Ang Malaya 2023 - AMUCAO NHS- Filipino

Page 1


INTO JOURN

SPJ sa Amucao High, binuksan na

Mikkah Galang

Upang maiangat ang kalidad ng edukasyon, opisyal nang binuksan ng Amucao National High School (ANHS) ang kauna-unahan nitong Special Progra.m in Journalism (SPJ) para sa mga kwalipikadong mag-aaral sa ikapitong baitang sa pagbubukas ng taunang panurang 2022-2023.

Matapos dumaan sa matinding pagsusuri at proseso, nakapagtala ang ANHS ng 32 na mga mag-aaral na nakapasok sa itinakdang pamantayan mula sa 80 na nagpakita ng interes at sumubok makapasa.

Base sa isang sarbey na ginawa ng ANHS, malaking populasyon ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang mula sa mga kalapit na paaralang elementarya ang nagpakita ng interes sa pag-eenrol sa isang SPJ class kaya naman ito ang nagtulak sa paaralan na ipagpatuloy ang pagbubukas ng SPJ sa ANHS.

Maliban dito, isa rin ang ANHS sa mga nangunguna at high performing schools pagdating sa larangan ng paaralang pamamahayag kung kaya’t nais itong mapanatili ng paaralan upang mas mabuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa bukas at malayang dyornalismo.

Dumaan ang mga aplikante sa mabusising proseso bago maging kwalipakadong mag-aaral ng SPJ at isa

sa mga proseso na ito ang qualifying exam na ginanap noong ika-1 ng Agosto, 2023 kung saan sinubok ang kakayahan ng mga mag-aaral sa grammar, reading comprehension, at pamamahayag. Matapos ang pagsusulit, nasukat din ang galing ng mga aplikante sa pakikipagkomunikasyon at pagsagot ng mga katanungan sa pamamagitan ng isang panayam na pinamunuan ng mga language teachers na sina Ria Flor Valdoz, Jonard Lising, Eric David, Monica Dayao, at Kathleen Kaye Garcia.

“Mahuhusay sumagot ang mga bata. Kitang-kita mo talaga sa kanilang mga sagot na interasado sila sa journalism,” ani David.

Natukoy ang mga kwalipikadong aplikante sa pamamagitan ng pinagsamang puntos nila sa written exam at sa isinagawang interview. Ang opisyal na 32 mag-aaral ng SPJ ay magkakaroon ng asignaturang dyornalismo kung saan tatalakayin nila ang mga aralin na magpapalawig sa kanilang kasanayan sa larangan ng pamamahayag.

John Andrew Gabriel

Upang mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral ng Special Program in Journalism (SPJ) at maipalaganap ang mga aktibidad na nangyayari sa barangay Amucao, nagkaroon ng pagpaplano ang Amucao National High School (ANHS), sa pangunguna ng SPJ adviser na si Jonard Lising, at ng local government unit (LGU) ng barangay Amucao na bumuo at maglimbag ng pahayagang pambarangay.

Sa naturang pag-uusap, napagkasunduan ng dalawang panig na ang mga magiging manunulat at bubuo sa punong patnugutan ng pahayagang pambarangay ng Amucao ay ang mga mag-aaral ng SPJ ng ANHS. Ito ay upang mas mahasa at magamit ng mga naturang magaaral ang kanilang kaalaman at skills sa larangan ng pamamahayag.

“Bukod sa makakatulong itong planong ito na mas mapadali ang pagpapakalat ng balita at mga anunsiyo sa barangay ng Amucao, mapa-praktis pa ng mga SPJ students ang kanilang kaalaman at kakayahan sa dyornalismo,” saad ni Lising sa isang panayam.

Bukod pa dito inaasahan din na ang pagsasakatuparan sa nasabing proyekto ay magiging daan upang mas lalong mapatibay ang ugnayan sa pagitan ng paaralan, ng komunidad, at ng LGU. sundan sa pahina 3

Source: ANHS Guidance Advocate’s Office

sundan ang buong kuwento sa pahina 2

Simula na ng pangarap, simula na ng pagbabago. Sinimulan na ang pagpapagawa ng pangarap na school façade ng Amucao National High School sa pangunguna ng (School Governing Councils (SGC) at School’s Parents-Teachers Association (SPTA).

Cindy Daga
kuha ni Shalli Mar Pineda

UGNAYANG MAPAGBIGAY. Nagbabahagi ng tulong ang mga miyembro ng Lion’s Club sa mga mag-aaral ng Amucao NHS bilang pakiki-isa sa Brigada Eskwela Larawang kuha ni Shalli Mar

Ugnayang ANHS-Stakeholders pinalakas; Brigada Eskwela 1st place, nasungkit

Sa tulong ng pinagsama-samang pagsisikap at pagpapagal ng mga stakeholders, nasungkit ng Amucao National High School (ANHS) ang unang gantimpala sa natapos na Brigada Eskwela Best Implementer 2022.

Ang naturang paligsahan ay isang programa ng Kagawaran ng Edukasyon upang ihanda ang paaralan sa pagpasok ng mga bata na ginaganap tuwing bago magsimula ang bawat taong panuruan.

Tuwing sasapit ang Brigada Eskwela, nagsasagawa ang mga guro, mag-aaral, magulang, komunidad, at iba’t ibang sangay ng gobyerno ng pagtutulungan upang maging maayos at handa ang bawat paaralan.

Sa pamumuno ng punong guro ng paaralan na si May A. Avelino at ng Brigada Eskwela focal person na si Jayvee Guinto, tinatayang 1,023, 739.61 Piso ang naitalang nalikom na donasyon ng ANHS mula sa 88 na indibidwal at organisasyon noong nakaraang Brigada Eskwela, dahil dito mas pinalakas at pinaigting ang pakikipag-ugnayan ng ANHS sa iba’t ibang stakeholders nito.

Kaso ng bullying...

mula sa pahina 1

Nakapagtala ang paaralan ng mga donasyong pinansyal at donasyong materyal tulad ng mga gamit na panlinis, pintura, at mga gamit na mapapakinabangan ng mga mag-aaral sa loob ng silid aralan.

Ang magandang samahang ipinamalas ng ANHS at ng mga stakeholders nito ay nagbunga nang magandang resulta nang lumabas ang mga nagwagi sa patimpalak.

Ang ANHS ay nagkamit ng unang gantimpala sa kategorya ng large school sa buong dibisyon ng Tarlac City.

“Hindi naman yung pagkapanalo ang unang habol talaga natin, kung hindii ang mapatatag pa lalo ang samahan ng paaralan at ng mga stakeholders dahil ang bawat tagumpay ng paaralan ay tagumpay nang lahat ng stakeholders,” saad ni Avelino.

Inaasahan naman ni Guinto na mapanatili ang magandang samahan ng paaralan at ng mga stakeholders nito hindi lamang tuwing Brigada Eskwela kung hindi hanggang sa mga susunod pang panahon.

Lumobo ng mahigit triple ang bilang nang naitatalang kaso ng bullying sa Amucao National High School (ANHS) mula nang bukasan ang face-to-face classes ngayong taong panuruan 2022-2023.

Pumatak sa 47 ang bilang ng naiulat na kaso ng bullying na nagaganap sa pagitan ng mga mag-aaral ng ANHS.

Ito ay mahigit triple kumpara sa bilang ng naitalang kaso ng bullying sa loob ng apat na taon kung saan nakapagtala ng 11 kaso ng bullying noong 2019-2020, lima naman noong 2020-2021, at isang kaso lamang ang naitala noong nakaraang taong panuruan.

Ang mga naitalang kaso ay iba’t ibang klase ng bullying na nararanasan ng mga mag-aaral tulad ng gender based, physical, social, at cyber at base sa datos ng guidance advocate na si Concepcion Aquino, physical bullying ang may pinakamaraming naitalang kaso.

Dahil dito, naalarma ang paaralan sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga nakakaranas ng bullying at bilang isang child-friendly school, agad na tumalima ito upang magkaroon ng agarang solusyon.

Upang masolusyunan ang nasabing problema, pinaigting ng paaralan ang values formation ng mga mag-aaral sa pmamagitan ng iba’t ibang aktibidad na magpapaunlad sa magagandang asal at gawi ng mga ANHSians.

Ilan sa mga nasabing aktibidad ay pagsasabit , pagdidikit at pagpo-post sa mga social media accounts ng mga campaign paraphernalia na tumutuligsa sa kahit anong uri ng bullying.

Nagkaroon din ng mga maikling symposium upang mamulat ang mga mag-aaral sa mga masamang epekto na idinudulot ng bullying sa mga biktima nito.

Dagdag pa rito, nagkaroon din ng short video showing tungkol sa bullying ang mga tagapayo ng bawat klase na isinagawa nila sa kani-kanilang mga pre activity period.

“Bilang isang child-friendly school, layunin nating bigyan ng mapayapa at masayang kapaligiran ang bawat mag-aaral kaya naman kinukundina ng ANHS ang anumang uri ng bullying,” saad ni Aquino.

Inaasahan naman na sa pamamagitan ng mga nabanggit na mga aktibidad ay bababa na ang bilang ng kaso ng bullying sa Amucao High.

Safe Space Act, suportado ng mga

ANHSians

Mikkah Galang

Sa layong bigyan ng mapayapa at ligtas na kapaligiran ang mga mag-aaral, pinalawig ng Amucao National High School (ANHS) ang pagpapatupad ng programang Safe Space Act o tinatawag na Bawal Bastos Law.

Ang Safe Space Act ay nakaangkla sa Republic Act 11313 na isang batas na nilikha upang mapalawak ang sakop ng Anti-Sexual Harassment Act of 1995 o Republic Act 7877.

Ang batas na ito ay pinirmaha ni Presidente Rodrigo Duterte noong ika-17 ng Abril, taong 2019 at opisyal na naisabatas noong ika-3 ng Agosto, taong 2019.

Ang nasabing batas ay nabuo upang mapunan ang mga kakulangan ng RA 7877 na hindi tumalakay sa mga insidente ng sexual harassment sa pagitan ng magkatrabaho, kaeskwela o kaibigan.

Isa pa sa limitasyon ng RA 7877 ay ang hindi nito pagbilang ng mga kaso ng sexual harassment na nagaganap sa mga pampublikong lugar at sa mga online spaces.

Ayon sa panayam sa Guidance advocate ng paaralan na si Concepcion D. Aquino, maituturing na magandang balita ang pagpapasatupad ng ANHS sa Safe Space Act dahil mapapalawig nito ang mg akarapatan ng mga mag-aaral sa labas at loob ng paaralan, gayundin mas mapag-iingat ang mga mag-aaral sa kanilang mga aksyon at pananalita. Alinsunod sa pagpapatupad ng programa, nagsagawa rin ang ANHS ng mga promotional campaign tulad ng pagdidikit ng mga posters sa mga pathways ng paaralan upang mas mapaigting ang kaalaman ng mga ANHSians sa kanilang mga karapatan.

Sa kabilang banda, todo suporta naman ang mga ANHSians sa pagpapatupad ng Safe Space Act sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga ito sa mga akitibidad na kaakibat ng programa.

“Masaya kami kasi may mga ganitong programa. Naging mas panatag kami dahil alam naming na suportado din po ng ANHS ang batas na ito. Dahil dito, mas kumportable nap o kami at naging mas maingat din po sa aming mga kilos upang hindi rin po kami makasakit ng iba,” ani Avril Reigh Linsangan, mag-aaral ng 12-Phoenix.

Pinaalalahanan din ang mga mag-aaral kung paano iuulat at isusumbong sa mga otoridad ang anumang kaso sa ilalim ng Safe Space Act na kanilang mararanasan o masasaksihan.

ANHS, binigyang halaga ang psychosocial week

Avelino: Ang ANHS ay mental health friendly school

Tricia Mae De Guzman

Upang masiguro na handa na ang mga mag-aaral physically at mentally, siniguro ng Amucao National High School (ANHS) ang istriktong pagsunod sa mga nakatakdang aktibidad ng Psychosocial Week Program ng Kagawaran ng Edukasyon sa unang lingo ng klase.

Nagkaroon ng isang linggong psychosocial week ang mga mag-aaral bago sila tuluyang mag-umpisa sa mga aralin nila para sa panuruang 2022-2023 upang sila ay maihanda sa pagkakaroon ng face-to-face classes matapos ang halos dalawang taong hindi nila pagpasok sa paaralan bunsod ng pandemya.

Ilan lamang sa mga aktibidad at gawaing isinakatparan sa nasabing lingo ay pagdodrowing, buzz sessions, at mga pagsasadula na siya namang kinagiliwan ng mga magaaral.

Dagdag pa pa dito, nagkaroon ng mga orientasyon at mga pagbibigay ng announcements tungkol sa mga gaganapin sa buong lingo.

Binigyang diin din ng punong guro ng paaralan na si May A. Avelino ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga itinakdang aktibidad para sa mga mag-aaral.

“Mahalaga na malaman natin na ang ating mga mag-aaral ay mentally at physically ready para sa taong ito. Ienjoy muna nila ang lingong ito upang makasama at makilala nila ang isa’t isa,” ani pa nito.

Pinalalahan namang muli ng guidance advocate na si Concepcion D. Aquino na maging mag mabait at mabuti sa kapwa mag-aaaral ang mga ANHSians dahil hindi naman nila nasusubaybayan kung anong nagyayari sa kapwa nila mag-aaral sa kani-kanilang mga bahay.

WORDS OF WISDOM. Punongguro May A. Avelino, nagbibigay ng mensahe sa mga mag-aaral at mga guro upang magpa-alala sa kahalagahan ng kalusugang mental. Larawan mula sa Amucao NHS facebook page

John Andrew Gabriel
Pineda

5 mag-aaral ng ANHS muntik makidnap; plano ng suspek, nabulilyaso sa tulong ng bystanders

Tinangkang dukutin ang limang mag-aaral ng Amucao National High (ANHS) School sa Barangay Balingcanaway noong ika-8 ng Enero, alas otso ng gabi.

Ayon sa mga biktima naglalakad papunta sa paresan silang limang magkakaibagan sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Balingcanaway nang bigla may humarang na isang puting van sa kanilang daaranan at biglang lumabas ang isang hindi nakikilalang lalaki.

Dagdag pa nila, ang lalaki ay walangh suot na pangitaas dahil ang damit nito ay siyang kanyang ginamit upang ipantakip sa kanyang mukha.

Ayon pa sa mga biktima, may mga kasama pa raw ang lalaking bumaba upang tangkain silang hilahin papasok sa naturang van ngunit nakatakip din ang mga mukha. Nang akmang silang susunggaban ng lalaki ay nagsipulasan ang mga biktima papunta sa mga paparating na mga bystanders na siya namang nagpaatras sa suspek sa tangkang pandukot sa mga bata.

5 guro, kinilala ang husay sa Educ Week 2022

Binigyang parangal ang husay at galing ng limang guro mula sa Amucao National High School sa ginanap na selebrasyon ng Eduk Week 2022 noong ika-15 ng Disyembre.

Pinarangalan ng sertipiko ang limang guro dahil sa nakamit nilang tagumpay at pagpapamalas ng natatanging galing mula sa iba’t ibang programa at paligsahan ng Departamento ng Edukasyon sa dibisyon at rehiyonal na lebel.

Binigyang pugay ang husay ni Jonard G. Lising sa pagawit nang masungkit nito at ng kanyang kinabibilangang grupo ang kampyonato sa sinalihang paligsahang pangrehiyonal na Regional Teacher’s Got Talent. Kinilala rin ang husay sa pamumuno ni Jayvi G. Guinto ng maipamalas nito ang kanyang kakayahan sa pamumuno sa pagpapaunlad sa samahan ng paaralan at ng mga stakeholders nito nang magkamit ang paaralan ng unang gantimpala sa natapos na Brigada Eskwela Best Implementing Schools Large Category.

