Propaganda

Page 1

PROPAGANDA TOMO VIII BLG. 1 MARSO 2012

Isang Ispesyal na Isyu ng Balita Ang Pahayagang Plaridel


Mula sa Patnugot Mahirap magtiwala sa taong hindi mo kilala. Kaugnay nito, mahirap ding ibigay sa taong hindi mo pinagkakatiwalaan ang mga bagay na mahalaga sa iyo. Tuwing panahon ng eleksyon maraming kandidato ang bigla na lang haharap sa iyo at magpre-presentang karapatdapat sila sa boto mo. Tulad ng isang kaibigan, hinihingi nila ang iyong suporta. Gayunpaman, nakakapagtaka ang kakaibang kabaitang ipinapakita nila. Kung tutuusin, hindi na pangkaraniwan ang ipinapamalas nilang ugali. Kung mahirap magtiwala sa taong hindi mo kilala paano pa kaya ang mga taong kahina-hinala ang pagkilos at pananalita? Inihahandog muli sa inyo ng seksyon ng Balita ng Ang Pahayagang Plaridel ang PROPAGANDA. Naglalaman ito ng mga artikulong kumikilala sa mga kandidato, partidong politikal, at higit sa lahat, sa iyo bilang botante. Sa kabila nito, nasa iyo pa rin ang huling desisyon kung ipagkakatiwala mo ang iyong kapakanan bilang magaaral sa mga kandidatong nangangailangan ng boto mo.

John Mark

Lupong Patnugutan Cathleen Mae Manamtam

Punong Patnugot

Reyann Jhorel Lapuz

Pangalawang Patnugot Patnugot ng Balita Patnugot ng Isports Patnugot ng Retrato Patnugot ng Sining

Justin Kenneth Carandang

Tagapamahalang Patnugot

John Mark Cariño Ronald Allan Francis Sunga Jenirose Lozano Anthony Ray Apolinario

Mga Tagapamahala: Opisina at Kagamitan Rochelle Anne Relevo Sirkulasyon Gerard Contreras Isponsorship at Publisidad Rollen Joy Ancheta Mga Kasapi: Princess Nolaine Alipio, Maila Arcebal, Veronica Balbin, Diana Calde, Bianca Dabu, Alyssa Delos Reyes, Jodi Herrera, Harlene Ilagan, Mynah Maglonzo, Leah Olaso, Gecca Peñas, Aaron Quidilla, Justine Relativo, Justin Siy, Gelli Sulit, Pierre Uy, Hazel Venida Mga Senyor na Kasapi: Joselle Mariano, Henri Frederic Reforeal Senyor na Patnugot: Adrian Joseph Garcia Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor ng SPO: Randy Torrecampo Koordineytor: Rosanna Luz Valerio Sekretarya: Ma. Manuella Agdeppa Para sa anumang kumento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa Silid 502-B Br. Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph. Walang anumang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring mailathala o gamitin sa anumang paraan ng walang pahintulot ng Lupong Patnugutan. Kasapi ng CEGP at ALCJA

2

PROPAGANDA

Talaan ng

Nilalaman

IsangTanong IsangSagot

Pagkilala sa mga kandidato para sa Executive Board ng USG General Elections

3

Isang Tanong, Isang Sagot:

6

Harapan 2012: Tagisan ng kaalaman sa mga usaping pangkampus at panlipunan

Mahalaga ba na magkaroon ang DLSU ng stand sa mga isyung pambansa? Paano ito makakaapekto sa buong Pamantasan bilang isang akademikong institusyon?

8

Gabay sa darating na mga bagong pinuno, USG EB 2011-2012: Isang balik-tanaw

CABUHAT: Mahalagang magkaroon ang DLSU ng stand sa mga isyung pambansa. Once kasi magkaroon ng stand ang DLSU as an institution, kinakailangan [munang] magbigay ng stand ang bawat sektor ng Pamantasan. Magbubukas ito ng daan para magkaroon ng diyalogo ang iba’t ibang sektor.

Pagkilala sa mga kandidato para sa Executive Board ng USG General Elections

sa terminong nagdaan

kinalap nina Gerard Contreras, Aaron Quidilla, at Hazel Venida Mga kuha nina Angelica Kristina Peñas, Justin Ryan Siy, at Angelica Sulit

12

Ideolohiyang pinaniniwalaan,

14

Basehan sa pagboto, sumasalamin sa politikang Lasalyano

NACARIO: Naniniwala akong mahalagang magkaroon ang DLSU ng stand doon sa mga isyung pambansa. Naniniwala akong DLSU having a stand, ‘yun ‘yung magpe-pave way para makapag-produce talaga tayo ng mga individuals with a geniuine concern. Aside from that, ang maa-achieve kasi talaga natin is cohesion among the Lasallian community and all of its sectors.

16

Prinsipyo ng mga kandidato,

Bukod sa plataporma mo at ng iyong partido, ano pa ang ibang dahilan mo para iboto ka ng mga mag-aaral?

18

Isang Tanong, Isang Sagot:

napapanahon nga ba’t sadya pang kinakailangan?

imahen ng mga partido

Pagkilala sa mga kandidato para sa College Presidents ng USG General Elections

Dakilang Layunin Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga isyung pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kinakailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

Konsepto ng Pabalat

Maswerte ang mga taong biniyayaan ng kakayahang makarinig, makakita, at makapagsalita ngunit, nakapanlulumo pa sa taong ipinanganak na may kapansanan ang taong hindi ito ginagamit sa tamang paraan. Tulad na lamang ng karamihan sa ating mga Lasalyano, nagbubulag-bulagan sa tunay na mga nangyayari, nagbibingi-bingihan sa katotohanan, at nagtitikom ng bibig sa tuwing kinakailangan magsalita. Kuha ng pabalat ni Harlene Ilagan

CABUHAT: ‘Yung prinsipyong pinanghahawakan ko at ng buo naming partido. Iba kasi ‘yung pinanghahawakan naming prinsipyo. Once na kami ang manalo, makasisiguro ang mga Lasalyano na ito ‘yung ipapatupad naming plataporma. Dahil para sa amin, more of selfless service rather than best in interest ang pagtakbo namin sa mga posisyong ito. NACARIO: Number one is my experience. At present, I am already a [University Student Government (USG)] Executive Board (EB) officer. Alam ko kung ano ‘yung issues ng students. But more than that, ‘yung second point kasi is I have a genuine concern and I am really consultative and responsive to the needs of the students. Kapag may issue, hindi ko lang siya hahayaang dumaan lang. Mayroon talaga akong drive para i-address ‘yung mga ‘yun. Aside from that, there’s [also a] commitment and passion to serve.

Kung isa kang lugar o tambayan sa DLSU, ano ka at bakit? CABUHAT: Gokongwei lobby. Bilang isang CCS student, para sa akin kasi ang Gokongwei lobby ang isa sa mga pinaka-underrated na lugar sa DLSU pero hindi mo magpagkakaila ‘yung facilities na prino-provide nito sa mga estudyante. So in that way, nafi-feel ko na underrated din ako kasi hindi alam ng mga estudyante ‘yung Gokongwei lobby katulad na hindi ako kilala ng mga estudyante pero once na makilala ako ng mga estudyante, makikita nila yung mga kaya kong i-provide sa kanila. NACARIO: Amphitheatre, mainly because it’s really very grounded. Pwede mo siyang puntahan, makikita mo siya as ordinary at times. Pero at the same time, you feel ‘yung sense of being at ease, Pero come to think of it, kapag kailangan natin gumawa ng major events, ‘yung Amphitheatre din kasi talaga ‘yung nagagawa natin, and we come to transform it into something better.

