Final print gunita 2013

Page 1

Gunita

Para sa lahat ng lumilimot nalimot at nakalimot

-1-


TINTA - 2013

-2-


Gunita Š TINTA 2013 is the official literary folio of the Union of Journalists of the Philippines - UP Diliman batch 20122013. All or parts of this book is highly encouraged to be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form as long as it is credited to the respective writers and to the Union.

In partnership with:

-3-


Tula

37 Bahaghari 21 Irony 15 Isang Kahong Posporo 56 Lima 11 Minsan sa Isang Eskinita 46 Our Memories are Shards 40 Payaso 20 Paying for Love 36 Salang Paglimot at Pag-alala 47 Salita 17 The Waiting Game 47 Torpe Sonnet 11 Tuwing may Rally 28 Walang Malay


Prosa

8 Freakin’ Wishes 18 Andap 48 Anino 12 Ang Huling Tag-araw 42 Iniquitous 38 Mga Alaalang Eksaherada 10 Mga Alaala Mula sa Kolehiyo 55 Memories of the Forgotten 50 Remembering and Forgetting, Forgetting and Remembering 24 Roses Waiting to Bloom 32 Taliwas


TINTA - 2013

-6-


Para kay niyebe.

-7-


TINTA - 2013

3 Freakin’ Wishes ni Boy Jorge

ung mabibigyan ako ng tatlong kahilingan, mula sa Genie o mula K sa nasa itaas, napagtanto ko na kung alin-alin ang marapat kong hilingin

-8-

sakanila. Una, pagmamahal. Para corny. Ikalawa, isang sampal. O maaaring marami-raming sampal. Mapapalagay na rin ako sa kutos, sa batok o kaya sa sipa sa gulugod. Basta masakit, mahapdi, may bahid na paghihiganti. Isang sampal para sa kanyang inapakan ang karamihan upang makaupo lamang sa trono ng kapangyarihan. Sa kanyang nagpadanak ng galongalong dugo, na ininom upang magkaroon ng pambihirang super powers na ginagamit sa pansariling kaginhawaan. Isang sampal sa kanyang butad at lasing sa pilak at ginto. Sa kanyang ilang taon nang nakikipag bunong-braso sa mga mamamayang halos nalumpo na ng dambuhalang kamao. Kaya’t ang mga manggagawang ilang taong sa bukid ay nagpursigi, wala man halos nabungang hapagin dahil sa kanyang matakaw at makasarili. Isang sampal sa kanyang kayang takbuhan ang hustisya dahil nakaka da-moves sa mga kakilala. Sa kanyang nakakapambabae’t juts kailan man niya nais at kaya. Dahil ang pera niya’y limpak limpak, halos gawin nang pamunas ng pwet pagkatapos magdumi. Yun ang totoo, kahit medyo kadiri. Isang sampal sa kanyang magaling magbalatkayo, mahusay mag alatupa para manloko ng kapwa niya tao. Sa kanyang nanlililo tuwing Mayo, bitbit pa madalas ang buong pamilya mula apo sa tuhod hanggang kay lolo. Inangkin ang lugar, ipinangalan sa ngalan nilang umaalingasaw, ginoyo ang mga tao gamit ang kumikintab na ngiti at mga salapi. Isang sampal sa kanyang naging opisyal dahil dating artista. Sa kanyang nailuklok para magpasa ng mga batas na ikalalaki pa ng bahay nila, ikararami ng kotse niya. Kung makapigil sa mga maka-taong batas, wagas; kung


makapagpatupad ng mga bobong tuntunin, matulin. Isang sampal sa kanyang ‘di marunong umimik, natusok ng istik, nasungalngalan ng pera’t kaginhawaan. Sa kanyang pinipilit hindi mamulat, walang pakialam na ang kapwa niya’y natatae na sa kadarahupan. Mali ang pinaglalaban, mali ang kinakampihan. Siya na ang masaya. Siya na lang. At isang malutong na sampal sa kanyang hindi marunong sumipi kung alin ang tuwid sa baluktot, parang di natutong maglinya sa mababang baitang. Sa kanyang dinala ang paboritong kulay ng kanyang mga magulang pag-upo sa trono ngunit magiging sunud-sunuran lang pala sa mga mas malalaki ang korona’t latigo. Sa kanyang balimbing sa kung sino ang nasa harapan, walang bayag upang itaguyod ang mga karapatan ng kanyang nasasakupan. Na ang mga protesta’t daing ng mamamayan ang pinagmamatigasan, imbis na sa kama na lamang kasama ng kanyang kasintahan. Bulok na pamamalakad, baluktot na daan, ulong hugis at takbong itlog. Marami-rami rin palang sampal yun, ano. At ikatlo, pagkakapantay-pantay. Para mas korni, kapayapaan sa mundo. Para mas post-modern, anarkiya. Para mas witty, isa pang genie. Pero para mas sakto: masidhi, hakbang-hakbang, matagalang pagbabago.

-9-


TINTA - 2013

Mga Alaala mula sa Kolehiyo a tuwing inilalagay ko ang sa paninira ng mga balyena at sa S sarili ko sa lugar ng ako na galing sa katangahan nila sa kabila ng pagkani Ore

-10-

hinaharap, nagigimbal ako sa mga nakikita ko. Natatanaw ko ang mga ala-alang tiyak na pagsisisihan ko. Mapipilitan akong harapin ang katotohanang walang mabuting naidulot sa akin ang kolehiyo. Hindi ko gustong alalahanin na sa kolehiyo ako lalong dumausdos sa pagdurusa. Hindi ko gugustuhing balikan na ang kolehiyo ang nagtulak sa akin sa katotohanang isa lamang akong langgam kung ikukumpara sa mga bakang katulad ng mga tao sa paligid ko. Ngunit higit sa lahat, mas nanaisin kong hindi na lang maalala na sa kolehiyo ako unang namulat sa mga balyenang tunay na naghahari, kung palakihan lang naman ang pag-uusapan. Sa pamantasang naging bahagi ng buhay ko panandalian, nakatagpo ako ng mga bakang nagpupumilit na lumaban sa mga balyena. Mga tanga. Ilang beses ko ring narinig na ang isang katulad kong langgam ay dapat mamulat at matutong makipagtunggali para masugpo ang mga balyena. Mga tanga. Kung paglabanin man ang baka at balyena, paanong magwawagi ang una? Uututan ang balyena? Ngunit ang isang langgam na katulad ko ay hindi kinaya ang pangiimpluwensiya ng mga baka. Hindi ko alam kung bakit natuto akong magalit

karoon ng gumagana namang kukote. Higit sa lahat, hindi ko maisip kung bakit ang isang tulad kong langgam na may gasinong utak ay napipilitang makaramdam ng kung ano sa mga pangyayaring ito. Kung tutuusin, sana ay naging pangkaraniwang langgam na lang ako --isang langgam na nagpapatuloy sa masikap na paggaod sa isang walang saysay na daigdig. Hanggang sa matapos ang isang walang saysay na buhay. Bakit kailangan ko pang sayangin ang katiting na buhay na ito sa pag-iisip ng mga bagay na hindi rin naman maisasalin sa realidad? Hindi kaya mas mabuting ginugol ko ang pag-iisip ko sa paghahanap ng paraan para makapangsiping ng babae, sa halip na maisip na ang ganitong kaisipan ay produkto ng isang patriyarkiyang dapat supilin? Hindi na sana ako nalulong sa alak at sigarilyo. Hindi na sana ako bumabangon nang may pandidilim ng paningin, hindi na sana ako nawalan ng kakayahang lumuha dahil naubusan na ako nito. Bakit ba kailangan pa akong gisingin ng pamantasang ito sa katotohanang isa lamang akong hamak na langgam? Kaya naman, malaki ang sama ng loob ko sa mga taong nasa paligid ko. Malaki ang hinanakit ko sa pamantasang ito. At higit sa lahat, malaki ang pagkamuhi ko sa sarili ko.


Tuwing may rally ni J. Snow

Umiibig ako tuwing may rally. Namumula ang aking pisngi sa tirik na araw Nanlalambot ang tuhod sa haba ng mga lansangang nilalakad Nanunuyot ang lalamunan sa init at uhaw. Malakas ang kabog ng aking dibdib Habang tinatapatan ng karatula’t kapit-bisig Ang baton at bombang tubig ng mga pulis. Bumibilis ang tibok ng aking puso Sa saliw ng musikang likha ng bawat palakpak at sigaw Ng pag-ibig na dating tinikom, minanhid. Tumitigil ang aking mundo Taas-kamao, sa kanan at kaliwa Kasabay ko ang aking mga minamahal sa pagmartsa. At isa pa’y naroon ka rin tuwing may rally.

Minsan sa isang eskinita ni J. Snow

Pareho pa rin ang iyong mukha Bawat hibla ng iyong buhok na nais kong ikanlong sa gitna ng aking mga daliri, ngayo’y tinatangay ng ihip ng hangin Bawat hakbang mo’y kabog pa rin sa dibdibbawat kumpas ng kamay, kibot ng bisigAng bawat maliliit mong galaw ay tukso pa rin sa akin. Tulad ng malalambot mong pisnging ngayo'y bumibilog sa isang ngiti Gaya noon, noong huli kitang nakita Dito sa parehong eskinita Sa parehong oras Sa parehong bagsak ng sinag ng liwanag Kung saan ako'y laging nakaabang. Dahil hayop ka gwapo mo eh hiya ako sayo.

