Ang Tanglaw (Tomo II Bilang 1)

Page 1

ATHLETICS

SARBEY GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

NI KYLA CUNANAN, 7-ANDREW

LV Pioneer Batch ng K-12, 'tuloy hanggang kolehiyo'

ang tanglaw Ang Opisyal na Publikasyon ng La Verdad Christian School Apalit / Pampanga

TOMO 2 / BILANG 1 / DISYEMBRE 2017

NI RYAN REAL CANEZO, 12-ABM-A

EDUKASYONG PANLAHAT. Inklusibo at libreng edukasyon ang ipinagkakaloob ng institusyon ng La Verdad Christian School sa mga kwalipikadong estudyante na hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral dahil sa kahirapan. KUHA NI JOEL REGINO, LVCS

10-11 / LATHALAIN

Paano alagaan ang G-tech?

LUMALABAS SA SARBEY NA isinagawa ng publikasyon ng ‘Ang Tanglaw’ na walo sa bawat 12 estudyante o katumbas ng 67% mula sa ika-12 baitang ng La Verdad Christian School (LVCS) ang nais na magpatuloy sa pagaaral sa kolehiyo kumpara ang dumiretso na sa pagtatrabaho pagkatapos ng Senior High School(SHS). Ayon kay Kaycelyn Baltazar, mag-aaral ng Grade 12 ABM A, mas gugustuhin niyang magpatuloy pa sa kolehiyo dahil mas malaki at

4 / SARBEY

15 / AGHAM AT TEKNOLOHIYA

'Partnership with industries', Problema sa Work Immersion - Registrar

Enerhiya sa Pagtulog 18 / DELOS SANTOS NI RICHARD MERCADO, 11-HUMSS-A NI RAYMOND JOSEPH MANDAP, 12-STEM-A

PANG-INTERNASYONAL NA. Sa unang pagkakataon, ang La Verdad Christian School ay nagwagi sa internasyonal na kompetisyon na kung saan kinatawan pa nila ang buong Pilipinas. KUHA MULA KAY AUBREY MACAPAGAL

La Verdarians, wagi sa internasyonal short film

NI KYLA CUNANAN, 7-ANDREW AT JOEZEL JOHN LUMBA, 11-ABM-A SELYADO NA ANG TIKET NG walong La Verdad Christian School paddlers sa Central Luzon Region Athletic Association Meet (CLRAA) makaraan nilang pagharian ang kaniyakaniyang dibisyon sa katatapos na Pampanga Schools Division Athletic Meet. Pinaluhod ng six-time CLRAA qualifier tandem na sina Abiel Bulanadi at Frankel Sorno ang duo mula sa ASPEZ sa bisa ng

11-6, 11-7, 11-5, panalo sa gold medal match ng table tennis secondary Men’s Doubles division. Nagposte ng 20 attack points ang LVCS at kumapital sa 12 error points na ipinamigay ng ASPEZ upang masungkit ang panalo. “Kailangan na kailangan namin ang panalong ito dahil reresbak kami sa Regionals,” pahayag ni Bulanadi na nasa ika-huling termino na

ng paglalaro. “Hindi naging madali yung dinaanan namin para makabalik muli sa Regionals pero alam namin na deserve namin ito,” dagdag niya. Pinalakas ng naturang panalo ang tsansa ng Bulanadi-Sorno tandem na sa unang pagkakataon ay makatungtong na sa Palarong Pambansa matapos ang silver medal

18 / LVCS SA CLRAA

PINATUNAYAN NG TATLONG MAG-AARAL ng La Verdad Christian College (LVCC) na kaya nilang makipag-tagisan ng galing sa iba-ibang bansa sa Asya matapos nilang maiuwi ang Grand Prize sa Prix Southeast Asia Jeunesse Children Video Festival na ginanap sa Indonesia noong ika-30 ng Nobyembre. Sa temang “Pride in self, family and traditions” pinabilib nina Aubrey Macapagal, Joane Rosary De Paz at Kenneth Capalar ng Bachelor of Arts in Broadcasting ang mga hurado sa kanilang entry film na “Lansangan” kung saan tinatalakay nito ang kwento ng isang batang pulubi na sa kabila ng kahirapan ay nagagawa pa ring tumulong sa iba. Bukod sa pagsungkit sa grand prize sa baguhang kategorya naiuwi rin nila ang heart award sa propesyonal na kategorya sa parehong patimpalak. Sa kabilang banda, iniuwi rin ni Carlo Canlas Sa huli, hindi lamang ang LVCC ang binigyan ng parangal ng mga mag-aaral bagaman ang buong Pilipinas kung saan pinataob nila ang siyam pang ibang bansa sa Asya sa naturang kompetisyon.

Ayon sa estadistika ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at National Statistical Coordination Board (NSCB) sa Pilipinas, isa sa bawat anim na mga kabataang Pilipino ang hindi nakapag-aaral sanhi ng kahirapan. Samantala, pito sa bawat 10 mag-aaral ang nakapagtatapos ng elementarya, apat sa sekundarya at mula rito ay isa lamang ang nakatutuntong sa mga unibersidad o kolehiyo. Dahil sa nasabing datos, naging adhikain nina Bro. Eliseo F. Soriano at tinaguriang ‘Mr. Public Service’ na si Dr. Daniel Razon ang pagpapatayo ng isang eskwelahan kung saan libre ang magiging pag-aaral ng mga etsudyanteng magkakwalipika rito. Sa kanilang banner na “Study Now, Pay Never”,

kabila na karamihan sa mga guro ay miyembro ng Members Church of God International (MCGI), maraming estudyante ang gusto pa rin ang LV dahil sa maayos at dekalidad na edukasyon,” pahayag ni Beverly Pangan, 11 Humanities and Social Sciences (HUMSS-A). Hindi lamang sa akademikong larangan tinuturuan at hinahasa ang bawat La Verdarian, maging sa ispiritwal na aspeto kaya’t maliban sa matalino at may disiplina ay malaki rin ang kanilang takot sa Dios. Bukod sa pagkakaiba sa mga relihiyon, hindi rin lahat ng mag-aaral ng naturang paaralan ay nagmula sa Pampanga, kung saan matatagpuan ang eskwelahan. Isang pribilehiyong maituturing ng maraming mag-aaral sa iba-ibang panig ng Pilipinas gayon din sa ibang mundo ang mabigyan sila ng pagkakataon na makapag-aral sa institusyong ito. “Sobrang sarap sa pakiramdam na kahit na nanggaling pa ako sa Koronadal ay natanggap pa rin ako sa La Verdad. Kahit na bago ang mga tao sa paligid ko pati na rin yung kultura, ramdam ko pa rin na tanggap ako rito nang buongbuo,”Ani Justine Angelle Faye Sim ng 12 ABM A. Sa katunayan, may sangay na rin ang naturang paaralan sa ibang bansa tulad ng Liberia at Ghana, kung saan ay nagkakaloob din ito ng mga kaparehas na benepisyo.

GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

BILANG PAGHAHANDA sa pagtatrabaho, kabilang sa kurikulum ng Senior High School (SHS) ang pagsailalim sa tinatawag na Work Immersion kung saan kailangan nilang bunuin ang 80 oras na pag-aaral sa kani-kanilang larangan sa labas ng paaralan. Ayon kay Albert Soriano, focal faculty ng SHS ng La Verdad Christian School (LVCS), isa sa pinakamalaking kinahaharap na problema ngayon ng mga mag-aaral ng Grade 12 ay ang paghahanap ng mga papasukang industriya para sa kanilang work immersion. “Dapat talaga you look for industry first, ito kasi yung pinakamahirap sa Senior High. Kaya nga yung ibang school

3 / WORK IMMERSION

Drug Test pinaboran ng La Verdarians NI JAIME RELAO JR., 12-ABM-B

2 / DRUG TEST

DEBUHO NI JERVEY CHARLES DUNGO

NI JERVEY CHARLES DUNGO, 12-STEM-B

Umaabot sa 2, 352 na iskolars ang kasalukuyang nakatatanggap nang libre at dekalidad na edukasyon sa paaralan ng La Verdad Christian School (LVCS) sa Apalit, Pampanga.

NI KATE PAULYNE TAYCO, 12-HUMSS-A iniaalok ng naturang paaralan ang dekalidad na edukasyon kung saan walang binabayarang matrikula ang mga estudyante gayon na rin ang libreng uniporme, libro at maging tanghalian. “Walang mabuting gawa na nagbubunga ng masama,” ito ang naging pahayag ni Albert Soriano, College Registrar ng paaralan sa isang panayam ukol sa adbokasiyang ito. Ayon pa kay Soriano, naitayo ang paaralan noong 1998, samantalang nagbukas naman ito ng iba-ibang uri ng scholarship noong 2009 kung saan nakapaloob dito ang Full, partial, Sports at Academic scholarships na siyang unang naging alok sa mga “poor but deserving” na mga estudyante bilang suporta na rin sa kanila. Dumadaan sa tatlong hakbang ang pagtanggap at pagkategorya ng scholarship ng mga aplikante: Una, ang pagsasala sa mga dokumento tulad ng application form at report card; ikalawa, pagsailalim sa mga akademikong pagsusulit at panghuli, pagharap sa panayam upang mabatid ang dahilan, sinseridad at layunin ng estudyante gayundin ang mga magulang nito. Kaalinsabay ng adhikaing ito ang inklusibong dekalidad na edukasyong handog para sa lahat ng mga La Verdarian kahit na magkakaiba ang kanilang paniniwala o relihiyon. “Magkakaiba man kami ng relihiyon,nakatatanggap pa rin kami ng pantay na pagtrato. Sa


2 BALITA

DRUG TEST / PAHINA 1

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw


18 ISPORTS

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

Ex-Palaro Jin, nagtamo ng right arm injury NI RAYMOND MANDAP, 12-STEM-A

SOLIDONG SIPA ANG PUHUNAN. Bunga ng matinding pagsasanay, lakas-loob at determinadong ipinagmamalaki ang matamis na medalya na nahakot ng mga La Verdarian sa kategoryang taekwondo sa ginanap na PASDAM. KUHA NI ROY GASPAR

TAEKWONDO

Taekwondo jins nag-uwi ng 6 na ginto sa Provincial Meet NI CHRISTIAN COLILI. 12-HUMSS-A

SUMIPA PATUNGONG tagumpay ang anim na La Verdad Christian School jins upang mahablot ang kaniya-kaniyang ginto sa kakatapos na Pampanga Schools Division Athletic Meet (PASDAM). Bumida para sa team ang magkapatid na Noreen Lescano at Nadine Lescano makaraang masungkit ang ginto sa secondary Women’s fly weight at feather weight division. Pinasuko ni 2014 Regional meet silver medalist Noreen ang kaniyang katungali mula sa Congressional District II sa loob lamang ng isang round nang maisalpak ang isang back leg kick na gumiba sa katawan ng kalaban.

“Nag-stick ako sa kung ano yung itinuro ni Coach sa akin at ginawa ko lahat para ma-execute ko ito ng maayos,” pahayag ng manlalaro mula sa Grade 8. Humataw rin ang 2016 PASDAM silver medalist na si Nadine makaraang iselyo ang tiket patungong Central Luzon Region Athletic Association Meet sa kaunaunahang pagkakataon. “Ito ang unang pagkakataon na makakapag advance ako sa regionals so I will try my best na at least magkaroon man lang ng medal,” pahayag ng manlalaro mula sa Grade 9. Sa kabilang banda, gumawa din ng eksena si John Marka Dela Cruz matapos hablutin ang ginto sa Poomsae Category B sa unang pagsabak niya sa laro. Nanorpresa ang manlalaro mula sa Grade 11

bagaman bago sa kaniya ang laro ay tila beterano na ang mga ipinamalas na galaw sa kontensiyon. Nakapaglista rin sina Reniel Dimasacat, Andrea Jasmine Mendoza, at Cyrene Juanillo ng kaniyakaniyang panalo sa kanilang mga gold medal match para bigyang karalangan naman ang dibisyon ng elementarya. Nasikwat ni Dimasacat ang ginto sa Men’s elementary over 160 cm division habang nanaig naman si Juanillo sa women’s category. Ibinulsa naman ni Mendoza ang ginto sa Poomsae Category B. Ang mga nasabing panalo ang nagbigay daan para kay Coach Elimar Yutan upang muling tanghalin bilang winningest coach sa loob ng ikatlong sunod na taon.

NAPUWERSA ANG DATING Palarong Pambansa qualifier sa Taekwondo ng La Verdad Christian School na si Aljon Ken Fernandez na bitawan ang sparring at pumihit sa Poomsae sa kaniyang kontensiyon ngayong taon dahil sa nafracture niyang kanang kamay. Binitawan ni Fernandez ang kaniyang titulo sa Men’s over 150 cm category sa Central Luzon Region Athletic Association (CLRAA) at naglaro nalamang sa Poomsae catefory. Bagaman nagkaroon pa rin ng pagkakataong makapaglaro, naglaho na ang tsansa ni Fernandez na makabalik muli sa Palaro dahil pTilak lamang ang kaniyang nasungkit sa kakatapos na Pampanga Private Schools Association. “Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, marami pa akong pagkakataon. Hindi naman ako natalo, at naniniwala ako doon. Hindi ako natalo, kundi bagkus natuto,” pahayag ng manlalaro mula sa ika-pitong baitang. Sa batang karera ni Fernandez, maaga niyang

FERNANDEZ napatunayan ang kalidad ng kaniyang laro. Dalawang beses na nasungkit ni Fernandez ang pilak sa Pampanga Private Schools Athletic Association (PAMPRISAA) noong mga taong 2014 at 2015. At matapos ang dalawang

Alam niyo ba... NI KYLA CUNANAN, 7-ANDREW

BRIONES

SASONDONCILLO KUHA NI JENZON LELINA

Men’s Singles: Briones humataw; Sasondoncillo 'di nagpahuli

KUHA NI JENZON LELINA

NI CHRISTIAN COLILI, 12-HUMSS-A

LVCS SA CLRAA / PAHINA 20 finish sa Regional meet ng nakaraang taon. Sa kabilang banda, tagumpay rin ang tandem nina former CLRAA Qualifiers Maytrix Tinio at Chloe Miclat na maiuwi ang ginto sa secondary Women’s Doubles division makaraang ipaskil ang 11-5, 11-8, 11-7, panalo kontra sa Congressional District IV. Nagpaskil ng 27 attack points ang LVCS at ginamit na bentahe ang anim na error points na naitala ng CD IV upang makopo ang panalo. “Hopefully babawi din kami dahil hindi kami nakakuha ng medal last year sa Regionals,” pahayag ni Tinio na inilalaro na rin ang huling termino. Tumikada din ng kaniya-kaniyang panalo sina Pauline Munoz at Pamela Soriano upang maangkin ang secondary Women’s Singles A and B division. Hindi rin nagpahuli sina Nicole Calaguas at Raven Manto na binigyang karangalan naman ang elementarya makaraang dominahin ang elementary Women’s Singles A and B division.

DELOS SANTOS / PAHINA 20 ginto, nakasungkit din ng isang pilak ang six-time PASDAM qualifier sa 4x400 m relay. “Deserve lahat ni ‘Tam’ lahat ng blessings na ito. Kung makikita mo siya sa training, sobrang pursigido talaga yung bata. At ngayong isang step nalang siya at makakabalik na muli sa Palaro, I am hoping na makaksungkit na siya ng medal this time if ever man na makapasok siya,” pahayag ni Coach Kesiah Cruz. Maliban sa impresibong inilaro ni Samuel ngayong taon, hindi rin matatawaran ang tatlong medalyang nahakot ni Tam (tanso sa 800 mrun at 400 m run; pilak sa 4x400 m relay) sa CLRAA noong nakaraang taon.

batang atleta. Nagawang lusutan ni Fernandez ang kaniyang karibal na mula sa Hill Crest Institute upang aniin ang karapatan na irepresenta ang mga pampribadong paaralan sa Pampanga sa Pampanga Schools Division Athletic Meet (PASDAM). At hindi niya hiniya ang PAMPRISAA, nagawang makalusot ni Fernandez sa CLRAA makaraang tumapos sa torneo ng walang dungis ang karta, 4-0. Hindi natapos doon ang pagpapasiklab ng Red Belter na si Fernandez, muling umuwing walang talo sa Regional meet ang LV Jin, 4-0, na nagbigay sa kaniya ng karapatan na irepesenta ang buong Gitnang Luzon sa Palarong Pambansa. Sa pagtungtong ni Fernandez sa bagong yugto ng kaniyang karera, hindi naging madali ang kaniyang naging daan ngunit hindi naalintana sa kaniya ang pagsuko kaya’t nararapat na abangan ang muling pag-usbong ng kaniyang makasaysayang karera.

ISPORTSTRIVIA

2017 SOUTH ZONE POSTURANG PANALO. Tamang kombinasyon, mabilis na reaksyon at solidong kooperasyon, mga postura na ipinamalas nila Abiel Bulanadi, Frankel Sorno at ang iba pang kasama nila upang sumulong sa mataas na lebel.

silver finish, ang taong 2016

KUHA NI ARLEEN CARMONA ang naging break-out year ng

TUMIKADA NG KANIYAkaniyang panalo sina Sean Daniel Briones at Paul Sasondoncillo ng La Verdad Christian School sa pag-larga ng kanilang mga karera sa Men’s Table Tennis Tournament ng 2017 South Zone Athletic Meet. Naipagpag ni Briones ang iniindang lagnat upang maipwersa niya ang 11-7, 11-4, 11-0, demolisyon kay Hedmar Sunga ng St. James School habangg dinomina naman ni Sasondoncillo si Carl Viray ng Pampanga Colleges makaraang ilista ang 11-0, 11-4, 11-5, dominasyon kahapon sa LVCS Hall. Sinandalan ni Briones ang kaniyang matikas na opensa upang malikom ang 18 attack points at mababangis na service aces para mahugot ang limang puntos masikwat ang panalo sa Singles B bracket ng torneo. “Makakatulong itong panalo na ito upang makadagdag sa aking kumpiyansa. Pero kailangan ko bawasan yoong mga errors ko. Sana makuha ko ulit yoong gold,” pahayag

ng CLRAA Qualifier na mula sa Grade 10 Luke. Matapos mamigay ng pitong puntos mula sa unforced erros sa unang set, rumesbak si Briones sa deciding third set ng kaniyang iwanan sa love si Sunga at tuluyang hablutin ang panalo, 11-0. Sa kabilang banda, dinurog ni Sasondoncillo si Viray sa pamamagitan ng 20 attack points at mga umaatikabong 10 service aces sapat para muli siyang makapag-pasiklab sa kaniyang pagbabalik sa paglalaro matapos ang apat na taon. “Salamat sa Dios nanalo ako. Dagdag ito sa aking confidence,” pahayag ng manlalaro mula sa Grade 11 Cookery. Namuhunan si Sasondoncillo sa kaniyang hindi maawat na opensa upang kaniyang maipundar ang 6-0 bentahe sa pagsisimula ng second set na naging dahilan upang makapagpaskil siya ng panalo sa Singles A bracket ng torneo. Aasintahin ng dalawa ang ginto sa kaniya-kaniyang mga bracket upang maka-abante sa paparating na Pampanga Private Schools Athletic Association (PAMPRISAA).

Na si Carlos Padilla Jr. ang naging kaunaunahang Pilipino na naging miyembro ng International Association of Boxing Referees and Judges. Siya rin ang naging referee sa "Thrilla in Manila" na pinagbidahan nina Boxing legend Muhammad Ali at Joe Frazier noong taong 1975. Na ang pinakamalaking dome sa Asia noong mga taong 1960 hangang 2001 ay ang Smart Araneta Coliseum o mas kilala sa tawag na “The Big Dome” na may sukat na 2,300 square meters at may seating capacity na 33,000 katao. Na ang bowler na si Bong Coo ang may pinakamaraming nasungkit na medalya sa mga Pilipinang Atleta kung saan kaniyang nahakot ang 37 ginto, 23 pilak and 16 tanso sa nilahukan niyang Asian Games, South East Asian Games, at World Championships. Na ang swimmer na si Teofilo Yldefonso na tubong Piddig, Ilocos Norte, ay ang natatanging Pilipinong Atleta na nakasikwat ng dalawang medalya sa Olympics kung saan naitampok ang pagkopo niya sa 200-meter breast stroke event noong 1928 Amsterdam Olympics at 1932 Los Angeles Olympics. Na noong taong 1930, ang high jumper na si Simeon Toribio ay pinarangalan ng Helms World Trophy dahil sa pagiging ‘Asia’s greatest athlete’ at ‘Filipino Field Athlete of the half Century’.

BALITA 3

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

LVCS over-all champion sa CSSPC; 20 pasok sa RSSPC NI VIVIALYN REA YUMUL, 12-STEM-A NAKAMIT NG LA VERDAD Christian School (LVCS) ang kanilang kauna-unahang Over-all Champion matapos ang 13 taon nang pakikipagtalastasan ng galing sa Cluster Secondary Schools Press Conference (CSSPC) noong ika-23 ng Setyembre. Habang umabante naman sa Regional Secondary Press Conference (RSSPC) ang 20 estudyante na nagwagi sa 35th Division Secondary Press Conference (DSSPC) na ginanap sa Mother Mary Eugenie Center of Schools and Students Inc. noong ika-12 ng Oktubre. Panalo ang 24 na estudyante mula sa indibidwal na kategorya at wagi rin ang mga pang-grupong kalahok dahilan para masungkit ng LVCS ang kampeonato sa CSSPC. “Nakakataba ng puso kasi matapos ang 13 taon nakuha na sa

wakas ang kauna-unahang over-all champion. Nagpapasalamat din kami sa pamunuan ng paaralan kasi todo suporta naman sila sa amin. Sa mga nakilahok, na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya at lalo na sa mga Senior High school na nag bahagi ng mga bagong kaalaman sa kapwa nila manunulat,” wika ni Arleen Carmona, School Paper Adviser. Samantala, pasok ang 20 na estudyante ng LVCS sa RSSPC na ginanap sa Talavera, Nueva Ecija noong ika-22 at 23 ng Nobyembre kung saan kinatawan ng limang estudyante mula sa indibidwal at 15 na estudyante mula sa panggrupong kategorya ng elementarya at secondarya ang naturang paaralan. Kabilang sa mga nakapasok sa Regional level ang manunulat ng isports na si Julian Rikki Reyes, manunulat ng lathalain na si Marifie Patiu, at manunulat ng balita na si Bernadette Idin Garote na mga kapwa

kampeon sa kani-kanilang kategorya. Sumabak din sa Regional ang manunulat ng isports na si Raymond Joseph Mandap at manunulat ng agham at teknolohiya na si Jeryco Quimno na parehong nasa ikalawang pwesto. Pasok din ang Radio Broadcasting English ng Elementarya at Sekondarya ng LVCS sa Regional Level kung saan nanalo ng 2nd runner-up Radiobroadcasting and script writing ang Radio Broadcasting ng Elementary-English category samantalang 4th Best Infommercial naman ang Radio Broadcasting Secondary-English. Puspusan naman ang ginagawang pagbuo ng mga mamamahayag ng LVCS upang muling makarating sa National level ang parehas na publikasyon ng paaralan na “The Torch” at “Ang Tanglaw” na lubos namang sinusuportahan ng pamunuan nito.

BAGONG HARI. Mga manlalahok La Verdad Christian School itinanghal na Over-all Champion pagkaraan ng 13 na taon na pakikipagtagisan sa CSSPC. KUHA NI JEREZA SALVOSA

Sa pagpasok ng SHS

BALITANG DAGLI

Enrollment rate, patuloy na tumataas NI KATE PAULYNE TAYCO, 12-HUMSS-A HATI MAN PERO BUO ANG LABAN. Hindi naging hadlang ang mga pader na naghahati sa mga silid-aralan upang ipagpatuloy ng mga guro ng paaralan ang pagtuturo sa mga mag-aaral para sa labanang de kalidad na edukasyon. KUHA NI JEREZA SALVOSA

Pre-Calculus, pangunahing dahilan ng paglipat ng strand NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A DAHIL SA KALIDAD NG PAGTUTURO, mga pasilidad at libreng edukasyon, pinuri ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang La Verdad Christian sa kanilag naging pagbisita noong ika-6 ng Nobyembre. Sa temang “Monitoring and Verification visit of DepEd Central Office Project Management DivisionProject Management Service Staff” ipinahayag ng mga panauhin ang kanilang pagkamangha sa kalidad ng edukasyon sa sa naturang paaralan kung saan ay libre ang matrikula, uniporme at maging ang mga tanghalian ng mga mag-aaral. “Mayroon silang positibong marka sa atin, natuwa sila kasi hindi naman tayo nagtataas ng matrikula, sa katunayan libre pa nga ang pag-aaral dito” Pahayag ni Albert Soriano, Head Registrar at naging punong abala sa nasabing pagbisita. Nasilayan rin ng mga panauhin nag P50M na auditorium kung saan kumpirmado nang gaganapin ang kauna-unahang pagtatapos ng mga mag-aaral sa ika-12 baitang sa darating na Marso. “Sabi pa nila, ang ganda raw ng kalidad ng edukasyon ng paaralan lalo na sa SHS…Sa kabuuan, namangha naman sila at natuwa. Binati pa nga nila ang LV” dagdag pa ni Soriano.

WORK IMMERSION / PAHINA 1 hindi na nila papalabasin yung students nila but I think kasi na it’s a good opportunity for the students if nakapaghands-on experience sila” Ani pa ni Soriano. Dagdag pa niya na humingi rin ang paaralan ng suporta sa mga magulang kung sakaling mayroon silang alam na mga industriya na maaaring pasukan ng kanilang mga anak. “Thankful naman ang La Verdad kasi napakasupportive ng mga parents natin, actually sila pa nga talaga yung lumalapit sa amin to suggest companies” saad pa niya. Ipinahayag din ni Soriano na dumaan sa tamang proseso ang La Verdad bago nila palabasin ang mga estudyante. Nauna na nga rito ang pagkakaroon ng oryentasyon sa mga estudyante ng Grade 12 maging sa kanilang mga magulang tungkol sa mga memorandum of agreement (MOA) sa mga papasukang kompanya. Nagkaroon rin ng pagpirma ng waiver o consent na nagpapatunay na pumayag ang mga magulang na ipadala ang kanilang mga anak sa labas ng paaralan. Bukod pa rito nag-organisa rin ang paaralan ng pre-work immersion seminar sa mga mag-aaral bago sila lumabas ng paaralan sa panguna rin ni Soriano at ni Ammi Pineda, guro sa Senior High School.

TUMAAS NG 9.01 PORSYENTO ANG KABUUANG bilang ng mga mag-aaral na ”nag-enroll” sa paaralan ng La Verdad Christian School (LVCS) mula sa kindergarten hanggang Senior High School sa taong panuruan 2017-2018 ayon sa tala ng Registrar ng naturang paaralan. Binigyang diin ng School Registrar na pangunahing dahilan sa pagtaas ng enrollment rate sa LVCS ay ang pagpasok ng SHS kung saan ay binubuo ito ng mahigit kumulang 600 na mga mag-aaral sa Grade 11 at Grade 12.

