KAPE

Page 1

KAPE

UNANG MAGASIN!

May 2015 - Unang Isyu - Unang Bolyum

KASAYSAYAN NG PELIKULA SA PILIPINAS

18 BOLD MOVIES NA MAY KAMANGHA-

Pre-war at Peace Time Cinema

MANGHANG PAMAGAT

Dekada 60

SUPERSTAR: NORA AUNOR

DAKING NOONG DEKADA '70


KAPE

Kapanganakan

Pre-War

Peace Time Cinema

Pananakop ng Hapones

6

10

Post War Ginintuang Panahon Dekada '60 Dekada '70

Rennaisance

7

Kasalukuyan

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam in diam ante. Nam sem lorem, dignissim vitae aliquet rhoncus, convallis in sem.


KAPANGANAKAN sa panulat nina: Noviel Natividad at Charlene Honrada

Ang Pilipinas ang ikatlo sa mga naunang bansa na nakapagpalabas ng pelikula sa Asya. Nauna lamang ang mga bansang Tsina at Inndia. Tulad ng mga naunang gumawa na ng mga pelikula, ang pagkuha ng mga eksena ay nananatili lamang sa iisang angulo at ang pagkakaroon ng malayo at malapit na kuha kahit na ang pag-edit nito ay hindi pa nagagawa.

kanilang pagbisita sa bansa tulad na lamang ni Burton Holmes na gumawa ng pelikulang Battle of Baliwag, Kimwood Peters na gumawa ng pelikulang Banawe Rice Terraces at si Raymond Ackerman na gumawa ng mga pelikulang at Battle of Mount Arayat at Filipino Cockfight. Ang pelikulang Pilipino ay naghangad ng pagkilala dahil ito ay natatabunan ng mas sikat pa rito, ang nauso noong sarswela (zarzuela). Ang sarswela ay kalimitang dula na kung saan pinaghahalo ang mga salita at pagkanta na minsan pa ay sinasamahan pa ng mga sayaw at musika. Minsan, ito ay may satirical na tema at kadalasang ginagawa tuwing fiesta.

PRE-WAR

Ang kinikilala naman na unang Pilipino na nakagawa ng pelikula kung saan ito ay hindi lamang tila paglalarawan sa mga pangkaraniwang gawain sa komunidad ay si Jose Nepumuceno. Siya ang tinaguriang Ama ng Pelikulang Pilipino. Noong 1919, pinalabas ang pinakaunang pelikula na gawa ng Pilipino, ang Dalagang Bukid na isinulat nina Hermogenes Ilagan at Leon Ignacio. Ang palabas na ito na hindi gumagamit ng tunog ay pinalabas sa Empire Theater kung saan binibigkas lamang ng mga gumanap ang kanilang mga diyalogo at pagkanta sa entablado habang ang pelikula ay pinapalabas. Ang pelikula ay hango din sa isang sikat na sarswela sa parehong pamagat. Ang mga pelikula

ay hango din sa isang sikat na sarswela sa parehong pamagat. Ang mga pelikula noon ay kadalasan talaga na sa sarswela nakabatay. Sa paglipas ng maraming taon, marami pang mga pangalan ang lumitaw na kakabit na ng pelikulang Pilipino. Kasama na dito sina Vicente Salumbides, Manuel Conde at Julian Manansala. Sanggunian:

Punong Patnugutan

sa panulat ni: Nathalie Palpal-latoc

Mula sa kaliwa, opisyal na poster ng pelikulang Dalagang Bukid, larawan ni Jose Nepomuceno, at larawan ni Atang Dela Rama. ( larawan mula Google Images )

Ayon sa National Commision for Culture and the Arts (NCCA), isang espanyol na si Pertierra ang unang nakapagpalabas ng mga pelikula sa Salon de Pertierra. Ang Salon de Pertierra ay nauna na niyang itinayo bilang phonograph parlor. Ang pelikula ay madalas na hindi natutuloy hanggang sa sumunod na taon na lamang talaga siya naipalabas. Ito ay may mga Pranses na pamagat tulad ng Un Homme au Chapeau (Lalaking may Sumbrero), La Place de L’ Op-

era (Ang Place L’ Opera) at Une Scene de Danse Japonaise (Tagpo sa Isang Sayaw na Hapon). Noong kalagitnaan naman ng 1896, pinalabas nina Liebman at Peritz ang unang mga pelikula gamit ang Lumiere Cinematograph sa isang bulwagang dati ay tindahan ng mga alahas sa Escolta, San Jacinto, Manila. Noong 1898, pinalabas naman ang Escolta, kung saan pinakita ang imahe ng mga karwahe sa dumadaan sa Escolta. Pinakita rin ang mga dalaga sa

kanilang tradisyonal na kasuotan na baro at saya, habang ang mga kalalakihan naman na nakasuot ng camisa chino. Bukod pa sa nabanggit nang mga eksana sa kalye, pinakita rin ang mga parada ng kalabaw at ang ilog Pasig. Isang lalaki naman na nagngangalang Antonio Ramos ang gumamit sa Lumiere para sa mga pelikulang Panorama de Manila, Puwente de Espana, at Escenas Callejeres. Dahil sa mga kanyang nagawa, siya ang naging unang gumamit ng aninong gumagalaw sa bansa o motion picture.

Isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika dahil sa Treaty ng Paris. Patuloy na nakipaglaban ang hukbong Amerikano sa mga Pilipino sa loob ng tatlong taon bago pa nito masakop ng tuluyan ang Pilipinas. Nagdulot ng kapayapaan at maayos na industriya ang pagkatalo ng mga Pilipino. Nagsimula ulit ang industriya ng “cine” noong 1900, sa pangunguna ni Walgrah, isang negosyante. Itinayo niya ang Cine Walgrah na nasa No. 60 Calle Santa Rosa, Intramuros.

Pangulong Tudling: Matthew Malabanan Pangalawang Pangulong Tudling: Karla Napay Mga Taga-Lathala: Reinier Abagat Charlene Honrada Noviel Natividad Ronnel Andal Nathalie Palpal-latoc

Nagkaroon ng panibagong sinehan at tinawag itong Gran Cinematografo Parisien na itinayo sa Quiapo, ipinatayo ito ng isang negosyanteng espanyol Nagkompetensya ang Cine Walgrah at ang Gran Cinematografo Parisien sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo (dahil wala pang mga pelikula na may mga istorya noong mga panahon na

iyon). Ang mga pelikula na ito ay mga pelikulang walang tunog o musika, mga gumagalaw na imahe lang ang nakikita. Tinatawag itong Silent Movies dahil sa kawalan nito ng tunog at

musika, ngunit mayroong pianist na nakakubli mula sa mga manunuod na tumutugtog na akma sa palabas na pinapakita. Sa paglipas ng panahon, ang kalidad ng mga pelikula ay nag-


Peace Time Cinema

sinaliksik nina: Reinier Abagat at Matthew Malabanan

nagsisimulang tumaas at ang pag gawa ng mga pelikula ay nagsisimulang gumanda at umunlad lalo na sa Hollywood. Nagsimula na din ang pag sikat ng mga pelikula na may temang kakatawanan, pagi big at pakikipagsapalaran. Sa paglaganap ng Silent Movies sa Pilipinas, nagsimula ring magkaroon ng mga establisyimentong nagpapalaganap ng mga pelikula. Pathe Freres Cinema ang unang establisyimentong nagkalat ng mga pelikula sa murang halaga at nagpapahiram at nagpaparenta rin sila ng mga kagamitan sa Cinematograpiya.

nagsimulang magpakita ng mga pelikula sa pagitan ng mga vaudelville acts noong 1910. Dahil sa kasikatan ng cinema, nahikayat ang ibang mga Pilipino na gumawa ng kanya kayang pelikula. Ang iba ay kumuha ng mga imahe ng mga Carnival sa Manila, ang iba naman ay mga tanawin sa Manila at mga probinsya. Mayroong nadiskobreng isang antigong plaka na naglalaman ng iba bang tanawin sa Manila at kung ano ang Manila noong panahong iyon.

Dahil sa pangyayaring ito nahikayat ang maraming investors at nagkaroon ng maraming sinehan sa Manila, katulad ng Cine Anda, Cine Paz, Cine Cabildo, Cine Majestic, Cine Ideal, Cine Luz, Cine Comedia, Cine Apollo, and Cine Gaiety. Ang Manila Grand Opera House ay nag-

Mga Sanggunian: http://pelikulaatbp.blogspot. com/2008/05/pre-war-filipino-movies. html https://www.academia.edu/1705150/Extant_Filipino_Film_Music_in_Pre-War_Manila_1918-1941_

Giliw Ko

Tampok sina Mila del Sol and Fernando Poe Direksyon ni Carlos Vander Tolosa


Ibong Adarna 1941 Direksyon ni Vicente Salumbides LVN Pictures

Punyal na Ginto 1933 Direksyon ni Jose Nepomuceno Malayan Movies

Zamboanga 1937 Direksyon ni Eduardo de Castro Filippine Films

Mga Sanggunian: PELIKULA, ATBP. (May 8, 2008). PRE-WAR FILIPINO MOVIES [Blog post]. Retrieved from http://pelikulaatbp.blogspot. com/2008/05/pre-war-filipino-movies.html


Panahon ng

Pananakop ng mga Hapon

sa panulat ni: Reinier Abagat

Ang mga Pilipinong sundalo ang minaltrato ng mga aroganteng kumander na Amerikano. Si Capt. Gomez ay napadpad sa kampo ng mga Hapon at nasurpresa

nasurpresa sa pagiging makatao ng mga pakunwaring manlulupig. Nang nagtagal ay naging tagapagsalita na siya ng mga Hapon. Ang dalawang opisyal ay hindi mapalad at tinraydor ng mga Amerikano. Si Lt. Garcia ay naipadala para magpatrol at siya’y tinambangan ng kanyang kahina-hinalang mga hepe. Namatay siyang hawak ang Amerikanong salakot. Nabaril si Reyes ng mga Amerikano. Habang siya’y nahandusay, binaril niya ang kontrabidang kumander.

