BAHAGHARI TOMO 8 BLG 1

Page 1

Bahaghari

Tamis at Pait ng Isang Tasang Kape Tuwing umaga, halimuyak na dulot ng isang tasang kape ang sumasalubong bago pumasok at magbanat ng buto. Pinaghalong tamis at init ang bumabati sa mga katawan habang hinahayaang ipahinga ang mga sarili sa pagod... LATHALAIN | 10

Kapeling sa Tuwina

Ang iskong may deadlines na papalapit, sa kape at pagpupuyat kumakapit. Habang humihilik ang pamilya, ito si isko nakaupo na silya, magdamag na nakatitig sa kaniyang laptop. At bago pa man matalo ng antok at magkandaugaga pagkagising... AGTEK | 16

GG: Guro na, Gamer pa

Higit sa kadalubhasaan at pagiging istrikto ng mga guro mula sa Pisay-Gitnang Luzon sa pagtuturo, masasabing may nakatago ring kalupitan ang ilan sa paglalaro ng sikat na multiplayer online battle arena game na MLBB... ISPORTS | 19

Dibuho ni Ysabella Maria Calvario


02

BALITA

MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1

Bahag

balita

PAGKAKAWANGGAWA. Maingat na gumagawa si Sir Joseph Soriano ng mga 3d-printed face shields na ipamimigay sa mga frontliner. (Halaw sa DOSTAurora)

#PisAyuda: Siyensiya Para sa Bayan

Pisay-Gitnang Luzon, nag-ambagan para sa mga biktima ng sakuna SERBISYO SA BAYAN

GWEN RENEE NAVARRO & JANINE GUMELA

Upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses, inilunsad ng Pisay-Gitnang Luzon, sa pamumuno ng Outreach Committee at sa tulong ng Sangguniang Mag-aaral (SM), ang “PisAyuda for Typhoon Rolly and Ulysses Victims” nitong Disyembre 21. Upang mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses, inilunsad ng PisayGitnang Luzon, sa pamumuno ng Outreach Committee at sa tulong ng Sangguniang Mag-aaral (SM), ang “PisAyuda for Typhoon Rolly and Ulysses Victims” nitong Disyembre 21. Sa pangunguna ni Rex Forteza, puno ng Outreach Committee ng paaralan, nanghingi ng tulong mula sa komunidad para makaipon ng pera at ibang pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo noong Nobyembre. “Ang Outreach Committee ng

ating campus ay binuo upang maglunsad at mangasiwa ng mga gawain at proyektong naglalayong matulungan at maihatid ang mga serbisyo at kakayahan ng paaralan sa labas ng PSHS-CLC Community. Ito ay taon-taong binubuo ng administrasyon at kinabibilangan ng grupo ng guro at kawani ng paaralan,” sambit ni Forteza nang matanong ukol sa mga donasyon. Sa loob ng walong araw, nakalikom ang programa ng 40,000 piso at 26 kahon ng mga donasyon na siyang ipinamahagi sa Pisay-Bicol Region Campus

Handog sa Araw ng Pasko Virtual benefit concert, isinagawa ng Batch Eunoia SERBISYO SA BAYAN

(BRC) at Cagayan Valley Campus (CVC) upang magamit bilang pang-ayuda sa kanilang mga isinasagawang relief operations sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar. Labis ang pasasalamat ng Outreach Committee sa buong komunidad ng Pisay-Gitnang Luzon dahil sa walang-sawang suporta ng mga ito, aniya, “Nais pong ipaabot ng komite ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga mag-aaral, magulang, at kawani na nagpaabot ng kanikanilang tulong.”

Para naman kay SM President Joannah Palado, naging daan ang donation drive upang magkaisa sa pagpapaabot ng tulong ang buong school community para sa mga kababayan nating nasalanta at sa pamamagitan ng donation drives. Para kina Forteza at Palado, pinatunayan ng mga iskolar na nagsisilbi silang inspirasyon sa kahandaang tumindig sa mga oras ng kagipitan ng ating bansa at napapaalalahanan ang bawat isa kung para kanino nag-aaral ang mga iskolar — para sa masa at para

Podcats, naghatid ng mga payo para sa katandaan SERBISYO SA BAYAN

FIDEL MARIANO JR

Tumayong gabay ng kabataan para sa pagtanda ang “Podcats: Crash Course in Modern Adulting”, isang podcast na inorganisa ng ilang iskolar ng Eunoia 2021. Sa anim na episode na inilabas sa unang buwan ng taon, tinalakay ng mga panauhing nakatatandang eksperto ang mga paksa mula sa mga suhestiyon gaya ng buhay sa kolehiyo, pagpili ng tamang propesyon, at pagbuo ng healthy relationship sa pamilya’t kaibigan.

APRIL RODAJE

Let Leni Lead AWIT NG EUNOIA. Niregaluhan ng pangkat Eunoia ng mga kanta ang kanilang mga manonood sa Facebook nitong pasko. (Halaw sa Eunoia Facebook Page)

Bilang pagpapatunay na pagbibigayan ang siyang diwa ng Pasko, nagbigay-ligaya ang Sayarani Dance Troupe at Iskorale Eunoia mula sa Pangkat Eunoia 2021 sa isang Facebook Live Virtual Concert noong ika-29 ng Disyembre na pinamagatang, “Back to the Beat x Rise Above Virtual Benefit Concert”. Ibinida ng mga iskolar ang kanilang pagiging makatao dahil tunay na layon ng concert ang pamamahagi ng gamot sa mga nangangailangan at magbigay ng pondo para sa mga serbisyo sa psychotherapy para sa Youth for Mental Health Coalition Inc.: Project Lingap at Project Tulay. Sa katunayan, dahil sa virtual concert, nakalikom ang Pangkat Eunoia ng P12,385 bilang handog sa nasabing institusyon. Sa pagtatapos ng Virtual

Benefit Concert, ibinahagi nina Earl Valencia at Cameron Patubo, puno ng concert, ang kanilang kasiyahan at pasasalamat dahil nagbunga ang kanilang mga paghahanda para sa ikatatagumpay ng concert. Ang Back to the Beat x Rise Above Virtual Benefit Concert ay isa ring pagtatanghal na isinagawa upang markahan ang nalalapit na pagtatapos ng Pangkat Eunoia sa PisayGitnang Luzon.

Robredo mas pinaniniwalaan ng mga isko kaysa kay Duterte KATOTOHANAN

FIDEL MARIANO JR.

Nanguna bilang susunod na pangulo si VP Robredo sa isang sarbey na isinagawa sa MPPA-GL noong ika-23 ng Enero 2021. 27 sa 42 respondente ang bumoto para kay VP Robredo sa posisyon ng pangulo, na sinundan ng 11 para kay Diokno, tatlo kay Isko Moreno, at isang boto kay Sara Duterte. Para naman sa susunod na bise presidente, 21 ang bumoto kay Diokno, 11 para kay VP Robredo, dalawa kay Pacquiao, at tig-isa para kay Isko Moreno at Pangulong Rodrigo Duterte. Nagbigay rin ng trust rating ang mga respondente para kay Pangulong Duterte at VP Robredo kung saan 1.5238 ang naging average trust rating ni Pangulong Duterte at 3.8095 para kay VP Robredo, kung sa pinakamababa ang rating 1 at pinakamataas ang 5. Baliktad ito sa inilabas na Pulse Asia trust rating noong Disyembre kung saan mataas ang trust

Dibuho ni Joseph Zulueta III

rating ng pangulo ngunit mababa ang trust rating ng bise presidente. Pito lang sa 29 na respondente mula sa MPPA-GL ang rehistrado na at handang bumoto ayon sa isang sarbey na isinagawa noong ika-23 ng Enero 2021. Taliwas ito sa naging resulta ng naunang tanong sa sarbey kung saan 38 sa 42 respondente ang pabor sa pagpaparehistro ngayong halalan.


ghari

BALITA

MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON

Bahaghari, nagbalik-kinang sa NSPC KAHUSAYAN

AYEN UNICE MANGUAN

Tumingkad ang kinang ng Bahaghari sa buong Filipinas matapos mapagtagumpayan ang National Schools Press Conference (NSPC) nitong ikasiyam hanggang ika-13 ng Marso sa Tuguegarao City, Lambak ng Cagayan. Nagbalik sa entablado ng Collaborative Desktop Publishing-Filipino ang grupo nina Jim Valentin, Jamie Figueroa, Gabriel Dimaliwat, Joaquin Luistro, Jonathan Ponio, Ayen Manguan, at Gavielle Cruz dahil sa naiuwing ikaanim na gantimpala at Pinakamahusay na Pahinang Lathalain sa buong bansa. Pinarangalan din bilang Second Most Outstanding School Paper Adviser (MOSPA) sa Gitnang Luzon si Harvy Calma, tagapayo ng Bahaghari, sa Regional Schools Press Conference ng Gitnang Luzon. Inaasahan ni Calma ang patuloy na pagsusulat at pakikibahagi ng mga mamamahayag ng Bahaghari habang isinasabuhay ang tatlong katangiang pinahahalagahan ng institusyon — katotohanan, kahusayan, at serbisyo sa bayan.

04

Kolektibong Aksyon

Guidance positivity and resiliency webinar, ikinadismaya ng mga isko KATOTOHANAN

JONATHAN CARLOS PONIO

Hinindian ng mga progresibong iskolar ng Pisay-Gitnang Luzon ang nakaambang webinar nitong Nobyembre ng Guidance Office na may temang Cultivating Positivity and Resiliency in the Online Learning Amidst the COVID-19 Pandemic. Daing ni Perine Bianzon, dating supremo ng Kalasaglahi, “Pagod na tayong lahat makarinig ng “positivity” at pagro-romanticize ng pagiging “resilient” kasi it hides the fact that there is a problem that needs to be solved, especially because we live in a country where resilience is romanticized and the reasons why the people struggle are never addressed.” Dagdag dito, “insensitive” ang pakikinig sa webinar patungkol sa pagiging positibo at matatag ang mga iskolar dahil mayroong ibang mag-aaral na pagod na sa positibong pananaw araw-araw at kinakailangan na ng aksyon upang masolusyonan ang kanilang mga suliranin. Sinang-ayunan naman ito ni Jewel De Jesus, dating pangulo ng Sangguniang Mag-aaral, at sinabing kahit na mabuti ang layon ng mga webinar ng Pisay, kailangang maisip na hindi sasapat ang mga ganito at mas mainam na ituon ang atensyon sa pagresolba sa tunay na problema ng mga iskolar gaya ng problema sa modules at requirements. Pagdidiin niya, “I know they were trying their best to try to help but it’s important to ‘read the room’ so efforts like these don’t come off as surface-level solutions lang. I know it’s important to have a positive outlook whenever things get rough pero when people are literally dying and sobrang harap-harapan na ang advantage

ng privileged people especially when it comes to a basic human right which is education, parang hindi sapat na we just remember to be more positive and resilient.” Pawang idiniin nina Bianzon at De Jesus ang kahalagahan ng pakikinig sa pangangailangan ng mga magaaral bago gumawa ng karampatang aksyon ang pamunuan nang sa gayo’y maiwasan ang mga “panakip-butas na solusyon” at matutukan ang kailangang maresolba. “What’s more needed is i-acknowledge ‘yung problems at hand, implement immediate, efficient, and sustainable solutions that the school came up with the students so that there will only be a few, or none at all, that will face the same challenges ever. When there’s a problem, it must be fixed. We’re tired of normalizing sob stories of how people rose up to the challenge and that they grew into stronger and better people and the like,” anila. Para naman sa Guidance, tanging layon nila ang mapabuti ang pag-iisip ng mga iskolar sa gitna ng online learning at magulong mundo sa pandemya at hindi nila intensyong maramdaman ng mga isko ang ganito. Pagpapaliwanag ni Guidance Counselor Michelle Fajardo, “I understand where the scholars are coming from kasi hindi nga siya proper timing since may bagyong Ulysses. Ang main motive naman namin ng Guidance ay para makatulong kasi ngayong pandemic affected nga ang well-being ng scholars natin kasi kani-kaniya tayo ng adaptation sa new modality of learning.”