PAGLOBO NG POPULASYON

Ayon kay Albert D. Soriano, Head Registrar, biglaan ang naging paglobo ng populasyon ng LVCS mula nang pumasok ang SHS. Inasahan naman umano ito ng paaralan, ngunit hindi pa rin nila inakala ang sobrang pagdagsa ng mga estudyante. “Naghanda naman kami para sa pagpasok ng SHS, pero sobrang dinagsa talaga ng mga estudyante ang paaralan. Hindi namin akalain na ganoon karami yung mag-eenroll,” ani Soriano. Tinatayang umaabot sa 1,899 na estudyante ang kasalukuyang inaakomoda ng LVCS mula sa kindergarten hanggang Grade 12 kumpara sa bilang nitong 1,742 noong nakaraang taon. Pangunahing dahilan ng pagpili ng mga estudyante sa naturang paaralan ay ang mahigpit nitong polisiya na lalong nagpapadisiplina sa mga mag-aaral nito. Gayundin ang de kalidad na edukasyon nito sa mga estudyante na pinapatunayan nito sa mga sinasalihang mga kompetisyon sa labas ng paaralan kung saan ay madalas itong makapag-uwi ng mga parangal. Bagaman nilinaw ni Soriano na hindi ”overpopulated” ang paaralan.

“Katunayan, madami tayo pero hindi naman tayo sobra-sobra, kasi para maikonsidera ang isang eskwelahan na overpopulated na, bawat klase dapat 70 o higit pa ang estudyante. Sa atin naman nasa pagitan lang ng 30 at 40 ang bawat estudyante sa isang klase,” paliwanag pa ni Soriano.

MGA PANANDALIANG SOLUSYON

Naunang ipinatupad noong nakaraang taon sa Junior High School (JHS) ang pagkakaroon ng class shifting kung saan ay hinati sa pang-umaga at pang-hapon ang klase bilang solusyon sa pagtaas ng populasyon sa LVCS. Ngunit, hindi na ito muli pang isinagawa ngayon dahil na rin sa mga reklamo ng mga magulang na ginagabi ang kanilang anak sa daan. Gayundin ay nahihirapan ang mga guro sa pagpapalit palit ng oras sa iba-ibang klase. Sa kasalukuyan, napagdesisyunan ng pamunuan ng naturang paaralan bilang panandaliang solusyon ang paghahati ng mga silid-aralan sa JHS upang maakomoda ang lahat ng mag-aaral. “Marami na ang gustong pumasok ng La Verdad, dumarami na tayo lalo na noong nagkaroon na ng Grade 12 at mga bagong estudyante para sa grade 11 kaya nais sana naming magpatayo ng mga dagdag na pasilidad o gusali kaso hindi pa siya na simulan ngayon kaya bilang panandaliang solusyon binigyan muna namin ng divider ang mga silid-aralan kung saan nahati ito sa dalawa,” wika ni Soriano. Sa panayam kay Joeward Peralta, Record Clerk, sinimulan nila ngayong taon ang paggamit ng ”Population Control” upang maiwasan ang tuluyan pang paglobo ng populasyon. “Gumamit kami ng ”Population Control” bago magpasukan. Una, hindi na kami tumatanggap ng mga bagong estudyante sa mga grade 2 to grade 6 at sa grade 12 sila-sila lang. Tumanggap lang kami sa unang baitang, ika-pito at ika-11,” paglilinaw ni Peralta.

Seguridad, Disiplina sentro ng mga bagong polisiya NI VIVIALYN REA YUMUL, 12-STEM-A TINUTUKAN NG PAMUNUAN NG LA VERDAD Christian School (LVCS) ang seguridad at disiplina ng mga mag-aaral sa pagbuo at pagpapatupad ng mga bagong polisiya sa naturang paaralan kaugnay ng mga naitalang kaso ng paglabag dito. Upang siguraduhin ang kaligtasan ng paaralan nagpatupad ng araw-araw na pag-iinspeksiyon ng mga gamit ang pamunuan ng LVCS sa lahat ng mga mag-aaral, guro at maging sa mga staff. Layunin ng inspeksiyon na panatilihing ligtas ang paaralan para sa lahat kung saan ipinagbabawal ang pagdadala ng mga delikadong bagay una na rito ang mga matutulis na gamit tulad ng gunting, cutter, pen knife at iba pang maaaring pagsimulan ng aksidente o away. Ayon kay Noriel Mangasil, teacher coordinator ng paaralan hindi lahat nakatatanggap ng pagbabago sa mga sistema ng paaralan. “Nagpaigting tayo ng seguridad dahil na rin sa mga nangyayari sa paligid. Kahit nga kasi mahigpit na ang eskwelahan may nakalulusot pa rin, kaya kailangan na mas maghigpit,” paliwanag ni Mangasil. Mayroon mang ilan sa mga estudyante ang hindi nagugustuhan ang ginagawang inspeksiyon dahil madalas umano silang mahuli sa klase dahil

dito, marami pa rin ang nagsasabi na mas nakabubuti sa paaralan ang pagkapatupad nito. “Mas ramdam na namin ang pagiging ligtas sa eskwelahan dahil sa inspeksiyon. Kasi diba, hindi na makakapasok yung mga talagang bawal dalhin, lalo na yung cellular phones, kasi may iba pa rin dati na lumalabag” Pahayag ni Bernadette Idin Garote, estudyante ng Grade 12 ABM A. Nilinaw rin ni Mangasil na ang naturang implementasyon ng bagong polisiya ay sa panguna ng pangulo ng LVCS na si Dr. Daniel Razon, dahil na rin sa mga lumalabag sa ‘one strike policy’. Bukod sa inspeksiyon, naghigpit rin sa pagbabantay ng mga nahuhuli at lumiliban sa klase ang paaralan upang mas madisiplina ang mga magaaral na pumasok ng maaga at iwasan ang pagliban sa klase. Dahilan ng nasabing paghihigpit ang pagtaas ng bilang ng mga nahuhuli at lumiliban sa klase noong unang semestre. “Okay yon, kasi mas matatandaan ng mga estudyante at tatatak sa isipan nila na huwag na malate kung ipapadaan sila sa guidance. Pansin naman na kumonti na yung mga pasaway nong naghigpit na yung eskwelahan” ani John Paul Intal ng Grade 11 ABM A. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga naturang bagong polisiya na inaasahang ipagpapatuloy pa sa mga susunod na taon.

Journalism summer workshop, inorganisa MATAGUMPAY NA naidaos ang taunang limang araw na Journalism summer workshop noong Mayo 15-19 sa La Verdad Christian School na dinaluhan ng mga batang mamamahayag ng naturang paaralan at gayon din ng mga bagong mag-aaral na papasok rito. Ilan sa mga naging tagapagsalita sa naturang workshop ay ang ilang mga kilalang manunulat ng Dyaryo Lakan, Business Mirror at manlalahok ng NSPC 2017.

LVCS Graduation, gaganapin sa Auditorium SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, bubuksan na ng auditorium ng lvcs at inaasahang dito gaganapin ang pagtatapos ng mga elementarya at ng ikalabing dalawang baitang sa darating na marso. Matatandaang humigit kumulang na P50M ang halagang nagastos sa nasabing auditorium.

Grade 11, sumabak sa NAT NAGDAOS NG NATIONAL Achievement Test (NAT) ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga mag-aaral ng ika-11 na baitang ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa kabilang ang La Verdad Christian School (LVCS) noong Oktubre 10 upang masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral. Tinatayang nasa 295 estudyante naman ng LVCS na nasa ika-11 baitang ang kumuha ng nasabing pagsusulit.

MATALIM NA PAGSUSURI. Isang gurong maigting na sinusuri ang mga bag. KUHA NI ROY DANIEL GASPAR


4 BALITA

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

BALITANG MAY LALIM

SURING BALITA

BALITANG LATHALAIN

MB Quiz, bumida sa unang semestre NI JAIME RELAO JR,, 12-STEM-B SA PAGBUBUKAS NG UNANG semestre ng taon, pinasimulan ng tatlong guro sa La Verdad Christian School (LVCS) ang pagkakaroon ng Manila Bulletin Quiz o MB Quiz sa mga mag-aaral ng ika-12 baitang. Pangunahing layunin ng naturang aktibidad ang bigyan ng dagdag na kaalaman at pang-unawa ang mga mag-aaral sa mga isyu na nagaganap sa loob at labas ng bansa. Bagaman nahirapan sa umpisa, mainit naman ang naging pagtanggap ng mga-aaral ng LVCS sa pagkakaroon ng MB Quiz. Ayon kay Edyssa Pamela Belandres, guro sa SHS at isa sa mga nagpasimula ng MB Quiz, nais nila na imulat ang mga mag-aaral sa mga insidenteng nagaganap sa bansa gayondin ay mas mapalawak pa ang pag-unawa sa mga ito. Samantala, isa sa mga dahilan nila Belandres sa pagkakaroon ng MB Quiz ang pagsulpot ng mga "fake news" o pekeng balita sa mga "social networking websites" tulad ng "facebook" at "twitter." Ayon naman sa mga mag-aaral ng LVCS ay malaki ang naitulong ng pagkakaroon ng MB Quiz sa pagkaalam nila sa mga totoong nangyayari sa bansa. “Bilang estudyante, dahil sa MB Quiz natuto akong maging sensitibo sa impormasyon, na mas pinapalawak ko na yung pag-intindi lalo na sa balita. Dahil sa MB Quiz din kasi nagiging obligado tayo na magbasa ng Manila Bulletin, kaya para sa akin talaga na-eengganyo ako na basahin yung buong balita tungkol sa isang isyu, hindi yung basta ko lang nadaanan ng tingin yung ulo o pokus ng balita ay okay na” Ani Francia Amor Francisco ng 12 HUMSS A. “Dahil dito, nalalaman ko yung tamang paggawa ng isang balita, kung paano isinusulat at kung paano siya inaayos sa pagkasunodsunod, pagkatapos natutuklasan ko rin yung halaga ng balita na mas tumutulong sa akin na malaman kung totoo o peke ba yung balita.” Dagdag pa niya. Sang-ayon naman rito ang malaking porsyento ng Grade 12 kung saan binigyang-diin nila na dahil sa pagkakaroon ng MB Quiz ay mas naging mausisa at mabusisi sila sa mga nababasa sa "Internet." “Mas nagdedepende na ako ngayon sa nagsabi, yung kredibilidad nila, bago ako maniwala” pahayag ni Christian Colili ng 12 HUMSS A. Sa panayam pa kay Belandres sinabi niya na malaki ang maitutulong ng MB Quiz sa pagsugpo sa paglaganap ng mga maling impormasyong dulot ng mga pekeng balita. “Kaya kasi nagkakaroon ng pekeng balita dahil kulang sa impormasyon ang isang tao kaya nakapagsasabi siya ng mga maling impormasyon kung saan makapagsabi man siya ng sinasadya o di sinasadya ng isang maling impormasyon kinokonsidera

EPEKTO SA AKADEMIKO

Maliban sa nagiging bukas ang mata ng mga mag-aaral sa mga isyu sa bansa dahil sa pagkakaroon ng MB Quiz, isa rin sa mga naging adbantahe ng nasabing aktibidad ang paglawak ng bokabolaryo ng mga estudyante ayon na rin mismo sa kanila. Sa pahayag ni Pollyana Lorenzo, 12 STEM A, sinasabi niya na malaki ang nagiging epekto ng MB Quiz sa akademikong aspeto ng isang mag-aaral. “Mas natuto kaming magaral ng mabuti at marami kaming natutunan na mga bagong bokabularyo sa dyaryo” paliwanag ni Lorenzo. “Para malinang pa yung mga bokabularyo nila at syempre yung pang-unawa nila sa mga isyu sa nagaganap sa lipunan,” dagdag pa ni Belandres sa mga nauna na rin niyang sinabi. Binigyang linaw rin niya na isa talaga ito sa adhikain ng pagkakaroon ng MB Quiz. Gayundin, dahil hindi lamang sa seksiyon ng balita ang sakop ng pagsusulit ay nasasanay rin ang mga mag-aaral na magbasa tungkol sa agham, negosyo, isports at iba pang bahagi ng pahayagan na maaaring makatulong sa kanila sa mga aralin.

SOLUSYON AT AKSIYON

Ngunit, hindi lamang umano upang maging maalam sa paligid at bokabularyo ang naging resulta ng pagpapatupad ng MB Quiz sa SHS bagaman ay naging dahilan rin ito kung paano nakapag-iisip ang mga mag-aaral ng mga posibleng solusyon sa mga problema ng pamayanan. Ayon kay Kiel Pabro, 12 HUMSS A, sa panahon ngayon ay nawawalan na ng oras ang mga mag-aaral na magbasa at makialam sa mga isyu sa bansa. Kaya naman nagiging daan ang MB Quiz kung paano nasusuri ng mga mag-aaral ang mga problema saka sila nakabubuo ng kani-kanilang opinyon at solusyon sa mga naturang isyu. “Hindi lang kasi kaalaman lang yung nabibigay nito, kundi kaalaman din sa kung ano ang pwedeng maging kilos o aksiyon ng isang estudyante bilang isang maliit na bahagi ng lipunan tungo sa pagbabago ng bansa” malaman pang saad ni Pabro. Dahil rin sa MB Quiz ay nahahasa ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng mga komento at reaksiyon sa mga espisipikong isyu sa lipunan. Inaasahan naman ng pamunuan ng LVCS na ipagpapatuloy ng mga kaguruan ang ganitong mga aktibidades na mas humuhubog sa mga isip ng mga estudyante hindi lang sa intelektwal maging na rin sa kaalamang sosyal.

WILLIAMS

INAASAHAN NA NG MGA MAMAMAYAN NG APALIT ang planong paglilipat ng "Apalit Market" sa magiging bago nitong lokasyon sa Bagong Pag-asa, San Vicente sa naturang bayan. Napagdesisyunan ng pamahalaan ng Apalit na ilipat ang nasabing pamilihan dahil sa naidudulot nitong matinding trapiko sa "main road" sa naturang bayan kung saan maraming pasahero ang naaapektuhan kabilang na ang mga mag-aaral. Isa rin sa mga layunin nito ang magbigay ng moderno, maayos at ligtas na pamilihan para sa ika-uunlad ng turismo ng Apalit at sa ikabubuti ng kalusugan ng mga mamamayan. Ayon kay Norma Esguerra, mag-aaral ng La Verdad Christian School (LVCS), sang-ayon umano siya sa planong pagre-relocate ng nasabing "Public Market" dahil mababawasan ang nararanasang trapiko. “Ako mismo, estudyanteng namamasahe papuntang paaralan galing pang Macabebe ay nakararanas ng matinding trapiko doon sa pagitang ng "main road" ng Apalit at ng Masantol lalo na tuwing papasok ng school may pagkakataon na nahuhuli ako dahil sa sobrang trapik sa parteng iyon,” " paliwanag ni Esguerra Sabi pa niya, maganda ang mga posibilidad na mangyayari kung matutuloy ang balak na paglilipat pwesto ng "Apalit Market" dahil mas maayos tignan, mapapabuti ang kalusugan ng mga residente na nasa malapit ng "Apalit Market" at mas maraming mabibigyan ng oportunidad na mabigyan ng trabaho. Samantala, ani naman ng isang residente ng Apalit lalayo ang lalakarin ng ibang residente kumpara sa ngayon at walang masyadong masasakyan kung ilalagay umano doon ang balak na bagong "Public Market." Giit naman ng Munisipyo ng Apalit na aayusin naman ang daan at maglalagay naman sila ng "loading" at "unloading" para madaling makapunta sa nasabing bagong pamilihan at maglalagay din sila umano ng "jeepney" at "tricycle stop" sa loob ng palengke.

Gin Kings itininagay ang Back-to-Back titles sa Gov’s Cup

Vigan, tatahanan ng Palaro 2018

BAKANTE PARA SA KINABUKASAN. Sa pangangailan ng kaayusan, paglilipat sa tamang lugar ang sagot, sa bakanteng lote na ito planong itayo ang bagong Apalit Market. KUHA NI JENZON LELINA

KAKANLUNGAN NG MGA papausbong na atleta ng Pilipinas sa Palarong Pambansa 2018 ang “The Heritage City” o Vigan, Ilocos Sur makaarang mapanalunan nito ang bidding na pinangunahan ng Department of Education. Naniniwala si Governor Ryan Singson na ang kawalan ng masikip na trapiko sa Ilocos Sur at pagkilala ng Vigan City Police Station bilang Best City Police Station sa boung bansa ang naging bentahe ng lalawigan kontra sa mga karibal na lugar na Baguio City, Bulacan, Marikina at Isabela. Bukod sa Palarong Pambansa hosting, ang pamamahala sa Luzon leg ng 2017 Batang Pinoy ang magiging ‘practice’ ng Vigan sa pagmando sa pambansang event at kumpiyansa si Philippine Sports Commission chairman William’ Butch’ Ramirez na magiging matagumpay ang pa­ngangasiwa ng Ilocos Sur sa nasabing dalawang sporting event.

SARBEY / PAHINA 1 mas marami ang mga trabaho na maaaring nilang makuha kung sila ay magtatapos sa kolehiyo. “Dahil mas maraming matututunan sa kolehiyo mas maganda yung trabaho na puwede makuha. Mas tataas yung posisyon na puwede rin namin mapasukan” pahayag pa ni Baltazar. Sa panayam naman kay Albert Soriano, SHS focal faculty, malaking adbantahe para sa mga mag-aaral kung sila ay magtatapos sa kolehiyo lalo na ang mga estudyante na kumuha ng mga kurso sa Academic Track sa SHS. Ngunit, sinabi rin ni Soriano na kung pagtatrabaho man ang pipiliin ng mga mag-aaral pagkatapos ng SHS, ay handa naman na umano ang mga La Verdarian para rito dahil na rin sa pagkakaroon ng ‘work immersion’ sa kurikulum ng SHS. “Masasabi ko na handa na ang mga estudyante natin pero hindi ko naman sinasabi na handang-handa, alam ko lang na tinuruan namin sila na sumunod sa mga iniuutos ng mga nakatataas sa kanila at makasabay sa mga ito kung sakali man na magtatrabaho na sila” dagdag pa ni Soriano. Binigyang-diin din ni Soriano na kung magtatrabaho na ang mga mag-aaral at hindi na magpapatuloy sa kolehiyo ay hindi rin sila ganoon na mabibigyan ng maayos na trabaho. “Yung mga kumuha ng kursong technical-vocational wala silang problema kasi nakalinya talaga sila sa mga trabaho nila sa hinaharap. Pero yung mga nasa academic track, kung magtatrabaho na agad sila, hindi pa ganoon kalinaw yung mga puwede nilang pasukan. Siguro kung mayroon man, mga maliliit na trabaho lang.” pagbibigay linaw pa ni Soriano. Sa kabilang banda, pangunahing dahilan naman ng mga estudyante na nagsabing mas nanaisin na nila magtrabaho pagkatapos ng SHS ay ang pagiging praktikal umano sa buhay. “Marami na rin naman kasi kaming oportunidad na puwede makuha pagkatapos namin ng SHS. At saka, para na rin kung sakaling gustuhin naming mag-aral sa kolehiyo ay may pang-matrikula kami at hindi na aasa sa magulang” ani Carl Altarez ng 12-ABM-B

TAGUMPAY ANG BARANGAY Ginebra San Miguel Gin Kings sa pagdepensa sa kanilang korona sa Governor’s Cup ng PBA matapos maipwersa ang 101-96 panalo sa Game 7 ng finals kontra Meralco Bolts sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan. Matatatandaang Meralco din ang nakasagupa ng BGSM noong nakaraang Governor’s Cup kung saan naisalpak ni reinforcement Justin Brownlee ang makasaysayang tres na tumapos sa walong taong title drought ng Ginebra. Sa kabuuan, ito na ang ikasampung PBA title ng Barangay Ginebra San Miguel at ito naman na ang ika-dalawampung kampeonato ni Coach Tim Cone.

Huling Hataw NI RAYMOND JOSEPH MANDAP, 12-STEM-A

Sa realidad ng buhay ng tao ay wala namang ‘Take 2’. Hindi mo na maaring balikan ang nakaraan. Ang nakaraan ay nailagda na wala ng lingunan. Kung kaya’t para sa mga atletang sina Abiel Bulanadi, Frankel Sorno, at Maytrix Tinio tiyempong ‘life and death’ na ang kanilang ‘huling sayaw’. Ito sa kadahilanang nasa huling termino na sila bilang mga ‘student athletes’. Limang taon nang nakikipagtagisan sa lebel na pang-rehiyon ang tandem nina Bulanadi at Sorno ngunit tila sadyang mapaglaro ang larong Table Tennis sa kanilang mga kapalaran. Animo'y Maria Clara ang Palarong Pambansa sa buhay ng dalawang manlalaro at ang tanging asam nila’y ang matamis nitong ‘Oo’ ngunit

hindi pa yata sapat ang ginagawa nilang panunuyo. Nasa bingit na ng pagsuko si Sorno dahil nalagasan ang kanilang team sa kakatapos na Provincial Meet. “Nawawalan na ako ng pag-asa. Mukhang hindi yata kaloob,” pahayag ni Sorno. Habang ang isa naman ay buong puso paring nakakapit sa matagal na nilang mithi. “Ito ang panahon kung saan dapat maging mas matatag kami. Hindi madali pero aming kakayanin,” pahayag naman ni Bulanadi. Para naman kay Tinio na natikman na ang tamis na dulot ng Palaro, minsan pa

ay nais niyang makatungtong muli sa pambansang entablado ng pampalakasan. Tila isang magandang tanawin na kapag iyong namasdan ay mahirap ng alisin ang iyong tingin, ganon na lamang ang narararamdaman ni Tinio patungkol sa Palaro. Gayon pa ma’y ating nalalaman na hindi lahat ng kwento’y may masayang wakas. Makakamtan kaya ng tatlo ang matamis na panapos kung tila parehong kaliwa ang kanilang mga paa? Wala sa akin ang sagot kundi bagkus nasa kanila.

BULANADI

TINIO

SORNO

LVCS paddlers nagpasiklab sa Zonal Meet NI CHRISTIAN COLILI, 12-HUMSS-A MINSAN PANG PINATUNAYAN ng La Verdad Christian School na moog na ang kanilang katayuan sa South Zone ng muli nilang hakutin sa ika-apat na sunod na taon ang 16 na ginto sa Table Tennis Tournament ng taunang South Zone Athletic Meet (SZAM) na ginanap sa LVCS Hall. Bumandera ang tandem nina Abiel Bulanadi at Frankel Sorno para sa LVCS ng kanilang ipamalas ang kalibre ng mga Regional qualifiers makaraan nilang durugin sina Aryel Mossino at Daryll Narciso ng Pampanga Colleges, 11-3, 11-0, 11-1, sa finals ng Men’s doubles. “Salamat sa Dios dahil nakuha ulit namin yung gold,” pahayag ni Bulanadi na nasa huling termino na ng paglalaro. “Hopefully makadagdag ito sa kumpyansa namin sa pagsabak sa next level ng competition,” dagdag naman ni Sorno na kapwa-last termer na rin. Humataw din sina Sean Daniel Briones na pinagharian ang Singles B ng torneo at Paul

Sasondoncillo na inangkin naman ang Singles A ng Men’s division makaraan nilang paluhurin ang kaniya-kaniyang mga katunggali sa loob ng straight sets. Naipagpag ni Briones ang iniindang lagnat upang maipwersa niya ang 11-7, 11-8, 11-2, demolisyon kay Hedmar Sunga ng St. James School habang dinomina naman ni Sasondoncillo si Carl Viray ng Pampanga Colleges makaraang ilista ang 11-6, 11-8, 11-1, dominasyon. “Hindi ko na inisip na may lagnat ako. Mind over matter talaga ako the whole time long. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa Dios despite na may sakit ako nakuha ko pa rin ulit yung gold,” pahayag ni Briones na isa ring regional qualifier. “Nagpapasalamat ako kasi after ilang years na natigil ako sa paglalaro nakakuha ulit ako ng gold,” pahayag naman ni Sasondoncillo. Sa kabilang banda, hindi naman nagpahuli sa paghataw sina Chloe Miclat at Maytrix Tinio ng kanilang

pagtagumpayan ang Women’s doubles, Pamela Soriano sa Singles A, at Pauline Munoz sa Singles B ng torneo. Dinurog ng Miclat-Tinio duo ang pambato ng JMJMS na sina Jhosa Sonza at Kelly Bautista, 11-1, 11-0, 11-5, habang wagi din si Soriano kontra kay Micaela Mercado ng St. Vincent’s Academy, 11-2, 11-0, 11-1, at pinadapa naman ni Munoz si Teodora Nicole Mercado ng Colegio De San Lorenzo, 11-1, 11-2, 11-2. Tumikada din ng kaniyakaniyang panalo sa mga finals match sina Bayziebone Labajo (Singles B), Lord Gerard Montellano (Single A), Yvess Reg at Franiel Sorno (Doubles) upang maiuwi ang ginto para sa Men’s category ng elementary Division. At hindi naman nawala sa eksena sina Raven Manto (Singles A), Nicole Calaguas (Singles B), Faye Bailon at Mikaela Valiao (Doubles) na kapuwa nag-uwi din ng kaniya-kaniyang mga ginto para sa Women’s category ng elementary division.

KUHA NI JENZON LELINA

GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

MB QUIZ LABAN SA PEKENG BALITA

na yun na pekeng balita. Sa pagbabasa ng MB ay magiging mas maalam ka kaya maiiwasan mo yung pagbibigay ng mga maling impormasyon” dagdag pa niya.