Ang pagtatapos ng pelikula ay ang namamaalam si Capt. Gomez sa sundalong Hapon matapos ang matagumpay na pagruruta ng mga Amerikano. Iniabot niya kay Tony ang subenir na may nakaukit na sulat ng kanyang kapatid. “This is the helmet of the enemy.”

Sa pananakop ng mga Hapon, mayroong pitong pelikula ang naibalita ngunit ayos sa isang historyador ng pelikula na si Celso Al. Carunungan, “Tatlong Maria was an idyllic story in which the ‘return to the farm’ idea was exploited with lyricism and fine detail. It was not a propaganda picture, although it was produced by the Japanese in the Philippines and distributed by Eiga Haikyusa.” (Carunungan 1978, 37). Ang pelikulang Tatlong Maria (Three Marys) ay sinulat ni Tsotumu Sawamura halaw sa nobela ni Jose Esperanza Cruz, Tatlong Maria. Ang pelikulang ito ay mula sa direksyon ni Gerardo De Leon tampok sina Fernando Poe, Norma Blancaflor, Ely Ramos, Jose Padilla Jr, Carmen Rosales at Liwayway Arceo. Ito ay pinalabas sa limang sinehan noong ika12 ng Oktubre, 1944.

Binomba ng mga sundalong Hapon ang Iloilo noong ika-8 ng Diyembre, 1941 – isang araw matapos nila bombahin ang Hawaii, Pearl Harbor at Estados Unidos. Malaki ang naiambag ng mga Hapon sa pelikulang Pilipino simula nang pinasok nila ang Maynila noong Enero 2, 1942. Nagpasya ang mga Hapon ng sentralisado at maayos na distribusyon ng produksyon ng mga pelikula sa iisang ahensya, ang Eiga Haikyusa. Isang tanyag na pelikula noong panahon ng pananakop ng Hapon ay ang Mito Sakusan (Philippine Operation) at pinalabas sa Tokyo Pebrero 5, 1944. Pinalitan ang pamagat ng pelikula at ginawang Ano Hatte o Utte na nangangahuluhang “Tear down the Stars and Stripes.” Sa Pilipinas, ang piniling pamagat nito ay Dawn of Freedom o Liwayway ng Kalayaan. Ito naman ay itinakdang ipalabas sa Pilipinas noong Marso 5, 1944. Ang pelikula ay pinuri bilang isang namumukod-tanging nakamtan ng mga sumusunod: Minister of Interior Teofilo Sison, Minister of Information Arsenio Luz, Camilo Osias of the Kalibapi, Vicente Madrigal of the Philippine Red Cross and First Secretary Shintaro Kukushima of the Japanese Embassy.

Nilisan ng mga Amerikano ang Maynila gamit ang mga mabibilis na sasakyan. Isa sa mga sasakyang ito ay bumunggo kay Tony habang kumukuha ng Japanese leaflet. Siya ay tinulungan ni Ikejima, isang hapon, at dinala siya sa ospital. Sa paglayog ng pelikula, nagging magkaibigan ang dalawa kaya nagsimulang maniwala ang nanay ni Tony sa mga Hapon.

Nagsimula ang pelikula sa pagdedeklara ng Maynila bilang isang malayang lungsod. Sina Capt. Reyes, Capt. Gomez, at Lt. Garcia ay mga sundalong Pilipino na itinakdang sumali sa mga puwersa ng mga Amerikano sa kanilang pag-urong sa Bataan. Sila ay namaalam sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang nakababatang kapatid ni Lt. Garcia ay humingi ng subenir at ito ay ang helmet ng kalaban.

Ang pelikula ay tungkol sa kwento ng tatlong magkakapatid na sina Maria Fe, Maria Esperanza, at Maria Caridad. Ang nanay nina Maria Fe at Maria Esperanza ay namatay noong sila ay bata pa lamang. Si Maria Caridad ay anak ni Dona Pilar (pangalawang asawa) at siya ring nagpalaki sa kaninang tatlo ng pantay-pantay ang pagtingin.

Noong sila ay nasa Maynila, inuugnay si Maria Caridad sa isang milyonaryo na si Gregorio Reyes. Ngunit hindi napupusuan niya ito napupusuan. Ang kanya lamang katiwala ay si Felipe Goco na asawa ni Maria Fe.

Ikakasal si Maria Caridad kay Andres Diwa ngunit bago pa man mangyari ang kasalan ay kinausap ng dalawa niyang kapatid at sila ay tutol sa kasalang magaganap. Nais ng dalawang kapatid ng paghahati ng mana at hinikayat nila si Maria Caridad na

Naging masaya ang buhay ng magasawa. Isang araw, may isang kumatok sa kanilang pamamahay at sila’y pinapalayas. Binenta ni Maria Fe ang bahay sa taong ito kaya napilitang pumunta ng Maynila ang magasawa. Hindi tinaggap ni Maria Fe ang kanilang pagmamakaawa. Ang dalawa’y gumala-gala dahil sa lubos na kalungkutan at sila ay namahinga sa monumento ni Jose Rizal sa Luneta. Ginawa nilang inspirasyon ang pamban-

Isang araw, pumunta si Andres Diwa sa kiinalalagyan ni Caridad at sinabi niya na nagaagaw-buhay na ang kanyang ina. Bumalik si Caridad sa kanilang probinsya para marinig ang mga huling bilin ng kanyang ina. Hiniling ng kanyang ina na ikasal ang dalawa bago siya mamatay.


sang bayani. Nagpasya sila na ipagpatuloy ang pinaghirapang lupain. Makalipas ang ilang taon, bumaliktad ang tadhana. Ang kanyang dalawang kapatid naman ang naghirap. Namatay ang asawa ni Maria Fe at pinalayas dahil sa isang lihim na mangingibig. Ang asawa ni Maria Esperanza ay nakulong at siay ay isang dukha. Ang dalawa ay nagtrabaho sa isang inuman. Inaral ng pari an gang kapalaran ng tatlo at sinabi niya ito kay Andres. Hindi niya ito sinabi kay Maria Caridad na kakapanganak lamang. Hinanap niya ang dalawa at hinikayat na samahan sila sa probinsya. Tinanggap ng dalawa ang imbitasyon ni Andres. Nasiyahan si Caridad na makita ang kanyang dalawang kapatid na bumalik kasama si Andres. Nagkaroon ng munting salo-salo sa kanilang pagbabalik.

Ang paglitaw ng mga sinehan ay nagsimula noong 1945 kung saan ang bansa ay gumigiray sa epekto ng digmaan. Habang may mga bagong kompanya ang umangat dahil sa kinahinatnan ng digmaan, tatlong studio ang nangibabaw sa produksyon ng pelikula: Sampaguita, LVN at Premiere. Sa panahon ng Hukbalahap, ang Board of Censors for Motion Pictures (BCMP) ay may kapangyarihang suriin ang mga silent at spoken na pelikula at para maiwasan ang eksibisyon ng mga dayuhang pelikula kung ang mga ito ay may paniniwalang immoral at nakapipinsala sa bansa. Sa kabila ng pagbabantay ng grupo sa paggawa nila ng kanilang tungkulin, ang epekto ng BCMP sa mga local na pelikula ay hindi dokumentado. Gayunpaman, natuklasan ni Joel David na ang mga pelikula tulad ng Liwaway ng Kalayaan ay ipinagkaloob ng Hapon sa pelikulang archive ng Pilipinas. Mga Sanggunian: Palis, Joseph (2008). Cinema Archipelago: A Geography of Philippine Film and the Postnational Imaginary. Retrieved from https://cdr.lib. unc.edu/indexablecontent/uuid:f3b75a05-ab81-4089-a8d5-e8f48593167f video48 (March 7, 2011). THE WAR YEARS (1942-45): PART TWO/ PROPAGANDA MOVIES [Blog post]. Retrieved from http://video48. blogspot.com/2011/03/war-years-1942-45-part-two-propaganda.html?m=0

Takilya: Pagkatapos ng Pananakop ng Hapones sa panulat ni: Charlene Honrada

Naging malaking parte na ng buhay ng mga Pilipino ang mga Pelikula. Ang industriyang ito ay hindi lamang nakadaragdag sa ekonomiya ng Pilipinas, nakapagbibigay ng trabaho, nakapaghuhubog sa mga taong may angking galing sa nasabing erya maging ang pagpapasikat sa kanila, kundi pati na rin ang pagpukaw ng damdamin ng bawat manonood. Sa paglipas ng panahon, malaki na ang ipinagbago ng mga Pelikula noon at ngayon, kung susumahin ay hindi sasapat kung hindi sisisirin ang kaibuturan ng bawat mahahalagang detalye ng mga ito. Ngunit ano nga ba ang kalagayan ng Pelikula sa Pilipinas pagkatapos ng pananakop ng mga Hapones? Anong mga pagbabago ang naganap pagkatapos ng pangyayaring ito? Isa sa pinakamalaking epekto ng digmaan sa Pilipinas ay ang bahagyang pagbagal ng pamumukadkad ng industriya ng pelikula dito sapagkat ilan sa mga kagamitan sa pagbuo nito ay kinumpiska ng mga mananakop na Hapones sa kadahilanang gusto nilang tangkilikin ng mga Pilipino ang Pelikulang Hapon, ngunit hindi nagtagumpay ang hangar-

ing ito sapagkat ang mga Pelikulang itinampok ng mga Amerikano ang mas tinangkilik ng masang Pilipino (Campoamor, 2009). Napilitang lumipat sa mga teatro ang mga lokal na aktor at mga aktres, mga director, at iba pang bumubuo sa industriyang ito. Kaya naman sa muli nitong pagbangon ay iba’t ibang genre ang umusbong, na para bang muli itong isinilang, nagkaroon ng ibang katauhan na mas kaakit akit kumpara sa nakaraan, at kung noong bago pa man dumating ang digmaan ay nakasentro ang Pelikulang Pilipino sa mga Alamat, Mitolohiya, at mga libro sa nasabing bansa, sa panahong ito naman ay karamihan ng mga ipinalalabas ay tungkol sa mga digmaan rin, na kung saan hindi lamang ang mga pag aalsa ng mga Pilipino partikular ang mga gerilya ang ipinakita kundi pati na rin ang kahalagahan nito at ang paghihiganti sa mga ma-

