katastropiya collective volume I | issue no. 1
digmaan
Online Literary Journal of Katastropiya Collective Volume 01 / Issue 01 Copyright 2017 AFTERSHOCK+ is the online publication of Katastropiya Collective, an organization of Neoecijano writers and artists residing in the province or in diaspora. All rights reserved. Authors retain copyright of their work. No part of this publication may be reproduced in any means whatsoever without the written permission of the copyright holder. Correspondence may be addressed to katastropiya.collective@gmail.com AFTERSHOCK+ is an imprint of Katastropiya Collective. Layout by Kevin Frany. Cover art by Harold dela Rosa
KATASTROPIYA COLLECTIVE facebook.com/KatastropiyaCollective @katastropiyacollective @KatColNE
Pasalubong
*bilang kapalit ng mga talâ at paunang salita Bakit nga ba kung ano ang siya nating iniibig ay ito pa ang maghahatid sa atin ng sarili nating pagkawasak? Hindi sapat ang mga koneksyon sa aking utak para lubusang unawain ito, patawad kung ‘di ko kayang tumbasan ng mga sagot ang lahat ng katanungan ngunit halika. Galugarin natin ang iba’t ibang lupalop ng utak at pasukin natin ang kamalig ng puso ngunit asahan mong patibong ang sa atin ay sasalubong. Mananatiling limitado ang bawat nating mga sandali kaya hahabi tayo ng mga retaso ng salita at kataga, marahil ay ito na lamang ang pananggalang natin laban sa nanlilingkis na pagdukot ng pagwawakas, laban sa nakaambang sandata ng pagkawasak. Halika at sabay tayong malunod sa paglunsad natin sa dagat ng mga ipinagkait na panaginip at pangarap, ng mga tulang nahulog sa lasong pangako ng katamisan, ng mga kwentong nagtapos sa paalam, at mga kwentong tinapos nang walang paalam.
- Fahrenheit
2/
photo: Parallax
magsimula tayo sa katapusan
KabiLdo issue 1: digmaan / 3
4/
photo: Fahrenheit
Bus Stop
Recto
Tatlong buwan. Gaano man yun katagal o kalapit Marami mang mangyari sakin at sa’yo Wala pa ring magbabago sa atin hanggang sa muli tayong magkita At magkasama sa ilalim ng buwan kung saan tayo nabubuhay At nagmamahal Nang walang tuldok o kuwit man lamang, Kung saan wala nang limitasyon Wala nang oras Wala nang distansya Kundi ang habangbuhay na lamang nating pagbubuno sa mga nasayang at naudlot nating alaala.
Malawak ang kalawakan pero masikip ito para sa dalawang mundong piniling magkalayo subalit pilit pinagtatagpo.
Mula sayong tatlong buwan At sa aking paghihintay At sa ating muling pagkikita, kung saan ang pamamaalam ay nangangahulugan ng pagibig At ang namamaalam bilang tunay na umiibig.
Sino nga ba ang mag-aakala na sa libu-libong estranghero sa daan-daang jeep na naglilisawan sa lansangan, makakatabi ko pa sa upuan ang aparisyon mula sa madilim kong pinanggalingan. Talong-talo ako nang oras na iyon. Wala akong nagawa kundi maalala ang akala kong kakambal nyang pag-asa na balang araw sa tabi nya, mamamatay akong may kasama. Nakakatulala. Nakakakilabot. Pero mas nakakalungkot. Na sa dinamirami ng pagkakataon ko para makabangon, mahapdi pa rin pala ng iniwan niyang sugat hanggang ngayon.
issue 1: digmaan / 5
6/
Tao lang din ako Ngayon, aminin mo ang lahat sa akin. Aminin mong hindi ka na masaya. Aminin mong nasasaktan ka na. Aminin mong durog na durog ka na, Na walang wala ka na, Na ubos na ubos ka na. Pero aminin mo rin sa akin na sa kabila ng lahat ng sugat mo na nilatay ko sa dyan kaloob looban mo ay gugustuhin mo pa ring manatili sa tabi ko at makasama ako sa hirap man kahit walang ginhawa sa luha man kahit walang tawa. Ito’y kahit may pagkakataon ka na para makalaya kahit may oportunidad ka na para makalayo upang buuin muli ang wasak na wasak na sarili mo. Para ipagpatuloy ang naudlot na buhay mo magmula noong pinili mo ako. Ngayon, aminin mo sa akin ang totoo. Aminin mo na mahal mo pa rin ako at aaminin ko rin sayo na totoong minahal din kita. Noon. Subalit sabihin mo sa akin kung paano ko sasabihin sayo? Paano ko sasabihin sayong ayoko na? Paano ko sasabihin sayong ‘di ko na kaya na makasama ka? Paano ko sasabihin sayong mayroon na akong iba?
Pakiusap, Sabihin mo sa akin. Sabihin mo sa akin kung paano ko sasabihin sayo sa paraang hindi ka masasaktan sa paraang hindi kita kakaawaan na hindi na kita kailangan na dapat na kitang iwan na kailangan na kitang kalimutan dahil mayroon nang naghihintay sa akin na makalaya sa pagmamahal mong hindi ko na kayang suklian. Sa huling pagkakataon, sabihin mo sa akin at sasabihin ko rin sayo. sabihin mo sa akin na akin ka at sasabihin ko sayong hindi na ako sayo. Sabihin mo sa akin na mahal mo ako at sasabihin ko din sayong hindi na ikaw ang mahal ko. Pasensya na. Pero sana ay matanggap mo na kahit na ang pinakamapulang rosas sa buong mundo ay unti-unti ring malalanta mamamatay at mamauuwi sa abo. Na kahit sabihin man ng buong kalawakan na bagay tayo, tulad mo, tao pa rin ako. Sa simula’t sa huli, tao lang din ako. Nagsasawa. Nagkakamali. Nakakasakit. At umiibig.
Cold Front Baclaran Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng kasalukuyang oras na syang nagdidikta sa ikot ng apat na gulong ng jeep kung saan ko siya muling nakasama. Ang alam ko lang, iisa ang destinasyon ng aming mga paa. Buhat sa madilim na pinagmulan namin, papunta sa hindi ko malaman na patutunguhan, baon ko ang langib ng sugatan kong kabuuan. Sa kanyang paanan, nakita kong bitbit naman niya ang piraso ng gumuho niyang mundo. Bawat hakbang, nangungusap kami ng dasal na parehas kaming makabangon sa aksidenteng parehong kami ang biktima. Oo’t alam kong matamis kung masasagot ang nag-iisa kong panalangin subalit hindi ko alam na mas matamis pa rin pala ang mga alaalang baon ko na minsan ay nagdala sa akin sa langit, at ngayon ay syang naglulugmok sa akin sa impyerno.
Together we knew that we still had a lot of dusks to bed as much as many dawns to break. But tonight feels really cold. I am not sure if it is the wind Or just the both of us.
Halik satakipsilim Hayaan mo akong iguhit ang masayang mukha mo ngayon at isulat ang bawat matatamis na salitang binibigkas ng labi mo dahil bukas o sa makalawa, kapag nagsawa ka na, alam kong sasama ka rin sa hangin. At tanging ang larawan at pangako mo na lang ang maiiwan sa akin.
issue 1: digmaan / 7
8/
photo: Amihan
Luneta Naniniwala ako na kaya nagku-krus muli ang landas ng dalawang puso na winasak ang isa’t isa ay para buuin at pagsama-samahin ang bawat piraso ng kapareha niya. Na kaya tayo muling nagkita sa isang wirdong lugar at hindi inaashang pagkakataon ay para maging akin ka at maging sayo ulit ako. Noon, hindi kita hiniling ngunit kusa kang dumating. Ngayon, pinipilit kong huwag kang ipagdasal pero tila ikaw ang kusang bumabalik sa akin. Tanong lamang: Naaalala mo pa ba noong una tayong nagkita?
Maaari nga na ang panahon natin para sa isa’t isa ay unti-unting naubos. Pero may ibang kwento ang mga regalo nating alaala para sa isa’t isa. Na kahit maglaho ka o mamatay ako, mananatili pa ring nabubuhay sa bawat santuaryong minsan itinuring nating tahanan. Noon, hindi kita hiniling ngunit kusa kang dumating. Ngayon, pinipilit kong huwag kang ipagdasal pero tila ikaw ang kusang bumabalik sa akin. Pero siguro nga, kaya nga nagkrus ang ating landas ay para ipaalala sa akin na ang katumbas ng salitang alaala ay ang munting tuldok sa dulo ng istorya nating dalawa.
Noong tuwang tuwa kang nagpapalitrato sa ex mo sa harap ng monumento ni Rizal habang tuwang tuwa rin ako habang pinagmamasdan ka? Naaalala mo pa rin ba noong muli tayong magkita roon pero wala nang kuhanan ng litrato, wala nang ngiti at tuwa sa labi mo, at wala na rin ang ex mo? Noong binigyan kita ng bimpo para pamunas sa mga luha mo at bigla kang natawa dahil hindi panyo ang ginagamit ko? Naaalala mo pa ba noong sinabi mo rin sa akin habang nakaupo tayo sa damuhan at kumakain ng sorbetes na lagi ka sa Luneta dahil doon ka lang panandaliang nakakalimot sa problema? Naaalala mo pa rin ba noong unang beses mong sinabi sa akin na muli tayong magkita roon at magdadala ka ng meryenda? Naaalala mo pa rin ba noong unang beses kong sinabi sa iyo roon na mahal kita at sumagot kat sinabi mong, “Oo, mahal din kita.”
issue 1: digmaan / 9
10 /
photo: Amihan
A.deLaVie issue 1: digmaan / 11
12 /
Pangulo
Apurado
Bayang naturingan na perlas ng silangan ngayo’y nasa kamay ng ulong hindi mawari kung baliw o matalino, at maari din namang pareho. Sa ilalim ng anyong panlabas, sino nga ba itong bruskong maangas na nasa palad lagi ang dahas? Sa kabila ng mga salitang pangkalye kaya nga bang ipagtanggol ang bansang hirap na hirap nang iangat ang sarili? Nasa lugar ba ang yabang na tila hinuhugot lalo pailalim ang moralidad natin, sa halip na humila sa’tin paitaas patungo sa ibabaw ng dagat ng krimen at kahirapan? Hanggang kailan kayang durugin ng bakal na kamao ang batas na tila ba tinaga lamang sa kapirasong bato? Sa bawat balang kumikitil sa buhay ng mga taong salot daw ng lipunan, nakamit nga ba ang katarungan para sa bayan, mula sa karapatang ipinagkakait sa mamamayan? Wala nang magawa kundi sumigaw ng pakiusap sa kung sino mang nasa itaas upang bayang irog ay iligtas mula sa mga kamay ng tunay na mga kaaway. Nawa’y pagkatapos nga ng anim na taon ay maisakatuparan ng pangulong asal panginoon ang mga pangakong binitawan sa panahon ng eleksyon
Batid kong ang simula nati’y magulo, sa wari ko’y mga kulay na umiikot lamang at walang iisang pagkakataong nakatigil at sigurado. Masaya tayo noon, ‘yon ang alam ko. Pero sa’n na nga ba tumungo ang mga paa nating naghahabulan at nag-uunahang tumahak sa bagong landas? Matulin nating nakamit ang ating mga pangarap, hawak-kamay na naabot ang mga alapaap. Lahat ng ito, sa iisang iglap. Kaybilis din nating tumakbo, nagmamadali, sa hangin kita’y sumakay, humayo. Hindi namamalayang patungo na pala ang relasyong ito sa dulo. Ako ngayo’y napapaisip na lang, Sana pala naglakad na lang tayo.
Shepherd
Shard
How foolish it is, you’d think that I cry for one lost friend but was the Lord a fool when he sought one sheep astray?
He was her first and true love. He shattered her heart into thousands of pieces, like fragile glass against concrete. He left her while she was still picking up all the little fragments, struggling to give it all back to him. She thought she could love like that again, but she was wrong. She just stabbed all the others with sharp edges, or gave them tiny parts of herself each, but left the whole of her with him.