NI VIVIALYN YUMUL, 12-STEM-A

KUHA NI JUN MENDOZA, PHILIPPINE STAR

HUKBO NG KATOTOHANAN. Mga mag-aaral ng La Verdad Christian School habang nakikipagdigma sa patalasan ng nalalaman ukol sa mga napapanahong isyu na nagigig matagumpay sa pamamagitan ng MB Quiz na kapakinabangan sa kaalaman. KUHA NI JEREZA SALVOSA

Trahedya sa Malaysia

KUHA NI LYNER DAYRIT

KUHA MULA SA INQUIRER.NET

SA UNANG TATLONG BUWAN PA LAMANG NG termino ni Pangulong Duterte ay naging kagimbalgimbal na ang nangyayari na patayan dahil sa kampanya niya kontra droga sa buong bansa. Nauna na nga noong sinabi ng Pangulo na kung hindi susuko ang mga mahuhuling "drug-dependent" at sila ay manlaban sa Philippine National Police (PNP) ay patayin na lamang sila. Ngunit nito lamang taon ay nagdulot ng matinding takot sa mga mag-aaral sa La Verdad Christian School (LVCS) ang magkakasunod na pagkamatay ng mga kabataan na sangkot umano sa ilegal na droga. Naging matunog nga rito ang magkahawig na pagkamatay ng mga binatang sina Carl Angelo Arnaiz 19, at Kian Delos Santos 17, na kapwa napaslang sa kamay ng mga pulisya dahil umano ay nanlaban. Ayon kay Lhean Jerome Manlapaz, mayor ng 12 GAS, nakakatakot umano ang nangyaring pagpatay sa dalawa lalo pa’t wala namang naging konkretong ebidensiya na makapagtuturo sa mga ito sa mga kasong ibinabato sa kanila. “Nakapanghihina ng loob kasi ilang kabataan na yung napaslang, ilang buhay na yung nawala sana wala nang mapatay na mga walang ginagawa na labag sa batas,” pahayag pa ni Manlapaz. Ngunit, ang tanong ng nakakaraming mag-aaral ay kung paano nasasangkot ang mga kabataang ito sa ilegal na droga na nagreresulta sa pagkamatay ng mga ito. “Mas malapit kasi ang kabataan sa ilegal na droga na malaking dahilan ay yung kakulangan sa gabay galing sa magulang at saka sa edukasyon” ani Christian Colili ng 12 HUMSS A. Nauna na ring sinabi ni Colili na kaya pinipinili ng ilang mga kabataan ang pagdrodroga ay dahil na rin sa impluwensya ng mga kaibigan o ng mismong mga kapamilya. Gayundin ang pagkaranas ng matinding depresyon. Bagaman may ilan pa ring hindi maintindihan ang dahilan ng mga pulisya para mapatay ang mga kabataang ito gayong hindi naman sumailalim ang mga ito sa tamang proseso ng paghahatol. “Bilang isang kabataan, nararamdan ko ang matinding panghihinayang sa posibleng kinabukasan ng mga kabataan na namatay dahil sa mga isyung kaugnay sa droga. Dapat sa panahon na ito ay masaya silang nag-aaral at inaabot ang kanilang pangarap, pero dahil sa mga taong sakim at mapanisi, nadadamay sila na sana ay pag-asa ng bayan. Paano na natin mababago ang bulok na kasalukuyan kung pinapatay na ang mga tao ng kinabukasan?” saad naman ni Jewel Marie Coral ng 12 HUMSS A. Ilan pa rin naman ang patuloy na pumapagitna sa isyu ng pagkamatay ng mga kabataang ito. Bagaman, hindi malinaw ng pamahalaan kung ano nga ba ang naging tunay na pangyayari sa pagkamatay ng dalawang binata dahil sa magkakaibang anggulo ng kwento base sa pulisya, pamilya at National Bureau of Investigation (NBI). “Nasa gitna ako. 'Di ko alam kung saan maniniwala, kung sa mga pulis ba o sa mga biktima, or sadyang pinapalala lang rin ng "media", pero may kasalanan rin naman yung mga kabataan kasi may mga "curfew" na pero lumalabas pa rin, o kaya baka kahina-hinala talaga pero ang problema naman sa mga pulis, inuuna yung gustong unahin hindi muna magsuri,” buwelta ni Daryll John Beltran ng 12 STEM B. Marami naman ang sumama ang loob sa pamahalaan dahil sa kakulangan ng agarang aksiyon sa mga nangyayari. “Nakakalungkot kasi alam mo nang nangyayari pero wala tayong magawa kasi natatakot tayong masangkot o madamay sa madugong kampanya laban sa droga,” wika pa ni Athena Jamille Cajucom, Grade 12 ABM A. Ilang magulang din ang naalarma sa mga nangyayaring patayan at natatakot na mabiktima ang kanilang mga anak kaya’t nananawagan sila sa pamahalaan ng matinding aksiyon para rito. Samantala, ayon naman sa ulat ng pulisya sa Apalit, walang kabataan na napatay sa naging kampanya kontra droga sa naturang lugar. Tinataya namang umabot sa 700 ang sumukong mga "drug dependent" na ipinasok sa mga "rehabilitation center" sa nasabing bayan.

MALINIS NA 2-0 MARKA ANG bibitbitin ng Gilas Pilipinas sa ikalawang yugto ng ‘window stage’ ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos malusutan ang Chinese-Taipei , 90-83, Lunes ng gabi sa Araneta Coliseum. Naunang tinalo ng Gilas ang koponan ng Japan, 77-71 noong Biyernes ng gabi sa Tokyo kung saan naitampok ang 20 puntos na pagpapasiklab ni Jason “The Blur” Williams.

ISPORTS KOLUM

Abiel Bulanadi, buong siglang nakipagtagisan sa laban

Gilas, 2-0 na sa qualifying rounds FIBA Asia

KUHA MULA SA WIKIPEDIA

NI KATE PAULYNE TAYCO, 12-HUMSS-A

WERPA.

ISPORTS DAGLI

Bagong mukha, Relokasyon ng Apalit Market, aabangan ng Apalitenos

Youth Killings, umani ng iba't ibang reaksiyon

ISPORTS 17

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

MASALIMUOT NA PAGTATAPOS ang sinapit ng delegasyon ng mga atletang Pilipino sa katatapos na 29th South East Asian Games na pinamunuan ng Kuala Lumpur, Malaysia. Ngunit hindi marapat na ibaling ang sisi sa Philippine Sports Commission o kay William “Butch” Martinez man dahil hindi lamang ang Pilipinas ang nakatakim sa mapait na ginawang pagmando ng Malaysia sa nasabing biennial event. Tumapos sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa medal tally ngunit natapyas sa 24 ang naiuwi nitong ginto kumpara sa 29 na nasungkit nito dalawang taon na ang nakakaraan. Mula 84 na ginto naman ay lumagapak sa 57 ang nakamkam ng Singapore dahilan para bumaba ang kanilang puwesto sa ikatlo matapos ang kanilang second place finish sa edisyon ng SEA Games noong 2015. Habang 73 ginto ang nasamsam ng Vietnam noong 28th season ng SEA Games at rumangong ikatlo ngunit sa serye ngayong taon ay bumagsak sa 54 ang kanilang gold medal tally. Samantalang naglipana ang pagbagsak sa gold medal tally ng mga bansa, kamanghamangha naman na 145 na ginto ang nasikwat ng host na Malaysia na hindi hamak na mas marami sa pinagsama-samang 34 na mga medalya na nailista ng Pilipinas. Ang host ay may karapatan na mamili kung ano-ano ba ang mga sports na lalaruin at hindi. Tinangal ng Malasyia ang women’s boxing, ilang dibisyon sa men’s boxing, men’s and women’s softball, at women’s weightlifting. Hindi tuloy nakalaro si 2015 gold medal winner Josie Gabuco at sina Nesthy Petecio at Irish Magno na pawang mga lyamado sa kaniyakaniyang mga dibisyon. Ang Blu Boys and Blu Girls na pawang mga kampeon sa men’s and women’s softball ay hindi rin nakalaro na naging isang malaking dagok din sa kontensiyon ng Pilipinas Si Rio Olympics silver medallist Hidilyn Diaz ay inaasahan namang mangunguna 53-kilogram category ngunit ang women’s weightlifting ay natangal din. Nakuntento naman si Lightweight Charlie Suarez sa pilak dahil napuwersa siyang lumaban sa junior-welterweight division ng ibakante ng Malaysia ang kaniyang dibisyon Itinakda din ng Malaysia na ang qualifying age sa gymnastics ay 18 kung saan ang Olympic rule naman ay 16. Ang gymnast na si Caloy Yulo tuloy hindi nabigyan ng pagkakataon na makalaro kung saan isa siya sa mga atletang inaasahang makakapag-uwi ng ginto. Ang pakiusap ng Pilipinas na i-apply nalang ang Olympic rule para makalaro na si Yulo ay hindi napagbigyan. Ilan lamang ito sa mga isyung hinarap ng Pilipinas na marahil ay naging dahilan para masundan ang masaklap ding sinapit noong taong 1999 kung saan 20 ginto lamang ang nakamtan ng bansa. Ang mala-bangungot na karanasan na ito ng bansa sa mundo ng pampalakasan ay hindi dahilan upang manghimagod tayo sa pagsuporta sa ating mga atleta kundi bagkus ito’y maging isang inspirasyon lalo na at tayo naman ang pananahanan ng South East Asian Games sa taong 2019. “All of us, including the critics, should rally behind the 2019 Philippine hosting and support the athletes in any way we can,” postibong pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco. Walang pang pagsubok na hindi nalampasan ang mga Pinoy. Mas malakas ang paninindigan ng mga Pilipino sa kahit na anong delubyo. Kaya’t atin itong patunayan sa buong mundo na kahit ilang beses tayong madapa ay kaya nating makatayo.


16 AGHAM AT TEKNOLOHIYA

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

Gabay sa Pag-aaral ng mga La Verdarian NI CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A

MAKABAGONG PAHINA. Isang guro habang sinusubukan ang bagong library system na ilulunsad na 2018. KUHA MULA KAY LOUIE GOPEZ, LVCS

Koha Library System, ilulunsad sa 2018

ISA. ISA ANG LAYUNIN SA KABILA ng magkakaibang pagkakakilanlan. Dalawa. Dalawa’t kalahati sa bawat tatlong estudyante sa La Verdad Christian School (LVCS), ito’y pinakikinabangan. Tatlo. Tatlong apps na may iisang papel na ginagampanan. Sa patuloy na pag-ikot ng nakagisnang mundo, patuloy rin ang pagbabagong-bihis nito gamit ng walang katapusang modernisasyon, kasabay nito ang pakikiayon ng mga La Verdarian gamit naman ng kanilang kamay na handang yumakap ng pagbabago at pusong handang tumangkilik sa pagbabago. Upang makamtan ang mas dekalidad na edukasyong inaasam, hindi nagpapaiwan ang mga La Verdarian sa patuloy na pag-agos ng walang kakupas-kupas na panahon. Upang mas lalong mapabuti ang pagaaral, hindi nagpatinag sa mundong gutom na gutom sa modernisasyon.

Sa katunayan, nasa 97% ang mga La Verdariang gumagamit ng Google, 85% naman sa Youtube, at marami pang iba. Pumangatlo naman dito ang MerriamWebster Dictionary.

Isa ang layunin sa kabila ng magkakaibang pagkakakilanlan

May pagkakaiba man, may iisang layunin naman. Kahit iba-iba ang pagkakakilanlan at paggamit nito, nagagamit naman ng mga estudyante sa edukasyon, nagsisilbing gabay upang mas maging maayos ang pag-aaral ng bawat La Verdarian.

Dalawa’t kalahati sa bawat tatlong estudyante, ito’y pinakikinabangan.

Mga proyekto, homeworks, ‘di maintindihang aralin, unfamiliar words ay walang binatbat dito. Ginagamit ang Google, ang largest search engine sa mundo , sa pananaliksik at pag-aaral ng iba’t ibang bagay lalo na sa larangan ng edukasyon. Ang Youtube, No. 1 video streaming app/website ay nagsisilbing gabay sa mga talakayang hindi gaanong

Ang tatlong araw na onsite session ay humubog sa kakayahan ng LVCC library staff and IT personnel sa pamamagitan ng ILS Software. Kasama rito ang Online Public Access Catalog (OPAC), na mas mapadadali na ang paghahanap ng mga librong kailangan ng mga estudyante na nasa library’s shelves sa tulong ng online sourcing. Ang iba pang features ng Koha System, na libreng mapakikinabangan ng library users ay mga eBooks; serials gaya ng newspapers at magazines; borrower’s statistics data at marami pang iba. Samantala, ang LVCC Library ay patuloy na itinataguyod ang ‘Library Orientation Program’ taon-taon mula pre-school hanggang college upang magbukas ng kamalayan sa readers patungkol sa kahalagahan ng paggamit ng aklatan. Ang ilan sa mga exclusive free aids ng aklatan ay ang free books at manuals, free library card fee, free loan out of books, audio-visuals and other references, free PDF’s download of serials at iba pang electronic resources. Inanunsiyo din ni Fruel sa mga library users na aprubado na ng pamunuan ng LVCC ang badget para sa mga bagong library materials na gagamitin sa Academic Year 2018-2019.

GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

GOOGLE

YOUTUBE

Tatlong apps na may iisang papel na ginagampanan

Google, Youtube, at MerriamWebster Dictionary. Iba-iba man ang ngalan, may iisa namang papel na ginagampan. Kahit ‘di magkakatulad ang paraan sa pagtugon sa mga katanungan ng mga estudyante, parepareho naman ang papel na ginampanan sa klase. Isa. Dalawa. Tatlo… Hindi pa umabot sa sampung segundo ay siguradong-sigurado na nakatutulong na sa mga estudyanteng naghahanap ng sagot. Sa isang pindot lang, tiyak nagagampanan ng mga apps na ito ang kanilang papel sa edukasyon -- maging gabay sa pagsubok na dala ng pag-aaral.

MERRIAM-WEBSTER

Walang Kamatayang Banyuhay NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A

BATO. DAHON. BALAT NG HAYOP. Lapis. Papel. Gadgets. Softwares. – Iyan ang nasaksihan kong siklo sa simula… Simula pa noong kindergarten hanggang sekundarya, ilang beses ko nang nasaksihan ang pagbabagong-bihis ng bawat sulok ng mga silid-aralan. Tila isang makulay na paruparo ang ating mga silid-aralan, nagsimula sa paggamit ng mga bato, dahon, balat ng hayop, lapis, papel at patuloy na nagbabagong-bihis sa paggamit ng mga modernong teknolohiya – teknolohiyang nagsilbing instrumento sa mas mabuti nating pag-aaral, ito ang “Paperless Classroom.” Bilang isang La Verdarian, natatamasa natin ang may kalidad na edukasyon, maliban diyan, nararanasan rin natin ang papaunlad na sistema nito. Isang sistemang binahiran na ng mga modernisasyon, paggamit ng mga modernong teknolohiya tulad ng Google Classroom, isang app kung saan maaari mong makaugnay ang buong klase kabilang na ang inyong guro at maipasa ang inyong mga proyekto, maging mga dokumento sa Microsoft PowerPoint, isang software sa paggwa ng presentasyon sa mga talakayan sa klase at marami pang iba. Sa kabila ng mga iyan, hindi pa rin

mababansagang ”Paperless Classroom” ang sistema ng pag-aaral dito sa La Verdad Christian School (LVCS) dahil kahit papaano’y tradisyunal pa rin ang iilang gamit ng mga esudyante. Ngunit, sa paglipas ng panahon, posibleng ang mga nakikita kong lapis, papel, at pisara ay magbabagong-bihis din ito sa mga software, high-tech tablets, at online collaboration and conferencing tools. Gayunpaman, hindi man buong-buo ay nararamdaman na rin namin ang mga benepisyo ng pagiging Paperless Classroom. Heto ang ilan sa mga nararanasan namin: Una, kakaunting papel sa basurahan, giginhawa pa si Inang Kalikasan. Papel. Iyan ang laging nagagamit sa ating paaralan, mas maraming beses na pagkakagawa nito, mas mapabibilis ang pagkaubos ng mga puno kasabay ng mas lumalaking tsansa ng pagbaha. Pero dahil sa Paperless Classroom, ang hinagpis ng ating ina ay unti unting mababawasan. Ikalawa, mas mapapabuting komunikasyon, mas matibay na interaksyon. Dahil sa mas mabilis at mabisang komunikasyon sa kasalukuyang panahon, mas nagiging matibay rin ang ugnayan na mayroon ang mga katulad kong mag-aaral

at ang aming mga guro. Huli, mas madaling sistema, mas magaan ang problema. Napapadali ng mga makabagong teknolohiyang ito ang pagpapasa ng mga proyekto ng mga katulad kong estudyante KUHA NI ROY DANIEL GASPAR

na kahit sila ay nasa kani-kanilang tahanan ay maaari pa rin nilang maisumite ang kanilang mga takdang aralin. Sana lamang, kasabay ng pagdaan ng pagbabago sa paaralan ay ang mas matibay na pangangalaga sa Inang kalikasan. Marami pang benepisyo ang naghihintay – naghihintay sa pagdating ng araw na tuluyan na nating tangkilikin ang sistema ng Paperless Classroom habang patuloy ang transpormasyon ng ating mga silid-aralan sa kaniyang walang kamatayang banhuyay.

Siklo ng Pagbabago NI CARL JENSEN SAWAL, 11 -STEM-A ARAW-ARAW KONG NASASAKSIHAN

ang laruan kung tratuhin ng karamihan o kagamitang pangmedikasyon sa mata ng iba, sa tuwing pagpasok ko sa aming paaralan laging may mga fidget spinner na hindi nakalulusot sa kamay ng seguridad ng La Verdad Christian School (LVCS), pero nakapagtataka kung bakit sa ganitong kapalaran ang pinagsisihantungan ng mga ito, ano-ano nga ba ang mga dahilan dito, ano kaya ang kuwentong tinatago ng bagay na ‘to? Nakatutulong naman sa panggagamot ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) at autism. Nakatutulong din naman sa pagtrato ng anxiety o pagkabalisa. Nakapare-relieve ng stress. Nagbibigay kasiyahan. Pamalit din sa mga ‘di mabuting nakaugalian. Ilan lang iyan sa mga dahilan kung mapahanggang

ngayon ay patuloy pa rin ang pagiyan nagsimula ang lahat ng naging ikot ng fidget spinner, pero mayroon kuwento nito. pa ring mga lihim na nakatago sa Sadyang nagpatuloy ang pag-ikot kaniyang anino… nito sa kaniyang walang katapusang Nagsimulang siklo, nagsulputan at lumubo ang umikot ang laruan demand nito sa mga merkado na nagsilbing pati ang mundo ng internet DEBUHO NI KAREN SALANGSANG kagamitang ay ‘di pinalampasan tulad pangmedikasyon ng nangyari sa Amazon na rin sa isang - isang kilalang online Amerikanang shop, naibebenta may nito ang mga fidget myasthenia spinner sa halagang $ gravis - isang 2.49 hanggang $ 1000 karamdaman kahit saang lugar kung saan ka man gamit ang ang pananakit internet. ng kasukasuan Hindi titigil sa pagay dulot ng ikot ang fidget spinner paggalaw. Sa dulot ng mga magagandang kadahilanang gusto epektong katuwang na niyang makalaro’t niya para sa atin. Ayon sa Live mapasaya ang kaniyang anak nang Science at Dr. Megahan Walls, isang hindi sumusumpong ang kaniyang pediatric psychologist, kabilang karamdaman, nabuo ang “Ina ng dito ang panggagamot sa ADHD mga Fidget Spinner”, at sa panahong karamdamang hirap sa pagkuha ng

atensyon at ‘di makontrol ang mga agresibong pang-uugali, autism karamdamang hirap sa pakikipag-usap at pakikipagkapuwa, at nakatutulong din sa pagtrato ng pagkabalisa. Kaya tinawag itong “miracle toy”. Hindi ito papaawat sa pag-ikot dahil sa patuloy na pagtangkilik ng mga tao rito para gawing kasiyahan at pamalit sa mga ‘di-mabuting kaugalian katulad ng pagbababad sa social media, walang sawang paglalaro ng online games at marami pang iba. Habang patuloy ang kaniyang mapagbagong siklo, tila bang mayroon itong pawang talim, ayon sa mga ulat ng Buzzfeed at Cable News Network (CNN), may kaso sa Estados Unidos ng isang batang nakalunok ng maliliit na parte ng naturang laruan, at may kaso ring napabalita sa Australia na nagkaroon ng eye injury ang isang babae dulot din nito. Maliban sa kaniyang matalim na kapahamakan, may nakatagong anino na nagbabadya ng destruksyon.

DEBUHO NI OMARSAM BATAC

naiintindihan, at ang Merriam-Webster Dictionary naman ay nakatutulong din sa paghahanap ng depenisyon ng bawat salitang hindi maintindihan. Gaano man kahirap ang Science at Mathematics, may mga solusyong mahahanap…

NI LOUIE M. GOPEZ KINUMPIRMA NG PAMUNUAN ng La Verdad Christian College Library na sa susunod na taon na ilulunsad ang bagong library system o ang Koha ‘Integrated Library System’ (ILS), ang kaunaunahang free open source ILS Software sa bansa para sa mga public, school, academic, at special libraries. Ang nasabing software, sa pakikipagtulungan ng National Library of the Philippines (NLP), ay makatutulong nang malaki sa hangaring masuportahan at mapalawak pa ang libreng serbisyo hindi lamang sa mga estudyanteng scholars kundi maging sa iba pang library users. Ayon kay Gilbert E. Fruel, LVCC Head librarian, ang ILS Software ay makapagpapayaman ng reading habits ng mga batang henerasyon at pati ng valued library visitors. “With our library’s mission, we believe that through reading, all people are entitled to the knowledge and information resources necessary to contribute to a more equitable world – especially to the upcoming generations,” ani Fruel. Dagdag pa rito, ang LVCC Library Officials ay dumalo sa Libreng 3-day Comprehensive Koha Training and Installation na pinangunahan naman ng NLP at ginanap sa IT Division, Data Center, Ermita, Manila noong November 27-29, 2017.

OPINYON 5

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

Kaya binansagan din ‘to bilang “Annoying Spinny Thing” ng isang guro sa Kansas, Spain na si Amanda Dickey na nagpost sa Twitter na binigyang hashtag na #fidgetspinner at #teacherprob. Ipinagbawal na din ito sa mga paaralan sa Florida, Chicago, Illonois, Brooklyn, New York, Manchester ng England at maging sa aming paaralang LVCS ng Pampanga ay ‘di rin pinalampas. Gayumpaman nanatili at mananatili pa rin ang kaniyang mapagbagong siklo sa kabila ng negatibong iginigiit sa kaniya dahil sa kaniyang matibay na paninindigan na makatulong ito sa pamumuhay nating mga tao. Nasa ating kamay pa rin kung ano ang maidudulot nito sa atin. Nararapat itong gamitin sa tamang lugar, tamang oras, at sitwasyon. Kaya mapa-hanggang ngayon nananatili’t mananatiling-mananatili ang pag-ikot nito sa kaniyang walang katapusang “Siklo ng Pagbabago”.

EDITORYAL

Inklusibo NAKATUTUWANG ISIPIN NA SA KABILA NG SANDAMAKMAK na problema ng Pilipinas sa diskriminasyon tungkol sa kasarian, edad, nasyonalismo at relihiyon, may institusyong patuloy na nagpapakita ng tunay na kahalagahan at pagrespeto sa pagkakaibaiba ng bawat tao sa mundo. Mula sa salitang espanyol na nangangahulugang ‘katotohanan’, nagsisilbi ang paaralan na ito bilang isang ilaw sa mga mag-aaral na nawawalan na ng pag-asang makatuntong pa sa paaralan dahil sa kahirapan. Kaya naman, kilala ang paaralan ng La Verdad Christian School (LVCS) sa pagbibigay ng libre at de kalidad na edukasyon sa kwalipikadong mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na lumaki sa magkakaibang paniniwala at kultura. Ngunit, ang tunay na nakamamangha sa paaralang ito ay ang pagtanggap ng buong puso sa bawat mag-aaral na mayroon sila taliwas man ang mga paniniwalang mayroon ito. Sa kabila ng pagiging Christian School ng paaralan, bukas pa rin ang pintuan nito sa mga mag-aaral na may ibang pinaniniwalaan partikular na ang mga Muslim. Sa katunayan, humigit-kumulang 20 mag-aaral na Muslim ang kasalukuyang inaakomoda ng paaralan, isang patunay na hindi nagtatangi-tangi ang pamunuan ng paaralan sa mga paniniwalang naririto. Isa pa, marami sa mga mag-aaral na nasa naturang paaralan ay hindi nagmula sa Pampanga o sa mga karatig-bayan lamang nito, mayroong estimadong 120 na mag-aaral ang nanggaling pa sa Norte at Timog Luzon, Visayas at maging sa Mindanao na pilit na bumabiyahe at makipagsapalaran dito para lamang makapag-aral sa La Verdad. Sadyang ang makapag-aral sa paaralang ito ay isang napakalaking pribilehiyo sa bawat mag-aaral, bukod din sa bukas nitong pinto sa pagkakaiba iba ay mayroon din itong hindi matatawarang mga batas na ang tanging layunin ay maturuan ng magandang asal, pagiging responsableng mamamayan at pagkatakot sa Dios ang mga mag-aaral kaalinsabay ng de kalidad na edukasyong ipinagkakaloob nito. Hindi natin maitatanggi na sa kabila ng libreng edukasyon na binibigay ng paaralan ay marami ang natatakot na tumuloy at mag-aral dito dahil na rin sa mga mahihigpit na polisiya nito. Pero, kung susuriing mabuti ang pagpapatupad ng mga batas na ito ay ang siyang mas lalong nagpapakilala sa La Verdad bilang isang institusyong lumilinang at humahasa sa mga kabataang may sapat na kaalaman, may takot sa Dios at may disiplina sa sarili. Sa huli, ang pagtatayo ng paaralan ng LVCS ay isang malaking opurtunidad para sa bawat kabataan gayundin sa buong Pilipinas sapagkat ang institusyong tulad nito ang nagiging tulay para magkaroon ang ating bansa ng mga produktibong kabataang maghahatid sa atin ng pagbabago. Isang institusyong para sa lahat, walang pinagtatangi-tangi, nakasentro sa salita ng Dios at sa mabuting paggawa.

"Nararapat na maging sigurado tayo sa mga bagay na ating pagpapasyahan dahil dito nakasalalay ang pwedeng kahitnan ng ating buhay" PAGPILI NG KURSO SA KOLEHIYO ang isa sa mga pinakamahihirap na desisyon na ginagawa ng isang estudyante sa kanyang huling taon sa sekondarya. At sa ngayon, bilang isang estudyante ng Grade 12, ramdam ko na ang kakaibang pakiramdam ng matinding paghihirap sa pagsubok na ito. Labindalawang taon kong ginugol ang aking sarili sa paaralan upang matutunan ko ang mga bagay-bagay na kakailangan ko sa hinaharap.