nanakop (Lumbera, 1994). Ilan sa mga halimbawa ng mga ito ay ang Walang Kamatayan at Garrison 13. Sapagkat nang mga panahong ito ay nasa ilalim ng krisis sa ekonomiya ang Pilipinas, ang mga karaniwang tema ng ganitong mga panoorin ay kurapsyon at ang mga problemang kinakaharap ng lipunan dahil dito. Kaalinsabay din nito ang pagkakaroon ng mga genre ng pantasya, komedya at drama maging mga maaksyong panoorin. Maging ang mga komikong Pilipino ay binigyang buhay ng panahong ito, sapagkat ang Komiks ang pinakamura at pinakasikat na libangan na siyang naging dahilan upang dito ibase ng mga Producer ang mga Pelikula na kanilang nais ipalabas na siguradong papatok sa mga tao. Halimbawa na lamang ng mga komikong naitanghal sa mga pook panooran ay Darna at Dyesebel;


na hanggang ngayon ay pamilyar pa rin kahit na matagal na panahon na ang nakalilipas nang ito ay unang mapanood o mabasa, at ginagawan pa rin ng mga teleserye ng iba’t ibang istasyon ng telebisyon, Sawa sa Lumang Simboryo, Tekla, at Bondying. Ayon kay Gonzalo Campoamor II ng Ateneo de Manila University, ang unang naipalabas na Pelikula pitong buwan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang Orasang Ginto ni Manuel Conde, noong ikaapat ng Marso taong 1946 na patungkol sa mga paghihirap at kabayanihan ng mga Pilipinong Gerilya. Ang Pelikulang ito ang siyang naging daan sa pagkamit ng bagong maitatampok na kakaibang lasa sa nasabing industriya na kung noon ay pawang pagiging inosente lamang ng mga Pilipino ang ipinapakita ay ito ang nag umpisa ng pagpapahayag ng malupit na katotohanan ng kriminalidad at ang karahasan ng mga Hapon (Sotto, 1994). Ilan pa sa maituturing na nagpakita sa masa ng mga nakapanghihina at kalunus-lunos na mga pangyayari rito ay ang pelikulang Death March noong 1946 at Capas noong 1949. Dito masasaksihan ang mga pagdurusa ng mga Pilipinong kabilang sa mga nagmartsa at kung paano nagawang mabuhay pa ng ilan. Kaya naman isa rin ito sa naging daan ng pagbabalik ng ugaling Pilipino, at ang ilan sa mga tradisyong banyaga partikular na ng mga Hapon ay ibinaon na sa limot. Masasabing nagkaroon ng mga bagong istratehiya ang mga Pilipinong Producer sa pagbuo ng mga Pelikula na siyang kinilala hindi lamang sa panlokal maging sa pang-internasyonal na antas.

Marahil ay nagsawa na rin ang mga Pilipino sa ganitong uri ng panoorin at naghahanap ng bago sa kanilang mata o pandinig. Isa rin sa maaaring naging dahilan ang ay pagbabago kasabay ng panahon, na may iba nang mas patok na mga palabas. Muli lamang nabigyang buhay ang mga temang may kinalaman sa okupasyon ng Hapon noong 1990s nang ipalabas ang pelikula ni Celso Ad. Castillo na pinamagatang Comfort Women: A Cry For Justice (1994). Ipinakita dito ang ilan sa mga pang aabuso ng mga Hapon sa mga Pinay na talagang kontrobersiyal sapagkat nang mga panahon ding ito sumikat ang mga sexy films o mas kilala sa tawag na titillating films.

Sa mga sumunod na panahon ay may mga ilan pa rin namang palabas na patungkol sa Digmaan tulad ng Panaghoy sa Suba ni Cesar Montano, Tatlong Taong Walang Diyos ni Maria O’Hara at ang Oro, Plata, Mata ni Pegue Gallaga na nag ani ng malalaking pagkilala. Masasabing malaki pa rin ang naging papel at impluwensiya ng mga Post-War Movies sa kasalukuyang panahon.

Mga Sanggunian: http://superitchy.com/the-history-of-philippine-cinema-part-4-the-post-war-years-of-the-1940s-to-the-early-1950s/ https://www.academia.edu/4570071/_Politics_Art_and_Bomba_Queens_The_Cinema_of_the_Philippines_ http://www.philippinestudies.net/files/journals/1/articles/2953/public/2953-3130-1-PB.pdf http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles-on-c-n-a/article.php?igm=1&i=138

Mga Tanyag na Artista (1942-1950) Ang ilan sa mga tanyag na aktor sa panahong ito ay sina Leopoldo Salcedo, Efren Reyes at Fernando Poe, na nakilala dahil sa mahusay na pagganap sa mga sundalo o gerilya noong mga panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pananakop ng mga Hapones. Ito ang kanilang nagmistulang unang hakbang tungo sa rurok ng kasikatan. Ngunit ang pinakamaipagmamalaki sa lahat ng mga pangyayari sa taong Post-War ay ang pagpapalabas ng kauna-unahang pelikulang Pilipino na colored, ito ay pina-

magatang Batalyon XIII noong 1949. Naitampok din ang mga Pelikula na kung saan mariing binibigyang pansin ang papel ng mga Amerikano sa pagtulong sa mga Pilipino sa pagkamit ng kalayaan at pagpapaalis sa mga Hapon sa kanilang bansa. Ang “Victory Joe” noong 1946 ang isang magandang halimbawa ng mga Pelikulang ganito ang tema. Ngunit sa pagdating ng 1950 ang mga pelikulang patungkol sa digmaan ay unti-unti nang hindi bumenta sa sambayanan, kaya naman ang pagpapalabas ng mga ito ay nagsimula na ring mabawasan.

Fernando Poe Sr.


Ginintuang Panahon sa panulat ni: Noviel Natividad

Carmen Rosales

Ang mga sinasabi naman ng mga kritiko ay ang 50’s ay isinasaalangalang na ‘Ginintuang Panahon’ ng pelikulang Pilipino di dahil ang laman ng mga palabas ay napabuti, kundi dahil ang mga teknik sa paggawa ng mga palabas ay nagkaroon ng ‘artistic breakthrough’ sa dekadang ito. Ang bagong kamalayang ito ay lalo pang pinatatag ng mga lokat at internasyonal na pagpaparangal na sumibol noong parehong dekada. Ang mga pagpaparangal ay pinasimulan ng dekada. Una ang Manila Times Publishing Co. na gumagawad ng ‘Maria Clara Awards’. Noon namang 1952, ang parangal ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) ay nagsimula na ring igawad. Liban pa dito ang mga pagkilala sa mga Pilipino tuwing may mga internasyonal na mga pagdiriwang ng pelikula. Isa na rito ang ginawad kay Manuel Conde para sa kanyang walang kamatayang pelikula na ‘Genghis Khan’ (1952) kung saan ito ay tinanggap sa screening sa Venice Film Festival. Isa pa sa mga nabigyan ng pagkilala ay ang ‘Ifugao’ ni Gerardo de Leon noong 1954 at ‘Anak Dalita’ ni Lamberto Avellana. Ito ay nagbigay ng imahe sa bansa bilang isa sa mga nangunguna sa paggawa ng pelikula sa Asya. Itong atensiyon na nakuha mula sa mga pagpaparangal na ito ang pumukaw sa mga kapwa Pilipino upang pansinin ang mga pelikula sa bansa. Ang panahon ng 50s at maagang 60s ay ipinagpapalagay na ‘Ang Ginintuang Panahon ng Pelikula sa Pilipinas’. Ngunit ang mga labi pa rin ng mga nakaraang dekada noong 40’s ay nanatili noon na may kinalaman sa digmaan at giyera. Ang dekada ay kinakitaan ng masilakbong aktibidad sa industriya ng pelikula na nagresulta sa sinasabing “the first harvest of distinguished films” ng mga Pilipino. Ito ay ang mga panahon kung saan sobrang umusbong ang sistema ng mga talyer lalo na sa paglitaw ng tinaguriang ‘Big Three’ sa mga talyer, Sampaguita, Premiere at LVN. May iba na ‘Big Four’ ang tawag kung isasama ang Premiere.

Liwayway Arceo

Ang LVN ay kilala sa mga pelikula nitong komedya habang ang Premiere naman ay sa larangan ng aksyon. Ang apat na ito ay nagkaroon ng malaking papel para sa pag-usbong ng paggawa ng pelikula sa bansa na kayang makipagtapatan sa mga internasyonal na film festivals. Ilan sa mga Pilipinong pelikula ang nakapag-uwi ng internasyonal na parangal ay ang: Biyaya sa Lupa, Isinakdal Ko Ang Aking Ama, Bayanihan, Anak Dalita, at Badjao. Bawat talyer ay may kanya-kanyang grupo ng mga artistang sikat, tekniko at mga direktor na kapwa nakalinya na para sa palabas matapos ang isa pang palabas na tulad ng mga malalaking talyer sa panahong ito tulad ng MGM, RKO at 20th Century Fox. Meron din namang mga talyer bukod sa apat na nabanggit na tulad ng Lebran, Filippine, Everlasting at Royal Productions, ngunit ang apat na unang nabanggit ay talagang nangibabaw sa lahat.