Ang Pahayagang Plaridel

3


Paano mo mahihimok ang mga mag-aaral na maging aktibo sa paggawa ng aksyon laban sa mga abusado, pabaya, at hindi makatarungang mga propesor?

Kung isa kang lugar o tambayan sa DLSU, ano ka at bakit?

Bukod sa epektibong paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon sa mga mag-aaral, sa anong paraan pa makakapagbigay serbisyo ang iyong opisina sa mga Lasalyano?

ONGSIAKO: It’s just a matter of providing the proper avenues for the students [where they can] let out their concerns regarding the education they receive and how the professors approach their curriculum. It’s also a matter of educating and making the students aware of the proper guidelines and processes of grievance.

ONGSIAKO: I’ll be SJ walk because more often than not, students pass there so being in SJ walk, you see the environment and the culture of the students are cultivating in La Salle.

DEL CARMEN: One of which is ensuring that every unit in the USG is efficiently working. So it’s my job kung kunwari, merong problema sa Legislative branch. It’s my job to make sure na they have to get back in the track, and that they are all working efficiently for the benefit of the student body.

HECHANOVA: I will really push for establishing concrete departmental policies, kasi it’s by having these policies that students can say na [may basis pala ang mga ito] and this is what should be followed. So, it’s actually giving confidence to the students that they know the policies well and they have the right to stand up talaga for them. Bukod sa plataporma mo at ng iyong partido, ano pa ang ibang dahilan mo para iboto ka ng mga mag-aaral? ONGSIAKO: The perspective I give on the issues we as an EB are taking about because it is in my perspective that my principles are rooted on. That’s why my approach will be different to certain issues because of the perspective that I have. HECHANOVA: It’s really my drive and passion to serve the students. But at the same time, I bring with me [my] experience. Being elected since my first year, two-time batch level officer and now the College President, I think for the [USG] EB level, you need a VP Internals that has experience. Kung isa kang lugar o tambayan sa DLSU, ano ka at bakit? LEOGARDO: I would be Tapat Tambayan because it’s at Tapat Tambayan where we get ourselves informed on national issues and we form our own opinion independent of other’s opinion. [It is] also where we prepare to take action. NOBLEZADA: USG Office. But it’s not just because the USG office [is only] for elected officers. It’s a venue wherein students could just go and it already solves the problem, It’s a place wherein you could approach anyone.

4

PROPAGANDA

HECHANOVA: Medrano Hall. I can connect myself to it. We improved it into something better that can really address the concerns of the students. It knows more or less na kailangan ng charging stations, kailangan ng better facilities, more sockets, and this is what was provided this school year. That’s what I bring with me this year, more experience.

HERMOSO: One of my agenda is training and development of the students. This year, I want to go beyond the walls of just being in USG. I actually have a project and it’s called Lasallian Innovation. Here, I want to encourage them to voice out their craziest ideas kahit sa tingin nilang this is impossible. They can submit their propositions to the EB and then we’ll see if it’s feasible. Bukod sa plataporma mo at ng iyong partido, ano pa ang ibang dahilan mo para iboto ka ng mga mag-aaral? DEL CARMEN: I believe that they should vote for me for the Office of the Secretary because of the approach that I do in tackling problems, and me actually handling, getting the root causes of the problems and knowing the bigger picture of the issues. HERMOSO: Personally, I’m the kind of person who strives for excellence in everything I do. So if I get into position, I will only give the students the best, and there’s nothing else, just the best.

Kung isa kang lugar o tambayan sa DLSU, ano ka at bakit? DEL CARMEN: Magiging Tapat tambayan ako. When we’re actually in the tambayan, that’s where we consolidate our ideas and actually talk about issues. HERMOSO: The pinakabago for now which is Andrew Building. I’m the kind of person who adapts to change easily, technological or whatever. It responds to what society needs now. It’s comfortable there. It’s easy for people to get comfortable with me. Lastly, I’m the kind of person who’s open to fresh and wild ideas. And Andrew is open to freshmen, freshmen from all walks of life.

Paano mo gagawing mas kaengga-engganyo ang student exchange program ng DLSU sa mga Lasalyano?

Kung isa kang lugar o tambayan sa DLSU, ano ka at bakit?

Mapipigilan ba ang taon-taong pagtataas ng matrikula ng Pamantasang De La Salle? at Bakit?

LEOGARDO: I will make these student exchange programs more attractive to students by cooperating with the International Center in making sure that these opportunities for education abroad will focus also on the opportunities for nation building that are taking place there so that they may bring back those learning here and possibly apply them.

RUSTIA: ako ay ang University Library kasi dito talaga nakakapagpatuloy ng pag-aaral ang mga estudyante at mas napapalawak nila ang kanilang kaalaman tungkol sa iba’t ibang bagay.

RUSTIA: Sa nakaraan, hindi talaga maiwasan na tataas ang ating tuition and fees ngunit sa naitatag na Multi Sectoral Committee on Budget, maaari nating ipaglaban ang pagbaba ng mga tumataas na tuition.

INNOCENCIO: Yuchengco building. Kasi, sa labas, makikita mo agad ang De La Salle University Yuchengco building. So for me, I believe that I have the aspects of being a true Lasallian leader na kaya mong ipakita sa lahat ng tao na ikaw ay isang Lasalyano.

INNOCENCIO: Matitigilan ‘yung pagtaas ng tuition sa De La Salle University kasi, ngayong taon, kasabay ng iba’t ibang unibersidad, pinaplano namin na i-revise ‘yung CHED Memorandum #13 na sinasabi dito, sa kasalukuyan [na] pwedeng magkaroon ng student representative only sa tuition fee increase. But then, ‘yung sa magiging revised sa CHED Memorandum #13, isasama na rito ang student representative sa miscellaneous and other student fees.

NOBLEZADA: To make it better to the students, first, making them aware of the coordination of [DLSU to] other [foreign] La Salle schools, different scholarships that are being given in different countries. But, one thing that will be different for this year, in coordination with the Office of the Executive Treasurer is the Lasallian Exchange Program Scholarship Grant. Bukod sa plataporma mo at ng iyong partido, ano pa ang ibang dahilan mo para iboto ka ng mga mag-aaral? LEOGARDA: I think Lasallians should vote for me because I will focus on making my systematic changes long term and sustainable so that it’s not only during my term that whatever I will push for will happen. NOBLEZADA: It could be the different experiences I had, most especially the coordination with different DLSU offices where I really learned a lot from. I’m already in the level na I already know what to do, and this year, I could already level up na what more could I do.

Bukod sa plataporma mo at ng iyong partido, ano pa ang ibang dahilan mo para iboto ka ng mga mag-aaral? RUSTIA: Dahil naniniwala ako sa mga long term at sustainable na solusyon sa mga problema natin. Ang aking paniniwala ay gumawa ng programa o gagawa ng sistemang panibago. INNOCENCIO: ‘Yung aking experience. Kasi ako ay nagtrabaho sa Office of the Treasurer bilang Chairman for Research and Development. Nagkaroon din ako ng [iba pang] experience na talagang tinulungan ako upang maging handa sa aking tatakbuhing posisyon.