We’re tired of normalizing sob stories of how people rose up to the challenge and that they grew into stronger and better people and the like.

Bianzon & De Jesus, Eunoia 2021

PLANTDEMYA

Nang dahil sa paghihigpit sa paglabas

PAGSIBOL NG LIBANGAN. Inaalagaan ni Gawayn Coronel ang kaniyang koleksyong halaman upang hindi malanta. (Kuha ni Gawayn Coronel)

sa mga tahanan

Paghahalaman, yumabong sa gitna ng pandemya SERBISYO SA BAYAN

JEWEL AILEEN DE JESUS

Dulot ng pag-implementa ng community quarantine habang patuloy pa ring kumakalat ang COVID-19 sa bansa, napilitan ang karamihang manatili muna sa kani-kanilang mga tahanan at maghanap ng mga bagong libangan na siyang naging dahilan kung bakit mas lalong naging popular ang paghahardin at pangongolekta ng mga halaman sa panahong ito. Halimbawa nito si Gawayn Coronel, iskolar mula sa Pangkat Eunoia, na kinikilala bilang isang hobbyist o siyang may hilig sa mga halaman simula pa noong nagaaral siya sa Junior High School. Payo niya para sa mga nais magsimula sa pag-aalaga at pangongolekta ng mga halaman, “Mas maiging magsimula sa mga low maintenance at mura tulad ng succulents at ornamental grasses nang masubok muna ang kakayahan sa paghahardin kung kanila bang tatangkiliking tunay ang libangang ito.” Sinabi niyang may pagkakataong hindi naaalagaan ang mga halaman kapag nagtagal kaya naman mahalaga ring may consistency at tunay na

pagmamahal sa kalikasan ang mga magbabalak na simulan ang ganitong gawain. Dahil sa labis na pagmamahal ni Coronel sa libangang ito, naging bahagi siya ng Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), isang organisasyong nais mabigyang-pokus ang kahalagahan ng halaman at kalikasan para sa mas malinis na Filipinas. Kaya naman nanawagan siya sa lahat ng miyembro ng komunidad ng mga manghahalaman at mga kolektor, “Kung maaari muna, magdahandahan sa pagbili ng mga native plant at sa halip, tumangkilik ng mga halamang komersyal dahil pangkaraniwang ito ang pinakasustainable at sulit sa pera.”

Bukod aniya sa pagkawala ng balanse sa ekonomiya, nagdurusa rin ang sanghalamanan sa bansa nang magsimulang lumala ang mga ilegal na anyo ng pagkuha ng mga halaman mula sa iba’t ibang mga gubat at lugar na protektado ng batas. Bilang payo sa mga plantito at plantitang isinilang sa panahon ng pandemya, nais mabigyang-halaga ni Coronel ang pakikibahagi sa iba’t ibang mga grupo ng mga plantito at plantita nang bukod sa makipagpalitan ng mga halaman sa bawat isa, maaaring maging bahagi rin ng komunidad na tumutulong sa mga indibiduwal na lumago bilang mga manghahalaman at mga kolektor na matalino at may puso.

Pumangalawa naman dito si Guidance Counselor Anna Liza Rodriguez at sinabing, “Personally, I am thankful because I adhere and respect every individual’s opinions and perspectives. Everyone’s voice must be heard and we have no intention of making anyone feel not good about it. That’s why having an open communication regarding one’s criticism is beneficial for growth.” Buhat ng naungkat na usapin, ginawang “Kumustahan Online” ang webinar na ginanap noong Nobyembre 20 kung saan kinilatis ng mga guidance counselor ang estado ng mga iskolar sa ilalim ng distance learning.

Clark Loop, patuloy sa pag-iikot SERBISYO SA BAYAN

JONATHAN CARLOS PONIO

Libreng bus ride pa rin ang hatid ng Clark Loop para sa mga manggagawang nagko-commute mula nang lumaganap ang COVID-19 noong Marso ng nakaraang taon. Sa kasalukuyan, walong bus ang bumabaybay sa kalakhan ng Clark Freeport Zone habang sumusunod sa standard health protocols. BEEP! BEEP! Patuloy pa rin sa pamamasada ang Clark Loop nang walang bayad bunsod ng krisis sa pandemya. (Halaw sa Metro Clark Guide)


04

BALITA

MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1

Baha

Iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban

Pisay isko, nagbigay-boses sa ilang isyung panlipunan KATOTOHANAN

Jonathan Carlos Ponio

JONATHAN CARLOS PONIO

PUNONG PATNUGOT

Ayen Unice Manguan PANGALAWANG PATNUGOT

Abram Josh Marcelo Gavielle Gerico Cruz TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Christopher Tyrese dela Cruz PATNUGOT SA BALITA

Kathea Jade Basilio

PARA SA BAYAN. Nananawagan ang mga iskolar para sa samabayan upang maging mas mulat sa mga usaping panlipunan. (Kuha ni Kiano Bacolod)

PATNUGOT SA LATHALAIN

John Anton Benedict Garcia PATNUGOT SA AGTEK

Cedric Bola PATNUGOT SA ISPORTS

Shanna Marisse De Vera PATNUGOT SA RETRATO

Joseph Zulueta II PATNUGOT SA PAGGUHIT

Ysabella Maria Calvario PATNUGOT SA PAG-AANYO AT DISENYO

Nanindigan ang ilang mga iskolar ng Pisay-Gitnang Luzon sa kanilang pagkadismaya matapos ang kabikabilang isyung panlipunan gaya ng ABS-CBN Shutdown, pagsasabatas ng Anti-Terror Law, at paggamit ng karahasan ng kapulisan. “Bilang mamamayan ng isang bansa, tungkulin nating [mga iskolar na] magkaroon ng kamalayan sa mga isyu at pagpapahayag ng mga opinyon sapagkat tayong mga ordinaryong Filipino ang naaapektuhan ng mga ito at ang mga nakikitang mali ng mamamayan ay dapat maitama,” pagdidiin ni Miguel Villegas, dating iskolar mula sa Pangkat Henosis. Ipinahayag din ni Villegas na nakikiisa ang mga ilang mga iskolar sa pagbibigay-boses dahil patuloy

Thea Vitug TAGAPAMAHALA NG IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA

MGA KONTRIBYUTOR

Christi Jonn Aquino Pauline Therese Dayo Jewel Aileen De Jesus Jayvee Joseph Manaloto Fidel Mariano Jr. Paulo John Mercado April Rodaje Earl Valencia Matthew Felimon Caisip Josiah Garcia Janine Gumela Gwen Renee Navarro Elise Ann Yutuc Lois Anne Ramos Bianca Marie Lim Elijah Earth Peniano Miguel Xandrei Pangilinan TAGAPAYO

Harvy Calma

Kauna-unahang drive-thru swab test, pinasimulan ng CDC SERBISYO SA BAYAN

PAGTUSOK. Nagpapakuha ng sample ang isang mamamayan nang masiguro ang kaligtasan sa COVID-19. (Halaw sa Mabalacat City News)

JONATHAN CARLOS PONIO

Nang dahil sa kakulangan sa COVID-19 testing, inilunsad ng Clark Development Corporation (CDC) ang Clark “Swab and Go” COVID Facility nitong Marso 23 sa open space parking lot ng CDC-Health and Sanitation Division (HSD). Ibinahagi ni CDC President at CEO Manuel Gaerlan na mahalaga ang inisyatibong ito upang makapagpa-test ang mga manggagawa at stakeholder ng Clark. Bukod dito, may libreng WiFi rin sa lugar na donasyon ng PLDT-Clark.

Upang makatulong sa online learning

Pisay, IEMOP, hinandugan ng gadgets ang mga isko SERBISYO SA BAYAN

ABRAM JOSH MARCELO & THEA VITUG

Namahagi ang Philippine Science High School System (PSHSS), sa ilalim ng proyektong OPLAN e-SKWELA, ng mga gadyet para sa mga nangangailangang iskolar at guro nito kasabay ng isinasagawang blended learning ngayong taong panuruan 2020-2021. 45 miyembro ng institusyon ang mahahandugan ng 21 na “used but in good condition” na mga laptop, 24 na tablet, at mga device accessory na natanggap na donasyon mula sa private company na Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP). Ibinahagi ang mga gadyet sa tatlong kampus ng PSHSS, partikular sa Pisay-Gitnang Luzon, Pisay-Main, at PisayCALABARZON kung saan inihatid ang karamihan sa tahanan ng mga benepisaryo.

Dagdag dito, ipinahiwatig din ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena na balak magbigay ng ahensiya ng mga gadyet para sa mga iskolar na walang aparato sa pag-aaral. Sa tulong ng OPLAN e-SKWELA, nabibigyan ng pantay na oportunidad at pagkalinga ang mga iskolar sa pagkatuto sa ilalim ng blended learning mode of education.

lamang babagsak ang lipunan kung hindi ito papansin ng kabataan ng Pisay. Paghimok ni Villegas sa iba pang mga iskolar, “Bilang iskolar ng bayan, tayo ay pinag-aaral ng sambayanan kaya’t umaasa

akong paglilingkuran natin ang bayan sa kahit anong paraan. Gamitin ang talino sa tamang paraan. Maging mulat sa katotohanan. At higit sa lahat, panindigan ang lahat ng mga katangiang bumubuo sa isang mabuting iskolar ng bayan.”

181

340

Malayang Paghiyaw

Dagsintala, nagtanghal ng sabayang pagbigkas Kasarinlan mula sa mapang-aping sistema, ibinida KATOTOHANAN

CHRISTOPHER TYRESE DELA CRUZ

Tampok ang problema sa pagiging baluktot ng sistemang politikal sa sambayanang Filipino, napuno ng samot-saring hiyaw ang entablado ng Audio Visual Room (AVR) ng Pisay-Gitnang Luzon matapos magtanghal ng sabayang pagbigkas ang Batch 2022 Dagsintala. Umiikot sa mga piyesang nakapagpaalab ng pusong makabayan ng mga Filipino noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa at may mga temang pang-aapi, pag-ibig sa bayan, at paghihiganti ang bawat pagtatanghal. Para sa kawani ng Filipino Unit (FU), kinakailangang maipinta ang ganitong mga pagtatanghal dahil patuloy na namamayagpag ang isyu ng kalayaan sa bansa sa kasalukuyan: malayang pamamahayag at malayang pananalita, na patuloy na pinaglalalaban ng mga Filipino para sa mga kapwa mamamayan. Sinimulan ng pangkat Electron sa maikling pagsasadula kanilang bersyon ng Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya ni Heminigildo Flores kung saan naghuhumiyaw ang mga Filipino na itigil ang pangaapi

habang nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga kamay, at sinisipa ng mga prayle. Sunod dito ang pangkat Tau bitbit ang kanilang inihandang presentasyon ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio na isinulat upang manghimok sa mga Filipinong maging makabayan habang may kaakibat na hampas ng tambol ang bawat kumpas ng kamay. Huli namang nagtanghal ang pangkat Muon na ipinakita ang kanilang interpretasyon ng Katapusang Hibik ng Filipinas ni Andres Bonifacio kung saan poot laban sa mananakop at kauhawan sa kalayaan ng mga Filipino ang nanaig na damdamin. Taunang isinasagawa ang sabayang pagbigkas bilang bahagi ng isa sa mga aktibidad ng Baitang 10 sa asignaturang Filipino.