GENGHIS KHAN Ang Pilipinong gawang pelikula na Gengis Khan ay isang historikal na palabas tungkol sa buhay ng isang Mongol na hepe, si Temujin. Ang mga direktor ng Pelikula ay sina Manuel Conde, na gumanap na rin mismo bilang si Temujin, at Lou Salvador, Sr. Kilala ito dahil ito ang unang Pilipinong pelikula na naipalabas sa Venice Film Festival noong 1952 kung saan ito ay pinuri dahil sa teknikal nitong tagumpay. Sa palabas, si Temulin na sa kaluaunan ay naging si Genghis Khan ay isang matalino ngunit tuso. Marami mga episodyong kabayanihan ang pinakita tulad ng pakikipaglaban niya sa marami at pagsasalbang muli sa sinira niyang bayan ng mga kaaway. Siya ay umibig din sa anak na babae ng kalaban niyang kumander na si Princess Lei Hai. Ang kanyang mga karanasan ang nagdulot sa kanya upang maging magiting na manlulupig at makuha ang trono ng kaharian. Sa kasamaang palad, hindi ito masyadong tinangkilik ng mga dayuhan nang ito ay inilabas at kinalat.


Ang iba sa mga sikat na pangalan sa mga panahong ito ay may malaking impluwensiya ng mga pelikula na galing sa panahon ng giyera, na naantala dahil sa pagdating ng mga Hapones. Sila ay sina Oscar Moreno, Leopoldo Salcedo, Arsenia Francisco, Rogelio dela Rosa, Carmen Rosales, Rosa del Rosario, Rosa Aguirre, Manuel Conde, Mila del Sol, Norma Blancaflor at Jose Padilla, Jr. Ang 50s ay nagbigay daan din sa mga susunod na malalaking pangalan ng dekada tulad nina Rita Gomez, Gloria Romero, Pancho Magalona, Tita Duran, Ric Rodrigo, Anita Linda, Nestor de Villa, Nida Blanca, Mario Montenegro, Armando Goyena, Leroy Salvador, Jaime dela Rosa, Ramon Revilla, Horacio Morelos, Fred Montilla, Eddie Arenas, Alicia Vergel, Cesar Ramirez, Leila Morena, Van de Leon, Efren Reyes, Dolphy, Luis Gonzales, at Rosa Rosal. Ang dekada ay kilala rin sa paglitaw ng maraming kategorya ng palabas galing sa mga kwentong bayan. Nagbago na ang mga kalimitang mga palabas noon na hinango pa sa mga alamat at literatura tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga buhay din ng mga pambansang bayani at rebolusyonaryo tulad nina Diego Silang, Dagohoy at lapu-lapu ay madalas ipalabas. Ang kalimitang pinagkukunan ng mga storya para sa mga pelikula ay naging sa mga komiks. Ang komiks, bilang pinakamurang anyo ng libangan pagkatapos ng mga digmaan sa bansa, a,y naging sobrang popular sa masang Pilipino. Dahil sa popularidad na ito kaya napukaw nito ang tatlong malalaking talyer, kasama pa ang ibang mas maliliit na talyer, para isapelikula ang mga ito. Ang ilan sa mga sikat na pelikula na hango sa komiks ay Dyesebel, Hagibis, Sawa sa Lumang Simboryo, Darna at Ang Babaing Lawin, Gorio at Tekla, Salabusab, Malvarosa, Darna, Roberta, Bondying, Kenkoy, El Indio, at marami pang iba. Ang ibat-ibang kategorya na naging popular sa masang Pilipino ay may temang pakikipagsapalaran, pantasiya, saynete, komedya, musikal at kanluranin. Ang impluwensiya ng Hollywood ay matibay pa rin. Bilang patunay, ang mga ginagamit na batayan ng mga direktor na Pilipino sa paggawa ng mga pelikula ay mga batayang pangkanluran. Noong 1951, unang nagkaroon ng palabas na may kulay partikular na ang Prinsipe Amante kung saan bida si Rogelio dela Rosa. Dominante pa rin naman ang mga palabas na itim at puti lamang ang kulay, ngunit ang Prinsipe Amante ay isang pambihirang tagumpay sa pelikulang Asyano. Marahil ay isa ito sa mga pinakaunang pelikula na naipalabas ng may kulay. Ang mga pinakasikat na pilipinong direktor ay kinabibilangan nina Lamberto Avellana, Manuel Conde, Gerardo de Leon, at Dr. Gregorio Fernandez. Kasama pa ang iba pa sa mga sikat na direktor na sina Eddie Romero, Cesar Gallardo, Manuel Silos at Ramon Estella.

Gerardo De Leon Si Gerardo De Leon ay isang direktor ng pelikula na kabilang sa Ilagan Clan kaya sinasabing lumaki siya sa lugar ng mayaman ang teatro. Ang kanyang naging unang trabaho noong hayskul ay isang manunugtog ng piano sa Cine

LAMBERTO V. AVELLANA Si Lamberto V. Avellana ay ang tinaguriang ‘Boy Wonder of Philippine Movies’ bilang isang direktor ng teatro at pelikula. Siya ang unang gumamit ng motion picture camera para mabago ang point of view. Ito ang nagpabago sa mga teknik na ginagamit noon sa paggawa ng pelikula. Noong diamond jubilee ng Ateneo, gumanap siya bilang Joan of Arc, kaya sinasabing isa din siya sa mga nagpasimula ng teatrong Pilipino. Binuo niya ang Barangay Theater Guild, kasama ang asawa niyang si Daisy Hontiveros na gumaganap din sa maraming palabas sa University of the Philippines. Nang isang beses na Makita ni Carlos P. Romulo, presidente ng Philippine Films, ang mga palabas ni Lamberto, niyaya niya ito na pasukin ang pagiging direktor ng mga pelikula. ‘ Sakay’ ang pamagat ng una niyang naging pelikula na dineklara namang Best Picture noong 1939 ng mga kritiko. Naging direktor din siya ng ‘Anak Dalita’ (1956) na nagwagi sa Asian Film Festival at ‘Badjao’ na nagdulot sa kanya upang magwagi bilang Best Director of Asia. Siya din ang unang nagkaroon ng pelikula na pinalabas sa Cannes International Film Festival. Ilan naman sa mga likha niya na ikinalat sa buong mundo ay ang ‘Sergeant Hasan’ (1967), ‘Destination Vietnam’ (1969) at ‘The Evil Within’ (1970).

Moderno sa Quiapo. Siya ang tumutugtog bilang saliw sa mga pelikulang walang tunog na pinapalabas noong mga panahon na iyon. Ito ay naging magandang lugar para sa paghubog ng kanyang talento. Kahit na siya ay nakapagta-

nakapagtapos ng medisina, hindi naman ito nagtagal sa kanya, kaya siya ay tuluyan ng naakit ng pelikula. Ang una niyang palabas bilang direktor ay ang ‘Ama’t Anak’ na nakakuha ng magagandang puri.

Ang pinakamalaki niyang nagawa ay ang ‘Ang Maestra’ kung saan kabilang sina Rogelio de la Rosa at Rosa del Rosario sa mga gumanap na karakter. Marami sa mga nagawa niyang pelikula noong 50s at 60s ay pinagpapalagay na klasiko kabilang na ang ‘Noli Me Tangere’, ‘Daigdig ng mga Api’, ‘Sisa’ at ‘El Filibusterismo’. Ang iba pa ay ang mga sumusunod: ‘Dyesebel’, ‘Sawa sa Lumang Simboryo’, ‘The Gold Bikini’, ‘The Bridges of Blood Island’ at ‘Banaue’.

Manuel Conde Noong mga dekada bago at matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bansang Pilipinas ay palasak sa mga mala-Amerikanong kulturang popular. Si Conde ay namuhunan sa local na pelikula kung saan pinapakita ang sariling kultura ng bansa. Ilan sa mga palabas na siya ang naging direktor ay ang ‘Ibong Adarna’, ‘Siete Infantes’ at ‘Prinsipe Tenoso’.

Simula 1940 hanggang 1963, lagpas na ng 40 ang kanyang nagawang pelikula na malaki ang ambag sa ‘indigenization’ ng pelikulang pinoy sa pagpapalitaw ng pambansang kultura, katutubo, historya at mga napapanahong mga usapin. Malaki ang naging ambag niya sa pagbubukas ng lokal na pelikula sa ibang bansa.

Hindi nakulong ang kanyang mga pelikula sa mga paikot-ikot na kwento at tema. Patunay dito ang ‘Genghis Khan’ at ‘Sigfredo’ galing sa kasaysayan ng mundo. Ilan sa kanyang mga mahahalagang nagawa ay ang mga sumusunod: ‘Si Juan Tamad’ (1947), ‘Ibong Adarna’ (1941), ‘Juan Tamad Goes To Congress’ (1959), ‘Genghis Khan’ (1950), at ‘Ikaw Kasi!’ (1955).


MGA UMUSBONG NA PELIKULA NG GININTUANG PANAHON





Mga Sanggunian: http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm https://cdr.lib.unc.edu/indexablecontent/uuid:f3b75a05-ab81-4089-a8d5-e8f48593167f http://filminstitute.upd.edu.ph/manuel-condes-genghis-khan/ http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/org-awards/theater/lamberto_avellana.php http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/org-awards/cinema/gerry_deleon.php http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/org-awards/cinema/manuel_conde.php



Dekada 60

'

sa panulat ni: Ronnel Andal

Agad namang sinundan ang ‘Ginintuang Panahon’ ng pelikulang Pilipino ng pagbasak ng industriya noong dekada 60. Sa pagpapabawal sa mga pelikula mula sa Amerika, natigil din ang tila mabilisang pagdami ng mga manonood ng pelikula. Dahil dito, kasama na rn ang lumalawak na mga kilusan ng mga manggagawang Pilipino, nagsara na din ang apat sa pinaka-malalaking “studio” sa Pilipinas. Nauna na sa pagsasara ang Lebran at Premiere Productions at agad naming sinundan ng Sampaguita Productons at LVN (onlineessays.com).

Bunsod nito ay ang pausbong naman ng bagong artistikong metodo sa pagbuo ng mga pelikulang Pilipino. Kapalit ng mga nagsarang malalaking studio ay ang pagdami ng mga malayang direktor at producer ng ng pelikula. Dahil sa kagustuhan nilang mahimok muli ang mga manonood sa mga sinehan ay bumuo sila ng genre na hindi lang sinasalamin ang mga sumikat na mga pelikulang Amerika kundi isang paraanng ng pagpapakita ta pagpaparamdam ng mga rebolusyong pananaw.