Maliban kay Lising, hindi nagpahuli sa pakikipagtalastasan ng husay si Helen Grace F. Daet matapos niyang mabingwit ang titulong Best in Contribution to School-based Feeding Program sa ginawang 2022 EGPPProject Game Special Awards.

Naghatid ng saya sa buong ANHS ng gawaran ng parangal si Bendia Catleya T. Bajana ng kanyang bigyang pugay ang paaralan sa paghakot ng ikalawang puwesto sa sinalihang Best Home Learning Spaces sa dibisyon. Kinumpleto naman ni Karen P. Enabe ang limang guro ng ANHS na pinarangalan nang kilalaniin ang kanyang abilidad sa pamumuno sa pagpapatupad ng Brigada Pagbasa matapos manalo ng paaralan at masungkit nito ang ikatlong parangal para sa secondary large category.

Samantala, pinuri naman ng punong guro ng paaralan na si May A. Avelino ang mga naturang guro sa pagpapamalas nila ng galing at pagbibigay ng karangalan sa paaralan.

“Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat. Ipinagmamalaki kayo ng buong ANHS family. Ganoon paman, inaasahan ko na ang pagpapamalas ninyo ng galing ay maibahagi ninyo sa inyong mga mag-aaral na siyang tunay nating layunin sa ating trabaho,” dagdag pa ni Avelino.

Patunay ang mga nakamit na parangal na ito na ang mga guro at buong komunidad ng ANHS ay may kakayahang makipagsabayan sa kahit na anong larangan hindi lamang sa pangdibisyong lebel kung hindi maging sa rehiyon man.

“Mabuti nalang po at may mga paparating na mga tao baka kung hindi ay tuluyan kaming nahabol at nadukot nung suspek,” anang isa sa mga biktima.

Ipinablotter ng mga magulang ng mga biktima ang nangyaring insidente bilang proteksiyon at upang maging babala na rin sa mga kalapit barangay.

Samantala, isa sa limang biktima ang ayaw ng pumasok sa paaralan dahil bukod sa natamong trauma sa insidente, ay inaalala rin nito ang kanilang klase na umaabot

ng ikaanim ng gabi dahil sa shifting program ng ANHS.

“Natatakot na po akong pumasok kasi hanggang alas sais po ang pasok naming at medyo amdalim nap o iyon kaya natatakot po ako nab aka maulit po ulit yung nangyari pag ginabi po ako ulit sa kalsada,” anang biktima.

Bilang tugon dito, napagdesisyonan naman ng paaralan na magkaroon ng adjustment sa oras ng kalse ng mga mag-aaral na nasa shifting program kung saan mula sa 6:00 ng gabi ay ginawang hanggang 5;15 ng hapon na lamang

ang kanilang klase. Liban pa rito ay planong maglagay ng mga Closed Circuit Camera Televisions (CCTV) sa labas at harapang bahagi ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

Pinaalalahanan naman ng punong guro ng ANHS na si May A. Avelino ang mga magulang ng mga ANHSians na mas mainam kung ang mga mag-aaral ay hatid-sundo sa paaralan para sa doble ingat ng kanilang mga anak.

ANHS, LGU planong maglimbag ng pahayagang pambarangay

mula sa pahina 1

“Malaking tulong sa barangay ang layuning ito, dahil dito mas mapapadalas ang mga magiging gawain na magiiging bahagi ang paaralan at ang LGU ng Amucao. Ito naman ang mas magpapatatag pa ng ugnayann natin sa paaralan. Hindi na rin mahihirapan pang mangalap ng mga impormasyon ang mga Amuqueno tungkol sa mga proyekto ng barangay,” paliwanag ni Jaime Santiago, kapitan ng barangay. Sa kabilang banda, habang hinihintay pang maisagawa ang plano, nagkakaroon na ng mga paghahanda ang mga mag-aaral ng SPJ upang maging maganda ang resulta ng pahayagang pambarangay ng Amucao pagdating ng araw.

Gayundin, bakas sa mga mukha ng mga mag-aaral ang saya at excitement sa gagawing proyekto sapagkat nakikita nila itong oportunidad upang mailabas ang kanilang husay sa dyornalismo.

“Excited nap o kaming lahat. Inaasahan po naming na maisakatuparan na yung paggawa ng pahayagang pambarangay sa lalong madaling panahon dahil mai-apply na naming iyong mga natutunan naming,” giit ni Eunice Natividad, mag-aaral ng SPJ 7-Plaridel.

Mag-aral Ka, Sagot Kita Project inilunsad; pamamahagi

ng school supplies, ibinida

Jilliane Bernal

Sa paglalayong maiangat ang antas ng edukasyon, inilunsad ng Amucao National High School ang Mag-aral Ka, Sagot Kita Project na nagnanais na makapagbigay ng mga gamit pangpaaralan sa mga magaaral.

Ang naturang proyekto ay pinangunanahan ni Ginang Mary Anne C. Yumul kung saan tinukoy ng bawat adviser ang mga batang mag-aaral na nangangailangn ng mga school supplies.

Layunin ng proyekto na makalikom ng mga donasyon na school supplies na siya namang ipapamahagi sa mga 4Ps member na mag-aaral at mga mag-aaral na nahihirapan sa buhay upang makatulong sa mga ito na gumaan kahit paano ang kanilang gastusin sa pagbili ng mga gamit pangpaaralan.

Nagkaroon ng anunsyo ng paghingi ng tulong sa mga stakeholders ang mga guro upang magkaroon ng mga donasyon mula sa iba’t ibang indibidwal at mga organisasyon kabilang dito ang mga pribado at pangpubliko ahensya.

Ginawa ang nasabing anunsyo kasabay ng pagdaraos

Pangarap na school facade, babandera na

mula sa pahina 1

Ang nasabing pagpapaganda ay naglalayong mapalawak ang harapang bahagi ng paaralan kabilang na rito ang gate at parking area nito na magreresulta sa isang modernong imahe ng ANHS.

“A beautiful and well-kept entrance would make you feel proud and appreciated, boosting your morale and inspiring you to participate in the beautification process,” saad ni May A. Avelino PhD, school head.

Mula naman sa guhit ni Pastor Jemuel Felix ng Onekon Builders ang disenyo ng bagong mukha ng ANHS, samantalang inilapit naman ng SPTA President, Jhoana Marie Depona, ang pagpapagawa sa Tarlac City Engineers Office upang humingi ng tulong sa mga gagawing pagbabag at gayundin lumapit ito kay Tarlac City Mayor Maria Cristina ‘Cristy’ Angeles na namigay naman ng mga kakailanganiing materyales.

“Ang pagpapaayos at pagpapaganda ng paaralan ahy hindi lamang responsibilidad ng ANHS. Tayo bilang katuwang ng paaralan ay may kapantay na responsibilidad kaya naman ako’y nananawagan sa inyo upang mabigyan natin an gating nga anak ng isang ligtas, maayos, at magandang paaralan,” Depona emphasized. Nakatakda namang magtuloy-tuloy ang nasimulang trabaho proyekto upang mapabilis ang pagbuo ng school façade.

ng paaralan ng taunang Brigada Eskwela kung saan nagtutulungan ang paaralan at ang komunidad kabilang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno sa paghahanda ng mga silid-aralan.

Matapos ang anunsyo, bumaha ng mga donasyon upang mabuo ang mga kinakailangang bilang ng mga school supplies para sa mga magaaral.

Umabot sa 12,000 piso ang nabuong donasyon para sa mga nasabing school supplies at tinatayang nasa 376 4Ps at 85 non 4Ps ngunit nasa bilang ng mga hindi gaanong pinalad na mag-aaral ang tumanggap ng mga naturang school supplies.

“Buhay pa rin ang bayanihan at patunay ang mga proyektong tulad nito na marami pa ring handing tulungan ang mga kapwa natin na nasa laylayan. Maraming maraming salamat po sa lahat nang nakibahagi sa ating gawaing ito,” saad ni Yumul. Inaasahan namang gagamitin ng mga magaaral ang mga natanggap na school supplies sa pagsisimula ng pasukan nitong darating na Agosto.

Jessel Mae Nidera
Maisie De Guzman
PULONG NG IMPORMASYON. Pinaunlakan ni BRGY. Captain Jaime Santiago ang pakikipagpulong kasama sina G. Jonard Lising at Bb. Ria Valdoz upang pag-usapan ang paglilimbag ng dyaryo ng barangay. Larawang kuha ni Shalli Mar Pineda
PROYEKTONG
mga benepisyaryo ng Mag-
Ka, Sagot Kita kung saan binahagian siya ni Gng. Mary Anne Canlas, focal person, ng school supplies. Larawan mula kay Mary Anne Canlas
PARANGAL NG PAGSISIKAP. (mula sa kaliwa) Karen Enabe, Bendia Catleya Bajana, May A. Avelino, Jonard Lising, Jayvi Guinto, Helen Daet. Larawan mula kay Angelica Dimarucut

Bilang ng mga mag-aaral na lumiliban sa klase, lumobo; ANHS, inilunsad

ang Project REACH

Mikkah Galang

Naalarma ang Amucao National High School sa paglobo ng bilang ng mga mag-aaral na lumiliban sa klase sa paglabas ng resulta nang isinagawang pagtukoy sa mga mag-aaral na no longer participating in academic activities o NLPA.

Upang solusyonan ito, inilunsad ng Amucao National High School ang Project Responsive Education Acting with Care and Hope o Project REACH upang matulungan ang mga magaaral na NLPAs.

Ang naturang proyekto ay naglalayong mabawasan ang bilang ng mga NLPA at matulungan silang maging aktibo mula sa mga gawaing pampaaralan at muling pumasok ng regular sa knailang mga klase.

Sinimulan ang pagsasagawa ng Project REACH sa pamamagitan ng home visitation program sa mga NLPAs kung saan napagalaman ng mga guro na ang ilan sa mga dahilan ng mga bata na lumiliban sa klase ay kawalan ng interes sa pag-aaral, problemang pinansyal, at impluwensiya ng mga kaibigan.

“Sa paglulunsad nitong proyekto, makikita talaga natin na Malaki ang tulong nito uapang mailigtas an gating mga mag-aaral na NLPAs dahil mula sa 43 na NLPAs noong unang markahan, nagging 32 na lamang sila pagdating ng ikalawang markahan at inaasahan pa nating bumaba ito s amga susunod na araw,” ani Ma’am Miriam Ruth Capulong, School Registrar (JHS).

Dinagdag pa ni Capulong na ang Project REACH ay pagsuusmikap ng paaralan na matulungan ang mga NLPAs sa pmamagitan nang pagbibigay sa kanila ng opsyon sa learning modality na angkop sa kanilang sitwasyon tulad ng paglipat mula sa face-to-face modality sa modular modality ngunit kakailangan pa rin nilang pumunta sa paaralan tuwing sila ay kukuha ng mga summative tests o magbigay ng kanilang mga performance tasks.

Naniniwala naman ang paaralan na ang pagdami ng bilang ng mga mag-aaral na hindi pumapasok ay sanhi pa rin ng epekto ng pandemya kung kaya’t isinusulong nito ang pagpapatuloy ng inklusibong edukasyon at patuloy na tinutugunan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral.

Pinagsamang puwersa ng ANHS, LGU, Eagles Club sinugpo ang malnutrisyon at ‘illiteracy’; Proyektong

‘Read and Feed’, ibinahagi

Ang ekstra sa ekstraordinaryo

ANHS alumnus, nagwagi ng ikatlong gantimpala sa programang Ekstra Ordinaryo Next Level

Napuno ng palakpakan at hiyawan ang apat na sulok ng tahanan at di namamalayang tumulo ang luha mula sa mga mata ni Ginang Marina Pagaringan sa sobrang tuwa at pagmamalaki ng tawagin ng host ang nanalo sa ikatlong puwesto – “Popsy!”

Talento at husay ang ipanamalas ng alumnus ng Amucao National High School (ANHS) na si Narciso Pagaringan nang maiuwi nito ang ikatlong gantimpala sa grand finals ng programa ng Pie Channel na Ekstra Ordinaryo Next Level.

Ang naturang programa ay isang interactive artista search nagbibigay ng oportunidad sa mga nais maging ekstra at artista sa telebisyon kung saan napiling maging kalahok ang mga viral sa iba’t ibang social media platforms.

Nakapasok sa programa si Popsy kung tawagin ng kanyang mga followers sa kanyang mga social media accounts nang siya ay subukang kontakin ng isang staff ng programa dahil sa ipinakitang potensyal nito sa pag-arte sa kaniyang mga ibinabahaging Tiktok video contents.

“Naging hilig ko lang iyong pag arte noong nagsimula na iyong pandemic at nagsimula sa pag vo-voice acting at dubbing pero noong nagtagal gumagawa na rin ako ng mga multiverse skits iyong tipong ako ay gaganap na ibat ibang character sa videos ko. Isa pa sa mga dahilan kung bakit ko tinuloy iyong talent ko sa pag arte ay dahil maraming natutuwa sa mga videos na ginagawa ko,” ani Pagaringan.

Natanggal sa programa si Pagaringan sa weekly finals dahil sa kakulangan ng boto online ngunit nabigyan din ng pagkakataong makabalik ulit sa programa ng makapasok sa resbak edition at nakapsok sa monthly finals ng pinalad na manalo sa naturang resbak.

Muling pinalad si Pagaringan ng manalo ito sa monthly finals at makatuloy sa grand finals na ginanap noong ika-22 ng Oktubre, 2022 kung saan ito ay itinanghal na panalo sa ikatlong puwesto. Nakapag-uwi si Pagaringan ng cash prize, gift packages at iba’t ibang gift cards mula sa iba-ibang isponsor ng programa.

“Huwag matatakot sumubok para sa pangarap, sunggaban natin ang mga oportunidad kahit alam man nating walang kasiguraduhan ang pagkapanalo huwag gawing hadlang ang takot, manalig ka lang at magtiwala dahil sa patuloy mong pagharap sa mga pagsubok para abutin

balita lathalain ang iyong mga pangarap patuloy kang mamamayagpag sa bawat karanasan, makikilala ang sarili, at mananatiling matatag para sa marami pang katagumpayan. Hamunin mo ang iyong sarili dahil ikaw mismo ang magbibigay ng oportunidad sa iyong buhay isipin mo lang na sa lahat ng bahay manalo o matalo may ibubuga ka pa,” dagdag pa ni Pagaringan ng tanungin kung anong payo ang maibibgay niya sa mga kabataang Amuqueno na gusto ring maging artista. Isang patunay si Popsy na kayang makipagsabayan ng mga ANHSians pagdating sa pagpapakita ng talent at husay sa larangan ng pagakting at pagaartista.

Upang mabawasan ang mga batang nahihirapang bumasa at masugpo ang epekto ng malnutrisyon, inilunsad ng Amucao National High School (ANHS) sa pinagsama-samang tulong ng Balingcanaway local government unit, at Eagles Club ang Project Read and Feed.

Ang naturang proyekto ay naglalayong maturuan ang mga bata mula sa Barangay Balingcanaway na may edad lima hanggang siyam kung paano magbasa at gayundin ay madagdagan ang kanilang mga timbang sa pamamagitan ng feeding program.

“Pagsugpo sa illiteracy at malnutrisyon ang pangunahing layunin ng proyektong ito at sa tulong ng ANHS at Eagles Club maipapaabot natin ang ganitong tulong sa mga bata sa ating barangay,” saad ni Rosario D. Ferrer punong barangay ng Balincanaway.

Isa ang Balingcanaway sa mga barangay na may maraming mag-aaral na pumapasok sa ANHS kung kaya’t ito ang napiling benepisyaryo ng naturang proyekto.

Sa kasalukuyan mayroong 60 na batang tinuturuang magbasa at pinapakain ng mga masusustansyang pagkain at inaasahan pa ang pagdami nito sa pagtagal ng implementasyon.

Ang proyekto ay pinangunahan ng mga guro mula sa ANHS na sina Anthony Caibiran, Ria-flor Valdoz,

Christel Cerbito

Elena Aguas, at Jennel Carlos katuwang naman ang mga opisyal ng barangay Balingcanaway at miyembro ng Eagles Club.