I have many friends, that’s true. And a hundred sheep the shepherd had too but doesn’t one lost strand kill a beating heart, one dismantled screw and a machine loses its use, one unreached chum can keep me up all night, and that one little sheep could be trembling with fright? Isn’t it the way this world of us works? You tolerate what’s there, and you look for what is lost?
issue 1: digmaan / 13
14 /
photo: Parallax
SaMpeRe issue 1: digmaan / 15
16 /
photo: Sophrosyne
The song you never sang
You’re my favorite lie
The song you never sang me tastes a lot like the dinner you never made me sounds a lot like the trip we never took. It took so much out of me to love you. To love you was to agree to live a life in a world that doesn’t exist. Our ghosts made love and they were happier than this world allows. That was not enough for you. You didn’t just want me to become a ghost for you, you wanted Angel with her wings torn off. Aphrodite with her throat torn out. You thought I would make you immortal. That I could forgive the wild thing inside of you always flashing its teeth at me. You thought I wouldn’t get tired of being something to tear into. I was never scared of the teeth in you. Even looking up at you from the ground, my arm learning to become the night sky, I was never scared of you. I was only ever scared of what I would do for you. I was only scared of how a ghost could feel so much like New York City dressed in snow. Until I realized that the wild thing inside of you had decided to become you instead. It traded in its teeth for apologies and they are twice as sharp. It pretended not to be a wild thing anymore it ruined everything it touched and still pretended it was love.
I can’t fall asleep again tonight so tell me a bed time story. Tell me again how you are only pretending you don’t see me in public as a favor to me. But this time don’t leave out the part where she tells you not to talk to me. Where she tells you the only way she’ll trust you again is if you pretend I don’t exist. As if you hadn’t done enough of that when I loved you. When you left me. When you went on loving her even before you left me. That’s my favorite part. If you really want to tell me a bed time story, tell me a fairy tale. The one were the one who locks the princess in the tower and tortures her pretends to be the prince. And she falls for it. Every time, she falls for it.
issue 1: digmaan / 17
18 /
photo: Sophrosyne
StoRMborN issue 1: digmaan / 19
20 /
Famous last words If there was a way to wash words clean and keep the history behind each syllable buried in places deep enough, not to forget, but to preserve the memory that there was a time when heaven kept its gates closed, and the clock bent its own belief, giving you a second longer to keep you where you’re supposed to be— with me. Because the last time you spoke my name, your last breath came out with it, and I haven’t been the same ever since.
50/50 I remember seeing chaos, instead of stars in your eyes, and how I thought to myself that if tragedy can cause so much destruction, and still leave enough light to see a silver lining, then maybe putting someone back together who only lost a heart isn’t so difficult after all. But in loving you, I forgot that we cannot survive breathing in different Morse codes, and that apologies cannot suffice for the blood lost in nailing promises to the cross. But if loving yourself more meant loving me less, I guess I’d have to be okay with knowing that At least one out of two hearts is finally beating, even though one of them isn’t mine.
Jigsaw I became used to the kind of love that blamed wrong timing for refusing to be the right person, so when you took my hand and held it like a once lost puzzle meeting its other half for the first time, I didn’t know what to do. For now, I’m learning, but soon, I’m yours.
In case My mother used to say that each time we pass through a tunnel, I’d have to make a wish and hold my breath throughout the entire ride to make it come true, and I never understood why until now.
Scissors The day my father left, my mother cut her hair so short that you can almost hear its roots cowering back on her scalp, and if she could, I’m certain she would have peeled her skin layer by layer if it meant ridding herself of all the parts of her that he touched. Because people do grow on you, and when they go you’re left with everything they own, only it’s them who doesn’t belong to you anymore. Now my hair falls six inches down my chest, and I wonder how long until the day comes when you hand me the scissors too.
I suppose it’s important to always say a silent prayer before you enter the dark, as well as to pocket a little air, in case you’re no longer breathing on the other side.
issue 1: digmaan / 21
22 /
In memory Ready, set I remember my hands shaking because you were so little and so precious that I could have sworn I’d broken you the minute my fingers found your tears, and then i realized it was not my touch that was destroying you, but the fact that you didn’t know when you’d feel it again. But when you grow up, you’ll be grateful, and you’ll understand that choices do not present themselves to those who have the luxury of picking an easy one, and leaving you was a cross I had to bear because heaven doesn’t come cheap. Until that time comes, I hope you still think of airplanes like undiscovered UFO’s instead of the vessel that has taken the king from your castle, and how I laughed at your innocence then but loved you for it as well.
Cheers to those whose names that even history can no longer remember; the ones whose blood once watered these lands that have grown dry of justice, because even the greatest heroes did not battle their adversaries alone, and it is your sacrifice that built the pillars in which our lives now stand firmly on. So rejoice beyond your graves that served as our cornerstone, for even though you are gone, and even if some may have forgotten, as long as our flag waves valiantly beneath heaven’s eyes, you shall live on
Steadfast You can’t pay with your tongue because apparently, talk is cheap, and ironically, it is freedom that claims the highest price, where only an eye for an eye, a tooth for a tooth, and the strength to claw out of the grave dug by death itself can prove sufficient to satisfy its demands. This is not a cry, but a declaration a promise to fight in the name of our land. For when life gives you the chance to pick your poison, you choose liberty.
photo: Parallax
issue 1: digmaan / 23
24 /
photo: Sampere
The five pillars of Islam “Shahada” In this flesh, I carry both a soul and a declaration, that there is but one God. And if one day heaven decided to fracture the skies, and the earth rebelled against the spin of its own orbit, then I will welcome death like an estranged friend, knowing that as I draw my last breath, salvation will follow Your name, as I have followed You. “Salah” it’s comforting to know that even If prayers are whispered sounding like a foreign language, hope continues to linger, because when the desires of the heart hides behind restrained wishes , someone still listens. “Sawm” The body grows weak when deprived, not of food, but of faith. Let my stomach be barren, So long as my heart stays full. “Zakat” Do you think God grants pardon to those whose pockets spill nothing more but the guilt of not having given enough? “Hajj” It is known that pilgrimage to the holy land is commanded for him who can find the way. I hope time does not dictate the extent of my conviction, because faith is often met by crossed roads, but one way or another, I’m coming.
issue 1: digmaan / 25
26 /
photo: Parallax
ILawoD issue 1: digmaan / 27
28 /
Janela Saan patutungo ang iyong pagpapahalaga? Hanggang sa pag-awit sa umaga? Matatapos ba sa pagbigkas ng kataga? Paano kung paano wala nang nakakakita? Sa gitna ng ulan kaya mo bang itayo ang bandila ng bayan mo? Hanggang matapos ang bagyo buong tatag mo bang itatakbo? Bayan, Pilipinas, kay bigat na mga salita. Tapos na ang digmaan, ngunit ano pa kailangan ng bansa? Sa dami ng problema hindi pa tayo lumaya. Heto isang bata na kayang tumaya.
Epilogue II Email sent with that one last cuss wrapped within a sneaky grin truly, 2 AMs are made for us you with me and the deadline induced creativity finishing the remaining coffee
photo: Charlotte
issue 1: digmaan / 29
30 /
photo: A.delavie
GaTduLa issue 1: digmaan / 31
32 /
Pokemon Go Mababaw na ang aking mga tula. Kahit anong lalim ng mga salita ‘di na nag-iiwan ng bakas sa buhangin. Maalinsangan pa rin kahit humangin. Wala nang dugo na ididilig sa lupa. Ubos na ang pabangong iwiwisik sa basura. Sa pagkakataong ito, sakay ng tricyle babalik sa iyo ang mundo, ang mga alaala at inpirasyon saka ang bagong app sa phone mo. Nabuhay ka na ulit. Nagbago na ang dahilan ng paglaya, ng pakikipaglaban, ng pagbulabog sa kadiliman. Iba na ang hinuhuli at hinahanap-hanap nila, ngunit ang nilalaro ng mga daliri ay nagbibigay pa rin ng kasiyahan ng panghihinayang at pagdadalawang -isip kung pupunta ka ba?
Palagi
Pero pupunta ka pa rin.
Ang mga titig mo sa akin, ang mga mata mo’y nangungusap. Mga mensaheng hindi ka hahayaang kumurap para manalangin o kahit yumuko para di na muling tumingin.
“Kuya, pabalik nga po sa freedom park. May huhulihin lang ako.”
Hindi ko na makalimutan ang mga bulong mo. Naririnig ko ito kahit saan, nakadikit na ito sa akin sa lahat ng lugar. Palagi akong tinuturuan ng aking isip na pakinggan ka.
Ang iyong mga ngiti, nainlab ako sa iyong ngiti. Kahit ‘di lumabas ang ngipin, napapaisip pa rin ako Alam ko na ang nais mong sabihin. Pakikinggan kitang mabuti at mamahalin, nanamnamin ko lahat para kahit anong iwas ko’y sa iyo pa rin babagsak. Pre, hilahin mo ako sa kalaliman.
May darating Lasang arrozcaldo pa rin ang iyong halik. Konting laman lang ang natikman ko ay tubong lugaw ka na. Masarap, malinis. Ano yung nahulog? Nahulog yung tinidor. Nagpasundo ka na ba?
SILAng naliHIS Kung ayaw pa rin ay daanin na sa dasal para mabago ka, maayos ka. Tumanda na’t muntik mamatay pero walang sagot. Kaya pala, dahil walang mali sa iyo. Pero pilitin mo silang tanggapin ka. Maging mabait para abusuhin. Magpakababa at mahiya dahil mas mabuti silang tao kaysa sa’yo.
Sibuyas Noon apat na bagay ang nagpapaiyak sa akin: Sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang takot at ikaw. Bakit sobrang nipis mo? Kasi tuwing lumalapit ako, luha ang tanging naibibigay ko. Oo, pareho tayong nasaktan. Pero lugi ka, binigay mo ang higit sa aking ibinayad. Ako, sa aking mga mata. Ikaw, ang buong ikaw.
issue 1: digmaan / 33
34 /
photo: Parallax
Samahan mo nga ako Para sa buhay nating walang katiyakan kung matutumbasan ba ng pagod ang kaginhawahan Para sa umaasang makakabangon at naniniwalang konti na lang ang paghihirap Para sa mga pangako ng anak sa magulang na hindi humihingi nang agad na katuparan Para sa nagmamahal kahit nasasaktan, nalulungkot at umiiyak at ang hindi matapos-tapos na paninikip ng ating dibdib, ayoko nang magalit ulit. Patuloy akong hihinga para sa pangarap na bukas-makalawa, magiging maayos din lahat Kung saan hindi na mahalaga ang nangyari noon, kahit may tampuhan at sagutan. Pinilit ko nang itinapon at kinalimutan para maging masaya na ulit tayo Para bumuo ng bagong samahan, mas matatatag at nagpapalakasan.
Payapa ang dagat Minamadali tayo ng pagmamahal kung maililigtas ba natin siya? Sa kung anong lakas ng bagyo at taas ng baha sa balakid ng tagpi-tagping bahay na inaanod ng ating pag-asa para maisalba sa kaligtasan. Baka patunayan ng kamay sa dibdib ang kalakasan palakasin ang lambot ng aking bisig at hina ng tuhod ang di matapos na kahirapan sa pagpupursiging maisalba ang nalunod na dilim sa liwanag ng kidlat
issue 1: digmaan / 35
36 /
photo: Parallax
SaLoMe issue 1: digmaan / 37
38 /
Puppy love Para silang mga bata, natutuwa sa mga patak ng ulan habang magkasukob sa payong. Pareho silang nakayapak habang tinatahak ang landas na tanging sa kanila ay nagbubuklod. Dala ng hangin ang kanilang mga halakhak. Dama ng tubig ang pintig ng kanilang puso. Para silang mga bata, kayâ nang dumating ang kinabukasan... tinakasan sila ng pag-ibig.
