NSPC 2020
Bahaghari OPISYAL NA PERYODISMO SA FILIPINO NG MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON. SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT, PAMPANGA MARSO 2020 - MARSO 2021 | TOMO 8 BILANG 1
TINIG AT
TINDIG
Pisay kinondena ang biglaang blended learning #PisayNeedsABreak nag-trending sa Twitter KAHUSAYAN
JONATHAN CARLOS PONIO & JEWEL AILEEN DE JESUS
K
inalampag ng mga iskolar ng Pisay ang Philippine Science High School System (PSHSS) sa social media nitong Oktubre 18 upang repasuhin ng institusyon ang hindi pulidong unang markahan sa ilalim ng bagong Curriculum Under Remote or Blended Learning (CRBL) para sa taong aralang 2020-2021. Gamit ang #PisayNeedsABreak, nag-trending sa Twitter at umabot sa 14 libong tweets sa loob lamang ng 24 oras ang mga hinaing ng mga iskolar mula sa iba’t ibang panig ng bansa patungkol sa kakulangan sa kahandaan ng PSHSS bunsod ng agarang paglipat sa blended learning. Nakalikom ng higit 2 500 signatories ang isang online petition na inilabas bilang isang panawagan para sa malawakang break para sa buong system na siyang magsisilbing pahinga ng mga iskolar alinsunod sa Twitter rally na isinagawa. KAHUSAYAN | 4
Paurong na Pagsulong
Dehado ang mga guro’t mag-aaral nang ianunsiyo ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang Deped Order No. 7, Series of 2020 na nagsasagawa ng distance learning sa panimula ng Oktubre na siyang tugon sa lumalalang pandemya...
Kapeling sa Tuwina
Ang iskong may deadlines na papalapit, sa kape at pagpupuyat kumakapit. Habang humihilik ang pamilya, ito si isko nakaupo na silya, magdamag na nakatitig sa kaniyang laptop. At bago pa man matalo ng antok at magkandaugaga pagkagising...
OPINYON | 6
Tamis at Pait ng Isang Tasang Kape
Tuwing umaga, halimuyak na dulot ng isang tasang kape ang sumasalubong bago pumasok at magbanat ng buto. Pinaghalong tamis at init ang bumabati sa mga katawan habang hinahayaang ipahinga ang mga sarili sa pagod at pangambang nakaantabay... LATHALAIN | 10
Dibuho ni Ysabella Maria Calvario
AGTEK | 16
GG: Guro na, Gamer pa
Higit sa kadalubhasaan at pagiging istrikto ng mga guro mula sa Pisay-Gitnang Luzon sa pagtuturo, masasabing may nakatago ring kalupitan ang ilan sa paglalaro ng sikat na multiplayer online battle arena game na ML... ISPORTS | 19
Pinakamahusay na Pahinang Lathalain
14
LATHALAIN
MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1
Baha
SAKRIPISYO PARA SA IYO.. Bakas kay name ang pag-aalala kaya naman marahan kung siya ay mag-asikaso sa mga pasyenteng may COVID-19. (Kuha ni Canra Jona Patubo)
FIDEL MARIANO JR
Abot-Langit: Sa Bingit ng Buhay at Kamatayan Mabagsik ang pangambang sumasalubong sa mga OFW sa kanilang paglipad palabas at papasok ng bansa. Mga banyagang bansa ang kumukupkop sa kanila at sumusuporta sa kanilang pamilya, ngunit pinakomplikado ang kanilang paglisan ng banta ng COVID-19. Kaya naman, mas pinipili ng karamihan sa mga OFW ang umuwi sa Filipinas upang makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga oras ng kapahamakang bumabalot sa daigdig. Maraming nangingibang bansa upang makaraos ang kanilang pamilya. Maraming umaalis upang maghanap ng mas mabuting kinabukasan. Para kay Canra Jona Patubo, pera at oportunidad ang kaniyang hinahanap sa lupaing banyaga. Bilang isang nars, mababa ang sahod ni Canra kung pipiliin niyang manatili sa Filipinas. Kaya kahit na malayo, napagdesisyonan niyang magbakasakali sa Qatar noong Nobyembre 2018, kung saan patuloy ang pakikipagbakbakan niya sa COVID-19 ngayong taon. Sa Qatar, mas maraming oportunidad ang nagbubukas para kay Canra. Sa Qatar, mararanasan niya nang mag-isa ang isang bayang hindi pa niya kilala. Tulad ng nakararami, kalaban ni Canra ang kaniyang pagiging homesick. Araw-araw niyang makakaharap ito sa paggising hanggang sa pagtulog. Mararamdaman niya ito sa bawat minutong inaalala niya ang kaniyang pamilya, ngunit hindi niya ito pagwawagiin. Sa halip na panghinaan ng loob, pinagbuti ni Canra ang kaniyang pagtatrabaho. Nagsumikap siya at nagpakatatag para sa kaniyang pamilya at nagpatuloy sa kaniyang pagpapabuti sa sarili.
Pangalan:
Sa kaniyang trabaho sa Qatar, nag-aalaga at tumutulong si Canra sa iba’t ibang tao. Aniya, “Nakakilala ako ng iba’t ibang klase ng tao. Ibang lahi. Ibang ugali. Mabuti. Masama. Lahat.” Sa Qatar niya naramdaman ang pagod na kasama ng pagiging nars. Ito rin ang karanasang nagpalalim at nagpatibay sa kaniyang relasyon sa Diyos. Ayon kay Canra, iyon ang naging pinakamagandang kinalabasan ng kaniyang pagsisikap sa Qatar. Ngayong panahon ng pandemya, lumaki ang mga problema ng mga OFW. Panibagong suliranin ang COVID-19. Mas mahigpit ang pag-alis at pagpasok ng bansa, ngunit sinuwerte si Canra sa kaniyang pag-alis ng Filipinas pagkatapos ng kaniyang bakasyon noong Marso. Hindi siya inabot ng total lockdown, kaya hindi siya nahirapang makabalik sa kaniyang trabaho. Hindi ganoon kapalad ang kaniyang mga nakasamang OFW sa Qatar. Ayon sa kaniya, kinailangan nilang magpa-test bago umalis sa bansa at pagkalapag sa Qatar. Sumunod naman ang dalawang linggo ng quarantine sa isang hotel, at sa panahong iyon ay nilinis ang kanilang dalang gamit.
Iniutos din ang social distancing, paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Pagbalik naman sa trabaho, mga pasyenteng may COVID-19 ang kinakaharap ng ilan sa kanila. Mas mataas ang posibilidad na sila mismo ang mahawahan nito, at maipagdarasal lang nila ang kanilang pamilya sa Filipinas. Para kay Canra, doble ang kaniyang takot dahil doktor ang kaniyang kapatid. Ikinakatakot ng kaniyang pamilyang mahawa ang isa sa kanila ng COVID-19. Kalakip ng pangambang hindi nakikita ang nakamamatay na kalaban, tanaw naman ni Canra ang pag-asa. Ramdam niya sa araw-araw ang biyaya ng buhay, ngayong tumutulong siya sa pantustos ng kaniyang pamilya sa Filipinas at pati na rin pag-aalaga ng mga pasyenteng may COVID-19 sa Qatar. Naturokan na siya ng ikalawang dose ng bakuna, at nasisilip niya na ang hinaharap kung saan nagtagumpay ang mundo laban sa pandemya. Hindi mawawala ang pag-asa hangga’t hindi pa nagwawakas ang kinabukasan.