-11-


TINTA - 2013

Ang Huling Tag-araw ni King Edmund II

S

-12-

a tuwing magtatalik ang init ng araw at maalinsangang hangin, sa tabi ng ilog tayo natatagpuan, mga paa’y bahagyang nakalubog sa maligamgam na tubig at ang mga kamay ay humahagilap ng maliliit na bato upang magpalayuan ng pagpukol. Halos araw-araw tayo pumupunta roon, at minsan inaabot pa tayo ng dapit-hapon. Sabay nating pinapanood ang marahang paglubog nga araw, magkasama, walang pakialam sa mundo. Sa ating dalawa, ikaw ang mas masiyahin. Ikaw ang laging palabiro, ikaw ang parating maingay. Ako naman itong laging tahimik, mahilig tumingin sa malayo. Minsa’y lutang habang kinakausap mo. Kaya naman tamang-tama lang ang timpla nating dalawa. Ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin, pagmamahal na higit pa sa pagkakaibigan. Minsan, nahuhuli kitang nakatitig sa akin, at sa tuwing lilingon ako ay tatawa ka lang. Minsan rin ay pilit mong hinahawakan ang mga kamay ko, at sa mga pagkakataong iyon ay kunwari’y kakamot ako ng ulo maiwasan lamang magdikit ang ating mga kamay. Pansin ko iyon. Pero ipinangako ko sa sarili na hanggang pagkakaibigan lamang tayo. Isang gabi, habang akay-akay natin ang mga bisikleta, bigla mo na lang akong hinalikan. Aaminin ko, tumigil ang mundo ko matapos noon. Nanigas ako habang tumakbo ka papalayo. Kinabukasan noon ay parang walang nangyari, pero dama pa rin natin ang hiya sa isa’t isa. Sa paglipas ng mga araw, maraming nagbago. Nagkasakit ka, at naging madalang na ang pagkikita natin. Dinala ka sa Maynila upang ipagamot. Sa pag-alis mo, ibinigay mo sa akin ang isang maliit na papel na hiniling mong huwag kong buksan hanggang sa muli nating pagkikita. Lumipas ang mga araw, ang mga buwan at ang taon na hindi kita nakasama. Sa tuwing bibisita ako sa tagpuan nating dalawa, hindi maalis sa akin ang pagsisisi at pangungulila. Medyo naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nasuklian ang pagmamahal na ibinigay mo. Akala ko, huli na ang lahat. Kaya naman nasabik ako nang nabalitaan ko na umuwi ka na muli


rito. Agad-agad kong inalis sa pagkakakandado ang bisikleta at humarurot patungo sa inyo. Ngunit, iba ang bumungad sa akin. Bumulaga sa akin isang taong hindi ko na lubos makilala. Unti-unti nang nawawala ang mga buhok mo. Ang balat mong dati’y mamula-mula, ngayo’y nagiging maputla na. Ang dati mong malusog na pangangatawa’y naging matamlay na. Ang masayahin mong mukha ay napalitan na ng labis na pagkalungkot. Hinagkan kita, tanda ng labis kong pangungulila noon sa iyo. Sinuklian mo ito ng labis na pag-iyak. Sabi mo, kaunting panahon na lamang ang ilalagi mo sa mundo. Hiniling mong ipasiyal ulit kita sa ilog na minsan nang naging saksi ng ating pagkakaibigan. Dala ang maliit na papel na ibinigay mo sa akin noon, dali-dali kitang inangkas sa bisikleta, at binaybay natin maalikabok na daan papunta sa ating espesiyal na lugar. Pagdating natin doon, inaya mong gawin ulit natin ang paglubog ng ating mga paa sa tubig. Hindi tayo nag-uusap. Sapat na na tayo’y magkasama upang maipahayag ang pananabik sa isa’t-isa. Naalala ko ang papel sa bulsa ko. Binuksan ko ito, at nakita ko ang sulat mo. Balang araw ay tuturuan kitang lumipad, sabi mo. Ngumiti ka, ngunit hindi nito maitatago ang sakit na pinagdaraanan mo ngayon. Ako naman, pilit kong ipinaparamdam sa iyo na walang nagbago, parehas pa rin ng dati. Alam ko ang ibig mong sabihin sa sulat mo, pero tila wala pa rin akong lakas na gawin iyon. Hindi ngayon, ani ko sa sarili. Dahil mas kailangan mo ng kaibigan. Nabalot na naman tayo ng katahimikan. Tanging huni ng ibon, sipol ng hangin at tunog ng agos ng ilog ang naririnig. Habang nakatingin ka sa kawalan, ako nama’y pilit itinatatak sa isip ang mukha mo. Kung dati’y ikaw ang tumititig sa akin, ngayon nama’y ako na. Kung dati’y iniiwasan ko ang paghawak mo sa aking kamay, ngayo’y ako na mismo ang humahawak sa iyo.

-13-


TINTA - 2013

-14-

Nakapagsisisi na sa huling pagkakataon, hindi ko naamin sa aking sarili na mahal rin kita. Kung gaano mo ipinakita ang pagmamahal mo sa akin ay siyang pagtatago ko rin ng pagmamahal ko sa iyo. Siguro’y takot ako na mahusgahan ng isang mundong mapanakit sa tulad natin. Siguro’y takot din akong pagsisihan na kung kalian aalis ka na at saka ko sasabihin ang matagal mo nang gustong marinig mula akin. Lumipas ang ilang araw at tuluyan ka na ngang lumisan. Sa kalagitnaan ng tag-araw ay tumangis ang langit, sumabay sa aking lumbay at pangungulila. Lumipas ang ilang taon bago ako muling nakadalaw sa lugar nating dalawa. Pilit kong ipininta ang iyong mukha sa aking tabi. Pilit kong hinanap ang boses mo sa ragasa ng ilog. Pilit kong hinanap ang haplos mo sa hangin. Hanga ako sa iyo, dahil tulad ng isang paru-paro, ay malaya mong ibinuka ang iyong pakpak at lumipad hanggang sa iyong huling hininga, bagay na hindi ko kinayang gawin habang tayo’y magkasama pa. Alam kong dito’y nabubuhay ka at ang mga ala-alang hindi kukupas ilang tag-araw man ang dumaan. Ngunit alam kong tulad ng ilog ay kailangan ko nang umusad, bitbit ang mga ala-ala nating dalawa. Handa na akong harapin ang pagsubok na iyong iniwan. Sakay ng bisikleta, muli kong tatahakin ang daang minsan mo nang dinaanan, at para sa iyo, ipagpapatuloy ko ang iyong nasimulan. Kasabay ng alon, susundan ko ang maliliit mong hakbang tungo sa lubusang pagtanggap at pagmamahal sa sarili. Sa huling pagkakataon, nilingon ko ang ilog at hinayaan kong tangayin ng hangin ang luha sa aking mga mata.


ISANG KAHONG POSPORO ni Solar Plexus

-15-

XN E

Kumakalansing ang mga barya sa kanyang maruming kamay Kumikiskis ang pudpod niyang tsinelas sa sementadong kalsada habang siya’y papalapit sa tindahan sa kanto Pagbilhan, pagbilhan tawag niya habang kinakatok ng barya ang manipis na yero na may larawan ng bote ng Coke Pagbilhan, pagbilhan po ng posporo sambit niya habang nakatingala sa matandang tindera saka tumingkayad, inilahad ang palad At ang bilog ay naging parihaba. Kaliwa, kanan, kaliwa– Kahon. Walis. Isda. Bahay. Titik. Pangalan – nabuo ang mga hugis sa bawat hakbang at munting lundag. Ngunit pagdating sa bahay mga palito’y nangalaglag at pagbukas ng kahon pumasok ang isang munting gagamba.


TINTA - 2013

XN E

-16-

The Waiting Game ni Tanod

Nobody wins in a waiting game It is the last game you’d want to play No winner shall be hailed Only losers at the end of the day


Rules of the game simple and plain: wait. Easy game? You are stuck and lost Wait for what in the middle Wait till when when to wait win till when These games get you wounded deep and sore but injuries leave you wanting more And scars you’ll get of memories and of pain of spaces emptied and filled Some would say games aren’t all about winning It is the time spent while playing Wanting and waiting whining ang wailing Oh, Let’s talk about time! You wish you’d move a level up or forward for just a bit Wait I changed my mind But you do not even feel your legs You stare blank in space Waiting is not a weak man’s affair and your fingers tap endless beats Neither it is for the strong and prideful Your pulse is normal Either you give up and you’re out you hear somebody singing Or give in and you’re on Your pulse is rising to You hear somebody crying, laughing, laughing fades (silence) Your eyes roll to the sides Waiting was never part of the plan sweat trickles down your forehead Whose idea was it anyway? Deep breaths Deep breaths Waiting is and never will No winner shall be hailed in this game because in waiting you lost from the very beginning

-17-


TINTA - 2013

P

-18-

arang piyesta noon pagdating namin sa Maynila. Walang nakasabit na mga banderitas at tumutugtog na banda, subalit nagtipun-tipon ang mga tao sa gilid ng kalsada, na para bang sabik na sabik na naghihintay sa pagdaan ng isang parada o prusisiyon. Kakatwa, sapagkat kahit saan ako tumingin, ang dating masiglang lungsod ay larawan na ngayon ng pagkawasak at kamatayan – pinulbos ng digmaan ang mga dating gusali, tulay at kabahayan, at halos kada kanto ay mayroong mga bangkay ng kapwa mga sundalo at sibilyang inihahanda upang sabay-sabay na ilibing. Kasama ang aming tahanan sa mga naglaho. Walang naiwang kahit anong bakas, liban na lamang sa mga abo sa sahig at ilang mga gamit na hindi na makilala sa tindi ng pagkatupok. Kuwento ng mga nakasaksi, sinilaban daw ng mga Hapon ang lahat ng mga imprastraktura sa aming kalye habang tumatakas sila mula sa mga tumutugis na puwersang Amerikano. Hindi ko kayang isipin kung paano na lamang ang dinanas ng mga naipit sa labanan sa Maynila. Simula pa lamang kasi ng digmaan, tumakas na ang aming pamilya patungo sa Quezon at tumuloy sa bahay ng isang kamag-anak upang makaiwas kahit papaano sa peligro. At nang nabalitaan naming nagapi na ang mga puwersang Hapon makalipas ang ilang taon, agad