Mga bagay na pwedeng bumago sa aking magiging kinabukasan. Dahil dito, hindi ko maitatanggi na ang pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay estudyante ko ay ang pagpili ng aking tatahaking kurso sa kolehiyo. Maraming dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso. Minsan ay hindi sapat na dahilan ang pagkagusto mo lamang sa isang bagay para masiguro mo na iyon na ang gusto mong gawin sa iyong mga natitira pang panahon. Marami akong napagtanungan na dumating rin sa ganitong punto ng kanilang buhay, ilan ang nagsabi na nagkamali sila sa kanilang mga naging desisyon at mayroon rin namang ilan na pilit pinaninindigan ang mga kursong pinili nilang tahakin. Ngunit, ilan rin sa kanila ang nakapagsabi na ang buhay sa kolehiyo ay malayong malayo sa ilang taon nating ginugol sa sekondarya. Malayo sa mga kalokohan na pwedeng gawin. Malayo

pagkakalat ng mga pekeng salitang hindi angkop na SA PANAHON NATIN balita. ibahagi sa madla. ngayon na halos Sa mga ganitong Ngunit, ang mas teknolohiya na ang sitwasyon, hindi na nakakalungkot pa sa nagpapagalaw sa mundo, natin alam kung ano ba kasalukuyan ay bukod sa unti-unti kong nakikita talaga ang totoo at hindi. mga walang kabuluhang ang dahan-dahang Nahihirapan na rin tayong mga balita na nababasa pagkabulag ng lipunan alamin kung sino ba ang o nakikita natin sa sa mga bagay na wala nagsisinungaling at hindi. Internet ay may mga namang mabuting Pero isang bagay naidudulot. ang itinuturo ng Tuwing "Dahil ang tunay "fake news" sa atin, bubuksan ko nating kalamangan na dapat ay maging ang aking sa ibang tao ay ang mabusisi tayo sa "facebook kaalaman natin ating mga nakikita account," sa kung ano bang at nababasa "online." nakakalungkot Ako, bilang lamang na tama at mali sa mga isang kabataang makita ang nangyayari sa ating mamamahayag, ilang mga paligid" ay naniniwala na "netizens" na KATE PAULYNE TAYCO hindi dapat tayo nagpapalitan ng mga maaanghang na salita umuusbong na rin na mga nagpapabulag sa ating mga nakikita sa mga social pekeng impormasyon na sa mga balitang nababasa kapahamakan lamang ang "networking websites." nila. Mayroon ding Mas mainam pa rin na dala sa nakararami. mangtutuligsa ng mga alamin muna natin ang Mismong ako ay ayaw nilang personalidad nakabasa ng isang pekeng mga tunay na kwento sa at "magpopost" pa ng likod ng mga nakaposte anunsiyo na nagsasabing kung ano-anong walang sa ating mga facebook wala umanong pasok sa kabuluhan sa kanilang account bago tayo ilang mga probinsiya, mga ‘timeline’. Mayroon gayung halos hindi naman magpahayag ng ating mga ding iba pa na kahit ‘free saloobin upang maiwasan data’ na lamang ang gamit madadaanan ng bagyo ang mas malala pang ang mga ito. Mayroon pa at tanging mga pamagat nga na ilan sa mga opisyal problema. lang ng mga artikulo ang Nakakapanlumo ng pamahalaan ang nababasa ay sige pa rin lamang isipin na sa kabila nagaaway-away dahil sa sa pagkomento ng mga

MAHIGIT ANIM NA taon na ang nakalilipas nang unang ipatupad ang Enhance Basic Education Act o K-12 curriculum sa bansa na layuning gawing 12 taon ang basikong edukasyon sa Pilipinas bago tumungtong sa kolehiyo. Ngunit, sa darating lamang na Marso 2018 ay magtatapos na ang unang pangkat ng mga mag-aaral na sumailalim sa batas, pangunahing senyales na tagumpay ang nasabing pagbabago sa kurikulum ng edukasyon. Nang unang ihain ang K-12 sa senado ay marami agad ang tumuligsa rito. Nangunguna na sa mga ito ay ang mga magulang. Ayon sa kanila, pahirap lamang ang pagdagdag ng dalawang taon sa sekondarya sa kanilang mga anak maging na rin sa kanila mismo. Panibagong gastusin nanaman umano ito na lalong maglulugmok sa mga Pilipino sa kahirapan. Dahil dito, napagdesisyunan ng pamahalaan na magbigay ng subsidiya sa pag-aaral ng mga kabataang unang

ng mga adbantaheng hatid ng mga tekonolohiya sa mga tao ay tila nagiging mangmang naman tayo sa kung ano ang totoo at dapat nating i-aksiyon. Madali na tayong nagpapadala sa ating mga damdamin na kung minsan ay hindi na natin ginagamit ang ating isip sa ating mga ginagawa. Nararapat na bago tayo maniwala o di kaya’y magpahayag sa mga nababasa nating artikulo ay inaalam muna natin ang mga tunay na eksena sa kwento ng mga ito. Hindi dapat tayo basta lamang nagpapadala sa mga opinyon ng iba. Hindi dapat tayo nagpapatianod sa kung ano lamang ang ating nakikita. Mas nakabubuti kung tayo mismo ay may kusa na alamin ang katotohanan sa bawat artikulong nababasa natin, dahil ang tunay nating kalamangan sa ibang tao ay ang kaalaman natin sa kung ano bang tama at mali sa mga nangyayari sa ating paligid.

pagkakaroon ng K-12 task’ o ang aktibo nilang tumapak sa Senior High curriculum, masasabi partisipasyon sa klase. School. Naglaan ng ilang naman ng marami Subalit, ang lubos na milyong piso ang gobyerno nagpahirap sa lahat ay ang na tagumpay ang upang makapagbigay pagpapatupad ng K-12 kawalan ng mga sapat na ng ‘voucher’ sa mga dahil magmamartsa na sa kagamitan sa pagtuturo at estudyante partikular na darating na Marso 2018 sa pag-aaral. sa mga mag-aaral mula ang unang pulutong nito. Sa mga unang taon sa mga pampublikong Bukod sa paaralan. nagbigay-diin ang Ngunit bagong kurikulum sa kabila ng "Bagaman naging sa mga praktikal ‘voucher system’ mahirap ito para na kaalaman ng na ipinagkaloob sa lahat, masasabi mga mag-aaral na ng Kagawaran naman ng marami magagamit nila sa ng Edukasyon mga totoong senaryo (DepEd) sa mga na tagumpay ang ng buhay nabigyan mag-aaral, lubos pagpapatupad ng rin sila ng tsansa na pa ring nahirapan K-12" sumailalim rin sa ang mga magulang, ARNEL ATCHICO TUMBALI "work immersion" o estudyante pati katumbas ng "on-thena rin ang mga job training" sa kolehiyo. ng batas ay nagtitiyaga institusyon sa naging Sa kasalukuyan, ang mga estudyante na implementasyon ng kumopya ng sandamakmak estimadong limang buwan naturang batas. na lamang ang nalalabi na aralin sa mga pisara Una na nga sa mga para sa mga mag-aaral ng dahil sa kawalan ng libro. naging problema ay ang ika-12 baitang bago sila kakulangan sa mga pantas- Dumating man ang mga makapagtapos. Sa wakas libro ay mababa naman aral ng mga mag-aaral at ay matutunghayan na ang mga kalidad nito na magulang sa kung ano ba bahagya ring hindi nagamit rin ng sambayanan kung talaga ang K-12. paano malalagpasan ng ng unang pangkat ng Ikalawa, naging mag mag-aaral na ito ang programa dahil sa madali kapani-panibago para sa eksperimentong edukasyon itong kainin ng anay. mga mag-aaral ang naging na kanilang pinasukan at Bagaman nahirapan paraan ng mga guro sa kung paano sila magiging ang mga estudyante, pagtuturo gayong ginawa kayamanan at pag-asa ng magulang maging na na ring pangunahing ating bayan. rin ang mga paaralan basehan ng kanilang at pamahalaan sa grado ang ‘performance

sa mga kampanteng pakiramdam sa mga pagsusulit. Dahil hindi tulad sa sekondarya, matindi ang kailangang determinasyon at dedikasyon pagdating sa kolehiyo bago mo maisuot ang itim na toga, makahawak ng diploma at tuluyang makapagmartsa. Bilang mag-aaral sa ika-12 baitang, nararapat na maging sigurado tayo sa mga bagay na ating pagpapasyahan dahil dito nakasalalay ang maaaring kahinatnan ng ating buhay. Sa isang pagkakamali lamang, marami tayong ang puwedeng masayang. Siguraduhin dapat natin na makakaya nating panindigan ang landas na ating tutunguhin. Hindi dahil sa mga impluwensya lamang ng iba. Hindi dahil "challenging" lang ito. Hindi dahil idinikta ito ng iyong magulang o ninuman. Hindi dahil sa walang pera o kahirapan. Kung hindi, dahil dito mo nakikita ang iyong sarili at ito ang alam mong landas na nakalaan para sa iyo.

Punong Patnugot Kate Paulyne B. Tayco Pangalawang Patnugot Arnel Atchico Tumbali Tagapamahala Marifie Patiu / Jervey Charles Dungo Editor ng Balita Vivialyn Yumul Editor ng Lathalain Jhan Hyacinth Tan Editor ng Agham Jeryco Quimno / Carl Jensen Sawal Editor ng Isports Raymond Joseph Mandap Debuhista Omarsam Batac / Zirian Judea Ramos / Karen Salangsang Tagakuha ng Larawan Jereza Salvosa / Yasmeena Batac / Jenzon Lelina / Roy Daniel Gaspar Taga-anyo ng Pahina at Grapiks Arnel Atchico Tumbali Mga Manunulat Jaime Relao Jr. / Mark Vincent Carreon / Richard Mercado / Ivy Manag / Martin Agustin / Hazel Fernandez / Joezel John Lumba / Mark John Roy Viray / Ryan Real Canezo / Christian Colili / Kyla Cunanan Mga Nag-ambag Louie Gopez / Joel Regino / Lyner Dayrit Tagapayo Bb. Arleen Carmona / Bb. Ammi Pineda / G. Ruperto Orbon Jr. Punong-Guro Dr. Luzviminda E. Cruz


6 OPINYON

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw WORK IMMERSION

MALAKING TULONG HINDI lamang sa mag-aaral kung hindi maging sa mga magulang ang pagsasabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education act kung saan naglalayon ito na mabigyan ng libreng pag-aaral ang mga estudyante sa mga state CARL JENSEN SAWAL universities at colleges sa bansa. Resulta nito, maraming mga kabataan ang mas nagkaroon ng pag-asa na sila ay makakatungtong sa kolehiyo sa darating na 2018. Ayon sa mga sarbey, isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas ay ang hindi matapos-tapos na kahirapan ng mga Pilipino, kung kaya maraming kabataan ang hindi nakakapagtapos ng kolehiyo o kalimitan ay hindi man lang nagagawang maka-apak dito dahil sa mga pinansyal na pangangailan. Idagdag pa sa problemang ito ang paglalagay ng dagdag na dalawang taon sa sekondarya noong 2013 na kilala sa tawag na K+12 curriculum na tinutulan ng marami dahil isa lamang umano itong dagdag gastos sa pamilyang pinoy. Kaya naman hindi maikakaila na magiging malaking tulong ang pagpapatupad ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa bansa hindi lamang sa mga magulang na nagpapaaral sa kanilang mga anak kung hindi ay maging sa mga "self-supporting" na mga estudyante rin. Ayon sa Commission on Budget, tinatayang aabot sa P16 bilyon ang kakailanganin sa unang taon pa lamang ng pagpapatupad ng batas at posibleng mas madagdagan pa ayon sa bilang ng mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo sa susunod na taon. Bagamat nauna nang sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno

MARAMING NAGTATANONG AT maraming naghihintay ng sagot, overpopulated na ba ang La Verdad? Hindi na lingid sa ating kaalaman bilang La Verdarians ang paglobo ng populasyon ng mga mag-aaral simula ng magkaroon ng Senior High School ang ating paaralan. Kaya marami ang nagsasabi na ang La Verdad daw ay overpopulated na, pero ano nga ba? Nagsimula akong tumungtong sa La Verdad Christian School (LVCS) noong

"Isang malaking papuri sa paaralan ang patuloy na pagdami nating mag-aaral at walang masama dito" ako ay nasa Grade 5. Sa totoo lang, talagang kaunti lamang kami noon. Hindi umaabot sa mahigit 20 ang isang seksyon na kung ikukumpara natin sa ngayon ay may nasa 40 at 50 na ang bilang sa isang klasrum. Ayon kay Albert Soriano, head registrar ng paaralan, pumapalo sa 1,882 ang kasalukuyang bilang ng mga mag-aaral sa LVCS mula sa pre-school hanggang Grade 12. Hindi ito biro at talaga namang masasabi nating ang laking paaralan na pala ng LVCS na noon ay mumunti lamang. Ngunit hindi maikokonsidera na "overpopulated" ang paaralan dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga mag-aaral. Ika nga nila “The more, the merrier” na talaga namang pinapatunayan dito sa LVCS. Mga bagong kaibigan, bagong kabiruan, at bagong

na mahihirapan silang humanap ng pondo para sa pagpapasakatuparan ng batas na ito ay hindi pa rin nahadlangan ang layunin ng pamahalaan na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan sa bansa higit na ang mga mahihirap na kabataang Pilipino na kung tutuusin ay may mga potensiyal sa iba’t ibang larangan ngunit hindi lamang nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Ngunit kung ating susuriin, maliit na halaga lamang ang perang ito kapalit ang hindi matatawarang karunungan na makukuha ng mga kabataan kung sila ay makakatungtong sa paaralan Totoo mang hindi birong halaga ang kakailangan sa pagpapatupad ng ganitong aksiyon ng gobyerno, isipin na lamang natin ang mga positibong maidudulot ng pagpapanukala ng batas na ito sa hinaharap. Hindi isang biro ang pagkakaroon ng ganitong batas sa bansa gayon pa man, isa itong pribelihiyo para sa mga kabataan upang makapag-aral nang mabuti. Maaaring magsilbi ang pagkakapasa ng batas na ito bilang hakbangin na maghahatid sa Pilipinas at sa mga Pilipino sa mas maayos at mas maginhawang buhay.

HINDI MAKAKAILA na lahat ng mga tao ay mayroong kinukubling takot, “phobia” kumbaga. May mga taong takot sa matataas na lugar, may mga takot sa madilim at may mga takot rin sa iba’t ibang klase ng hayop. Isama na rin ang takot sa pagbabago, takot na sumubok at takot sumugal. Pero sa totoo lang hindi naman tayo takot sa matatas na lugar kundi takot tayong mahulog. Hindi tayo takot sumubok at sumugal kundi takot tayong mabigo. Kaya karamihan sa atin ay binabalot ng takot, pinangungunahan ng takot at nabubulag ng takot dahil wala tayong sapat na lakas ng loob upang lumabas sa ating sari-sariling lungga. Hindi bukas ang ating mga isip sa mga gantong bagay. Ito ang isinusulong ng administrasyon ng La

DEBUHO NI JERVEY CHARLES DUNGO

kapatiran. Sa madaling salita, isang bagong malaki at masayang pamilya para sa mga La Verdarian. Marahil ay nagkakaroon ng mga problema katulad na lamang ng masikip na hallway, masikip na kantina, maingay na library at maraming nagtatakbuhang mga maliliit na batang maaari mong mabangga. Pero, hindi mababago ng mga suliranin na iyon ang katotohanang sa institusyong ating kinabibilangan, ang bawat isa ay itinuturing nating kapatid. “Hindi naman tayo overpopulated, sa katunayan tama lang ang bilang ng ating mga estudyante. Kasi kung titingnan natin yung guidelines ng DepEd, 60 o kaya nasa mahigit 75 na estudyante per section ang maikokonsider na overpopulated, e tayo may mga nasa humigit kumulang 40 lang naman per room kahit sa Senior High,” ani Soriano. “Sa katunayan, dahil lumalaki tayo nagbabalak na kami na magpatayo ng additional buildings. At saka mas maganda nga na mas dumami pa kasi ibig sabihin non mas marami yung gustong mag-aral sa La Verdad dahil sa quality of education and because of the discipline we have here” dagdag pa niya na nakapagpangiti sa akin. Tama siya, isang malaking papuri sa paaralan ang patuloy na pagdami nating mga magaaral at walang masama rito. Kaya sa mga patuloy na nag-uusisa kung ang La Verdad ba ay overpopulated na, malinaw ang sagot. Hindi. Siguro nga patuloy lamang lumalaki ang pamilyang ating kinabibilangan. Patuloy lamang dumarami ang ating mga nagiging kaibigan. Pero ang katotohanan, mas masaya na ganito tayo karami kaysa walang laman ang ating paaralan.

Verdad Christian School (LVCS) na pumili ang kanilang mga Grade 12 students ng nais nilang

maging sa hinaharap. Isinama naman ng administrasyon ng LVCS ang “Work Immersion” o OJT bilang asignatura ng mga Grade 12 sa kanilang pangalawang semestre dahil ito ay nasa kurikulum ng Department of Education (DepEd) at nais din ng administrasyon ng LVCS na ang mga mag-aaral ay makapili ng larangan na

nais nilang tahakin. Layunin din nitong magbigay karanasan sa mga estudyante at palawigin ang kanilang kakayahan sa gustong larangan. Magandang oportunidad ito para sa mga nasa baitang 12 dahil malaya din silang pumili ng kumpanya na nais nilang pasukan. Isa na’ko sa kanila. Aminado ako na nagdalawang isip ako sa pagtuloy ko ng "Work Immersion" sa Angeles Pampanga, kung saan ang napili kong pasukan. Sumagi sa isip ko ang mga tanong na “Kakayanin ko bang kumuha ng ganitong klase ng Work immersion?”, “Kaya ko bang gumising ng napakaaga?”, “Kaya ko bang bumyahe ng malayo?”. Pero para sa akin walang distansya ang makapipigil kung ang determinasyon

mo ay nag-aalab. Malayo? Oo pero kakayanin ko para sa kinabukasan, dahil naniniwala ako na sa paglayo ko, mahahasa ako at magkakaroon ng mga bagong kaalaman at karanasan sa buhay. Lalo akong matututo sa larangan na aking nais tahakin. Naniniwala ako na mas malayo ang mararating ng isang tao kung hindi siya maduduwag na harapin ang kanyang kinakatakutan. Bilang estudyante, marami pa tayong mapagdadaanan, marami pa tayong takot na lalabanan, malayo pa ang distansiya na ating lalakbayin pero huwag tayong matakot sumugal at sumubok. Huwag tayong matakot magkamali at madapa dahil doon tayo natututo.

LIHAM PARA SA PATNUGOT “DON’T SETTLE FOR LESS, settle for more.” Ipinahayag ni Albert Soriano, College Registrar at Senior High School (SHS) Coordinator sa ginanap na “Orientation on Voucher Program and Work Immersion” noong ika-27 ng Oktubre, 2017 sa Multi-Purpose Hall (MPH) para sa mga Grade 11 at 12, dahil sa dekalidad at dekalibre ang edukasyong hatid ng La Verdad Christian School (LVCS) sapagkat sinisigurado nila na ang bawat magaaral ay siksik sa kaalaman at hitik sa mabuting asal. Isang katotohanang maituturing na hindi ganoon kadali o kahirap mag-aral sa institusyon na ito dahil kaliwa’t kanan ang mga proyekto at pagsusulit mula sa iba’t ibang asignatura lalo na tuwing papalapit na ang midterm at final examination. Tunay ngang nakakapanibago ang ganitong set up dahil natututong maging "multi-tasking" ang mga estudyante dulot ng sandamakmak na mga gawain na kailangang maipasa sa itinakdang araw ng "deadline" nito. Bilang isang bagong magaaral dito, masasabi kong isang malaking hamon ang araw-araw na pananatili rito sapagkat paniguradong masusubok ang katatagan at determinasyon naming mga estudyante kaya’t hindi na bago sa pandinig kung mauulinigan ang mga linyang “Ayaw ko na” at “Suko na ako.” Sa kabila ng mga hinaing na ito, sumasang-ayon ako sa tinuran ni Soriano na “Mas mabuti nang mahirapan kaysa walang natutunan,” maaaring nakararanas ang bawat isa ng pagdarahop sa kasalukuyan, ito’y natural lamang sapagkat bahagi ito ng pag-aaral, kapalit naman nito ang magandang kinabukasan sa hinaharap at ang dunong na kailanman ay hindi maaangkin ng sinoman at magsisilbing kayamanan ng isang indibidwal. Tila isang dekalidad na produkto ang sistema ng edukasyon sa LVCS na ginagamitan ng mga magagandang materyales para sa isang maipagmamalaking produkto — La Verdarians. Pantay din itong maituturing na masasalamin sa walang kinikilingang serbisyo kung saan ipinagkakaloob talaga nila kung ano ang nararapat maging sa pagbibigay ng mga grado ng mga guro sa mga estudyante dahil mayroon silang batayan sa bawat numerong kanilang kinakalkula at walang pinaiiral na “favoritism” o “biased treatment.”

Hindi lamang hinuhubog ng paaralang ito ang mga mag-aaral sa pang-akademikong larangan kundi pati na rin sa wastong pagpapakatao kung saan hindi lamang puro kaalaman sa mga disiplina ang kanilang itinuturo, kasama rin sa kanilang kurikulum ang asignaturang Christian Living o CL na tumatalakay sa Biblia at sa mga salita ng Dios kaya’t nagiging maalam din kami sa pagdating sa mga usapin sa ating Poong Maykapal. “Dekalidad at pantay ang edukasyon para sa ating mga La Verdarian dahil hindi nila pinapayagan ang kahit na sinomang mag-aaral na makapagtapos sa La Verdad nang walang alam. At hindi lang sila humuhubog ng isang matalinong estudyante kundi ng isang estudyante na matalino at may takot pa sa Dios,” wika ni Charlene Jane Quiambao, magaaral mula sa 11 ABM-B. Nakaalinsunod ito sa kanilang misyon na “To be the frontrunner in providing academic excellence and morally upright principles” at bisyon na “ The institution that ensure quality learning and biblical moral standards,” hindi maipagkakailang tinutupad nila ang mga nakasaad dito kaya’t nakalilikha sila ng mga produktong maipagmamalaki hindi lamang sa sariling bayan kundi maging sa mga ibayong bansa. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit naiuuwi ng La Verdad ang maraming karangalan at tinatanghal na kampeon sa kabikabilang mga prestihiyosong patimapalak, paligsahan o kumpetisyon sa larangan ng akademiko, diyornalismo at isports. Patuloy itong pinagpapala at ginagabayan ng Dios sapagkat malapit ang mga manggagawa, estudyante, guro, tagapamahala at tagapagtatag sa kaniya na siyang pinag-aalayan ng lahat ng kapurihang kanilang natatamasa. Sa kabuuan, isang pribilehiyo at tagumpay na maituturing ang mabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa La Verdad dahil sa mga mabubuti nitong adhikain sa bawat estudyante na maging matalino, mapagkumbaba kahit tinitingala, may disiplina at malaki ang takot sa Dios. Marapat lamang na ipagpatuloy ang pagkakaloob ng dekalidad at pantay na edukasyon para sa mga La Verdarian sapagkat napakarami nitong dulot na benepisyo at huwaran ang mga layunin niyo para sa lahat— Katotohanan.

MAHAL NAMING PATNUGOT,

Magandang buhay para sa patnugutan ng Tanglaw. Ako po ay sumulat upang magbigay ng aking paunang kaalaman at personal na pahayag sa isang isyu na pakiramdam ko ay dapat na mabigyan ng solusyon sa ating bansa. Gusto ko rin po sana na maka-agaw ito ng pansin para mas mabilis ang magiging aksiyon para rito. Bata pa lamang po ako ay nais ko nang maging isang guro. Isang propesyon na sa tingin ko ay dapat na nakatatanggap ng sapat na pagpapahalaga at respeto. Pero sa kasalukuyan po na ginagawa o pagtrato sa mga guro sa ating bansa, tila nababagabag ako kung itutuloy ko pa ang nauna kong desisyon. Sa ginawa ko pong pananaliksik, napakaliit lamang ng sahod na natatanggap ng isang guro sa isang pampublikong paaralan kapalit nang maghapon nilang pagtuturo na kung ikukumpara sa sahod ng ibang mga empleyado ay napakababa. Bukod pa sa mababang pasahod ay kulang rin sa mga batas na nagproprotekta sa mga guro. Minsan ko pang naiisip na paano nila matuturuan ng magandang asal ang isang estudyante kung hindi naman sila bibigyan ng karapatan na madisiplina ang mga ito? Bilang isang estudyanteng nangangarap na maging isang guro, nais ko na bigyan po sana ito ng aksiyon ng ating pamahalaan. Nakikita ko po kasi na kung magtatagal pa ang ganitong pagtrato sa mga kaguruan sa bansa, sino na lang sa aming mga bagong henerasyon ang magnanais pang pumasok sa ganitong propesyon? Ayaw ko pong dumating ang panahon na wala nang mga guro na magtuturo sa mag-aaral dahil na rin sa kakulangan ng respeto at pagpapahalaga sa kanila. Gusto ko sana na ang liham ko pong ito ay magsilbing pangmulat ng mata sa ating pamahalaan sa isang problemang hindi nila nabibigyang pansin. Muli po ay magandang buhay sa inyong patnugutan at kudos po para sa inyong lahat. Maraming Salamat po. Lubos na Gumagalang, Michaela Enclona 12 HUMSS A

AGHAM AT TEKNOLOHIYA 15

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

Headache, numero unong iniinda ng La Verdarians KARANIWANG SAKIT NG LA VERDARIAN DEBUHO NI JERVEY CHARLES DUNGO

NI VIVIALYN YUMUL, 12-STEM-A

ipinapagawa sa amin mula sa taas” Ani pa ni Manlapaz. Iginiit pa niya na bago ipagbawal PANANDALIANG PINAHINTO ang paggamit ng Dengvaxia ay ng pamahalaan ng Apalit ang nakapagbakuna na sila sa ilang mga pagtuturok ng bakuna kontra sa bata sa iba ibang eskwelahan sa Dengue o ang Dengvaxia matapos bayan ng Apalit partikular na sa ilang malaman ang masamang epekto nito mga mag-aaral ng ika-4 na baitang. sa kalusugan ng mga mamamayan “Kami yung nahirapan nong kung sila ay hindi pa nagkakaroon ng lumabas yung balita na may naturang sakit. masamang epekto yung Dengvaxia, Ayon kay Vilma Manlapaz, Public siyempre susugurin kami ng mga Health Nurse ng Apalit, bagaman magulang nong mga bata” wika pa ni umaabot na sa 154 na kaso ng dengue Manlapaz. ang naitala sa naturang bayan, Sa kasalukuyan, suspendido pa nagdesisyon pa rin ang gobyerno na rin ang paggamit ng Dengvaxia hindi itigil ang pababakuna upang mas na lamang sa bayan ng Apalit kung masigurado ang kaligtasan ng mga hindi ay maging sa buong Pilipinas residente roon. alinsunod na rin sa utos ni Pangulong “Sumusunod lang kami sa mga Duterte.

KUHA NI JENZON LELINA AT GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

NI JERYCO QUIMNO, 11-STEM-A

ang mga banyo para ang scarcity sa tubig ay matugunan.” Kahit na ganito ang naging panukala ay SA UMPISA AY PAGPIPIGIL, mas pinipili ng mga estudyante na paghihirap naman sa huli… magpigil na lang ng ihi hanggang “Hindi ko na kaya!” sa dumating ang oras ng break para Patuloy na pinipigilan, hindi makapunta sa banyo. alam ang pupuntahan, palagi na Pagpipigil ang solusyon lang naliligaw, at hindi alam ang ng karamihan para walang tamang pintuang bubuksan. makaligtaang aralin sa loob ng Nasaan nga ba ang tamang CR klase, sa mga mangilan-ngilang ng mga La Verdarian? pagkakataong pagpipigil ay wala Marami na sa estudyante ng pa ring makukuhang masamang La Verdad Christian School ang epekto sa katawan pero kung kinikiliti ng receptors nila sa nagiging madalas na ito ay hindi na bladder o pantog pero hindi pa maganda sa sistema ng katawan. rin mahagilap ang tamang CR na Maaaring magkaroon ng pupuntahan para maibsan ang Urinary Tract Infection (UTI) ang kanilang call of nature. isang taong madalas magpigil Ang pantog ng tao ay kayang ng kaniyang pag-ihi. Dahil dito humawak ng hanggang kalahating nagiging expose ang tao sa mga litro ng ihi. Ngunit kahit gaano tayo bakterya na nagiging dahilan kilitiin ng receptors at sabihin sa ng lalong pagtaas ng tyansa utak na kailangan nating umihi, na magkaroon ng naturang pinipili parin natin itong pigilan karamdaman. Sa patuloy na dahil ‘di natin alam kung saan ang paggawa ng bagay na ito ay banyong pupuntahan o ‘di kaya pinapahina nito ang pantog na ay sobrang layo na ng susunod na nagreresulta sa urinary retention, banyo. ito ay kondisyon kung saan hindi na Sa pagkasira ng imbakan ng maaaring maubos ng tuluyan ang tubig sa paaralan, nakaisip ng ihi sa pantog. magandang solusyon ang pamunuan Laging tatandaan na ang ihi ay para ito ay masolusyunan. Ayon inilalabas at hindi pinipigilan. Ang kay Noriel Mangasil, ang teacher hindi pagdaloy nito ay makasasama coordinator,” nagkaroon ng skedyul sa loob ng iyong katawan.