Xyzcherenathaneralei
XYZ Chronicles: Dalawampung Letra sa Isang Linya ng Class Record
ABRAM JOSH MARCELO
Xyzcherenathaneralei - binasa mo ba ang unang salita? Isang salita, dalawampung letra. Kahit madaplisan lamang ng mata ang pangalang ito, mapauurong tiyak ang dila nang ito’y mabanggit. Hindi lilipas sa memorya ng mga guro ng Grade 7 ng Pisay-Gitnang Luzon ang natatanging pangalang Xyzcherenathaneralei sa tuwing titingin sila sa kanilang mga class record. Sa palayaw na Xyz na “swayz” kung bigkasin, hindi maiiwasang maungkat ang ilan sa kuwento ng naturang pangalan ng iskong si Xyz at kung paano ito isinilang. Nahahati ang buong pangalan ni Xyz sa apat na pangunahing pangalan — “Xyz”, “cher”, “nathan”, at “ralei”. Unang kumislap ang ideyang pangalanan ng kakaibang tawag ang kaniyang magiging anak nang nakakilala ang guro at amang si Xerces Alino ng isang mag-aaral na may ngalang “Xyz” sa paaralang kaniyang pinapasukan. Namangha ang ama dahil sa bunyag na talino at husay ng bata kahit dalawang taong gulang pa lamang ito. Bunga nito, itinaga ni Sir Alino na ibabatay niya sa mahusay na batang ito ang pangalan ng kaniyang mga magiging anak. Salaysay nito, “Kapag nagkaanak ako,
ikakabit ko ang pangalang XYZ sa magiging anak ko. Para kung lumaki, baka magaling din. “ Nakuha naman ng ama ni Xyz ang “cher” mula sa Ingles na pangalang Fletcher na kaniyang nabasa mula sa Merriam-Webster dictionary. Isa itong trabahong nangangahulugang “arrow maker”. Samantala, nagmula ang “nathan” sa isang pangkaraniwang pangalan pati na rin ang “raleigh” na may binigyang-bigkas na “riley”. Xyzcherenathaneraleigh - Bakit konektado sa isang mahabang pangalan at hindi hiwa-hiwalay ang ngalan ni Xyz? Sa interesanteng perspektibo, ito pala ay upang hindi mahirapan ang anak sa pagkuha ng mga dokumento, dahil wala itong kapangalangan sinoman pati na ang mga may bahid na pangalan sa NBI. Ngunit nang oras na ng pagpaparehistro, napilitang baguhin ng kaunti ni Sir Alino ang pangalan ng anak, kahit pa masama ito sa kanyang loob. “Hindi raw kakasya ang pangalan ng anak ko sa birth
certificate, so pinabawasan po sa akin. Since 20 boxes ‘yon, sige tanggalin ko ‘yong “gh” sa original name,” matawa-tawang paglalahad ni Sir Alino. Mula sa orihinal na 23 titik, simula noon, nabuo ang 20 letrang pangalan na Xyzcherenathaneralei. Sa bahay naman, “nag-print out po ako ng bawat letter ng pangalan niya then idinikit ko siya sa wall. So every time na gigising siya sa umaga, ‘ok anak, ito ‘yong pangalan mo sa wall’ at nakabibilib na ang bilis niya nga naman po itong natandaan,” pagmamalaki ni Sir Alino. Sa edad na dalawang taon at limang buwan, kabisado na ni Xyz bigkasin at isulat ang kaniyang pagkahaba-habang pangalan kaya naman ipinasok na ito bilang toddler. “Maaga pa lang, naopen na ang mind niya sa pag-aaral,” pagbida ng ama. Upang hindi malimot ang ispeling ng kaniyang pangalan, laging baon noon ni Xyz ang kaniyang ID saanman siya magpunta. Laging bukambibig si Xyz sa bawat gusali ng kanilang paaralan.
Dahil sa angking galing, laging nakapaskil ang pangalan ng batang ito at talaga namang napahihinto ang mga dumaraan upang basahin ang buo niyang pangalan. Pagdating sa mga guro, laging binibiro ang kaniyang pangalan. Kuwento ni Sir Alino, “Aware naman po sila, kaya lang ang sinasabi nila sa akin, ‘hindi ko gusto maging estudyante ‘yong anak mo, hindi kakasya sa aming class record’, biro nila.” Kung tutuusin hindi nag-iisa si Xyz sa pagiging iba ng kaniyang pangalan, dahil mayroon pa siyang tatlong nakababatang kapatid na kay haba-haba rin ng mga pangalan. Ito sina Xyz Thymothy Jhann, Xyzchylusnaomiphoebe, at Xyz Thrynythy Yvon. Biro pa ni Xyz, “Kung sino mang makabasa ng aming mga pangalan nang walang mali at mabilis, saludo na kami sa iyo.” Hanggang sa ngayon, marami pa rin ang hindi makapagbigkas nang tama sa pangalan ng mahusay na batang ito. Kung ano pa man, laking tuwa pa rin ni Xyz na sa haba ng kaniyang pangalan at sa dami ng linya at espasyong kinuha ng kaniyang buong pangalan sa mga class record, naging mabuting anak ito at pinalad pang maging isang iskolar ng Pisay. Ngayon, tumungo sa huling salita at basahing muli ang kaniyang ngalan - Xyzcherenathaneralei.
aghari
LATHALAIN
MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON
KATHEA JADE BASILIO
Tamis at Pait ng Isang Tasang Kape Tuwing umaga, halimuyak na dulot ng isang tasang kape ang sumasalubong bago pumasok at magbanat ng buto. Pinaghalong tamis at init ang bumabati sa mga katawan habang hinahayaang ipahinga ang mga sarili sa pagod at pangambang nakaantabay. Ngunit sa kabila ng tamis na natatamasa, nababanaag pa rin ang pait na kalakip nito. Ganito mailalarawan ang nangyaring unos upang makipag-ugnayan at maramdaman ang sa buhay ng mag-asawang COVID-19 survivor sa init ng pagmamahal ng pamilya. Pampanga na sina Ronaldo at Freneth. Kasama sila Sa huli, nanumbalik ang panlasa at muling sa humigit-kumulang 500,000 kataong nakaligtas natikman ng mag-asawa ang kapeng kanilang sa sakit na dala ng pandemyang kinahaharap ng hindi nainom panandalian. Ito rin ang kanilang bansa sa loob ng isang taon. Hindi nila nalasap naging sanligan habang nagninilay-nilay ang sarap ng init at aroma ng kapeng kanilang sa ilang linggong walang makapapantay sa nakagisnang hinihigop sa tuwina. kanilang tanang buhay. Tulad ng kalimitang hinihimig, noong una “Nakita ko ang kahalagahan ng family, ay inakala rin ni Ronaldo na isang simpleng friends, and loved ones. ‘Yong presence at ubo lang ang nararanasan niya. Ngunit, noong pagtawag nila noong panahon na ‘yon. mga sumunod na araw ay unti-unti niya nang Na-realize kong maraming tao ang naramdaman ang paglala ng mga sintomas at nagmamahal at sumusuporta sa malungkot na napagdesisyunang magpatingin sa ospital. buhay ng isang tao.” “Noong nagpa-check kami, nablanko ako. Ito ang mga bagay na natutuhan ni Umiyak ako kahit wala pang resulta. Maraming Ronaldo sa ilang linggo niyang pagpapagaling pumasok sa isip ko kasi nung time na ‘yon, at pagpapalakas upang magapi ang ang hirap pang maging patient dahil hindi pa COVID-19 sa katawan. Nasilayan niya ang nasisiyasat nang mabuti ang sakit,” paglalahad niya halaga ng buhay ng bawat isa dahil walang sa kaniyang naramdaman noong natalos niyang kasiguraduhan ang buhay. Pinaalala niya rin apektado siya ng COVID-19. kinakailangang makuntento at maging masaya Ayon naman kay Freneth, una niyang sa kung ano ang mayroon sa pangkasalukuyan naramdaman ang pananakit ng ulo at katawang dahil walang nakaaalam kung ano ang bukas kinakailangan lamang ng pahinga sa kaniyang na darating sa bawat isa. palagay. Kinabukasan ay nakaramdam siya ng sakit Ibinahagi naman ni Freneth ang kaniyang sa lalamunan kung kaya’t agad silang nagpatingin paghahanap sa Maykapal upang tuluyang sa doktor dahil naisip na nilang baka natamaan na tumindig at maging matatag sa kabila ng sila ng virus. kanilang pinagdaraanan. Tulad ng kaniyang “Mahina yung loob ko pero nagpapalakas ako asawa, natutuhan din niyang maging kuntento ng loob. Noong nakita kong nanghina at tuliro na sa kung ano ang mayroon ngayon at manalig siya [ang asawang si Ronaldo], naramdaman kong na may magandang bukas na darating. Nariyan hindi ko kailangan ipakitang nanghihina rin ako at sa tabi ang ating pamilya na masasandalan sa dapat maging matapang para sa aming dalawa,” oras ng kagipitan. pagpapatuloy ni Freneth. Sa loob ng ilang beses na paghalo ng Naiwan nila ang dalawang anak nang walang kape’t asukal upang makuha ang tamang kaagapay na magulang sa oras ng matinding timpla, sa wakas ay napagtanto na rin ang pangangailangan. Hindi naging madali ang naging tunay na epekto nito. Hindi sa tamis ng asukal situwasyon ng mag-asawa dahil noong mga o sa pait ng purong kape nasusukat ang panahong nagkasakit sila ay nasa ospital din ang ginhawang dulot nito bagkus ay sa init na isang miyembro ng kanilang pamilya. Dagdag pakiramdam at lasa ng pinaghalong tamis at pa rito, hindi rin nila maaaring makapiling nang pait sa bawat inom mo rito. Sa bawat paghigop personal ang mga kapamilya dahil kinakailangan mo sa mainit na tasa ng kape, binibigyan ka nilang i-isolate. Subalit, hindi sila iniwan ng nito ng oras upang makapagpahinga sa sunodkanilang pamilya at binigyan sila ng tibay ng loob sunod na laban sa buhay. at pag-asa upang magpagaling kahit hanggang video call lang ang pinakamalapit na paraan nila