Andap ni Solar Plexus

kaming lumuwas at ang tila piyestang eksena nga ang bumungad sa amin. Maya-maya pa, biglang may sumigaw sa lumpon ng mga tao. “Andiyan na’ng mga Hapon!” Akala ko noo’y magpupulasan na kaagad ang mga natitipon, ngunit wala ni isang umaktong tatakas. Nanahimik ang lahat, na para bang mga debotong nag-aabang sa pagdating ng mga santo. Subalit gaya ng inaasahan, sa halip na mga malalaking rebultong mahusay ang pagkakalilok at magara ang bihis, mga sugatan at marungis na sundalong Hapon ang tumambad sa kanila. Dala marahil ng nagpupuyos na damdamin, may naghagis ng bato sa mga pinaparadang sundalo. Wala namang tinamaan, ngunit natigilan ang lahat ng tao sa paligid, at tanging ang alingawngaw ng pagtama ng bato sa matigas na kalsada ang maririnig. Nabasag ang panandaliang katahimikang ito nang sunud-sunod na mga bato ang lumipad tungo sa mga sundalo, na agad na itinaas ang kanilang mga braso upang protektahan ang kanilang mga sarili. Hindi mapigilan ang pagbuhos ng poot ng mga mamamayang kay tagal na tiniis ang pagmamalupit at pandarahas, katulad ng maitim at makapal na ulap na hindi na kinaya ang mabigat na dalahin. Ito ang katumbas ng halos apat na taon ng pagtitimpi.


Dumampot din ako ng bato, ngunit hindi ko magawang ipukol ito sa mga sundalong noon din ay nagpatuloy sa paglalakad sa ilalim ng tirik na araw ng katanghalian. Ano ba ang kabutihang maidudulot ng paghihiganti? Ano ang ipinag-iba nito sa kahayupang ginawa nila sa mga walang kalabanlaban? Iiling-iling akong lumakad papalayo. Nang sumunod na araw, nagtungo ako sa kampo ng mga Amerikano upang tumulong sa muling pagtatayo ng mga gusali sa lungsod kapalit ng rasyon ng pagkain. Hindi na kami bumalik pa sa Quezon, at sa halip ay nakituloy na lamang sa isang kakilalang pinalad na mailigtas ang tahanan mula sa kaguluhan. Habang paroo’t parito akong pasan ang isang sako ng mga bato sa aking balikat, natanaw ko ang isang paaralang sekundarya na ginawang pansamantalang klinika para sa mga sugatan. Kung hindi sana pumutok ang digmaan apat na taon na ang nakaraan, marahil ay nasa loob ako ng isa sa mga silid-aralan, nakaupo sa isa sa mga silya at taimtim na nakikinig sa leksyon ng guro. Nabasag ang aking gunita nang biglang tumigil ang isang sundalong Hapon ilang hakbang sa aking harapan. Pasan rin niya ang isang sako ng mga bato katulad ko sa kanyang balikat, na sinusuportahan ng kanan niyang kamay. Dahandahan niya itong ibinaba. Noong una akala ko’y magpapahinga lamang siya sandali, ngunit nang hindi siya tumayo mula sa kanyang pagkakaluhod, nilakihan ko ang aking mga hakbang at nilapitan siya. “Are you okay?”

Lumingon siya sa akin, at nakita kong hawak niya ang isang kapirasong tela na may nakaburdang salitang Hapon. Marahang-marahan ang pagpagpag ng kanyang mga daliri sa alikabok, na para bang isa itong pinakaiingatang diyamante. “Ok, ok, no problem,” sabi niya sa akin. Tinitigan ko siya nang ilan pang saglit bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Marami na rin akong nakitang sundalong Hapon sa apat na taon nilang pamamalagi dito sa Pilipinas, ngunit ito yata ang unang pagkakataon na nakatagpo ako ng ganito ka-bata. Sa tantya ko, nasa labing-anim hanggang labingwalong taon lamang siya. Sa kanyang mga mata, walang kahit anong bakas ng mga nasaksihan at naranasan nitong panganib at karahasan, na para bang hindi hinigop ng digmaan ang panahon ng kanyang kabataan. Kaunti lamang silang mga sumukong sundalong Hapon noon. Marami sa kanila ay nag-seppuku – ang pagkitil sa sariling buhay upang mamatay nang hindi nadurungisan ang dangal bilang mandirigma. Malaking palaisipan sa akin kung ano ang nagtulak sa mangilan-ngilang mga natira na sumuko na lamang, maging bilanggo ng digmaan, at magpaalipin ngayon sa kanilang mga kalaban. Kinabukasan,saorasngtanghalian, nakita kong muli ang sundalong Hapon sa pila ng rasyon ng pagkain. Pagkakuha niya sa supot ng kanin at ulam, yumukod siya nang bahagya sa nag-aabot nito, at pagkatapos ay

-19-


TINTA - 2013

-20-

“In life there are a lot of uncertainties, but there is comfort in the possibility of something in the tightrope of things. Hold on, never let go.� kuha ni Solar Plexus


umupo sa lilim isang puno. Pinagdikit niya ang kanyang mga palad na parang nagdarasal, sabay umusal ng isang salitang hindi ko maintindihan bago siya tuluyang kumain. Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa pila, at pinagmasdan ang iba pang mga sundalong Hapon. Walang imik nilang inabot ang supot ng kanin at ulam, at wala ni isa sa kanila ang yumukod sa nagbibigay ng rasyon. Tahimik silang umupo sa isang sulok at agad na kumain nang walang anumang pasubali. Pagkakuha ko ng pagkain, tumabi ako sa batang sundalong Hapon sa ilalim ng puno. Inangat niya ang kanyang mukha sa aking paglapit. Tumango ako bilang pagbati, na sinuklian niya ng pagtango rin at pagbibigay espasyo sa kakaunting lilim. Naglakas-loob akong kausapin siya matapos kong kumain. “Very hot, right?” Bigla siyang napatitig sa akin. Matapos ang ilang sandali, bahagya siyang napangiti. “Oh, hot. Right, very, very hot,” tatango-tango niyang sinabi sabay punas sa mga butil ng pawis sa kanyang noo. Napansin kong muli ang kapirasong tela, na ngayon ay nakasabit sa kanyang pantalon. “This...” panimula kong hindi nalalaman ang nais kong sabihin. “Beautiful.” Sinundan niya ang aking tingin, at agad na tinanggal ang tela sa pagkakatali. Tinitigan niya ito nang matagal, na para bang sinusukat ang mga susunod na sasabihin. “This charm my family give me

before I go to war. It say ‘wishing for safety,’” paliwanag niya sa baluktot na Ingles. “I make promise to go back alive in my home Hiroshima.” Nang mga sandaling iyon, para bang nakagat ko ang aking dila sa kawalan ng maiutal na salita. Tiningnan kong mabuti ang sundalo sa aking harapan – ang mga tagyawat sa kanyang mukha, ang payat niyang mga braso, ang andap ng pag-asa sa kanyang mga mata – at sa kaunaunahang pagkakataon, nakita ko siya bilang isang simpleng binatilyong katulad kong kinalburo ng digmaan. “I do not want to go to war. I am student, not soldier.” Malayo ang kanyang tingin. Mula sa aming kinauupuan, tanaw ang mga batang kalyeng nag-bibilad sa tindi ng init, nagtatawanan at naghahabulan, hindi alintana ang bakas ng amoy ng pulbura at usok at ang pagkawasak ng paligid. Simula noon, palagi na kaming sabay na kumakain nang tanghalian pagkatapos magtrabaho buong umaga. Nalaman ko ang kanyang pangalan: Fukawa Jun. Fukawa ang apelyido, Jun ang pangalan. Ganoon daw ang pagkakaayos ng pangalan ng mga Hapon. Nalaman ko na rin ang inuusal niyang salita bago kumain – itadakimasu, na nangangahulugan ng mapagpakumbabang pagtanggap sa biyayang pagkain. Tama rin ang tantya ko sa kanyang edad – siya ay labimpitong taong gulang, at nasa huling taon nang hayskul nang ipadala sa Pilipinas. Minsan, naibahagi niya sa akin ang kanyang mga pangarap.