Sinimulan ang implementasyon ng proyekto noong Nobyembre ng 2022 na ginagawa tuwing huling lingo ng bawat buwan at sa kasalukuyan ay nakatapos na ng limang session.

“Tinuturuan at pinapakain namin yung mga bata ng mga tatlong oras, nakakatuwa lang na nagiging bahagi ang Eagles Club sa mga ganitong gawain na nakakatulong kami sa mga bata,” ani Jennel T. Carlos miyembro ng Eagles Club.

Igiinit din ni Valdoz na ang proyekto ay naglalayon ding mabawasan ang mga non-readers at non-comprehenders na papasok sa ANHS upang mas maturuan ng mabuti ang mga bata pagdating nila sa hayskul.

“Hindi lang naman mga batang hindi marunong magbasa ang target ng proyekto kung hindi maging mga batang nakakabasa na ngunit hirap intindihin ang kanilang binabasa,” dagdag pa ng huli.

Inaasahan ng ANHS na magpapatuloy ang naturang proyekto hindi lang upang matulungan ang mga bata sa komunidad kung hindi maihanda rin sila sap ag-akyat nila sa hayskul.

Sigurado na ang puwesto ng Amucao National High School (ANHS) sa paparating na Regional Schools Press Conference (RSPC) sa pagkapanalo ng unang gantimpala ng Isports writer na si John Andrew Gabriel sa katatapos na Division Schools Press Conference (DSPC) noong ika 17-18 ng Pebrero.

Sa patnubay ng kanyang tagapagsanay na si Monica Dayao, umangat ang husay at atlento ni Gabriel sa pagsulat ng Isports mula sa 25 na katunggali mula sa iba’t ibang paaralan sa dibisyon ng Tarlac City.

Dahil dito, patuloy na aakyat si Gabriel katuwang si Dayao sa darating na RSPC kung saan iba’t ibang dibisyon mula sa ikatlong rehiyon ang magtutunggalian sa larangan ng pamamahayag.

“Ginawa ko lang po yung makakaya ko. Sinabayan ko po ng tiyaga at pagpupursige ang panalangin ko at matapos ang ilang taon na pagsabak sa presscon, saw akas ay makakarating din ako ng RSPC,” ani ni Gabriel sa isang panayam.

Nakatanggap din ng parangal ang iba pang mag-aaral ng ANHS sa natapos na DSPC tulad ni Mikkah Galang na nagkamit ng ikatlong gantimpala sa paglikha ng kartung editoryal sa midyum na Filipino na siya namang pinatnubayan ng kanyang tagapagsanay na si Jonard Lising.

Sa ilalim naman ng pagsasanay ni Ria Flor Valdoz ay wagi rin ang science and technology writer na si Giro Caparas nang masilat ang ikaapat na puwesto sa naturang kategorya.

Gayundin, nakakuha rin ng parangal sa group category ang paaralan ng makamit ng pambato nito sa collaborative desktop publishing Filipino ang ika-limang puwesto na binubuo naman nina Micah Sunga, John Andrew Gabriel, Mikkah Galang, Christel Cerbito, at Jillian Rain Bernal sa ilalim ng pagsasanay ni Jonard Lising.

“Binibigyang pugay ng ANHS ang lahat nang nagwagi at lahat nang nakilahok sa DSPC. Ang nakamit ninyong mga karanasan at nakuha ninyong kaalaman ang tunay ninyong mga medalya,” ani Ginang May A. Avelino, punong guro.

Sa kabilang banda, pinaiigting pa lalo ni Gabriel ang kanyang pagsasanay bilang paghahanda sa paparating na RSPC.

Ayon pa dito, ang makarating sa National Schools Press Conference ang isa sa mga pangarap niyang makamit bilang isang manunulat.

John Andrew Gabriel
BUSOG, LUSOG, TALINO. Benepisyaryo ng Read and Feed Project na pinangunahan ni Anthony C. Caibiran. Larawan mula kay Anthony C. Caibiran
John Andrew Gabriel
Larawan mula sa Pie Channel facebook page

Ang Malaya

Ang

Punong Patnugutan

Taong Panuruan 2022-2023

Punong Patnugot:

Pangalawang

Tagapamahalang

Patnugot

Patnugot

Tagapayo:

Pangalawang

LIHAM SA patnugot

Ako ay isang mag-aaral sa institusyong ito ngunit hindi ko na ninais na ibigay ang aking pagkakakilanlan. Nais kong malaman kung ano ang gagawing hakbang ng inyong patnugutan sa mga negatibong epekto ng inyong pamamahayag, kung mayroon man. Ang mga paksang inyong tinatalakay ay kritikal at maaaring magbigay ng iba pang pagbubukas malay sa mga mag-aaral na hindi naman mulat ang kamalayan sa mga nangyayari sa paaralan. -Anonimus

TUGON NG

patnugot

Ang layunin ng pahayagang ito ay maghatid ng matapang, responsable at malayang pamamahayag. Kaakibat nito ang sistematikong pag-uulat at pagmumulat sa aming mga mambabasa. Responsibilidad nito ang anumang inilalabas na impormasyon ngunit ang desisyon pagkatapos ay nakasalalay na sa inyo.

John Andrew Gabriel

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang gawaing ito [pandaraya ] ay hindi dapat, ngunit marami parin ang patuloy na tumatangkilik dito.

Pasanin

Isinusulong muli ang pagsasabatas ng Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) bilang parte ng kurikulum sa Senior High School. Ang pagsasabatas ng sapilitang pagsailalim sa ROTC ay makapagbibigay ng bigatin sa mga kabataang Pilipino.

Mariing ipinapaliwanag ng mga taga-suporta ng nasabing pagsulong sa mandatory ROTC ang layunin nitong makapagbigay ng training sa mga kabataan upang ihanda sila sa pambansang depensa. Binibigyang pansin din nito ang kahandaan, disiplina, moral, at pagmamahal sa bansa.

Ngunit ang mga nabanggit na layunin ay hindi lamang maisasakatuparan sa pamamagitan ng sapilitang pagsailalim sa ROTC ng mga kabataan.

Hindi handa ang bulsa ng Pilipinas para sa mandatory ROTC. Isang aspeto na kailangan tingnan sa pagsasabatas nito ay ang kakailanganing budget para sa implementasyon nito. Ang budget na kailangan para rito ay nagkakahalaga ng 61.2 bilyong piso. Ito ay para sa personnel service. Sa kasalukuyan, ang National Government Debt ay umabot na sa halagang 13.42 trillion pesos. Sa ganitong estado ng bansa, ang pagpapatupad ng isang batas na tulad ng mandatory ROTC ay kailangan pag-isipang muli. Ang utang na ito ay papasanin ng bawat mamayan, kabilang ang kabataan ngayon.

Pangalawa, hindi makatarungan ang halagang hinihingi para sa implementasyon ng programang ito. Ang 61.2 bilyong piso ay para sa personnel service. Ito ay sobra-sobrang halaga para sa unang limang taong implementasyon nito. Sa katunayan, iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na bawasan ng AFP ang nasabing budget. Ayon sa senador, ang programa ay mangangailangan ng 9,854 AFP personnel bilang mga tagapagsanay. Sa laki ng budget para sa programa, ang bawat AFP personnel na magsisilbing mga tagapagsanay sa programa ay inaasahang makatanggap ng P106,000 sweldo kada buwan.

Kaugnay nito, ang bansa ay

Hindi handa ang bulsa ng Pilipinas para sa mandatory ROTC. Isang aspeto na kailangan tingnan sa pagsasabatas nito ay ang kakailanganing budget para sa implementasyon nito.

mayroong mas mabigat na mga problemang nangangailangan ng higit na agarang katugunan. Ang nasabing 61.2 bilyong piso ay maaari nang magamit sa pagpapatayo ng 24,480 na silidaralan. Ang kakulangan ng mga silid-aralan ay isang pambansang isyu na nangangailangan ng higit na atensyon ng pamahalaan. Ang paglobo ng populasyon sa mga paaralan ay nangangahulugang ang problema sa kakulangan ng mga silid-aralan ay kailangan tugunan. Isang halimbawa ay ang kakulangan ng mga silid-aralan sa Amucao National High School. Dahil dito, kailangan sumailalim sa shifting schedule ng mga magaaral mula baitang 10-12. And mga problemang tula nito ay agaran. Sa halip na ilaan ang 61.2 bilyong piso sa ROTC, higit itong kailangan ng mga paaralan.

Bukod dito, kailangan din balikan ng pamahalaan ang madilim na nakaraan ng ROTC. Ang programang ito ay nasangkot na sa mga hindi kanaisnais na krimen sa

Instant Noodles

Sa panahon ngayon, hindi na lamang noodles ang “instant.”

Taong 2019 nang magsimula ang pandemic. Lumaganap ang COVID-19 at alam mo na ang sumunod na nangyari. Isinara ang mga paaralan. Ang kaganapang ito ay nagbunsod naman sa pagpapakilala ng mga bagong paraan ng pag-aaral. Ang Department of Education ay nagbukas ng mga bagong programa upang hindi matigil ang pagkatuto. Dito natin nakilala ang “modular distance learning.” Dahil dito, patuloy na naisulong ang “learning continuity.” Nakapag-aral at nakagawa tayo ng mga gawaing pampaaralan kahit na tayo ay nasa ating mga tahanan lamang. Marami itong mabuting naituro sa bawat magaaral na Pilipino. Ngunit kaakibat nito ay ang paglaganap din ng pandaraya.

nakaraan. Kabilang na dito ang korupsyon sa loob ng programa. Ang isyung ito ay sinundan at kaugnay din naman sa pagpatay kay Mark Welson Chua, isang estudyante mula sa University of Sto. Tomas, matapos niyang ilabas ang baho ng programa. Ito ay patunay na maaaring mamulat ang mga kabataan sa krimen kaysa sa mas malalim na pagmamahal sa bansa.

Ang pagsulong sa mandatory ROTC ay kailangang pag-isipang muli bago ito maitatak sa batas at sa palad ng bawat kabataang Pilipino.

Nagaganap ito sa pamamagitan ng hindi pagpapakatotoo sa mga ipinapasang gawain. Sa kagustuhang makapagpasa ng mas maayos at mas magandang proyekto, ang ilang mga estudyante ay nagpapagawa ng proyekto at ouput sa mga tinatawag na “learning assistant.” Mas napapadali din nito ang proseso ng pagsasagawa ng mga gawain sa module dahil hindi na sila mismo ang nagsasagawa nito. Ito ay kanilang ipapasa na lamang. Sa kabilang banda, napapabagal naman nito ang pagkatuto. Ito ay bagong mukha ng pandaraya. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang gawaing ito ay hindi dapat, ngunit marami parin ang patuloy na tumatangkilik dito. Dahil ito sa kagaanang hatid ng “instant” na mga gawain. Kung iisiping maigi ay mabuti naman ang hangarin ng pagkuha ng learning assistant. Ito ay kung gagamitin lamang ito sa mabuting paraan. Bagamat maginhawa, ito naman ang hihila sa iyo pababa. Papayag ka ba na ikaw nga ay may pahinga ngunit pagdating ng araw ay magiging tulad ka ni Juan na nakanganga at naghihintay ng malalaglag na bunga?

Mikkah Galang

Ang pagsulong sa pagrebisa ng K to 12 curriculum ay upang bigyang pansin ang mga skills na higit na kailangan ng mga estudyante.

Ngayon Ay Bukas

Maugong na usapin ngayon ang panukalang irebisa ng Kinder to Grade 12 (K to 12) curriculum na kasalukuyang ipinapatupad sa Pilipinas. Matapos ang ilang taong implementasyon, ang muling pagsusuri sa kurikulum na ito ay isang mabigat na pangangailangan.

Pasanin

Layunin ng K to 12 na maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo, subalit ang layuning ito ay mahirap maisakatuparan kung ang kurikulum mismo ay nagtataglay ng mga isyu at butas. Dahil dito, mas mainam na suriing maigi ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga kailangan ayusin sa kurikulum na kasalukuyang ipinapatupad sa ating mga paaralan.

Ito ay makakatulong sa mga magaaral, maging sa mga kaguruan. May taglay na epekto ito sa teachinglearning process na kalaunan ay

Isang Salita para sa Lahat

Matapos sumailalim sa pag-aaral ng mga eksperto, ang salitang “nagdarasal” sa Panatang Makabayan ngayon ay napalitan na ng salitang “nananalangin.” Kaya’t ang dating nakasanayan nating bigkasin na linyang “Naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan” ngayon ay babanggitin na sa panibagong paraan. “Naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin nang buong katapatan.” Ito ay nakasaad sa DepEd Order 004 na nilagdaan ni Bise-Presidente Sara Duterte.

Ang pagbabagong ito ay binabatikos ng ilang mga grupo sa kadahilanang ito raw ay pag-aaksaya ng oras, lakas, at badyet. Ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan na ang panukalang ito ay matagal nang naiproseso bago pa man umusbong ang ilan sa mga kinakaharap na suliranin ng ating bansa. Sa madaling salita, ito ay hindi pag-aaksaya ng oras, lakas, at badyet. Ito ay pag-usad lamang at pagbabago na para naman sa ikabubuti ng lahat.

Ayon pa sa Linguistic Society of the Philippines, ang katagang “nananalangin” ay higit na mas angkop at makatwiran kaysa sa salitang “nagdarasal.” Ayon pa sa Pambansang Samahan ng Linggwistika at Literaturang Filipino, ito ay pinag-isipan at sumailalim sa masusing pag-aaral.

Ito ay para kilalanin ang pagkapantay-pantay ng bawat isa. Ayon sa mga representative ng Indigenous Peoples at ilan sa mga kabilang sa Muslim at Moro communities, ang salitang “dalangin” ay pangkalahatan kaysa as salitang “dasal.” Ang salitang “dalangin” ay higit na ispiritual at unibersal.

Higit pa rito, ang paggamit ng “katutubong salita” ay mas angkop na gamitin sa pagsasalin ng Bibliya sa iba’t ibang

TUGON NG

Ang layunin ng pahayang ito ay maghatid ng matapang, responsable at malayang pamamahayag. Kaakibat nito ang sistematikong pag-uulat at pagmumulat sa aming mga mambabasa. Responsibilidad nito ang anumang inilalabas na impormasyon ngunit ang desisyon pagkatapos ay nakasalalay na sa inyo.

Rachelle Mendoza

... mas malawak ang sakop ng salitang “nananalangin” kaysa “nagdarasal.” Ito ay walang inaayunang anumang relihiyon.

lenggwahe sa Pilipinas. Dahil sa mga konsultasyong ito, iminungkahi ang paggamit ng salitang “nananalangin” dahil ito ay repleksyon ng ng pagka-Pilipino sapagkat nagmula ito sa Tagalog.

Gayundin, mas malawak ang sakop ng salitang “nananalangin” kaysa “nagdarasal.” Ito ay walang inaayunang anumang relihiyon. Dagdag pa rito, sakop din nito ang mga katutubong paniniwala at sistema. Ang pagbabagong ito ay isinulong para sa lahat.

magiging benepisyo ng Pilipinas mismo. Si paglalarawan ni Bise Presidente ay Sekretarya ng DepEd Sara Duterte, ang kasalukuyang kurikulum natin sa bansa ay “congested.” Sa madaling sabi, kulang sa kaayusan ang kurikulum. Ilan sa mga learning competencies ay nawawala. Ang iba naman ay mali ang kinalalagyan. Paano ito magbubunga sa mas maliwanag na Pilipinas pagdating ng araw?

