TITIS AT LIYAB: KURT BRANDON BAUTISTA STM17

Page 1

Seksyong STM17

Portfolio ng mga Sulatin NI: BAUTISTA, KURT BRANDON

FILIPINO SA PILING LARANGAN

IPINASA KAY: G. RAYMOND VERANA


Titis at Liyab Portfolio ng mga Sulatin

NI:

BAUTISTA, KURT BRANDON

IPINASA KAY: G. RAYMOND VERANA Ika-6 ng Hunyo, taong 2022


Ang piniling pamagat, Titis at Liyab, ay mayroong isang malalim na pinagmulan at labis na kabuluhan para sa mayakda. Ang lumang salitang 'Titis' na nangangahulugang 'Spark' sa wikang Ingles ay nagmula sa isang makasaysayang pahayagan ng Lapiang Proletaryo ni Crisanto Evangelista, at ang salitang 'Liyab' ay pinukaw mula sa kaniya dahil sa pagpapanood ng dokyumentaryong pinamagatang "Sa Liyab ng Libong Sulo", na siya nama'y nagmula sa tula ni Amado V. Hernandez. Sumasagisag ang dalawang salita, kasama ang munting paglalarawan ng may-akda, sa pangmatagalang pag-unlad at pagsisikap niya sa panunulat. Ang lakbayan ng pagsulat ay maihahalintulad sa apoy at bulaklak: sa ating pagsulat hindi #maiiwasan 01 na magbubunga ito ng mga magagandang mga bulaklak, bulaklak na maaaring tumubo, lalawak at sasaklaw sa buong hardin ng ating buhay. Sapagkat ang buhay ay hindi lamang puno ng bulaklak, minsa'y nakikita na ang yugto ng isang uri ng mga bulaklak pala ay kailangang paliyabin upang magtanim muli ng higit na mas maganda at maunlad na mga halaman. Kinikailangan ng malikhaing titis at walang humpay na pagliliyab upang lipulin ang luma, at magbigay-daan para sa makabago at rebolusyonaryo; at ito ang nais gawin ng mayakda sa bawat yugto ng kaniyang panunulat. Bilang isang E-Portfolio ng may-akda para sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan, ang nilalaman nito'y kaniyang mga Akademikong J O N A T H A N P A Tsulatin T E R S O Nniya habang nasa loob ng Senior High School ng Pamantasang De La Salle - Dasmariñas.


Lubusang pasasalamat ay binibigay ng may-akda sa lahat ng kaniyang mga kasamahan at kaibigang nagbigay at patuloy na nagbibigay suporta sa kaniya mula una, at nagbigay sa kaniya ng napakaraming 'di malilimutan at 'di pangkaraniwang mga karanasan at pagsasanay, na tunay na bumuo sa pagkakakilanlan ng awtor. Pasasalamat rin ang binibigay ng may-akda sa lahat ng dumaan sa kaniyang buhay, mula mga kamag-anak maging sa mga estranghero, na, sapagkat hindi siya lubusang kilala, ay tumulong parin at nagbigay-daan sa kaniyang kaunlaran, pati na kay G. Raymond Verana na gumabay sa kaniya sa buong daloy ng asignatura. Iniaalay ng may-akda ang mga sulating ito sa lahat ng naghihirap at nakikibakang uring proletaryo at anakpawis, sa lahat ng bayang inaapi, sa kabataang lumalaban para sa katotohanan, at sa bawat isang taong pinagsasamantalahan, sapagkat sila ang mga tunay na bayani, tunay na mapagpasya sa daigdig natin; kayo ang makakapagbago sa mundong ito, sa paglalagot ninyo sa mga lumang tanikala. Ang pasulat na pamamahayag katulad nito ay isa, para sa inyong masang api, sa mga gintong silahis, isang sandata niyo sa inyong dakilang paglaban. "May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo, May araw ding di na luha sa mata mong namumugto Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo, Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo; Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!" - Amado V. Hernandez JONATHAN PATTERSON 'Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan'