-21-


TINTA - 2013

-22-

“When I go back to Japan, I study sarili ilang buwan na ang nakararaan, to be architect so I can build homes pagkabalik na pagkabalik namin like this,” sabi niya. “I help my family.” sa Maynila. Wala na ang mga gusali, tulay, kalsada, at kabahayan. isangparangngpagkawasak Sasagot na sana ako, ngunit na- Mistulang ang lungsod, at pakiramdam ko’y gulantang kami ng mabibigat na mga isa akong estranghero sa sarili kong yabag ng iba pang boluntaryo at ang bayan. malakas na hiyawan ng mga sundaMarahil, ganoon na rin ang long Amerikano, na tila may kung kanyang uuwian. anong ipinagbubunyi. Kinabukasan, natagpuan ang Agad akong tumayo at hinarang ang isa sa mga tumatakbo para walang buhay niyang katawan, naliligo sa tuyo nang dugo, nilalangaw. makibalita. Nasa tabi niya ang isang itak sa halip “Anong nangyayari?” na espada, at sa kanyang kamay, “Pinasabugan daw ng bomba ang telang tanda ng pagdarasal ng kanyang pamilya para sa kanyang atomika ang Hiroshima!” Bago pa man ako lumingon kay kaligtasan. Seppuku. Fukawa, tumakas na ang kulay sa aking mukha. Iyon ang naging bulung-bulungan. “What happened?” tanong Subalit pagtingin ko sa kanyang mga niya sa isang boses na nanginginig. mata bago takpan ang kanyang bangHinawakan niya ang aking mga kay, alam kong hindi siya namatay balikat at niyugyog sa paghingi ng para sa kanyang dangal. Dilat ang kasagutan. Nang sinalubong ko ang kanyang mga mata, ngunit tuluyan kanyang titig, nakita ko ang takot sa nang naglaho ang dating aandapkanyang mga matang dating puno ng andap na pag-asang mabuhay. pag-asa. Hindi man niya naintidihan, alam niyang masamang balita para sa kanya ang anumang dahilan ng pagbubunyi ng mga Amerikano. Humigpit ang kapit niya sa aking mga balikat. “Tell me!” Nanlaki ang kanyang mga mata, pagkatapos ay unti-unting tumungo ang kanyang ulo nang inilahad ko ang nakagigimbal na balita. Kagat niya ang nanginginig niyang mga labi. Nakita ko sa kanya ang aking


Paying for Love XNE

ni Isabelle

I wore Chanel, I put on Evita, I donned Louboutin, I shimmered and shined, I was splendid. And he loved me. I danced to the beats, Created by the DJ so fine, I smiled, I seduced, He thought it was sexy. And he loved me. I ordered Vodka, He got Jagermeister, We drunk hard, We made love. In a Mercedes we drove, In Shangri-La we dined, He got me diamonds from Tiffany’s, He got me crystals from Swarovski.

-23-

And he loved me. We hopped to Hong Kong, We played casino in Macau. I shelled out much I saved up more. And he loved me. I thought I was cool, I felt like I was the queen, But I ended up poor in soul, Paying for love, I thought we both deserve.


TINTA - 2013

W

ni Anne O. Nimous

alking towards the sliding door across the living room seemed to take forever. He couldn’t bear to go there just yet. His feet were barely lifting off the hardwood floor. But he had to do it now. He finally stepped outside and into the garden she loved so much. White flowers of the Bengal Trumpet Vine hung from the eaves of the shed that housed all her gardening tools. To its right, Bougainvillea scaled the stone wall and clusters of deep purple blossoms crowned the top. The glazed terra cotta birdbath was dry from the summer sun and was enclosed with branches from the rose bushes that were planted nearby. Standing at the stone path that went through the garden, he pulled at a memory, stretching it as far as it would go, until he could relive that day, until he could almost see himself running across the well-kept garden in the spring. The lingering smell of flowers in full bloom and the warm kiss of the sun on his beaming face were almost tangible. It was a cool April day, no particular -24event stood out, only his delighted laughter mingling with hers as he tried to catch grasshoppers with his bare hands. Shaking the image from his head, he 2-4looked at the overgrown garden. Pulling himself together, he grabbed the garden shears from the shed and got to work. Starting with the rose bushes, he trimmed the long stems, taking care not to nip any buds that would soon bloom. After around an hour of trimming, he took a step back and admired the bushes. The Trumpet vines and the Bougainvillea he left alone, deciding the flowers added charm to the empty garden. This was the garden she loved. This was the garden he grew up with. Next was the grass. The entire garden was covered with thick, overgrown grass, and he could see patches overrun with weeds. The mower in the shed was covered with a thin layer of dust, and he was sneezing by the time he got it out. It took several pulls and sputters but soon he got it running. It was serene being in the property by himself and every so often, small pebbles


would hit his bare calf. He’d wince at the impact, but all at once, the smell of freshly cut grass would waft through his nose and envelop him in its warm embrace. Walking around the garden following the mower, he took the time to think. About his life thus far, his relationship with her, constant but growing. About how compared to his friends, he had it good. Their relationship was never complicated; he never gave her any trouble, and she never got angry just because. When he was young, it seemed like he had only one parent. Sure his Dad would come around once in a while, carrying a brown envelope every time. He knew Dad would eventually leave after lunch and a hushed conversation with his Mom. The reality of being just the two of them made their bond strong. Everyday after coming home from school, he would leave his red bag by the front door and race to the garden. She would always be there, with a cup of coffee for her and a glass of cold milk for him. They spent every afternoon in the garden, save for the occasional rain showers that confined them inside. As he grew older, he spent more and more afternoons in school, and less with her in the garden. She understood, her smiling mouth promised she didn’t mind. But her sad eyes told the truth. When he went off to college, eventually to work, he regretted leaving her here all alone, assured by his promise of weekly visits. They both knew he had other responsibilities, but that did nothing for the nagging at the back of his mind. He regretted waiting until the very last moment to show her little boy was still in him, trapped inside the body of a middle-aged man. She was the best mom anyone could ever ask for. It would take time to heal, but as he continued mowing, pebbles pelting his calf, the sweet scent of grass lingering in the air,and the roses that were waiting to bloom, he thought of carrying on, this time in her absence, and the pain that went hand-in-hand with it.


TINTA - 2013

-26-

Man is biased. The law is unjust. Justice is a myth. And Life is not fair. Not everyone can have what they want, Yet not everyone get what they deserve. Only a few would do things without something in return. It always has to be an equal trade. Not all the lost are found, Yet not everyone loses hope. Only a few would agree with one another. It always needs some arguments. Not every smiling person bought his joy, Yet not all who can buy it can be happy. Only a few really cares. It always needs some provocation. Not every prisoner repents for his sins, Yet not all the sinners are imprisoned. Only a few understand the law. It always ends up misinterpreted. Not everyone can remember, Yet not all is forgotten. Only a few would remain. It always needs a strong foundation. Not all can live their life to the fullest, Yet not all with a full life is satisfied with it. Only a few actually know the meaning of life. It always becomes a problem. Man is flawed. Consequences are not weighed. Justice is not served. And the only fair one is Death. ni Delonix Regia


-27-

kuha ni Sining


TINTA - 2013

Walang -28-

Kung nagmamahal ka Paano mo malalamang nagmamahal ka nga? Gasgas na ba ang sinasabi nilang Hindi mo maaaring lagyan ng kahulugan ang pagibig? O takot lamang ang tao na malamang Maaaring hindi niya tunay na gagap Ang konsepto ng pagmamahal? Katuglong ba ng kasiyahan ang pagnanais, At ng pagnanais, ang kasiyahan? Kung napapasaya ka niya, Sapat na ba ito upang sabihing magugustuhan mo siya? At kung gusto mo siya, Kalakip ba nito ay purong kasiyahan ang sayo’y maihahatid niya? O sakit ba at pagsasakripisyo Ang tunay na sukatan ng pagibig? Kung gaano kasidhi ang pagkatali Ay ganoon rin ba kalalim ang sugat na naiuukit? Kung gaano kalalim ang hugot ng damdamin Ay ganoon rin ba kalaki ang sukat ng mga handing tiisin? Ano ang batayan mo ng pagpili ng sisintahin? Totoo bang hugot ng puso ang bawat pagpili O Maaaring dikta lamang ng mga tao’t batayan Na sayo ay nakapaligid? Ang bawat tagumpay ba sa relasyon ay tadhana O gumagawa ka lang ba ng mga kondisyon Upang sa’yo siya mapunta? Posible nga bang Taos ang damdamin ng taong nahulog sa’yo matapos mong sabihing siya ay gusto mo?


Malay ni Boy Jorge

Hindi kaya’t nais lamang niyang Siya ay ninanais mo? Tunay mo bang naiwawaksi Ang mga alaala’t paggiliw sa mga bagay na Naitakda mong limutin O naibabaon lamang ang mga ito Sa pinakailalim ng mga nais mong hindi na bigyang pansin? Darating ba ang araw na ang mga nilimot na sandali ay Muling nais mong lingapin? May katapusan ba Ang mga tanong na bumabagabag sa iyong kamalayan O hindi mo na inaalintana pa ang mga bagay-bagay Dahil lubos na ang pagtitiwala mo Sa konsepto ng pagibig at pangako? Ngunit kalakip ng pagwawalang bahala, Handa ka bang magtiwala ng buo at itaya ang lahat? Sa ngalan ng pagibig, Kaya mo bang manindigan? Kaya mo bang ang nararamdaman at iniirog mo ay ipaglaban? At pag dumating ang araw Na ika’y lilingon Sa mga bagay na iyong naranasan at napagtagumpayan Makukuntento ka na lang ba O magtatanong pang muli Kung ang lahat ng mga ito ay sayo’y may halaga?