Ilan sa mga genre na ito ay ang action movies na pinangunahan ni Efren Reyes Sr. at pinasikat ni Fernando Poe Jr. Binansagang “Decade of Pinoy Western” ang 60’s, sa panahong ito umusbong ang napakaraming pelikulang may temang aksyon at mga uri ng karakter na hango sa pelikulang Hollywood gaya ng Cowboys at Agents. Dito rin nagsulputan ang iba’t-ibang action stars tulad ni Jess Lapid Sr., Jun Aristorenas, Tony Ferrer at marami pang iba, na lalo pang nagpaunlad ng

Bukod pa sa pagpapaunlad ng industriya, dala-dala ng mga pelikulang ito ang mensaheng pagkundina sa kinagisnang kalagayan ng lipunang talamak ng kurapsyon, kawalan ng hustisya at krimen. Sa pagsikat ng mga ganitong klaseng pelikula ay ang pag-usbong ng ideya na isang natatanging bayaning maaaring magligtas sa mga mamamayang biktima ng karahasan sa lipunan (onlineessays.com). Subalit hindi lang ang mga pelikulang aksyon ang may mensaheng gustong iparating. Nariyan din ang mga pelikulang bomba, at mga pelikulang pinagbibidahan ng mga child stars at teen love teams (onlineessays.com). Mga Sanggunian: http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm http://video48.blogspot.com/2011/06/60s-decade-of-pinoywestern.html


18 BOLD MOVIES na may

Tubong San Carlos City, Pangasinan si Ronald Allan Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Fernando Poe Jr. o FPJ. Ipinanganak siya noong ika 20 ng Agosto taong 1939 na may lahing Espanyol, Amerikano, Irish at Pilipino. Nakatapak siya hanggang ikalawang taon sa kolehiyo sa University of the East. Ngunit matapos pumanaw ang kanyang ama ay napilitin siyang tumigil sa pag-aaral upang masuportahan ang kanyang pamilya. Matapos magtrabaho bilang taga-dala ng mensahe at sumabak sa ilang maliliit na pagganap sa ilang pelikula ay nabigyan na siya ng pagkakataong maging pangunahing karakter sa pelikulang Anak ni Palris noong siya ay 14 na taong gulang pa lang. Hindi man gaanong pumatok sa takilya nasundan naman ito ng iba pa na nagdala sa kanya sa rurok ng kasikatan. Sa pelikulang Lo Waist Gang tunay na sumikat si Fernando Poe Jr. Kasabay ng pagdagsa ng mga manonood sa mga sinehan para sa pelikulang ito ay ang pagkabuo sa low-waist pants fad. Nagtuloy-tuloy ang mga pelikulang pinagbidahan, ginawa at dinirek ni FPJ. Sa dekada ’60 pinakamaraming siyang nagawang pelikula na umabot sa humigit-kumulang na 11 pelikula sa isang taon at 15 noong 1965. Dito rin siya unang nabansagang Hari ng Pelikulang Pilipino o “Da King”. Ilan sa mga pelikulang ito ay: Markado (1960), Ito ang Maynila (1963), Sigaw ng digmaan (1963), Ako ang katarungan (1962), Suicide Commandoes (1962), Alamat ng 7 kilabot (1967) ), Daniel Barrion (1964), Baril at rosaryo (1967), Zamboanga (1966), The Ravagers (1965) at marami pang iba. Ilan naman sa dinirek niyang pelikula ay Niño, El (1968), Tatlong hari (1968), Langit at lupa (1967) at San Bernardo (1966). Sa panahong din ito siya nagkamit ng unang karangalan bilang 1968 FAMAS Best Actor para sa Alabok sa lupa, Mga (1967).

kAMANGHA-MANGHANG PAMAGAT

sa panulat ni: Reinier Abagat

1. Ang Magsasaging ni Pacing

Nagpatuloy pa ang pag-usbong ng pelikulang Pilipino sa tulong ng pagyabong ng mga pelikulang may tatak “FPJ” sa sumunod na mga taon. Hanggang ngayon ay itinuturing si FPJ na isang mahalagang bahagi ng industriya. Kaya naman, nagdiwang hindi lang ang mga critiko ng pelikula kundi maging ang napakaraming taga-hanga ni FPJ noong ginawaran siya ng National Artist award kasama pa ang anim na iba pa noong ika-8 ng Hunyo taong 2006.

Mga Sanggunian: http://www.newsflash.org/2004/02/pe/pe003925.htm http://archives.newsbreak-knowledge.ph/2004/03/01/fpj-uncut/ http://video48.blogspot.com/2011/06/60s-decade-of-pinoy-western.html

Tungol sa: Ito at tungkol sa isang kaakit-akit na dalaga na si Pacing. Ito ay ipinalabas noong panahon Tungol sa: Ito at tungkol sa isang kaakit-akit na dalaga na si Pacing. Ito ay ipinalabas noong panahon ng Kapaskuhan. Ang pelikulang ito ay kilala dahil sa bastos nitong pamagat at sa mahusay na pagganap ni Rosanna Ortiz.


4. ‘Pag Dumikit Kumakapit 2. Batuta ni Drakula

3. Balahibong Pusa

Tungkol sa: Ang isang manunulat ay nahulog sa mangingibig ng kanyang matalik na kaibigan. Tungkol sa: Isang sekswal na pelikula na parody ng “Dracula�. 5. Room 69

3. Balahibong Pusa

Tungkol sa: Isang batang babae naghihinala na ang kasintahan ng kanyang ina ay sekswal na akit sa kanya kaya tinapat niya ang lahat ng bagay sa kanyang kasintahan na nagtatrabaho sa talyer ng kasintahan ng nanay niya na may ibang kerida. Itong pelikulang ito ay walang kinalaman sa pusa.

Tungkol sa: Ito tumatalakay sa mga buhay ng mga prostitute na nakatira sa isang brothel na tinatawag na "Room 69." Ito rin ay kilala dahil ito ang huling pelikula ng kontrobersyal na bold aktres na si Pepsi Paloma bago siya magpakamatay.


6. Sabong 8. Tag-ulan Ngayon‌ Ang Bukid ay Basa 2

Tungkol sa: Sabong ay ang sentral na paksa ng pelikula na ito, malinaw kung bakit napili ito bilang pamagat nito (COCK-fighting).

Tungkol sa: Ito ay isang sumunod na pangyayari sa isang porn na pelikula na pinamagatang "Tagulan Ngayon‌ Ang Bukid ay Basa". Ito ay tungkol sa isang batang babae na may mahirap na pamumuhay matapos ang tagtuyot na na halos imposible upang maani ang mga palay at siya ay pinilit na magpakasal sa isang mayamang bachelor sa kabila ng kanyang kagustuhan sa kanyang kababata.

7. Arayyy!

9. Anakan Mo Ako Tungkol sa: Ito ay isang seryosong pelikula na hinango sa ang isang tanyag na kanta tungkol sa kapalaran ng mga prostitute sa magulong lungsod ng Manila.

Tungkol sa: Isang katutubong babae ang nais makatakas mula sa kanyang makapangyarihan at malibog na asawa na hindi makikihalubilo sa iba pang mga katribu hanggaa’t hindi niya ito nabubuntis. Siya ay makakakuha ng pagkakataon dahil sa isang taga-bayan na pumapasok sa kanilang kagubatan. Ang pelikula ay kilala sa mga kantang "No Matter What" by Boyzone sa trailer at ito rin ay ipinalabas sa TV habang commercial break.


12. Kapag Ang Palay Naging Bigas‌ May Bumayo 10. Stop: Abortion

Tungkol sa: Bakit ang isang anti- abortion film ay isang bold film? Isa sa mga co-stars ay pinangalanang Boy Sanggol.

Tungkol sa: Walang synopsis ng pelikula ang lumabas dahil sa pamagat lamang nakatutok ang karamihan ng manonood nito. Ito ang pinaka-di-pangkaraniwang pamagat sa isang pelikulang Filipino.

11. Masarap na Pugad

Tungkol sa: Dalawang magkasintahan na sina Gareth at Koala na pinaglaban ang kanilang pag-iibigan sa kabila ng kanilang magulang na tutol at iba pang nagkakagusto sa kanila.

13. ITLOG

Tungkol sa: Isang dating bilanggo ay binigyan ng isa pang pagkakataon ng buhay sa pamamagitan ng isang magsasaka, ngunit nagkaproblema nang bumalik sa bahay ang anak ng magsasaka kasama ang kanyang asawa at magsisimula na ang dating bilanggo na magkaroon ng suyuan sa sawa ng magsasaka na ginanampanan ng isang labinlimang taong gulang na si Diana Zubiri . (Oo, mga menor de edad ang gumaganap sa bold movies na kung saan ito ay labag sa mga batas ngunit marami pa ring prodyuser ang lumalabag dito.


14. Bibingka 16. Kangkong Tungkol sa: Isang Pilipino-Amerikano na babae ay nagbalik sa isang kangkong plantation sa Pilipinas at umibig sa isang Katolikong pari. Hindi na kailangang sabihin, ang pelikulang ito ay maling-mali.

Tungkol sa: Dalawang magkapatid na matagal di nagsama ay nagkitang muli at kanilang nalaman na iisa ang kanilang lalaking iniibig. Ang poster ay masyadong nakakalito, gayunpaman, dahil ito ay tampok sa isang batang babae na gumagawa ng "puto bumbong".

15. Kesong Puti

Tungkol sa: Isang mayamang tao sa Lumban, Laguna, ang kilala sa paggawa ng mga keso, ay maaari lamang makuha ang kanyang mana sa sandaling siya at ang kanyang asawa ay magkaroon ng isang anak. Nakalulungkot siya nadiskubre na siya ay walang magagawa dahil siya ay baog na siyang naging isang malaking eskandalo ng kanilang pamilya.