Ang Pahayagang Plaridel

5


2012 HARAPAN Tagisan ng kaalaman

sa usaping pangkampus at panlipunan

Justin Kenneth Carandang at Pierre Stanley Uy Mga kuha nina Maila Arcebal, Jocelyn Dianne Herrera, Harlene Marie Ilagan, at Angelica Kristina PeĂąas

NAGTAGISAN ng kaalaman sa pamamagitan ng pagdedebate ang mga kandidato para sa University Student Government (USG) General Elections sa idinaos na Harapan 2012. Ginanap ang nasabing programa noong Marso 14 sa William Shaw Little Theater. Hinati sa dalawang bahagi ang nasabing debate. Unang nagharapharap ang mga kumakandidatong Legislative Assembly (LA) Representative ng BLAZE 2013 na sina Carl Au ng Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (Santugon), Lance Pormarejo ng Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat), at Alphonse Valenzuela na kumakandidatong independent. Nagbigay ng kanya-kanyang argumento ang mga nasabing kandidato tungkol sa pagbubuo ng mga hindi Katolikong organisasyon sa loob ng Pamantasang De La Salle (DLSU). Para sa kanilang tatlo, dapat payagan ang pagkakaroon ng mga hindi Katolikong organisasyon sa DLSU. Sa panig ni Pormarejo, iginiit niyang sa isang pamantasang katulad ng DLSU, makatutulong ang pagtatatag ng mga hindi Katolikong organisasyon

6

PROPAGANDA

sa intelektwal na pag-unlad ng bawat mag-aaral. Sa kabilang banda, ginamit namang argumento ni Valenzuela ang pagkakahati-hati ng panig ng mga mag-aaral. Aniya, bilang isang Katolikong pamantasan, dapat nitong sundin ang tawag ng Simbahang Katoliko na irespeto ang karapatan ng bawat tao tungkol sa pagpili ng relihiyon, na nakasaad din sa Bill of Rights, Student Handbook, at ilang dokumento ng Vatican II. Para naman kay Au, maaaring magkaroon ng mga hindi Katolikong organisasyon sa Pamantasan hangga’t hindi ito lumalabag sa batas ng bansa at DLSU. Sa ikalawang bahagi ng programa, dinepensahan naman ng mga kandidato ng bawat partido ang panig na ibinigay sa kanila tungkol sa iba’t ibang usaping pangkampus at panlipunan. Unang nagharap sa bahaging ito sina Angelo Tiglao, kumakandidatong FAST 2011 Batch President ng Santugon, at Sluggo Rustia, kumakandidatong Executive Treasurer ng Tapat. Kanilang naging paksa ang pambabatikos ni Pangulong Benigno Aquino a Korte

Suprema (SC) at Punong Mahistrado na si Renato Corona. Para kay Tiglao na panig sa isyu, iginiit niyang nasa maling lugar at panahon si Aquino sa tuwing magsasambit siya ng mga bagay laban kay Corona at sa SC. Aniya, dapat idinadaan ng pangulo ang kanyang hinaing laban sa SC sa pamamagitan ng sa legal na proseso.

Para naman kay Rustia, tama lamang ang ginawa ni Aquino dahil bilang pangulo, nararapat lamang na marinig ng mga Pilipino ang kanyang panig tungkol sa nasabing isyu. Sa ganitong paraan, naipinapakita niyang desidido siya sa paglaban sa korupsyon sa bansa. Sunod namang nagharap ang mga kumakandidatong college president ng School of Economics na sina Kyla Astorga ng Tapat, at Sam Perez ng Santugon. Umikot ang kanilang debate sa pantay-pantay na kontribusyon ng first at third world na mga bansa sa pangangalaga sa kalikasan. Iginiit ni Astorga na nararapat lamang na pantay-pantay ang pagtrato ng bawat bansa sa mga usaping pangkalikasan. Aniya, mayroon lamang iisang mundo ang lahat para pangalagaan at nagbibigay ng kontribusyon ang lahat ng tao sa pagkasira nito. Kinontra naman ito ni Perez at sinabing mas dapat managot ang mga bansang first world dahil mas marami itong kontribusyon sa pagkasira ng kalikasan Pinag-usapan naman sa ikatlong bahagi ng debate ang paglipat ng stipend ng Star Scholars sa Student Financial Assistance (SFA) fund. Naging tagapagsalita ang mga kumakandidatong pangulo ng bawat partido na sina Djon Nacario mula sa Santugon, at Jana Cabuhat mula sa Tapat. Para kay Nacario, dapat ipasa ang stipend ng Star Scholars sa SFA fund dahil mas maraming mga magaaral ang nararapat na mabigyan ng pagkakataong maging iskolar, sangayon na rin sa misyon ng DLSU. Ayon

naman kay Cabuhat, hindi dapat ipasa ang stipend ng Star Scholars dahil isa rin itong paraan para mahikayat ang matatalinong mag-aaral sa buong Pilipinas para mag-aral sa DLSU. Matapos ang mga debate, nagkaroon naman ng open forum para sagutin ang ilang katanungan ng mga mag-aaral para sa mga kandidato. Isa sa mga naging usapin ang kaugnayan ng pagpapakita ng marka sa credentials sa kanilang magagawa para sa USG. Para kay Sasa Hermoso, kandidato ng Santugon para sa posisyon ng Executive Secretary, ipinapakita lamang nito ang pagbabalanse ng gawaing akademiko at pang-USG ng isang tao. Ayon naman kay Cleo Leogarda, kandidato ng Tapat sa posisyon na Vice President for External Affairs, hindi ipinapakita ng mga marka ang kakayahan ng isang tao para mamuno. Nagtapos ang programa sa pagdedeklara ng mga nanalo sa bawat debate. Nanalo sa harapan ng mga LA Representative ng BLAZE 2013 si Au. Samantala, nakuha naman nina Rustia, Perez, at Cabuhat ang pagkapanalo sa kani-kanilang mga naging argumento. Ikaapat na taon na ng Harapan at pinangunahan ito ng Ang Pahayagang Plaridel, DLSU-Commission on Elections, at La Salle Debate Society. Nagsisilbi itong lugar upang maipamalas ng mga kandidato ang kanilang husay sa pagtalakay ng mga isyung pangkampus at panlipunan. Sa pamamagitan din nito nabibigyang pagkakataon ang mga Lasalyano upang masuri kung sino-sino nga ba ang karapat-dapat sa kanilang nag-iisang boto.