-29-


TINTA - 2013

-30-


ulan kabataan Di tumitilang buhay Pang-habang walangnahanggan Kaligayahang kuha ni Sining

-31-


TINTA - 2013

I

-32-

sang malaking pasakit sa akin kapag nag-o-online ako gabigabi sa Facebook. Kung hindi lang dahil sa mga importanteng bagay kagaya ng acads at org work, baka bihira ko na lang buksan ang account ko. Ang bigat kasi sa pakiramdam na makita ang pangalan mo sa chat list ko... dahil alam ko namang hindi kita makakausap. Nakatitig lamang ako sa maliit na berdeng tuldok sa tabi ng pangalan mo. Naghihintay ako, nakikiramdam, umaasang baka sakaling kausapin mo na akong muli. Oo, alam ko. Nangangarap na naman ako. Minsan, maglalakas-loob akong mag-type... ngunit masakit sa loob na buburahin. Minsan, hahamunin ko ang sarili ko na pindutin na ang “Enter” para tapos na ang usapan at wala nang paliguy-ligoy pa, pero maduduwag rin ako sa huling segundo. Oo, tama. Duwag ang akmang salita. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin sa iyo. Kukumustahin ba kita? Susumbatan? Iiwanan ng napaka habang mensahe at saka habambuhay na mag-o-offline? Minsan ay gagawa ako ng dahilan para makausap ka, pero matatakot lang din ako

ni Maura

sa mga reply mong hindi pa yata hahaba sa tatlong salita. Wag na lang. Ang Facebook daw ay nilikha para kahit magkakalayo ang magkakapamilya, magkakamag-anak, at magkakaibigan ay magawa pa ring maging malapit sa isa’t isa. Ngunit bakit pagdating sa atin, ito pa ang nagmistulang pader sa pagitan nating dalawa? Kung kaya ko lang mag-over-da-bakod, ginawa ko na. Hindi ko na rin matandaan kung kailan tayo tumigil mag-usap. Basta nagising na lang ako isang araw, umaarte ka nang parang hindi tayo kailanman nagkakilala. Siguro napagdesisyunan mong hindi mo na ako kilala noong nakita mo ang mga litrato kong nakakalat sa Newsfeed ng Facebook kung saan ako’y nakapula, nakataas ang kaliwang kamao, at may hawak na placard na nananawagang ibaba ang tuition fee sa UP. Siguro nga lalo ka pang nabigla noong nakita mo ang Facebook status kong naglalaman ng mga salitang “makibaka”, “laban”, o di kaya’y “makabayan”, at lalo lamang napagtibay ang desisyon mo nang makita mong nag-share ako ng litrato na ginagawang katawa-tawa ang gobyerno.


Hindi na importante kung kailan ka humintong kausapin ako. Habang lumilipas ang panahon at patagal na nang patagal ang pasakit na ito, lalo lamang sumisidhi ang pagnanais kong ibagsak sa’yo ang kaisa-isang katanungang dapat ay matagal ko nang sinabi. Simple lang naman. “Bakit?” Bakit mo nagawang talikuran ang ipinangakong pagsasama nang matuto akong ipaglaban ang aking mga karapatan? Hindi ko naman maintindihan kung ano ang dapat mong ikagalit, o di kaya’y ikalayo. Para sa iyo rin naman ang laban na ito. Hindi naman ito para pansariling kapakanan lamang. Ginagawa ko ‘to para sa iyo, para sa akin, para sa ating dalawa... Para sa ating lahat. Siguro sa tingin mo ay nagbago ako. Sige, hindi ko na itatanggi, baka sakali ngang nagbago ako. Pero ano nga ba ang ikinakatakot natin sa pagbabago? Kung pilit lang tayong kakapit sa kasalukuyan at patuloy na iiwas sa pagyakap sa mga naka-ambang pagbabago, nasaan ang pag-unlad? Alam ko namang namangha ka. Natakot pa nga. Huwag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang namamangha; kahit man ako’y mangha sa aking kinalabasan. Pero sa pagkatuklas ng pagkatao kong ito, iisa lang ang maipapangako ko sa’yo. ‘Di ko kailanman kinalimutan

kung sino ako dati, kung anong meron tayo dati. Natatakot ka na baka wala na ang dating masayahing babae na inaasar mo paminsan-minsang “sweetheart” habang nagkukulay-pula ang magkabilang pisngi at hinahampas ka dahil sa pagkabolero mo. Natatakot kang baka wala na ang dating babaeng minamasdan mo habang hinahangin ang buhok kasabay ng palda at tuwang tuwa sa mga nagliliparang saranggola. Minahal mo lang ba ako dahil sa kung ano ang dating nakita mo, kaya sa pagkawasak ng mga imaheng ito ay nawasak din ang pag-ibig mo? Eto ako, patuloy na nilalabanan ang patuloy na lumalaki at lumalawak na pader sa pagitan natin, naghahanap ng paraan upang akyatin ito at maabot ka sa kabilang dako. Hinihintayin ko ang pagsapit ng araw kung saan mauunawaan mo ang lahat... At sa araw na ‘yon, sa aking imahinasyon, at marahil, sa ibang panahon, ikaw mismo ang kusang kakapit at durugtong sa aming hanay. Ngunit habang wala pa ang panahong iyon, on-line lang ako lagi.

-33-


A

B C

D

A. Pugon Baked ni Tanod B. Struggle Personified ni Solar Plexus C. Katarungan Para Sa Mga Sinisiil ni Boy Jorge D. Maskara ni Ace Cruz E. Saliw ng liwanag at dilim ni Sining F. Bathing in One’s Tears: A Self Portrait ni Boy Jorge


E

It is in vul nera bility that we are our truest selves

F


TINTA - 2013

Salang Paglimot at Pag-alala ni Ace Cruz

-36-

Pa’nong ang isipa’t imahinasyon ay pagaganahin Anong dapat gawin upang sa wakas ay makaalpas din Kung bawat araw ay binabalik sa akin ng simoy ng hangin Tanda ng sakit ng pagbawi Niya sa pagkakaibigan natin Titigil ba ang panahon at mananatiling ganito Sinong tutulong na makawala ako Estatwang kinukulong ang buo kong pagkatao Dumurugo ang puso sa pagpaparamdam mo Sa pagkagat ng dilim, paglamon sa liwanag Hangin ng nakaraa’y naglalakbay sa kinakaharap Sa parehong pagkakataon ko rin naramdaman Lamlam ng dapit-hapo’y bumalot muli sa’king katauhan Naturingan kang simbolo ng kasiyahan Pinuno ng ngiti’t pinawi ang taglay kong katamlayan Kung sa bawat pagbabalik-tanaw ay di ka lalampasan Paano kong masasambit na kailanman ay di ako nasaktan Naglaho kang kasabay ng liwanag ng buwan Agnas na katawan, abo hindi maabot ng isipan ang katotohanan Saan dinala ng panahon ang tulad mong lubos na pinahalagahan At bakit kailangang isang malapit na kaibigan ang bawiin ng kalangitan Nananabik akong isang araw magising ang diwa ko Sa likod ng mga bituin at buwan ay makitang muli ang mukha mo Nagpapaalam kang may ngiti sa mga labi Sabay sa paglaho mo’y mawawala na rin ang aking mga hikbi Hugot sa nakaraa’y tatalikdan at isusuko Aasang ang pait ay sa limot maibabaon ko Dahil sa huli’y iisa lang ang aking gusto Manahang natatangi ang tamis ng alaala mo


Bahaghari ni Boy Jorge

Malinaw pa sa aking alaala Ang unang pagkakataong ika’y nakita Maulan, kumukulog, humahagulgol ang Langit na kulay lila Nasa hanay kami noon At sa gilid, sa libumbong ng mga dugong bughaw Ikaw ay nakadikit Pinapanood kaming dumaraing Hindi lamang iyon isang pagkakataon Dahil nalaman kong muli ika’y umabang Tila berde sa panaghili Isang araw nang kami ay tumindig, lumaban, pinakinggan Ngunit mukhang kayo naman ay maginhawa Suot ang dilaw na damit panggayak Duwag makisalamuha sa payak Kuntento sa marangyang buhay na naihapag Kaya’t ikaw ay hindi na pinilit, hindi na pipilitin Batid kong ika’y nakagapos na Tulad ng mga naka-kahel sa likod ng rehas Mga bihag ng sistemang nabubulok na Nakakalungkot na parang hindi mo alam na sa bahaghari’y binulag ka at hindi mo na nga nakikilala ang kulay na pula

-37-


TINTA - 2013

Mga Alaalang Eksaherada

ni Boy Jorge

malalim. H inga. Hingang Puta. Ba’t andiyan ka?

Ayos na ayos ang pagliliwaliw ngayong Sabado nang biglang nadungisan ng nakakapagpabagabag mong anino. Bumagal ang mabilis at magulong daloy ng paligid. Ang tunog ng bawat maluwat na hakbang ay parang dumagundong na adagyo sa kasidhian. Napanpanan ng maninipis na hibla ng buhok ang aking mga mata ngunit nasilip ko pa rin ang iyong mukha. Gano’n pa rin pala. Makisig, masayahin, tila walang pinoproblema. Naisip ko, gano’n lang pala. Akala ko ayos na, pero parang hindi pa. Nanumbalik ang lahat-Sa isang sulyap lang. -38-

Naalala ko ‘yung araw na nawala ka na lang bigla sa buhay ko. Gusto kong masaktan, magmaktol, magmura, manisi. Pero oo nga pala, wala pala akong karapatan gawin ‘yon. Gano’n kadali ang lahat sa’yo. Di mo man lang naisip, paano naman ako? Tila kasi’y sa buhangin mo lang inukit ang ating pagkakaibigan at sa hangin iyong binulong ang ating pagtitinginan. Kaya parang isang kurap lang, ang lahat, naglaho na lang. Tinapik ako ng kaibigan ko. Nakita ka niya. Nakita niyang nakita kita. Tanong niya, ‘Ano ba yan? May hinanakit ka pa rin ba?’ Di naman kita minahal. Parang hindi naman. Kung nagdaramdam ako ngayon hindi dahil minahal kita. Paano ba nama’y hindi pa nga nahulog ang puso ko sa’yo, pinitas mo na’t dinurog nang pino. Sabi ng lahat sa’kin, ‘tama na yan, patawarin at kalimutan mo na siya.’ Pero bakit kita patatawarin? Humingi ka ba ng tawad? At kung nadadaan rin lang sa pasensya ang lahat, para saan pa ang mga korte’t kulungan? At kung man mahanap ko man sa puso kong magpaubaya, sapat ba ang magpatawad? Ngunit hindi rin daw tama ang maghiganti? Anong marapat na gawin ko? Dahan-dahan kang lumingon at nahuli ang aking tingin. Mata sa mata. Poot sa lamig.