KAMULATAN SA KASALUKUYAN. Nagtatanghal ang Baitang 10 sa harap ng ibang iskolar upang iparating ang mensaheng pagbabago sa maling sistema. (Kuha ni Nathan Danac)


aghari

BALITA

MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON

BALITANG KINIPIL

TINGALA AT TIWALA. Buong-pusong nakatingin sa magandang bukas si Thea Vitug dahil sa YAP na kaniyang kinabibilangan. (Kuha ni Jonathan Ponio)

PAG-USBONG NG PAGBABAGO. Ipinapaso ni Ianna Aricheta ang halaman bilang bahagi ng proyekto ng YACAP. (Kuha ni Ianna Aricheta)

TULAY NG KARUNUNGAN

KALASAG. Itinatala ni Jonathan Ponio ang mahahalagang impormasyong kaniyang gagamitin sa pagsulat ng balita sa The Spectrum. (Kuha ni Ayen Manguan)

Ikaapat na markahan ng nakaraang AY, kanselado

Nakaligtaang mga aralin, itinuro sa bridging program KAHUSAYAN

05

AYEN UNICE MANGUAN

Bilang tugon sa naunsyaming ikaapat na markahan noong nakaraang taong aralan dahil sa pandemya, inalok ng Pisay-Gitnang Luzon ang opsyonal na bridging program para sa mga iskolar sa ikapito hanggang ika-11 na baitang. Isinagawa nitong Agosto bago ang pagbubukas ng bagong taong aralan, nagsilbing tulay ang naturang programa upang mapunan ang mga nakaligtaang aralin sa mga pangunahing asignaturang siyang magagamit sa mga susunod na baitang. Bahagi rin ang bridging program ng preparasyon ng mga guro at iskolar para sa kauna-unahang taon ng pagpapatupad ng remote at online learning ng institusyon. SERBISYO SA BAYAN

UNANG UGNAYAN. Inaaral ni Joannah Palado ang mga aralin noong nakaraang ikapat na markahan para sa Bridging Program. (Kuha ni Ayen Manguan)

Pruweba sa pagiging PSHS core value ng serbisyo sa bayan ang pakikilahok ng mga iskolar sa iba’t ibang youth organization na may pangunahing layong mapabuti ang estado ng mga Filipino gamit ang makaagham na lapit.

Dekalidad na distance learning, ipinagtibay sa BOOST Workshop KAHUSAYAN

JONATHAN CARLOS PONIO

Bago ang paglulunsad ng distance learning nitong Setyembre, minabuti ng Computer Science and Technology Unit (CSTU) na paghusayin ang kasanayan ng mga guro ng Pisay-Gitnang Luzon sa “BOOST: Innovating Teaching and Learning Through Technology” nitong Hunyo 18-19. Turan ni CSTU Head JC Quito, “Personally, bilang Unit Head noon ng CSTU pa, gusto kong maging confident ang mga guro natin sa CLC sa paggamit ng [iba’t ibang] teknolohiyang makatutulong sa pag-deliver ng instructions/ lessons sa klase.” Naniniwala si Quito na nangangailangan ng mas marami pang workshop tulad nito ang mga guro upang lalong mapagtibay at maging epektibo ang kanilang pagtuturo sa ilalim ng online na setup.

Para sa Kalikasan Pagpapayabong ng kalikasan ngayong malaki ang banta ng climate change ang siyang layon ng organisasyong Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP) na kinabibilangan ni Ianna Aricheta. “Sumali ako sa YACAP dahil na-realize kong bilang isang iskolar ng bayan, tungkulin kong kumilos sa abot ng aking makakaya,” pagbabahagi ni Aricheta. Bilang isang sponsorship manager, nakikipag-ugnayan siya sa iba’t ibang ahensiya sa loob at labas ng bansa upang hikayatin ang mga itong makiisa sa mga programa ng YACAP. Para sa Pamamahayag Boluntaryo naman ng The Spectrum si Jonathan Carlos Ponio na isang non-profit media news organization na may adhikaing magpalaganap ng totoong balita at ipaglaban ang malayang pamamahayag. Aktibo si Ponio sa paghahatid ng mga balita at paggawa ng mga publicity material na ipinapaskil sa mga social media page ng organisasyon araw-araw. Para sa kaniya, bahagi rin ng paglilingkod

Robredo sa Bahaghari: Lawakan ang pagmamalasakit, lumabas sa nakasanayan, sikaping intindihin ang nakararami KATHEA JADE BASILIO

“Ituon ang sarili sa kapakanan ng kapuwa. Gawin ang kayang gawin. Tulungan ang kayang tulungan. Alalahanin nating ang pagmamalasakit sa isa ay pagmamalasakit sa lahat. At ang pag-angat ng mga nasa laylayan ay ang pagangat din ng lahat.” Ito ang panghihikayat ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa kaniyang mensahe sa muling pagbabalik ng peryodismong Bahaghari at sa paglunsad nito online nitong Setyembre 2020. Sa kaniyang mensahe, malugod niyang sinuportahan ang Bahaghari sa kanilang adhikain at pinaalalahanang nasa kamay ng mga mamamahayag ang paninigurong mananaig ang totoo. Ayon sa kaniya, “Iskolar ng bayan kayo at kaakibat niyo ang responsibilidad na manindigan para sa katotohanan sa bawat pagkakataon.” Tinuran din niyang mahalaga ang pamamahayag

sa bayan ang pagbabalita nang sa gayo’y maiparating ang mga suliraning panlipunang kailangang maunawaan ng nakararami. Para sa Kabataan Isang miyembro ng Youth Advocates of the Philippines (YAP) si Thea Vitug na siyang may adhikaing hubugin ang kabuoang potensiyal ng kabataan para sa paglago ng bansa sa hinaharap. Dahil itinalagang City Head ng City of San Fernando, Pampanga, patuloy siya sa paggawa ng mga makabuluhang inisyatibo para sa kaniyang nasasakupang lungsod gaya ng donation drives para sa mga nasalanta ng bagyo at biktima ng pandemya. Paninindigan ni Vitug, “Nais kong patunayang hindi mali ang kasabihang, ‘Ang kabataan ang pag-asa ng bayan’. Bahagi ako ng kabataan at sisiguruhin kong magiging pag-asa ako ng aking inang bayan”. Hinihimok ng tatlong iskolar na ito ang iba pang kabataang iskolar upang makilahok sa mga organisasyon dahil para sa kanila, dapat ibinabahagi sa mas nangangailangan ang karunungang naikintal ng Pisay at hindi lamang nakukulong sa apat na sulok ng silid-aralan.

Parol ng Pag-asa

Sa patuloy na pagdilim ng mga problema Parul Sampernandu, nagningning sa kapaskuhan KAHUSAYAN

KATOTOHANAN

JONATHAN PONIO & AYEN MANGUAN

JONATHAN CARLOS PONIO

Matapos ang walang-humpay na pagbagyo at sa patuloy na nararanasang pandemya, ipinagpatuloy ng mga Kapampangan ang taunang pag-iilaw sa makukulay na mga parol nitong Nobyembre 16 sa City of San Fernando, Pampanga. Halaw sa temang “Ray of pagbubukas sa mga parol matapos Hope”, layon ng pagsisinding masira ang mga ito sa pananalasa makapaghatid ng inspirasyon at ng bagyong Rolly ngunit naisaayos ligaya para sa mga Fernandinos, naman ang mga ito at tuluyan na partikular sa mga frontliner na ngang naisapubliko, dagdag pa patuloy ang pagseserbisyo sa ni Agoncillo. mga kababayan, paliwanag ni Kilala ang San Fernando sa Engineer Remedios Agoncillo, tradisyonal nitong Giant Lantern city investment promotion officer Festival na dinarayo ng publiko ng lungsod. dahil sa kumukuti-kutitap at Naging kuwestiyonable ang naglalakihang mga parol. SULO. Nagbibigaykulay ang mga Parul Sampernandu sa mga kalsada ng lungsod ngayong kapaskuhan. (Kuha ni Gerald Gloton

sa pagbabahagi ng katotohanan at sa pagpapanday ng mas patas at mas makatarungan na bayan. “Hindi lamang nagpapahayag kundi nagbibigkis din ng lipunan ang mga peryodista tulad ng Bahaghari dahil naipapakita nitong magkakarugtong ang diwa ang bawat isa, ang kamalayang walang nag-iisa, at may epekto ang kilos ng tao sa iba,” panapos ni Robredo.

PAGBABAHAGI. Naglalahad ng mensahe si Leni Robredo para sa mga mamamahayag ng Bahaghari. (Halaw sa Bahaghari CLC )


14

LATHALAIN

MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1

Baha

SAKRIPISYO PARA SA IYO.. Bakas kay Canra Jona Patubo ang pag-aalala kaya naman maarahan kung siya ay magasikaso sa mga pasyenteng may COVID-19. (Kuha ni Canra Jona Patubo)

FIDEL MARIANO JR

Abot-Langit: Sa Bingit ng Buhay at Kamatayan Mabagsik ang pangambang sumasalubong sa mga OFW sa kanilang paglipad palabas at papasok ng bansa. Mga banyagang bansa ang kumukupkop sa kanila at sumusuporta sa kanilang pamilya, ngunit pinakomplikado ang kanilang paglisan ng banta ng COVID-19. Kaya naman, mas pinipili ng karamihan sa mga OFW ang umuwi sa Filipinas upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga oras ng kapahamakang bumabalot sa daigdig. Maraming nangingibang bansa upang makaraos ang kanilang pamilya. Maraming umaalis upang maghanap ng mas mabuting kinabukasan. Para kay Canra Jona Patubo, pera at oportunidad ang kaniyang hinahanap sa lupaing banyaga. Bilang isang nars, mababa ang sahod ni Canra kung pipiliin niyang manatili sa Filipinas. Kaya kahit na malayo, napagdesisyonan niyang magbakasakali sa Qatar noong Nobyembre 2018, kung saan patuloy ang pakikipagbakbakan niya sa COVID-19 ngayong taon. Sa Qatar, mas maraming oportunidad ang nagbubukas para kay Canra. Sa Qatar, mararanasan niya nang mag-isa ang isang bayang hindi pa niya kilala. Tulad ng nakararami, kalaban ni Canra ang kaniyang pagiging homesick. Araw-araw niyang makakaharap ito sa paggising hanggang sa pagtulog. Mararamdaman niya ito sa bawat minutong inaalala niya ang kaniyang pamilya, ngunit hindi niya ito pagwawagiin. Sa halip na panghinaan ng loob, pinagbuti ni Canra ang kaniyang pagtatrabaho. Nagsumikap siya at nagpakatatag para sa kaniyang pamilya at nagpatuloy sa kaniyang pagpapabuti sa sarili.

Pangalan:

Sa kaniyang trabaho sa Qatar, nag-aalaga at tumutulong si Canra sa iba’t ibang tao. Aniya, “Nakakilala ako ng iba’t ibang klase ng tao. Ibang lahi. Ibang ugali. Mabuti. Masama. Lahat.” Sa Qatar niya naramdaman ang pagod na kasama ng pagiging nars. Ito rin ang karanasang nagpalalim at nagpatibay sa kaniyang relasyon sa Diyos. Ayon kay Canra, iyon ang naging pinakamagandang kinalabasan ng kaniyang pagsisikap sa Qatar. Ngayong panahon ng pandemya, lumaki ang mga problema ng mga OFW. Panibagong suliranin ang COVID-19. Mas mahigpit ang pag-alis at pagpasok ng bansa, ngunit sinuwerte si Canra sa kaniyang pag-alis ng Filipinas pagkatapos ng kaniyang bakasyon noong Marso. Hindi siya inabot ng total lockdown, kaya hindi siya nahirapang makabalik sa kaniyang trabaho. Hindi ganoon kapalad ang kaniyang mga nakasamang OFW sa Qatar. Ayon sa kaniya, kinailangan nilang magpa-test bago umalis sa bansa at pagkalapag sa Qatar. Sumunod naman ang dalawang linggo ng quarantine sa isang hotel, at sa panahong iyon ay nilinis ang kanilang dalang gamit.

Iniutos din ang social distancing, paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Pagbalik naman sa trabaho, mga pasyenteng may COVID-19 ang kinakaharap ng ilan sa kanila. Mas mataas ang posibilidad na sila mismo ang mahawahan nito, at maipagdarasal lang nila ang kanilang pamilya sa Filipinas. Para kay Canra, doble ang kaniyang takot dahil doktor ang kaniyang kapatid. Ikinakatakot ng kaniyang pamilyang mahawa ang isa sa kanila ng COVID-19. Kalakip ng pangambang hindi nakikita ang nakamamatay na kalaban, tanaw naman ni Canra ang pag-asa. Ramdam niya sa araw-araw ang biyaya ng buhay, ngayong tumutulong siya sa pantustos ng kaniyang pamilya sa Filipinas at pati na rin pag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19 sa Qatar. Naturokan na siya ng ikalawang dose ng bakuna, at nasisilip niya na ang hinaharap kung saan nagtagumpay ang mundo laban sa pandemya. Hindi mawawala ang pag-asa hangga’t hindi pa nagwawakas ang kinabukasan.