I dreamed to be home last night Before, my only escape from this reality was to pack my bags and travel alone. Though the next seat seems to be occupied by a non-existent being, I’ve enjoyed the road trip. Before, I am always excited to smell the ripening grains in the rice field as I pass through it on my way back into the old barrio where my soul once dwelled. Before, Thursdays were my favorite day of the week, and I am deeply in love with Friday mornings with a warm cup of coffee and a breakfast table with love and laughter, sitting beside each other. I thought my father was resistant to change, But it was me all the time. Before, I used to be that child I know, that daughter. Of yours.
photo: Fahrenheit
issue 1: digmaan / 39
40 /
photo: Amihan
AriadNa issue 1: digmaan / 41
42 /
photo: Fahrenheit
Abay I’m a grown woman and I’m not ashamed to say that I cry over love stories. Yes, sappy love stories to some, but for me, they are worth admiring. First you need to understand that I am not talking about the movies. I’m way past that phase, of raving over the latest blockbuster love story. I’m talking about real people, people so close to my heart that the simplest detail is enough to tug at my heartstrings and make me cry. I remember my Lola in her final weeks before she finally succumbed to breast cancer. Always in pain and seldom having the chance to get some sleep since she couldn’t lie down (her lungs threatened to collapse anytime due to fluids), Lola found time to at least be beside my Lolo during mealtime. I watched her in great agony because she couldn’t eat, and every now and then she would scream for her children to give her some air because she felt like drowning. It’s hard to watch her die little by little each passing day while my Lolo sat helplessly, having completely lost his vision a few years earlier. It’s even more excruciating for us to just watch and attend to their needs knowing that we couldn’t really do anything to lessen Lola’s suffering. Everything happened as the doctor predicted. We knew they had so little time. One day, on a morning I remember vividly to this time, Lola was in a better mood. She wasn’t in as much pain as the previous days. She called for her eldest (my mother) to bring Lolo and have him sit beside her. When Lolo was beside her, Lola put her head on Lolo’s shoulder.
how many grandchildren we have. I didn’t have any siblings and I lost my father too early I couldn’t even remember how he looked like. But look how big our family has become.” Lolo said something to her, too soft for us to hear. It must have been something wonderful, because Lola weakly smiled. For the next minutes they went on to recall their younger years, when they were starting to build a family shortly after the Japanese occupation. I had never seen them like that, and the moment was so poignant I could barely keep track of the precious little time they had left. At one point Lola held Lolo’s hand and told him, “No regrets.. We loved each other didn’t we? We loved each other, and we lived a happy life. I have always thanked the Lord for you.” None of us said anything then. I couldn’t bring myself to say anything because I was crying. Mother wouldn’t meet my eyes, because her own were soaked in tears as well. In my mind I knew Lola was already saying goodbye. True enough, a few days later Lola passed away in her sleep. I would never forget that day and how I felt. The knots in my stomach would always be there when I think of them, my sadness brought about by dealing with a loss so profound yet remembering an inspiring love story. It was their once in a lifetime love, a memory that I would keep with me for as long as I am alive.
“Abay,”she said softly, “it’s been almost 60 years. Look
issue 1: digmaan / 43
44 /
photo: Parallax
HedoNe issue 1: digmaan / 45
46 /
Kalos She’s a walking catastrophe without a rational leg to stand on but her mind is made of storm cells, and a heart as thirsty as a lion’s. She was made entirely of kaleidoscope, flaring with every tinge and hue and every time she moves so slightly she’s something wholly new. She glimmers, she shines. She’s a constellation of her own and maybe it’s fate that universe blessed her the crown.
photo: Charlotte
issue 1: digmaan / 47
48 /
photo: Charlotte
Reed issue 1: digmaan / 49
50 /
Lost Demise brought by thee due to cold-heartedness. Instead of being free, chained thyself in darkness. Was free as a dove, yet clung to wickedness. Stripped away all the love, and strummed the distress. I was just wondering if rowing on two rivers would be entertaining? The righteous shiver. Life could be simple, free and no restrictions. Not like a cripple, out of all the actions. So how would it be? Free, blind and a sinner, or we could be, saved, and a lot happier?
Demented Rock on, and the M16 rifle swings and fires. The silver kris stabs and dismembers. Grenades fly and explode. Leaving the area free from life. Violence feels so good. I never knew blood tastes so beautiful. Taking their lives is such an entertainment. I should have done this, a long time ago. Killing feels great. This will go on as long as I exist. This I have read. Crazy it is truly. Who could it be? I wonder who. I’m out of my mind.
Plea The clock’s ancient groan echoes as it strikes midnight crept in the heinous elements that gives fright. The weak hid. The evil roamed. “Who shall we depend on,” says the weak. “That’ll be my job,” says the cop. I say, “How can he protect, if he’s the threat?” When will this twisted world go straight? The strong abuse the weak. The rich enslave the poor. The innocent are behind bars. Those who are in position are in opposition. The impertinent cops rule. I beg the Lord, come. Come oh, Lord. Take them away.
issue 1: digmaan / 51
52 /
photo: Sophrosyne
GiNsbeRg issue 1: digmaan / 53
54 /
Symphony 5 She always looks up to the sky as if she wants it to fall. In the empty air and cold breath, with Pall Mall on her lips she smirks as she remembers Sunday school’s teaching. She lit up a fire no one can turn down, and asked why people have to live down here, and not up there where angels could sing with their harps. She’s the indecent vindication, the uncanny drama of the grail, and the exposing seal today. She likes to smile and stare at other people’s eyes, where life sprouts like green beans, and how life can also harvest it. She relishes the unfairness of the world, and how I can be with her is the only refuge she can feel. She believes with the angel and the devil, in heaven and in hell. And how it can be seen and felt in this world, that some heavens are convenient with other people, but hell has the cheapest price to live in.
Syringe I want to taste the words from your mouth, the flavor of life, the world being our oyster, the mimicking ricochet of dreams together with failure. I want to insert to myself the concept of words putting two people together. I want to dissect the irrelevant and make them part of me, for I’ve been an experiment of disappointments. And the moment I rise from the moment I lay, I’ll get myself a company, to have someone beside me. Breaking chains, battling against the dominant and capturing what I haven’t become. I want to witness how the world spins directly towards its opposite, to replace it and make it part of something bigger. Soon, I’ll be gone with my collected tears, injecting the liters of hope to which we are, we are.
Moonstar Ipinananganak ako sa konseptong hindi halintulad sa nakararami. Namulat ako sa katotohanan na ang buhay ko’y iba. Iba, sa pagtingin ng tao, iba, kung paano kami tratuhin ng mundo. Naguguluhan, hindi maintindihan at kwinikwintasan ng mga bagay na walang kabuluhan. Sa pagsuot ko ng tela na nagtatago ng aking buong pagkatao, inilalantad nito kung saan ako nabibilang. Natitirang nakasilip ang aking mga mata. Pilit na ikinikubli ang sakit ng hindi pantay na paggulong ng hustisya, ang patuloy na pangdidiskrimina, at ang walang tigil na pambabato ng mga bagay na hindi naman ang aming mga kamay ang gumawa. Oo, ako sila, at sila’y ako. Kami ang patuloy na lumuluhod at dadama sa katahimikan, ngunit hindi kami ang magsisimula ng walang tigil na kaguluhan. Kami ang umaasa sa patuloy na pagpapala ni Allah, ngunit hindi kami ang lumalapastangan sa isang bagay na tinatawag na kalayaan. Kami ang patuloy na iinom sa balon ng pangarap at kamalayan at mabuting hangarin, ngunit hindi namin dudungisan ng aming mga luha ang tubig na inyong idinudura. Ako ay nabuhay sa isang konseptong hindi lubusang tinanggap. Ako ay namulat sa mundong pinapaburan ang mas nakararami. Ngunit ako, ako ay patuloy na luluhod, magdadasal, magtatakip ng buong katawan at ititira ang aking mga mata at pagmamasdan kong mabuti kung paano mababago ang lahat. Dahil ako, minamahal ko kayo, pati na rin ang mundo.
Stop-over Bakit ‘di mo sinabi, gusto mo lang pala makalimot, gusto mo lang pala maglaro maghanap ng sandali, mabuhay at tumakbo nang saglit, sumaya kahit kaunti. Bakit naman ‘di mo sinabi? Bakit ka ba naghahanap ng isan pangyayaring hindi mo pa nararanasan? Bakit mas gusto mo pang tumaya sa isang bagay na walang kasiguraduhan? Heto ako, ubusin mo, heto ako, gamitin mo, heto ako, iniwan mo. At sa bawat pahiwatig mo na ika’y babalik, hindi mo alam kung gaano kasarap marinig na ako, ako’y iyong babalikan, na ako, ako’y muling lalapitan ng dati’ng ikaw na akala ko ay wala na. Yoon ka, ang nagpatikim sa akin ng buhay, ng saglit na karanasan at mumunting panghabang-buhay. Pero ‘di mo sinabi na aalis ka rin pala ulit, bakit ‘di mo sinabi na dadaan ka lang sa akin ulit? Bakit ka lumipad at iniwan ang mga basag na alaala? Sa isang oras na puno ng ngiti, sa ilang minutong hiningi, ako ay naiwan, sa lugar na sabi mo noo’y ating magiging huli. Ngayon, nasaan ka na ba? Isasauli ko lang sa iyo ang nakaraan, kunin mo, kadugtong ito ng kalooban ko. Oo, ako’y naging alaala nalang ng iyong pag-alis, at pagkabasag ng iyong pagbalik.
issue 1: digmaan / 55
56 /
photo: Amihan
Daluyong Natakot ako sa patuloy nilang pagdating. Sa walang tigil na pang-aangkin, sa ingay ng kanilang nakakabagabag na halakhak, at sa mga matang kanilang itinitig sa akin nang may hangaring makapanakit, manglamang at mang-biktima ng mga taong walang kalaban-laban. Sa pagsapit ng dilim, nagsimulang tumaas ang tubig ng pangamba, ang tubig na lulunod sa munting pag-asa na aking pilit na tinatanaw, ang daloy na hayok sa kanilang pambubuyo, ang malamig na alon ng mga luha. Hindi maitatago ng panandaliang pagkawala ng liwanag ang malinaw na katotohan na hindi na lamang ako nag-iisa, hindi na lamang ako ang lumalanghap sa hangin ng kalayaan ngunit pati na rin sila. Sa pagputok ng bukang-liwayway, tumambad sa akin ang nakakapanibagong mukha ng buhay. Humahalik sa aking paa ang ngayo’y kongkretong lansangan na dati’y puting buhangin, nagbibigay lilim ngayon ang mga gusaling nakatindig na dati’y mga punong aking sinasandalan, at laganap ang amoy ng aspalto at lansa ng plano at ang nakasusulasok na halimuyak ng pagbabago. Natakot ako, dahil akala ko hindi ko na masisilayan ang bandila na aking kinamulatan. Natakot ako, dahil akala ko mababaon na sa sementong ibinubuhos ang pangarap kong mamuhay sa bawat paggulong ng mundo. Ngunit salamat, salamat sa inyong pagdating, salamat sa inyong pagbalik, salamat sa walang tigil na paghingi ng tulong at pagbuhos ng pag-asang muli kong maririnig ang mga batang bumubulong. Salamat sa paglaban para sa akin, salamat na kahit mahirap kahit nakakapagod, kahit nakakatakot – lumaban kayo. Ngayon, alam ko na; kapag mahal ka, ipaglalaban ka
issue 1: digmaan / 57
58 /
photo: Sophrosyne
ENigmaTa issue 1: digmaan / 59
60 /
Bulaklak Balikbayan Sa daungan ng ibang lahi, ng ibang imperyo Doon natumbok niya ang daan sa pag-asenso Lugar na kung saan walang matatakbuhan Kundi ang bitbit niyang sariling katapangan Tinalikuran ang pagkakataong maramdaman Ang init at yakap ng bayang kinalimutan Sa loob luma at nilimot na panahon Tinanim na pangako’y natuyot na ang mga dahon Bagamat balik-bayan siya’y sabik na sabik Sa matatanggap niya sa kanyang panunumbalik Isang batang musmos na atat sa pasalubong Na hindi maitatago sa kanyang pag-usbong Sa harap ng kulay abong kwadradong lapida Na may nakaukit at maitim na tinta Nakahanap ng katapat ang tibay at tatag niya Nanlambot at tuluyan siyang naguho’t natumba Mga bitbit na pinamili’y walang mapagbibigyan Hirap na pinagdaana’y walang mapagsasabihan Masasarap na pagkain sa dilang walang panlasa Bagamat balik-bayan, damang-dama pa rin ang pag-iisa
Sumilip ng hubad Binihisan Inalagaan Minahal Sabik sa paglago Diniligan Protektado Tumingkad Subalit nang namukadkad Hinalay Inalipusta Ginahasa Ginamit upang pagkakitaan Ginupitan Nilason Binenta
Death Match Do you want to play with us? The game is easy to figure out. Just don’t get caught and don’t get hit we will run and armed men will seek for us, sing at the top of our lungs to the beat of gun shots and dance to the harmony of stray bullets. Be sure that you are good in hiding because surely if they saw you, they won’t show any mercy run as fast as lightning could be. Then, if the time is up and someone is missing whether they’re caught or hit tomorrow, we will look for another playmate. Don’t you love a place where you can play every day?
photo: Amihan
issue 1: digmaan / 61
62 /
photo: Fahrenheit
GraVes issue 1: digmaan / 63
64 /
Hope I was never able to build up the courage to tell you that there are so many things you’re missing.
The feeling you gave me was one that I’ve been drinking myself dead trying to replicate.
I never told you because I always got so caught up in the silence, and the kisses and feeling of heat our bodies had the capacity to place between us.
If there’s a capacity on how much love a heart can hold, I have maximized it. I’ve torn myself open from seams that have been sealed so many times and I got my hands covered in blood so you could see how much I love you, but realize now that you only stared at me longer than a moment when my clothes were scattered on the floor.