Sakit sa saya. Hinga. Hinga ng malalim. Puta. Nagagalit pa rin ako. Hindi dahil gusto ko pa ring mabaliw sa’yo, kundi dahil binalewala mo ang lahat ng dati’y naialay ko sa’yo. Aalalahanin ko lahat ng mga pangako, lahat ng mga pinagdaanan nating dalawa. At gagamitin ko ang mga ito upang gatungan ang poot na para sa’yo ay nagbabaga. Iniwas mo ang nagsalubong nating mga tingin at hindi ko alam kung bakit. Bakit ikaw ang naiilang? Ikaw ba ang nasaktan, ang naiwanan? Ikaw ba ang hindi makatulog sa gabi dahil sa nalulunod ang utak mo sa kakaisip ng mga maaaring pwede pang nangyari? ‘Tara na, kanina ka pa nakatitig sa kanya.’ Nahuli ko ang sarili ko. Napabalikwas. Parang naging mitsa ang mga nabitawang salita sa pagtumbalik ng aking mga hinaraing. Napahakbang ako. Isang hakbang. Tinadhana atang ako’y iyong saktan. Marahil, dahil dito’y mahanap ko na ang talagang sa akin ay magbibigay ng kaligayahan. Siguro nga’y para ka na lang lumang barya. Kakaunti nalang, halos wala nang katulad, tinatagong pag-aari. Pero kahit gano’n, wala ka naman nang halaga. Dati siguro oo, meron. Pero ngayon, di ka na mapakikinabangan. Manatili ka nalang sa nakaraan. Di ka na dapat pinipilit ipambayad sa kasalukuyan. Paano ako maghihilom kung sa mapapait na alaala mo, ako pa rin ay nakakulong? Tama na siguro. Kailangan ko nang makawala sa rehas ng mga panghihinayang ko. Kung dati’y itinulak mo ako, nalunod sa dagat ng pighati, ngayon ay kusa akong lulusong sa karagatan ng baka sakali. At hindi na ito para sa’yo. Para na ‘to sa akin. Sinundan ko ng tingin ang iyong bawat paghakbang papalayo. Papalayo nang papalayo. Hanggang sa di ko na naaninag ang iyong anino. Hindi pala ikaw. Buti nalang.

Hinga. Hingang malalim. Isa pang hakbang. Diretso lang.

-39-


TINTA - 2013

ni B-Strings

-40-

Ngiti. Hagikgik. Tawa. Mga labing handang ngumiti sa tuwing nakikisalamuha sa iba na parang asong sinasalubong ang amo Kasama ang kumikinang na mga ngiping pang-endorso ng toothpaste Nakakatuwa, napakasaya kahit ang mga ngiting ito ay hindi umaabot sa mga matang may kwentong lihim Lingid sa nakikita ng iba, sa likod ng mga ngiti Matatanaw ang ikaw- Ikaw na nakagapos at bihag ng lubid ng masalimuot na nakaraan Mga pangyayaring dumakip sa tunay na pagkatao at itinago Inilabas ang ugali, pananaw at kilos na hinubog ng mundo Mga alaalang malungkot Mga salitang nakapanakit Mga taong manloloko Mga dahilan ng pagbabago “Talo ang totoo, panalo ang manloloko� Ang itinakdang batas sa lupang kinasasadlakan Itago ang damdamin, ilabas ang ngiti Lokohin ang iba at mas lokohin ang sarili Kaya’t sige, ngumiti pa at tawanan nalang ang lahat ng problema Magpatuloy suotin ang maskara ng pagpapanggap HA.HA. Martir na tanga Nagbubulagbulagan sa kabalastugan ng mundo


E XN


TINTA - 2013

E

-42-

ni Delonix regia

ven in your last moments, you. you made me realized how unfair you’ve been to me… Wherever I went, you would always accompany me. You had lesser time When were just kids, you have with friends your age because you’re always been like that, mean. That always at home, sometimes tutoring is why unlike you, I wasn’t able to me but playing with me most of the enjoy having a lot of friends. You time. You didn’t care if someone would continuously scare every kid asked you to play with them outside. that would befriend me. Once there I remember myself frequently asking was this kid from my kindergarten you if you don’t ever get tired of class. You were already in grade following me around. Your smile school at that time. Our school had was the only answer that I always a uniform lunch time so I always get. found you having lunch with me every day. The poor boy just asked I’ve always thought that you wanted me if I want to join them, but before to keep me for yourself. I was I could even open my mouth, you already in high school when you told him that I am eating and I could allowed me to leave the house on get hurt so you told him no. my own. I can remember it clearly, the taste of freedom. It was Saturday, There was a time in elementary you happen to have your own when you saw me crying and school work to attend to. Being a encircled by three boys.Without a college student must be real hard. word, you punched one of them. So there it was; my friends and I You ended up at the Guidance Office went at the mall to see a movie. It for this. But sadly, what actually was a new experience, being able happened was, I just happen to to wander around without someone hurt myself while walking and the tailing behind, asking me time after three poor kids was just helping me. time if I want to eat or if I’m tired. On my tenth birthday, I found the I hated those times. I can’t laugh cellphone that I’ve been wishing too loud together with my friends for months. The tag readthat it was because we were all so conscious from Mama and Papa but when I of ourselves with you around. That told them that I was thankful, their day, I did the things that I can’t do surprised faces made me suspect with you around; fooled around


with my friends, laughed my heart out inside the movie theater, spent all my money in the arcade. But that was just for a while, by seven thirty you were already calling me. And as expected, you picked me up at quarter to eight. More often than not, I despise you. I consider you selfish. But the thing that I hate the most about you is the fact that you love me so much. Too much that I can feel myself drowning from it. In my junior year, I started to become more independent from you. Maybe that was because you were already staying at the dormitory of your university in the city. For some reason that you kept me unaware of, you suddenly distanced yourself from me. You haven’t come home for the longest time so far. The face that I see first thing in the morning was nowhere to be found. The pat in my head every night had been absent for almost a month. True, I was drunk of mynew found freedom in the first week of your absence. I was finally able to enjoy my weekends at the mall with my friends, learn how to go home by myself, have an overnight with my friends and many more. But, the next weeks that followed was filled with worry. It was hard. Being clueless of what was exactly happening to you. Whenever I asked, people just told me tales about your absence. “Maybe he’s busy with his school

works” was the usual answer that I got back then. After two months I started to feel that you have finally let go of me. My wish finally came true. You already found something that would replace me. What could it be? Your studies? Your new masterpiece? Or a girlfriend? But then again, you never called me since you disappeared. I started to become suspicious. Mom and Dad would just say that I should not worry, but I cannot help it. I’m not used to being without you beside me. Six months, six months have already passed and I haven’t seen even your shadow. I was having all sorts of guess about your absence. Some of them were funny but many were disturbing to think about. There was a time where I hated everyone for telling me a single thing. I even had this confrontation with Mama where I asked her if you are still alive. She was shocked for a moment before calmly saying that you are. It was already December. I doubted that you can keep yourself away from us during Christmas. But who knows, maybe you’ve changed. I never expected you to be away from me that long. I was staring at the plate in front of me when a familiar pair of hands covered my eyes. I jumped from my chair and hugged you. You came back! I was so happy that I considered having you for Christmas was the best present I had that year. It took me a long time before I noticed how you’ve changed. You were reduced to half of your

-43-


TINTA - 2013

size the last time I saw you. You skin became paler, almost translucent. Under your eyes were black rings that emphasized how tired you body was. Then I noticed your hair. It’s gone. Not a single strand. That night suddenly became the worst of my life. Truth finally came in front of me but it gave me pain far worse than my ignorance of your current condition. I was appalled. Not a single tear dropped from my eyes. The sudden silence of the house was almost deafening. -44-

smiled. I approached you and held your hand. No matter how much you tried to hide it, I know just by holding your hand how weak you are. You signaled me to come closer. “Can you get me my favorite sketchbook at home?” you said, almost a whisper. Then you pulled me closer and kissed my forehead. I stepped back and saw you grinning. I forced myself to smile. I happily agreed to your request. I went home to get your sketchbook.

Then you suddenly talked, “see I But things that came after that left told you she was strong enough to me in a daze. know.” You’re cruel. After hiding your I would have agreed with you and disease from me for a long time, you nod my head. But when I saw your sent me away knowing that I won’t smile, tears flooded my eyes before I be able to see you again even if I knew that I was already crying. came back. Up until the end you have been unfair to me, Big brother. They told me that you were given You never gave me a chance to love at least a month. And it was actually you more than you have loved me. a blessing to be with you for another one. This time, I became the one taking care of you. I tried to keep my sadness for you to be happy. I did things that you would have done if I was the one in your position. You spent your free time drawing. You had that talent since you were born and that was one of the things that I brag about you. I just came in to your hospital room when I saw you staring out the window. You looked into my direction and


Ganito kami noon, paano kayo ngayon? kuha ni Sining

-45-


TINTA - 2013

-46-

We begin by saying: “There was a point in time...” For this isn’t a fairy tale. There was a point in time When we stood facing each other– Breathing the same air. Our eyes were not locked, Neither were our hands holding, but– Time stood still. There was a point in time When, amidst the multitude of voices, I heard yours calling my name. It left your lips like thin air, Like any other word, and yet– It was so foreign, so otherworldly. There was a point in time When we sat next to each other, Shoulders and thighs touching. You were undone: Muscles stiff, head bowed, but So was I. And there was a point in time When you held my hand, Grip firm and warm. Under the moon and stars, You looked into my eyes and smiled But it was the time of goodbye. All we ever had were memories Gleaming like shards of broken glass.

ni Solar Plexus


ni Relatibo

Isa nanamang bente kwatro oras ng hindi pagtatapat ang nagdaan. Malungkot. Sa isang banda’y nakapanglulumo; siyang mapagimbita ng balde-baldeng takot. Pagka’t maaaring wala nang bukang liwayway na sumilip kinabukasan, -- ang obrang kahel ng dakilang Silangan Ang simoy na sana’y bubulong sa ikinukubling damdamin kasabay ng marahang dampi sa balat ng maglalahong init ng mga silahis. Paalam bukas. Paalam Silangan. Paalam sa ‘di nakaaalam na ikaw...