Xyzcherenathaneralei

XYZ Chronicles: Dalawampung Letra sa Isang Linya ng Class Record

ABRAM JOSH MARCELO

Xyzcherenathaneralei - binasa mo ba ang unang salita? Isang salita, dalawampung letra. Kahit madaplisan lamang ng mata ang pangalang ito, mapauurong tiyak ang dila nang ito’y mabanggit. Hindi lilipas sa memorya ng mga guro ng Grade 7 ng Pisay-Gitnang Luzon ang natatanging pangalang Xyzcherenathaneralei sa tuwing titingin sila sa kanilang mga class record. Sa palayaw na Xyz na “swayz” kung bigkasin, hindi maiiwasang maungkat ang ilan sa kuwento ng naturang pangalan ng iskong si Xyz at kung paano ito isinilang. Nahahati ang buong pangalan ni Xyz sa apat na pangunahing pangalan — “Xyz”, “cher”, “nathan”, at “ralei”. Unang kumislap ang ideyang pangalanan ng kakaibang tawag ang kaniyang magiging anak nang nakakilala ang guro at amang si Xerces Alino ng isang mag-aaral na may ngalang “Xyz” sa paaralang kaniyang pinapasukan. Namangha ang ama dahil sa bunyag na talino at husay ng bata kahit dalawang taong gulang pa lamang ito. Bunga nito, itinaga ni Sir Alino na ibabatay niya sa mahusay na batang ito ang pangalan ng kaniyang mga magiging anak. Salaysay nito, “Kapag nagkaanak ako,

ikakabit ko ang pangalang XYZ sa magiging anak ko. Para kung lumaki, baka magaling din. “ Nakuha naman ng ama ni Xyz ang “cher” mula sa Ingles na pangalang Fletcher na kaniyang nabasa mula sa Merriam-Webster dictionary. Isa itong trabahong nangangahulugang “arrow maker”. Samantala, nagmula ang “nathan” sa isang pangkaraniwang pangalan pati na rin ang “raleigh” na may binigyang-bigkas na “riley”. Xyzcherenathaneraleigh - Bakit konektado sa isang mahabang pangalan at hindi hiwa-hiwalay ang ngalan ni Xyz? Sa interesanteng perspektibo, ito pala ay upang hindi mahirapan ang anak sa pagkuha ng mga dokumento, dahil wala itong kapangalangan sinoman pati na ang mga may bahid na pangalan sa NBI. Ngunit nang oras na ng pagpaparehistro, napilitang baguhin ng kaunti ni Sir Alino ang pangalan ng anak, kahit pa masama ito sa kanyang loob. “Hindi raw kakasya ang pangalan ng anak ko sa birth

certificate, so pinabawasan po sa akin. Since 20 boxes ‘yon, sige tanggalin ko ‘yong “gh” sa original name,” matawa-tawang paglalahad ni Sir Alino. Mula sa orihinal na 23 titik, simula noon, nabuo ang 20 letrang pangalan na Xyzcherenathaneralei. Sa bahay naman, “nag-print out po ako ng bawat letter ng pangalan niya then idinikit ko siya sa wall. So every time na gigising siya sa umaga, ‘ok anak, ito ‘yong pangalan mo sa wall’ at nakabibilib na ang bilis niya nga naman po itong natandaan,” pagmamalaki ni Sir Alino. Sa edad na dalawang taon at limang buwan, kabisado na ni Xyz bigkasin at isulat ang kaniyang pagkahaba-habang pangalan kaya naman ipinasok na ito bilang toddler. “Maaga pa lang, naopen na ang mind niya sa pag-aaral,” pagbida ng ama. Upang hindi malimot ang ispeling ng kaniyang pangalan, laging baon noon ni Xyz ang kaniyang ID saanman siya magpunta. Laging bukambibig si Xyz sa bawat gusali ng kanilang paaralan.

Dahil sa angking galing, laging nakapaskil ang pangalan ng batang ito at talaga namang napahihinto ang mga dumaraan upang basahin ang buo niyang pangalan. Pagdating sa mga guro, laging binibiro ang kaniyang pangalan. Kuwento ni Sir Alino, “Aware naman po sila, kaya lang ang sinasabi nila sa akin, ‘hindi ko gusto maging estudyante ‘yong anak mo, hindi kakasya sa aming class record’, biro nila.” Kung tutuusin hindi nag-iisa si Xyz sa pagiging iba ng kaniyang pangalan, dahil mayroon pa siyang tatlong nakababatang kapatid na kay haba-haba rin ng mga pangalan. Ito sina Xyz Thymothy Jhann, Xyzchylusnaomiphoebe, at Xyz Thrynythy Yvon. Biro pa ni Xyz, “Kung sino mang makabasa ng aming mga pangalan nang walang mali at mabilis, saludo na kami sa iyo.” Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang hindi makapagbigkas nang tama sa pangalan ng mahusay na batang ito. Kung ano pa man, laking tuwa pa rin ni Xyz na sa haba ng kaniyang pangalan at sa dami ng linya at espasyong kinuha ng kaniyang buong pangalan sa mga class record, naging mabuting anak ito at pinalad pang maging isang iskolar ng Pisay. Ngayon, tumungo sa huling salita at basahing muli ang kaniyang ngalan - Xyzcherenathaneralei.


aghari

LATHALAIN

MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON

BUHAY PA SI RIZAL

PAULINE THERESE DAYO

1896. Mahigit isang siglo na ang nakaraan nang sinambit ang salitang fuego na siyang hudyat ng pagbitay sa ating bayaning si Rizal. Sa 35 na taong kaniyang pagtigil sa mundo, kaniyang pagmamahal sa bayan at paglaban para sa sambayanan ang patuloy na tumatatak ‘di lamang sa mga aklat at kasaysayan kundi pati na rin sa puso ng bawat Filipinong nag-aalab ang pagiging makabayan. Sino ka nga ba Rizal? Nakilala si Rizal bilang bayaning lumaban gamit ang talino at pagkamalikhain sa pagsulat na siyang naging daan upang ang mga Filipino ay mamulat sa pamamalakad ng mga naghahariharian. Noli Me Tangere at El FIlibusterismo ay ilan lamang sa kaniyang mga akdang siyang nagsimula ng rebolusyon tungo sa kapayapaan. Ngunit ‘di maikakailang dahil sa ganitong pamamaraan ng paglaban, pagsulat, at pangangaral, ang ilan ay ‘di sang-ayon sa si Rizal ay hiranging bayani ng sambayanan sapagkat sina Bonifacio, Luna at iba pa ang siyang nakipagsagupaan sa giyera, nakipagbuno, at nagdanak ng dugo nang makalaya sa kamay ng mga manlulusob. Subalit, sa kasalukuyang laban ng mga Filipino, laban sa pekeng balita, balikong pamamalakad, at sa pandemyang ating kinakaharap, hindi maitatangging ang mga aral na pabaon ni Rizal mahigit isang siglo mula noon ay ating kakailanganin upang harapin ang laban ng Filipinas ngayon. Nang dahil sa patuloy na

pangangaral ni Rizal sa mga Filipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga mata ng ating mga ninuno. Ang kapayapaang ating tinatamasa ngayon ay siguro’y kailanman ‘di matatamo kung ang karunungan at kaalaman ay hindi pinairal at ipinaalam sa karamihan. 2021. Sa patuloy na pagkalat ng mga pekeng balita na parito’t paroon, ang ating bansa’y humaharap sa bagong digmaan na ang tanging kalaban natin ay ang nagmamanipula ng pamamalakad — fake news na lumalason upang kamangmangan ay lumaganap. Nang dahil sa ating labang kinahaharap, pilit na pinangangaralan ng mga nagkukulang sa kaalaman ang mga makabagong Rizal — mga mamamahayag na walang ibang kinikilingan at pinoprotektahan maliban sa pagmamahal para sa bayan. Sino ka nga ba Rizal? Higit pa sa Pambansang Bayani. Bayani ng mga Manunulat at Mamamahayag. Mula sa Filipino, para sa kapuwa Filipino.

Dibuho ni Ysabella Maria Calvario

Pinagtagpi-tagping Sinulid, Pinagtagpo-tagpong Karanasan

JOSEPH ZULUETA III

Sa pagbuo ng isang magandang damit, kinakailangan ng isang magaling na mananahi at magandang telang nangangailangan ng matibay at kalidad na sinulid. Sa paghubog naman ng isang magaling na mananahi, kailangan nitong sumailalim sa iba’t ibang pagsubok at matinding pagsasanay. Sa paggawa ng tela, mga sinulid na magbubuhollamang ang kanilang layon ginagamit ang sinulid at ang buhol na tila baga’y ayaw nitong at paraan ng pagtahi upang masusing pag-iisip upang makumpuning nagiging sanhi mabuo ang kanilang tela. lumabas ang pagiging malikhain. ng pagkapatid at pagpalit ng At sa pagsapit ng tamang Sa pamamagitan ng paghahabi panibagong sinulid. Minsan panahon, buong tapang itong at pagtatagpo-tagpo ng mga naman, humihingi ng tulong iwawagayway sa lahat. Ang hibla ng sinulid, makabubuo ng ang mananahi kung paano niya mga sinulid na pinagtagpo at isang telang maaaring isang ito maisasaayos, katulad ng naging isa, ngayo’y patuloy karaniwang tela lamang. Maaari isang estudyante, na kapag may na magbibigay-ningning at din namang ito’y kumikinang problema ay dumudulog sa guro magpapakilala sa kanilang sa kagandahan dahil ito’y upang humingi ng mga payo pangkat, sa kanilang pinaliligiran ng mga palamuti at kung paano mas mapauunlad at paaralan, at sa kanilang brilyante. mapabubuti ang kalagayan. bayan. Makikita na natin, na Katulad na lamang ng buhay Sa paglalakbay ng isang ang bawat tela ay may kaning isang iskolar sa Pisay, bago iskolar habang siya’y patungo kaniyang pangalan - Primum niya marating ang rurok ng sa huling baitang, kaakibat nito Orto (2013), Aenigma Ultima tagumpay, sumasailalim siya ang masigasig na paggabay ng (2014), Synergos (2015), sa iba’t ibang mga pagsusulit kaniyang mga gurong nagsisilbing Cinastra (2018), Hiraya (2019), at pagsubok na inihahain sa karayom na humuhubog nang Henosis (2020), Eunoia kaniyang hapag. Ang bawat tama at gumagabay sa bawat (2021), at ang pinakabago, pangkat ng iskolar natin ay may pagpasok at paglabas ng sinulid ang Dagsintala (2022). kani-kaniyang dalang sinulid tungo sa pagiging isang mabuti at Mula sa isang grupo ng na gagamitin nila’t pagtatagpomatalinong mamamayan. mga sinulid, pinagtagpo, tagpuin upang makabuo ng sarili Bawat iskolar ng Pisay ay hinabi, ginabayan, naging nilang telang kanilang dadalhin may sari-sariling sinulid na tela, ginawang damit, binihis hanggang sa pagtanda. kanilang gagamitin at hahabiin sa mga nangangailangan, Ngunit kaakibat ng proseso upang makabuo ng isang telang ngayon ay mag-iiwan ng ng paggawa ng tela ang mga sumisimbolo ng kanilang pagiging isang maningning at makulay problemang mauungkat at isa. Iba-iba man ang kulay, kapal, na kasaysayan para sa biglang magpapakita. May o haba ng kanilang sinulid, iisa paaralan at para sa bayan.