Ang Pahayagang Plaridel

7


Gabay sa darating na mga bagong pinuno,

USG EB 2011-2012:

Isang balik-tanaw sa terminong nagdaan

Diana Mae Calde, Bianca Rose Dabu at Leah Antoinette Olaso Mga kuha ni Angelica Kristina Peñas Cabe Aquino, USG President Hindi man perpekto ang naging termino ni Aquino, masasabing nagamit ng University Student Government (USG) lahat ng pagkakataon para maging kinatawan ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, maayos ding nagamit ng mga bahagi ng USG ang lahat ng potensyal nito upang gumawa ng mga proyekto para sa ikabubuti ng buong pamayanang Lasalyano. Isa sa magagandang tagumpay sa ilalim ng pamumuno ni Aquino ang hindi malilimutang selebrasyon ng Sentenaryo ng Pamantasan. Bukod pa rito, sa tulong ng Legislative Assembly Representatives, maraming napagusapan at naipasang pagbabago sa kasalukuyang Student Handbook (SHB). “Last year, we were just talking about [changing the] Latin Honors [policy], but [now] it’s reversed. I didn’t think that could happen,” pagbabahagi ni Aquino. Bukod sa mga naging karanasan ni Aquino bilang pangulo, marami rin siyang maiiwang payo para sa susunod sa kanya. Aniya, mas nakabubuting mapanatili sa isipan ng mga pinuno ang kanilang layunin para sa mga mag-aaral at huwag palampasin ang mga pagkakataong ibinibigay sa kanila. “You learn, you grow, you’ll meet people. If you say yes to opportunities, things will happen. You’re gonna be better than what you were,” pagpapaliwanag niya. Pinapaalalahanan din ni Aquino ang mga susunod na pinuno na magiging malaki ang impluwensya nila sa tao. Kinakailangan nilang tingnan ang maliliit na bagay tungkol sa kanilang sarili— mula sa kanilang pagkilos, pagsasalita, at pananamit. Pagbibigaydiin niya, “It’s about you putting yourself to a higher standard because people will follow you.”

8

PROPAGANDA

na papalit sa kanya. “You have to be prepared always [and when dealing] with your team, be professional.” Dagdag pa niya, mahalaga rin ang pagsasagawa ng tamang pagpaplano. Naniniwala si Francisco na isang magandang katangian ng susunod na Vice President-Internals ang pagiging handa sa lahat ng oras. “Huwag ka laging ma-stress under pressure. Kahit marami nang kaguluhan ang nangyayari, hindi mo kailangang maging galit or maging aggressive when handling it (the situation).” pagtatapos ni Francisco.

Cabe AQUINO Cha Francisco, USG Vice President for Internal Affairs Para kay Francisco, maipagmamalaki niyang pinakamalaking kontribusyon ng kanyang opisina para sa mga Lasalyano ang SHB revision. Aniya, “[We are] really fighting for the students, doon ko na-feel ‘yung student representation. [There you will learn that] the admin[istration] [and] the faculty, really listen to their students. They hear our opinions.” Naging isa sa pinakamalaking pagbabago sa hanay ng mga pinuno ang pagpapalit ng isa sa pinakamataas na opisyal sa kalagitnaan ng taon. Kasunod ng pagbibitiw ni Nicole Gaba bilang Vice President for Internal Affairs ang paghalili ni Francisco sa nabakanteng posisyon. Ayon kay Francisco, ipinagpatuloy niya ang platapormang ibinoto ng mga mag-aaral noong iniluklok nila sa posisyon si Gaba. Isang mensahe naman ang nais iparating ni Francisco para sa susunod

Leanne Castillo, USG Vice President for External Affairs Hindi maikakailang mula sa pagiging tutok sa pag-aaral, nahirapan si Castillo sa transisyong nangyari sa kanya sa taon ng kanyang panunungkulan. Mula nang maluklok sa pwesto, malaking bilang ng gawain ang nadagdag sa kanya. Sa kabila nito, nakayanan pa rin ni Castillo na balansehin ang kanyang panahon. “After a while, you[will] get used to it naman. You try to work hard to fulfill everything you said noong GE kasi iisipin mo [na] binoto ka [ng mga mag-aaral], tapos hindi mo [naman] magagawa ‘yung mga sinabi mo [noong kampanya].” Ikinalulungkot naman ni Castillo ang kakulangan ng pagpapahalagang ibinibigay ng mga mag-aaral sa mga proyektong inihahain ng kanyang opisina. Aniya, “I wish I could inspire and touch more lives through my projects. I don’t know where I went wrong pero I wish more people could attend and went to those projects [of ours]. ” Gayunpaman, taas-noong ipinagmamalaki ni Castillo na nabigyan

Cha FRANCISCO niya ng boses ang mga Lasalyano sa mga isyu sa labas ng Pamantasan sa pamamagitan ng pagkatawan niya sa DLSU sa mga ito. Payo ni Castillo sa papalit sa kanyang posisyon, “First two would be resourcefulness and ambition. There are so many opportunities that actually try to tap DLSU. That’s why you need the ambition to actually make something out of it.” Idinagdag din niyang ang pagkakaroon ng mahabang pasensya sa trabaho ang isa sa dapat na taglaying katangian ng papalit sa kanya. Aniya, “[You need patience because] you deal with so many people. Siyempre, they have different personalities [as well].” Panghuli, dapat din aniyang maging malikhain sa pagpapalaganap ng mga adbokasiya ang papalit sa kanya upang maging mas interesante ang mga ito sa mga Lasalyano.

Channel (CCC). Dito, direktang nakapagpapadala ng mensahe ang USG at iba pang matataas na opisina sa mga mag-aaral ng Pamantasan. Aniya, “It was really the platform I was fighting for when I was running. I really researched on a very efficient system that is not really costful.” Ngayong nalalapit na ang eleksyon para sa susunod na hanay ng mga pinuno, ibinahagi ni Noblezada ang kanyang mga pinagdaanan bilang kalihim at mga gabay sa sinumang susunod sa kanyang mga yapak. Ayon kay Noblezada, bukod sa panloob na responsibilidad ng kanyang opisina, sinaliksik din nila ang iba pang lugar tungo sa pag-unlad. Dagdag pa niya,“I didn’t just limit myself to the Internals Administrative task. Hindi lang nakilala ang OSEC from being [an] Internals [office] but it also explored different opportunities.” Bukod pa sa nabanggit, nagpadala rin ng mensahe si Noblezada sa susunod na kalihim ng USG. “You should be understanding in three aspects. If it’s about your

Janine Noblezada, USG Executive Secretary Isa sa mga maipagmamalaking pagbabagong nagawa ni Noblezada sa taong ito ang Centralized Communication

Leanne CASTILLO

Janine NOBLEZADA direct officers, if it’s about other Lasallian students, if it’s about different DLSU offices, you should be understanding. You should hear out the different concerns, but you should be firm with your decisions,” kanyang pagtatapos. Djon Nacario, USG Executive Treasurer Sinong mag-aakalang walang karanasan si Nacario sa mundo ng accounting na maituturing na isa sa mga sinasabing mahalagang kaalaman sa pag-iingat ng pondo ng USG? Isang mag-aaral ng College of Engineering at dating Legislative Assembly Representative, hinarap ni Nacario ang hirap dahil sa malaking agwat ng kanyang dati at kasalukuyang posisyon sa USG. Aniya, “What helped [me] is ‘yung humingi talaga ako ng advice dun sa incumbent before me. Inalam ko lahat [ng gagawin].” Matapos nito, dumaan naman siya sa matinding pagsasanay at pag-aaral ng kanyang trabaho para magawa ito nang maayos. Ipinagmalaki rin ni Nacario na nakatulong sa kanyang maayos na trabaho ang

Executive Committee na kinabibilangan niya. “Although, we came from different parties, we came to appreciate and to understand ‘yung differences namin. We [were] willing to accept diversity, which was actually good.” Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino, hiling ni Nacario na matupad ng papalit sa kanya ang kanyang pangunahing layunin — ang edukasyon para sa mas nakararami. Kanya namang payo, “Always have the dedication, kasi ‘yun talaga ‘yung important once you are in the position. You always try to do lahat ng kaya mong gawin para ma-accomplish [ang] mga responsibilities mo.” Sa kabila ng mga naging pagkakaiba sa simula ng bawat nahalal na opisyal ng USG sa simula, naisantabi nila ang mga pagkakaibang ito para maging mas maayos ang kanilang trabaho. Naisantabi rin nila ito upang matupad ang kanilang layunin – ang makapaglingkod at makapagbigay ng mga dekalidad at dimatatawarang proyekto para sa mga Lasalyano.