Salita Minamahal ko ang mga salita. ni J. Snow

Ang mga pahayag na nakapaloob sa mga sulatin, mga bersong bumubuo sa mga awitin, mga linyang sinasambit sa iskrip: lahat sila’y nakatatak sa aking puso. Ang mga sumamo, panalangin, patawad, hiling: dinig silang lahat ng aking puso. Mahal ko ang mga pangngalan, panghalip at pang-abay. Gayundin ang mga balbal, mura at sermon: bawat isa’y may puwang sa aking puso. Sa salita’y maaari akong magpalipad, magpaulan, lumimot. Salita ang repleksyon ng aking paghanga, paghangad, paghinga. Sa salita ay maaari mo akong ibigin. Sa salita lamang.

-47-


TINTA - 2013

ANINO D

-48-

ni Sining

ito sa Sitio San Mateo, sa kadiliman ng gabi, isang bata ang maririnig na bumubulong na para bang may kausap sa kalilaman ng gabi, at humihikbi na para bang may mabigat na isinusumpong sa waring kausap. Isang gabi, bumaba ako mula sa aming barong-barong na tirahan at naglibot para malaman kung sino ang batang ito. Dikit-dikit ang mga bahay sa lugar namin, at magkakakilala halos ang kahit sino. Sa sobrang magkakalapit ng bahay sa isa’t isa, mabilis malilibot ang komunidad. Ilang minuto pa lang akong naglalakad, nakakita ako ng liwanag sa isang liblib na kanto malapit lang sa amin. Dali-dali akong lumapit, dumikit sa pader, at dahan-dahang sinilip ang liwanag. Isang bata ang nagsasalita, mag-isa, walang kausap, pero bumubulong at humihikbi kagaya ng parati kong naririnig. Nakakaawa ang hitsura niya at ang dungis-dungis. Pero nagduda akong lumapit, baka matakot pa siya sakin. Isang malaking kandila ang hawak niya. Sinilip ko pa lalo ang lugar at nakita ang isang aninong gawa ng kandila sa pader na katabi ng bata. Napansin kong gumagalaw ang bibig niya, pero ang mga mata, namumula sa pighati, pero nakatitig lang sa malaking aninong nasa pader na para bang kinakausap ito. Napagod na ako kaya’t inisip kong umuwi nalang matapos ang gabing iyon, at bumalik nalang kinabukasan. Buong gabi akong nag-iisip, pero hindi ko mamukaan kung sino ang batang ito sa komunidad. Sa kasunod na gabi, binalikan ko ang parehong lugar at nadatnan pa rin ang parehong eksena. Isang batang ang humihikbi at kinakausap ang isang aninong ginuhit ng liwanag galing sa unti-unting paubos na kandila. Gabi-gabi kong binalikan ang bata, na para bang di ako nagsasawa, pero hinding-hindi ako nagtangka na kausapin siya. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam papaano. Hanggang isang gabi, napansin kong paubos na ang kandila niya, pero patuloy pa rin ang bata sa pagkausap sa anino.


Kinaumagahan, napagtanto ko sa wakas na kausapin ang bata, baka napaka-bigat ng problema nito at walang pamilyang kumukupkop. Baka makatulong ako sa ano mang paraan, sabi ko sa sarili. Ang tanging baon ko lang pagsapit ng gabi, isang kandila, galing sa bahay namin, at lakas ng loob na kausapin siya. Ilang hakbang nalang, wala akong naririnig na mga hikbi. Malamig ang gabi, walang liwanag mula sa dulo ng eskinita na pinagtataguan niya. Dahan-dahan ko ulit sinilip, kagaya ng nakagawian, pero laking gulat ko nalang ng nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at hawak sa pasongpasong kamay ang kandila. Dali-dali akong umuwi para humingi ng tulong. Nang bumalik kami, nalaman namin na patay na ang bata. Tinanong ko ang mga taga-komunidad sunod na araw, walang nakakakilala, walang kamag-anak, ni walang kaibigan. Dito pa sa Sitio Mateo na halos lahat magkakakilala, parang imposible. Sabi ng ilan, namatay siguro sa gutom, sabi ng ilan, baka nabaliw sa kawalan ng kasama. Mangilan ngilan ang pabulong na nagsabing baka iniwan ng mga magulang ang bata. Ilan naman ang nagsabi na dayo lang ito. Walang nakakakilala sa kanya maging mga kapitbahay. Hindi ko maintindihan kung bakit. Litong lito ako sa kaiisip sa kung sino ba ang batang ito. Wala kaming pera panlibing, pero naidaos ng komunidad na pagtulung-tulungan ipalibing kahit papaano ang bata. Gabi na nang matapos ang paglibing ‘nung araw rin matapos ito mawalan ng buhay. Pinauna ko na ang lahat umuwi at nagpaiwan ako sa libing. Walang buwan nang gabing iyon, pero malamig ang simoy ng hangin. Pero dali-dali akong nagsindi ng kandila para sa batang ito na namatay. Hindi ko kilala, hindi ko maintindihan bakit. Natulungan ko sana, pero pinangunahan ako ng takot. May nagawa sana ‘ko, pero, nangibabaw ang pananahimik. Sa pagsilab ng apoy mula sa kandila, isang anino ang nilikha nito sa pader na siyang pinaglibingan ng bata. Hindi ko alam bakit ako naiiyak at nahihikbi, nalilito na para bang kinakausap ang sariling anino sa pader na nasa aking harapan. Dito sa Sitio San Mateo, sa kadiliman ng gabi, isang bata ang maririnig na bumubulong na para bang may kausap sa kalilaman ng gabi, at humihikbi na para bang may mabigat na isinusumpong sa waring kausap.

-49-


TINTA - 2013

ni Boy Jorge

tay here with me. I need you. S Her distant voice echoed in the air as my eyes greeted the afternoon

light. I noticed I dozed off again outside my rhythm but I guess I can’t discern my body clock anymore anyway. It’s ten past four. I should be finishing this article by five but I haven’t even started on it yet. Writing can be so demanding. Like a naggy wife, almost. But I shouldn’t really think like that because that’s sexist and I don’t want my feminist image to be tainted by occasional slips of thought. Nor should I think about my job that way either. It’s supposed to be my passion, my first love. But no, it isn’t. She is. -50-

“You’re sleeping again!” I woke up with a jolt with my editor’s voice ringing in my ears. Okay, okay, I can hear you alright? I’m just having a quick nap. She continues with her yapping as she walked away, doing incredulous hand movements for emphasis. She’s not angry, she’s just panicky. Release is in a week and I understand what the rush is all about. But I’ll just finish this at home. I started to collect my things and went out. I smelled dumplings the moment I got out of the building. It would be nice to have Chinese for dinner. She makes the best dumplings. I am a huge, and I say huge, fan of Chinese cuisine and it’s almost heavenly intervention that she does Chinese cooking well. No boiled instant pasta. Just legit flour noodles. I watch her create magic on the kitchen with my head resting on my palm, seated on the bar table across her. I love watching her cook because she looks graceful on the kitchen. She looks as if she’s dancing. Her occasional smiles and winks make my heart skip and places a smile on my face no matter how stressful the day has been. She would be anyone’s dream partner. I just finished my soggy noodles and a yawn erupted from my lips. I’ve noticed that recently, I’ve been needing more and more sleep. This is


fucked up because I don’t get to sleep at nights at all. Insomniac, they call me. That’s why during the day, I need to catch up on my eye shuts double time. The night haunts me. That’s why I can’t sleep. I don’t close the lights when I go to bed and my friends tell me that’s why Mr. Sandman refuses to visit and sprinkle some sleep powder on me. But that’s ridiculous. Because whenever I lay down on my bed, it’s all the sadness and anxiety that washes over me like a wave and transports to an uncomfortable space. This was our bed. “Let’s not go to sleep yet.” I look at her obstinate figure, not wanting to get rested after a tiring day. It’s hard to argue with her; she wants a lot of things. And when she doesn’t get them, war ensues. There are times when we fight over the most trivial things like this—like sleeping. Or brushing our teeth. But it’s okay because I can deal with her. I find her being easily irritated adorable. I accept her every flaw and hot-headedness. I understand her demands, her needs. And I know she feels the same way towards me. Both of us are imperfect and the funny thing about love is that you find perfection in each other’s imperfections. That’s why I let her tantrums pass. Because under those tantrums, there’s this woman who’s willing to do anything and give up everything for me and for our love. I try to reach for her but she runs away, putting our bed between us. I can see her trying to suppress a grin. I swiftly cross the bed and engulf her in my arms. I tell her we should rest. She pouts but she complies. I love her unconditionally. And I know I, too, am loved. My mom told me I should get a new place. That this flat holds too much pain and suffering. I scoffed at the thought of leaving. One, this is one of the most convenient places nearest my office; two, this is where we spent three precious years together. I glace at every nook and cranny, every corner and flat surface—we’ve done it everywhere. I can feel her essence emanating from every piece of furniture I touch. I can hear her laughter and tears with every movie I watch. Those three years were everything to me, to us. That’s why I hold on to every little thing I can. Because I know I wasn’t able to hold on to her. There’s too much to lose, yet, there’s nothing left anymore. The morning rose quickly overhead and we snuggle further under the