Ang kurikulum ang magsisilbing gabay ng mga guro sa loob ng silid-aralan. Kung ang kurikulum ay wala sa ayos, magiging mas mahirap ito para sa mga guro at higit na mas mahirap para sa mga mag-aaral. Ang pagsulong sa pagrebisa ng K to 12 curriculum ay upang bigyang pansin ang mga skills na higit na kailangan ng mga estudyante. Sa dami ng nais ipagawa sa mga mag-aaral ay hindi na sila nakakapagpokus sa lahat ng kailangang tapusin. Tulad na lamang ng bilang ng mga asignatura sa baiting tatlo. Sa

kasalakuyan, sila ay may pitong asignatura na kailangan makumpleto sa loob ng isang taon at kailangan pasukan araw-araw. Sa panukalang rebisyon ng kurikulum ay mula pitong asignatura, ito ay gagawin na lamang lima. Sa aking opinion, ang hakbang na ito ay makakabuti para sa lahat sapagkat maisusulong nito ang pokus at atensyon sa mga mas mahahalagang mga bagay. Higit pa rito, mainam ang pangakong pagbabago sa kurikulum na ito. Sa pagrebisa nito, mas bibigyang pansin nito ang English proficiency ng mga mag-aaral na Pilipino. Makakatulong ito sa bawat isa, sapagkat ang ating bansa ay tinaguriang multi-lingual.

Kailangan ikonsidera ng Kagawaran ng Edukasyon ang layunin nitong makapagpalabas ng mga kabataang may ambag sa pagbuo ng isang matatag na bansa. Parte nito ang pagsasaayos sa edukasyong ibinibigay sa bawat kabataang Pilipino. Kung ano tayo ngayon ay siyang tayo bukas.

ISYU ANALISIS

Kayod at Takot

Kamakailan lamang, umugong ang balita patungkol sa Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na si Myla Balbag. Siya ay isa sa maraming biktima ng pang-aabuso mula sa mga dayuhang amo. Ang balitang ito ay nagdulot ng pagkabagabag mula sa mga mag-aaral ng Amucao National High School. Sa isang sarbey na isinagawa ng Ang Malaya, lumabas na 27 mag-aaral ang may magulang na nagtatrabaho bilang mga OFW sa bansang Kuwait.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay mayroong 1.83 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa mula Abril hanggang

Setyembre 2021. Mataas na bahagdan din nito ay binubuo ng mga kababaihan na umaabot hanggang 60.2% o 1.10 milyong mga manggagawa.

Ito ay nangangahulugang ganoon din kataas ang bilang ng mga OFW ang nahaharap sa panganib ng pang-aabuso. Ayon sa datos ng gobyerno na nakalap ng Manila Standard, nasa dalawang Pilipino kada araw ang nakakaranas ng violence sa pamamagitan ng pisikal na abuso, sexual harassment, o rape sa Kuwait sa taong 2022. Sa parehas na taon, 24,000 na kaso ng paglabag at pang-aabuso ang naitala sa Kuwait base sa datos na nagmula sa Philippine Department of Migrant Workers. Ito ay nakakabahalang bilang mula 6500 na kaso noong 2016. Taong 2018 nang unang magpatupad ang pamahalaan ng deployment ban sa Kuwait. Ito ay matapos matagpuan ang walang buhay na katawan ni Joanna Daniela Demafelis sa loob ng isang freezer sa isang abandunadong apartment. Ito ay pansmantalang itinaas matapos magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Kuwait. Ito naman ay hindi nagtagal sapagkat noong 2020 ay muling ibinalik ang nasabing deployment ban matapos makapagtala ng panibagong kaso ng pang-aabuso. Ito ay ang pagpatay sa mga OFW na sina Constancia Lago Dayag at Jeanelyn Villavende na pinahirapan hanggang mapatay ng kanyang amo.

Inalis lamang ang ban nang patawan ng pamahalaan ng Kuwait ang amo ni Villavende ng kasong pagpatay. Siya ay nasintensyahan ng pagbitay.

Nito lamang Enero 2023, binuksang muli ang usapin ukol sa deployment ban sa bansang Kuwait. Ito ay matapos ang insidente sa pagkaparalisa ni Myla Balbag, isang 30-anyos na OFW sa Kuwait, matapos itong tumalon mula sa ikatlong palapag ng tahanan ng kaniyang amo.

Ito ay kasunod lamang ng isa pang krimen na naganap noong ika22 ng Enero. Ang OFW na si Jullebe Ranara ay natagpuang sunog at wala ng buhay sa isang disyerto.

Ang mga insidenteng ito ay patunay lamang na kailangan mas paigtingin ang pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng mga

...nasa dalawang Pilipino kada araw ang nakakaranas ng violence sa pamamagitan ng pisikal na abuso, sexual harassment, o rape sa Kuwait sa taong 2022.

Opisyal na Pahayagang Pampaaralan
Christel Cerbito

Pasanin

Isa Lang!

“Maglabas ng kapirasong papel.”

Malamang ay alam mo na ang susunod na kaganapan matapos marinig ang linyang ito mula sa guro.

“Pahingi naman ng papel.”

“Isa lang.”

Madalas ay hindi natin namamalayang nagiging dependent tayo sa ating mga kapwa estudyante pagdating sa ilang mga bagay. Isang halimbawa na lamang ay ang halos araw-araw nating paghingi ng papel sa ibang mga estudyante sa tuwing may ibinibigay na gawain ang mga guro.

Sa sarbey na isinagawa ng Ang Malaya, sa isang daang estudyante, 78 ang nakaranas nang mahingan ng papel. Samantala, lumalabas na 83 sa 100 na estudyante ang aminadong nakadepende sa kaklase at humihingi ng papel sa iba. Ito ay nakakabahalang bilang sapagkat ito ay nagpapakita ng mataas na bahagdan ng mga estudyante na nakadepende sa iba.

Maaaring sabihin mong ginagawa mo ito paminsanminsan lamang. Ang paghingi mo ng papel nang isang beses ay maaaring masundan pa sa mga susunod na

LIHAM SA

Hindi naman masamang

umasa sa iba. May panahon na sadyang kailangan nating dumepende sa tulong ng ibang tao, pero hindi naman maaari na ganoon na lang ang ating gagawin.

TUGON NG

pagkakataon. Ang isa ay pwedeng masundan ng dalawa, tatlo, apat, o higit pa --- hanggang sa lahat na ng kailangan mo ay iaasa mo sa iyong kasama.

Ang layunin ng pahayang ito ay maghatid ng matapang, responsable at malayang pamamahayag. Kaakibat nito ang sistematikong pag-uulat at pagmumulat sa aming mga mambabasa. Responsibilidad nito ang anumang inilalabas na impormasyon ngunit ang desisyon pagkatapos ay nakasalalay na sa inyo.

Ang kaklase mong naglalaan ng kagamitan para sa kanyang sariling mga pangangailangan ay napatawan pa ng karagdagang responsibilidad. Ito ay maaaring magdulot sa iyo ng kaginhawaan. Sa kabilang banda, hindi mo namamalayan ikaw ay unti-unti nang nagiging pabigat sa iyong mga kapwa mag-aaral.

Hindi naman masamang umasa sa iba. May panahon na sadyang kailangan nating dumepende sa tulong ng ibang tao, pero hindi naman maaari na ganoon na lang ang ating gagawin. Mahalaga na matutunan nating tumayo sa sarili nating mga paa at tumindig para sa sarili nating mga pangangailangan.

Ngayon, maaaring ang hinihingi mo ay kapirasong papel lamang dahil ang rason mo ay ikaw ay naubusan. Baka sa susunod, ang hingin mo naman sa iyong kaklase ay sagot na sa pagsusulit dahil ikaw ay hindi nakapagaral ng leksiyon. Okaya naman ay umabot ka sa paghingi maging ng pagkain o ng maliliit na halaga.

Ang pagdepende sa ibang tao ay hindi dapat ugaliin at hindi dapat kasanayan sapagkat maaari natin itong madala maging sa ibang mga bagay. Dapat ay matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa at huwag lamang umasa sa iba.

Hari ng Kalsada

Bilang isang regular na commuter, naniniwala ako na ang hangarin ng gobyerno na umusad tungo sa modernisasyon ay hindi dapat umabot sa tuluyang pagkawala ng mga tradisyonal na jeepney na ating kinagisnan. Ang mga jeepney ay hindi lamang paraan ng transportasyon. Ang mga ito ay malaking bahagi ng ating kultura. Tinaguriang “hari ng kalsada,” sa loob ng maraming taon, nagsilbi ang mga ito sa mamamayang Pilipino.

Oo, mahalaga ang pagbabago. Ang umusbong at sumulong ay kailangan tungo sa modernisasyon. Ito nga ay kailangan, subalit hindi dapat na tuluyang patigilin ang pamamasada ng mga tradisyunal na mga jeepney sa ating mga kalsada. Sa halip, maaari nating yakapin ang modernisasyon sa pamamagitan ng pag-upgrade sa mga ito upang makasunod sa mga standard ng pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito, masisiguro ang kaginhawaan ng mga pasahero habang napapanatili ang klasikong dating ng mga ito.

Mahalaga din na isaalang-alang ng gobyerno ang kabuhayan ng mga drayber, maging ng mga jeepney operators. Umani ng sunod-sunod na batikos ang isyu ukol sa jeepney phaseout dahil sa

Piga

Oo, mahalaga ang pagbabago. Ang umusbong at sumulong ay kailangan tungo sa modernisasyon. Ito nga ay kailangan, subalit hindi dapat na tuluyang patigilin ang pamamasada ng mga tradisyunal na mga jeepney sa ating mga kalsada.

pinansyal na bigating hatid nito. Ang isang modern jeep ay nagkakahalaga ng 2.8 milyong piso. Ito ay mabigat para sa bulsa ng mga drayber na ang tanging hanapbuhay ay ang pamamasada. Ayon kay Ricardo Rebaňo, pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), ang mga operator na kabilang sa kooperatiba o korporasyon ay kailangang magbigay ng buwanang bayad na P475,000 para sa operasyon ng 15 yunit ng modern jeepney. Ang gobyerno ay dapat gumawa

Kapag ang isipan ay nahaharap sa tambak na gawain nang sabaysabay, nababawasan ang kapasidad nitong makapag-isip nang maayos, makatanda, at makabuo ng mga wais na desisyon.

Walong asignatura, walong guro, at walong iba’t ibang mga klase. Ito ang mga kinakaharap ng isang mag-aaral sa loob ng isang araw, limang araw sa loob ng isang lingo, at labing-dalawang araw sa loob ng isang buwan. Lahat ng mga ito ay kailangang tugunan ng mga estuduyante sa araw-araw.

Ang mga mag-aaral ay kadalasang nahaharap sa “task overload” o sobrasobrang mga gawain sa loob ng isang araw. Kabilang na dito ang tambak na mga gawaing kailangan tapusin, mga leksyong kailangan aralin, takdang-araling kailangang ipasa, proyektong mayroong deadline, at iba pa.

Lahat ng nabanggit ay hindi inaasahan sa iisang asignatura lamang. Ang isang mag-aaral ay mayroong walong asignaturang kailangan tugunan.

Ang sobra-sobrang impormasyon at tambak na gawain ay maaaring magdulot ng information overload. Ito ay terminong ginagamit upang ilarawan ang estado ng isipan kapag ito ay lumagpas sa kapasidad nito.

Ang ating isipan ay nakadisensyong magpokus sa mga bagay nang paisaisa. Kapag ang isipan ay nahaharap sa tambak na gawain nang sabay-sabay, nababawasan ang kapasidad nitong makapag-isip nang maayos, makatanda, at makabuo ng mga wais na desisyon.

Sa kabilang banda, ang ganitong mga pagkakataon ay hindi maiiwasan sapagkat tayo ay mga mag-aaral. Ang kailangan nating gawin ay matutunang balansehin ang mga nakaatang na gawain at responsibilidad sa atin. Malaking bagay din ang maayos na pamamahala sa oras. Kailangan ng disiplina.

Sa halip na ibaling ang atensyon sa tambak na gawain, kailangan nating matutunan ang epektibong pagsasaayos ng impormasyon na tinatanggap ng ating isipan.

Maisie De Guzman
Jessel Mae Nidera
ilustrasyon mula sa Canca for Education

Iba-iba man ng pamamaraan, isa ang pagtulong sa pinakamataas na paraan ng pagpapakita ng pagpapakatao at pagmamahal sa sarili, kapwa, at komunidad. Ang paggawa ng mabuti ay walang pinipiling tao, mayaman o mahirap, matanda o bata, at babae man o lalaki ay may kakayahang tumulong.

Mga superhero kung tawagin ang mga taong kakikitaan ng pambihirang lakas at kakayahang tumulong sa sinoman. Kilala si Darna, Captain Barbell, at Gandara bilang mga sikat na superhero sa ating bayan na nagpamalas ng mga hindi kapani-paniwalang kapangyarihan tulad ng paglipad at mabilis na pagtakbo ngunit may isa silang pagkakapareho na hindi nangangailangan ng pambihirang kapangyarihan at iyon ay ang puso nila para sa kanilang kapwa.

darna

Isang probinsyanang nagmula sa mahirap na pamilya, madalas maapi at mahusgahan ngunit nanatiling may mabuting puso at malasakit sa kapwa, – ganyan karaniwan ilarawan ang isang bidang babae sa mga teleserye at pelikula ngunit may namumukod tanging kinagigiliwan at tinatangkilik ang mga manonood kung ang pag-uusapan ay babaeng superhero. Magdaan man ang ilang henerasyon, magbago man ang bersyon, siya at siya pa rin ang maiisip at mababanggit sa tuwing pag-uusapan ang pinay superhero na may mahiwagang bato – si Darna.

Si Darna na kilala rin bilang Narda tuwing siya ay nasa kaniyang karaniwang anyo ay isang paglalarawan ng babaeng tila walang kapaguran sa paggawa ng mabuti at hindi pumipili ng araw at oras upang ipagtanggol ang mga naaapi sapagkat ang laging nasa isipan niya ay ang kapakanan ng nakararami. Tulad ng ibang superhero, siya ay isang karaniwang babae lamang na may hindi pangkaraniwang kapangyarihan.

Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi lahat ng superhero ay nakasuot ng nakamamanghang kasuotan. Bago pa nagkaroon ng Darna, mayroon munang Narda. Siya ang karaniwang babae na nakatago sa katauhan ng paboritong pinay superhero ng lahat. Kahit wala sa kaniya ang mahiwagang bato na pinagmumulan ng kaniyang pambihirang lakas, nagagawa pa rin niyang tumulong sa kaniyang pamilya at sa iba pang taong nangangailangan nito.

Si Narda at Darna ay maituturing na representasyon ng bawat kababaihan sapagkat sila man ay nagtataglay ng lakas, tibay, katapangan tulad ng pinay superhero na ito. Marahil kung mag-iisip tayo ngayon ng mga kababaihang maaaring maihalintulad kay Darna, maaring mga bayaning babae tulad nina Gabriela Silang na isa sa mga namuno ng paghihimagsik o hindi kaya’y ang kabutihan ni Melchora Aquino na tumulong sa lahat ng mga dumulog sa kaniya sa panahon ng himagsikan. Kung iuugnay naman natin sa kasalukuyan, marahil ang unang papasok sa isip ng karamihan ay ang kanilang mga ina sapagkat ang isang mabuting ina ay laging handang tumulong ng walang kapalit at handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng kaniyang anak. Marami pang kababaihan ang maaaring maihalintulad kay Darna sa kasalukuyan nating panahon at bukod sa mga nabanggit, isa sa mga kakikitaan ng mga ganitong katangian ay si Gng. Gloria David o mas kilala sa tawag na “Ate Glo” ng mga guro at mag-aaral sa mataas na paaralan Amucao. Kung pagmamasdan, siya ay isang pangkaraniwang ina, asawa at kapatid ngunit ang kaniyang mga kakayahan at katangian bilang isang babae ang nagpapatunay kung bakit hindi siya nalalayo kay Darna. Sa kabila ng kaniyang edad na 51, hindi pa rin nawawala sa kanya ang kaniyang liksi sa pagtatrabaho. Ang katangian niyang ito ang

lubos na hinahangaan ng halos lahat ng mga guro na kaniyang nakakasalamuha sa mataas na paaralan ng Amucao. Kapansin-pansin din ang kaniyang ‘di matatawarang dedikasyon sa trabaho sapagkat kahit pa maraming gawain ang iatas sa kanya, nagagawa niya itong pagsabay-sabayin at tapusin sa itinakdang oras. Sa kabila ng mga responsibilidad niya sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan, lagi pa rin siyang handang tumulong sa kahit sinong lumapit sa kanya, guro man yan, estudyante, o kahit pa magulang. Masaya siyang nakatutulong at laging isinusukli ang matamis na ngiti sa mga pasasalamat na ibinabayad sa kaniya. Isa lamang si Ate Glo sa maraming kababaihan na nagpapatunay na hindi lahat ng superhero ay kailangan ng mahiwagang bato para magkaroon ng kakayahang makatulong sa mga nangangailangan. Madalas, ang kailangan lang ay pusong mapagmahal na laging handang maglingkod at magmalasakit sa kapwa.

