Ang Baligho 2021

Page 1

Baligho Ang

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ink Clash Tomo I | Bilang I | Setyembre 2021

P3

Lathalain GAYNDANG PILIPINA

30%

pa lamang ng pondong nakalaan para sa meal, accommodation and transportation allowance ang natatanggap ng Tondo Medical Center para sa mga health workers nito. Ang natitirang 70% naman na nagkakahalagang P14-milyon ay nasa kamay pa ng Department of Health (DOH).

Face-to-face class posible ngayong pasukan — DepEd

T

ni: Pipay Kipz

anging ang “go-signal” na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay ng Department of Education (DepEd) para masimulan na nila ang pagpa-pilot ng face-to-face classes sa mga low-risk areas sa bansa. Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, natapos na nilang buohin ang guidelines at handa na raw ang kagawaran para sa pagsasagawa ng pilot in-person classes. “If makapag-presenta...at tsaka mag-go signal ang Pangulo, we are ready,” giit ng opisyal. Napag-alaman din na sa kanilang inisyal na pagtataya sa kahandaan ng mga paaralan, may 600

eskwelahan ang nakapasa at ikinonsiderang pagdausan ng pilot face-to-face classes, ngunit 100 lamang daw dito ang mapipili. Isang linggo naman bago ang pagbubukas ng taong-panuruan 20212022 sa Setyembre 13, ipinahiwatig ng Palasyo na bukas daw ang Pangulo na pahintulutan ang implementasyon ng pilot face-to-face classes, sa kundisyong tanging sa mga low-risk areas lamang ito ipatutupad. Ayon pa kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magkakaroon ng pagpupulong sa pagitan nina Duterte at ng iilang kinatawan ng DepEd at Department of Health (DOH) para talakayin ang nasabing usapin.

Likha ni: Kween Gaia

SAHOD SA PAGKAYOD Natenggang benepisyo sinisingil ng health workers

B

ni: Pipay Kipz

ayaran na ang mga ipinangakong benepisyo na marapat sa mga manggagawang pangkalusugan. Ito ang panawagang malakas na pinaugong ng mga healthcare workers (HCWs) ng Tondo Medical Center, nitong Biyernes, Agosto 27, sa pamamagitan ng ‘noise barrage’ at ‘snake rally’ sa loob at labas ng naturang pagamutan. Ayon kay Ernesto Bulanadi, Pangulo ng Tondo Medical Center Employees Association- Alliance of Health Workers (TMCEA-AHW), hindi sapat ang katiting nilang sahod para sustentuhan ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan, kung kaya’t dapat lamang aniya na igawad na sa kanila ang mga benepisyong matagal na nilang hindi natatanggap. “Ang liit na nga ng suweldo, ‘yung benepisyo na pang-augment na lang du’n sa araw-araw na kabuhayan ng manggagawang pangkalusugan ay hindi pa tinatamasa. Exhausted na rin po kami,” saad niya. Iprinotesta rin ng mga health

workers ang agarang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III. Kasabay pa niyan ang kanilang pagpapahayag ng pagkadismaya sa anila’y matinding kapabayaan at kawalang pakialam ng pamahaalan sa kanilang kalagayan. “Kung si Secretary Francisco Duque po ay hindi makatulog, kami ni hindi makaupo,” banat pa ni Bulanadi. Bahagi ang protestang ito ng malawakang pangangalampag sa DOH ng mga manggagawang pangkalusugan mula sa mga pampubliko at pribadong pagamutan para sa pagbabayad ng mga ipinangakong benepisyo sa kanila sa ilalim ng Bayanihan Law. Kaugnay nito, una na ring nagbigay ng 10 araw na deadline si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Agosto 20, sa DOH at Department of Budget and Management (DBM) para asikasuhin ang pagbabayad sa benepisyo ng mga health workers. Limang araw makalipas nito, Agosto 25, naglabas ang DBM

Taliban bilang ‘marahang lider’ dinudahan ng Afghans ni: Pipay Kipz

N

Retrato kay Wakil Kohsar AFP

angangamba ngayon ang maraming mga Afghan sa kanilang kaligtasan sa muling pagkakakubkob ng Afghanistan sa ilalim ng puwersa ng Taliban. Dahil ito sa anila’y posibleng pagkakaulit ng marahas na pamamaraan ng pamumuno ng Taliban, kahit pa na nauna na ring nangako ang grupo na sa pagkakataong ito’y mas magiging marahan at maluwag sila sa kanilang pamamahala. Bukod pa sa brutal na interpretasyon ng Taliban sa batas pang-Islam, kinatatakutan din ng mga mamamayan ng Afghanistan ang ‘di nalalayong

pagpaparusa sa kanila bunsod ng pakikiisa nila sa mga foreign militaries, at pagtangkilik sa mga Western missions maging sa kababagsak na gobyernong suportado ng Amerika. Kung maaalala, dalawang dekada na rin ang nakararaan nang mapatalsik sa kapangyarihan ang Taliban noong 2001 sa tulong ng puwersa ng Amerika. Ngunit nang magpasya si US President Joe Biden na alisin na ang puwersa ng Amerika sa Afghanistan, hindi nagtagal ay tuluyan nang muling nasakop ng Taliban ang kabuuan ng nasabing bansa.

ng P311-milyong pondo para sa special risk allowance (SRA) ng nasa 20, 000 public at private health workers. Kinabukasan, ipinasa umano ito ng DOH sa mga regional offices nito, kaya para sa kagawaran, nabigyang katuparan na ang pangako. Ngunit ayon pa rin kay Bulanadi, hindi sapat ang inilabas na ‘katiting na pondo’ ng DOH at DBM para sa SRA ng mga HCWs, dahil sa 67,000 na bilang ng mga health workers sa DOH retained hospitals pa lamang ay kulang na kulang na ito. “We are so disappointed with the DOH and DBM with the meager budget that they released for health workers’ risk allowance. In DOH retained hospitals alone, there are 67, 000 total number of health workers. Therefore, that funding for SRA is insufficient.” reklamo ni Bulanadi. Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o RA 11494, bukod sa SRA, makatatanggap din ang isang health worker ng meal, accomodation and transportation allowance.