17. Talong

Tungkol sa: Isang babaeng artista ay nahulog sa isang lalaking nagsasaka ng talong. Kung gagamitin ang pagiging green minded, malalaman ang tunay na kahulugan ng pelikulka pagkabasang-pagkabasa sa pamagat nito.


18. Patikim ng Pinya

Tungkol sa: Isang nagtitinda ng prutas ay gumagamit ng kanyang seductive charms para makaakit ng ibang tao at naranasan niya ang sakit ng mahulog sa isang taong kakakilala niya pa lamang.

Sanggunian: BuzzFeed Community (Nov.9, 2014) 19 Filipino Bold Movie Titles That Make You Say “WTF?!?!� [Blog Post] Retrieved from http://www.buzzfeed.com/thepusherwoman/19-filipinobold-movie-titles-that-make-you-say-w-13n4i#.ksEEeLM1M


PAGSILIP SA MUNDO NG

Dekada 70' Ang dekada 70’ ang isa sa mga pinakamahalaga at pinakamatagumpay na mga taon para sa mga pelikula, kasama na ang mga artista at manlilikha nito. Tinawag itong Second Golden Age of Philippine Cinema dahil nga sa mga katagumpayan ng industriya ng pelikula sa mga panahong ito. Ito rin ang mga panahon ng paglabas ng mga makabo at kontemporaryong paraan ng pag gawa ng pelikula. Sa panahon din na ito nagsimulang baguhin ng mga gumagawa ng pelikula ang kumbensyonal na black and white na kulay ng mga palabas. Marming naglipanang bagay na may kinalaman sa pelikula ang lumabas noong dekada 70’ upang mapaunlad ang industriya ng pelikula sa ating bansa. Narito ang mga ilan sa mga bagay na nagbago at nagbigay kulay sa ating pinakamamahal na industriya. Sa taong 1972, nagdeklara si dating pangulong Ferdinand Marcos ng Martial Law. Ginamit ang mga pelikula bilang isang political machine upang mapatupad at maipahayag sa mga tao ang mga kayang gawin at gagawin ng gobyerno sa mga mamamayan ng Pilipinas. Si dating pangulong Ferdinand Marcos at ang kanyang ibang mga tauhan ay nagsulong na pigilan at kontrolin ang mga pelikula noong Martial Law. Ang kanilang pangunahing hakbangin ay ang pag tayo o pagtatatag ng isang ahensiya ng gobyerno na siyang susuri at maninigurado na tama at naaayon sa gusto ng pangulo ang laman ng pelikula. Tinawag ang ahensiyang ito na Board of Censors for Motion Pictures (BCMP). Kailngan magpasa ng mga taga gawa ng pelikula ng isang kopya ng script sa BCMP, bago pa man mag simula ang pag gawa ng pelikula, at kailangan ay naglalaman ito ng mga ideolohiya na ukol sa New Society Movement, tulad ng disiplina at pagmamahal sa bayan. ang mga bomba films ay ipinagbawal ng gobyerno pati na rin ang mga pelikulang may temang rebolusyon at kritisismo sa pamahalaang Marcos. Kahit na may pagpipigil at pagbabawal ay tuloy pa rin ang pagpapalabas at pag gawa ng mga pelikulang bomba. Ang mga pelikulang may temang aksyon ay may epilogue sa dulo na ang mga kasamaan at mga sosyal na realidad na nasa pelikula ay nagapos at napigilan dahil sa New Society Movement.

Kahit na mayroong censorship ang panahong ito ay naglaan ng daan para sumikat ang mga bagong direktor at taga gawa ng pelikula. Kabilang sa mga taong ito ay sina Ishmael Bernal, direktor ng Nunal sa Tubig at Salawahan, Lino Brocka, direktor ng Tinimbang Ngunit Kulang at Ang Tatay kong Nanay, at si Celso Ad. Castillo, direktor ng Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak. Sa taong 1977, may isang sumikat na manlilikha ng pelikula na may pseudonym na Kidlat Tahimik . Siya ang gumawa ng Mababangong Panaginip na nanalo ng International Critic’s Prize sa Berlin Film Festival noong panahong din iyon.

Kept in sent gave feel will oh it we. Has pleasure procured men laughing shutters nay. Old insipidity motionless continuing law shy partiality. Depending acuteness dependent eat use dejection. Unpleasing astonished discovered not nor shy. Morning hearted now met yet beloved evening. Has and upon his last here must. It as announcing it me.

Ang Pilipinas sa panahon ng kadiliman at kasarimlan ay hindi nagpatalo at nagpagapi. Gumawa ang mga Pilipino ng mga bagay na kahit alam nila na ikakapahamak nila ay itinuloy pa rin nila para sa ikakabuti ng mga tao. Sila ang mga nagbigay ng kulay sa kadiiman na tinamasa ng mga Pilipino noong panahon ng rehimeng Marcos. Sila ang nagbigay buhay at pag asa sa mga Pilipino at nagbigay ng inspirasyon na magpatuloy mabuhay at lumaban. Sanggunian: http://www.aenet.org/family/filmhistory.htm http://filmacademyphil.org/archives/051028arj1.html


Sa Panahon ng Renaissance

Sa panulat ni Karla Napay

Ang salitang “renaissance” na nangangahulugang muling pagsilang o muling pag-usbong ay nakitang ginagawang pangtukoy sa pinatutunguhang kurso ng mga pelikula noong taong 2007-2008. Nagtagal ito, sa opinyon ng ibang mga kritiko, ng hanggang taong 2014. Ang ibig bang sabihin nitong tinuring na pag-usbong ay ang pelikula bago dumating ang “renaissance” ay masalimuot at hindi kanais-nais? Sino nga ba ang may karapatang magsabi kung dumating na nga sa punto ng muling pag-usbong ng Pelikulang Pilipino? Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang pagdating at padgeklara ng yugto ng muling pagsilang ng Pelikulang Pilipino at kung ano ang mga salik na nag-udyok ng ganitong pansining na ebolusyon. Ang sinasabing isa sa mga pelikula na nagpausbong ng industriya ng Pelikula sa Pilipinas ay ang “Pisay”. Ipinalabas ito noong taong 2007 at ang director nito ay si Auraeus Solito na sya ding director ng “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” at ng “Tuli” na parehong nabigyang rekognisyon sa loob at labas ng bansa. Ang Pisay ay napupuno ng iba’t-ibang gunita o ala-ala ng mga dating estudyante ng Philippine Science High School noong mga panahong naganap ang People Power Revolution at pintalsik ng tuluyan sa puwesto si Marcos. Hindi lingid sa kaalaman ng marami, sa Pisay, kapag hindi ka nagpatuloy sa kolehiyo at kapag hindi ka pumili ng kurso na kaugnay sa Agham ay mapipilitan kang bayaran ang gobyerno ng halagang katumbas ng apat na taong libreng edukasyon na natamasa mo. Kaya naman ang tema ng pelikula ay puro may halong pang-akademikong mga linya. Pero siningitan ito ng temang pumapatungkol sa pag-ibig at sa political na sitwasyon ng Pilipinas ng mga panahong naganap ang kuwento. Sa kabuuuan ng pelikula ay tinalakay ang mga suliranin ng Pilipinas sa isang napaka-subliminal at satirical na paraan. Merong nananaig na kapayapaan at ang komento naman ng manunulat at kritiko ng pelikula na si Emmanuel Burdeau ay:

“Pisay is a beautiful film, simple and sophisticated . . . the praise is valid for Filipino cinema as a whole, which is undergoing something of a renaissance.” Si Burdeau ay isang pranses at siya ay nagsusulat para sa prestihiyosong magasin na Cahiers Du Cinema. Sumunod sa Pisa yang pagragsa na iba-iba pang mga pelikula na tumutukoy sa political at sosyal na mga tema na kaugnay sa lipunan noon. Pumaloob din sa tinaguriang “Post-Senate Resolution No. 691” ang pagtalakay sa paglalaan ng mas malaking oportunidad para sa Pelikulang Pilipino na makilala. Ang buod ng resolusyon na ito ay: “Urging the senate committee on public information and mass media to conduct an immediate study and assessment, in aid of legislation, anent ways and mechanisms to promote the renaissance of Philippine cinema citing the continuing growth and recent recognitions of Filipino Indie movies in International Film Festivals” Ang resolusyong ito ay pinasa sa senado noong taong 2008 at ang gumawa nito ay si Manny Villar. Naglatag si Villar ng ilang mga pelikula na nagpapatunay sa kanyang argumento na meron ngang umuusbong na potensyal ang Pelikulang Pilipino. Binanggit nya ang pelikulang “Serbis” na nanalo ng Golden Kinnaree Award sa Bangkok International Film Festival sa Thailand, Best Film Prize sa International Pacific Meridian Film Festival sa Russia. Ang “Tirador” ay nagkamit ng Best Film sa kategoryang Asian Film Feature sa ika-21 Singapore International Film Fesetival at ang Caligari Award sa ika-58 Berlin International Film Festival. Ang “Pisay” na nagkamit ng Grand Prix du Jury at Audience Prize Winner sa Vesoul International Film Festival sa Pransya. Lahat ng ito ay ginawang argumento ni Villar sa kanyang adbokasiyang paglaanan pa ng pansin ang industriya ng Pelikula sa Pilipinas at partikular sa larangan ng mga “Indie” na pelikula.