Pinagtagpi-tagping Sinulid, Pinagtagpo-tagpong Karanasan
JOSEPH ZULUETA III
Sa pagbuo ng isang magandang damit, kinakailangan ng isang magaling na mananahi at magandang telang nangangailangan ng matibay at kalidad na sinulid. Sa paghubog naman ng isang magaling na mananahi, kailangan nitong sumailalim sa iba’t ibang pagsubok at matinding pagsasanay. Sa paggawa ng tela, mga sinulid na magbubuhollamang ang kanilang layon ginagamit ang sinulid at ang buhol na tila baga’y ayaw nitong at paraan ng pagtahi upang masusing pag-iisip upang makumpuning nagiging sanhi mabuo ang kanilang tela. lumabas ang pagiging malikhain. ng pagkapatid at pagpalit ng At sa pagsapit ng tamang Sa pamamagitan ng paghahabi panibagong sinulid. Minsan panahon, buong tapang itong at pagtatagpo-tagpo ng mga naman, humihingi ng tulong iwawagayway sa lahat. Ang hibla ng sinulid, makabubuo ng ang mananahi kung paano niya mga sinulid na pinagtagpo at isang telang maaaring isang ito maisasaayos, katulad ng naging isa, ngayo’y patuloy karaniwang tela lamang. Maaari isang estudyante, na kapag may na magbibigay-ningning at din namang ito’y kumikinang problema ay dumudulog sa guro magpapakilala sa kanilang sa kagandahan dahil ito’y upang humingi ng mga payo pangkat, sa kanilang pinaliligiran ng mga palamuti at kung paano mas mapauunlad at paaralan, at sa kanilang brilyante. mapabubuti ang kalagayan. bayan. Makikita na natin, na Katulad na lamang ng buhay Sa paglalakbay ng isang ang bawat tela ay may kaning isang iskolar sa Pisay, bago iskolar habang siya’y patungo kaniyang pangalan - Primum niya marating ang rurok ng sa huling baitang, kaakibat nito Orto (2013), Aenigma Ultima tagumpay, sumasailalim siya ang masigasig na paggabay ng (2014), Synergos (2015), sa iba’t ibang mga pagsusulit kaniyang mga gurong nagsisilbing Cinastra (2018), Hiraya (2019), at pagsubok na inihahain sa karayom na humuhubog nang Henosis (2020), Eunoia kaniyang hapag. Ang bawat tama at gumagabay sa bawat (2021), at ang pinakabago, pangkat ng iskolar natin ay may pagpasok at paglabas ng sinulid ang Dagsintala (2022). kani-kaniyang dalang sinulid tungo sa pagiging isang mabuti at Mula sa isang grupo ng na gagamitin nila’t pagtatagpomatalinong mamamayan. mga sinulid, pinagtagpo, tagpuin upang makabuo ng sarili Bawat iskolar ng Pisay ay hinabi, ginabayan, naging nilang telang kanilang dadalhin may sari-sariling sinulid na tela, ginawang damit, binihis hanggang sa pagtanda. kanilang gagamitin at hahabiin sa mga nangangailangan, Ngunit kaakibat ng proseso upang makabuo ng isang telang ngayon ay mag-iiwan ng ng paggawa ng tela ang mga sumisimbolo ng kanilang pagiging isang maningning at makulay problemang mauungkat at isa. Iba-iba man ang kulay, kapal, na kasaysayan para sa biglang magpapakita. May o haba ng kanilang sinulid, iisa paaralan at para sa bayan.
15
Pagkatha ng Bahaghari sa Nadungisang Kambas KATHEA JADE BASILIO
Hindi alintana ang tagaktak ng pawis at pagkahapo habang hawak-kamay na ipinagsasama-sama ang mga kulay at patuloy na kumakatha ng bahaghari bagaman walang kasiguraduhang matatapos ang obra maestrang minsan nang hiniling na maghari. Kukuha ng nadusingan nang kambas, dahandahang pipintahan ng iba’t ibang kulay habang patuloy na umaasang mabubuo muli ang bahaghari sa gitna ng walang humpay na balakid at kaguluhang pumapalibot dito. Walang tigil sa pagpinta anoman ang mangyari hangga’t hindi pa nakakatha ang larawang ipinangako sa lahat. Kasabay ng pagdidikit ng mga palad at pag-iisa ng sinisiil ng mga puso ay ang marahang paghiyaw ng tulong sa mga lipong nagmamay-ari ng mga kulay na makabubuo ng larawang kanilang walang-sawang ipinipinta. Sa ika-29 ng buwan ng Enero taong 2020, unang naitala ang kauna-unahang tuluyang kumitil sa tila ba’y nauupos na larawan ng pag-asa. Mistulang tumigil ang pagtakbo ng oras at unti-unting umusbong ang panibagong pangamba sa puso ng mga tao. At habang pataas nang pataas ang bilang ng mga tusong pilit na binubura ang bahagharing nakatatak sa larawan ay ang walang-tigil pagbibigaykulay ng mga taong nanumpa sa kanilang mga tungkulin upang mapuksa ang mga tusong ito. At tulad ng ibang walang-humpay na kinukuluyan ang larawan para sa mga tao, ganito rin ang ginagawa ng ating mga frontliner sa kasalukuyan. Maglingkod sa bayan at iligtas ang sangkatauhan ang sigaw ng frontliners ng ating bansa. Sila ang mga handang magbuwis ng buhay at magsakripisyo para lamang masigurado nating masisilayan pa ang bahaghari. Gayunpaman, kahit na patuloy na kinukuluyan ang kambas ay mayroon pa ring pilit na sinisira ito. Hindi lang ang mga tusong kumikitil kundi pati na rin ang pagkandado ng mga karapatan at kabuhayan ng mga maralitang walang sapat na boses upang pakinggan ang mga hinaing. Hindi sasapat ang salitang pasasalamat upang mapantayan ang mga sakripisyo at hirap na dinaranas ng ating mga tunay na bayani sa panahon ngayon. Sa lahat ng mga taong patuloy na kumakatha ng bahaghari, saludo ang lahat sa inyong katapatan at katapangang puksain ang mga pilit na kinukuha ang pag-asang nananalaytay sa dugo ng inyong kapwa. Ang inyong mga sakripisyo ay tunay na kabayanihan. At kayo rin ang tunay na lunas ng bansa. Kulang man ang mga kulay at hindi man marinig ang mga nagkukumahog na sigaw ng mga pintor upang mabigyan ng sapat na tingkad ang mga tunay na nagmamayari nito, hawak-kamay nating pakinggan at tulungan silang pagsama-samahin ang mga kulay na mayroon tayo. Muli tayong kumatha ng bahaghari sa minsan nang nadungisang kambas at patuloy na tumatak sa ating isipang sa anomang pilit na burahin ang bahaghari, may mga kamay na pilit na ipinipinta ang pag-asa para sa buong Filipinas.
KALASAG. Kahit lubhang mapanganib, lumalaban pa rin ang ating mga frontliners sa COVID-19. (Halaw sa PhilNews. ph)
16
AGTEK
MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1
HUMINTO AT MAGNILAY
KAPELING SA TUWINA
naitala ang
MATTHEW FELIMON CAISIP
ng
Baha
unang kaso
COVID-19
sa bansa
(na dating novel coronavirus)
Ang Bida ng Huling Kabanata
PAGSUSUNOG NG KILAY. Nag-aaral sina Bea at Perine sa gabi upang maipasa ang gawain kinabukasan. (Kuha ni Ayen Manguan)
MATTHEW FELIMON CAISIP AT JOHN ANTON GAR-
Higit na sa isang taon, ang asul na langit ay natakpan ng madilim na ulap. Ikinandado ang mga pinto dala ng rumaragasang SARS-CoV2 o COVID-19. Sandali, may bagong tauhang pumasok. Mula sa iba’t ibang bansa at dala ang iba’t ibang tatak, may bagong bida sa huling yugto ng pandemya. Suot ang kanilang mga terno at kapa, ang mga bakuna ay parating na! BAGONG MANDIRIGMA NG AGHAM Sa bagong virus na ito, isang bagong paraan ng pagbabakuna ang isinagawa, ang mRNA vaccines. Halimbawa ang Pfizer-BioNTech at Moderna, ito ang vaccine, ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), na nagbibigayinstruksyon sa katawan upang gawin ang spike protein gaya ng sa coronavirus. Walang masamang epekto ang bakunang ito maliban sa paglaban sakaling pumasok sa katawan ang tunay na virus. Ang Sinovac naman, ay isang inactivated-SARS-CoV2 na gumagamit ng mga, natutulog na virus ng COVID-19 mismo. Ito ay para matutuhang labanan ng immune system ang ibang activated na uri ng virus na itong maaaring makapasok sa ating katawan.