KUHA NI JENZON LELINA

iniindang sakit na karamihan ay babae sa loob ng limang buwan. “ Mas madami yung mga IBA’T IBANG KASO NG SAKIT babaeng pasyente na laging ang naiulat sa mga estudyante nasa clinic dahil sa sakit na kabilang ang mga guro sa nararamdaman nila na halos klinika ng La Verdad Christian mataas ng kalahati kung School (LVCS) mula noong Hunyo ikukumpara sa lalaki,” sambit pa hanggang Oktubre. ni Pardo. Ipinahayag ni Jubille Baguiwa Ipinayo naman nito sa mga Pardo, school nurse ng nasabing nakararanas ng ubo’t sipon, lagnat, institusiyon, isa sa pinaka pananakit ng lalamunan ay herbal karaniwang sakit ay ang pananakit ang pinakasolusyon tulad ng ng ulo kung saan madalas na pag-inom ng ginger tea o salabat, sintomas nito ay ubo’t sipon at lagundi tea at Calamansi juice. kawalan ng tulog at stress. “Pinakamainam na uminom “ Pananakit ng ulo yung o kumain ng mayaman sa Vitamin pinaka-common na sakit madalas C at iwasan ang pagkain ng mga sa puyat nakukuha at sa mga matatamis,” paalala niya pa. gawain sa paaralan,” ani Pardo. Samantala, bukod sa nasabing “Kapag hindi na talaga kaya sakit kabilang din ang nausea, ng mga estudyante pinapainom sugat, pananakit ng ngipin at na namin ng gamot na may myalgia sa mga naitala sa klinika pahintulot ng kanilang magulang,” ng naturang paaralan. aniya pa. Sa kabuuan, tinatayang Ayon sa datos ng klinika, umabot sa 4060 na kaso ng umabot sa 1473 ang bilang ng iba’tibang sakit ang naiulat sa mga pasyenteng naidala dahil sa klinika sa loob ng limang buwan.

ENERHIYA SA PAGTULOG NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A KINAPOS SA TULOG. NAKAKAPANIS

UMPISA AT HULI

NI JAIME RELAO JR., 12-ABM-B

na hininga ng kaklase. Hindi magkaintindihang utak at leksyon. Nakabibinging katahimikan. Iilan lamang ang mga iyan sa mga salik na nagtutulak sa isang estudyante upang makatulog. Subalit, minsan kahit anong gawin mong laban sa antok, matatalo at matatalo ka pa rin. Kaya naman, sa oras mo na lang resbakan.

Power Nap

Iyan ang katawagan sa klase ng pagtulog sa loob ng maikling oras. Ito ay nangyayari bago pa mahimbing sa tinatawag na “deep sleep” o Slow-Wave Sleep (SWS). Ang pagtulog na ito ay nakalaan upang pabalikin ang enerhiyang inagaw ng antok.

Anim na Minuto

Alam mo bang sa anim na minutong pagtulog ay maaari mo ng malabanan ang ilang oras na antok? Tama ka at iyan ay napatunayan sa isang pag-aaral mula sa University of Dusseldorf. Hindi lang iyan, dahil ayon sa pag-aaral na ito, mas lumalakas ang memorya sa pag-alala ng mga bagay kumpara sa normal na tulog.

Sampung Minuto

Sinasabi ng mga siyentista na

ang idlip o “nap” ay maganda para sa mga gawain ng utak sa tuwing ito ay aktibo. Kaya naman, sa isang pagaaral ng Flinders University, sinasabi nito na pinakamainam na haba ng idlip ay sampung minuto sa bawat limang oras ng pagtulog tuwing gabi.

KUHA NI JENZON LELINA

Labinlimang Minuto

Subalit, minsan hindi pa rin sapat ang akala mong nararapat. Dahil diyan, ang “Stimulant Nap” ay nariyan o ang tinatawag ding “Coffee Nap”. Ito ay isang idlip na nadiskubre ng mga Britanong mananaliksik na sina Horne at Reyner. Kung saan, kapag ikaw ay uminom ng isang “caffeinated drink” o kape man lang bago matulog sa loob ng 15 minuto ay kaya mong malabanan ang isang buong araw ng antok. Ito raw ay mas mabisa kaysa sa ibang idlip dahil mas nade-debelop nito ang iyong pagkaalerto matapos matulog at ang iyong pag-iisip.

Apat na pung Minuto

Kung madibdibang walang tulugan ang usapan, may “40-minute nap” diyan. Batay sa pag-aaral ng NASA Ames Fatigue Countermeasures Group, ang matinding pagkapagod at kulang sa pagtulog ay dapat na magkaroon ng 40 minutong idlip o ang tinatawag nilang “NASA Nap”. Kung saan, sa

baba na 22% lamang ang tsansang makapasok sa SWS o makatulog ng tuloy-tuloy at pagkahimbinghimbing. Kung napasuko ka man ng antok at hindi mo na talaga makayanan. Kung kailangan mo ng magising at katutulog mo lang. Huwag kang magalala dahil ang antok na nagtulak sa’yo para matulog ay ang iyong niresbakan. Ilang minute lang ang nakalipas, maaari ka ng manatili hanggang bukas.

Sikreto ng Isang Apaliteno NI JERYCO QUIMNO, 11-STEM-A MAHIRAP PARA SA AKIN NA SABIHIN ANG TOTOO. Ngunit para na rin sa aking ikabubuti, kinailangan kong ipagtapat ang lihim na aking itinatago. Isa ako sa dalawang naitalang kaso ng pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa Apalit, Pampanga. Alam ko na sa oras na malaman ng ibang tao ang aking pinagdadaanan ngayon, marahil hindi nila ito matatanggap. Marami ang taong hindi makakaintindi sa aking kalagayan. Magbabago rin ang tingin nila sa akin. Kaya noong una, mas pinili kong ikubli at sarilihin ang problema. Takot akong pandirihan ng tao. Takot akong makarinig ng mga masasakit na salita. Ngunit wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Nakuha ko na ang virus. Isang virus na unti-unting sinisira at pinapahina ang aking resistensya. Sa oras na hindi ko ito maagapan, mas lalala pa ang sitwasyon at posible akong dapuan ng sakit na Acquired Immune Deficiency Virus (AIDS). Ayoko kong mangyari ang aking kinatatakutan. Pinahihina na nga ako ng HIV, mas nawawalan pa ako ng lakas at pag-asa dahil sa panghuhusga ng mga taong

walang sapat na kaalaman tungkol sa aking kalagayan. Marami na akong nabalitaan na madalas nakararanas ng diskriminasyon ang mga taong nagpositibo sa virus at kung minsan nga, itinatakwil pa sila ng sarili nilang pamilya. Sa halip na suporta ang makuha , puro masasakit na salita ang kanilang natatanggap. Ngunit bakit pa nila kailangang layuan ang mga katulad namin? Oo, nakahahawa nga ito. Batid kong nakukuha ang nasabing virus sa dugo, gatas o sa semilya ng apektadong tao, ngunit bakit nila kailangan kaming iwasan at ituring na parang salot sa lipunan? Masakit sa amin dahil wala pang nakikitang panlaban sa virus at wala pang gamot sa sakit na AIDS. Ang tangi kong hinihiling ay mabigyan kaming mga nabiktma ng HIV ng sapat na tulong ng gobyerno pati na ng aming pamilya. Sa ngayon, patuloy akong nakikibahagi sa mga seminar ng Department of Health (DOH) upang magkaroon ako ng sapat na kaalaman patungkol sa HIV/AIDS. Ang ganitong programa ng pamahalaan ang magiging gabay para sa tulad naming mga HIV carrier . May pag-asa pa. Lalaban at lalaban ako dahil naniniwala akong ang HIV ay isang hamon lamang na dapat lagpasan.


14 AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Basic Life Support Training, inorganisa para sa mga guro

PAUNANG LUNAS. Mga miyembro ng UNTV Rescue Team habang isinagawa kung paano tamang paglalapat ng paunang lunas sa oras ng sakuna. KUHA MULA KAY JOEL REGINO, LVCS

Nang Minsa’y Naramdaman Ang Tumitinding Pintig… NI CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A AKALA KO NAHIHILO LANG ako, Parang kasabay ng pag-ikot ng mundo, Lupang tumataas at bumababa ang galaw, Kasabay ni Inang Kalikasang sumasayaw. Nang ika-11 ng Agosto 2017, bandang alas dos trenta ng

PANGAMBA. Mga batang estudyante na nakaranas ng aktuwal na lindol na mababakas sa kanilang mukha ang takot at pangamba KUHA NI YASMEENA BATAC

hapon, nasa ikatlong palapag kaming magkakaklase… walang pagbabago sa eksenang nakagisnan ko. Mga mata’y nakadilat, seryosong nakatitig, mga tainga’y nakikisabay sa eksena’t nakikinig sa mga paulit-paulit na bukas-sarang bibig, at ang mga pawis na sumasabay sa bawat pintig – sunod-sunod, paulit-ulit, pabalik-balik na eksena sa buhay kong ‘to. Pero sa isang saglit may pangyayaring sumingit. Hindi ko ito inakalang mararanasan.

GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

Hindi inasahan ninoman. Nagsimula sa isang umalingawngaw na tinig, Sumunod ang mga dumadagundong na pintig, Binago’t binasag ang boses ng katahimikan, Pinalitan ang wangis ng aming kaligtasan. Sa isang paggalaw, nabago ang lahat. Sa isang iglap, nabuhayan ang aming mga diwa. Sa patuloy na paggalaw ng lupang inaapakan, mga paa’y sabay sabay na tinahak ang daan pababa kung saan inaasahang masilayan ang wangis ng kaligtasan habang isinasagawa ang itinurong DUCK. COVER. HOLD. Tumila na rin ang boses na dumagundong, Tuluyan nang nawala ang eksenang nakabibiglang sumalubong, Mga bakas ng pangamba sa mga mukha’y nawala na, Sa wakas, kaligtasa’y nariyan na. Salamat sa mga kaliwa’t kanang Earthquake drills, sa mga paghahandang isinagawa sa tulong ng Department of Education (DepEd) at ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) dahil napakalaking tulong ng mga ito sa pagkamit ng kaligtasan ng bawat isa sa amin sa kabila ng lakas na magnitude 6.1 na lindol na naramdaman. Gayunpaman, tulad ng sinasabi ng iba na sa bawat pagsubok, may paniguradong matututunan. At sa naranasan naming ito, ang tanging baon namin ay ang aral ng paghahanda. Sa dulo ng lahat ng ito, ang pagkabigo sa paghahanda ay ang paghahanda sa pagkabigo.

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw DEBUHO NI JERVEY CHARLES DUNGO

OPINYON 7

ang tanglaw DISYEMBRE 2017 GIYERA SA MARAWI

NI VIVIALYN YUMUL, 12-STEM-A

maging handa tuwing may mga sakuna tulad ng sunog, lindol at iba pa. NAGSAGAWA NG DALAWANG “Naging makabuluhan ang araw na Basic Life Support dalawang araw na training dahil Training ang UNTV News and maraming natutunan ang mga Rescue sa mga guro ng La guro tulad ng CPR at bandaging,” Verdad Christian School (LVCS) paliwanag pa niya. noong ika -16 hanggang 17 ng Samantala, nagsasagawa din Agosto 2017 upang maging ng pagbisita sa mga eskwelahan handa sa anumang insidente sa Apalit ang Municipal Disaster at mas maging maalam ang Risk Reduction Management mga ito kung ano ba ang dapat Office (MDRRMO) nito upang gagawin sa mga hindi inaasahang paalalahanan at mag-orgnisa pangyayari. ng Earthquake drill sa mga Dinaluhan ang nasabing mamamayan ng nasabing bayan. seminar ng mga guro ng Pinaghahandaan din umano kindergarten hanggang kolehiyo ang sinasabing pagdating ng ng nasabing paaralan. “The Big one” kung saan tatama Matatandaan din na bago umano ang humigit kumulang magdaos ng ganitong seminar 7.2 magnitude na lindol sa Luzon. ay niyanig ng magnitude 6.1 na Batay kay Cesar M. Carlos, lindol ang Pampanga kaya naging Local Disaster Risk Reduction and layunin din ng training na ito na Management Office III (LDRRMO maging mas maalam ang mga ), kasama umano sa tatamaan guro ng LVCS. ang Apalit kung sakaling Ayon kay Gary A. Lucin, darating ang The Big one. co-chairman ng School Disaster “Sa ngayon ang ginagawa Risk Reduction Management naming aksyon ay ang pag (SDRRM), nagsagawa ng training co-conduct namin ng mga para maturuan ang mga guro ng trainings,” ani Carlos. LVCS ng mga paunang lunas para

Climate Change: Hamon ni Inang Kalikasan

DROP. COVER. HOLD. Mga estudyante sa kalagitnaan ng pagsasagawa ng Earthquake Drill. KUHA NI JENZON LELINA

NI CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A

NAKAPAPASONG INIT, matitinding pagyanig, nagdadambuhalang mga alon, mala-halimaw na bagyo, mala-kidlat na sakit – ito ay iilan lang sa mga nararanasan natin sa kasalukuyan na binago’t binuhay natin dulot ng ating kasakiman, kapabayaan at kasamaan. Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na tayong mga tao ay hindi pa nananahanan sa daigdig noong Cambrian period, panahon kung saan wala pang mga tao, halaman, insekto ang nabubuhay, tanging mga brachiopoda at trilobite, mga nilalang na naninirahan sa ilalim ng karagatan ang nabububay lang noon. Mahigit apat na bilyong taon na ring nabuhay ang ating Inang Kalikasan ngunit sa isang iglap lang ay sinira natin ang kapayapaan at kagandahan niya. Kaytagal ding hinubog ng panahon, pinandayan ng mga bulalakaw at minolde ng mga bulkan ang ating Inang Kalikasan ngunit sa isang pagkakataon ay malalagay lang ito sa kapahamakan. Napakaraming beses na nagparamdam ang ating ina. Ibinulong na niya sa nangangalit na hangin ang kaniyang ninanais, ipinakita niya rin sa atin ang mga iba’t iba niyang babala, ipinaramdam niya na rin sa atin ang kaniyang pabago-bagong damdamin sa pamamagitan ng mga pabago-bagong klima, ipinakita niya rin ang kaniyang galit sa mga malalakas na kulog at nakasisilaw na kidlat, ipinaalam niya rin sa atin ang kaniyang pagdadalamhati sa pamamagitan ng mga luha ng mga yelong nalulusaw. Pero wala pa rin tayong pakialam sa kaniya. Araw-araw na nating sinusunog at pinuputol ang mga malulusog na hibla ng kaniyang buhok, lagi na lang natin binibigyan ng kaguluhan ang kaniyang mga tainga sa karagatan at sa kapatagan,

pinapalitan na din natin ang kaniyang sariwang hangin sa maiitim na usok, binago na rin natin ang kaniyang mga malilinaw na ilog at dagat sa mga maiitim at nakalalasong katubigan. Lagi na lang lumuluha ang ating ina na nagdulot ng pagkawala ng mga iilang isla nito, pabago-bago na rin ang kaniyang damdamin na nagbunga ng mainit at malamig na klima, nanguna na ang galit sa kaniyang puso na nagdulot ng mala-halimaw na bagyo, nagdadambuhalang alon at matitinding lindol. Binago natin ang ating maalaga at mapagmalasakit na ina sa isang mapaghiganti at napakasama. Ang dating paraiso ay mala-impyerno na ang kaanyuan, ang dating ina ay tuluyang nag-iba. Ito ba ang nais niyong mangyari sa ating tahanan? Ano na kaya ang nararamdaman ni Inang Kalikasan? Paano na kaya ang mga nilalang na naninirahan dito? Ano na ang mangyayari sa mga dadating pang henerasyon? Paano na tayong aalagaan ni Inang Kalikasan? Huwag tayong mabahala dahil mayroon pang susi sa mga problemang ito, nasa kamay natin ang magiging solusyon at magiging kapalaran ni Inang Kalikasan, nasa aksiyon natin ang magiging kinabukasan ng ating mundo at buhay ng mga susunod pang henerasyon. Upang hindi na ito umabot sa mapait na katapusan, dapat na nating pigilan ang pang-aabuso sa mga likas na yaman. Kailangan din nating tigilan na ang aktibidades na nakasasama sa kaniya. Tara na’t ayusin na natin ang atmospera ng ating mundo na nagsisilbing bubong na nagpoprotekta sa atin, ibalik natin sa dating anyo ang mga kalupaan nito na nagsisilbing sahig natin, ingatan na rin natin ang mga kagubatan niya na nagsisilbing haligi natin sa masamang panahon.. Upang ang ating tahanan ay manumbalik na sa dating wangis nito.

NI CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A

NAKAPANGINGILABOT ang biglaang pag-atake ng mga terorista sa bayan ng Marawi noong Mayo 23 kung saan binomba nila ang iba’t ibang establisyemento at kumitil ng buhay ng mga inosenteng tao. Ngunit, matapos ang limang buwang pakikibaka ng mga sundalo ng ating pamahalaan, unti unti na ulit nakikita ng mga Pilipino ang muling pagbangon ng Marawi sa nakagigimbal na insidenteng ito. Umukit sa kasaysayan ng Pilipinas ang madugong pangyayari sa bayan ng

Marawi matapos itong salakayin ng Islamic State of Iraq and the Levant na kinabibilangan ng Maute at Abu Sayyaf na siyang nagbigay takot sa buong bansa maging sa buong mundo. Kitang kita ko sa ilang mga dokumentaryo sa telebisyon kung gaano kalala ang naging pinsala ng digmaan sa naturang bayan. Kaya marahil napagdesisyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng Martial Law roon, dahil hindi na halos makilala ang Marawi sa

DISYEMBRE 15, 2017 Metro Manila, Luzon, Philippines, ”The Big One”, West Valley Fault Kinamumuhian kong mga nilalang, Kumusta na, aking magiging biktima! Kumusta na ang lagay n’yo matapos pinayanig ng mga nakababatang kapatid ko ang inyong mundo. Ako pala si “The Big One”, sa pangalan ko pa lang tiyak napakalaking gulo ang magaganap sa inyong bayan. Sa oras na gumalaw ang West Valley Fault, mababahala kayo sa bubuuin kong dambuhalang peligro. Kakayanin n’yo pa ba? Sa tindi kong ‘to, tiyak susuko na lang kayo. Sa lakas kong magnitude 7.2, tiyak panghihinaan ang loob n’yo. Maraming araw, buwan at taon na ring lumipas noong tayo’y nagkilala, natatandaan n’yo pa ba noong natuklasan n’yo ko sa taong 2015? Alam kong tandang-tanda n’yo pa iyan sapagkat nagising ang inyong natutulog na kaisipan nang dahil sa akin. Napakaraming ginugol na araw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcS) para mapag-aralan ang nagbabadyang kalakasan ko, sandamakmak na panahon din ang ginamit para sa pagsasagawa ng paghahanda ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), at mapahanggang ngayon ay hindi pa rin tumigil. Kamakailan lang kaliwa’t kanang mga Earthquake Drill ang naisagawa, isa na rito ang drill sa Cebu noong ika-17 ng Marso at maging sa paaralan n’yo. Sa bawat pagpatak ng mga minuto’t oras, sa bawat pagalingawngaw ng Tangis ni Inang Kalikasan, sa bawat nabubuong wangis ng pagkamuhi, papalapit nang papalapit ang hinihintay kong eksena - eksenang tutumbad sa paligid n’yo at makababasag sa inyong kapayapaan dulot ng mga hiyaw at sigaw ng mga damdaming pinangunahan ng tako’t pangamba. Pangako ko sa inyo sa mismong oras ng paggising ng aking mahimbing na damdamin, hinding hindi ko kayo bibiguin sa mga salita ko. Naririto ang iilang pahapyaw na hindi lang manggugulat kundi maninindak sa inyo, nariyan ang pagsulputan ng mga dambuhalang bitak, nariyan din ang pagguho ng mga pinaghirapang n’yong imprastrakturang inapak-apaka’t kinalbo ang mga kapatagan ni Ina, tutumbad sa inyo ang libo-libong masusugatan, masasaksihan n’yo ang libo-libong mababawian ng buhay. Tandaan n’yo, wala pa ring magagawa ang inyong kokoteng walang laman - walang alam at walang kaalaman sa paghahanda. Masasaksihan n’yo pa rin ang dapat masaksihan. Sasalubong pa rin ang dapat n’yong salubungin. Mararanasan n’yo pa rin ang dapat maranasan. Hanggang sa muli nating nalalapit na paghaharap, masasaksihan ko na rin ang pinakahihintay kong malawakang paghihirap. Ang iyong bigating kalaban, The Big One

DEBUHO NI KAREN SALANGSANG

PATULOY PA RING NAGUGULO ang isipan ng mga mag-aaral kung ano ba dapat ang tahaking kurso sa Senior High School na lubos na aangkop sa kanilang talento, kakayahan at pangarap.

KURSONG MAGHAHATID NG PAGBABAGO Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), mga bagay na lubos na kailangan ng mundong gutom na gutom sa modernisasyon. Bawat makita mo sa paligid ay bunga ng teknolohiya at ng malilikot na imahinasyon ng mga taong gustong mapaunlad ang mundo. Ultimo ang bolpen na ginagamit sa pagbuo ng mga sanaysay at artikulo ay bunga ng mga isipang gustong maghatid ng pagbabago. Sipag at tiyaga ang naging puhunan para mabuo ang isang "bestfriend" na maaasahan, at iyan ang calculator na tumutulong sa maayos na pagkalkula ng pasahod sa mga manggagawa. Ang mga kompyuter na ginagamit natin ngayon ay mula sa teknolohiya at iyan ay nagmula sa mga matatalinong pag-iisip ng mga imbentor na ang nais sa buhay ay mapadali ang bagay-bagay. Napakasimpleng bagay na nakikita ko bilang isang magaaral ng STEM pero kaakibat nito ay malaking bagay sa kasalukuyan at hinaharap. Ika nga ng mga aming guro “HIndi kayo pwedeng magkamali dahil buhay ng tao ang kapalit nito.” Dapat sigurado sa lahat ng kalkulasyon sa Sipnayan (Mathematics) dahil hindi ka pwedeng magbigay ng maling dosage ng gamot o di kaya naman ay bumagsak ang gusali na tinatayo dahil sa 1.1 magnitude na lindol. Mahirap, masakit sa ulo at pakiramdam mo ay susuko ka na sa hirap ng mga ginagawa pero sabi nga nila ang madaling makuha mabilis mawala at ang mahirap makuha ay saya ang hatid para sa puso. Ang pagiging isang mag-aaral ng STEM ay hindi pinipili dahil gusto lang kundi kailangan ito ng mundo. At ito ang kursong masasabi mong tunay na maghahatid ng pagbabago sa ating hinaharap.

BIYAHE SA TUNAY NA PAG-ASENSO Numero. Ito ang araw-araw naming kaharap sa buong taon ng aming pag-aaral sa strand na Accountancy, Business and Management (ABM). Mahirap dahil kabilang ako sa mga estudyante na may "Math Anxiety" o yung pagkatakot sa mga numero. Pero bilang isang magaaral ng strand na ABM, masasabi kong mahirap ang ABM, pero madali na ito kung ikukumpara sa ibang strand. Noong una’y hirap din ako subalit wala tayong magagawa

naging bago nitong mukha sa kasagsagan ng gyera. Marami ang binawian ng buhay at nawalan ng tirahan, ngunit ang higit na

MARIFIE PATIU

nakapanlulumong resulta ng pangyayaring ito ay ang maraming kabataan sa Marawi ang nasiraan ng mga nag-aabang na kinabukasan. Kung titingnan nating mabuti, nakahahabag ang naging sitwasyon roon ng mga tao lalo na ang mga bata na kahit nagnanais na pumasok sa paaralan ay walang magawa dahil sa patuloy na palitan ng putok ng baril mula sa militar at mga rebelde. Makikita sa ilang mga panayam na ginawa sa kanila sa telebisyon, na kahit sa mga musmos nilang sarili

kundi kalabanin ang ating takot. Kailangan talaga sa buhay na dumaan tayo sa hirap dahil wala namang nagtatagumpay nang hindi naghihirap, dahil ang lahat ng hirap na ito ang siyang maghahatid sa atin patungo sa totoong pag-asenso. Ngunit para kanino nga ba ang strand na ito? Una, ito’y para sa mga estudyanteng nangangarap na magtrabaho sa isang air-conditioned room habang nakaharap sa isang flatscreen desktop computer. Ikalawa, ito’y para sa mga batang nangangarap na maging manager o may-ari ng isang negosyo o kompanya. Ikatlo, ito’y para sa mga mag-aaral na nangangarap na magsuot ng kurbata at naka Amerikana sa ibabaw ng "long sleeves" na puti o iba pang pormal na kasuotan. Ikaapat, ito’y para sa mga estudyanteng gusto at matagal nang nangangarap na humawak ng limpak limpak na salapi, At ikalima, para ito sa mga estudyante na ang bukambibig ay “para sa ekonomiya ng bansa,” o yung mga

estudyanteng "concern na concern" sa kaban ng yaman ng ating bansa. Kaya kung katulad kitang ganito mangarap, bakit hindi mo kami samahan sa pinili naming landas? Sa strand na ito ay hindi pahirapan ang pagsusukat ng mga anggulo ng gusali at tulay, hindi pahirapan ang pagsasaulo ng mga batas at relihiyon ng bawat bansa, sapagkat ang usapan dito ay tiyaga-- tiyagang kailangan upang makuha ang sagot na ‘zero balance’ at tamang computation ng bawat problema. Ika nga nila, ang mga taong nagtatagumpay ay ang mga tunay na nahihirapan. Nahihirapan sa isang bagay pero kasabay nito ay ang pagpupursigeng ituloy ang labang nasimulan. Kaya bilang isang mag-aaral ng ABM, matindi ang paniniwala ko na ang kursong aming pinili ang tunay na maghahatid sa atin sa ganap na pagasenso.

LANDAS NG MGA SUSUNOD NA PINUNO “HUMSS? BASIC!” “ Puntahan lang naman ng mga tumatakas sa sipnayan.” ”Mahihina dahil ayaw sa challenge.” Ilan lamang yan sa mga nababasa at naririnig ko sa mga "Social Media Sites" patungkol sa strand na Humanities and

ay matindi ang pagnanasa nila na makapag-aral at makatulong sa kanilang mga magulang at sa bayan sa hinaharap. Pero, dahil sa terorismo ay nahadlangan ang mga pangarap nilang ito. Kaya naman, habang tayong mapapalad na hindi nararanasan ang ganitong klase ng kapalaram, dapat ay mas maging mapagpahalaga tayo sa pag-aaral na ating natatamasa. Mag-aral tayong mabuti at suklian natin ang naging puhunan sa atin ng ating mga magulang ng mga matataas na grado. Hindi dapat tayo magbulakbol o gumawa pa ng kalokohan, dahil hindi natin alam kung muli tayong makakatapak pa sa paaralan. Isang pagkakataon na hindi lahat nakatatamasa. Sa kasalukuyan, nakalaya na ang Marawi sa kamay ng mga terorista at pilit nitong ibinabalik ang dating payapang pamumuhay na mayroon ito. Pilit itong bumabangon mula sa pagkakalugmok at muling magbigay ng maliwanag na kinabukasan sa mga batang naroroon na minsan ring magiging bahagi ng makabagong Pilipinas.