Ngunit, nakakapagtakang isipin na kung kalian lamang nabigyang parangal sa ibang bansa ang isang kathang-isang, ay tsaka lamang ito babansagan bilang importante at karapat-dapat na bigyang pansin. Mas lalong nakakapagtaka na kailangan pa ng pagtango ng ibang mga bansa para kilalanin natin ang sarili nating Sining. Noong ika-11 hanggang ika-14 ng Agosto taong 2014, may naganap na Sinehan sa Summer na isinaayosng Philippine Consulate General New York. Ang sabe ni Consul General Mario L. De Leon, base daw sa kanyang obserbasyon ay nasa yugto na nga ng “Renaissance” ang Institusyon ng Pelikula ng Pilipinas dahil sunodsunod na lang ang mga parangal na natatanggap ng mga pelikulang Pilipino sa iba-ibang bansa. Ganoon ba talaga tayo mag-isip? Kailangan muna masabi ng ibang bansa na magaling bago masabing magaling talaga sa sariling bansa? Ganoon ba tayo nagpapaalipin sa nakakahong isipang iniwan sa atin ng mga sumakop noon? Totoo na mas maraming pumipila sa “Avengers”, sa mga pelikula ni Angelina Jolie at Tom Cruise. Mas totoo na kung papipiliin malamang mas madame ding pipila sa pelikula ng Kathniel kaysa sa isang indie film. Totoo na sa larangan ng Sining mas may nakatataas, at mas may kumikita. Ang inaalay na sining sa pamamagitan ng sisidlan na pelikula ng mga “independent” na mga artistang nagnanais na maipamukha sa mga Pilipino ang realidad ng buhay ay hindi natin maihahalintulad sa pelikulang nais lamang kumita gamit ang pain ng romansa at simpleng pagpapatawa. Totoo din na ang mas kinokonsumo ng tao na uri ng pelikula ay ang mga pelikula na hindi nagpapaalala sa kanila ng realidad ng buhay, Imbis ang gusto ngayon ng tao ay ang mga may temang masasaya at puno ng panlilinlang, para lang makalaya kahit lamang sa loob ng isa’t kalahating oras sa mga buhay nila bilang ordinaryong Pilipino. Pero, masisisi ba naman natin ang mga kababayan nating ang nais lamang ay sumaya at magpakalunod sa kasiyahang kaunting oras lang nilang madadama. Maaatim ba natin silang kutyain dahil mas pinili nilang pagkagastusan at paglaanan ng oras at pansin ang pelikulang magdadala sa kanila ng kagaanan ng loob imbis sa pelikulang lalong magpapakita sa kanila sa kanilang kinasusudlukang estado ng buhay? Ganun pa man, may naniig na responsibilidad ang bawat Pilipino na tangkilikin at yakapin ang sariling ating. Mapapunta man ito sa Pelikula o ibang anyo ng Sining. Hindi ba’t nakakapanlumo na ang iba pang mga bansa ang nagmamahal at nagpapahalaga n gating mga Pelikula na sya nga dapat ay mas mapaigting an gating puso dahil parte tayo ng pelikulang yon. Dahil parte tayo ng lipunang nakapaloob sa pelikulang iyon. Hanggang ngayon patuloy pa din ang tinuturing na Renaissance ng Pelikulang Pilipino, nakakapanghinyang naman kung hindi natin ibubukas ang puso’t isipan sa talentong iniluwal ng lipunang ginagalawan natin. Sanggunian: http://todaimitaka.blogspot.com/2008/02/save-philippine-cinema-2-watch-auraeus. html http://www.senate.gov.ph/lisdata/88188020!.pdf http://www.gmanetwork.com/news/story/376767/pinoyabroad/gmainternational/pinoy-films-take-spotlight-at-7th-sinehan-sa-summer-in-new-york


Pelikulang Pilipino na may Tauhang Pilipino Sa panulat ni Matthew Malabanan Lubos na sumisikat sa Pilipas ang pagpe-pelikula. Ito ay masasabing napakalaking industriyang pang-aliw (o entertainment). Nahuhumaling ang mga Pilipino sa panonood ng iba’t ibang panoorin sa sine. Maaaring ang istorya ay tungkol sa mga alamat, pamahiin, paniniwala, drama, trahedya, relihiyon, piksyon (fiction), siyensya at pag-ibig. Iba’t ibang istorya na tumutungkol sa kultura at buhay ng mga Pilipino. Mga kakaiba at katangi-tanging bagay patungkol sa Pilipino. Sa paubong ng industriyang ito, naging bahagi na ito ng ekonimiya ng bansa. Ito ay naging repleksyon ng kinagisnan ng mga Pilipino. May malaking potensyal ang industriya ng pelikula sa pilipinas lalo na’t ito ay malaki ang naging naiambag sa mabilis na paglago paglago ng gross domestic product at gross national product. Malaki ang pas-usbong nito sa Metro-Manila at ilang karatig bayan tulad ng mga lugar sa timog katagalugan. Ayon sa ilang sanggunian, ang industriya ng pelikula ay ang mayroong pinakamataas na tax sa amyusment ngunit ito ang pinamurang uri ng aliwan. Ang mga lubos na nakikinabang ditto direkta ay ang mga tao sa likod ng pelikula, ang mga actor at aktres, director, at ibang manggagawa na nakikielam sa paggawa at pagpapaulad sa industriyang iyon. Sa pag-unlad ng mga pelikula sa Pilipinas, ito ay nahati sa ilang kategorya na tumutukoy sa uri at kalidad ng pelikula. Una ay mga pelikula na ginawa ng mga malalaking kumpanya, pangalawa ay mga matatag na independent, sunod ay mga mayayamang tao na nagpopondo sa mga pelikula na ang hangarin ay mai-promote ang kanilang mga paniniwala tulad ng sa relihiyon at political kaysa perang kikitain, pangapat ay mga tao na di makapasok na mayor na pelikula at may maliit lamang na pondo na mga rated R at X na pelikula, at ang panghuli ay para lang mag-produs ng alternatibong sinehan.

Ka sa lu ku yan

Iba-iba ang tema ng mga pelikula. Kaya nagkaroon ng taga-pamahala sa pagpapatupad ng mga restriksyon sa mga pelikula. Ito ay ang MTRCB o ang Movie and Television Review and Classification Board. Ito ay nasa ilalim ng Presidential Decree No. 1986 na naglalahad ng mga regulasyon sa paggawa ng pelikula at sa paglalagay ng mga nilalalaman. Bago ipalabas sa publiko ang mga nagawang pelikula, ito ay ipinapasa sa MTRCB para bigyan ng nararapat na ebalwasyon. Dito matutukoy kung sino lang ang mga tao na maaaring manood, kung anong restriksyon sa edad. Kung maaari bang ipalabas sa general na manonood o pili lamang ang maaaring makapanood. Mayroon din namamahala pagdating sa tamang pagpapakalat ng mga panooring pelikula. Ang illegal na pagpapakalat ng kopya ng pelikula ay mananagot sa batas. Ang maaari lamang pagpalabas ay ang mga may pahintulot lamang ng gumawa ng pelikula at dumaan sa tamang proseso ng pagpapalabas. Tinatawag na

Mga Larawan: Mula sa Google Images

Mayroon din namamahala pagdating sa tamang pagpapakalat ng mga panooring pelikula. Ang illegal na pagpapakalat ng kopya ng pelikula ay mananagot sa batas. Ang maaari lamang pagpalabas ay ang mga may pahintulot lamang ng gumawa ng pelikula at dumaan sa tamang proseso ng pagpapalabas. Tinatawag na pamimirata o piracy ang lalabag sa panuntunan at magpapakat sa illegal na paraan. Ang paglinang ng sining at industriya ng pelikula ay nararapat lamang na ilaan para sa mga Pilipino. Nararapat na magkaroon ang mga Pilipino ng natatanging pangalan sa industriya ng pelikula. Nakasunod ang Pilipinas sa standard ng mga taga-kanluran, o Hollywood. Nagiging patern ng mga pelikulang Pilipino ang mga pelikula ng mga banyaga. Ang Hollywood ay para sa kanila at ang pelikula ng Pilipino ay para dapat sa mga Pilipino. Ipakita kung ano ba talaga ang kaya ng mga Pilipino pagdating pagpepelikula. May lakas ang mga Pilipino na makipagtagisan at ipagmalaki ang mga kaya sa mga dayuhan. Dapat magkaroon

ng sariling tatak ang mga Pilipino pagdating sa industriya ng pelikula. Dapat ipagmalaki ang totong katangian ng mga Pilipino sa larangan ng pelikula. Maaaring ang Pilipinas ay huli pa sa teknolohiya sa paggawa ng mga pelikula ngunit kahit ganun pa man, hindi dapat maging hadlang upang maipakita ng mga Pilipino kung gaano kaganda ang mga pelikulang Pilipino na karapat-dapat ipagmalaki sa ibang bansa. Makikita naman na maraming pelikulang Pilipino ang nakakatanggap ng iba’t ibang uri ng parangal ditto sa bansa at kahit pa sa ibang bansa. Hindi naman kailangan Manalo at talunin ang mga banyaga, dahil ang tunay na halaga ng paggawa ng pelikulang Pilipino ay maipakita ang tunay na galing at ang magandang kultura at buhay ng mga Pilipino. Sanggunian: http://dirp3.pids.gov.ph/ris/taps/tapspp0103.pdf


“The goal is to go global, and to go global does not necessarily mean to fight outright, but to race for the recognition of being a unique entity as shown in the local films.” “Filipino films with a Filipino character.”

Mga Sumisikat at Kumikitang Pelikula sa Kasalukuyan

Umusbong ang industriya ng pelikula dahil sa malaking kita nito at naging maayos ang mga teknolohiya sa paggawa nito sa Pilipinas. Nahati sa dalawa ang uri ng pelikula sa Pilipinas na sumisikat at kumikita ng malaki. Una ang mainstream films, o ang mga pelikulang naaayon sa panlasa ng nakakarami at nagugustuhan ng pangkariwan na tao, at ang pangalawa ay ang indie films, o ang mga pelikula na may ispesipik na manonood at ni-produce ng isang independent na tao o kumpanya. Karamihan ng mga pelikulang Pilipino ay nakapako lamang sa pagsunod sa standards at expectations ng Hollywood. Ang prioridad ng mga pelikula ngayon ay ang kagustuhan ng nakakarami. Ang nagiging pokus ay ang bilang ng manonood at hindi ang kalidad ng pelikula. Nagkakaroon ng pagkakapare-pareho at pag-uulit-ulit ng mga pelikulang Pilipino. Paikot-ikot lamang ang mga istorya at binabago bago lamang ng kaunti, o tinatawag na cliché sa ingles. Ngunit karamihan pa din ng mga pelikulang Pilipino ay nakabatay sa mga kwento ng tao, ng mga Pilipino, sa kung ano ang nagiging kwento ng kanilang buhay. Maaaring buhay ng pamilyang Pilipino, buhay pag-ibig, kasawian at iba pang mga kultura ng pagiging Pilipino. Karaniwang nagiging istorya ng mga pelikula ay buhay pag-ibig ng mga kabataan, mga konplik sa buhay mag-asawa, kwento ng pamilya tulad ng mga OFW o Overseas Filipino Workers, at kwento ng kasarian. Tulad ng mga tapik na ito ay ang naging istorya ng mga sumikat na pelikula at kumita ng malaki.