Djon NACARIO

Ang Pahayagang Plaridel

9


MITING DE AVANCE Mga kuha nina Maila Arcebal, Jocelyn Dianne Herrera,Harlene Marie Ilagan, at Justin Ryan Siy

10

PROPAGANDA

Ang Pahayagang Plaridel

11


Ideolohiyang pinaniniwalaan, napapanahon pa nga ba’t sadyang

kinakailangan?

Adrian Joseph Garcia at Alyssa Jem Delos Reyes Dibuho ni Justine Relativo at mga kuha ni Justin Ryan Siy May kaukulang rason sa likod ng pagkakabuo ng bawat proyekto at platapormang pinangungunahan ng isang partido, mapa-politikal man ito o hindi. Ito ang ideolohiyang bunga ng mayamang kultura at kasaysayan na patuloy na nanalaytay sa mga puso at isipan ng bawat miyembro nito. Hindi sapat na kilalanin ang isang partido dahil lamang sa kulay nito, sa mga taong bumubuo rito, at higit sa lahat sa mga kilalang taong nagpahayag ng suporta rito. Bagkus, kinakailangan din itong suriin sa pamamagitan ng lipon ng mga bagay na pinaniniwalaan nito. Bukod pa rito, mahalaga ring alamin kung angkop pa ang mga ito sa kasalalukuyang estado ng Pamantasang De La Salle at ng lipunan. Higit sa lahat, kinakailangang suriin kung ito nga ba ang mga paniniwalang makapagbibigay ng mga serbisyong kinakailangan ng mga mag-aaral na kanilang pinaglilingkuran. Ideolohiyang pampolitikal: Kalikasan at kahulugan Pinakakahulugan ng mga dalubhasa sa agham pampolitika ang ideolohiya bilang isang malawak na sistema ng paniniwala, paraan ng pag-iisip at sarisaring kategoryang nagsisilbing pundasyon sa pagkakabuo ng mga solusyong pampolitikal at pambayan. Nabubuo ito sa pamamagitan ng iba’t ibang sistema ng paniniwala,

12

PROPAGANDA

pananaw, karunungan, relihiyon, paghubog ng institusyon, at higit sa lahat, ng mga batas o polisiya. Sa kabilang banda, mas partikular naman ang binibigyang-pansin ng ideolohiyang pampolitikal. Kasama rito ang mga paliwanag ng pagbalanse ng kapangyarihan, modelo ng ideyal na lipunan, at ang

mga paraan sa pagsasagawa ng mga pagbabago sa politika (sistema at kalikasan) ng isang lipunan. Tunggalian ng dalawang magkasalungat na paninindigan Tila dalawang manok na nagsasabong ang Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) tuwing panahon ng eleksyon sa Pamantasan. Bunga ang matinding kumpetisyong ito ng mariing salungatan ng mga

ideolohiyang taglay ng mga partidong ito. Ayon kay Roby Camagong, Pangulo ng Tapat, apat na prinsipyo ang bumubuo sa ideolohiya ng kanilang partido. Una, naniniwala silang likas na mabubuti ang lahat ng tao. Ikalawa, radikal dapat ang pagbabago ng sistema. Ikatlo, naniniwala silang nararapat ang mga istruktural o sistematikong reporma. Panghuli, batid nilang hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mga problema ngunit maaari pa rin namang maisaayos ang mga ito. Sinasalamin ng apat na prinsipyo ng Tapat ang progresibong ideolohiyang pinaniniwalaan nito (left of center batay sa political compass). Mula rito, mahihinuha rin ang makakaliwang pagiisip (leftist) ng mga taong bumubuo rito. Bunsod nito, naniniwala ang partido na lagi itong nasa panig ng sa tingin nitong agrabyadong partido pagdating sa mga isyung pam-Pamantasan at panlipunan. “Bakit kami for Reproductive Health Bill? Kasi naniniwala kami na powerless ‘yung mga women ngayon, that they need to have a choice [and] that they need to be empowered. Sa mga DO cases – major offense ng mga estudyante, sinong powerless dun? So ang kinakampihan namin ang mga estudyante,” pagpapaliwanag ni Camagong. “Empowered Lasallians, Progressive Citizenry,” naman ang pananaw ng Santugon bilang isang partido, ayon

sa Pangulo nitong si Mic Gutierrez. Naniniwala ang partido sa microcosm-to-macrocosm approach, kaya, kinakailangan munang pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral bago ipabatid sa kanila ang mas malalaking problema ng lipunan. “We focus on addressing the students’ needs first before we go into solving the issues in society,” ani Gutierrez. Masasabi namang nasa right of center ng political compass o konserbatibo ang Santugon. Ani Gutierrez, “We are more towards gradual, incremental change.” Naniniwala rin ang partido sa kahalagahan ng pagkakaroon ng palagiang konsultasyon sa mga magaaral upang alamin ang mga pangagangailangan ng mga ito – dahilan ng pagpapatupad ng partido ng mga ‘student-centered’ na mga programa at gawain. “Kunyari, sa isang normal na estudyante tatanungin namin may paki[alam] ka ba sa RH Bill and they gonna

tell us ‘Honestly, I don’t know what’s happening. I don’t know what’s happening in the Corona trial.’ and we’re like ‘Bakit wala kang paki[alam]?’ and they tell us ‘Kasi busy ako sa acads ko e. Kasi ‘di matino ‘yung schedule ko so paano ako makakapakinig ng news e ‘yung pag-aaral ko pa nga lang e ‘di ko na maasikaso,” halimbawa niya. Paniniwala nila, kailangan ko nga ba? Sa kabila ng dalawang magkaibang panig, parehong naniniwala ang Santugon at Tapat na nananatiling akma ang mga ideolohiyang kanilang pinanghahawakan hanggang sa kasalukuyan. Bukod pa rito, naniniwala rin ang dalawang partido na naibibigay ng kani-kanilang mga ideolohiya ang mga bagay na kinakailangan ng mga Lasalyano. Batid ni Camagong na napapanahon ang kanilang ideolohiya hanggang sa kasalukuyan dahil sa mga pangyayaring hindi nagbibigay ng patas na karapatan para sa lahat. “Our vision is a just and free

society. We’re not free unless everyone lets us free,” ani Camagong. Kaugnay nito, sinabi ni Camagong na mahalaga ang hinaing ng mga taong kanilang nasasakupan, at maisasakatuparan nila ang kanilang ideolohiya sa pamamagitan ng pagtatanong. Aniya, malayo ang pwedeng marating ng simpleng pagtatanong sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problema. “We have to realize it on our own because we believe that true empowerment comes from within,” pagbabahagi ni Camagong. Naniniwala naman si Gutierrez na natural na nagbabago ang komposisyon ng mga magaaral ng Pamantasan kung kaya nanatili itong angkop hanggang sa kasalukuyan. Palagay rin ni Gutierrez na nararamdaman ng mga mag-aaral na nakaranas ng serbisyong hatid ng mga pinunong mula sa Santugon ang pagtugon nito sa kanilang mga pangagangailangan. Mula rito, ani Gutierrez, “Naniniwala [kaming] naguumpisa ring maka-realize ang [mga mag-aaral] ng need to branch out and to

share themselves to the community.” Kaninong ideolohiya ang mananaig? Matibay na pinaninidigan ng Santugon at Tapat ang mga paniniwalang kanilang isinasabuhay na nag-ugat pa sa mayamang kasaysayan, karanasan, at kultura ng kani-kanilang partido. May malakas na argumento at matalas na nosyon ang dalawang panig sa mga bagay na sa tingin nilang nararapat na itugon sa problemang kinakaharap ng Pamantasan at ng lipunan. Magkaiba at magkasalungat man ang pagsasagawa nila ng mga ito, pihadong ang kabutihan ng bawat isang Lasalyano ang paroroonan ng mga ito. Sa huli, nasa kamay na lamang ng mga mag-aaral na Lasalyano kung kanino nila ipagkakatiwala ito. Pagkatapos ng lahat, nakasalalay sa bawat mag-aaral kung saan nila nais dalhin ang kanilang mga sarili, institusyong pinanggalingan, at lipunang kinabibilangan.