naman ang tinatayang efficacy rate ng Sputnik V habang 70% para sa Oxford-Astrazeneca. Sa pinakahuling clinical trial ng Sinovac, naitala ang 51% efficacy rate na salungat sa higit na mataas na unang datos na kanilang naitala. Para makumpleto ang pagiging mabisa ng isang bakuna, karamihan sa mga bakunang nailabas ay nangangailangan dalawang dose sa kada tao gaya ng Pfizer-BioNTech, Oxford-Astrazeneca, Moderna, Gamaleya at Sinovac. Ang una ay para makilala at malabanan ng immune system ang sakit at ang pangalawa ay pampalakas ng immune response. Para makuha ang ninanais na epekto, mahalagang masunod ang dosage na ibinigay ng mga dalubhasa. Mahalaga rin ang maayos at organisadong paghahatid ng mga bakuna. Maaaring may sangkap KAPANGYARIHAN AT KAHINAAN ang mga itong nangangailangan Efficacy ang siyang importante ng mababang temperatura o sa bakuna. Ito ang sukat ng pagiging ibang tiyak na kondisyon. Para sa epektibo ng isang bakuna mula sa mga mga bakuna ng Pfizer-BioNTech pananaliksik sa laboratoryo. Pasado at Moderna, inirerekomenda ang bilang vaccine ang anomang bakunang malamig na imbakan, -70°C at -20°C may hihigit sa 50% efficacy rate na ayon sa binanggit ng pamunuan. siyang pamantayang itinakda ng World At nangangailangan lamang ng Health Organization. Nangunguna karaniwang temperatura sa refrigerator rito Moderna at Pfizer-BioNTech ang mga bakuna ng Oxfordna may efficacy rate na 95%. 91% Astrazeneca, Gamaleya, at Sinovac.
A
ng iskong may deadlines na papalapit, sa kape at pagpupuyat kumakapit. Habang humihilik ang pamilya, ito si isko nakaupo na silya, magdamag na nakatitig sa kaniyang laptop. At bago pa man matalo ng antok at magkandaugaga pagkagising dahil sa ANG PAYO NI ISKO Mula sa 3-in-1 instant coffee hanggang sa Starbucks, ang kape ay hindi mahirap hanapin. Sa katunayan naitala ng ito bilang pinakamalimit inumin ng kabataang edad 10 - 19, sa inilabas na 7th National Nutrition Survey. Umangat kay Bea ang Kopiko 78 na siyang “kapag kailangan mo ng big boost of energy, promise the best ‘yan”. Kahit anong 3-in-1 na kape naman ang sakto sa panlasa ni Perine. Huwag nga lang daw sosobra dahil mawawalan ng epekto ang mga ito.
SA ORAS NG KAGIPITAN Para kina Bea Enriquez at Perine Bianzon, mga iskolar na kilala sa puyatan at sa hilig uminom ng kape mula sa Eunoia 2021, pinanghuhugutan nila ng lakas ang kape. Ito rin ang kanilang nagsilbing sikreto kaya natatagalan ang matinding pagpupuyat. Kaakibat din nito ang tamis, pait, at tapang ng kapeng kanilang tinitimpla. Anila, tila sumisimbolo ito sa buhay nila bilang iskolar kung saan nakararanas din sila ng mga matatamis na papuri’t karangalan, mapapait na pagkabigo, at matatapang na pagsubok sa hamon. Dito lalong napalapit ang kape sa kanilang mga piling.
HUWAG MONG GAWING TUBIG Kilala bilang “most consumed drug in the world”, paalala ng Food and Drugs Administration (US) na huwag lumabis sa apat na tasa ng kape kada araw. Ang sobrang pag-inom ng kape (higit sa 600 mg) ay maaaring magdulot ng masamang pakiramdam, mababang performance, at stress. Kung isa hanggang dalawang kape naman ang iinumin, tiyak ang pagbaba ng risk sa heart failure, stroke, kanser, at pagtaas ng pagiging produktibo. Epektibo sa tamang dami, dapat maging maingat sa pag-inom ng kape. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaysa sa grado sa paaralan. #GradesDontDefineYou
IPAGPATULOY | 18
Diyeta sa Pandemya Scam o Five Stars?
Talamak ang nagpapaka-fit ngayong walang magawang ibang produktibo. Bukod dito, nais ding panatilihin ng nakararami ang mabuting kalusugan nang makaiwas sa sakit lalo na at may pandemya. Patok na patok ang pagpapapayat ngunit nakabubuti ba ang paraan ng pagiging malusog o lalo lang nalalapit ang mga ito sa kapahamakan? Low-fat diet ang tawag sa isang paraan ng pagdidiyeta kung saan binabawasan ang konsumo
Binasurang Kalinisan
ng mga pagkaing matataas sa total fat, unhealthy fat, at cholesterol. Samantala, intermittent fasting naman
JOHN ANTON GARCIA
Matatagpuan sa puso ng lungsod ng Angeles ang butihing handog ni Bishop Pablo Virgilio ‘Ambo’ David para sa mga Angeleño nito pang 2009. Ang Sagip Sapang Balen, isang adbokasiyang pangkapaligiran ng Parokya ng Sto. Rosario na pinangunahan ni Bishop Ambo Ito ang unang tumayo upang magbigay ng pag-asa para sa mga Angeleño na naghahangad ng malinis at makulay na lungsod. Binigkis nito ang pagpupunyagi ng lahat ng mga mamamayan ng Angeles upang linisin, kalingain, at ipagtanggol ang likas na ganda ng lungsod. Nagsimula ang proyekto sa mga pag-aalis ng mga kalat sa mga malalapit na mga ilog na naging tambakan ng basura. Lumago ang proyekto at dumami ang mga nagkawang-gawa. Gayundin, pinalawig nila ang pagsagip tungo sa pagtataguyod ng pagtatanim at pangangalaga sa likas-yamang makikita sa buong Pampanga. Ngayon, higit sa isang dekada matapos ang pagtatatag ng Sagip Sapang Balen, nawala ang sigla ng mga nilinis na lugar ng mga Angeleño. Bumalik sa dating dumi ang Sapang Balen at tuluyang naglaho sa kasalukuyan ang proyekto. Matapos lumipat ng parokya ni Bishop Ambo, napatid na rin ang inisyatibo ng komunidad.
EARL VALENCIA
Bagaman nagsilbi ang Sagip Sapang Balen bilang huwaran at inspirasyon sa mas marami pang proyekto, nasayang pa rin ang ilang taong pagbubuno ng kahapon. Nakalimutan ang Sapang Balen at nanumbalik ang dilim sa ganda. Akala ng karamihan natatapos ang kuwento sa mabuting gawain. Ngunit kung hindi ito pinaninindigan ng sambayanan, magiging masalimuot ang USBONG. Inaalagaan ng mga boluntaryo ang katuloy na mga yugto ng istorya. Ang paghalamang itinanim sa uswag at pagsibol ng isang maunlad na Sapang Balen. (Halaw sa Sagip bansa ay laging magsisimula sa pagkakapitSapang Balen) bisig ng mga pamayanan, malaki man o maliit, at ang pagkakaisa ng bawat Filipino.
ang isang eating pattern na gumagamit ng hindi pagkain nang halos 16-24 na oras dalawang beses kada linggo.
IPAGPATULOY | 17
hindi natapos ang gagawin, kaantabay ni isko sa tabi ang kaniyang pinakamamahal na kape. Isa ang kape sa mga pinakasikat na pampagising maging para sa trabaho man iyan, pag-aaral, o kahit sa panlibangan pa. Ito ay dahil sa taglay nitong caffeine na siyang nagsisilbing stimulant o pampagising para sa Central Nervous System.
aghari
AGTEK
MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON
Higit Higit sa sa Apat Apat na na Sulok Sulok JONATHAN CARLOS PONIO, AYEN UNICE MANGUAN, AT ABRAM JOSH MARCELO
N
akapanghihinayang. Sa ganito pinakasimpleng maipaliliwanag ang paghinto ng mga programang pang-agham ng Pisay upang unahin ang kalusugan ngayong global pandemic.