You were always the first one out of bed in the morning and it was always so hard for me to slip out of the comfort of your sheets. I remember watching you stare at yourself in the mirror with your fists clenched and it broke my heart that you couldn’t even admire yourself the way I admired you. I guess it’s my fault for never saying that my affection for you ran deeper than my fingers on your skin and our intertwined legs. I always saw beyond the green in your eyes. I always heard more than the words that escaped your lips. The truth is, I saw you as a mass of broken pieces being glued just enough to keep you standing. I dreaded the days I’d walk in on you, sitting on the stairs with a cigarette in your hand and hope thrown up all over the tiled floor. If it was medicine you needed baby I could have been your anesthetic; but I never told you.
I’ve been convincing myself that our stories end with two different conclusions, that we’ve been taught love in a different language. You love with your eyes and your hands and I love with my mouth and my words. You’ve never been too good at letting anyone in, maybe that’s why it was so easy for you to walk out. I keep saying I’m done writing about you, but other than this there’s nothing more my fingers can spill. This isn’t going to end with goodbye, but rather see you in a moment; when I find you in the memories that to this day, I keep replaying in my mind.
Warfare You tipped me over. I spilled my words into your hands, they filled the creases in your palms and the spaces between your fingers. You held them as though they were malleable, crushed them with strength and shook them off as though they were something dirty that you couldn’t get rid of. I still remember the night I found you trying to pick up the pieces, looking for the hidden message behind what I tried to tell you. Your knuckles bloody, your face dripping with sweat, your eyes clothed in desperation. You replaced the heart on your sleeve with a broken one. You never gave me the parts of you that didn’t need fixing. I wish you stopped blaming me for being the reason you’re still filled with apathy, I wish you would have realized that I spent all this time looking for the right way to tell you I’m not what you’re looking for. I wish everything I said was enough for you to leave, I wish my hands were strong enough to push you away. We both know that you’re stronger than me; but I hope you wake up one day and realize I stopped loving you before you started. I hope one day you can wash your hands clean; I hope you realize I never wanted to be the one weighing you down.
issue 1: digmaan / 65
66 /
photo: A.delavie
SophRosyNe issue 1: digmaan / 67
68 /
Tanikala Heto na. Dumating na ang panahon na tayo’y muling magkikita matapos ang unang giyera. Ilang pahina na ba ang napilas sa kalendaryo? Marahil, marami na. Heto na. Naiisip mo pa rin ba ako? Teka, aayusin ko muna ang pagkakapusod ko. Heto na. Pinaghandaan ko ito. Heto na. Papalapit ka na sa puwesto ko. Heto na. Heto ka na. Teka lang, hindi ako makahinga. Ako’y natataranta. Teka lang. Heto ka na. Ang iyong pagdating ay hudyat ng isa nanamang digma. Labanan ng “mahal pa kita” at “ayaw ko na”. Oo nga pla, ako na lamang pala ang natira. Sumuko ka na nga pala. Ang nais ko lamang ay lumaya na sa pagkakasakop mo sa aking pagkatao. Ang gusto ko lamang ay lumisan na sa lugar na ito. Ako’y nagbabakasakaling may malasakit ka pa riyan sa puso mo. Pakiusap, palayain mo na ‘ko. Ngunit ang bawat masasayang alaalang dumadagsa sa isipan ko’y panibagong mga tanikala na nagpapabagal sa pag-usad ko. Naging madali ang lahat para sa’yo. Ngayon, ako naman sana ang tulungan mo. Wala sa bokabularyo ko ang pagsuko kaya turuan mo ako. Mahal ko, paano?
Nariyan ka at heto ako Pinipigilan ang sariling sulyapan ka nang mas matagal pa sa nararapat para sa dalawang taông lumipas na. Panakaw na sinusundan ng tingin ang bawat mong galaw. Masahol pa sa isang tulisang nagmamatyag ng susunod nyang biktima. Nais kong kamustahin ka. Balita ko’y naging mabuti ka naging mabuti ka. Ako lang ba talaga ang nagluksa? Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla kang lumingon sa akin “Kamusta?” Ibinulong mo pa nga saba’y taas ng iyong makakapal na kilay bigla nalang akong napanganga. Napansin kong hindi mo ginalaw ang pakete ng sigarilyong nang-aakit sa harapan mo. Ni hindi dumampi ang iyong labi sa bote ng alak na naghihintay sa iyong tabi. Mga bagay na pinag-aawayan natin dati. Napansin ko ding hindi na malalim ang iyong mga mata ang hindi nakakatulog sa gabi’y ako lang yata talaga. Naging maayos ka. Ang bango mo pa nga. May bago na ata akong mahal. Ang bagong ikaw. Paano ba ako makakawala?
If pillows could talk If pillows could talk they would tell you I cried myself to sleep last night; that my tears left scars on its pillowcase. If pillows could talk they would tell you about my hopes and dreams my prayers and fears; how I wake up at 3:00 in the morning panting, heaving, gasping for air. If pillows could talk they would tell you how much you had hurt me how you crippled me how you damaged every piece of me. If pillows could talk They would tell you how I don’t read “sweet dreams” or “sleep well” texts before I shut eye. Because the day you left me Was the day I begun having nightmares. If pillows could talk they would tell you that you absolutely messed up this time. That you look ludicrous for condoning what you had done, what you have become. If pillows could talk they would tell you how you ruined the idea of fairies, and of castles, and happy endings. That true love does not exist, and if it does it’s only bound to an end. If pillows could talk they would tell you how I blame you in my sleep unconsciously uttering words I don’t have the courage to say to your face.
But if pillows could really talk they would tell you I was madly in love with you. That I still am in love with you. That I am terribly missing you. If pillows could really talk… My pillows would wish to talk to yours. To apologize… To forgive… To accept… To forget… To, maybe, save what’s left. But before I willingly change my pillow cases let me cry myself to sleep for one last time. And tomorrow, I will strive to start anew. Alas, I shall fail to remember I was so in-wreck with you.
issue 1: digmaan / 69
70 /
How cold is it in Alaska? I was told that you would never wake up from the deep sleep you’re in. That if by chance you do, you will never be brand new. I carefully clasp your fragile hand as I hear your Mom beg your Papa to keep you alive. Respirator, endless tubes, and wires. Every needle they poke you with sends chills down my spine. Half of me is slowly dying with you. I could barely breathe. Today marks the third month since an intoxicated young man’s vehicle dragged you from the sidewalk to the barriers. Taking away his life and damaging yours. There was never a day When I leave your hospital bed without you trying to grip my hand. As though you’re saying, “Don’t go, I’m fighting.” today was a different day. I attempted to leave your side one too many times to check if you’d give me a sign that you’re still with us. But your fingers are languidly telling me how frigid it is in Alaska. I never liked the cold; Take me back to the warmth of your palms. “It’s time.” Your mother said. And I swear I would give everything to have even just one more minute. To tell you I love you. To tell you I am already missing you. To be the one to say “Don’t go. I’m fighting.”
I am not prepared to surrender. But every good soldier know the right time to wave the white flag. So as I stare at the flat line on your monitor I realized today was yours, my Love. I am going to keep on fighting until the day mine comes. It is negative eighty degrees here in Alaska right now. But it’s nothing compared to the day I lost you.
La Niña “Pwede namang umiyak.” Sabi ng kaibigan ko. Napaismid ako habang pinagmamasdan ang larawan niyo. Tinititigan ko ang iyong ngiti, ang iyong mga labi. Kilalang-kilala ko. Parang pamilyar. Parang nakita ko na dati. Ayos lang daw ba ako. Ang sagot ko’y oo. “Hindi na dapat iyakan ang mga bagay na wala na.” Habol ko. Ikaw ang nagturo sa akin niyan. Naaalala mo? Ang sarap alalahanin ang mga panahong ang mga ngiti mo’y alay sa akin. Ngayon ito’y laan na para sa iba, para saan pa ba? Oo nga’t tag-ulan na, pero tuyong tuyo na mga luha ko.
issue 1: digmaan / 71
72 /
photo: A.delavie
LoNgClaw issue 1: digmaan / 73
74 /
Wanderlust From high seas to the lowest mountains not a piece of dirt that man has yet to leave his mark the fog of the world has lifted not a crack or crevice to be investigated but woe should you not for the spirit of the wanderer never ceases as for man have seen all there is to see we still do not share the same vision and we do not share the same memories go on an adventure, go on a quest quench your curiosity, earn your fill see the world from down below to high above experience the land differently feel the wind in your hair taste the salt in the air for you will only ever be born once see the dirt, before you return to it.
photo: Sophrosyne
issue 1: digmaan / 75
76 /
photo: Parallax
VuLpeCula issue 1: digmaan / 77
78 /
photo: Fahrenheit
Nawalan na nga ba ng talim ang punyal na inabot ko sa’yo? O sadyang kumapal lang ang balat ko?
80 /
Matuto kang lumangoy, matuto kang maging pating. ‘Pagkat ikaw mismo ang dagat, ikaw rin ang lambat.
DaGapaap issue 1: digmaan / 81
82 /
By torn and tears Clumsy as I am. All the lies and all the mysteries. I never caught myself. For following your scent for miles. Still I did not regret. Those nights of yours, my pervy eyes. We know who we are. In the wrong time and place. Perhaps we’re just young. Trying to own the universe. Trying to do something. A kiss. A touch. So young. So sweet. Yet inappropriate but young. We are not old enough to be with each other. We are just driven youngsters in the night of temporary monsters.
84 /
issue 1: digmaan / 85
86 /
AmiHaN issue 1: digmaan / 87
88 /
AWOL Where were you when she’s at her best? When she wants to watch Titanic all day? When she sings while dancing in the rain? You never even sneaked at her darkest. When she soaked her sheets to sleep or when she just wanted coffee. But that’s alright. Your absence is my presence. I love that. Yet, I envy you. For she always loved your phone calls over old cassette tapes. Anxious for your fingers over warm limbs, famished for the savor of your tongue over the melodious taste of genuine affection. I envy you, for you got her confined in bliss. I tried to rob and detoxify her, aid her, love her. But still, she took a clandestine lick on her favorite drug. Sucked every piece to her content. Fine. I was dejected. But the rising pulse of my frustration excites me more, thirsting for auspiciousness. I’m going to steal her. I will thrust every inch of me to discern every bit of her. And as I absorb her tastebuds, I found heaven and delight. Delighted by the realization that I can manufacture a higher dose of my own drug. An ecsatic sense that would make it her new addiction. And you, you will be resentful to the product of my desperation.
Taggutom Nagugutom ako, pero hindi sa pagkain, at lalong hindi sa’yo. Natatakam ako sa lasa ng malayang mundo at sa lasap ng pananarili. Nagugutom ako, ngunit labag na sa loob ko ang lasa at paraa ng pagsasangkutsa mo. Ayoko na. Sawa na. Sukang-suka na.
Simbuyo “Huwag kang hihinto.” Saan? Sa pagkurap? Sa paghinga? Sa pagpintig? Bakit? “Nagtitiwala ako sa’yo.” Paano? “Sa kung paanong hindi humihinto ang mga talukap ng pangarap, pagluwag at paghigpit ng mga baga, at paggiit ng puso; doon masisiwalat ang simbuyo ng damdamin.” “Pakiusap, huwag kang hihinto.”
Tatlong minuto Tatlong minuto pa lang na naghihintay, ngunit parang isang taon na akong nakikipagbuno sa pagkainip. Napuno na ang kustal ng usok at alikabok mula sa mga rumaragasang kapalaran. Natapos ko nang pakinggan ang mga paborito kong saliw. Nagtagpo na ang mga kilay. Nagsasanib na ang simoy ng hanging amihan at buntong hininga. Nasaan na ba? Humihigpit na ang kapit ng ugat sa aking mga paa. Matagal pa ba? Dahil paroroon pa ako sa dulo ng walang pasimula at susunduin ang kapiraso ng hindi mahagilap na ako… o ikaw... o tayo. Oo, susunduin ko na ang nawawalang tayo.
issue 1: digmaan / 89
90 /
Sapantaha “Wala na kami. Wala na talaga,” sabi ko sa kaniya habang madiin kong hinihimas ang mantsa sa aking bestida. “Oh. Ano na naman ang nangyari,” kunot-noong sagot niya. Irita niyang kinuha ang panyo sa bulsa ng kaniyang polo at inabot ito sa akin. ... Alam ko... Ramdam ko na noon pa man ay may pagtingin ka na sa akin. Hindi man ito manggaling sa iyong mga labi, pahayag naman ito ng ‘yong mga mata. Palagi kang nandiyan sa tabi ko kapag kailangan kong huminga. Napakabuti mo sa akin. Pero ako, naging mabuti ba ako sa’yo? Unti-unti mo akong binubuo habang ikaw naman ay unti-unti kong winawasak. Ngunit sa sandaling ito, hindi ko matanto kung bakit ako kinukupot ng pagkakataon sa bisig mo. Nagtagumpay ka. At sa pagkakataong ito, sigurado na ako. Mahal kita. ... “Pero alam mo, masaya ako na wala na kami,” sabay ngiti sa kaniya. “Talaga? Hmm,” pagtataka niya. “May nagbago kasi sa akin,” nanginginig ang aking kamay ng ibalik ko ang panyo niya. Nanatili siyang tahimik. Malalim na nag-iisip habang nakatitig sa panyong nahawahan na ng mantsa. “Napansin ko nga. Napansin ko ang pagbabagong naramdaman mo. Pero...” napabuntong hininga. “Halika na, ihahatid na kita. Gabi na.”