Balitang Pasada

ni: Pipay Kipz

Utak ng Afghanistan twin bombing tinutugis ng US

P

ananagutin ng Amerika ang mga nasa likod ng kambal na pambobombang kumitil sa buhay ng nasa 72 katao sa Afghanistan, kabilang ang 13 sundalong kasapi sa tropa ng Estados Unidos. “We will not forgive. We will not forget. We will hunt you down and make you pay,” mariing pagbabanta ni US President Joe Biden. Target sana ng nasabing pag-atake na pakana ng Islamic State jihadist group ang puwersa ng US, ngunit mas lubos na nakaapekto ito sa mga sibilyang dumumog sa Kabul airport sa pagasang makaalis agad sa Afghanistan na ngayo’y kontrolado na ng Taliban.


2

Opinyon

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ink Clash Tomo I | Bilang I | Setyembre 2021

Maging matinik sa

Editoryal

P

akapalan na naman ng mukha ang mga balatkayong pulitiko na ganid sa kapangyarihan para muling makuha ang tiwala ng mga botante kahit na malayo pa ang halalan. Hindi pa man tapos ang pagpaparehistro ay pumuporma na ang iilan, lalo na sa pagka-presidente at pagiging bise presidente—dalawa sa pinakamataas na posisyong paglalabanan ng mga kandidato sa darating na halalan sa taong 2022. Una sa listahan ang kasalukuyang pangulo ng bansa, Rodrigo Duterte. Sa mismong partido niya na PDP-Laban nagmula ang anunsiyo na tatakbo siya bilang bise presidente. Sa katunayan, kung pagbabasehan ang mga natamo ni Digong sa pagiging presidente sa loob ng mahigit limang taon, mas lamang ang mga hindi kaaya-aya kaysa mga maayos niyang nagawa. Kung ang pagiging pangulo nga ay hindi niya makuhang gampanan nang masinsinan, maghahangad pa siyang tumakbo sa ikalawang pwesto ng kapangyarihan sa pamahalaan? Patunay rito ang hindi maayos na pagtugon ng kanyang administrasyon sa kinahaharap nating pandemya. Idagdag pa natin ang kanyang mga kampanyang hindi makatao, tulad na lamang ng war on drugs na kumitil ng libu-libong mga inosenteng buhay. Kamakailan nga lang ay tinuligsa rin siya ng International Criminal Court (ICC) at binabalaan sa mga kasong kakaharapin niya dahil sa nuknukang paglabag sa karapatang pantao. Nakapagtataka lang kung saan pa hu-

muhugot ng kapal ng mukha ang pulpol na lider ng bansa para tumakbong muli sa mataas na posisyon, o baka gusto lamang niya itong gawing defense mechanism para makatakas sa mga kasong nag-aabang sa kanya kapag natapos ang kanyang termino. Pasok din sa banga ang anak ng presidente na si Inday Sara Duterte, kasalukuyang mayor ng Davao. Parehong-pareho ang taktikang ginagamit nitong si Sara sa kanyang ama, iyong tipong pakipot pa sa una na hindi tatakbo, pero sa huli ay mamumulaga na lang. Talaga namang like father, like daughter. Hindi pa man kumpirmado at in-denial pa itong si Inday, nakabalandra na ang mga karatula niya sa kung saan-saan na may nakasulat na, “Run, Sara, Run”. Malamang sa malamang ipinapahiwatig nito na tatakbo ang alkalde, saan pa ba? Hindi naman pwedeng para sa fun run, siguradong para ito sa darating na Likha ni:

‘old school tactic’ halalan. Kaugnay rito, nanguna sa sarbey na ikinasa ng Pulse Asia Research Incorporated ang mag-amang Duterte, na kung saan 28% ang nakuha ni Sara sa hanay ng mga presidente habang 18% naman sa tatay nito sa listahan ng mga bise presidente. Ang naturang metodo ng pananaliksik ay patungkol sa mga posibleng tatakbong presidente at bise presidente sa paparating na halalan, na inilabas noong ika-13 ng Hulyo. Maliban sa mga Duterte, umaalingawngaw rin ang mga pangalan nila Bongbong Marcos, Alan Cayetano, Isko Moreno, Panfilo Lacson, Bong Go, Grace Poe, Manny Pacquiao, Antonio Trillanes, at ang kasalukuyang bise presidente na si