Ang Pahayagang Plaridel

13


Basehan sa pagboto, sumasalamin sa politikang Lasalyano Ma. Rollen Joy Ancheta at Veronica Balbin Mga kuha nina Jocelyn Dianne Herrera, Justin Ryan Siy, at Angelica Sulit Hindi maitatangging isa sa mga pinakamahalagang desisyon na kailangang gawin ng isang Lasalyano ang paghalal ng karapatdapat na pinuno tuwing eleksyon. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pinunong mag-aaral sa paghugis ng mga bagay na makaaapekto sa pamayanang Lasalyano sa loob ng isang akademikong taon. Gayunpaman, dahil sa kabi-kabilang pangangampanya ng mga kandidato, hindi maikakailang mahirap kilatisin kung sino nga ba ang mga karapatdapat na umupo sa pwesto. May kanya-kanyang pamantayan ang mga mag-aaral sa pagkilatis ng mga kandidato tuwing eleksyon. Kapag dating sa pagboto, walang tama o maling pamantayan, kanya-kanyang opinyon lang ‘yan. Sa kabila ng lahat ng ito, ano nga ba ang pamantayan ng mga Lasalyano sa pagboto ng isang pinuno?

Botanteng Lasalyano, paano ka bumoto? Nagsagawa ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) ng isang sarbey upang malaman kung ano ang iba’t-ibang basehan ng mga Lasalyano sa pagpili ng mga kandidatong iboboto. Para sa nasabing pananaliksik, mayroong 328 na Lasalyano na mula sa iba’t ibang kolehiyo sa Pamantasan ang sumagot sa nasabing sarbey. Ayon sa nakalap na impormasyon, 87 porsyento ang nagsabing plataporma ang pangunahing batayan ng mga Lasalyano sa pagboto ng napupusuan nilang kandidato. Sinundan naman ito ng katalinuhan o kagalingan sa pag-aaral na pinili ng 67% ng mga mag-aaral ng sumagot ng nasabing sarbey. Nasa huling pwesto naman bilang basehan ng pagboto ng mga Lasalyano ang kasikatan o popularidad ng isang kandidato Sa panayam ng APP kay Antonio Contreras, Pakultad ng Political Science Department ng Pamantasan, inamin niyang isang magandang senyales ang

14

naging resulta ng sarbey. Ayon sa kanya, tama lang na hindi basehan ang pagkakaibigan o ang hitsura ng isang kandidato upang iboto ng isang mag-aaral. Dagdag pa niya, “[Ang basehan dapat ay kung] ano ba ‘yong ipaglalaban niya, ano ‘yung kanyang gagawin, at ano ‘yung nagawa na niya. Ganoon naman talaga [dapat] ang public office.” Sumang-ayon naman si Kenneth Sy, Chairperson ng Commission on Elections (COMELEC), na tama lamang na plataporma ang maging basehan ng mga Lasalyano sa pagpili ng ibobotong kandidato. Gayunpaman naniniwala siyang hindi pa rin maiiwasan ng iilan na gawing basehan ang hitsura o ang ‘dating’ ng isang kandidato lalo na sa pangangampanya. Aniya, “Siguro tingnan din dapat nila (mga Lasalyano) talaga ‘yung kung ano talaga ‘yung heart o desire niya (kandidato) and willingness to serve the student body.” Naniniwala si Sy na may kagandahan

din naman ang pagpili sa iba pang mga kategoryang maaaring pagbasehan ng pagboto ng mga Lasalyano. Isang halimbawa nito ang katalinuhan at karanasan sa mga organisasyon o credentials. Gayunpaman, maituturing lamang ang mga ito na pandagdag-puntos sa mga kandidato. Para sa katalinuhan, paliwanag ni Sy, “Maganda naman siya in a sense na mataas ‘yung grades nung students, pero hindi din naman nasusukat doon kung kaya niyang [maging isang lider].” Para naman sa credentials, hindi masusukat ng mga nagawa ng isang tao sa kanyang nakaraan kung ano ang magagawa pa niya sa hinaharap, dagdag ni Sy. Bagama’t magandang senyales na nangunguna ang plataporma at katalinuhan sa tinitignan sa mga kandidato, ipinaliwanag naman ni Contreras ang posibleng dahilan ng ilan sa pagpili ng iba pang kategorya bilang basehan sa pagboto. Halimbawa, may mga mag-aaral na ginagawang basehan ang partido

ng isang kandidato sa pagboto. Paliwanag ni Contreras, “In a partisan competition, importante [ang pagboto base sa partido ng kandidato]. Makikita [nating] nagtututulungan [ang mga] ‘yan (mga miyembro ng partido). May mga taong [nananatiling] follower pa rin kahit mali ang kanilang partido.” Isa sa mga dahilan kung bakit nagiging basehan ng mga mag-aaral ang pagkakaibigan sa pagboto dahil na rin sa kaugalian ng mga Pilipino na tapat sa kanilang mga kaibigan. Daan tungo sa matalinong pagboto Ayon kay Sy, isang magandang gawain ang pagpunta ng mga mag-aaral sa mga aktibidad na inoorganisa ng

COMELEC tulad ng debate at miting de avance. Sa mga aktibidad na ito mas nakikilala ng mga Lasalyano ang mga kandidato pati na ang kanilang mga plataporma. Dagdag pa niya, “Ang mga COMELEC-sponsored activities, it’s not [really] for the political party, kundi para sa students talaga.” Para naman sa matalinong pagboto, payo ni Contreras, “Tingnan [mo] kung anong gusto mong mangyari talaga sa [iyo bilang] mag-aaral. Maging conscious ka muna sa kung ano [ang] mga issues na importante sa’yo bilang botante, at sino doon sa mga kandidato ang makakatulong sa’yo. ” Sa kasalukuyang pagharap ng mga

botanteng Lasalyano sa hamon ng eleksyon, tandaang napakalaking hakbang ang pagluluklok ng pinuno para sa bawat akademikong taon ng Pamantasan. May kanya-kanyang pamantayan ang bawat mag-aaral sa pagkilatis at pagsuri sa personalidad at plataporma ng mga kandidato. Bilang mga edukadong tao, nasa balikat na mismo ng mga Lasalyano kung anong kahahantungan ng bawat akademikong taon para sa mga magaaral at para sa Pamantasan. Anuman ang maging resulta ng eleksyon, malaki maidudulot nito, bentahe man o kalugian, sa buhay ng bawat Lasalyano.