Bulalakaw Nagbalik ako kung saan tayo laging naglalaro noong tayo’y mga musmos pa. Oo. Natatandaan ko pa... Sa lilim ng punong Mangga ni Ate Melba. Pagkagaling sa eskwela ay magkasama hanggang sa ang kuko ng liwanag ng dapithapon ay makipagdigmaan sa lumalamon na balumbon ng gabi. Dito... dito sa duyang ito kung saan tayo’y namulat at sabay umugoy tungo sa mga bituin, sariwa pa. Sariwa pa sa aking alaala ang matatamis na sandali, ngunit tulad ng dapithapon na sumusuko sa gabi, ang pinangakong tamis ay nahulog sa pait. Kailan ka kaya ulit makakapiling? Kapag ba ikaw ay handa nang umugoy pabalik sa mga bituin? Umugoy ka sana pabalik sa akin.
issue 1: digmaan / 91
92 /
photo: Amihan
HeReTiko issue 1: digmaan / 93
94 /
Ikaw at ako
Para kay Shei
Ang iyong mukha ay daluyong tagos sa disyerto ng aking isipan iyong boses ay pagwawakas, isang takip, sa jarra ng kalungkutan.
Sabi ni Eric Gamalinda sa “The Descartes Highlands” ang film ay isa lamang alaala ng isang alaala sa midyang madaling masira at mawala
Dalawang pilas ng katauhan binuo, binigkis at hinipan hanggang lumaki, tumanda’t humanap ng sariling puwang. Hinimas mo ang aking kamalayan, hanggang tuluyang magising, tumingala at pagmasdan, ang kakulangang ngayo’y iyong napunuan. Bawat salita’y dinadalumat ang ating bagong kasaysayan. Isang linyang kusang umuusad, tumitigil, hinihingal, lumiliko, umuusal, nagiinit at sa huli’y sasabog at magbibigay buhay sa mga bagong kamalayan. Ikaw at ako. Ganito tayo.
Ngunit, gusto ko pa ring titigan sapagkat nasa alaala ng ilaw ang mukha ng taong nawawala. Upang mabuhay, huminga, manatiling masaya ang hindi pa kayang tumayo sa sariling paa. Takot, pangamba, paltos sa paa. Ginto medalya ng buwang-habang pagsuong sa pangakong walang garantiya. Ilang beses ka mang umiyak, magsumbong at magalit sa kanila. hindi ka nasira, nawala, nabura. Bagkus ika’y nakibaka upang sa huli’y ang pagsisisi’t kalungkuta’y tuluyan nang lumisan. sabi mo nga marami akong hahabulin, nguni’t sa huli’y Akin ito. Para sa akin to. Para sa amin to.
Faustus Sa mga daliri ng deliryo pupulutin pag-abot niya sa dulo ng kahaba-kahabaang bote ng pighati. Humahawi {naghahanap} ang mga daliring binibilang ang mga araw bago magbalik {kaya} ang tumakas hawak ang puso, ugat, luha kaluluwang {niluwa} para sa nag-iisa, nag-iisa na lamang siya. Ako si Pagnanasa, hawak ko ang mga gabing ika’y nag-iisa, naghahanap ng kadaupang katawan sa lamig ng gabing kinikiliti ng walang katapusan.
{Umaga na} {Hindi ako makahinga} Hindi sapat ang siklab ng sarap, apoy ng kiskisan upang mapawi ang bulag-dilim. Tumatawag, sumasamo sa pader, bubong, bakod ng kapitbahay humuhulma ng kaakit-akit mula sa wala. Pagkatapos ng lahat, mahuhulog muli, upang suminghap, lumunok, at subukang mabuhay sa gitna ng karagatan ni Pangungulila.
Sa aking pagbaling, nasilayan ko si Pag-ibig, ngunit siya’y busy sa iba. Kahit anong pagpakumbaba’y hindi sapat upang lingunin, pagmasdan man lamang ang nasirang katinuan. Ngalan ko’y Kalungkutan sa mabuti’t masama, samahan kita handa akong ibigay sa iyo ang hindi kayang ibigay ng Pagnanasa at Pagibig at iyon ay habambuhay na ligaya, habambuhay na yakap, walang humpay na kalungkutan ayaw mo pa ba?
issue 1: digmaan / 95
96 /
Komyun V.I Galing ako sa mundong iisa ang tinig, tinig na may buong linaw at lakas. Buong tapang na sumusulong, sa kabundukan, nayon at siyudad. Magulang ko’y si Ka Raldo at Ka Nena, kwento nila’y mahigit daan taong himagsikan. Hindi napagod hindi tumigil, pwersang bayan hindi nagpakitil. Walang estadong mas malakas pa sa masa nito. Walang masang mahina sa kolektibong pagkilos nito. Tayo ang pwersang lipunang pilit dinadaganan ng batas at armas. Ang asul na langit ay alay ng mapulang nakaraan, nakaraang namunga na at ating inani. Inani na ito ng aking magulang, aking mga anak, at aking mga apo sa tuhod. Ang Komyun ng mga bansa’y nagkaisa, bagama’t may kaaway pa ring nakahalo sa kanila. Ang Komyun ang lumutas sa pangunahing problema, ang pagkayas sa lakas-panggawa para lamang sa tubo ng uring marahas. Ilang diktadurya na rin ang nakalipas, bago namulat ang kalakhang gitna, sa kanilang estadong proletaryado, kaya sila’y naghimok at nangahas, agawin ang pwersang produksyon sa uring puro dahas.
Honesto’s Wake Honesto Mercado’s wake was delayed several times.
Store when it’s shorthanded.
You would think that the dead would be given a break in this day and age. However, the fundamental laws of economics state that even the poorest dead need to pay up before they are laid to rest.
At night at around 8 PM or thereabouts, Honesto would walk with his mother and father back to their ramshackle “mansion” located a few streets away. Their hovel was built against a crumbling wall that constantly groaned and threatened to fall over when the concrete expands in the midday heat.
Pay up – if they ever wanted to leave the endless cold and darkness of funeral homes with their loved ones. Honesto’s mother Besa placed upon herself the nearly impossible task of producing the 40,000 pesos needed to claim her youngest child. Besa and Tomas opted for the cheapest casket and had asked the local kapitan to allow them to use the barangay chapel for the wake. After a week of soul-shattering haggling with the funeral home, they finally brought home Honesto’s body. Known to his friends and classmates as Oni, the fourteen year old boy helped his aging parents eke out a living in the Valenzuela public market where his mother sold all sorts of vegetables: tomatoes, green chilies, peeled taro and the odd assortment of leaves used for clear soups and stews. Honesto augmented the family income by doing random errands for stall owners.
They called their house a “mansion,” for a second floor was built hastily on top of the first one. Before the fatal day, it often housed up to 15 people at a time – especially at night. Honesto’s brother, kuya Junior, learned that the best way to earn money was to ‘rent out’ their hovel to shady individuals looking to score methamphetamines well away from their homes. Honesto never touched the sachets of white crystals himself, even though tooters, lighters and all manner of improvised bongs are scattered throughout the “mansion.”
A tiny boy with peroxide blond hair (made possible literally, by hydrogen peroxide) and a long, hard-set face that belied his actual age, Honesto was one of the youngest laborers in the public market.
There was even one night when Honesto yelped in pain after sitting down on his low wooden bed. He accidentally punctured his backside with a stray syringe that one of his brother’s customers left behind. Kuya Junior laughed and ruffled his hair. “Here,”kuya Junior said, extending a five hundred peso bill to his younger brother, “go buy us some sisig and lechonmanok with lots of sarsa. I want to eat like a king tonight!”
He worked so hard that he earned anywhere between 50 to 150 pesos a day. When he’s not busy pushing a rickety hand trolley stacked high with boxes of groceries, he’s doubled over, trying to carry 25 or 50 kilogram sacks of rice for Igme’s Rice Dealer
Honesto’s parents felt that they had no right to stop Junior, who was 12 years older than their youngest. The money Junior shared with his aging parents was enough to tip the fragile balance of parental authority. The son who brought in the bigger buck,
issue 1: digmaan / 97
98 /
however infrequently, had a say on things – end of story.
INGAT DN PG MAY TYM. WG K KSE MAINGAY. SBI NI TSIP.
///////////////////////////////////////////////////// [A1] METRO MANILA (Valenzuela) The body of a minor, 14 year old Honesto Mercado, was found in a grassy area near the Valenzuela public market. SPO3 ErnanCapulong, police officer present in the initial investigation, stated that the teenager was bound by duct tape from head to foot.
The text message came from an unknown number. Kuya Junior looked at his cellphone with unseeing eyes and turned it off. He walked to a small cardboard box near the door of the barangay chapel and opened it. Inside was a fluffy chick, as yellow as the morning sun. He picked it up and plodded slowly to Honesto’s casket.
A cardboard sign marked with “PUSHER AKO HUWAG TULARAN” was found at the scene of the crime. Deep ligature marks were found on the victim’s neck, prompting suspicion that the minor died by strangulation.
He watched as the chick began pecking.
Probable motivation for the killing may be drug related, a source said, as the victim lived in an area known for illegal narcotics use. (Continued at B9) /////////////////////////////////////////////////////
He took one last look at his brother’s peaceful face and stepped out of the barangay chapel and into the night.
Honesto’s father, Tomas, stood at the precipice of unbearable sadness coupled with the frequent tremors of impending insanity. He had been unable to sleep for days, only spending short minutes to nap. Whenever he closed his eyes, he saw his youngest son again in the morgue, lifeless, with angry bruises on his neck and empty, staring eyes that nearly popped out from extreme pressure of strangulation. He held a small, clean rag and constantly wiped the casket’s glass. Tears made it harder and harder for him to wipe the glass clean. The image of the departed soon blurred with the pale arcs of bitter moisture falling from the old man’s face. Behind him was kuya Junior. His face belied nothing. He sat cross-legged holding his small cellphone. It beeped three times. He pushed a button and a message flashed on the screen:
Kuya Junior placed the chick on top of the glass.
Tink-tink-tink Tink-tink-tink Tink-tink-tink
--In the Philippines, it is believed that a chick placed on top of a murder victim’s casket will “peck at the conscience” of the victim’s killer. The chick is as much a sign of societal injustice as it is of hope – that one day soon, unidentified assailants will be brought to justice and bring peace and closure to the families of victims of unresolved killings.
