boat race, at zip line. Tinanghal na Overall Champion ang distrito ni San Juan, pangalawa ang distrito ni San Lukas. Ang lahat nang nakiisa ay binigyan ng papremyo mula kay Padre Pepo, Padre Eric at Engr. Perry Osmund. Ang gawain ay matagumpay na naisakatuparan sa pamamahala at pangunguna nina Sis. Virginia C. Valbuena, pangulo ng Ko-

Ipinagdiwang ang ika-134 kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon noong Agosto 19 sa Ilayang Dupay Elem. School. Isang Misa ang pinangunahan ni Padre Nelson Valle bilang pa-nimula ng pagdiriwnag. Isinasagawa taun-taon ang pag-aalala sa kaarawan ng yumaong Pangulong M.L. Quezon sa pamamagitan ng pag-aalay ng Misa, paghahandog ng mga bulaklak sa monumento

ni Quezon at pagsasagawa ng mga natatanging presentasyon ng mga kawani ng Sangguniang Panglungsod. Si Senador Jinggoy Estrada ang panauhing pandangal sa taong ito. Ang pagdiriwang ay dinaluhan ni Mayor Barbara Ruby Talaga, Administrador Ramon Talaga Jr., mga punong barangay, mga konsehal, mga guro, mga kawani ng lungsod at mga panauhin.

Lakas ng loob. Si Padre Roderick ‘Eric’ Mercurio habang tumatawid sa obstacle rope. misyon; Sis. Myrna Quisao, at lahat ng mga coordinators ingat-yaman; Sis. Mayet at mga kasapi, sa patnubay Enverga, kalihim; Sis. Alice nina Padre Pepo at Padre Vergara, chairman on sports Eric.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.