15

Pagkatha ng Bahaghari sa Nadungisang Kambas KATHEA JADE BASILIO

Hindi alintana ang tagaktak ng pawis at pagkahapo habang hawak-kamay na ipinagsasama-sama ang mga kulay at patuloy na kumakatha ng bahaghari bagaman walang kasiguraduhang matatapos ang obra maestrang minsan nang hiniling na maghari. Kukuha ng nadusingan nang kambas, dahandahang pipintahan ng iba’t ibang kulay habang patuloy na umaasang mabubuo muli ang bahaghari sa gitna ng walang humpay na balakid at kaguluhang pumapalibot dito. Walang tigil sa pagpinta anoman ang mangyari hangga’t hindi pa nakakatha ang larawang ipinangako sa lahat. Kasabay ng pagdidikit ng mga palad at pag-iisa ng sinisiil ng mga puso ay ang marahang paghiyaw ng tulong sa mga lipong nagmamay-ari ng mga kulay na makabubuo ng larawang kanilang walang-sawang ipinipinta. Sa ika-29 ng buwan ng Enero taong 2020, unang naitala ang kauna-unahang tuluyang kumitil sa tila ba’y nauupos na larawan ng pag-asa. Mistulang tumigil ang pagtakbo ng oras at unti-unting umusbong ang panibagong pangamba sa puso ng mga tao. At habang pataas nang pataas ang bilang ng mga tusong pilit na binubura ang bahagharing nakatatak sa larawan ay ang walang-tigil pagbibigaykulay ng mga taong nanumpa sa kanilang mga tungkulin upang mapuksa ang mga tusong ito. At tulad ng ibang walang-humpay na kinukuluyan ang larawan para sa mga tao, ganito rin ang ginagawa ng ating mga frontliner sa kasalukuyan. Maglingkod sa bayan at iligtas ang sangkatauhan ang sigaw ng frontliners ng ating bansa. Sila ang mga handang magbuwis ng buhay at magsakripisyo para lamang masigurado nating masisilayan pa ang bahaghari. Gayunpaman, kahit na patuloy na kinukuluyan ang kambas ay mayroon pa ring pilit na sinisira ito. Hindi lang ang mga tusong kumikitil kundi pati na rin ang pagkandado ng mga karapatan at kabuhayan ng mga maralitang walang sapat na boses upang pakinggan ang mga hinaing. Hindi sasapat ang salitang pasasalamat upang mapantayan ang mga sakripisyo at hirap na dinaranas ng ating mga tunay na bayani sa panahon ngayon. Sa lahat ng mga taong patuloy na kumakatha ng bahaghari, saludo ang lahat sa inyong katapatan at katapangang puksain ang mga pilit na kinukuha ang pag-asang nananalaytay sa dugo ng inyong kapwa. Ang inyong mga sakripisyo ay tunay na kabayanihan. At kayo rin ang tunay na lunas ng bansa. Kulang man ang mga kulay at hindi man marinig ang mga nagkukumahog na sigaw ng mga pintor upang mabigyan ng sapat na tingkad ang mga tunay na nagmamayari nito, hawak-kamay nating pakinggan at tulungan silang pagsama-samahin ang mga kulay na mayroon tayo. Muli tayong kumatha ng bahaghari sa minsan nang nadungisang kambas at patuloy na tumatak sa ating isipang sa anomang pilit na burahin ang bahaghari, may mga kamay na pilit na ipinipinta ang pag-asa para sa buong Filipinas.

KALASAG. Kahit lubhang mapanganib, lumalaban pa rin ang ating mga frontliners sa COVID-19. (Halaw sa PhilNews. ph)


AGTEK

MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1

KAPELING SA TUWINA

MATTHEW FELIMON CAISIP

Baha

unang kaso

HUMINTO AT MAGNILAY

16

COVID-19 Ang Bida ng Huling Kabanata

PAGSUSUNOG NG KILAY. Nag-aaral sina Bea at Perine sa gabi upang maipasa ang gawain kinabukasan. (Kuha ni Ayen Manguan)

MATTHEW FELIMON CAISIP & JOHN ANTON BENEDICT GARCIA

Higit na sa isang taon, ang asul na langit ay natakpan ng madilim na ulap. Ikinandado ang mga pinto dala ng rumaragasang SARS-CoV2 o COVID-19. Sandali, may bagong tauhang pumasok. Mula sa iba’t ibang bansa at dala ang iba’t ibang tatak, may bagong bida sa huling yugto ng pandemya. Suot ang kanilang mga terno at kapa, ang mga bakuna ay parating na!

A

ng iskong may deadlines na papalapit, sa kape at pagpupuyat kumakapit. Habang humihilik ang pamilya, ito si isko nakaupo na silya, magdamag na nakatitig sa kaniyang laptop. At bago pa man matalo ng antok at magkandaugaga pagkagising dahil sa ANG PAYO NI ISKO Mula sa 3-in-1 instant coffee hanggang sa Starbucks, ang kape ay hindi mahirap hanapin. Sa katunayan naitala ng ito bilang pinakamalimit inumin ng kabataang edad 10 - 19, sa inilabas na 7th National Nutrition Survey. Umangat kay Bea ang Kopiko 78 na siyang “kapag kailangan mo ng big boost of energy, promise the best ‘yan”. Kahit anong 3-in-1 na kape naman ang sakto sa panlasa ni Perine. Huwag nga lang daw sosobra dahil mawawalan ng epekto ang mga ito.

SA ORAS NG KAGIPITAN Para kina Bea Enriquez at Perine Bianzon, mga iskolar na kilala sa puyatan at sa hilig uminom ng kape mula sa Eunoia 2021, pinanghuhugutan nila ng lakas ang kape. Ito rin ang kanilang nagsilbing sikreto kaya natatagalan ang matinding pagpupuyat. Kaakibat din nito ang tamis, pait, at tapang ng kapeng kanilang tinitimpla. Anila, tila sumisimbolo ito sa buhay nila bilang iskolar kung saan nakararanas din sila ng mga matatamis na papuri’t karangalan, mapapait na pagkabigo, at matatapang na pagsubok sa hamon. Dito lalong napalapit ang kape sa kanilang mga piling.

HUWAG MONG GAWING TUBIG Kilala bilang “most consumed drug in the world”, paalala ng Food and Drugs Administration (US) na huwag lumabis sa apat na tasa ng kape kada araw. Ang sobrang pag-inom ng kape (higit sa 600 mg) ay maaaring magdulot ng masamang pakiramdam, mababang performance, at stress. Kung isa hanggang dalawang kape naman ang iinumin, tiyak ang pagbaba ng risk sa heart failure, stroke, kanser, at pagtaas ng pagiging produktibo. Epektibo sa tamang dami, dapat maging maingat sa pag-inom ng kape. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa sa grado sa paaralan. #GradesDontDefineYou

Binasurang Kalinisan

naman ang tinatayang efficacy rate ng Sputnik V habang 70% para sa Oxford-Astrazeneca. Sa pinakahuling clinical trial ng Sinovac, naitala ang 51% efficacy rate na salungat sa higit na mataas na unang datos na kanilang naitala noon. Para makumpleto ang pagiging mabisa ng isang bakuna, karamihan sa mga bakunang nailabas ay nangangailangan dalawang dose sa kada tao gaya ng Pfizer-BioNTech, Oxford-Astrazeneca, Moderna, Gamaleya at Sinovac. Ang una ay para makilala at malabanan ng immune system ang sakit at ang pangalawa ay pampalakas ng immune response. Para makuha ang ninanais na epekto, mahalagang masunod ang dosage na ibinigay ng mga dalubhasa. Mahalaga rin ang maayos at organisadong paghahatid ng mga bakuna. Maaaring may sangkap KAPANGYARIHAN AT KAHINAAN ang mga itong nangangailangan Efficacy ang siyang importante ng mababang temperatura o sa bakuna. Ito ang sukat ng pagiging ibang tiyak na kondisyon. Para sa epektibo ng isang bakuna mula sa mga mga bakuna ng Pfizer-BioNTech pananaliksik sa laboratoryo. Pasado at Moderna, inirerekomenda ang bilang vaccine ang anomang bakunang malamig na imbakan, -70°C at -20°C may hihigit sa 50% efficacy rate na ayon sa binanggit ng pamunuan. siyang pamantayang itinakda ng World At nangangailangan lamang ng Health Organization. Nangunguna karaniwang temperatura sa refrigerator rito Moderna at Pfizer-BioNTech ang mga bakuna ng Oxfordna may efficacy rate na 95%. 91% Astrazeneca, Gamaleya, at Sinovac. IPAGPATULOY | 18

Diyeta sa Pandemya Scam o Five Stars?

Talamak ang nagpapaka-fit ngayong walang magawang ibang produktibo. Bukod dito, nais ding panatilihin ng nakararami ang mabuting kalusugan nang makaiwas sa sakit lalo na at may pandemya. Patok na patok ang pagpapapayat ngunit nakabubuti ba ang paraan ng pagiging malusog o lalo lang nalalapit ang mga ito sa kapahamakan? Low-fat diet ang tawag sa isang intermittent fasting naman ang isang paraan ng pagdidiyeta kung saan eating pattern na gumagamit ng hindi binabawasan ang konsumo ng mga pagkain nang halos 16-24 na oras pagkaing matataas sa total fat, dalawang beses kada linggo. unhealthy fat, at cholesterol. Samantala, Hindi siguradong nakabubuti sa

JOHN ANTON GARCIA

Matatagpuan sa puso ng lungsod ng Angeles ang butihing handog ni Bishop Pablo Virgilio ‘Ambo’ David para sa mga Angeleño nito pang 2009. Ang Sagip Sapang Balen, isang adbokasiyang pangkapaligiran ng Parokya ng Sto. Rosario na pinangunahan ni Bishop Ambo Ito ang unang tumayo upang magbigay ng pag-asa para sa mga Angeleño na naghahangad ng malinis at makulay na lungsod. Binigkis nito ang pagpupunyagi ng lahat ng mga mamamayan ng Angeles upang linisin, kalingain, at ipagtanggol ang likas na ganda ng lungsod. Nagsimula ang proyekto sa mga pag-aalis ng mga kalat sa mga malalapit na mga ilog na naging tambakan ng basura. Lumago ang proyekto at dumami ang mga nagkawang-gawa. Gayundin, pinalawig nila ang pagsagip tungo sa pagtataguyod ng pagtatanim at pangangalaga sa likas-yamang makikita sa buong Pampanga. Ngayon, higit sa isang dekada matapos ang pagtatatag ng Sagip Sapang Balen, nawala ang sigla ng mga nilinis na lugar ng mga Angeleño. Bumalik sa dating dumi ang Sapang Balen at tuluyang naglaho sa kasalukuyan ang proyekto. Matapos lumipat ng parokya ni Bishop Ambo, napatid na rin ang inisyatibo ng komunidad.

EARL VALENCIA

Bagaman nagsilbi ang Sagip Sapang Balen bilang huwaran at inspirasyon sa mas marami pang proyekto, nasayang pa rin ang ilang taong pagbubuno ng kahapon. Nakalimutan ang Sapang Balen at nanumbalik ang dilim sa ganda. Akala ng karamihan natatapos ang kuwento sa mabuting gawain. Ngunit kung hindi ito pinaninindigan ng sambayanan, magiging masalimuot ang USBONG. Inaalagaan ng mga boluntaryo ang katuloy na mga yugto ng istorya. Ang paghalamang itinanim sa uswag at pagsibol ng isang maunlad na Sapang Balen. (Halaw sa Sagip bansa ay laging magsisimula sa pagkakapitSapang Balen) bisig ng mga pamayanan, malaki man o maliit, at ang pagkakaisa ng bawat Filipino.

IPAGPATULOY | 17

hindi natapos ang gagawin, kaantabay ni isko sa tabi ang kaniyang pinakamamahal na kape. Isa ang kape sa mga pinakasikat na pampagising maging para sa trabaho man iyan, pag-aaral, o kahit sa panlibangan pa. Ito ay dahil sa taglay nitong caffeine na siyang nagsisilbing stimulant o pampagising para sa Central Nervous System.