Talaan ng Nilalaman 1

Bionote ng Personalidad - Lea Salonga 2

Adyenda ng Pagpupulong 3

Panukalang Proyekto - Happyland, Tondo 4

Katitikan ng Pulong 5

Piyesa ng Talumpati - Kasaysayan bilang Buhay 6

Epilogo 7

Rubriks 8

Bionote ng Sarili


Teksto 1

Si Lea Salonga-Chien ay isang artista, Pilipinang mang-aawit, at artista na pinaka-tinagurian sa kaniyang mga pagganap sa teatrong musikal at sa pang-aawit din para sa Disney Princesses, pati na rin sa kaniyang trabaho bilang recording artist at tagapalabas sa telebisyon. Siya'y unang naging sikat dahil pagganap niya sa musikal na Miss Saigon bilang karakter na si Kim, sa edad ng 18-na-taong gulang lamang. Dahil sa pagganap dito, siya'y nagwagi sa Olivier, Tony, Drama Desk, Outer Critics at Theatre World Records, ang kauna-unahang nanalo sa iba't ibang pandaigdigang awards para sa iisang pagganap.

JONATHAN PATTERSON


Teksto 2

Kawanihan ng Local Health Systems Development – Kagawaran ng Kalusugan Lokasyon: Silid-pangkumperensiya Petsa: Ika-18 ng Hunyo, taong 2022 Oras: 8:00 n.u. hanggang 10:00 n.u. (2 oras) Tagapangasiwa: G. Gian Aganon I. Introduksyon II. Pagtatala ng mga dumalo III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda 1. Pag-uulat hinggil sa mga resulta ng panlipunang imbestigasyon a. b. k. d.

Pagtatala ng nakuhang datos Pagtitiyak ng mga pangunahing suliraning hinaharap ng komunidad Pagtitiyak ng mga sanhi nito Pagbuod ng balangkas panlipunan mula sa natalakay

JONATHAN PATTERSON


2. Pagtalakay ng pagbuo at gawain ng komite a. b. k. d.

Paglalahad ng mga kakayahan ng bawat isa Pagmumungkahi at talakayan sa paggawa ng panukalang komite Pagkakaisa sa paglikha ng mga komite Pormal na pagtatalaga ng bawat isa sa mga komiteng napagkaisahan

IV. Karagdagang impormasyon V. Pangwakas na salita Sa pamamagitan nito, maaari ko bang hilingin kay G. Gian Aganon na gumawa ng katitikan ng pagpupulong, at pangunahan din ang pambungad at pangwakas na panalangin?

Inihanda ni: Kurt Brandon Bautista Pangkawanihang Kalihim Pinagtibay ni: G. Gian Aganon Punong Abala (Project Head)

JONATHAN PATTERSON


PAGTATAG NG SEXUAL EDUCATION AT LIBRENG ACCESS SA CONTRACEPTION PARA SA MGA KABATAAN NG TONDO

Teksto 3


Pamantasang De La Salle -Dasmariñas Dibisyon ng Senior High School Filipino sa Piling Larangan Akademiko

PAGTATATAG NG SEXUAL EDUCATION PROGRAM AT LIBRENG ACCESS SA KONTRASEPSYON PARA SA MGA KABATAAN NG TONDO I. Titulo ng Proyekto Panukala: Pagtatatag ng Sexual Education Program, at Libreng Access sa Contraception Organisasyon: Department of Health Petsa at Lugar: Hunyo 13 – Hulyo 3, 2022 Barangay 105 Happyland, Tondo, Manila

II. Abstrak Ang 'teenage pregnancy' ay ang maagang pagbubuntis ng isang menor de edad dulot ng pakikisangkot sa 'pre-marital sex'. Isa ito sa mga laganap na suliranin na nangyayari sa mga kabataang mamamayan ng Happyland Tondo, Maynila. Ang pagtatatag ng sexual education program at libreng access sa kontrasepsyon sa mga kabataan ay proyektong pamumunuan ni G. Gian Aganon –isang Health Program Officer I ng Department of Health (DOH). May nakahandang badyet sa proyektong ito na naghahalagang 111,548.50 pesos, na magsisimula sa Ika-13 ng Hulyo, at inaasahang matapos sa Hulyo 3 sa kasalukuyang taon.

III. Katwiran ng Proyekto Isa ang Happyland sa Tondo, Maynila sa napag-alamang may mga kaso ng teenage pregnancy o mga menor de edad na nabubuntis ng maaga. Ang teenage pregnancy ay isang krisis na kinakaharap ng lipunan sapagkat apatnapu’t pito sa bawat 1,000 ang nanganganak ay minor de edad ayon sa ulat ng datos noong 2021.