CAPTAIN BARBELL

“Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!” sigaw ng isang batang babae na nadaganan ng mabigat na tipak ng bato mula sa isang bundok. Marami ang tao, marami ang gustong tumulong ngunit wala silang kakayahang mailigtas ito sapagkat nangangailangan ng sobrang lakas na pwersa upang maiangat ang bato. Kung hihintayin pa ang mga kagamitang makapag-aalis sa bato ay baka mapahamak pa lalo ang batang babae. Ang natatanging pag-asa at iniisip ng mga tao na makapagliligtas sa batang babae ay isang lalaking laging nariyan sa oras ng pangangailangan.

Mabuti na lamang at naroon kaagad ang taong nakalilipad, may pambihirang lakas, at makisig. Naging matagumpay ang pagliligtas sa batang babae, nagpalakpakan at patuloy na hinangaan ng lahat. Kilala siya ng karamihan dahil sa katangiang taglay niya bilang isang superhero----si Captain Barbell.

“One call away” kung ilarawan ang isang guro sa paaralan ng Amucao. Marahil sa kaniyang ugaling matulungin, maaasahan, at dedikasyon sa paaralan ang dahilan kung bakit kilala ang gurong ito. Sa tuwing may kailangang gawin at tapusin na ikagaganda ng paaralan, walang sabi-sabi, walang ano-ano’t isang tawag lang, nariyan siya. Sa katunayan, ilan sa mga araw ng kaniyang pahinga gaya ng Sabado at Linggo ay kaniya pang inilalaan para sa paaralan. Sa tuwing magkakaroon ng gulo at hindi pagkakaunawaan ang mga mag-aaral, siya ang pumapagitna’t nireresolba ang lahat. Kilala siya dahil sa angking kasipagan, determinasyong makatulong at katalinuhang taglay niya.

NA SUPERHEROES

Walang katumbas na halaga ang dedikasyon niya sa kaniyang serbisyo at tila hindi napapagod. Ayon sa kaniya, mapapagod ang katawan ngunit mapapawi ito kapag may natutulungan. Ang ganitong kaisipan at paniniwala ang nakapagpatuloy sa kaniya sa paggawa ng kabutihan. Laging ang nais niya ay mapanatili ang kapayapaan, kagandahan at kaayusan ng paaralan. Ang mga katangiang ito ni Sir Mario M. Payang ang dahilan kung bakit siya hinahangaan, nirerespeto, at minamahal ng mga taga-Amucao.

Tulad ni Captain Barbell at ni Sir Mario Payang, ang ilan sa mga karaniwang katangian ng mga kalalakihan ay ang kalakasan, katatagan at katapangan. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, madalang lamang sa mga lalaki ang kakikitaan ng tanda ng pagkamahina. Sila ang kadalasang pumoprotekta sa pamilya’t mag-anak at hindi hinahayaang maaapi ang sinomang miyembro ng kanilang pamilya. Sila ang nagsisilbing pundasyon ng pamilya---matibay, maaasahan, at nagpapanatili ng kaayusan. Nang dahil sa mga katangiang ito, maaaring ito rin ang dahilan kung bakit kadalasan sa mga superhero sa Pilipinas o ibang bansa ay mga lalaki.

Ang determinasyong makatulong, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ay ang pagkakatulad ni Captain Barbell, Sir Mar at ng iba pang mga kalalakihan. Nang dahil sa katapangang ipinamamalas ay nagagawa nating mamuhay nang payapa at ligtas.

GANDARA

Kung walang pinipili ang kasamaan, mas lalong walang pinipili ang gumagawa at gagawa ng kabutihan. Mayaman, may kakayahang tumulong sa pamamagitan ng pagtulong at pagbabahagi ng pera. Mahirap, may katangiang mabuti na lubos na makatutulong sa kapwa gaya ng pagbabahagi ng talento. Babae, lalake, o anoman ang kasarian, walang pinipili ang maaaring gumawa ng kabutihan. Katulad ng kalayaang gumawa ng mabuti, ang pagpapakita ng saloobin at tunay na pagkatao ay nagiging malaya at natatanggap na sa kasalukuyan. Mapatutunayan ito sa pamamagitan ng mga nakikita nating respetong natatanggap ng mga parte ng LGBTQ+ mula sa mga tao. Bagamat hindi lahat ay suportado ito ay unti-unti namang lumalawak at dumadami ang bahagdan ng mga kabilang dito. Ang LGBTQ+ ay inisyal para sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex at Asexual na nabuo noong taong 2000. Ang mga letrang ito ang naging pangunahing marka upang makilala ang mga seksuwalidad ng mga ito. Sa katanuyan, may iba’t ibang paraan na sila ng pagpapahayag at pagpapakita ng kanilang sekswalidad at isa na rito ang paglalahad sa pamamagitan ng pagbuo at pagdaraos ng mga pagdiriwang na isinusulong ang kanilang karapatan tungkol sa kanilang sekswalidad. Sa kadahilanang nasa makabagong panahon tayo, isa na rin ang media sa pinakamabisang instrumento para mapabilis na mapalawig ang kamalayan ukol dito. Patunay na rito ang pelikulang pinagbidahan ni Vice Ganda na pinamagatang The Revenger Squad na kung saan siya ay gumanap bilang si Gandara na isang beki-superhero. Bukod sa nakakatawa nitong konsepto, may katangian ang pelikula na umantig sa puso ng mga Pilipino at ito ay ang pagiging isang mabuting tao sa kabila ng mga diskriminasyon na nararanasan lalo na ng mga kabilang sa ganitong komunidad. Ipinakita ng karakter ni Gandara ang pagiging responsible at sakripisyo para sa kaniyang mga kapatid at mga taong nasa kaniyang paligid. Sa panahong ito, kung saan natatanggap na ng ilan ang ganitong komunidad, pinatunayan ng ilan sa mga miyembro nito na hindi hadlang ang sekswalidad upang makatulong at makilala bilang natatangi sa kanilang kakayahan katulad na lamang ni Geraldine Roman, na gumawa ng kasaysayan sa larangan ng politika. Siya ay kinatawan ng Unang Distrito ng bayan ng Bataan at kauna-unahang transgender na nahalal sa Kongreso sa ilalim ng Liberal Party. Siya rin ay isang manunulat at nagpatuloy na magsulong ng Anti-Discrimination Bill based on Sexual Orientation and Gender Entity o SOGIE Equality Bill na kung saan naglalayong magprotekta ng bawat Pilipino laban sa diskriminasyon batay sa kanilang kasarian. Sa larangan naman ng fashion, nariyan ang napakagaling na si Rajo Laurel. Kilala siya hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang bansa dahil sa kaniyang angking kagalingan sa larangan ng Fashion Design. Si Jeremy Lomibao Sance o mas kilala bilang Mimiyuuuh ay naging popular dahil sa viral video nito na Dalagang Pilipina. Kinagiliwan siya ng nakararami dahil sa angkin nitong pagkanatural sa pagpapatawa. Nang dahil doon, nagtuloy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao na naging daan niya upang makatulong sa pamilya at ibang mga tao. Hindi naging hadlang sa kaniya ang kaniyang kasarian upang magtagumpay sa buhay sapagkat magpasahanggang ngayon iniimbitahan siya bilang panauhin sa iba’t ibang telebisyon at naging ambassador ng isang sikat na online shopping app. Nasubaybayan naman sa telebisyon mula sa pagkabata hanggang sa transpormasyon ang buhay ng isang matagumpay na mang-aawit. Sa kabila ng kaniyang pagiging lesbian, ang respeto at pagyakap ng mga Pilipino ang lubos na ipinagpapasalamat ni Aiza Seguerra.

Tulad ng mga personalidad na ipinakita, pinatutunayan naman ni Kenneth Rufo Mendoza at Jerico Aldaca na hindi naging hadlang ang kasarian upang magkaroon ng tiwala sa sarili, tumulong sa kapwa at mamuhay nang normal sa kanilang makulay na mundo. Sa kabila ng kanilang kaniya-kaniyang sitwasyon, nagagawa nilang tumulong sa kapwa lalo na sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsali sa mga aktibidad sa paaralan.

Si Geraldine, Rajo, Mimiyuuuh, Aiza, Vice Ganda, Rufo at Jerico ay ilan lamang sa mga miyembro ng komunidad na pinatutunayang hindi hadlang ang kasarian upang maging masaya, magtagumpay, at gumawa ng kabutihan lalo na ang pagtulong sa kapwa. Gayundin ang mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ+, maaaring ang iilan ay naninibago pa rin sa ganitong transisyon ngunit ang kanilang puso sa pagtulong, pagharap sa responsibilidad lalo na sa pamilya, at pagpapamalas ng kanilang kakayahan ay hinding hindi mababago. Sila ang tunay na Gandara na hindi pumipili ng taong matutulungan.

Si Darna, Captain Barbell, at Gandara ay ilan lamang sa mga representasyon ng mga mamamayang handang tumulong sa kanilang sarili, kapwa at lalong lalo na sa ikabubuti ng karamihan. Pinatutunayan lamang ng mga halimbawa nito na ang pagtulong ay wala naman talaga sa gaano ka kayaman, edad, maging sa kasarian sapagkat ang kusa at bukal sa pusong pagtulong ay bunga lamang ng pagpapakatao at pagmamahal sa sarili, kapwa at higit sa Diyos.

John Andrew Gabriel
Ilustrasyong likha ni Raniel Albarico

kape hunt

CAFÉ WAGON

Matatagpuan sa Getha Road, San Sebastian, Tarlac City ang coffee shop na ito. Hindi lamang kape ang maipagmamalaki ng shop sapagkat ang kanilang lugar ay may Rustic Wood Vibe. Sa tabi ng malaking puno ng acacia ay naroroon ang shop na ito. Pina-iilawan ng maraming bombilya tuwing gabi na nakaragdag ng magandang view nito. Ayon sa isa sa mga barista, ang ilan sa mga best seller nila ang Dirty Caramel, Dirty Matcha, Caramel Macchiato at ang bagong bagong offer nila na mga Rice Bowl. Ayon pa sa kanila, ang isa sa mga lamang ng kanilang shop ay meron din itong partner foodGrumpy Pig Samgyupsal na kung saan maaari kang kumain ng Samgy habang nagkakape.

“Tara, Kape Tayo!” Isa sa mga katagang nakapagpapagising sa diwa ng mga taong mahilig sa kape. Bukod sa Milk Tea Shop, isa sa mga patok na negosyo ngayon ang pagtatayo ng Coffee Shop. Kadalasan, hindi na lamang inuming pampagising gaya ng kape ang hanap ng mga tao kung hindi naghahanap na rin sila ng mga komportableng lugar upang makapagkuwentuhan kasama ang kaibigan, o pamilya. Patok na patok sa mga kabataan na mahilig mag-upload ng larawan sa Social Media ang coffee shops na may kamangha-manghang konsepto. Narito ang ilan sa mga sikat na coffee shops sa Tarlac na aming sinadya at kinapanayaman ang ilan sa mga may-ari upang maitampok ang mga shop na ito:

BUT FIRST, COFFEE

Minimalist, Black and White ang tema ng kanilang shop at pang48 branch sa 65 branches sa Pilipinas. Naitayo ang unang branch nito noong panahon ng pandemya, 2020 at sa kadahilanang ito, sinunod ng nagtatag nito ang mga trends at maituturing na Digital Coffee Shop na umaayon sa panlasa at kagustuhan ng mga nakararami. Sa katunayan, bawat may-ari ng branch ng coffee shop na ito ay may karapatan para lumikha ng sariling timpla na maaaring i-offer kapag napahintulutan na ng founder. Isa sa mga naging insipirasyon ni Charmaine Belarmino-Detabli, may-ari ng But First Coffee-Tarlac ay ang mas murang presyo ngunit hindi pahuhuli sa kalidad. Ayon pa sa kanya, “Naging estudyante rin ako noon at gustong gusto kong pumupunta ng coffee shops para doon magaral kaya n’ung nagkaroon ako ng pagkakataon para makapagpatayo ng shop ay gusto ko ‘yung komportable para sa lahat. Sa mga mag-aaral, pamilya, o mga taong galing trabaho para mag-chill.”

CAFÉ LUCHO

Maituturing itong Pandemic Survivor Café sapagkat itinatag ito noong taong 2020. Ang shop na ito ay isang Italian café na nagbibigay at nagpapakita ng kaunt ing kultura ng bansang Italy sa pamamagitan ng mga makukulay na dingding, masasarap na pagkain gaya ng pasta, pizza at ng kanilang mga signature coffee. Kapansin-pansin rin ang mga simple ngunit eleganteng palamuti na nakasabit sa mataas nitong kisame na nakadagdag sa kabuuang panloob na disenyo ng lugar. Bukod sa kape, ipinagmamalaki ng Coffee Shop na ito ang sariwang sangkap ng mga iniluluto at inihahaing pagkain gaya ng kanilang best seller pasta na Truffle Mushroom, Aligue at Lemon Garlic Tinapa.

Sila rin ay nag-aaakomoda ng mga pagtitipon gaya ng kaarawan, pagpupulong o iba pang espesyal na okasyon. Para sa mga nais bumisita upang maranasan ang kakaiba nitong konsepto, matatagpuan ito sa Bypass Road, San Vicente, Tarlac City.

AMCARDO CAFÉ

Kung maaliwalas, malinis, at instagramable café ang hanap, isa ang AMCARDO Café sa mga maaaring mairagdag sa listahan na pwedeng bisitahin mula alas diyes ng umaga hanggang alas onse ng gabi. Bagamat ang coffee shop na ito ay nasa ibabang parte lamang ng isang mas malaking establishimento, hindi ito mahirap hanapin sapagkat ilang hakbang lamang ang layo nito mula sa College of the Holy Spirit – Tarlac na parehong matatagpuan sa Getha Road San Sebastian, Tarlac City. Ayon sa Manager ng shop na si Maria Victoria Labiano, isa sa mga inspirasyon nito ay upang makapag-relax ang pamilya at magbabarkada. Ang mataas na kisame nito ang nagbibigay ng maaaliwas at preskong lugar ng kanilang café. Dagdag pa nito, hindi binibigo ng kanilang Amcardo Signature coffee at blueberry cheesecake ang panlasa ng mga taong tumtangkilik rito kaya naman isa ito sa kanilang mga binabalik-balikan.

DART & JOHN’S CAFÉ + BISTRO

Sa labas pa lamang ng Dart & John’s Café + Bistro, makikita na ang pagka-Aesthetic vibe nito dahil sa mga napakaputing upuan at mga payong nito , idagdag pa ang puting kulay at kagamitan sa loob ng shop . Matitikman sa kanilang shop ang patok na All-Day Breakfast, Pasta, Sandwhiches, Salad, at iba pang inumin bukod sa kape gaya ng kanilang mga Fruit Tea at Smoothies. Gaya ng iba, ang kanilang shop ay bukas ng alas diyes ng umaga hanggang hatinggabi upang maakomoda ang mga nais magkape, kumain, at mag-relax. Sa mga nais bumisita, matatagpuan naman ito sa Gate 2 San Sebastian, Tarlac City.