Leni Robredo. Karamihan sa mga apelyidong nabanggit ay hindi pa tiyak na tatakbo sa nasabing mga posisyon. Gayunpaman, nagsisilabasan na ang mga television advertisement ng iilan sa kanila, tulad na lamang ni Cayetano, Moreno, Lacson, at maging si dating Vice President Jojo Mar Binay ay nagpaparamdam na rin. Tulad ng dating gawi, pinalabukan na naman ng mga matatamis na pangako ang kanilang mga patalastas, upang muling makuha ang loob ng mga Pilipino, lalo na yaong mga uhaw sa pagbabago. Wala pa ring bago, ultimo makalumang taktika pa rin ang pinaiiral ng mga pulitiko. Sa kabila ng paunang pagpustura ng ilang mga kandidato gamit ang kani-kanilang mga paraan, nawa’y tayong mga botante ay maging mas matalino na sa pagpili ng iluluklok nating lider sa luklukan ng kapangyarihan. Nawa’y namulat na tayo sa mga nangyaring kaganapan sa nakalipas na mga taon at sa kasalukuyan. Samakatuwid, dapat ay hindi natin binabase sa mga mabubulaklak na salita at mababangong pangako ang pagpili sa susunod nating presidente at bise presidente. Huwag tayong magpabingwit sa ‘old school tactic’ ng mga mapagbalatkayong politiko at piliin natin yaong may paninindigan, may napatunayan, makatarungan, may prinsipyo, at may katapatan sa bayan at taumbayan. Sa huli, hindi lang pangalan ng susunod na lider ang nakasalalay sa’ting mga kamay ngunit pati rin ang susunod na anim na taon ng Pilipinas.

Kween Gaia

Huwag tayong magpabingwit sa old school tactic ng mga mapagbalatkayong pulitiko at piliin natin yaong may paninindigan, may napatunayan, makatarungan, may prinsipyo, at may katapatan sa bayan at taumbayan.

Punan ang Puwang ni: Sassa Boy

Repormahan ang Kakulangan

Patnugutan Sassa Boy

Kween Gaia

Pipay Kipz

Mimiyuuuh

Sassa Boy

Jam Magnolia

Ms. Everything

Kween Yasmin

Punong Patnugot Dibuhista Balita

Opinyon

Lathalain

Maniniyot

Tagawasto ng Sipi Tagalapat

Kween Lengleng Junjun Salarzon AgTek

ang nakuha ni Sara sa sarbey na ikinasa ng Pulse Asia Research Incorporated sa hanay ng mga presidente.

Retrato mula sa davaocity.gov.ph

^

28%

ang naakumula ni Digong sa listahan ng mga bise presidente, sapat na porsyento para manguna ang dalawang Duterte sa paunang sarbey.

Retrato mula sa CGTN

^

18%

Isports

kunahan ang karamahin, nauna pa itong mag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo bilang bise presidente. ni: Sassa Boy Hindi na nga nagampanan nang maayos ang pagiging presidente, Huwag Ilihis ang naghahangad pa na maging VP. Totoong Krisis Hay naku, Tatay Digs. Sa kabila nito, hindi ko mawari akakaumay na ang tugon ng Dagdag pa riyan, bilyon-bilyon kung bakit mataas pa rin ang approval rating ng mga Pinoy sa kanmga payaso sa gobyerno sa din ang perang nawala mula sa ya. Sa first quarter poll na inilabas kinahaharap na krisis. Imbes na kaban ng bayan dahil sa pagiging ng PUBLiCUS Asia Inc., nakapagtala pagtuunan ng pansin ang pan‘incompetent’ ng mga nagpapaito ng 65 kabuuang porsyento ng demya, mas inuuna pa ang mga takbo ng ahensyang PhilHealth at bagay na hindi naman akma sa Department of Health (DOH). Kung approval rating. Gayunpaman, hindi pa rin suliraning kinahaharap ng bansa. maayos lang sana ang paghawak Tanda ko pa noong nakaraang nila sa perang iyon, nabawasan pa mabubura ng naturang marka ang kakulangan at mala-circus na taon, mas binigyang-tuon pa ng sana nang kaunti man lang ang administrasyon ni Duterte na salpa- utang natin na ngayon ay sumampa pagtugon ng rehimeng Duterte sa pandemya, dahil hindi mababakan ng white sand ang Manila Bay na sa 11.6 trilyong pesos. Kung sa gitna ng kagipitang nararanasan hindi sana, mas maraming Pilipino yaran ng mataas na approval rating ang mga buhay na nawala, ng Pilipinas. Winaldas lamang nila na ang nabakunahan sa laki ng perang nawaldas, at oportunidad ang mahigit 397 milyong pesos na perang nawala. na nasayang. Kaya sana naman, badyet, dahil kung ating pagKapansin-pansin din na mas sa natitirang buwan sa termino ng ninilayan ay wala namang naidulot inuuna pa ng administrasyon ni administrasyon, huwag na nilang na maayos ang naturang proyekto. Duterte ang pamumulitika kaysa ilihis ang nangyayari sa bansa at Kung meron man, sa mental health tugunan nang masinsinan ang bigyang-tuon ang tunay na krisis. siguro ng mga panatiko. pandemya. Hindi pa nga nababa-

Quota na, mars!