-51-


TINTA - 2013

-52-

-52-

kuha ni Boy Jorge

Take me to a far away place. Take me away from here.


comforter. It’s just barely seven and we don’t have to get up ‘til eight. I look at her side of the bed and I see her eyes fixated on me. I see a spark behind her stare and chills erupt in my arms. She smiles this seductress smile of hers. I am drawn completely. My lips found her soft ones and in an instant, we got entangled in a sea of blankets and passion. My senses start to get lost in the ensemble of violins and trumpets accompanying our echoing voices. It was an imperfectly orchestrated melody but it feels like a Beethoven waiting to erupt. The walls shook as the wind instruments increase their volume, drawing the air from my lungs. And as our fingers expertly caress the harp, adding to the majestic sound, Pachelbel reverberated in the room. Canon in D was our favorite and as it harmonizes with the rest, I can feel my inhibitions completely dissolving. With much ardour, the classic enters a climactic peak and the instruments all start to tremble, swept by the moment. The music gradually mellows with our increased breathing. I look at her and everything goes back. She wipes the corner of my lips with a sweep of her tongue and laughs. I smile. Contented. I am stuck again between my friends. They keep nagging me about going to the doctor to have my condition checked. It’s not a disease, I try to convince them. It’s just this condition that I am in. And I am not entirely unhappy about it. I actually am pretty contented. The world when I am asleep is like a whole new universe for me to be in, to be active in. It’s like I am living two lives and I am comfortable living both of those realities. But that’s my secret. I say goodbye to my friends since lunch time is about to end and I get back to my workspace. In no time, I feel myself crossing over from reality to unreality (or unreality to reality). And I don’t stop it. I see her in a wedding dress. It’s not our wedding. We can’t get married. So why is she in a wedding dress? I notice she’s holding a broken champagne glass in her hand. Don’t move, baby, you might get cut. She shakes her head as tears stream her face. I’ve wronged her. And now this is my payback. Slowly, I take steps towards her but she steps back. Her back is on the window. We are at the 9th floor of the building, our condominium space. The window is opened and it’s large enough for one person to fit in. Or fall in. Please, stay here with me. I need you. She shakes her head in horror as blood started to drip down her arms. She continues to sob uncontrollably. I ask for forgiveness over and over

-53-


TINTA - 2013

again but it seems to have no effect. She grips tighter at the broken glass on her right hand. I feel tears pouring down my own eyes as I plead for her to stop. I want to approach her but my legs won’t let me. I am frozen —frozen in trepidation. I try again to will myself to take a step towards her but at the back of my head, someone starts to call me. Someone is calling me back. I try to drown it with my voice, calling her name, but the voice inside my head gets louder and louder until it overpowers me. I close my eyes tight and shake my head to try and shake off the voice. But when I open my eyes, she’s gone. Not the voice. And the window’s open.

-54-

I woke up in tears and sweat to my editor who looks stricken. “You’ve got to go to the doctor. This is thrice this month that you woke up like that and every day, you continue to doze off wherever you are. We are concerned for you. Terribly, concerned.” I shook my head at her. I can’t stop. I won’t stop these nightmares, these dreams, these fantasies. You won’t understand. I shouldn’t have left her. I shouldn’t have doubted what our love can do, can create. I shouldn’t have slept with a man. I should have stayed. But I didn’t. Now she’s gone. But our memories are still alive. The feelings are still raw and fresh, cutting me and letting my passion stream out and overflow. And whenever I stop and try to remember her, guilt claws at my chest, blinds my eyes and numbs my hands. Shards of memories float in the air like weightless feathers and as I reach for them, I’m not really sure if my hand is really holding onto something or it’s just me trying to hold on to her. I could not remember, yet, I do not want to forget. I do not want to reminisce anymore but I don’t want to leave her. Again. I can’t let the memories fade away because I’ve already let their very embodiment fall into an abyss I could no longer reach no matter how hard I will try. If this is the only way I could be with her again, so be it. I am a fool. But C’est l’amour


Memories of the Forgotten ni Solar Plexus

She doesn’t bother to count the years that passed anymore.

Travelling aimlessly, she searches for his face in the crowd, her lips ready to utter his name to ask for his whereabouts. Elias. She says it unconsciously, sometimes, for she sees him everywhere – in the boats he used to pilot, in the still waters, in the darkness of the night. She thinks of him when she hears footsteps walking away, leaves rustling in the cool breeze, crickets singing their lullaby. She remembers that night vividly – that night they embraced for the first time, and then said goodbye. Theirs is a love not meant to be shared by two; it is a love that is made as sacrifice for the freedom of their beloved Motherland. Elias must have been aware of it from the start, and has closed his heart precisely for that reason. She wants to hate the war, not for taking him away from her, but for taking away his humanity. He is a nameless hero, who has lost his capacity to love and chance to happiness. He has thrown away everything and devoted his every breath for his besieged countrymen. But in the end, he remains human – he is selfless and he is selfish, for he fights for freedom but protects her from its dangers at the same time. He cannot make the choice so he chooses both – he gives his Motherland freedom and he gives her future, at the expense of his own happiness. She wants to share his pain, at the very least, and so she spends the rest of her years looking for him. But somewhere along the way, she has known. He is gone. He is gone, but as long as she remembers, he lives. And so, she remembers.


TINTA - 2013

L

Lima ni J. Snow

ima. Limang oras na ang nagdaan mula sa itinakda nating pagkikita. Limang oras na akong late. Mukhang nakakahalata na kasi sa bahay, buti magaling akong magpalusot. Sa pamilyar na parke ay hinagilap ko agad ang iyong mukha – mukha mong natagpuan kong nakalugmok at walang imik habang ika’y nakaupo sa isang bench sa madilim na sulok. Bulong ng hangin, gabing walang mga bituin ginambala ng biglang palakpakan ng kulog.

-56-

“Bakit ngayon ka lang?” isinalubong mo’y tanong na mga mata mo ang nangahas na maglahad. Sa dilim ay mababanaag pa rin ang iyong mukhang puno ng pag-aalala. Gayong ikaw itong naghintay. Gayong ikaw itong nagisip na marahil ay nalimot ko na. Lamyos ang hamog, sipsip ang pinong damo, nitong ambong humahalik, sa bawat sulok ng gabi. Hindi na nabitiwan ang paliwanag, naramdaman ko na lamang ang malalapad na balikat na dumapo sa giniginaw kong katawan. Sapat ang init nitong dala. Naisip ko tuloy kung pwedeng ikaw na lang ang jacket ko sa pag-uwi ko mamaya. Tubig, dadampi dudulas sa’king balat nangingiliti. Lima. Limang minuto tayong nagyakap. Limang minutong patay-malisya sa mga patak ng ulan. Limang minutong hiniling kong wala nang katapusan. Sulit ang gastos ko sa pamasahe, sulit ang pagbibigay ko ng pekeng paliwanag kay Itay, kung ikaw ang kasama, sulit ang lahat ng bagay. Mapusok ang bawat tikatik, malikot, mapang-udyok tumatalilis nang paunti-unti, dahan-dahan Lumiliksi, lumalakas tungong bagyo, sigwa Mabangis at mapang-angkin, masidhing kumpas


sa isang ritmong paulit-ullit, bumubulusok Palalim nang palalim, pabilis nang pabilis hanggang tuluyang kumawala, sumabog sa isang dumadagundong na kulog. At biglang-bigla’y kinailangan ko nang umuwi. Huling byahe na ng bus. Parehong bilis nagsimula’t nagtapos patak ng ulan.

-57-

XNE


-58-

BJ


Sa likod ng mga letra’t salita... Ace Cruz Underestimated

potential. Can be stupid as one can get, but can never be defeated. Sugar daddy ni Boy Jorge.

Anastasya Nawawalang

the motto,”If I don’t Elle to do it, I won’t. The rose amongst the have If I have to do it, I’ll thorns. make it quick.” Isabelle Relatibo Isabelle is an ailurophobic, an activist, and an (frustrated) artist. Her mantra in life is to serve the people.

Rakista. Makabayan. Sining (Resident Photographer) Ang baby brother ng lahat.

prinsesa ng nawawalang kaharian. May pangarap na J. Snow Plexus baguhin ang mundo. Bastard of the North. Solar Someone who searches for profunAnne O. Nimous King Edmund II dity in the stupidest Too pretty to think of The just King of of things. a description. Narnia, Duke of Lantern Waste. Tanod B-Strings (Overall Chief) Bipolar. No Strings Maura sa gilidAttached. Prinsipyo’y taliwas sa Nagmamasid gilid. pangalang minana. Biatch XNE (Graphic Artist) Curious as only a kid Mocha Cake with an aversion to Heartbreaker; heart- Frustration personified. vegetables. broken.

Baby Girl May gatas pa sa labi. Boy Jorge (Layout Artist)

Ore Ore is the other half

of the lovely Watashi (the protagonist from “Humanity Liver-killer lover boy. Has Declined,” not the one from “The (Sex: Female) Tatami Galaxy”). He sheds his dignity Delonix regia A conspicuous tree by performing the Enoshima Dance with large, red and unleashes his flowers. awesomeness with his knife skills that he Ekang Advocates love that mostly uses for nail filing. He believes in knows no gender.

-59-


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.