Ilan sa mga salik ng maagang pagbubuntis ay kadalasang pagkakaroon ng kakulangan sa kaalaman tungkol sa sekswal at ang hindi paggamit ng contraceptives. Dahil dito, tumataas ang kaso ng mga batang nabubuntis, pagkalat ng sakit tulad ng HIV/AIDS, at patuloy na pag-ugong ng kahirapan. Mayroong mga negatibong dulot ang pagbubuntis sa mga kababaihan, lalo na sa mga kabataang nabubuntis ng maaga na maaaring ikahahamak ng sarili nilang buhay, at buhay sa kanilang sinapupunan. Nakasaad sa Republic Act 10354 ng 2012 o kilala sa tawag na Reproductive Health Law o RH Law, ay naglalayong maglahad ng wastong impormasyon ukol sa family planning, sex education at nagbibigay din ng tulong sa mga mamamayan sa pamamagitan ng malawakang distribusyon sa iba-ibang uri ng kontrasepsyon at pag-provide ng maternal care services. Makatutulong sa pagsugpo sa teenage pregnancy at child mortality ang proyektong gagawin kaugnay sa RH Law.

IV. Layunin Ang layunin ng proyektong ito ay makapagpatatag ng programa patungkol sa sex education upang makapagbigay-alam sa mga kabataan sa murang edad na labindalawang taon pataas, at libreng access sa kontrasepsyon tulad na lamang ng condoms, pills, IUD at iba pa mula sa mga health center. Ang programang ito ang magbibigay daan sa pagpapababa ng kaso ng teenage pregnancy bilang suliranin sa lipunan, partikular sa Happyland.

V. Target na Benepisyaryo Ang target na benepisyaryo ng proyektong ito ay ang kabataang mula labindalawa hanggang 19 taong gulang na mula sa Happyland Tondo, Maynila.

VI. Implementasyon ng Proyekto A. Iskedyul Mga Gawain

Pagsagawa ng sarbey sa lugar upang matukoy ang suliranin, pagkakaroon ng social investigation sa pagkuha ng datos, at pagtiyak sa sanhi ng problema.

Iskedyul

Hunyo 13-17 (5 araw)

Mga Responsibilidad

Tagapamuno ng proyekto at mga inatasang empleyado ng DOH


Pagbuo ng komite para sa gagawing proyekto at pagbigay ng impormasyon, suhestiyon, at mga tungkulin.

Hunyo 18-21 (3 araw)

Tagapamuno ng proyekto

Pagbuo ng panukalang proyekto at pagpapaapruba nito sa mga opisyales ng DOH at pagpabigay alam sa lokal na pamahalaan ng Brgy. 105 Happyland, Tondo Maynila

Hunyo 13 – 19 (7 araw)

Tagapamuno ng Proyekto

Hunyo 20 – 23 (4 araw)

Tagapamuno ng proyekto at ang mga miyembro ng binuong komite

Pagsagawa ng plano sa proyekto at pagoorganisa ng gawain sa programa. Pinal na miting upang i-finalize ang mga gawain sa proyekto Paghahanda ng mga kagamitan at pagpapadala ng mga contraceptives sa malapit na health center/s sa Happyland Tondo, Maynila.

Araw na itinakda ang gagawing programa

Hunyo Ika-24 (1 araw)

Hunyo 25 – Hulyo 1 (7 araw)

Hulyo 3 (1 araw)

Tagapamuno ng proyekto at mga opisyales ng komite.

Tagapamahala at mga miyembro ng komite

Tagapamuno ng proyekto mga miyembro, opisyales at mga mamamayan ng Barangay 105, Happyland, Tondo, Manila


B. Badyet Mga Gastusin

1. Mga Contraceptives tulad ng condoms at birth control pills. (kalakip ang delivery fee)

Halaga

₱ 98,137

2. Mga kagamitan sa proyekto at transportasyon

₱ 13,411.50

KABUUANG HALAGA

₱111,548.50

C. Pagmomonitor at Ebalwasyon Pagkatapos ng programa, taon-taong magkakaroon ng sarbey sa barangay upang malaman kung mayroon bang pagbabago sa mga datos tulad ng pagbaba o pagtaas ng kaso ng mga mamamayang nabubuntis ng maaga. Sa paraang ito, maaring ma-monitor kung may malaking naitulong ba ang pagkaroroon ng libreng access sa contraceptives at pagsasagawa ng sex education sa barangay. Magiging malaking tulong din ang datos na makukuha sa sarbey na isasagawa upang malaman ang mga naging kahinaan at kalakasan ng isinagawang proyekto at makabuo pa ng mas maayos na panukalang proyekto sa susunod na pagkakataon. Inihanda nina: Bondoc, Kim Rahaf Calaycay, Arwhen Jhanai