N

K

apansin-pansin na noong nakaraang taong panuruan ay napakaraming isyu ang umugong patungkol sa sistema ng edukasyon sa gitna ng bagong normal. Hindi na rin ako nagulat dito dahil kahit na kulang sa paghahanda ay ipinagpilitan pa rin ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na itaguyod ang pasukan. Kaya sa nalalapit na pagbubukas ng taong panuruan, nawa’y may reporma na sa sistema. Kaalinsabay kasi ng pagtulak ng nabanggit na mga kagawaran sa pag-aaral noon ay ang pagtaas ng kaso ng mga estudyanteng nagpatiwakal. Sa katunayan, batay sa nakalap kong impormasyon mula sa news website na Philstar, mayroong 17 student suicide cases ang naitala noong nakaraang taon. Isa lang iyan sa mga isyung nag-ugat sa bulok na sistema at padalos-dalos na desisyon. Matunog din sa ulo ng mga balita ang mga hindi naaangkop na konteksto at maling impormasyon na nakapaloob sa modyuls ng mga estudyante.

Dagdag pa rito ang mga learning materials na gender-biased na inulan ng puna. Maging ako ay naging dismayado rin sa kapalpakan ng kagawaran dahil hindi nga naman talaga kaayaayang tignan na hindi tama ang ihinahaing impormasyon sa mga kabataan. Kung kaya’t ngayong magbubukas nang muli ang pasukan, nawa’y mayroon nang reporma sa sistema ng edukasyon. Natuto na sana ang DepEd at CHED sa mga kakulangan nila noon. Isa pa, nawa’y paglaanan din ng mas malaking pondo ang mga ahensya para sa mas dekalidad pang pagtuturo. Magkaroon din sana ng mas maraming plataporma na magbibigay-access sa mga estudyanteng kapos sa buhay para hindi mapag-iwanan ang mga ito sa daloy ng bagong normal. Dagdag pa riyan, mainam ding ipagpatuloy ng kagawaran at komisyon ang mga nasimulan nilang proyekto, lalo na ang pagtaguyod sa ligtas na balik-eskwela, dahil sa huli, iba pa rin talaga ang pakiramdam na makapag-aral sa loob ng apat na sulok ng aktwal na silid-aralan.


Lathlain

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ink Clash Tomo I | Bilang I | Setyembre 2021

Sa Paglupig Sa Unibersal Na Pamantayan Ng Kagandahan ni: Ms. Everything

B

alingkinitang pangangatawan, matambok na dibdib, makitid na baywang, hulmadong mukha at ilong, kutis na mala-porselana, at matangkad. Sa loob ng maraming salinlahi, ito ang naging pamantayan ng pagtukoy sa kung ano ang kagandahan — pamantayang yumuyurak at suntok para sa ilang Pilipina na nagnanais maging ‘beauty queen.’ Ngunit, malayo man sa kung ano ang nais ng ilang mga mata, hindi ito naging hadlang kay Ayn Bernos upang ipaglaban niya ang kanyang pangarap at adbokasiya. ‘QUEEN’TO: Istoryang Nagpabago Sa Rampa Ng Buhay Mula sa pagiging kilalang ‘content creator’ kung saan makikita ang kanyang husay sa pagsasalita, mas hinangaan pa ng marami si Rousanne Marie Bernos o mas kilala sa tawag na Ayn, nang siya ay mapabilang sa isandaang Pilipina na sumusubok sungkutin ang korona para sa titulong Miss Universe Philippines ngayong taon. Kwento

H

niya, mula pagkabata ay kinahiligan na niya ang panonood ng mga ‘beauty pageant’ sa telebisyon— na siyang nag-udyok sa kanya upang naisin na balang araw ay maging katulad din siya ng mga hinahangaan niyang kandidata. Subalit, hindi rin lingid sa kanyang kaalaman na may mga pamantayan pagdating sa pagtingin sa ganda ng isang ‘beauty queen,’ upang maging kwalipikado sa naturang patimpalak. Gayunpaman, nabuksan pa rin ang oportunidad na ito para sa dalaga nang tanggalin ang ‘minimum height requirement’ ng MUP Organization, at ito na nga nagpabago sa kwento ng rampa ng buhay ni Ayn na nangarap, at patuloy pa ring nangangarap na maging isang ‘beauty queen.’ ‘CANDID’ATA: Paninindigan Kontra Pamantayan Dahil sa pagiging popular ni Ayn at husay nito sa mga pagsubok para sa lahat ng kandidata, hindi rin siya nakaiwas sa mga masasakit

na salitang ibinabato ng ilang ‘pageant fans.’ Saad niya sa kanyang ‘instagram post,’ nakatanggap umano siya ng isang komento na nagsasabing siya ay may problema sa pag-iisip, kung nanaisin niyang mahigitan ang ibang kalahok na mas matatangkad, matatalino, at higit na magaganda. “I did not join Miss Universe Philippines because I believed I was the beauty standard. I joined it because I KNOW I’m not, and it’s about time girls like me are allowed to try, too,” matapang at may paninindigang tugon naman ng morenang kandidata. INSPIrampaSYON: Aral Na Hatid Sa Ibang Pilipina Sa kabila ng lahat, ipinagpa-

‘T HANK’NOLOHIYA:

indi pa nahuhuli ang Pilipinas. Kaya pang makasabay sa usad ng panahon at maraming pagbabago, kung saan ang ekonomiya nito sa kasalukuyan ay mas nagiging digital at bukas sa mga bagong teknolohiya.