Social Sciences sa K to 12 curiculum na siya kong piniling tahakin. Walang doktor, walang accountant, walang inhinyero, walang arkitekto at mas lalong wala ang ibang propesyon kung wala ang guro, propesyon na magmumula sa HUMSS, propesyon na pundasyon ng karunungan, dahil alam naman ng lahat na kung hindi dahil sa mga nagtuturo ng ibat-ibang asignatura ay wala tayong malalaman at hindi tayo hahantong sa mga gusto nating propesyon. Maliban sa guro, dito rin magmumula ang mga ang mga mamamahayag na nagbibigay sa mga tao ng impormasyon tungkol sa mga napapanahong isyu, ,mga pinuno sa hinaharap at sa bagong henerasyon, mga abogado na ipaglalaban tayo at bibigyan ng patas na desisyon at maging ang mga pulis na handang i-alay ang kanilang buhay maipagtaanggol lang ang bayan. Yaman lang din naman na naipasok ang abogado at ang mga pinuno. Kasama rin sa HUMSS ang asignaturang Political Science kung saan itinuturo ang uagt ng politika. Nasasakop din nito ang mga nangyayari at mga tao na nakapag-ambag sa larangan ng politika at agham. Kasama rin ang asignaturang Political Governance kung saan primaryang itinuturo ang tungjkol sa pamamahala, mga batas partikular na ang 1987 Contitutuion o Kaparangan ng mga batas din naman tungkol sa karaapatang pantao. Pero bakit nga ba HUMSS ang dapat pillin ng mga papausbong na mga Senior High School sa hinaharap? Ayon sa aking guro sa asignaturang Personal Development, ang HUMSS ay isang mabigat na strand dahil halos lahat ng saklaw nitong mga kurso at asignatura ay nakatuon sa pagbibigay ng mga impormasyon, kung ikaw mismo ay hindi lamang sa akademiks kundi pati na rin sa buhay. Kung sinasabi ng marami na ang sipnayan o matematika ang pinakamahirap intindihin, gawin at sanayin, magmula nang pumasok ako sa HUMSS ay nagiba ang pananaw ko. Natuklasan ko na mas mahirap ang pagsulat at pagbuo ng nobela at kailangan mo itong matapos sa loob ng maikling panahon. Mahirap din dahil asahan mo na halos gabi-gabi , libro ang kaharap mo, totoo na halos pagkakabisado sa HUMSS pero ang hindi alam ng karamihan ay mas lamang ang pagunawa at pag-aanalisa sa lahat na mga bagay na nakakasagupa ng mga estudyante. Hindi sumusuko, patuloy na lumalaban para sa karunungan. Hinahamak man ng iba, Marami namang pinanghahawakan na nagpapatunay na ang Strand ng HUMSS ay taliwas sa mga sinasabi nila. Laban, Sulong, Humanista!

JAIME RELAO JR.

MAY ILAN PA RIN ANG PATULOY NA TUMUTULIGSA sa pagsasabatas ng K-12 curriculum o ang Enhance Basic Education Act of 2013 magpasahanggang ngayon. Naging matindi ang pakikibakang hinarap ng mga unang batch na sumailalim rito ngunit sa darating na Marso sa susunod na taon ay kumpirmado na ang pagtatapos ng mga mag-aaral sa Grade 12. Sa ngayon, hiningi namin ang ilan sa kanilang mga komento at reaksiyon sa nararating nilang pagmartsa. Tagumpay nga bang maituturing ang naging unang implementasyon ng K-12 curriculum o ito ay lubha lamang naging sagabal sa sana’y mas mabilisang pagtatapos ng mga estudyante?

“Maraming nangyari, simula nang maipatupad ang K-12 o pagkakaroon ng Senior High School, sa aming pagtatapos, sa kasalukuyan ay hindi ganoon kaperpekto ang naging proseso nito, kumbaga yung masasabi talaga nating flawless. Gayunpaman, yung kaisipan na magtatapos na ang pioneer batch nito masasabi na rin natin kahit paano na nagtagumpay ito. Pero hindi ito nagtatapos lang sa paggraduate, mas malalaman natin sa darating pang mga taon kung ano ba talaga ang nadala ng K-12” -Alexandra Ramos, Mag-aaral, La Verdad Christian School “Bilang isa sa mga magtatapos na Grade 12, siguro kahit na may mga disadbantahe ang dagdag na dalawang taon naging maganda pa rin ito lalo na sa katulad ko na hindi pa ganon kasigurado sa landas na pupuntahan. Pero ngayon, masasabi ko na mas handa na ako na humarap sa totoong hamon ng buhay” -Winchelle Ramirez, Mag-aaral, Llamas Memorial Institute “Nakakasabik na nakakatakot. Ibig sabihin kasi non, palapit na tayo sa reyalidad. Malapit na talaga tayong pumasok sa totoong buhay. Pero memorable yon sa tingin ko. Last year na kasi, masasabi na nating tapos na talaga tayo ng high school , ayaw ko man matapos pero ganoon talaga.” -Erika Mae Pacheco, Mag-aaral, Pablo Roman National High School “Para sa akin bittersweet yung magiging pagtatapos namin. Kasi saw akas matatapos na pansamantala yung stressful days ng SHS kaso syempre mahirap na rin umalis sa school. Pero para sakin, tagumpay naman yung K-12 kasi mas nasanay na kami sa stress ngayong SHS palang. Kaya kapag nagkolehiyo na masasabing handa na kaming mga grade 12.” -Ericson Candelaria, Mag-aaral, La Verdad Christian School “Bilang mga unang batch ng gagraduate na Senior High School, proud ako na naging kaisa ako ng DepEd sa pagtupad ng kanilang goal. Kahit na may mga pagkukulang, maayos namang naisakatuparan yung layunin nila na maging college ready and job ready na kami.” -Paula Mae Fernandez, Mag-aaral, Sto. Rosario National High School Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin msasabi na ang pagkapatupad na K-12 ay lubos na nagtagumpay base na rin sa mga komento ng unang "batch" nito. Marami ang naging pagkukulang at matindi ang naging mga suliranin sa kasagsagan ng pagkaimplemeta ng naturang batas. Gayunpaman, patuloy pa rin nating aantabayanan kung anoman ang kahahantungan nito sa mga susunod pang taon.

ISANG TAON NA ANG LUMIPAS para sa makabagong administrasyon na nagkaroon ang Pilipinas. Kasabay ng pagbabago sa mga pinuno ay ang tuluyan na rin na pagpapalit ng ilang mga sirang sistema sa bansa. Bagama’t hindi lahat dito ay nasa positibong aspeto, naniniwala pa rin ang mga Pilipino na sa natitira pa niyang mga taon sa termino ay susugpuin nang tuluyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga maduduming marka sa ating bansa. Bilang mga kabataang nakalinya para maging mga susunod na pinuno, lubos naming nakita ang mga pagbabago na naidulot ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Una na nga sa mga ito ay ang kanyang kampanya kontra sa droga na hindi lamang nagpatindig balahibo sa buong Pilipinas kung hindi ay umalingawngaw rin sa buong mundo. Tama. Tama ang layunin ng adbokasiya ng gobyerno ngunit naging katambal nito ang panibagong madugong isyu para sa bansa. Kasabay ng paghuli at paglipol sa mga sindikato ng droga sa Pilipinas ay ang paglitaw rin ng isyu ng "Extrajudicial killings," kung saan libo-libong mamamayan ang napatay na hindi man lamang sumasailalim sa tamang proseso ng batas at hindi rin nakasisigurado kung tunay ngang mga durugista. Idagdag pa rito ang ilang bilang ng mga kabataang mapasa hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung tunay ngang alagad ng mga sindikato. Sino ba ang hindi nagimbal sa naging kwento nina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz? Silang kapwa napatay sa pagkakahinalang mga kasangkot sa droga. Samantala, masasabi rin naman nating ang naging kampanya ng Pangulo na ”all-out-drug war” ay ang naging ugat ng pagbaba ng datos ng mga naidedeklarang krimen sa Pilipinas. Natakot ang mga magnanakaw, holdaper maging ang mga rapist na gumawa ng mga hindi makataong gawain dahil na rin sa mga nangyayari sa paligid. Bukod pa rito na

karamihan lamang sa mga kriminal na ito ay nagagawa ang ganitong mga bagay dahil sa pagkalulong sa mga ipinagbabawal na gamot. Ikalawa, nang magwagi tayo sa internasyonal na korte para sa pagangkin sa Spratly Islands kontra sa China. Bagaman hindi nila ito lubusang matanggap, napatunayan naman nating tayo ang may mas karapatan sa naturang likas na yaman. Hindi na matatakot pa ang mga Pilipinong mangingisda na pumalaot sa karagatan dahil alam na natin na tayo ang tunay na MARK ROY VIRAY may karapatan. Subalit, nagkaroon tayo ng ilang mga problema tulad na lamang ng giyera sa Marawi na gumimbal sa Pilipinas. Marami ang nasawi at marami ang nagbuwis ng buhay pero ang pagkapanalo ng ating mga sundalo ang naging tulay muli upang makita natin na makakabangon ang bayan ng Marawi sa trahedyang ito dulot ng hindi pagkakaunawaan. Kung titingnan natin nang mabuti, sadyang naging malaki ang epekto ng pamumuno ni Duterte sa bansa. Sa loob lamang ng isang taon naramdaman natin ang presensya ng makabagong Pilipinas. Maaaring may mga negatibo itong naging hatid pero hindi rin natin maikakaila na mas marami siyang ipinatupad na batas na makapagpapa-angat sa Pilipinas. Unti unting pagpasa ng "Freedom of Information Bill," pagbawi sa Balangiga bells, pagkakaroon ng libreng edukasyon sa kolehiyo, paglago ng turismo ng Pilipinas, tuluyang pagsupgpo sa droga, ilan lamang yan sa mga nasimulan na niyang aksiyon at matitiyak nating marami pa siyang baong pagbabago para sa bansa. Oo, hindi perpekto ang ating pangulo pero tinanggap natin siya sa kabila ng lahat ng ito dahil alam natin na maaaring sa bakal niyang kamao natatago ang simula ng tunay na pagbabago.


8 OPINYON

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

Masaganang Ani: Pag-unlad ng Agrikultura sa Apalit

"

NI RYAN REAL CANEZO, 12-ABM-A ISANG MALAKING PRIBILEHIYO para sa Pilipinas ang maging tagapag-organisa ng taunang pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang kabilang sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kung saan sinesentro rito ang iba’t ibang suliranin sa bansa saka bibigyan ng agarang solusyon. Ngunit, sa kasalukuyan hindi na lamang ang mga nagtataasang mga tao ang may ganap rito dahil maging ang mga kabataan na tulad natin ay maaari na ring makapaghatid ng pagbabago. Tinatayang aabot sa 629 milyon ang populasyon ng buong komunidad ng ASEAN at kalahati nito ay binubuo ng mga taong mas bata sa edad na 30. Silang mga kabataan na may inobasyon, kayang tumayo sa sarili nilang mga paa at mga kabaatang may lakas ng loob at may boses upang ihiyaw ang kanilang mga karapatan. Pero paano nga bang ang mga kabataang tulad natin ay makakapag-ambag sa tunay na pagbabago na hangad ng lahat? Una, kailangan nating makialam. Ang kaalaman sa paligid ay isang sandata upang mas maging kapaki-pakinabang tayo sa ating lipunan. Nararapat na bilang mga kabataang susunod na magiging pinuno ng mundo ay alam at hindi tayo bulag sa mga problemang kinahaharap ng ating bansa. Bukod pa rito, dapat ay aktibo tayong nakikiisa sa mga programa at pangunahing layunin ng gobyerno maging ito man ay sa politika, kaligtasan ng bansa, ekonomiya at kultural na aspeto. Ikalawa, gamitin natin ang ating mga talento, kakayahan at kaalaman upang makatulong sa ating bansa at mga kapwa nating mamamayan. Tulad na lamang sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay alam kung para saan ba talaga ang ASEAN Summit, na kung tutuusin ay maaari nating ipaalam sa buong mundo kung ano ba ang layunin nito sa pamamagitan ng "social media." Isa itong inobasyon kung saan ang modernisasyon ng mundo ay ginagawa nating adbantahe upang makatulong sa komunidad. Ikatlo, sa temang “Partnering for change, engaging the world” isang patunay ito na ultimo tayong kabataan ay kabilang sa isang grupong nagkakaisa upang ang mundo ay mabago. Aminin natin na marami tayong makabagong ideya, sa teknolohiya, siyensa o kahit saan mang larangan na maaring makatulong sa paglutas ng mga matitinding suliranin sa mundo. At kung tayo ay magkakaroon ng pagkakataon, nararapat na ang mga ideyang ito ay maihiyaw at maihayag sa mundo gamit ang ating mga tinig. Hindi pa huli ang lahat para sa atin. Bagaman marami na tayong naririnig na tayo ay sagabal na lamang sa lipunan, hindi dapat tayo nagpapatalo sa mga ito. Alam natin kung paano tayo magiging kasangkapan ng mundo para sa pagbabago at dapat natin itong pakatadaan palagi, dahil ang hindi alam ng marami, sa pagtugon natin makakamit ang tunay na pagpupunyagi.

"Sa kasalukuyan hindi na lamang ang mga nagtataasang mga tao ang may ganap rito dahil maging ang mga kabataan na tulad natin ay maaari na ring makapaghatid ng pagbabago"

“SHOOT-TO-KILL-ORDER”, KAUTUSANG pinagtibay ni DIgong upang ubusin ang mga manlalaban umanong "drug addicts" sa bansa ngunit malinaw na nakasaad sa Artikulo III, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusiyon o Kaparangan ng mga Batas na walang sinoman ang dapat alisan ng buhay, kalayaan, at karapatan nang hindi pinararaanan ng "due process" o pantay na pagtingin o paghatol ng batas. Hindi ko naman tinutuligsa ang gawain ng mga kapulisan ngunit tila sumosobra naman sila sa pagpapatupad ng kautusan ng pangulo. Hindi ba’t sila ang naturingang tagapagpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa ngunit dahil sa inilalagay nila ang batas sa kanilang mga kamay ay nagmistulang sila pa ang nagdudulot ng kapahamakan sa buhay ng bawat isa, lalo na sa mga kabataan. Kahit saang anggulo natin tignan, hindi tamang basta nalang patayin ang mga walang kalaban-laban lalo na ang mga kabataan. Kung mapapansin natin, sa loob ng higit isang taong implementasyon ng “All Out Drug War” ng pangulo ay sadyang marami na ang namatay at halos kalahati ng bilang nito ay napatay dahil daw nanlaban at ilang porsiyento nito ay ang mga kabataan. Ilan lamang dito sina Carl Angelo Aranaiz, 19-anyos at Kian Delos Santos, 17-anyos na pawang mga napaslang dahil di-umano sa nanlaban sa operasyon ng mga pulis. Oo nga’t obligasyon ng mga pulis na aksyunan ang sitwasyon ngunit bakit nila pinatay ang dalawa? Maari ngang walang sapat na ebidensiya upang masabing sinadya ng kapulisan ang pagpatay ngunit sa kanila pa mismo nanggaling na nanlaban daw ang dalawa kaya nila nabaril. Gayunman, nanlaban man o hindi, naniniwala akong hindi ito sapat upang ipagkait kina Arnaiz at Delos Santos ang karapatang mabuhay at maipagtanggol ang sarili sa mga kasong binabato sa kanila. Sa tingin ko, masyadong naging marahas ang ating mga bantay-bayan na maituturing. Hindi na nila pinapahalagahan ang buhay ng bawat napapatay nila. Bagama’t masasabi nating ginagawa lamang nila ang kanilang responsibilidad ngunit sa maling pamamaraan. Tandaan natin na kailanman ay hindi maitama ng isang mali ang isa pang pagkakamali. Para saan pa ang mga batas na ipinatupad kung ilalagay lamang nila sa kanilang mga kamay ang paghahatol. Hindi ko sinasabi na kasalanan lahat ng kapulisan ang mga naging patayan ngunit gusto kong bigyang diin na dapat nating makita ang kanilang mga pagkakamali upang ito’y maitama. Dahil una sa lahat, hindi sila ang dapat naghahatol ng batas para sa bayan.

SUNOD-SUNOD NA PAGPATAY NA MAY kinalaman sa kabataan, nakakaalarmang isipin na nag dahilan nito ay ang kapulisan. Hindi marahil papatay ang mga pulisya kung wala silang makikitang kahina-hinala. Kaliwa’t kanang pagpatay na ito dahil sa abusadong pulis at kapabayaan. Naniniwala akong may dahilan kung bakit nauugnay ang mga kabataan sa kriminalidad at iba pang gawaing hindi dapat nila ginagawa, kaya sila napupuntirya ng mga pulis. Una, sa tingin ko kaya sila nasangkot sa isyu ng droga ay dahil sa mga kaibigan na masasamang impluwensya na nanghihikayat sa masasamang gawain. Sa tingin ko rin isa pang dahilan ay ang kapabayaan ng magulang, at problema sa pamilya kaya ang mga kabataan ay nasasangkot sa ibat-ibang isyu. Si Kian delos Santos, ay biktima ng pagpatay na may kaugnayan sa droga. Malinaw kong nakita na may kapabayaan ang magulang dito dahil kung hindi sana nila pinayagan na lumabas ng dis oras ng gabi lalo na sa panahon ngayon ay di sana siya napaslang. Lalo na’t alam ng publiko na may "curfew" ang mga kabataan. Sa bawat barangay na marapat sundin dahil ito ay ordinansa at para sa kanilang kapakanan. Bakit hinayaan ng mga magulang na lumabas si Delos Santos? Gaya ng sinapit ni Delos Santos ang kinahantungan rin ni Carl Angelo Arnaiz 19 anyos, na anak rin ng isang Overseas Filipino Workers (OFW). Sinabi sa mga ulat ng sampung araw hindi umuwi ng bahay si Arnaiz matapoos lamang magsabi na bibili ng "midnight snack" at natagpuan na lamang na patay. Kung titingnan natin hindi ba’t dapat ay hinahanap na siya ng kanyang magulang dahil napakatagal na panahon na siyang nawawala. Hindi ba’t bilang magulang ay natural lamang na mag-alala na sila sa kanyang anak ngunit sa aking nakita ay hindi ito ginawa ng magulang ni Arnaiz. Sa aking pagkakaalam, kadalasan na rason talaga ng pagbubulakbol ng mga kabataan ay ang pagkapabaya ng kanilang mga magulang. Resulta nito humahanap sila ng pagkalinga at atensiyon. Isang rason na aking nakikita kung bakit naging talamak ang bilang ng mga kabataang napapatay. Sa makatuwid, hindi lamang dapat ang mga pulis ang dapat sisihin sa mga patayang naganap kung hindi pati na rin ang mga iresponsableng mga magulang na dapat ay siyang gumagabay sa kanilang mga anak.

TINIG NG KATOTOHANAN TALAMAK NGAYON SA MGA KABATAAN ANG panonood ng mga Korean Drama. Mga palabas na matagal na nating tinangkilik na mga Pilipino, ngunit naniniwala akong hindi ito sapat na dahilan upang idagdag ang kultura at lengguwahe ng Korean bilang asignatura o gawing elektiba sa mga pampublikong paaralan sa sekondarya. Resulta ng labis na pagkagusto sa mga Korean drama ninanais natin na matuto ng kanilang lenggwahe na kung susuriin ay hindi naman ganoon kaimportante. Bagaman maaari itong magamit sa mga global na transaksyon, hindi naman na ito kailangan pang gawing asignatura sa sekondarya. Mas mainam pa rin kung mas bibigyan natin ng pokus sa pag-aaral ang sarili nating wika at hindi ang sa mga banyaga.

Aral. Hindi ko pa feel na versatile and cultivated na ako para sa profession na pinapangarap ko and besides, di naman nila ako tatanggapin ng agency or org. na aapplayan ko syempre mas priority pa din nila ang mga college graduate. –Rose Silvestre, 12-HUMSS-A Trabaho. Dahil kahit naman nakapagtapos ka ng kolehiyo magtatrabaho ka rin naman. Kaya trabaho na diretso ka na agad at meron ka pa rin namang kailangan upang mabuhay sa mundong ito. –Miguel Romantico, 12 HUMSS-A Trabaho. Malalaman ko naman ang kailangan kapag nagtatrabaho na. Hindi naman lahat ng pinag-aaralan ay magagamit sa trabaho. –Julian Rikki Reyes, 12-STEM-A

"Mas mainam pa rin kung mas bibigyan natin ng pokus sa pag-aaral ang sarili nating wika at hindi ang sa banyaga"

Aral. Mas magandang trabaho ang makukuha. More learnings in college. Pag nagkatrabaho, mas aangat ang level o position. – Kaycelyn Baltazar, 12-ABM-B

KATE PAULYNE TAYCO

Hindi natin maikakaila na iba ang epekto ng mga internasyonal na mga pelikula sa ating mga Pilipino. Nagiging daan rin ito kadalasan upang maimpluwensyahan ng mga dayuhan ang ating mga kultura at tradisyon. Pero, ibang usapan na ang mangyayari kung ilalagay natin sa ating sistema ang ibang wika samantalang ilang taon lang ang nakaraan ay tinangkang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Oppa. Sweg. Saranghae. Ilan lamang ang mga salitang iyan na bukambibig ngayon ng mga kapwa nating kabataan. Mga salita na lubos na nagpapakita ng ating pagkahumaling sa wikang Koreano at gayon na rin sa kanilang produkto. Mga salitang nakaambang pumalit sa po, opo, at mano po. Walang masama sa pagkahumaling natin sa mga palabas mula sa ibang mga bansa, ngunit hindi irn dapat natin kalimutan ang mga halaga ng mga sariling atin. Dapat na mas binibigyang halaga pa rin natin bilang mga Pilipino ang sarili nating mga kultura at tradisyon higit sa mga kulturang banyaga dahil dapat na walang hihigit sa pagpapahalaga na mayroon tayo sa wikang sariling atin.

Aral. Masarap na may natapos. Diploma for profession. – Harold Magcalas, 12-GAS Aral. Gusto ko mag-aral. Kasi ang career na gusto ko requires a degree. Tsaka mas ,alaki ang advantages kapag nakapagtapos ka ng college. – Love Jezchem Colis 12-STEM-A Trabaho. Kasi pagkagraduate ng SHS, maraming inilatag na opportunities ang DepEd sa ating mga SHS. Tsaka practically speaking, para magkaroon ng pangtuition. – Carl Altares, 12-ABM-B

NI ROY DANIEL GASPAR, 9 THOMAS

NI IVY MANAG, 11-STEM-A

MINSAN NANG HINANGAD NG Pilipinas ang magkaroon ng kalayaan. Ang kalayaan mula sa mga mananakop. Kalayaan mula sa terorismo. Kalayaang magpapalaya sa kolonyal na mentalidad ng tao at iba pa. Ngayo’y ipinagkaloob na nga at natatamasa na, sumobra naman yata? MAYroong tumatayong pangulo sa bansang ito, ang kapangyarihan naman ay hawak ng mga tao ngunit ang krimen at problem ay patuloy na lumolobo. Demokrasya ang kasalukuyang bumubuhay sa papaunlad na Perlas ng Silanganan. Ngunit sa panahon ngayon, kung saan ang mga tao ay wala ng kinatatakutan at mapagkakatiwalaan, sapat pa rin kaya ang demokrasyang pinanghahawakan ng mga Pilipino? MGA batas na walang ngipin, kawalan ng disiplina, korap na tagapamahala, talamak na iligal na mga gawain, maruming kapaligiran , kahirapan at ang drogang walang kamatayan- iilan lamang ang mga iyan sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Mga problemang hindi na rin makaya ng demokrasya. Masyadong maluwag, masyadong malaya na hunahantong sa kawalan ng kontrol at ang bansa ay hindi na nagiging payapa. BAGAY ang diktaturya sa kalagayan ng bansa ngayon. Hindi naman sa hinahangad ang maging makasarili ang mamumuno, hindi sa paghahangad na mayroong mamatay at mapahamak sa ganitong uri ng gobyerno kundi ang higpitan lamang ang bawat sinturon ng mga Pilipino. Lalo na sa panahon ngayon, kung saan ang iba ay wala ng sinasanto. NAsa Pilipino ang pagbabago ngunit kung ang tanikalang gumagapos sa kanila upang hindi kumilos ay hindi matatanggal, walang mangyayari. Kaya naman ang isang pamahalaan ay naririyan. Pamahalaang gagabay sa bawat mamamayan. Pamahalaang tutulong sa bawat nasasakupan. Hindi dahil sa diktaturya ang gobyerno ay hindi na maaari ito. Tandaan ninyo, umunlad at umayos ang Pilipinas nang ito ang gobyerno ng nga Pilipino. DAPAT lamang tumalim ang ngipin ng batas, disiplinahin ang mga kailangan disiplinahin, tanggalin ang mga korap at iligal, linisin ang marumi, bigyan ng kaginhawaan ang mga mahihirap at wakasan ang droga- sa madaling salita, itama lahat ng pagkakamali. Takutin sila kung kinakailangan upang malaman ang kanilang dapat gawin. Ito ang tanging solusyon upang sila ay sumunod. NILILIMITAHAN din kasi ang mga bagay na may kalayaan, dahil kadalasan, inaabuso itong kanilang kapangyarihang magkaroon lamang ng kalayaan. Nalilihis na sa daan, lumiliko sa paroroonan. Kaya naman, may dapat na manguna at ito ang pamahalaan. Pamahalaang may ngipin at talimpamahalaang may isang diktador. Dahil... Minsan hindi lahat ng mga bagay na may kalayaan ay dapat na lamang pabayaan.

APALIT. KILALA ANG BAYANG ITO SA pagiging rice granary ng buong Central Luzon. Kaya naman, hindi kataka-taka kung patuloy na pinapaunlad ng mga Apaliteño ang estado ng kanilang agrikultura. Kaya naman, patuloy na isinasagawa ng munisipalidad ng nasabing bayan ang monocropping—isang proseso kung saan isang partikular na pananim lamang tulad ng palay ang itinatanim ng mga kababayan nating magsasaka.

KUHA NI ROY DANIEL GASPAR

Ayon kay Jesus Cabrera Jr. ng municipal agriculture ng nabatid na bayan, ang palay ang pangunahin at tanging itinatanim ng mga magsasaka sa malalawak na lupain at kadalasan naman na mga gulay ang itinatanim sa mga bakuran. Kaya kung pag-uusapan ang yield production ng Apalit, lumalabas na isang daang toneladang palay ang naani ng mga tao rito sa bawat ektaryang lupa na mayroon sila. Dagdag pa niya, minsan ay nagkakaroon rin ng problema ang mga magsasaka lalo pa’t malaki ang nagiging epekto ng patuloy na pagbabago ng klima pati na rin ang pagbaha sa mga lupain dahilan sa pagkasira ng kanilang mga pananim. Bilang tugon rito, nakikipag-ugnayan rin ang bayan ng Apalit sa mga attached agencies tulad ng Philippine Crop Insurance Company na naglalayong bigyan ng seguro o insurance ang mga magsasaka kung sakali mang masira ng bagyo ang kanilang mga pananim. sila na may makukuha silang tulong mula sa gobyerno. “We conduct seminars para sa mga farmers para maturuan rin sila kung paano gagamitin ang mga bagong technology at para sa tamang pagsasaka,” ani ni Cabrera. Naglaan din ng sapat na pondo ang lokal na pamahalaan para sa programang “Binhi ng Pag-asa” kung saan bibigyan ng mga binhi ang mga magsasaka nang libre nang sa gayon ay hindi na nila problemahin pa kung saan kukuha ng pampalit sa mga nasirang pananim dulot ng mga sakuna. Kapansin-pansin na sadya ngang buhay na buhay ang agrikultura sa Apalit, Pampanga. Sa patuloy na pagpapalawak sa agrikultural na kapasidad ng mga Apaliteño, unti-unti ng sumisibol ang pag-asa at pag-unlad sa kanila. Tunay nga na kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin. Kung ano ang pinaghirapan, may kalakip na kaginhawaan.