KATITIKAN NG PAGPUPULONG PARA SA PANUKALANG PROYEKTO NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN

Teksto 4


KATITIKAN NG PAGPUPULONG PARA SA PANUKALANG PROYEKTO NG KAGAWARAN NG KALUSUGAN Petsa: Mayo 7, 2022 Oras: Ika-3 n.h. Daluyan: MS Teams Mga Dumalo: Gian Aganon (Tagapangasiwa) Kurt Brandon Bautista Kim Rahaf Bondoc Arwhen Jhanai Calaycay Jaymss Miranda

Mga Lumiban: Ang pagpupulong ay nag-umpisa sa pamamagitan ng panalangin ni G. Bautista.

Diskusyon

Desisyon

1. Binuksan ni G. Aganon ang diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga miyembro ng kanilang mga ideya at suhestiyon sa gagawing proyekto.

2. Mga Suhestiyon para sa gagawing proyekto 2.1 Inilahad ni G. Bautista ang mga Desisyon 1: Sa pangunguna ni G. sumusunod: Aganon, napagkasunduan ng komite na a. Naisagawa na ang social pagsamahin ang mga ideyang inilahad investigation na makakatulong ng bawat isa para sa panukalang upang matiyak ang sanhi ng proyekto. problema at upang mas malinawan ang grupo sa mga susunod na programa para sa panukalang proyekto. 2.2 Mungkahi ni G. Bautista na magbuo ang kapulungan ng programa na makapagbibigay sa mamamayan ng libreng access sa contraceptives (condoms, pills.)


Diskusyon

Desisyon

2.3 Inilahad ni G. Aganon na ang pagtatatag ng sexual education program ay makakatulong para sa problema ng kakulangan ng kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa sexual education. 2.4 Idinagdag ni Bb. Calaycay ang Desisyon 2: Sa pangunguna ni G. suhestiyon na pagsusulong ng tamang Aganon, ang mga miyembro ay pumili implementasyon ng RA 10354 o RH Law. ng kanilang mga tungkulin para sa proyekto. Ang mga sumusunod ay ang 3. Pagbuo ng Komite posisyon sa komite ng bawat 2.1 Pagbuo ng mga tungkulin o trabaho miyembro: para sa gagawing proyekto 2.2 Paghahati-hati ng mga tungkulin Aganon - Tagapag-ganap at Distribusyon Ang mga sumusunod ay ang Bautista - Pang-Edukasyon at napagkasunduan ng mga komite: Distribusyon a. Komite ng Pang-pinansyal Bondoc - Pinansyal b. Komite ng Pang Edukasyon Calaycay - Pang-Edukasyon at c. Komite ng Tagapag-ganap Distribusyon d. Komite ng Propaganda o Miranda - (Hindi nabanggit sa Distribusyon miting) 4. Inilahad ni G. Bautista ang kabuuang badyet na gagastusin sa panukalang proyekto. 4.1 Sinabi ni G. Bautista na sapat na ang ₱111,548.50 para sa panukalang proyekto 4.2 Breakdown ng nasabing badyet:


Diskusyon

4.4 Sumang-ayon ang lahat ng miyembro sa naitalang breakdown ng badyet. Komento ni G. Aganon na sapat lang ang halaga ng ito para sa panukalang proyekto.

Desisyon Desisyon 3: Sa pangunguna ni G. Aganon, napag desisyunan ng mga miyembro na sang-ayon sila sa mga naitalang aytem at kabuuang gastusin ng panukalang proyekto.


Diskusyon


Desisyon Desisyon 4: Sa pangunguna ni G. Aganon, napag-desisyunan ng mga miyembro na sang-ayon sila sa mga nabanggit na iskedyul ng mga programang gagawin ng grupo

Nagwakas ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni G. Miranda Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-3:48 n.h.