This was first published in The Manila Times on January 21, 2017
photo: Amihan
issue 1: digmaan / 99
100 /
photo: Fahrenheit
FedeRico issue 1: digmaan / 101
102 /
photo: Fahrenheit
MV Huwag ka sanang magtataka kung sa dis-oras ng gabi’y ako’y matatagpuan mong nananatiling naririto, gising at nagsusulat habang nakatingin sa iyong litrato. Sa kabila ng lahat, sa kabila ng dilim at ng nakabibinging katahimikan ng aking silid, sinusubukan kong tumitig sa pagitang nakapalugit sa kinabukasan at nakaraan. Sa bawat agwat at lukso ng pintig ng pigil na pag-ibig, nais kong bumalik sa panahong nakilala ko sa pangalan mo. Ngayong gabi, hindi ko alam kung ang aking panaginip ay muling aagos patungo sa iyo upang lunurin ang lahat ng ating naipangako: ang akayin ka patungo sa kapatagang dinadamitan ng mga bulaklak, hinahalikan ng liwanag at niyayakap ng dagat. At dahil may mga katagang ayaw kong na lamang basta pumanaw sa nalalapnos kong lalamunan, hayaan mong sa pagkakataon man lamang na ito, maipahayag ko ang damdaming ilang taon ko ring pinilit tiisin at ikaila sa aking sarili. Ang hirap panoorin ng iyong aninong naghihingalo sa paanan ng sarili mong tâkot at lungkot, tulad ng apoy ng kandilang namamatay sa pagitan ng nagkikiskisang mga daliri ng hangin at ulan. May mga gabing maiisip mong ang tanging paraan upang makinig sa iyo ang langit ay kung ika’y mananahimik, ngunit kahit sumuko na ang ulap o magsaniyebe ang buhanging aking kinatatayuan, ikaw at ikaw pa rin ang talim na patuloy kong hahawakan. Marahil, kinabukasan, sa araw na ipagkakanulo ng alak ang aking katawan, magsasawa ring magnakaw ng liwanag ang seramikong buwan na minsang dinaig ng apoy ng iyong galit, ang galit na sa sobrang pagniningas ay tuluyan nang naging pag-ibig. Ngayong gabi, malumanay na hinahaplos ng madaling-araw ang pisngi ng daigdig, at bagamat sa saliw ng hangin, bumubulong ang mga dahon ng mga liriko ng panghihinayang sa mga araw, buwan at taong nawala, ako’y mananatiling naghihintay, nagbabakasakaling sa isang iglap, ang umagang nakilala ko sa pangalang Maria Victoria’y muling magaganap.
issue 1: digmaan/ 103
104 /
Elehiya para sa isang alaala Siguro, ganito na lang, mayroon akong ipakikita, isang pirasong liwanag sa ibabaw ng aking palad, ngunit kung aking sasabihing ganito tayong nagsimula, hindi ko alam kung ikaw ay maniniwala. Dapithapon noon nang mapansin kong minamasdan mo ang nanginginig na ningning sa pagitan ng mga ulap, tinanong kita kung bakit, ang sagot mo, “Ang langit, ang langit ay tila natutunaw na pag-ibig.” Dapithapon nang huli kong marinig ang iyong tinig. Alam mo, nagsawa na akong gumamit ng sukat at tugma upang bigkasin ang mga alaalang hindi ko mapagkasya sa iisang talata. Kung nabubuhay ka pa, alam ko, tatanungin mo ako kung bakit ganito, kung bakit hindi ko kayang basagin ang yelong namumuo sa aking puso hanggang ngayon, kung bakit hindi ko pa rin maisulat ang mga katagang dati nating itinali sa pamamagitan ng ating mga labi. Sa pagitan ng mga buntonghiningang di-makayang harangin ng hangin, natagpuan ko ang sariling bumubulong sa iyong tainga, “Francesca, Francesca, Francesca.”
Labingpitong taong gulang tayo noon. Inakay kita sa gitna ng kaparangan ng mga bulaklak upang subaybayan ang argumento ng liwanag at dilim habang ang katahimika’y unti-unting tumatalukbong sa atin. Maya-maya, sa isang dako, naririnig ko ang iyong paghikbing sumasabit sa nagpupumilit mong mga ngiti. “Bakit?” Ngunit sa halip na sumagot, ako ay iyong niyakap, at noon din, aking naramdaman ang pait ng pagbibilang ng mga araw at ng mga buwan at ang kaba ng paghihintay na ang mga ito’y sumarado sa iyong likuran, bagaman di mo alintana ang sakit na higit pa sa di-pangkaraniwan. Siguro, ganito na lang, mayroon akong ipakikita, isang pirasong liwanag sa ibabaw ng aking palad, isang bulaklak para sa iyong tainga, isang simbolo ng pamamaalam ngunit hindi ng pagwawakas. Ngayong ikalabinglima ng Agosto, pagpasensyahan mo kung wala ang liwanag na iyon sa mga titik na ito. Sapagkat ano nga ba ang aking magagawa, kasabay mong pumanaw ang ngiti sa aking mga tula.
Hiroshima Biglang nagnaknak ang liwanag at hinigop ng ipo-ipo ang kalangitan. Isang segundo, at ang buong siyudad ay nagmistulang langib na inaagusan ng dilim, isang sugat na nilalanggas sa kumukulong hangin. Naglaho ang katotohanan at naghalo Ang teorya’t guni-guni: sa gayong poot, sa gayong takot, sa gayong bangungot, nasaksihan ko ang pagpapalit ng gabi patungo sa isang patlang na umaga. Matapos ang ganitong pangitain, nagising ako sa loob ng isa pang panaginip na mas nakagigimbal: pumapalaot ang mga paru-paro sa payapang kalangitan; naglalaro ang mga talulot ng rosas sa luntiang kapatagan; nakangiti ang mga ulap, kumakaway ang pakpak ng araw at umaawit ang koro ng mga alon sa di-kalayuang dalampasigan. Tumindig ang aking mga balahibo hindi dahil sa nakasisindak na katahimikan kundi dahil sa pagtambad ng kaligayahan sa ibabaw ng mga bangkay.
Mitolohiya ng distansya Mapagkunwari ang distansya. Hahangaan mo ang rikit ng kababalaghan ng isang kastilyong nagniningning sa puti ng niyebe sa isang malayong pampang. Papawiin ng imahinasyon ang kapwa imahinasyon, di sukat akalaing sa bintana ng toreng iyong ninanasa, isang bilanggong may sugatang lalamunan ang nakatitig sa iyo at sumisigaw ng saklolo. May mga pintig na tinubog ang alahero sa loob ng kanyang dibdib sa pag-asang ito’y hinding hindi mo maririnig, nangangambang sa isang panaginip, matagpuan mo sa iyong mga kamay ang dugo ng daigdig: na sa iyong pulseras, sa palawit ng iyong kuwintas, magnaknak ang paltos na di nakayanang linisin ng banlik sa mahalumigmig na minahan ng Afrika; na sa aluminyo ng iyong telepono, pilit mong kukuskusin ang bakas ng daliri ng obrerong nagpatiwakal sa isang pagawaan ng elektroniks sa Tsina; na paglatag ng bestida sa iyong katawan, lilitaw ang mantsang habi sa dusing ng musmos na inalila saanmang pawisang pabrika sa Bangladesh o India; na ang umaasong halimuyak ng sinaing ay muling babangon mula sa alipugpog ng lansangan kung saan humandusay ang binaril na magsasaka. Ang mitolohiya’y may sariling wika: una sa diksyunaryo nito ang salitang Pag-unlad.
issue 1: digmaan/ 105
106 /
photo: Fahrenheit
FaHrenheiT issue 1: digmaan / 107
108 /
Memorectomy
(o kung paano i-dissect ang sisidlan ng alaala) Tinangka kong galugarin ang sugat na nagmula sa kung ano ang kahapon. Tinanong ko kung ano ang kulay ng mga nakalimutang panaginip at pangarap. Tinahak ko ang daan patungo sa hangganan ng kasaysayan. Ngunit binulag na ako ng kaisipan ng ikaw. Ikaw, bilang imahen na pinaglunsaran ng pagmumunimuni ay naligaw sa gubat sa aking kalooban hindi dahil hindi sapat ang mga alaala bilang mga instrumentong magtutungo sa’yo palabas ng balangkas ng salimsim kundi sadya talagang hindi tugma ang mapa at ang mga landas na kusang sumusuko sa kasukalan na lumalago at lumalamon sa mga ilusyong nagdudugtong sa atin. Ginagalugad ko ang pinakatagong sulok ng sisidlan ng alaala, sinuyod ko ang mga bangin ng utak ngunit hindi pa rin kita makita nang malinaw... Walang sesura sa sukal, walang soliloki sa sibsib, walang sisiro sa dilim. Huwag mo sanang masamain dahil ang mga panaginip ko’t mga pangarap ay mga patibong at patawad dahil ditto ay walang estruktura ng pagkawasak o pagwawakas. Wala kang takas.
Minsan na akong humingi ng saklolo para masagip ka, minsan na akong humingi ng tulong para makalimutan ka, ngunit nariyan kang lulan ng kidlat ng bawat kong ideya sa aking isip, nariyan kang sumasakop sa heograpiya ng aking utak. Minsan naisip ko ring baka naman mali ang mga lugar na hinahanap ko para makita ka’t malipol sa sistema ko. Hindi kaya ang tunay na balwarte ng gunita ay napapaligiran ng mga dingding ng ayorta? Huwag mo sanang masamain ngunit matagal na akong sumuko sa kapalarang kailanman ay hindi ko maririnig ang iyong tinig nang hindi sa alaala at paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang napag-iwanan na ng panahon. Huwag mong masamain, ngunit madalas sa minsan, ikaw na lang ang hindi nawawala sa aking sarili.
possessed
(amor)exia
She pressed her lips to mind. - a typo.
But how can I not think of you when I see steam billowing from my breakfast forming shapes that do resemble every detail of you. Or so I imagine them to be in gaseous form.
How many years I must have yearned for someone’s lips against mind. Nothing like a woman who knows how and where to kiss at the right places, at the right time. But you...
I lose my appetite in an instant and yet something inside me churns upon the realization of an invalid loss. Or emptiness perhaps.
You sucked everything out of me as if your lips pressed against mine carrying all that I ever had in me: you. Or perhaps, an illusion of us.
No, I am hungry somewhere else. Famished somewhere else. Malnourished somewhere else in the thoracic cavity of loneliness.
The hair on my arms awake in unison like cricket songs in chorus as you leave me this distance defining itself as I describe myself out of my mind while you are inside - colonizing my memories and taking charge of this sweet, subtle slaughter so slow I lose myself several times.
Every day, I look forward to seeing you from afar, just that way, always from afar for this hunger can only be satisfied by distance so that I can see you completely - an apparition made of steam, devoid of a legitimate identity whose manufactured details I devour with utter delight. And I intend that to remain unchanged.
I am impressed. This is intelligence. The wisest tongue speaking in sense not in words but in messages that sends shivers to toes and fingertips. I thought I had succeeded. Calling you mine. Then I realized, you have had me when you left.
Tell me it was for the hunger and nothing less for hunger is to give the heart what it knows it cannot keep. Example: You. Even in an inconcrete form. I guess I will never get used to waking up to the sensation of fingernails lodged in the walls of my aorta... Yours, actually
issue 1: digmaan/ 109
110 /
Mabini 152 “Bakit di tumatayo si Mabini?”, tanong nila habang ang silahis ay sumasayaw sa sinehan. Bakit hindi tumatayo si Mabini? Mahiyain ang aming mga mata sa nanlilisik na titig ng kasaysayan, waring nag-aamok ng away, naniningil, ngunit ang isasagot nami’y mahinhin na pag-iwas. Dakilang Mabini, mabini ang aming mga isip sa dahas ng mga kwento ng pag-alpas. Ikaw, mula sa duyan mo’t silyang rattan ay humabi ng maraming kabanata ng kasaysayan. Sa libis ng Tanauan, ikaw ay sumibol na parang haliyumak ng paborito mong yema, lulan ng hanging nanggaling sa dalampasigan ng Lawang Taal. Tulad ng ibang mga dakila, pag-ibig din ang pinili mo. At tulad ng lahat ng mangingibig, pinili mong mamatay sa piling ng iyong pinakamamahal - ang paraiso mong Inang Bayan. Patawad dahil hindi tulad ng iyong niligawan sa Bauan ay hindi masusuklian ng kahit sanlaksang sulam ang mga nagawa mo para sa bayan.
Patawad dahil hindi namin alam, hindi namin kilala ang Mabini na bago malumpo ay nag-aral sumayaw. Ang Mabini na tumanggi sa alok ng mga dayuhan na makauwi ng bayan kapalit ang lagda sa mapaniil na kasunduan. Ang Mabini na nagturo kung paano makakamit ang tunay na kalayaan. Hindi tulad ng Supremo at ng Heneral, ang iyong di-pagkilos ang nagbigay susi sa tagumpay ng himagsikan. Ngunit hindi tulad ni Gat Rizal, pinili naming limutin ang iyong mga ambag. Kung kami ay walang alam, ito ay hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman, kundi kawalan ng pakialam, at sadyang kapabayaan. Kaya kapag minsan ay may nagtanong muli kung bakit hindi ka tumatayo sa iyong upuan, “patawad” lang ang maisasagot namin. Patawad dahil pinili naming lumimot sa halip na umibig. Patawad dahil pinili naming lumimot umibig. Patawad dahil hindi tulad namin, marunong kang tumindig.
tatlong buwan, tatlong araw Habang papalapit pinupunan natin ang mga at siwang at lahat ng Nanalig tayo sa mga na wari’y nagwiwikang Hulyo Dumating Lasang dugo pala ang
paglayo, espasyo, pagkukulang. salita mga titig at pahiwatig. noon. katapusan. puwang.