Bahagi ng tradisyon ng Pisay ang kabuoang paghubog sa mga iskolar nito sa pagsasagawa ng iba-ibang aktibidad pangagham. Buhat nito, nalanta ang kahusayan ng mga estudyante pagdating sa agham na siyang makatutulong sana sa paglago ng kanilang kaalaman at kasanayan sa hinaharap. Ayon kay Lani Suyom, guro sa Biology, hindi maiiwasang manghinayang ang kaguruan dahil hindi mararanasan ng mga iskolar ang traditional activities ng paaralan. Ngunit, para sa kaniya, “ang science ay isang practical na subject at puwede itong mamaximize sa pag-aaral ng mga napapanahong mga situwasyon at issues”. Ipinaliliwanag nitong
napakaraming oportunidad upang matutohan at maisabuhay ang mga makaagham na karunungan. Naniniwala rin si Suyom na “isang malaking laboratoryo ngayon ang buong mundo dahil karaniwan ngayon ang mga salitang RT-PCR, RNA, antibody, at iba pang dating propesyonal lamang ang gumagamit.” Idiniin pa niyang malaking oportunidad para sa lahat na mabigyanghalaga ang siyensiya sa pangaraw-araw na pakikibaka ng mga tao ngayong may pandemya. Kahit na nakapiit sa kanikaniyang tahanan ang bawat isa, maaari pa ring lumabas sa nakasanayan ang mga iskolar at kilatisin ang mga suliraning panlipunan gaya ng pandemya
gamit ang makaagham na perspektibo at batayan. Naghahatid ang mga programang pang-agham ng mga karanasang tatatak na matatamo sa karaniwang ayos ng silid-aralan. Hindi tulad ng dati, magandang malinawan ang nakararaming hindi lamang sa mga proyekto ng paaralan nakalilinang ng kakayahan ang mga iskolar upang mapahalagahan ang taglay na ganda ng agham. Tumingin sa ibang daan at tahakin ang makamundong bahagi ng siyensiya dahil hindi lamang dapat nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan ang pagkatuto, marapat na ibahagi ito sa mundong nangangailangan ngayon.
Naglalaban ang sampung koponan mula Junior High taon-taon sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon at nilulutas ang bawat hamon upang maiuwi ang tropeong nagpapatunay ng kanilang galing sa siyensiya sa labas ng paaralan.
SC I
Upang mabigyan ng pananaw ang mga iskolar sa karaniwang buhay ng mga dalub-agham, idinaraos ng Pisay ang Science Forum. Ibinabahagi ng ilang eksperto ang kanilang karanasang inaasahang magsisilbing inspirasyon sa mga siyentista ng hinaharap.
IENCE IMMER C S SI
F CE EN
SCIENC EC A
... mula sa pahina 16
P
OR U M
N O
GRAM PRO SCIENCE LABORATORY Mula sa nakaimbak na 100% alcohol solution sa laboratoryo, na-dilute ito bilang 70% ethyl alcohol pamumuno ni Rohit Tilwani, guro sa Kapnayan, katuwang sina Mia Garcia, laboratory assistant, at Hazel Calma, school nurse ng paaralan. “Rather than being left unutilized, we put it [ang nakaimbak na supply ng alcohol] to good use. We hope it could help prevent the spread of the virus,” paliwanag ni Tilwani. Nakapaghatid ang grupo ng 600 boteng 500 ml alcohol sa frontliners ng iba’t ibang ospital sa Gitnang Luzon at mga pulis na nagbabantay sa Clark.
Batay sa pananaliksik ng Healthy Minds Network, anim sa 10 mag-aaral ang nahihirapang makakuha ng access sa mental health na nagdudulot ng academic stress. Upang mabawasan ang mga negatibo sa stress, naisipan ni Ian Aragoza ng Eunoia 2021 ng gumawa ng A Relaxing Interactive Application (ARIA), isang smartphone application na gumagamit ang virtual reality (VR) upang maisabuhay ito. Sa oras na isuot ng mag-aaral ang VR Headset, makikitang tila naglalakad siya sa isang mapayapang isla kung saan may maliit na kampo. Nilapatan din ang application ng mga konseptong nangangasiwa ng stress: music therapy, biophilia, at mindfulness meditation. Habang binabaybay ang isla, may marahang tugtuging mapakikinggan sa paligid na bahagi ng music therapy. Biophilia naman ang malapit na pakikihalubilo sa kalikasang matatamasa sa paglilibot sa isla. Samantala, maaaring gamitin ang radyong malapit sa bonfire sa kampo upang makinig sa isang podcast sa mindfulness meditation. Lalong kakalma ang pag-iisip ng mga mag-aaral. Upang matamasa ang lahat ng ito, kinakailangan lamang i-download ang application ng ARIA sa smartphone at ilagay gadget sa gagamiting headset. Sa pagsusuri, nadiskubreng naging epektibo ang paggamit ng virtual reality ng ARIA sa pagbawas ng stress sa mga iskolar. Gamit ang birtuwal na realidad, nakahanap ng lulutas sa malaking pangambang siyang bahagi ng realidad ng buhay.
Bir n o tuwa g l na Pagtu sa R d DIYETA SA a d i e l a PANDEMYA g V
KANSELADONG STEM ACTIVITIES NG PISAY M
Binibigyan ng pagkakataong sumubok sa mga laboratoryo at unibersidad ang mga iskolar sa ikasiyam hanggang ika-11 na baitang sa tulong ng Science Immersion Program (SIP). Hinahanda rin nito ang mga iskolar sa buhay ng isang siyentista sa kanilang pipiliing larang.
FABRICATION LABORATORY Kabilang din sa mga nagkawanggawa ang Fabrication Laboratory ng Pisay-Gitnang Luzon kung saan nakapagdisenyo sila ng higit 200 3D-printed face shields para sa mga medical frontliner gamit ang heat press machine at 3D printer. Ipinahiram din ng laboratoryo ang kanilang kagamitang laser cutter at heat press machine sa Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST-Region 3) para sa mas maiging produksyon ng face shields. N-95 masks naman ang handog ng PISAYuda para sa Mt. Carmel Hospital ng Clark Freeport Zone dahil na rin sa kakulangan ng supply ng face masks.
17
Hindi siguradong nakabubuti sa kalusugan ang low-fat diet. Ayon sa WebMD (2020), dinaragdagan nito ang pagkonsumo ng ibang sangkap (asukal, arina, at asin) bilang panustos sa nawalang taba. Hindi dahil taba, masama. May tinatawag na “good” fats gaya ng olive oil at omega-3 fats na naalis kasabay ng “bad” fats o saturated trans fats na madalas nakikita sa mga hayop. Epektibo ang intermittent fasting sa pagtaas ng growth hormones, pagbaba ng insulin levels sa katawan, at pagbilis ng metabolismo upang pumayat. Ngunit hindi ito puwedeng gawin ng may eating disorder at underweight kaya dapat magpakonsulta muna. Masasabing scam ang low-fat diet dahil hindi ito nakatutulong sa katawan. Pagbabawas sa pagkonsumo ng trans fat siyang mas mainam. Habang ang intermittent fasting naman ay makatutulong sa maikling panahon, hindi pa sigurado sa epekto nito sa katagalan. Higit sa lahat, mangingibabaw pa rin dito ang pagbisita sa propesyonal sa tamang pagdidiyeta. Alamin muna kung anong paraan ang makabubuti. Kung hindi, baka ito ay maging dahilan ng pagusbong ng masasamang epekto sa ating kalusugan.
SENIOR CITIZEN COMMITTEE Hindi rin nalimutan ng Senior Citizen Committee ng Pisay na abutan ng tulong ang 138 nakatatanda nitong ikapito ng Abril sa Macapagal Village, Mabalacat City, Pampanga. Tig-aanim na kilo ng bigas ang ipinamahagi ng Pisay COVID-19 Response Team kaya lubos ang pasasalamat ni Barangay Captain Lamberto Dizon para sa taospusong pagtulong ng paaralan para sa mga nasasakupan.
SERBISYO SA BAYAN. Lumilikha ng alcohol ang mga kawani ng PisayGitnang Luzon sa laboratoryo upang ibigay sa frontliners. (Halaw sa
THEA VITUG
irtual R lity Bilan ea Sagot sa Stress
PAGTANAW SA TANAWIN. Binabaybay ng isang iskolar ang mundo ng ARIA kung saan makikita ang kampo sa gabi. (Kuha ni Ian Aragoza)
MAKABAGONG PERSPEKTIBO. Halimbawa ng isang VR Headset. (Halaw sa Amazon)
PISAYuda umarangkada sa pandemya JONATHAN CARLOS PONIO
Sa ilalim ng inisyatibong PISAYuda: Siyensiya para sa Bayan, agarang aksyon ang hatid ng Pisay-Gitnang Luzon para sa mga frontliner at iba pang apektado sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa nitong buong buwan ng Marso. Patunay na hindi nalilimutan ang tuwirang layon ng institusyong gawing para sa bayan ang agham.
18
AGTEK
B
MARSO 2020 - MARSO 2021 TOMO 8 BILANG 1
aliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba ang research?