BAGONG MANDIRIGMA NG AGHAM Sa bagong virus na ito, isang bagong paraan ng pagbabakuna ang isinagawa, ang mRNA vaccines. Halimbawa ang Pfizer-BioNTech at Moderna, ito ang vaccine, ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), na nagbibigayinstruksyon sa katawan upang gawin ang spike protein gaya ng sa coronavirus. Walang masamang epekto ang bakunang ito maliban sa paglaban sakaling pumasok sa katawan ang tunay na virus. Ang Sinovac naman, ay isang inactivated-SARS-CoV2 na gumagamit ng mga, natutulog na virus ng COVID-19 mismo. Ito ay para matutuhang labanan ng immune system ang ibang activated na uri ng virus na itong maaaring makapasok sa ating katawan.


aghari

AGTEK

MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON

Higit Higit sa sa Apat Apat na na Sulok Sulok JONATHAN CARLOS PONIO, AYEN UNICE MANGUAN & ABRAM JOSH MARCELO

N

akapanghihinayang. Sa ganito pinakasimpleng maipaliliwanag ang paghinto ng mga programang pang-agham ng Pisay upang unahin ang kalusugan ngayong global pandemic.

Bahagi ng tradisyon ng Pisay ang kabuoang paghubog sa mga iskolar nito sa pagsasagawa ng iba-ibang aktibidad pangagham. Buhat nito, nalanta ang kahusayan ng mga estudyante pagdating sa agham na siyang makatutulong sana sa paglago ng kanilang kaalaman at kasanayan sa hinaharap. Ayon kay Lani Suyom, guro sa Biology, hindi maiiwasang manghinayang ang kaguruan dahil hindi mararanasan ng mga iskolar ang traditional activities ng paaralan. Ngunit, para sa kaniya, “ang science ay isang practical na subject at puwede itong mamaximize sa pag-aaral ng mga napapanahong mga situwasyon at issues”. Ipinaliliwanag nitong

napakaraming oportunidad upang matutohan at maisabuhay ang mga makaagham na karunungan. Naniniwala rin si Suyom na “isang malaking laboratoryo ngayon ang buong mundo dahil karaniwan ngayon ang mga salitang RT-PCR, RNA, antibody, at iba pang dating propesyonal lamang ang gumagamit.” Idiniin pa niyang malaking oportunidad para sa lahat na mabigyanghalaga ang siyensiya sa pangaraw-araw na pakikibaka ng mga tao ngayong may pandemya. Kahit na nakapiit sa kanikaniyang tahanan ang bawat isa, maaari pa ring lumabas sa nakasanayan ang mga iskolar at kilatisin ang mga suliraning panlipunan gaya ng pandemya

gamit ang makaagham na perspektibo at batayan. Naghahatid ang mga programang pang-agham ng mga karanasang tatatak na matatamo sa karaniwang ayos ng silid-aralan. Hindi tulad ng dati, magandang malinawan ang nakararaming hindi lamang sa mga proyekto ng paaralan nakalilinang ng kakayahan ang mga iskolar upang mapahalagahan ang taglay na ganda ng agham. Tumingin sa ibang daan at tahakin ang makamundong bahagi ng siyensiya dahil hindi lamang dapat nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagkatuto, marapat na ibahagi ito sa mundong nangangailangan ngayon.

... mula sa pahina 16

Naglalaban ang sampung koponan mula Junior High taon-taon sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon at nilulutas ang bawat hamon upang maiuwi ang tropeong nagpapatunay ng kanilang galing sa siyensiya sa labas ng paaralan.

SC I

Upang mabigyan ng pananaw ang mga iskolar sa karaniwang buhay ng mga dalub-agham, idinaraos ng Pisay ang Science Forum. Ibinabahagi ng ilang eksperto ang kanilang karanasang inaasahang magsisilbing inspirasyon sa mga siyentista ng hinaharap.

IENCE IMMER C S SI

OR U M

N O

GRAM PRO SCIENCE LABORATORY Mula sa nakaimbak na 100% alcohol solution sa laboratoryo, na-dilute ito bilang 70% ethyl alcohol pamumuno ni Rohit Tilwani, guro sa Kapnayan, katuwang sina Mia Garcia, laboratory assistant, at Hazel Calma, school nurse ng paaralan. “Rather than being left unutilized, we put it [ang nakaimbak na supply ng alcohol] to good use. We hope it could help prevent the spread of the virus,” paliwanag ni Tilwani. Nakapaghatid ang grupo ng 600 boteng 500 ml alcohol sa frontliners ng iba’t ibang ospital sa Gitnang Luzon at mga pulis na nagbabantay sa Clark.

F CE EN

SCIENC EC A

P

Binibigyan ng pagkakataong sumubok sa mga laboratoryo at unibersidad ang mga iskolar sa ikasiyam hanggang ika-11 na baitang sa tulong ng Science Immersion Program (SIP). Hinahanda rin nito ang mga iskolar sa buhay ng isang siyentista sa kanilang pipiliing larang.

FABRICATION LABORATORY Kabilang din sa mga nagkawanggawa ang Fabrication Laboratory ng Pisay-Gitnang Luzon kung saan nakapagdisenyo sila ng higit 200 3D-printed face shields para sa mga medical frontliner gamit ang heat press machine at 3D printer. Ipinahiram din ng laboratoryo ang kanilang kagamitang laser cutter at heat press machine sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST-Region 3) para sa mas maiging produksyon ng face shields. N-95 masks naman ang handog ng PISAYuda para sa Mt. Carmel Hospital ng Clark Freeport Zone dahil na rin sa kakulangan ng supply ng face masks.

Batay sa pananaliksik ng Healthy Minds Network, anim sa 10 mag-aaral ang nahihirapang makakuha ng access sa mental health na nagdudulot ng academic stress. Upang mabawasan ang mga negatibo sa stress, naisipan ni Ian Aragoza ng Eunoia 2021 ng gumawa ng A Relaxing Interactive Application (ARIA), isang smartphone application na gumagamit ang virtual reality (VR) upang maisabuhay ito. Sa oras na isuot ng mag-aaral ang VR Headset, makikitang tila naglalakad siya sa isang mapayapang isla kung saan may maliit na kampo. Nilapatan din ang application ng mga konseptong nangangasiwa ng stress: music therapy, biophilia, at mindfulness meditation. Habang binabaybay ang isla, may marahang tugtuging mapakikinggan sa paligid na bahagi ng music therapy. Biophilia naman ang malapit na pakikihalubilo sa kalikasang matatamasa sa paglilibot sa isla. Samantala, maaaring gamitin ang radyong malapit sa bonfire sa kampo upang makinig sa isang podcast sa mindfulness meditation. Lalong kakalma ang pag-iisip ng mga mag-aaral. Upang matamasa ang lahat ng ito, kinakailangan lamang i-download ang application ng ARIA sa smartphone at ilagay gadget sa gagamiting headset. Sa pagsusuri, nadiskubreng naging epektibo ang paggamit ng virtual reality ng ARIA sa pagbawas ng stress sa mga iskolar. Gamit ang birtuwal na realidad, nakahanap ng lulutas sa malaking pangambang siyang bahagi ng realidad ng buhay.

Bir n o tuwa g l na Pagtu sa R DIYETA SA ad d i e PANDEMYA l a g V

KANSELADONG STEM ACTIVITIES NG PISAY M

17

kalusugan ang low-fat diet. Ayon sa WebMD (2020), dinaragdagan nito ang pagkonsumo ng ibang sangkap (asukal, arina, at asin) bilang panustos sa nawalang taba. Hindi dahil taba, masama. May tinatawag na “good” fats gaya ng olive oil at omega-3 fats na naalis kasabay ng “bad” fats o saturated trans fats na madalas nakikita sa mga hayop. Epektibo ang intermittent fasting sa pagtaas ng growth hormones, pagbaba ng insulin levels sa katawan, at pagbilis ng metabolismo upang pumayat. Ngunit hindi ito puwedeng gawin ng may eating disorder at underweight kaya dapat magpakonsulta muna. Masasabing scam ang low-fat diet dahil hindi ito nakatutulong sa katawan. Pagbabawas sa pagkonsumo ng trans fat siyang mas mainam. Habang ang intermittent fasting naman ay makatutulong sa maikling panahon, hindi pa sigurado sa epekto nito sa katagalan. Higit sa lahat, mangingibabaw pa rin dito ang pagbisita sa propesyonal sa tamang pagdidiyeta. Alamin muna kung anong paraan ang makabubuti. Kung hindi, baka ito ay maging dahilan ng pagusbong ng masasamang epekto sa ating kalusugan.

SENIOR CITIZEN COMMITTEE Hindi rin nalimutan ng Senior Citizen Committee ng Pisay na abutan ng tulong ang 138 nakatatanda nitong ikapito ng Abril sa Macapagal Village, Mabalacat City, Pampanga. Tig-aanim na kilo ng bigas ang ipinamahagi ng Pisay COVID-19 Response Team kaya lubos ang pasasalamat ni Barangay Captain Lamberto Dizon para sa taospusong pagtulong ng paaralan para sa mga nasasakupan.

SERBISYO SA BAYAN. Lumilikha ng alcohol ang mga kawani ng Pisay-Gitnang Luzon sa laboratoryo upang ibigay sa frontliners. (Halaw sa Inquirer PH)

THEA VITUG

irtual R lity Bilan ea Sagot sa Stress

PAGTANAW SA TANAWIN. Binabaybay ng isang iskolar ang mundo ng ARIA kung saan makikita ang kampo sa gabi. (Kuha ni Ian Aragoza)

MAKABAGONG PERSPEKTIBO. Halimbawa ng isang VR Headset. (Halaw sa Amazon)

PISAYuda umarangkada sa pandemya JONATHAN CARLOS PONIO

Sa ilalim ng inisyatibong PISAYuda: Siyensiya para sa Bayan, agarang aksyon ang hatid ng Pisay-Gitnang Luzon para sa mga frontliner at iba pang apektado sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa nitong buong buwan ng Marso. Patunay na hindi nalilimutan ang tuwirang layon ng institusyong gawing para sa bayan ang agham.


18

AGTEK

B

MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1

aliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba ang research?

Ganito ang naging patutsada ni Senador Cynthia Villar nitong Oktubre 2019 matapos mapaglaanan ng mataas na badyet ang pananaliksik ng Kagawaran ng Agrikultura (DA). Sinasalamin ng ganitong pahayag ang maliit na pagtingin sa agham at pananaliksik sa bansa gayong malaki ang naiaambag nito sa inaasahang pag-unlad ng bansa. Kaya naman, hatid ng PisayGitnang Luzon ang ilan sa higit 40 pananaliksik ng Eunoia 2021 na talagang makatutulong sa lipunan. Sa katanuyan, ito rin ang lima sa mga natatanging kinikilala ng mga timpalak-pananaliksik sa buong bansa dahil sa kanilang potensiyal na makaagapay sa pag-unlad ng Filipino.

BIOPLASTIC SA KALAMANSI AT ITLOG Pinag-aralan nina Gavielle Cruz, Jerard Dela Cruz, at Jose Tomanan ang balat ng kalamansi at itlog upang makakuha ng pectin at calcite sa kanilang pananaliksik na tinatawag na “Calcitin”. Hinalo ang nakuhang pectin at calcite sa Polyvinyl alcohol (PVA) at nakagawa sila ng bioplastic na tatlong beses na mas matibay ang tensile strength kaysa sa nakagisnang plastic. Sa katunayan, napag-alaman ng grupong mas mabilis malusaw sa tubig ang kanilang bersyon ng bioplastic kumpara sa nakagisnang plastic. Pinagtuonan ng grupo ang balat ng kalamansi at itlog sapagkat itinatapon na ang mga ito kadalasan at hindi napakikinabangan sa pangmatagalan. Mainam ang CALCITIN dahil nalilimitihan ang masasamang kemikal sa kalikasan.