RosaS. Bumili ako ng bulaklak kagabi. Nilanghap ko ang kaniyang kasariwaan. Habang unti-unting hinihimay ang bawat talulot, siya’y nahulog at nasugat sa kanyang sariling mga tinik.
issue 1: digmaan / 111
112 /
pagtutuos/pagtatapat Sana ay hindi maging kalabisan ang naising mayakap ka, pero sa ngayon, sapat na sa akin ang mga panakaw na sulyap sa mga mata mo, o ang pagdidikit ng ating mga kamay at braso sa tuwing mag-uusap tayo sa paraang diplomatiko at patutunayang hindi nga mahaba ang gabi pag Hulyo at maglalakad patungo sa lagi’t lagi nating tagpuan na napag-iwanan na ng panahon, diretso McDo, oorder ka ng McFloat at bibilangin natin ang laman nitong yelo na ihihiwalay at tutunawin at pagmamasdan natin para may dahilan naman akong patagalin ang sandaling ito pero sa kalsada rin tayo hahantong at maghihiwalay tayong magkaiba ang direksyon na hindi ako titingin kung saan ka paroroon ngunit alam kong nagpipigil ang laman kong lumingon sa kalsadang nasa likuran ko, nagpipigil, pinipigil, nanggigil, at anak ng Haring Solomon hindi na ko nakatiis pa... Ngunit wala ka na. Kinikitil akong palihim ng bawat pagkakataon dahil inaagaw ka ng mga salitang bawal. Alam ko na ngayon. Patuloy akong umaasa sa mga titig at salita na nagwiwikang mga pahiwatig at kahulugan. Patuloy akong umaasa na tayo’y dadalhin muli ng ating mga paa sa Plaza Lucero at hihintaying magdigma ang sumisikat na araw at ang bilog na buwan. Patuloy akong umaasa na sasambitin mo ang mga salitang yon, mga salitang matagal ko nang gustong marinig mula sa’yo.
Doon, mula sa’yo, patuloy at patuloy kong narinig ang mga salitang ‘yon sa iba’t ibang anyo. Sorry, nagsinungaling ako. Dahil noon pa man, alam ko na. P.S. Salamat, naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kahit isang gabi lang.
Chopsticks Mooncake. His scent was of white lotus mooncake accompanied by a whiff of tea reminding me of midautumn festivals when I would just stay home helping mother and first sister in serving oolong to relatives (except for paternal older aunt’s husband who always likes flower tea, nothing but boiled petal juice to make his festivity routine satisfactory on his terms). He also smelled like afternoon sweat. That I have to be honest about – mooncake, tea, and sweat. Or maybe mooncake or sweat. Or is it tea and sweat? Not the repulsive kind of sweat, just the sweet unadulterated summer kind of sweat. Or I’m just making it all up in my mind. Whatever. Pheromones. “How are you going to eat? You left your chopsticks na naman,” he laughs a laugh that swings between unbridled doubt and attempted mirth, breaking the silence. “Okay lang, they have chopsticks here.” I lie, uncertain. It might have bothered him because he looked sad all of a sudden.
Now he smelled of concern. Or anxiety, I think? Or maybe I was using the wrong sense. I can’t see it but I sense it, I feel it, his skin flashing frantic SOS’s penetrating his brown skin from the inside, perhaps grazing mine because suddenly I felt my cheeks fluster. Everything was supposed to turn out ordinary that Friday morning, but it didn’t. I joined a rally. That day was one of his usual, and one of the first in my series of “delinquencies”. Of course, mother knew. I came home smelling like smog worse than that of the Beijing atmosphere and unless I have become a chain smoker for a span of a day or I have been in the streets all day long. Of course, she knew, the fresh addition to my laundry still drenched in the scents of sweat, smoke, and dispute. She called me siao siao right away. And why wouldn’t she?
“Well, she never really liked you. Mother blames you for my sunburn, you know, joining you to the Chinese embassy for that protest.”
The Chinese-Filipino community in the BinondoTondo area have their opinions in disarray. It’s a pressing issue for us. A lot agree with the People’s Republic of China to claim territories that do not belong to it geographically. Saying it’s for the motherland’s honor or this would only improve business and economies and all those things. Some don’t care. Some don’t really have opinions at all. Most of us are traditionalists, if not ethnocentric supremacists. It’s mortifying.
“But you voluntarily did it naman, di ba?” “Yes Alex, I know.”
My parents implement a chopsticks-only policy at home and who does that for twenty-one straight
“What did she say?” he asks with a sense of urgency and a tinge of discomfort.
issue 1: digmaan / 113
114 /
years? Truth: I have never held a spoon and fork in my entire life as if the scraping sound of metal rebellion might bring me this orgasmic euphoria. Nope, no. Not orgasmic, I take that back, spoons don’t turn me on. At least not that much. I have my own pair of chopsticks and I usually bring it all the time but the times don’t require it. At least not today.
I can answer was silence. Sweet suicide silence. What did she say? The tone was stern and full of resolve, his eyes not once leaving the menu reading between the lines, waiting for a final answer.
And during nights when we’re watching the evening news on the TV the off-screen Chinese reporter is in voiceover, talking in Hokkien about the progress of the artificial islands. Prompted by the anchor, the reporter claims no statement so far but China will push through this part of the Philippine sea. Mother makes a sound, and says cautiously, “Well, why wouldn’t they?” as if it was a necessity and not an international offense.
He’s a victim. Not only of my family’s conceited beliefs but by countless Chinese immigrants who own this parchment of land as if it was theirs originally. And they go about joking that sometime in the near future, chinks will kick out Pinoys off of this country. All of these are sinister offenses. Alex is a victim of these sinister offenses.
And then there was that time when father drove me to school and we have to cross an arched bridge near Lucky Chinatown and there are two warehouse helpers pushing a cart full of crates with the most difficulty and then father, I don’t know, attempted or threatened to run them over. Blowing his horn wildly and exclaiming expletives in languages I don’t quite get. Sometimes, it’s the Visayan housemaid they pick on. Sometimes, they cut in line thinking that their time is more important than that of the other brownskinned patrons. “What did she say?” He repeats as if all the answers I provided did not satisfy all those questions spooling and unspooling in his head like a worn-down cassette tape. Or was he referring to another matter? If that’s the case then all
“Hindi ko lang talaga ma-gets. You are born here. Bakit ganun?”
The waitress came out of the pantry, pen and paper in hand like a melee weapon in disguise. Saved. Or so I thought it to be. Are dates supposed to be this unnerving all the time? I hear murmurs and distant conversations but all I can think are the answers I don’t have at the moment. I know it would boil down to this. I always imagined the tension building up between my family and him and circumstances would just force Alex and I to break up and my father forcing me to an arranged marriage with one of his wealthy businessman friends’ son from Benavidez. Think, May, think of something else to say. May… “May,” he interrupts my daze. “Gusto mo daw tofu?” “No, no tofu. But, I think, oo, sige, tofu. No. Nope. Just no tofu. But that would really go well with, no, forget it…” A queasiness arrives as waitress writes choice in pen
immediately regretting “forget it” because now there would be tofu, no, wants, tofu in this typical northless Binondo resto and she walks away never to return with tofu for a typical indecisive me. I guess my inability to make decisions takes too much pressure. It’s like I just want to know where everything will fall before I would jump off or towards anything. “I think we should end here,” there, I said it. “May.” “There’s nothing wrong, Alex. I just think we should end it here. At least for now.” Intense sweat as the words infect the air like a tiny echo meaning absolute permanence, absolute repercussion, absolute reaction. “I understand.” “Okay, wow, thanks for that reaction.” “Uy, it’s not like the first time you told me that.” “So? I was expecting of a melodramatic verbal exit in an immediate fashion and all I get is a stoic ‘I understand’. Wow, thanks!” “Yes, but like for the thirteenth time? I don’t know, I lost track na. And it’s not like we won’t be getting back together.” “Of course, we won’t!” “Yeah right, like that one time last June night, you
‘broke up’ with me over text only to take back what you said three hours later. Three hours. A three-hour cool-off, May. Wow.” “Okay. Whatever.” I reply delaying the inevitable. But in an attempt to delay the end, I delay the start by refusing to make any direct or immediate decisions. Maybe it’s because I hate endings. Just let things fly, wing it, hope for the best as in hope for whatever the outcome is exactly what I want. But when I don’t know what I want, surprisingly. No one else does either. “And I don’t worry that much.” “Bakit? You don’t think I would choose a young and wealthy businessman in Benavidez over you? Where’s this confidence coming from?” “E kasi we’ll see each other in class. We have Sociology 421. We have school. We have our beliefs. We have the streets. We’ll meet. It’s inevitable. We’re endgame.” Upon the waitress’s tofu-less return I discover that it was a dinner sans the chopsticks. “Sabi ko sa’yo they don’t have chopsticks e.” Is this what they call a conundrum? I don’t think so. But if it is, then it’s time to end the loop. Hoping more that this counts as a decision rather than a correct Filipino sentence, “Turo mo ako magkutsara.” And we giggle at the thought of that.
issue 1: digmaan / 115
116 /
photo: Parallax
Pippo issue 1: digmaan / 117
118 /
REM
Lightyears
Kung tatanungin mo ako kung bakit kita nagustuhan, kahit na alam kong maliit ang posibilidad na magustuhan mo ako pabalik. Sasabihin kong wala lang, kusa ko lang naramdaman, baka nga imbis na sagutin kita ay tanungin pa kita pabalik, na ikaw, ano ba ang posibleng sagot sa tanong mo?
Nakatitig nanaman ako sa bintana ng mga pangarap Hindi lang para ambisyunin ka. Kundi para tanungin ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon hanggang sa puntong ito, bintana pa rin ang kapalitan ko ng emosyon at hindi ikaw. Nikotin at alkohol nanaman ang gasolina. Pagbibilang nanaman ng oras ang pampalipasoras. At sa kalagitnaan ng paspasang tagisan ng puso’t isip, hahalik sa akin ang hangin na may dalang kahibangan, at may sukbit na panghihinayang. Kahibangan sapagkat nakatitig ako sa ‘yong kagandahan na nakapinta sa langit, panghihinayang sa katotohanan na ikaw at ang iyong ngiting matagal ko nang gustong maangkin ay kasing layo ng mga bituwin sa akin. Kasing layo ng mga bituwin sa isa’t isa. Kasing layo ng isang dipang tao. Kasing layo ng magkadikit nating mga braso. Malayo, mahirap marating. Ngunit posible.
Sasabihin kong wala lang, kusa ko lang naramdaman, kahit pa ang totoo, ikaw kasi ang imaheng nadadala ko sa aking mga panaginip, ikaw ang una kong iniisip sa umaga, ikaw ang huli kong iniisip bago ako pumikit. Iba ang epekto mo sa isip ko. Hindi pa ko natututong uminom ng alak, nalasing mo na ‘ko.