Nagtala ng katitikan ng pulong: G. Gian Aaron Aganon Tagapamuno ng Proyekto


PIYESA NG TALUMPATI Kasaysayan bilang Buhay

Teksto 5


Filipino sa Piling Larangan - Term 4

STM17

Petsa: Ika-2 ng Hunyo, 2022

Talumpati ni: Bautista, Kurt Brandon L.

KASAYASAYAN BILANG BUHAY Sa araw-araw nating buhay, kinakaharap nating lahat, bilang mga indibidwal man, maging sa loob ng ating mga pamilya, paaralan o lokal na komunidad, ang isang dambuhalang tambak ng suliranin, paghihirap, o sagabal sa mga nais nating gawin sa ating malayang mga oras. Sapagkat ang mga suliraning ito, ang mga krisis at isyu nating kinakaharap o haharapin sa bawat araw ng ating mga munting buhay ay siya rin, sa pamamagitan ng ating pagbibigay-solusyon at pagharap sa mga ito, na nagbibigay kulay at pagkakakilanlan sa bawat isang indibidwal. Sino ang taong walang kasaysayan ng mga problemang kinaharap, walang kinilalang hadlang sa kaniyang buhay, kaunlaran o kalayaan? Napakababaw, sa pananaw ko, ang isang taong ganito. Kaya’t ang paksa ng aking talumpati ay hinggil sa pangangailangang pag-aralan ang kasaysayan, dahil ito, at ang mga suliranin sa loob nito, ay mayroong malaking kaugnayan, at nagbibigay kaliwanagan sa mga araw-araw nating buhay. Isang napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang pagtanggal sa kurikulum, mula taong 2014, sa mga Junior at Senior Highschools, ng asignaturang pambansang kasaysayan o Philippine History. Mayroong kaugnayan ang isyung ito sa mas malawak na mga isyung hinaharap ng sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas, tulad na lamang ng pagpalaganap ng rebisyunismong pangkasaysayan, pataas na mga rates ng mga matrikula sa mga pamantasan, paglitaw at pagiigting ng mga suliranin ng kalusugang mental sa mga mag-aaral, at ang kinalalagyan ng mga guro at empleyado ng mga eskwela.


Dahil sa malubhang krisis sa edukasyong nakikita natin na lumilitaw, mainam na pag-aralan natin nang mas malalim ang isa sa mga isyung ito, na hinggil sa isa sa pinaka-importanteng asignatura para sa kaunlaran ng ating bansa.

Sa loob ng kasaysayan, sa Pilipinas maging sa buong daigdig, hindi na bago ang mga suliranin na katulad sa inilarawan ko sa pinakaunang bahagi ng aking talumpati. Sa bawat yugto ng kaunlaran ng sangkatauhan at sa mga bansang kinabibilangan nito, kinaharap nila ang napakalaki at napakahalagang mga isyu at krisis. Katulad sa karanasan natin bilang mga indibidwal o maliliit na mga grupo sa mga krisis tulad nito, nagbubunga ang paglutaw ng mga malulubhang kontradiksyon ng iba’t ibang pwersa, panlipunan man o personal, sa malalaking pag-uunlad ng iba’t ibang larangan ng ating buhay. Sa mas kongkretong pagpapaliwanag, maibibigay ko ang isang halimbawa: kung sa iyong buhay ay kinaharap mo ang isang malubhang krisispersonal sa larangan ng kalusugang mental, tulad na lamang ng identity crisis, na iyong matagumpay na nailutas, marahil na nailutas mo lamang ito sa pamamagitan ng isang napakabuluhang (at, masasabi pa natin: makasaysayang) pag-unlad ng iyong pagkaintindi at pagpapabuti ng iyong sarili sa larangang iyon. Gayon din ang nakikita rin ng mga tanyag na historyador sa usaping pangkasaysayan.


Ngayon na natalakay na natin ang pagkakatulad ng dalawang konsepto ng ating paksa sa mga internal na daloy o proseso ng bawat isa, maaari naman nating pag-usapan ang direktang ugnayan ng mga ito sa paggawa at reproduksyon ng bawat isa. Nakikita, na ang siyang nagtatakda ng mga maaaring gawin ng maliit-na-tao, ang buong lawak ng mga posibilidad sa kaniyang pagkilos, buhay-at-kamatayan, ay ang kaniyang lipunang kinabibilangan. Masasabi naman natin: ano ang susunod na hakbang sa pagsusuri? Ito’y walang iba kundi ang pagkilala sa katotohanan na ang siya namang nagtatakda sa mga pagkilos, at maaaring gawí ng lipunan ay ang kasaysayan; at magmumula sa pagdugtong-dugtong ng mga katotohanang iyan ang lubusang direktang impluwensiya ng ating kasaysayan sa ating kasalukuyang buhay, sa ating kasalukuyang kinaroroonan.