Likha ni: Kween Gaia

Hindi laging napag-iiwanan, na siya namang nagbigay oportunidad upang mamulat ang Pilipinas sa mundo ng Bitcoin Technology. Kinabukasan Sa Kamay Ng Inobasyon Hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino kung paanong ang inobasyon ay naging isang mahalagang bagay upang umunlad ang bansa. At ayon sa mga dalubhasa sa cryptocurrency na nagbahagi ng kanilang pananaw sa webinar ng University of the Philippines College of Business Administration Alumni Association (UPCBAAA) tungkol sa “Everything You Wanted To Know About Cryptocurrency But Were Afraid to Ask,” malaki ang magiging papel ng bitcoin upang lubos na makita

Seryosong Laro: Sa Pagkiling Sa Mga Alituntunin Kontra Axie Infinity ni: Ms. Everything

D

3

umadaing. Sumisigaw. Nakikiusap. Habang ang mga ‘online gamers’ ay mariing tinututulan ang pagnanais ng gobyerno na mag-implementa ng batas na magtatakda ng paniningil ng buwis sa mga kumikita sa ‘Axie Inifinity,’ maluwag sa dibidib naman itong sinang-ayunan ng ‘developer’ ng naturang laro

na handang sumunod kung kinakailangan. Bilang isang ‘play-to-earn’ na laro, ang gobyerno ng Pilipinas nitong nakaraang linggo ay nagpahayag na dapat singilan ng buwis ang mga kumikita ng salapi sa larong ito, ngunit ito ay hindi para sa lahat. Sa isang ulat ng CNN, sinabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue

Likha ni: Kween Gaia

patuloy pa rin ni Ayn ang kanyang pangarap na makatuntong at makarampa sa entablado ng Miss Universe, maging inspirasyon ng iba pang nangangarap, at masungkit ang inaasam niyang korona. Sa tuwing siya ay nagkakaroon ng pag-aalinlangan, palagi lang siyang bumabalik-tanaw sa kung ano ang kanyang layunin at adbokasiya, dahil naniniwala siya may iba pang kabataan na nakikita

Nang Mamulat Ang Pilipinas Sa Mundo Ng Bitcoin ni: Ms. Everything

ang pagsulong na ito. Sa hinaharap, mas magiging kapaki-pakinabang ito sa mga tao dahil nareresolba nito ang problema sa dobleng paggasta, dahil ito ay purong kaibigan-sa-kaibigan na bersyon ng ‘electronic cash’ nang hindi nangangailangang dumaan sa pinansiyal na institusyon. Kaagapay Ng Mataas Na Institusyon Sa kabila ng pagiging tanyag sa buong mundo at mabilis na paglago ng bitcoin na nangungunang cryptocurrency ngayon, tiwala ang mga eksperto na hindi nito mahahadlangan ang mga transaksyon na dapat ay ang mataas na institusyong pinansyal lamang ang gumagawa, tulad na lamang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Deputy Commissioner for Legal Group na si Marissa Cabreros sa isang pagtalakay sa medya na ang mga manlalaro na may taunang ‘bet earnings’ na P250,000 o mas mababa ay hindi obligadong magbayad ng buwis. Kaya naman hinimok ng BIR ang mga manlalaro na dapat magbayad at magparehistro na at magbigay ng buwis sa itinakdang araw, dahil ang pagtaliwas dito ay maaaring humantong sa pagmumulta o pagkabilanggo. Isa itong laro na dapat seryosohin, lalo pa’t batas na ng bansa ang

ang kanilang mga sarili sa kanya— at kung magiging negatibo ang kanyang pananaw ay magiging ganoon rin ang mga ito, kaya siya tumayo upang maging isang mabuting representasyon. Katangi-tangi ang kanyang dedikasyon, pagiging inspirasyon, at kanyang ambisyon, na siyang lumupig sa unibersal na pamantayan ng kagandahan— ang tunay na ganda ng isang Pilipina.

Sa katunayan, sinabi pa ng co-founder ng SCI Ventures Inc. at Virtual Currency Exchange Rebittance Inc. na si Miguel Cuneta, na hindi nito papalitan o ookupahin ang trabaho ng bangko. Bagkus ay magiging kaagapay lamang ito lalo na sa pag-iipon ng salapi, pagpapasa at paglilipat ng pera— opsyon ng kahit na sino dahil ito naman ay boluntaryo. Ingat-Salaping Sanib-Pwersa Sa kabilang dako, hinangaan naman ng co-founder at chairman ng Blockchain and Fintech Company Satoshi Citadel Industries na si Jardine Gerodias ang pangangasiwa ng BSP sa regulasyon sa palitan ng mga cryptocurrency. Ang tinutukoy dito ni Gerodias ay ang Circular 944 na in-isyu ng BSP

maaaring makalaban kung hindi susunod sa mga alituntuning itinakda dito. Sa isang ‘tweet’ nitong gabi ng Agosto 26 ng developer ng naturang laro na si Sky Mavis, inihayag niyang handa silang sumunod sa tamang paraan at makiisa sa kung ano ang magiging plano ng gobyerno pagdating sa usaping ito. Sa katunayan, hinikayat pa ng kanilang samahan ang mga manlalaro ng Axie na sumunod sa kung ano ang batas ng kani-kanilang mga bansa kung nasaan sila. Ipinagmamalaki ng mga tagabuo nito ang pandaigdigang

noong 2017, na kumokontrol sa mga transaksyon ng salapi birtuwal, at nagtakda ng mga alituntunin. Sa kasalukuyan, mas nagiging maganda ang layunin ng bitcoin pagdating sa pag-iingat ng salapi ng mga mamamayan, lalo na’t katuwang nito ang bangko sentral. Kaya nga pinayuhan ng mga eksperto ang publiko na interesadong bumili ng mga bitcoin na makipag-transaksyon lamang sa mga palitang lisensyado ng BSP. Hindi na muli pang mahuhuli ang Pilipinas, dahil sa pagkamulat nito sa mundo ng cryptocurrency, partikular sa bitcoin, ay mas nagiging bukas rin ito sa mga mas bago pang teknolohiyang makapagpapaunlad sa bansa, na siyang ipinagpapasalamat ng marami.