Ganito ang naging patutsada ni Senador Cynthia Villar nitong Oktubre 2019 matapos mapaglaanan ng mataas na badyet ang pananaliksik ng Kagawaran ng Agrikultura (DA). Sinasalamin ng ganitong pahayag ang maliit na pagtingin sa agham at pananaliksik sa bansa gayong malaki ang naiaambag nito sa inaasahang pag-unlad ng bansa. Kaya naman, hatid ng PisayGitnang Luzon ang ilan sa higit 40 pananaliksik ng Eunoia 2021 na talagang makatutulong sa lipunan. Sa katanuyan, ito rin ang lima sa mga natatanging kinikilala ng mga timpalak-pananaliksik sa buong bansa dahil sa kanilang potensiyal na makaagapay sa pag-unlad ng Filipino.
BIOPLASTIC SA KALAMANSI AT ITLOG Pinag-aralan nina Gavielle Cruz, Jerard Dela Cruz, at Jose Tomanan ang balat ng kalamansi at itlog upang makakuha ng pectin at calcite sa kanilang pananaliksik na tinatawag na “Calcitin”. Hinalo ang nakuhang pectin at calcite sa Polyvinyl alcohol (PVA) at nakagawa sila ng bioplastic na tatlong beses na mas matibay ang tensile strength kaysa sa nakagisnang plastic. Sa katunayan, napag-alaman ng grupong mas mabilis malusaw sa tubig ang kanilang bersyon ng bioplastic kumpara sa nakagisnang plastic. Pinagtuonan ng grupo ang balat ng kalamansi at itlog sapagkat itinatapon na ang mga ito kadalasan at hindi napakikinabangan sa pangmatagalan. Mainam ang CALCITIN dahil nalilimitihan ang masasamang kemikal sa kalikasan.
Baha
DNA BARCODING SA KABUTE Ang kabute ay isang buhay na nilalang kaya naman may iba’t ibang species ito. Natukoy ni Pauline Dayo sa kaniyang pagsisiyasat na nagkakaroon ng mislabeling o maling paglalagay ng uri ng kabute sa mga paketeng nasa pamilihan. Upang maisakatuparan ito, nagsagawa ng DNA Barcoding si Dayo kung saan kumuha siya ng isang bahagi ng DNA sa gene at kinumpara ito sa mga tukoy nang DNA sequence ng iba’t ibang species ng kabute. Mahalagang malaman ang wastong pagkakakilanlan ng ibinebentang kabute dahil nakaaapekto ito sa kalidad at presyo sa tuwing mamamalengke ang mga mamimili. Sa pangkalahatan, natukoy na 67% sa mga nakolektang kabute sa mga pamilihan ng Gitnang Luzon, Maynila, at CALABARZON ang mali ang pagkakalagay ng kabute. MGA DNA NG KABUTENG NASA TEST TUBE
JONATHAN CARLOS PONIO CALCITIN BIOPLASTIC
3D-PRINTER NA GINAMIT PARA SA LAMOC
LAMOC KONTRA LAMOK
Kauna-unahan para sa Filipinas ang proyekto nina Jarod Fianza, Ayen Manguan, at Jonathan Ponio na isang aparatong nakatutukoy ng species ng lamok batay sa tunog ng pagpagaspas nito. Binansagan bilang Low-cost Acoustic Mosquito Observation Channel (LAMOC), layon nitong malaman kung nakapapahamak ang mga lamok sa isang lugar upang makapaghanda ng aksyon ang kinauukulan. Mas mainam ang pagbabantay na ganito sa halip na patayin nang agaran ang mga lamok gamit ang insecticide na lubhang nakasasama sa hangin. Tatlong uri ng lamok na naglilipad ng delikadong sakit ang kaya nitong matukoy: Aedes aegypti (dengue), Anopheles sp. (malaria), at Culex sp. (west nile virus) at pinaplano pa ng pangkat na palawigin sa mas maraming uri ng lamok ang matutukoy. Nakapagtala ng halos 95% na katumpakan ang LAMOC sa pagkilatis ng mga lamok. Sa halagang hindi hihigit sa limang libong piso, malaki ang hinaharap ng pananaliksik na ito kumpara sa libo-libong pisong ginagastos ng ibang bansa para sa halos parehong serbisyo gaya ng LAMOC.
SUTURE NA BUHOK NG MAIS ARSENIC CONTENT NG BROWN NA BIGAS Pangunahing pagkain ng masang Filipino ang kanin. Nagiging delikado ang pagkonsumo ng kanin sa tuwing dadapuan ito ng mga delikadong arsenic, isang heavy metal na nakapagdudulot ng karamdamang nauugnay sa balat, puso, tiyan, at isip. Dahil dito, inusisa nina Patrice Del Rosario, Isaac Ricafort, at April Rodaje ang samot-saring paraan ng pagluluto ng bigas upang malaman kung paano mapababa ang arsenic
nito. Mula sa paghahalo ng tubig at bigas, nababawasan ng higit 45% ang arsenic content kapag hinuhugasan ng 10 baso ng tubig ang isang baso ng bigas. 33% naman ang nababawas kapag niluluto ang isang baso ng bigas sa dalawang basong tubig. Sumatutal, mapabubuti nito ang kalusugan ng kakain ng bigas dahil napababa ng mga nasabing kaparaanan ang mapanganib na arsenic na nasa bigas.
PAALALA! laging
magsuot ng
FACE MASK Pinababa ng pagsusuot ng face mask ang pagkalat ng virus dahil natatakpan nito ang laway na siyang nagdadala ng sakit na COVID-19.
Ikalawa sa pinakamalaking plantasyon sa bansa ang sektor pagmamais, kaya naman malaki rin ang bahagdang nailuluwal nito pagdating sa “agricultural waste”. Kadalasan pang sinusunog ang mga hindi napagkakakitaan sa halamang mais kabilang na ang buhok nito. Ito ang naging inspirasyon nina Carlo Castro, Lance De Guzman, at Kyle Sy sa kanilang pananaliksik na nagsusuri sa potensiyal ng buhok ng mais nang magamit na suture o panahi sa mga sugat. May pH level 10 o hindi gaanong acidic ang suture ng buhok ng mais na naaangkop sa katawan ng tao. Napag-alaman ding maihahalintulad sa mga surgical thread na makikita sa pamilihan ang nagawang suture mula sa buhok ng mais dahil walang namataang malaking kaibahan sa tensile strength o pagiging matibay nito, patunay na malaki ang kapasidad ng buhok ng mais sa paghalili sa nakagisnang suture.
PAGSASAAYOS NG SAMPLES PARA SA BUHOK NG MAIS
ANG BIDA NG HULING KABANATA ... mula sa pahina 16 NALALAPIT NA PAGWAWAGI! Ayon sa tanggapan ni Senador Sonny Angara, para sa kada dalawang dose sa isang tao, ₱610 pesos ang aabutin ng Astrazeneca; ₱2379 sa Pfizer; ₱3904 hanggang ₱4504 naman sa Moderna; ₱3629 ang Sinovac; at ₱1220 ang Sputnik V ng Gamaleya. Mula sa mga presyong ito, ₱51.5 bilyon ang pasimulang nakalaan para sa mass vaccination program ng bansa. Milyong-milyong Filipino rin ang matuturukan at makatutulong ito para sa herd immunity o upang malimitahan ang pagkalat ng virus. Sa panahon ng pagsulat, dalawa na ang mga bakunang binigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drugs Administration: Pfizer-BioNTech
at Oxford-AstraZeneca. May inaasahang 25 milyong dose ang paparating sa Pebrero mula sa Pfizer at 17 milyon ang darating sa Mayo mula sa Oxford. Ang Gamaleya at Sinovac naman ay pinagaaralan na rin ng kinauukulan ng bansa. Patuloy na dumarami ang mga produkto ng agham na umaakyat sa entablado, bawat isa ay may sariling tindig, tinig, at tikas. Habang sinasalubong ang bagong liwayway ng mundo, mahalagang manatili ang pag-iral ng disiplina, kagalingan, at katotohanan. Marami na ang namulat sa daan-daang ilusyon at guni-guning dala ng pandemya. Inaasahang sa pagdating ng superhero na mga bakuna, masisilayan muli ng mga Filipino ang dalisay na liwanag ng pag-asa.
aghari
ISPORTS
MATAAS NA PAARALAN NG PILIPINAS SA AGHAM - GITNANG LUZON
BIANCA MARIE LIM
“Avi Nation, Unite!” Higit sa kadalubhasaan at pagiging istrikto ng mga guro mula sa Pisay-Gitnang Luzon sa pagtuturo, masasabing may nakatago ring kalupitan ang ilan sa paglalaro ng sikat na multiplayer online battle arena game na Mobile Legends: Bang Bang (ML) Angat sa lahat ang “lodi” at pambato ng Pisay na si Sir Arvin Fajardo na umuulan ng MVP awards sa tuwing maglalaro ito. Isang guro sa Sipnayan at Istatistika, ibinahagi ni Sir Fajardo na nakabuo na ng grupo si Sir kasama sina Sir Crisostomo Bato, Sir Mark Paolo Cruz, Ma’am Janine Pecson, Ma’am Hazel Calma, at Ma’am Catriana Canilao na malimit maglaro at makakuha ng W mula pa noong 2018. Kilala sa in-game name na “Avi08234”, inilahad ni Fajardo na nakatutulong ang ML upang mapatalas pa nang husto ang kaniyang pag-iisip at maging stress reliever dahil dito niya naibubuhos ang pagod sa pagtuturo.