Mainstream Films Mga pelikulang karaniwang ipinapalabas sa mga sikat ng sinehan at teatro sa Pilipinas, halimbawa ay mga sinehan ng SM Cinema, Ayala, at iba pang malalaking kumpanya na may sinehan at mga teatro. Ang mga pelikula na ginawa ng mga sikat na produser, halimbawa ay ang Star Cinema, Viva films at GMA films, na ilan lamang sa mga produser na malaki mag-produs ng mga pelikula. Masasabing ang mga pelikulang ito ay nakapokus sa pagkita ng malaki at aliwin ang maraming tao. Ginaganapan din ito ng mga sikat na artista sa industriya, o mga famous celebrities.

One More Chance (2007) Ito ay kwento ng magkasintahan, sina Popoy at Basha (ginanapan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo) na napagod at nagsawa sa kanilang matagal nang relasyon. Nakipaghiwalay si Basha dahil hindi na niya nakikita na nag-wowork ang relasyon nila ni Popoy. Gusto niya hanapin ang kanyang sarili at i-explore pa ang kaniyang mga pangarap. Ngunit noong maging okay siya, napagtanto niya na mahal pa rin niya si Popoy, ngunit may bago na itong kasintahan. Hanggang sa nagkasama ulit sila sa isang proyekto at muling nanumbalik ang kanilang matamis na samahan. Sa kabuoan, ito ay tungkol sa isang normal na problema ng magkasintahan. Isang pagsubok sa kanilang pagmamahalan ngunit kung ito ay tunay, babalik at babalik kayo sa isa’t isa kung kayo talaga. Sumikat ang mga linyang “Sana ako na lang ulit” at “She has me at my worst, you had me at my best, at binalewala mo lang yun Bash”.

t

Bride for Rent Kwento ng isang mayamang lalaki na sa mithiing makakuha ng malaking pamana mula sa kanyang Lola ay kumuha ng isang babae na magpapanggap na kanyang asawa. Ngunit ito at nalaman ng kanyang Lola at binaliktad ang sitwasyon at siya ang naloko at naturuan ng leksyon. Ngunit sa dulo ay nauwi sa totohanan ang kasal. Ito ay pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. Isa ang pelikulang ito sa may pinakamatataas na kinita sa taong 2014. Kumita ito sa kabuoan ng P330,670,755.

Starting Over Again

No Other Woman Pinagbidahan nina Anne Curtis, Christine Reyes at Derek Ramsey. Ito ay kwento ng mag-asawa na nangaliwa ang lalaki. Pinakita dito kung paano ito hinarap ng mag-asawa at paano nagtunggali ang asawa at ang kabit. Ito ay nagbigay pokus sa tipikal na pagsubok sa isang mag-asawa o magkarelasyon, ang pagkakaroon ng kabit.

Girl, Boy, Bakla, Tomboy Ito ay kwento ng quadruplets kung saan ang bawat isa ay may kanya-kanyang kasarian. Kwento ito ng isang pampamilyang suliranin, ngunit maisasali din ang usapin sa pagpili ng kasarian at ano ang kaakibat na responsibilidad sa bawat kasarian. Ito ang may pinakamataas na kita sa sinehan sa taong 2014 na kumita ng P429,147,428.

Kumita ito ng P409,352,040. Pumatok ito sa takilya na pinagbidahan nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Kwento ito ng isang estudyante ng kolehiyo na umibig sa kanyang propesor. Noong makapagtapos siya, nagkatuluyan sila. Nguntik na ikasal ngunit hindi natuloy dahil sa isang problemang pangrelasyon. Umalis ng bansa ang bidang babae at iniwan basta basta ang lalaki. Ngunit noong bumalik, naisip at napagtanto niya ang mali at gusto makipagbalikan sa lalaki, ngunit may iba na ito. Gumawa siya ng paraan para makuha muli ang lalaki, ngunit hindi na nagtagumpay.

She's Dating the Gangster Ito ay kwento ng dalawang tao na magkaiba ang mundo. Isang gangster at isang pala-aral na estudyante. Nagpanggap na magkasintahan upang pagselosin ang dating kasintahan nung gangster ngunit sa huli sila rin ang nagka-ibigan. Hindi natuloy ang pagmamahalan dahil sa sakit ng babae at sa paghadlang ng dating kasintahan nung gangster. Pinagbidahan ito nina Kathrine Bernardo at Daniel Padilla, tinagurian Teen Queen at Teen King. Kumita ito ng P262,692,540 sa kabuoan.


Indie Films Isa sa mga naging entablado ng mga Indie Films ay ang Cinemalaya, isang paligsahan pampelikula sa kategorya ng Indie Films. Ito ay itinatag dahil sa pag-usbong ng mga independent na pelikula. Pinapakilala nito sa kamalayan ng mga manonood ang galing at husay ng mga pelikula na nasa indie films at hindi nagpapahuli sa mga mainstream na pelikula. Maraming indie films na ang nanalo ng iba’t ibang uri ng parangal sa loob at labas man ng bansa. Ipinapakita nito ang native na buhay ng mga Pilipino. Karaniwan walang binabago ang mga Indie Films at pinapakita ang tunay na pagkaPilipino ng pelikula.

Kubrador

That Thing Called Tadhana

Isang pelikula na tumutungkol sa buhay ng isang kubrador ng jueteng. Ang kwento nito ay tungkol sa buhay ng mga Pilipino na nahuhumaling sa jueteng bilang parte nan g pang-araw-araw na buhay. Tumataya sa pag-asang makakaranas ng kaunting pag-asenso sa buhay at matikim ng kaunting ginhawa. Ito ay kwento ng pangkaraniwang mamamayan. Napasali ito sa FIPRESCI Award- Moscow International Film Festival sa Russia, Hunyo 23-Hulyo 2, 2006. Nanalo naman bilang Best Picture, Best Actress at ikalawang FIPRESCI Prize sa Osian-Cinefan International Film Festival sa New Delhi, India noong Hulyo 14-23, 2006. Ito rin ay LINO BROCKA AWARDEE sa Cinemalaya International Film Festival.

+

That Thing Called Tadhana

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros Ang pelikulang ito ay istorya ng isang bakla na nagdadalaga at nakaranas ng panlalait at pang-aalipusta. Siya ay naipit sa sitwasyon kung sino nga ba ang kanyang poprotektahan, ang kanyang pamilyang puro magnanakaw o ang isang binatang pulis ng tumutugis sa mgamagnanakaw. Ito ay kwento ng isang matapang at matatag na bakla, dahil hindi lang sa pagkilos nasusukat ang pagkalalaki, kahit kumekembot man, ang mahalaga, ang tunay na lalaki kaya magpakatatag at manindigan sa tama.

Mga Parangal: •Best Foreign Film Nominee sa Independent Spirit Awards 2007 •Best Feature Film sa Berlin International Film Festival (2006) •Teddy Award Recipient sa 2006 Berlin International Film Festival •Best Picture sa Gawad Urian Award 2006 •Best actor (Nathan Lopez) Las Palmas Film Festival, Spain •Golden Lady Harimaguada Award- Las Palmas Film FestivalSpain

Isang pelikula na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman. Ito ay kwento ng isang babae na iniwan ng kanyang kasintahan, niloko at ipinagpalit. Umuwi sa Pilipinas na may dinadalang sakit sa puso, sa pagibig. Sa airport, nakakilala ng isang lalaki na Pilipino din at tinulungan siya sa mga dala nitong gamit, at tinulungan magamot ang puso. Nakalimutan ang sakit na naramdaman sa pag-ibig sa tulong ng lalaking nakilala niya lang sa airport. Isang istorya na nagpatunay na may nakatadhana para sa’yo na makakatulong na ayusin ang nasirang buhay, na ang bawat pangyayari ay may rason. Sumikat ito sa mga linya ng bidang si Angelica Panganiban tulad ng “8 years tinapos niya lang ng 7

words. Hindi-na-kita-mahal,-makakaalis-ka-na” at “Putang-ina, ang sakit mo magsalita ah! Close ba tayo?” Karaniwan sa mga Pilipino, tinatangkilik ang mga pelikula kung saan nakaka-relate. Tinatawag ito ngayon na hugot. Ang ibigsabihin nito ay may pinaghugutan sa mga nangyari na din sa kanilang buhay o may pagkakapareho sa kanilang sitwasyon at pangyayari sa buhay. Ito ay isang patunay sa kung ano ang lumalabas sa mga pelikula ay isang repleksyon ng buhay ng mga Pilipino.

Sanggunian: https://proyektosafilipino.wordpress.com/2009/03/19/epekto-ng-independent-films-sa-industriya- ng-pelikulang-pilipino/ http://www.dlist.ph/2014/03/top-grossing-filipino-films-for-2014.html http://www.starmometer.com/2014/03/01/top-20-highest-grossing-filipino-movies-of-all-time-as-of- march-2014/ Google Images


KAPE

May 2015 - Unang Isyu - Unang Bolyum

KASAYSAYAN NG PELIKULA SA PILIPINAS

www.kasD5rKAPE.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.