‘playerbase’ ng laro dahil maaari ditong kumita ang sino man at nasaan man, na siyang makatutulong upang mapalago maging ang digital na ekonomiya ng isang bansa. Dumadaing silang mga mababawasan ng kita sa larong Axie infinity, daing ng panghihinayang, pagkainis, at pagtutol. Sumisigaw silang wala nang ibang magagawa kapag naisabatas na ito kundi ang sumunod na lamang, nakikiusap ngunit ang batas ay batas, at sila ay sumabak sa isang laro na dapat ay sineseryoso.

Likha ni: Kween Gaia


4

Agtek

Ang Opisyal na Pahayagan ng Ink Clash Tomo I | Bilang I | Setyembre 2021

MerCUREry Drug: Nakasisiguro na Dengue, Madaling Maglalaho ni: Kween Lengleng

S

Likha ni: Kween Gaia

BIYAHENG KALAWAKAN 2 Pinoy-made CubeSats, ikinasa para sa ‘space mission’ ng ISS ni: Kween Lengleng

robots, exposing construction materials to the harsh environment of space, mitigating stress in plants, and more,” paliwanag ng NASA. Tumitimbang ng 1.15 kg ang dalawang CubeSats at may sukat na 10 cm by 10 cm by 11.35 cm. Kaagapay Sa Paglipad Nabuo ang nabanggit na mga CubeSats sa ilalim ng programang Space Technology and Applications Mastery, Innovation, and Advancement (STAMINA4Space) na suportado ng iba’t ibang sangay at institusyon tulad ng Department of Science and Technology (DOST), University of the Philippines (UP) Diliman, Kyushu Institute of Technology at Philippine Space Agency (PhilSA). Umalalay rin sa likod ng nabanggit na mga ahensya ang mga ekspertong iginugol ang oras at kasanayan mabuo lang nang pulido ang Maya-3 at Maya-4. Binubuo ng walong iskolar ng

Editoryal ni: Kween Lengleng

IVERMECTIN, NEVER GAMITIN

W

ais ang naging hakbang ng Department of Health (DOH) sa pagpapaalala nito sa publiko, lalo na sa mga pasyenteng may COVID-19, laban sa Ivermectin–isang anti-parasitic drug na ginagamit ng iilan pangontra sa nabanggit na sakit. Batay kasi sa ulat ng US Food and Drug Administration, may ilang mga indibidwal nang nalason ng alternatibong lunas. Kaya tama lang na mas pinaigting pa ng ahensya ang pagbibigay-payo sa mga Pilipino. Pagdidiin pa nga ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, “Evidence has shown it does not

give you any benefit in preventing, shortening the duration of hospitalization or the progression of your disease when you have COVID-19”. Dagdag pa rito, labag din sa ating saligang batas ang pagbebenta ng mga gamot na hindi rehistrado. Kaya kahit saang anggulo man natin tingnan, hindi talaga ligtas ang paggamit ng Ivermectin. Sa halip na gumaling, maaari pa itong magpalala ng ating karamdaman. Samakatuwid, sundin natin nawa ang payo ng DOH patungkol sa abiso laban Ivermectin. Mas mainam na ang sigurado, kaysa itaya mo ang buhay mo sa peligro.

bayan ang grupo sa likod ng naturang CubeSats, na kinabibilangan nina: Gladys Bajaro, Derick Canceran, Bryan Custodio, Lorilyn Daquioag, Marielle Magbanua-Gregorio, Christy Raterta, Judiel Reyes, and Renzo Wee na pawang mga benepisyaryo ng DOST. Misyong Mala-ibon Kabilang sa mga misyon ng Maya-3 at Maya-4 ang pagpresenta ng nakuhang larawan at bidyu ng RGB camera at “near-infrared camera,” pati na rin ang pagpapakita ng “ground data acquisition” upang makakolekta ng datos mula sa “remote ground sensors” tulad ng temperatura at halumigmig. Inaasahan din ang pag-demonstrate ng mga CubeSats ng commercial off-the shelf (COTS) global positioning system (GPS) at “magnetic field measurement” sa kalawakan. Sa ngayon, matagumpay nang nakadaong ang dalawang CubeSats sa ISS.

MALAPIT NA.