Mag-aaral, negosyante, empleyado, o buong pamilya ay ilan sa mga nagpupunta sa mga Coffee Shop. Ang mag-aral, mag-relax, kumuha ng magagandang shots, kumain, at magkape ang ilan sa mga dahilan kung bakit pumupunta ang mga tao sa mga coffee shop. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming negosyante ang sumubok at susubok na magtayo ng ganitong negosyo sa Tarlac. Ang pagiging madiskarte ng mga Pinoy pagdating sa pagtatayo ng negosyong tulad ng mga naitampok ay isa sa mga patunay ng pagkamalikhain pagdating sa pagbibigay ng pangangailangan at kagustuhan ng masa.

Kya! Kya! Pembarya! “ “

Kapag panahon na ng kapaskuhan at nagiging abala na ang mga lungsod, tiyak na mapupukaw ng iyong mata ang mga estranghero sa kalye. Kadalasang binubuo ng tumpok ng mga bata na may dalang tambol na lata o kaya isang batang ina na may naka-bigkis na sanggol, at may bonus pang isa o higit pang mga paslit na nagtatago sa likod ng tapis niyang saya.

Madalas silang kumakatok sa bintana ng mga nakatigil na sasakyan sa Metro o kaya naman ay sumasabit sa mga jeep, naglalakad-lakad sa kalye ng F. Tañedo, handog ay nakaka-antig na awiting sumasalamin ng hirap ng kanilang buhay o kaya nama’y nakatutuwang mga indak. Umaasang masusuklian ang kanilang simpleng pagtatanghal ng kaunting barya.

“Huwag kayong matakot. Hindi ako masama. Ate! Kya! Pembarya!”

Batak sa init, pilipit ang Tagalog at nag-uusap sa wikang di maintindihan. Ito ang mga Badjao.

Ang mga Badjao ay isang tribo na nabubuhay sa dagat sa loob na ng 1,500 taon. Tinatawag din silang Sama Dilaut, at kilala sila bilang mga magaling na mangingisda at maninisid ng mga perlas. Ang kanilang mga kabahayan ay gawa sa kawayan at nagiging malikhain sa pag-gawa ng mga disenyo ng bahay gamit lamang ang mga kahoy at iba pang materyales na nakukuha sa dagat.

Dahil sa kanilang pagiging “Sea Gypsies,” wala silang mga legal na dokumento katulad pasaporte, IDs, o anumang uri ng travel documents, maging birth certificates. Kaya naman, malaya silang nakalilipat sa mga kalapit na bansa tulad ng Pilipinas, Malaysia, Brunei, at kahit pa sa Indonesia.

Ngunit dahil sa mga digmaan, karahasan, diskriminasyon, mga isyu sa pangangaso at sa kalikasan, marami sa kanila ang nag-alisan na sa kanilang pamumuhay sa dagat at nagpatayo ng mga bahay na gawa sa kawayan na nakaangat sa mga puno ng niyog sa baybayin ng Pilipinas.

Sinuong nila ang mga lungsod at namangka sa mga kalye mapang-matang lipunan.

Dito, itinuring silang ‘second class citizen’ dahil sa kanilang reputasyon ng pangangalakal ng mga basura at panglilimos. Subalit hindi naman ito lubusang totoo. Hindi ito ang tunay na badjao na alam ng mga taga-lungsod.

Marami sa kanila ang mga mangingisda at nagtitinda ng mga perlas. Ang mga ka-

babaihan naman ay nagtitinda ng mga pagkain upang makatulong sa kita ng kanilang mga pamilya. Kaibigan nila ang dagat at mahal nila ang kalikasan.

Ngayon, unti-unti na rin silang nag-aadjust sa mga pagbabago sa kanilang pamumuhay sa lupa. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang kanilang mga paniniwala sa animismo at panalangin sa kanilang diyos na si Tuhan. Naka-display pa rin ang mga relihiyosong gamit ng kanilang mga mahal sa buhay sa isang baul o lumang kahon.

Sa kabila ng kanilang mga kahirapan, marami nang Badjao na nag-aaral sa tulong ng iba’t-ibang pribadong sektor katulad ng Presentation Sisters ng Blessed Virgin Mary na tumulong upang makapagtapos ang labing-isang mga Badjao sa kolehiyo. Ang Presentation Sisters ng Blessed Virgin Mary ay naging mahalagang bahagi ng pagpapalaganap ng edukasyon sa mga Badjao na nagsimula noong 1996. Ayon sa kanila, ang edukasyon ay isa sa mga susi upang magkaroon ng respeto sa publiko, maiba ang kanilang mindset at magkaroon ng mas magandang oportunidad. Sa mga learning center, tinuturuan ang mga Badjao ng pagbabasa at pagsusulat, pati na rin ng mga basic hygiene.

Ang mga hakbang na ginagawa upang tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga Badjao ay hindi pa sapat. Kinakailangan nila ng mas malawakang pagyakap at pag-unawa mula sa ibang sektor ng lipunan upang magkaroon sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang mga kakayahan at abutin ang kanilang mga pangarap.

Katulad ng iba pang katutubong grupo sa Pilipinas, kinakailangan ng mga Badjao ng tulong at suporta upang protektahan ang kanilang mga karapatan at kultura, at dapat bigyan sila ng sapat na pagkilala at respeto bilang miyembro ng lipunan at higit sa lahat, kapwa Pilipino.

Ano nga ba ang ‘ano’?

Bugtong, bugtong! Anong salita daw ang laging nasa dulo ng ating dila?

Sirit na?

E di, ano!

Kung may isa mang salita sa diskyunaryo na kayang palitan ang kahit anong ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, ideya o pang yayari, tiyak ay wala nang papalya kapag gumamit ka ng ‘ano.’

“Paki-abot nga nung ‘ano’.

“Ay, wala na dito. Kinuha na ata ni ‘ano.’

Bukod sa ngalan, maaari ding gawing salitang ugat ang ‘ano’ sa kahit anong pandiwa.

“Paki-ano mo nga yung ilaw. Nakalimutan ko e.

Sige, ako na lang mag-ano.

Oh, di ba? Kayang-kayang bigkisin nito ang mga samu’t-saring ideya kahit na …. may

KAHULUGAN. Ano nga ba tala ga ang ibig sabihin ng salitang

Kadalasan, ang ‘ano na walang tandang pananong at paningit lang sa mga salitang nasa dulo pa ng dila ay ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap ng mga

Pilipino. Madalas itong gamitin bilang pamalit sa pangungusap at ginagamit kapag hindi alam ng isang tao ang tamang salita o pangalan na gagamitin upang mai-express ang kanyang nais sabihin.

Mayroon itong iba’t-ibang gamit at kahulugan, depende sa konteksto ng pakikipag-usap. Sa karamihan ng mga kaso, ang “ano” ay ginagamit upang makuha ang pansin ng kausap o upang magtanong ng isang katanungan.

Sa kabila ng kahulugan at gamit ng salitang “ano”, may mga pagkakataong nakakasagabal ito sa mga pakikipag-usap, lalo na sa mga taong hindi nakakaintindi ng kahulugan nito. Dahil dito, mahalaga na maunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng tamang paggamit ng salitang “ano” upang maiwasan ang pagkakaroon ng miscommunication.

KAHIHINATNAN. Paano kapag gumamit ka ng ‘ano’?

Ang paggamit ng “ano” bilang pamalit sa pangungusap ay maaaring magdulot ng iba’t ibang bunga, depende sa konteksto ng paggamit nito.

Sa isang positibong konteksto, ang paggamit ng “ano” ay maaaring magdulot ng pagpapakita ng respeto sa nakakausap at ng pagiging maalaga sa pakiki pag-usap. Dahil ang salitang “ano” ay maaaring maging pamalit sa ibang salita, maaaring ito ay magdulot ng pagpapakita ng pag-unawa sa mga taong may lim itadong kaalaman sa wika o sa mga dayuhan.

Halimbawa, sa isang tindahan, ang isang customer ay maaaring sabihing, “Manang, pakibigay po ng ano (tinuturo yung gustong bilhin) na may kulay pula.”

“Alin? Itong chichirya?”

Sa ganitong kaso, ang “ano” ay ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng produkto na nais niyang

Sa ibang sitwasyon naman, ang “ano” ay ginag amit upang mag-request ng kahit ano o anumang bagay. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsasa bing “Pakikuha nga ng ano”, ang isang tao ay humihiling ng isang bagay nang hindi nagtitiyak kung ano ito.

“Pahingi ka ng ano.”

Sa ganitong kaso, ang “ano” ay ginagamit bil ang pamalit sa kahit anong salita na nauugnay sa hinihinging bagay.

KADAHILANAN. Bakit ba ginagamit ang ‘ano’?

Mayroong ilang posibleng dahilan kung bakit naging bahagi ito ng kanilang kultura at wika. Una, maaaring dahil sa kahirapan o kakulan gan sa edukasyon ng mga tao. Sa mga lugar na hindi gaanong nabibigyan ng sapat na edu kasyon, ang paggamit ng “ano” bilang pamalit sa tamang salita ay naging pangkaraniwan upang mai-express ang nais sabihin.

“Ano po yung nanay ko sa ibang bansa. Uhhm mm… ano na kasi.”

Dahil hindi lahat ay may kakayahang magpahayag ng kanilang mga saloobin ng malinaw at eksaktong salita. Ang paggamit ng “ano” ay naging isang paraan ng simpleng komunikasyon na maiintindihan ng nakararami.

Pangalawa, maaaring dahil sa impluwensya ng mga iba’t ibang wika at kultura. Bilang isang bansa na may mga katutubong wika at mayamang kasaysayan ng pakikipagkalakalan, naging bahagi ng kultura ng mga Pilipino ang paggamit ng “ano” bilang pamalit sa iba’t ibang salita.

“I like the ano. The, you know, the sweetened banana inside a lumpia wrapper. The ano…” Pangatlo, maaaring dahil sa pagsasaad ng respeto o hiya sa pakikipag-usap. Sa ilang mga kultura, ang paggamit ng salitang “ano” ay maaaring naging bahagi ng pagsasaad ng respeto sa nakakausap.

Sa halip na magsalita ng diretso, ang paggamit ng “ano” ay maaaring naging paraan upang ipakita ang paggalang sa nakakausap.

“Uhhhmmm, ano kasi... pwede ba akong makisuyo?

Sa negatibong konteksto, maaar ing magdulot ng hindi pagkakaun awaan o misinterpretasyon sa paki kipag-usap ang paggamit ng “ano” bilang pamalit sa pangungusap. Dahil sa kakulangan ng eksaktong salita, maaaring hindi lubusang maipahayag ng isang tao ang kanilang nais sabihin, o maaaring magkaroon ng pagkakamali sa pag-unawa ng kausap. Bukod pa rito, ang paggamit ng “ano” ay maaaring maging sagabal sa kaayusan at pagkaka intindihan ng mga pangungusap. Ito ay dahil ang “ano” ay hindi eksaktong nagbibigay ng detalye o impormasyon tungkol sa kung ano talaga ang hinah anap o kailangan.

KAALAMAN. Anong salita ang laging nasa dulo ng dila?

Ano? Na-gets mo na ba ano ang ibig sabihin ng ‘ano’? malinaw na rin ang tila ba malabong usapa ng ito. Kung hindi pa rin, alam mo ba na may siyentipiko din itong paliwanag? Ito ang tinatawag na “tip of the tongue phenomenon.”

Ang “tip of the tongue phenomenon” ay isang karanasan kung saan isang tao ay may alam na tung kol sa isang salita o impormasyon, ngunit hindi maaaring mai-express o matandaan nang eksaktong kahulugan. “Wait lang. Alam ko yun. Nasa dulo na ng dila ko!”

Sa ibang salita, ang isang tao ay hindi nakakapag-alala o nakakapagbigay ng eksaktong salita, bagay o pangalan na mayroon siya sa kanyang isipan.

Halimbawa, kung ang isang tao ay nakakita ng isang mukha ng isang kaibigan, ngunit hindi niya maalala ang pangalan ng kaibigan niya, ang tao ay nasa “tip of the tongue phenomenon.”

Karaniwan itong nararanasan ng mga tao, lalo na kung sila ay nag-iisip nang mabilisan o hindi nakapagpapa hinga nang sapat. Maaari ring mangyari ito dahil sa pagkakalito, pagkapagod ng utak, at hindi paggamit sa isang salita o kaalaman sa matagal na panahon.

Ang paggamit ng salitang “ano” bilang pamalit sa salitang “di maalala” ay nakakatulong upang mapadali ang pakikipag-usap at maiwasan ang mga awkward na moment sa pagpapalit ng salita o sa pagtatanong. Sa halip na sabihin ang buong pangungusap na “di maalala ko,” pwede mo na lamang sabihin ang simpleng “ano,” at maiintindihan ng kausap mo na hindi mo maalala ang isinasaad na bagay. Ito ay mas maikli at mas direktang paraan ng pagpapahayag, na hindi kailangang magdagdag ng ibang salita o pahayag upang maintindihan ng kausap.

Bukod pa rito, ang paggamit ng “ano” ay isang natural na reaksyon ng katawan upang humingi ng kaunting panahon upang mag-isip o magpokus sa mga bagay na hindi mo maalala o di mo maintindihan. Ito ay isang simpleng paraan upang masabi sa kausap na kailangan mo ng kaunting tulong o oras upang maisip ang tamang sagot o pagpapaliwanag.

Sa kabuuan, ang paggamit ng salitang “ano” bilang pamalit sa salitang “di maalala” ay isang mahusay na paraan upang mapadali at mapabilis ang pagpapahayag ng iyong saloobin sa pakikipag-usap sa ibang tao.

MGA LARAWAN MULA SA CANVA FOR EDUCATION

Pagsagip sa Amucao creek, sinimulan; Adopt a Creek Project, inilunsad

Maisie De Guzman

Para sa layunin na magkaroon ng mas malinis na kapaligiran, sinimulan ng Amucao National High School, sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng Amucao at Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O), ang pagsagip ng Amucao creek noong ika-20 ng Marso, 2023.

Sinagip ng ANHS sa tulong ng LGU ang Amucao creek sa pamamagitan ng paglilinis nito at pagtatanggal ng mga basurang nakabara na nagsasanhi ng pagapaw at pagtigil ng pagdaloy ng naturang creek.

Bitbit ang mga walis, dustpan, at mga sako, inalis ng mga magaaral ang mga nakabarang basura at mga kalat sa Amucao creek.

Ang nabanggit na creek ay dinadaluyan ng isa sa mga malalaking creek sa lungsod ng Tarlac na Masalasa creek na siya namang konektado sa Manila Bay.

Matapos ang clean up drive, inanunsiyo ng paaralan ang paglulunsad ng Adopt a Creek Project kung saan magiging regular ang paglilinis ng paaralan sa Amucao creek upang mapanatili ang kalinisan nito.

Ibinahagi naman ng YES-O adviser na si Eurasia Bagay ang kahalagahan ng paglilinis ng Amucao creek, “Ang paglilinis ng Amucao creek ay respondibilidad nating lahat dahil lahat tayo ay apektado ng negatibong dulot ng maruming creek. Nawa’y maging paalala sa atin ito na huwag magtapon ng basura sa ating mga water system upang hindi dumating ang araw na, babalik sa iyo ang bawat basurang iyong itinapon,” saad nito.

Nangako naman ang LGU ng Amucao na susuportahan nito ang adhikain ng paaralan na mapanatiling malinis at umaagos ang tubig ng Amucao creek.

Kauna-unahang ANHS Science camp, isinagawa

Para sa layunin na magkaroon ng mas malinis na kapaligiran, sinimulan ng Amucao National High School, sa pangunguna ng Local Government Unit (LGU) ng Amucao at Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O), ang pagsagip ng Amucao creek noong ika-20 ng Marso, 2023.