LAHAT NG LARAWAN AY KUHA NI JENZON LELINA

Agos ng Pagbabago NI CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A

“Habang may agos na sinasabayan, habang may direksyong sinusundan, may nakalaang landas na paroroonan.”

dito na mas makatutulong sa pagbabalik muli ng bilis ng pag-agos nito at mas may kakayahan pang sumuporta ng buhay katulad ng mga isda at iba pang hayop.

na pinakamahabang ilog sa ating bansa, ang Pampanga River… Tuluyan nang nagbago ang Pampanga River, ang dating nakikitang puti, bughaw, pilak at dilaw ay pauntiunting naglalaho na. Unti-unti nang nawawala ang kaniyang kulay at sigla, ang dating pamumuhay na masagana naging mahirap at humina. Pero patuloy pa rin ang kaniyang pagagos sa kabila ng gabundok na basurang humahadlang sa kaniyang patutunguhan. Patuloy rin ang pagsusuporta ng isang munisipalidad sa Pampanga sa pakikipagsapalaran ng Pampanga River, ito ang Apalit. Ilang taon na rin ang lumipas nang nasimulan ang isang programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Apalit, Pampanga – ang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL na naglalayong ibalik ang sigla’t kulay ng Pampanga River sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga basura, paglalagay ng mga isda at pagkaroon ng tourist attraction, ang bamboo hub. Dahil d’yan may pag-asa pang manumbalik ang dating kaanyuan nito – kaanyuang hinubog ng panahon at kalikasan. May tagumpay na ring makakamtan ang Pampanga River sa kaniyang patuloy na pakikipagsapalaran kasama ang mga Apaliteñong may pusong makakalikasan na handang baguhin ang madungis na wangis niya.

Upang manumbalik ang masaganang pamumuhay ng mga Apaliteñong mangingisda, naglagay ang pamunuan ng naturang munisipalidad ng mga hipon at mga isda katulad ng dalag at tilapia na sa kasalukuyan ay may kabuuang 200 libo na. Dagdag pa ni Cabrera, may idadagdag pa silang mga naturang isda at hayop sa darating na Enero.

Iba’t ibang isda’t hayop Tuluyan nang nangitim ang dating asul nilagay at hinayaang na salamin, basura’y nangibabaw na sa mabuhay, hatid ay lila’t berdeng hardin. masigla’t masaganang Iyan ang naging wangis ng pang-apat pamumuhay.

Programang tunay na maaasahan, hatid ay ilog na nangingibabaw ang kalinisan.

"Nasa Pilipino ang pagbabago ngunit kung ang tanikalang gumagapos sa kanila upang hindi kumilos ay hindi matatanggal, walang mangyayari. " DEBUHO NI KAREN SALANGSANG

AGHAM AT TEKNOLOHIYA 13

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

KUHA NI ROY DANIEL GASPAR

Ayon kay Jesus Cabrera Jr. – Head Municipal Agriculturist, naglalaan ng 11 milyong piso ang gobyerno kada buwan para sa paglilinis ng Pampanga River sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga nakabarang basura gamit ng back hoe. Gabundok na ring basura ang natanggal

Bamboo hub ay naririyan, handang magpasaya’t gamitin ninoman.

Isa rin sa naging bahagi nitong programa, ang pagkakaroon ng tourist attraction na bamboo hub na ngayo’y patok na patok na sa mga Kapampangan at siyempre sa mga turista dahil sa mga magagandang tanawin at sa malamig na preskong hangin. Nagsilbi ring lugar ito sa mga pagpupulong. Maraming buwan na ring lumipas, maraming suporta na rin ang naialay ng programa, marami na rin ang mga nakinabang rito, at marami pa ang magagawa ng BASIL kasabay ng malawak na patutunguhan ng Pampanga River. Kahit hindi pa lubusang nanumbalik ang kaniyang kulay at sigla, kahit hindi pa nanumbalik ang dating siya, naririyan pa rin handang panghawakan ang kaniyang linyang… “Habang may agos na sinasabayan, habang may direksyong sinusundan,may nakalaang landas na paroroonan.”

Disiplina para sa ilog ng Pampanga SADYANG MAGIGING KAPAKIpakinabang ang Pampanga river para sa planong pagpapaunlad sa kabuhayan at turismo sa munisipalidad kung ipagpapatuloy at pagtutuunan lamang ng pansin ang papapanatili ng kalinisang naturang ilog. Sang-ayon ako sa layunin ng programang “Balik Sigla sa Ilog at Lawa” o BASIL ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung saan lilinisin at tatanggalin ang lahat ng mga basura sa nasabing ilog kasabay ang paglalagay ng mga isda, at pagkakabit ng ‘bamboo hub’ sa JERYCO QUIMNO tabi nito na siyang magiging ‘tourist attraction’ na maipagmamalaki ng mga Kapampangan ngunit kasabay ng proyektong ito ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ang kalinisan sa ilog bago isagawa ang anomang aktibidad. Samakatuwid, kinakailangan lamang na huwag maging ningaskugon sa pagpapatupad ng naturang programa ang mga namamahala sa Pampanga gayong malaki ang magagawa nito para maibalik ang dating sigla at ganda ng ilog. Kung gusto nilang mapakinabangan ang Pampanga river, unahin mula nilang lutasin kung paano matatanggal ang mga basura at malilinis ang ilog nang sa gayon ay magawa na nila ang mga binabalak nilang maganda para sa ikauunlad nito. Marapat lamang na ipagpatuloy nila ang mga hakbang para sa pag-unlad ng ilog ng Pampanga dahil bilang isang estudyante, pinanghihinayangan ko ang nasabing ilog lalo pa’t kung pababayaan na lamang ito na marumi at hindi man lang mapapakinabangan. Dagdag pa rito, nalaman ko rin na ang maruming ilog ay isang malaking banta rin sa kalusugan ng mga tao lalo na sa mga nakatira malapit dito sapagkat maaari itong pagmulan ng sari-saring sakit tulad ng pananakit ng tiyan na magiging problema pa ng ating mga kababayan . Nakakalungkot kung iisipin na dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng ilan, nagagawa nilang itapon ang kanilang mga basura kaya mas lalong nagiging marumi ang ilog. Kung magpapatuloy ang ganitong gawain, wala ng mangyayaring pagbabago sa Pampanga river at mananatili itong marumi’t nakapeperwisyo. Kung ako ang tatanungin, nararapat lamang na mas lalo pang higpitan ng mga namumuno sa Pampanga ang patakaran patungkol sa pagtatapon ng basura sa ilog nang sa gayon ay maisakatuparan ang matagal nang inaasam na kalinisan sa katubigan. Panahon na para tuluyang malinis ang Pampanga river at magamit ito sa mga magagandang proyekto ng mga namamahala sa naturang lugar. Hindi masama ang paglalagay at pagpaparami ng mga isda at pagpatayo ng bamboo hub kung ikagaganda naman ito. Ang masama ay kung wala tayong gagawing aksyon para masulusyunan ang problema sa kayamanang natatabunan ng dumi ng mamamayan. Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa? Kailangan ng pagtutulungan at disiplina sa bawat isa para maging matagumpay na maibalik ang dating sigla ng ilog ng Pampanga.


12 LATHALAIN

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

Kagustuha’y umuusbong, Pagkilos ay umuurong

DEBUHO NI JERVEY CHARLES DUNGO

Pagbibihis ng Apalit

NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A TAPUNAN ANG SAPA,

NINA MARIFIE PATIU, 11-ABM-A AT VIVIALYN YUMUL, 12-STEM-A

DEBUHO NI KAREN SALANGSANG

UNTI-UNTI NANG binibihisan ang Munisipalidad ng Apalit at sumasabay sa agos ng modernisasyon ang mukhang kapalit. Hindi maikakailang malaki na ang ipinagbago ng baying ito kumpara sa mga nakaraang taon. Mapapansin ding hangad talaga ng mga namamahala rito ang mapaganda, mapalinis at mapabago ito. Kaya naman, bakas sa mukha ng Apalit ang iba’t ibang mga proyekto na humalili at hahalili sa mga peklat nito. Una, mga kabataang gagabayan para sa mas malusog na pamayanan. Isa sa mga programang pangkalusugan ng Rural Health Unit ng Apalit ay ang Adolescent Counseling. Ito ay programang hindi lamang pangpisikal kundi ay nakaaapekto rin sa mental at sosyal na kalusugan. Pokus ng programang ito ang kumakalat na Human Immunodeficiency Virus (HIV) at ang isyu ng mga kabataan ngayon— Teenage Pregnancy. Ayon kay Ginang Vilma Manlapaz, isang Public Health Nurse, “Dapat starting from the school sila ang mag-aano (magtuturo ng sex education) ng discussion.” Ito raw ay mainam upang bumaba ang malaking porsyento nito. Kung saan, ang kabataang may nobyo man o wala, lahat ay makikinabang pa rin.

Ikalawa, mga matang nakatingin ng hindi napapansin. Gaya ng inilabas na mga salita ni Ginoong Cesar M. Carlos, ang mga Closed Circuit Television (CCTV) Camera ay dati ng programa ngunit, ang nagpabago nito ay ang pag-aayos sa mga ito noong nakaraang Nobyembre lamang. Batay kay Carlos, nasilayan na ng mga

LATHALAIN 9

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

ito ang iba’t ibang krimen katulad ng mga nawawalan ng pera, nagbubugbugan nang dahil sa mabigat na trapiko at ang pinakasariwang holdapan sa isang tindahan. Dahil dito, mas napabilis ang pagresponde ng mga awtoridad o kapulisan. Ikatlo, sa makabagong panahon, pati palengke bago na rin ngayon. Nakaplano na ang pagbibihis ng Public Market ng Apalit sa Bagong Pag-asa, San Vicente. Mapa-matanda man iyan o estudyante, sila’y tiyak na matutuwa lalo na dahil mababawasan ang mabigat na trapiko at magkakaroon na ng mas maayos at magandang palengke ang bayang ito. Ikaapat, palaisdaan sa Pampanga River, bubuhay sa kabuhayan. Balak ng pamahalaan ng Apalit na buhayin ang kabuhayan ng mga fisher folks sa pamamgagitan ng Pampanga River. Ito ay sa kadahilanang gagwin na itong palaisdaan at bagsakan ng mga isda o “fishport”. Kung saan, ito ay nasa ilalim ng programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BASIL o ang Balik Sigla sa Ilog at Lawa. Bukod pa rito, balak na palitan ang dungis ng Pampanga River at gawin itong isang “tourist spot”. Sa katunayan, nabanggit ni Ginoong Jesus L. Cabrera, Jr., ang Head Municipal Agriculturist, mayroon na itong tinatawag na Bamboo Hub na lugar ng pagpapalamig at ang ilang mga pagpupulong ay doon na rin ginaganap. Ikalima, sa lahat ng mga ito, sa huli, ang mga makikinabang dito ay ang mga Apaliteño. Kung saan, bago pa man matapos ang mga programa at proyektong ito, damangdama na ang suporta ng mga tao sa pagpapanatili at kasabikan sa mga pagbabagong ito. Tunay nga, na kasalukuyan ng nagbibihis ang Apalit para sa mas magandang imahe at mukhang papalit.

Ialay ang Kinabukasan para sa Kasalukuyan MAHAL KONG ANAK, Huwag ka sanang iiyak kung madatnan mong ibinababa ako mula sa eroplano. Tumahan ka kung may nakapatong na watawat sa ibabaw ng aking kabaong. Mabulag man ako nang dahil sa putukan. Maputulan man ako nang dahil sa barilan. Mamatay man sa gitna ng patayan. Walang dahilan upang ang propesyon ko ay aking sukuan. Anak, dahil ang puso ko ay isisigaw at ihihiyaw ang salitang “laban”. Maglilimang buwan na kami rito sa Marawi. Bawat araw ay walang kasiguraduhan at bawat araw ay patindi nang patindi ang bakbakan. Dahil ito sa Islamic State of Iraq and the Levant na kinabibilangan ng Maute at Abu Sayyaf. Mga grupong bandido, mga grupong ang puso ay nakalaan para sa giyera at terorismo. Anak, alam kong ikaw ay nababahala dahil sa pinakamahabang bakbakan sa urban ako nadestino. Ngunit, lalo ka lamang titibay niyan. Gaya ng tibay na aking tangan-tangan sa pakikipaglaban. Nanghihina man paminsan-minsan dahil sa mga kapwa sundalong nababalitaan, kailangan pa ring umusad, kailangan lumaban. Napatay namin ang lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon. Kasabay nito ay ang pagwawakas din sa buhay ng mahigit isandaang sundalo. Dahil dito ay umalingaw-lingaw ang tawag sa amin- “Mga Bayani ng Marawi”. Patatagan, palakasan ng loob at pananampalataya sa Dios. Hindi biro ang pinagdaraanan ng isang sundalo dahil sa isang giyera walang sundalong hindi nasusugatan. Ang pagiging sundal, anak, ay higit pa sa katapangan, ito ay pagsasakripsiyo ng sarili mo sa isang bagay na mas higit pa sa iyo. Sa totoo lang halos hindi na mawari ang imahe ng buong Marawi. Maraming nasira at nawala. Bilang isang bayani kung inyong ituring, anak hindi ako natatakot na mawala upang kayo’y ipaglalaban kaysa maging mahusay sa wala. Isinulat ko ito hindi upang iyong katakutan. Isinulat ko ito upang iyong mapagbulayan na ang iyong ina ay isang matapang na bayani ng Marawi na isa sa mga gumuhit ng kasaysayan. Isang itinuturing na bayani at hindi sigurado kung makauuwi. Anak, sa iyong paglaki, huwag kang matakot maging sundalo, maging bayani. Huwag kang matakot ialay ang iyong kinabukasan para sa ikabubuhay ng iba. Nagmamahal, Ang Sundalo mong Ina

100 Dila sa Isang Parihaba

naman tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan. Pili at bihira lamang ang mga mag-aaral na may kusang pangalagaan ang kalikasan. Naranasan ko mismo iyan. Napakaunti naming kumpara sa tatlong libo na mag-aaral ng aming paaralan. Isa o dalawang seksyon lamang yata ang nagseseryoso sa pagla-landscape ng mga lugar na maaaring ayusin. Napakakaunti lamang ng porsyento ng mga nagpupulot ng basura at nagtatanim ng halaman para ang kalikasan ay maprotektahan. Mas nangingibabaw ang kagustuhan ng karamihan ngunit walang pagkilos na ipinapakita. Nakalulungkot mang sabihin na sobrang nakakapagod ang magsulong ng programa pagkatapos ay kaunti lamang ang kaanib at kasama. Gustong-gusto ng magandang tanawin ngunit sila ay naninira rin. Nilalait ang mga sapa, ilog at lawa ngunit wala namang ginagawa. Simpleng pagprotekta sa kalikasan ay napakahirap para sa iba. Ang hindi nila alam sila rin ang mahihirapan.

KUHA NI JEREZA SALVOSA

Tagumpay ng Isa, Tagumpay ng Lahat! NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A

Hindi madaling lumaban na buong paaralan ang tangan-tangan.

Dahil ang intitusyon na aming kinabibilangan ay may libreng pagpapa-aral sa mga nangangailangan. Libreng pagkain, libro, uniporme, at edukasyon na may mataas na kalidad. Saan naman kayo makakakita ng ganoon, diba? Sa kabila ng multilingual na La Verdad ay may iisang mithiin at dahilan kung bakit tayo narito sa paaralan: ang makatapos ng pagaaral. Mayroon mang 100 daang dila sa loob ng isang parihaba, may iisa naman tayong wika upang intindihin ang isa’t isa. Iyon ay ang pag-ibig, kabutihan at pangarap. Gamitin natin ang ating lengguwahe upang maging halimbawa sa kapwa natin estudyante at sa iba. Gawin nating instrumento para magkaintindihan pa. Mula Norte hanggang Katimugan, ating isigaw, ako’y isang La Verdarian, La Verdarian ako!

“words of wisdom” at mga payong pampalakas ng kalooban mula sa pamilya, kaibigan, at iba pa. Aspetong mental dahil sinusuportahan ang akademiks na nakakaligtaan nang dahil sa mga pagsasanay at laban. Panghuli, ang aspetong epiritwal na siyang susi sa lahat. Ang laban ng isa ay laban ng lahat. Iyan ang pormula na ginagawa ng mga La Verdarian kaya naman angat ito sa ibang mga paaralan. Ito ang pormula na nagpapaalalang hindi makakaya

NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A

KUHA NI JENZON LELINA

KUHA NI JEREZA SALVOSA

Mag-aaral pa ba o magtatrabaho na

kailangan siyang suportahan. Oo, hindi nito mapapatibay ang mga kalamnan, hindi nito mapapatalas ang mga isipan ngunit mapapagaan nito ang mga kalooban. Dahil ang suporta para sa kaniya ay suporta na rin para sa lahat. Kaya naman, lahat ng uri ng suporta ay ibinibigay— aspetong pisikal, sosyal, mental at espiritwal. Aspetong pisikal, halimbawa na lamang ay ang mga athletes. Aspetong sosyal, nang dahil sa mga ika nga ay

Pagsayaw ng mga Daliri

HINDI MADALI ANG MAGSULAT. Hindi sa lahat ng panahon ay sapat ang mga salita upang ipahayag ang gusto mong ipahayag. Kadalasan ay hindi mo mailabas lahat ng iyong gustong iparating dahil hindi sa lahat ng panahon ay nasa wisyo kang ilipat sa mga letra ang nasa iyong isip. Hindi madaling magsulat. Lalo na’t nakasalalay dito ang

pupuwedeng maging isipin ng mga taong makakabasa ng gagawin mo. Napakalaki ng responsibilidad ng isang manunulat ng balita sa kung paano niya maipapahayag ang isang bagay ng hindi makakasira ng imahe ninoman. Walang tinatapakan. Walang hinahamak. Hindi madaling magsulat. Hindi lahat ng tao’y magugustuhan ang sinulat mo. Kapag isa kang

mamamahayag sa diyaryo, hindi lang isa ang may kopya ng iyong iniakda. Hindi rin lang isa ang makakakonsumo nito. Kung kaya’t mas madami ang pupwedeng humusga ng ginawa mong artikulo at sa iyo na rin mismo. Hindi biro ang pag-uulat. Lalo na’t may sarili kang opinyon sa isang isyu. Kailangan mong maging patas. Kailangan mong mapahayag ang lahat ng anggulo at maging pantay sa bawat kampo. Kailangan mong isantabi ang sarili mong opinyon para sa mas nakakaraming tao. Ika nga nila, patas at hindi bias. Hindi biro maging manunulat. Karamihan sa aming propersyon ay sinusubukang mangdikta. Ang propesyonal ay binabayaran upang tumahimik sa kanilang nalalaman. Isang maling letra lamang, buhay na ang maaaring kabayaran. Gayon pa ma’y masaya ang maging parte ng campus journalism. Dahil bilang manunulat, isang karangalan na ma-imprinta ang gawa mo at mabasa. Iba ang pakiramdam na nakikita mong nasa palad nila ang mga salitang iyong pinagtuunan ng

pansin at oras. Tila sila’y nanonood sa pagsayaw ng iyong mga daliri. At isipin mo na lang kung gaano kasarap sa pakiramdam. Na Makitang sumisikat ang bahaghari pagkatapos ng bagyo. Sa puntong akala mo’y hindi na ito aahon pa. gayon ang pakiramdam ng isang manunulat. Sapagkat, hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong maipahayag ang kanilang mga saloobin o ang mabigyan ng ganitong talento. Masaya dahil marami kang makikilalang tao. Magkakaiba man kayo ay may isang pagkakatulad ang bawat isa sa inyo. Iyon ay ang papel at panulat bilang sandata. Naroon ang kalakasan naming manunulat. Sa mga letra at kung paanong kaya naming makapasok sa isipan ng tao. Kung paanong kaya namin maghayag ng tapat na impormasyon. Mahirap pero masaya. Sa maliit na paraan ay nakakapagbigay kami ng magandang kontribusyon sa kapwa estudyante. Sapagkat ang mga taong nagbabasa ng pahayagan ay ang dahilan kung bakit kami naging mamamahayag.

Pamatay na “x+y”

NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A ANG ATING PAMANTASAN AY pinapalooban ng mga estudyanteng galing sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Kaya’t kung ikaw ay palakaibigan ay matututo ka ng iba’t ibang lengguwahe. Mula sa Kapampangan hanggang Kabisayaan o Waray man. Lahat halos ay nandito na! Kung ang mundo’y may United Nations, ang sa atin nama’y United Provinces. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang mga La Verdarian ay may baryasiyon sapagkat magkakaiba tayo ng mga kulturang kinalakihan. Isama mo pa ang ating magkakaibang relihiyon. Mga pagkakaibang siyang magtuturo sa atin na tumanggap ng iba bukod sa ating nakagisnan. Isang magandang halimbawa upang matuto tayong rumespeto sa lahat. Marahil ay nagtataka kayo, bakit kailangan pang dumayo sa Pampanga para mag-aral?

Campus Journalism, Sports, Academics at Cultural—iyan ang mga larangan kung saan nangunguna ang La Verdad Christian School (LVCS) at sadyang maaasahan. Kung saan, iba’t ibang estudyante ang sagarang nagsasanay sa loob ng mga araw, linggo at buwan para sa sarili, magulang at paaralan. Subalit, sa isang kompetisyon, hindi maaaring panghinaan ang lumalaban. Kahit gaano pa kalupit, kagaling at kalakas iyan, kahit papaano walang duda na

NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A ISANG PRIBILEHIYO ng K-12 ang pupuwede nang magkatrabaho pagkagraduate nito ng Grade 12 basta’t nasa wastong gulang. Kung kaya’t maraming estudyante ang napapatanong kung sila ba’y papasok pang kolehiyo. Ang iba’y nagaalinlangan na dahil ika nila’y sa pagtatrabaho rin naman ang bagsak nila. Tama nga naman. Ngunit ano ba ang nararapat? Mag-aaral pa o magtatrabaho na? “Gusto ko sana, kaso gusto ko na kumita ng pera.” Ito ang madalas na dahilan ng iba. Ngunit sambitla naman ng

magulang, “mag aral ka habang may nagpapaaral sa iyo." Ano nga ba talaga? Paniguradong magkakaiba ang dahilan ng bawat isa. Kung hindi na talaga kaya ay huwag nang ipilit pa. Ngunit kung kaya pa, edi magaral pa. Dahil sa totoo lang ay limitado pa rin naman talaga ang mga nakalatag na trabaho sa'yo pagkatapos ng Senior High School. Mas pipiliin pa rin nila iyong mga nakapagtapos ng kolehiyo. Kaya’t pag-isipang mabuti kung magtatrabaho na ba talaga dahil iba pa rin kung nakapagsuot ka ng itim na toga at may hawak kang diploma.

IBA’T IBANG FUNCTION, Samu’t saring equation, Pilit na hinahanap si “x” At tinatanong si “y” Utak mo’y ‘di mabubuhay,

Dahil sa Matematikang pamatay. Bihira lang ang mga estduyanteng mariringgan mong sinasabi na, “I love Math” dahil ang karamihan ay madalas na naiinis sa asignaturang ito. Matematika ang pangkaraniwang sinasabi ng mga estduyante bilang mahirap na klase kumpara sa iba. Ito rin ang asignaturang kadalasan o karamihan sa mga grado ay sumasabit sa 75 o kaya nama’y bagsak. Kapag Matematika na ang paksa parang gusto ko na laging wakasan ang usapan. Puro numero na nga ang nasa utak mo, pati ba naman sa usapan makikisiksik pa sa inyo. Matematika roon, matematika rito. Oo na, tanggap ko naman na ang Matematika’y sadyang makikita kung

saan-saan. Ang pinagtataka ko lang, ginagawa ko naman lahat pero bakit ‘di pa rin sapat? Yung tipong akala mo tama na yung ginawa mo tapos hindi pa pala. Heto pa, pilit na hinahanap si x at si y tapos paghihiwalayin din naman sa “factoring” at ang labo non. Ang labo dahil sa tingin mo ang halaga ni x at ni y ay ‘yon na pero hindi pala. Sadyang nakamamatay ng neurons ang nakakabaliw na Matematika. Nagpapasalamat nga ako dahil ang nararanasan ko ay tila pagkatuyo lang ng utak dahil sa mga aplikasyon at hindi ang pagkakaroon ng “Math Anxiety” kung saan maaaring dalhin sa pagtanda at hindi agad matanggal na nagreresulta ng hindi pagpasok o pakikinig ng estudyante. Kapag may klase sa asignaturang ito, nararamdaman ko talaga ang pagkatuyot ng utak ko pagkatapos ng klase. Para bang lahat ng kinain mo ay nalusaw na. para bang ang

Matematikang ito ay pilit akong sinusundan at ayaw akong lubayan. Kahit saan may x, kahit saan may y. Matematika ang kadalasang dahilan kung bakit lumilipad ang iba kong kaalaman at napapalitan ng mga nagtatalunang numero. Mga “variables”, istadistika, “function” at iba KUHA NI pa. Matematikang ROY GASPAR pilit na nagpapakabog ng puso ko tuwing may pagsusulit sa paaralan. Mahirap kung mahirap talaga ang Matematika. Pilit nga akong nagtatanong kung bakit pa kailangan pag-aralan ang Cartesian Plane, ang x-axis at y-axis. Kung bakit kailangan pang buuin ang equation dahil kung

tutuusin sa karamihan ng mga bagay ay hindi naman kinukuha pa iyon. Gayunpaman, gaano man ito kahirap, hindi maikakailang nakadikit na ito sa bawat buhay ng mga tao. Tama, mahirap ngang intidihin. Tama, nakatutuyo nga ng sariwang utak. Tama, mahirap ngang gawan ng eksplanasyon parang kung gaano kahirap ang aplikasyon sa “function” at “equation”. Tama lahat ng iyan ngunit laging tandaan, ang Matematika ay laging nariyan at nakikita kung saan-saan. Talagang ganiyan, ang “x+y” ay ‘di na mahihiwalay mula sa atin at patuloy itong susunod sa bawat yapak.

ng isang lalaban ang sumabak ng kulang sa lakas ng loob at suporta na matatanggap nito sa kaniyang kapaligiran. Walang duda, na kaya nagtatagumpay ang isa dahil sinusuportahan at tinutulungan siya. Siyang lumalaban hindi lang para sa sarili niya kundi para sa lahat. Dahil gaano man kahirap ang lumaban na buong paaralan ang dala, sa suporta na mismong paaralan ang nagpapakita, magtatagumpay at magtatagumpay siya.

EDSA sa Eskuwela NI MARK VINCENT CARREON, 11-ABM-A KUNG AKALA NIYONG SA MAYNILA lamang may EDSA ay nagkakamali kayo. Halos araw-araw ay maaari kang masabak sa matinding trapiko.

Bago ka pa makapasok sa loob ng paaralan ay kailangan mo nang pumila sa pag-i-inspeksyon ng mga bag. Natatandaang ipinatupad ito para makaiwas sa mga estudyanteng nagdadala ng mga nakakamatay na bagay at mga hindi nararapat sa eskwelahan. Tulad na lang ng mga patagong cellphone diyan.