437,563

N

asa kalawakan na ang dalawang cube satellites (CubeSats) na ipinadala ng Pilipinas sa International Space Station (ISS) bilang parte ng Space X Commercial Resupply Mission-23, na pinamumunuan ng National Aeronautics Space Administration (NASA). Ikinasa ang Maya-3 at Maya-4 CubeSats noong ika-28 ng Agosto sakay ng Space X Falcon 9 rocket sa Dragon C208 cargo. Sa Facebook post ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), ang nasabing space mission ay kaakibat ng scientific research at technology demonstration na naglalayong maisakatuparan ang mga eksperimento ng ISS. “Experiments aboard include an investigation into protecting bone health with botanical byproducts, testing a way to monitor crew eye health, demonstrating improved dexterity of

a gitna ng aking mahimbing na pagtulog patungong bukang-liwayway, ako’y nagising nang nangingisay dahil akma niya akong tutusukin ng kanyang matulis na sandata. Szzzzzhhzzzhzhhzzhzhzhz. Bumulong na naman siya. At nang minsan ay biglaan niya na lang dinapuan ang aking katawan. Bam! dugo ang bumungad sa aking mga kamay. Nakaganti’t napatay ko sya ngunit huli na pala. Ganyan niya ako biniktima noong wala pang bakuna, na animo’y buong pagkatao ko ay apektado sa impeksiyong dala ngunit hindi ako nakapalag dahil wala akong pananggang kalasag. Sa katunayan, hindi lamang ako ang kaniyang napuntirya dahil base sa datos ng Department of Health (DOH), 83,335 Pilipino nitong 2020 ang nagkasakit at 324 diyan ang namatay. Dengue. Dengue-rous - iyan ang ngalan niya. Nangako rin si Science Secretary Fortunato Dela Peña, kaagapay ang Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOSTPCHRD) sa isang virtual forum na magkakaroon na ng kauna-unahang plant-based medicine kontra dengue ngayong taon. Dahil sa matibay na suporta ng mga health researchers, masayang ipinahayag ng DOST na matagumpay ang naging resulta ng first phase ng trial ng nasabing anti-dengue capsule kung saan nakitaan ito ng magandang kinalabasan sa kabuuan. Inaasahan din na magaganap ang ikalawa at ikatlong pag-aaral sa gamot ngayong Setyembre. Walang pinipiling edad, kasarian, at katayuan sa buhay ang virus na ito. Kaya huwag iismolin, baka ikaw ay kakagatin at buhay mo ay kikitilin. Mabuti na lang at malapit nang matapos ang lunas sa sakit na malas upang masiguro na at masasabi na natin sa wakas na DENGUE-ROUS NO MORE dahil may cure.

ang naitalang dengue cases ng Kagawaran ng Kalusugan noong 2019 - ang pinakamarami sa kasaysayan.

Mataas ang posibilidad na matatapos ngayong taon ang kauna-unahang plant-based anti-dengue drug, dahil ayon sa Department of Science and Technology (DOST), isinasagawa na lamang ang pangalawa at pangatlong phase ng pagaaral nito upang matiyak na ligtas itong iturok. Retrato mula UNTV


`

Blacklist Intl vs.

Ang Baligho

Echo PH vs. MPL-PH Season 8 Week 1 Day 1

ispor ts Ang Opisyal na Pahayagan ng Ink Clash | Tomo I | Bilang I | Setyembre 2021

TNC Pro Team

Onic PH Balitang Pasada

PADYAK PALPAK

Mangliwan, na-DQ sa 400m T52 finals, new PR, nabalewala ni: Junjun Salarzon

N

^ VICTORY. Explosibong binuksan ng Blacklist International ang kanilang kampanya upang depensahan ang kanilang trono, pati na rin ang Onic Philippines nang pataobin ang kani-kanilang katunggali sa pagbubukas ng Season 8 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League, gabi ng Agosto 27. Retrato kuha mula sa MPL Philippines.

NIRATSADA ANG ENTRADA Blacklist, Onic PH, explosibo; MPL opener, dominadong nilasap ni: Junjun Salarzon

I

pinamalas ng Blacklist International at ng Onic Philippines sa mga bagito kung paano maglaro ang mga beterano. Nagpahayag ng bantang arangkada sa kampeonato ang Blacklist at Onic PH matapos buksan ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8 sa isang impresibong debut nang pagbabalibagin ang kani-kanilang mga bagong saltang katunggali noong gabi ng Agosto 27. Pinatunayan ng Blacklist na sila pa rin ang defending champion matapos mapanatili ang magandang status quo nang makabalikwas sa endgame mula sa bitag ng TNC Pro Team sa early games at itatag ang isang 2-0 victory sa best-of-three duel. Tila dumaan muna sa butas ng karayom ang reigning MPL titlist matapos makontrol ng TNC ang unang matches ng Game 1 nang mailatag nila ang objective na nagbigay ng bentahe sa kanilang kampo.

Ngunit hindi ito pinalampas ng codebreakers at ibinalik ang composure sa pamamagitan ng signature healing at ultimate bonding strategy na naging daan sa late surge ni Danerie James “Wise” Del Rosario sa ika-19 minuto na gumiba sa backline ng TNC para maikasa ang Lord push gamit ang Kimmy. Tila isang well-oiled machine na ang naging galawan ng Blacklist nang kalampagin ni Edward “Edward” Jay Dapadap ang depensa sa tulong ng setups at wave clear ng Paquito na sinegundahan pa ng poking antics ni Kiel Calvin “Oheb” Soriano (Hayabusa) para puwersahin ang full yield sa ika-11 minuto. Sa kabilang banda, siyento-porsiyetong hinawakan ng Onic PH ang manibela ng El Clasico serye kontra sa long-time rival nitong rebranded Echo PH sa tulong ng isang 2-0 fashion para patatagin pa ang kampanya nito sa torneyo. Agarang atake ang hinambalos ng Echo sa pamamagitan ng