Sinagip ng ANHS sa tulong ng LGU ang Amucao creek sa pamamagitan ng paglilinis nito at pagtatanggal ng mga basurang nakabara na nagsasanhi ng pagapaw at pagtigil ng pagdaloy ng naturang creek.

Bitbit ang mga walis, dustpan, at mga sako, inalis ng mga mag-aaral ang mga nakabarang basura at mga kalat sa Amucao creek.

Ang nabanggit na creek ay dinadaluyan ng isa sa mga malalaking creek sa lungsod ng Tarlac na Masalasa creek na siya namang konektado sa Manila Bay.

Matapos ang clean up drive, inanunsiyo ng paaralan ang paglulunsad ng Adopt a Creek Project kung saan magiging regular ang paglilinis ng paaralan sa Amucao creek upang mapanatili ang kalinisan nito.

Ibinahagi naman ng YES-O adviser na si Eurasia Bagay ang kahalagahan ng paglilinis ng Amucao creek, “Ang paglilinis ng Amucao creek ay respondibilidad nating lahat dahil lahat tayo ay apektado ng negatibong dulot ng maruming creek. Nawa’y maging paalala sa atin ito na huwag magtapon ng basura sa ating mga water system upang hindi dumating ang araw na, babalik sa iyo ang bawat basurang iyong itinapon,” saad nito.

Nangako naman ang LGU ng Amucao na susuportahan nito ang adhikain ng paaralan na mapanatiling malinis at umaagos ang tubig ng Amucao creek.

Lathalaing Agham

Para sa mas mabilis na egg hatching

DIY egg incubator ibinida ng isang Amuquenio

John Andrew Gabriel

Sa pagnanais na mapabilis ang pagpisa ng mga itlog ng kanyang mga alagang manok, isang do-it-yourself egg incubator ang naimbento ng amuqueno na si Gerry Dador, isang residente ng Amucao, Tarlac City. Ang incubator ay isang gamit na may nakapaloob na istraktura na binubuo bentilador at pampainit upang panatilihing mainit ang mga itlog sa loob ng 21 araw na panahon ng pagpapapisa ng itlog.

Nagsimula ang pagnanais ni Dador na makagawa ng isang egg incubator dahil sa panghihinayang nito sa mga itlog ng kanilang mga alagang manok na hindi nililimlaman at basta nalang iniiwanan ng mga inahing manok.

“Ang dami naming inahing manok na nangingitlog pero hindi nililimliman ng mga inahin kaya naman nanghinayang ako at nagisip ng paraan upang mapabilis ang pagpaparami ko ng manok at doon ko naisip na gumawa ng egg incubator,” saad ni Dador

Bukod dito, upang matiyak ang patuloy na pagkakaroon ng pagkukunan ng itlog, siniguro ni Dador na maging matagumpay ang kaniyang imbensiyon sa pamamagitan ng panunuod ng mga video tutorials sa Youtube.

Napipisa ang mga itlog sa tulong ng egg incubator dahil ito ang

nagsiislbing limliman ng mga itlog dahil napapanatili nito ang kailangang temperatura ng itlog na 99.5 F degrees sa lahat ng oras sa loob ng 21 na araw na siyang pinakaimportante na kailangan tandaan dahil ang isang degree na mas mataas o mas mababa lamang kaysa sa 99.5 F degrees sa loob ng ilang oras ay maaaring wakasan ang embryo ng itlog.

Sinimulan ng Amuquenong imbentor ang kanyang gawa noong kasagsagan ng pandemya at kanyang ipinagpatuloy ang pagpapalimlim ng mga itlog upang magparami ng mga manok at upang magkaroon ng sustainable na pagkukunan ng itlog.

Ilan sa mga kinailangang gamit ni Dador upang matagumpay na magawa ang kanyang egg incubator ay ang container, heater, thermostat, humidity control, thermometer, hygrometer, at egg turner na ayon naman sa kanya ay makikita at mabibili sa mga hardwares.

Rain water collectors ipinagkaloob sa ANHS

Upang mabawasan ang stagnant water na maaring magresulta sa pagdami ng lamok, pinagkalooban ng Department of Public Works and Highways (DPWH)Tarlac ang Amucao National High School (ANHS) ng dalawang rain water collector.

Bago ang pagkakaloob ng water rain collectos ay hirap ang ANHS sa suplay ng tubig dahil ito ay gumagamit lamang ng jet matic bilang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng buong paaralan kung kaya’t madalas na mahina ang suplay ng tubig o kung minsan naman ay wala talagang lumalabas mula sa mga gripo.

Gayundin, malaking banta din ang mga naiipong stagnant water na naiipon s iba’t ibang lugar sa palibot ng paaralan lalo na tuwing tagulan.

Pinangangambahan ng mga guro na magreresulta ito sa pagdami ng lamok sa loob ng paaralan na maaring maglagay sa mga estudyante sa mataas na banta ng dengue at iba pang sakit.

Dahil dito, lumapit noong ika-28b ng Pebrero, 2022 ang Youth for Environment in Schools-Organization (YES-O) adviser na si Eurasia Bagay sa DPWH-Tarlac upang humiling ng mga rain water collectors na siyang magiging solusyon sa problema ng paaralan sa stagnant rain water.

Mabilis namang inaksyunan ito ng DPWH-Tarlac sa pangunguna ni Engr. Neil C. Farala at opisyal na ipinagkaloob ang dalawang rain water collector sa ANHS noong Setyembre 2022.

“Dahil sa mga rain water collectore nakakatipid ang paaralan sa kuryente dahil ang pondo sa rain water collector ang ginagamit para sa pagdilig ng mga halaman at paglilinis sa buong paaralan,” ani May A. Avelino, punongguro.

Bukod sa benepisyo na nakukuha ng paaralan mula sa mga rain water collectors, naging dahilan din ito upang mapaganda ang pisikal na itsura ng mga bubong ng gusali kung saan inilagay ang mga collectors dahil sa paglalagay ng gutter sa mga bubong ng gusali.

“Bukod sa nabawasan ang stagnat water sa paaralan, nalagyan din ng mga gutter ang gusali kaya mas magandang tingnan,” saad ni Bagay.

Patuloy namang iniingatan ng mga guro at ANHSians ang mga nsabing rain water collectors upang tumagal ang gamit at pakinabang ng mga ito sa buong paaralan.

PULOT FOR GREATER CAUSE. Canela Grace De Leon, youth formation officer, pinangunahan ang Adopt a Creek Project upang mapanatili ang kalinisan, Marso 20, 2023. Larawang kuha ni Eurasia Bagay
SCI-FUN. Ginagabayan ni Gng. Eurasia Bagay ang mga kalahok sa Science exhibit na parte ng Science Camp na naglalayong hikayatin ang mga magaaral na mamulat ang kamalayan sa agham at teknolohiya at tangkilikin ito Larawang kuha ni Eurasia Bagay
Mikkah Galang

14 agham&teknolohiya

editoryal pang-agham

Sariling Hukay

Sa ginawang sarbey ng Ang Malaya, 61% ang nagseself-medicate kapag nakakaramdam ng sakit sa katawan. Ang gawaing ito na kinasanayan ng karamihan ay maaring magdulot ng higit na sakit kaysa ginhawa kinalaunan.

Maaaring sabihin ng ilan na ito ay mas maginhawa sapagkat hindi na nila kailangan magtungo sa ospital o mga klinika. Sa kabilang banda, ito ay delikado at mayroong mga maidudulot na di kanais-nais sa katawan.

Ang self-medication ay tawag sa pagkonsumo ng gamot upang ibsan ang sakit o pagkaabalisang nararamdaman ng isang tao na kung saan ay hindi dumaan sa payo o pagsusuri ng isang eksperto tulad ng doktor. Kapag nakaramdam ng sakit, marami ang mas pinipiling suriin ang sariling nararamdaman at hindi magpatingin sa doktor. Umaasa silang magamot ang kirot o sakit na nararamadaman sa pamamagitan ng mga gamot na direktang mabibili sa mga butika o tindahan kahit na walang maipakitang reseta mula sa isang propesyonal.

Maaari itong magdulot ng komplikasyon sa katawan at mas higit na karamdaman.

Kapag ang isang tao ay kumonsumo ng gamot nang walang pagkonsulta sa isang doktor o isang propesyonal sa larangan ng medisina, ito ay maaaring magdulot ng substance misuse. Mataas ang tyansa na makapili ng maling gamot. Ang selfmedication ay nakadadagdag sa panganib na makainom ng maling dosage ng gamot o ng mga gamot hindi naman kinakailangan.

Dagdag pa rito, ito rin maaring mauwi sa substance dependency. Kapag ang isang tao ay umiinom nang regular ng isang gamot sa loob ng mahabang panahon, siya ay maaaring maging dependent sa gamot na ito. Ang gamot na ito ay hahahanp-hanapin ng katawan na siyang nagiging sanhi naman ng pag-sa ng katawan dito kinalaunan.

lathalaing agham

Mito? Muta? Mata!

Maaari din itong maging sanhi ng kawalan o kakulangan ng sapat na kaalaman para sa tunay na karamdamang taglay ng isang tao. Ang paginom ng gamot ay puwedeng makapagbigay ng ginhawa sa katawan. Sa kabilang banda, ito rin ay may kakayahang itago o matakpan ang tunay na karamdaman ng isang indibidwal.

Kapag ang isang tao ay umiinom ng higit sa isang gamot, tumataas ang panganib ng negatibong drug interaction. Ito ay maiiwasan kapag ang preskripsyon ay nagmula sa isang doktor o isang eksperto sa larangan ng medisina. Sinisigurado ng mga ekspertong ito na ligtas sa katawana and tatanggaping medisina ng isang tao.

Mayroon ding komplikasyon ang maling paggamit o pag-inom ng gamot. Ito ay maaaring magresulta sa mas malalang sakit o problemang pangkalusugan. Kabilang na dito ang nausea o pagkahilo na may kasamang pagduduwal sa ilang mga pagkakataon. Ito rin ay kadalasang nagiging sanhi ng kombulsyon. Sa mas malalang mga sitwasyon, ito ay nauuwi sa kamatayan.

Walang masama sa kagustuhang guminhawa ang sakit na nararamdaman. Subalit kailangang siguraduhin na ito ay hindi

Ang bawat bahagi ng katawan ay may kaniya-kaniyang gamit o silbi lalo na ang mata sapagkat ito ang parte na kung saan nakatutulong sa iba pang bahagi ng katawan upang kumilos at makita ang mga dapat gawin ng isang tao kaya naman ang pangangalaga sa mata ay hindi kagustuhan kung hindi pangangailangan.

Karaniwan na sa ating mga Pilipino ang maniwala sa mga pamahiin lalo na kung may kaugnayan sa pag-iingat sa ating katawan. Ang laging habilin ng mga matatanda o mga nanay ay huwag matutulog na basa ang buhok o huwag magbabasa sa mga lugar na madidilim, gayundin ang paniniwala sa pasma sa mata. Ang mga paniniwalang ito ay nagdudulot daw ng paglabo o pagkasira ng paningin na minsa’y pagkahantong pa sa pagkabulag ang maidudulot ngunit gaano ba katotoo ang mga pamahiing ito?

1. Kapag Natulog na Basa ang Buhok, Mabubulag ka?

Ang pagtulog na basa ang buhok ay walang kinalaman sa paglabo ng paningin pagkabulag. Ayon kay Dr. Manuel Agulto, isang sikat na eksperto sa mata, ang pagtulog na basa ang buhok ay hindi nagdudulot ng pagkasira ng paningin o pagkabulag. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng masamang epekto ang pagtulog na basa ang buhok tulad ng pagkakaroon ng balakubak sa anit o kaya’y pagkakaroon ng iritasyon sa anit gaya ng Seborrheic Dermatitis na kung saan maaaring mairita ang anit dahil sa mga balakubak. Maaari rin itong pagmulan umano ng bacteria na magiging sanhi ng Acne

Break o pagkakaroon ng tigyawat. Bagama’t walang kinalaman sa epekto ng paningin ang pagtulog na basa ang buhok, hindi pa rin mabuti na matulog na basa ang buhok upang maiwasan ang maaaring epekto nito sa anit at mukha.

2. Pagbabasa sa Madilim na Lugar, Nakasisira raw ng Paningin?

Ayon kay Dr. Charisse Sanchez-Tanlapco, isang ophthalmologist, ang pagbabasa sa madilim na lugar ay hindi nakasisira ng mata. Maaaring ang paghapdi ng mata habang o pagkatapos magbasa sa madilim na lugar ay maaaring sanhi ng Eye Strain o pagkapagod ng mata. Payo pa nito, ang maling paggamit ng kulay ng ilaw gaya ng matingkad na dilaw o iba pang kulay ng ilaw ay nakapagdudulot talaga ng Eye Strain. Maaari raw gumamit ng katamtamang ilaw gaya ng natural at puting ilaw, at huwag ididirekta ang mata sa liwanag kapag nagbabasa. Ipinapayo rin naman ng maraming eksperto ang pamamaraang “20-20-20”. Bawat 20 minuto sa harap ng Computer, gadget, TV o maging sa pagbabasa ay tumingin sa 20 talampakang layo sa loob ng 20 segundo. Ang mga ganitong payo at pamamaraan ay makababawas sa pagkapagod ng ating mata at upang panatilihin ang malinaw na paningin.

3. Pakpak ng Paro-paro, Nakabubulag? Ang pamahiing ito ay hindi lamang sa Pilipinas matatagpuan sapagkat pinaniniwalaan din ng mga taga-Korea na nakabubulag ang pulbos na matatagpuan sa pakpak ng paro-paro. Ang ganitong paniniwala, anumang bansa ay walang pagpapatotoo mula sa mga eksperto. Isa lamang itong pamahiin na kung saan maaaring magdulot lamang ng kaunting pangangati at pagiging iritable sa mata dahil sa pulbos ng pakpak kapag ito ay nadampian o naikuskos. Wala pang nakapagpapakita ng patunay na ito ay nakabubulag. Gayunpaman, may katotohanan naman na may insekto na maaaringmagdulot ng pagkasira ng paningin na maaaring humantonng sa pagkabulag at ito ang Black Fly na matatagpuan sa Africa. Mula sa pag-aaral ng World Health Organization, maaaring magdulot ng pagkabulag ang insektong ito dahil mayroong parasitiko at maliliit na bulate na kung tawagin ay Onchocerca Volvulus na nakaaapekto hindi lamang sa mata kung hindi maging sa katawan ng mga nadapuan nito. Bagama’t pamahiin ang pagkabulag mula sa pulbos ng paro-paro, mainam pa ring iwasang malagyan ng dumi o anumang alikabok o pulbos ang ating mga mata sapagkat maaari pa rin itong mairita at magkaroon ng impeksiyon.

4. Kapag Naligo ng Puyat, at Pagod, Nakapapasma ng Mata?

Kapag bagong gising, puyat o kaya ay pagod mula sa trabaho o nagpawis ng husto ay bawal na bawal daw maghilamos, maligo o magbasa ng mukha dahil maaari raw mapasma ang mata, maging ang katawan kapag ginawa ito. Sa katunayan, ang pasma ay walan katumbas na medikal na terminolohiya sa ingles sapagkat ito ay paniniwala o pamahiin lamang ng mga Pilipino tuwing nakararamdam ng matinding pagpapawis, panginginig o panlalamig ng katawan kapag madalas na kontrahin ang temperatura ng ating katawan. Halimbawa, kapag naligo raw pagkatapos magtrabaho mula sa mainit na lugar ay mapapasma ang isang tao. Bagay na hindi pinatotohanan ng mga eksperto sapagkat ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring sintomas ng iba pang mga sakit tulad ng Diabetes, Gout, Hyperthyroid o Uric Acid. Paglilinaw ng mga eksperto, hindi raw totoo ang pasma kaya naman ang pagligo, paghihilamos ng puyat at pagod ay hindi nakasisira o nakabubulag ng mata ngunit ipinapayo rin ng eksperto na hindi masama na magpahinga bago maligo o maghilamos lalo na kung pagod at puyat dahil pinakamainam pa rin na lunas ang pahinga sa taong pagod at puyat.