Daig mo pa ang Chem Napuyat na naman ako, bagay na nakasanayan ko na. Napuyat na naman akong mag-isa sa kabibilang at kasusukat ng distansya sa pagitan nating dalawa. Kakabasa ng mga dahilan, kung bakit mula sa mga pangako mo, nagawa mo kong iwanan. At hindi ko rin alam, kung hanggang saan, o kung hanggang kalian ko pag-aaralan ang mga rason at mememoryahin ang mga dahilan. Wala na kong ideya, kung gaano pa kadaming puyat at pagod ang kailangan kong gugulin upang maisaulo ko lang, ang mga iniwan mong kataga, “Ayaw ko na.� Tatlong salita. Walong letra. Ayaw mo na, at gusto ko na rin sanang tanggapin. Ngunit bakit ang hirap kabisaduhin? Ayaw mo na, ayaw mo na, at kahit ilang libong beses kong ulit-ulitin, hindi ko maikakailang gusto ko pa. Gustong-gusto. Kaya handa akong ituloy to, kahit ako nalang magisa. Pumayag ka sana.
issue 1: digmaan / 119
120 /
Kape, plakard, at batuta
at mga bagay na tanging mangingibig lang ang nakakaunawa Hindi ang kape mo sa umagang hinihigop sa paggising. Kundi ang mga alaalang may tamis at pait, at init at halik. Hindi sa tasang nagpapainit ng mga palad mo sa gabi, bago ka matulog. Kundi ang katawang kumukubli sa lamig sa madaling araw, bago sumikat ang araw. Hindi ang usok na may dalang pampakalmang aroma, kundi ang nililikha nating apoy sa hangin sa loob ng ating kwarto, at sa pagitang ng bawat selyula ng ating mga dugo. At hindi rin ang mga patak na nagmantsya sa damit mo sa dibdib, sa ibabaw ng ‘yong puso, Kundi ang iyong mismong dibdib kung san nakatago ang yong pag-ibig. Pag-ibig sa akin, pag-ibig sa iba, pag-ibig sa bayan, pag-ibig sa lipunan. Kaylan kaya kita makakasama sa tanghali, hindi lang sa umaga pagkagising o sa dilim bago matulog. Sapagkat nagseselos ako sa mga hawak mong plakard, ipinaglalaban sa tuwina, itinataas sa pinakamainit na temperatura, sa tanghali, sa araw, sa harap ng bayan. Naiinggit ako, sa pulang laso mo sa ulo, nakahalik
sayong noo, madalas pa sa pagyakap ko sayo. Napopoot ako, hindi sayong hangarin, kundi sa mga tubig na bumabarikada sayong mga pagsigaw, sa tanghali, sa araw, sa harap ng bayan. Napopoot ako sa sitwasyon. At napopoot ako sa sirskumtansya. Napopoot ako sa umaga, ‘pag aalis ka nang maaga, napopoot ako sa gabi pag uuwi ka nang hating gabi, dala’y amoy pawis, amoy ng kabiguan, amoy ng kalayaan. Amoy kong hinahanap-hanap sa kama, sa banyo, sa sala. Hinahanap ko sa tasa, sa kape, sa alaala. Naiipit ako sa gitna. Sa gitna ng ikaw at ako, sa gitna ng mga segundong wala ka sa tabi ko, sapagkat di kita maitali, o maangkin, o maagaw, sapagkat pinapili mo ako noon, at inihain ang sitwasyon. Alam ko, pangalawa lamang ako, pangalawa sa inibig mo. Ngunit sana, sa tuwing ibinubuwis mo ang dugo sa kalsada at pawis sa hangin, sa tuwing iniaalay mo ang prinsipyo sa hampas ng batuta at sakit ng sikmura, alalahanin mong inaalala kita, isapuso mong nasa puso kita‌
Kagabi, habang pinagmamasdan kita sa pagtulog, sinamantala ko ang pagkakataong walang nakatali sayong noo, hinalikan kita at ipinanalangin. Muli, dumampi sa aking labi ang pinakamasarap na lasa ng ‘yong pag-irog. Pag-irog sa akin, pag-irog sa iba, pag-irog sa bayan, pag-irog sa lipunan.
Sana Sana sa huling araw ng mundo, makita ko kung paano natin narating ang mga pangarap na matagal nating tinititigan sa mga ulap. Masilayan ko man lamang sana na humiwalay mula sa hanay ng poot at kirot ang mga alaala kong nabuo kasama ka. Makarinig lang ako ng awiting ang liriko ay hindi patungkol sa mga nabaling pangako at pag-ibig na nawasak‌ Ngingiti ako, at bibitiw, bibitiw at hindi na babalik pa.
issue 1: digmaan / 121
122 /
photo: Sophrosyne
Liham, lihim, at lagda May 12, 2016 Sumusulat ako ng mga liham at wala akong kasiguraduhan kung mababasa mo ang mga ito. Alam kong wala itong pinagkaiba sa pagsuong natin sa mga dagat ng kawalan at ulap ng pagkaligaw. Hindi ito malayo sa mga kaduwagang pilit nating itinatago sa tapang. Ang mga sulat na ito, kalakip ng mga lihim na emosyon at tagong konsepto ng kaligayahan, ay alam kong may posibilidad na hindi mo masilayan, ngunit magpapatuloy ako. Bukas ako sa katotohanang sa ngayon ay sarado pa ang lahat. Nakakulong pa ang kinabukasan ko sa mga liham na bukod sa akin ay wala nang iba pang nakakakita kundi ang pananampalataya kong bukas, sa isang linggo o kahit ilang taon pa ang lumipas ay mababasa mo ang mga ito. Mababasa at mauunawaan, mauunawaan at paglalaanan ng atensyon, kakabitan ng emosyon at bibigyan ng kahulugan. Tinanggap ko na ang maaari kong pagkabigo sa iyo. Dahil nagsimula naman ako sa isang ideya ng pagtatapos na maaaring hindi ako magtagumpay, ngunit magpapatuloy ako. Tutuloy ako, at hindi ako titigil na sumulat nang sumulat hanggang marating ng mga ito ang iyong paningin, hanggang makarating ito sa iyong pandinig, hanggang mapasok ng mga ito ang ‘yong puso. Magpapatuloy ako. Patuluyin mo sana ako.
issue 1: digmaan / 123
124 /
Hindi tayo malaya Kumakaripas ng takbo ang mga ideya sa aking isipan, nagkukumpulan ang mga tanong, naglipana ang kalituhan. Nagkakalipunpunan kasi sa tainga ko ang mga pagbating kalayaan na hindi matanggap ng sistema ko. Hindi ako naniniwala, na lumaya tayo. Gusto ko sanang kumbinsihin ang sarili ko, pero hindi… may kung anong elemento sa isip ko na nagsasabing ‘sandaan at labing-walong taon ang nakalipas, may maling balitang lumaganap sa bayan… malaya na raw tayo mula sa espanya. Mula sa salitang-ugat na Laya, na umusbong sa ‘di mabilang na sanga ng mga kwentong kasarinlan, hindi pa rin ako naniniwala, dahil kung tunay at totoo at walang halong biro, bakit magpahanggang sa ngayon, kalayaan pa rin ang binibigkas at isinisigaw ng mga uhaw na lalamunan sa ‘di masukat na kalyeng bilangguan. Hindi tayo lumaya. Sapagkat hindi birong makamit ang kalayaan, napatunayan ko ito nung makilala kita. Maliban kasi sa kalayaan ng bayan na matagal ko nang inuusal sa gabi bago matulog, o isinusulat sa papel gamit ang mga pananaw kong hindi dinig ng mundo, nais ko rin sanang makalaya sa sarili ko. Kung pwede lang, sana. Dahil matagal na akong bilanggo ng mga takot ko, ng mga tanong ko, ng aking mga walang basehang pag-aalinlangan sa tuwing ikaw ang paksang
tinatalakay ng puso ko’t isipan. Napapagod na ko, na planuhin sa loob ng kwarto ko kung paano magiging malaya sa’yo, pero maniwala ka, hindi kasali sa mga planong ‘yon ang ideya ng pagsuko. Sapagkat gusto ko ring lumaban, gusto ko rin sanang ibuwis ang prinsipyo ko sa paniniwalang may pag-asa tayong dalawa, gusto ko rin sanang sumugal kagaya ng mga bayaning ipinakilala sa atin ng mga librong pangkasaysayan. Lalaya ako. Sa oras na masabi ko sayo ang mga laman ng puso ko, sa oras na mabigkas ko sayo ang mga pinakatatago kong lihim, ako mismo ang magdedeklara ng kalayaan.
Umaambon yata kagabi Kagabi nang maulinigan ko ang mga lagitikan sa yero, muli ay nabahala ako. Sapagkat alam kong nagpapaulan nanaman ng bala ang mga ulap. Mga balang isa-isang susundo sa aming mga nalalabi. Nag-eempake na ako kagabi, upang kung saka-sakali’y wala akong maiwan, ngunit hindi, hindi ko madadala ang amoy ng aking tahanan, amoy ng kahapon. Hindi ko rin pala maibubulsa ang mga hapding pinagsaluhan natin sa harap ng dalawang tasang kape, gayundin ang mga gabing pinintahan natin ng umaga. Nag-eempake na ako kagabi, ngunit hindi,hindi ko na itinuloy kahit binabayo na ng mga patak ang ating kalawanging bubong, sapagkat ikaw, ang alaala mo, iyon na lamang naman ang dapat kong dalhin. At matagal ko na ‘yong dala. Buhat nang itinayo natin ang bahay, hanggang binigyan mo ako ng mga anak, hanggang niregaluhan ko kayo ng kabaong at hanggang mapatid ang bukas. Ito na, tumataas na ang tubig at burak, sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaan pang makaligtas ang sarili ko. sa pagkakataong ito, Tuluyan na’kong magiging malaya.
issue 1: digmaan / 125
126 /
May sasabihin sana ako Hindi ko alam kung anong iniisip mo sa tuwing mahuhuli mo akong nakatitig sayo, at sa tuwig mangyayari ‘yon, magngingitian lang tayo at kunwaring babalik sa pakikinig sa klase, kahit pa alam naman nating ang mga isip natin ay nasa isa’t isa na. Ewan ko kung anong nararamdaman mo sa tuwing tumatawag ako sa kalagitnaan ng gabi para lang makipagkuwentuhan sayo ng mga kwentong kawalan at istoryang antok, tinatanong mo ako kung anong gusto kong pag-usapan natin, ngunit wala, sinasabi kong gusto ko lang na marinig ang boses mo. Tuwing kakain tayo, hinahampas mo ko sa tuwing nakatulala ako sayo, sa tuwing nakatutok ako sa bawat kilos mo, sa tuwing naka-antabay ako sa bawat mong pagnguya. Paulit-ulit kitang kinukulit na mag-usap tayo, kahit pa mauubos lang naman ang oras sa pag-iisip ng kung anong bagay ang pwede nating pag-usapan. Palagi, paulit-ulit, nahuhuli mo akong nakasubaybay sayo na parang lumulutang sa mga ulap ang isip. “Ganun mo ba talaga ko kamahal? Wala ka nang ginawa kundi tumitig.” Tanong mo sa akin. Tapos susundan ng tawa, saka ng hampas sa braso. Tatawa din ako, kasunod ang “Gago.” Pero sana lang alam mo, sana lang may paraan na
malaman mo, na sa lahat ng oras na tinititigan kita ay nag-iisip akong mabuti, sa tuwing tatawag ako sa gabi ay may nais akong sabihin na matagal ko nang gustong ipaalam sa’yo. Sa tuwing kakain tayo at sa tuwing mag-kukwentuhan, mayroon naman talagang paksa na matagal na dapat nating pinag-usapan, ‘yon ay kung paano nga ba tayo humantong sa ganito katagal, gayung hindi naman kita mahal. Hindi naman kita minahal. Maniwala ka.
Yabag Sa tuwing niyayaya kitang maglakad, tinatanong mo ko kung saan tayo pupunta, at sinasabi kong wala, gusto ko lang mag-ikot-ikot. Minsan, kahit alam kong ayaw mo, napipilitan ka na ring sumama, kaya salamat. Hindi dahil pinagbigyan mo ako, kundi dahil may naibibigay ka sa’king kung ano sa tuwing maglalakad tayong dalawa. Binibigyan mo ko ng karanasang lakarin nang may ibang kahulugan ang mga blangkong pasilyo, ipinaparanas mo sa’king maglakad sa ibang anggulo ng mundo. Wala akong kongkretong sagot sa tanong mong saan tayo pupunta, pero may malinaw akong rason kung bakit ikaw ang pinipili kong kasama. Kaya mapansin mo sana, na hindi saan kundi sino ang gusto kong puntahan. Gusto kong pumunta sa’yo, salamat sa pagsama.
issue 1: digmaan / 127
128 /
photo: Sophrosyne
ParaLLaX issue 1: digmaan / 129
130 /
issue 1: digmaan / 131
132 /
issue 1: digmaan / 133
134 /
issue 1: digmaan / 135
136 /
issue 1: digmaan / 137
138 /
CharLotTe issue 1: digmaan / 139
140 /
issue 1: digmaan / 141
issue 1: digmaan / 143
144 /
issue 1: digmaan / 145
Lilybeth Palon
Marius Carlos, Jr.
Van Keyl Guevarra
Renzo Armand Pancho
Rico Neil Quierrez
Stanley Dalagan
Shyril Lumibao
Lyn Lastimosa
Allysa Gale Eugenio
Krizel Cunanan
Vincent de Guzman
Angel Joyce Fajardo
Harold dela Rosa
Adrian delos Santos
Jerome Amarado
Elijah Thomas Lampa
Arkin Frany
Jubelle Legaspi
Federico Cervantes
John Paul Dizon
Geoffrey Navea
Karlo Villanueva
Jim Barry Bendoy
Marah del Rosario
KATASTROPIYA COLLECTIVE Katastropiya Collective is a gathering of Neoecijano writers and artists residing in the province or in diaspora. It aims to arouse its audience to the struggles and social issues of the times through literature that is close to the heart of millennials. Katastropiya Collective is committed to its political causes, expressing our conviction through our works. We believe it is the writer’s obligation not to separate himself from the society in which he belongs. Join us in using weapons in the form of words, made out of words, words that lacerate the mind, words that heal the heart, words that condemn, words that demand change. Follow us on our social media: facebook.com/KatastropiyaCollective @katastropiyacollective @KatColNE