agresibong early outing ng Ruby ni Jankurt Russel “KurtTzy” Matira at Kagura ni Rion “Rk3” Kudos upang mabuhayan sila ng kaunting pag-asa. Bunsod nito, naglabas ng ibang taktika ang Onic sa bisa ng pagpapatibay nito sa splitting, sa mantra ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol (Ling) hanggang sa bumulusok na ang Esmeralda at Nathan nina Jaylord “Hatred” Gonzales at Allen “Baloyskie” Baloy sa ika-18 minuto nang makontrol ang map ng serye at surebol na naigupo ang Lord ng Echo. Pinaikot na ng Onic PH sa sariling mga kamay ang Game 2 matapos ang explosibong take down nina Gerald “Dlarskie” Trinchera (Xborg) at ang ‘di inaasahang Lylia shocker ni Baloyskie upang epektibong ikasa ang kumpletong demolisyon sa turret at Lord. Makasasagupa ng Blacklist International ang Nexplay EVOS habang Omega Esports naman ang susubukang payuyukurin ng Onic PH.

Editoryal

N

Suporta, Ayuda ng Atleta, Paigtingin Pa

anindigan ang Kabataan Partylist na kailangang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mundo ng isports at bigyan ng karampatang suporta at tulong pinansyal ang ating mga atleta na nagbibigay-karangalan sa bansa. Mainam nga naman ang hakbang na ito nang matuldukan na ang gawain ng gobyerno na puro pangako sa mga atletang Pilipino. Idiniin ng grupo na may malaking epekto sa pisikal, mental at emosyonal stress ang dala ng kakulangan ng ayuda lalo na sa panahon ng pandemya. Kung

kaya’t hinihimok nila ang PSC at IATF sa ilalim ng HR 2007 na payagan nang makapag-ensayo ang lahat ng mga atleta at mas dagdagan pa ang ayuda sa pinansyal at equipment. Sa kainitan ng isyu, inamin ng Palasyo na kulang talaga ang pondo para sa mga atleta ngunit nanindigan sila na hindi nila pinababayaan ang sektor ng isports at isa na di-umano niyan ang pagpapatayo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng world-class facilities sa Clark, Pampanga. Ngunit hindi pa rin batid ng KP ang naging depensa nila dahil

ni: Junjun Salarzon

alam ng karamihan na nagkukumahog na ang mga atleta tulad na lang ni first-ever Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na halos nagmakaawa na sa kanyang Instagram post noong 2019 kahit galing ito sa panalo noong 2016 Rio at Asian Games. Sa huli, watawat pa rin ng Pilipinas ang iwinawagayway ng mga atletang Pilipino at isa sila sa bumubuhay sa karangalan ng bansa sa international scene, kaya nararapat lamang na mas lakihan ang pondo at umaksyon na ang pamahalaan baka huli na ang lahat at wala ng nais magrepresenta.

alumpo ang pag-asa ni wheelchair racer Jerrold Mangliwan na makapag-uwi ng medalya sa 400-meter T52 para sa Pilipinas matapos madiskwalipika sa finals ng Tokyo Paralympics noong Agosto 27. Naiwan sa kawalan ang naiukit niya sanang bagong personal record (PR) sa bilis na 1.00.80 matapos magkamit ng lane infringement na labag sa 18.5a rule ng World Para Athletics (WPA). Sa kabila ng masamang balita, may dalawa pang pagkakataon si Mangliwan na maibawi ang kaniyang pagkabigo at maaaring makabagahe ng inaasam na medalya sa 1500m T52 at 100m T52 events. Lathalain

PILAT AT PILAK: Walang KaPARIS na Ariba ni Obiena

I

ni: Junjun Salarzon

binaon ng determinadong maging kampeon ang pilat ng kahapon upang iahon ang panibagong misyon. Takbo at atras. Lundag at lipad. Bagsak at bangon. Ito ang naging istorya ng walang kapares na setback at comeback ni Ernest John Obiena upang makamit ang pilak na medalya sa Paris, Pransya. Takbo at Atras. Kapag tayo ay tumatakbo, hindi rin maiiwasan na tayo ay nadadapa. At katulad ni Obiena na makailang pumalya sa attempts niya sa Paris Diamond League pole vault nang maunsyami ang hangad nitong malundag ang dalawang 5.96 metrong taas. Muli na naman syang tumakbo para sa height na 6.01 metro ngunit sa dulo ay umatras din ang pagasang maabot ito. Lundag at Lipad Bago pa man sumalang ang tubong-Tondo sa PDL, naging matamis na ang kanyang kampanya sa Switzerland nang

maibulsa nito ang ikaapat na pwesto at tunawin ang mga beterano. Dahil sa kanyang katatagan ay nasa tamang daan na si Obiena at handa na syang lumipad sa kaparangan dala ang inspirasyong mapatunayan na kaya niya. Bagsak at Bangon. Kahit naging masaklap man ang sinapit ng 6-foot-2 vaulter sa katatapos lamang na Tokyo Olympics 2020 matapos bigong makapasok sa mismong Top 10, sa likod ng kanyang 5.70 metrong arangkada, sapat para sa 11th place finish, natuto naman syang bumagon. At matagumpay na napawi ng 25-anyos ang pilat at napalitan ito ng kumikinang na pilak matapos ang malinis nitong first attempt sa tulong ng 5.91 metrong performance sa Diamond League. Takbo at atras. Lundag at lipad. Bagsak at bangon. Ang mahalaga ay nakabawi na si Obiena. Kung kaya’t nararapat lamang syang sabihan ng EJ WOW.

Retrato mula kay Ben Stansall, AFP


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.