Kasarian: Lalaki = 110 Kolehiyo: CCS = 19 CED = 4 CLA = 143 COS = 57 GCOE = 23 RVR COB = 58 SOE = 24

Babae = 218 ID Number: 105 = 2 106 = 1 107 = 5 108 = 19 109 = 78 110 = 119 111 = 104

Katalinuhan

Opinyon ng mga kaibigan

Kasikatan

Kakilala/Kaibigan

Mga Parangal/ Credentials

Kagandahan/ Kagwapuhan

Communication Skills

Partido-Politikal

Plataporma

Kapareho ng Kolehiyo/Kurso

Iba pa Infographics nina Justin Kenneth Carandang at Jenirose Lozano

PROPAGANDA

Ang Pahayagang Plaridel

15


Prinsipyo ng mga kandidato, Imahen ng mga Partido Joselle Mariano, Henri Frederic Reforeal, at Princess Nolaine Alipio Mga kuha ni Jocelyn Dianne Herrera

Punan ang Patlang 1. Ang Dress Code Policy ay .... TAPAT: Ang Dress Code Policy ay [dapat ipatanggal]. SANTUGON: Ang Dress Code Policy ay [dapat ipaalam sa mga mag-aaral kung ano talaga ang mga nakasulat dito, at dapat mas isaayos implementasyon]. 2. Dapat .... ang Attendance Policy. TAPAT: [Dapat ipatanggal] ang Attendance Policy. SANTUGON: Dapat [i-retain] ang Attendance Policy

Kung gaano katindi ang pagkakasalungat ng mga kulay na asul at kahel, ganito rin katindi ang tunggalian ng mga ideolohiyang pinanghahawakan ng Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) at ng Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat). Ngayong panahon ng eleksyon, kilalanin natin ang mga partido-politikal base sa mga isyung nakakaapekto sa pamayanang Lasalyano at lipunan. Magkasalungat na paniniwala Hati ang Santugon at Tapat sa isyu ng implementasyon ng Dress Code Policy. Ayon kay Djon Nacario, standard bearer ng Santugon, walang problema ang naturang polisiya. Aniya, nagkakaroon lamang ng ‘di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mag-aaral at administrasyon dahil sa impementasyon ng polisiya. Aniya, maaaring iba-iba ang pananaw ng bawat Student Discipline and Formation Office (SDFO) Paragon sa kung ano-anong mga kasuotan ng mga Lasalyano ang umaaangkop sa polisiya. Sa kabila nito, kanyang iginiit na kinakailangan lamang umanong maipaalam ng mabuti ang naturang polisiya sa mga mag-aaral upang maiwasan ang mga kaso ng paglabag dito. Giit naman ni Jana Cabuhat, standard bearer ng Tapat, dapat nang ipatanggal ang naturang polisiya. Aniya, mariing pinaninindigan ng Tapat

16

PROPAGANDA

na labag sa freedom of expression ng mga mag-aaral ang Dress Code Policy. “Naniniwala kami sa freedom of expression and mature na naman ang mga Lasallian,” giit ni Cabuhat. Aniya, kung itinuturing ng Administrasyon bilang mga edukadong indibidwal ang mga Lasalyano, walang rason para magpatupad pa ng isang Dress Code Policy. Iginiit din niyang hindi makatarungan ang sistemang No Compliance, No Entry dahil natatapakan na ng sistemang ito ang academic freedom na taglay ng bawat Lasalyano. “Kung pwede namang i-educate nang maayos ang mga mag-aaral, mas magiging maayos ang Dress Code Policy,” dagdag pa niya. Nagkakaisang sagot para sa panlipunang pagbabago Hinggil sa isyu ng pagtugis ng kasalukuyang administrasyon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, parehas ang naging pananaw ng dalawang partido. Anila, esensyal ang pagtugis ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III dahil malinaw namang nagkaroon ng pagkakamali si Arroyo. Para kay Nacario, responsibilidad ng pamahalaang mapanatili ang tiwala ng taumbayang pinagsisilbihan nito. Dagdag pa niya, hindi maibibigay nang lubusan ng pamahalaan ang serbisyong nararapat sa taumbayan

kung hindi mapapanagot ang mga tiwaling opisyal nito. Ayon naman kay Cabuhat, “Pinapatunayan nitong (pagtugis ng administrasyon ni Aquino kay Arroyo) walang taong above the law.” Gayunpaman, naniniwala pa rin siyang hindi lamang ito ang tanging isyung dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan. Kasabay ng mabilis na pag-usbong ng Internet, naging talamak din ang online piracy. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit binuo ng iba’t ibang bansa ang Anti-Counterfeiting Trade Agreement (ACTA). Hinggil sa isyu ng online piracy, iginiit ni Nacario na masyadong napakalaki ng saklaw ng kasunduang ito kung kaya’t kinakailangan muna nitong sumailalim sa rebisyon. Aniya, mas masisiguro ang pagsunod ng iba’t ibang bansa sa kasunduang ito kung mas magiging konkreto ang mga probisyong nakapaloob dito. Tulad ni Nacario, hindi rin sangayon si Cabuhat sa implementasyon ng naturang kasunduan dahil labag ito sa karapatan ng mga tao sa impormasyon. “Para sa amin, ‘yung online piracy, napakahirap [nitong] i-define,” pahayag ni Cabuhat. Aniya, laganap ang “sharing” sa iba’t ibang social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, at Youtube kung kaya’t nasasabing isa itong online piracy.

3. .... ang kalidad ng edukasyon sa Pamantasang De La Salle dahil.... TAPAT: [Bumababa] ang kalidad ng edukasyon sa Pamantasan dahil [sa kultura natin dito]. SANTUGON: [Maganda] ang kalidad ng edukasyon sa Pamantasang De La Salle dahil [we develop students na ‘di lang competitive with regard to their taken course, but at the same time ide-develop din natin ‘yung values nila as Lasallians]. 4. ... ang Administrasyon ng Pamantasang De La Salle dahil... TAPAT: [Nami-misunderstood] ang administrasyon ng Pamantasang De La Salle dahil [hindi sila transparent sa mga pagbabagong ginagawa nila sa Pamantasan]. SANTUGON: [Maayos] ang Administrasyon ng Pamantasang De La Salle dahil [they give equal opporutnies sa iba’t ibang sektor na maipahayag ang kani-kanilang saloobin]. 5. Dadalhin namin ang mga Lasalyano sa.... TAPAT: Dadalhin namin ang mga Lasalyano sa [daan tungo sa just and free society]. SANTUGON: Dadalhin namin ang mga Lasalyano sa [progressive Lasallian empowerment]. 6. Ang mga naninigarilyo ay .... dahil ... TAPAT: Ang mga ninigarilyo ay [naninigarilyo] dahil [may karapatan silang gawin ‘yon].