PINDOT. Mahilig maglaro si Sir Arvin Fajardo ng larong Mobile Legends kasama ng kaniyang mga katrabaho sa Pisay. (Kuha ni Arvin Fajardo at Gadget Match)
Kahit na hilig ni Sir Fajardo ang ML, sinisiguro pa rin niyang hindi naapektuhan ang kaniyang mga gawain sa pagbibigay-halaga sa mga ito bago ang paglalaro. Sa katunayan, nakatutulong pa raw ito sa pagganyak na tapusin kaagad ang mga nakatakdang gawain. Kaya naman nitong 2019, nakamit niya ang kaniyang Professional Masters in Applied Math
sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Para sa mga iskolar na mahilig ding maglaro ng ML, ito ang payo ni Sir Fajardo, “‘Huwag lang puro ML, mythical glory ka nga, pero grade mo pang warrior lang tapos wala kapang naiaambag sa bansa.” Idinagdag niya ring tulad ng kaniyang ginagawa, maglaan ng oras sa mga aktibidad katulad ng pisikal na isports, pakikipag-ugnayan sa mga kakilala, at pagsasaliksik upang makatulong sa bayan. Gawing ehemplo ang kakayahan ng mga gurong mapaglaanan ng wastong oras ang pagtuturo bago ang paglalaro. Dahil kasabay ng pagsasaya bilang iskolar ng bayan, kailangan ding magpunyagi at magsunog ng kilay upang makatulong sa pagsulong na inaasam.
PAGBABAGONG-BIHIS Buhay Atleta sa Pandemya JAYVEE JOSEPH MANALOTO
Malaking pinsala ang naidulot ng COVID-19 sa estado ng larang ng palakasan. Nag-anibersaryo na ang pandemya at kaakibat nito ang pagkansela ng malalaking mga torneo bilang pagsunod sa mga istriktong panuntunang pangkalusugan. Trabaho ang paglalaro. Dahil sa kawalan ng trabaho buhat ng COVID-19, kinailangang humanap ng sideline job ng iilang manlalaro. Sa kaniyang pagliban sa PBA Bubble, nagbukas ng car washing business ang Blackwater Elite forward na si Carl Bryan Cruz. Habang si PLDT volleyball player na si Jayvee Sumagaysay ay nagtayo ng food business. Wika ni Sumagaysay sa isang pahayag, “Of course, longer period of staying at home means more expenses. But we have no income because we don’t have a tournament now, [kung kaya’t naisipan niyang mag-sideline].” Dumagdag pa sa problema ang pangangalahati ng monthly allowance ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga atleta noong nakaraang mga buwan. Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, “Mabigat pero tinitingnan namin ang aming balance as of May. Hindi kami aabot sa December kapag
isports
GG
Guro na, Gamer pa
19
normal na allowance ang ibibigay. Magne-negative kami.” Ipinangako naman ng tagapangulong ibabalik ito kaagad sa oras na lumaki ang pondo. Nakalulungkot pa rin ito para sa mga atleta ngunit kung ito ay para sa ikabubuti ng kasalukuyang kalagayan ay katanggap-tanggap naman ito. Bilang kapalit, tututukan naman ng PSC ang mental health ng mga atleta. Mahalaga ito dahil maaaring magdulot pagkabagot ang pandemya dahil sa kawalan ng pag-eensayo lalong-lalo na at pinauwi sa kani-kanilang probinsya ang mga manlalaro ng national pool. Binanggit ni Dr. Rodel Canlas, na miyembro ng PSC Sports Psychology Unit, na hindi makalalaro nang mabuti ang mga atleta kung may iniinda sa kanilang pag-iisip kaya sasaklolo rito ang grupo nina Canlas upang malampasan ito ng mga manlalaro. Sa kabila ng kinahaharap na mga balakid, nangibabaw ang pagiging matatag ng ating mga manlalaro. Patunay itong bumabangon ang isang atletang Pinoy at hindi bastabasta nagpapatinag sa anomang unos na sasagasain. Ngunit, hindi dapat ito gawing solusyon sa mga problema kundi ang tamang paglalaan ng pondo upang maagapan ang ganitong mga situwasyon.
Kakokompyuter mo ‘yan!
Video games sa panahon ng pandemya ELIJAH EARTH PENIANO
Tagaktak ang pawis habang aligaga sa kung ano pang magagawa sa loob ng silid. Marahil ganito ang situwasyon ng karamihan dahil sa maraming bakanteng oras upang magliwaliw. Buhat nito, marami ang nakadiskubre sa paglalaro ng video games at tunay itong nakapagpagaan ng mabigat na dinadala sa pandemya. Pumatok ngayon sa mga isko ang paglalaro ng action role-playing game na Genshin Impact. Hindi nakatakas dito si CJ Maximo ng ika-12 baitang na kung saan nahumaling siya sa larong inilunsad ng miHoYo dahil sa magandang graphics at tila anime na characters nito. Batay sa mga pananaliksik ng dalubhasa sa pampalakasan ng World Health Organization, napabubuti ng paglalaro ang koordinasyon sa kamay at mata, napahuhusay ang pagmu-multitask,
at napatatalas din nito ang pag-iisip ng utak ng mga manlalaro. Siyang nagpapatunay dahil mahusay rin si Maximo sa pag-aaral at mabilis ang kamay sa pagbuo ng rubik’s cube. Bukod dito, ibinahagi rin ni Maximo na nakakilala siya ng iba pang iskolar mula sa ibang baitang at kampus na siyang nakadaragdag sa kasiyahang naidudulot ng laro. Ayon kay Dr. Mark Griffiths, isang psychologist sa Nottingham Trent University, ang video games ay upang
makisalamuha sa mga taong mula sa iba’t ibang panig ng mundo. “Maybe they are gaming for the first time, and they realized this was an outlet you can naturally socialize with,” pahiwatig nito. Bunsod ng mga selebrasyon kung saan maraming nakatatanggap ng bagong consoles at kompyuter, makikita ang pagtaas ng mga manlalaro ng video games at ang pagtaas ng kasikatan ng video games sa buong mundo.
DAHIL BAWAL LUMABAS
Pag-switch sa Twitch
JAYVEE JOSEPH MANALOTO
Mula sa paghampas ng bola sa volleyball at pagdribol sa basketball sa paaralan, hindi naman pinalampas ng ilang iskolar ng Pisay-Gitnang Luzon ang pagkakataong mag-stream ngayong birtuwal ang paraan ng pagtuturo. Sa mas maluwag na oras sa pag-aaral, kabilang sa mga sumubok ang dalawang mag-aaral ng Batch Eunoia na sina Lcid Tayag at Hans Ferrer. Ang online streaming ay isa sa mga kinagigiliwan ng nakararami kung saan ipinalalabas nang live ang bidyo ng mga naglalaro sa social media gaya ng Facebook, Youtube, at Twitch. Karamihan sa mga ito ngayong pandemya ay pumapalibot sa paglilibang sa mga video game na maaaring buhat ng paghinto ng mga face-to-face na klase at ilang mga trabaho. Ibinahagi nina Lcid at Hans na ang streaming ang naging pantanggalinip nila ngayong lockdown. Nang dahil sa kanilang mababagsik na taktika sa paglalaro, naisipan ng kanilang mga katropang hikayatin ang dalawa upang
LARO NG LOCKDOWN. Dahil walang magawa habang lockdown, minabuti ni Lcid Tayag na maglibang at mag-stream sa Twitch. (Kuha ni Lcid Tayag)
subukin ang pagiging streamers. Isa rin itong paraan upang mapagtibay ang relasyon nilang magkakaibigang nanonood ng streams at magkaroon ng mga bagong kaibigan sa streaming community. Bilang resulta, dalawa sila sa mga pinakapinanonood na streamers ng Pisay sa Twitch. Binabalanse ng mga streamer na mag-aaral ang kanilang oras sa pag-aaral upang makapagliwaliw sa paglalaro habang nag-i-stream. “Dati, noong bago pa lamang ako, umaabot ako ng anim na oras kada araw pero nang nagsimula ang klase, pinili kong hindi na muna mag-live”, ani ni Lcid. Si Hans naman ay naglalaro lamang sa tuwing matatapos na siya sa ibang mga dapat maunang gawin. Higit sa lahat, naging mabuting ehemplo sina Lcid at Hans sa mga iskolar dahil nakatutulong din sila sa kanilang mga magulang sa tulong ng pag-i-stream. Nakakuha sila ng kita mula sa mga virtual coin na ibinibigay ng kanilang tagasubaybay ngayong mahirap ang situwasyon at nalimitahan ang pagtatrabaho ng mga magulang. Payo nina Lcid at Hans sa mga may balak subukin ang mundo ng streaming na ipakita sa mga manonood ang kanilang totoong sarili. Para kay Hans, ibahagi rin sa mga follower kung ano ang adhikain ng paglalaro nang live nang sa gayon ay matukoy kung tugma ba sa hilig ng mga manonood ang kayang ibigay ng streamer. Bukod sa mga ito, kinakailangan pa ring huwag ipagsawalang-bahala at bigyan ng pinakamataas na pagtuon ang pag-aaral dahil sa huli, ito pa rin ang tungkulin bilang mga iskolar ng bayan.