Sa gayon, dapat kilalanin natin na ang pag-aaral ng kasaysayan, laluna’t ang kasaysayang pinakamalapit, ang kasaysayang direktang tagapagtakda, o ang pambansang kasaysayan ay higit na mahalaga sa mga paaralan; na ang pag-aaral nito ay masasabing pag-aaral, hindi lamang upang malaman ang mga sanhi ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan, kundi na rin, at mas higit pa, patungo sa pagpapasya ng pambansang kinabukasan, kinabukasan na ang kaniyang mga posibilidad ay tinakda na ng kasaysayan, subalit nasa sa atin pa rin ang kapangyarihan, kapangyarihang malinaw na kilalanin, unawain, suriin, harapin at lutasin ang mga suliranin, patungo, sumulong at padayon sa lipunang napag-aralan at alam ang kaniyang sariling kasaysayan.


Ang may-akda, muli, ay labis na nagpapasalamat at tunay na ikinagagalak at ikinatutuwa ang pagtatapos ng lakbayang ito, laluna't para sa mambabasa; sapagkat ang sinumang makakapagbasa ng bahaging ito (nang hindi lumiban sa pagbasa ng mismong katawan ng elektronikong libro) ay nakilala at nakita ang buong lawak ng kakayahan, bunga ng hirap at pagod niya sa panunulat, kayo ay nakasaksi sa bahagi ng oeuvre ng may-akdang naghahalaga ng isang buong termino! Muli, taaskamaong pagpupugay at pasasalamat sa iyo. Gaya ng nakita mo sa mga pagsasalarawan sa mga pahina ng elibrong ito, sumagisag, para sa akin, ang pagdaloy ay pagwakas ng kabanatang ito sa aking buhay-panunulat, ng isang lubusang mainit na pagsunog - apoy na ngayo'y nagtatapos, pati na rin #ang 01 School Year na ito. Ang paggawa ng E-Portfolio na ito'y isa (kundi ang itinatangi) sa pinakakinahirapan kong mga obra, bawat oras ay iginugol sa masidhing pag-iisip at pangangatwiran hinggil sa magiging anyo ng aking pagsalin sa pormang ito ang aking mga sulatin. Anuman ang maging kinabukasang kabuluhan ng mga sulating ito para sa may-akda, kaniyang ikinahahalaga nang lubusan, ngayong araw, minuto, segundo, ang aking paggawa nito. Anuman ang mangyari sa ikinahaharap nating lahat, alam niya na tutubo muli ang mga mababangong bulaklak mula sa sunog na ito, at muling liliyab nanaman ang buong mundo sa mga titis katulad mo, mambabasa.

Sa gayon, J O N A T H ang A N P A Tisang T E R S O Ntitis ay nagbunga ng libu-libong abo.. tutubo muli ang mga bulaklak.



Ang May-akda

Si Kurt Brandon Bautista ay isang kabataang Filipino, at mag-aaral sa De La Salle University – Dasmariñas, Kagawaran ng Senior High School (DLSUD-SHS) sa Baitang Ika-11, strand ng STEM. Isa sa mga kaniyang mga hinuhusayan at inaaral ay ang panunulat, particular sa larangan ng kasaysayan, pagka’t ang pagbabasa rito ay isa sa mga libangan niya.

Bilang

isang

kabataang

mag-aaral,

siya’y

masugid

na

gumagampan sa maraming mga gawain kasabay ng pagtuon sa mga gawaing bahay, na mas pinaigting sa panahon ng pandemya; gayunpaman,

tinatahak

parin

niya

ang

kaniyang

pangarap

na

mag-aral ng Pisika, na ang siyang dahilan kung bakit nga ba siya umaaral sa paaralan ng DLSU-D.



Seksyong STM17

MARAMING SALAMAT PO!

MAY-AKDA: BAUTISTA, KURT BRANDON

FILIPINO SA PILING LARANGAN

Portfolio ng mga Sulatin

IPINASA KAY: G. RAYMOND VERANA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.