Iyong tipong gutom na gutom ka na pero kailangan mong maghintay. Tapos kapag ikaw na ang susunod ay tsaka lilipat ang tindera doon sa kabila. At aba, may mga pasimpleng sumisingit pa at nagpapasabay sa kakilala. Mawalang galang lang ho, ano. Mayroong pila!

Ito na siguro ang pinakamahirap na pila. Dahil parepareho kayong may iniinda. Ang iba’y sasabog na ang pantog at ang iba’y hindi na makagalaw sa kinatatayuan nila. Kung minsan mayroong whistle na tutunog at mapapatakip ka na lang ng ilong. Alam na, isang bomba ang sumabog.

Wag mo nang ituloy ang pagbabasa. Masasaktan ka lang.

KUHA NI JENZON LELINA

KUHA NI ROY DANIEL GASPAR

DEBUHO NI ZIRIAN JUDEA RAMOS

pinababayaan ang lawa. Naiinggit sa ibang lugar at umuusbong ang kagustuhan. Polusyon sa hangin, sira-sirang tanawin. Ang pagkilos ay umuurong, kulang din sa tulong. Sinasabi ng nakararami sa napakarangya ng Pilipinas pagdating sa likas na yaman. Ngunit ang Pilipinas na napalilibutan ng karagatan ay hindi pinahahalagahan at madalas lamang pakinabangan. Lalong lumalala ang kondisyon ng Pilipinas sa pagdaan ng panahon at sino pa nga bang inaasahan na kumilos kundi ang kasalukuyang henerasyon. Samu’t saring programa ang ipinapatupad ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay sa pagprotekta ng kapaligiran at pagsasaayos nito. Isa riyan ay ang pagkakaroon ng mga paaralan ng Material Recovery Facility (MRF). Aminin, hindi lahat ng paaralan ay mayroong ganito at kung mayroon man hindi napananatili nang dahil din sa mga mag-aaral. Gustong-gusto nilang may maayos na kapaligiran ngunit hindi


10 LATHALAIN KUHA NI JENZON LELINA

DISYEMBRE 2017 ang tanglaw

Para sa Hinaharap, Pag-ibig, at Pangarap NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A

Bumalik tayo sa umpisa. Kung paanong pinangako mo na mag-aaral ka muna. Saksi ang mga pader at iyong ina na nagtitiwalang makakapagtapos ka. Isang pisil ng pagmamahal ang ibinigay niya sa iyong mga kamay habang ika’y nag-aalinlangan. At tanong mo sa sarili.

“Kaya ko ba?” Na magpigil ng nararamdaman at unahin ang pag-aaral. Na kagat-labi kang magtitiis na huwag niyang ma-okupa ang isipan mong para muna sa pagkatuto. Hindi sa paggawa ng bata kundi para sa pangarap na sinimulan mo mula pagkabata. Mula noong mga kakampi mo sa ‘tamaang tao’ pa lamang ang kailangan mong isalba. Hindi ang sarili mo na tila gigiba na. Mayroong ‘taympers’ para magpahinga at bato-bato pik para makapagpasya. Kaya mo ba, na huwag mapabilang sa mga nagsisising inuna ang bugso ng laman nila? Kung paanong mas pipiliin mong magsakirpisyo ng kaunting ligaya at pansandaliaang sarap para sa mabuting hinaharap. Sinimulan mong mag-isa kaya’t tatapusin mong isa pa rin. Hindi may nakatago sa loob ng tiyan mong dati’y pagkain lamang ang tumitira. Kaya mo ba, na masabihang ‘KJ’ ka? Na sa araw ng mga puso’y libro ang iyong kasama. Na humahalik sa iyong mga palad ay ang magaspang nitong mga pahina. At yumayakap sa iyo’y sariling mong nangungumbinsing

kaya mo pa. ang matatamis na liham nila ay katumbas ng mataas mong marka. Ang kilig ay nasa kubeta, sa tuwing umiihi ka. At sa tuwing nagpaparamdam siya, at binitawan ang siyam na letra: Mahal kita. Ipikit mo ang iyong mga mata at bumalik sa umpisa. Kung paanong pinisil mo pabalik ang kamay ng iyong ina na nagpapagal para makapagtapos ka. Kung paanong pinangako mo na sa bawat pagod niya ay ang paghihirap mo ring makapasa. Ilang libong letra na ba ang iyong naiguhit , inintindi, nabasa, binasa, binabasa at babasahin? Para matumbasan ng mga pangako ng isang binatilyo na maski pambili ng salawal ay inuungot pa sa kaniyang ama at ina? Paanong mapagkakatiwalaan ang mga salitang iniluluwal ng bibig ng binatilyong hindi makapaghintay ng tamang panahon. Na hindi makaintindi ng mga salitang, “bata pa tayo. To’y, hindi na ito bahaybahayan na puwedeng umayaw kapag pinauwi na sa tahanan. Kaya mo ba?, na makita ang pagtangis ng iyong ama at ina? Habang iyong karga-karga

ang musmos na nabuo ng iyong batang pagsinta. At ang mata nila’y nirereplika ang iyong pagluha. Dahil wala pa man ay wala nang magigisnang ama ang wala namang kasalanan. At kasabay ng pagngiti nito sa iyong nanay, ay ang pagsisisi dahil iniluwal siya. Sa panahon na hindi pa handang maging magulang ang magulang niya. Bumalik ka sa umpisa. Noong sinabing natanggap ka sa La Verdad. Kung paanong ngumiti ang inyong mga mata at determinadong sinimulan mo ang unang araw ng eskuwela. Balikan mo ang ABAKADA hanggang sa ideya ng huling pagkakataon na hahalik ang isang huling pahina sa mga palad mong nagtiyaga, naani mo na ang diploma. Tsaka ka dumilat at ngitian ang binatilyong nagtatapat, mabagal kang umiling tsaka sabihin, “Mahal din kita. Pero huwag muna.” Tama, pumasok ka sa eskuwela para mag-aral hindi para suminta. Isipin mo ang dahilan kung bakit ka nagumpisa. Kung bakit ka kumapit at kung bakit itutuloy mo pa. Para sa hinaharap, pagibig, at pangarap.

Pagkakakilanlan ng mga susunod na Propesyonal

Ngayon at Bukas Ang ating kasalukuyang paglalakbay ay hakbang patungo sa mas magandang buhay sapagkat ang pinapangarap na kinabukasan ay idinidikta ng paraan sa kasalukuyan. KUHA NI JENZON LELINA AT GRAPIKS NI ARNEL ATCHICO TUMBALI

Paano alagaan ang G-tech? Hindi biro magalaga ng isang bagay na pwedeng mawala sa isang iglap. Parang bulalakaw sa langit at lamok na sa balat mo’y nakadikit. Hugot ng ilan, “alagaan mo kasi para hindi mawala,” sandali nga, paano ba ang tamang pagaalaga?

Iyong tipo bang isisilid mo sa lugar na walang nakaaalam? O hindi kaya’y itatali sa kamay? Eh kung lagyan mo ng paskil na nagsasabing ito’y sa iyo na? pabantayan mo na lang kaya sa mga guwardiya? Hindi uubra para sa ating mga estudyante, hindi ba? Kung kaya’t maglalatag kami ng ilang paalala para maalagaan ang dalawang bagay na ating pinaka-iingat-ingatang mga La Verdarian. Ang G-tech at scholarship. Una, kung paanong pinaghirapan mong mag-ipon ng pera para sa sitenta pesos na halaga ng bolpen na kapag bumagsak ay patay na. At kung ilang syete pesos na kape ang iyong tinimpla para makapasa, pahalagahan mo. Dahil alam mong bago ka makapunta diyan ay nalipasan ka muna ng gutom at naging nerbyosa. Pangalawa, kailangan mong tandaan na maski ang eskwelahan ay isang napakalaking Divisoria. Kabahan ka na. Hindi mo alam kung

kailan iyan mawawala. Huwag mong pabayaan o iwan basta-basta. Dahil mapalinga ka lang sandali, paglingon mo’y nasa piling—este nasa kamay na ng iba. Pangatlo, ipangalandakan mo na pagmamay-ari mo ito. Ipagsigawan mong iskolar ka at lagyan ng label ang lagayan ng tinta. Para malaman nilang hindi na ito puwede angkinin ng iba. Na kapag sayo, sa iyo lang. hindi puwedeng sayo at kanya. Pang-apat, huwag kang magtatangi. Huwag porke hindi G-tech ang napulot mong bolpen ay isasauli mo na sa may-ari. Pagkatapos, ano? Kapag G-tech diretso tago sa bulsa? Maging tapat ka sa kapwa. Sunod, gawin mo ang lahat para huwag itong maghanap ng iba. Ipakita mong karapatdapat ka. Dahil gaya ng tao, kapag ang bagay hindi mo inuring takot kang mawala, maghahanap at maghahanap ito ng magsisigurong hindi siya masasayang. Dahil sa totoo lang,

pakinabang lang naman ang habol mo, hindi ba? Pagkatapos, maging responsible ka. Kung hindi mo kayang panindigan ay huwag mo nang simulan. Hindi simple ang pag-aalaga ng G-tech at scholarship. Huwag mong ariing iyo ang hindi mo naman kayang alagaan. Panghuli ay magsisi ka sa umpisa. Nang sa gayon ay pag-aalaga mo’y magpapang-una. Huwag kang maghabol kung kailan hawak na ito ng iba. At kung sakaling ito’y mawala, siguraduhing ang mga nabanggit ay ginawa nang sa gayo’y hindi masyadong masakit. Para wala masyadong pagsisisi. Dahil gaya ng pagtakbo ng oras at pagbibilogbilugan ng tubig sa langit at lupa’y walang permanente sa mundo. Patuloy ang takbo nito. May mawawala at may dadating. Ngunit pakatandaan natin—wala ng babalik pang scholarship at G-tech kapag pagpapabaya’y pinairal natin.

Ang Kuwento ng Isang Inspirasyon

KUHA NI YASMEENA BATAC

NI MARIFIE PATIU, 11-ABM-A

Nakita kong nakatingala sila’t kumakanta, habang ang mga kamay ay nakalapat sa kanilang kaliwang dibdib. Marahil, mayroong seremonyang nagaganap. Kitang-kita ang disiplina sa kanilang pantay-pantay na linya. Isa pang nakakahalina ay ang unipormeng suot nila. Iba’t ibang estudyante, iba’t ibang klasipikasyon ng uniporme. Kay gandang tingnan, at kay gandang pagmasdan. Ayon sa aking anak, uniporme raw ang pagkakakilanlan ng isang paaralan o kaya naman ng

sa aking kanan ang nakapaskil na iba’t ibang klasipikasyon ng uniporme sa paaralan. Ngayon ko lang nalaman, na ang batang iyon pala ay isang estudyante ng pre-school. Ang mga sumusunod ang aking mga nabasa: magkakaparehong puting polo, ang suot ng mga kalalakihan. Ang kababaihan nama’y bistida para sa pre-school, “long sleeves” para sa elementarya, Junior High School at ang kolehiyo. Samantala, “3/4” naman ang Senior High School at may “vest” pa ang ika-12 baitang. Lahat pa’y may kurbata. Isama pa ang ID, puting medyas, logo at angkop na gupit ng buhok. Mga mukhang magtataguyod ng hinaharap at mga propesyonal ng kinabukasan. Kaya naman pala, iniba-iba ang mga uniporme upang ‘di mahirapang makilala ang iba’t ibang lebel ng mga estudyante rito. Sa totoo lang, ang gandang tingnan, ang pormal pagmasdan. Kaya naman ang sabi ko sa aking sarili, “nais ko ring magsuot ng ganoong uniporme ang aking anak – unipormeng minsang nagpakilala at isinuot ng isang susunod na propesyonal.”

ANG PUNO AT ANG BUNGA. Mga estudyante noon, mga co-faculty ngayon, ito ang tatlo sa maraming bunga sa ilalim ng pagtuturo at pagpapayo ni Ma’am Chin Laguinto na ipinakikita na kung ano ang puno, iyon din ang bunga. KUHA MULA KAY JOEL REGINO, LVCS

NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A

Kung may isang bagay na dapat nating maalaman, iyon ay ang nakaraan ay nasa kasalukuyan. Pupuwede mong maaninag ang nakalipas na at yakapin ito na tila isang buhay na historya. Sa malamang ay karamihan sa atin ay nabibingi na sa pagbabawal nila.

NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A

Mga Tatak sa Daang Tinahak

kung anong institusyon. Kaya naman siya’y hindi sang-ayon nang pagplanuhan na tanggalin ang lahat ng uniporme sa mga paaralan dahil bukod sa magulong tingnan, mukhang hindi rin disente ang mga estudyante dahil sa iba’t ibang kasuotan. Salamat sa batang nadapa, nang dahil sa kaniya nakita ko ang ganda ng paaralang La Verdad Christian School (LVCS). Tama ka, doon din siya nag-aaral. Tinulungan kong bumangon ang batang iyon na may suot na asul na bistida at kurbata, hinahabol ang kaniyang ina na nasa loob na. Unang beses kong makapasok sa institusyong katulad nito, habang nakatayo, nasilayan ko ang mga estudyanteng nasa isang seremonya. Pagkatapos nilang kumanta, ako’y naglakad nang may pagkamangha dahil sa kaisahan at disiplinang kanilang ipinakita. Napagmasdan ko ang disenteng unipormeng kanilang kasuotan. May iba’t ibang klase sa iba’t ibang lebel. Dahil dito, kaya naman agad makikilala at maiiba ang mga estudyante mula sa isa’t isa. Napansin ko

Nakaraan sa Kasalukuyan

Sa maling paraan maaari kang mawalan…

NINA IVY MANAG, 11-STEM-A AT HAZEL FERNANDEZ, 11-ABM-A

Silang mga nakapila’t suot-suot ang kani-kanilang uniporme, silang mga may mukhang sa kinabukasa’y magiging propesyonal.

LATHALAIN 11

ang tanglaw DISYEMBRE 2017

Sa buhay ng isang guro, premyo na kung maituturing ang hindi siya limutin ng mga estudyanteng minsan niyang nilaanan ng oras, pagod, at tiyaga at pinagbuhusan ng kaalaman. Maraming guro man ang dumarating at lumilisan, hindi maikakaila ang katotohanan na parte sila ng kung ano ka ngayon. Katulad na lamang niya na ang kalidad ng pagtuturo ay hindi matatawaran. Siya na kapag pasuko ka na ay maaari mong lapitan. Siya na alam ang ginagawa—ang tinuturo. Siya si Ma’am Caroline Laguinto. Siya’y mas kilala bilang “Ma’am Chin” ng

nakararami. Isang mahusay na produkto ng Centro Escolar University (CEU). Nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong AB Mass Communication, Major in Broadcasting. Parte ng kilalang tsanel na UNTV. Buong pusong nagtuturo sa loob ng mahigit dalawang dekada. At ngayon, nakumpleto niya ang Academic Units sa Doctors of Philosophy in Public Administration. Sa kabila ng kaniyang kahusayan, ang tanong, paano kaya siya dumaan sa buhay ng mga taong minsan na niyang tinuruan?

Sa kapangyarihan ng kaniyang awra

“Kapag inaantok ka habang nagtuturo siya, tapos nakita ka niyang humikab, pagmo-model-in ka niya sa buong klase,” sabi ni Jaime Relao, isang dati niyang estudyante sa asignaturang Organization and Management. Maliban sa mga polisiya ng paaralan, ang mga batas niyang ito ay kailangan ding sundin at pag-aralan. Kung hindi, baka ikaw ay masampolan at kapag narinig mo na ang,”Good morning, Ma’am Laguinto” magsimula ka ng maging alerto.

Sa pagiging pusher niya.

Minsan na siyang naging pusher. Hindi ng droga kundi ng mga estudyanteng nawawalan ng pag-asa at sumusuko sa mga pangarap nila. “Malaking factor yung naging teacher ako dahil kay Ma’am Chin. She has always believed in me,” isinaad ni Ma’am Jessica Santos, isang guro ng kolehiyo na sumailalim sa madibdibang pagtulak ni Ma’am Chin upang siya ay magpatuloy sa daan na kaniyang tinatahak. Sa mga panahon na ayaw na niyang mag-aral, ayaw na niyang kumuha ng board examination at sukong-suko na siya, si Ma’am Chin ang naging pusher niya. At ngayon, isa na rin siya sa mga guro na nagtuturo ng buong puso.

LAGUINTO

“May impression kasi siya na nakakatakot, terror ganoon. I appreciate yung impression niya na ‘yon.” Sambit ni Sir Louie Gopez, dati niyang estudyante sa asignaturang Personnel Management. Maliban sa husay na kaniyang taglay, may impresyon din sa kaniya na hindi mahihiwalay—ang awra niyang nakakatakot. Ayon kay Gopez, sa larangan ng pagtuturo, maganda naman daw ito. Sa kadahilanang ito ay iwas abuso, “kasi kapag alam nilang mabait ka, aasa na lang sila na ipapasa mo sila,” dagdag pa niya.

Sa mga batas niyang kakaiba.

Kakambal ng nakakatakot niyang awra ay ang mga batas niyang kakaiba.

Sa pamamagitan ng kaniyang tatak

“Study smart.” Iyan ang kaniyang pananiniwalaan imbes na “study hard”. Sapagkat, kung nagpapakahirap kang mag-aral, hindi mo naman tinatalinuhan, mananatili pa rin iyong hindi sapat. Iyan ang tumatak kay Gopez na siyang iniwan ni Ma’am Chin sa kaniyang isipan. “Talagang worth remembering si Ma’am Chin. Laging ini-in still samin yung mga tinuturo niya academically and morally,” sabi ni Santos. Manila Bulletin—dyaryong kakambal ng pangalang Caroline Laguinto. Dyaryong kaniyang instrumento upang panatilihing “updated” ang kaniyang mga estudyante partikular na ang mga walang telebisyon at radyo sa mga bahay na tinutuluyan. Hindi lang iyan, kapag ikaw pa ang nakakuha ng Manila Bulletin Award, sa dulo ay may papremyong tablet mula mismo sa kaniya! “Versatile atsaka effective. Effective siyang magturo atsaka parang sa lahat ng bagay marami siyang alam at marami siyang nasasabi,” dagdag ni Xerxes Dean Robles, dati niya ring estudyante sa Organization and Management. Tama ka, tumatak siya mula sa kaniyang kahusayan hanggang sa katangian niyang maaari siyang masandalan. Ang buhay ng tao ay isang daan ng mga dumarating at lumilisan. Ngunit, ang pagsubok dito ay kung paano ka tatatak sa daan na iyong tinahak. Sa huli, nalampasan naman ito ni Ma’am Caroline “Chin” Laguinto, dahil sa kanyang mga kuwento’t inspirasyon na patuloy na nagmamarka sa isipan ng mga batang minsan niya nang napangalagaan.

“Huwag mong gawin ito..” “Huwag mong gawin iyan..” “Mas marunong ka pa sa matanda.” “Maniwala ka sa akin.” “Anak, pakinggan mo ako.” “Papunta ka pa lang, pabalik na ako.” Sana nga, nakinig ako nang sambitlain ito ng inay at itay ko. Dahil kung alam ko lang ang mga nalalaman ko ngayon, hindi ko na sana pinagpilitan ang gusto ng hangal kong puso. Bakit nga ba hindi tayo naniniwala sa mga buhay na saksi? Dahil ba kanilang sinabi na mas maigi na matuto sa sariling karanasan? O dahil sadyang matigas lang talaga ang kukote natin at pilit na pinagpipilitan ang hindi nalalaman? Ito ay isang liham mula sa estudyanteng natuto sa mahirap na paraan. Makinig ka, ikaw na nagbabasa. Matuto kang making sa mga salitang binibitawan ng ating ama’t ina. Iyon ay mga salita mula sa bibig na may tunay na pakialam. Ang mabilis na pagtagos nito mula kaliwang tenga papuntang kanan ay pagpapahayag na mayroon kang paparating na pagsisisihan. Sa bagay, anong tatanggapin ng taong sarado

ang isipan. Ang ating mga magulang ang replika ng nakaraan sa kasalukuyan. Ang mga nabuhay upang maging buhay na aral. Walang mali sa pagkatuto mula sa pagkakamali ng iba. Hindi nila gustong maulit pa ang mga bagay na nagpaliko ng diretsong daan na dapat lakaran. Ang nagpadilim sa bahaghari at nagnakaw ng kasiyahan ng kanilang murang isipan. Makinig ka, batang wala pang napapatunayan. Maging halimbawa ka nawa bilang isang taong nakinig sa kaniyang mga magulang. Sana’y manatiling makulay ang bahaghari sa iyong inosenteng isipan. At huwag nang tahakin pa ang mapanlinlang na daanan. Walang masayang katapusan sa maling pag-uumpisa. At walang malungkot na hangganan sa pinaghirapan. Huwag nang bumalik pa sa pinagdaanang binitawan ng mga salitang “anak, makinig ka, huwag mong gawin iyan.” Bagkus lumingon ka pabalik at tumangong magaling. Kailan ma’y walang magulang na ipapahamak ang nanggaling sa kaniyang sinapupunan.

KUHA NI JENZON LELINA

Isang Linggong Kalbaryo, Pitong Piraso ng Payo NINA MARIFIE PATIU, 11-ABM-A AT CARL JENSEN SAWAL, 11-STEM-A

Isang linggong kalbaryo, pitong araw na ang utak mo ay hinahangin at binabagyo.

Ngunit, puro mga negatibong bagay na lamang ba ang puwedeng isipin? Tandaan, may liwanag pang pilit na sumisilip. “Miyerkules Nagtapat siya ng mga gawain” Kapag ramdam na ramdam mo na ang presensya ng mga “Lunes gagawin. Yung tipong dama mo Nang tayo’y pumasok sa na talagang palabas na siya sa eskuwela” bibig ni Ma’am o Sir, kumalma Kadalasan sa mga ka. Huwag kang kabahan. Upo estudyante, ang araw ng Lunes ka lang nang maayos. Isipin mo ay kanilang kinamumuhian. nalang na may panibago kang Dahil sa unang araw ito ng pagkakataon para ipamalas ang pasok sa eskuwela. Panibagong kakayahan mo. araw na naman ng pagpupuyat “Huwebes . Araw na hudyat ng kalbaryong Ay pinagpuyatan din” kakaharapin. Kaya naman hindi Bangag ka kinabukasan, sila masisisi kung sa araw ng yung may pacontest ng eyebags Lunes sila ay hindi nakangiti. na palusugan. Kasi nga tinapos “Martes mo yung mga dapat tapusin. Nang guro’y muling O ‘wag kang maiinis, maiiyak nakita.” at lalong-lalo na ang sumuko’t Dagdagan pa iyan ng mga magsawa. Ganito ang mainam gurong nakasisindak. May gawin, tumingin ka sa salamin mga mababait ngunit hindi maiiwasan ang mga gurong lakas at sabihin mo sa sarili mo, “Ako nga pala yung bagong hire na makalabas ng ihi sa pantog.

zombie sa Train to Busan. I thank you! “ “Biyernes Ay puno ng takdang-aralin” Huwag kang mag-alala at huwag kang tatamarin. Gawin mong oportunidad ang paggawa mo ng takdang-aralin. Magpabida ka rin minsan, magpabibo ka kumbaga. Kahit na kinabukasan ay walang pasok, gawin mo pa rin. Alam mo kung bakit? Dahil kapag nakita ka ng mga magulang mong sipag na sipag ka sa pagaaral, aba tataasan ng mga iyan yung baon mo. “Mga puso natin ay sadyang nag-iiyakan” Kaso kung hindi mo na talaga kinakaya at minsan sadyang mapapaluha ka na, huwag kang mag-alala tumitibay ka lang niyan. Iyakin is the new strong. Tumingin ka sa bintana, tumingala ka at isipin mo na lang na ayos lang munang mahirapan kasi para naman sa kinabukasan.

“Sabado Sa wakas ay natapos din” Itatak mo sa utak mo na ang bawat bagay ay may katapusan. Huwag munang hugutan ang “walang permanente sa mundo”, gawin mo iyan ang maging motto mo sa bawat takdang-aralin at proyekto. “At pagsapit ng linggo giliw may gagawin pa rin” Sa huli ay magiging maaayos ang lahat ngunit kung hindi pa rin, sigurado na Hindi pa iyon ang huli. Atsaka alam mo bang ‘yang susunod na gagawin mo, sa hinaharap ay pasasalamatan mo dahil magiging parte iyan ng tagumpay mo. Hindi lang ikaw ang estudyanteng mayroong isang linggong kalbaryo. Hindi lang ikaw ang tila hinagupit ng bagyo pagpasok sa klase niyo. Marami nang dumanas niyan, pero tingnan mo nakaya naman nila hindi ba?

Imperpektong Biyaya NI JHAN HYACINTH TAN, 12-HUMSS-A

Mabait, masasandalan sa anomang oras, mapagbigay at masarap kasama. Isang dalagitang masayahin, malakas ang loob at puno ng positibong karakter sa katawan. Hindi iniiinda ang mga mapanghusgang tingin ngkaramihan. iniinda.

Iyan si Jecca Mill I. Diltmos. Ngunit sa likod nito’y isang kapansanang 16 taon na niyang iniinda. Ito ang Cerebral palsy. Ang cerebral palsy ay isang kapansanang nakakaapekto sa paggalaw ng kalamnan o sa abilidad ng isang tao na gumalaw na may koordinasyon sa ibang parte nito. Pupwede rin nitong madepektuhan ang pandinig, paningin, pananalita o hindi kaya’y mabagal na pagkatuto. Sa kaso ni Jecca, ang naapektuhan ay ang kaniyang paglakad. Bawat pagyapak na kaniyang ginagawa ay tila isang hakbang paakyat sa hagdan. Hindi balanse, tila nakatakong ang isang paa. Ngunit gayon pa man, hindi niya

DILTMOS

kinakahiya ang sitwasyon niya. Isinilang ang musmos na si Jecca noong January 15,2001 at aniya, 6 na buwan lamang siyang namalagi sa tiyan ng ina at kinailangan ng ilagay sa incubator para mabuhay. Walang kasiguraduhan kung siya ba’y lalabas pa sa kahon na iyon ng buhay. Noong bata pa’y sumailalim siya sa therapy kung kaya’t siya’y natutong maglakad at binabalak na ito’y ipagpatuloy pa sa darating na panahon. Ang nakakalungkot lamang ay wala pang gamot na nadidiskubre sa siyensya para rito. Ngunit maaaring magsagawa ng mga treatments, paggamit ng mga espesyal na mga kagamitan, therapy, at kung minsa’y umaabot

pa sa surgery. Hindi naging hadlang ang kapansanan niyang ito upang makapag-aral at tuparin ang mga pangarap. Kasalukuyan siyang nasa ika-11 baitang sa kursong Humanities and Social Sciences o HUMSS sa La Verdad Christian School kung saan mayroon ring iilang estudyanteng mayroong Cerebral palsy kagaya niya. Hilig niya ang pag-awit, paggawa ng mga kanta, pag-uulat at mga debate. Sample naman diyan! Hindi mo maiiwasang humanga sa kaniya. Dahil hindi lahat ng tao’y kayang mahalin ang pagiging imperpekto nila. Kadalasan, itoy’ kanilang kinakahiya. Gayon pa man, ang para sa iba’y parusa, para sa kaniya’y isang biyaya. “Nagpapasalamat pa rin po ako kay God dahil kahit na ganito, blessing in disguise po siya, actually. Kasi as tao, nagagawa ko ang nagagawa ng iba. Kasi po ‘diba hindi naman nagbibigay si God ng ‘di natin kaya.”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.