SANTUGON: Ang mga naninigarilyo ay [dapat makita kung bakit kailangan nilang tumigil] dahil [masama ito sa kanilang kalusugan]. 7. .... ang University Student Government TAPAT: [Isang sistema] and USG. SANTUGON: Kapag [Derecho] ang USG [magkakaasa ang student body. All of its actions will be for the students]. 8. Dapat .... ang mga inuman sa paligid ng Pamantasan dahil.... TAPAT: Dapat [bukas] ang mga inuman sa palibot ng Pamantasan dahil [naniniwala kaming mature individuals ang mga Lasalyano, at kaya nilang tyumempo ng tama o maling pagkakataon para uminom]. SANTUGON: Dapat ang mga inuman sa paligid ng Pamantasan ay [pagbutihan ang pagbabantay kasi hindi pwedeng ipasara, its beyond the responsibility of the University kasi under siya sa municipality ng Manila. In behalf of the University, dapat bantayan ang mga ito para maprotektahan natin ang mga students.] 9. .... si Pangulong Aquino dahil.... TAPAT: [Na kay Pangulong Aquino pa rin ang mandato ng mga tao kahit anong sabihin ng mga oposisyon.] dahil [sinsuportahan pa rin siya ng mga Pilipino.] SANTUGON: [Dapat mas bantayan ang mga ginagawa ni] Pangulong Aquino dahil [para makita natin kung ginagawa ba talaga niya ‘yung mga ipinangako niya]. 10. .... ang mga Lasalyano TAPAT: [Biktima lamang ng sistema sa loob ng Pamantasan] ang mga Lasalyano [kaya inaakala ng mga tao na we are below our potential.] SANTUGON: [Talentado] ang mga Lasalyano.

Konsultasyon o Agarang Pagbabago? Tapat: Agarang Pagbabago Santugon: Konsultasyon

Ideyalismo o pagkapraktikal? Tapat: Ideyalismo Santugon: Ideyalismo

Indibidwalismo o Kolektibismo? Tapat: Indibidwalismo Santugon: Kolektibismo

Dapat ibalik muli ang Capital Punishment. Tapat: Hindi Santugon: Hindi

Agrikultura o Indastriyalismo: Tapat: Pareho (kailangan sila pareho para umunlad) Santugon: Agrikultura

Dapat gawing legal ang Aborsyon. Tapat: Oo Santugon: Hindi

Oo o Hindi, dapat ipatupad ang K-12. Tapat: Oo Santugon: Oo, kung handa na tayo, pero kung hindi, hindi.

Dapat gawing legal ang Diborsyo. Tapat: Oo Santugon: Hindi

Ang Pahayagang Plaridel

17


IsangTanong IsangSagot

Pagkilala sa mga kandidato para sa College Presidents ng USG General Elections

kinalap nina Gerard Contreras, Aaron Quidilla, at Hazel Venida Mga kuha nina Angelica Kristina Peñas, Justin Ryan Siy, at Angelica Sulit Paano makatutulong ang iyong opisina para mahimok ang mga Lasalyano na tumulong sa mga manggagawang biktima ng maling pamamalakad ng mga kumpanya? LAY: Isa po ito sa plataporma namin sa pagtulak ng pagpalit ng sistema sa isang service-learning curriculum. Sa pamamagitan ng college council, ipapaalam sa kanila ang mga tamang pamamalakad ng isang kumpanya. ARTADI: With the sense of corporate social responsibility, we want to develop that in them para one day, when they go out of the university and they become heads of their companies, or once they start their own businesses, alam nila na hindi lang sila profit generators. Ano sa tingin mo ang mga kahinaan ng teknolohiyang mayroon ang DLSU sa kasalukuyan? Paano makakatulong ang iyong opisina upang masolusyunan ito? DE JESUS: Our university provides us with sufficient technology. But the problem is, we’re not able to maximize it to its full potential. Computer Studies Government under me will do is to make sure that the students will be rightfully inform, and that we are fully maximizing our skills and potentials for the greater purpose, which is to help in nation building. LUZURIAGA: In CCS, there are a lot of technologies already developed and technologies that are still developing. Students just need to be more exposed to these technologies. I plan to expose us through tours, booths, and research centers to be able to improve and enhance their knowledge and skills with regards to the different technologies right now. Sa iyong opinyon, bumababa ba ang kalidad ng edukasyon sa DLSU? Kung oo, ano ang naiisip mong dahilan nito at paano ito masosolusyunan? Kung hindi, ano sa tingin mo ang mga problemang dapat solusyunan ng DLSU para mas tumaas pa ang kalidad ng edukasyong ibinibigay nito? DUMAUAL: Bumababa na talaga ‘yung kalidad ng edukasyon natin kasi hindi naman natin nagagamit nang lubusan ‘yung edukasyon natin na transformative learning tayo. In the experience of College of Education kasi, we lack the opportunities to really just go outside, help, and educate people. LIZADA: Hindi siya bumaba for the reason that, let me be college specific lang, in the college of education, we have a very high percentage in board passing in Licensure Examination for Teachers. With that, I think the problem that La Salle should look into is that we should not be contented with what we have right now.

18

PROPAGANDA

Ano ang opinyon mo sa hindi magandang performance ng College Of Engineering (COE) sa mga nakaraang board exams? Kaugnay nito, ano rin ang opinyon mo sa panukalang gawing 70% ang passing grade sa mga subject sa COE at sa panukalang babaan ang accumulated failures ng isang mag-aaral bago ma-kick-out? ADRIANO: It’s not the fault of the student if we’re having a lower rate of passing in the board exams. There are a lot of factors and that includes the faculty hiring. I believe that, ‘yung mga faculty natin in COE, lack expertise of teaching. LIU: To help solve this problem (hindi magandang performance ng COE sa mga board exam) is to intensify student faculty hiring. I don’t doubt that the administration hires very credible professors. They (professors) are very smart, pero kasi minsan, hindi nako-comprehend ng mga students ‘yung mga tinuro sa classroom. [Also,] more improved lab facilities. Ano ang iyong mga konkretong plano upang mahimok ang mga Lasalyano na gamitin ang kanilang mga pinag-aralan para maging instrumento ng pagbabago sa bansa? ANDRES: Ang una kong gagawin is that I will push for service-learning curriculum kasi activities can only do so much. Pero the power of education talaga, when it is instilled in the students, iba ‘yung magagawa niya. NEJAL: I would want to establish a central committee kung saan magkakaroon ng continuous connection between College of Liberal Arts (CLA) professional organizations. Magkakaroon ng continuous connection between professional organizatons ng CLA with other universities. Ano-ano ang dapat gawin ng DLSU upang maging mas makakalikasan pa ito? Ano ang inyong papel na gagampan upang maiparating ito sa mga mag-aaral? ZAMORA: I-acknowledge ‘yung mga nangyayari sa labas ng university natin. Kailangan namin makipag-collaborate sa ating lokal na gobyerno upang malaman natin sa kung ano talaga ‘yung kailangan natin[g] paunlarin dito sa Pilipinas. YEUNG: Making DLSU a greener campus doesn’t involve the administration but also consists of student involvement. However, it just doesn’t stop there. I think my job is to each student feel and realize that we all want the same thing, and that is to make La Salle a conducive area for learning. Ano sa tingin mo ang dapat bigyang pansin ng DLSU para makatulong ito sa ekonomiya ng bansa? Paano ninyo mahihimok ang mga estudyante na gawin ang mga ito upang makatulong sa ekonomiya ng bansa? ASTORGA: The DLSU School of Economics (SOE) should give focus on giving ourselves an identity of academic excellence furthered by a culture of contribution. When that happens, it is inevitable that we give back. PEREZ: DLSU has been making the proper initiative already because it is trying to market itself as a center of research. As for the students, SOE [is] already an excellent training ground for people who want to enter the field of economics. What’s important for our students is that we find ways to apply what we learned.

Ang Pahayagang Plaridel

19


Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan. Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.