isports ONE TOUCH. Inutukan ni Isaac Ricafort ang mga kalaban sa mahinang pagpalo ng bola. (Kuha ni Haqi Cancio)
MATIKAS AT MALAKAS. Patuloy sa pagtakbo si Anya Villanueva upang matapos ang kaniyang torneong nilahukan. (Kuha ni Heart Baking)
Nang Mapilay Ang Palakasan JONATHAN CARLOS PONIO & CEDRIC BOLA
Dati nang bali ang buto Pisay sa larang ng palakasan. Marami sa mga iskolar ang ‘di hamak na batikan pagdating sa iba’t ibang uri ng isports. Ilan pa nga rito ang may kampeonato sa Palarong Pambansa at iba pang kompetisyon sa loob at labas ng bansa. Subalit, wala pa atang nakaririnig ng pagbati sa isang iskolar na naging kampeonato sa Palarong Pambansa habang nakaangkla ang ngalan ng Pisay-Gitnang Luzon. Bagaman nakapaglalaro sa paaralan bilang libangan, nagkukulang sa pagkabilad sa mataas na antas ng paglalaro ang mga atleta magmula ng pumasok sa paaralan. Apat na taon na rin nang huling magdaos ang paaralan ng school intrams. Ito ang madalas abangan ng mga palabang iskolar dahil nababaling ang kanilang atensyon mula sa arawaraw na pag-aaral. May potensiyal ang marami, kung huhubugin lang sana. Ngunit nang matapos ito, kalimitan na ng mga pisikal na gawain ang nakaugnay sa pang-akademikong usapan. Malimit na makikita na lamang ang karamihang naglalaro ng volleyball o basketball upang magsanay para sa kanilang klase sa P. E. at para naman sa senior high, isinisingit sa Action ng SCALE ang kanilang paglalaro ng Physical Activities. Lalong lumubha ang sakit nang yumanig ang pandemya. Tumubo na ang mga damo sa dating mabuhanging volleyball court at nawalis na ang lahat ng buhangin sa basketball court ng paaralan. Sa tahanan ng mga iskolar, nagiging pahirapan ang pagiging aktibo at pananatiling kondisyon ng mga katawan dahil sa kawalan ng kagamitang pang-ensayo ‘di tulad sa mga gym na kumpleto ang kagamitang panghubog ng katawan. Kuwento ni Anya Villanueva, isang manlalangoy at volleyball player, “Maraming athletes na nawalan ng way to train and compete for what they love and it is depressing to be one of those people who is not privileged enough to own their own equipments.”
Kahit ganito ang lagay, pilit pa ring isinisingit ng ilan ang pagiging malakas sa gitna ng pandemya. Walang kagamitang pangehersisyo si Anya sa bahay kaya naman itinuturing niya ang mga gawaing bahay na pagpapalakas sa kaniyang katawan. Sa kabilang dako, ang Pisay Spikers Team Captain naman na si Isaac Ricafort ay iba ang gawi, aniya, “Dahil goal ko pa rin maging physically fit kahit may pandemic, gumagamit ako ng Nike Training App at gumagaya rin ng workouts ngunit iba pa rin ‘yong training na nakukuha mo ‘pag kasama coach at teammates mo.” Aminado pa rin sina Anya at Isaac na hindi madaling makakuha ng motibasyon ngayong maraming nangyayari sa paligid. Hindi na muling makalalaro sina Anya at Isaac bitbit ang Pisay sa kanilang balikat. Gayunpaman, naniniwala silang magagawan ng paraan ng paaralan ang paghubog sa mga iskolar nito sa labas ng silidaralan. Unti-unti, nalalantad ang mga manlalaro bunsod ng maiging pagbuo ng mga club tulad ng Volleyball, Basketball, at Ultimate. May mga guro ding lubos na itinutulak ang potensiyal ng mga mag-aaral gaya nina Sir Crisostomo Bato at Sir Paul Prado. Ang hinintay na lamang upang umuswag ang larang sa institusyon ay konkretong direktibo mula sa nakatataas na layong maglinang ng kabuoang kahusayan ng mga iskolar sa palakasan.
Online Mafia: Bakit Naiiba?
Alin, alin, alin ang naiba? Isipin kung alin ang naiba. Bumaligtad ang mundo at hindi na maaaring makapaglaro sa piling ng mga kakilala. Kinailangang maghanap ng alternatibong mga mapagkakaabalahan upang makasama pa rin ang mga kalaro. Sumaklolo rito ang biglang pagsikat ng online mafia game na Among Us. Isang online game ang Among Us na gawa ng Innersloth Games na siyang bantog sa kanilang Henry Stickman Series. Sa tala, noong 2018 pa lumabas ang laro at ang pangalan pa nito noon ay Space Mafia. Ngunit sumikat lang ito ngayong pandemya dahil sa impluwensiya ng mga streamer
at bagot na manlalaro tulad nina Pewdiepie at Day6 Jae. Halaw sa orihinal na larong mafia ang palatuntunan ng Among Us — may hindi hihigit sa sampung tao sa bawat lobby at isa hanggang tatlong impostor sa bawat laro. Gampanin ng itinalagang impostor na pumatay ng mga crewmate nang hindi nahuhuli para manalo. Ang mga crewmate naman ay kailangang hanapin kung sino ang impostor bago matapos ang laro. Nakatulong ang Among Us na ipagpatuloy ang ugnayan natin sa mga kaibigan dahil sa mga lobby na maaaring gawin upang eksklusibong makapasok ang mga sasali. Kahit wala ka namang kalaro, puwede ka pa ring makipag-usap at makipagkaibigan sa ibang mga manlalaro dahil itinataguyod ng game ang komunikasyon upang mahanap ang impostor. At sa unang pagkakataon, hindi nagrereklamo ang mga magulang sa Among Us dahil
nababantayan at nakasasamang makalaro ang kanilang mga anak dahil wala itong anomang sensitibong nilalaman. Ika nga ng isang magulang sa kaniyang online reiew sa Google Playstore, “it is a fun game that is easy to play and teaches the brain on deducing mysteries with very little blood and gore.” May katapusan din ang pagsikat ng isang bagay at ganito rin ang kapalaran ng Among Us. Nakalulungkot na bumababa ang mga taong naglalaro nito dahil nauso na rin ang ibang laro gaya ng Valorant at Genshin Impact. Ngunit kung uusisain, magandang nasilayan natin ang kaniyang biglaang pag-angat at naging bahagi ito ng kuwentong quarantine ng bawat bata sa kasalukuyan.
ISPORTS EKSPRES PBA Bubble, pinangasiwaan ng Clark JONATHAN CARLOS PONIO
Nagsilbing tahanan ang Clark ng mga PBA player sa ilunsad na ‘PBA Bubble’ nitong Setyembre 2020 hanggang Enero 2021. Basketball court ng Angeles University Foundation ang saksi sa lahat ng laro habang 10 minutong sakay ang layo nito sa sports dorm na Quest Hotel. Ibinida ni PBA chairman Ricky Vargas na pinili ang Clark dahil sa ligtas at maayos nitong pamamalakad ng health protocols na nagpakampante sa mga manlalaro.
Santiago, umukit ng kasaysayan sa PH Volleyball BIANCA MARIE LIM
Kumana ng pambihirang kasaysayan si Jaja Santiago bilang kauna-unahang Pinoy volleyball player na kampeon sa international professional league nitong Marso 28 sa Tokyo, Japan. Nakapagtala ang 6-foot-4 middle blocker ng 11 puntos mula sa 9 attacks at 2 blocks para sa Saitama Ageo Medics upang umarangkada kontra NEC Red Rockets.
PH Bren Esports itinanghal na MLBB M2 World Champion JAYVEE JOSEPH MANALOTO
Mala-David at Goliath na laban ang ipinakita sa Finals nang patumbahin ng Bren Esports ng Filipinas ang Burmese Ghouls ng Myanmar na walang talo sa buong tournament, 4-3 sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M2 World Championship na ginanap sa Singapore, Enero 24.