Ang mga pamahiing ito ay patunay lamang na ang kaugalian at paniniwalang Pilipino ay laganap pa. Nagsisilbi rin itong paaalala sa lahat na ang pagmamahal at pangangalaga sa ating mata ay kailangang pagtuonan ng pansin. Ayon nga sa kasabihan, “Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan”, kaya naman, pamahiin man o katotohanan, huwag abusuhin at alagaan ang anumang bahagi ng ating katawan dahil ang magbebenipisyo rin nito ay ang sarili mismo.

Christel Cerbito

Demo-symposium sa Karatedo ng Grade 10, sumipa na mag-aaral, tinuruan ng self-defense

Upang maging alerto at magkaroon ng kaalaman sa self-defense ang mga estudyante, sinimulan ang demosymposium sa Karatedo ng mga mag-aaral sa ikasampung baitang na pinasimulan at pinangunahan ng guro sa MAPEH na si Ma. Theresa Puno noong ika-13 ng Nobyembre, 2022.

Bumulusok ang kaalaman sa ginanap na aktibidad sa klase ng 142 mag-aaral na nasa ikasampung baitang kung saan nagkaroon sila ng kaalaman sa karatedo bilang panangga sa mga masasamang loob o self-defense sa ilalim ng kanilang talakayan sa Active Recreation Fitness.

Bumida rin ang ang husay at galing ng panauhing tagapagsalita na si Nita Rica Furuc Puno isang manlalaro ng Karatedo ng magbigay siya ng kaalamann kung paano magagamit ang karatedo sa self-defense.

Ayon kay Puno ang Karatedo ay nagmula sa kombinasyon ng dalawang salitang Hapon na kara na ang ibig sabihin ay blanko at te na ang ibig sabihin naman ay kamay kaya ang kahulugan ng karate ay blankong kamay, samantalang dinagdagan ito ng suffix na –do na ang kahulugannaman ay pamamaraan.

“Before I playerd Karatedo, I was a Taekwondo player. I started playing Taekwondo when I was in first year high school (2009-2010), then I shifted to Karatedo when I was in College (2013-onwards),” dagdag ni Puno Gumawa ng mga demonstration movements si Puno upang mas maipakita sa mga mag-aaral ang tamang paggamit ng karatedo sa self-defense at gayundin ipinakita niya nag tamang puwesto ng katawan sa bawat galaw na gagawin upang mas maipokus ang puwersa sa parte ng kalaban na nais tamaan.

Nilinaw din niya na normal na kabahan at matakot ang mga baguhan sa paggamit ng nasabing martial arts ngunit sinabi rin niya na sa tamang paggamit kasabay ng masinsinang disiplina at pag-eensayo, malaking tulong ang Karatedo sa pagbuo ng disiplina sa sarili at pagbuo ng tiwala sa sarili ng mga mag-aaral.

Ibinahagi rin ni Puno na isa sa mga adbokasiya niya bilang isang manlalaro ng Karatedo ay ang mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante katulad ng mga ANHSians sa nasabing martial arts.

“100% yes. I wanna promote Karatedo and invite the youth to join trainings and play this kind of sport. This is good for our physical and mental health given that it’s a physical activity where you will have to exercise. This will also prevent younger generations to take alcohol, drugs, etc. And the most important thing is that, what you’ll learn is the art of camaraderie,” sagot ni Puno nang tanungin kung gusto ba nitong i-promote ang Karatedo sa mga paaralan.

Samantala, ibinahagi ni Puno na magkakaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataon na maganmit at maipakita nila ang kanilang natutunan sa symposium sa pammagitan ng performance task.

Lathalaing Isports

BANGKO

Isa sa mga maaaring matutuhan sa isports ay ang disiplina sa sarili at sa kapwa. Ang pagkapanalo sa mga laro ay isa lamang sa mga bonus bilang manlalaro. Ang tunay na manlalaro, sumusuporta sa kaniyang kapangkat, makalaro man o mabangko.

“Bangko” karaniwang tawag natin sa isang mahabang upuan na para sa tatlo o mahigit pang tao na walang sandalan.Ang “bangko” naman sa larangan ng isports ay isang salita na ginagamit sa mga laro tungkol sa mga manlalarong reserba kapag ang manlalaro sa koponan ay may hindi inaasahang pangyayari at kailangan ng kapalit o kaya nama’y kapag siguradong tambak na ang kalaban ay palalaruin ang mga bangkong ito. Bench players kung sila ri’y tawagin (kilala din sa tawag na bench warmers, substitute players, reserves, interchange o back up) ay nananatili sa bench at maaaring palitan para sa isang starter kung ito ay napagod, nanghina, na-injured o nasugatan sa kalagitnaan ng laro.

Sa panahon ng mga kumpetisyon, ang spotlight ay madalas talagang ibinibigay sa mga manlalaro na may mga posisyon na nakikitang umuukit ng mga puntos upang madala ang koponan sa pagkapanalo. Kinabibiliban, hinahangaan ang mga manlalarong nagpapamalas ng mga kagila-gilalas na galaw at puntos sa laro. Sa kabilang banda, nagkakaroon naman ng hindi magandang interpretasyon ang mga manlalarong bangko sa mga manonood sapagkat ang akala ng iba’y ang pag-upo sa bench ay katuwa-tuwa at hindi gaanong magaling. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang pag-eensayo at training ng mga aktuwal na manlalaro at mga bangko ay pareho lamang. Ang ibig sabihin lamang nito, maaaring ang kakayahan at determinasyon ng mga manlalaro, bangko man o hindi ay pareho lamang. Makikitang halimbawa rito ang isang basketball player ng Gilas Pilipinas at kasalukuyang manlalaro ng pangkat para sa bansang Korea si Rhenz Abando. Madalas siyang bangko sa mga laban ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami,noong siya ay na siya pala ay napakahusay na manlalaro. Namangha ang mga nakararami sapagkat hindi nila akalain na ang laging bangkong manlalaro ay may kakaiba palang kakayahan pagdating sa kaniyang larangan. Isa pang halimbawa ay ang kamakailan na nag-viral na isang babae dahil sa todong suporta sa kaniyang kasintahang bangkong basketball player. Marami ang natuwa at tumawa sa post na iyon sapagkat ayon sa netizens ay hindi naman daw nakapaglaro ang kaniyang kasintahan at gayon na lamang ang suportang naipakita ng babae. Nakatutuwang isipin ngunit nakamamanghang gawain ang ipinakita ng babae sapagkat ipinamalas niya ang paniniwalang ang kaniyang kasintahan bagaman siya’y bangko ay may kakayahan siyang tulad o higit pa sa mga aktuwal na naglalaro.

Bagama’t isang mahalagang gawain ang pagiging handa na mag-sub in para sa isang starter, may iba pang mga tungkulin na ginagampanan ang mga bench players na direktang nakakaimpluwensya sa tagumpay ng koponan. Isa sa mga tungkuling ito ay ang pagpapanatili ng positibong saloobin at ang isang panghihikayat sa mga kasamahan sa koponan. Sa pamamagitan ng paglikha ng isang masiglang presensiya, ang mga nasa bench ay nagbibigaydaan sa mga in-game na manlalaro na gumanap sa kanilang pinakamahusay na paraan. Bukod pa rito, dahil hindi sila pisikal na kasama sa mga laro, ang mga manlalaro sa bangko ay itinatalaga ang papel ng pagsusuri ng mga karaniwang diskarte ng mga kalaban na koponan. Ang mga coach ay madalas na humihiling sa mga manlalaro na nasa bench na ibahagi ang kanilang mga obserbasyon sa mga pagpapabuti ng koponan pagdating sa mga pattern at mga taktika ng kalaban.

Ang bawat miyembro ng koponan ay magkakaugnay sa mga gawain upang maging mahusay na “team” kaya naman manlalaro man o bangko, marapat na mabigyang halaga tulad ng ipinakikitang suporta sa iba pang manlalaro. Makikita sa isang manlalaro ang disiplina at kanilang determinasyon sa paglalaro sa pamamagitan ng pananatili at patuloy na pagsuporta sa kanilang pangkat kahit na sila’y matawag na bangko lamang sapagkat hindi ang pagpapakitang gilas at pagiging sikat lamang ang kanilang nais kung hindi ang makapaglaro, patuloy na matuto, at lumago sa kanilang larangan.

John Andrew Gabriel
John Andrew Gabriel

isports

Tarlac Pride Athletes

Mga Atletang Tarlacqueno, nagpapakilala na sa international scene

Sa panahon ngayon, ang Pilipinas ay kilala pa rin pagdating sa larangan ng isports. Ilan sa kanila ay kinilalang kampeon at nakagawa na ng pangalan sa ibang bansa sa kanilang husay at galing na nagsilbing inspirasyon sa maraming tao.

Nabasag nila ang mga rekord, nagtakda ng mga bagong pamantayan sa palakasan, nakamit ang mga di masukat na tagumpay sa pool, sa ring, sa track, at sa mga global playing fields. Ito ang mga hindi kilalang pangkaraniwang sandali sa kasaysayan ng ating isport na nagbigay-pansin sa kakayahan ng atletang Pilipino na nagpahanga sa mundo sa kanilang mga naipamalas na tibay, bilis, at lakas upang makamit ang pagkapanalo.

Halika at kilalanin natin ang mga atletang Tarlacqueno na nagbigay karangalan sa bansa.

Camiling, Tarlac - Hindi alintana ang init ng araw sa bilis ng 29-year-old runner matapos nitong maibulsa ang kampeonato at maguwi ng gintong medalya sa larangan ng Men’s 100 meter hurdles sa ginanap na 31st Sea Games 2022 sa My Dinh Sports Complex sa Hanoi, Vietnam. Ang former UAAP MVP na tubong Camiling, Tarlac na si Clinston Bautista ay ang itinanghal na pinakamabilis sa larangan ng Track and Field ng makapagtala ito ng 13.78 seconds kumpara sa 13.98 seconds ni Nattaphon Dangsungnoen ng Thailand. Bago pa man ito, naibulsa na din ni Bautista ang dalawang gintong medalya noong Sea Games 2019 na ginanap sa Capas, Tarlac.

Gerona, Tarlac - Nagpapakilala din ang Top Filipino Swimmer na si Jessica Geriane na tubong Gerona, Tarlac matapos nitong maiuwi ang silver medal sa larangan ng 50-meter backstroke sa magkatulad na turneyo sa ginanap din na 31st Southeast Asian Games 2022 swimming competition na ginanap sa My Dinh Water Sports sa Hanoi, Vietnam. Nagbigay din ito ng panibagong tala sa Philippine record sa larangan ng 50-meter backstroke matapos itong magtapos sa 29.30 segundo sa preliminaries. Naungusan niya ang kapwa niya Top Pinoy Swimmer na si Jasmine Alkhadi na may record na 29.50 seconds. Ang naiuwing tagumpay ni Geraine ang nagbigay sa bansa ng ikalawang medalya sa larangan ng swimming matapos maiuwi ni Miranda Renner ang pilak na medlaya sa 100-meter backstroke.

Tarlac City - Sa larangan naman ng Ph Volleyball, namamayagpag ngayon ang tubong, Tarlac na si Myla Pablo matapos umani ng parangal sa katatapos lang na Premier Volleyball League Reinforced Conference 2022 nito lamang Desyembre. Si Pablo ay hinirang na 2nd Best Outside Spiker at itinanghal na kampeonato ang Petro Gazz Angels na kanyang koponang kinabibilangan. Bata pa lang daw ay hilig na niya talagang maglaro ng Volleyball at pinatunayan niya ito ng magkamit siya ng kabuuang 3 kampeonato at 12 individual awards kabilang dito ang pagiging Finals Most Valuable Player niya sa tatlong magkakasunod na taon sa kanyang 10 taong paglalaro sa Pro-League. Sa ngayon, si Pablo ay kasalukuyan naglalaro sa F2 Logistics Cargo Movers na wala pang talo sa kanilang kampanya sa Open Conference ngayong taon. Inaasahang makakapaglaro ang 29-year old sa gaganaping Sea Games 2023 na gaganapin sa Cambodia sa darating na Mayo. Tunay na walang makapapantay sa husay at galing ng mga atletang Pilipino dahil sa kanilang naiuwing karangalan para sa bansa. At isa ang mga Tarlacqueno sa nagpatunay nalang kaya nilang makipagsabayan sa kaninuman dala ang bitbit nilang pag-asa at galing sa isport na kanilang kinabibilangan. Tunay na ang medalya ay isa lamang patunay na nagtagumpay ang isang manlalaro sa isang paligsahan ngunit ang maipakilala ang bansa sa buong mundo ay hindi matumtumbasan ng kahit anong ginto, pilak o tanso sa mundo. Mabuhay, Tarlac. Mabuhay ang mga atletang Pilipino.

Panthers, namayagpag laban sa Vipers sa Men’s Volleyball Intrams, 2-1

Amucao, Tarlac City - Nakamit ng mga Black Panthers (Grade 12 students) ang kampeonato matapos nitong mamayani sa ginanap na school-based Intramurals Volleyball Finals na ginanap sa Amucao High School quadrangle, February 3, 2023.

Sa pangunguna ng kanilang Team Captain na si John Louise Pineda na umukit ng 10 kabuuang puntos, nagawang pabagsakin ng koponan ang mga Grade 8, 15-11, 15-9 at 15-13.

Sa pagsisimula ng unang set, nagpakitang gilas agad ang mga Black Panthers matapos magpatikim si Team Captain Kenneth Mendoza ng Yellow Vipers ng mga bumubulusok na serves at pamatay na drop balls upang selyuhan ang set sa iskor na 15-11

Pagdating ng ikalawang set, nagkaroon ng liwanag ang mga Black Panthers matapos magpakitang gilas ang tambalang Pineda at Biag na nagmula sa 12-Phoenix. Pinatunayan ng parehong 5’10 player na kaya nilang makipagsabayan sa kanilang kalaban matapos magpamalas ng mga combination plays at pamatay na serves sa service line. Sa pinagsamang 7 puntos, nagawa nilang agawin ang set sa iskor na 15-9 at iditetso ang laban sa 3rd at deciding set ng laro.

Mainit ang pagsisimula ng ikatlong set. Nagpakita ang dalawang koponan ng magkapantay na bilis, liksi at tapang sa loob ng court. Unang nagtala ng tatlong sunod-sunod na puntos ang mga Black Shirts matapos magtala ng errors ang kabilang koponan. Nasilayan din sa court ang presensiya nina Sean Nuqui at Markristom Dela Cruz ng Grade 8- Euclid matapos silang magpaulan ng puntos sa kalagitnaan ng set upang mailagay ang score sa all 12. Natapos ang laro sa nagbabagang spikes ni Pineda at tuluyang maangkin ang kampeonato sa larangan ng Men’s Volleyball, 15-13.

“Sobrang saya ko kasi last playing year ko na din sa Amucao kaya talaga binigay ko yung all out ko pagdating sa game namin. Though mabigat talaga silang kalabanin, we manage to stay calm and focus and na apply din namin yung teamwork and communication sa loob ng court.” tugon ni Pineda.

Itinanghal na MVP si Pineda matapos magtala ng 12 kabuuang puntos at dahil sa kanyang ipinakitang pambihirang determinasyon at liksi sa loob ng court.

Bago pa man nakamit ang inaasam asam na kampeonato, nilampaso muna nila ang mga Red Phantoms sa elimination round ng turneyo.

John Andrew Gabriel
HUSAY NG LAHING PINOY. (mula kaliwa) Myla Pablo, Jessica Geriane, Clinton Bautista. Larawan mula sa Google
John Andrew Gabriel
PALO NG TAGUMPAY. Pinalo ni Mark Kris Tom (Black Panther) ang bola laban sa depensa ni Kenneth Rufo (Yellow Viper)

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.