Baha

DNA BARCODING SA KABUTE Ang kabute ay isang buhay na nilalang kaya naman may iba’t ibang species ito. Natukoy ni Pauline Dayo sa kaniyang pagsisiyasat na nagkakaroon ng mislabeling o maling paglalagay ng uri ng kabute sa mga paketeng nasa pamilihan. Upang maisakatuparan ito, nagsagawa ng DNA Barcoding si Dayo kung saan kumuha siya ng isang bahagi ng DNA sa gene at kinumpara ito sa mga tukoy nang DNA sequence ng iba’t ibang species ng kabute. Mahalagang malaman ang wastong pagkakakilanlan ng ibinebentang kabute dahil nakaaapekto ito sa kalidad at presyo sa tuwing mamamalengke ang mga mamimili. Sa pangkalahatan, natukoy na 67% sa mga nakolektang kabute sa mga pamilihan ng Gitnang Luzon, Maynila, at CALABARZON ang mali ang pagkakalagay ng kabute. MGA DNA NG KABUTENG NASA TEST TUBE

JONATHAN CARLOS PONIO CALCITIN BIOPLASTIC

3D-PRINTER NA GINAMIT PARA SA LAMOC

LAMOC KONTRA LAMOK

Kauna-unahan para sa Filipinas ang proyekto nina Jarod Fianza, Ayen Manguan, at Jonathan Ponio na isang aparatong nakatutukoy ng species ng lamok batay sa tunog ng pagpagaspas nito. Binansagan bilang Low-cost Acoustic Mosquito Observation Channel (LAMOC), layon nitong malaman kung nakapapahamak ang mga lamok sa isang lugar upang makapaghanda ng aksyon ang kinauukulan. Mas mainam ang pagbabantay na ganito sa halip na patayin nang agaran ang mga lamok gamit ang insecticide na lubhang nakasasama sa hangin. Tatlong uri ng lamok na naglilipad ng delikadong sakit ang kaya nitong matukoy: Aedes aegypti (dengue), Anopheles sp. (malaria), at Culex sp. (west nile virus) at pinaplano pa ng pangkat na palawigin sa mas maraming uri ng lamok ang matutukoy. Nakapagtala ng halos 95% na katumpakan ang LAMOC sa pagkilatis ng mga lamok. Sa halagang hindi hihigit sa limang libong piso, malaki ang hinaharap ng pananaliksik na ito kumpara sa libo-libong pisong ginagastos ng ibang bansa para sa halos parehong serbisyo gaya ng LAMOC.

SUTURE NA BUHOK NG MAIS ARSENIC CONTENT NG BROWN NA BIGAS Pangunahing pagkain ng masang Filipino ang kanin. Nagiging delikado ang pagkonsumo ng kanin sa tuwing dadapuan ito ng mga delikadong arsenic, isang heavy metal na nakapagdudulot ng karamdamang nauugnay sa balat, puso, tiyan, at isip. Dahil dito, inusisa nina Patrice Del Rosario, Isaac Ricafort, at April Rodaje ang samot-saring paraan ng pagluluto ng bigas upang malaman kung paano mapababa ang arsenic

nito. Mula sa paghahalo ng tubig at bigas, nababawasan ng higit 45% ang arsenic content kapag hinuhugasan ng 10 baso ng tubig ang isang baso ng bigas. 33% naman ang nababawas kapag niluluto ang isang baso ng bigas sa dalawang basong tubig. Sumatutal, mapabubuti nito ang kalusugan ng kakain ng bigas dahil napababa ng mga nasabing kaparaanan ang mapanganib na arsenic na nasa bigas.

PAALALA! laging

magsuot ng

FACE MASK Pinababa ng pagsusuot ng face mask ang pagkalat ng virus dahil natatakpan nito ang laway na siyang nagdadala ng sakit na COVID-19, sa tala ng Kagawaran ng Kalusugan.

Ikalawa sa pinakamalaking plantasyon sa bansa ang sektor pagmamais, kaya naman malaki rin ang bahagdang nailuluwal nito pagdating sa “agricultural waste”. Kadalasan pang sinusunog ang mga hindi napagkakakitaan sa halamang mais kabilang na ang buhok nito. Ito ang naging inspirasyon nina Carlo Castro, Lance De Guzman, at Kyle Sy sa kanilang pananaliksik na nagsusuri sa potensiyal ng buhok ng mais nang magamit na suture o panahi sa mga sugat. May pH level 10 o hindi gaanong acidic ang suture ng buhok ng mais na naaangkop sa katawan ng tao. Napag-alaman ding maihahalintulad sa mga surgical thread na makikita sa pamilihan ang nagawang suture mula sa buhok ng mais dahil walang namataang malaking kaibahan sa tensile strength o pagiging matibay nito, patunay na malaki ang kapasidad ng buhok ng mais sa paghalili sa nakagisnang suture.

PAGSASAAYOS NG SAMPLES PARA SA BUHOK NG MAIS

ANG BIDA NG HULING KABANATA ... mula sa pahina 16 NALALAPIT NA PAGWAWAGI! Ayon sa tanggapan ni Senador Sonny Angara, para sa kada dalawang dose sa isang tao, ₱610 pesos ang aabutin ng Astrazeneca; ₱2379 sa Pfizer; ₱3904 hanggang ₱4504 naman sa Moderna; ₱3629 ang Sinovac; at ₱1220 ang Sputnik V ng Gamaleya. Mula sa mga presyong ito, ₱51.5 bilyon ang pasimulang nakalaan para sa mass vaccination program ng bansa. Milyong-milyong Filipino rin ang matuturukan at makatutulong ito para sa herd immunity o upang malimitahan ang pagkalat ng virus. Sa panahon ng pagsulat, dalawa na ang mga bakunang binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration: Pfizer-BioNTech

at Oxford-AstraZeneca. May inaasahang 25 milyong dose ang paparating sa Pebrero mula sa Pfizer at 17 milyon ang darating sa Mayo mula sa Oxford. Ang Gamaleya at Sinovac naman ay pinagaaralan na rin ng kinauukulan ng bansa. Patuloy na dumarami ang mga produkto ng agham na umaakyat sa entablado, bawat isa ay may sariling tindig, tinig, at tikas. Habang sinasalubong ang bagong liwayway ng mundo, mahalagang manatili ang pag-iral ng disiplina, kagalingan, at katotohanan. Marami na ang namulat sa daan-daang ilusyon at guni-guning dala ng pandemya. Inaasahang sa pagdating ng superhero na mga bakuna, masisilayan muli ng mga Filipino ang dalisay na liwanag ng pag-asa.


aghari

ISPORTS

MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON

BIANCA MARIE LIM

“Avi Nation, Unite!” Higit sa kadalubhasaan at pagiging istrikto ng mga guro mula sa Pisay-Gitnang Luzon sa pagtuturo, masasabing may nakatago ring kalupitan ang ilan sa paglalaro ng sikat na multiplayer online battle arena game na Mobile Legends: Bang Bang (ML) Angat sa lahat ang “lodi” at pambato ng Pisay na si Sir Arvin Fajardo na umuulan ng MVP awards sa tuwing maglalaro ito. Isang guro sa Sipnayan at Istatistika, ibinahagi ni Sir Fajardo na nakabuo na ng grupo si Sir kasama sina Sir Crisostomo Bato, Sir Mark Paolo Cruz, Ma’am Janine Pecson, Ma’am Hazel Calma, at Ma’am Catriana Canilao na malimit maglaro at makakuha ng W mula pa noong 2018. Kilala sa in-game name na “Avi08234”, inilahad ni Fajardo na nakatutulong ang ML upang mapatalas pa nang husto ang kaniyang pag-iisip at maging stress reliever dahil dito niya naibubuhos ang pagod sa pagtuturo.

PINDOT. Mahilig maglaro si Sir Arvin Fajardo ng larong Mobile Legends kasama ng kaniyang mga katrabaho sa Pisay. (Kuha ni Arvin Fajardo at Gadget Match)

Kahit na hilig ni Sir Fajardo ang ML, sinisiguro pa rin niyang hindi naapektuhan ang kaniyang mga gawain sa pagbibigay-halaga sa mga ito bago ang paglalaro. Sa katunayan, nakatutulong pa raw ito sa pagganyak na tapusin kaagad ang mga nakatakdang gawain. Kaya naman nitong 2019, nakamit

niya ang kaniyang Professional Masters in Applied Math sa Unibersidad ng PilipinasDiliman. Para sa mga iskolar na mahilig ding maglaro ng ML, ito ang payo ni Sir Fajardo, “‘Huwag lang puro ML, mythical glory ka nga, pero grade mo pang warrior lang tapos wala kapang naiaambag sa bansa.” Idinagdag niya ring tulad ng kaniyang ginagawa, maglaan ng oras sa mga aktibidad katulad ng pisikal na isports, pakikipag-ugnayan sa mga kakilala, at pagsasaliksik upang makatulong sa bayan. Gawing ehemplo ang kakayahan ng mga gurong mapaglaanan ng wastong oras ang pagtuturo bago ang paglalaro. Dahil kasabay ng pagsasaya bilang iskolar ng bayan, kailangan ding magpunyagi at magsunog ng kilay upang makatulong sa

PAGBABAGONG-BIHIS Buhay Atleta sa Pandemya JAYVEE JOSEPH MANALOTO

Malaking pinsala ang naidulot ng COVID-19 sa estado ng larang ng palakasan. Nag-anibersaryo na ang pandemya at kaakibat nito ang pagkansela ng malalaking mga torneo bilang pagsunod sa mga istriktong panuntunang pangkalusugan. Trabaho ang paglalaro. Dahil sa kawalan ng trabaho buhat ng COVID-19, kinailangang humanap ng sideline job ng iilang manlalaro. Sa kaniyang pagliban sa PBA Bubble, nagbukas ng car washing business ang Blackwater Elite forward na si Carl Bryan Cruz. Habang si PLDT volleyball player na si Jayvee Sumagaysay ay nagtayo ng food business. Wika ni Sumagaysay sa isang pahayag, “Of course, longer period of staying at home means more expenses. But we have no income because we don’t have a tournament now, [kung kaya’t naisipan niyang mag-sideline].” Dumagdag pa sa problema ang pangangalahati ng monthly allowance ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga atleta noong nakaraang mga buwan. Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, “Mabigat pero tinitingnan namin ang aming balance as of May. Hindi kami aabot sa December kapag normal na allowance ang ibibigay. Magne-

isports

GG

Guro na, Gamer pa

19

negative kami.” Ipinangako naman ng tagapangulong ibabalik ito kaagad sa oras na lumaki ang pondo. Nakalulungkot pa rin ito para sa mga atleta ngunit kung ito ay para sa ikabubuti ng kasalukuyang kalagayan ay katanggap-tanggap naman ito. Bilang kapalit, tututukan naman ng PSC ang mental health ng mga atleta. Mahalaga ito dahil maaaring magdulot pagkabagot ang pandemya dahil sa kawalan ng pag-eensayo lalong-lalo na at pinauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga manlalaro ng national pool. Binanggit ni Dr. Rodel Canlas, na miyembro ng PSC Sports Psychology Unit, na hindi makalalaro nang mabuti ang mga atleta kung may iniinda sa kanilang pag-iisip kaya sasaklolo rito ang grupo nina Canlas upang malampasan ito ng mga manlalaro. Sa kabila ng kinahaharap na mga balakid, nangibabaw ang pagiging matatag ng ating mga manlalaro. Patunay itong bumabangon ang isang atletang Pinoy at hindi bastabasta nagpapatinag sa anomang unos na sasagasain. Ngunit, hindi dapat ito gawing solusyon sa mga problema kundi ang tamang paglalaan ng pondo upang maagapan ang ganitong mga situwasyon.

Kakokompyuter mo ‘yan!

Video games sa panahon ng pandemya ELIJAH EARTH PENIANO

Tagaktak ang pawis habang aligaga sa kung ano pang magagawa sa loob ng silid. Marahil ganito ang situwasyon ng karamihan dahil sa maraming bakanteng oras upang magliwaliw. Buhat nito, marami ang nakadiskubre sa paglalaro ng video games at tunay itong nakapagpagaan ng mabigat na dinadala sa pandemya. Pumatok ngayon sa mga isko ang paglalaro ng action role-playing game na Genshin Impact. Hindi nakatakas dito si CJ Maximo ng ika-12 baitang na kung saan nahumaling siya sa larong inilunsad ng miHoYo dahil sa magandang graphics at tila anime na characters nito. Batay sa mga pananaliksik ng dalubhasa sa pampalakasan ng World Health Organization, napabubuti ng paglalaro ang koordinasyon sa kamay at mata, napahuhusay ang pagmu-multitask,

at napatatalas din nito ang pag-iisip ng utak ng mga manlalaro. Siyang nagpapatunay dahil mahusay rin si Maximo sa pag-aaral at mabilis ang kamay sa pagbuo ng rubik’s cube. Bukod dito, ibinahagi rin ni Maximo na nakakilala siya ng iba pang iskolar mula sa ibang baitang at kampus na siyang nakadaragdag sa kasiyahang naidudulot ng laro. Ayon kay Dr. Mark Griffiths, isang psychologist sa Nottingham Trent University, ang video games ay upang

makisalamuha sa mga taong mula sa iba’t ibang panig ng mundo. “Maybe they are gaming for the first time, and they realized this was an outlet you can naturally socialize with,” pahiwatig nito. Bunsod ng mga selebrasyon kung saan maraming nakatatanggap ng bagong consoles at kompyuter, makikita ang pagtaas ng mga manlalaro ng video games at ang pagtaas ng kasikatan ng video games sa buong mundo.

DAHIL BAWAL LUMABAS

Pag-switch sa Twitch

JAYVEE JOSEPH MANALOTO

Mula sa paghampas ng bola sa volleyball at pagdribol sa basketball sa paaralan, hindi naman pinalampas ng ilang iskolar ng Pisay-Gitnang Luzon ang pagkakataong mag-stream ngayong birtuwal ang paraan ng pagtuturo. Sa mas maluwag na oras sa pag-aaral, kabilang sa mga sumubok ang dalawang mag-aaral ng Batch Eunoia na sina Lcid Tayag at Hans Ferrer. Ang online streaming ay isa sa mga kinagigiliwan ng nakararami kung saan ipinalalabas nang live ang bidyo ng mga naglalaro sa social media gaya ng Facebook, Youtube, at Twitch. Karamihan sa mga ito ngayong pandemya ay pumapalibot sa paglilibang sa mga video game na maaaring buhat ng paghinto ng mga face-to-face na klase at ilang mga trabaho. Ibinahagi nina Lcid at Hans na ang streaming ang naging pantanggalinip nila ngayong lockdown. Nang dahil sa kanilang mababagsik na taktika sa paglalaro, naisipan ng kanilang mga katropang hikayatin ang dalawa upang

LARO NG LOCKDOWN. Dahil walang magawa habang lockdown, minabuti ni Lcid Tayag na maglibang at mag-stream sa Twitch. (Kuha ni Lcid Tayag)

subukin ang pagiging streamers. Isa rin itong paraan upang mapagtibay ang relasyon nilang magkakaibigang nanonood ng streams at magkaroon ng mga bagong kaibigan sa streaming community. Bilang resulta, dalawa sila sa mga pinakapinanonood na streamers ng Pisay sa Twitch. Binabalanse ng mga streamer na mag-aaral ang kanilang oras sa pag-aaral upang makapagliwaliw sa paglalaro habang nag-i-stream. “Dati, noong bago pa lamang ako, umaabot ako ng anim na oras kada araw pero nang nagsimula ang klase, pinili kong hindi na muna mag-live”, ani ni Lcid. Si Hans naman ay naglalaro lamang sa tuwing matatapos na siya sa ibang mga dapat maunang gawin. Higit sa lahat, naging mabuting ehemplo sina Lcid at Hans sa mga iskolar dahil nakatutulong din sila sa kanilang mga magulang sa tulong ng pag-i-stream. Nakakuha sila ng kita mula sa mga virtual coin na ibinibigay ng kanilang tagasubaybay ngayong mahirap ang situwasyon at nalimitahan ang pagtatrabaho ng mga magulang. Payo nina Lcid at Hans sa mga may balak subukin ang mundo ng streaming na ipakita sa mga manonood ang kanilang totoong sarili. Para kay Hans, ibahagi rin sa mga follower kung ano ang adhikain ng paglalaro nang live nang sa gayon ay matukoy kung tugma ba sa hilig ng mga manonood ang kayang ibigay ng streamer. Bukod sa mga ito, kinakailangan pa ring huwag ipagsawalang-bahala at bigyan ng pinakamataas na pagtuon ang pag-aaral dahil sa huli, ito pa rin ang tungkulin bilang mga iskolar ng bayan.


MATIKAS AT MALAKAS. Patuloy sa pagtakbo si Anya Villanueva upang matapos ang kaniyang torneong nilahukan. (Halaw sa Bike King PH)

PINALAKAS NA

PALAKASAN Paghubog sa sports, inaasahan sa pag-apruba ng National Academy of Sports

A

sahan ang maiging paghubog sa student-athletes, pag-iwas ng kabataan sa masasamang bisyo, at paghahari ng Pilipinas sa entablado ng pampalakasan bunsod ng pormal na pagsasabatas ng Republic Act 11470 na layong magtayo ng National Academy of Sports (NAS) nitong ikasiyam ng Hunyo sa Siyudad ng Davao. ONE TOUCH. Inutukan ni Isaac Ricafort ang mga kalaban sa mahinang pagpalo ng bola. (Kuha ni Haqi Cancio)

Sa pangunguna bilang co-author, ibinida ni Senador Bong Go, puno ng Senate Sports Committee, ang matagumpay na pagsulong ng naturang batas matapos ang halos isang dekadang pagsusulong ng pagpapalago ng kahusayan sa isports para sa kabataan. “It is about time that we establish a learning institution focused on sports. Ngayon na magkakaroon na ng National Academy of Sports, sabay ng mabibigyan ang kabataang atleta ng pagkakataong mag-training at makapag-aral sa isang world-class na pasilidad at eskwelahan,” pagmamalaki ni Go. PAGHUBOG PARA SA SUSUNOD Turan ng senador, “Maganda ang performance natin noong nakaraang SEA Games pero kailangan nating maibalik ang pagiging sports powerhouse ng Pilipinas sa Asya. Sa tulong ng NAS, mas mapapalakas natin ang ating sports development programs upang matulungan ang ating mga atleta na magtagumpay sa kanilang larangan at makakapagbigay ng dagdag karangalan sa ating bansa.” Makatutulong ang NAS para sa maagang pagkahubog ng mga batang may potensiyal sa larang ng pampalakasan nang lalo pa silang mahasa at makilala sa mundo ng isports sa susunod. “With this landmark measure, the Philippines can produce more world-class Filipino athletes who are well-educated and well-rounded, with a strong sense of patriotism and love of country,” dagdag pa ni Go. PLANO PARA SA NAS Sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon

(DepEd) at Philippine Sports Commission (PSC), itatayo ang pangunahing kampus ng NAS sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac na pupunan ng dekalibreng sports facilities, housing, at iba pang kailangan ng mga student-athlete kabilang na rin ang full scholarship para sa kanilang pag-aaral. Bukod dito, magtatalaga rin ng licensed foreign coaches at consultants na aprubado ng PSC upang masigurado ang pagkakaroon ng international competitiveness ng paaralan. PAGLAYO SA MASAMANG BISYO Bago pa man maging ganap na senador, naniniwala si Go na makatutulong ang isports upang maibsan ang paggamit ng ilegal na droga at kriminalidad lalong-lalo na ng kabataan. Pagbibigay-diin ni Go, “Sa pamamagitan ng pagbigay ng sapat at maayos na mga programa para sa ating mga kabataan na makapag-aral ng mabuti at magabayan sila sa kanilang mga talento tulad sa sports, mas mabibigyan sila ng oportunidad na magtagumpay sa buhay at mailayo sa masasamang bisyo tulad ng iligal na droga.” Sa huli, lubos din ang pasasalamat ng senador sa walang humpay na pagsuporta ng Philippines Sports Commission, Department of Education, Department of Budget and Management, at Bases Conversion and Development Authority na nakatulong at makatutulong sa paggabay sa kabataang manlalaro upang makamit ang kanilang mga pangarap.

Online Mafia: Bakit Naiiba?

Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba. Bumaligtad ang mundo at hindi na maaaring makapaglaro sa piling ng mga kakilala. Kinailangang maghanap ng alternatibong mga mapagkakaabalahan upang makasama pa rin ang mga kalaro. Sumaklolo rito ang biglang pagsikat ng online mafia game na Among Us. Isang online game ang Among Us na gawa ng Innersloth Games na siyang bantog sa kanilang Henry Stickman Series. Sa tala, noong 2018 pa lumabas ang laro at ang pangalan pa nito noon ay Space Mafia. Ngunit sumikat lang ito ngayong pandemya dahil sa impluwensiya ng mga streamer at bagot na manlalaro tulad nina Pewdiepie at Day6 Jae.

PH Bren Esports, itinanghal na MLBB M2 World Champion Mala-David at Goliath na laban ang ipinakita sa Finals nang patumbahin ng Bren Esports ng Filipinas ang Burmese Ghouls ng Myanmar na walang talo sa buong tournament, 4-3 sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M2 World Championship na ginanap sa Singapore, Enero 24.

Halaw sa orihinal na larong mafia ang palatuntunan ng Among Us — may hindi hihigit sa sampung tao sa bawat lobby at isa hanggang tatlong impostor sa bawat laro. Gampanin ng itinalagang impostor na pumatay ng mga crewmate nang hindi nahuhuli para manalo. Ang mga crewmate naman ay kailangang hanapin kung sino ang impostor bago matapos ang laro. Nakatulong ang Among Us na ipagpatuloy ang ugnayan natin sa mga kaibigan dahil sa mga lobby na maaaring gawin upang eksklusibong makapasok ang mga sasali. Kahit wala ka namang kalaro, puwede ka pa ring makipag-usap at makipagkaibigan sa ibang mga manlalaro dahil itinataguyod ng game ang komunikasyon upang mahanap ang impostor. At sa unang pagkakataon, hindi nagrereklamo ang mga magulang sa Among Us dahil nababantayan at nakasasamang makalaro ang kanilang mga anak dahil wala itong anomang

ISPORTS EKSPRES PBA Bubble, pinangasiwaan ng Clark Nagsilbing tahanan ang Clark ng mga PBA player sa ilunsad na ‘PBA Bubble’ nitong Setyembre 2020 hanggang Enero 2021. Basketball court ng Angeles University Foundation ang saksi sa lahat ng laro habang 10 minutong sakay ang layo nito sa sports dorm na Quest Hotel. Ibinida ni PBA chairman Ricky Vargas na pinili ang Clark dahil sa ligtas at maayos nitong pamamalakad ng health protocols na nagpakampante sa mga manlalaro.

LEGENDS. Matikas ang tindig ng kuponan ng Bren Esports matapos makuha ang trono sa ML World Championship. (Halaw sa ONE Esports)

sensitibong nilalaman. Ika nga ng isang magulang sa kaniyang online reiew sa Google Playstore, “it is a fun game that is easy to play and teaches the brain on deducing mysteries with very little blood and gore.” May katapusan din ang pagsikat ng isang bagay at ganito rin ang kapalaran ng Among Us. Nakalulungkot na bumababa ang mga taong naglalaro nito dahil nauso na rin ang ibang laro gaya ng Valorant at Genshin Impact. Ngunit kung uusisain, magandang nasilayan natin ang kaniyang biglaang pag-angat at naging bahagi ito ng kuwentong quarantine ng bawat bata sa kasalukuyan. PAGPAPANGGAP. Layunin ng impostor ang mapatay ang lahat ng crewmates nang patago. (Halaw sa InnerSloth)

Santiago, umukit ng kasaysayan sa PH Volleyball Kumana ng pambihirang kasaysayan si Jaja Santiago bilang kauna-unahang Pinoy volleyball player na kampeon sa international professional league nitong Marso 28 sa Tokyo, Japan. Nakapagtala ang 6-foot-4 middle blocker ng 11 puntos mula sa 9 attacks at 2 blocks para sa Saitama Ageo Medics upang umarangkada kontra NEC Red Rockets. HATAW. Nagbubunyi si Jaja Santiago sa puntos na kanilang nakuha matapos ang isang rally. (Halaw sa Ageo Medics)


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.